TULFO: Secretary, good morning po.
SEC. ROQUE: Hello! Magandang umaga, Pareng Erwin. Medyo mahina po ang koneksiyon.
TULFO: Opo. Kasama po natin si Senador Bongbong Marcos pa rin, Secretary Roque.
MARCOS: Good morning, Sec. Harry.
SEC. ROQUE: Magandang umaga rin po, Sen. Bongbong. At happy birthday po kay Senator Imee next week.
MARCOS: Okay, I will tell her.
TULFO: Sir, diretsuhin ko na. Sinasabi ng mga oposisyon, ng mga kalaban ni PRRD, missing in action daw siya noong linggo na dapat sana ay nakita siya. Pero ang sabi nga ng Palasyo, sabi ninyo, hindi missing ang Pangulo dahil naka-monitor siya. Ginawa niya iyong mga dapat niyang gawin, mga pinirmahan niya iyong mga dapat pirmahan na mga disaster, etc., etc. So hindi missing in action ang Pangulo kung hindi nandiyan siya sa Davao.
SEC. ROQUE: Tama po iyan. I think nakita naman natin na iyong kakaunting mga naging casualty ng bagyong ito ay resulta ng disaster preparedness na ipinag-utos ng ating Presidente. Bago pa po dumating ang bagyo, na-evacuate na po natin iyong mga nasa lugar na delikado; pre-positioned na po natin ang relief goods, ang mga equipment ng DPWH na magri-repair ng mga kalye at ng mga eskuwelahang nasira at siyempre po nandiyan na rin iyong ating mga tulong sa mga health personnel na magpapatakbo ng mga evacuation centers.
So satisfied po ang Presidente sa ginawang paghahanda ng buong gobyerno ng Pilipinas, at siyempre po lahat naman po niyan, ang nagkukumpas po habang sinasalanta tayo ng bagyo ay ang Presidente. Ang importante po, ano ang ginawa para maiwasan nga po iyong mas marami pang casualty; at nagtagumpay naman po tayo. At tama naman po ang Presidente, ano bang gusto ng mga kritiko, sumayaw siya doon sa white sand doon sa Manila Bay. Hindi naman po kinakailangan na siya ay manatili sa labas habang sinasalanta ng bagyo. Ang importanteng ginawa po ng Presidente ang kaniyang katungkulan sa paghahanda. At tingin po natin ngayon, bagama’t maraming lugar na nasalanta ay umaani naman po tayo doon sa ating paghahanda dahil nabawasan o hindi ganoon kadami ang naging biktima nitong bagyong ito.
TULFO: Partner?
MARCOS: Ako, Sec. Harry, I won’t touch anymore upon this issue on missing President eh, kalokohan iyan. Nasabi ko nga, he’s working from home. He’s working from home like me, like you, like everybody else. He is at home in Davao and he is working. I think we can dismiss this. Ang sabi ko nga kay Pareng Erwin, sabi ko sa kaniya, this is just a desperate attempt to be relevant.
But to the more important question—
SEC. ROQUE: Lilinawin ko lang po, kapag siya po ay nasa Davao, mayroon po tayong Panacañang na tinatawag, Malacañang of the South. So it is a fully functional extension of Malacañang Palace. At mayroon din po tayong situation room doon, so lahat po ng mga nangyayari na pupuwedeng ma-monitor sa Malacañang sa Maynila ay ganoon din po ang nangyayari sa Davao.
Pati nga po ako, may sarili akong press room doon eh kung kinakailangang mag-press briefing sa Davao. So kakaiba po ang sitwasyon, kapag umuuwi po siya sa Davao, mayroon na po talaga siyang Malacañang diyan sa Davao at hindi naman po siya ang nagpagawa niyan, iyan po ay pinagawa sa panahon ni Presidente GMA.
TULFO: All right. Maraming salamat po, Secretary Harry Roque, sir. Magandang umaga po. Stay safe. Stay healthy, Sec.
SEC. ROQUE: Magandang umaga po.
##
Source: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)