SEC. ANDANAR: Magandang umaga sa lahat ng ating mga kababayan na nakatutok sa ating programa, ito po ang Public Briefing #LagingHanda. Ako po ang inyong lingkod, Secretary Martin Andanar mula sa PCOO. Good morning, Usec. Rocky.
USEC. IGNACIO: Good morning, Secretary Martin. Ako naman po si Usec. Rocky Ignacio. Ngayon po ay November 11, 2020, araw ng Miyerkules. Muli ninyo kaming samahan sa panibagong balitaan tungkol sa pinakahuling mainit na balita sa loob at labas ng bansa.
SEC. ANDANAR: Basta’t sama-sama at laging handa, kaya natin ito. Simulan na po natin ang talakayan ngayong umaga sa pagdideklara ng pagkapanalo ni President-elect Joe Biden. Marami sa mga US immigrants ang umaasa na mas mapapadali ang proseso ng kanilang citizenship, gayun din po ang paglawak pa ng oportunidad para naman sa mga skilled foreign workers.
We have on the other line, Philippine Ambassador to the United States – Ambassador Jose Manuel Romualdez. Magandang umaga po sa inyo, Ambassador mula dito sa Pilipinas.
AMB. ROMUALDEZ: Magandang umaga Sec. Martin at Madam Rocky.
SEC. ANDANAR: Mr. Ambassador, sa pagkakapanalo ni President-elect Joe Biden sa US elections just recently, ito ba ay makakabuti para sa Filipino migrant workers at iyong mga immigrant diyan po sa Estados Unidos?
AMB. ROMUALDEZ: Well, sa tingin namin makakabuti pero lagi naman naming minu-monitor iyong mga developments tungkol sa immigration at saka sa mga worker’s visa at lahat. Maraming beses ay nagpapalit naman pero maraming mga members ng US Senate na mga Democrats na nagpu-push na medyo luwagan nila iyong immigration. Pero ang ating image dito sa America ay napakaganda so ang mga Pilipino hindi nahihirapan talaga ‘pag nag-a-apply sila at ang isa lang payo ko talaga ay just to follow the rules para ganoon wala tayong problema ‘no, iyan lang.
Pero sa tingin ko, makakabuti dahil marami sa mga party ni President-elect Biden ay nagpu-push na palitan iyong mga provisions sa mga immigration laws dito sa Amerika.
SEC. ANDANAR: Okay. Mr. Ambassador, nauna nang sinabi ni US Embassy Chargé d’Affaires John Law dito sa Pilipinas na hindi makakaapekto ang resulta ng eleksiyon sa longstanding relationship ng Pilipinas at Amerika. Aniya ay puwede pa ngang mag-flourish o umunlad ito. Do you share the same opinion and why?
AMB. ROMUALDEZ: Well, I think we’ve had a very long relationship with this country so hindi naman nagpapalit iyan. Mayroong mga issues siyempre na lumalabas, very often we have issues like iyong mga human rights, lahat iyan. Pero overall ang relasyon natin dito sa Amerika ay in my opinion is good and I think the CDA law is correct in saying that this will continue to improve. As I said, issues that can easily be resolved but the overall relationship between our countries is very good and will remain so and perhaps even better in the coming years.
SEC. ANDANAR: Base sa mga report, isa daw sa first order of business ni President-elect Biden ay i-reverse at ipawalang-bisa ang ilang immigration policies na ipinatupad ni Trump during his term na para makapag-file for citizenship ang illegal immigrants at dreamers na tinatawag. In your estimate, ilang mga Pilipinong naninirahan po sa Amerika ang makikinabang sa planong ito ni President-elect Biden?
AMB. ROMUALDEZ: Well right now mayroon tayong 350,000 pending cases of deportation. Siguro… maybe quite a number of those can actually—some on appeal at the—iyong mga deportation courts. So posibleng puwedeng ma-extend iyong kanilang stay dito at it is also possible na itong mga changes that might occur during the presidency of President-elect Biden may change many of these things that will affect many of those that are already in that deportation cases ‘no. Pero marami pa rin mga ibang Pilipino na nag-apply rin ng… itong mga DACA at itong [unclear] – lahat iyan sa tingin namin is going to be good also for them ‘no because the indications are the Biden presidency will change many of these things that will be beneficial for many of our Filipinos here in the United States.
SEC. ANDANAR: Okay. Expected din po bang gumaan ang restrictions at requirements sa pag-hire naman ng skilled foreign workers na ipinatupad ni Trump just last October? Posible bang magbukas uli ito nang maraming opportunities para sa mga kababayan natin na makapagtrabaho diyan po sa Amerika?
AMB. ROMUALDEZ: Well sa tingin namin that’s probably going to happen ‘no dahil ang maraming naapekto iyong mga H1 visas, these are skilled workers especially doon sa Silicon Valley, maraming nag-complain na mga kumpanya doon not only mga Filipinos na nagtatrabaho doon pero mostly from India and from other parts of the world na naapekto doon sa change ‘no because the administration of President Trump is always been pushing for jobs for Americans. Pero there are many skilled workers that are very helpful for the economy of the United States so sa tingin namin iyan ay papalit ‘no. It will change and it will probably be again beneficial for many of those skilled that would like to work here in the United States.
SEC. ANDANAR: With this Ambassador ay mag-i-increase daw ng operations ang Philippine Embassy at consular offices natin diyan. Ito po ba ay para sa lahat ng consular services or mainly for the dual citizenship application lang?
AMB. ROMUALDEZ: Right now maraming nag-a-apply ng dual citizenship dahil mayroon tayong ruling ngayon diyan sa Pilipinas which promulgated by our task force, the IATF na kailangan may visa iyong mga citizens ‘no, American citizens kailangang humingi ng visa para ma-control natin iyong mga pumapasok sa atin because of the pandemic.
So maraming Filipinos na hindi sila dual citizens, basta Pilipino ka you’re allowed to come back to the Philippines although you follow certain rules that you’ll be quarantined or take test, so everything that is required ‘no; pero that’s the reason why nagkaroon ng surge of number of applicants for dual citizenship so because of that we had to increase also the workload ‘no.
Alam mo naman malaki pa rin ang infection rate dito sa America so we have to also protect our people in our consulates. So, but we are trying our best to accommodate as many as possible especially for the Christmas season pero we are limited because the dual citizen requirement is also very important, na legally we cannot simply swear them in virtually. They have to come in and be scheduled ‘no. Kung thousands are applying eh medyo puno na iyong mga schedule namin. So we’re working double time. Marami sa mga consulates natin lalo na sa California, they’re opening up even on weekends.
