SEC. ANDANAR: Isang mapagpalang araw ng Lunes sa lahat ng ating mga kababayan sa loob po at labas ng bansa. Ngayon ay September 7, 2020. Ako po ang inyong lingkod, Secretary Martin Andanar mula sa PCOO. Good morning, Rocky.
USEC. IGNACIO: Good morning, Secretary. Marami po ang naka-miss sa inyo. At mula pa rin po sa PCOO, ako naman po si Usec. Rocky Ignacio.
SEC. ANDANAR: Ito po ang Public Briefing #LagingHandaPH.
USEC. IGNACIO: Secretary, medyo matagal-tagal po namin kayong hindi nakasama sa ating programa. Halos dalawang linggo na iniwanan ninyo ako dito. Ano po ang pinagkaabalahan ninyo nitong mga nakaraang linggo? Pero siyempre alam ko po na talagang ginawa ninyo po iyan dahil na rin sa inyong tungkulin na ipabatid sa lahat ang may kinalaman pa rin po sa COVID-19. At ako po ay sumasaludo sa ginawa ninyo sa Mindanao, Secretary.
SEC. ANDANAR: Thank you.
USEC. IGNACIO: Kumusta naman po ang paglilibot ninyo, Secretary?
SEC. ANDANAR: Oo, thank you, Rocky. Talaga namang it’s been a very busy two weeks. Tayo ay nanggaling sa iba’t ibang lugar, sa Laguna at ganoon din po sa Cotabato City. Tayo ay nagtungo din ng Kidapawan, tapos ilang bayan po diyan sa Bukidnon – ang Kitaotao, Kibawe, Manolo Fortich – Cagayan de Oro. And we were also in Iligan para samahan nga ang ating Chief Implementer Secretary Carlito Galvez.
At ngayong darating na Miyerkules ay tayo ay tutungo muli papuntang Bacolod naman para tingnan kung ano ang magagawa ng gobyerno para masolusyunan ang problema sa COVID-19, doon po naman sa area na iyon ng Bacolod.
USEC. IGNACIO: Opo. Secretary, alam namin na talagang gagawin ninyo ang inyong tungkulin, pero sana po ay talagang mag-ingat pa rin po kayo, Secretary, sa inyong mga pagpapatupad ng inyong tungkulin.
Secretary, silipin po natin ang pinakahuling tala ng COVID-19 sa bansa sa kahapon. Nadagdagan po ng 2, 839 ang kabuuang bilang ng kumpirmadong COVID-19 cases sa bansa na nasa ngayon po ay umabot na sa 237, 365. Samantala, 85 naman po ang nadagdag sa bilang ng mga nasawi na sa kabuuan ay nasa 3,875 na. Sa kabilang banda po ay nakapagtala naman ng dagdag na 23,074 ang bilang nga mga gumaling kahapon. Sa kabuuan po ay umabot na sa 184,687 recoveries ang naitala sa ating bansa.
SEC. ANDANAR: Kahapon ay umangat nang bahagya ang reported cases po naman kung ihahambing sa sinundan nitong araw. Mapapansin din po na sa nagdaang isang linggo ay mas mababa na ang mga kasong naitatala, kung ihahalintulad sa mga nakalipas pang linggo na nakapagtatala ng dagdag na kasong hindi bababa sa tatlong libo kada araw.
Hindi pa rin nawawala sa talaan ng pinagmumulan ng mataas na kaso ang NCR na may 1,170 reported cases kahapon. Nasa ikalawang puwesto naman ang Negros—
USEC. IGNACIO: Okay, itutuloy natin. May 195 new cases, samantalang ang Laguna po ay nakapagtala naman ng 190 cases, at ang Cavite na 182 cases, habang ang Rizal naman po ay may 154 na panibagong kaso.
Samantala, pagdating naman po sa bahagdan ng active cases, mula po sa 27% na total cases na ating naiulat noong nakaraang linggo, ito po ay nasa 20.56% na lang ngayon na may kabuuang bilang na 48,803. Sa naturang bilang ng mga aktibong kaso, 88.6% ang mild cases, 8% ang hindi kinakitaan ng sintomas, 1.4% ang severe, samantalang 2% naman ang nasa kritikal na kalagayan.
Para naman po sa ating BIDA Solusyon kontra COVID-19, kung kayo po ay lalabas ng bahay ay huwag kakalimutan magsuot ng face mask at magdala po ng alcohol. Mainam din na laging dalhin ang inyong quarantine pass, maging ang listahan ng inyong bibilhin o mga gagawin sa labas ng bahay. Kung maaari po ay magdala rin ng bottled water at tissue paper. Ito po ay maliliit lamang na hakbang pero malaki po ang maitutulong para labanan ang COVID-19. Bukod po sa face mask, huwag ninyo pong kalimutan din ang inyong face shield.
SEC. ANDANAR: Para sa inyong mga katanungan at concerns tungkol po sa COVID-19, maaari ninyo pong i-dial ang 02-894-26843. At para po naman sa mga PLDT, Smart, Sun at TNT subscribers, i-dial po ang 1555. Patuloy rin kayong makibalita sa mga pinagkakatiwalaang sources ng impormasyon tungkol sa COVID-19, at maaari ninyong bisitahin ang covid19.gov.ph.
USEC. IGNACIO: Okay. Secretary Martin, maya-maya lang po ay makakapanayam natin ang Kalihim ng Kagawaran ng Edukasyon na si Secretary Leonor Briones. Good morning, ma’am. Kasama rin po sina Usec. Diosdado San Antonio at si Director Ronilda Co. At makakausap din po natin si Ambassador Christopher Montero ng Embahada po ng Pilipinas sa Brunei.
