SEC. ANDANAR: Magandang umaga Luzon, Visayas at Mindanao at sa lahat ng ating mga kababayang nakatutok sa ating programa. Ako po ang inyong lingkod, Secretary Martin Andanar mula sa PCOO.
USEC. IGNACIO: At mula pa rin po sa PCOO, ako naman po si Usec. Rocky Ignacio.
SEC. ANDANAR: Good morning, Rocky. Ito ang Public Briefing #LagingHandaPH.
USEC. IGNACIO: Good morning, Secretary Martin. Silipin na po natin ang pinakahuling bilang ng COVID-19 sa bansa. Naitala ng Department of Health ang kabuuang bilang na 291,789 confirmed COVID-19 cases sa bansa. Ito ay matapos nitong madagdagan ng 1,635 na bagong kaso kahapon. 450 naman ang nadagdag sa mga gumaling mula sa sakit habang limampu ang mga nasawi. Sa kabuuan ay nasa 230,643 ang recoveries na naitala sa bansa habang 5,049 naman ang nasawi.
SEC. ANDANAR: Malaki po naman ang ibinaba ng reported cases kahapon na umabot lamang sa higit isanlibong kaso. Ito na po ang pinakamababa sa mga nakalipas na linggo. Matatandaan na madalas ay hindi bumababa sa tatlong libong kaso ang naitatala sa mga nagdaang araw.
Bagaman ang NCR pa rin ang pangunahing pinagmumulan ng mataas na kaso, malaki ang ibinaba nito kahapon na umabot lamang sa 583 cases. Ang Cavite ay nasa ikalawang puwesto na nakapagtala ng 102 cases. Pumasok naman sa talaan ang Iloilo na may 97 cases, samantalang ang Rizal ay nakapag-report ng 67 cases; 57 na bagong kaso naman ang naitala sa Cebu. Bahagyang umakyat ang active cases mula sa 18.9% na ating naiulat kahapon, umangat ito sa 19.2% nang total cases na may bilang na 56,097.
USEC. IGNACIO: 86.4% nang active cases ang mild lamang. Umangat naman sa 9.2% Ang walang sintomas o asymptomatic. Ganoon din ang severe cases na nasa 1.3%, samantalang nananatili sa 3.1% ang critical cases.
Muli po naming paalala, maging BIDA Solusyon sa COVID-19. Maaari po natin itong gawin sa pamamagitan ng regular na pagdi-disinfect sa mga lugar o bagay na madalas hawakan tulad ng doorknob, susi, cellphone, ibabaw ng lamesa at iba pa. Simpleng paraan pero may malaking epekto sa laban natin kontra COVID-19.
SEC. ANDANAR: Para sa inyong mga katanungan at concerns tungkol sa COVID-19, maaari ninyo pong i-dial ang 02894-COVID o kaya ay 02894-26843. Para po naman sa mga PLDT, Smart, Sun at TNT subscribers, i-dial po ang 1555. Patuloy rin kayong makibalita sa mga pinagkakatiwalaang sources ng impormasyon tungkol sa COVID-19, maaari ninyong bisitahin ang covid19.gov.oh
USEC. IGNACIO: Secretary, maya-maya po ay makakapanayam natin sina Secretary Eduardo
Año ng DILG, Department of Tourism Undersecretary Benito Bengzon, Jr. at si Yorme Isko Moreno ng siyudad ng Maynila.
SEC. ANDANAR: Para sa ating unang balita, noong Martes ay isinagawa ang budget hearing ng Senate Committee on Finance sa Senado para sa proposed budget ng Department of Social Welfare and Development sa taong 2021 na nagkakahalaga ng 171.2 billion pesos. Sumang-ayon naman sa proposed budget na ito si Senador Bong Go na isa rin sa mga vice-chair ng nasabing komite.
Aniya malaki ang papel na ginagampanan ng DSWD para mapabuti ang pamumuhay ng ating mga kababayan na nasa poor at vulnerable sector lalo na ngayong panahon ng pandemya. Ang kaniyang paalala lang sa ahensiya ay dapat siguruhin na ang bawat sentimong ilalaan para sa ahensiya ay mapupunta rin sa mga social services ng pamahalaan para sa mga nangangailangan.
USEC. IGNACIO: Samantala, para naman bigyang-tulong at oportunidad na magkaroon ng kita ang ating mga kababayang nawalan ng hanapbuhay, inilunsad ng Department of Trade and Industry sa pakikipagtulungan ng opisina ni Senator Bong Go ang Pangkabuhayan sa Pagbangon at Ginhawa program o PPG. Sa ilalim ng programa, ang mga benepisyaryo ay dadaan muna sa assessment ng DTI para malaman kung ano ang naaangkop na negosyo base sa kanilang kakayahan at ganoon din sa pangangailangan ng kanilang komunidad.
Ang magandang balita pong ito ay inanunsiyo ni Senator Go noong Lunes sa apatnapu’t siyam na pamilyang nasunugan sa magkakahiwalay na insidente sa Tagum City. Kasabay rin ito ng pamamahagi ng opisina ni Senator Go ng food packs, face masks, mga gamot, cash assistance at mga bisikleta sa mga nangangailangan.
SEC. ANDANAR: Habang kasama rin nating magbabalita mamaya sina John Mogol ng Philippine Broadcasting Service, Eddie Carta mula sa PTV-Cordillera at si Regine Lanuza mula sa PTV-Davao. Mamaya po iyan.
