Q: Nasa ating linya, isa sa mga suki ng Straight to the Point – Presidential Spokesperson, si Attorney, Secretary Harry Roque. Secretary Harry, magandang umaga po sa inyo.
SEC. ROQUE: Magandang umaga Straight to the Point, narito na ang kamandag ng umaga [overlapping voices]…
Q: Secretary MGCQ na. Nananawagan iyong maraming sector, babalik kaya tayo by October?
SEC. ROQUE: Napakahirap ho sagutin iyan kasi tagapagsalita lang ako. Kinakailangan magdesisyon muna iyong IATF ano. Pero dalawa po iyong pamantayan natin diyan, iyong case doubling rate na ngayon ang ginagamit po ay iyong two-week attack rate at saka iyong ating hospital critical care capacity.
Now, wala po tayong problema sa critical care capacity ngayon dahil nabuksan na iyong mga bagong ospital at kaya nasa 50% tayo. Mayroon pong 50% availability pagdating sa ICU beds, ICU wards at saka iyong mga private beds at saka COVID wards ‘no, so wala pong problema doon. Ang problema natin iyong case doubling rate. Iyong case doubling rate kasi parang mga 27 days iyan dapat para mag-MGCQ, eh malayo tayo doon.
Bagama’t ang ginagamit nila po ngayon iyong tinatawag nilang two-week attack rate ‘no, iyong number of cases divided by number of population ‘no. Kapag titingnan mo iyong two-week attack rate at ilalagay mo sa graph, talagang bumababa po ‘no. Pero iyon nga po eh, napakahirap sa panig ko bilang tagapagsalita na mag-speculate either way kasi magagalit iyong mga kasama ko ‘no [laughs].
Q: Okay. Pero at least nakaka-eavesdrop ka naman eh ng mga usapan eh ‘di ba, baka sakali.
SEC. ROQUE: Sa totoo lang po, hindi pa napag-uusapan talaga iyan kasi one month iyong ating GCQ. Pero ngayong araw na ito, inaasahan po na pag-uusapan na iyan.
Q: Pero may mga ilang mga tourism destinations ang bubuksan na, lalo na sa Boracay by October 1, ‘di ba Sec., magiging okay na para sa mga turistang nasa GCQ. Ibig sabihin Metro Manila puwede na doon.
SEC. ROQUE: Opo, iyan po ay mabuting balita dahil alam natin na malaking porsiyento ng ating ekonomiya ay nakasandal po sa turismo. Napakaraming mga nagtatrabaho diyan ‘no. At dapat naman ay matagal na pong bukas ang Boracay. Alam po ninyo halos taga-Boracay ako, dahil iyong aking legal career, diyan po ako nagsimula halos lahat nang mga resorts diyan ay naging kliyente natin. Eh sinasabi po nila sa isang buwan, ang dumarating lang wala pang treinta. So talagang hindi po sapat na ang turismo ay binuksan lang para doon sa area ng Western Visayas
So, magandang balita po ito para sa mga nagtatrabaho diyan sa Boracay. Ang niri-require po sa kanila, bagama’t ito ay aaprubahan pa ng IATF ngayong araw na ito, ay magkaroon ng PCR test. Pero mayroon na po tayong nagagawang pilot ngayon sa Baguio na Antigen test na lamang. Ito po ay swab din, pero nilalagay sa isang contraction na halos kapareho ng rapid test. Kaya nga lang po ang hinahanap ay iyong virus pa rin at mataas po iyong accuracy niya kung iko-compare sa rapid test.
Q: Laway na lang yata diyan eh, sa Antigen, laway.
SEC. ROQUE: Opo. Sinusubukan po natin na gamitin itong antigen, kapag ito ay naging matagumpay, baka we can do without the PCR test. Kasi alam natin mahal iyan at matagal, so, ia-add mo pa iyan sa cost ng eroplano, sa cost ng hotel eh lalong tataas. Pero huwag po kayong mag-aalala, pina-pilot na po at pinag-aaralan na kung saan puwedeng magamit ang Antigen test for purposes of tourism.
Q: Nabanggit na rin lang pala ninyo iyong salitang mahal ano, di ba ang DOH ay umaapila ngayon sa Malacañang especially sa Pangulo na maglabas ng executive order para maging pantay lang iyong presyo ng PCR test o mga swab test.
