Press Briefing

Public Briefing #LagingHandaPH hosted by Presidential Communications Operations Office Secretary Martin Andanar and PCOO Undersecretary Rocky Ignacio


Event Public Briefing #LagingHandaPH
Location People’s Television Network, Inc. (PTV), Quezon City

SEC. ANDANAR: Magandang umaga sa lahat ng mga Pilipinong patuloy na sumusubaybay sa ating programa, pati na rin iyong mga kababayan natin na nasa ibang panig ng mundo na nakatutok sa ating online streaming. Ako po si Secretary Martin Andanar mula sa PCOO. Magandang umaga, Rocky.

USEC. IGNACIO: Good morning, Secretary Martin. Ngayon po ay araw ng Martes, October 27, 2020. Sa loob po ng isang oras ay handog namin ang mga pinakasariwang balita at impormasyon ukol sa mga aksiyon ng ating pamahalaan kontra COVID-19. Ako naman po si Usec. Rocky Ignacio mula pa rin sa PCOO.

SEC. ANDANAR: Ito po ang Public Briefing #LagingHandaPH.

Simulan po natin ang ating talakayan ngayong araw ng Martes, October 27, 2020.

Sa nakalipas na pitong buwan, kabilang po ang kaniyang grupo na nagsusumikap para po mapanatili ang kaayusan at katahimikan sa iba’t ibang panig ng ating bansa kahit may krisis tayo na pinagdadaanan. Kaya alamin po natin ang mga hakbang na patuloy nilang isinasagawa sang-ayon na rin sa mga patakaran na ipinapatupad ng ating pamahalaan para mapaigting ang peace order lalo na sa natitirang tatlong buwan ng taon 2020. Mapalad po tayo na makakapanayam natin live diyan sa ating PTV studio ang commander ng Joint Task Force COVID Shield si Police Lieutenant General Guillermo Eleazar. Magandang umaga po sa inyo, General Eleazar.

P/LT.GEN. ELEAZAR: Magandang umaga sa inyo, Sec. Martin, Usec. Rocky at siyempre sa lahat ng mga nakikinig at nanunood sa inyong programa.

SEC. ANDANAR: Sa kabila po nang unti-unting pagluwag ng quarantine restrictions batay na rin sa inilabas ng Inter-Agency Task Force lalo na sa mga lugar under MGCQ at GCQ ay inyong inihayag na may ilan pa ring mga lokalidad na nananatili ang restricted na travel policy partikular na sa mga non-APOR or non-Authorized Persons Outside of Residence, at LSI o Locally Stranded Individuals kung saan ay kailangan pa rin nilang magprisenta ng travel authority. Kaya naman po ang Joint Task Force COVID Shield ay maglalabas ng tinatawag na Travel Pass-through Permit. Ano po ang kinaibahan nito sa travel authority?

P/LT.GEN. ELEAZAR: Yes Sec. Martin, dahil nga po doon sa mga guidelines na inilabas ay pinaubaya po ng ating IATF sa LGU kung itutuloy pa rin nila ito pong pagri-require ng travel authority sa mga papasok sa kanila or hindi na kailangan. Kaya po nag-adjust po tayo nitong ating travel protocol flowchart na kung saan, kung ikaw po ay APOR, kaya noong dati, if you are APOR ay hindi na po kailangan ng travel authority at puwede ka nang pumunta doon sa destinasyon mo as long as work-related iyon, at the same time, iyong ID lang ang kailangan.

Pero kung ikaw po ay non-APOR or hindi work-related ang iyong lakad at ikaw ay pupunta at ikaw ay nasa GCQ or MGCQ, ito na po ang bagong policy natin ngayon: Kailangan malaman mo muna kung ano ang status ng pupuntahan mo.

Dalawang status po ang ating mga probinsiya o mga lugar na pupuntahan – it’s either iyan po ay restricted or unrestricted. When we say restricted, kailangan pa rin ng travel authority kapag ikaw ay pupunta doon. Kapag unrestricted na, hindi na po kailangan ang travel authority.

Nakikita po natin dito itong mga probinsiya at mga highly urbanized and independent component cities sa buong Pilipinas para malaman ng ating mga kababayan kung ang pupuntahan ninyo ba ay restricted or unrestricted.

Balik po tayo doon sa ating flowchart. So ibig sabihin po kung ang inyong destination, itong munisipyo or mismo siyudad na pupuntahan mo ay restricted, kailangan ninyo pa rin iyong dati nating ginagawa na may travel authority galing sa police station dahil kailangan doon iyong coordination, dapat malaman ng pupuntahan na magta-travel ka doon at kailangan mo medical clearance certificate na ipapakita sa police station.

Ngayon, kung ang pupuntahan ninyo naman o destinasyon ninyo ay hindi restricted o hindi kailangan ng travel authority, ang next na katanungan is that baka naman may dadaanan ka ng mga lugar na restricted kasi siyempre iba’t iba na ang sitwasyon natin kaya doon na po papasok ngayon itong Travel Pass-through Permit natin.

Sec. Martin, ito po, walang requirement dito – pupunta ka lang sa police station and then bibigyan ka ng Travel Pass-through Permit. Hindi kailangan ng medical clearance certificate, hindi kailangan ng koordinasyon sa pupuntahan mo dahil bukas na nga sila at hindi kailangan ang travel authority.

At ngayon naman po, kung hindi restricted, kumbaga hindi kailangan ng travel authority doon sa pupuntahan at sa dadaanan, iyon po, kailangan diri-diretso na; hindi na kailangan ang travel authority or ito pong travel pass permit natin.

So para idagdag ko lang, Sec. Martin, na dito po sa listahan natin, mayroon kasi dito na unrestricted na probinsiya and yet mayroon silang mga bayan na restricted pa rin. Kaya nga kung makikita natin dito, nilagyan natin sila ng pin. Like itong Ifugao, ang Ifugao is unrestricted pero may pin siya kasi mayroon siyang bayan sa probinsiya na iyon na diniclare [declared] nila na restricted pa rin.

So ito po ang mga tables na ating dini-disseminate para po sa kaalaman ng ating mga kababayan.

By the way, nakapag-coordinate na rin po tayo sa DOST, at ginagawa na po nila itong online application system na kung saan lahat po nito, itong mga sinasabing application na ito ay online na. Mapapadali na po lahat at wala na masyadong interbensiyon, hindi na kailangang pumunta sa police station. Sa mga susunod na araw, abangan po natin iyon. Pero meanwhile, naglalabas muna kami nitong mga panuntunan na ito dahil we owe this to the public na dapat alam nila kung mayroon tayong pagbabago para mapadali po ang kanilang prosesong gagawin.