Una nating makakapanayam ang COVID-19 survivor, at Kalihim ng Department of Interior and Local Government, Secretary Ed Año. Magandang umaga po sa iyo Secretary, kumusta na po kayo?
SEC. AÑO: Magandang umaga naman, Sec. Martin and Usec. Rocky. Okay naman tayo, back to work na tayo at feeling good naman although siyempre kailangan pa rin [inaudible] konti.
SEC. ANDANAR: That’s good, Secretary. Isa po sa mga salient points ng Bayanihan II ay ang provision for budget para sa dagdag na contact tracers sa bansa, na ayon sa isang pahayag ay sinabi ninyong game-changer sa laban natin kontra COVID-19. Why is that, Secretary Año?
SEC. AÑO: Well you know Sec. Martin, we are dealing with an invisible enemy, hindi natin nakikita and the only way really to find the enemy, which is the virus, is really through contact tracing and then we can do the testing and we can isolate. Although before the testing dapat ay naka-isolate or quarantine na rin iyong ating suspect. So with additional 50,000 contact tracers is really a game-changer ‘no, parang dinagdagan natin iyong ating mga intelligence people para hanapin itong virus.
At actually tuluy-tuloy na iyong ating pag-recruit. In fact, today is the last day for the application at masaya tayong magsasabi na all over the country ay marami talagang nag-apply at binibigyan naman natin ng priority iyong mga dati nang ginagamit natin na mga contact tracers, iyong mga tinatawag nating na-displace na mga kababayan sa trabaho at pati mga OFW natin na bumalik dito sa Pilipinas na wala nang trabaho – basta qualified sila.
SEC. ANDANAR: Ngayong September 23 ang deadline ng application para sa mga nais maging contact tracers. May target date din ba kung kailan dapat mapunan itong 50,000 slots para sa mga contact tracers?
SEC. AÑO: Ang target natin Sec. Martin is October 1 mag-i-start na sila noong work nila. Tamang-tama naman na yon din iyong period na mari-release na iyong budget sa atin. So inuna lang natin talaga iyong ma-fulfill iyong recruitment, maipasa nila iyong requirements and then they can start working. Mapirmahan na rin iyong mga papers nila para sa kanilang appointment.
SEC. ANDANAR: Dahil hindi po pantay-pantay ang bilang ng kaso ng COVID-19 sa bansa, paano po ang istratehiya sa pagdi-distribute sa mga contact tracers?
SEC. AÑO: Ang ginawa nating pag-recruit ay by provinces at saka cities at itong mga contact tracers na ito ay idi-deploy sa mga highly affected areas ng probinsiya at ng rehiyon. So ibig sabihin, hindi komo ikaw ay sa probinsiya na ito na-hire ay doon ka lang ‘no, kasi kung wala namang problema iyong probinsiya mo pero within the region, iyong kabilang probinsiya ang malaking problema, doon ka ilalagay para makatulong.
So iyong tinatawag nating flexibility and operability para sigurado mas marami tayong mailalagay sa mga lugar na mas nangangailangan. At mayroon pa rin namang maiiwan doon sa mga low active cases para sigurado rin naman na tuluy-tuloy din iyong pag-contact tracing. So kung saan iyong mas matataas like for example in Metro Manila, 9,285 contact tracers iyong ating kinuha dito at Quezon City ang maraming pupuntahan din niyan sapagka’t marami pa rin tayo na mga active cases.
SEC. ANDANAR: Ang TESDA po ay kasalukuyang nag-o-offer ng training course para sa contact tracing. Ito po ba ay in partnership sa DILG? At paano po ang komunikasyon ninyo sa TESDA at kay COVID-19 Tracing Czar Mayor Magalong?
SEC. AÑO: Well, alam mo, almost every day naman ay nag-uusap-usap kami nila Mayor Benjie Magalong at pati na rin si TESDA Chief ‘no – talagang ito ay whole-of-nation approach. Tapos mayroon din tayong iyong Local Government Academy natin na tutulong din sa pag-conduct ng training. Mayroon din tayong mga mobile training teams na umiikot, pinangungunahan pa nga iyan ni Mayor Benjie Magalong. Ang ating Philippine Public Safety College din at maraming nagtutulung-tulong dito para siguraduhin natin na prepared iyong ating mga contact tracers. Iyong sa TESDA, malaking tulong din sa ating iyon sa effort na ito.
SEC. ANDANAR: Puntahan lang natin ang ilang mga katanungan ng media, Sec. Año. Please go ahead, Rocky.
USEC. IGNACIO: Yes. Good morning, Secretary Año. Tanong po mula kay Sam Medenilla ng Business Mirror. Nasagot ninyo na rin po, ilan daw po na na-hire na bagong contact tracers? Kailan daw po mag-i-start ang deployment nila?
SEC. AÑO: [Off mic] namin na simula ng kanilang pagtatrabaho at siyempre ano… mayroon ding—ang training naman nila actually, ito ay maikli lang iyong theoretical and mostly even nandoon na sila sa deployment nila puwede pa rin silang doon ng tinatawag nating “on-the-job or on the site training.” Matututo na rin talaga sila doon sapagka’t organized naman ang mga contact tracing teams natin sa iba’t ibang munisipalidad at siyudad. October 1, iyon ang ating target date para makapagsimula sila
USEC. IGNACIO: Opo. Secretary, kung may sapat po daw kayang critical care capacity and isolation facility sa Boracay and its surrounding areas for its expected opening to tourists by October as announced by the Department of Tourism earlier?
