Press Briefing

Public Briefing #LagingHandaPH hosted by Presidential Communications Operations Office Secretary Martin Andanar and PCOO Undersecretary Rocky Ignacio


Event Public Briefing #LagingHandaPH
Location People’s Television Network, Inc. (PTV), Quezon City

SEC. ANDANAR: Magandang umaga, Pilipinas. Ngayong Biyernes nang umaga, muli po nating talakayin ang mga hakbang na isinasagawa ng ating pamahalaan ukol sa laban natin sa COVID-19 at pagtugon sa epektong dala ng Bagyong Siony. Good morning, Rocky.

USEC. IGNACIO: Good morning, Secretary Martin. Kasama pa rin po ang iba’t ibang mga kawani ng pamahalaan, samahan ninyo kami sa isang makabuluhang talakayan; ako po si Usec. Rocky Ignacio.

SEC. ANDANAR: Ako po naman si Secretary Martin Andanar at ito ang Public Briefing #LagingHandaPH.

Upang sumagot sa mga tanong ng bayan, maya-maya lang makakasama natin sa programa sina Governor Matthew Marcos Manotoc ng Ilocos Norte; Usec. Anna Dione ng Department of Labor and Employment; Undersecretary Ricardo Jalad – NDRRMC Executive Director; Usec. Sarah Arriola ng Department of Foreign Affairs.

USEC. IGNACIO: Makakasama rin natin sa paghahatid ng ulat ang mga PTV correspondents mula po sa iba’t ibang probinsiya at ang Philippine Broadcasting Service. Samantala, para naman sa inyong mga katanungan, maari kayong mag-comment sa live streaming ng ating programa sa PTV Facebook page.

Sa mga balita naman po ngayong umaga, Pangulong Rodrigo Roa Duterte hindi mag-aalangan na ilantad ang mga pangalan ng mga tiwaling opisyal; at Senator Bong Go umapela sa pambansang pamahalaan na tulungan ang mga LGU. Ang detalye narito po: [NEWS CLIP]

SEC. ANDANAR: Isa ang Pilipinas sa pangunahing bansa na nagsusulong ng Global Compact for Safe, Orderly and Regular Migration o GCM – ang pangunahing proseso sa United Nations upang mabigyang proteksiyon ang migrant workers laban sa anumang klase ng pang-aabuso.

At isang malaking tagumpay para sa bansa ang pagtatanggal sa ‘kafala’ system on foreign workers ng Saudi Arabia. Kaugnay ng magandang balitang iyan, makakausap po natin ngayon si DFA Undersecretary Sarah Arriola. Magandang umaga po sa inyo, Usec. Sarah.

DFA USEC. ARRIOLA: Good morning, Secretary Martin.

SEC. ANDANAR: Usec., isa ang Saudi Arabia sa pinupuntahan ng mga kababayan natin at hindi natin maikakaila na may mga kababayan tayong nakaranas nang ‘di maayos na pagtrato mula sa kanilang employer dahil sa kafala system. Para po sa kaalaman ng mga manunood, ano po ba ang kafala system?

DFA USEC. ARRIOLA: Actually po iyong kafala system is a traditional sponsorship system na nag-i-exist sa Middle East. Karamihan po talaga ng Arab countries mayroon niyan kung saan ang sponsor ay lahat po ng mga—iyong buong buhay po talaga ng OFW ay nakasalalay sa sponsor niya. So hindi siya maaring mag-travel, hindi siya maaring lumabas ng bansa o lumipat ng employer without the consent of the sponsor. Kailangan po talaga ng exit visa.

At katulad nga ngayong pandemya, medyo hirap po tayong magpauwi sa Middle East dahil doon sa mga kababayan natin na kahit tapos na iyong kontrata basta wala pong exit visa, hindi talaga sila makaalis. And may pagkakataon po that this leads to slavery lalo na po sa mga ating household service workers dahil ang ginagawa po sa kanila binibenta po sila, tini-trade po sila or minsan naaabuso sila dahil wala po talaga silang choice – dahil iyong control po – wala pong labor mobility – nandoon po talaga sa employer. Iyon po ‘yung kafala system.

SEC. ANDANAR: Kailan po nagsimula iyong anti-kafala campaign at kailan ang implementation nito at anu-ano po ang nakapaloob dito?

DFA USEC. ARRIOLA: Actually sa Middle East po, nagsimula po talaga iyong abolition mga 2009 pa sa Bahrain. Pero mabagal po talaga iyong proseso until si Pangulong Duterte po, if we could recall, iyong February 9, 2018 when he had a press conference in Davao and he said the Filipino is no slave to anyone, anywhere and everywhere. Kasagsagan po talaga iyan din ng negotiations sa Global Compact for Migration.

So nakapaloob po doon na ipinaglaban po ng Pilipinas na magkaroon po talaga ng anti-kafala provisions at magkaroon talaga ng labor mobility na puwedeng lumipat ng employer ang isang manggagawa kung nais niya at kailangan na mapadali po iyong proseso na ito. We really fought hard for this provisions doon po sa Global Compact, marami pong provisions doon na talaga ang naglagay po ang Pilipinas.

At dahil po diyan, nakipag-partner po talaga ang Philippines with a very progressive Arab state, Bahrain, at umikot po talaga tayo sa Middle East at sa lahat po talaga na pagkakataon sa United Nations, sinabi talaga natin that kafala is a form of slavery and is a human rights violation.

So it’s the Duterte administration talaga, si Pangulo po talaga ang nanguna at naging crusader po against slavery talaga sa Middle East.

SEC. ANDANAR: Ibig sabihin po ba niyan ay hindi na maaaring ibenta ang isang empleyado? May mga case po kasi sa Saudi na ibinibenta ang empleyado at wala silang kakayahang umayaw o umalis sa employer dahil sila nga po ang may hawak sa exit visa ng OFW.

DFA USEC. ARRIOLA:  Sec., actually this is the start. Parang ito iyong—nagulat po talaga lahat ng tao eh na ginawa ito ng Saudi Arabia kasi siya iyong pinakamalaking bansa sa Middle East at siya iyong pinaka-maykaya sa lahat. At iyong simula na po nito, pinapayagan na nila ang empleyado na umalis ng bansa pagkatapos noong kontrata niya, na magpalit siya ng kaniyang employer kung tapos na iyong kontrata niya at mag-travel abroad.