SEC. ANDANAR: General, sinu-sino po ang kuwalipikado sa pagkuha ng dokumento na ito? At pangalawa, dahil po ang TPP ay hindi naman po niri-require ang pagkuha ng medical certificate, anu-ano po ang mga papeles na kinakailangan para makakuha po nito?

P/LT.GEN. ELEAZAR: Yes, para po doon sa ang destinasyon ninyo ay hindi na kailangan ng travel authority pero may dadaanan kayong lugar na mahigpit pa rin o restricted pa rin, iyon po ang kukuha ng TPP. Walang requirement, hindi kailangan ng medical clearance certificate kapag in-apply mo sa pulis iyon. Hindi rin kailangan i-coordinate iyon sa pupuntahan dahil maluwag na nga po sila at hindi kailangan ang travel authority. So ‘pag pupunta kayo sa police station, ibibigay sa inyo iyon at iyon ang dadalhin mo.

Ito pong lahat ng ito ay para sa mga non-APOR including LSI dahil uulitin ko po, kung kayo naman ay APOR at work-related ang travel ninyo, hindi ninyo kailangan ang anumang permit – ID lamang ang katapat niyan.

SEC. ANDANAR: Ang TPP po ba ay maaaring gamitin sa pagpasok sa mga lugar na halimbawa na lamang na nasa ilalim ng ECQ o MECQ?

P/LT.GEN. ELEAZAR: Hindi po. Ang atin pong mga non-APOR ay hindi puwedeng mag-travel kung tayo ay nasa ECQ at MECQ. At ganoon din kung ang pupuntahang lugar ay ECQ at MECQ, hindi rin po allowed ang ating mga non-APOR including LSI, except for talagang emergency na mga sitwasyon.

SEC. ANDANAR: Sa patuloy po na pagluluwag ng quarantine protocols, paano pa po natin paiigtingin ang police visibility lalung-lalo na sa mga highly urbanized area?

P/LT.GEN. ELEAZAR: Well, nag-recalibrate po ang ating deployment at nag-utos ang ating Chief PNP General Cascolan for the unit commanders in the ground na mag-coordinate sa mga respected LGU.

Kung titingnan kasi po natin, talagang ang laki ng role ng ating LGU. Even though may mga guidelines na nilalabas ang IATF, pero last say or may koordinasyon pa rin kung paano ipatutupad ito ng ating mga kapulisan base na rin sa guidance ng LGU. At iyon nga po, ang ginawa po natin, nagdagdag ng personnel sa mga lugar kung saan nandiyan na ang ating mga kababayan dahil mas marami na ang mga permitted industries na nag-o-operate, at the same time, mas marami na ang mga kababayan natin na sinasabi nating mga consumers na mag-a-avail ng mga goods and services being provided by permitted industries.

SEC. ANDANAR: Kaugnay po, General, ng sunud-sunod na krimen na sangkot ang motorsiklo, kamakailan lang ay nagsanay kayo ng tinatawag na MASCOT o Motorized Anti-Street Crime Operation Team ayon na rin po iyan sa direktiba ng ating Pangulong Duterte upang mai-address ang suliraning ito. Tell us more about this MASCOT; at ilan na po ang nakatapos sa training na ito so far?

P/LT. GEN. ELEAZAR: Sec. Martin, even before, mayroon na rin po tayo na MASCOT at ito nga po ang ating ginagawa upang tayo po ay magkaroon ng intervention para po dito sa mga riding-in-tandem natin ngayon at nagbigay din ng kautusan, Sec. Martin, sa ating PNP po. Mayroon na po tayo na 43 na katatapos pa lang dito sa motorcycle riding course na isinagawa ng Highway Patrol Group at patuloy pa rin na magsasagawa nito. In fact, nagkaroon po din ng kautusan ang ating Secretary Eduardo Año ng DILG, para po sa procurement ng additional na motorsiklo, base na rin po sa guidance ng ating Pangulong Duterte. Itutuluy-tuloy po natin iyan upang po matugunan itong ating challenge na ito.

Pero gusto ko pong banggitin na during this quarantine, for the past seven months, contrary doon sa sinasabi po na tumaas ang bilang nitong mga motorcycle riding suspect na perpetrating itong mga krimen na ito, bumaba po ng 57% actually itong krimen na ito for the past seven months compared doon sa last 220 days before this quarantine. Kaya lang po na-highlight ito nitong mga huling mga linggo dahil noong mga unang buwan eh wala pong mga ganitong krimen dahil naka-quarantine din sila pero sinasabi nga po natin na malaki ang pagbaba subalit mas nakahanda ngayon ang PNP para po harapin itong challenge na ito.

SEC. ANDANAR: Mula po noong nagkaroon ng pandemya, paano ninyo maisasalarawan ang bilang ng mga krimen sa bansa partikular na sa NCR – tumaas po ba ito o bumaba?

P/LT. GEN. ELEAZAR: Sec. Martin, base po sa ating 223 days na monitoring during this quarantine period, kung ikukumpara natin iyong index crime for the past ito pong 223 days before this pandemic, bumaba po ng 46% ang krimen natin sa buong Pilipinas. 44% iyan sa Luzon; 51% sa Visayas; at 44% naman sa Mindanao. So, nag-a-average po iyan – kung dati 176 crimes per day ang nagaganap – during this quarantine 96 crimes per day po iyan.

At kung iyan po ay ibi-breakdown natin dito sa mga eight focused crime, itong crimes against persons and crimes against properties, lahat po iyan murder – homicide, physical injury, rape at robbery/theft at carnapping ng motorsiklo at motor vehicle, lahat po sila ay bumaba dahil po iyan sa mga intervention na isinasagawa ng Philippine National Police at Joint Task Force COVID Shield. In particular, itong mga checkpoint operations natin na ating ginagawa sa iba’t ibang mga borders ng ating probinsiya at city pati na rin po iyong ating visibility sa mga lugar kung saan nandoon ang ating mga kababayan at kasabay na rin doon iyong pag-i-implement ng mga batas at ordinansa particular ng mga curfew sa iba’t ibang lokalidad po sa ating bansa.

SEC. ANDANAR: Magtungo naman tayo sa katanungan ng ating mga kasamahan sa media na nakatutok din po sa ating programa. Usec. Rocky, please go ahead.

