Press Briefing

Public Briefing #LagingHandaPH hosted by Presidential Communications Operations Office Undersecretary Rocky Ignacio and Aljo Bendijo


Event Public Briefing #LagingHandaPH
Location PTV

USEC. IGNACIO: Magandang umaga, Pilipinas. Isang oras na naman po nang makabuluhang talakayan ang muli naming ihahatid sa inyo ngayong araw ng Sabado.

BENDIJO: Kaisa po ang mga kawani mula sa iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan, ngayong umaga ay samahan ninyo po kami para sa isa na namang araw na punung-puno ng impormasyon kaugnay sa paglaban natin sa COVID-19. Ako po si Aljo Bendijo, magandang umaga po Usec. Rocky.

USEC. IGNACIO: Magandang umaga, Aljo. Mula po sa PCOO, ako naman po si Usec. Rocky Ignacio at ito ang Public Briefing #LagingHandaPH.

At upang sumagot sa mga tanong ng bayan, maya-maya lamang po makakasama natin sa programa sina National Action Plan Against COVID-19 Deputy Chief Implementer Secretary Vince Dizon at si Engineer Oliver Hernandez ng Caloocan City.

BENDIJO: Kasama rin natin sa paghahatid ng mga balita ang mga PTV correspondents mula sa iba’t ibang probinsiya at ang Philippine Broadcasting Service.

Samantala, para naman sa inyong mga katanungan, maaari kayong mag-post ng inyong mga komentaryo/reaksiyon sa live streaming ng ating programa sa PTV Facebook page.

At para po sa una nating mga balita, Bayanihan to Recover as One Act II nilagdaan na ng Pangulong Rodrigo Roa Duterte. Ang batas na ito ay makapagbibigay ng stimulus package sa isandaan at apatnapung bilyong pisong regular appropriation na 25 billion naman sa standby fund. Dagdag pa riyan ang malaking budget na bahagi ng budget na nakalaan ay mapupunta sa loans para sa mga sektor na naapektuhan ng pandemya at para sa emergency health-related responses ng pamahalaan. Ang layunin ng nasabing batas na ito ay mapagaan ang epekto ng COVID-19 sa bansa.

Samantala, nagpaalala naman si Senator Bong Go sa mga nagbibisikleta na laging mag-iingat, sumunod sa traffic lights, manatili sa bicycle lanes, magsuot ng helmet at maging responsableng driver o bike user. Matatandaang sinuportahan din ng senador ang Senate Bill No. 1852 o ang Safe Pathways Act na layong magkaroon ng bicycle lanes at emergency pathways sa mga kalsada.

Sa iba pang mga balita, sa ginanap na Development Budget Coordinating Council Briefing nito lamang Huwebes, binigyang-diin ni Senator Bong Go ang kahalagahan ng pag-i-invest sa health sector ng bansa. Aniya, mahalagang maging handa ang bansa sa anumang krisis na maaari nating kakaharapin. Idinagdag pa ng senador, dapat aniya matuto na tayo mula sa COVID-19 na pandemic at kailangang bigyan ng prayoridad ang ating healthcare system.

USEC. IGNACIO: Ngayon naman Aljo, alamin natin ang kasalukuyang estado ng bansa sa gitna po ng ating laban kontra COVID-19 at mga programa ng pamahalaan sa pag-recover po mula sa pandemic. Makakausap po natin si National Action Plan Against COVID-19 Deputy Chief Implementer, Secretary Vince Dizon. Secretary, magandang araw po.

SEC. DIZON: Magandang araw po Usec. Rocky, Sir Aljo. Magandang umaga po sa lahat ng tagapanood.

USEC. IGNACIO: Welcome po sa Laging Handa Public Briefing. Secretary, tinatayang aabot po sa 370 billion pesos iyong halaga ng pondo na kakailanganin para sa mga proyekto po na makakatulong sa recovery ng bansa mula sa COVID-19. Maaari ninyo po bang ibahagi kung anu-ano po iyong mga infrastructure projects at iba pang programa na ipa-prioritize para po sa naturang pondo?

SEC. DIZON: Unang-una po, hindi lang po iyon ang kailangan, mas marami pa dahil sabi nga po ng ating Kongreso na kailangan pa talaga nating paigtingin ang iba’t ibang mga proyekto ‘no. Lahat actually ng mga infrastructure projects under Build, Build, Build malaki ang maitutulong sa pagbangon ng ating ekonomiya para tuluy-tuloy tayong makabawi dito sa napakatinding pinagdadaanan natin sa COVID-19.

So nagpapasalamat tayo sa Kongreso at sa ating mahal na Pangulo na kahapon ay napirmahan na po ang Bayanihan II. Mayroon pong 165 billion na pondo na nakalaan under Bayanihan II pero higit pa dito, marami pang mga proyekto under the 2021 budget na, lahat ito kapag pinagsama-sama natin, eh malaki ang maitutulong para maiahon natin ulit ang ating ekonomiya.