Tinitingnan po natin kung ano iyong coverage nito pero natutuwa po kami dahil ito iyong simula at actually hindi naman talaga po dapat talaga binibenta ang empleyado. Iyong mga diplomat po natin sa Middle East pinaglalaban po natin talaga ito and we have been fighting very hard for this but this is a very big step. Of course, we acknowledge na ibang bansa nagsisimula talaga ng reforms – say Bahrain and Qatar.

Pero extraordinary po itong reform na ito at pagsisimula on the part of Saudi Arabia kasi sinasabi nga po ng mga experts natin sa Middle East na this is now a race to the top. This is going to be the start of the reforms and massive reforms. Step by step process po iyan pero sa tingin po namin at marami rin pong analyst ang nagsasabi na nagsimula po talaga itong massive change na ito noong—sa Global Compact for Migration at noong nagsalita po iyong Pilipinas.

Kasi dati po, wala talagang bansang naglalakas-loob na magsalita laban sa kafala at si Presidente Duterte lang po talaga ang nagsabi sa kaniya na slavery ito at it has to stop. And I think iyong ginagawa po ng Pilipinas at ginagawa ng Pangulo ay hindi lang para sa ating mga OFWs pero sa lahat ng mga manggagawa, lahat po ng migrants all over the world will benefit from this.

SEC. ANDANAR: Usec., may mga case din po na nakakauwi nga ng Pilipinas ang mga kababayan natin pero ang problema ay wala silang naiuuwing pera na pinaghirapan nila dahil nagkakaroon po ng settlement na kung saan napipilitan minsan ang mga OFW na pirmahan ito para lang makauwi na sa Pilipinas. Makatutulong po ba ang anti-kafala sa ganitong sitwasyon?

DFA USEC. ARRIOLA:  Opo, kasi po ngayon ang Saudi Arabia, sinabi na nila na ang magru-rule talaga ngayon sa contract, between the parties. So pinapayuhan po natin ang lahat ng ating mga manggagawang Pilipino na babalik. Ang start po kasi nito March 14, 2021, iyong reforms na kailangan po dumaan po kayo ng POEA para masipat po talaga ng gobyerno iyong kontrata ninyo, para kapag nagkaroon po ng problema kaya po natin ipaglaban. Huwag po tayo dumaan sa illegal na paraan, huwag po tayong mag-shortcut. Kailangan po makita po ng POEA ang inyong mga kontrata at ma-approve para kung magkaproblema po tayo, kaya pong ipaglaban ng ating pamahalaan iyong mga karapatan ninyo.

SEC. ANDANAR:  Ano ang panghahawakan ng mga OFW kung sakaling may mga employer pa rin ang hindi sumunod sa implementasyon nitong labor relative initiative na ito ng Saudi Arabia?

DFA USEC. ARRIOLA:  Ang panghahawakan po nila iyong kontrata nila, Sec. Tapos aside from this, we stand ready, ang DFA po nandiyan mayroon po tayong legal assistance fund na puwede pong tumulong sa kanila para ipaglaban ang kanilang karapatan. Sana lang po huwag silang mag-settle, kasi buong gobyerno naman po is behind them, we have enough resources to give them lawyers at para makuha nila what is due to them. Ang gusto lang po naming sabihin, kailangan po talaga makipag-ugnayan kayo sa embahada at kailangan po talaga malaman po ng pamahalaan ng Pilipinas kung ano ang pinagdaraanan ninyo para kayo po ay matulungan natin. Kasi hindi naman po talaga tayo bibitaw para makuha what is due to them.

SEC. ANDANAR:  Ngayong hindi pa po nai-implement, anong hakbang po ang ginagawa ng DFA para protektahan ang kapakanan ng ating mga kababayan?

DFA USEC. ARRIOLA:  Actually, Sec. Martin, siguro iyong Philippines talaga, may reputation iyan sa Middle East na tayo daw ang pinaka-hard line negotiators talaga. At tayo daw talaga iyong pagdating talaga sa karapatan ng ating mga kababayan, talagang ipinaglalaban po talaga ng ating mga embahada at konsulado iyong karapatan nila. We are still there, we are there to help them, to assist them. Kahit po wala pang implementation, sa March 14 pa po, handang-handa naman po ang embahada natin sa Riyadh at ang ating Consulate General sa Jeddah para tulungan po ating mga manggagawa para mawala iyong wage theft, kasi nga po iyong iba talaga hindi sila nababayaran at para po talaga makuha nila what is due to them.

We will use all our resources, hindi po nagkulang ang Pangulo para bigyan po ang DFA ng 200 million na legal assistance funds para tulungan ang ating mga kababayan at mayroon po tayong assistance to nationals fund ngayon. Iyong P1 billion po namin dinagdagan ng 820 million noong Bayanihan 2 for COVID response and to assist our nationals abroad. So, kailangan lang po talaga lumapit sila para po matugunan namin ang kanilang pangangailangan.

SEC. ANDANAR:  Congratulations po, Usec. Sarah sa tagumpay nitong Anti-slavery campaign po na inyong sinimulan or sinimulan po ni Presidente and of course pinangunahan po ninyo sa inyong tanggapan.  Ano na lamang po ang inyong mensahe para sa mga OFWs at pamilya nito.

DFA USEC. ARRIOLA: Gusto po namin sabihin na ang DFA nandito po kami, na dahil po sa marching orders ng Pangulong Duterte na pangalagaan po ang inyong kapakanan, lahat po ng ating embahada at konsulado sa ibang bansa ay narito po upang umalalay sa inyo, huwag po kayong mag-atubili na lumapit. At kung may pangangailangan po kayo at hindi ninyo sila makausap, mayroon po tayong Facebook page na OFW help, mag-message lang po kayo doon at mayroon po tayong assistance to nationals officers na handa pong tumulong sa inyo.

At of course, ito po ay tagumpay po ng pagbabago. Si Pangulo lang po ang kauna-unahang presidente, hindi lang ng Pilipinas, sa buong mundo na talagang who really met Kafala head on and this is like a crusade against slavery at panalo rin po tayo dito at magtutuluy-tuloy pa rin po tayong magtrabaho upang makuha talaga natin ang freedom po at ang tagumpay po natin dito sa anti-kafala. Marami pong salamat, Sec. Martin.