SEC. ANDANAR: Even weekends daw Ambassador ay mag-o-operate na rin po kayo, ito po ba ay may katotohanan? Samantala bukod po sa posibleng changes sa immigration policies sa US, Ambassador, ay malapit na ang Pasko kaya naman expected din talaga ang pagdami ng mga gustong pumunta sa Amerika at umuwi dito sa Pilipinas because of Christmas time. Ano po ang aasahan ng mga kababayan nating planong bumiyahe ngayong magpapasko?
AMB. ROMUALDEZ: Well that’s exactly what we’re trying to do ‘no, to open our consulates even on weekends. Pero like I said, maraming mga restrictions ‘no. For example doon sa LA, nasa building tayo, nasa isang building tayo diyan sa downtown LA and medyo istrikto iyong rules diyan ngayon dahil sa infection rate nga ‘no so hindi puwedeng pumasok nang marami ang masyadong tao, kinu-control nila iyong mga pumapasok diyan.
Pero dito sa Washington D.C., may sarili tayong building for our consular section so we’re open Monday to Friday. Kung kailangan, minsan binubuksan natin even on Saturdays. So iyan ang problema na that we’re trying to balance off para ma-accommodate namin as many as possible na.
Pero alam mo, sa totoo lang, Sec. Martin, we’re trying to discourage people from really moving, kung talagang absolutely necessary lang, dahil konting tiis na lang medyo magnu-normalize na tayo sa tingin ko ‘no dahil nandiyan na iyong vaccine, malapit na tayong magkaroon ng some sense of normalcy. Pero kailangan tiisin lang natin dahil siyempre we have to protect our citizens in the Philippines, maraming umuwi sa atin na mga OFWs na no choice so we had to accommodate them. Pero marami rin siyempre ang nagkasakit ng COVID ‘no.
So, it’s the balancing act na ginagawa natin na we really have to coordinate everything through our task force there and our Department of Health.
SEC. MARTIN: Pumunta naman tayo sa mga katanungan ng ating mga kasamahan sa media, Usec. Rocky.
USEC. IGNACIO: Yes. Good morning, Ambassador. May tanong po tayo mula kay Evelyn Quiroz po ng Pilipino Mirror para sa inyo. Ito po ang tanong niya: The American pharmaceutical company, Pfizer, will ensure supply for the Philippines of its COVID-19 vaccine after it is approved for distribution. According to your report days ago, understandably, Pfizer will prioritize the United States once the vaccine is approved. How long will the Philippines have to wait before we receive the initial production batch?
AMBASSADOR ROMUALDEZ: Right now, ang importante for now we have to approve it, our FDA, our local FDA will have to approve the Pfizer vaccine. So iyan ang number one. Kapag na-approve na iyan, which hopefully will come sooner than soon, dahil ma-approve na dito sa US FDA ang Pfizer vaccines, then we can start talking to Pfizer kung ilan ang mga puwede nilang i-supply sa atin almost immediately. They are trying their best also, siyempre maraming mga bayan na gusto rin nila ng vaccine galing dito sa Amerika.
But we have been given some sort of priority dahil kinausap nga ni Secretary Locsin si Secretary Pompeo maybe three months ago, at humingi ng tulong na kung puwede ay bigyan tayo ng pagkakataon to receive these vaccines coming here from the United States.
Alam mo, kailangan natin ng vaccine from all over. Lahat ng puwedeng mag-supply sa atin dahil we need to vaccinate at least 60% of our population para talagang siguradong iyong pandemic na ito ay titigil na. So that’s our objective. So Pfizer is only one of the many pharmaceutical companies na gusto natin, to be able to purchase these vaccines.
And by the way, we were assured by Pfizer that their pricing for this thing is not going to be what some people are trying to say, it’s going to be very expensive. Dahil they want to make sure that everybody will have an opportunity to get this and they’re trying to give it to countries like the Philippines, allies of the United States, at reasonably priced vaccines. It’s not going to cost it, because it’s volume. Malaki ang kailangan natin so, definitely, it will depend on how many we will be getting for the first batch.
Pero at the end of the day, lahat tayo ay magkakaroon ng pagkakataon to get the vaccines of our choice, kung saan natin gusto – either western or the other that have been approved by our FDA.
SEC. ANDANAR: Lastly, Mr. Ambassador, any reminders or announcements na lang po para sa mga kababayan natin diyan po sa Amerika?
AMBASSADOR ROMUALDEZ: Well, again, gusto ko lang sabihin sa kanila [garbled] at this point in time dahil siyempre hindi pa kontrolado iyong infection rate dito sa Amerika, it’s best really not to be traveling because we have to follow certain rules sa Pilipinas na we are also trying to protect the people who are there. Only if you really need to go home dahil I know that Christmas is a very important time of the year for us, pero this is a different time so, it takes different measures we have to take so that, para protektado tayong lahat.
So I would really encourage them to just hold off their travel until we get to a point where it will be safer for them and also safer for the people in our country.
SEC. ANDANAR: Maraming salamat po sa inyong panahon. Thank you so much for taking our call. Mag-ingat po kayo diyan sa Amerika, Philippine Ambassador to the United States, Ambassador Jose Manuel Romualdez. Mabuhay po kayo.
AMBASSADOR ROMUALDEZ: Maraming salamat, Sec. Martin at saka Usec. Rocky. It’s always nice to see you. And hopefully, I’ll be able to see you there or here soon. Maraming salamat and take care also.
USEC. IGNACIO: Patuloy din ang pag-a-adjust na ginagawa ng mga ahensiya ng ating pamahalaan para masiguro ang tuluy-tuloy na pagsiserbisyo sa ating mga kababayan. At kaugnay po niyan, nag-release ng updated interim guidelines ang Civil Service Commission. Makakausap po natin si Civil Service Commissioner Attorney Aileen Lizada. Good morning po, Commissioner.
CSC COMMISSIONER LIZADA: Good morning po, Usec. Rocky, Secretary Martin at sa lahat po ng mga nanunood at nakikinig. At sa lahat po ng kawani ng gobyerno, magandang umaga po.
USEC. IGNACIO: Opo. Commissioner, naglabas po ulit ang Civil Service Commission ng interim guidelines para po sa alternative work arrangement para po sa government workers. Ano po ang nabago dito from the initial guidelines you issued back in May?
CSC COMMISSIONER LIZADA: Ito pong MC na ito, MC # 18 Series of 2020, ang nabago po dito, number one, covered na po dito ang MGCQ kasi dati po hanggang GCQ lang tayo.
Pangalawa, the alternative work arrangements remained the same, but we modified the staggered working hours which is now work-shifting or flexible working hours. Ano ang ibig sabihin? So puwede hong magkaroon tayo ng several teams para ho mayroon ho tayong parating back-up. Puwede hong may mag-morning na shift and then sa hapon po ay puwede po silang work from home, and vice versa. Ginawa po ito ng CSC because the economy is gradually opening up and IATF has started lessening iyong mga restrictions; mobility has been increased. But we would like to see more government employees working now, going physically to work. But we also have to consider po iyong kanilang safety.