Now iyong 370 billion, ito lang yata ang mga proyekto under DPWH at iba’t iba pang mga ahensiya. Pero lahat naman iyan ay talagang makakatulong para maiahon natin ulit ang ekonomiya natin at ang kabuhayan ng ating mga kababayan.

USEC. IGNACIO: Opo. Alam naman po natin, Secretary, itong health crisis na ito naging malaki talaga iyong epekto sa ating ekonomiya. Sakali nga daw pong masimulan iyong mga nabanggit ninyong mga infrastructure projects at iba pang programa, ano pa iyong inaasahang magiging epekto nito sa ekonomiya at anu-ano po iyong sektor na magbi-benefit po dito?

SEC. DIZON: Lahat po ng sektor ay nagbi-benefit sa infrastructure, Usec. Rocky ‘no, dahil ang infrastructure unang-una, libu-libong mga trabaho ang naki-create niyan kaagad-agad once nagsimula ang isang proyekto tuluy-tuloy po ang employment na nadyi-generate ng mga project na iyan. Pero hindi lamang iyon dahil ang infrastructure ay nagki-create pa ng iba’t ibang mga aktibidades sa ekonomiya at napakalaki ng mga epekto nito, hindi lamang iyong direct employment kaya napakaimportante talaga niyan.

Ikalawa, marami tayong mga infrastructure na gagawin din sa sektor ng healthcare. Maraming mga iba’t ibang facilities na itinatayo ngayon, mga bagong laboratoryo, mga expansion ng ating mga existing na mga ospital, mga bagong ospital na itatayo at bago pang mga pasilidad na itatayo para direktang hindi lang makakapag-create ng employment pero makakatulong din sa pagmi-maintain ng kalusugan ng ating mga kababayan sa buong Pilipinas. So maaasahan po iyan sa mga susunod na buwan at mga susunod na taon.

USEC. IGNACIO: Secretary bago pa man po kasi magtapos ang buwan ng Agosto, naabot na po ninyo iyong target na makapagsagawa naman ng dalawang milyong tests. Paano ninyo po pinaghandaan iyong mga quarantine facilities? Ano na po iyong update sa mga itinatayong isolation units at testing centers?

SEC. DIZON: Unang-una po, nasa halos tatlong milyong tests na po tayo ‘no. Siguro hindi tayo aabot ng September 15 ay tatlong milyong tests na ang nagawa natin, lampas ito sa mga target na sinet (set) natin. Kagaya ng sinabi mo Usec. Rocky, noong buwan ng Agosto dalawang milyon lang ang ating target noon pero ngayon papasok pa lang ng kalahati ng September eh nasa tatlong milyon na.

Pero kailangan siyempre, kaakibat nitong pagdadagdag ng ating mga testing ay iyong pagtatayo ng ating mga isolation facilities at iyon din ay talagang ginagawa ng ating DPWH sa tulong ng iba’t ibang local government units at iba’t iba pang ahensiya ng gobyerno. Kaya ngayon madaming mga isolation facilities ang magbubukas ngayong buwan ng Setyembre. Kasama na diyan iyong ating isolation facilities sa Nayong Pilipino na halos animnaraang beds ang idadagdag noon; ang isolation facility sa Lungsod ng Calamba sa Laguna, 600 plus din iyan; at mayroon pang mga 24 isolation facilities na matatayo ng ating DPWH, humigit kumulang mahigit isang libo pang mga isolation facilities iyan ‘no.

So marami pang mga itatayo ngayon at mayroon pang mga pitong libong isolation facilities na tinatayo ngayon sa Visayas at sa Mindanao. Kaya bago matapos ang buwan ng Setyembre, siguro makakadagdag tayo ng mahigit limanlibong mga beds sa iba’t ibang isolation facilities – Luzon, Visayas at Mindanao.

USEC. IGNACIO: Opo. Pero Secretary sa ngayon, ano na po iyong testing capacity natin sa buong bansa kada araw?

SEC. DIZON: Ang actual test na nagagawa natin ay mahigit apatnapung libo na ‘no, 42,000 mahigit na ang nagagawa natin kada araw na actual na testing iyan ‘no. Pero ang kapasidad natin para mag-test ay lampas 70,000 per day. So iyan pa ay papataasin pa natin sa mga susunod na linggo lalo na ngayon, dadami pa iyan lalo dahil ngayon mayroon na tayong bagong teknolohiya sa testing, iyong tinatawag nating antigen test na mas mabilis nating makukuha ang resulta. Fifteen minutes lang ay nakukuha na ang resulta, so mas madami tayong makukuhang mga antigen testing results sa mga susunod na araw at susunod na linggo dahil ito ay naaprubahan na ng ating IATF.

