USEC. IGNACIO: Magandang araw po sa ating mga kababayan sa loob at labas man ng ating bansa, pati na rin po sa ating online viewers. Ngayon po ay Lunes, September 28, 2020. Ako po ang inyong lingkod, Usec. Rocky Ignacio mula sa Presidential Communications Operations Office. Good morning, Aljo.
ALJO BENDIJO: Maayong buntag, Usec. Ako naman si Aljo Bendijo, at makakasama ninyo sa pagbibigay ng mga sariwang impormasyon sa mga hakbang ng ating pamahalaan kontra COVID-19.
Lagi po naming paalala sa lahat na ugaliing magsuot ng facemasks, mag-sanitize, i-observe ang physical distancing sa mga kasama at kung wala namang importanteng lakad, manatili na lamang sa loob bahay.
USEC. IGNACIO: Basta’t laging handa at sama-sama, kaya natin ito. Simulan na natin ang Public Briefing #LagingHandaPH.
As of 4 P.M. kahapon, September 27, 2020, ay nakapagtala ang Department of Health ng karagdagang 2,995 reported COVID-19 cases sa bansa na sa kabuuan po ay umabot na sa 304,226 na kaso; 46,372 po sa bilang na iyan ang nananatiling active cases. Nadagdagan naman ng 19,630 ang bilang ng recoveries o mga gumaling mula sa sakit na sa kabuuan ay umabot na sa 252,510 habang animnapu naman ang dumagdag sa mga nasawi na sa kabuuan ay nasa 5,344 na.
Kahapon ay bahagyang tumaas ang bilang ng reported cases na umabot sa mahigit 2,900. Ito po ang pangalawa sa pinakamataas sa nakalipas na isang linggo. Malaking bahagi sa mga kasong naitala kahapon o 36% ay nagmula po sa National Capital Region, pangalawa naman ang Cavite sa pinagmumulan ng mataas na kaso kung saan 297 new cases ang naitala. Ang Bulacan ay nakapagtala rin ng 180 na bagong kaso; samantala 157 cases naman sa Batangas at 143 naman na bagong kaso ang nagmula sa Laguna.
Malaking porsiyento naman ang ibinababa sa active cases mula sa mahigit 90% noong nakaraang linggo na nasa 15.2% na ito ang total number of confirmed cases.
ALJO BENDIJO: Samantala, 86% ng active cases ay mild lamang, 8.8% naman ang hindi kinakitaan ng sintomas, nasa 1.6% ang severe, samantalang 3.7% naman ang kritikal.
Sa laban natin kontra COVID-19, maging BIDA Solusyon. Puwede po natin itong magawa sa pamamagitan ng regular na pagdi-disinfect sa mga lugar o bagay na madalas hawakan tulad po ng mga doorknobs, susi, cellphone, ibabaw ng lamesa at iba. Simpleng paraan pero may malaking epekto para tuluyang matuldukan ang COVID-19
Para po sa inyong mga katanungan at concerns tungkol sa COVID-19, maaari pong i-dial ang numerong 02-894-COVID o kaya’y 02-894-26843. Para naman sa mga PLDT, Smart, Sun at TNT subscribers, i-dial ang 1555. Patuloy rin po kayong makibalita sa mga pinagkakatiwalaang sources ng impormasyon tungkol sa COVID-19, maaari po ninyong bisitahin ang covid19.gov.ph.
USEC. IGNACIO: At para naman po sa ating mga balita: Nitong Biyernes lang ay binuksan na ang ikawalumpu’t apat na Malasakit Center sa President Ramon Magsaysay Memorial Hospital sa Iba, Zambales. Ito ang kauna-unahang Malasakit Center sa naturang probinsiya, ikasiyam sa Region III at ikaapatnapu’t apat sa buong Luzon.
Ang inauguration ng Malasakit Center ay dinaluhan nina Zambales Governor Hermogenes Ebdane, Jr., Vice-Governor Jay Khonghun at Iba, Zambales Mayor Jun Ebdane, Provincial Administrator Jun Omar Ebdane, Provincial Health Officer II at Director ng President Ramon Magsaysay Memorial Hospital na si Dr. Noel Bueno, DSWD Representative Merly Pastor, PCOO Representative Kristan Mae Castro at PhilHealth Representative Richelle Pacheco at Robert Padon, Secretary Michael Diño at Senator Bong Go.