SEC. AÑO: Yes, oo. Kagabi nakapagpulong kami – si Secretary Berna Romulo-Puyat, Secretary Cimatu, si Governor Miraflores – at napag-usapan na namin iyong opening ng Boracay. They are actually well-prepared, pati naman iyong protocols like for example, kung pupunta iyong tourist doon ay magpi-PCR testing siya. Pagkatapos pagdating doon, mayroon na siyang assigned na QR code, then doon mismo sa Boracay mayroon tayong COVID isolation facility doon kung mayroong mag-positive at ito ay dadalhin kaagad dito sa mainland kapag mayroong ma-detect dito na positive or even suspect ‘no, dadalhin ito sa Kalibo.
Well in place ‘no. Nakita namin iyong preparation nila, at masasabi natin na come October 1, prepared na ang Boracay sa ating mga domestic tourists, even from GCQ areas pupuwede kasi may PCR testing naman.
USEC. IGNACIO: Opo. Ang ikatlong tanong po ni Sam Medenilla: Kung may na-sanction na po kayang LGUs ang DILG for being unable to release permits for the construction of new communication towers? If yes, ilan po kaya ang mga na-sanction? At may deadline din po ba ang DILG kung kailan dapat ma-release ang lahat ng pending permits for the construction of communication towers by concerned LGUs?
SEC. AÑO: Well, sa ngayon, USec. Rocky, noong nag-utos ang Pangulo ay nag-conduct kami ng inventory lahat ng mga pending, and I can say na bumilis talaga iyong pag-approve. At sa ngayon, if I can remember right, nasa 200 plus lang iyong pending at hiningi nga namin iyong mga reasons bakit ganoon.
So, nakalagay naman doon may mga some pending requirement. So, masasabi ko na wala akong puwedeng bigyan ng sanction because nagri-react naman iyong mga LGUs. Now, after certain date at hindi pa rin maka-comply, then I will take action. But sa ngayon we are satisfied with the performance and the reaction of the LGU dahil nakisama sila sa panawagan ng Pangulo.
At dapat naman talaga ito ay—sa Ease of Doing Business natin, dapat talaga mabilis ito. Marami namang tinanggal na mga requirements doon na dati nagpapatagal, so we are expecting na 16 days dapat makumpleto iyong requirement ay wala ng problema. At mayroon kaming ugnayan sa mga telcos na dapat kumpleto iyong requirements nila kasi hindi naman nila pupuwedeng i-demand kung kulang ang requirement.
USEC. IGNACIO: Opo. Tanong naman po mula kay Cedric Castillo ng GMA 7: Sa Senate hearing daw po kahapon, DWSD divulged that 10 billion pesos of the SAP was not distributed dahil fourteen million lang po ang nasa master list instead of eighteen million. Ano daw po ang comment ninyo dito, sir? Bakit daw ganoon ang bilang sa master list?
SEC. AÑO: Well, I will discuss it with Secretary Bautista and other members of the Cabinet and the IATF. What happened kasi, what we know kapag idinagdag mo iyong mga hindi nakasama na listahan noong first batch at idinagdag mo doon sa listahan sa pangalawang distribution ay susobra pa sa eighteen million. But we have to look on the data and I will hear the side of Secretary Bautista.
USEC. IGNACIO: Opo. Mula naman po kay Naomi Tiburcio ng PTV: Ano po ang masasabi ninyo sa suggestion na tanggalin ang curfew oras na mag-MGCQ na?
SEC. AÑO: Iyan kasi ay nasa authority ng local government units, kahit sa Local Government Code ay nandiyan iyan ‘no. If they are going to invoke Section 16 of the Local Government Code, nasa kanilang kapangyarihan iyan. So, hindi natin pupuwedeng sabihin na tanggalin na iyong curfew. It will be really on the discretion, on the authority of the local government or the local chief executives.
Tandaan natin na iba-iba ang sitwasyon ng bawat city, munisipalidad or LGU, so nasa kanila iyan. Iyong iba naman talaga diyan ay nag-aalis na kapag okay na. But if there are still cases na matataas, dapat huwag tatanggalin kasi nakakatulong iyan sa pag-limit ng movement ng mga tao na hindi naman kinakailangang lumabas lalo na sa gabi.
USEC. IGNACIO: Opo. Huling tanong naman po mula naman kay Haydee Sampang ng DZAS: Ano po ang tugon ng gobyerno sa isinusulong ng isang grupo na ‘Flatten the Fear’ kung saan nananawagan silang na huwag ng sundin ang minimum health standards tulad ng pagsusuot ng face masks at alisin na ang buong quarantine sa buong bansa?
SEC. AÑO: Well, first of all, USec. Rocky, that group is not really a legitimate group. A nd I already directed the CIDG to investigate for possible criminal violations or criminal cases that can be filed against these people. You know, ano iyan eh… nagpi-prescribe ka ng gamot na hindi naman authorized ng WHO at saka ng DOH eh mas mahirap iyan ‘no baka ang tao ay lalong magkasakit o magkaroon ng anumang side effects. Remember, iyong hydroxychloroquine ay gamot sa malaria at saka sa lupus so hindi rin puwedeng gawing prophylaxis iyan.
