Interview

Cabinet Report sa Teleradyo – The New Normal hosted by Presidential Communications Operations Office Secretary Martin Andanar


SEC. ANDANAR: Ngayong panahon ng pandemya lalong-lalo na sa kasagsagan ng mga community quarantine sa ating bansa, lumitaw ang kahalagahan ng food security at ng mga hakbang ng ating bansa sa larangan ng agrikultura. Isang mahalagang aspeto ng agrikultura ay ang ‘mechanization’ – ito ay upang lalong tumaas ang ating agricultural productivity at upang mapagaan ang mga gawaing nakakapagod sa ating mga magsasaka.

Bakit natin kailangang pagaanin ang kanilang trabaho? Pilipinas, ayon sa isang pag-aaral ng Department of Agriculture noong 2017, ang average age ng ating mga magsasaka ay ‘60.’ Dagdag pa rito, marami na rin daw sa ating kabataan ay ayaw pasukin ang pagsasaka.

Kaya ngayong gabi makakausap po natin ang Director ng Philippine Center for Postharvest Development and Mechanization o PHilMech – si Dr. Baldwin Jallorina at pati na rin ang kaniyang Boss, si Secretary William Dar ng Department of Agriculture upang malaman natin kung ano ang ginagawa ng PHilMech, kung ano ang papel nito sa Rice Competitiveness Enhancement Program at ano ang direksiyon nito sa susunod na buwan at taon.

Ito po si Communications Secretary Martin Andanar. Welcome to the Cabinet Report.

***

SEC. ANDANAR: Welcome back to the Cabinet Report. Bago natin kausapin ang PHilMech, alamin muna natin kung anu-ano ang mga produktong na-develop nila para sa ating mga magsasaka sa pamamagitan ng report na ito: [VIDEO PRESENTATION] Sa pagbalik natin, makakausap natin si PHilMech Director Dr. Baldwin Jallorina. Tutok lang dito sa Cabinet Report.

***

SEC. ANDANAR: Welcome back to the Cabinet Report at ang ating panauhin ngayon ay ang Director ng Philippine Center for Postharvest Development and Mechanization o PHilMech, Dr. Baldwin Jallorina. Magandang gabi po sa inyo, sir. Ano po ang PHilMech at ano ang mandato at mga gawain nito?

DR. JALLORINA:: Ang PHilMech po o Philippine Center for Postharvest Development and Mechanization ay isang attached agency ng Department of Agriculture.

As a research arm, we are mandated or PHilMech is mandated to generate, extend and commercialize appropriate and problem-oriented agriculture and fishery postharvest and mechanization.

So mayroon kaming 8 areas of concerns like the agricultural mechanization, bioprocess engineering, food protection, laboratory services, socioeconomics and policy research, at mayroon din iyong sa extension component po, mayroon iyong applied communication, training technology management and enterprise development.

SEC. ANDANAR: Bakit po kailangan ng mechanization?

DR. JALLORINA: Kailangan natin ang mechanization po sa agrikultura, una, gusto natin pagaanin iyong mga trabaho sa bukid, to reduce drudgery kasi po mahirap talaga ang trabaho sa bukid. Pangalawa po, sa pamamaraan o pamamagitan ng paggamit ng mechanization equipment like tractor hanggang harvester, ito po ay mababawasan iyong production cost. Kasi po ikumpara mo doon sa manual labor, mas mahal na po ngayon ang bayad sa manual labor; at sa pangatlo, sa pamamagitan po ng paggamit din ng makabagong makinarya tulad ng harvester at saka drier, mababawasan din po iyong tinatawag nating nawawalang butil ng palay during harvest time.

Level of mechanization po dito sa atin compared to ASEAN countries like Bangladesh, India, Thailand, China, Korea and Japan, tayo po iyong isa sa pinakamababa na ang level of mechanization lang natin ay 1.23 horsepower per hectare compared po doon sa Thailand na mayroon nang 4.2 horsepower per hectare. Pinakamataas po dito sa atin iyong Japan ay 18.87 horsepower per hectare so talagang tayo po ang pinakamababa dito sa ASEAN countries ng level of mechanization.