Sa kaniyang virtual speech ay nanawagan si Senator Go na kailangan ng kooperasyon ng sambayanang Pilipino para masugpo ang korapsyon nang sa gayun po ay maipagkaloob sa lahat ang dekalidad na serbisyo lalo na sa panahong ito. Para naman sa mga mamamayan ng Iba, Zambales, ito po ang mensahe ng Senador: [VTR]
Samantala, matapos makatanggap ng mga panawagan na tulong mula sa residente ng Binangonan at Angono, Rizal, nagpahatid ng tulong si Senator Bong Go sa pamamagitan ng livelihood assistance katuwang ang Department of Trade and Industry, ito ang Pangkabuhayan sa Pagbangon at Ginhawa Livelihood Program. September 24 nabigyan ng livelihood assistance ang labinlimang qualified beneficiaries mula sa Binangonan, Rizal. Katuwang DSWD, naabutan din ng tulong ang ilang mga residente ng Angono, Rizal na sakop ng poor and vulnerable sectors. Ayon pa sa Senador, nais na mabigyan ng gobyerno ng kabuhayan ang mga Pilipinong apektado ng pandemya.
ALJO BENDIJO: Kasama nating magbabalita mamaya mula po sa Philippine Broadcasting Services – malalaman natin kung sino – at si Eddie Carta muna sa PTV Cordillera, John Aroa mula naman sa PTV Cebu at Regine Lanuza mula naman sa PTV Davao.
USEC. IGNACIO: Samantala, makakausap din natin sina Department of Health Undersecretary at COVID-19 Treatment Czar Leopoldo Vega at Comelec Chairperson Sheriff Abas, at ang Comelec Spokesperson Director James Jimenez.
ALJO BENDIJO: Kung may mga nais po kayong linawin sa ating mga resource person, i-comment ninyo lang po iyan sa ating live stream at sisikapin nating maipaabot sa kanila ang inyong mga katanungan.
USEC. IGNACIO: At upang alamin ang patuloy na hakbang ng gobyerno partikular ng Department of Health upang masugpo ang COVID-19 sa bansa, makakasama po natin ang ating COVID-19 Treatment Czar, walang iba kung hindi si Department of Health Undersecretary Leopoldo Vega. Maayong buntag po, Usec. Vega.
USEC. VEGA: Magandang tanghali po, Usec, Rocky at lahat ng nakikinig ngayon.
USEC. IGNACIO: Opo. Usec., kasama po natin si Aljo Bendijo ngayong araw. Bilang COVID-19 Treatment Czar po kung saan po kayo ang nakatalaga sa sitwasyon ng ating mga ospital at sinabi ninyo po na kayo po ay patuloy na nakikipag-ugnayan sa ating public and private institutions pati na rin po sa mga LGUs para sa karagdagan pong beds ng ating mga pasyente, more likely na-expand ito ng by 30 to 60% lalo na kung may surge. Ano na po ang update natin dito, Usec. Vega?
USEC. VEGA: Maganda naman ang pag-uugnayan ho namin sa mga local government units at saka mga private hospitals kasi ho tumaas na rin ang allocated beds ng public and private lalung-lalo na dito sa Metro Manila. Tandaan ninyo na mayroong administrative order ang Department of Health na kung ang lahat ng mga public hospitals ay kailangan talagang may 30% allocation at saka 20% allocation ang mga private hospitals.
Ito naman dito sa Metro Manila naman po, nakikita namin na tumataas ang allocated beds ngayon ng mga private hospitals. In fact, ang ano ho ngayon, ang percentage ngayon ay nasa 19 to 20 percent na ang private; at saka iyong government, lalung-lalo na ang retained hospitals, mataas na rin, umaabot na rin sa mga 30 to 32 percent.
Kaya maganda itong pag-uugnayan po namin sa local government at saka private at saka public hospitals para makasiguro na ang mga surge ng COVID patients ay talagang ma-accommodate sa number of beds that we have allocated.
USEC. IGNACIO: Opo. Usec., noong mga nagdaang linggo po ay nakapagtala tayo ng mataas na bilang ng recoveries mula po sa sakit na nasa mahigit na nga po 20,000 recoveries at ipinahayag rin po ng UP-OCTA Research team na posibleng mag-flatten ang curve ngayong Setyembre. Sa opinyon po ninyo, Usec., kailangan pa po bang mag-increase ng COVID-19 facilities sa mga ospital at kahit doon na lang po doon sa mga lugar na nanatiling mataas po ang kaso katulad po ng Bacolod at Iligan City at siyempre kasama na po ang National Capital Region?
USEC. VEGA: Alam ninyo, mahirap kasi pagbabatayan ang mga projections. Kailangan talaga natin on the ground na ready talaga tayo for any kind of eventuality kasi hindi natin alam kung anong mangyari dito after mga two to three months. Pero ang maganda nga iyang matrix ngayon kasi parang may gradual decrease sa ngayon, lalung-lalo na sa Metro Manila at ibang mga probinsiya.
