SEC. ANDANAR: Pilipinas, sa mga nakaraang linggo’t buwan laman madalas ng balita ang mga adhikain ng Department of Agriculture; at bakit nga naman hindi? Ngayong panahon ng pandemya, nabigyan ng kakaibang halaga ang usapin ng food security maging ng hanapbuhay ng ating mga magsasaka at mangingisda, pati na rin ang ating ekonomiya na umaasa sa kontribyusyon ng agrikultura.
Maganda naman ang ipinakikita ng agrikultura, mula Abril hanggang Hunyo ng taong 2020 tumaas pa nga nang bahagya – .5% ang agricultural production ng Pilipinas at ito ay sa kabila ng pandemya. Kaya double time ang Department of Agriculture sa kanilang mga plano at proyekto upang umangat pa ang produksiyon at mapabuti ang kondisyon sa ating mga sakahan at pangisdaan.
Ngayong gabi makakasama natin si DA Undersecretary for Policy and Planning Rodolfo Vicerra upang pag-usapan ang isang kakaibang pananaw at inisyatiba sa agrikultura – ang Farm and Fisheries Clustering and Consolidation Program.
Ito po si Communications Secretary Martin Andanar, welcome to Cabinet Report.
Magandang gabi sa iyo Usec., welcome to Cabinet Report.
USEC. VICERRA: Magandang gabi po Sec. Mart, salamat po sa inyong paanyaya na sumali dito sa inyong programa.
SEC. ANDANAR: Usec. bago natin pag-usapan ang DA Administrative Order 27, Series of 2020, ang Farm and Fisheries Clustering and Consolidation Program. Alamin po muna natin, ano po ba ang background sa pagpapatupad nitong order po na ito?
USEC. VICERRA: Sec. Mart alam po ninyo, matagal na pong obserbasyon nating lahat na ang ating mga magsasaka at mangingisda ay karamihan po sa kanila ay nagsasaka at nangingisda sa mga maliliit na sakahan at saka maliliit na bangka at nakita po natin na sila ang pinakamahihirap na… isa sa pinakamahihirap, if not the poorest sector sa ating lipunan. Sa lahat po ng istatistika, lumalabas po na ang fisherfolk at saka ang farmers ay kung minsan umaabot pa ng 40% ang poverty ratio ng mga pamilya nila. Ang average po na poverty rate ng bansa ay around 20 to 24 percent pero iyong mga magsasaka’t mangingisda umaabot po ng treinta hanggang kuwarenta porsiyento.
So ibig sabihin, sila po ay pinakamahihirap na mga sektor dito sa ating lipunan at kailangan po nila ng tulong. Kaya lang po, hindi sila kara-karakang nakakaabot ng… or nagbebenepisyo sa mga tulong ng gobyerno dahil kalat po sila sa iba’t ibang lugar. Eh mas maganda po talagang magsama-sama dahil mas madali silang tulungan sa ganoong paraan. Iyon po ang idea ng clustering and consolidation.
Eh kung titingnan natin iyong istatistika, mayroon tayong 10 to 11 million farmers and fisherfolk na nasa statistics. Okay? 10 to 11 million ‘pag tinanong mo, pumunta ka sa probinsya ang una mong makikita at malalaman ay wala silang access sa mga financial resources na galing sa mga bangko at karamihan nagdidepende lang sa kung anong binibigay ng gobyerno.
Mas maganda sana kung maorganisa natin iyong mga farmers and fisherfolk para mas madali silang marating ng mga serbisyo namin in an organized manner at mas madaling maipakalat iyong mga teknolohiya.
Hindi lang po kasi credit ito eh, iyong kaalaman sa mas mabuting pagsasaka at pangingisda to improve iyong production nila, iyong productivity nila. At saka mas maka-economize sila sa mga inputs, maorganisa ang kanilang mga sistema para mas maganda ang proseso noong kanilang step-by-step sa farming ano o kaya pati sa fishing. At pagkatapos niyan, ‘pag naka-harvest sila, ‘pag nakapangisda sila mas madali ring iorganisa—mas maganda kung organized din iyong pag-process noong kanilang mga na-harvest, at hanggang sa makarating iyan sa merkado.
Kung organized ang ating mga farmers and fisherfolk, mas madaling tulungan.
