Press Briefing

Public Briefing #LagingHandaPH hosted by Presidential Communications Operations Office Secretary Martin Andanar and PCOO Undersecretary Rocky Ignacio


Event Public Briefing #LagingHandaPH
Location PTV

SEC. ANDANAR: Magandang umaga, Pilipinas. Mahahalagang balita at impormasyon ang ating pag-uusapan ngayong araw ukol pa rin sa mga hakbang ng pamahalaan para labanan ang COVID-19 at mga epekto ng kalamidad sa ating bansa. Good morning, Rocky.

SEC. ANDANAR: Good morning, Secretary Martin. Kasama pa rin ang iba’t ibang mga kawani ng pamahalaan na handa pong magbigay-tulong at sumagot sa ating mga katanungan sa ating mga kababayan, samahan ninyo kami sa isang makabuluhang talakayan. Ako po si Usec. Rocky Ignacio.

SEC. ANDANAR: At ako po naman si Secretary Martin Andanar, at ito ang Public Briefing #LagingHandaPH.

Upang sumagot sa mga tanong ng bayan, maya-maya lamang ay makakasama natin sa programa sina Senador Richard Gordon, Chairman and CEO of Philippine Red Cross; Senator Sherwin Gatchalian, Chairperson on Senate Committee on Basic Education, Arts and Culture; Mayor Marcelino Teodoro ng Marikina City.

SEC. ANDANAR: Makakasama rin natin sa paghahatid ng ulat ang mga PTV correspondents mula po sa iba’t ibang probinsiya at ang Philippine Broadcasting Service.

Samantala, para naman sa inyong mga katanungan, maaari kayong mag-comment sa live streaming ng ating programa sa PTV Facebook page.

Sa ating unang balita: Mga biktima ng bagyo sa Catanduanes, nakatanggap ng tulong mula sa iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan at sa tanggapan ni Senator Bong Go. Ang detalye, narito po:

[VTR]

Makakausap naman natin ngayon ang Chairperson ng Senate Committee on Basic Education, Arts and Culture, Senator Sherwin Gatchalian. Magandang umaga po.

SENATOR GATCHALIAN: Good morning, Rocky. Good morning, Martin. Magandang umaga.

SEC. ANDANAR: Opo. Senator, marami pong mga issues ukol sa mga modules na ginagamit sa distance learning, hamon pa rin po dito iyong mga epekto pa rin ng ganitong mga kalamidad. Ano po ang mungkahi ninyo para po maisama siguro iyong kalidad ng mga learning materials ng mga estudyante?

SENATOR GATCHALIAN: Oo, talagang naging mas kumplikado ang sitwasyon ngayon, Rocky, dahil dito sa mga bagyong dumadating sa atin. Alam naman po natin na hindi ho lahat ay mayroon pong access sa internet, at karamihan sa ating mga estudyante ay binibigyan ng modules – ito iyong parang libro na ginagamit po ng bata para mag-aral nang sarili. Pero dahil nga sa ganitong bagyo, marami sa ating mga modules ay nasira; iyong mga lumilikas pong mga pamilya ay naiiwanan at hindi na ho nadala po iyong mga modules, at ito ay malaking problema po para sa ating pamilya dahil itong modules na ito ay nakadisenyo para makapag-aral ng sarili po iyong mga bata.

Kaya dalawang bagay po ang ating nakikita dito: Una, Rocky, ay magbigay ulit tayo nang mas maraming modules pa, mag-imprinta at siguraduhin na tuluy-tuloy pa ang pagdi-distribute po nitong mga modules natin sa ating mga estudyante.

