USEC. IGNACIO: Magandang araw sa lahat ng mga nakasubaybay sa ating programa ngayon sa loob at labas ng bansa, at sa lahat po ng nakatutok sa ating online streaming. Ako po ang inyong lingkod, Usec. Rocky Ignacio mula sa PCOO.
Good morning, Aljo.
BENDIJO: Magandang umaga, Usec. Rocky. At ako naman po si Aljo Bendijo pansamantalang hahalili kay PCOO Secretary Martin Andanar at kasama ninyong magbabalita sa mga pinakauna at mga napapanahong mga balita tungkol sa paglaban natin sa COVID-19.
USEC. IGNACIO: Lagi po nating paalala sa lahat na ugaliing magsuot ng face mask, mag-sanitize, i-observe ang physical distancing sa mga kasama at kung wala naman pong importanteng lakad ay manatili na lamang po tayo sa ating mga bahay. Kaya po basta’t laging handa at sama-sama, kaya natin ito.
Simulan na natin ang Public Briefing #LagingHandaPH.
As of 4 P.M. kahapon, August 31, 2020 ay nakapagtala ang Department of Health ng karagdagang 3,446 reported COVID-19 cases sa bansa na sa kabuuan ay umabot na sa 220, 819 na kaso; 59,699 po sa bilang na iyan ay nananatiling active cases. Nadagdagan naman ng 165 ang bilang ng recoveries o mga gumaling mula sa sakit na sa kabuuan ay umaabot na sa 157, 562 habang 38 naman po ang nadagdag sa mga nasawi, na sa kabuuan ay nasa 3,558 na.
Kahapon po ay bahagya namang bumaba ang COVID-19 cases na naitala kung ihahambing sa mga nakalipas na araw.
Ang NCR pa rin po ang pinanggagalingan ng pinakamataas na kaso. Kahapon lamang po ay 1,900 cases naman ang nadagdag. Sumunod sa talaan ang Laguna na may 163 new cases. Hindi naman po nalalayo ang Cavite na nakapagtala ng 161 cases. Pasok pa rin sa listahan ang Leyte na may 155 cases at ganoon din po ang Pampanga, with 116 new cases. 27% naman ng total cases ang nananatiling aktibo, katumbas po ito ng 59,699. Hindi na po kasama diyan ang bilang ng mga gumaling at pumanaw dahil po sa sakit.
BENDIJO: Malaking bahagdan pa rin sa mga aktibong kaso o 91.3% ang mild cases; nasa 6.2% naman ang walang sintomas, samantalang 1% ng active cases ay severe at 1.5% naman ang nasa kritikal na kondisyon.
Samantala, muli po naming paalala sa lahat na maging BIDA solusyon sa laban na ito kontra COVID-19. Ugaliin ho ang pagdi-disinfect ng inyong kapaligiran. Siguraduhin na malinis at virus-free ang mga bagay na madalas hinahawakan. I-disinfect ang mga ito gamit ang 0.5% bleach solution. Madali lang po itong gawin. Ihalo lamang ang isang bahagi ng bleach solution sa siyam na bahagi ng malinis na tubig. Gamitin ito sa pagdi-disinfect ng mga door knobs, susi, cellphone, ibabaw ng lamesa at iba pa. Mga simpleng paraan lang pero malaki ang maitutulong para labanan ang COVID-19.
USEC. IGNACIO: At para po sa inyong mga katanungan at concerns tungkol sa COVID-19, maaari ninyo pong i-dial 02-894-COVID o kaya 02-894-2683. Para naman po sa mga PLDT/Smart/Sun and TNT subscribers, i-dial po ang 1555. Patuloy rin kayong makibalita sa mga pinagkakatiwalaang sources ng impormasyon tungkol sa COVID-19, maaari ninyo pong bisitahin ang COVID19.gov.ph.
BENDIJO: Para naman sa ating mga balita.
Bagong community quarantine measures sa iba’t ibang bahagi ng bansa, inanunsiyo ni Pangulong Rodrigo Duterte kahapon. Base sa naging pagpupulong ni Pangulong Duterte at mga miyembro ng Inter-Agency Task Force (IATF), mananatili sa ilalim ng General Community Quarantine (GCQ) ang kalakhang Maynila kasama ng mga probinsiya ng Batangas, Bulacan at lungsod ng Bacolod at Tacloban.
