Press Briefing

Public Briefing #LagingHandaPH hosted by Presidential Communications Operations Office Undersecretary Rocky Ignacio and Mr. Aljo Bendijo


Event Public Briefing #LagingHandaPH
Location PTV

USEC. IGNACIO: Magandang araw po sa lahat ng ating manunood sa telebisyon, radyo at sa ating online streaming. Ako po ang inyong lingkod, Usec. Rocky Ignacio mula sa Presidential Communications Operations Office. Good morning, Aljo.

BENDIJO: Maayong buntag, Usec. Rocky. Ako naman si Aljo Bendijo hahalili kay PCOO Secretary Martin Andanar at katuwang ninyo sa pagbabalita ng mga pinakabagong impormasyon tungkol pa rin sa COVID-19.

Lagi po naming paalala sa lahat na ugaliing magsuot ng face mask, mag-sanitize, i-observe ang physical distancing sa mga kasama at kung wala namang importanteng lakad, manatili na lamang po sa loob ng bahay.

USEC. IGNACIO: Basta’t laging handa at sama-sama, kaya natin ito. Simulan na natin ang Public Briefing #LagingHandaPH.

As of 4 P.M. kahapon, September 15, 2020 ay nakapagtala ang Department of Health ng karagdagang 3,544 reported COVID-19 cases sa bansa na sa kabuuan ay umabot na sa 269,407 na kaso; 57,392 po sa bilang na iyan ang nananatiling active cases. Nadagdagan naman ng 395 ang bilang ng recoveries o mga gumaling mula sa sakit na sa kabuuan ay umabot na sa 207,352 habang tatlumpu’t apat naman ang dumagdag sa mga nasawi na sa kabuuan ay nasa 4,663 na.

Mapapansin sa ating line graph na nagiging mataas o nagiging taas-baba ang galaw ng reported cases matapos maitala ang mahigit 4,600 noong Lunes. Bumaba naman ito kahapon na umabot sa 3,544. Bagama’t bumaba ang kasong naitala sa National Capital Region kahapon na umabot sa 690, ito pa rin ang una sa talaan ng pinagmumulan ng mataas na kaso. Ang Cavite pa rin ang nasa ikalawang puwesto na may 305 cases. Umangat naman sa ikatlong puwesto ang Rizal na nakapagtala ng 201 na bagong kaso. Sumunod ang Negros Occidental with 173 cases at panlima naman ang Bulacan na may 98 new COVID-19 cases.

Tumaas din ang bahagdan ng active cases mula sa 20.2% ng total cases na ating nai-report kahapon. Umakyat na sa 21.3% ang active cases.

BENDIJO: Bahagyang umangat din ang bahagdan ng mild cases mula po sa 87.6%, nasa 87.9% na ito samantalang bumaba naman ang bilang ng asymptomatic mula sa 8.2%, ito’y nasa 8% na lamang. 1.2% ng active cases ang severe at 2.9% ang kritikal.

Samantala muli naming paalala, maging BIDA Solusyon sa laban kontra COVID-19. Magagawa po natin ito sa pamamagitan ng pagsusuot ng face mask dahil napipigilan nito ang pagkalat ng droplets mula sa ating bibig at ilong. Nababawasan din nito ng 67% ang chance na tayo’y makahawa o ‘di kaya ay mahahawa ng sakit. Ang pagsusuot po ng mask ay pagpapakita rin ng paggalang sa mga taong ating nakakasalamuha. Tandaan po natin, maging BIDA Solusyon sa COVID-19.

Para po sa inyong mga katanungan at mga concerns tungkol sa COVID-19, maaari ninyo pong i-dial ang (02)894-COVID o kaya ay (02) 894-26843. Para naman sa mga PLDT, Smart, Sun at TNT subscribers, i-dial ang numerong 1555. Patuloy rin kayong makibalita sa mga pinagkakatiwalaang sources ng impormasyon tungkol sa COVID-19. Maaari ninyong bisitahin ang covid19.gov.ph.

USEC. IGNACIO: At para naman sa ating mga balita, Senator Bong Go nanawagan na tapusin na ang mga proyekto para sa mga nasalanta ng Bagyong Yolanda sa madaling panahon. Aniya, sa posibleng pag-extend ng IATF-Yolanda na natapos ang term noong nakaraang Agosto, inaasahan niya na mas matututukan ang mga ito alang-alang sa mga kababayan natin na matagal nang naghihintay ng tulong lalo na ang pabahay. Kung matatandaan, ito ay pansamantalang naantala dahil na rin sa pandemyang ating nararanasan.

Batay naman sa datos na naisumite ng IATF-Yolanda ay mataas ang completion rate ng mga naturang proyekto at ang pagpapalawig ng IATF-Yolanda ay labis na makakatulong upang ang mga natitirang housing units, electrification at water connection ay agad na matatapos.

BENDIJO: Pagsusulong ng mga panukala kagaya ng pagbuo ng medical reserve corps at paglikha ng digital health system sa bansa tinalakay sa isinagawang pagpupulong ng Senate Committee on Health and Demography kahapon. Matatandaan na binanggit ni Pangulong Duterte sa kaniyang SONA ang pangangailangan ng medical reserve corps na siyang reresponde sa panahon ng krisis.

Kaugnay diyan ay nag-file na sina Senator Bong Go, Senator Imee Marcos at Senator Pia Cayetano ng bill hinggil dito – ang Senate Bill 1451. Bukod sa medical reserve corps ay isinusulong din ang pagkakaroon ng e-health system and services upang maiwasan ang panganib na dulot ng anumang virus sa ating mga frontliners.