Pero ang ano ho nito ay kailangan talaga ang hospitals na may ready capacity, lalo na ng pagbukas natin sa new normal. Kailangan talaga ho ready ang capacity ng hospital at hindi ito nasi-strain sa pagdami ng mga pasyente ng COVID. Kaya ganoon ang posisyon po ng Department of Health na talagang i-increase ang capacity ng all hospitals dito sa Pilipinas.
USEC. IGNACIO: Opo. Usec., kaugnay po niyan, bukod sa mga karagdagang kagamitan, anu-ano pa po iyong magagawa ng Kagawaran para mas mapababa pa po ang kaso sa mga susunod na buwan?
USEC. VEGA: Alam ninyo, ang malaking bahagi talaga sa pagsugpo ng COVID-19 ay iyong public health measures at saka makikita mo naman dito lalung-lalo na sa Metro Manila na kapag ang LGU naman talaga ay aggressive sa testing, isolation at tracing ng mga positive COVID client, ang laki ho ng pagbabago. Kaya itong public health intervention na talagang pinakaimportante, ito ang dapat ipagpatuloy, lalung-lalo na sa local government, lalung-lalo na sa mga public institutions. Kasi alam mo, ang laki ng tulong ho kapag aggressive talaga ang LGU, makikita mo talagang mag-ga-gradual decrease kasi ang transmission ng virus ho napi-prevent.
So, iyon ang ano ho namin dito na talagang palakasin talaga ang aggressive counter or intervention ng mga local government units at nakikita namin ito ngayon at lalung-lalo na din sa mga hospital at saka sa treatment area na kailangan talaga naming ma-increase ang capacity para magkaroon din ng sapat na number ng ICU at saka isolation beds.
USEC. IGNACIO: Opo. Usec., bigyan-daan ko lang iyong tanong ni Joseph Morong kasi may kaugnayan po ito doon sa sinasabi ninyo. Ang tanong po niya, Joseph Morong ng GMA 7: Kakayanin po ba ng mga ospital if magkaroon daw po ng surge?
USEC. VEGA: Kung magkakaroon talaga ng surge, ito iyong pinagpaplanuhan namin. Ito iyong sinasabi namin parati sa mga government-retained hospital na ready sila mag-ramp-up from 30% to 50% talaga, allocated for beds. Tapos sinasabi din namin iyan sa mga private sector na in case na magkaroon talaga ng increase in number of COVID client o surge, kailangan mag-increase ng allocation to 30%. Ito ho ang kanilang commitment po if ever nagkaroon ng surge para ma-ano po namin… mabigyan ng access ang mga pasyenteng nangangailangan ng severe or critical care clinical management.
USEC. IGNACIO: Opo. Nitong Agosto po, Usec., ay inilunsad ninyo itong One Hospital Command Center para po sa mabilis na paghahanap ng pasilidad sa mga ospital para sa ating mga COVID-19 patients. Kumusta na po itong command center na ito po, Usec.?
USEC. VEGA: Maganda naman ang nangyayari ho dito sa One Hospital Command. Makikita ninyo na itong One Hospital Command nakakapag-coordinate ng care at saka clinical referral sa iba’t-ibang mga hospital at hindi lang iyon po, nag-a-ano din ang One Hospital command ngayon, na napalakas din dahil mayroon na po kaming dalawang call centers at mas marami na rin ang mga medical coordinators na nasa MMDA platforms na puwede ring tugunan ang mga pasyenteng nangaingailangan ng hospital at saka temporary treatment facility o even testing.
So, ang ano naman ho nito, maganda ang aming experience sa pagdating sa pangangailangan ng mga pasyente sa mga hospital, lalung-lalo na kung kailangan talaga nila ng transfer o coordinated care.
USEC. IGNACIO: Opo. Usec., malaking bahagi po ng pondo ng Bayanihan 2 ay napunta sa ating health sector particular po sa pagbibigay ng hazard pay at emergency hiring ng healthcare personnel upang patuloy pong malabanan ang COVID-19, mula po noong maipasa ang naturang batas. Kumusta na po iyong pagha-hire natin ng medical professionals, Usec.?
USEC. VEGA: Ang hiring po continuous po iyon, kasi ang nakikita naman natin nag-umpisa na iyan siguro mga last month ago lalung-lalo na dito ang hiring sa Metro Manila at nakikita namin na mayroon na ring mga na-hire kami sa mga ibang public and even private hospital na nangangailangan ng tulong ng mga medical or nursing frontliners.
Tuloy-tuloy ho ito, ito iyong kinakailangan talaga namin na matugunan dahil itong mga frontliners po ay iyon ang kailangan talaga sa clinical side lalo na sa hospital, so tuloy-tuloy ang hiring po namin hanggang ngayon po.