Para naman po sa ating balita: Sa paghahanda ng ating bansa sa pakikiisa sa clinical trials para sa mga posibleng bakuna sa COVID-19, muling idiniin ni Senate Committee Chair on Health and Demography na si Senator Bong Go na dapat po ay magkaroon ng mura at accessible na COVID-19 vaccine para sa ating mga kababayan. Sinisiguro aniya ni Pangulong Rodrigo Duterte na uunahin ang mga nasa mahihirap at vulnerable sector sa oras na magkaroon agad ng bakuna para sa COVID-19 dahil sila ang mga pangunahing nangangailangan na makapagtrabaho para mabuhay.
Muli rin pong paalala at pakiusap ng Senador para sa ating mga kababayan na patuloy pa ring makiisa sa mga patakaran ng pamahalaan para mas mapabilis pa ang pagbaba ng kaso ng COVID-19 sa ating bansa.
SEC. ANDANAR: Kaugnay niyan, binuo ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases—
USEC. IGNACIO: Okay, ipagpapatuloy natin. Kaugnay po niyan ay binuo ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases ang Sub-Technical Working Group on Vaccine Development na siya pong mangunguna sa bilateral at multilateral collaborations para po sa COVID-19 vaccine trial.
Ang Technical Working Group po ay pangungunahan ng Department of Science and Technology. Ang multilateral collaboration po ay tumutukoy sa solidarity trial ng World Health Organization, at ipatutupad ng Philippine General Hospital sa pakikipagtulungan ng ilang medical facilities sa bansa. Habang ang bilateral collaboration naman ay sa pagitan ng Pilipinas at mga bansang Russia, China, US, Canada, Taiwan, Japan at India.
Inirekomenda rin po ng DOST ang isang medium term plan na kabibilangan ng mga pribadong pharmaceutical companies sa bansa na mag-i-invest sa mga modular facility na naka-focus lamang sa paggawa ng mga bakunang kakailanganin sa bansa, kabilang na po ang COVID-19.
Secretary Martin, kasama rin nating magbabalita mamaya sina John Mogol ng PBS Radyo Pilipinas at si John Aroa ng PTV-Cebu.
SEC. ANDANAR: Una nating makakapanayam si Secretary Leonor Briones, kasama po sina Usec. Diosdado San Antonio at si Director Ronilda Co mula po naman sa Department of Education. Go ahead, Rocky.
USEC. IGNACIO: Opo. Ang una pong makakasama natin ay si Secretary Briones. Secretary Briones, magandang umaga po.
May nabalitaan po tayong estudyante na nag-commit po ng suicide dahil umano sa COVID-19. At this is a growing concern po sa lahat dahil hindi po talaga kaila iyong epekto ng pandemya sa mental health ng ating mga mag-aaral/learners at maging ng mga guro. Sa mga estudyante po muna bilang mga minors o mga bata po ay mahirap para sa kanila iyong mag-cope po doon sa stress at anxiety. So, paano po ito naa-address ng DepEd, ma’am?
SEC. BRIONES: Tama ang inyong tala. Isang kaso ang ating natuklasan na bata na nag-suicide pero tinitingnan natin kung ano iyong mga underlying triggers; kung ito ay COVID-related kasi hindi naman—kailangan naman eksperto ang mag-analyze nitong sitwasyon na ito.
Ang mas challenging na problema sa tingin ko at saka sa aming eksperyensa din sa Department of Education, isa ang suicide case natin pero mas malaking challenge iyong general feeling of anxiety; may natatakot, fear sa unknown. Palagi kong inuulit-ulit na hindi kagaya ito ng algebraic equation na hahanapin mo lang si x, y and z, iyon lang ang unknown pero sa panahong ito, ang dami-daming unknown at ito ay may epekto sa bata.
Kaya bago magkaroon pa ng ibang mga insidente na mas malala ay nag-umpisa na kami ng aming mental health and psychosocial counselling. July pa ito, so mga ilang daang libo na mga bata at sa ka mga teachers. Kasi ang challenge na ito ay hindi lamang sa mga bata, ang mga bata kasi ngayon ay nasa bahay pa sila, kung hindi challenge din sa teacher, challenge sa ating staff, challenge sa lahat na humaharap sa iyong tinatawag nating emerging new normal at saka mga bagong paraan na pagtuturo, bagong paraan sa pag-deal ng pangangailangan ng learning abilities ng mga bata, capacities ng mga bata kaya maraming cause for anxiety, cause for worry.
Ang major na ginagawa namin ay iyong mga webinars para ma-brief ang mga bata. May programa kami para sa mga teachers, may programa rin kami para sa mga parents kasi lumalaki din ang papel ng mga parents sa sistema ng edukasyon ngayon dahil malaking panahon ang ginagamit ng mga bata na nandiyan sila sa bahay at saka malawak ang papel ng mga parents, so may mga programa para sa parents kagaya ng ginagawa ng Valenzuela.
Valenzuela, wala pang COVID may program na sila para sa mga nanay. Halimbawa, sa Kalinga Apayao, sa Quirino halimbawa sa Province of Quirino, may mga programs sila na ini-initiate para sa parents para ma-orient ang parents. So, ang nangyari kasi dito, Rocky at Martin, pinapalawak natin ang ating programs for psychosocial counselling kasi ito ang nakikita natin na dapat harapin.