At marami akong nakausap na mga mayors, Rocky, sa iba’t ibang parte ng ating bansa, at marami sa kanila, sabi nila, hindi sila nagkaroon ng COVID at zero na iyong kanilang COVID nang matagal na panahon. Kaya isa sa kanilang mungkahi ay payagan silang magkaroon ng purok workshops. Ito iyong mga maliliit na workshops sa purok-purok, at pupunta ang guro doon para magturo sa limitadong bilang ng mga estudyante. For example, sampung estudyante, mag-practice po ng social distancing dahil nga napakahirap po sa isang bata na turuan kung walang modules at iyong ibang mga magulang ho natin ay inaatupag din iyong kanilang kaligtasan. Kaya mas mahalaga po na magkaroon po ng interaksiyon po sa pagitan po ng ating mga estudyante at sa ating mga guro.

SEC. ANDANAR: Opo, totoo po iyan, Senator. Pero sa ngayon pong sunud-sunod ang pag-ulan, gaano po kalaki ang epekto nito lalo na iyong pagdi-deliver po ng mga modules?

SENATOR GATCHALIAN: Oo, mahirap dahil hindi lang po pagdi-deliver ng modules ang inaatupag po ng ating mga guro kung hindi iyong pagmu-monitor, pagtawag. Iyong ibang mga guro natin, alam ko pumupunta pa sa mga bahay-bahay; isang guro, pupunta sa bahay po ng isang bata para maturuan. At karamihan ho dito ay minu-monitor nila gamit po ang cellphone. Pero kung wala pong kuryente at ganitong bumabaha at iyong signal po ay paputul-putol, napakahirap po para sa isang guro na i-monitor at siguraduhin na natututo po iyong ating mga bata.

Kaya itong panahon ay naging mas mahirap para sa pagtuturo, pero ganoon pa man ay pinipilit po ng ating mga guro at punong-guro na ipagpatuloy po iyong pag-aaral dahil ito rin po ay isang bagay para po maibsan po ang kahirapan ng mga estudyante ho natin. Dahil kung sila ay natututo, nag-aaral, iyong kanilang focus ay doon po sa kanilang pag-aaral at mawala po doon sa mga nangyayari po sa paligid po nila.

SEC. ANDANAR: Opo. Senator, mayroon na po ba kayong assessment sa kasalukuyang sistema ng ating edukasyon sa gitna ng pandemya? Siyempre kasama na po iyong ating mga nararanasang sama ng panahon kung magpapatuloy po ito sa mas mahabang panahon? At paano natin masisiguro iyong quality education at competence ng ating mga kabataan?

Senator? Senator, can you hear me? Opo, babalikan na lang po natin si Senator Gatchalian. Nagkaroon po ng problema sa ating linya ng komunikasyon.

Samantala, pansamantala munang ipinagpaliban ang Balik Probinsiya, Bagong Pag-asa Program upang bigyan-daan ang Hatid Tulong Program na layon ding mapauwi ang mga kababayan na na-stranded sa Maynila dahil sa umiiral na community quarantines. Para sa iba pang detalye, panoorin po natin ito:

[VTR]

SEC. ANDANAR: Okay, balikan po natin si Senator Gatchalian. Senator, paumanhin po. Good morning po ulit!

SEN. GATCHALIAN: Pasensiya na medyo putul-putol ang ating connection.

SEC. ANDANAR: Kumusta po ba iyong lagay ng panahon sa inyong area? Kayo po ba ay may kuryente sa kasalukuyan, Senator?

SEN. GATCHALIAN: May parte ho kaming may kuryente, may parteng wala. Marami na rin ho kaming evacuees dahil natakot po sa mabilis na pagtaas po ng mga ilog ho natin. May nabalitaan din po kami na magri-release po ng tubig sa dam kaya nagkasabay po ang high tide, pag-release po ng tubig sa dam at iyong pagbuhos ng ulan. Kaya ho nag-preemptive evacuation na ho kami pero marami pa rin hong mga kababayan ho namin dito sa Valenzuela na patuloy pong lumilikas ng kanilang bahay. Ang pinakamahalaga ho ngayong araw ay masigurado po na lahat po ng mga kailangang ilikas eh mailikas at mabigyan po ng pagkain habang sila po ay nasa evacuation centers.

SEC. ANDANAR: Kumusta naman po iyong mga evacuation centers natin diyan, Senator?