USEC. IGNACIO: Opo. Usec., puntahan natin iyong tanong ng ating mga kasama sa media. Ang tanong po ni Evelyn Quiroz ng Pilipino Mirror: Several countries are now trying to develop a vaccine against COVID-19. What are the steps, if any, being done by the Department of Health to secure or guarantee that the Philippine shall be on the priority list of recipients should a vaccine be developed?
USEC. VEGA: Alam ninyo, ngayon ang vaccine ho ang dami naman talagang gumagawa ng vaccine ngayon internationally, pero wala pa rin talaga iyong experimental trial dito sa Pilipinas. Pero ang ginagawa po ng Department of Health at saka ng DOST nakikipag-ugnayan na sila sa WHO para sa Solidarity Trial ng vaccine kung magkakaroon man ,at ito iyon isang facility na puwedeng magbigay ng access sa atin ng mga vaccine. So, pero as of now, wala pa hong nakapasa na trial kasi wala pa ring vaccines na nakalampas sa phase 3.
At itong mga vaccine na kailangang makipag-collaborate ho dito sa Pilipinas para sa phase 3, dapat ho dadaan sa expert panel ng DOST at saka aaprubahan ng FDA. So far ho, wala pang experimental trials po ng vaccines dito sa Pilipinas pero alam po nating lahat na iyong vaccines ay nasa phase 3 na lahat, iyong iba.
USEC. IGNACIO: Opo. Iyong second question po ni Ms. Evelyn Quiroz: At present daw po, 286 provincial buses has now been allowed to ply the routes. Will this not contribute to the rise or spread of COVID-19 considering po that the pandemic has shown no signs of abating even with the current restrictions and social distancing guidelines?
USEC. VEGA: Alam ninyo, mayroon na kasing ano, nagbigay na ang IATF ng parang implementation guidelines para sa mga transportation. Kailangan i-maintain pa rin natin iyang one meter distance and minimal health interventions. Kailangan mayroon kang mask, may alcohol ka, no talking, no eating sa loob ng transportation.
Ito ay pamamaraan para magkaroon ho talaga ng low transmission inside the bus at saka kailangan ho well ventilated iyong bus na may air exchange. Ito ay para din makapagpababa din ng transmission. Kasi kailangan nating i-balance or we have to brief-balance the public health measures together with the opening of the economy.
USEC. IGNACIO: Opo. Para naman po sa mga kababayan natin na may nararamdaman pero hindi sigurado kung ito ba ay sintomas ng COVID-19, may inilunsad po kayong mga application. Ito iyong KIRA o Katuwang ng Impormasyon para sa Responsableng Aksiyon at Tanod Kontra COVID. Paki kuwento po ito, Usec. Vega.
USEC. VEGA: Ito namang ganitong pamamaraan, lalung-lalo na kung may symptoms ka kailangan talaga magpakita ka sa doktor, matingnan ka sa doktor lalung-lalo na kung may fever ka o may body malady o para kang may flu, kailangan makipagkita ka sa doktor at kung kailangan ng test mo eh kailangan talaga i-test ka sa mga testing center.
Halimbawa, kung ang area naman eh symptomatic ka nga pero wala namang mga testing centers, kailangan ho magpunta kayo sa LGU o BHERT, sabihin ninyo iyong pakiramdam ninyo para ma-isolate ho kayo. Parang ang presumption ho doon ay mayoon kang COVID at talagang ma-isolate ka for 14 days.
So, ito iyong pamamaraan talaga na ma-check natin lalo na ang with symptoms na magpa-check sa doktor, ma-testing or magpa-isolate sila kaagad para ma-decrease ang transmission ng virus.
USEC. IGNACIO: Opo. Usec., ano daw po ang opinyon ninyo kasi may panawagan din po ang LGU na sana daw po ma-retain muna iyong ating GCQ dito sa National Capital Region para daw magkaroon tayo ng magandang Christmas. And iyon nga po, ang sinabi pa rin po dito iyong kung nararapat pa ring i-retain iyong quarantine restriction dahil papasok na nga po ang buwan ng Oktubre kung saan muling iaanunsiyo ni Pangulong Rodrigo Duterte ang papairaling bagong quarantine measure sa susunod na dalawang linggo, Usec.
USEC. VEGA: Alam ninyo itong mga kailangan po lalung-lalo na sa pag-decide ng de-escalation or maintaining of the GCQ ng IATF ay batay ho sa mga metrics na ipo-provide ng Epidemiology Section ng Department of Health ano at isa rito ho ang pinakaimportante on the treatment side would be the critical utilization rate ng mga hospital lalung-lalo na sa mga isolation at saka intensive care unit.