SEC. ANDANAR: Pag-usapan naman natin iyong mga kagamitan na related to rice mamaya. Pero bukod sa mga may kinalaman sa palay at bigas, anu-ano pa ba ang mga significant na na-develop ng PHilMech? Paano po ba nagkakaroon ng gamit na gawa ng PHilMech?

DR. JALLORINA: Mayroon din po kaming technology na na-develop other than rice tulad halimbawa ng iyong cacao, mayroon tayong na-develop na cacao processing system na mag-uumpisa po doon sa tinatawag naming cacao splitter and then isang system nga ito and then dadalhin natin iyong sa fermentation box. Pagkatapos ng fermentation, dadalhin po sa drier; and then pagkatapos ng drier, may na-develop din tayong locally na tawag na ‘cacao beans huller.’

Iha- hull natin iyong dried na cacao bago natin iru-roast. So mayroon din tayong na-develop na roaster, ‘pag na-roast na natin iyong cacao, ito na po iyong iga-grind natin through grinder. Na-develop din natin ito, locally fabricated and then mayroon din iyong melanger na tinatawag nila pero ito imported pa iyong melanger, hindi pa natin kaya i-develop just to mag-produce ito noong output natin ay itong tablea, ang tinatawag nating tablea. Ito po iyong buong sistema po na para sa mga cacao farmers po naman.

Mayroon din po kami iyong kape, iyong kape. Introduce namin iyong—mayroon ding coffee dehuller, mechanical po ito, parang ano iyan, mechanical dehuller ng kape and then iyong coffee roaster din po.

May division kami na in charge doon sa mga enterprise development na nag-a-assist po ng mga entrepreneur tulad ng nagbi-venture doon sa coffee production doon po sa Benguet. So ang mga technology po namin ini-introduce doon in collaboration din sa LGU then nagdi-develop kami in coordination sa LGU ng mga entrepreneur na magpa-process po ng kape.

SEC. ANDANAR: Mag-focus po tayo ngayon sa palay at bigas dahil ito ang focus ngayon ng PHilMech. Ano po ang papel ng PHilMech sa Rice Competitiveness Enhancement Program o RCEP?

DR. JALLORINA: Ang PHilMech po ay ayon sa batas o Republic Act 11203 or Rice Tariffication Law, naatasan pong tagapagpatupad ng mechanization component ng Rice Competitiveness Enhancement Program o tinatawag natin na Rice Mechanization Program ng Department of Agriculture o RCEP.

Bilang tagapagpatupad ne mechanization component ng RCEP, we have to empower iyong farmer’s cooperative and associations through provision of agricultural machineries, may kaakibat na training and promotion of these agricultural machineries and mayroon ding tinatawag na institutional enhancement activities and mayroon ding monitoring activities.

Dito po sa provision of agricultural machineries, sir, marami pong estado po ang ating ginagawa. Mag-uumpisa po tayo doon sa promotion ng programa through media, ano iyong role o sino ang mga recipient po natin; and then identification po ng potential recipient. Ito po iyong mga recipient natin na legitimate farmer’s cooperative and associations na duly registered po ng Department of Agriculture. Ito po ay nakaakibat doon sa Philippine industry roadmap, ang beneficiary po natin dito ay iyong 57 provinces listed, nakalista po doon sa industry roadmap natin na rice-producing provinces.

So doon sa probinsya na iyon, we have to identify iyong recipient, duly registered and then mayroon din ang validation based doon sa request nila at tinitingnan din natin iyong mga pangangailangan nila. Kasi ang ibinibigay natin iyong pangangailangan nila, hindi po iyong gusto nila. So ‘pag na-identify po natin iyong mga recipient at saka iyong mga kaakibat na makinaryang pangangailangan nila, mayroon ding kaakibat po na training iyong mga potential farmer’s cooperative and association tulad ng operator and maintenance ng makinarya na kanilang pangangailangan at pati iyong capacity-building like record management and konting computation paano nila i-manage iyong kanilang kooperatiba, sir.