USEC. IGNACIO: Good morning, General. Tanong po mula kay Evelyn Quiroz from Pilipino Mirror, with regard po ito sa doon sa localization move being pushed by top PNP officials: Don’t you think that law enforcement would be affected if the policeman is assigned to the locality where he resides since the tendency daw po is to let things slide if the policeman knows or is familiar with someone who is breaking the law?

P/LT. GEN. ELEAZAR: Bale po sa assessment natin, eh contrary to that, mas magiging epektibo ang ating pulis. Una, hindi niya po iisipin itong mga economic concern kasi iyong mga gastos na malayo ka, iyon po ay ating maa-address na. At the same manner, kung nasa sariling bayan ka lalo po sa mga probinsiya eh talaga pong gusto mo na ipagmamalaki kang iyong mga kamag-anak at hindi ka gagawa ng anumang kalokohan. At nagbilin naman ang ating Chief PNP na kung nandoon ka, dapat nating bantayan, pinagbigyan ka na, pumunta ka na doon at kung mayroon kang pagkakamali eh talaga pong ikaw po ay mananagot sa inyong mga kasalanan.

Well, it is true na ito naman po ay in a way nasa batas na as much as possible ang ating mga pulis ay nasa kanilang lugar pero hindi naman puwedeng masakripisyo po itong bilang ng ating mga pulis sa bawat lokalidad. Nandoon pa rin iyong konsiderasyon ng police to population ratio at hindi naman natin puwedeng pagbigyan lahat ng uuwi sa kanila but through swapping as well as replacement during our recruitment ay puwede pong unti-unti ay pupunta po tayo doon sa localization program.

SEC. ANDANAR: Maraming salamat sa inyo, Usec. Rocky and of course, General Eleazar. Bukod po sa pagsasanay ng mga pulis na naka-motorsiklo at pakikipag-ugnayan ng mga unit commander ng PNP sa mga LGU para mabigyan ng force multipliers, anu-ano pa po ang ginagawa ninyong aksiyon para mapunan ang kakulangan sa mga tauhan?

P/LT. GEN. ELEAZAR: Napakahalaga po ang tulong ng ating mga force multipliers. Kaya nga ang direktiba ng ating SILG at Chief PNP eh talagang mag-coordinate sa LGU at through their force multipliers, ito pong mga barangay tanods pati na rin itong mga public order and safety personnel ng mga LGUs at iyon pong ating mga pulis at barangay laban sa krimen, ito pong barangay enforcement teams natin, matutulungan po tayo sa pagtutok sa mga violation, particularly ng quarantine protocol.

Naglabas din po tayo ng ating mga hotlines hindi lamang sa iba’t ibang mga police stations natin, kung hindi mismong sa Joint Task Force COVID Shield kasama na rin itong mga social media accounts natin na kung saan ay naging daan ito para maka-receive tayo ng mga impormasyon galing sa mga kababayan natin na nakakakita ng mga violations sa kanilang lugar, sa kanilang kapitbahay at through the swift action of the PNP at pati na rin po ng ating barangay ay atin pong na-implement itong mga quarantine procedures. At tayo po ay nananawagan sa patuloy na collaboration, suporta at kooperasyon ng ating mga kababayan sa atin pong programa na ito.

SEC. ANDANAR: Kumusta naman po, General Eleazar ang koordinasyon natin sa mga LGU para sa nalalapit na paggunita ng Undas lalung-lalo na sa Metro Manila?

P/LT. GEN. ELEAZAR: Even weeks before po, a month before this period now, nagkaroon na po ng koordinasyon ang ating mga local commanders sa mga LGU dahil na po itong ating pagpunta sa Undas while it is true na isang linggo, starting from October 29 until November 4 ay sarado po iyan, pero days before that and days after that hanggang November 15 ay puwede po silang pumunta doon.

Nagbigay po ng guidelines ang ating IATF na hindi lalampas ng 30% ang capacity ng ating mga sementeryo at kolumbaryo at nakita naman po natin na sa mga nakaraang araw at even ngayon, ang atin pong pulis ay nag-deploy ng almost 12,000 sa buong Pilipinas sa mga sementeryo at kolumbaryo, kasama na rin po iyong mga force multipliers around 17,000 para po matutukan itong ating mga concern sa pagsunod ng ating mga kababayan sa mga health protocols na pinangunahan sa pagpapatupad ng ating mga local government units.

SEC. ANDANAR: Dahil kakaanunsiyo lang po ng ating Pangulo ng quarantine classifications na ipapatupad sa darating na Nobyembre, ano po ang mensahe at mga paalala natin sa ating mga kababayan at sa inyong kasamahan sa Joint Task Force COVID Shield?

P/LT. GEN. ELEAZAR: Secretary Martin and Usec. Rocky, sa mga nakaraang mahigit na pitong buwan ay talaga pong nag-iiba ang ating quarantine classification at nakaka-adjust at nakaka-adopt po ang Joint Task Force COVID Shield, partikular ang PNP. Ang atin pong panawagan ngayon dahil halos lahat naman po ay nasa GCQ tayo at nasa MGCQ at nagkaroon nga ng bagong panuntunan na puwede na pong mag-travel ang ating mga kababayan sa mga lugar na ito pero tandaan po natin subject po iyan doon sa regulation ng mga LGU.

At dalawang klase po ngayon. Ang sinasabi nga po natin, may mga LGU tayo na nagri-require pa rin ng travel authority kung kayo po ay pupunta doon. So, alamin po natin ang inyong destinasyon partikular iyong munisipyo at siyudad na inyong pupuntahan. Alamin kung ano ang sitwasyon doon at alamin din iyong mga dadaanan. Uulitin ko po, kung hindi kailangan ng travel authority sa inyong destinasyon at dadaanan, okay lang po iyon, hindi kailangan ng travel authority or itong tinatawag nating travel pass permit. Subalit kung ang inyong pupuntahan ay hindi kailangan ng travel authority pero may dadaanan na mahigpit, kailangan ninyo po iyong ating TPP.

So, ito pong lahat na ito ay kailangan ating alam para po hindi tayo magkaroon ng problema sa ating pag-uwi at paglalakbay kung sakali man po na kayo ay lalabas ng inyong mga bayan o probinsiya.

SEC. ANDANAR: Mula sa Public Briefing #LagingHandaPH, lubos po kaming nagpapasalamat sa patuloy na pagpapaunlak, Police Lieutenant General Guillermo Eleazar, ang puno ng Joint Task Force COVID Shield. Mabuhay po kayo, sir.

P/LT. GEN. ELEAZAR: Maraming salamat, Sec. Martin and Usec. Rocky at sa mga atin pong mga nanood sa inyong programa.

