USEC. IGNACIO: Magandang umaga, Pilipinas. Tuloy pa rin po ang ating laban sa COVID-19 kaya naman narito kaming muli upang ihatid ang mainit na balita’t impormasyon ukol sa mga hakbang ng pamahalaan para tuluyang masugpo ang krisis na ito.
BENDIJO: Good morning, Usec. Rocky. Patuloy rin po tayong nakabantay sa mga report tungkol sa Bagyong Siony na tumama sa hilagang bahagi ng bansa kaya naman samahan ninyo po kaming muli para sa isang makabuluhang talakayan. Ako po si Aljo, Bendijo.
USEC. IGNACIO: Good morning, Aljo. At sa ngalan po ni Secretary Martin Andanar, ako naman po si Usec. Rocky Ignacio mula sa PCOO at ito ang Public Briefing #LagingHandaPH.
At upang sumagot sa mga tanong ng bayan, maya-maya lang makakasama natin sa programa sina Governor Marilou Cayco ng Batanes; Usec. Felix William Fuentebella ng Department of Energy; at Usec. Maria Rosario Vergeire ng Department of Health.
BENDIJO: Makakasama rin natin sa paghahatid ng mga balita ang mga PTV correspondents mula po sa iba’t ibang probinsiya at ang Philippine Broadcasting Service. Samantala, para naman sa inyong mga katanungan ay maaari po kayong mag-comment sa live streaming ng atin pong programa sa PTV Facebook page.
At sa ating mga balita: Pagpataw ng death penalty sa mga kaso ng pandarambong, iligal na droga at mga karumal-dumal na krimen, suportado ni Senator Christopher ‘Bong’ Go; at bagong Malasakit Center inilunsad sa Lungsod ng Caloocan. Narito ang detalye: [NEWS CLIP]
USEC. IGNACIO: Matapos nga po na daanan ng Bagyong Siony ang hilagang bahagi ng bansa kahapon, atin namang kumustahin ngayon ang ating mga kababayan sa Batanes, makakausap po natin si Governor Marilou Cayco. Magandang umaga po, Governor
BATANES GOV. CAYCO: Magandang umaga po sa inyo.
USEC. IGNACIO: Governor, ang Batanes nga po naging sentro ng Bagyong Siony pero kumusta na po ang sitwasyon ngayon diyan; kumusta po ang weather ngayon diyan, Governor?
BATANES GOV. CAYCO: Ma’am, maganda na po ang panahon ho dito. Maaraw po at wala na hong masyadong malakas na hangin at ang mga bangka po na papunta sa ibang mga isla namin dito ay nakalayag na po sila. Mas maganda na ho ang dagat sa ngayon po.
USEC. IGNACIO: Opo. Governor, gaano po kalaki iyong naging pinsala o impact ng Bagyong Siony sa inyong lalawigan? May mga residente po ba na naapektuhan ng bagyo?
BATANES GOV. CAYCO: Sa kabutihan po ay wala pong mga naapektuhan sa aking mga constituents. Wala pong nasira na mga bahay, kalsada, tulay o imprastraktura. Ang aming water, electric at komunikasyon ay wala rin pong pinsala pero mayroon ho kaming pinsala sa agrikultura. Ang estimated damage sa agriculture ng Typhoon Siony dito ay mga 4.9 million po.
USEC. IGNACIO: So Governor, paano po iyong ginawang paghahanda bago pa man po dumating si Bagyong Siony na para po masiguro natin na ligtas ang ating mga kababayan? Kasi sabi po ng DOST hindi lamang po si Siony ang papasok sa bansang sama ng panahon.
BATANES GOV. CAYCO: Alam ninyo naman po ma’am sa amin dito sa Batanes ay playground ho ng bagyo. So bilang paghahanda, agad kong pinulong ang aking Disaster Risk Reduction and Management Council at minobilize ang lahat ng concerned agencies ho. Sila ang 24 hours na nakaantabay maging ang aming PDRRM office at ang aking opisina ay nanatiling nakaantabay 24 hours upang bantayan ang paggalaw ng bagyo na ito. Bantay na bantay po namin ito dahil ito iyong kauna-unahang bagyo na pumunta ho sa amin dito sa Batanes.
So nabantayan namin at ang mga tao po automatic po, hindi ko na sasabihin, sila po ay nagtatali ng kanilang mga bubong lalo na ho iyong mga gawa sa light materials at sila po ay naglalagay ho ng [unclear].
At umikot ako the day before na dumaan sa amin si Typhoon Siony para masigurado ko na talagang nakatali ang mga bahay ho nila. Natutuwa naman po ako at halos lahat ng mga bahay ho at mga national agencies na mga opisina ay nakatali po at may window shutters. Ang ating mga mayors saka mga barangay captain ay kumilos din para tingnan/i-check kung nagtatali po iyong mga tao.
Actually po ma’am, nagkaroon kami ng—nag-voluntarily na magpalikas. Kasi sabi noong mag-asawa ay, “Ma’am magpalikas po kami dahil mahina ang—light materials lang ang gawa ng aming bahay,” kaya’t ka-agad silang dinala sa isang eskuwelahan, pinaka-evacuation center diyan sa Barangay [unclear] at sa awa ng Diyos ay safe po sila, nakabalik na po sila sa kanilang bahay po.