USEC. IGNACIO: Okay. Secretary, sinabi ninyo po na bilis po ang pinakamahalaga sa pagtugon sa COVID-19 kasama na po iyong sinasabi ninyo, iyong bilis na pagri-release po nang result ng test. So ano po iyong average turnaround time sa pagri-release ng test results sa sinasabi ninyo at ano po iyong mga tinitingnan ninyong solusyon o hakbang ng pamahalaan para mas mapabilis po ito?

SEC. DIZON: Ang average turnaround time natin ngayon sa PCR test ay 72 hours. Pero kagaya ng sinabi ko kanina, iyong bagong teknolohiya natin, iyong antigen test, na accepted na sa buong mundo at na-validate na ng ating mga dalubhasa sa Department of Health at sa ating mga dalubhasang doktor sa Health Technology Assessment Council, iyong HTAC, ay 15 minutes lang po ito – 15 minutes ‘no. So napakabilis po nito at napakalaking bagay po nito sa pagpapaigting pa ng ating response at pagpapabilis ng ating response.

USEC. IGNACIO: Opo. Kaya nga po sinasabi ninyo, Secretary, na kailangan talaga din magdagdag ng isolation facility kasi mabilis na iyong makikita—

SEC. DIZON: Usec. Rocky, sorry, hindi po kita marinig.

USEC. IGNACIO: Opo. Secretary, kaya po sinasabi ninyo na kailangan talagang magdagdag ng isolation facility dahil sa pagdating po nitong antigen na gagamitin, talagang – sinabi ninyo nga – na dadami talaga, iyong pupuwedeng tumaas iyong makikita nating kaso, ano po, Secretary?

SEC. DIZON: Tama po iyan. Kaya kailangan po ma-isolate natin sila nang mabilis at ma-trace din natin nang mabilis ang kanilang contact. So naniniwala po tayo sa mga bagong interbensiyon na ito, mga bagong teknolohiya, ay lalo pa talagang bibilis at mapapaigting pa natin lalo ang ating response sa COVID-19 habang dahan-dahan nating binubuksan ang ating ekonomiya.

USEC. IGNACIO: Opo. Secretary, may isa pang paraan, iyong StaySafe app na maaaring magamit ngayon sa mga business establishments. Sa ngayon ilan na po sa mga kababayan natin iyong mga business establishments ang nakapag-register na dito?

SEC. DIZON: Madami na po at dumadami pa po iyan, habang dumadaan ang mga araw at linggo. Again po ‘no, noong nakaraang dalawang linggo, mga kumpanya tulad ng SM, ng Filinvest, ng Robinson, iyong mga pinakamalalaki nating mga malls, iyong ating mga malalaking fast-food chains tulad ng Jollibee group at ng McDonald’s group at iba’t iba pang mga restaurants ay tuluy-tuloy nang gagamit ng StaySafe. At inaanyayahan ho natin ang iba pang mga malalaking kumpaniya tulad ng Ayala at iba pang mga malalaki nating mga kumpaniya, sana sumama na rin sila at mag-sign up na rin sila sa paggamit ng StaySafe.

At sa mga susunod na linggo ay gagamitin na rin ito sa mga transportation centers natin, tulad sa ating mga MRT, LRT, sa ating mga bus terminal para po magamit na talaga at mapabilis po ang ating contact tracing at makita po ng ating mga kababayan na talagang ginagamit natin itong mga makabagong teknolohiya para mapabilis natin ang response sa COVID-19. Napakaimportante po ng tracing, sabi nga ng ating Tracing Czar na si Mayor Benjie Magalong. At itong mga technology na ito ay malaki ang maitutulong.

USEC. IGNACIO: Opo. Pero iyon nga po, iyong gusto ko rin po na malaman, papaano po makakatulong nang malaki itong StaySafe app na ito sa mga negosyante pagdating sa contact tracing? Kasi siyempre po, paano natin masisiguro iyong reliability nito?

SEC. DIZON: Una po, iyan ay in-assess na ng ating DICT at ng ating National Privacy Commission. Ibig sabihin, protektado ang privacy ng ating mga kababayan. Gagamitin lang po talaga iyan para sa response natin sa COVID-19.

USEC. IGNACIO: Katulad niyan, Secretary, sinabi ninyo po iyan, kaugnay doon sa sinasabi nating data security, so sa kaalaman po ng ating mga kababayan, saan po ba napupunta iyong mga personal details ng ating mga kababayan? At ano po ang ginagawa sa mga nakukuha—

SEC. DIZON: Sa gobyerno po iyan napupunta.

USEC. IGNACIO: Secretary?

SEC. DIZON: Pasensiya na po, naputol.

USEC. IGNACIO: Opo. Katulad po ng sinabi ninyo na ganoon nga na napakalaki pong tulong nito para ma-trace kaagad. Pero iyong sa detail security po, ang tanong ng iba, saan po daw mapupunta naman iyong personal details ng ating mga kababayan? At ano po iyong ginagawa sa nakukolektang impormasyon? At hanggang kailan po itatagal nito sa database?