Kinakailangan po na iyong mga critical utilization rate kung talagang gustuhin natin na made-escalate or ma-MGCQ dapat ho below 60% or nasa moderate risk. Pero as of now ho nasa ano pa rin tayo—makikita ninyo ang ICU natin nasa sa mga 63% or nasa modified risk ano pa rin tayo, modified risk ano; so kailangan talaga pababain natin nang mga below 60 iyan for the lower risk category. Pero kung mami-maintain ho natin iyan ganoong 63% ay mananatili talaga tayo na maging GCQ muna para magkaroon ng mga restrictions.
USEC. IGNACIO: Okay. Maraming salamat po, thank you for your time and keep safe Department of Health Undersecretary at COVID-19 Treatment Czar Leopoldo Vega. Salamat po, Usec.
BENDIJO: Samantala, alamin natin ang updates para sa paghahanda sa 2022 national elections, makakasama natin sina Comelec Chairperson Sheriff Abas at Comelec Spokesperson, Director James Jimenez. Magandang umaga po Chairman Abas and Commissioner Jimenez.
DIRECTOR JIMENEZ: Good morning po. Good morning.
CHAIRPERSON ABAS: Yes, magandang umaga.
BENDIJO: Maayong buntag, Chairman. Para po sa ating mga unang katanungan Chairperson Abas, itinalaga na po bilang bagong Commissioner ng Comelec si Attorney Michael Braganza Peloton. Kailan po siya nakatakdang pormal na manunungkulan sa puwesto at ano po ang dapat nating asahan sa kaniyang pag-upo bilang bagong commissioner po?
CHAIRPERSON ABAS: Yes, Aljo. I received the nomination ni… na-receive ko iyong nomination ni Commissioner Peloton last Monday but under the rules ng Commission on Appointments kasi Aljo since nominated lang siya, hindi pa siya puwedeng umupo. So hihintayin natin iyong confirmation niya from the CA; so hangga’t hindi siya ma-confirm, hindi siya makakaaksiyon ng kaniyang trabaho bilang commissioner.
BENDIJO: Opo. Chairman may mga katanungan lang si Usec. Rocky from media friends.
USEC. IGNACIO: Chairman, ito po tanong ni Evelyn Quiroz ng Pilipino Mirror: What is the official stand of the Comelec on Congressman Mikey Arroyo’s proposal to postpone the 2022 polls due to the COVID-19 pandemic?
CHAIRPERSON ABAS: Yes, Usec. Rocky. Actually naitanong iyan ni Representative Arroyo sa akin noong budget hearing namin last week sa Kongreso. Sa ngayon kasi Usec. Rocky, wala sa plano namin iyong postponement ng 2022. Sinabi ko nga sa kaniya na kung mayroon man, the proposal will come from the House of Representatives as well as the Senate. Kasi kung titingnan iyong probisyon ng Constitution nakalagay doon na ang ating eleksiyon is second Monday of May so definite po iyong date na iyon although puwedeng gumawa ng batas on the extension but again sabi ko nga wala sa call ng Comelec iyon.
Pangalawa, medyo magkakaproblema tayo diyan because mayroon ding probisyon sa Constitution na sinasaad niya na lahat ng termino ng incumbent officials magtatapos ng June 30. So para maamyendahan po iyong probisyon ng Constitution na iyon, kinakailangan pa rin ang proposal manggagaling sa two-thirds votes ng ating mga congressmen at senador. So kahit ganoon pa man magkaka-hurdle pa rin tayo because kinakailangan pa rin ng plebisito.
So sabi ko nga medyo mahirap iyon but on the part of the Comelec, wala sa plano namin iyong postponement ng 2022.
USEC. IGNACIO: Opo. Chairman, ito po iyong second question ni Ms. Evelyn Quiroz ng Pilipino Mirror: The Comelec is now considering allowing postal voting or mail-in voting for senior citizens and PWDs. Is the country adequately ready for such a voting method considering that there are still many places and remote areas with no access to postal services?
CHAIRPERSON ABAS: May I refer that to Director James Jimenez? Director James, paki sagot.
DIRECTOR JIMENEZ: Yes, sir. Usec., magandang umaga po. Iyong mga bills naman na iyan pending po iyan sa Kongreso ngayon at siyempre pinag-aaralan po iyong mga detalye niyan. As far as the Comelec is concerned, handang-handa tayong tumulong sa pagsasagawa ng mga detalye noong proposal [garbled]. Siyempre dahil ito ay whole-of-government approach, pati diyan, pati diyan sa alternative means of voting whole-of-government approach din po dapat and we expect na magkakaroon tayo nang malawakang tulung-tulong ‘no, tulung-tulongan among different sectors of government.