Tapos po since wala pa man ang bagyo, nag-distribute na ho ako ng relief goods kasi mahirap i-distribute. Ang experience ko po dito sa Batanes, kapag nag-distribute ka ng relief goods ‘pag after ng bagyo ay napakaraming kahoy, napakaraming poste ng kuryente na nakahambalang kaya hindi ho kami nakaka-distribute. So ginawa ko po ay nag-distribute kami noong bago dumating ang Typhoon Siony sa lahat po ng pamilya, mayaman man o mahirap nabigyan ho namin ng 10 kilos of bigas at isang kilong pork/baboy.
At dito ho kasi, ang mga tao dito’y masisipag at lahat po sila ay mayroong mga tanim na gulay kaya kailangan na lang noong pansahog ho nila. Kaya po ay okay po ang distribution ho ng relief goods po namin dito sa Batanes po.
Tapos po ginawa ko rin po ay lahat ng mga uniformed personnel ay nakaantabay din sa amin para makasama namin sa operasyon po. Tapos pinabantay ko lahat ang Coast Guard sa lahat ng mga fish port, lahat po ng puerto namin pinabantay ko po para ho masigurado na wala hong lalayag po. Iyon po ‘yung ginawa po namin, ma’am po.
USEC. IGNACIO: Opo. Governor, kumusta po iyong supply ng kuryente sa inyo? Kasama po natin dito mamaya si Department of Energy Undersecretary Wimpy Fuentebella, baka po may gusto kayong hilingin pagdating po doon sa supply ng kuryente sa inyong lugar.
BATANES GOV. CAYCO: Ay ma’am, ako’y nagpapasalamat po dahil wala ho kaming damage sa kuryente po. Tuluy-tuloy po, hindi ho nawalan ng kuryente dito dahil ang aming kawad ng kuryente po dito ay nakabaon na po sa lupa.
USEC. IGNACIO: Okay. Magandang balita po iyan. Pero Governor, dumako naman po tayo sa usapin ng COVID-19. Kumusta po ang COVID-19 cases sa inyong lalawigan?
GOVERNOR CAYCO: Ako po ay nagpapasalamat, ma’am, nagkaroon kami dito ng dalawang positive sa COVID pero kaagad po namin silang in-isolate. Tapos lahat po ng kanilang nakasalamuha ay swinab test po namin at pinadala namin sa Tuguegarao agad para ma-check kung positive po sila. Pero lahat po ng 100 plus na swinab test po namin ay negative. So, minanage (manage) na lang po naming, nagkaroon din kami ng lockdown dito po sa Batanes para ho masigurado po. At sa awa ng Diyos ay nakalabas na po sila at okay na po. COVID-free na po kami ngayon, ma’am. At mayroon po kaming 95 sa ngayon na LSIs at saka ROF at nasa quarantine sa iba’t ibang lugar ang quarantine facilities po namin, at sa awa ng Diyos ay wala naman hong mga sintomas ang mga ito.
USEC. IGNACIO: Opo. Napakagandang balita niyan na kayo po ay COVID-free. Pero hanggang kailan po sa tingin ninyo mananatili namang sarado ang Batanes sa turismo?
GOVERNOR CAYCO: Nag-usap po kami last week, two weeks ago ng Task Force Batanes po at pinag-usapan ho namin kung magbubukas na po kami sa turista. Ang sinabi po nila ay okay lang pero importante ho kailangang sundin nila iyong ating protocol. So ang isa sa protocol namin dito ay kailangang 14 days na quarantine bago sila puwedeng makalabas. Iyong mga turistang gustong pumunta dito kapag narinig po nila iyong 14 days quarantine, hindi na po sila tumutuloy. Pero ang sinasabi ko po doon sa meeting namin ay mag-attempt kami by December, titingnan namin kung ano ang sitwasyon sa Manila at saka mga ibang probinsiya para po halimbawa ay humupa na po ang COVID diyan sa Manila at saka sa ibang probinsiya ay pupuwede kaming unti-unting magbubukas na ho dito dahil iyon po ay … marami ho ang affected din dito nitong pandemyang ito, lalo na ho iyong nasa negosyo ng tourism industry po.
USEC. IGNACIO: Opo. Governor, kunin ko na lamang po ang inyong mensahe sa ating mga manunood partikular po sa inyong mga kababayan sa Batanes.
GOVERNOR CAYCO: Sa pangkahalatan, ako ay nagpapasalamat sa Diyos at ligtas po tayo dito sa Batanes. At sana po ay patuloy tayong magdasal na ilayo tayo sa malalakas na bagyo, malalakas na lindol, at COVID po. Iyon po ang aking hinihiling palagi sa mga tao, at manatili po natin sundin ang ating mga guidelines na manatiling naka-mask kahit na COVID-free tayo at i-observe po iyong social distancing po.
Iyon lang po at maraming salamat sa inyo, Usec, at mabuhay po kayo.
USEC. IGNACIO: Okay. Maraming salamat po, Governor Marilou Cayco ng Batanes.