USEC. IGNACIO: Dahil naman sa dumaraming kaso ng depresyon dulot ng stress sa COVID-19 pandemic na nauuwi sa pagkakamatay, hinikayat ngayon ni Senator Bong Go na maglaan din ng programa ang Department of Health patungkol sa suicide awareness. Dagdag pa ng senador, dapat ding bigyang-prayoridad ng national agencies ang access to mental healthcare system.

BENDIJO: Kasama nating magbabalita mamaya sina John Mogol mula sa PBS (Philippine Broadcasting Services), Breves Bulsao mula sa PTV-Cordillera, John Aroa mula naman sa PTV-Cebu at Jay Lagang mula sa PTV-Davao.

USEC. IGNACIO: Samantala, makakapanayam natin ngayong umaga sina Attorney Martin Delgra III, ang chairperson ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board at ang OWWA Administrator Hans Leo Cacdac.

BENDIJO: Kung may mga nais po kayong linawin sa atin pong mga resource persons, i-comment ninyo lang po iyan sa ating live stream at sisikapin nating maipaabot sa kanila ang inyo pong mga katanungan.

USEC. IGNACIO: Okay. Simulan na natin ang makabuluhang talakayan, Aljo, dito sa Public Briefing. Para po sa ating unang panauhin, makakasama po natin si Attorney Martin Delgra III, ang chairperson po ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board upang makibalita sa kanilang mga inisyatibo at siyempre programa po sa sektor ng transportasyon. Magandang umaga po, Chair Delgra.

CHAIRPERSON DELGRA: Magandang umaga din po sa inyo Usec. Rocky at Aljo. Maayong buntag. Good morning sa lahat po.

USEC. IGNACIO: Attorney nitong Lunes po, nagsimula na pong bumiyahe iyong 1,159 traditional PUJ units sa may dalawampu’t walong ruta sa Metro Manila. So kumusta po iyong monitoring natin kung sumusunod po ba ang ating mga drivers sa health at distancing protocols?

CHAIRPERSON DELGRA: Tama po kayo, Usec., mayroon po tayong pinalabas na dagdag na mga PUJ, traditional PUJ noong Lunes at tuluy-tuloy din naman po iyong paglalabas natin at pagdi-deploy ng mga additional units po ano. Hindi lang po sa PUJ kung hindi po sa all modes of public transport kung saan ay iyong mga pampublikong sasakyan na nagbibiyahe at kumukuha ng pasahero. So ibig sabihin po, kasama na rin po dito iyong modern jeepney, iyong buses, UV, taxi, TNVS, even the P-to-P buses.

So tuluy-tuloy naman din po iyong monitoring natin at tuluy-tuloy din po iyong paalala natin na susundin lang natin iyong ating mga public health protocols na itinalaga na at pabalik-balik nating pinapaalala sa kanila – hindi lang sa driver at operator, pati pasahero – iyong pagsusuot ng face mask at iyong pagsusuot ng face shield at kung puwede no talking at no eating inside public transport, so that would also prevent the transmission of the virus.

Pati iyong constant and frequent disinfection ng mga public utility vehicles pinapaalala po natin ito sa ating mga driver/operator, bus operators po before and even after they will deploy their units. So iyong mga symptomatic na mga pasahero, kung puwede huwag na kayong sumakay ng mga public transport para iwas po, iwas po tayo sa sakit. Pati na rin po iyong tinatawag na one-meter physical distancing po sa loob ng lahat ng pampublikong sasakyan. Iyon po ang ginagawa natin, patuloy pong ginagawa natin dito sa hanay ng public transpo.

USEC. IGNACIO: Opo. Attorney, kasabay po ng pagpapaluwag ng distancing protocols nitong mga nakaraang araw din po ay inanunsiyo ninyo na hindi naman po mandatory iyong paglalagay ng plastic barriers sa loob ng jeep dahil hindi naman ito kasama sa guidelines na inilabas ninyo, ng DOTr at maging pong ng IATF, ang paglalagay nga ng plastic barriers. Paki-expound po ito, Attorney?

CHAIRPERSON DELGRA: [Garbled] tungkol po sa plastic barriers, tinutukoy natin iyong nilalagay nila sa likod, plastic barriers between passenger [garbled] sa patakaran o alintuntunin na inilabas po ng LTFRB at DOTr. Iyan po ay nangyari po siguro noong may suspension of public transport way back in May na ECQ ang halos sa karamihang area ng bansa. So there were [garbled] putting a plastic barrier between passengers. And it turned out that there were some benefits to it, and in fact some LGUs in fact endorsed it as well for those public utility vehicles that were running in their respective jurisdiction.

Pero as I’ve said, hindi po officially endorsed iyan in so far as LTFRB and DOTr are concerned. And plastic barrier po na inilabas natin as a policy is actually iyong plastic transparent barrier between driver and the passenger, to protect the driver from the passenger and vice versa also – to protect the passengers from the driver. So iyon lang ang paglilinaw natin dito na kung nakakatulong, ituloy; pero hindi po natin minamandato po.

USEC. IGNACIO: Opo. Related din po ito sa tanong ng ating kasamang si Leila Salaverria ng Inquirer. Ang tanong po niya kasi: ano na daw po ang feedback sa bagong physical distancing rule na .75 meters instead of one meter? Nahihirapan pa daw po itong i-implement.

CHAIRPERSON DELGRA: In so far as LTFRB and DOTr are concerned, and in fact, for LTFRB, nagpalabas na po tayo ng memorandum circular para guidance at direktiba sa lahat ng pampublikong sasakyan to [garbled] reduce the social distancing requirement from one meter to .75 centimeters. Ito po ay para sa dalawang rason ‘no, among other reasons, unang-una, as mentioned by the DOTr Secretary Tugade at naaprubahan na rin po ito sa IATF na kung saan we need to increase… without having to compromise public health by the way, if I may emphasize it, na to increase the capacity of our public transport. Pabalik-balik sinasabi na may kakulangan sa public transport, and the way to that is to calibrate the reduction in the social distancing requirement without compromising public health.