SEC. DIZON: Iyan po ay mina-manage ng ating Department of Information Communication Technology, iyong sistema. Pero iyong datos po ay napupunta sa gobyerno, sa ating Department of Health. Sila po ang controller ng mga datos kaya makakasiguro po tayo at binabantayan din po iyan ng ating National Privacy Commission.

Pero napakaimportante po talaga nito na magamit natin ang mga makabagong teknolohiya para talagang mapabilis natin ang ating response, tulad na rin ng ginagawa ng iba’t ibang bansa.

USEC. IGNACIO: Secretary, napakalaki po ng role ng LGU sa gitna po nitong pandemic. Alam ko po kayo ay naglilibot din at kinukumusta iyong ating mga kababayan. Kumustuhin ko naman po iyong mga pag-iikot ninyo sa mga testing at isolation centers sa mga iba’t ibang siyudad po.

SEC. DIZON: Alam ninyo po, napakaimportante po ng role ng ating LGUs at ng ating mga mayor at ng ating mga barangay captain. Dahil po ang response po talaga sa COVID-19, itong giyera na nilalabanan natin ngayon, ay nangyayari po sa LGU at sa barangay level. Kaya po talagang napakalaki ng pasalamat natin sa ating mga LGUs – sa ating mga mayor, sa ating mga kapitan, sa ating mga barangay tanod, sa ating mga barangay health workers. Sila po talaga ang ating mga frontliners dito sa laban against COVID-19.

At ang national government po ay nandito para tulungan sila, suportahan sila, bigyan sila ng nararapat nilang mga kakayahan at mga kinakailangan nilang mga equipment, supplies at iba’t iba pang suporta ay ibibigay po sa kanila ng ating national government.

Ang kinagandahan po ay sa loob po ng isang buwan, halos mahigit apatnapung mga LGUs na ang nabisita ng National Task Force from Luzon, Visayas to Mindanao. Noong nakaraan pong Wednesday ay nasa Bacolod po si Secretary Galvez, si Mayor Benjie Magalong at si Usec. Bong Vega, at talaga pong todo ang suporta na ibibigay natin sa Bacolod kung saan ngayon ay medyo tumataas ang kaso. At sa mga susunod na araw, pupunta po tayo sa Region VIII at pupunta rin po tayo sa Region XII, sa General Santos City, para po maibigay ang kinakailangang suporta at tulong ng ating mga LGUs galing sa national government.

USEC. IGNACIO: Opo. Secretary, we understand po na talagang naglilibot po kayo para tiyakin pa rin iyong sitwasyon ng ating mga kababayan sa iba’t ibang rehiyon. So paano ninyo naman matitiyak na mananatili pong matututukan din ang National Capital Region? Kasi po alam natin na dito talaga nanggagaling iyong pinakamaraming kaso.

SEC. DIZON: Wala pong tigil ang ating pagbaba at pag-i-interact sa ating mga LGUs sa NCR at sa Greater Metro Manila Area. Kahapon po, ako ay nasa City of Pasig. Noong nakaraang araw po, ako po ay nasa City of Taguig; sa City of Valenzuela, si Secretary Galvez po at ang iba’t iba nating mga Cabinet secretaries. Kahapon po si Secretary Bello at si Secretary Devera ng CHED ay nasa Malabon. Tuluy-tuloy po, halos araw-araw po ay kasama natin ang mga mayor natin sa NCR. At nakakatuwa po talaga iyong ating working relationship ay palakas po nang palakas. Kagaya ng sinabi ni Mayor Vico Sotto, simula po noong Marso hanggang sa ngayon ay lalo pang lumalakas ang ating interaction at ang ating pagtutulungan sa ating local government units.

Sa Sunday po, mayroon pong bagong meeting ulit ang ating NCR mayors at ang National Task Force. Pag-uusapan naman po iyong mga roles natin sa quarantine. Tuluy-tuloy po ang pagtutulungan natin kaya napakaganda po talaga ng working relationship natin sa ating NCR mayors. At talagang gusto natin talagang saluduhan ang ating mga mayor sa NRC at sa iba’t ibang lugar dito sa Greater Metro Manila Area dahil kung hindi dahil sa kanila, hindi po natin makikita ang pagbaba, dahan-dahang pagbaba ng mga kaso dito sa Greater Metro Manila Area. Kaya po sa mga mayor natin, saludo po kami sa inyo.

USEC. IGNACIO: Opo. Secretary, sa ngayon naman po, ano naman daw po ang update sa mga supplies para sa mga medical frontliners naman natin?