Ang Iligan City naman sa Mindanao ay nakapailalim sa Modified Enhanced Community Quarantine dahil sa patuloy pa ring pagtaas ng bilang ng COVID-19 cases sa siyudad. Habang ang natitirang bahagi ng bansa naman ay isasailalim sa Modified General Community Quarantine.
Ang bagong quarantine measures na ito epektibo mula September 1, ngayong araw na ito, hanggang September 30, 2020.
USEC. IGNACIO: Kaugnay niyan ay muling nagpaalala si Senator Bong Go sa sambayanang Pilipino na maging responsable at mapagmatyag upang tuluyang masugpo ang COVID-19 sa bansa. Aniya, wala pang bakuna sa sakit na ito kaya naman dapat lang na patuloy sundin ng publiko ang mga patakaran ng pamahalaan kagaya po ng pagsusuot ng face mask, physical distancing, at paghuhugas ng kamay lalo ngayon na unti-unti na pong pinapayagan ang pagbubukas ng mga negosyo kagaya po ng gyms, tutorial centers at grooming centers, internet cafes, at drive-in cinemas. Malaking bagay umano ang kooperasyon at pagmamalasakit sa bawat isa upang maiwasan ang panibagong pagtaas ng kaso ng COVID-19.
BENDIJO: Kasabay naman ng pag-aanunsiyo ng mga bagong quarantine protocols sa buong bansa ay itinalaga rin kagabi ng Pangulong Rodrigo Duterte si former NBI chief Dante Gierran bilang bagong pinuno, bagong pangulo ng PhilHealth kapalit ni Ret. Brig. Gen. Ricardo Morales na nagbitiw sa kaniyang puwesto noong nakaraang linggo. Inaasahan naman na sa pag-upo ni Atty. Gierran ay muling mapapanumbalik ang tiwala ng taumbayan sa PhilHealth at magagamit sa tama ang pondo nito upang mabigyan ng maayos na serbisyo ang mga Pilipino pagdating sa sektor ng kalusugan.
Samantala ay kasama nating magbabalita rin mamaya si Ria Arevalo mula sa Philippine Broadcasting Services.
USEC. IGNACIO: Makakapanayam naman po natin sina president and general manager Rolando Macasaet po ng Government Service Insurance System (GSIS) at si Ambassador Demetrio Tuason ng Embassy of the Republic of the Philippines in Mexico.
BENDIJO: Kung may mga nais po kayong linawin sa ating mga resource person ay i-comment ninyo lang po iyan sa live stream ng PTV at sisikapin natin maipaabot sa kanila ang inyo pong mga concerns, inyo pong mga questions.
USEC. IGNACIO: Para po sa ating unang panauhin, makakasama na po natin si president and general manager Rolando Macasaet ng GSIS.
Good morning po, sir.
GSIS PRES. MACASAET: Good morning to all the televiewers. How are you today, Rocky?
USEC. IGNACIO: Mabuti naman po, sir. Salamat po sa inyong panahon. Kaugnay po sa pagsuspinde ng yearly reporting ng mga pensioner o itong annual pensioner’s information revalidation (APIR) para na rin po maprotektahan ang ating mga pensioner, maaari ninyo po bang ipaliwanag kung paano po ang magiging proseso nito ngayon?
GSIS PRES. MACASAET: Magandang tanong iyan, Rocky. Alam mo, Rocky, lahat po ng mga pensioners po natin ay required po sila on their birth months, all our pensioners po they have to come to GSIS po to show po proof of life. Dahil po sa nangyayari ngayon po eh sinuspinde po ito ng board of trustees namin headed by Chief Justice Bersamin na sabi nila sa amin kailangang suspendihin muna iyan para iyong ating mga high risk individuals lalo na po iyong mga pensioners natin, usually po they are sixty and above, hindi na po sila pumupunta sa GSIS. So, even ho hindi sila pupunta sa GSIS, iyong kanilang pension po ay itutuloy namin po kahit hindi sila magpakita sa GSIS from now until December 2020, Usec. Rocky.
USEC. IGNACIO: Opo. Sir, napakagandang ano po iyan… measure kasi mahirap talagang ipagsapalaran na iyong mga talagang sinasabi ng IATF na hindi maaaring lumabas. Pero hindi po ba ito magko-cause ng—maglilikha ng problema sa inyong records kung hindi kailangan ng proof of life ang inyong mga pensioners para sa taong ito at papaano ninyo po ito ginagawan ng paraan, GM?