Pangatlo, work from home. Ang work from home po dati kapag 60 years old and above with comorbidities or other health risks, automatic work from home. But this time around, sa lahat ho ng kawani ng gobyerno at sa heads of agencies, if your service or your services are indispensable or office work is permitted, your head of agency may require you to report for work. Iyon ho ang exception natin ngayon.
And paano ho natin mamu-monitor ang mga nagtatrabaho sa bahay? Dati po wala pa ho ito sa unang RIGAWA. Ngayon po sa bagong amended Revised Interim Guidelines on Alternative Work Arrangements, mayroon ho tayong point system. Ano ho ang ibig sabihin ng point system? It depends now doon sa … internal na po ito to the agency. Example, if you are in communication and you are supposed to prepare letters and you are allowed to prepare communications at home, you put in a point system where one letter is equivalent to X number of points. And the point should cover at least forty working hours po, forty working hours for one week. So ang isang letter naman po ay hindi naman po kailangang matapos iyan … hindi naman po extended na half day ang ating working hours na ito ‘no. So when we make a letter, we do not expect you to have half day to finish a letter. So mayroon na po tayong output-based kumbaga, ang ating point system.
And doon sa mga nagwu-work from home na nag-submit, kasi we are receiving concerns galing sa iba’t ibang ahensiya ng gobyerno, marami hong nagsa-submit ng medical certificate para sa work from home. So ating inaayos ngayon po ang work from home, the head of agency, aside from the medical certificate, they may require the employee or official concerned to support it, support the medical certificate with other medical records.
I have conferred with Commissioner Liboro on the aspects of the National Privacy Commission, there is conflict here because the paramount consideration is public service. Iyon po ng work from home, ang sunod na pagkakaiba – wala po tayong overtime pay, there is compensatory overtime credit as well.
And for government agencies under GCQ and MGCQ, kailangan pong i-insure natin that the whole work week is manned, kailangan may tao po in order not to prejudice public service delivery.
Hazard pay still under ECQ and MECQ. We added MECQ, kasi dati ho nakalagay ECQ. We are taking this from the Administrative Order issued by the President na ECQ lang ho dapat ang mayroon and DBM circulars po. So, iyon ho iyong pagbabago dito sa bagong amended revised interim guidelines, Usec. Rocky.
USEC. IGNACIO: Opo, Attorney, pero kapag napatunayan po ng – ito lagi po itong tanong eh – heads of agencies na valid po iyong health concerns ng mga empleyado, automatic ba puwede silang payagang mag work from home po?
CSC COMMISSIONER LIZADA: It is not automatic. The head of agency will determine the need of the service ng empleyado and kinakailangan din po puwede rin pong hingian siya ng other supporting medical records po. Kasi ang iba po, marami na rin talagang ayaw mag-report for work, pero kinakailangan iyong trabaho nila. So that is why we placed this in the amended RIGAWA.
USEC. IGNACIO: Clarification lang po, Commissioner. May choice din po ba ang mga empleyado na puwedeng mag-request to opt for work from home scheme kahit hindi sila considered na vulnerable workers? Kasi kung mayroon silang mga kasama po sa bahay na vulnerable sector kagaya po ng mga comorbidities at above 60 years of age.
CSC COMMISSIONER LIZADA: Sa dati pong RIGAWA, automatic po work from home po sila. But dito po sa amended RIGAWA, this is the general rule: If your service is indispensable or work is allowed, is permitted and discretion is given to the head of agency to approve it and head of agency likewise may request for other documents po.
So it is they may opt, they may ask, but it is not automatic, still with the head of agency.
USEC. IGNACIO: Attorney, para naman daw po sa mga nasa skeletal work force, required pa rin daw po ba silang mag-render ng 40 hours per week, kahit na halimbang naka-four day work week na po sila?
CSC COMMISSIONER LIZADA: Iyong mga nasa skeleton work force, na-four day work week, when you say four day work week unang-una the whole of the agency, the entire agency must remain open; hindi po sila puwedeng Monday to Thursday or Tuesday to Friday. Kailangan the whole week may tao.
So, let’s go to the personnel involved doon po sa skeleton workforce on a four day work week. You do not have to stay sa opisina ninyo na 10 hours, hindi po. Puwede pong combination ito ng skeleton work force and the other—because you cannot also stay sa opisina at this time po na 10 na straight.
So it’s still up to the head of the agency, because puwede pong mag-shifting, puwede po mag four day work week as long as the 40 hours is complied or eight hours a day is complied.
And if you are going to work from home, do as the rest of the hours or shifting hours, kailangan pong may output if you are working from home.
So, hindi po mandated na—kinakailangan pa rin po, we have to comply with the 40 hours and within the four day work week schedule po, Ma’am.
USEC. IGNACIO: Ito marami pa ring nagtatanong nito. Ulitin lang natin: Dapat pa rin daw po bang may hazard pay para sa mga empleyado under the skeleton work force sa ilalim ng GCQ at MGCQ areas?
CSC COMMISSIONER LIZADA: Klaro po iyong sa DBM. We follow DBM guidelines po, wala pong hazard—
General rule sa lahat ng kawani ng gobyerno, the hazard pay will apply during ECQ, MECQ. Pero may mga tao po at may mga ahensiya ng gobyerno na tumatanggap na po ng hazard pay kahit walang pandemya or other government agencies such as iyong mga Magna Carta of Public Health Workers, PNP, tuluy-tuloy po iyong hazard pay nila. So for those who are inquiring whether you have hazard pay under GCQ, MGCQ – wala po.
USEC. IGNACIO: Paano naman daw po iyong transportation arrangement para sa mga empleyado, although ito po ay internal na sa agency. Ano po ang recommendation ng Civil Service, para naman po protektahan iyong welfare ng mga empleyado na araw-araw pong nagku-commute papunta sa kanilang mga trabaho?
CSC COMMISSIONER LIZADA: Salamat sa katanungan na iyan, USec. Rocky.
Right now, we are in touch with Department of Trade and Industry, DOST through PTRI [Philippine Textile Research Institute] and the Philippine Fashion Council (PFC) and some garment or millers sa garment industry.
We are trying to come up with the garment for the government workers, but still we are on the stage po of—we need to protect ang mga empleyado ng gobyerno sa panahon, especially now and next year, because we still do not know kung mayroon na po tayong vaccine.
So ang inaayos po natin is—we are hoping that we will be able to come out with the protective outer wear for government employees and we know that mayroon uniform allowance na binibigay. So, we can put it on top of the uniform and at least from the home to the office or while in the office they can wear it and then as they commute back, still wear it and then when they get back home tatanggalan na po nila. At least iyong inner po nila ay protected sila.