SEC. DIZON: Ang maganda po ngayon ay marami tayong supply, at tuluy-tuloy po ang pagpapadala natin ng supply – ng PPEs, ng mga testing kits, ng mga face masks. Lahat po iyan ay tuluy-tuloy po ang pagpapadala natin sa ating mga ospital, sa ating mga testing labs, sa ating mga testing centers at sa ating mga LGUs. At hindi lang po supply ang pinapadala natin ngayon pati po mga healthcare workers, mga nurses, doctor, medtech, swabber, laboratory assistant. Iyan po lahat ay ibinibigay na tulong ng national government sa ating mga frontliners, sa ating mga ospital at sa ating mga lab at sa ating mga LGU.

USEC. IGNACIO: Secretary ano naman daw po iyong paghahanda na ginagawa natin para sa gagawing solidarity trial at paano po iyong magiging sistema para dito.

SEC. DIZON: Ang solidarity trials po ano, iyan ay pinagtutulungan sa pamumuno ng ating Department of Science and Technology, kay Secretary Boy Dela Peña at siyempre sa atin pong DOH. At iyan po ay tuluy-tuloy at talaga pong dahil sa napakalakas na diplomatic relationships ng ating Pangulo sa lahat ng bansa ay talaga pong tuluy-tuloy po ang pagsasanib-puwersa ng Pilipinas sa iba’t ibang bansa sa pamamagitan nitong mga solidarity trials. Kaya ang objective po natin talaga diyan ay once na mayroon ng bakuna na ready at na-validate na ng mga eksperto sa buong mundo ay ready na po ang Pilipinas na ipamahagi ito sa ating mga kababayan, lalo na unang-una sa ating mga pinakanangangailangan, pinakamahihirap nating mga kababayan, sa mga lugar na napakataas ng kaso at siyempre po unang-una din po dapat ang ating mga frontliners na makatanggap ng bakuna against sa COVID-19.

USEC. IGNACIO: Secretary may tanong din dito, kasi nga daw po sa September 14 magsisimula na iyong isyung physical distancing sa mga pampublikong sakayan. So, ano na po iyong tinitingnan ninyong baka maging epekto naman nito sa magiging kaso ng COVID-19 sa mga susunod na araw, Secretary?

SEC. DIZON: Alam ninyo iyong physical distancing, requirement talaga iyan. Kasama iyan sa tatlong basic minimum health standards ng paghuhugas ng kamay, pagsusuot ng face mask at pagdidistansiya. Ngayon po sa masususing pag-aaral ng ating Department of Transportation kasama ng ating dalubhasang mga doktor at mga eksperto, pinag-aaralan pong maigi at ngayon po, napagkasunduan na medyo puwede nating bawasan ang ating distancing from one meter to .75, .5 at later on mas mababa pa doon. Pero ito ay dadagdagan ng mga bago pang mga proteksiyon ng ating mga kababayan tulad ng pagsusuot ng face shield sa public transportation.

So, ito po ay pinag-aaralan na mabuti ng ating mga eksperto sa tulong ng ating Department of Transportation, sa leadership ni Secretary Tugade at ang objective naman po nito ay madagdagan po natin ang kapasidad ng ating public transportation para naman po ang mga kababayan natin ay magkakaroon ng mas maraming option para makapasok na sila at manumbalik na sila sa kanilang mga trabaho.

Dahil alam naman po natin, kasabay ng ating pagpoprotekta sa ating mga kababayan laban sa COVID-19 kailangan din ay bigyan natin sila ng pagkakataon na manumbalik sa kanilang trabaho para dahan-dahan pong sila ay kumita na muli at talagang umarangkada na po ang ating ekonomiya.

USEC. IGNACIO: Secretary, bilang Deputy Chief Implementer, nakikita po ba ninyo iyong posibilidad na maging COVID-19 free na ang bansa bago po magtapos ang taon?

SEC. DIZON: Alam mo, mahirap sabihin iyan, USec. Rocky. Sabi nga natin habang wala pang bakuna, ang COVID-19 ay hindi mawawala, nandiyan pa rin siya, kaya dapat ang ambag ng ating mga kababayan ay ang pagsunod sa ating pagsusuot ng mask, paghuhugas lagi ng kamay at pagdidistansiya sa ating mga kababayan at sa mga instance na medyo matagal ang interaction tulad ng public transport, tulad ng pagpapasok sa mga iba’t ibang mga restaurant o mga area na medyo matagal ang interaction natin sa ating mga kababayan – kailangan dagdagan na rin ng face shield. Kailangan sumunod po tayo dito dahil hangga’t wala pong bakuna nandiyan po ang COVID-19 at dapat po mag-ingat tayo at sumunod sa ating mga panuntunan laban sa COVID-19 tulad ng ating minimum health standard.

USEC. IGNACIO: Opo, sandali lang po, Secretary ha, mukha lang pong may tanong tayo na tinanggap mula sa ating kasamahan sa media. Tanong po ni Jaypee Soriano ng GMA News: Reaksiyon daw po sa comment made by former Health Secretary Dayrit. He said the Philippine government has been unable to keep a lid on the COVID-19 pandemic. A former health Secretary said on Friday warning the country faces an uphill battles. Specifically, he said, you know we have not controlled it. What I am saying is, we are trying to control it, but we are not able to control it and that is why it’s an upward curve.