ALJO BENDIJO: At samantala, pag-usapan naman natin ang mga proyekto, plano at mga aktibidad ng pamahalaan na may kinalaman sa pagpapalawak pa ng kaalaman at pangangalaga sa enerhiya. Ngayong umaga po ay makakausap natin si Undersecretary Felix William Fuentebella ng DOE (Department of Energy). Usec., magandang umaga.
DOE USEC. FUENTEBELLA: Magandang umaga po sa inyo, sa ating mga kababayan.
ALJO BENIDJO: Opo. Ano po ang mga programa ng DOE po, sir, na siniguro po nating nagpapatuloy sa kabila ng krisis na nararanasan natin ngayon?
DOE USEC. FUENTEBELLA: Nagpadala na po ang NEA ng mga kaibigan natin, mga kapatid natin na linemen sa Bicol Region. Ito po ang tinatawag nating Task Force Kapatid. Ito po iyong mga volunteers na mga mag-aayos ng mga natumbang poste at magpapa-energize ng ating mga nasalanta ng bagyo na Bicol Region.
So mayroon po tayong mga target sa mga distribution utilities na mga araw kung kailan magkakaroon ng kuryente. Siyempre, unang-una, aside from the distribution utilities, kailangan ma-check natin iyong mga power plants. And Napocor, nag-report po iyong Napocor, dalawa na lang iyong kailangang ayusin para mapaandar na iyong mga planta; pangalawa, iyong NGCP, sa ngayon po, nag-uumpisa na mag-energize ng iba’t ibang bahagi ng Camarines Sur. So iyong NGCP, iyong transmission lines natin, inayos na natin sa Camarines Norte. So nagpapailaw na tayo sa Camarines Norte; sa Camarines Sur naman po, today po. Kahapon ay nagpapailaw na tayo sa Naga, nag-umpisa na papuntang Pili. Iyon po iyong area na may ospital at saka iyong mga government vital facilities at commercial areas para mas mabilis makabangon iyong mga taga-Camarines Sur.
Today po, nagta-try na tayong mag-energize sa area ng Libmanan at ng Tigaon. So CASURECO I, II, III and IV, CASURECO III na lamang po ang tina-target natin, iyong papuntang Iriga by November 10. Ganoon din po, papunta sa Albay, November 10 ay nag-uumpisa na tayong mag-energize. Pero ngayon, sinusubukan natin just this hour, kung puwede tayong magkaroon ng island operation. Ibig sabihin, planta mula sa Albay, magbabato sa Albay ng kuryente by today also. So may portion ng Albay na puwedeng makuryentihan ngayon using the Bacon-Manito Power Plant.
So ibig sabihin, dito po sa grid, nag-uumpisa na tayong magpailaw sa Camarines Norte Electric Cooperative, Camarines Sur Electric Cooperative I, Electric Cooperative II and Electric Cooperative IV. Iyong CASURECO III ay magri-review tayo for November 10. Nag-uumpisa na rin tayo sa Ligao by today, sa Albay. At mayroon tayong island operation na papunta sa Daraga by today. Sa Catanduanes naman po kung saan mas marami ang nasalanta, we are targeting, mag-umpisa ng November 30, na mapailawan na iyong nakapalibot sa Provincial Capitol at iyong mga ospital natin doon, vital facilities.
Pero sabi nga natin, sinabi ni Secretary Cusi na dapat bago mag-Pasko ay mag-100 percent, kaya kailangan natin ng tulong, tulong sa iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan tulad ng pagpapaandar ng communication facilities sa Catanduanes para mas mabilis iyong coordination ng ating mga teams. Pangalawa, iyong clearing ng daan para makapasok iyong ating mga truck at facilities [equipment] doon sa mga aayusin na lugar. Pangatlo, kailangan po talaga ng teamwork natin para sa communication, right of way naman, ayaw natin na nahuhulog iyong buong truck natin kapag papunta at nag-aayos sa Catanduanes.
So there are a lot of things that we have to work on so that we can accomplish our goal na magkailaw po sa Catanduanes, 100%, lalung-lalo na sa vital facilities before Christmas.
ALJO BENIDJO: Opo. Usec., nais daw po ng inyong departamento na magkaroon ng 2.15 bilyong pisong budget para sa taong 2021. Anu-ano pong mga programa ang mga nakapaloob diyan ang talagang binibigyan po ninyo ng prayoridad, Usec?
DOE USEC. FUENTEBELLA: Sa budget ng Department of Energy, ito ay pangalawa sa pinakamaliit na budget, sa aking pagkakaintindi, sa lahat ng mga departamento. Nakatutok ang Department of Energy sa policy making, ibig sabihin gumagawa tayo ng mga polisiya para magkaroon tayo ng pag-develop ng sarili nating enerhiya na malinis at mas makakatulong na magpababa ng presyo ng kuryente.