BENDIJO: Opo. Director James, upang mailayo tayo sa panganib—COVID-19 po tayo Director ‘no, ating paghahanda. Ang ating mga kababayan ay maari na silang magpa-book ng appointment for registration through online, landline at text hotline? Can you tell us more about this, Director?
DIRECTOR JIMENEZ: Yes, po. Isa sa mga talagang ini-encourage natin bilang paraan para masiguro iyong safety ng mga kababayan natin sa registration centers is that ini-encourage natin silang magpa-appointment bago pumunta ‘no at puwede nilang gawin iyan doon sa mga pamamaraan na sinabi mo. Una, puwede silang tumawag sa Comelec office mismo kung saan sila magpaparehistro. Puwede rin silang mag-text para makausap nila iyong mga tiga-nandoon ano at through text doon sila magpapalitan ng information para ma-set iyong kanilang appointment. And online of course, pangkaraniwang ginagamit natin diyan ay iyong social media platforms kung saan puwede nilang i-private message iyong mga iba’t ibang opisina.
Ngayon, mayroon din kaming hinahandang proseso, iyong tinatawag nating iRehistro na iri-release na natin soon kung saan doon mismo, doon sa application na iyon, iyong iRehistro, doon mismo puwede silang magpa-appointment. So expect that in the next few weeks and hopefully sooner rather than later.
BENDIJO: Opo. Chairman Abas, may mga katanungan pa ang ating mga kasamahan sa media. Usec. Rocky, go ahead.
USEC. IGNACIO: Opo. Chairman tanong po ni Joseph Morong ng GMA-7: Can you categorically say Comelec is ruling out a postponement of the elections?
CHAIRPERSON ABAS: Mahirap i-rule out ‘no kasi sabi ko nga kung titingnan mo iyong Konstitusyon nakalagay doon, may provision siya na unless otherwise provided for by law. So puwedeng extension pero sabi ko nga dapat may batas for the extension. But magkakaproblema pa rin siya sabi ko nga doon sa isang probisyon na mag-e-end lahat ng term ng incumbents on June 30. But as to puwedeng i-extend, puwede, because under the Constitution nilagay niya mismo unless otherwise provided for by law.
USEC. IGNACIO: Opo. Ang second question ni Joseph Morong ng GMA-7: Why are we proclaiming a representative of unregistered partylist?
CHAIRPERSON ABAS: May partylist nga diyan na may kaso ‘no, hindi ko muna sasagutin because may mga pending cases diyan. So subject to sub-judice rules, hindi ko muna sasagutin iyong mga disqualification ng partylist ngayon.
USEC. IGNACIO: Okay. Thank you, Chairman Abas.
BENDIJO: Director James, magandang tanghali uli. Verified ba iyong Facebook page ng office for overseas voting at iyong mga kababayan nating OFW na nais po bumoto ay maari bang magpadala ng kanilang mga pribadong mensahe para magpa-schedule ng appointment for registration? Aside from online appointment, anu-ano pa iyong mga dokumentong kinakailangan nilang ibigay?
DIR. JIMENEZ: Absolutely, sir Aljo ‘no. Speaking specifically of overseas voting, kamakailan na-verify na ng Facebook iyong ating overseas voting page ‘no. So you can go there with faith and confidence na talagang sa Comelec mapupunta iyang information na iyan at diyan kayo makakapag-set nag appointment particularly para sa overseas voting. Ganoon din, verified din iyong Comelec Facebook page, iyong Facebook.com/comelecph, verified din po iyan. We are also in the process of working for the verification of all other Facebook pages ng lahat ng opisina ng Comelec. Ito ay para magkaroon ng confidence iyong ating mga kababayan na tuwing nagde-deal sila with Comelec over social media eh talagang totoong mga Comelec talaga ang Kausap nila. Mahirap na, alam naman ninyo ngayon, medyo madaling manggaya ng mga Facebook page. This is one way to make sure na talagang hindi tayo napupunta sa kung saan-saan.
BENDIJO: Okay, para sa ating mga overseas voter, Director, tama ba na bukod sa Pangulo at Pangalawang Pangulo, puwede silang bomoto para sa ibang posisyon?
DIR. JIMENEZ: Tama po, pero hangang national level positions lamang. So, ibig sabihin for the coming elections, puwede silang bomoto para sa Presidente, sa Bise Presidente, puwede silang bomoto ng mga senador at ng mga partylist representatives. So in general, ang tawag natin diyan, national level positions.
BENDIJO: Okay, pagdating naman po sa tinatawag na overseas absentee voting. Paano po iyong mga repatriated OFW? Maaari ba nilang i-transfer iyong pagboto nila dito sa Pilipinas at papaano po ito?