And mayroon na po tayong mga study kung saan with reduced social distancing requirement, may dagdag po sa kapasidad ng ating mga public transport. Sa tren, mayroon na pong pag-aaral; sa bus, mayroon din po. If I may, depende po sa seating configuration ng mga buses kung saan, for example, mayroon po iyong sa isang gilid, tatluhan iyong seats at saka iyong sa kabila, dalawahan po, puwede na pong maupuan iyong nasa gitna, iyong tinatawag na aisle seat ng mga buses. Pero iyon pong mga dalawahan sa gilid, walang masyadong dagdag na pasahero diyan ‘no kasi wala naman din talagang… we cannot maintain the .75 centimeter significantly doon sa buses where you have 2×2.

Nakikita po natin dito na mayroon pong increase from as low as one to two persons, for example sa PUJ, it could also increase to about three for our modern jeepney, to as many as about eight or nine for buses. As I’ve said, depending again on the seating configuration. So iyon po ang sinasabi natin dito na may kapasidad na po.

Pangalawa is that that would also increase iyong tinatawag natin sa Ingles na financial viability on the part of the operator to run their service. Kasi with the reduced capacity, nag-aalanganin iyong mga iilan nating mga tsuper at mga operator na lalabas at tatakbo at bibiyahe dahil nga iyong reduced capacity might compromise their viability to run the routes.

But as I’ve said kanina, na when we talk about social distancing requirements, again without compromising public health, is a combination, it is just one of the combinations of measures that we need to address. I’ll say it again na ito po ay combination of wearing of facemasks and face shield, iyong hindi pag-uusap sa loob ng pampublikong sasakyan, iyong mga asymptomatic na mga pasahero kung puwede ay hindi sasakay. So iyon po iyong mga tinitingnan natin dito na kailangan masusunod sa loob ng isang pampublikong sasakyan.

USEC. IGNACIO: Opo. Bukod po sa sektor ng kalusugan at turismo, bahagi ng pondo po ng Bayanihan to Recover as One Act II ay mapupunta sa ating sektor po ng transportasyon na tinatayang nasa 9.5 billion pesos. So anu-ano po iyong mga karagdagang proyekto na inyong ipagkakaloob lalo na po doon sa mga displaced transport workers?

CHAIRPERSON DELGRA: Iyong sinasabi ninyo pong pondo na nailaan sa DOTr in particular and some of that will be downloaded to the LTFRB as the implementing agency po, ito po iyong more than nine billion po. Mayroon po tayong tinatawag na 2.6 billion allocation for what we call ‘critically impacted industries in the transport sector’; mayroon din po tayong nailaan na pondo na 5.58 billion para doon sa tinatawag na ‘service contracting program.’

So maiba lang po, these are two separate programs, although both allocation, budget allocations are for the transport sector. Having said that, iba-iba po iyong benepisyaryo nito.

So in so far as the 2.6 billion is concerned, ito po iyong mga … ang naipaplano po dito, para doon sa mga tsuper at mga operator lalung-lalo na hindi po nakapagbiyahe during the time of the pandemic for which they will be given either a cash subsidy or a fuel subsidy whichever maybe the case ‘no. For the 5.58 billion pesos that will be implemented under what we call the service contracting program which LTFRB will be the lead implementing agency.

USEC. IGNACIO: Opo. Attorney, madadagdagan po ba daw iyong PUV driver na mapagkakalooban ng ayuda sa ilalim naman ng Social Amelioration Program pagkatapos pong maipasa itong Bayanihan II; at kung mabibigyan po, ano daw po iyong proseso para maiwasan naman iyong duplication sa makakatanggap ng SAP?

CHAIRPERSON DELGRA: Magandang tanong po iyan, Usec., kasi po iyong LTFRB ay tinatanong diyan ano. But we will just like to put up in the context of how that Social Amelioration Program for PUV drivers is being implemented. Iyong main implementing agency po nito ay iyong DSWD, at iyong LTFRB at DOTr tumutulong doon sa DSWD sa pagkukuha at pagsa-submit ng listahan ng mga PUV drivers sa DSWD. Ang ginagawa din po ng DSWD, alam natin na under the Social Amelioration Program mayroon pong mga listahan ng mga SAP beneficiaries niyan, iisa lang doon iyong PUV drivers.

Ang ginagawa po ng DSWD, when we submitted the list to them, they would what they call cross match it with the other list para po hindi po… iyong tinatawag sa Ingles na they are trying to avoid duplication, na hindi magdudoble iyong listahan na which might result to dudoble iyong pagbibigay ng ayuda sa iisang pamilya.

As explained to us by DSWD, mayroon pong mga iba’t ibang benepisyaryo na nasa listahan nila, like iyong sa 4Ps, iyong conditional cash transfer, which in their list are in the millions of beneficiaries. Iyon pong binigay na list na aabot na mga 400,000, binangga po nila iyon doon sa listahan na nasa kanila, pati na rin po iyong mga listahan na nai-submit ng mga LGUs. Kasi iyong LGUs din, kumukuha ng listahan doon sa mga SAP beneficiaries. Once these lists are submitted with the DSWD, binabangga po nila iyan.

As of the latest po. What we learned from DSWD is mayroon na lang pong mga 209,000 na mga PUV drivers which would benefit under this SAP program for the PUV drivers. In line with this, we have worked closely with DSWD on the regional level para mapabilis po natin iyong pagbibigay ng ayuda under the SAP, Rocky, iyon po iyong ginagawa po natin sa kasalukuyan.

USEC. IGNACIO: Chairperson Delgra, puntahan po natin iyong katanungan ng mga kasamahan natin sa media. Unahin ko po iyong tanong ni Joan Nano of UNTV: Ano na po ang development sa biyahe ng provincial buses coming from Metro Manila na papasok sa mga probinsiya ngayong nadagdagan na po ng capacity sa public transport by reducing physical distancing, papayagan na rin po ba ang provincial buses?