Kailangan na nating umalis sa ‘kaniya-kaniya’ system eh lalo na sa agriculture, sa ating mga pagsasaka at saka pangingisda dapat iyong unity ang importanteng magawa natin para maprotektahan ng mga farmers and fishers ang kanilang sariling interes. Eh alam po natin talaga na karaniwan tuwing harvest season, sila rin iyong kawawa pero hindi nila alam sila-sila mismo iyong pinagsasabong. Naging misimpression ng mga—kasama na rin kami doon ano…
Noong una ‘pag sinasabi nating ‘farm consolidation and clustering,’ ang naging impression po karamihan ay lupa na pagsama-samahin mo iyong mga lupa para sama-sama silang mag-produce ng farm commodities. Eh iyon po ay natali iyong ating pananaw karamihan ng mga tao dito dahil ang direksiyon naman kasi ng isa pang programa ng gobyerno, iyong Agrarian Reform, ay hati-hatiin iyong mga lupa para sa mga magsasaka.
So nakita mo medyo kakontra; pero pinag-aralan po namin dito sa department, pagdating namin ni Secretary Dar pina-research po niya sa amin, “O anong dapat nating gawin?” So tiningnan po namin iyong iba’t ibang bansang gumawa niyan, ng ganiyang klaseng istratehiya at nakita po natin na iyong Korea, iyong Israel – iyong Israel isa sa mga nauna nito, na ang kanilang kino-consolidate ay hindi lupa, hindi po lupa kundi communities. Kung hindi man communities, production system at kung hindi man production system, iyong grupo ng mga taong engaged sa isang industriya. Iyon po ang kanilang strategy sa iba’t ibang bansa.
So ang napansin namin, “Oo nga ‘no, hindi lupa.” Natali tayo sa pananaw na ang kino-consolidated ay lupa, eh kalaban naman niya iyong polisiya ng gobyerno na mag-agrarian reform. So sabi natin paano natin gagawin iyon na hindi natin kinokontra iyong isa pang napakalaking reporma naman na ginagawa rin ng pamahalaan?
So madali po palang makita, magawan ng paraan na ang ating—i-consolidate, na ang ating aayusin ay iyong production systems at magagawa po iyon sa pamamagitan ng pag-focus sa samahan ng mga magsasaka’t mangingisda na sila ay magsasama-sama, hindi pinapamigay iyong kanilang lupa pero—kumbaga, isinasali nila iyong kanilang mga lupa at kanilang mga bangka sa isang mas malaking grupo para sabay-sabay at mas coordinated ang production, ang mga marketing, ang mga processing.
At saka kung puwede nga, sa pag-source, sa pagkuha ng pondong makakatulong sa kanilang operation. Dahil sama-sama sila, ‘economies of scale’ ang tawag natin doon sa economics, dahil sama-sama sila, mas madali silang maintindihan at magkaroon ng kredibilidad sa mga financial institutions, sa mga buyers at saka sa kanila ring sarili bilang mga grupo, mas madaling magbuo ng komunidad among themselves.
SEC. ANDANAR: Sa ating pagbabalik, pag-usapan natin ang administrative order tungkol sa Farm and Fisheries Clustering and Consolidation Program pati na rin ang pagpapatupad nito. Lahat iyan when Cabinet Report returns.
[BREAK]
SEC. ANDANAR: Welcome back to the Cabinet Report at ngayong gabi pinag-uusapan po natin ang Farm and Fisheries Clustering and Consolidation Program.
Ano nga ba ang mga mahahalagang nilalaman ng Department Administrative Order #27 na siyang tumatalakay sa programang ito?
DA USEC. VICCERA: Basically po ina-outline lang po ng programa namin iyong mga magiging rekisitos para kayo ay makasali dito sa F2C2 – Farms and Fisheries Clustering and Consolidation.
Ang amin pong unang gustong maging guideline dito na—I mean, masunod ng mga sasali, dapat po may minimum pagdating sa grupo ng sasali. Ibig sabihin, minimum size ng iko-consolidate na mga lupa o kaya nga pangisdaan. Example po, pagdating po sa ating mga rice lands, mas madali pong matulungan kung medyo above 50 to 100 hectares iyong mga sasali; at ayaw po naming bumaba sa 50 pagdating po sa high-value crops. Pagdating sa rice siguro, huwag tayong bababa sa 100 ektarya. It doesn’t matter kung ilan iyong farmers eh. Kung ang average size ng mga farmers na lupa ng mga farmers ay .9 hectares; actually ang average farm sizes sa buong Pilipinas .9 hectares, ibig sabihin less than one hectare ang sakahan ng karaniwang magsasaka dito sa atin.