Pati ang ating mga executives sa Department of Education ay mayroon din silang sessions na my sharing, dini-discuss ang mga problema dahil napakatindi ng pressures sa ating mga opisyales. Bawat region ay iba ang kanilang programa; bawat eskuwelahan iba ang kanilang programa, so they are pushed to be creative, to be alert at saka may mga biglaan na lang pangyayari at saka gumagawa pa tayo ng mga dry runs, so napakabigat ng hinaharap at mga challenges pero very exciting naman.
Kaya itong psychosocial counselling na ginagawa natin ay hindi lamang para sa learners, kasi on record isa out of 24 million na mga enrollees ngayon, more than 24 million itong mga bata, at ayaw natin iyan na magkaroon ng mga dagdag pang mga insidente kaya harapin natin iyong mga anxieties, iyong mga fears at saka iyong misinformation kasi umiikot din sa atin napakaraming misinformation, mga kasinungalingan na umiikot din tungkol sa edukasyon kaya nagdagdag ito sa pagkalito ng ating mga bata, sa ating teachers at saka mga staff.
So, nag-report kami sa Presidente, Martin at Rocky, dahil nababahala ang Presidente sa isyu na ito, ayaw niyang masyadong maistorbo ang mga bata. We are not only protecting the health of the child but we are also protecting and enhancing what he is going to learn, iyong content, but at the same time, gusto din nating ma-protect, mas-enhance ang kaniyang mental health.
Pero lahat kami involved dito hindi lamang ang mga bata at saka napakaraming programa na sabay-sabay, araw-araw mayroon kaming webinars sa bata, sa ina, sa mga teachers, at sa mga parents as well at saka sa community. Ito ang ginagawa namin sa pagharap ng challenge na ito.
USEC. IGNACIO: Opo. Secretary, nabanggit ninyo nga po na sa ganitong sitwasyon ay talaga pong malaki ang papel na ginagampanan ng mga magulang para magabayan ang kanilang mga anak sa pag-aaral. Tatanungin ko lang po, Secretary, ano po iyong naging direktiba sa inyo ni Presidente noong naipaabot ninyo po iyong ganito pong estado na may kinalaman po iyong mental health o anxiety sa ating mga mag-aaral po?
SEC. BRIONES: Binigyan niya ako ng instructions, nagbigay siya ng direktiba na talagang dapat ipalaganap, i-enhance ang ating mga programa sa mga bata. Pero ang sagot ko nga sa kaniya, hindi lamang mga estudyante at mga learners ang ating iniisip, tinitingnan din natin ang impact nito sa ating mga teachers nitong krisis na ito, sa aming mga opisyales, iyong mga gumagawa ng programa, iyong gumagawa ng curriculum. So hindi pa naibigay ni Presidente iyong kaniyang direktiba ay may ginagawa na kami.
Ang ginawa namin noong lumabas ang iyong direktiba ay pinalawak namin at binigyan namin talaga ng diin ito dahil maraming sektor ng ating society ay worried about it. Ang on record ay isang kaso, ang on record ay 24 million na mga estudyante, halos 900,000 ang mga teachers tapos staff namin, ito sila lahat ay aming ini-expose sa iba’t ibang webinars at training at regional level. Bawat region may programa para sa mga magulang, mayroon sa mga teachers at sa mga bata at parents as well, mahalaga iyong parents.
So, kami naman ay natutuwa na binibigyan talaga ng diin ito ng Presidente at siya ay nag-iinteres sa isyu na ito.
Rocky, mayroon pang isang direktiba siya na kaniyang pinalabas, ang Presidente natin, doon naman sa kaniyang budget message, dahil last week hindi ba isinumite na ng Presidente ang kaniyang proposed national budget for next year.
Nandoon sa direktiba na iyan, sa budget message na ang curriculum naman ng ating school for basic education sa ating schools for basic education, kailangan bigyang-diin iyong tinatawag na ‘health literacy’ hindi lamang sa mental health, hindi lamang sa physical health pero iyong mga issues related to pangkabuuan, iyong tinatawag na health literacy, iyong mga minimum standards ng Department of Health tungkol sa COVID, gender issues, ini-enhance natin iyong curriculum nito dahil nasa budget message mismo ito.
So, to summarize, Rocky and Martin, dalawang aspeto iyong direktiba ng Presidente: Una, iyong psychosocial health na ginagawa na namin pero upon his instructions in-expand pa namin lalo; pangalawa, iyong sinasabi na health literacy na nasa budget message mismo ng Presidente, nasa budget proposal for next year na aayusin ang curriculum para iyong health ay hindi lamang tungkol sa physical, hindi lamang sa psychological, pero kasama na iyong environment, kasama na ang reproductive issues, gender, climate change, iyan eh talagang i-enhance iyan sa ating curriculum. Iyon ang instructions ng Presidente.
USEC. IGNACIO: Okay. Salamat po, Secretary Briones. Ako po ay magtutungo muna kay USec. San Antonio.
USec., inilunsad po ng DepEd itong ‘gabay bahay para sa mga magulang at primary caregivers.’ Kumusta po ang naging partisipasyon naman ng mga magulang dito? Marami po ba iyong sumali sa proyektong ito?
Sir? USec., wala po kayo audio. Ayusin lang po natin inyong linya ng komunikasyon. Mukhang naka-mute po si USec. San Antonio.
Iyan… okay na po, USec.?
USEC. SAN ANTONlO: USec. Rocky, okay na po?
USEC. IGNACIO: Ayan. Opo. Sige, go ahead, USec. San Antonio.
USEC. SAN ANTONIO: Ang sinasabi ko po ay nakakatuwa na ang mga magulang ay handa ring magbigay noong panahon para maihanda nila ang sarili nila sa mga bagong papel na gagampanan sa panahong ito. At tama po kayo, ang mga magulang kapag inimbita po natin ay nagpupunta naman o nagiging bahagi sa ating mga ginagawang webinars upang sila ay maturuan ng mga paraan sa pagbigay nang angkop na gabay sa mga anak nila habang nag-aaral sa kanilang mga tahanan.