So these policies ginagawa ng Department of Energy, pero mayroon pa tayong dagdag na budget ‘no sa National Electrification Administration sa pagpapakuryente; sa National Power Corporation, sa pagpapakuryente lalung-lalo na sa mga missionary areas. So ganoon po ang kalakaran. At mayroon pa tayong Energy Regulatory Commission, iyong kapatid natin na regulator sa enerhiya na nangangailangan din po ng pondo para masiguro natin na napuproteksiyunan ang ating mga consumers sa kuryente tungkol sa kanilang koneksiyon at saka sa mga tanong nila tungkol sa presyo na tama ba iyong binabayaran nila. Nagugulat sila minsan nagkakaroon ng bill shock pero kailangan na matugunan ng Energy Regulatory Commission sa dagdag na tao, sa kanilang building para mas maganda ang serbisyo ng buong enerhiya – sektor namin, para sa ating mga kababayan.
BENDIJO: Usec., ano po iyong mga programa ng inyong departamento ang naantala o natigil dahil po sa COVID-19 at ano po ang iyong ginawa? Pag-usapan natin iyong hakbang para hindi pa rin maantala ang maayos na serbisyo ng Department of Energy sa kabila nito.
DOE USEC. FUENTEBELLA: Inutos ni Secretary Cusi na sa umpisa pa lang ng COVID, magkaroon ng business continuity ang ating mga energy service providers.
So, kung napansin natin, dapat 24/7 parating available ang produktong petrolyo, gasoline, diesel, kerosene, LPG sa ating komunidad. Pangalawa, dapat 24/7 iyong kuryente, so kung nagkakaroon ng power interruption ay mabilis dapat na naibabalik. Iyan po ay nagtuloy, walang naantala, dahil naglalabas tayo ng IATF IDs ‘no, ang dami nating inilabas para masiguro na energy services is 24/7 at nagkaroon tayo ng Hotline Bayanihan 24/7 para sa mga reklamo o sa mga koordinasyon na kailangang para maihatid ang serbisyo.
Mayroon mga nag-report sa Department 0f Energy na naaantala iyong kanilang pag-construct, pero pinagpaliwanag kaagad ang Department of Energy ang mga nagku-construct na ito. Dahil sabi natin, we gave you the IATF IDs, wala dapat rason na maantala ito. So pinapahabol natin o nagkakaroon ng catch-up plan, pero mayroon pa ring nagkaroon ng problem dahil sa mga hindi makapagbiyahe, so iyon tinatanggap natin.
Pero kahit na delay sila ay ganoon pa rin, kailangang magsumite ng catch-up plan o paghahabol dahil importante na pagdating ng mga bagong bahay, bagong building, lalung-lalo na lumalaki ang ekonomiya ng Pilipinas ay nandiyan na iyong kuryente, nandiyan na iyong energy facilities na kailangan. So, dapat advanced parati ang energy sector.
BENDIJO: Pag-usapan po natin, USec, itong tinatawag na geothermal development. Ano po ang mga advantages nito, USec?
DOE USEC. FUENTEBELLA: Okay. Ang Pilipinas ay naka-develop ng hydro, ang paggamit ng water; at saka geothermal. Kaya lang ang sinasabi natin, mayroon pang mga geothermal resources sa Pilipinas na puwede pa nating i-maximize dahil ang geothermal ay classified as renewable energy at kaya nitong makapagbigay ng flexible na service sa kuryente. Saka sinasabi natin na kailangan magkaroon ng kompetisyon para mas mapabilis ang pag-develop nito.
So maglalabas ang Department of Energy ng open and public competitive selection para sa mga areas ng geothermal development, para makapaglabanan ang ating mga Filipino corporations at iyong mga foreign corporations na nakapasok sa financial, technical assistance agreement na kailangang aprubahan ng Presidente, para magkaroon tayo ng mas reliable, malinis na source ng kuryente at mababa ang presyo.
So, nandoon iyong mga kombinasyon kung kaya kailangang paigtingin natin iyong kompetisyon sa bansa.
BENDIJO: Kumusta po iyong plano naman, Usec, ng DOE ukol naman sa alternative fuels and energy technology?
DOE USEC. FUENTEBELLA: Patuloy po iyan, tinutulak natin una iyong last na pinirmahan ni Pangulong Duterte, iyong tinatawag na energy efficiency para sabihin na muna sa demand sector na imbes na gumamit ng laptop, gumamit ng cellphone kung kaya rin naman – iyan ang ginagamit ko ngayon para makipag-usap sa inyo. Imbes na desktop eh laptop, mas maganda ang cellphone so 90% ang tipid. So these are ways na kung gamit natin ang mga teknolohiya na mas maliit na gadget, mas maraming nagagawa.
Pangalawa, iyong ilaw na paglipat natin sa Light Emitting Diode or LED. Pangatlo, iyong pag-develop natin ng e-vehicles or electric vehicles na ginagamit ng karamihan ngayon na may COVID na may mga naka-scooter na electricity powered, mayroong sariling lane, so mas magandang ma-develop natin iyong mga fiscal incentive na iyon dahil iyong teknolohiya ay paparating na dito sa atin.
Dinadagdagan pa natin iyan ng mga pag-aaral sa alternative fuel. May pinag-uusapan tungkol sa nuclear; may pinag-uusapan din tungkol sa hydrogen; may pinag-uusapan din tayo sa pag-develop ng ocean technology, pero ito po ay kailangan pa ng maraming development, hindi lamang sa Pilipinas kung hindi sa mundo.