SEC. ANDANAR:  Maraming salamat muli at good luck po, Usec. Sarah Arriola sa inyong future endeavors at mga biyahe po sa Middle East. Mag-ingat po kayo.

USEC. IGNACIO: Bago po tayo magpatuloy sa ating talakayan, balitang IATF muna ang ihahatid ni Presidential Spokesperson, Secretary Harry Roque. Good morning po, Secretary.

SEC. ROQUE:  Good morning, Sec. Mart at good morning Usec. Rocky. Balitang IATF nga po tayo, nag-meeting po ang inyong IATF kahapon. At sa mga panahon na inaasahan na nating lumabas anytime ang bakuna laban sa COVID-19, eh binuo na po natin iyong tinatawag nating body na tinalaga ni Presidente para tumutok dito sa vaccine, iyong kanilang kapangyarihan at saka iyong plano kung paano natin mababakunahan ang lahat ng ating mga kababayan.

So, kahapon nga po sa pagtatalaga ni Presidente Rodrigo Roa Duterte kay National Task Force, COVID-19 Chief Implementer, Secretary Carlito Galvez Jr. bilang vaccine czar, ni-restructure po ang NTF kung saan naglagay ng isang COVID-19 vaccine cluster na ang chair ay ang ating vaccine czar, Secretary Galvez. Ang COVID-19 vaccine cluster ay magiging hiwalay sa response cluster. Ito ay mayroong executive committee members at advisory groups, different task groups na may kaniya-kaniyang papel at may responsibilidad. Dahil sa restructuring na ito binuwag ang COVID-19 immunization program management organizational structure na una nang inaprubahan sa ilalim ng IATF Resolution No. 82 noong October 26, 2020.

Anu-ano ang magiging tungkulin ng vaccine czar, isa-isahin po natin ito:

  1. Stewardship – siya nag magku-coordinate sa iba’t ibang ahensiya, personalidad at mga grupo on behalf of the DOH.
  2.  Safety and efficacy. Siya ang magpa-facilitate ng early issuance of certificate of product registration sa Food and Drugs Administration.
  3.  Cost effectiveness. Siya ang magpapa-facilitate ng health technology assessment kung kinakailangan.
  4.  Price negotiation. Siya ang mag-a-activate ng price negotiation board subject to FDAs cost effective price.
  5. Prioritization. Siya ang magpa-facilitate ng consensus on prioritization of vaccine recipients.
  6. Delivery system. Siya ang magpa-facilitate ng desisyon na kung gagamit ng private system, gagawa ng protocol on accessing vaccine and registrations sa mga primary health care providers, kasama ang healthcare provider networks at pagpa-practice ng guidelines.

Kasama rin sa tungkulin ng vaccine czar ang:

  1.  Financing at copayments. Siya ang makikipag-ugnayan sa Department of Budget and Management at mambabatas kung kinakailangan ukol sa budget at copayments ceilings.
  2.  Procurement. Siya ang magpa-facilitate ng pagkuha ng gamit at iba’t iba pang mekanismo na pinapayagan ng ating bansa, at regulasyon sa pamamagitan ng bilateral, multilateral at iba pang financial modalities.
  3.  Supply and logistic movement. Siya ang papasok sa isang kasunduan sa isang third party warehouse and logistic provider kung kinakailangan.
  4. Information system. Siya ang mag-i-establish ng information and technology infrastructure para ma-capture ang supply chain, information at ang sistema ng pamamahagi ng COVID-19 vaccine.

Inaprubahan din ng IATF and Philippine National COVID-19 roadmap and inclination plan. Sa pagpupulong din kahapon ng IATF ay provisionally ay in-adopt ang Department of Health Revised Omnibus Interim Guidelines on prevention, detection and isolation   treatment and reintegration strategies for COVID-19.

Ito ang mga sumusunod na principle ng nasabing guidelines. Una, mahigpit na pagpapatupad ng minimum health standard – ito nga ang pag-iwas, hugas at mask.  Pangalawa, rational assessment base sa sintomas at exposure. Pangatlo facility based quarantine at isolation kung pinapayagan ang mga kondisyon. Pang-apat, pagkumpleto sa 14-day quarantine para sa mga closed contacts ng probable and confirmed cases and 10-day isolation para naman sa suspect, probable and confirmation cases. Panglima, paggamit ng tamang test sa tamang dahilan at panghuli, pag-intindi sa paggamit at limitasyon ng available testing technologies.

Naratipikahan din ng inyong IATF ang joint memorandum circular ng DOH, Civil Service Commission at ng NTF on the operational guidelines of the COVID-19 and other emerging infectious disease’ response in public sector work places.

Iyan na muna po tayo sa ating balitang IATF. Back to you Sec. Mart and Usec. Rocky.

USEC. IGNACIO:  Secretary Roque mayroon lamang pong mga katanungan ang ating mga kasamahan sa Malacañang Press Corps. Mula po kay Joyce Balancio ng ABS-CBN: Cagayan governor Manuel Mamba is suggesting the banning of street caroling this Christmas. He is on to prevent spread of COVID-19. Will the IATF approve such?

SEC. ROQUE:  Hindi pa po iyan napagpulungan at napag-usapan sa IATF, pero I am sure po maa-agenda iyan sa mga susunod na meeting ng IATF.

USEC. IGNACIO:  Pangalawang tanong po ni Joyce Balancio, umabot po sa 241 million pesos ang utang ng OWWA sa hotels that accommodated returning OFWs that needed to be quarantined. May utos po ba ang Pangulo sa OWWA or may guarantee din na ibibigay ang Palasyo sa hotels, sales and marketing association kagaya po ng guarantee niya sa Philippine Red Cross sa pagbabayad din ng PhilHealth.

SEC. ROQUE:   Well, alam ninyo po, sang-ayon po sa OWWA, mahigit 2.3 billion na po ang nabayad natin sa iba’t-ibang mga hotel at lahat naman po iyan, iyong mga billings ng hotel ay binubusisi, nagri-reconcile at bine-verify sang-ayon po sa standard COA procedures. So, huwag po kayong mag-alala, may pera po tayo diyan, mayroon lang po talagang mga paperwork at mga valuation na kinakailangan gawin bago mabayaran.