USEC. IGNACIO: Opo. Usec. since ito po ay mainly online, may iba po bang paraan na gagawin ang DepEd para po maabot at talagang mahusay na ma-orient din ang ibang mga magulang na wala pong kakayahang sumali sa online activity na kagaya po nito?
USEC. SAN ANTONIO: Sa mga lugar po na pinapayagan na ang pag-iipon na limited ano—na pag-iipon ng mga tao ay puwede po itong gawin. Huwag pong kakalimutan iyong mga napakahalagang protocols natin – may mask, may face shield, may social distancing at puwede po itong maisagawa rin hindi lang sa mga paaralan kundi sa mga ibang areas diyan sa mga barangay kung saan puwedeng makausap ng mga kasamang guro natin at mga namumuno sa paaralan ang mga magulang na walang access po sa internet.
Puwede rin po, iyong iba, ang gagawin po nila ay parang halos individualized na pagbigay ng orientation at ito po ay puwede rin sa pagitan ng mga text o pag-uusap sa mga phone calls. Ang lahat pong puwedeng magamit ay ginagawa po ng ating mga kasama at nakakatuwa po na ang pagiging malikhain ay nakikita namin dito sa mga isinagawa nilang mga dry runs na talaga pong marunong naman nang mga paraan, mapamaraan po ang ating mga kasamang mga punong guro at mga kapwa guro.
USEC. IGNACIO: Punta naman po tayo kay Director Co. Ito pong provision nitong Psycho-social Support and Training Wellness Online Course ng DepEd, paki-elaborate lang po kung anu-ano po ang nilalaman ng online course na ito at ano po iyong mga dini-discuss dito na malaki po o mahalaga po para sa, siyempre hindi lang sa mga mag-aaral, kundi sa mga magulang po na maintindihan talaga?
DIRECTOR CO: Yes. Magandang umaga Rocky and Secretary Andanar. Tulad ng sabi ni Secretary Briones, marami nang ginawa ang DepEd magmula pa noong Mayo actually. Ang gusto kong sabihin – balikan lang – una, noong Mayo nag-start tayo for elementary and secondary learners, may dalawa tayong ginagawa. Iyong sa elementary tinatawag natin na DRRMS Booklatan, isang online storytelling for children every Tuesday po ito ng 4 P.M., ongoing pa rin po. Iyong sa secondary naman ay OKKK. Tambayan ang tawag natin, art-based activities po ito na every Thursday naman, 4 P.M.
Iyong nabanggit mo din Rocky, balikan ko, iyong Gabay Bahay ay para sa mga magulang naman. Nag-umpisa tayo tulad ng sabi ni ma’am, sa direktiba ng Presidente ay nagpalawak tayo ng ating mental health and psycho-social support services. Ang tawag natin dito ay Gabay Bahay para ito, generally, for parents ‘no. And then we also have for children with disabilities ‘no, Mondays, Tuesdays, Thursdays na may tatlong kategorya tayo. Mayroon din tayo for parents ng children with disabilities kasama ang kanilang mga teachers.
And then iyong tinatanong mo naman na wellness provision, dalawa ding levels para sa ating teaching and non-teaching staff – wellness provision and wellness training naman. Ano ito? Mayo pa tayo nag-start din nito, ito naman ay iyong mga coping strategies. Iyong sa first program natin, pinadaan natin ang mga teaching and non-teaching doon sa mga iba’t ibang wellness ‘no, MHPSS na coping strategies tulad ng mindfulness exercises, iyan, iba-ibang klaseng mindfulness exercises.
At iyon ding coping o pagti-take sa work-from-home – ano ba ang mga puwedeng gawin nila kung work at home na strategies din. Mayroon din tayong mga… iyong mga healing from struggles, iyan. Kasi kasama iyong ano doon eh, iyong emotions, how do you actually manage the emotions. Tama si Ma’am, ang greatest struggle nating lahat and with no exemption, I guess ‘no, pati tayo, ay iyong talagang anxiety, the worry. Because of the uncertainty that this has brought us. It has changed dramatically the way see things, okay.
And then mayroon din tayo iyong wellness training. Ito naman ay may mga—iyong mga tanong kasi noong ating mga participants doon sa wellness provision natin ay kinalap nating lahat and then iyong mga resource persons natin ay sinagot [garbled] ‘no, parang talk show tayo. Iyan ang ginagawa natin doon sa wellness and training para naman hindi mabitin iyong ating mga naging kasali, nag-participate at may mga ano pa din, hindi nauunawaan o kaya ay may mga gustong i-clarify o gustong palalimin ang kaalaman doon sa kanilang mga wellness provisions naman.
So ito iyon ‘no, mahigit—halos 500,000 ang ating nari-reach na na mga teachers. Aside from that, nag-train din kami ng mga teachers – elementary and secondary – paano naman ibigay sa kanilang mga estudyante ang MHPSS ‘no, na online provision at the same time may mga materials kami na puwedeng i-print doon sa mga hindi makaka-access online at hindi rin makaka-access via TV o kaya radyo, okay.
Siguro gusto ring ibahagi na para sa parents, mayroon tayong material na printed actually, for the parents and caregivers. Nagmula ito sa material namin na noong April pa ay actually pinapalaganap namin araw-araw. Ang tawag namin dito ay Fostering Wellness Solidarity and Service, iyon ‘yun. Nilalabas namin ito sa DepEd website at iba pang social media accounts kung saan araw-araw ay mayroon tayong mga wellness has strategies, kasama iyong ating mga health precautionary measures na nanggagaling sa DOH plus iyong mga… may mga ano din dito, prayers, both from the Christians and for our Muslim brothers.