So we are working on the garment hoping that it will pass the test and the functionality standards para ho sa proteksiyon ng mga empleyado, this is especially for those parating nasa field. Ito ho iyong iniisip ng CSC together with the other government agencies, we thank Secretary Lopez for the support and the Secretary of DOST for the support.
USEC. IGNACIO: Attorney, punta naman tayo sa mga tanong ng ating kasama sa media. May tanong po sa inyo si Evelyn Quiroz sa Filipino Mirror: The Civil Service Commission is in the process of shifting to online civil service examinations as well as lowering the passing grade in response to a public clamor. Would that not give rise to the possibility of unqualified people becoming civil servants and generally result in a poor [signal cut]
CSC COMMISSIONER LIZADA: Wala naman po kaming nilalabas na policy on lowering the grades po. But I would like to make clear, even the Supreme Court has lowered on several instances the passing rate para sa bar exams and it does not mean that quality of the lawyers have diminished because of the lowering of the passing rate. Actually mas mataas pa nga iyong passing rate po ng sa bar exams compared to CSC which is lower. But nothing can prevent the—but with the Commission we are also in a position to understand po the trend of the results of the civil service exams.
We have, if I am not mistaken, one or two meetings sa commission po and we have discussed po itong mga concerns na mga ganito. But I’d like to say or I’d like to reiterate is we go along that path if – ‘if’ po ha. ‘If’ we go along that path, it does not mean that we have lesser competent and lesser qualified civil servants based on the technical assistance given to us by some of our consultants po or some of our officials sa CSC.
USEC. IGNACIO: Attorney, punta tayo sa good news naman. Starting November 15 po daw ay dapat na makakatanggap na ng Christmas bonus at cash gift ang mga government employees. Mag-iisyu na rin po ba ang Civil Service Commission ng guidelines tungkol dito?
CSC COMMISSIONER LIZADA: Ang DBM po ang nag-isyu ng guidelines. This is covered by Budget Circular Number 2016-4 updated rules and regulations on the grant of the yearend bonus and cash gift for fiscal year 2016 and years thereafter; so, years thereafter dito po tayo. But ang release po is not earlier than November 15; so, probably November 16 iyong iba’t ibang ahensiya ng gobyerno.
But sa CSC we will not be issuing anything because this relies with the DBM po, hindi po sa amin. But definitely good news for everyone.
USEC. IGNACIO: Commissioner, parting message na lang po sa ating mga civil servants.
COMMISSIONER LIZADA: Inilabas na ho natin iyong amended RIGAWA. We need to have more government officials and employees present. Kailangan din po nating alalayan iyong private sector, kailangan ho nating pagserbisyuhan sila. Rest assured sa CSC po, we are thinking of your welfare, lahat ng mga kawani ng gobyerno, we are thinking of your welfare that’s why we’re even talking to the private sector to help us protect you literally, by garments and uniforms.
So, we will see po where will this lead us but if there is anything or any concern that you would like us to help you with, kung may mga complaints and concerns ang publiko, please let us know po, puwede ninyo ho kaming i-contact sa email@contactcenterngbayan.gov.ph.
Maraming salamat po.
USEC. IGNACIO: Maraming salamat po sa inyong pagpapaunlak, Civil Service Commissioner Atty. Aileen Lizada. Stay safe po, Commissioner.
COMMISSIONER LIZADA: Kayo rin po. Thank you.
SEC. ANDANAR: Noong Lunes ay inanunsiyo ni Presidential Spokesperson Harry Roque ang pagtatalaga kay NCRPO Director Major General Debold Sinas bilang bagong hepe ng Philippine National Police matapos ang short stint ni dating PNP Chief General Camilo Cascolan.
Kumustahin natin ang bagong pinuno ng kapulisan sa bansa, we have on the other line Police General Debold Sinas. Magandang umaga po sa inyo, Chief PNP.
PMAJGEN. SINAS: Thank you very much po, sir. Magandang umaga po sa inyo, Secretary Martin Andanar. Magandang umaga po sa mga viewers and listeners po ng programa natin.
SEC. ANDANAR: Kumusta po ang unang araw ninyo bilang bagong hepe ng Philippine National Police, General Sinas?
P/MAJ.GEN. SINAS: Pagkatapos ho ng turnover kahapon, ngayong umaga naman ay in-install ko po si Police Brigadier General Vic Danao as the Regional Director ng NCRPO kapalit ko po. Siya po ang nailagay ko ngayon at kakatapos din po ng command conference namin. So far, okay naman po iyong unang araw ko po, Secretary at minu-monitor ko po iyong mga insidente at saka mga response dito sa Typhoon Ulysses po at wala pa naman pong major incident na nai-report tungkol diyan sa Typhoon Ulysses, Secretary.
SEC. ANDANAR: General, sa loob ng dalawang buwan ay marami ring mga programa ang naisakatuparan ni dating PNP Chief Camilo Cascolan. Ano naman ang nakalatag ninyong proyekto to maintain peace and order sa buong bansa during and beyond the COVID-19 pandemic?
PMAJGEN. SINAS: Thank you po, sir. Totoo po iyong mga predecessors ko po at saka si General Cascolan may mga programa. Ang gagawin ko po ay titingnan namin kung ano pong magagandang programa ng mga predecessors ko ay ipatutupad ko at ipagpapatuloy po namin.
Kagaya ng laban namin sa COVID-19; iyon iyong operations namin sa illegal drugs; iyong programa at mga mechanisms namin para sa anti-corruption campaign namin na kailangan ipapatupad; iyong anti-terrorism operations; at saka iyong ELCAC implementation po, sir.
Ang sa akin po, sir, kung ano po iyong mga polisiya po namin ay ipapatupad po namin. Hindi ko po masiguro…. mahilig na maggawa ng mga 9-point agenda or 5-point agenda or 7-point agenda, ang sa akin po, sir, ang usapan ko po sa mga opisyales po namin noong umupo ako kahapon ay kung ano po ang mga existing policy ay iyon po dapat ang i-implement natin. Tutukan po namin ang mga polisiya at direktiba na may kinalaman tungkol doon sa direktiba ni Presidente na ipagpatuloy ang laban at paigtingin ang laban kontra illegal na droga.
SEC. ANDANAR: There are observations na hindi daw nasunod ang order of succession sa pagkaka-appoint sa inyo as the new Chief PNP. Alam mo naman, ito ay nangyayari talaga sa iba’t-ibang mga administrasyon, mayroon talagang mga ganitong alingasngas. Supposedly, General Eleazar ang inaasahang papalit kay General Cascolan bilang number two ng PNP. What is your reaction to this, General? Nagkausap na rin po ba kayo ni General Eleazar tungkol po dito?