CHAIRPERSON DELGRA: I’m sorry po, Usec, mukhang napuputol po iyong tanong ninyo.

USEC. IGNACIO: Attorney, ulitin ko na lang po iyong tanong, mula po kay Joan Nano ng UNTV: Ano na daw po iyong development sa biyahe ng provincial buses coming from Metro Manila na papasok po sa mga probinsiya, ngayon daw pong nagdadagdag na ng capacity sa public transport by reducing physical distancing, kung papayagan na rin po ba daw ang provincial buses?

CHAIRPERSON DELGRA: Opo, I got the question now. Salamat po. In so far as the provincial bus are concerned, especially originating or ending in Metro Manila is concerned, matagal na po natin itong pinag-uusapan internally with LTFRB and with DOTr in the expectation na makakabiyahe na nga or mao-open na natin iyong mga ruta coming Metro Manila to the provinces. Among the preparations that we have made, nag-usap na po, mga ilang beses na dialogue at pag-uusap namin sa mga tinatawag nating integrated terminal exchanges, iyong mga operators ng mga integrated terminals na lalahok dito sa pagbibiyahe, pagbubukas ng provincial bus routes. Ito po iyong limang major terminals sa PITX, sa North Luzon Express Terminal, Valenzuela, the one in Cubao and also in Sta Rosa.

So, pinaghandaan na rin po nila iyan, iyong pagbubukas ng provincial bus routes. We also have talked to the League of Governors and Mayors because alam po ninyo, iyong public transport o iyong pagbibiyahe po natin, iyong pagta-transport ng ating mga pasahero from Metro Manila papunta doon sa mga probinsiya, kailangan we need to coordinate with the LGUs concerned kasi sila rin iyong sasalo ng mga pasahero. So, since this is, we are in the context of the pandemic, naghahanda rin iyong mga LGUs kung papaano nila iha-handle iyong mga pasahero na aalis sa kanilang lugar o dadating sa kanila.

During our last consultations po sa league of locally elected officials ‘no with the board of governors, marami po sa kanila ang ayaw pa na magbukas ng border lalung-lalo na doon sa ruta na manggagaling sa Metro Manila. So, that is really our main concern. We already have … pinaabot na po natin itong concern na ito doon sa IATF at naghihintay lang po tayo ng iyong paghahanda po na-okay na po. Maliit lang po, as of the latest, out of 81 provinces, ang nakuha lang po namin na response among the provinces who would be willing to open their borders to admit passengers from Metro Manila, apat lang po. So because of that, we will have to prepare nevertheless to open provincial bus route on a limited capacity. We would like to understand it, in one, two or three things.

Unang-una, iyong pagbubukas po ng ruta, hindi lang po iyong pagbubukas ng ruta ang iintindihin natin kung hindi iyong pagbibiyahe ng pasahero and how we managed passengers, and that is what we want to emphasize – how are we going to manage passengers from the point of origin to the point of destination? Hindi lang po iyong kung saan bibiyahe at saan pupunta at saan din po dadaan. Kaya nga po iyong sinasabi ng mga league, kung papayagan man na bubukas iyong isang probinsiya, sabihin natin somewhere in Northern Luzon, iyong mga probinsiya na dadaanan, hindi pa papayag; hindi rin pupuwede na may tinatawag na bus stops along the way.

So, they are suggesting na parang point to point na rin po iyong pagbibiyahe. Iyong the usual travel requirement, that is required for airline and maritime passengers may also be required sa land-based public transport. But even on that score, we are still trying to review that because there might be certain requirements that might be a bit, if I may say, burdensome on the part of the road-based public transport. For example, iyong requirement ng test ‘no, bibiyahe ka, iyong pamasahe mo would probably be about 200 or 500, but you have to undergo testing which will probably cost you more than a thousand.

So sometimes, iyon po, we are still trying to review on how we are going to address that. But whatever be the case, we need to closely coordinate with the LGU concern. Because at the end of this trip, at the end of every trip, it is the LGU who will receive the passengers, who will manage the passengers as in their respective jurisdiction. So iyon po iyong ugnayan na ginagawa namin.

Hopefully, we are looking at a timeline na within the month, we will be opening the provincial bus routes po coming from Metro Manila or ending in Metro Manila. Having said that, mayroon na po tayo, nagbubukas na po iyong ibang mga region at ibang mga probinsiya. Like for example in Northern Luzon, mayroon na po tayong tinatawag na inter-provincial routes within Region l, even in the Cordillera Region, as well as in the Region II.

Mayroon din po tayong tinatawag na inter-provincial routes within the region. Ganoon din po sa Visayas at saka sa Mindanao. Mayroon din po iyong tinatawag nating inter-provincial routes kung saan mayroon pong nagbibiyahe na from one region to another. Like for example iyong Mindanao, mayroon pong mga biyahe na binuksan from Butuan in Caraga to Davao City in Region XI or from Cagayan De Oro in Region X to Caraga in Butuan City. But then again, I would like to caution you na hindi po ito binuksan ng biglaan at maramihan.

Again, as I’ve said, the numbers of trips are limited, the numbers of passengers are being managed from the origin to destination. So nagbubukas na po tayo, if I may say that ‘no, ng mga inter-provincial at inter-regional routes except the one here in Metro Manila which we are already ready to open. Inaayos lang po natin and, hopefully, we will be able to open it within the month.

USEC. IGNACIO: Attorney, may pahabol lang pong tanong si Leila Salaverria ng Inquirer bago po ako pumunta sa tanong ni Joseph Morong. Puwede daw po bang malaman iyong apat na provinces na pumayag sa bus routes?