Secondly, sila ay naggrupo-grupo, gumawa sila ng sort of meeting or seminar, hindi sila nagsusuot ng mask ‘no and that is a violation of our quarantine protocol, much more ang ating Omnibus Guidelines ng IATF at saka ng RA 11332. There are so many violations of the law, of the guidelines at hindi natin papayagan iyong ganiyan ‘no.
I’m warning that group na huwag kayong magsabi ng hindi naman talaga within the guidelines of the government policies lalo na kung ito ay nagba-violate din sa mga protocols ng WHO at saka protocols ‘no.
So iyong mga ating mga kababayan, diyan kayo makinig sa mga authorities, huwag sa iba-ibang grupo baka lalong makasama sa atin.
USEC. IGNACIO: Okay. Maraming salamat po, Secretary Año. Nandito rin kasama po natin si Secretary Andanar. So, huling paalala o mensahe na lamang po, Secretary, sa ating mga kababayan.
SEC. AÑO: Sa ating mga kababayan, we have been in this pandemic for six months at nakita naman natin sa pinagdaanan natin, nakita natin kung ano iyong nagwo-work. Iyon pa rin iyong minimum health standards – iyong pagdistansiya ng isang metro, pagsuot ng mask, paghuhugas ng kamay. Alamin ninyo iyong tamang impormasyon. At through those measures, malaking tulong ng bawat isa.
So, ngayon nakikita natin ang trending sa Metro Manila, maganda na po ano. Bumababa na iyong numero sa Metro Manila although sa ibang parts ng Northern Luzon at ng Visayas ay may tumataas pero kung tuluy-tuloy lang po iyong ating pagsunod sa ating mga protocols at minimum health standards, kayang-kaya po natin ito. And we will work and we will heal and recover as one.
SEC. ANDANAR: Maraming salamat po ulit sa inyong pagpapaunlak, DILG Secretary Eduardo Año. Mabuhay po kayo.
SEC. AÑO: Thank you, Sec. Martin, USec. Rocky! Mabuhay po kayo!
SEC. ANDANAR: Nasa kabilang linya na rin natin ang ama ng Lungsod ng Maynila, Mayor Isko Moreno. Magandang umaga po sa inyo, Mayor.
MAYOR MORENO: Secretary Andanar, magandang umaga sa iyo, Kay Usec. Rocky magandang umaga sa iyo. Sa mga staff ninyo diyan at sa inyong manunood, magandang umaga.
SEC. ANDANAR: Mayor, dinagsa ng ating mga kababayan ang pansamantalang pagbubukas nitong weekend ng white area sa Manila Bay. At marami ang pumuna sa physical distancing violation, bilang hindi po talaga naiiwasan ang mga quarantine violators. Paano po ito mahigpit na binabantayan ng Manila LGU at ng Philippine National Police?
MAYOR MORENO: One, siguro tama po kayo, Secretary Andanar, after so many months of our struggle and continuous struggle with this pandemic, the country and the city and our neighboring cities saw hope with what the national government did with regard to addressing the Manila Bay issue. So, talagang kahit kami po ay nabighani. Siguro sa sobrang saya ng tao, nakalimutan na nilang pagmalasakitan ang kanilang sarili at napabayaan nila ang kanilang sarili. But be that as it may, the city government will continue to police. The City government will continue to implement IATF rules with regard to minimum health standard requirements.
Kaya kung maalala ninyo, ka-Lunes-Lunes, inatasan ko ang MPD at ni-request natin sa DENR to close it temporarily, iyong barikada so that they continue to build, do their job, because there’s still hard hat in area. Iyong pagpayag na mabuksan saglit ni Secretary Cimatu is siguro sapat na iyon at iyong mga videos and pictures na nakita ng taumbayan ay siguro sapat na iyon, maghintay na lang tayo ng kaunti, dahil may awa ang Diyos, siguro pag nag buti tayo pare-pareho luluwag ang status ng Metro Manila o ng Manila for that matter as long as we behave, as you heard the Secretary of DILG.
So kaunting tiis na lang mga kababayan, at alam kong gustung-gusto ninyong makita at maramdaman iyong talagang kakaibang nangyari sa Manila Bay, na atin namang ipinagpapasalamat sa DENR family, DENR leadership at kay President Duterte to really attend to the problem of Manila Bay and particularly, we Manilan’s are going to benefit with those facilities na inilagay ng national government with regard to water treatment facility.
SEC. ANDANAR: Mayor, sa palagay po ba ninyo ay magandang senyales na maraming mga kababayan natin ang nagpuntahan agad sa Manila Bay noong Linggo para personal na makita itong white sand?
MAYOR MORENO: Of course, one, sa taumbayan as I have said na makita sila ng pag-asa sa gitna ng ating giyera sa COVID-19. Second, I think all the hotels in Roxas Boulevard will benefit from this. So businesses will boom at feeling ko, may awa ang Diyos, after the rain, there is a rainbow. Iyong ating mga negosyo sa Roxas Boulevard ay magkakaroon ng high demand in a matter of time, and especially from your question a while ago with regard to the statement made by Secretary Berna Romulo, about opening business tourism industry, unti-unti as long as we practice the minimum health standard. Tingin ko mabubuhay muli ang ekonomiya, makakapag-create again ng maraming trabaho. But then again, let’s follow iyong panawagan of Secretary Año na kailangan pa rin nating maging responsableng indibidwal, maging responsable sa pagninegosyo to follow minimum health protocols.