USEC. IGNACIO: Bilang pagtalima po sa kautusan ng Department of Transportation o DOTr ngayong COVID-19 pandemic ay magiging contactless na po ang mga transaksyon sa mga toll gate simula November 2 sa pamamagitan ng tinatawag na radio frequency identification o RFID. Kaugnay niyan makikita sa mga balita na marami na sa ating mga motorista nagkukumahog na po na magpakabit nito bago ang naturang deadline.

Para pag-usapan iyan, makakasama po natin nag executive director ng Toll Regulatory Board, walang iba kung hindi si Engineer Abraham Sales.

Good morning, Executive Director Abe.

ENGINEER SALES: Magandang umaga po Sec. Martin, Usec. Rocky at saka sa mga tagasubaybay po ng inyong programa. Good morning po sa lahat.

USEC. IGNACIO: Opo. Welcome po sa Public Briefing. Laman po ng mga balita nitong mga nakalipas na linggo ang deadline sa pagpapakabit po ng RFID sa mga sasakyan dahil nga po simula November 2, contactless na po ang pagbabayad sa mga tollgate.

Para bigyan po ng idea ang ating mga kababayan hindi lamang po iyong ating mga motorista kundi pati iyong general public, ano po ba itong RFID na ito?

ENGINEER SALES: Iyon pong—unang-una, ipapaliwanag ko iyong purpose po noong programa na ‘to. Unang-una pong purpose po niyan is to mitigate po iyong transmission po ng COVID-19 na nakakahawa po and then subsequently po to ensure po more efficient traffic flow doon sa mga toll plaza po.

Iyon pong tinatawag na RFID, Radio Frequency ID, iyan po ay isang device na ‘pag nakakabit po sa inyong sasakyan, mababasa po ng system po doon sa toll expresses, sa mga plaza po nila. At iyan po ay mayroon pong data diyan, makikita po iyong nilalaman po noong mga impormasyon na tungkol po sa account ninyo at hindi na po kayo magbabayad nang cash doon sa plaza.

Mababasa po ng system at automatic po bubukas po iyong barrier at kayo po ay makakadaan na po kung supisiyente po iyong load ninyo. Iyon po iyong tinatawag na cashless transaction, wala na pong involved na transaksiyon doon sa driver po at saka sa motor stop. Sa pamamagitan po ng pagpapakabit po ng tinatawag na RFID para magkaroon po ng sariling account po iyong inyong sasakyan. Iyon po ‘yung programang iyan.

USEC. IGNACIO: Opo. Linawin din po natin sir na may dalawang uri po tayo ng RFID, mayroon po tayong Autosweep RFID at itong Easytrip RFID. Ano po daw iyong pagkakaiba nito at saan pong mga tollgate at toll roads puwedeng magamit itong mga Autosweep na RFID at ito naman pong Easytrip RFID?

ENGINEER SALES: Nagkaroon po tayo ng dalawang RFID system po sa ngayon, iyong tinatawag na Autosweep. Magagamit po iyang Autosweep RFID po doon sa jurisdiction po ng San Miguel Group kasama na po diyan iyong Southern Tagalog Arterial Road, iyong tinatawag na Star Expressway sa Batangas po papunta po ng Laguna; and then iyong South Luzon Expressway po papunta po ng Manila; and then iyong Skyway dito po sa Manila and then iyong NAIA Expressway gumagamit din pong ng Autosweep; at saka iyon pong MCX – Muntinlupa-Cavite Expressway, iyong kapiraso pong expressway dito po sa Muntinlupa; at saka doon po sa dulo ng expressway doon po sa northern part, iyong Tarlac-Pangasinan-La Union Expressway ang ginagamit din po noon Autosweep po, RFID po ng San Miguel. Kasi ang may control po noong mga expressway na nasabi ko po, iyong mga subsidiary po na kinu-control po ng San Miguel Group.

Iyon naman pong Easytrip, iyan naman po iyong sistema na nai-setup po ng tinatawag na MPDC Group. Iyan po ay under the control of iyong MV Pangilinan Companies kasama po diyan iyong North Luzon Expressway; iyong Subic-Clark Toll Expressway; iyon pong Cavite Expressway; iyong CALAX, iyong bagong bukas po diyan sa Laguna; at saka dito pong flyover po dito sa C5 na nakadugtong po from Taguig to Pasay side, Parañaque side. Iyan po ang ginagamit po diyan iyong tinatawag na Easytrip.

Dalawa po siya pero mayroon naman pong programa na ang pinapatupad po natin na pag-isahin po sana iyong mga RFID at iyon po ay nasa phase 1 po tayo.

Kung ang RFID tag po ninyo ay galing po sa Autosweep, puwede po nating iparehistro iyan sa Easytrip. Dadalhin lang po iyong sasakyan doon sa mga istasyon ng Easytrip na tumatanggap po ng enrollment o registration po ng Autosweep RFID para po ma-scan po nila iyong RFID and then magkaroon po kayo ng ibang account po doon. Iyon po ‘yung tinatawag na phase 1 po ng interoperability project po ng Department of Transportation and Toll Regulatory Board kasama na rin po iyong DPWH, LTO and marami pa pong ibang entities kasama din po iyong toll operators.

Iyong phase 2 po, iyon po ‘yung winu-workout natin na iyon pong Easytrip naman ay mabasa po noong Autosweep. May mga pagkakaiba po kasi sa setup ng sistema na iyan, iyong mga readability po magkaiba. Para po maiwasan iyong mga complaints, inaayos pong mabuti noong dalawa pong grupo para ma-implement na rin po iyong phase 2 na tinatawag para isang RFID na lang po sana iyong gagamitin.

Pero sa ngayon po dalawa po iyong kailangan hong kuhanin na RFID para kung gagamitin ninyo po sa lahat po ng expressway mayroon po kayong nakahanda na RFID tag para sumunod po kayo doon sa tinatawag na cashless system of toll collection.

At saka linawin ko lang po ano, iyong November 2 po na sinasabi po natin, iyon po ‘yung pag-i-implement po ng 100% cashless transaction. Hindi na po tayo magbabayad nang cash sa plaza; hindi po iyon ‘yung deadline po ng pagkuha noong RFID, iyon pong pagbibigay ng RFID tuluy-tuloy po iyon.

Kung gagamit po kayo ng expressway, kailangan lang po kayong kumuha noong RFID at kasama na po doon sa Implementing Rules and Regulations po na pinalabas po ng Toll Regulatory Board, dapat po iyong mga toll operators nakahanda po sa mga ganoong pagkakataon po na may papasok po na sasakyan na walang RFID at mabigyan po sila ng RFID bago po sila makapasok sa mga expressway.