SEC. DIZON: Alam po ninyo, iyong uphill battle po at napakalaki po ng respeto natin kay Secretary Manuel Dayrit, isa po siya sa mga dalubhasa talaga natin na tumutulong din sa ating response. Lahat po ng bansa ay may uphill battle sa COVID-19. At tingin ko po nakikita natin iyan, dinadaan po iyan ng lahat ng bansa sa buong mundo. Pero ngayon po nakikita natin sa tulong ng iba’t ibang mga sektor kasama na rin ang private sector, kasama na rin ang mga dalubhasa natin, tulad ni Secretary Dayrit, pipilitin po talaga natin na makontrol ang mga kaso. At ang ating action plan ay sa tingin natin ay nagwo-work na siya sa pamamagitan ng mga iba’t-ibang interbensiyon na ginagawa natin ngayon. Pero kailangan pa nating paigtingin pa ng todo ang ating response at magagawa lang natin ito kung tulung-tulong tayo. Mahirap po kasi iyong turuan at iyong pag-a-assign ng blame sa iba’t ibang tao, sa iba’t ibang mga sektor. Ang kailangan po dito ay magtulungan tayo at nagpapasalamat tayo kay Secretary Dayrit dahil isa siya sa mga dalubhasa na tuluy-tuloy ang tulong sa national government sa pamamagitan ng advice na binibigay niya sa ating response.

USEC. IGNACIO: Secretary kunin ko na lang po iyong mensahe ninyo sa ating manunuod ngayong araw?

SEC. DIZON: Unang-una po ang COVID po ay hindi mawawala sa loob ng isang buwan, siguro sa loob ng halos isang taon hangga’t makakuha tayo ng bakuna. Kaya habang wala pa pong bakuna, kailangan po talaga tayong lahat ay magtulung-tulong, may kaniya-kaniya tayong ambag sa laban na ito at ang pinaka-importanteng ambag po ng ating mga kababayan ay sumunod po sa ating mga health standard na pagsusuot ng mask, paghuhugas lagi ng kamay at lagi po tayong pipilit na magdistansiya sa ating mga kababayan. At kapag tayo po ay sasakay ng jeep, sasakay ng bus, sasakay ng MRT, may dagdag po tayong kailangang isuot, iyon pong ating face shield. Kung gagawin po natin iyan, maniwala po kayo sa amin. Ito na rin ang sinasabi ng mga dalubhasa natin tulad ni Secretary Dayrit ay tulung-tulong po tayo, mapapababa po natin ng sama-sama ito pong mga kaso ng COVID-19, sa ating bansa. Tulung-tulong lang po tayo.

USEC. IGNACIO: Maraming salamat po sa inyong panahon, Secretary Vince Dizon. Sec. mag-ingat po.

SEC. DIZON: Thank you very much, stay safe po sa ating lahat. Usec Rocky, Boss Aljo, thank you very much, ingat po kayo.

USEC. IGNACIO: Salamat po.

BENDIJO: Sa puntong ito ay dumako naman po tayo sa pinakahuling ulat mula sa iba’t ibang lalawigan. Makakasama natin Aaron Bayato mula sa Philippine Broadcasting Service.

(NEWS REPORTING)

BENDIJO: Maraming salamat, Aaron Bayato mula sa Philippine Broadcasting Service (PBS). At upang alamin ang pinakabagong paraan—

USEC. IGNACIO: Engineer, si Rocky Ignacio po. Sa ngayon po, gaano na po ba karami ang bilang ng tinamaan at gumaling sa COVID-19 diyan sa Lungsod ng Caloocan City?

ENGINEER HERNANDEZ: Magandang umaga, USec. Rocky! Sa ngayon po, ang total COVID case namin na naitala as of yesterday, 7 P.M. ay [garbled] pero ang amin pong recoveries ay 5,013. So, more than 1,000 na lang po ang ating active cases sa buong Caloocan.

USEC. IGNACIO: Opo. Nandiyan na po ba si Aljo? Aljo?

Okay. Engineer, kaugnay naman sa mahigpit na pagpapatupad ng ‘no home quarantine policy,’ kumusta po ang lagay o dami ng quarantine facilities naman po sa Caloocan? Sapat po ba iyong araw-araw na… sa naitatalang bagong kaso or may ongoing construction na ang Caloocan para naman po magkaroon ng karagdagang ng isolation unit sa inyong siyudad, Engineer?

ENGINEER HERNANDEZ: Opo. Actually, sa ngayon po ang ating Lungsod mayroon ng 13 [garbled] sa iba’t-ibang lugar tulad noong [garbled] sa Caloocan. [garbled] cases and at the same time kung magkakaroon po [garbled]. Sa ngayon po, ay nakikipagtulungan po ang national government [garbled] mayroon pong mga itinatayong mga [garbled] ang DPWH sa aming lungsod.