GSIS PRES. MACASAET: After December, Rocky, you know what we’ll do, I have given instructions also, alam ninyo po itong mga empleyado ng GSIS talagang ang ginawa ho nila talagang proactive ‘no. Starting January po, tatawag po sila sa mga pensioners natin at tutulungan po nila na puwede silang mag-contact sa amin through Facebook, through Viber, through internet, through Instagram, lahat po ng paraan para lang ho ma-prove nila po na they are still okay. Kasi, Ma’am Rocky, I hope you understand the situation po, in the previous years po, there was a time po na-audit kami at nakita po na masyadong marami po na medyo – how do say it? – namatay na po, kumukolekta pa rin. At malaki po ang nalulugi ng GSIS kaya ho niri-require namin ito.
Pero by January po, kami na po ang mag-i-initiate, iyong mga tao ng GSIS na po, sila po ang mag-aasikaso nito nang maayos so that they can show proof of life pa rin po starting January po.
USEC. IGNACIO: Opo. Simula na rin po iyong pag-roll out nitong—opo. Sir, ito po, nagsimula na rin iyong pag-roll out ninyo po ng digitalization ng APIR na simula sa susunod na taon ay gagawin na nga pong online. Pero nakahanda po ba iyong ating sistema para dito?
GSIS PRES. MACASAET: Yes, Rocky, iyon ang ginagawa namin ngayon ‘no, ina-upgrade namin iyong system natin kasi, Usec. Rocky, ang pinaka … my biggest concern, Rocky, is the situation na magku-collapse iyong computer system ng GSIS. There was a time po na nag-collapse ito, around 2007. And very conscious na po kami diyan at sinisiguro ko po na hindi magko-collapse. So ina-update po namin iyon computer system namin po para maging online na talaga ito.
USEC. IGNACIO: Opo. Sir, tungkol naman po sa emergency loan program ng inyong tanggapan dahil alam po namin siguradong marami talaga ngayon ang nangangailangan ng pera o ng tulong mula sa GSIS. Dapat bang hanggang July lang ito or—pero in-extend ninyo po ba ito hanggang mid-August? And kumusta po iyong naging turnout nito? Sir, ilan po ang nakapag-apply ng loan?
GSIS PRES. MACASAET: Usec. Rocky, ganito po ‘no, iyong emergency loans namin, we launched this around April pa po of this year. Noong nagsimula po itong pandemic, inuna ko po itong emergency loans. Members could apply up to 40,000 each.
Ang nangyari po, up to August 12, ang umutang ho, if I’m not mistaken ‘no, about 15 billion pesos po ang na-release ng GSIS dito sa emergency loan program natin ho. Marami po ang nag-avail nito. So they were given about four to five months to avail of this, and I think last August 12 po ay hininto na namin po ito.
USEC. IGNACIO: Sir, bakit po hininto ito noong August 12?
GSIS PRES. MACASAET: Kasi, Rocky, I’ll be launching three different programs soon ‘no para lalong makatulong po sa mga miyembro natin. I don’t know, Rocky, if you’re aware of this, soon ho, siguro within this week or next week, ilo-launch din namin ho iyong computer loans that we will allow members teachers and members of GSIS ho to borrow up to 30,000 po. Ito hong computer loan namin designed po ito para … hindi lamang po sa mga teachers, pati po lahat ng government employees ay makaka-avail nito kasi po, with the new normal, iyong mga anak nila, iyong mga pamangkin nila, kailangan po itong computers kaya binigyan po namin sila ng bagong facility po para lalong makatulong sa ating mga miyembro. Usec. Rocky?
USEC. IGNACIO: Opo. Sir, hanggang kailan po nila puwedeng bayaran iyong loan na ito at magkano po iyong ibibigay ninyong interes sana?
GSIS PRES. MACASAET: Itong computer loan, payable over three years ‘no. More or less, Rocky, less than 1,000 a month lang ito, amortization, at saka 6% per annum. Ibig sabihin, one year, six percent lang.
Kasi sometimes, Usec. Rocky, nako-confuse iyong mga or naloloko iyong ibang teachers, sinasabi sa kanila ang interes ay three percent lang, sa GSIS six percent. Pero tandaan nila, lalo na itong mga teachers natin, na kapag sinabing three percent sa labas, three percent a month iyon. Ang ibig sabihin ng three percent a month is 36% a year. Sa amin, six percent a year lang so talagang mas mura ako sa GSIS umutang, Usec. Rocky.