USEC. IGNACIO:   Mula naman po kay Joseph Morong ng GMA-7: Why would he call Red Cross “mukhang pera?”

SEC. ROQUE:   Baka naman sabihin ni Senator Gordon hindi ako kasali. Let’s allow na lang the President to say what he wants to say and let that remain on record. Bahala na po ang PRC to construe what the President said.

USEC. IGNACIO:  Pangalawang tanong po ni Joseph Morong: Regarding the vaccine, President said, “poor will get vaccines but those who can afford wala naman tayong pakialam diyan.” What does he mean?

SEC. ROQUE:   Ganito po iyan, ang istratehiya natin, talagang iyong 4Ps recipients natin, iyong mga frontliners, pulis at mga kasundaluhan ang mauuna at ‘to po ay garantiyado na babayaran ng gobyerno. Pero sang-ayon nga po sa Universal Healthcare Law ay mayroon ding mandato na kinakailangan bigyan natin ng bakuna ang lahat ng Filipino.

Pero siguro nga kapag lumabas na iyong mga bakuna mayroon pong mga private companies na magpapasok diyan at mayroon naman tayong mga Pilipinong can afford. So, iyong mga can afford puwede naman po silang magpabakuna, hindi po natin sila pinipigilan.

USEC. IGNACIO:   From Virgil Lopez ng GMA News Online: May we get more details regarding the audit of DPWH projects as stated by President Duterte yesterday? Who will do it and what are the parameters and what specific projects will be covered?

SEC. ROQUE:  Wala pa pong detalye na inilabas ang Presidente pero isa po iyan sa katungkulan—(signal cut)

USec. Rocky?

USEC. IGNACIO:   Yes, Secretary. Medyo naputol po kayo doon sa unang tanong ni Virgil Lopez.

SEC. ROQUE:   Oo, naputol—(signal cut)

USEC. IGNACIO:   Opo. Nawawala ho—

SEC. ROQUE:   Ang sagot ko nga po diyan, isa po iyan sa katungkulan under the Task Force na binuo ng Presidente. Hayaan po natin gawin ng expanded task force ang—(signal cut)

USEC. IGNACIO:   Last question po ni Virgil Lopez: Any update on the appointment of the next PNP Chief? Secretary?

SEC. ROQUE:   The announcement—(signal cut)

USEC. IGNACIO:   Secretary Roque, pakiulit po medyo nag-choppy po tayo diyan. Secretary Roque?

Okay. Naputol na po tayo. Maraming salamat po, Presidential Spokesperson Secretary Harry Roque.

SEC. ANDANAR:   Sa pinakahuling balita ukol sa pagtugon ng pamahalaan sa mga bagyo at sakuna, makakausap po natin muli dito sa ating programa si Usec. Ricardo Jalad ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).

Magandang umaga po muli, Usec. Jalad.

USEC. JALAD:   Magandang umaga, Sec. Martin at Usec. Rocky! Magandang umaga sa ating mga kababayan!

SEC. ANDANAR:   Sir, ano po ang updates natin sa bagyong Siony? Gaano po kalaki ang inaasahan na impact ng bagyong ito?

USEC. JALAD:   Well, Sec. Martin, base doon sa briefing sa akin ng PAGASA noong isang araw, si Siony ay maaaring lumakas sa lebel na typhoon and maaaring ito ay mag-landfall bukas ng umaga pero siya ay kung ikumpara kay typhoon Rolly ay hindi ganoon kalakas at kalaki.

Ang primarily na maapektuhan nito ay ang Northern Luzon provinces at saka iyong… kasama na diyan iyong Batanes at saka maliliit na isla diyan sa Babuyan Island. Pero ating inihahanda ang tatlong region diyan sa Northern Luzon, ito iyong Region 1, Cordillera, at saka Regina II. Kasama sila sa pre-disaster risk assessment meetings na ating ginawa noong isang araw at lahat ng mga local government units diyan sa tatlong rehiyon ay naabisuhan na para sa pagsagawa ng kanilang mga paghahanda.

So, patuloy ang paghahanda natin dito sa palapit na bagyong Siony habang tayo naman ay nagriresponde doon sa epekto na iniwan ni super typhoon Rolly.

SEC. ANDANAR:   Ano na po ang mga hakbang na inyong naisagawa sa mga oras na ito upang paghandaan ang posibleng epekto ng bagyong Siony?

USEC. JALAD:   Well, kasama na diyan iyong advisories na ibinigay ng National Disaster Risk Reduction and Management Council sa mga Regional Disaster Risk Reduction Management Council ng tatlong rehiyon na nabanggit ko – Region I, Region II at sa Cordillera.

And ang DILG naman, siya ang pangunahing ahensiya para doon sa paghahanda, ay nag-activate na rin ng kanilang Operation Listo Protocol na siyang susundan ng ating mga local government units.

And ang ating mga iba’t-ibang sangay o ahensiya ng gobyerno ay may mga kaukulan ng paghahanda like for example sa DSWD, iyong prepositioning ng mga relief goods diyan sa tatlong rehiyon na iyan at ang pagdadagdag kung kinakailangan.

Ang atin namang mga uniformed services, itong Armed Forces of the Philippines, sa Philippine National Police, Philippine Coast Guard at Bureau of Fire na pangunahing ahensiya na ating ginagamit para sa mabilisan na pagsagawa ng search, rescue and retrieval ay alerted na rin.

And ganoon din ang DPWH dahil sa malalakas na ulan na puwedeng dulot nitong si bagyong Siony ay posible iyong mga landslides ay mangyayari doon sa matataas na lugar at dahil na rin sa malalakas na ulan na ating natanggap diyan sa mga lugar na iyan ay iyong mga kalupaan natin ay saturated na, so posible iyong mga—mabilis iyong landslide na mangyari, na huwag naman sanang mangyari pero nakahanda ang ating iba’t-ibang ahensiya ng sangay ng gobyerno upang respondehan ang anumang epekto nitong si Severe Tropical Storm Siony.

SEC. ANDANAR:   Sapat po ba ang disaster preparedness lalo na po at sunud-sunod ang mga trahedya na ating kinakaharap? Mayroon tayong—unang-una, iyong pandemya, tapos Rolly, tapos Siony naman.