SEC. ANDANAR: Mayor, ito daw pong paglalagay ng white sand sa Manila Bay ay bahagi rin ng proyekt0ng kumakalat ngayon online, ito pong the Manila Sun Rays. Please tell us more about this?
MAYOR MORENO: These are aspirations. Kami, we have also a design, our hope that someday some structures in the area and I think DENR also, national government has also other plans. So, in a good weather, maybe someday, somehow, maipagpatuloy ito after nating malagpasan iyong challenges natin tungkol dito sa pandemyang ating kinakaharap.
SEC. ANDANAR: Ito po ba ay underway na, Mayor? Kailan po balak simulan ang plano?
MAYOR MORENO: Wala pa po, ano po iyan, nasa pipeline lang ng idea namin. As you can see, maybe someday, somehow as I have said. We will continue to focus first on how to save as many lives, as possible, the way that IATF, with regards to their policy approach to pandemic, iyon muna ang pagtutuunan natin ng pansin ngayon. But at least, tayo may pangarap; pangarap natin pare-pareho iyan ng national at local and hopefully someday, somehow makakamit natin. But for the moment, we are very happy not only as a Mayor but bilang mamamayan ng Lungsod ng Maynila in what transpire for the effects or almost finished product of the development of DENR, with regard to the order of the President to address and attend to the mandamus case or case na gustung-gusto na rin ng ating mga environmentalist to address filth of Manila Bay.
SEC. ANDANAR: Mayor, ano po ba iyong extent iyong Manila Bay na sakop naman ng rehabilitation. I understand itong—
MAYOR MORENO: Entire Manila Bay.
SEC. ANDANAR: Ngayon po, 500 meters po iyong nagawa. So ilang kilometro po ba?
MAYOR MORENO: Kapag pinag-usapan natin base sa mandamus, ang inatasan diyan ay lahat ng local na pamahalaan at mga national agencies ‘no. At kapag pinag-usapan natin ang Manila Bay, we are talking of at least a little less than 10 provinces na nakapaloob sa Manila Bay. And of course, some municipalities and cities also. And kaya nga sabi ko nga sa inyo, itong development na ito is just a portion. it’s a good beginning and I hope DENR will continue and pursue the entire cleanup of the entire Manila Bay from, if you are facing west, from Batangas at the left side and Bataan on the right side, towards inland, like in Manila, Pasay, Navotas and Parañaque.
SEC. ANDANAR: Mayor, kami po ay excited na sa mga plano na tutuparin pa ng Maynila. Hingin po namin ang inyong mensahe sa mga sumusuporta at maging sa mga bumabatikos po sa hakbanging ito ng ating pamahalaan.
MAYOR MORENO: Well, you know, mga opi-opinyon, okay naman iyan, at least guarded tayo with our actions. But for the meantime, of course we are calling for unity or synchrony, we have to act in unison dahil ang tunay nating kalaban ay hindi taong pamahalaan. Although may mga pulitiko talagang magkakalaban sa pulitika, but those are the days that can be set aside for now, because there is time for politics. What we should do is to pull our act together and address pandemic.
So, unity, I’m calling for everybody please magkaisa tayo para maisalba natin ang ating bansa, ang ating siyudad ang mamamayang maiimpeksiyon ng coronavirus na nakakamatay at makapaminsala. At bilang paaalala, habang ibinabalita ng national government at iba’t ibang local government ay medyo bumubuti iyong ating sitwasyon sa COVID-19. Pero panawagan ko po, one virus is danger and 793 in case of Manila is dangerous. So, there is still danger in Manila. So, when you go here, please pagmalasakitan ninyo ang inyong sarili by protecting yourselves.
So wear mask; kung kaya ninyong gumastos nang kaunti, wear face shield; wash your hands; practice physical distancing – iyon ang ating panawagan. Sa pagmamalasakit sa kanilang sarili, para ninyo na ring pinagmalasakitan ang inyong mga mahal sa buhay na naghihintay sa inyong kani-kaniyang tahanan.
And last, we must learn, I think seven months teaches us a lot of lesson. Now, we must learn how to live with COVID-19 with our daily activities. At the same manner, we must learn also how to go back to work safely because ang buhay at kabuhayan ay siya ang direksiyon ng national government at local government na proteksyunan itong mga darating na araw, linggo at buwan; kailangan nating parehong tugunan iyon at kailangan talaga nating magkaisa.
So tao, mamamayan at pamahalaan, magkaisa na kaharapin natin sa tunay na kalaban natin which is iyong pandemya dulot ng coronavirus. Mag-iingat po kayo at saka huwag kayong mawalan ng pag-asa ha. May awa ang Diyos, makakaraos din tayo.
SEC. ANDANAR: Maraming salamat po sa inyong panahon, Mayor Isko Moreno. Mabuhay po kayo.
USEC. IGNACIO: Samantala, nasa 4.1 billion pesos ang inilaang budget para sa pagpapalakas ng industriya ng turismo sa bansa sa ilalim ng Bayanihan II na pinirmahan ni Pangulong Rodrigo Duterte noong September 11.
Aalamin natin ang iba pang detalye niyan, nasa kabilang linya po natin si Usec. Benito Bengzon, Jr. mula po sa Department of Tourism. Magandang umaga, Usec.