USEC. IGNACIO: Opo. At least naging malinaw para sa lahat iyon na talagang six percent lang sa loob ng isang taon, talagang maliit po iyong interes. Pero bilang wala naman pong nakakaalam, GM, kung kailan po matatapos itong pandemic sa bansa, makakaasa po ba iyong ating mga members na magkakaroon pa rin po ng dagdag na … sinabi ninyo na nga po kanina na programa sa hinaharap ang GSIS para po talaga magpatuloy iyong matutulungan sila. Kasi hanggang ngayon talaga, GM, hindi natin alam kung ano ang mangyayari, kung hanggang kailan matatapos ang pandemic.
GSIS PRES. MACASAET: Ma’am Rocky, ganito ‘no, alam mo ang napansin ko talaga pati si Presidente, sila Secretary Dominguez, sila Speaker Cayetano, marami talaga ho ang nawalan ng trabaho ‘no. So ang ginawa po namin, concerned po kami na mayroon pong exodus of students from the private schools ho going to the public schools, at magkakaroon po ng sobrang estudyante ang ating mga public schools kasi nga po iyong mga parents na nawalan ng trabaho sa private sector – suwerte ho iyong nasa gobyerno po, medyo hindi po nangyari sa kanila iyon ‘no – so ang ginawa po namin, nag-institute po kami ng educational loan.
Ito pong educational loan, puwede po hindi lang anak ninyo pati pamangkin ninyo. Ibig sabihin, anak ng kapatid ninyo ay puwede ninyo rin tulungan. Pinakamagandang programa po ito, para po itong study now, pay later. Pero ito po ay 10-year loan, five years po ang grace period nito. Maganda po iyong five years sa grace period, ang ibig sabihin po noon, habang iyong anak ninyo ay nag-aaral, wala po kayong babayaran ni singko sa GSIS. At ang GSIS po will be willing to pay up to 100,000 pesos a year on tuition and other expenses. Say, one hundred on the first year … on the first semester—I mean, on the first year. One hundred on the second year; one hundred on the third year; one hundred on the fourth year, and you start paying your loan on the sixth year. So on the fifth year po, hopefully iyong anak ninyo tapos na or iyong pamangkin ninyo tapos na, at naghahanap po ng trabaho, on the sixth year po ay magsisimula po kayong magbayad – hindi lang kayo, kasama na po iyong anak ninyo para may katulong kayo sa pagbayad ng loan ninyo.
So uulitin ko, Rocky, ang pinakamaganda nito, wala na kayong iisipin during the first five years, ang GSIS na po ang magbabayad ng tuition ng anak ninyo. Ang isang kundisyon ko lang nito po, kasi po kailangan—ito, Rocky, very clear lang ito para lang klaro lang po tayo: Initially po, kailangan po mga 15 years member na kayo ng GSIS. By then ho, admittedly, kung 15 years na kayong miyembro, sigurado ako may anak kayo mga 16, 17, 18 na. Iyon pong mga iba po, eh wala pa naman po silang anak na college students po kaya hindi po muna namin … kasi po, pinuprotektahan ko rin po iyong funds ng GSIS. Kasi po, kapag 15 years na kayo po, entitled na kayo to a pension eh.
So alam ninyo po, mayroon ding pasaway, hindi nagbabayad eh so … Dati kasi po, ang daming past due, almost [garbled] Ayaw ko pong may past due ang GSIS kasi ito pong pera ng GSIS po, ginagamit po ito sa pension ng ating mga kababayan po, eh mahirap po na may past due. Kaya po binabalanse ko lang po iyong … to preserve the funds and also to be able to help our people, our members.
Salamat, Usec. Rocky. Go ahead.
USEC. IGNACIO: Okay. May nagtatanong po: Papaano daw po iyong gagawing pag-a-apply dito sa educational loan na ito?
GSIS PRES. MACASAET: Usec. Rocky, I will be launching it. Actually, it’s already approved by our board, Rocky, there are just legal requirements. You know, I have to publish the guidelines. The publishing it will require about, if I recall, Rocky, about 20 days. It has to be published in newspapers and all that. But hopefully, Rocky, within the end of the month of this month, I will be able to implement this already and they can go to all of our branches—I mean, they can do it online by the way, Rocky. And the funds will be made payable to the schools. The proceeds of the loan will go to the schools para ho mas sigurado kami na iyong pera ay ginagamit pala sa tamang paraan talaga, Rocky.
So by the end of the month, hopefully, we can implement this. May board approval na ako, Rocky, it’s just the details and the computer system. Kasi, Rocky, nationwide din ito ‘di ba so … iyon, iyon ang mga konting concerns or challenges ng GSIS tungkol diyan.