CHAIRPERSON DELGRA: If I may recall, maalala ko, iyong Antique, Quirino at saka Bataan— I’m sorry I forgot the last province po.

USEC. IGNACIO: Opo. Mula po kay Joseph Morong ng GMA: Ano na po iyong final decision ng IATF on physical distancing and how is this going to be implemented?

CHAIRPERSON DELGRA: In so far as the LTFRB is concerned, sumusunod po tayo sa polisiya ng DOTr. As of the latest, iyong DOTr din sumusunod doon sa polisiya ng IATF pagdating doon sa social distancing requirement kung saan, as I have made mention earlier, since pinayagan na po iyong pagbaba from one meter to 0.75 ay iyon po ang sinusunod natin ngayon until such time that the IATF will review and will address that issue again. So, iyon po ang current policy that we are implementing at the moment.

USEC. IGNACIO: Opo. Ang second pong tanong ni Joseph Morong: Which is a better solution to providing more transportation for workers: (A) Reduced physical distancing; (B) Increased number of PUVs on the road?

CHAIRPERSON DELGRA: It’s a combination of all those, insofar as having to address increased capacity of public transport.

But there is something unique, as I’ve said earlier ano I’d like to emphasize again, there is something unique about having to reduce the social distancing requirement, again, without compromising public health and which is to increase the financial viability of those operators running the service.

Sa ngayon po, alam natin na nagbubukas tayo ng maraming mga ruta and we allow buses and PUJs, UV Express, but most likely hindi po lahat ito nagbibiyahe dahil po doon sa kakulangan—the expectation na kukulangin sila doon sa kanilang revenue and therefore, it would actually touch base on the issue of viability. And on the issue of viability po, it’s good to note na under the Bayanihan 2 mayroon pong nailaan na pondo for service contracting program.

USEC. IGNACIO: Okay. Maraming salamat po sa inyong panahon, Attorney Martin Delgra III, ang chairperson ng LTFRB. Keep safe po, Attorney!

CHAIRPERSON DELGRA: Kayo din po at salamat din po sa pagkakataon at magandang umaga sa lahat.

[AD]

BENDIJO: Sa pagkakataon pong ito ay kumustahin natin ang patuloy na pagtulong ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) sa atin pong mga kababayang OFW na labis na naapektuhan ng pandemya. Para bigyan po tayo ng update, makakapanayam natin si OWWA Administrator, Attorney Hans Leo Cacdac.

Good morning po, Attorney Hans.

ADMINISTRATOR CACDAC: Good morning, Sir Aljo, at sa iyong mga tagapakinig at tagapanood. Magandang umaga po.

BENDIJO: As of today, Admin Hans, ano po iyong update natin sa pagpapauwi sa mga kababayan natin sa ibang bansa na labis pong naapektuhan ng COVID-19 pandemic?

ADMINISTRATOR CACDAC: Opo. Sa ngayon po ay—as of today, tumatayo sa 202,000 na po ang napauwi ng IATF-NTF, DOLE, OWWA, DFA, DOTr, DILG, DOH, DND joint inter-agency effort sa kani-kanilang mga home regions. 202,000 OFWs po ang nakauwi sa kanilang home regions.

BENDIJO: Opo. Ilang linggo na lang po ay magpapasukan na. Para matulungan ang mga qualified college student ng active OWWA member ay handog ninyo itong Educational Assistance through Scholarship in Emergencies program o itong EASE. Para sa mga nais pong humabol, extended ba ang application nito, Attorney? At anu-ano iyong mga kinakailangang dokumento?

CHAIRPERSON DELGRA: Yes. Actually, Sir Aljo, wala tayong mahigpit na deadline dito. Kasi itong ating EASE, iyong granted ng OWWA Board of Trustees sa pagpupulong na pinasinayaan ni Secretary Bello, ay financial aid po ito. Ibig sabihin, kahit nagsimula na ang school year okay lang kasi financial aid po ito kada year ng collegiate level— (signal cut)

BENDIJO: Attorney Leo? Okay… Balikan lang natin maya-maya. Nag-iikot yata si Administrator Hans Cacdac diyan sa PITX at maya-maya yata ay tutungo ang OWWA sa mga paliparan natin dito po sa Metro Manila, mayroon po tayong NAIA 3, NAIA 2, NAIA 1… at kung okay na si Admin Leo…

Sir, good morning again. Are you there?

ADMINISTRATOR CACDAC: Opo, opo. sorry po, sorry po…

BENDIJO: Opo. Iyon pong educational program, iyong mga scholarships natin, aside from this EASE Program, ano pa iyong mga scholarship program na handog po ninyo para sa mga anak ng mga kababayan nating overseas Filipino workers na apektado pa rin po ng COVID-19, Admin Hans?

ADMINISTRATOR CACDAC: Mayroon pa ho tayo iyong Educational Development Scholarship, ito po iyong may grade point average requirement; basta’t makapasa doon sa DOST exam that’s administered every year. Mayroon na po tayong mga 400 kamakailan lamang na approved scholarship, nakapasa sa DOST exam.

And then iyong isa pa ho nating programa na siguro marami pa ring hindi nakakaalam, iyong ODSP, iyong OFW Dependent’s Scholarship Program. Ito’y para sa mga low income OFWs. Kadalasan, iyong mga anak ng kasambahay na collegiate level $600 pababa ang suweldo. Kaya ito po, inaanyayahan natin ang mga kababayan natin na mag-apply dito sa ODSP. Iyong mga lower income, $600 pababa ang sahod kada buwan ay puwede ho basta may collegiate level na anak o dependent, puwede hong mag-apply dito sa programa na ito bukod doon sa project EASE.