DIR. JIMENEZ: Tama po, puwede po sila magtungo sa mga office ng mga election officer kung saan sila nakarehistro dati o kung saan nila balak bomoto ngayon. Kailagnan nilang mag-file ng transfer of registration ‘no. So, may dalawang form iyan, una iyong registration form na ginagamit natin sa lokal at pangalawa iyong letter request from overseas voting to transfer to the local registry. So, iyong forms na iyan ay available naman sa COMELEC office at sabihin lang nila, ito ay very important, kailangan sabihin nila doon sa election officer na dati silang overseas voter. Kapag nasabi na po nila iyan ibibigay sa kanila iyong tamang form at sila po ay ipo-proseso na. Mas maganda kung gusto nila ng karagdagang impormasyon kung magtungo po sila doon sa Facebook page ng office for overseas voting.
BENDIJO: Opo, para mai-address ang mga katanungan ng publiko pagdating po sa pagpaparehistro, naglungsad po kayo kamakailan, iyng #radyocomelec. Bukod sa pagbibigay impormasyon, ano po ang layunin ng platform na ito, Director?
DIR. JIMENEZ: Ang Radyo Comelec po ay isang, actually nakadikit iyan sa isang public service program ng COMELEC ‘no. Mayroon kaming weekly radio or in this case, alternative media program, kung saan sinasagot natin iyong mga katunangan ng publiko. Puwede po silang makipag-usap doon sa Facebook page ng Radyo Comelec at puwede rin siyang mag-post doon sa aming facebook group na AskComelec. Diyan po sa Facebook platforms na iyan, mayroon po tayong nakabatantay 24/7 at sinasagot po natin iyong mga katanungan ng ating mga kababayan.
BENDIJO: Nagsimula na po iyong pagpaparehistro ng mga botante nono pong a-uno ng Setyembre, Director. So far, gaano po karami ang nagparehistro at magpaparehistro pa?
DIR. JIMENEZ: Medyo mababa po ang numbers na nakikita natin and that is expected dahil nga medyo kasagsagan pa tayo ng pandemya. In the last three to four weeks, umaabot lang tayo ng kulang-kulang 250,000 nationwide. 250,000 transactions processed iyan nationwide. In previous time, pre-COVID, iyong mga ganiyang numero, mga NCR lang iyan, but now, its nationwide. So again, this is expected, we know that talagang medyo mabagal ang dating ng mga tao sa ngayon, but we expect it to pick up. In total, sir Aljo, we have about 4 million na puwedeng magparehistro sa panahong ito, so medyo malayo pa ang hahabulin natin.
BENDIJO: Para po sa magpaparehistro, anong araw at anong oras bukas ang field offices ng Comelec?
DIR. JIMENEZ: Ang registration po natin ay mula Tuesday hanggang Saturday mula alas-ocho hanggang alas-tres ng hapon. Tandaan natin, inclusive of holidays po iyan. So, mula Tuesday hanggang Saturday, 8 am to 3 pm. Don’t forget kailangan ninyong mag mask at mag-face shield para makapasok sa Comelec offices.
BENDIJO: Chairman Abas o siguro kahit si Director Jimenez ang puwedeng sumagot nito: Para mapangalagaan ang ating mga empleyado, kayo po ay nagsagawa ng disinfection sa inyong mga opisina? Kailan po ito para maabisuhan po natin ang ating mga kababayan na huwag munang tumungo sa mga araw na iyon?
DIR. JIMENEZ: Sir, in general sa Comelec, iyong disinfection day ng Comelec is actually every day, after every registrant or applicant nagde-disinfectant tayo and then at the end of the day disinfection na naman. Pero sa iba’t ibang LGU, mayroon silang itinalagang mga disinfection day, pangkaraniwan niyan Friday. So, ang advise po natin sa publiko, especially kung pupunta kayo ay tawag muna kayo to make sure na nang araw na iyon ay walang disinfection day. But again, in general ang disinfection day po ng mga LGU ay Friday. Sa amin naman Tuesday to Saturday kami, kasi iyong Monday ay pinaghahandaan din natin, iyong safety at security noong mga aplikante natin.
BENDIJO: Chairperson Abas, mensahe na lang po sa ating mga manunuod, ganoon din mamaya after Chairman Abas, si Director James. Go ahead Chairman.