Ang programa pong ito, inaasahan namin ang mga benepisyo sa paggamit ng mga makinarya ng pansaka partikular na mabawasan po iyong mga gastusin – dalawa hanggang tatlong piso kada kilo doon sa production cost at mabawasan din po iyong losses na tinatawag natin o nawawalang butil nang tatlo hanggang limang porsiyento.

SEC. ANDANAR: Anu-ano specifically ang mga equipment na na-develop ng PHilMech na ipinamamahagi sa RCEP at paano ang mga ito makakatulong sa ating mga magsasaka at sa kanilang productivity?

DR. JALLORINA: Sir, ang na-develop ng PHilMech na kasama sa RCEP program ay itong tinatawag nating rice mill, locally fabricated rice mill na nakatuon sa mga barangay lang po ito, maliliit kumbaga compared doon sa mga high-end na rice mill; at saka iyong drier. Rice mill and drier lang po muna ang pinamimigay namin na developed po ng PHilMech. Alam namin na sa pamamagitan nito mababawasan iyong losses at tataas ang kanilang kita.

SEC. ANDANAR: Ano po ang inyong mensahe sa ating mga magsasaka?

DR. JALLORINA: Iyong mga kapatid nating magsasaka na hindi pa namin naaabot o nabibigyan ng ating makinarya na manggaling sa RCEP, puwedeng makipag-ugnayan po sa municipal agriculturist o provincial agriculturist o sa aming opisina. Mayroon kaming field office po sa Bicol at saka sa Abuyog, Leyte, mayroon din po sa Cagayan de Oro, mayroon din po sa Davao. Puwede kayong mag-apply po doon at mabigyan din kayo at ma-evaluate din para magkaroon din kayo ng makinarya na manggagaling po sa RCEP.

At doon po sa ating mga local government officials, puwede kayong mag-endorse, iyong mga alam natin na legitimate at accredited farmers’ cooperative and association ng Department of Agriculture. Tulungan ninyo na lang po kami sa pagba-validate kasi po para mapabilis po ang pag-implement noong RCEP. Inaanyayahan ko rin iyong lalung-lalo na iyong mga municipal agriculturist na makipagtulungan para sa kanila eh mabibigyan din sa kanilang lugar.

Ang mga equipment po na puwedeng hingin ng mga magsasaka – land preparation equipment po, nandiyan po iyong 4-wheel tractor, hand tractors, floating tillers. At doon naman po sa crop establishment, mayroon tayong seeder, riding type transplanter at walk-behind transplanter. At doon naman po sa harvesting equipment, mayroon tayong reaper, combined harvester and thresher. At doon po sa post-harvest equipment po, drier at rice mill. Sa ngayon mayroon tayong technology na available na para sa cacao processing, mayroon din po sa coffee processing at mayroon din po iyong soybeans processing.

SEC. ANDANAR:  Alamin natin kung anu-ano ang mga plano ng parent agency ng PHilMech, ang Department of Agriculture para sa mechanization ng agrikultura sa ating panayam kay DA Secretary William Dar. Kausapin natin ngayon ang pinaka-boss ng PHilMech, si Agriculture Secretary William Dar. Sec., napakadami na po ng produkto na na-develop na ng PHilMech para sa mga magsasaka natin. Ano po ang inyong mission order para sa PHilMech ngayong higit tayong umaasa sa agrikultura para sa ating food security at para sa paglago ng ating ekonomiya?

DA SEC. DAR:  Alam ninyo very important and very relevant iyong function ng PHilMech. Dalawang aspeto iyon: Iyong PHilMech ay para doon sa agricultural mechanization on broad terms. Now in particular, nasa batas ngayon through the RTL, Rice Tariffication Law, mayroong Rice Competitiveness Enhancement Fund na 10 billion a year na galing doon sa excess tariffs. ‘Di ba last year ay mayroong 12.1 billion, this year umaabot na ng 14 billion so 10 billion ang set aside palagi to support iyong Rice Competitiveness Enhancement Fund.