Tuluy-tuloy po iyon, kung mayroon pong mga bagong sasakyan o may mga—sa una lang pong pagkakataon na papasok sa expressway, magkakaroon po naman sila ng pagkakataon na makapasok po diyan pero kumuha po muna sila ng RFID. Ganoon po, even beyond November 2 po mag-i-issue po iyong mga operators po ng RFID.

USEC. IGNACIO: So linawin lang natin Engineer Abe ha, walang deadline na November 2. So tuluy-tuloy, wala kayong nilagay na deadline para sa registration ng RFID?

ENGINEER SALES: Opo. Iyon pong November 2, iyon po ‘yung umpisa noong 100% cashless transaction po, dapat naka-RFID na po. Iyon po siguro sabihin po natin iyong deadline na magta-transact po sa cash.

Wala na po siyang cash beginning November 2, iyon po siguro iyong mas tama po nating pagpapaliwanag po doon sa—ganoon po.

USEC. IGNACIO: Opo. Engineer, pagdating naman daw po sa mga uri ng sasakyan, anu-ano daw po iyong mga sasakyan na maaring kabitan ng RFID? Sakop po ba nito iyong mga malalaking sasakyan gaya daw po ng trucks?

ENGINEER SALES: Opo. Lahat po ng pinapayagan po sa expressway, mayroon pong tinatawag na Class 1, iyong pong mga Class 1 iyan po iyong mga ordinaryo pong kotse, iyong mga 4-wheel vehicles. And then mayroon po tayong Class 2, iyon po ‘yung mga buses at saka iyong mga trucks naman tinatawag na Class 3. Pati po iyong motorsiklo, iyong 400 CC and above, kasama po iyan sa pinapayagan po na makapasok sa expressway. Iyan po, kung gagamit po ng expressway kailangan pong kumuha lang ng RFID para po sila makapagbiyahe po ulit sa loob ng expressway.

USEC. IGNACIO: Opo. Engineer, nitong mga nakaraang linggo at mga araw ay marami na po sa ating mga motorista iyong nagkukumahog po na magpakabit nga ng RFID at marami rin po sa kanila’y nagrireklamo, nahihirapan daw po silang magparehistro dahil malayo sila sa mga tollgate kung saan nagpapakabit ng RFID. So papaano ninyo po tinutugunan itong mga ganitong problema?

ENGINEER SALES: Palagi po kaming nakikipagpanayam po sa mga toll operators para po i-address po iyong ganiyang sitwasyon ano po. Kasi magmula po noong nagkaroon po ng announcement tungkol po diyan, ako po mismo kumuha rin po ako ng RFID sa ilang sasakyan po namin. More than a month ago wala pong kumukuha noon eh masyado. Actually po iyong pag-i-issue po noong RFID nag-umpisa pa po iyan noong 4 o 5 years ago. Ang naging problema lang po diyan, karamihan po ng motorista mas gusto po iyong magbayad nang cash. And then for the past so many years, ang subscription po noong RFID o iyong tinatawag po nating—iyong mga gumagamit, one-third lang ho ng motorista based on 2019 data. So iyon po ‘yung ina-address po natin, iyong two-thirds na sana magkaroon po ng RFID para po masunod po iyong 100% cashless.

At saka ang naging problema po sa ngayon na nakikita po namin is iyon na nga po, iyong word po ninyo, ‘nagkukumahog’ na po silang kumuha ng mga RFID po nila dahil malapit na pong ipatupad po iyong November 2 cashless 100% transaction.

So, nagpapakabit po sila at ang nangyayari po, kasama na rin po sa problema po itong COVID, ano po. May mga istasyon na pinatigil muna iyong pagpapakabit dahil sa dami po ng kumukuha, naisi-set aside na po iyong tinatawag na social distancing. So, ang direktiba po namin sa mga operator, magdagdag po ng mga istasyon para po ma-accommodate po iyong mga marami pong nagsisi-apply. Ang nangyari po doon sa kanilang sistema po, nag-announce nga po sila, starting last week Friday, na sinasabi po nila magdadagdag po sila ng mga istasyon. Iyon po iyong lumabas iyong ini-extend po nila iyong November 2 daw. Pero ang sa totoo po, magdadagdag po sila ng mga temporary stations po na magkakabit po nang RFID, ang announcement po nila, iyong San Miguel group po, in-extend nila iyong marami pong kabitan until November 30.

And on the part of the MPTC Group, iyon pong RFID po ng Easytrip, ganoon din po iyong gagawin po nila. Pero hindi po nangangahulugan na after po iyong sinasabi po na deadline, November 30 for that matter sa San Miguel Group po, hindi po nangangahulugan na hindi na po sila mag-iisyu ng RFID. Mag-iisyu pa rin po tayo ng RFID, tuluy-tuloy pa rin po iyon, hanggang mayroon pong nangangailangan tuluy-tuloy po iyon. Ang magiging resulta lang po niyan, kapag wala pong RFID iyong sasakyan, hindi po kayo eventually makakapasok po sa expressway at magiging violation na po sa traffic regulation po iyon, kung kayo po ay nagpumilit na pumasok na walang RFID.

USEC. IGNACIO: Opo. Sa mga kababayan natin na hindi pa nakakapagkabit lalo na ngayon na ilang araw na pong umuulan; paano po ang proseso at anu-ano po ang kakailanganing dokumento; magkano po ang kanilang kailangang bayaran at may tanong po ang ating kasamang si Joseph Morong ng GMA7, bakit daw hindi maglagay nang para puntahan, magparehistro sa mga malls?

ENGINEER SALES: Mayroon din naman po silang mga istasyon po sa malls, mayroon din po iyan and then doon sa ibang lugar din po nag-a-accept din po sila ng pagpa-register po ng RFID. Iyon pong sa requirement wala naman pong requirement, kung ang kukunin po ninyo iyong tinatawag na, parang (tulad) po sa telepono, iyong pre-loaded na RFID po. Mayroon lang pong mga requirement, kapag ikukonekta po ninyo sa mga credit card po ninyo, doon po may mga pipil-apan (fill up) po. Kasi po mayroon din silang tinatawag na auto debit para hindi na po kayo pabalik-balik na naglu-load po noong toll fee. Mayroon pong automatic loading po na i-aano po ninyo sa bangko ninyo. Iyon po kapag ganoon po iyong gusto ninyong arrangement may mga pipil-apan pong dokumento. Pero iyong karamihan naman po, kung kukuha noong pre-loaded, ang sa class 1 po ang maximum na minimum ang requirement po hanggang 200 pesos. Pero nasa motorista po iyon, kung gusto po ninyong mag-load ng mas marami. Pero, ang aming direktiba, i-limit po iyong minimum sa 200 pesos doon sa class 1 at saka doon sa class 2 entry, 400 pesos po. So, doon po sa pagkuha ng RFID, mayroon lang po pipil-apan na form, unless na ang pipiliin po ninyo po iyong tinatawag na auto debit, iyon po may mga requirement po, kasi po doon kung sa credit card po ninyo itsa-charge po iyong magkaroon po ng automatic replenishment po iyong account may mga pipil-apan pong form, iyon po iyong requirement.