Ibig sabihin niyan magsasama-sama ay mahigit na isang daang magsasaka. At kung ganoon ay magagawa, magsama-sama sila, siguro ma-free up din natin iyong ilan sa kanila para sa iba pang mga gawain at aktibidades na makakatulong pa rin sa grupo. So, puwede rin po iyong iba ay nagtatanim ng ibang mga crops sa gilid, paligid noong isang daang ektarya nila or sakahan—hindi naman po kailangang dikit-dikit iyong mga lupa dito eh. Mayroon iyong iba magpo-focus sa processing, iyong iba magpo-focus sa paghahanap ng mga buyer, mayroong iba magpo-focus sa pagsasabog ng fertilizer; may mga ganoon po, maraming klaseng aktibidades at puwede nating ikalat iyan among the members of the group.
At mas may magagawa pa silang makabuluhan including po iyong during the time na naghihintay sila mula sa pagtatanim hanggang sa maka-ani, iyan po ay tatlo o apat na buwan ng paghihintay. Marami po silang iba pang puwedeng gawin as a group, including po iyong tinatawag pong self-learning, puwede silang magkaroon—maraming idle time po kasi sila.
So, kung organisado sila, puwede tayong mag-organize din ng mga grupo ng mga professionals na magtuturo sa kanila to lift up their learning, ganoon po. That will be another issue, pero sinasabi ko lang po ito dahil marami talagang idle time din ang mga magsasaka kung kaya nahihirapan din silang gamitin iyong time na iyon, dahil hindi nga po organisado. Pero ngayon at mayroon itong programang ito, puwede nating isali iyan sa kanilang mga puwedeng magawa.
Pangalawa, iyon pong processing. Puwede po nilang mapaghandaan at mas mapagsama-sama, pati po mga miyembro ng pamilya nila puwedeng sumali diyan eh, processing and then sa marketing, iyong network po nito.
Pero ang isa pong requirement po talaga sa farm clustering and consolidation eh, dapat mayroong professional guidance na dapat mayroon silang farm manager na nakakaalam kung ano iyong mga pinakamagandang pamamaraan at teknolohiya and even the farm machineries na kailangan nila. Kasi iyon po ang magsasabi sa amin kung ano iyong pangangailangan noong isang grupo.
Mas madali po naming paghandaan din iyong mga pangangailangan nila: How to help them source the farm machineries kung may kailangang farm machineries masasabi ko kaagad iyon. I mean, maa-identify kaagad iyon depende rin diyan sa lugar.
Kailangan ba nila ng farm to market roads, mas madali pong i-justify dahil alam natin na may grupong ganito na sila ang magbebenepisyo. Unlike po ngayon, kapag nag-identify tayo ng projects here and there, programs here and there na kalat-kalat po iyong mga magbebenepisyo, hindi naman natin alam kung mag-a-apply ba sila para sumali. Iyon po ang naging isang difficulty ng gobyerno sa mga nakaraang panahon na ang daming magagandang programa, pero iyong mga farmers and fisher folk hindi nila maintindihan dahil kaniya-kaniya, hindi sila maabot, ang hirap mag-communicate; pero kung sila po ay organisado at sama-sama, clustered at saka consolidated ang kanilang operasyon, mas madali po silang tulungan ng gobyerno.
Libu-libo naman po ang nagga-graduate ng agrikultura mula sa Los Baños at sa iba’t iba pong… at least 30 agriculture and fisheries schools all over the country, libu-libo po iyan. Pero ano po ang nangyayari, pagka-graduate nila, sila po ay nagiging salesman saka mga nandiyan po sa mga department stores, sa mga mall. Karamihan po wala kasing available na nakatutok na trabaho para sa kanila. Eh ito po ay naghihintay lang ang ating agriculture system. Kung magawa po natin ito may pupuntahan po sila, makakatulong pa sila sa pag-improve ng productivity at ng pamamaraan ng pagsasaka at pangingisda sa ating bansa at makakatulong sila sa pagpapataas ng production at ng pagkain po dito sa atin.