PMAJGEN. SINAS: Sir, tama. Nag-usap na po kami ng classmate ko. Classmate ko po si General Guillermo Eleazar, sir. Nag-usap na kami, sabay po kaming ipinatawag ni Presidente at hindi ko pa, sir, alam na ako pala i-appoint. Ako po ay sumunod doon lang sa kautusan ng ating Presidente at nang in-appoint niya ay gagawin ko po iyong katungkulan.
As to the kung bakit ako na-appoint, sir, nasa prerogative po iyon ng President at gumagawa lang po ako ng trabaho at katungkulan, sir.
SEC. ANDANAR: Okay. General Sinas, ano po ang inyong mensahe sa ating mga kababayan, sir?
PMAJGEN. SINAS: Secretary, salamat po. Ang mensahe ko po at hinihingi ang tulong na sana patuloy ninyo pong suportahan ang buong kapulisan natin sa bansa. Kami po ay nandito para mag-assist po sa pangangailangan ng mga kababayan natin at ipapangako po namin na gagawin namin nang buong husay at buong tapang ang mga katungkulan namin bilang pulis po.
Nandito lang po kami at mag-assist at kami po ay magtatrabaho at makikipag-cooperate po sa iba’t-ibang grupo lalo na sa local government unit at kung mayroon po kayong maitulong o idulog sa mga pulis ay umasa po kayo na tutugunan po namin iyan, sir.
Maraming salamat po, sir.
SEC. ANDANAR: Mayroon din pong mga katanungan, General Sinas, ang ating mga kasamahan sa media. Please go ahead, Usec. Rocky.
USEC. IGNACIO: Thank you, Secretary Martin. Good morning po, General Sinas. May tanong po tayo mula kay Maricel Halili ng TV5. Ito po ang tanong niya: How will you convince the people that as a PNP chief you will uphold the law if you already violated simple quarantine protocols based on pictures of mañanita posted on social media?
PMAJGEN. SINAS: Thank you, Usec. Rocky Ignacio, ma’am. Ganito po iyon, ma’am, iyong tungkol po sa isyu ng mañanita, ma’am, six months na po iyon, inimbestigahan na po iyon, nandiyan na po iyong kaso sa prosecutors ng Taguig, nasa kanila na po iyon.
Since six months po iyon, ma’am ay ipinatutupad po namin iyong mga batas. Ang mga kasamahan po namin dito sa NCRPO ay maganda po ang performance, maganda po ang ugnayan namin sa publiko at makikita mo na sumunod po kami sa panuntunan. Bahala na po kung ano ang desisyon ng Taguig prosecutor at kami po ay susunod. Ang isyu na iyon po, ma’am ay matagal na at ang pagbibisihan ko ay iyong katungkulan ko po as the new Chief PNP po ma’am.
USEC. IGNACIO: General, tanong pa rin po ni Maricel Halili: What do you want to say po to those who are raising eyebrows because of your appointment? Did the President made the right decision in making you the PNP Chief?
PMAJGEN. SINAS: Ma’am, kung ako ang tatanungin mo – thank you po – ay ako po ay qualified. Marami na po akong dinaanan na positions, naging regional director na po ako ng Police Regional VII, NCRPO, at naging secretary to directorial staff ako, naging director pa ako ng Crime Lab, at dumaan na po ako sa iba’t-ibang positions sa iba’t-ibang region ng Pilipinas. Ako po ay qualified.
Kung sila po ay nagtataasan ng kilay nila, ma’am, opinyon po nila iyon ma’am at patotohanan ko na lang sa kanila later on na ako po ay qualified po maging Chief PNP.
USEC. IGNACIO: General, may tanong pa rin po si MJ Blancaflor of Daily Tribune: Ano po ang instructions na ibinigay sa inyo ni President Duterte during your meeting with him?
PMAJGEN. SINAS: Ma’am, mayroon po siyang instructions. Ang pinakauna po talaga niyang instruction ay ipagpatuloy at paigtingin at lakasan ang kampanya laban sa iligal na droga at dapat talagang gawin namin ang katungkulan namin para mabawasan o mahinto na iyong pagkalat ng mga iligal na droga sa iba’t-ibang parte ng Pilipinas, at pinapaigting niya lalo na iyong mga high value targets at saka high value individuals.
Pangalawa ay iyong corruption po. Ang kuwan ni Presidente ay dapat mabawasan or mawala iyong corruption sa kapulisan. Kaya nga ako, Ma’am, iyong programa ko po sa NCRPO ay tugma po doon sa direktiba ni Presidente at iyon po ay ipapatupad ko.
Unang-una, Ma’am, iyong ‘no take policy,’ istrikto ko po talagang i-implement iyan at very proud po ako sa NCRPO na iyong NCRPO down the line up to the Chief of Police and substation level po ay tumupad po. Ngayon, iyon din ang gagawin ko po dito sa buong kapulisan, no take po kami sa anumang illegal funds from drug lords or illegal drugs, illegal gambling, smuggling or from other sources of illegal funds. Iyan po, Ma’am ay kailangang gawin namin para po iyong police natin ay nakatuon sa trabaho. Para po hindi ma-tempt iyong police natin, iyong mga commanders, iyong mga pondo po ay idiretso na pong ire-release doon po sa mga PCP Commanders, substation commanders at saka station commanders. Kapag sinabi namin na ang pondo, dito sa NCRPO lalabas ng dalawa o tatlong araw ng buwan, iyan po sabay-sabay na ilabas at kung ano po ang pondo para sa kanila ay iyon po ang makarating.
Kasi, Ma’am, ang ginawa ko po sa lahat po ng substations, sa lahat ng PCP at saka police stations, may mga ATMs na po sila, Ma’am, sa Landbank at doon na lang po hinuhulog lahat iyong pondo, para po hindi po dadaan kung saan-saan na matagal pang mai-release, iyon po ay very effective po na ginawa ko rito sa NCRPO at saka lahat ng mga claims ng mga tao namin ay diretso po at pina-follow up po namin para makatulong po sa kanila, Ma’am.
At pangatlo Ma’am, of course iyong sa terrorism at insurgency. May mga programa na po kami sa mga terrorism, Ma’am, at siguraduhin namin na walang mangyari po sa NCR. As to the insurgency, Ma’am, ang kinuwan talaga ng programa namin doon ay ang close coordination namin sa counterparts namin lalo na sa implementation ng EO 70 at saka iyong implementation ng ELCAC. So doon po kami nakipag-ugnayan closely para po ma-stop na po iyong communist insurgency sa bansa po natin, Ma’am. Iyon po iyong kautusan ni Presidente sa akin noong pina-report niya ako bago po ako ma-appoint, Ma’am.