Iyong nuclear naman ay kailangang matapos na iyong national position study na isusumite kay Pangulo under his executive order by December ‘no.
So, mayroon pa tayong mga partnership sa ating mga colleges na ginagawa para sa mga research, pero sa katunayan po nakatutok po talaga sa ngayon ang Department of Energy sa pag-launch ng ating renewable energy programs – kasama dito iyong biomass, iyong geothermal na pinag-uusapan natin, iyong solar na puwede ngang ilagay sa dagat o sa lawa, sa lake through floating solar. Mayroon din tayong hydro-ocean at saka wind, iyong ocean talagang kailangan nating pag-aralan kasi ito iyong puwedeng game changer, pero sa hinaharap pa ito.
Kaya ito ang mg study o pag-aaral na hinihingan natin ng koordinasyon at pakikipagtulungan sa mga international community, iyong pag-develop ng ocean energy para magkaroon ng mas magandang outlook, magandang kinabukasan iyong ating bansa patungkol sa energy independence. Sarili natin at malinis na enerhiya para naman maganda rin ng pagbabalanse natin sa pangangailangan ng malinis na environment.
BENDIJO: Mensahe na lang po Usec., sa taumbayan na nakikinig po ngayon at nanunood.
DOE USEC. FUENTEBELLA: Mga kababayan nararamdaman po ninyo ang Department of Energy pag may kalamidad ‘no, nawawalan tayo ng kuryente or nawawalan ng petrolyong produkto.
Pero nandiyan po ang kaibigan natin sa DOE, lalung-lalo na ngayon nagpapadala tayo ng 1,000 linemen from NGCP, from the electric cooperatives of Regions I, II, III, Region IV-A, Region VI at saka Region VIII papunta sa Bicol Region, tumutulong din iyong Meralco, iyong Visayas Electric Company iyong VECO. So we are all helping para maibalik kaagad iyong kuryente sa mga kababayan natin sa Bicol Region at ganiyan din po kung tinatamaan halimbawa ang Batanes or ibang rehiyon nandiyan po ang Bayanihan kahit po sinasabi natin ang ating mga kababayan bilang Pilipino ay malakas ang loob, sanay sa bugbugan lalung-lalo na sa mga kalamidad and we are always there to have that bayanihan sprit para mabilis tayong makabangon.
BENDIJO: Maraming salamat, Usec. Felix William Fuentebella ng DOE.
DOE USEC. FUENTEBELLA: Maraming salamat po.
USEC. IGNACIO: Update naman po ukol sa pangunahing serbisyong pangkalusugan para sa publiko, makakausap po natin si Undersecretary Rosario Vergeire ng Department of Health. Magandang umaga, USec.
DOH USEC. VERGEIRE: Good morning po. Usec. Rocky.
USEC. IGNACIO: Opo, Usec, unahin ko na po iyong mga tanong mula sa ating mga kasamahan sa media. Tanong po ni Red Mendoza ng Manila Times: Senator Dick Gordon has blamed Department of Health Secretary Duque for allegedly misleading President Duterte after the President called Philippines Red Cross as greedy or mukhang pera. Duque said during the Cabinet meeting that the suspension of PRC testing decreased the reporting of cases nationwide. Nakakaapekto po ba ang testing capacity due to PRC not processing those swab test under PhilHealth?
DOH USEC. VERGEIRE: Kapag tiningnan natin ang ating datos, Usec. Rocky ‘no, ang Philippine Red Cross nag-contribute almost 20% sa testing capacity in the country, dahil marami silang laboratoryo.
So, noong tumigil po ang pagpuproseso ng specimens from the Philippine Red Cross for our OFWs nagkaroon po ng epekto ito sa ating kapasidad para makapag-test. Ngunit pagkatapos ng ilang araw noong nagawa po natin iyong ating rezoning ng ating mga specimen kung saan dinala natin iyong mga specimens ng almost 22,000 OFWs sa iba’t ibang laboratoryo natin bukod sa PRC ay naibalik po natin sa dating kapasidad ang ating mga laboratoryo.
USEC. IGNACIO: Usec, mula pa rin po kay Red Mendoza, ano po ba daw iyong safe na paraan para maisi-celebrate ng bansa ang holiday season na free from COVID. Totoo po ba na hindi ina-advise ng Department of Health iyong videoke dahil isa itong maaring cause ng COVID-19?
DOH USEC. VERGEIRE: Alam ninyo po may lumabas po na artikulo ngayong umaga lang po nakita at nakita dito iyong mga iba’t ibang mga load ng virus na puwedeng ilabas sa mga bawat activity na ginagawa natin. At dito pinakita kapag ikaw ay nagsasalita, kapag ikaw ay humihinga, kapag ikaw ay umuubo at nakita dito sa pag-aaral na ito na kapag ikaw ay kumakanta, dito ang pinakamataas na load ng virus na puwede mong mai-transmit.
So siyempre kapag may mga ganito pong ebidensiya, ang Department of Health po, because we based our recommendations on science and evidence, sinasabi natin ano na hindi muna po natin mairirekomenda na itong videoke ay mabuksan natin. Although siyempre sa mga pami-pamilya lang na hindi naman lumalabas, maaari naman natin iyan payagan. Pero iyon pong mga pangmalawakan, mga party po na magkakaibigan, baka po dapat iwasan muna po natin ito.