Ginagawa namin sa kasalukuyan, hopefully, ang mga episodes natin prior to the opening of classes, isang linggo na pang-TV naman para ma-access talaga ‘no kasi alam natin limited ang access sa online. At least mayroon tayong ginagawa para maka-reach out sa mga iba pa nating mga estudyante na hindi po nakaka-access through the online or internet. So iyon lamang Rocky, thank you.
SEC. ANDANAR: Director Co, ang pinaka-challenge sa online learning ay ang kakulangan sa physical interaction o engagement. Paano po natin natitiyak na naging epektibo po ang mga aktibidad na ito para sa mga target audience nito?
DIRECTOR CO: Sige po. Ang isa sa mga ginagawa natin, Sec. Andanar, kahit doon sa mga MHPSS natin ay actually iyong mga activities natin ay interactive – may ginagawa ang mga bata doon sa art-based activities. Kahit sa loob ng bahay ‘no may mga pinapagawa tayo na kabilang iyong kanilang magulang o kaya mga activities kung saan ay mayroon silang mga movements ‘no, physical movements at saka interaction din doon sa—actually may interaction din ang speaker pati ang mga bata ‘no through the chat boxes.
Mayroon din tayong ano… actually, assignments na puwedeng gawin ng mga bata kung saan iyong mga iyon ay mga outputs or produkto nila na galing doon sa mga wellness exercises na binibigay sa kanila and the following way sine-share po nila iyon online, nationwide din iyon. So, may mga ganoon po tayong ginagawa. In fact, kahit sa mga teachers natin, mayroon po tayong mga evaluation din at mga pinapagawa sa kanila para po ongoing, continuous po ang ating interaction and engagement sa kanila.
So, bawat online ay hindi siya iyong tipong natapos na po tapos na siya, hindi po siya ganoong. Para din siyang klase na kapag next meeting natin, nasaan ang nagawa ninyo o ito mayroon kayong gagawin. So mayroon pong iba’t-ibang istratehiya na ginagawa natin, sinusubukan po natin ang lahat para nga iyong experience from the house, strategy sa loob ng bahay eh kahit papaano mahalintulad pa rin natin siya doon sa kung nasaan kami, may paaralan. Lamang ang ka-interact ng mga bata ay maganda rin sa kasalukuyan, because they have more interactions with family members din po at ginagawa natin at pinaghuhusay natin ang interaction na ito through our own online activities po para sa mga bata.
SEC. ANDANAR: Secretary Liling Briones, ma’am, sa pag-usad po ng academic year 2020-2021 ay nadagdagan ang pagkakataon ng mga eskuwelahan at guro para makapaghanda. Kumusta na po ang preparasyon ng ating mga pampublikong paaralang? At paano po patuloy na nakikipag-ugnayan at nagmo-monitor ang DepEd sa kanila?
SEC. BRIONES: Mahalaga ang tanong mo, kasi iyon din ang tanong ng karamihan ng mga Pilipino na nagmamanman sa edukasyon para sa kanilang mga anak, apo at pamangkin at sa lahat-lahat na sa atin.
Ang original na iniisip naming target ay August 24, kung sundin iyong dating batas, kaya nakatutok kami sa August 24. Noong nag-desisyon ang Presidente na i-move to October 5 dahil sa may mga nangyayari sa iba’t-ibang lugar sa ating bansa, nagbigay sa atin iyan ng dagdag na opportunity, panahon na lalong paigtingin iyong aming mga dry runs, kasi pina-practice na namin eh. Dahil six months ito na walang klase pa, gumagawa kami ng mga programa. So, may chance kami, may opportunity na pinadami pa namin iyong aming mga dry runs at saka ni-review ito. Dahil bawat paaralan, iba’t iba iyong mix ng kanilang mga istratehiya. Tama iyong punto ninyo kanina na hindi naman lahat puwede sumali sa online. Nakakagulat nga, kasi mismo sa NCR, may mga gusto talagang mga magulang at mga learners na gusto nila, preferred nila iyong paggamit ng mga printed materials. So, iba’t ibang style.
Mino-monitor namin ito, halos araw-araw nagmi-meet ang aming management committee. Dahil sa teknolohiya, puwede kaming mag-meet anumang araw, anumang oras, anong panahon. Kung mayroon lumalabas na mga challenges, we consult each other, nagtutulungan kami, nag-i-exchange ng experience. Dati once a month lang nagmi-meet ang aming ManCom, ngayon practically three times week kayang-kaya iyan dahil nagtatawagan kami and it is easy for us to get together. Kaya kung ano ang isyu na lumalabas, nahaharap kaagad.
At isa pa, kami ay nagpapasalamat lalo na sa PTV 4 network at sa PCOO kasi lahat ng ginagawang initiatives ng departamento ay napakalat sa ating mga kababayan sa pamamagitan ng facilities ng PCOO. At saka ang mga civil society groups as well, mga civic organizations, tumutulong sila.
So, itong dagdag na panahon, nagbigay sa atin nang mas marami pang opportunity na ma-anticipate kung ano talaga ang actual na mangyayari come October 5. Kasi ang formal na opening na napili ng Presidente ay October 5, so mas lalong handa tayo ngayon, nakikita natin ang maraming problema, mga challenges. At naisipan na natin, na-strategize na natin kung paano ito i-solve, itong mga issues tungkol sa mental health, overall health literacy na dinagdag ng Presidente sa kaniyang budget message. Ang kampanya sa mga parents na lalawak na iyong kanilang papel, humihingi kami ng tulong, mga local governments. Itong lahat ng ito ay ginagawa natin araw-araw, oras-oras at from where I am as the Secretary, madali kong malalaman kung ano ang nangyayari sa tulong ninyo lahat, Sec. Martin at saka sa ibang aspeto ng media, even in social media.