USEC. IGNACIO: Engineer, may mga tanong po iyong ating mga kasama mula sa media. Medyo marami-rami po itong nagtanong sa inyo. Mula kay Evelyn Quiroz ng Filipino Mirror: Iyon pong recent move to sift to a cashless toll collection system has resulted in massive traffic jams and yet the toll Regulatory Board has confirmed the readiness of toll operators to implement the said system. In addition, motorist are finding it hard to load their RFID accounts because of various factors like offline system, loads being sold out, early and generally the lack of enough booths for reloading. Is there anything that TRB can do to make the tollways operators fixed the current mess?

ENGINEER SALES: Iyon pong readiness po, kasi po iyong facility mismo sa toll expressways, kung mapapansin po ninyo in the past, may mga cash lanes po iyan. Ngayon nagkabit po iyong mga toll facility operators po natin ng mga karagdagan pong equipment po doon para doon po sa RFID system, iyon po iyong paghahanda on the part of the operators. And then iyong transition naman po, from pagkuha naman po ng RFID, nag-set up naman po sila ng mga istasyon kung saan-saan po kukuha at saka saan po maglu-load po na mga toll, nandoon po siguro. Dahil nasa transition po tayo ngayon, palagi po kaming nakikipagpanayam po sa mga operators para i-address po iyong mga complaints.

May mga complaints na po dahil mas marami na po ngayon ang nag-subscribe sa RFID at ang pangako naman po ng mga operator po natin na continuing naman po iyong pag-a-upgrade, pag-a-update po nang kanilang mga sistema. Mayroon pong mga trapik, dahil sa ngayon po kasalukuyan po silang nag-a-update po noong kanilang system. Lalung-lalo na po doon sa side po ng north expressway. Mayroon po kasi iyong dating sistema po diyan, bukod po doon sa cash at saka sa RFID, mayroon pa po iyong lumang technology na mayroon pong parang e-pass, pinalitan na po nila iyon, kinonvert na po sa RFID at during the times na nagku-convert po sila ng mga lane, nagkaka-traffic po dahil po doon sa pagtatrabaho po noong mga tauhan po nila. Iyan naman pong mga complaints na iyan, iyan naman pong mga traffic na iyan ay tuluy-tuloy naman po ang pag-meeting po namin sa mga operator, para i-address po iyong mga ganiyang problema.

And then, ito naman pong mga operator, trying their best efforts [garbled] pati po iyong mga problema doon po sa accounting, sa loading, iyong nawawala po na load, sa system po ng kanilang computer. And then, iba-iba pong problema.

So, lahat naman po iyan kung may natanggap naman po kaming complaint dito, pinapaabot po namin sa kaalaman nang mga operator para i-address po nila, para po maiwasan na po siguro iyan, eventually. Pero, dahil iyan po ay technology, hindi rin po masyadong maiwasan po na magkaroon po ng mga problema po. More so, na ginagamit po natin iyong internet po sa mga accounting, so pag minsan po, hindi po nailu-load agad, so nagkakaroon po ng problema doon sa paggamit po ng RFID, hindi po nagkaroon ng sufficient load. So, iyon po ina-address naman po ng mga operator po iyan at kami po at tuluy-tuloy po na nakikipagpanayam po sa kanila, para isaayos po iyong sistema at kami po ay welcome naman po kung ano po iyong mga suggestion na ibibigay din po ng mga motorista po sa amin saka iyong iba pong mga grupo kung ano po iyong mga suggestion para mai-relay po namin sa mga operators po.

USEC. IGNACIO: Engineer, ang tanong mula kay Einjel Ronquillo ng DZXL-RMN. Iyong unang tanong niya nasagot na ninyo iyong pagkakaiba ng Easytrip: Bakit po hindi na lang pinag-isa kuhaan ng form for NLEX and SLEX RFID. Is it possible din po ba na i-register o i-fill up na lang iyong form via online then para pagpunta po sa toll plaza, ikakabit na lang iyong RFID stickers, kasi sobra daw pong haba ng pila at nagko-cause po talaga ito ng traffic?

ENGINEER SALES: May mga sistema po sila sa online application, iyong San Miguel Group po, pero sa ngayon po, medyo sa dami po ng nagsu-subscribe po, hindi ko lang po alam iyong update po diyan ano. On the part of the MPTC Group po, noong nakaraang buwan, mayroon din silang programa po, iyong tinatawag na stick yourself na RFID, para hindi na po kayo pipila, o-order-in lang ninyo iyong sticker online.

Ang naging problema po diyan, iyon pong pagkakabit po ng motorista nang sticker ay hindi po sa tamang lugar o kaya sa ibang sasakyan po kinakabit, iyong class-1 inilagay po doon sa malaki. So, iyon po iyong mga naging isyu, so itinigil po muna ng operator po iyong ganoong sistema. Ang pinagtutuunan po ngayon, iyon nga po nagdagdag po sila noong mga istasyon na kung saan po tayo magpapakabit ng RFID po. Medyo nagkaroon lang po ng technical dito sa ano po… hindi ko po masyadong marinig iyong tanong.

USEC. IGNACIO: Ang tinanong lang niya, bakit daw po hindi pag-isahin? Like sinabi na ninyo na parang dapat ay online na lang para pagdating daw doon sa toll plaza, ikakabit na lang iyong RFID stickers?

ENGINEER SALES: Ano po siguro ang makakasagot niyan, iyong mga operator po, hihingin po namin iyong kalinawan tungkol diyan sa suggestion po na iyan. Tatanungin po namin iyan.

USEC. IGNACIO: Tanong naman po mula kay Jam Punzalan ng ABS-CBN: Are there pending toll hike petition? Is the Toll Regulatory Board likely to approve this? When will they be implemented if ever?