USEC. IGNACIO: Opo. Mula naman kay Athena Imperial ng GMA-7: Ayon po sa World Health Organization, pinag-aaralan nila iyong possible mink-related new strains ng novel corona virus. Mayroon din pong reported case sa ibang bansa na mink-related strain ng COVID-19 virus. Bago po ito, may mga na-report na ring kaso ng COVID-19 sa mga pusa at aso. Mag-i-issue po ba ng guidelines ang Department of Health tungkol dito?
DOH USEC. VERGEIRE: Ito naman Usec. Rocky, katulad noong sa aso noong mga unang buwan pa lang ng pandemya ay naibalita na na may nangyari na sa ibang bahagi dito sa Asia at ito naman po ay patuloy na pinag-aaralan. Ito nga po, iyang artikulo tungkol doon sa mink naman na sinasabi, so lahat po iyan ay sinusuri natin. Humahanap po tayo nang sapat na ebidensiya para kung makikita natin talagang may direct link at makakapagbigay ang mga eksperto natin ng kanilang mga rekomendasyon, atin pong ilalagay iyan sa ating protocol. Pero sa ngayon, pinag-aaralan pa ho natin iyan.
USEC. IGNACIO: Opo. Follow up pa rin po ni Athena Imperial ng GMA-7: Given the possibility po na may mga hayop nga na maaaring manghawa ng COVID-19 sa tao, ano po iyong posibleng gawin para maiwasan ito lalo na po maraming Pilipino ang may alagang aso at pusa?
DOH USEC. VERGEIRE: Iyon pa rin naman ho ang ating ia-advice kung sakaling may sapat na ebidensiya nga iyong sinasabing sa hayop mapupunta sa tao. Iyon pa rin po, iyong ating minimum health standards, palagian pa rin ho tayong naka-mask, lagi pa rin ho tayong maghuhugas ng kamay. Iyon naman po ay mga gold standards natin para ma-prevent po natin ang infection.
USEC. IGNACIO: Opo. Tanong pa rin po mula kay Athena: Kailan po mailalabas ang price range at policy ukol sa COVID-19 test at test kits?
DOH USEC. VERGEIRE: Actually ma’am, iyon pong ating implementing guidelines – this is a joint administrative order between DOH and the Department of Trade and Industry – iyon pong implementation arrangements niyan ay napag-usapan na, napagkasunduan ng DOH and DTI at mayroon na ho tayong final draft.
Ang pinagtatrabahuhan ho namin ngayon, simula kahapon and possibly over the weekend, ito pong prices kasi mayroon ho tayong mga survey na nakuha, mayroon din po tayong ginamit na laboratory costing tool na hiniram natin sa WHO at tinitingnan din po natin iyong mga presyo ng mga testing kits para mas maging accurate ang ating estimation. And pagkatapos po niyan, magkakaroon po tayo ng konsultasyon with our stakeholders, so that it can be acceptable to everybody.
So pinag-utos po ni Secretary Duque na dapat early part of the week, next week ay magkaroon na tayo ng issuance regarding this. So pipilitin po natin maigi na makatapos tayo at makapagsagawa ng konsultasyon, maybe Monday or Tuesday para mailabas na po natin agad ang guidelines.
USEC. IGNACIO: Opo. Usec., pinuri po ng World Health Organization o WHO ang programa laban sa polio ng Pilipinas bukod po sa matatag na laban ng gobyerno para po mapigilan at mabawasan ang pagkalat ng COVID-19. Ano po ang mga hakbang na inyong ginagawa upang maisabay ito sa pagsugpo natin sa COVID-19?
DOH USEC. VERGEIRE: Yes, Usec. Rocky. Alam naman po ng ating mga kababayan kung gaano kaimportante ang bakuna para sa mga bata. Alam din po ng ating mga kababayan na ito lang po ang tanging pinakamagaling na preventive method or measure para mapigilan natin ang mga sakit na ito sa ating mga kabataan. Kaya nga po nagpapalabas tayo ng mga iba’t ibang mga impormasyon para po mas ma-engage natin ang komunidad at ang mga nanay para sila ay pumayag na bakunahan ang kanilang anak.
Nagkaroon din po tayo ng mobilization ng ating community kung saan ang local governments po ay tinutulungan tayong maigi para mas makapagbigay po tayo ng bakuna sa mga kabataan in spite of this pandemic. And also most importantly, we have to ensure na iyong amin pong mga healthcare workers ay protected at hindi po sila kailangang mangamba kung sakaling pupunta sila sa komunidad na magbibigay ng bakuna.
USEC. IGNACIO: Opo. Usec., bukod po doon sa pandemyang ating hinaharap, kasalukuyan rin po tayong nakakaranas nang sunud-sunod na bagyo. So paano po sinisiguro ng inyong departamento ang kalusugan ngayon ng publiko lalo po doon sa mga nagtutungo sa evacuation centers?