Iyong project EASE po kasi kanina, sir Aljo, para iyon sa mga returning OFWs, anak na nasa kolehiyo ng returning OFWs. Pero itong isang programa na dini-describe ko, iyong ODSP, ito po iyong sa mga lower income – $600 pababa ang sahod kada buwan puwede pong maging scholar natin ang anak ninyong nasa collegiate level.

BENDIJO: Opo. Kamakailan ay nakatanggap ng tulong ang mga Pilipinong manggagawa sa bansang Singapore na nawalan ng trabaho dahil pa rin po sa COVID-19 sa tulong ng POLO at SSS sa naturang bansa. Bukod po sa unemployment benefit ay nakatanggap din sila ng ayuda mula po sa DOLE AKAP Program.

Admin Hans, kumusta po ang pamamahagi ninyo ng AKAP sa mga kababayan natin na nawalan ng trabaho sa ibang bansa?

ADMINISTRATOR CACDAC: Yes. Mula noong Abril ay around 260,000 na ang nakinabang na mga OFWs displaced due to the COVID crisis dito sa DOLE AKAP program na pinasinayaan din ni Sec. Bello mula sa Bayanihan 1 at ngayon ay ipagpapatuloy sa Bayanihan II. Iyan ho ang magandang balita ngayon, nakakuha ang DOLE AKAP program ng P2 billion mula sa Bayanihan II kaya’t laking pasasalamat po natin sa ating Kongreso, sa ating mahal na Pangulo sa pagsasagawa ng Bayanihan II kasi magkakaroon ho tayo ng panibagong round of tranche na naman ng distribution to at least 200,000 DOLE AKAP beneficiaries.

BENDIJO: Noong nakaraang buwan po ay may nabanggit kayo sa ginawang hearing diyan sa Senado, ang Senate Labor Committee, tungkol po sa pinaplano ninyong pagbibigay po ng pangkabuhayang tulong, livelihood assistance program sa mga pinauwing mga OFW, repatriated at pabalik nating mga kababayan po rito galing sa abroad kung saan magpapahiram kayo sa kanila ng – tama ho ba? – P15,000 hanggang P1 milyon para po makapagsimula sila ng negosyo?

Tell us more about this po.

ADMINISTRATOR CACDAC: Yes. Ito iyong tinatawag natin na Tulong Puso Group Livelihood Program. Ito iyong P150,000 to P1 million livelihood grant sa mga OFWs who will group themselves into a livelihood, business or endeavor at basta’t sila ay incorporated under the SEC or workers association sila na kinikilala ng DOLE or cooperative sila under the Cooperative Development Authority.

At ang advise natin dito – basta feasible iyong business plan. Kasi alam naman natin na maraming negosyo, sir Aljo, na hindi magtatagumpay ngayong COVID eh. Halimbawa iyong mga spa o mga parlor or barber shop. Mayroong mga certain businesses na siguro patitingnan natin nang maigi at sasabihin natin sa mga OFWs natin, ang piliin nila iyong mas malaki ang tiyansa ng tagumpay ngayon sa business sa panahon ng COVID.

BENDIJO: Opo. Kumusta na po iyong pagpapauwi natin sa mga kababayang OFW na hanggang ngayon po ay stranded dito sa kalakhang Maynila?

OWWA ADMIN. CACDAC: Opo, ito po iyong sinasaayos natin ngayon. In fact, nandito ako ngayon sa Parañaque Integrated Terminal Exchange for iyong mga chartered buses natin for Luzon OFWs na ‘negative PCR-tested’ na ho at asymptomatic. Kaya’t patuloy po ang pagpapauwi araw-araw po sa NAIA, iyong mga chartered flights at iyong mga chartered buses mula dito sa PITX. At sabi ko nga kanina, tumataya na sa 202,000 since May 15 ang napauwi na mga OFWs sa kani-kanilang mga home regions dahil sa isinagawa ng IATF-NTF, DOLE, OWWA, DFA, DILG, DOH, DOTr, DND, joint effort po ito, sanib-puwersa para makauwi iyong 202,000 OFWs po natin sa kanilang home regions.

BENDIJO: Very good. Balikan ko lang po iyong livelihood assistance na i-extend ng OWWA. Gaano po ka-istrikto ang screening process po niyan para makapag-avail ng benepisyong iyan from OWWA?

OWWA ADMIN. CACDAC: Sabi ko nga, Sir Aljo, ang talagang titingnan natin dito, aside from iyong mga dapat well-planned at well-organized iyong grupo na mag a-apply doon sa business grant ay dapat iyong kanilang papasukan na negosyo ay may tiyansa ng tagumpay. Kasi nga alam natin na—maging mapagkilatis tayo, kasi alam natin na maraming mga negosyo sa panahon ng COVID na nahihirapang magtagumpay. Hindi ko naman sinasabing walang tiyansa, pero mahihirapang magtagumpay, kaya’t sa tulong ng DTI at ng Department of Agriculture, tutulungan po tayo na magtukoy ng mga negosyo na sa tingin natin puwedeng pasukin ng ating mga OFWs. Kaya ang payo ko sa mga OFWs natin, pumunta sa website ng DTI, Department of Agriculture, lumapit din sa kani-kanilang mga LGUs kung ano ba ang ipinapayo ng mga negosyo sa panahon ng COVID sa kanilang mga lokalidad. Kaya maging mapagkilatis po tayo, titingnan natin nang maigi para magabayan din natin ang mga OFWs natin at masiguro natin na iyong pera ay magagamit sa wasto.

BENDIJO: Mensahe na lang po sa ating mga manunood, Admin Hans?