And out of the 10 billion ay PHilMech have been tasked by this law to implement a mechanization program for almost 1 million hectares all over the country na RCEP provinces. May mga 42 provinces na ito na identified na RCEP provinces. So, ito iyong ipu-focus ng PHilMech ngayon and this year they are going to release almost 10 billion kasi iyong last year na 5 billion ay ngayon lang sila inumpisahan noong first quarter and the 5 po this year is also being enhanced. So procurement is underway and all of these will be obligated and to be disbursed before the end of the year.

SEC. ANDANAR:  Sec., ano ang plano po ninyo para sa mas epektibo pang pagpapakalat o distribution ng mga farm mechanization equipment?

DA SEC. DAR:  Doon sa 947 municipalities ay mayroong isang minimum na cluster of rice farms, 100 hectares at ito iyong cooperatives or farmers’ associations na starting point where machineries will be distributed or are being distributed. And clustering will always be a major strategy at ito nga for all purposes now in agriculture, we are going towards that institutionalization of farm clustering and consolidation. At akmang-akma naman iyong pangangailangan na iyong—or importansiya ng farmer’s cooperatives and associations.

So iyon po, in the next 4 years pa, ito iyong second year kasi ng implementation ng RTL-RCEP, ay talagang lahat na iyong components, iyong mekanisasyon saka iyong pamimigay ng mga inbred seeds ng rice at saka iyong pamimigay ng credit support and extension and training ay nakatoka doon sa almost 1 million hectares na may mga farmers’ cooperatives and associations. So there will be increasingly institutional development to be done by our regional field offices, iyong setting up of more cooperatives or associations if they have been setup then strengthening of these farmers’ cooperatives and associations.

Mechanization alone if properly done and working with the farmers’ coops and associations, ay you can reduce the cost of production ng rice by P3. So ganoon kaimportansiya and you need a common service facility where majority if not the minimum requirements ng mga makinarya ay nandoon sa mga farmers’ coop and association. So hindi na individual iyong pamimigay ng mga makinarya bagkus ibibigay na sa mga kooperatiba o asosasyon. So ganoon po, dati-dati kasi we encourage – that’s the word, the policy of government, the policy of the DA is encouraging farmers to organize themselves.

But this time around at nag-umpisa na sa RTL, sa RCEP, it is now a must, it is now a big responsibility of our regional field offices to work with CDA in partnership with other stakeholders na maorganisa na ang mga farmers’ coop and association. So ganoon po ang direksiyon po namin starting next year.

SEC. ANDANAR:  Sec., in terms of supporting new crops with potential for export, where do you see PHilMech playing a major role?

DA SEC. DAR:  High value agriculture must be given a new strong support including that of mechanization and that’s one major responsibility that we will direct PHilMech to do, not only for rice farming, but for high value agriculture that we can export as well. So ganoon po ang direksiyon natin, lawakan ng PHilMech ang kanilang ‘R and D’ activities and promote the outputs that they have generated para magamit naman ng karamihan sa agrikultura mas lalo na itong mga emerging industries kagaya ng export high value commodities.

SEC. ANDANAR: Maraming salamat, DA Secretary William Dar.

Pilipinas, mahalaga ang adhikain ng mekanisasyon. Una, mapapagaan ang trabaho ng ating mga magsasaka kagaya ng nasabi kanina ay tumatanda na. Bukod dito, ito ay tutulong sa atin upang makamit ang increased productivity at maiwasan ang pagkasayang ng ating mga pananim, maging ang panahon na ginugugol natin dito. Ito ay ginagawa na nga ng ating mga kapitbahay sa Asya at ASEAN.

Nandiyan ang PHilMech alalayan tayo sa mekanisasyon at sila ay nag-aalok na makipagsangguni sa kanila. Nandito po ang teknolohiya at may programa ang pamahalaan na ang ibang makinarya pinahihiram na. Gamitin po natin ang pagkakataong ito.

Pilipinas, magkita-kita tayo ulit next Friday. Ito po si Communications Secretary Martin Andanar. Keep safe. Mag-ingat po tayong lahat. Have a happy weekend.

###

Source: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)