SEC. ROQUE: Magandang umaga Pilipinas! Kahit tayo po ay binabagyo dito sa Metro Manila, magandang umaga po.
MACALMA: Secretary Harry Roque, sir, ang dami na pong mga kababayan natin na ano—apat na lugar na po iyong kailangang i-rescue. Ano kayang magagawa natin, sir, kasi nasa bubungan na po sila ng bahay, Secretary Harry Roque?
SEC. ROQUE: Well, ipaparating po natin iyan sa Coast Guard at sa military. Kung masasabi ninyo kung saan iyang mga lugar na iyan eh magri-request po tayo sa Hukbong Sandatahan at sa Coast Guard na magpadala pati po mga amphibious vessel kung kinakailangan. Saan ho iyang mga lugar na iyan?
MACALMA: Ito po, Provident Village, alam ninyo ito, Secretary Harry Roque, sir?
SEC. ROQUE: Marikina na naman.
MACALMA: Yes.
SEC. ROQUE: Marikina na naman po iyan.
MACALMA: Provident Village, Marikina at saka ito po, sa San Mateo, Rizal – Doña Pepeng Subdivision.
SEC. ROQUE: Okay, San Mateo.
MACALMA: Yes, sir.
SEC. ROQUE: Saan po sa San Mateo?
MACALMA: Doña Pepeng Subdivision, San Mateo.
SEC. ROQUE: Doña Pepeng Subdivision. Ano pa po?
MACALMA: Ito pa po, sa Rodriguez, sa may Kasiglahan Village, Rodriguez, Rizal.
SEC. ROQUE: Kung pupuwede po ipa-text ninyo lang sa inyong producer para ma-forward ko na nang mabilis na panahon at mabigyan ng tulong ang ating mga kababayan ngayon na nasa baha.
MACALMA: Sige sir please, kasi Secretary, sir, kasi may mga sanggol pa, may mga bata pa na nasa bubungan ng bahay, Secretary.
SEC. ROQUE: Opo, sige po. I-text ninyo sa akin nang mapadala ko po agad.
MACALMA: Okay, sir. Maraming salamat, Secretary Harry Roque.
URI: Secretary, kumusta po ang Pangulo ngayon as we speak, sir?
SEC. ROQUE: Well, ASEAN po ngayon, ito po iyong Opening Ceremony sa ASEAN kaya nga po hati ang aking atensiyon – kinakailangan ma-monitor ang nangyayari sa ASEAN at the same time ma-monitor ang nangyayari sa bagyo.
So, ewan ko lang po baka mamaya po magdesisyon na ako na sa NDRRMC na lang siguro ako pupunta dahil halos lahat naman ng Cabinet Members nandoon sa ASEAN. Pero I will let you know po ano.
Ang gusto ko lang po siguro ay kunin kung ano iyong sasabihin ni Presidente sa plenaryo tapos ibalita sa ating taumbayan at pupunta na po ako sa NDRRMC dahil mukhang mas kinakailangan ng tao doon sa NDRRMC. Mag-monitor at kagaya ng hiningi ninyo sa akin, para mayroon tayong command post kung saan pupuwede nating bigyan ng tulong iyong ating mga kababayan.
URI: Saan po nagmo-monitor ang Pangulo ngayong bagyo? Sa Palace po ba?
SEC. ROQUE: Nasa Malago po siya, Malago Clubhouse po, kasi nandoon po iyong video link ng ASEAN ngayon.
URI: Opo… All right. Secretary, maraming salamat po.
SEC. ROQUE: Okay. Maraming salamat po.
###
Source: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)