OWWA ADMIN. CACDAC: Yes, ang mensahe po ay nandito po ang OWWA para bigyan po kayo ng tulong, iyong food transport accommodation po natin para sa smooth and safe na pag-uwi, transition ng ating mga mahal na OFWs dito sa ating mahal na bayan. And then sa kanilang pag-uwi sa kani-kanilang mga LGUs o regions, nandudoon pa din po ang OWWA, DOLE sa pamamagitan ng DOLE-AKAP program. Pumunta lang po sa dole-akap@owwa.gov.ph at pumunta na na lang po sa owwa.gov.ph para sa requirements ng ating livelihood at scholarship programs. Maraming salamat po sa inyo. Manalig po tayo, ipagdasal natin ang isa’t isa.

BENDIJO: Maraming salamat po sa pagpapaunlak, OWWA Administrator Hans Leo Cacdac, ingat po, sir.

OWWA. ADMIN. CACDAC: Ingat po.

USEC. IGNACIO: Samantala, puntahan na natin ang mga balitang nakalap ng ating mga kasamahan mula sa Philippine Broadcasting Service, ihahatid iyan ni John Mogol. John?

[NEWS REPORTING]

BENDIJO: Thank you, John Mogol. Alamin naman natin ang pinakahuling mga balita mula naman sa PTV-Cordillera, kasama si Breves Bulsao.

[NEWS REPORTING]

USEC. IGNACIO: Maraming salamat sa’yo, Breves Bulsao ng PTV Cordillera. Mula sa Cordillera ay puntahan natin ang kaganapan sa Cebu kasama si John Aroa.

[NEWS REPORTING]

BENDIJO: John Aroa, PTV Cebu. Magbabalita naman diyan sa Davao City si Jay Lagang. Jay, maayong udto.

[NEWS REPORTING]

BENDIJO: Daghang salamat, Jay Lagang ng PTV Davao. Puntahan naman natin ang naging panayam kay Presidential Spokesperson Harry Roque sa updates ng IATF. Ihahatid sa atin iyan ni Mela Lesmoras. Mela, magandang tanghali.

LESMORAS: Magandang araw po sa ating lahat. Ngayon ay makakasama na natin si Presidential Spokesperson Harry Roque. Magandang araw po, Secretary Roque.

SEC. ROQUE: Magandang umaga, Mela. At magandang umaga, Pilipinas.

LESMORAS: Opo. Unahin natin, Secretary Roque, itong IATF Resolution No. 71. Alam naman natin marami tayong kababayan na gustung-gustong umuwi na ulit sa kanilang probinsiya pero mayroon ngang in-bound travel suspension noon. Ngayon po, ano po ang update ng IATF para sa kanila?

SEC. ROQUE: Well, mabuting balita po doon sa mga locally stranded na mga indibidwal galing po sa Guimaras, Iloilo, Negros Occidental, Antique at Iloilo City – na-lift na po ang moratorium sa pag-uuwi ng mga mamamayan na taga-rito, puwede na po kayong muling umuwi.

Uulitin ko po: Wala na pong moratorium sa pag-uwi ng mga taga-Guimaras, Iloilo, Negros Occidental, Antique at Iloilo City.

LESMORAS: Opo. Naku, magandang balita ito, sir, sa ating mga kababayan. Pero may paalala po ba tayo sa kanila kasi alam naman natin ‘pag uuwi mas mahigpit na ngayon? Ano po ba iyong mga kailangan nilang tandaan? Siyempre kailangan pa rin dumaan sila sa proseso.

SEC. ROQUE: Opo. Unang-una, huwag na po kayong magtangkang umuwi kung kayo po’y mayroong mga sintomas ‘no dahil ayaw naman po nating iuwi rin pati iyong COVID sa ating mga probinsiya. Pangalawa po, siguraduhin natin na malusog ang ating katawan at paghandaan po natin iyong quarantine na tinatawag habang kayo po ay mabibigyan ng PCR test ‘no. So kasama naman po iyan sa ating mga minimum health standards na kung kinakailangan mag-quarantine nang 14 days pagdating doon sa inyong mga probinsiya at kung pupuwede po magpa-PCR pagdating po sa ating mga probinsiya.

LESMORAS: Opo. Sir, may mga nagtatanong lang din sa amin, nagpapadala sa atin na viewers. Kapag ibig sabihin po kaya nitong na-lift na, magpapatuloy na rin po kaya iyong Hatid Tulong, Balik Probinsiya doon sa mga concerned provinces po na ito? May information na po ba tayo?

SEC. ROQUE: Well, ang alam ko po ay may programa naman talaga tayo na Hatid Probinsiya, iaanunsiyo po nila kung ano iyong susunod na lugar na kung saan sila po’y tutulong para makauwi iyong ating mga kababayan. Pero sa ngayon po, wala pa pong public announcement, mag-antay na lang po tayo kung sila po ay gustong sumapi doon sa Hatid Tulong.

LESMORAS: Opo. Sir, bukod dito sa nasa resolution, may iba pa po ba tayong natalakay sa IATF meeting kahapon? Kasi we understand isa po nga sa inaabangan ng ating mga kababayan kung ano na ang mangyayari dito sa reduced physical distancing sa mga pampublikong transportasyon.

SEC. ROQUE: Mahaba po ang mga talakayan. Ang masasabi ko lang po, ang rekomendasyon ng IATF nakabase po sa siyensiya at nakabase po sa advice ng mga doktor.

Sa panig po ng mga doktor na nagsasabi na hindi dapat bawasan ng one meter, nandiyan po si Dr. Dans at saka si Usec. Vergeire ng DOH.

Sa panig naman po ng mga doktor na nagsasabi na pupuwede naman po basta magsuot ng mask, face shield, maghugas ng kamay at huwag magsasalita at huwag kakain sa mga pampublikong transportasyon, nandiyan po si Dr. Manuel Dayrit, dating Health Secretary na sinamahan din po sa kaniyang opinyon ni Dr. Esperanza Cabral at ni Dr. Minguita Padilla at ang isa pang medical doctor na taga-Clean Air Movement ay sumapi rin po doon opinyon ni Dr. Manuel Dayrit na pupuwede naman po basta face mask, face shield, walang usapin, no talking, no eating sa ating mga pang-public transportation.