SEC. ROQUE: Tama po iyan ‘no. Bagama’t inanunsyo ko rin po sa Malacañang na may mga lugar dito sa Metro Manila, kung saan donated ang mga makina at mga test kits at kung saan sila pupuwedeng pumunta para mura iyong PCR, P1,750 up to P2,000. At babanggitin ko po iyong tatlong lugar sa Metro Manila, nandiyan po iyong Children’s Memorial Hospital sa Quezon Boulevard; iyong NKTI, diyan po sa East Avenue at saka iyong Perpetual Help Hospital diyan po sa Las Piñas.
Q: Pero ‘di ba, sa halip na mamili iyong ating mga kababayan para magkaroon na lang ng standard na pricing, para kahit saan…
Q: Iyong mga pribado grabe magtaas, umaabot daw ng 12,000 may ganiyan!
SEC. ROQUE: Well, siyempre po, dedesisyunan iyan ng Presidente. Pero para nga po magkaroon ng free competition, mantakin ninyo 1,750 to 2,000 lamang. So mayroon na pong mga ganiyan. At sa buong Pilipinas po, marami po iyong ganiyan. Ang naalala ko lang po, off-hand sa Pampanga, iyon Jose Lingad; tapos po sa Cebu iyong Vicente Sotto. So mayroon naman pong mura na PCR na puwedeng puntahan at ako po nagpupunta siyempre sa mura dahil hindi ko kaya iyong mahal.
Q: With all due respect, Secretary, hindi ba parang mahirap namang pagbatayan pa natin iyong competition kung saan pupuwede. Ang nangyayari kasi, komo limitado, doon lang pupunta at nagkakaroon ng siksikan.
Q: Tutal national emergency naman di ba, baka pupuwede sabihin ng Pangulo, di ba, Sec?
SEC. ROQUE: Well, inaantay po natin ang desisyon ni Presidente diyan, dahil iyon nga ang rekomendasyon ng DOH. Pero ako sa mula’t-mula ay sinasabi ko talaga maraming nagsasamantala, habang natatakot kasi iyong mga tao, tinataasan nila iyong PCR test. Eh paano naman mangyayari iyon na mahal pa rin ang PCR test eh mahigit tatlong milyon na ang na-test natin at mahigit 100 na ang testing lab natin.
Ang sinasabi ko naman po, aking pagbibigay-alam kung saan puwedeng pumunta ng mura, eh hayaan natin na bigyan din ng pagkakataon iyong free market na mag-operate. Hindi lang po alam ng tao na mayroong mga lugar na mura na puwedeng puntahan at nabibisto pa sila, dahil akala nila, parang dati pa rin na iisa lang ang ating laboratory na RITM – hindi na po.
Tapos po kapag natapos na po iyong pilot na pooled testing, iyong isang test kit gagamitin sa lima, bababa pa po ang presyo diyan, inaasahan na bumaba hanggang P700 po iyong PCR test natin.
Q: Oo, tutal sinabi mo, Secretary Roque, naghahanap ka ng mura talaga eh. Ingat lang, huwag kang pupunta sa mga mahal ang swab test, baka ma-lifestyle check ka.
SEC. ROQUE: Ay hindi lang po iyon, baka maatake pa ako sa puso, ikaw ba naman ang magbayad ng P10,000 na PCR.
Q: Mayroon niyan eh, home service 12,000.
SEC. ROQUE: Mayroon din po akong alam na home service pero ito po ay P3,000. So iyon na po ang puntahan ninyo. Alam ninyo isusulat ko na naman iyan sa aking press briefing ngayon, kung saan naman iyong mga murang mga home service, para alam ng tao kung saan sila pupunta.
Q: Mas maganda masabi na rin natin sa media di ba?
SEC. ROQUE: Opo, opo.
Q: Puwede mo na unahin dito sa amin.
SEC. ROQUE: Mayroon pong P3,000 na home service.
Q: Unahin mo na dito sa Straight To The Point.
Q: Ano iyong P3,000 na iyan Sec., saan iyan?
SEC. ROQUE: Hindi ko na po maalala kung ano, pero P3,000 po.
Q: P3,000 ha, swab test.
SEC. ROQUE: Swab test po.
Q: Baka kasi wala nang swab test, resulta na lang kunwari.
SEC. ROQUE: Ah, hindi po.
Q: Wala namang worry doon si Secretary kung sakali mang magpunta siya doon sa mamahaling swab test facility, dahil ang pagbabasehan doon sa lifestyle check either low key official o high ranking. Saan ka ba sa dalawang iyon, Secretary?
SEC. ROQUE: Ako po ay kain lang nang kain. Kapag ni-lifestyle check ako guilty – kain ng kain.
Q: Nauuna sa meryenda, kapag may IATF.
