Interview

Interview with Presidential Spokesperson Harry Roque by Erwin Tulfo and Ferdinand “Bongbong” Marcos (Radyo Pilipinas – Tutok Tulfo Reloaded)


Event Media Interview

SEC. ROQUE: Magandang umaga, Pareng Erwin. Magandang umaga, Sen. Bongbong. At magandang umaga, Pilipinas.

TULFO: Sir, iyon na nga, iyong pagdalaw po ng Pangulo sa Jolo, Sulu, iyong paghalik po niya sa lupa bilang paggalang, respeto at pakikipagdalamhati sa mga namatayan doon daw mismo sa blast sight. Pero mukhang hindi po nagustuhan ng ilang mga oposisyon at ginawa pang katawa-tawa iyong naging aksiyon ng Pangulo. Ano po ang reaksiyon ng Pangulo dito, Secretary?

SEC. ROQUE: Hindi na po binibigyan ng pansin iyong mga sinasabi ng mga oposisyon na wala naman pong isyu na mailabas laban sa ating Presidente. Pero malinaw po sa mga tiga-Jolo na napakagandang gesture po iyong ginawa ni Presidente  — ito po ay simbolo ng pagmamahal, simbolo ng kapayapaan, simbolo ng pagkakasunduan at simbolo po ng pagrespeto doon sa mga binawi ang kanilang mga buhay sa pinakakarumaldumal na pamamaraan.

TULFO: All right. Secretary, isa pa po before I turn you over to my partner here, kay Senador Bongbong. Sir, kahapon ay in-appoint na ng Pangulo si dating NBI Director Gierran as PhilHealth Chief, Secretary.

SEC. ROQUE: Tama po iyan. Ang problema po ng PhilHealth ngayon ay korapsiyon so ang itinalaga po ng Presidente ay hindi lang isang abogado, hindi lang imbestigador kung hindi isang CPA din. Dahil alam naman natin na itong nangyayari sa PhilHealth, ito po iyong mga tinatawag nating white collared crimes ‘no. Ito po iyong mga krimen na ginagawa ng mga pinakamatataas na mga opisyal diyan at kinakailangan talaga iyong accounting familiarity ‘no. Kaya tingin ko nga po, si Director Gierran ang siyang pinaka-qualified para labanan po ang korapsiyon diyan sa PhilHealth.

TULFO: Partner?

MARCOS: Yes. Good morning, Sec. Harry. Itatanong ko lang dito sa appointment ni Director Gierran, now President ng PhilHealth, ano bang mandate na ibinigay sa kaniya dahil kahit pa alam natin, lahat ng tao ay hinihintay na maimbestiga, malaman kung ano ba talaga ang nangyari sa pera diyan sa PhilHealth. Ngunit importante rin at the same time na maipatakbo iyong PhilHealth ng maganda, not only the investigation doon sa katiwalian kung hindi pati iyong actual na operation ng PhilHealth dahil kailangan na kailangan sila ngayon. Is that part of the mandate that the Presidente gave now President Gierran of PhilHealth?

SEC. ROQUE: Kasama po iyan ‘no. Pero dahil ang sinabi po ni Presidente dahil ang natitirang dalawang taon sa kaniyang termino ay talagang iimbestigahan ang hanay ng PhilHealth. Importante po iyong paglilinis sa PhilHealth ngayon dahil kapag hindi po natin nalinis iyan, talagang hindi po magagamit iyong kaban na nakalaan para sa kalusugan ng lahat para sa ganitong pamamaraan, at hindi po magtatagumpay ang ating naisulong na Universal Healthcare.

So sa tingin ko po, ang pagtatalaga kay Director Gierran, ito po ay isang mensahe na seryoso ang Presidente sa paglilinis at sisiguraduhin po niya na tatanggalin ang korapsiyon nang mapunta po sa taumbayan iyong libreng paggamot at libreng gamot.

MARCOS: Thank you, Sec. Harry.

TULFO: All right. Secretary Harry Roque, sir, maraming, maraming salamat po for joining us this morning. Thank you po.

SEC. ROQUE: Maraming salamat, Pareng Erwin. Maraming salamat, Sen. Bongbong.

 

###

 

SOURCE: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)