So ang rekomendasyon po ay isusumite kay Presidente, si Presidente na po ang magdi-decide.

Ang aking ulit-ulit na sinasabi, nakabase po ito sa siyensiya at sa advice ng mga doktor dahil ang mga doktor iba-iba rin po ang pananaw – wala pong isang opinyon pagdating dito sa pagbawas ng isang dangkal lang naman na social distancing sa pampublikong mga transportasyon.

LESMORAS: Opo. Para lang malinaw, sir, sa ating mga kababayan, so tuloy pa rin ito unless magsabi na nga si Pangulong Duterte ng desisyon niya ukol dito?

SEC. ROQUE: Opo, opo. Tuloy po iyan at sa ngayon po nandoon na po kay Presidente o papunta na kay Presidente ang rekomendasyon.

LESMORAS: Opo. Si Presidente po ba mag-a-announce nito, sir, o possible na bukas ay kayo po ang magsasabi sa inyong press briefing?

SEC. ROQUE: Ang inaasahan ko po si Presidente na mag-aanunsiyo nito.

LESMORAS: So, magkakaroon po ba, sir, ng panibagong public address po tomorrow?

SEC. ROQUE: Hindi ko po masisigurado, but most likely.

LESMORAS: Opo. Sir, ito naman, sa iba pang usapin. Actually, alam natin na paulit-ulit na rin natin itong sinasabi pero mayroong bagong SWS survey saying that the proportion of adult Filipinos saying the worse is yet to come with the COVID-19 crisis rose to 57% in July from 47% in May 2020. Ano po ang masasabi rito ng Palasyo given na may ibang obserbasyon at parang tumataas daw po ulit ang mga COVID-19 cases?

SEC. ROQUE: Naintindihan po natin iyong pessimism ng ating kababayan dahil napakahirap po talaga nitong pandemya na dinulot nito ‘no. Pero ang masasabi ko lang po, the worst is over!

Kaya lang naman po talaga tayong we hit rock bottom dahil sinara natin ang ekonomiya. Kaya nga po ngayon ang ating panawagan sa lahat, puwede po tayong mabuhay na nandiyan pa ang COVID dahil hanggang wala namang bakuna, walang gamot eh talagang matatagalan ang ating pandemya ‘no.

Pero ang sinasabi lang po ng ating Pangulo, puwede naman pong mabuhay basta pag-ingatan po ang ating mga kalusugan para tayo ay makapaghanapbuhay at makakamit natin ito sa pamamagitan ng hugas, mask at iwas.

LESMORAS: Opo. Sir, you said yesterday na we are best in Asia when it comes to COVID-19 testing policy. But in an interview, actually hindi naman po ito reaksiyon doon sa sinabi ninyo pero may separate statement lang po si VP Leni Robredo na she’s pushing for more COVID-19 tests as 30,000 daily is no longer enough for her. Ano pong reaksiyon ng Palasyo dito?

SEC. ROQUE: Of course, nothing will ever be enough for someone na hindi nakakakita ng kahit anong mabuti sa pamahalaan. Pero sa ngayon po, pinakamataas na po ang testing natin sa Southeast Asia, mas mataas pa po sa Korea at sa Japan at ipagpapatuloy pa po natin ito dahil kung kinakailangan dapat tayo ang pinakamataas na testing sa buong mundo. Kung kakayanin natin, bakit hindi? Pero mas importante pa diyan bukod sa testing, kinakailangan nating mapabilisan iyong paggagawa ng mga isolation facilities dahil lahat dapat ng positibo ay mailagay sa isolation facility.

At kinakailangan din mapaigting pa natin iyong tracing natin na sa ngayon po tingin ko mas magiging malawak dahil unang-una nandiyan na po iyong Safety.Ph, iyong computer system na tutulong po sa atin sa testing; at pangalawa iyong formula po na sinusunod natin na ginawa ni Mayor Magalong, our Tracing Czar na hanggang 37 close contacts ang ating iti-trace.

LESMORAS: Opo. Panghuling tanong na lamang, Secretary Roque. Sakto ngayong araw ay 100 days na lang ay Pasko na. Is the promise of President Duterte of having a merry Christmas in the Philippines still stands?

SEC. ROQUE: Alam ninyo po ang merry Christmas nasa puso naman natin iyan. Basta tayo po’y kapiling natin ang mga pamilya, ligtas sa sakit, tayo po’y magkakaroon ng merry Christmas. Kung tayo po’y buhay, iyan ay enough reason para magkaroon tayo ng merry Christmas sa panahon ng pandemya.

LESMORAS: Okay. Naku, thank you so much for your time. Iyan po si Presidential and the IATF Spokesperson Harry Roque. Magandang araw po ulit sa inyo.

SEC. ROQUE: Magandang araw po sa inyo.

USEC. IGNACIO: Okay. Maraming salamat, Presidential Spokesperson Harry Roque at salamat din kay Mela Lesmoras ng PTV News. Pasalamatan din po natin ang ating mga partner-agency para sa kanilang suporta sa ating programa at maging ang Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas. Salamat din po sa Filipino Sign Language Access Team for COVID-19. Mabuhay po kayo.

At dito po nagtatapos ang ating programa sa araw na ito. Muli’t muli po ang aming paalala: Be the part of the solution – wear mask, wash hands, keep distance, stay at home.

Ako po si Usec. Rocky Ignacio mula sa PCOO.

BENDIJO: Daghang salamat, Usec. Ako naman po si Aljo Bendijo.

USEC. IGNACIO: Salamat sa iyo, Aljo. Samahan ninyong muli kami bukas dito sa Public Briefing #LagingHandaPH.

###

Source: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)