USEC. IGNACIO: General, pasensya na po marami pong tanong para sa inyo, permission to read po. Ito po ang ikalawang tanong: How will you address criticism that you should not be promoted as PNP Chief, because you are facing charges over the mañanita issue, human groups also criticize you due to supposed increase in drug-related killings and police abuses during your stint as the Director of the Central Visayas Police Regional Office?
PNP CHIEF SINAS: Ma’am una, nasa kanila po iyon, Ma’am; karapatan po nila iyon. Hindi ko po sila pipigilan kung mag-criticize po sila. Kung doon po sila maligaya, Ma’am, sige po, Ma’am, hindi ko po sila pipigilan, ako lang po ay magtatrabaho sa aking katungkulan bilang bagong Chief PNP.
As to iyong allegations po Ma’am, matagal na po akong nawala sa PRO 7. Sa Cebu wala po akong kaso doon, kung may kaso po ako, kung may reklamo sila, puwede naman po nilang i-file iyon sa korte natin, sa iba’t ibang ahensiya na nagsu-supervise po sa PNP. At kung tungkol po doon, Ma’am, sa mga alleged human right violations ay wala pong katotohanan iyon, Ma’am, wala po akong kaso doon, kung mayroon man, i-encourage po sila na mag-file sila ng kaso para sasagutin ko po sa tamang venue po. Thank you, Ma’am.
USEC. IGNACIO: Tanong naman po ni Evelyn Quiroz ng Filipino Mirror: With your appointment at least three senior police officials in the PNP hierarchy were bypassed by Presidente Duterte. They are second in command – Lt. General Guillermo Eleazar, Deputy Chief for Administration; Lt. General Hawthorne Binag, the Deputy Chief for operations; and Lt. General Joselito Vera Cruz, Chief of the Directorial Staff. What do you think is the reason why President Duterte chose you over the more senior officers.
PNP CHIEF SINAS: Una, Ma’am, mga kaklase ko po iyong tatlo, si Guillermo Eleazar, si Cesar Binag at saka si Jojo Vera Cruz at ako at magkaklase po kami, Ma’am. So sila lang ay nasa command group.
Pangalawa, hindi ko po alam kung ano ang criteria ng Presidente, ako lang ay nag-present ng aking accomplishments, ng aking leadership style, ng aking mga pamamaraan kung paano i-implement iyong directive ng Presidente, ng directive ng Camp Crame at na kay Presidente na po kung sino po ang pipiliin niya.
At ako po ay nagpapasalamat kay PRRD, sa Presidente natin na ako po ay napili niya at nangako po ako sa kaniya na gagampanan ko ng buong husay at katapangan ang katungkulan ko bilang bagong Chief PNP ng bansa po, Ma’am. Salamat po.
USEC. IGNACIO: May pahabol pong tanong si Joseph Morong ng GMA 7. Address the public criticizing your appointment sa Chief PNP because of the Mañanita incident, does it diminish your credibility to lead the PNP?
PNP CHIEF SINAS: Ma’am, I don’t think so. Kasi sinabi ko nga, six months na iyan. Nandito pa ako sa NCRPO, hindi po namin iyan kinuwan iyong problema ng mañanita, kasi nga naimbestigahan na iyan. Na-explain ko na po ang dapat i-explain, naimbestigahan na ako, nag-imbestiga na sa akin iyong IAS, nandoon na po lahat iyan at ang mga kasamahan ko po rito sa NCRPO ay sumunod po sa kautusan ko. Maganda pa nga po ang mga accomplishments namin, napatupad po namin iyong iba’t ibang polisiya ng community quarantines, marami kaming mga drogang nahuhuli, marami pa kaming mga wanted person nahuli. Ma’am, para maalala ninyo, ang pinaka-most wanted natin na number one na si Mr. Ruben Ecleo Jr. ay nahuli po namin. Ibig sabihin, malaki ang tiwala ng mga tao at suporta sa akin. Salamat po, Ma’am.
USEC. IGNACIO: Last question po mula kay Joseph Morong: What do you think of such actions and if people do a similar activity should they be reprimanded or even charged?
PNP CHIEF SINAS: Kung may violations pa sila, mayroon po tayong mga investigating bodies, sila po ang mag-i-imbestiga at sa kung anong recommendation ng investigating bodies at saka investigating teams iyon po ay susundin po namin, Ma’am.
USEC. IGNACIO: Salamat po, General.
PNP CHIEF SINAS: Thank you po, Ma’am—
SEC. ANDANAR: Maraming salamat po sa inyong panahon, Police General Debold Sinas, PNP Chief.
PNP CHIEF SINAS: Thank you very much at sana palagi ninyong suportahan ang kapulisan po natin.
USEC. IGNACIO: Salamat po.
SEC. ANDANAR: Maraming salamat po at mabuhay po kayo. Congratulations po muli.
USEC. IGNACIO: Samantala Secretary, pag-usapan natin ang ilang update sa mga serbisyong handog ng Government Service Insurance System o GSIS para po sa mga miyembro nito sa gitna pa rin ng COVID-19 pandemic, makakausap po natin ang GSIS Executive Vice President for Corporate Business Sector Atty. Nora Malubay. Good morning po and welcome sa public briefing.
ATTY. MALUBAY: Magandang umaga po Ma’am and Sir. Good morning po.
USEC. IGNACIO: Maaari bang ipaliwanag po ninyo iyong study now, pay later loan ng GSIS. Magkano po iyong maaring mautang, sino po iyong mga qualified at paano po ang payment terms nito?
ATTY. MALUBAY: Opo. Just recently po, mayroon po kaming grinant na GSIS Financial Assistance loan program na education loan which is a study now pay later. Ito po ay ten year program.
Bakit po ten year program? Sa unang apat o limang taon po sa pag-aaral po ng estudyante, iyon pong beneficiary ng isang GSIS member/borrower hanggang third degree of consanguinity or affinity po niya, puwede po siya maximum lang po ng dalawang student beneficiary. Kung ang kinuha po niya is four year course or five year course. So, maximum of five years, mag-aaral po iyong bata, sasagutin po ng GSIS iyong kaniya pong tuition fee and all miscellaneous expenses sa eskuwelahan at ang maximum po ay 100,000 per academic year.
Paano po ang terms nito? Sabi nga natin ten years po ang palugit dito, pagkatapos pong mag-aral ng bata kung four year course po iyan, mayroon pa po siyang waiting period na one year, kasi po on the 6th year, doon pa lamang po mag-uumpisa ang tinatawag nating payment period or pag-uumpisa po ng kaniyang monthly amortization. Ang atin pong interest dito ay 8% payable po 5 years; kaya po tinawag nating ten year program ang ating study now, pay later.