USEC. JALAD:   Well, sa tingin ko naman, Sec. Martin, ay sapat at kinakailangan ay kumilos ang lahat ng ating mga national government agencies, ang mga regional government agencies, mga local government units at ganoon na rin ang mga pamilya na posibleng maapektuhan ng mga bagyong parating sa atin.

And kasama na diyan siyempre iyong pagpapatibay ng ating mga kabahayan upang hindi ito masira, ito ay makapag-withstand sa malalakas na hangin na dulot nito.

And tungkol naman sa mga pondo na nakalaan sa iba’t-ibang ahensiya, ginagamit natin ang natitirang mga pondo na nandiyan at naiulat naman sa atin ng ating Secretary ng DBM, si Secretary Avisado, na mayroon pang augmented na National Disaster Risk Reduction and Management Fund na aming pinag-uusapan sa mga response clusters meeting na nakaraan.

At saka nangyayaring National Disaster Risk Reduction and Management Council meeting ngayong hapon na ito, ito ay pag-uusapan iyong —

Iyong pag-allocate at pag-identify ng mga early recovery interventions ay hinahanda na. Habang tayo ay nagsasagawa ng relief operations sa mga naapektuhan nitong si super Typhoon Rolly ay hinahanda na rin ng ahensiya ng gobyerno iyong mga early recovery interventions na manggagaling sa DSWD, Department of Agriculture, DOLE, DTI at ang iba pang ahensiya na may kasalukuyan namang pagresponde upang mabilis tayong makabangon katulad ng mabilisang restoration ng ating supply ng kuryente, mabilisang restoration ng water system natin and communication system.

So kinakailangan talaga gamitin ang lahat ng resources ng lahat ng sangay ng gobyerno – national, regional at saka lokal – upang paghandaan at respondehan iyong mga epekto nitong bagyong si super Typhoon Rolly at iyong papalapit na bagyong si severe Tropical Storm Siony.

SEC. ANDANAR: Okay. Usec. Jalad, mayroon po tayong batas, well, actually ito ay isang panukalang batas na hinihintay po, iyong Department of Disaster Management, kung saan iyong NDRRMC ay magiging isang departamento kapag ito ay naging ganap na batas na. Ano po ba iyong mga challenges natin ngayon under the NDRRMC na matutugunan po ng departamento, para lang po sa kabatiran ng ating mga kababayan?

USEC. JALAD: Well, sa ngayon ang ating platform for coordination and collaboration is itong National Disaster Risk Reduction and Management Council. And inaasahan natin na tumugon sa mga epekto nitong mga kalamidad ay halos lahat ng mga departamento at ahensiya ng gobyerno. So kung titingnan natin, malakas ‘di ba, dahil inter-agency, multi-stakeholder approach ang ating pinapatupad – buong lakas ng gobyerno ang ating magagamit.

Kaya lang ang isang challenge ho diyan ay iyong koordinasyon, kasi iyong Office of Civil Defense ay isang bureau ng Department of National Defense na headed ng isang undersecretary ay magku-coordinate sa lahat ng mga departamento, pinamunuan ng mga Cabinet secretaries upang tumugon sa lahat ng mga pangangailangan na ating maranasan dito sa mga dumarating na mga sakuna, kalamidad.

So iyong current structure is may advantage, and that is the use of the whole government machinery. But ang disadvantage naman is iyong coordination mechanism. Ngayon, isang tinutugon or maaaring itutugon nitong proposed na Department of Disaster Resilience is that mas mabilis doon sa iilang functions na nandiyan sa iilang ahensiya ng gobyerno. Halimbawa, ito ay kukunin niya ang function ng isang branch diyan sa DSWD, itong DReAMB, ito iyong namimigay ng mga relief goods. And may malakas na power itong mandate, itong Department of Disaster of Resilience. In rank, may parity siya, in rank with the departments that it will mobilize. So in other words, Cabinet Secretary iyong mag-uutos doon sa mga kausap niyang mga Cabinet secretaries.

Pero ang ating recommendation din is nandiyan pa rin iyong council. Bale hindi naman itong council or NDRRMC ang gagawing department kung hindi magtatatag talaga ng bagong departamento at ang core niyan ay ang Office of Civil Defense. So, sa ngayon ay tapos na sa version ang House of Representatives, at ang bersiyon naman nila ay nandiyan na, nai-submit na sa Senado.

So mapapalakas, Secretary, iyong ating pagtugon sa disaster risk reduction and management hindi lang during disaster response but mula doon sa mga iba pang aspeto ng pag-address natin sa mga kalamidad: Prevention mitigation, preparedness, response at saka rehabilitation and recovery.

SEC. ANDANAR: Maraming salamat po sa inyong panahon, Usec. Ricardo Jalad ng NDRRMC. Mabuhay po kayo.

USEC. IGNACIO: Samantala, balikan po natin sa linya ng telepono si Presidential Spokesperson Secretary Harry Roque para linawin lang po iyong sagot dito sa mga tanong ng ating kasamahan sa media. Secretary, good morning po ulit.

SEC. ROQUE: Yes, magandang umaga muli. Naputol po tayo. Nananawagan tayo sa telcos, napuputol po tayo at saka mahina ang internet.

USEC. IGNACIO:  Opo. Secretary, uulitin ko lang po iyong katanungan ni Virgil Lopez ng GMA News Online: May we get more details regarding the audit of DPWH project as stated by President Duterte yesterday. Who will do it? What are the parameters? And what specific projects will be covered?

SEC. ROQUE:  Iyan po ay katungkulan ng expanded task force nan binuo ng ating Presidente, at hintayin na lang po natin ang magiging report nitong expanded task force na ito.

USEC. IGNACIO: Opo. Mula pa rin kay Virgil Lopez: Any update on the appointment of the next PNP Chief?

SEC. ROQUE:  Well, hintayin na lang po natin. Alam ko po nagkaroon na ng desisyon ang ating Presidente pero ang ating procedure po dito sa Spox, wala pong announcement kapag wala pa po kaming papel.

USEC. IGNACIO:  Opo. May pahabol pong tanong si Joseph Morong ng GMA-7. Clarification po, Secretary, ibig sabihin po ba na hindi sasagutin ng gobyerno ang COVID-19 vaccine ng mga “can afford”?