DOH USEC. VERGEIRE: Yes, Usec. Rocky. Alam ninyo po iyong mga ganitong kalamidad ay madalas namang mangyari sa ating bansa kaya po tayo lahat ay halos sanay na sa mga ganitong pangyayari. Actually it has been over years already na nakapag-establish tayo ng mga disaster risk reduction and management committee sa bawat barangay natin to the lowest level of governance. So ngayon po na talagang may pandemya tapos may mga ganitong pangyayari, sinisiguro po natin ang kaligtasan ng ating mga kababayan. Nagpalabas po tayo ng protocol kung saan dapat masundan ng ating mga local officials kung ano ang gagawin kapag nasa evacuation center.
And very critical po talaga iyong pagmu-monitor, pagsi-symptoms screening at saka iyong pagwi-wear ng PPEs of course of our healthcare workers. Ang amin pong in-emphasize diyan kailangan laging may safety officer sa bawat evacuation center, so that we can ensure na kung sakaling mayroong magkakaroon ng sintomas related to COVID, ma-extract agad at hindi na makapanghawa sa iba.
USEC. IGNACIO: Opo. Usec., ilan po sa inyong mga tauhan sa Bicol Region ang apektado ng matinding pagbaha. Ano po iyong ibinibigay na suporta ng inyong ahensiya sa kanila?
DOH USEC. VERGEIRE: Well, hanggang sa ngayon, amin pa rin pong kinu-consolidate iyong mga apektado na mga DOH officers as well as the local officials din ano, iyong mga local healthcare workers natin na naapektuhan nitong bagyo na ito. Siyempre po, kapag nagbigay tayo ng ating mga assistance sa ating mga komunidad kasama po ang ating mga healthcare workers diyan and of course they are provided with these paid leaves kasi nga po ay sila po ay kung mag-aayos ng kanilang bahay o ‘di kaya ay kailangang bumalik sa bahay from evacuation site. So lahat ng ito po ay binibigay natin ng assistance lalung-lalo na po sa mga tauhan natin sa Department of Health.
USEC. IGNACIO: Opo. Usec., pahabol lang po na tanong. Nagkaroon po ng problema ang Department of Health sa LGUs doon po sa screening na binabanggit ninyo para doon sa mga evacuees kasi kailangan po hiwalay po iyong policy para sa suspect at iyong sa probable cases? Naging maayos po ba ang ipinatupad ng mga LGUs para dito?
DOH USEC. VERGEIRE: Sa ating obserbasyon ano, nakita naman po natin ang organization. It was organized kasi nga po bago dumating pa si Typhoon Rolly mayroon na pong mga designated na mga COVID quarantine areas. So ang kailangan na lang talagang ihanda ng ating mga local governments are the non-COVID na mga evacuation areas and they were able to establish itong mga non-COVID na mga evacuation centers natin. At dito naman makikita natin at nagpapasalamat tayo sa mga local g0vernment na talagang iyong paghahanda ay nandoon. Kung hindi man sila nagkaroon ng istraktura na like a basketball court or iyong kanilang mga eskuwelahan, nakagamit po sila ng mga temporary shelters like tents para naman po mai-house natin iyong mga evacuees natin at maging safe sila.
USEC. IGNACIO: Opo. Nabanggit po ni Secretary Duque na hindi na kinakailangang sumailalim sa testing ang mga responders as long as sila po ay asymptomatic at walang history ng exposure. Gaano po tayo makakasiguro na hindi ito magiging sanhi ng pagkalat ng COVID-19? Ito po bang mga asymptomatic hindi nakakahawa, Usec.?
DOH USEC. VERGEIRE: Ah Usec. Rocky alam naman po ng lahat na ang asymptomatic, na kung sakaling ikaw ay asymptomatic at mayroon kang sakit, makakahawa ka pa rin. Iyan naman po ay may ebidensiya na at talagang katotohanan iyan. Ang sinasabi lang po ni Secretary Duque, katulad sa ginagawa pa rin natin sa ibang mga settings na atin pong pinapatupad itong mga testing and isolation na as long as kayo naman po ay wala kayong exposure sa pagkakaalam ninyo, alam ninyo pong wala kayong sintomas at kayo ay na-screen for symptoms, iyong probabilidad na kayo ay may sakit ay mababang-mababa.
Kaya nga po sabi natin dapat may safety officer, dapat screening will be done regularly, hindi pupuwedeng every other day. Dapat every day at saka dapat within the day nagmu-monitor din po para masigurado natin. Pero ito pong ganitong klaseng proseso ay tanggap naman po at may ebidensiya para diyan at ginagamit po natin iyang protocol na iyan sa ibang settings din.
USEC. IGNACIO: Okay. Maraming salamat po. Ano na lang po ang mensahe ninyo sa publiko, Usec. Vergeire?
USEC. VERGEIRE: Iyon pa rin po ang ating ipapaalala sa ating mga kababayan ‘no, ngayon pong siyempre tag-ulan po at medyo dumadating po ang mga kabagyuhan, sana nga lang po ay sumunod pa rin tayo sa ating mga minimum health standards. Ito lang po ang makakapagsalba sa atin at makakapag-prevent na tayo ay magkakasakit dito as COVID-19.