SEC. ROQUE: Ang balita po walang meryenda sa IATF, dahil puros na lang iyon. Wala po talaga. Tapos noong ako po ay nagpunta ng Malacañang na miss ko po iyong buffet ng south lounge ng Kongreso. Tapos dito sa Malacañang ang sabi ni Presidente, isang kanin, isang ulam, isang gulay, isang sabaw.
Q: Ay ganoon ‘no… In-order iyon sa katabing karinderya. [laughs]
SEC. ROQUE: Mayroon pong kami opisina ng ang tawag IHAW… ihaw ng pagkain. [laughs]
Q: Kaya pala hindi ka na madalas sa Malacañang, tama ba iyon Sec. kasi nagdidiyeta ka? [laughs]
SEC. ROQUE: Nagbabaon ako ng sarili kong pagkain.
Q: Sec., pahabol ko lang. Iyong lumabas na statement mo na regarding doon sa pagkatig kay Ombudsman Martires, eh galing ba mismo sa Pangulo iyon?
SEC. ROQUE: Well, alam ninyo po, kinakailangan naman respetuhin iyong desisyon ng Ombudsman dahil siya’y constitutional body ‘no. At sa totoo lang sa panahon ngayon, unless ikaw talaga’y garapal, ang mga kurakot naman ay magaling nang magtago. Diyan po sa PhilHealth tatapatin ko kayo, nagkaroon kami ng lifestyle check. Eh siyempre dahil marunong sa batas iyong mga nila-lifestyle check, nailagay na sa pangalan ng iba ‘no. Pero kumpirmado na umuuwi sa bahay sa Baguio, ganiyan ganiyan… na napakalaki pero hindi sa kaniya nakapangalan ‘no. So ang mas importante po siguro ngayon iyong pagpapatupad ng AMLC kasi iyong AMLC may paper trail kapag may pumasok na pera.
Q: Pero hindi ho ba, Secretary, na iyong mga simpleng pagtingin lang sa buhay ng isang opisyal eh hindi ba dapat na iyon ang ginagawa ng Ombudsman?
Q: Katulad noong kaso sa ano, ‘di ba iyong sa Customs, iyong security guard mayroong luxury car.
SEC. ROQUE: Ang tingin ko naman po without prejudice pero hindi na mag-aaksaya ng panahon para talagang maghanap ng asset ‘no. Pero kung talaga namang garapal at makikita mo talaga na Customs lang eh naka-Lamborghini eh obvious na po iyon.
Q: Hindi ho kaya delikado iyong ganiyang pahayag dahil—
Q: ‘Di ba parang mas para matu-tolerate iyong mga—o okay lang pala eh, hindi na tayo masisilip. Parang may blanket authority ka na ‘di ba?
SEC. ROQUE: Well, ang sabi ko nga po ‘no, res ipsa loquitur, the thing speaks for itself. Kung ikaw ay talagang nilalantad mo naman at pinangangalandakan eh mahirap na hindi mapansin iyan at hindi na kinakailangan mag-imbestiga – res ipsa loquitur.
Q: Eh kahapon statement ni—well, asahan siguro natin na kokontra ‘no. Pero ang statement ni dating Ombudsman Conchita Carpio Morales eh iyon nga daw ganiyang klase ng proseso ay isa sa ginagamit na batayan para habulin ang isang corrupt na public official base sa kaniyang SALN actually.
SEC. ROQUE: Well, iniiwan na po natin iyan kay Ombudsman Martires ‘no. Sabi ko nga po eh constitutional body siya, hindi siya puwedeng pinanghimasukan…
Q: Pero wala pang pormal na posisyon ang Pangulo tungkol diyan, Secretary?
SEC. ROQUE: Hindi naman po Ombudsman lang ang nagpapatupad ng batas pagdating sa mga ill-gotten wealth ‘no. Nandiyan din naman ang Ehekutibo, nandiyan ang pulis, nandiyan ang NBI ‘no, nandiyan ang Civil Service kasi ang Salonga Law ay nagsasabi na dapat simple at modest ang buhay ng mga naninilbihan sa gobyerno.
Q: Oo. Pero kasi kapag public official ‘di ba isa lang pinupuntahan, Ombudsman lang eh.
SEC. ROQUE: Hindi po, mayroon po iyang kasunduan na depende naman kung sino iyong maunang mag-imbestiga.
Q: O sige po, Secretary Harry ha, ingat tayo. Good morning.
SEC. ROQUE: Maraming salamat po at magandang umaga po sa inyo.
Q: Presidential Spokesperson Secretary Harry Roque .
###
—
SOURCE: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)