Kagandahan po dito, Madam, mayroon po itong redemption insurance, ibig sabihin po if anything happens doon po sa member-borrower o kaya po doon sa student beneficiary in case of disability or death assumed paid po iyong kaniyang utang. Kung halimbawa po nag-start na tayo ng payment period at up to date naman po ang kaniyang pagbabayad, ia-assume paid po iyan ng ating redemption insurance.
Sino po ba ang mga kwalipikado dito? Dapat po ay active members po natin ay kailangan po ay at least naka-15 years in service po sa government at wala po siyang leave of absence without pay; wala po siyang pending administrative or criminal case; kailangan po updated ang kaniyang mga service loans sa GSIS; at kailangan po, ang pinapatupad po ng ating GAA, kailangan ang net take home pay po niya after considering ito pong loan na ito ay hindi po bababa ng P5,000. At ang kaniya pong agency ay kailangan po ay hindi suspended, ibig sabihin, on time dapat mag-remit ng premiums at loan amortizations na dini-deduct sa suweldo ng mga empleyado, ang kaniyang ahensiya.
Paano po sila mag-a-apply? Puwede pong online through e-GSISMO o kaya naman po ay sa drop boxes natin sa lahat po ng opisina ng GSIS nationwide.
USEC. IGNACIO: Opo. Attorney, linawin lang po natin: Kung sakali pong pumanaw ang isang member o student, ano po ang mangyayari dito?
ATTY. MALUBAY: Halimbawa po ay hindi pa po tapos mag-aral, pumanaw po iyong member – kasi po from the start ay mayroon na po agad redemption insurance coverage iyan – so, wala pong babayaran iyong estudyante o iyong member na na-disabled o namatay. Iyan po ay sasagutin ng insurance coverage, iyon pong tinatawag nating redemption insurance coverage. Lahat po ng ating loans, kailangan pong mayroong ganoon.
USEC. IGNACIO: Tungkol naman po sa GSIS Computer Loan, magkano naman po ang maaaring mahiram? At paano po iyong magiging terms ng loan dito?
ATTY. MALUBAY: Opo. Iyan po ang ating blockbuster loan program po ngayon, marami po kasing naghihintay niyan. Iyong computer loan po na iyan, magkano ho ba ang loanable amount diyan? P30,000 po, enough to purchase iyong laptop or desktop kasi po ngayon po ay maraming nagwu-work from home ‘di po ba. So hindi lamang po iyong member natin ang makikinabang dito, pati po iyong mga anak nila dahil ang pag-aaral po ngayon ay online, so iyan po ang nadinig naming pangangailangan ng ating mga GSIS members.
Magkano po ang interest dito? Six percent po, payable po for three years po.
Paano po sila mag-a-apply? Through e-mail po. Online po tayo e-mail o eGSISMO o kaya po sa mga drop box sa lahat po ng opisina ng GSIS nationwide.
Ang tanong po, sino po ang qualified dito? Permanent employees po, ang niri-require lamang po namin dito na puwedeng makapag-avail nitong GSIS Computer Loan Program. Dapat po mayroon siyang at least three months na nabayaran na premiums. Katulad po ng sinabi ko kanina, noong diniskas [discussed] ko po iyong educational loan program po natin, kailangan po wala siyang pending administrative or criminal case; dapat po up-to-date po siya sa lahat ng mga loans niya sa GSIS lalo na po iyong GSIS Financial Assistance Loan; at ang net take home pay po niya ay dapat hindi bababa po sa 5,000 in compliance with the GAA requirements; wala po dapat siyang leave of absence without pay; at kailangan po iyong kaniyang government agency ay up-to-date sa pagri-remit ng premiums at loan amortizations sa GSIS po.
USEC. IGNACIO: Opo. Attorney, may tanong po iyong ating kasamahan sa media para sa inyo, si Evelyn Quiroz po ng Pilipino Mirror. Ito po iyong tanong niya: The GSIS recently signed an agreement with the City Government of Manila to finally settle a total of 127 million pesos in unpaid premiums of its 15,976 employees, covering January 2012 to June 2019. Why did GSIS allow the City Government of Manila to default on their premiums for almost seven years?
ATTY. MALUBAY: Opo. Ito po ay noon pa namin kinukolekta, noon pa pong previous administrations pero may mga reconciliation pong ginagawa pero hindi po natatapos. Natapos lamang po ito during the time of Mayor of the City of Manila right now, si Mayor Isko Moreno po. So ito po ay inaayos po ni Mayor Isko Moreno kasi po apektado ang benepisyo po ng mga empleyado. So kaya po they entered into a MOA with us and they will pay within a year, iyon pong 126 million na unpaid premiums po [garbled] matagal na. So mayroon naman po kaming partial condonation po ng penalties nito kaya naging 126 million na lang po.
USEC. IGNACIO: Opo. Ano naman daw po iyong GSIS Multipurpose Loan? Paano po daw ang interest nito at paano mag-apply dito?
ATTY. MALUBAY: Opo. Maganda po iyong ating GSIS Multipurpose Loan. Marami na rin pong nag-a-avail nito. Ito pong Multipurpose Loan, iku-conso lahat po ng service loans including iyong existing nating consolidated loans, iyon pong mga different kinds of salary loans natin, iyong mga cash advances natin noong araw at iyong mga luma pa pong mga loan accounts noong araw. Ang mabibenepisyuhan po dito ay iyong mga, halimbawa po ay naging in arrears na o naging due na hindi na po nabayaran kasi po under the Multipurpose Loan, atin pong iku-condone lahat ng penalties. So magiging up to date po ang kaniyang loan accounts kasi kinonsolidate [consolidated] na lang natin into one, okay.
So kagandahan po nito, ang gusto po kasing mangyari ng GSIS, kapag po nag-retire si member ay makuha po niya nang buo iyong kaniya pong retirement benefits or separation benefits. Kasi po, otherwise, kung hindi po tayo magku-condone ng penalties, kung wala tayong multipurpose loan ay idi-deduct po natin lahat iyon sa retirement benefits niya pati po ang penalties. Kawawa naman po iyong ating member eh maliit na lang po ang makukuha.
So ito po ay naisip ng ating board of trustees, ng ating GSIS management. Iku-consolidate natin lahat ang kanilang mga service loans, iyon pong mga in arrears at due and demandable, ibig sabihin hindi na po nakapagbayad, atin pong iku-condone ang penalties so magiging up-to-date po ang kanilang loan accounts.
Ang interest po natin dito ay eight percent, tapos po payable po ito, depende po sa kanilang period with premium payments, from two to seven years. Ganiyan po, depende po sa kaniyang periods with premium payments. Kung minsan po ay mayroon pong, let us say, nasa 25 years na po siya, so mga seven years to pay po iyon. Parang ganoon po iyon.