So sana po ay matulungan ninyo po ang gobyerno. Hindi lang po ang gobyerno ang may responsibilidad para labanan ang sakit na ito; ang bawat indibidwal po, ang bawat Pilipino ay may sariling responsibilidad para tulungan tayo. Gawin lang po na mag-comply sa minimum health standards para lahat po tayo ay maging ligtas sa sakit na ito.
USEC. IGNACIO: Marami pong salamat, Undersecretary Mara Rosario Vergeire ng Department of Health.
USEC. VERGEIRE: Thank you very much po.
ALJO BENDIJO: Samantala, Senator Bong Go nagbigay po ng tulong sa mga biktima ng sunog sa Zamboanga City at Tondo, Manila, gayun din sa isang libong miyembro ng Manibela Group. Narito ang report:
[NEWS REPORTING]
USEC IGNACIO: Samantala, pansamantala munang ipinagpaliban ang Balik Probinsiya, Bagong Pag-asa Program upang bigyan-daan ang Hatid Tulong Program na layon ding mapauwi ang mga kababayan na na-stranded sa Maynila dahil sa umiiral na community quarantine. Para sa iba pang detalye, panoorin po natin ito:
[VTR]
ALJO BENDIJO: Sa puntong ito, dumako tayo sa pinakahuling report mula sa iba’t ibang panig po ng bansa. Makakasama natin si Aaron Bayato mula sa Philippine Broadcasting Service. Aaron?
[NEWS REPORTING]
ALJO BENDIJO: Thank you, Aaron Bayato.
USEC. IGNACIO: Patuloy po tayong magtulungan na masugpo ang COVID-19 sa pamamagitan ng pagsailalim sa COVID-19 test kung kinakailangan, at siyempre katuwang pa rin natin dito ang Philippine Red Cross. Kung nais ninyo pong magpa-swab test sa Red Cross, narito po ang mga hakbang na dapat ninyong gawin:
[VTR]
Samantala, dumako naman tayo sa update kaugnay sa COVID-19 cases sa buong bansa. Base po sa tala ng Department of Health, as of November 6, 2020, naitala ang 2,092 newly reported COVID-19 cases. Ang total number of confirmed cases ngayon ay 391,809. Naitala rin kahapon ang 52 katao na nasawi kaya umabot na sa 7,461 cases ang kabuuang bilang ng COVID-19 deaths sa ating bansa; ngunit patuloy rin naman ang pagdami ng mga nakaka-recover na umakyat na sa 349,974 with 462 new recoveries recorded as of yesterday. Ang kabuuang total ng ating active cases ay 34,374.
Okay, Aljo, sabi ng PAGASA, may mga bagyo pa ring papasok sa bansa so kailangang maging maingat ang lahat, sumunod sa mga ipinatutupad ng ating LGUs. Kasi, I understand, mayroong low pressure area na binabantayan ng PAGASA, at sakaling pumasok na ito sa Philippine Area of Responsibility ay tatawagin itong Tonyo.
So itong mga ganitong buwan, Aljo, napansin mo talagang ito ang mga panahon na talagang nagsusunud-sunod iyong sama ng panahon.
ALJO BENDIJO: Totoo iyan, Usec. Ito na nga, may Bagyong Siony, katatapos lang ng Bagyong Rolly. So ang panawagan natin sa ating mga kababayan ay mag-monitor ng mga impormasyon sa PAGASA, dito sa ating himpilan sa PTV. At mayroon naman tayong araw-araw na pagbabalita at paghahatid ng impormasyon dito sa #LagingHanda sa PTV ganun din sa lahat ng mga social media platforms ng PCOO.
So tungo muna tayo diyan sa Davao, may report si Clodet Loreto. Clodet, maayong adlaw sa imo diha.
[NEWS REPORTING]
ALJO BENDIJO: Daghang salamat, Clodet Loreto.
USEC. IGNACIO: At iyan nga po ang aming mga balitang nakalap namin ngayong araw. Maraming salamat sa mga naglaan ng kani-kanilang oras sa pagbibigay-linaw sa mga impormasyon na mahalagang malaman ng ating mga kababayan.
ALJO BENDIJO: Ang Public Briefing ay hatid sa inyo ng iba’t ibang sangay ng Presidential Communications Operations Office (PCOO) sa pakikipagtulungan ng Department of Health at kaisa ng Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas (KBP).
USEC. IGNACIO: Asahan ninyo ang aming patuloy na pagbibigay-impormasyon kaugnay sa mga updates sa ating paglaban sa COVID-19 pandemic. Maraming salamat din sa Filipino Sign Language Access Team for COVID-19.
ALJO BENDIJO: Samantala, 48 days na lang Pasko na.
Bagama’t patuloy pa rin ang pagharap natin sa krisis na dulot ng COVID-19, lagi nating tandaan na ang pagmamahal at pagtutulungan sa kapwa ay ang tunay na diwa ng Pasko. Maraming salamat, muli, ako po sa Aljo Bendijo. Usec. daghang salamat.
USEC. IGNACIO: Salamat din sa’yo, Aljo. At mula rin sa PCOO, sa ngalan ni PCOO Secretary Martin Andanar, ako po si Usec Rocky Ignacio. Magkita-kita po tayong muli sa Lunes dito lamang sa Public Briefing #LagingHandaPH.
##
Source: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)