USEC. IGNACIO: At least sir, magiging maayos iyong sistema na talagang—‘di ba iniiwasan natin iyong—kailangan contactless at wala talagang sinasabing—
GSIS PRES. MACASAET: Contactless ‘to.
USEC. IGNACIO: Oo, para maganda. Pero kumusta naman po iyong actuarial life ng pondo ng GSIS considering nga po na nangangailangan talaga ng assistance? Marami po talaga ang nangangailangan sa inyong mga miyembro.
GSIS PRES. MACASAET: Usec. Rocky, ang actuarial life ng GSIS is one of the most safest if not the safest pension fund ‘no in the world today. We are—I think we are over—if I’m not mistaken Rocky, we’re about 27 years ‘no our pension, our fund today—no, I think about 30 years. So wala ho silang problema sa pera nila, inaalagaan namin nang maayos talaga ang pera because, Rocky, the money that GSIS has are for our widows and our orphans. So kami sa GSIS, lahat ng mga desisyon namin, we always have that in mind, the security of all our investments and most of our investments, Rocky, are really in helping – are designed to help our members and pensioners. Ma’am Rocky…
USEC. IGNACIO: Sir, marami pong nagtatanong tungkol naman po doon sa GSIS – Loan Transfer Program ng GSIS. Nag-resume na po ba daw ito at kung mayroon daw pong pagbabago sa mechanics nito o sa sistema nito?
GSIS PRES. MACASAET: Usec. Rocky, just a short brief lang ‘no. Alam mo Usec. Rocky, there was a time kasi lahat ng mga teachers – aminin na natin, well majority of them at saka government employees umuutang sa labas at sinasanla iyong kanilang ATM cards. I’m sure nababalitaan ninyo iyon ‘no, iyong mga empleyado natin. At kung umuutang sila sa labas, ang interes na binabayaran nila is about 30, minimum of 30% a year. Ang ginawa po namin sa panahon po ni President Duterte, ang inutos po sa amin na kailangan tulungan natin sila ‘no.
So ang tulong namin, nagpagawa kami ng programa, ang tawag namin GFAL – GSIS Financial Assistance Program. Ito, nakakautang ka sa GSIS up to P500,000. Ang interes nito Ma’am Rocky napakababa, 6% lang kumpara mo sa 30% sa labas. I want you to appreciate the difference Rocky in terms of absolute amount. If you borrow [garbled] payable over 6 years, you will probably pay around P21,000 amount at 30% a month. Sa GSIS ang babayaran is only P9,000. So ang laking diperensiya sa take-home pay.
So isipin mo 21 sa labas, sa amin 9 tapos may insurance pa iyon Ma’am Rocky. Ang ibig sabihin if anything happens to you, iyong mga anak mo hindi na mag-i-inherit nitong utang mo, babayaran pa kaagad ng insurance. So ito sinuspinde ko ito noong March ‘no. Ang totoo nito Usec. Rocky ang na-release namin dito almost 100 billion na at saka ang nakinabang mga 200,000 teachers and government employees ‘no. Ni-resume ko ito noong August 15 para ngayon nagsisimula na ulit, ang ginawa namin, puwede ito i-apply online. Pumunta sila sa gsis.gov.ph or pumunta lang sila sa amin, may drop box kami doon ngayon ‘no. I-drop box na lang nila iyong kanilang mga applications ipa-process din namin ito Ma’am Rocky. So wala po silang problema, contactless din po ito.
USEC. IGNACIO: Opo. Natutuwa kami doon sa mga sistemang ipinatutupad ninyo sir kasi talagang mararamdaman ng—I mean konting ginhawa po ang naibibigay nito sa ating mga kababayan na nakakaranas po talaga ngayon ng hirap dulot ng pandemic. So, paano naman po iyong financial literacy na component ng GFAL kung contactless nga po iyong method ninyo ngayon?
GSIS PRES. MACASAET: Usec. Rocky ganito ‘no, kasi napansin ko rin or namin, ng management ng GSIS, huwag sanang ma-offend iyong teachers. Alam mo Usec. Rocky, kapag marami kang pera lalo na kapag may kalahating milyon ka, nagiging marami kang kamag-anak at kaibigan. So maraming lumalapit sa kanila, kung saan-saan napupunta iyong mga pera nila.