SEC. ANDANAR: Matapos ang break aalamin po natin: What does the farm and fisheries clustering and consolidation program hope to achieve and what timeframes are we looking at when we return.
SEC. ANDANAR: Welcome back to the Cabinet Report. We have talked about the Farm and Fisheries Clustering and Consolidation Program and the Administrative Order regarding it. Tell us now, Usec, what are you hoping to achieve with this program and what are its deliverables?
DA USEC. VICCERA: Ito pong polisiya na ito, pinirmahan lang po ni Secretary last month. At kami po ay naghahanda ng piloting within this year at balak po namin ay mai-pilot lahat ito sa lahat ng rehiyon po ng ating bansa from Northern Luzon up to Southern Luzon, Visayas up to Mindanao na bawat rehiyon ay magkaroon ng kani-kanilang karanasan para makita po natin ang lahat ng mga pangangailangan at mga magiging problema.
Pero iyon pong budget na ina-apply natin ngayon sa Kongreso and hopefully pag na-approve nila ay kasama na rin itong istratehiyang ito, para pagdating po ng next year’s budget ng Kagawaran ay ito po ang isa sa mga major programs ng Kagawaran ng Agrikultura – ang pag-cluster, pag-consolidate, pagsama-sama ng mga magsasaka at mangingisda. Dapat lahat po ng programa ng Kagawaran ay naka-focus lang sa istratehiyang ‘F2C2.’
In other words, kung ang mga magsasaka at mangingisda ay isa-isa lang po nag-a-apply dati, hindi na po sila mapapansin, kailangan organisado muna sila bago sila lalapit sa Kagawaran para matulungan po sila ng mas madali at mas mabilis at mas organisado. Iyon po ang gusto namin na kunwari may isang grupo ng mangingisda kapag nagsama-sama na sila, saka namin sila maa-assign-nan ng mga taong tutulong din.
So basically, pagdating po sa ano naman, iyong tinatawag ninyong milestones, gusto rin namin kasing isama dito sa programang ito iyong pagpapaganda sa kalagayan din ng ating mga magsasaka at mangingisda ‘no. Kasi ang napansin po natin na kapag ikaw ay nagtanim at naipunla mo na iyong mga binhi ay tatlong buwan kang maghihintay; wala kang harvest eh. Para in the meantime, gastos ka nang gastos, inaasikaso mo rin iyong mga halamanan. So ang gusto po namin ay magkaroon din ng programa para matulungan sila in the meantime. Ang tawag po namin dito sa clustering and consolidation program, “BLESS”. Ang ibig sabihin po noon, Basic Living Expenses Support System. Kasi po karamihan po ng ating mga magsasaka lalo na ‘no, pagkatanim, pagpunla ng kanilang seeds, ng kanilang binhi, sa pagsabog po ng fertilizer, kailangan pa ng pesticides. Gastos po lahat iyon, isa, dalawang buwan na gastusan; wala pang kita, wala pang suweldo.
Iyon po, sa panahon na iyon, doon po sila inaatake ng mga loan sharks, opo. Kasi kailangan nilang mabuhay, kailangan nilang kumain, manghihiram sila. At kung minsan, kapit sa patalim na iyan na maski napakataas ng interes, 5-6, basta maibigay na lang nila iyong pagkain ng pamilya, pangkain ng pamilya nila. So pagdating po ng anihan, hindi pala sa kanila iyong kalahati ng ani – napunta doon sa interes na kailangan nilang bayaran.
So ito po ay gusto rin nating ma-institutionalize dito sa programang ito. Pag-implement po natin ito, gusto namin na may sistema na iyong mga production groups natin ay mayroon din silang opsyon na manghiram na sa mababang interes para sa pangpakain sa pamilya nila at kasama po ito doon sa kanilang production assistance.
Iyon po. Marami pa pong mga programa actually itong F2C2, pati nga iyong sinabi ko kanina iyong mga training programs, etc. Pero since we are starting it at we are piloting it between now and yearend, gusto po naming mapag-aralan nang husto iyong mga magiging pangangailangan pa para ‘pag full blown, full blast na implementation po next year, napag-aralan po namin kung paano talaga makakatulong sa ating mga magsasaka at mangingisda.
SEC. ANDANAR: When Cabinet Report returns, we will discuss what the next steps for agriculture stakeholders are now that the Farm and Fisheries Clustering and Consolidation Program is in place.