CHAIRMAN ABAS: Yes, ang mensahe namin sa mga kababayan natin na i-avail na nila iyong registration period natin. One year lang po ito, huwag po nating gawin na magdagsaan na naman po tayo sa last day. Kasi usually ganoon po ang problema natin during registration. Pangalawa humihingi rin ng extension, pero sabi ko nga one year po ito, so samantalahin na natin iyon. Now, kami naman na nasa Comelec po, rest assured po na kami nag-start na po kaming magplano para sa 2022 elections. So, rest assure na ang Comelec po ninyo ay handing-handa sa pagpa-plano po ng 2022 national and local elections. Maraming salamat po.
BENDIJO: Thank you po, Chairman Abas. Director James?
DIR. JIMENEZ: Magpapasalamat na lang po ako sa panahong ito na maabot natin iyong mga kababayan natin at sana po katulad ng nabanggit ng aming mahal na chairman, sana po magparehistro habang maaga pa. Huwag nating hintayin na magsiksikan tayo kapag malapit na. Maraming salamat po.
DIR. JIMENEZ: Maraming salamat Director James Jimenez at Chairman Sheriff Abas ng Comelec. Ingat po kayo.
USEC. IGNACIO: Samantala, puntahan naman natin ang mga balitang nakalap ng ating mga kasamahan mula sa Philippine Broadcasting Service. Ihahatid iyan ni John Mogol, John?
(NEWS REPORTING)
USEC. IGNACIO: Maraming salamat sa iyo, John Mogol. Alamin naman natin ang pinakahuling balita mula naman sa PTV Cordillera, kasama si Eddie Carta.
(NEWS REPORTING)
BENDIJO: Maraming salamat, Eddie Carta ng PTV Cordillera. Mula naman diyan ay puntahan natin ang mga kaganapan sa Cebu, kasama si John Aroa. John, maayong ugto.
(NEWS REPORTING)
BENDIJO: Daghang salamat, John Aroa, PTV Cebu.
By September 30, USec., bibiyahe na ang mga provincial buses outside Metro Manila.
USEC. IGNACIO: Yes, nabanggit nga din kanina ni USec. Vega, kailangan pa rin iyong mahigpit na pagpapatupad—maging ang LTFRB sinabi nila na kailangan mahigpit din iyong ipapatupad na measures to insure na talagang hindi kakalat ang COVID-19. So, sinasabi nga kailangan nating magbukas talaga ng ekonomiya so kailangan sundin talaga iyong health and safety protocols.
BENDIJO: So, bawal daw uminom ng tubig habang nasa loob ng bus.
USEC. IGNACIO: Bawal din magkuwentuhan, bawal kumain, bawal magsalita.
BENDIJO: Point to point daw, Usec. eh. So iyong mga short distance lang na travel, puwede naman silang bumili ng tubig, kung saan hihinto, may mga fixed stops naman. Pero talagang sa loob ng bus bawal, bawal ang kuwentuhan.
USEC. IGNACIO: Oo, saka ang pagkakaalam ko from iyong destination, kung halimbawa kung saan iyan lugar, talagang terminal bus na talaga ang baba. Walang hihinto-hinto maliban lang yata dito sa may Pampanga. Pero itong mga nandito sa Southern, hindi pupuwedeng humihinto iyong mga bus, kung hindi doon sa terminal to terminal talaga at diretso lang iyong takbo ng bus.
So, sundin lang po talaga natin iyong ating mga ipinatutupad na safety and health protocol. Alam naman po ninyo na para rin sa atin iyan; ang sinasabi nga niyan, kailangan sundin iyan, para magkaroon tayo ng magandang Pasko.
BENDIJO: Anyway, sige puntahan muna natin ang Davao, magbabalita diyan si Regine Lanuza. Regine maayong ugto.
(NEWS REPORTING)
BENDIJO: Daghang salamat Regine Lanuza PTV Davao.
USEC. IGNACIO: Samantala, pasalamatan na rin natin ang ating mga partner agency para sa kanilang suporta at sa ating programa at maging ang Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas. Salamat din po sa Filipino Sign Language Access Team for COVID-19. Mabuhay po kayo!
BENDIJO: USec. Rocky, 88 days na lang Pasko na, kaya naman pairalin natin ang pagkakaisa at pagbabayanihan lalo na ngayong may krisis pa rin tayong kinakaharap.
USEC. IGNACIO: Yes, tama ka Aljo, sumunod tayo sa health and safety protocols. At diyan nga po nagtatapos ang ating programa sa araw na ito. Muli’t-muli po ang aming paalala: Be the part of the solution – wear mask, wash hands, keep distance, stay at home.
Sa ngalan po ni Secretary Martin Andanar, ako po si USec. Rocky Ignacio.
BENDIJO: Thank you, USec. At ako naman po si Aljo Bendijo.
USEC. IGNACIO: Samahan ninyo kami bukas dito sa Public Briefing #LagingHandaPH.
###
—
SOURCE: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)