SEC. ROQUE:  Hindi po totoo iyan dahil sang-ayon nga sa batas, ninanais natin na bigyan lahat ng bakuna. At kung kakayanin nga ay dapat mabigay po iyan dahil nga po sa ating Universal Health Care. Pero ang sinasabi ko nga po kanina, kapag lumabas na po iyong bakuna, hindi natin mapipigilan iyong mga may kaya na magpabakuna na sa lalong mabilis na panahon, at hindi naman po tayo tututol diyan basta aprubado po ng FDA.

USEC. IGNACIO:  Okay. Maraming salamat po, Secretary Harry Roque. Kayo po ba ay may mensahe pa sa ating mga kasamahan sa media?

SEC. ROQUE:  Well, ang aking mensahe lang po sa lahat ay konting tulog na lang po, pinaghahandaan na talaga natin ang pagdating ng bakuna. At maaasahan ninyo po na kapag lumabas po iyan ay masisigurado natin na makakakuha tayo ng bakuna para sa ating mga kababayan, na mayroon tayong pambayad at nakaplantsa na po at nakaayos na iyong sistema ng distribusyon. Iyon lang po. Magandang umaga po.

USEC. IGNACIO: Maraming salamat po, Presidential Spokesperson Harry Roque.

Samantala, pansamantala pong ipinagpaliban ang Balik Probinsiya, Bagong Pag-asa Program para bigyan-daan ang Hatid Tulong Program na naglalayong mapauwi ang mga kababayan nating stranded sa Maynila dahil sa umiiral na community quarantine. Para sa detalye, panoorin po natin ito”

[VTR]

USEC. IGNACIO: Ngayong tayo ay may hinaharap na pandemya, sinabayan pa ng mga bagyong dumarating sa ating bansa, talagang matindi po ang pagsubok na kinakaharap natin at isa sa mga lugar na apektado ay ang Ilocos Norte, para kumustahin po ang lagay ng ating mga kababayan diyan, makakausap po natin si Ilocos Norte Governor Matthew Marcos Manotoc. Magandang umaga po, Governor.

ILOCOS NORTE GOV. MANOTOC: Good morning po Usec. Rocky and to all of our viewers.

USEC. IGNACIO: Opo. Katatapos lamang po ng Bagyong Rolly, Governor, at ngayon naman po Bagyong Siony. Kumusta po ang sitwasyon sa inyong lalawigan ngayon, Governor?

ILOCOS NORTE GOV. MANOTOC: Okay naman po, thus far medyo minor pa naman ang effects. It’s our northern towns po are under signal 1 na po and kaka-text ko lang sa mga mayors and they are saying na umaambon na po doon; but here in Laoag, in our capital wala pong effect, actually medyo maganda ang araw po ngayon.

USEC. IGNACIO: Pero Governor, gaano po kahanda ang disaster response ng Ilocos Norte dito po sa mga posibleng—aside from Bagyong Siony, papaano ninyo po pinaghahandaan iyong mga sama ng panahon na dumarating sa bansa?

ILOCOS NORTE GOV. MANOTOC: Well, thankfully medyo handa na po kami dahil po sa Rolly ‘no, so parang carryover po ito. So we’ve already prepositioned mga food packs; we’ve deployed lots of heavy equipment ‘no, iyong mga backhoes and generators; and we’ve also conducted iyong mga pre-disaster risk assessment. So masasabi ko po that we are as ready as we can be.

USEC. IGNACIO: Opo. Pero Governor, gaano po kalaki iyon pong ini-estimate ninyo na magiging impact ng Bagyong Siony sa inyong probinsya?

ILOCOS NORTE GOV. MANOTOC: Well, we’re hoping na very minor lang kasi actually during Rolly, Pagudpud had a lot of agricultural damage already. So sana as little as possible and at the same time kasama din makuha ng mga magsasaka ang tubig na kailangan po nila because thus far it’s been a very, very dry year para sa Ilocos Norte and our farmers need the water as well.

USEC. IGNACIO: Opo. Pero ano naman po Governor ang lagay ng inyong mga evacuation centers diyan sa inyong lalawigan sakali po na may kailangan pong ilikas na mga residente?

ILOCOS NORTE GOV. MANOTOC: Ready naman po. Our evacuation centers have been ready for a while and people know where they’ll have to go if it comes to that. Pero sana po it does not come to that.

USEC. IGNACIO: Uhum. Sakali lang po na may maapektuhang hanapbuhay ng mga residente dahil sa Bagyong Siony, ano po iyong maaaring ibigay na tulong mula po sa lokal na pamahalaan?

ILOCOS NORTE GOV. MANOTOC: Well we’re ready, we’re ready naman po as I mentioned sa food packs and we’re also ready for any livelihood programs that may be needed in coordination po of course with our mayors and with our LGUs.

USEC. IGNACIO: Opo. Governor tama po ba, kayo po ay magbubukas na rin sa turismo ngayong—itong Ilocos Region?

ILOCOS NORTE GOV. MANOTOC: Yes po. We’ve been opened since October 15 and we’re open to all of Luzon’s so even everyone from Manila, kung gusto po nilang magbakasyon or mag-workcation or work from the beach, puwede po kayo dito sa mga white sand beaches ng Pagudpud or sa sand dunes po namin. You’re more than welcome here in Ilocos Norte.

USEC. IGNACIO: Yes. Pero Governor, paano ninyo po binabalanse iyong pagbubukas po ng turismo sa inyong lugar dito naman po sa pag-prevent ng spread ng COVID-19 at kumusta po iyong situation ng COVID-19 cases sa inyong lalawigan?

ILOCOS NORTE GOV. MANOTOC: Well sa turismo po we’re very careful ‘no. All those coming from Manila, they should take a PCR test and restricted po ang movement ng mga tourists ‘no. So we discourage them from going to highly crowded areas, iyong mga malls, mga markets bawal ho sila doon at may kasama pong tour guide parati. So it’s a very regulated tourism movement but alam po natin that isa sa mga life-bloods of our economy is tourism and we cannot stop or halt itong tourism sector simply because of COVID.

In terms of our COVID status, we have 7 active cases as of now, that’s in the entire Ilocos Norte and they are all quarantined or isolated and were already quarantined beforehand. So we’re very fortunate dito po sa Ilocos Norte na mababa po ang mga kaso po natin and we’re hoping na we can keep it low.