So ang ginawa ng GSIS, gumawa po kami ng parang financial literacy seminar na tinuturuan natin sila, puwede nilang gamitin iyong pera kumuha ng franchise, puwede nilang gamitin iyong pera to setup a small business, whatever ‘no, sa agrikultura, to repair their houses, alam mo iyon. Kaysa naman ipautang nila sa iba na hindi naman sila nababayaran o kaya bumili ng mga branded na bag at saka t-shirts so mga kung anu-ano – sayang Usec. Rocky.
So iyong aming financial literacy, it’s nothing but a seminar that they used to attend physically. Ang ginawa namin dito ngayon Usec. Rocky, ano na siya, online na rin para matututo rin sila kung saan ginagamit iyong pera sa maayos na paraan. Salamat, Usec. Rocky.
USEC. IGNACIO: Opo. Sir, kunin ko na lang po iyong mensahe ninyo sa ating mga tagapanood at siyempre doon po sa mga miyembro ng GSIS.
GSIS PRES. MACASAET: Ito lang, ito sa mga panahon na ito, sometimes admittedly, Usec. Rocky, you have to shift from, you know going physically to GSIS and doing online is something tough for GSIS but we are very [garbled] organization. Sometimes Usec. Rocky, nadi-delay nang konti, sana patawarin ninyo kami doon. Well, hindi namin ma-avoid ito pero nira-rush talaga.
If you noticed Usec., iyong GFAL namin mahigit na dalawandaan libo na ang nakinabang ‘no, mahigit na isandaang bilyong piso na na-release namin. Iyong emergency loans namin, may almost 15 billion online ito Usec. ha, online. Up the time na quarantine, itong computer loans namin ilo-launch namin, iyon educational loan – lahat ito Usec. ano ‘to eh, online and it’s like the first time. We never thought that this will happen to us.
So there are some—you know, learning for—that is all I ask, a little patience sometimes. But we are doing our best to help you members and rest assured we are protecting your money. Ito po mandate po sa amin, ninyo, kayo nagbabayad ng suweldo namin at saka utos po ito ni President Duterte. Talaga po si President Duterte po ay nagmamalasakit talaga po sa atin, sa inyong lahat po kaya po itong mga initiatives naming ito ay sina-submit po namin ito sa President, niri-report namin sa kaniya po, kasi utos niya po ito sa amin. Maraming salamat, Usec. Rocky.
USEC. IGNACIO: Okay. Salamat po sa inyo sir, isa pong napakagandang mensahe ito at siyempre, na nanggagaling sa inyo iyong assurance po na talagang makakahinga rin kahit papaano iyong ating mga kababayan sa hirap na dala ng pandemic. Marami pong salamat sa inyong panahon, President and General Manager Rolando—
GSIS PRES. MACASAET: Usec. Rocky…
USEC. IGNACIO: Yes, opo.
GSIS PRES. MACASAET: Thank you. Kung gusto mo Usec. computer loan, ipa-process ko para may computer tayong bago [laughs].
USEC. IGNACIO: [Laughs] Ako po ay may nilakad sir diyan sa GSIS. Totoo po iyong sinabi ninyo, talagang aasikasuhin kayo at saka mabilis po. Salamat po, sir.
USEC. IGNACIO: A puwede akong magpasalamat in my dialect?
USEC. IGNACIO: Yes, go ahead sir.
GSIS PRES. MACASAET: Usec. Taga-Zamboanga ako eh. Buenas diaz con el de mio con poblanos de Zamboanga. I hope you are well. Stay safe and stay home. Stay safe ustedes alli. Gracias! Thank you.
USEC. IGNACIO: Salamat po and kumusta rin po sa mga taga-Zamboanga. Ang Presidente and General Manager Rolando Macasaet po ng GSIS. Sir, stay safe po. Mabuhay po kayo.
GSIS PRES. MACASAET: Thank you, Rocky.
BENDIJO: [Off mic] Kumustahin naman natin ang ating mga kababayan sa Latin America. Makakapanayam natin si Ambassador Demetrio Tuason ng Embassy of the Republic of the Philippines sa bansang Mexico. Magandang umaga po mula dito sa Pilipinas, Ambassador Tuason.
AMBASSADOR TUASON: Magandang umaga sa inyo. Naririnig ninyo ako?
BENDIJO: Opo.
AMBASSADOR TUASON: Okay. Magandang umaga sa inyong lahat. Good morning. Buenas diaz from Mexico.
ALJO: Opo. This is Aljo Bendijo, Ambassador. Ang Mexico po Ambassador ay nasa top ten sa may pinakamataas na kaso ng hawaan ng COVID-19 sa buong mundo at ikatlo naman sa may pinakamataas na death rates; ang dami pong namatay diyan sa… mga numbers na ito, Ambassador, ilan po sa ating mga kababayan diyan ang apektado ng COVID-19?