USEC. BENGZON: Good morning, Secretary Martin, Usec. Rocky. Magandang umaga po.
USEC. IGNACIO: Usec., unahin na natin itong tanong ni Cedric Castillo mula po sa GMA News. Bubuksan na raw po itong Boracay sa local tourists from GCQ areas. May we have the details and other requirements?
USEC. BENGZON: Well, ito nga ang napagkasunduan na kagabi ‘no. Pinapakinggan ko rin si Secretary Año sa interview niya kanina. At ang napagpasyahan ay buksan na ang Boracay to tourists coming from MGCQ areas ‘no, pero siguro kailangang tingnan natin iyong mga requirements. Isa sa mga requirements na pinag-uusapan siyempre iyong RT-PCR bago pumasok doon sa isla. At mayroong ano iyan, mayroon pa ring pag-monitor ng mga movements ‘no ng turista pagpasok sa Boracay. So kailangan mayroong pre-arranged reservation ‘no, may QR code iyan ‘no para namu-monitor natin lahat ng pumapasok.
And siyempre kapag nasa isla na sila, kailangan silang sumunod doon sa health and safety guidelines na na-develop ng Department of Tourism hindi lamang doon sa hotels, sa resorts and accommodation establishments pero doon din sa restaurants, sa tour transport companies, and recently iyong guidelines na ginawa namin for island and resort destination. So ito po iyong mga protocols/procedures na kailangang sundin.
USEC. IGNACIO: Opo. Usec., dumako naman po tayo sa Bayanihan II. Paano po ito makakatulong itong approved 4.1 billion pesos budget sa tourism sector sa bansa under Bayanihan II partikular na nga po doon sa mga nawalan ng trabaho na nasa sektor na ito dahil sa pandemya?
USEC. BENGZON: Well, doon sa Bayanihan II actually ang figure na tinitingnan natin diyan, Usec. Rocky, is approximately 10 billion. Doon sa 10 billion na iyon, ang pinakamalaking portion, six billion, will be for working capital loans and this will be administered through the small business corporation of the Department of Trade and Industry.
Doon po sa survey na ginawa namin nitong nakaraang ilang buwan, ang pinakaimportanteng isyu talaga na kailangang ma-address ‘no is iyong access to working capital loans; ito po ang hinihingi ng private sector. So mayroon tayong inilaan diyan na six billion, gumagawa na tayo ng guidelines, and hopefully ma-finalize natin this week.
Mayroon din tayong three billion for the cash for work program, ito po iyong tulong natin doon sa mga empleyado na na-displace because of the pandemic. So mayroon na rin po tayong binubuong mga guidelines for this particular program.
Mayroon tayong one billion for tourism infrastructure; and then mayroon tayong one hundred million para po doon sa tour guides.
USEC. IGNACIO: Opo. Usec., kasama na nga dito iyong sinasabi mong one hundred million pesos para doon sa training at siyempre subsidy na rin para sa tourist guides. So paano po ito gagawin o ano ang magiging proseso po dito ng Department of Tourism?
USEC. BENGZON: Ang proseso po nito, gagawa tayo ng database. Titingnan natin iyong mga tour guides, iyong mga community guides; titingnan din natin iyong mga regional tour guides, at papasok ito sa isang database. Makikita natin kung sino iyong mga accredited ng Department of Tourism. Makikita rin natin kung sino iyong mga lisensiyado ng local government units. Bubuuin natin itong database na ito tapos rirebyuhin natin para malaman kung sino ang puwedeng bigyan ng tulong under this particular program.
So mayroon tayong one hundred million pesos for assisting the tour guides at tinitingnan natin approximately mga ano iyan eh, siguro mga three-month employment and this will be all coursed to our DOT regional offices.
USEC. IGNACIO: Oo. Pero, Usec., tanong ko lang: So iyong iba pong nawalan ng trabaho dahil doon sa pandemya na nasa tourism sector, ito po ba ay gagawing prayoridad o ipa-prioritize po ng Department of Tourism para mabigyan po ulit sila ng kani-kanilang trabaho? At papaano po ang gagawin dito ng DOT?
USEC. BENGZON: Tama ka ‘no, Usec. Rocky. Ito iyong priority namin sa DOT. Ang instruction po ni Secretary Berna Romulo-Puyat ay makipag-ugnayan kami sa Department of Labor and Employment para doon sa pag-develop ng guidelines kung papaano gagamitin iyong three billion pesos dito sa mga displaced workers. So gagawa tayo ng guidelines, it will all be under the cash for work program, at ang pinakapakay nito nga is matulungan iyong mga nawalan ng trabaho sa tourism industry.
So tinitingnan din natin dito ay employment period of about three months para dito sa mga workers concerned.
USEC. IGNACIO: Usec., ano naman po ang nilalaman nitong tourism response and recovery plan ng inyong ahensiya at paano po ito makakatulong dito sa sinasabi nating pag-revitalize ng tourism industry sa ating bansa?
USEC. BENGZON: Noong nag-umpisa po iyong pandemya noong first quarter of 2020, ang immediate instruction ni Secretary Berna Romulo-Puyat ay gawin agad itong tourism response and recovery plan. At ang pinakapakay nito is ano eh, to identify iyong mga timely and substantive measures that will help mitigate the impact both short/immediate and long-term of the pandemic on the industry.