Mahigit isang buwan na mula nang ilabas ang administrative order tungkol sa Farm and Fisheries Clustering and Consolidation Program. Usec., ano po ang next steps ngayon para sa mga stakeholders ng agrikultura.
USEC. VICERRA: Dalawang grupo po kasi ang ating gustong maabot para sa programang ito. Una, iyong mga maliliit na magsasaka; at pangalawa, maliliit na mangingisda. Pero may pangatlo pa pala, iyon po iyong mga grupo naman, mga individuals naman na professionals na puwede pong makatulong pag-organize.
So doon po muna kami nakatutok ngayon, paano po tayo makahanap ng mga professionals, agricultural and fisheries professionals o kaya maski na other professions na may interes pong matuto sa agrikultura para sila po ang tutulong na pagsama-sama iyong ating mga produce groups. At kapag nagawa po natin iyong paghahanap sa kanila, iyon po ang una naming tututukan: Papaano natin sila matutulungan magkaroon ng mga kaalaman sa mga mas maganda at makabagong pamamaraan sa production systems, sa fisheries systems, sa farming systems.
Medyo mabilisan po ito, anyway, iyong mga teknolohiya po naman ay nandiyan na. At mas maganda po kung iyong mga graduates na ng agriculture and fisheries ang mga magbibenipisyo kaagad. At dapat iyong kanilang gustong tulungan ay iyong kanila mismong mga sariling bayan para mas appropriate na hindi na sila estranghero sa kanilang sariling lugar.
At iyon po, i-encourage natin na ganoon ang sistema. Ganoon lang po ang nakikita naming pamamaraan para mas marami tayong maabot na mga magsasaka at mangingisda. As I told you kanina, maski na po—sa limitado po kasing budget ng DA, talaga pong napakaliit pa nang naaabot ng gobyerno sa ating mga magsasaka at mangingisda. But if our farmers and fishers can organize themselves at the village level, mas madali po silang maabot at marating ng tulong kasi maio-organize din natin iyong mga grupo sa kanilang mga probinsiya, sa kanilang mga bayan-bayan para maka-access kung hindi man ng tulong ng Kagawaran ng Agrikultura, tulong ng mga bangko natin, tulong ng mga state colleges and universities natin para maparating kaagad iyong teknolohiya, kaalaman at training at financing sa ating mga magsasaka at mangingisda.
SEC. ANDANAR: Maraming salamat sa iyong pagpapaliwanag sa Farm and Fisheries Clustering and Consolidation Program, Department of Agriculture Undersecretary for Policy and Planning Rodolfo Vicerra.
USEC. VICERRA: Maraming, maraming salamat po, Sec. Mart, sa pagkakataong binigay ninyo sa amin para maipaliwanag po itong aming bagong programa under ng leadership po ng ating Secretary William Dar.
At gusto po naming ipaabot ang paanyaya sa lahat ng ating mga magsasaka at mangingisda, magsama-sama po kayo sa inyong mga pamayanan at maghanap po tayo ng mga professional na tutulong sa atin para po mas madaling ma-access ang mga serbisyo po ng Kagawaran ng Agrikultura hindi lang po sa mga financing, kung hindi mas maganda sa mga technical na bagay, sa pag-access po ng inyong mga merkado para sa inyong mga produkto at sa pag-organisa po ng grupo ninyo. Sana po ay magtulungan po tayo dahil para sa ating lahat ito, para rin po ito sa inyong mga pamayanan.
Maraming salamat, Sec. Mart, ulit. Thank you.
SEC. ANDANAR: Pilipinas, ang Farm and Fisheries Clustering and Consolidation Program ay isang kakaibang pananaw at pag-aksyon sa mga hamon ng agrikultura sa panahong ito. More than anything, this is a change of mindset, to begin thinking of cooperation; to begin thinking of scale; to begin thinking of professionalization; to begin thinking of technology.
We are blessed with a bounty of Mother Nature. We are blessed with the abundance of agriculture. It is God’s gift to us. As we face the challenge of food security and economic recovery, the Department of Agriculture is asking us to rally together, to consolidate our resources and to unite. Let us farm and fish as one. Let us harvest and catch as one. Let us recover and progress as one.
Para sa Cabinet Report, ito po si Communications Secretary Martin Andanar. Maayong gabi ka ninyong tanan.
##
Source: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)