So, mas lalong handa yata kami. Ayaw kong sabihin kong ‘ata’ in Tagalog, sabihin kong talagang lalo kaming handa na by October 5, magiging maayos ang pagbukas ng klase. Thank you.
USEC. IGNACIO: Secretary Briones, may pahabol pong tanong ang ating kasamahan sa media po, si Tina Panganiban-Perez po ng GMA News. Ito po iyong kanyang tanong: Marami pong pumupuna sa Manila Bay white sand na P389 million project budget. Ang tanong po ng iba, kung sa DepEd daw po ito ginamit, ano po ang katumbas sa gamit pang-edukasyon na maaaring mapondohan ng ganitong halaga?
SEC. BRIONES: Magkano nga iyong halagang sinasabi?
USEC. IGNACIO: P389 million project budget po.
SEC. BRIONES: Kung halimbawa mayroong P389 million na ibibigay ang pamahalaan sa departamento, sigurado ako na malaking bahagi niyan mapupunta sa… halimbawa, sa pangangailangan ng gadgets sa mga lugar. Kasi we have more than 3,000 mga eskuwelahan, ang tawag natin ay last miles schools na walang connectivity, na medyo isolated sila, so makakatulong ito. Isa pa iyong pag-print ng mga modules, kasi may mga lugar, as I said, dito sa Pilipinas, maski urban centers na hindi naman lahat may access talaga sa technology at kailangan secure pa ang sources ng ating connectivity. So kung P300 million, ibigay sa amin kung ibigay man, pero wala kaming-hindi kami nakikialam sa budget ng may budget, pero kung may budget kaming ganoong halaga ay pupunta iyan sigurado ako sa gadgets, sa mga computers, sa mga radio. Kasi kung halimbawa radyo, mas gusto namin na water proof, gusto namin na may certain level of capacity and reach; iyong pag-distribute ng mga modules namin na printed, dahil mayroon talagang gusto pa rin ang printed na mga modules. So malaking pakinabang ang magagawa kung mayroong amount na ganoon.
Pero ulitin ko: Kung ano ang in-allocate sa amin ng Presidente at ng Department of Budget iyon ang pinagkakasya namin.
SEC. ANDANAR: Sec. Liling, ngayong araw po, September 7, ay gaganapin ang kick off ceremony ng National Teacher’s Month na gugunitain mula September 5 hanggang October 5. May mga aktibidad o proyekto po bang inihanda ang DepEd kaugnay nito?
SEC. BRIONES: Actually, Sec. Martin, annual event ito. Ito ay kino-coordinate ng mga civic organizations, actually mga private groups na nagri-recognize sila na napakahalaga ng papel ng mga teachers. Today is the kick off ceremony, ang culmination to October 5, tamang-tama opening naman ng ating academic school year. Ang sinasabi ko, kanina nag-deliver ako ng message Sec. Martin, na ang bibigyan natin ng honor, ire-recognize natin for their heroism, maliban sa mga teachers na nasa amin na, halos 900,000 sila.
Pero maraming nagtuturo na hindi nari-recognize na sila din ay bayani. Halimbawa ikaw, you are a teacher, dahil sinasabi mo kung ano ang nangyayari. Pinamamalita mo kung ano ang ginagawa ngayon ng ating pamahalaan, mga civic organizations at saka iyong pinaka-primary talagang source ng education ng bata ay ang family – ang mother, ang father, ang lolo, ang lola, sila din ay mga teachers.
Kaya ang sabi ko nga, kung mag-honor tayo at tayo naman ay nag-o-honor ng ating mga teachers na nasa atin na talaga sa departamento, isama natin iyong mga teachers na walang bayad, hindi naman natin tinutulak, hindi natin pinipilit, nakikita nila na kailangang sumali sila, mga parents, mga simbahan at iba’t ibang faith groups na nagdadala ng magandang balita sa ating mga learners, sila din ay teachers, sila din ay bigyan natin ng recognition at karangalan, in addition to our regular teachers.
So ito ngayong araw na ito ang launch ng National Teachers Month, sinusubukan natin palagi sa departamento na dagdagan ang mga benefits ng regular teachers na nasa amin, pero huwag din nating kalimutan ang teacher sa private sector, na walang mga kontrata, na walang trabaho dahil sarado pa ang mga eskuwelahan na isama din natin silang i-recognize.
Maraming teacher na walang kontrata, walang suweldo pero nagtuturo pa rin. Maraming parents ang sinasabi ko na ang pagtuturo sa bata ay nag-uumpisa sa bahay at ang mga mothers, of course most of our mothers are our very first teachers. Ang teachers natin sa mga various faith groups natin, sa civic organizations.
Iyong may nakikita nilang pangangailangan na hindi na sila kailangang bigyan ng kontrata o kung anumang mga benepisyo pero kusang nagtuturo, kaya iyan ang isang aspeto na gusto kong idagdag sa ating pag-celebrate at pag-honor ng mga teachers. Salamat, Martin for that question.
SEC. ANDANAR: Maraming salamat po sa inyong pagpapaunlak sa ating programa ngayong araw, Secretary Leonor Briones, Usec. Diosdado San Antonio at Director Ronilda Co mula po DepEd. Mabuhay po kayo.