USEC. IGNACIO: Okay. Governor, kunin ko na lang po iyong message ninyo sa publiko especially po sa inyong mga kababayan sa Ilocos Norte.

ILOCOS NORTE GOV. MANOTOC: Sa mga kakailan ko maraming salamat po sa patience po ninyo at sa disiplina po ninyo and for your trademark Ilocano hard work. And we have done very well sa tingin ko po amidst this pandemic and our focus now is recovery, our economy, livelihoods and jobs and I pledge that I will do all that I can.

To everyone else in Luzon, please come visit Ilocos Norte, there is so much to do and so much to see. Kahit malayo po we assure you that our beaches, our sand dunes, our Paoay Lake, our empanada and our longganisa are more than worth it. So see you all here in Ilocos Norte po. Maraming salamat po.

USEC. IGNACIO: Okay. Maraming salamat po, Governor Matthew Marcos Manotoc ng Ilocos Norte.

SEC. ANDANAR: Ngayon naman ay dumako tayo sa tanggapan na responsable sa mga programa at serbisyo para sa sektor ng mga manggagawa. Para sa mga updates ukol dito, makakausap po natin si Undersecretary Anna Dione ng Department of Labor and Employment. Magandang umaga po sa inyo, ma’am.

DOLE USEC. DIONE: Magandang umaga din po Secretary Andanar.

SEC. ANDANAR: Marami pong kababayan natin ngayon mula sa Bicol, CALABARZON at MIMAROPA ang lubhang naapektuhan ng Bagyong Rolly at kasabay niyan ang patuloy nating pagsugpo sa pandemya. Sa inyo pong datos mula sa mga nabanggit na mga apektadong rehiyon sa bansa, ilan pong mga kababayan nating manggagawa ang naapektuhan ang kabuhayan dulot ng Bagyong Rolly?

DOLE USEC. DIONE: Mayroon pong report ang ating regional offices dito sa mga probinsya na naapektuhan at initial po ito na nakuha nila. Dito po sa Region V, mayroon po tayong mga 83,000 families affected. Dito naman po sa Region IV-A ay mayroon po silang mga 135,000 at saka sa Region IV-B ay mayroon po silang mga 23,000. Ito po iyong mga initial na datos na nakuha ng ating mga regional offices at ito din po iyong datos na basehan ng mga assistance na ibibigay po ng gobyerno through our department.

SEC. ANDANAR: Anu-ano pong mga ayuda at benepisyo ang ibibigay ng DOLE sa kanila?

DOLE USEC. DIONE: Secretary, sa dami po ng mga iba’t ibang programa ng Department of Labor, sa sitwasyong ito ang pinakaakma na tulong na ibibigay po natin ay iyong ating emergency employment na popularly known po TUPAD, emergency employment.

So sa ngayon po, umaaksiyon na po iyong ating mga tao. Actually nakikipag-coordinate na po sila sa mga local government units at nagpu-profile na po as we speak iyong ating mga tao dahil inutusan po ni Secretary Bello po ang ating mga regional offices na mag-profile na po ng mga TUPAD beneficiaries, tigpa-five thousand po iyan kada probinsya.

SEC. ANDANAR:  So, magkano po, Ma’am iyong naka-allot ulit na pondo ng DOLE para sa pagtulong sa ating mga kababayang manggagawa na lubhang naapektuhan ng Bagyong Rolly? Nabanggit po ninyo iyong 5,000, pero magkano po iyong buong budget po.

DOLE USEC. DIONE:  Iyon pong buong budget naibaba na po, nasa regional offices na po, a total of 306 million at of course ang pinakamalaki po doon ay sa Region V, 200 million po; sa Region IV-A, 33 million at saka sa IV-B po ay 73 million. Ito po iyong pondo na pang-ayuda natin sa emergency employment program.

SEC. ANDANAR:  Nasabi po ninyo na may nakalaan na emergency employment ang DOLE para sa mga naapektuhan ng mga kalamidad. Ilan po ang inaasahan ninyong matutulungan na kababayan nating manggagawa sa Timog Luzon na lubhang naapektuhan ng Bagyong Rolly sa pagpapatuloy nga ng TUPAD o Tulong Panghanapbuhay sa ating disadvantaged/ displaced workers? So, ilan po iyong numbers na inaasahan po natin?

DOLE USEC. DIONE:  Iyon pong numbers na gagalaw, magsisimula na po na magtrabaho ay 55,000 po kada affected province.

SEC. ANDANAR:  Para po sa hindi pa naabot ng TUPAD, maaari po ba nating idetalye ang mga paraan? Narinig po ba ninyo ako, Usec?

DOLE USEC. DIONE:  Hindi ko po narinig, may audio problem.

SEC. ANDANAR:  Ma’am, para po sa hindi pa naaabot ng programang TUPAD, maaari po bang idetalye natin ang mga paraan kung paano at saan makakapag-apply dito ang ating mga apektadong manggagawa?

DOLE USEC. DIONE:  Okay, isi-simplify ko na lamang po. Doon sa ating mga informal sectors na naapektuhan, of course, nakikita naman po natin sa report na lahat po sila ay naapektuhan. Ganito po, dalawang pamamaraan: Una, through the local government unit puwede po silang lumapit sa mga barangay captains para po magpalista sila, indicate iyong desire nila na sumama sa emergency employment ng DOLE. Tapos siyempre, we expect the barangay captain na magsumite po sa munisipyo through our Public Employment Service Office para po hindi malalayo iyong mga tao. So, through the barangay captain and then si barangay po ay ibibigay po niya sa munisipyo and then Public Service Employment Office manager, iku-connect po niya sa Department of Labor.

Iyong pangalawa po, kung malapit po kayo sa iba’t ibang lokasyon ng opisina ng Department of Labor and Employment, sa aming regional offices, sa ating mga provincial or field offices, puwede din po na pumunta sila doon at mag-indicate na gusto po nilang sumama sa emergency employment. After that po ay iba-validate po sila.

SEC. ANDANAR:  Bukod po sa TUPAD, ano pa pong mga programa ang inihahanda ng DOLE para tulungan ang ating mga kababayang manggagawa mula sa mga nasabing probinsiya na apektado hindi lamang ng kalamidad kung hindi po ng pandemya?