AMB. TUASON: Wala, wala namang nahawa sa Mexico; may isang nahawa sa Costa Rica. I will explain, puwede ko hong i-explain sa inyo ang puwesto ko sa Mexico.
Ang Mexico may isang jurisdiction, sampung bansa iyon – Mexico, mayroong Cuba, Dominican Republic, Nicaragua, Guatemala, Honduras, Costa Rica, Panama, Belize. Ang Pilipino population doon 1,867 sa lahat ng sampung bansa. Sa Mexico mahigit lang ng isang daan. Sa Mexico wala ni isang kaso, wala tayong ni isang kasong Pilipino na nagkaroon ng COVID. Pero sa Costa Rica, sinabi sa akin, kadarating lang ang report sa akin ngayon lang, itong araw na ito, may isang kaso, pero nasa bahay na siya, nakauwi na. Hindi seryoso ang hawa niyan.
Totoo nga na Mexico has one of the biggest contagion, umaabot na ngayon ng 600,000, pinakamalaking… third highest death rate na ngayon, pero Mexico, maraming mga diabetic, maraming mga obese at maraming may hypertension. So ang ibig kong sabihin dito na Mexico totoo nga na malaki ang mga kaso nila, maraming namatay, pero iyong mga active cases nila about 30 to 40,000 lamang and may population ang Mexico na 128 million, mga 15% more than the Philippines.
Pero iyong, talaga masasabi ko na, ginawa ni Presidente Duterte at ginawa ng mga opisyal dito. We took the best remedies, however, we need to start… may announcement ngayon na bubuksan ang mga negosyo, kailangang mabukas na ang mga negosyo.
Iyong number of cases, talagang aakyat iyan; more testing, more cases lalabas. Ito ang buong istorya ko last six months, naka-lockdown ako sa Mexico, nandito ako ngayon sa Maynila, I am on bereavement leave, namatay iyong kapatid ko last month, pauwi na ako, pabalik na ako bukas, aalis na ako.
ALJO: Opo. Nakikiramay po kami, Ambassador. Nabalitaan po namin na makikibahagi ang bansang Mexico sa clinical trials ng COVID-19 vaccines na galing sa Amerika, may galing sa China, may galing Russia at bansang Italya. Nagsimula na po ba ang naturang mga clinical trials, Ambassador; kung hindi pa naman kailan po ito balak simulan?
AMB. TUASON: Hindi ko masabi, hindi na-announce ng gobyerno ng Mexico, pero ang alam ko, ang sabi nila nag-joint sila sa mga ibang bansa sa Amerika at sa Europe, baka sa China rin at saka Russia. Pero ang ginagawa nila, nagko-cooperate lang sila sa mga nagde-develop ng bakuna. Siguro sa palagay ko, madali lang magta-trials na rin sa Mexico, sa palagay ko maybe in one month or two months mag-umpisa na rin ang mga trials doon. Pero ngayon, alam namin hindi pa nag-uumpisa doon sa Mexico.
ALJO: Okay. Dahil sa phase 3 pa rin po ang Mexico simula noong Abril, batay sa mga datos na lumalabas. Ambassador, anu-ano po iyong mga hakbang na ginagawa ng pamahalaan doon po sa Mexico para masiguro ang kaligtasan ng mga mamamayan pagdating naman sa ekonomiya?
AMB. TUASON: They are using the traffic light system – red ay equivalent siguro sa ECQ natin, iyong red light; iyong orange, ang tingin ko mga GCQ; tapos iyong yellow magiging low risk; at iyong green, bukas na ang lahat.
Ngayon nasa orange ang Mexico City. Pero ang Mexico malaking bansa iyon maraming mga estado – 32 states; iba-ibang mga regulation nila, ibang state, iyong mga cities nila, mga munisipyo nila. May lugar na walang COVID, libre sa COVID, may lugar naman marami namang COVID. Kaya hindi masasabing—lahat ng munisipyo mayroon din silang discretion kung ano ang level na ilalagay nila kung red light, orange, yellow, green, sila ang bahala maglagay niyan.
Sa Mexico City, doon ako tumitira sa Mexico City, doon orange na iyon. So, parang GCQ; puwede mong ikumpara iyan sa GCQ.
