BENDIJO: Secretary Roque, magandang umaga po.
SEC. ROQUE: Magandang umaga, Aljo. At magandang umaga buong Pilipinas.
BENDIJO: Inaabangan kung ano po ang magiging quarantine dito po sa Metro Manila. May recommendation na yata ang Metro Manila Council sa IATF na isailalim, ituloy lang sa General Community Quarantine ang Metro Manila, inaantabayanan lang kung magiging 15 or thirty days. Reaksiyon ninyo po dito, Sec.?
SEC. ROQUE: Well, nag-uusap pa po kami sa IATF. Totoo po na kagabi nagkaroon po ng meeting with the Metro Manila mayors at totoo po na ang sabi nila ay GCQ; pero ngayon po, mayroong nagaganap na usapin pa rin sa IATF, ngayon po as I speak.
BENDIJO: Opo.
SEC. ROQUE: At may mga ibang nagsasabi na baka pupuwede ng ma-MGCQ ang Metro Manila kasi nga 60% ng ating GDP ay nanggagaling dito sa Metro Manila. So, pinag-uusapan pa po nila, tinitingnan po iyong critical care capacity, tinitingnan po iyong case doubling rate at malalaman po natin maya-maya lamang po, mag-iinspeksiyon lang si Presidente.
BENDIJO: Opo.
SEC. ROQUE: Pero [garbled] pinag-uusapan sa IATF.
BENDIJO: So, maya-maya malalaman natin kung GCQ or MGCQ at kung ilang araw po, Secretary?
SEC. ROQUE: Actually, si Presidente po ang mag-aanunsiyo pero sa ngayon po, wala pang fixed na rekomendasyon ang IATF para sa Pangulo bagama’t ang rekomendasyon ng mga mayors po ay manatili sa GCQ pero mayroon pong kaunting pagluluwag at naiintindihan ko po na iyong mga mayors po ang recommendation nila iyong curfew gagawin muling ten o’ clock from eight o’clock except po for Navotas na hindi umano ay magri-retain pa rin ng 8 P.M. So, iyan po ang latest na [unclear].
BENDIJO: Opo. Ito po, ten o’clock ng gabi hanggang ala singko. Sa tingin ninyo po eh papayag dito ang Presidente?
SEC. ROQUE: Ano naman po iyan eh, desisyon naman po iyan ng mga lokal na pamahalaan.
BENDIJO: Opo.
SEC. ROQUE: So, sa buong Metro Manila po parang iyan po ang gagawin nila; kaya lang iyong mga siyudad na kinakailangan baguhin na naman po iyong ordinansa nila, ilan po diyan ay iyong Manila, iyong Pasig at kung hindi po ako nagkakamali Muntinlupa ‘no. So, hindi agaran kasi mayroon silang ordinansa na kinakailangan amyendahan. Samantalang iyong mga ibang lokal na pamahalaan ay binigyan na po ng kapangyarihan iyong mayor na magbago ng curfew hours sa pamamagitan ng executive order lamang.
BENDIJO: Maiba po tayo, Sec. Dapat bang ikabahala ng taumbayan ang kalusugan o itong tinatawag na President’s health matapos… iyon na nga, lumalabas sa mga bali-balita, mga fake news. Matatapos ba ng Pangulo na siya po ay malusog at tila parang kalabaw magtrabaho beyond his term?
SEC. ROQUE: Malusog po pero malakas pa nga sa kalabaw. Nagpumilit na, nagpunta na po ng Jolo muli at narito na po siya muli sa Metro Manila at magpupulong nga po kami mamaya sa kaniya at siya po ang mag-aanunsiyo kung ano ang mga classification galing na po dito sa Maynila. At sa linggong ito ay mayroon din siyang appointment sa isang international event, iyong Aqaba Process na sinimulan po ng Hari ng Jordan.
BENDIJO: Sa isyu naman po ng PhilHealth, i-aanunsyo ba ng Pangulo ngayong araw ang bagong mamumuno po ng PhilHealth at ano po iyong mga qualifications na tinitimbang ng maigi ng Pangulong Rodrigo Duterte, Secretary?
SEC. ROQUE: Well, tingin ko po, dapat iyong bagong pinuno ay talagang walang bahid ang pangalan at zero tolerance din sa kurapsyon pero at the same time, alam niya ang batas, alam niya po ang accounting, alam niya ang actuarial at saka alam niya po iyong kahit papaano iyong public health. So, malaking paghamon po ang pagpili sa susunod na PhilHealth dahil napakadaming kwalipikasyon na inaasahan po sa bagong PhilHealth president.
BENDIJO: Ratsadang question na lang po ito, Secretary, alam ko nagmamadali kayo. Mai-extend ho ba ang trabaho ni PNP Chief Archie Gamboa bilang hepe ng PNP o may papalit na sa kaniya on September 2, batay iyan sa rule of succession?
SEC. ROQUE: Hintayin na lang po natin kung anong sasabihin mamaya ni Presidente. Sa tingin ko po ay magiging kabahagi iyan ng kaniyang mensahe sa ating taumbayan.
BENDIJO: Mensahe na lang po, Secretary Roque, sa atin pong mga tagapakinig at tagapanood.
SEC. ROQUE: Well, Aljo, siguro po sa ating mga kababayan, alam ninyo po ang mga kritiko natin ay wala na pong magawa sa buhay nila. Ang ginagawa po nila ay ina-attempt po nilang i-destabilize ang ating gobyerno sa pagkalat ng mga fake news tungkol sa kalusugan ng ating Presidente. Iyan naman po ang dahilan kung bakit lingo-linggo po ay nagtatalumpati ang Presidente sa taumbayan para makita ang kaniyang estado ng kalusugan.
Ang aking mapapangako po bilang isang abogado, ang ating Presidente po ay sumumpa bilang isang abogado, bilang isang Presidente na itataguyod ang ating Saligang Batas. Ang sabi ng Saligang Batas kung mayroong [garbled] karamdaman, iyan ay ipagbibigay-alam sa publiko. Ibig sabihin, kung hindi naman po malubha ay wala po siyang kinakailangang i-report sa publiko.
So, magpanatag po tayo ng ating loob. Wala pong problema sa kalusugan ng Presidente at kung mayroon man ay ipagbibigay-alam po iyan sa ating taumbayan dahil [garbled] lahat po ng [garbled] ng ating Presidente.
BENDIJO: Maraming salamat po, Secretary Harry Roque, tagapagsalita ng Palasyo ng Malacañang at IATF-EID.
Thank you po!
SEC. ROQUE: Maraming salamat! Magandang umaga po!
###
—
SOURCE: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)