So ito iyong magiging masterplan natin for the next two to three years. Andiyan po iyong mga strategic programs natin na nakatutok essentially sa pagtulong doon sa mga nawalan ng trabaho; number two, is pagtulong din doon sa mga tourism enterprises na walang income or revenue stream nitong nakaraang six months. And then iyong pangatlo, to make sure na lahat ng efforts natin will be sustainable. So lahat ng mga programa namin ay nakatutok dito, at isa sa pinakamahalagang programa nga is mabigyan ng financial assistance itong mga tourism enterprises na talaga namang naghihingalo na nitong nakaraang anim na buwan.
USEC. IGNACIO: Usec., sa pagbubukas ng Baguio naman sa mga turista mula sa Region I by October po ay masasabing all eyes ang lahat sa siyudad kung ano ang magiging resulta nitong gradual opening ng lungsod. So kumusta po iyong communication ninyo with Baguio City LGU tungkol dito?
USEC. BENGZON: Well, tuluy-tuloy po ang communication namin at saka coordination. In fact, itong nakaraang ilang araw ay kausap po ni Secretary Puyat si Mayor Benjie Magalong ng Baguio City; nakipagpulong na rin si Secretary doon sa governor ng Ifugao, si Governor Dalipog; sa Benguet si Governor Diclas at saka iyong mga mayors ng mga outlying municipalities. And again, ang gusto kasi natin dito ay siguraduhin na iyong mga protocols natin are in place to make sure na itong launch ng travel corridor na tinatawag nating ‘reef to ridge’ ay magiging successful.
So lahat po kami ay excited at naniniwala kami na with the cooperation of everyone ay magiging matagumpay itong initiative na ito.
USEC. IGNACIO: Opo. Usec., maging iyong Tagaytay City po ay nakaka-attract na rin ng maraming turista sa paggaan po ng restriction sa lugar na nasa ilalim ng GCQ at sa pag-approve sa short-term staycation. So paano po ito minu-monitor din ng Department of Tourism?
USEC. BENGZON: Well, ito pong konsepto ng staycation ay kasama pa rin sa aming objective na maibalik ang tourism activities, iyong revenue ng mga tourism establishments. So ang gagawin dito is papayagan na na mag-accept ng mga staycationers o staycation guests itong mga hotels dito sa, well, initially sa NCR. So mayroon na rin po kaming mga guidelines diyan na basically aligned din doon sa health and safety guidelines na ginawa namin for accommodation establishments.
But again, ang gusto lang natin dito ay mabigyan ng pagkakataon iyong mga kababayan natin ‘no na makapunta rin dito sa mga hotels and other accommodation establishments. At sa panig naman ng mga properties o ng mga hotels ay magkaroon sila ng additional income.
USEC. IGNACIO: Opo. Usec., pero magkakaroon po ba kayo noong pagpapalawak sa listahan ng mga DOT-accredited hotels and restaurants o iyon lang pong pinapayagan na mag-operate sa ngayon?
USEC. BENGZON: Mayroon po kaming ano, dalawa pong basic requirement diyan. Unang-una, kailangan accredited sila ng Department of Tourism; pangalawa, kailangan silang kumuha ng certificate of authority to operate. Ito iyong pagpapatunay na na-satisfy na nila iyong requirements namin in terms of health and safety protocols. Lagi naming sinasabi, Usec. Rocky, na itong mga safety guidelines hindi lamang po para sa mga turista o doon sa mga bisita, but ito pong guidelines na ito para rin sa health and safety ng mga workers sa tourism industry at saka siyempre for the health and safety of the host community, the local communities.
USEC. IGNACIO: Opo. At sa pagpayag naman po ng IATF sa pilot study sa rapid antigen test para sa border screening, ilang specialized programs ng DOT ang kabilang din dito? Ano-ano po iyong programang ito at paano po ang magiging sistema nito?
USEC. BENGZON: Well, itong pagpayag ng antigen will actually facilitate the movement across borders and one specific program nga na dini-develop na namin and which we hope to replicate in other destinations eh itong travel corridor. Kasi ang pinaka-konsepto nito is i-limit mo muna iyong movement ng travelers within a particular area, in other words, intra-regional.
So, we’re confident magiging successful itong ginagawa namin sa Baguio and Region I and we’re hoping that we can replicate it in other areas. So, ito po iyong example ng specialized program kung saan talagang kailangan iyong mga health protocols including itong required antigen testing have to be met or satisfied.
USEC. IGNACIO: Punta naman ako sa ibang balita, Usec. Ano daw po ang masasabi ng Department of Tourism dito sa partial opening nitong bagong white sand feature ng Manila Bay na naglalayon pong gawing tourist destination ang Manila?
USEC. BENGZON: Well, siguro ang nakita natin diyan, nandiyan pa rin iyong desire o iyong kagustuhan ng ating mga kababayan na makalabas ng bahay at makapunta sa mga tourists attractions at saka maka-enjoy ng outdoors. So, ang kailangan lang naman dito kasi is magkaroon tayo ng guidelines. Sundin natin ang mga guidelines – ang physical distancing, kailangan tingnan din natin iyong carrying capacity.
Pero iyong nakita natin dito sa Manila Bay, pagpapatunay lang iyan na talagang ang Filipino mahilig pa ring umikot at kasama na rin ito doon sa resulta ng mga survey na ginawa namin noong parang ilang buwan na 77% of Filipinos still want to travel domestically even in the absence of a vaccine. So, kailangan lang siguro huwag nating kalimutang sundin itong mga fundamental or basic guidelines.