ALJO: Para po sa ating mga kababayan na nakatira, nagtatrabaho at nanatili sa bansang Mexico, Ambassador, anu-ano po iyong mga aksiyon ng embahada ng Pilipinas para matulungan iyong ating mga kababayan po doon na nangangailangan ng assistance at ano po iyong usually ang inilalapit nila sa embahada, mga concerns, mga problema?
AMB. TUASON: First of all, we are very few Filipinos in Mexico, pero ang maraming dumaan sa Mexico iyong mga seafarers, mga mariner ‘no. And they needed help at their employers, the manning companies and all of that took care of all their expenses. Right now, our embassy asking for a little help because there are few that we need to repatriate. However, only one that we know of has gotten COVID in all of our jurisdiction. Maybe luck maybe, maybe we don’t have all the information that we need but as far as we are concerned, Mexico zero and Costa Rica is one. But that one is home, he is not hospitalized.
So we are lucky, we have been spared of this terrible pandemic. However, Mexico is full of COVID cases. However, let’s say also that they only have 30-40,000 that are active, I am already repeating that one.
However, Mexico like I said has a very high death rate. Okay. So what are they doing about it, they are starting to open up business, just like we are doing here. We are very much, very similar to Mexico in the Philippines, we are opening up, nagbubukas na rin sila ng mga restaurant nila, lahat. This created a very, very big economic downturn for all the countries, everybody went into negative growth rate, the Philippines is going to suffer the same problem and as soon as we can get back to work, as soon as we can employ our people, as soon as we can start paying them their salaries, the sooner our economy will come back.
I think people should not be worried about the total number of cases, because that we keep on growing as we go on for month, after month, after month. It will keep on growing until we have the bakuna. Bakuna ang hinihintay natin. There are several companies in the United States, I think there are five companies in United States that are in the process of developing a vaccine. There are some in Europe, I believe in the United Kingdom and of course there is Russia and there is China, okay. We have, I think, the government has also done some arrangements to be able to get this vaccine as soon as possible. Mexico is doing the same thing, they are cooperating with these companies, they are participating in the development of these vaccines but they are still, there are still no vaccine and that we know, there are still no trials in Mexico.
BENDIJO: Ambassador, iyong mga kababayan po natin na nandiyan sa Mexico na nais nang umuwi sa Pilipinas. Ano pong assistance o tulong na ibinigay ng embahada?
AMB. TUASON: At the present, we have five person asking for repatriation, we are trying to arrange for that. We have asked OWWA, our part of the DFA that is in charge of repatriation and ATN – the assistance to nationals. But I think we have applied for a budget of 50,000 dollars to repatriate them. And there is one COVID case, like I said, here in Mexico or in all the other countries, their government’s pay for all the COVID patients that are hospitalized in government hospitals. But like I said, we only have one case that we know of, as of today. Out of 1,867 total number of Filipino in our jurisdiction at Mexico only 100 plus, okay. We have our embassy in Mexico, but we take care of ten countries.
BENDIJO: Maraming salamat po sa inyong panahon, Ambassador Demetrio Tuason ng Embassy of the Republic of Philippines in Mexico.
AMB. TUASON: Salamat. I just want to explain to everybody, I hope our economy is open up. I feel that as people closed down and lockdown and the more they lockdown, the case still continue to go up and every country. Probably we have one of the best resolve in our country, we have the best system of bringing in our Filipinos they are tested right at the airport, I went through that myself and it’s very efficient. I think we have among the best systems in place. I would like to congratulate the President and his team in having such efficient system, for our returning repatriates. Thank you very much, okay? I don’t want to take more of your time.
BENDIJO: Maraming salamat sa inyong panahon, ingat po kayo. Ambassador Demetrio Tuason ng embahada po ng Republika ng Pilipinas sa bansang Mexico.
USEC. IGNACIO: Puntahan na natin ang mga balitang nakalap ng ating mga kasamahan mula po sa Philippine Broadcasting Service. Ihahatid iyan ni Ria Arevalo ng Radyo Pilipinas.
(NEWS REPORTING)
USEC. IGNACIO: Maraming salamat sa iyo, Ria Arevalo mula sa PBS Radyo Pilipinas.
At diyan po nagtatapos ang ating programa sa araw na ito. Sa ngalan po ni Secretary Martin Andanar, ako po si Usec. Rocky Ignacio.
BENDIJO: Ako naman po si Aljo Bendijo, maraming salamat Usec.
USEC. IGNACIO: Salamat sa iyo, Aljo. Samahan ninyo kami muli bukas dito sa Public Briefing #LagingHandaPH.
##
Source: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)