USEC. IGNACIO: Opo. Engineer, medyo choppy po iyong dating ninyo ano po. Pero kamakailan po inilunsad sa Caloocan City iyong paggamit ng quarantine wristband. Para saan po ba iyong ginagamit na itong ang tawag po ay “Q-band” po na tinawag at sinu-sino lamang po iyong binibigyan nito?

ENGINEER HERNANDEZ: Yes. USec. Rocky. Actually, inilunsad po namin iyan noong nakaraang linggo. Ang layunin po nito ay ma-monitor natin iyong mga pasyente sa Caloocan after swabbing pa lamang. This system magkakaroon po ng monitoring ang ating mga city health officers, ang ating mga health centers sa barangay. Two times a day [garbled] kung nasaan po sila; sila po ba ay pagala-gala [garbled] or nag-i-stay po sila sa [garbled].

USEC. IGNACIO: Opo. Engineer, medyo malabo po iyong dating ninyo. So, iyon pong Q-band na sinasabi ninyo ay ibinibigay po doon sa mga taong nakapagpa-swab po ba para malaman ninyo po na hindi muna dapat lumabas o dapat nasa quarantine po muna?

ENGINEER HERNANDEZ: Opo. Pagkatapos pong mai-swab iyong ating mga kababayan, bibigyan na po sila ng quarantine band. So, to conduct [garbled] mamo-monitor na po ng ating City Health Office kung ano po ang temperature twice a day by—kung kayo po ay pamilyar sa QR Code na tinatawag. So, ang mangyayari po doon ire-report po ng mga kababayan iyong kanilang temperature sa ating command center.

Ang kagandahan po nito, USec., ma-monitor namin closely kung nasaan ang whereabouts ng ating mga kababayan dahil nga po mahigpit na ipinagbabawal na ang home quarantine, dapat nasa facility sila. So dapat po ay hindi sila lalabas doon sa facility. Mayroon pong ranges kung hanggang saan lamang po pupuwedeng gumala o mag-travel iyong taong may quarantine band. So, every now and then we can monitor their temperature at saka iyong whereabouts po ng atin pong mga pasyente.

USEC. IGNACIO: Opo. Engineer, ano pa po ba ang proseso na dapat gawin o sundin ng mga nakatanggap nito?

ENGINEER HERNANDEZ: Actually, ito po ay ipinasa sa ating Sangguniang Panglusod. Kapag mayroon pong mga paglabag may kaukulang parusa. P1,000 po sa bawat paglabag at siyempre kung hindi po sila makakapag-pay ng kanilang penalty, puwede po silang makulong hanggang maximum of ten days.

USEC. IGNACIO: Okay. Kabilang po, Engineer, sa mga bansang gumagamit ng quarantine wristband ay ang Malaysia at Hong Kong. So, paano ninyo po naisipan na i-apply ang ganitong sistema sa Caloocan City, Engineer?

ENGINEER HERNANDEZ: Opo. USec., kasi talagang ang mga tao po talaga ay nature na nila iyong katigasan ng ulo. So, even in the home quarantine na pinapayagan na dati pa, lumalabas pa rin po. So, to avoid iyong contacts doon sa mga hindi po kontaminado, minabuti po ni Mayor Oca na mag-isip ng isang paraan para ma-closely ma-monitor natin itong ating mga kababayan.

USEC. IGNACIO: Opo. Pero doon po, Engineer, sa paggamit ng Q-band na tinatawag ninyo, paano naman po natin isinasaalang-alang naman po iyong kaligtasan, confidentiality ng pasyenteng nabibigyan po nito?

ENGINEER HERNANDEZ: Opo. Actually, USec., hindi lamang po iyong dito sa mga ospital natin ina-apply iyan o sa mga different swabbing centers ibinibigay. So, ang nagiging problema namin diyan ay iyong pagtagal ng mga data na nakakaabot sa ating City Government. So, kung nakikita ninyo po iyong ating report, kadalasan po ay mas malaki po iyong mga late report cases kaysa doon po sa mga fresh cases. In this case po, maiiwasan na po iyong mga ganoong late cases kasi ma-monitor na namin po kung ano na iyong activity noong mga pasyenteng taga-Caloocan.

Ito naman po, siyempre mayroon naman po tayong IATF na mga data confidentiality na tinatawag, so ang lahat lamang po ng nakakaalam ng mga data ay ang ating command center. Hindi po namin ito ibinibigay sa public para maproteksiyunan din naman ang ating mga kababayan.

USEC. IGNACIO: Engineer, nakita ninyo na ba iyong puwedeng maitulong nito o gaano po kalaki ang maitutulong ng paggamit ng quarantine wristband pagdating doon sa contact tracing, at kasama na po siyempre iyong pag-monitor ng mga patients?