DOLE USEC. DIONE:  Mayroon po tayong tinatawag na livelihood, iyong DOLE integrated livelihood program, iba’t ibang iskima po ang nakapaloob dito pero basically po ito ay tulong pangkabuhayan sa mga naapektuhan.  Mga livelihood programs po, siguro po nabalitaan natin na iyong, halimbawa po, iyong pagbibigay natin ng freebies. Iyong bisikleta para makatulong sa paghanapbuhay ng mga informal sector. Iyan po ay isang scheme na napapaloob sa livelihood program ng department. Mayroon din po iyong mga bangka, fisher folks, nagbibigay din po tayo diyan ng mga bangka, so isang scheme din po iyan. So, livelihood programs po, kung ano po iyong hanapbuhay nilang mayroon na gusto po nilang maayudahan, puwede po iyon.

Of course mayroon din po tayo ngayon, iyong COVID Adjustment Measure Program, iyong popularly known as CAMP para po tulong sa mga naapektuhan na formal workers. Mayroon din po tayong assistance para sa mga OFWs, iyon pong AKAP, one-time financial assistance for returning OFWs. Mayroon din po tayong scholarship, iyon pong Tabang OFW, ito po iyong scholarship assistance para sa anak ng mga OFWs.

In essence iyon po, Secretary ang bulk ng programa.

SEC. ANDANAR:  Maraming salamat, Usec, sa inyong panahon. Ano po ang inyong mensahe para sa ating mga kababayan?

DOLE USEC. DIONE:  Sa ating mga manggagawa po na mga naapektuhan na alam po natin na medyo mahirap gumalaw ngayon, dahil po sa sitwasyon pero hinihingi po natin ang cooperation at patience ng ating mga affected workers. Huwag po kayong mag-atubili na lumapit po sa ating mga local government units at saka sa Department of Labor and Employment para initially po sabihin ninyo kung ano po iyong gusto ninyong tulong na ibibigay. When I say local government units, pumunta po kayo, hanapin po ninyo iyong ating Public Employment Service Office. May mga staff po diyan na na-train, skilled para po maasikaso kayo and sila po ang mag-aabot sa Department of Employment. Gamitin po ninyo iyong mekanismo na iyon para po makarating o mapasabi sa amin po sa Department of Labor ang inyong mga gustong ipatulong, in the area po na nasasakupan ng jurisdiction ng Department of Labor.

SEC. ANDANAR:  Marami pong salamat. Usec Anna Dione ng DOLE. Mabuhay po kayo, Ma’am.

DOLE USEC. DIONE:  Thank you din po, sir.

USEC. IGNACIO:  Ang probinsiya ng Batangas ay isa rin po sa lubhang naapektuhan ng Bagyong Rolly kaya hindi rin pinalampas ni Senator Bong Go na personal na bisitahin ang mga biktima ng baha na nasabing lalawigan. Ang detalye narito po.

[NEWS REPORT]

USEC. IGNACIO:  Patuloy po tayong magtulungan na masugpo ang COVID-19 sa pamamagitan po ng pagsasailalim sa COVID-19 test kung kinakailangan. At siyempre, katuwang pa rin po natin dito ang Philippine Red Cross. Kung nais ninyo pong magpa-swab test sa Red Cross, narito po ang mga hakbang na dapat ninyong gawin.

[VTR]

USEC. IGNACIO:   Mula po sa PTV Cebu, may ulat si John Aroa.

[NEWS REPORT BY JOHN AROA]

USEC. IGNACIO:   Maraming salamat sa iyo, John Aroa.

SEC. ANDANAR:   Mula sa PTV Davao, may ulat si Regine Lanuza.

[NEWS REPORT BY REGINE LANUZA]

SEC. ANDANAR:   Maraming salamat, Regine Lanuza. Puntahan naman natin si Breves Bulsao mula sa PTV Cordillera.

[NEWS REPORT BY BREVES BULSAO]

SEC. ANDANAR:   Maraming salamat, Breves Bulsao.

USEC. IGNACIO:   Samantala, dumako naman tayo sa update kaugnay sa COVID-19 cases sa buong bansa.

Base po sa tala ng Department of Health, as of November 5, 2020, umabot na sa 389,725 ang total number of confirmed cases. Naitala ang 1,594 new COVID-19 cases kahapon; 42 katao naman ang bagong bilang ng mga nasawi kaya umabot na sa 7,409 cases ang kabuuang bilang ng COVID-19 deaths sa ating bansa ngunit patuloy rin naman ang pagdami ng mga nakaka-recover na umakyat na sa 349,543 with 468 new recoveries recorded as of yesterday. Ang kabuuang total ng ating active cases ay 32,773.

SEC. ANDANAR:  At iyan po ang mga balitang aming nakalap ngayong araw. Maraming salamat sa mga naglaan ng kani-kanilang oras sa pagbibigay linaw sa mga impormasyon na mahalagang malaman ng ating mga kababayan.

USEC. IGNACIO:   Ang Public Briefing at hatid sa inyo ng iba’t ibang sangay ng Presidential Communications Operations Office sa pakikipagtulungan ng Department of Health at kaisa ng Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas (KBP).

SEC. ANDANAR:   Asahan po ninyo ang aming patuloy na pagbibigay impormasyon kaugnay sa mga updates sa ating paglaban sa COVID-19 pandemic. Maraming salamat din sa Filipino Sign Language Access Team for COVID-19. At Rocky, salamat din pala sa mga kaibigan mo sa Sta. Cruz, sina Mayor San Luis at napakataas ng kanilang respeto sa iyo.

USEC. IGNACIO:   Maraming salamat po, Secretary at salamat po sa pagbisita sa aming bayan sa Sta. Cruz, Laguna.

Samantala Secretary, 49 days na lamang po at Pasko na. Bagama’t patuloy pa rin ang pagharap natin sa krisis na dulot ng COVID-19, tuloy pa rin po ang ating pagtutulungan at pagmamahal sa kapwa dahil iyan naman po ang tunay na diwa ng Pasko.

Mula po sa Presidential Communications Operations Office, ako po si USec. Rocky Ignacio.

SEC. ANDANAR:   Mula rin sa PCOO, ako po si Secretary Martin Andanar. Magkita-kita tayo bukas dito lang sa Public Briefing #LagingHandaPH.

 

###

 

 

 

SOURCE: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)