ENGINEER SALES: Mayroon po tayong nakaano po na toll… naaprubahan pa po ito noong dalawang taon na po ang nakaraan sa North Luzon Expressway po, hindi lang po nila napapatupad po sa ngayon, pero na-publish po nila iyan, matagal na pong na-publish, hindi lang po nai-implement.

So, iyon po may nakaabang po na toll hike po iyong sa North Expressway at saka siguro po kung lumabas po iyong approval sa Southern Tagalog, matagal na rin po na hindi po nagkaroon ng karagdagan iyong mga sinisingil po nila diyan. So, iyon po iyong dalawang expressway na maaari pong magkaroon po ng toll increase, iyong North Luzon Expressway at saka iyong Southern Tagalog po.

Marami pong naka-pending po dito na petition po, actually na dinatnan na rin po namin dito noong naiwan pa po noong dating administrasyon at iyon naman po ay amin pong niri-review at kung karapat-dapat po na maibigay po iyon, iyan naman po magkakaroon naman po ng mga publication.

USEC. IGNACIO: Engineer, pasensiya na po, isang mabilis lang po na tanong ni Einjel Ronquillo ng DZXL: Puwede bang dumaan iyong RFID lane iyong may Easytrip sticker? Kasi may sinasabi niya ano ang pinagkaiba ng Easytrip sa RFID sticker, puwede ba siyang dumaan sa RFID lane, iyong may Easytrip sticker?

ENGINEER SALES: Iyon pong Easytrip, iyon po iyong pangalan po noong provider po ng RFID, iyong sa North Luzon Expressway, iyong nabanggit ko kanina doon sa MVP Group.

Iyon po sigurong tinatanong niya po, iyong luma po sigurong technology po iyon, iyong parang e-pass, wala na po iyong ganoon. Iyon pong parang e-pass po na may baterya po iyon eh, hindi na po iyon ngayon nagagamit po. So, kung mayroon pa po silang ganoon, i-coordinate lang po doon sa operator, papalitan po ng RFID. Ibang teknolohiya po iyon eh, iyon po siguro iyong kaniya pong binabanggit.

USEC. IGNACIO: Okay, maraming salamat po sa inyong pagpapaunlak sa aming programa. Panigurado pong marami tayong mga kababayan na nalinawan po ang usapin ng RFID. Keep safe po, Executive Director Abraham Sales ng Toll Regulatory Board. Mabuhay po kayo, sir.

ENGINEER SALES: Salamat din at magandang umaga sa mga tagasubaybay po ng inyong programa. Good morning po.

SEC. ANDANAR: Dahil sa sunud-sunod na pag-ulan na ating nararanasan alamin po natin. USec. Rocky, alam mo hindi talaga maiiwasan ang pagkakasakit sa mga panahong ito. Bukod sa patuloy natin na kinakaharap na health crisis.

Bukod sa diarrhea, influenza at dengue, aba’y talakayin natin ngayong umaga ang patungkol po naman sa leptospirosis na isa sa mga karaniwang sakit tuwing tag-ulan. Makakausap po natin ang dating tagapagsalita ng DOH at ngayon po naman ay Director ng Knowledge Management and Information Technology Service ng kagawaran, magandang umaga po sa inyo Dr. Eric Tayag.

DR. TAYAG: Magandang umaga, Secretary Martin; magandang umaga rin, USec. Rocky.

SEC. ANDANAR: Ang leptospirosis po ay isang seryosong sakit, Doc. Ngunit maaring maiwasan at maagapan kung ito ay magagamit agad. First of all, ano po ba itong leptospirosis? Bakit isa ito sa mga itinuturing na rainy diseases at paano ito nakukuha?

DR. TAYAG: Ang leptospirosis ay isang bacterial infection na nakukuha natin sa direct or indirect contact, Secretary Martin, sa mga infected animals. Pangkaraniwan, ito ay nakukuha sa daga, pag naghalo po ang kanilang kontaminadong ihi sa tubig baha at maglalakad tayo sa tubig baha at may mga sugat tayo sa binti, ito ang paraan para kumapit ang bacteria at ito ay mabilis kumalat sa ating katawan at sa loob ng isang linggo magkakaroon ka ng sintomas katulad ng lagnat, chills, sakit ng ulo at pananakit ng mga kasu-kasuan, muscle pain at akala mo tapos na iyong episode iyon, subalit sa pangalawang linggo mapapansin mo pagtingin po sa salamin maaring naninilaw na iyong mata mo at sa pag-ihi po kulay tsaa, hindi na magandang senyales ito, Secretary Martin.

Kaya ang Department of Health pinag-iingat iyong ating mga kababayan habang mino-monitor natin ang mga lugar na maaaring kakitaan ng pagtaas muli ng leptospirosis. Sapagkat ang leptospirosis ay hindi natin dapat balewalain sapagkat nakamamatay po siya.

SEC. ANDANAR: Hindi lamang ang COVID-19 ang dapat iwasan kung hindi pati na rin pala ang leptospirosis na nakukuha sa baha na kontaminado lalo ng ihi ng daga. Setting aside ng mataas ng bilang ng COVID-19 sa bansa, masasabi ba nating bumaba ang kaso ng leptospirosis ngayong taon?

DR. TAYAG: Ayon sa ulat po ng Epidemiology Bureau mula Enero hanggang Agosto po at hindi pa po sila nagbibigay ng bagong tala, bumaba ng 66% ang kabuuang bilang ng leptospirosis sa ating bansa. Subalit sa mahigit limang daang kasong nai-report nila sa taong ito ay hindi pa kasama doon ang mga tala sa mga buwan na kung saan mayroon na tayong pag-ulan. So, inaasahan pa natin ang pagtaas niyan.

Samantala, sa datos po na ibinigay mahigit 50 na po iyong namatay at ang rehiyong may pinakamaraming kasong naitala ay ang Region II, iyan ang Cagayan Valley, kasama rin po ang Mindanao. Sa Mindanao po ang Davao region at pumapangatlo po ang Western Visayas o Region VI.

So sa datos din po, karamihan mga kalalakihan sapagkat sila talaga iyong lumulusong sa baha at may 15%, Secretary Martin, nasa edad 15 hanggang 19 na taong gulang.

Mahirap pong malaman kong COVID-19 o leptospirosis, sapagkat nag-uumpisa po iyan sa lagnat, so mahirap magduda kaagad. Kaya nga ang mga kababayan natin, kung sa palagay ninyo kayo ay lumusong sa baha, may sugat kayo sa baha katulad ng alipunga o kaya sa binti doon maaring kumapit po iyong bacteria.