USEC. IGNACIO: Opo. Attorney, tungkol naman po sa loan moratorium na ipinatutupad sa kasalukuyan ng GSIS, sinu-sino naman daw po iyong sakop nito? At kailan po magri-resume ang bayad sa kanilang mga utang?
ATTY. MALUBAY: Opo. Salamat po sa tanong na iyan, kasi po ito po ay in compliance po sa …nagkaroon po tayo ng Bayanihan I, iyong una po, to Heal as One. Nagkaroon na po tayo ng moratorium doon – March, April, May and June, so apat na buwan po. Ngayon po sa Bayanihan II, to Recover as One naman po iyon, nagkaroon na naman po tayo ng another loan moratorium for two months po, November and December.
Ang pinatupad po natin dito, sa batas po kasi nakalagay doon, 60 days grace period. Pero ito pong loan moratorium, mas maganda po ito kasi po wala po kaming kukolektahin, for example, November and December, ito po iyong last period of loan moratorium na ipinatupad natin. November and December, kinausap na po namin lahat ng ahensiya, huwag po kayong magdi-deduct sa mga suweldo ng ating mga government employees kasi po para wala po kayong iri-remit sa GSIS kasi mahirap po mag-refund, very tedious. So huwag po kayong magdi-deduct sa mga suweldo. So November and December, ibig lamang pong ginawa namin sa loan moratorium, dinifer po namin.
So kung halimbawang may additional two months po na deferral, ibig sabihin po ay idadagdag lang po namin iyan sa remaining term of the loan. Kung ang remaining term of the loan po ay 12 months, plus two, magiging 14 months pa po ang kaniyang remaining term of the loan. Wala po kaming itsa-charge na additional interest, wala po. Iyon pong kaniyang loan amortization for the month of November and for the month of December, iuusad lang po natin, idadagdag po natin doon sa remaining term of the loan.
USEC. IGNACIO: Opo. Attorney, saan daw po maaaring tumawag ang mga member pensioner at iba pang mga tanong sa mga programa ng GSIS?
ATTY. MALUBAY: Opo, mayroon po tayong GSIS contact center, 24/7 po iyan – 847-4747, kung may mga katanungan at may follow up. Ngayon po, puwede naman din pong mag-email ng inyong mga concerns sa gsiscares@gsis.gov.ph. Puwede rin pong bisitahin ang ating GSIS website at ang atin pong Facebook.
USEC. IGNACIO: Okay. Maraming salamat po, EVP Attorney Nora Malubay ng GSIS, mabuhay po kayo. Stay safe, Attorney.
ATTY. MALUBAY: Salamat po. Take care po.
USEC. IGNACIO: Opo. Para po sa karagdagang mga balita: Panukalang maamyendahan ang probisyong lifeline rate o ang Electric Power Industry Reform o EPIRA Act of 2001; umani ng suporta ang pagbuo ng Task Force Rolly na ipinanukala ni Senator Bong Go; ang mga nasalanta ng bagyo sa Catanduanes nakatanggap ng tulong mula kay Senator Bong Go at iba pang mga ahensiya ng gobyerno. Narito ang detalye: [NEWS CLIP]
SEC. ANDANAR: Maraming salamat, John Aroa ng PTV Cebu. Magbabalita naman sa Davao City si Regine Lanuza.
[NEWS REPORTING]
SEC. ANDANAR: Maraming salamat sa iyo, Regine Lanuza.
USEC. IGNACIO: Puntahan natin ang mga balitang nakalap ng ating mga kasamahan mula sa Philippine Broadcasting Service. Ihahatid iyan ni John Mogol. John…
[NEWS REPORTING]
USEC. IGNACIO: Maraming salamat, John Mogol.
SEC. ANDANAR: Samantala, nasa 30,169 na po ang kabuuang bilang ng active cases ng COVID-19 sa bansa, ito ay matapos nitong madagdagan nang 1,347 kahapon, November 10, 2020. Batay sa pinakahuling tala ng Department of Health, 187 ang nadagdag sa bilang ng mga gumaling na umakyat na sa 361,919 habang nasa 7,661 ang mga nasawi na nadagdagan nang labing apat kahapon. Sa kabuuan ay nasa 399,749 na ang bilang ng mga kaso ng COVID-9 sa bansa.
Malaki ang ibinaba sa mga kasong naitala kahapon na umabot lamang sa 1,347. Ito na po ang ikalawang araw nang pagbaba sa COVID-19 cases matapos maitala ang pinakamataas na bilang sa nakalipas na isang linggo noong November 8. Kahapon ay sa Cavite nagmula ang pinakamataas na bilang na may 92 new cases. Nasa ikalawang puwesto ang Lungsod ng Maynila na may 77 na bagong kaso. Ang Quezon City ay nakapagtala rin ng 58 cases. Ang Baguio City ay 55 cases; samantalang ang Laguna naman ay may 52 new COVID-19 cases.
USEC. IGNACIO: Samantala, mula sa 7.3% ay umangat sa 7.5% na total cases ang nananatiling aktibo. Sila po iyong mga hindi pa gumagaling mula sa sakit. Karamihan sa kanila o 83% ay may mild cases lamang. Ang mga walang sintomas o iyong tinatawag po nating asymptomatic ay nasa 9.4%. Ang mga nasa kritikal na kondisyon ay nasa 4.8% samantalang 2.7% naman ang severe.
Ang amin naman pong tip para tuluyang mawakasan itong COVID-19, siguraduhing laging malinis at virus-free ang mga bagay na madalas nating hinahawakan kagaya na lamang ng ating mga door knob, susi at maging ang ating cellphone. Ugaliin po nating tandaan: maging BIDA Solusyon sa COVID-19.
SEC. ANDANAR: Para sa inyong mga katanungan at concerns tungkol sa COVID-19, maari ninyo pong i-dial ang (02) 894-COVID o kaya ay (02) 894-26843. Para naman sa mga PLDT, Smart, Sun at TNT subscribers i-dial ang 1555. Patuloy rin kayong makibalita sa mga pinagkakatiwalaang sources ng information tungkol sa COVID-19, maari ninyong bisitahin ang covid19.gov.ph.
USEC. IGNACIO: Maraming salamat po sa ating mga partner agency para sa kanilang suporta sa ating programa at maging ang Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas o KBP. Salamat din po sa Filipino Sign Language Access Team for COVID-19, mabuhay po kayo.
SEC. ANDANAR: Diyan po nagtatapos ang ating programa sa araw na ito. Ako po ang inyong lingkod, Secretary Martin Andanar ng PCOO.
USEC. IGNACIO: Ako naman po si Usec. Rocky Ignacio. Mga kababayan, 44 days na lang po at Pasko na.
SEC. ANDANAR: Samahan ninyo kami ulit bukas para sa pinakahuling kaganapan sa bansa dito po sa Public Briefing #LagingHandaPH.
###
—
SOURCE: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)