ENGINEER HERNANDEZ: Opo. Napakadaling magkaroon po ng contact tracing diyan kasi po mayroon din pong GIS ito ‘no. So iyong lahat po ng mga pasyente na kung saan nagmula, for example, sa isang barangay, maka-qualify na po natin kung hanggang saang area iyong pupuwedeng pinuntahan ng ating mga positive cases.

So naka-link po ito doon sa contact tracing namin na ginagawa sa ating command center, at sila po iyong naka-monitor closely doon sa ating mga pasyente at sa ating barangay.

USEC. IGNACIO: Okay. Engineer, kunin ko na lang po iyong mensahe ninyo para sa inyo pong mga kababayan at siyempre iyong manunood po diyan sa Caloocan City.

ENGINEER HERNANDEZ: Yes, Usec., gusto ko pong batiin ang ating mga kababayan sa Caloocan City. In behalf of Mayor Oca Malapitan, ang buong siyudad po, ang buong city government ay patuloy na gumagawa ng iba’t ibang paraan para po mabawasan at mapigilan ang pagdami ng mga COVID cases sa ating lugar.

Kung anuman po ang ating mga bagong in-introduce na mga proseso, sana po ay makiisa tayong lahat para po sa dagliang paglutas ng problema sa COVID-19.

USEC. IGNACIO: Okay. Maraming salamat po sa inyong panahon, Engineer Oliver Hernandez. Stay safe, Engineer.

ENGINEER HERNANDEZ: Maraming salamat, Usec. Rocky. Maraming salamat sa inyong lahat. Magandang umaga.

USEC. IGNACIO: Samantala, upang bigyan-daan ang Hatid Tulong Program na layong mapauwi ang mga na-stranded sa Maynila dahil sa umiiral na community quarantine ay pansamantala munang ipinagpaliban ang Balik Probinsiya, Bagong Pag-asa Program. Para sa iba pang detalye, panoorin po natin ito: [VTR]

Mula naman po sa PTV-Davao, may ulat ang aming kasamang si Clodet Loreto. Clodet?

[NEWS REPORTING]

USEC. IGNACIO: Maraming salamat sa iyo, Clodet Loreto ng PTV-Davao.

Samantala, dumako naman po tayo sa update kaugnay sa COVID-19 cases sa buong bansa. Base po sa tala ng Department of Health, as of September 11, 2020 umabot na po sa 252, 964 ang total number of confirmed cases. Naitala ang 4,040 new COVID-19 cases. Naitala rin kahapon ang 42 katao na nasawi kaya umabot po ito sa 4,108 cases ang kabuuang bilang ng COVID deaths sa ating bansa. Ngunit patuloy rin ang pagdami naman po ng nakaka-recover na umakyat na sa 186, 606 with 566 new recoveries na recorded po as of yesterday. Ang kabuuang tutal na ating active cases ay 62,250.

Samantala, tulad po ng ating araw-araw na paalala, maging BIDA solusyon sa laban kontra COVID-19. Ugaliin po ang pagsusuot ng face mask dahil sa pamamagitan po nito ay napipigilan ang pagkalat ng droplets mula sa inyong bibig at ilong. Nababawasan din po nito ng 67% ang chance na makahawa at mahawa ng sakit. At bukod sa ating kaligtasan, ang pagsusuot po ng mask ay pagpapakita rin ng respeto at courtesy sa mga taong ating nakakausap, nakakasalamuha. Simpleng paraan lang po iyan pero malaki ang maitutulong para labanan ang COVID-19.

At para po sa inyong mga katanungan at concerns tungkol sa COVID-19, maaari ninyo pong i-dial ang 02-894-COVID o kaya ay o2-894-26843. Para naman sa mga PLDT, Smart, Sun at TNT subscribers, i-dial po ang 1555. Patuloy rin kayong makibalita sa mga pinagkakatiwalaang sources ng impormasyon tungkol sa COVID-19, maaari ninyo pong bisitahin ang covid19.gov.ph.

At iyan nga po ang mga balitang aming nakalap ngayong araw. Maraming salamat po sa naglaan ng kani-kanilang oras sa pagbibigay-linaw sa mga impormasyon na mahalaga pong malaman ng ating mga kababayan.

Ang Public Briefing po ay hatid sa inyo ng iba’t ibang sangay ng Presidential Communications Operations Office, sa pakikipagtulungan po ng Department of Health, kaisa po rin ang Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas o KBP.

Maraming salamat din po sa Filipino Sign Language Access Team for COVID-19. Ako po ay nagpapasalamat kay Aljo Bendijo na atin pong nakasama kanina. Sa ngalan po ni Secretary Martin Andanar, kasama pa rin po si Aljo Bendijo, ako po si Usec. Rocky Ignacio. Magkita-kita po tayong muli sa Lunes dito lamang sa Public Briefing #LagingHandaPH.

##

Source: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)