USEC. IGNACIO: Samantala nasa kabilang linya na rin po ng ating komunikasyon mula po sa embahada ng Pilipinas sa Brunei, si Ambassador Christopher Montero. Magandang umaga po mula dito sa Pilipinas, Ambassador.
AMB. MONTERO: Magandang umaga po Usec. Rocky, Secretary Martin. Kami po ay nagagalak na paunlakan ang inyong imbitasyon na makapagbahagi ng mahalagang impormasyon dito sa Brunei Darussalam lalung-lalo na po ang kalagayan ng ating mga kaqbabayan dito. Magandang umaga po.
USEC. IGNACIO: Ambassador ang Brunei po iyong sinasabi nanatiling isa sa may pinakamababang kaso ng COVID-19 sa Asya at maging sa buong mundo. Ang unang kaso po ng COVID-19 sa Brunei noong March. As of September 4 po ay nasa 145 lang iyong naging total case sa bansa at tatlo lang po dito iyong nanatiling active cases. Sa bilang na ito may mga Pilipino po bang nahawa dito sa sakit mula po diyan sa Brunei? At kung mayroon man po, kumusta na po sila at papaano po sila tinutulungan ng ating embahada?
AMB. MONTERO: Tama po kayo diyan, Usec. Rocky. Sa kasalukuyan ay mayroon pong 145 na nagkaroon o naging positive dito sa Brunei Darussalam sa COVID-19, 139 po ito ay naka-recover na, that is equivalent to 95.86% recovery rate, tatlo naman po ay namatay at tatlo ang nanataling active cases. Karamihan po dito ay puro mga active cases, lahat po ng mga active cases nila ay reported cases po.
Sa ating mga kababayan naman po, itong simula ng pandemya, noong Marso, mayroon po tayong apat na mga kababayan na sa kasamang palad ay nag-positive sa COVID-19. At ito po ay noong una ay March 20, tapos iyong mga sumunod po ay March 24 at March 26. At sa kabutihang palad po ay naka-recover na po sila. Actually nakausap ko na po sila sa telepono, habang sila ay naka-confine sa hospital. Ang tulong na ipina-abot po natin sa kanila ay nagbigay po tayo ng financial assistance mula sa DOLE-AKAP Program para sa ating mga OFWs ‘no, ganoon din po ang OWWA sa kabuuang halaga po ng $400.
Iyong kanila pong expenses sa hospitalization po nila ay covered po ng gobyerno ng Brunei Darussalam. Sa ngayon po ay wala na po tayong mga kababayan na positive po sa COIVD-19 dito sa Brunei Darussalam.
USEC. IGNACIO: Pero, Ambassador, dahil karamihan po sa ating mga kababayan na nasa Brunei po ay nagtatrabaho. So nagkaroon po ba nang adjustment, pagbabago o epekto sa trabaho o sa kanilang working condition sa ating mga kababayan diyan dahil sa pandemya o business as usual na rin po kasi kailangan pa rin pong mag-ingat, Ambassador?
AMB. MONTERO: Opo, actually noong nagsimula ng pandemya dito sa Brunei Darussalam, iyong first infected case po nila noong March 9. Ang gobyerno po ng Brunei Darussalam ay naglatag ng mga patakaran para ho sa restrictions sa mass gathering and social distancing at kasama po nito ay ang pagsasara ng mga ilang mga business establishment, kasama rin po ang ibang paaralan.
Nag-scale down din po ang mga business operations at siyempre po ang mga kababayan nating nagtatrabaho sa mga establisyimentong ito ay naapektuhan, nagkaroon po ng reduction sa kanilang kinikita. Iyong mga iba po ay no work, no pay. Pero noong April po, sa kadahilanang marami po tayong mga kababayan na nabawasan ang kanilang sahod, ang embassy po ay nagsagawa, ipinatupad ang AKAP para sa OFW programs, financial assistance programs amounting to $200. Mayroon po tayong mga isang libo po na natulungan dito at nabigyan ng financial assistance.
Kung mamarapatin lang po, eh ibabahagi ko lang po kung ano pong mga sektor ang mga OFWs kung saan sila nagtatrabaho. Karamihan po dito mga 26% ay nasa food service sector, 23% galing po sa tailoring services, iyong mga mananahi natin at 19% po ay galing po sa salon service sector, mga hairstylist, mga barbero at ang ilan naman po ay galing sa construction, sa hotel. Lahat po ito na mga establishment ay naapektuhan ng ‘no work, no pay’. Kung kaya’t noong ang Fil-com [garbled] ay nagpatupad din po ang embahada ng programa, isa pong food assistance outreach para sa ating mga kababayang nabawasan ng sahod. Sa kasalukuyan po ay nakapagbigay na po kami ng food package sa mahigit kumulang 2,844 na mga OFWs po natin.
Noong Mayo po ay unti-unting bumalik na po at nag-resume na ng operations ang mga business establishments. Unang-una po ay sa simula po ay 30% po ng capacity, for example, ng mga restaurants ang pinpayagan, hanggang naging 60%. Sa ngayon po 100% na po at business as usual na po dito sa Brunei Darussalam. Kung kaya’t iyong mga kababayan po natin sa kabutihang palad po ay nakakapagtrabaho na ng maayos at nakakatulong na po sa kanilang mga pamilya sa Pilipinas.
Sa kabila po nito, mayroon din po tayong siyempre hindi maiiwasan, mga na-layoff na mga kababayan, dahil po iyong ibang business establishments ay nabawasan po ang kita. Ang main pong tantiya sa ngayon humigit kumulang 400 na po sa ating mga kababayan ang na-layoff, iyong mga iba po nakahanap ng ibang trabaho, pero ho iyong ibang mga kababayan natin ay nakauwi na po sa Pilipinas.