Tinitingnan po natin iyong mga lugar na kung saan hindi mainam o maayos ang disposal ng waste ng mga pamahalaang lokal sapagkat iyan po ang pinamumugaran ng mga daga. Maliban po sa tubig-baha baka kapag humupa na po iyang baha at nakatapak po kayo at iyan ay putik ay maari pa rin po kayong mahawa. At iyon namang maliligo po diyan o kaya ay magsu-swimming, puwede po ninyong malulon at puwedeng pumasok sa mata natin iyong bacteria.

Maliban po diyan, iyong ating mga magsasaka, iyong ating mga abattoir workers natin ay dapat ding mag-ingat sapagkat maliban sa daga nakikita din po iyan sa mga domestic animals katulad ng aso, baka o kaya ay baboy. Kaya kailangan pong mapagmatyag po tayo at may mga gamot. At iyong gamot ang kaibahan po niyan ay kailangang maibigay kaagad lalo na may pamumula at paninilaw po ng ating mata at mataas po iyong lagnat. Iyong iba po diyan nauuwi sa meningitis, ang mga kumplikasyon po niyan ay kidney failure, kailangang maisugod kayo sa ospital, sapagkat maaaring kailanganin ninyo ng dialysis. Iyong iba hirap huminga, ubo, parang COVID-19, tapos mamaya mayroon po kayong pagdura ng dugo. Iyan po ay sapagkat maaari kayong nagkakaroon na ng pulmonary hemorrhage, isa sa nakakatakot, maaaring makamatay na kumplikasyon ng leptospirosis. Kaya huwag ninyong babalewalain po iyon.

SEC. ANDANAR: Puntahan natin ang mga tanong po naman ng mga media partners. Usec. Rocky?

USEC. IGNACIO: Doc. Tayag may tanong po ang ating kasama si Evelyn Quiroz sa inyo mula sa Filipino Mirror: The Department of Health daw po is currently in talks with 8 private laboratories to continue the conduct of COVID-19 test for returning Filipinos after the Philippine Red Cross halted test for the government over the nearly P1 billion debt of the Philippine Health Insurance Corporation or PhilHealth. Can those private laboratories adequately perform the kind of test done by the Red Cross?

DR. TAYAG: Umaasa pa rin ang Kagawaran ng Kalusugan na tuluy-tuloy ang pag-uusap ng PhilHealth at Philippine Red Cross para hindi matigil ang pagti-test po ng Philippine Red Cross laboratories, sapagkat alam natin na napakarami po nilang laboratory testing facilities or sites. Iyon namang pakikipag-usap ng Department of Health ay sapagkat isa iyon sa contingency plan, hindi naman puwede na hindi maghanda ang DOH, na maghanda para sa maaaring kakulangan ng mga testing facilities kung ititigil na po iyan ng Philippine Red Cross.

Pero umaasa po ang Department of Health na iyan ay maaayos at ang Philippine Red Cross ay magpapatuloy po sa kanilang serbisyo. Kung sakali naman pong magsasara po iyan ay ang Department of Health ay nagbibigay na po ng babala sa ating mga kababayan na maaaring bumagal o kumonti ang maaaring mga laboratory testing facilities kung saan sila makakapunta, inaayos po iyong sistema. Sapagkat puwede kayong tumawag sa hotline 1555 para nang sa ganoon kung kailangan ninyo ng testing ay maituturo namin kaagad kung saan po mayroong bakante at puwede kayong magpa-test.

SEC. ANDANAR: Maraming salamat po sa pagbabahagi ng inyong kaalaman ukol sa sakit na leptospirosis. Muli, tayo po ay nagpapasalamat kay Director Eric Tayag mula po sa Knowledge of Management and Information Technology Service ng Department of Health. Mag-ingat po kayo, Doc. Tayag.

DR. TAYAG: Kayo rin po, Secretary Martin at Usec. Rocky, magandang tanghali po.

USEC. IGNACIO: Okay, para sa ating balitaan ngayong umaga, pagbuo ng task force ng executive makakatulong sa mas pinaigting na kampanya ni Pangulong Duterte kontra sa mga anomalya sa gobyerno. Ika-89 na Malasakit Center binuksan sa Digos City, Davao Del Sur at magkakahiwalay na pamamahagi ng tulong sa mga residenteng apektado ng pandemya sa mga bayan ng Rizal Province at [unclear] Province, isinagawa ni Senator Bong Go. Narito po ang detalye.

[VTR]

USEC. IGNACIO: Good news po dahil pinirmahan na ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang panukala ni Senator Bong Go na lumikha ng Task Force na tututok sa korapsiyon at sistematikong byurokrasya sa mga ahensiya ng gobyerno sa bansa. Kasabay nga po ng pag-anunsiyo ng bagong quarantine classifications na magiging epektibo sa buwan ng Nobyembre, ay nilagdaan na rin ng Pangulo ang kautusan sa Department of Justice ang mangungunang governing body para mag-imbestiga sa mga anomaly ng korapsiyon. Pinuri ng ng senador ang executive branch dahil ang pagbuo ng expanded task force ay alinsunod sa pangako ni President Duterte na tuluyang wasakin ang mga katiwalian sa gobyerno para makapag-iwan ng tunay na pagbabago sa bansa na ramdam ng taumbayan.

SEC. ANDANAR: Magbabalita naman sa General Santos si Julius Pacot.

(NEWS REPORTING)

USEC. IGNACIO: Okay maraming salamat sa iyo, Julius Pacot. Puntahan natin ang mga balitang nakalap ng ating mga kasama sa Philippine Broadcasting Service, ihahatid ni Ria Arevalo.

(NEWS REPORTING)

USEC. IGNACIO: Maraming salamat sa iyo, Ria Arevalo. Pasalamatan na po natin ang ating partner agency para sa kanilang suporta sa ating programa at maging ang Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas. Salamat din po sa Filipino Sign Language Access Team for COVID-19. Mabuhay po kayo.

SEC. ANDANAR: At diyan po nagtatapos ang ating programa sa araw na ito. Ako po ang inyong lingkod, Secretary Martin Andanar mula sa PCOO.

USEC. IGNACIO: Ako naman po si Usec. Rocky Ignacio mula sa PCOO. At Secretary, ang regalo ko po, 59 days na lang po Merry Christmas na.

SEC. ANDANAR: Nakabalot na iyong regalo mo, padami nang padami. Samahan ninyo ulit kami bukas dito sa public briefing #LagingHandaPH.

 

###

 

 

 

 

SOURCE: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)