USEC. IGNACIO: Opo. Kasi maski ako mai-excite ako niyan, Usec., kasi dati puro basura ang nakikita ko ngayon makikita ko white sands, so talagang napakaganda po niyan. May projection po ba daw ang inyong kagawaran kung kailan ang target date na inaasahang magiging fully open and operational ang iba’t-ibang local tourists destination sa buong bansa, Usec.?
USEC. BENGZON: Ang desisyon po nasa local government unit, but siyempre, ang kailangan diyan eh unang-una, the destination or the areas to be under Modified GCQ; and then pangalawa, kailangan siguraduhin natin na iyong mga tourism establishments have all complied the health and safety guideline that we have developed.
Again, kailangan diyan mayroon silang certificate of authority to operate for hotels, resorts and other accommodation establishments at doon naman sa mga ibang subsectors ng tourism, iyong sa transports, sa restaurants, iyong [UNCLEAR] facilities, iyong [INAUDIBLE] incentives, at saka iyong sa island resort destinations kailangan sundin nila. At ang pinakaimportante, ang pinakamahalaga talaga diyan is kailangan mayroong approval ng local government unit na buksan ang kanilang lugar for tourism.
USEC. IGNACIO: Okay. Usec., mensahe na lang po sa ating mga kababayan na sabik na muling makapagbiyahe sa iba’t-ibang tourists destination sa bansa?
USEC. BENGZON: Well, siguro ang mensahe lang is that iyong tagumpay ng tourism natin actually nakasalalay sa ating lahat eh at ang importante iyong cooperation. Doon sa mga bibiyahe huwag po nating kalimutan iyong mga basic guidelines, mga health and safety guidelines, iyong mga nakasanayan na natin ‘no – wash your hands – soap and water, wear your face masks/face shield, watch you distance. Kailangan lang po nating sundin iyan para siguraduhin na hindi kakalat itong infection at para makatulong tayo sa gradual reopening ng tourism dito sa ating bansa.
USEC. IGNACIO: Okay. Maraming salamat po sa inyong oras at panahon, Usec. Benito Bengzon Jr. ng Department of Tourism. Mabuhay po kayo. Stay safe, Usec.!
USEC. BENGZON: Maraming salamat, Usec. Rocky!
SEC. ANDANAR: Samantala, puntahan naman natin ang mga balitang nakalap ng Philippine Broadcasting Service sa ating mga kapuluan kasama si John Mogol ng PBS – Radyo Pilipinas.
[NEWS REPORTING]
SEC. ANDANAR: Maraming salamat, John Mogol ng PBS – Radyo Pilipinas.
USEC. IGNACIO: Silipin rin natin ang pinakahuling balita sa Cordillera, magri-report si Eddie Carta, live.
Eddie?
Okay… Antabayanan po natin si Eddie mula sa Cordillera.
Secretary Martin, kailan po ulit daw kayo magsasagawa ng Explain, Explain, Explain?
SEC. ANDANAR: Well, mayroon tayong biyahe muna ngayong Huwebes sa Region X para sa CORDS, tapos next week sa pagbalik natin dito mayroon tayong ano, Rocky, paghahanda para sa ating budget naman sa Senado. Kailangan nating mag-explain, explain, explain sa Senado kung paano natin gagastusin ang budget na ipinanukala ng Department of Budget and Management and afterwards by, perhaps, first week or second week of October ay tuloy-tuloy na iyong ating biyahe sa Laguna. Baka puwede kang sumama pagdating doon sa Sta. Cruz?
USEC. IGNACIO: Oo nga, Secretary, nagpaparamdam nga ako sa iyo na gusto kong sumama…
SEC. ANDANAR: Puwede naman… oo.
USEC. IGNACIO: Doon tayo magla-live, Secretary.
SEC. ANDANAR: Puwede sa Sta. Cruz para makausap mo rin ang iyong mga kababayan.
USEC. IGNACIO: Opo. Okay… salamat, Secretary. Samantala, silipin rin natin ang mga pinakahuling balita sa Cordillera. Magri-report na po si Eddie Carta.
Eddie?
[NEWS REPORTING]
USEC. IGNACIO: Maraming salamat sa iyo, Eddie Carta ng PTV-Cordillera.
SEC. ANDANAR: Punta tayo sa Davao. Live na magri-report si Regine Lanuza.
Regine, maayong buntag!
[NEWS REPORTING]
SEC. ANDANAR: Maraming salamat sa iyo, Regine Lanuza ng PTV-Davao.
USEC. IGNACIO: Pasalamatan na rin natin ang ating mga partner agencies para sa kanilang suporta sa ating programa at maging ang Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas. Salamat din po sa Filipino Sign Language Access Team for COVID-19, mabuhay po kayo!
SEC. ANDANAR: At diyan po nagtatapos ang ating programa sa araw na ito. Mula sa PCOO, ako po ang inyong lingkod, Secretary Martin Andanar.
USEC. IGNACIO: Secretary Martin Andanar, 93 days na lang po Pasko na. Mula pa rin po sa PCOO, ako naman po si Usec. Rocky Ignacio. Sana po maging masaya ang Pasko nating lahat.
SEC. ANDANAR: Hanggang bukas pong muli dito sa Public Briefing #LagingHandaPH.
###
—
SOURCE: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)