USEC. IGNACIO: Opo. Bukod po sa mga aktibidad na nabanggit ninyo, Ambassador, nagsagawa din po kayo ng mental and emotional health webinar para sa mga OFW sa Brunei. Kumusta po ang naging assessment sa kanila at kumusta po iyong pag-cope with po nila doon sa sitwasyon?
AMB. MONTERO: USec., paki ulit po iyong tanong?
USEC. IGNACIO: Opo. Ang alam ko po, Ambassador, iyong effort po ninyo ginawa rin ninyo about doon po sa mental and emotional health. Nagsagawa po kayo ng webinar para po doon sa mga OFW sa Brunei. Kumusta po iyong naging assessment ninyo sa kanila at kumusta po iyong kanilang paglaban or pag-cope with po doon sa sitwasyon?
AMB. MONTERO: Tama po iyan, USec. Rocky. Noong umpisa po talaga pong masasabi nating marami po sa ating mga OFWs dito ang nag-aalala sa kadahilanang hindi po natin alam kung ano ang mangyayari. Lalung-lalo na rin po hindi rin po natin masabi kung ano ang magiging sitwasyon ng ating mga mahal sa buhay sa Pilipinas. Kung kaya’t iyong webinar po on emotional well-being ay amin pong isinagawa noong nakaraang buwan para po matulungan ang ating mga kababayan na makapag-cope sa emotional at mental stress sa mga panahong ito.
Actually po nagkaroon po kami ng mga survey sa mga participants sa ating webinar na iyon at 70% po sa mga nag-participate ay nagsabi na hindi po sila naka-experience ng emotional stress or depression at 30% po ay nagsabi na nagkaroon po sila ng ng kaunting depression, 2% of these 30% po ay nag-seek ng medical health, samantalang iyong natitira po ay kinimkim na lang po, sinarili iyong kanilang nararamdaman kung kaya’t mahalaga po na magkaroon tayo ng ganitong programa para at least po ay matulungan natin ang ating mga kababayang OFW dito na makapag-cope sa pag-aalala sa mga panahong ito.
Sa kabuuan po, dahil sa sinabi ko nga po na noong Mayo ay nakabalik na po ang karamihan sa kanilang mga trabaho, sa kasalukuyan ay masasabi nating maayos na po at mainam na ang kalagayan ng ating mga kababayan, subalit hindi pa rin po natin mawawala ang pag-aalala sa kanilang mga mahal sa buhay na naiwan diyan sa Pilipinas.
USEC. IGNACIO: Ambassador, sinabi ninyo nga po September naglunsad din kayo noong sinabi ninyo kanina na basic hairstyling, cutting course para po sa mga OFW. Maganda pong proyekto ito kasi matutulungan din po iyong… bukod sa matututo na sila, iyong parang naalis din po iyong kanilang stress at saka iyong anxiety. Pero paano daw po nasisiguro naman iyong health and safety protocols na umiiral dito dahil istrikto po ba ang Brunei government sa pagpapatupad nito?
AMB. MONTERO: Tama po. Actually noong nakaraang linggo patuloy pa rin po ang aming basic course on hair styling and cutting, actually ito po ay kasama sa ating reintegration program para sa ating mga OFWs. Maliban po dito mayroon din po tayong nakatakdang mga computer courses, baking courses, make up at saka financial literacy programs.
Nailunsad po natin ang mga ito sapagka’t nag-ease na po iyong restrictions ang pamahalaan ng Brunei tungkol po sa mga mass gatherings. Sa kasalukuyan po ay pinapayagan na pong magkaroon ng mga pagtitipon with the maximum number of individuals, 350 na individuals puwede pong makilahok. Pero sa kabila nito ay tayo po ay patuloy na nagpapatupad din ng mga health and safety protocols sa ating embahada, iyong mga participants po ay binibigyan po natin… isinasailalim natin sa thermal scan, binibigyan natin ng mga face masks at saka iyong social distancing po, mga hand sanitizers. Kasi po ang Brunei napakahalaga po sa kanila na mapanatili ang kanilang maayos na record na mababa po ang bilang ng mga positive cases, kaya kahit kami po sa embahada ay sumusuporta nito at ipinapatupad din po namin ang mga kinakailangang mga panuntunan at protocols para po mapanatili ang kalusugan ng karamihan, kasama na po ang ating mga kababayan.
USEC. IGNACIO: Maraming salamat po sa inyong panahon, Ambassador Christopher Montero. Sir, stay safe po, Ambassador.
AMB. MONTERO: Stay safe din po, Usec. Rocky, at maraming salamat po sa pagkakataong ito. Magandang umaga po.
SEC. ANDANAR: Puntahan naman natin ang mga balitang nakalap ng ating mga kasamahan mula sa Philippine Broadcasting Service, ihahatid sa atin ni John Mogol mula sa PBS-Radyo Pilipinas.
[NEWS REPORTING]
SEC. ANDANAR: Maraming salamat, John Mogol ng PBS-Radyo Pilipinas. At diyan po nagtatapos ang ating programa sa araw na ito. Muli po ang aming paalala: Be the part of the solution, wear mask, wash hands, keep distance, stay at home. Mula po sa PCOO, ako po ang iyong lingkod, Secretary Martin Andanar.
USEC. IGNACIO: Mula pa rin po sa PCOO, ako naman si USec. Rocky Ignacio.
SEC. ANDANAR: Hanggang bukas dito po sa Public Briefing #LagingHandaPH.
###
—
SOURCE: PCOO- NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)