SEN. GATCHALIAN: Okay naman po. Dahil nga naghanda ho kami noong Bagyong Rolly, pero wala naman po kaming malakihang evacuation noong Bagyong Rolly, wala pa hong dalawang linggo iyon kaya marami po sa mga evacuation centers ho natin ay naka-set-up pa.

So, ang kagandahan ho dito, ang ating mga kababayan ay alam na kung ano iyong gagawin kaya ho noong may nabalitaang bagyong papasok ho ay marami hong nag-volunteer na mag-evacuate na para po hindi ho sila matamaan po ng bagyo at iyong biglaang pagtaas po ng tubig. Pero ngayon ho mataas ang tubig ho sa Tullahan at marami ho tayong mga kababayan along Tullahan po ay nagsialisan ho ng kanilang bahay.

SEC. ANDANAR: Opo. Alam po namin na kayo ay isa sa mga magmo-monitor ng sitwasyon diyan pero Senator, balikan ko po iyong unang tanong ko sa inyo bago po tayo maputol. Ito po, may assessment na po ba kayo doon sa kasalukuyang sistema ng ating edukasyon sa gitna ng pandemya at ito nga pong sunod-sunod na sama ng panahon? Kung magpapatuloy po ito sa mas mahabang panahon, paano po natin masisiguro iyong sinasabi nating quality education at competence sa ating mga kabataan?

SEN. GATCHALIAN: Magandang tanong iyan, Rocky. Wala pa tayong formal assessment pero mino-monitor ho namin sa pamamagitan ng interaction with our principals, with our teachers and most of all, our school officials, so doon. Mino-monitor rin namin, nakikipag-usap rin ho kami sa mga magulang natin at lokal na pamahalaan dahil malaki po iyong kanilang papel para masigurado na natututo po iyong bata.

Pero ang pinakamainam ho dito ay magkaroon po ng formal assessment at para makita po kung effective iyong modular o modules na ginagamit ho natin. At sa ilang mga linggo ay magkakaroon na ho tayo ng mga formal assessment at ang DepEd rin po ang maglulunsad ho nitong formal assessment.

At iyon po ay isang bagay po na tatalakayin ho namin sa komite para makita ho natin kung epektibo ho ba itong modules at kung ano iyong mga susunod na hakbang dahil ang ating klase hanggang mid-December lang at magkakaroon ho tayo ng assessment kung ano po iyong magiging hakbang sa susunod na taon.

SEC. ANDANAR: Marami rin, Senator, ang nag-aabang dito sa tinatawag nating Medical Scholarship Bill. Maaari ninyo po bang ipaliwanag ang detalye ng panukalang batas na ito?

SEN. GATCHALIAN: Ito ay napakagandang batas, Rocky at nagpapasalamat po ako kay Senator Joel Villanueva dahil siya po talaga ang nagsulong nitong batas na ito at nagpapasalamat din po ako kay Senate President Tito Sotto dahil ito po iyong kauna-unahang bill na nai-file po sa Senado. Siya po ang pangunahing may-akda nitong batas na ito.

At sa ngayon, Rocky, mayroon tayong malaking pagkukulang pagdating sa doktor. Sabi ng World Health Organization, dapat may ten doctors per ten thousand population pero ngayon, nasa mga three lang tayo per ten thousand population. So, ang ibig sabihin kakailanganin natin almost 80,000 doctors para maabot iyong requirement ng WHO, ng World Health Organization.

At dahil sa malaking kakulangan po ng doktor, kailangan ho natin ng mas marami pang mga—(signal cut)

SEC. ANDANAR: Senator? Nawala na po, naputol na naman sa linya ng ating komunikasyon si Senator.

Senator, naririnig na ninyo po ulit ako? Okay, babalikan po natin ulit si Senator Gatchalian.

At sinabi nga niya na doon sa kanilang lugar, Secretary Andanar, ay iyong ibang area sa Valenzuela may kuryente at ang iba naman po ay wala, so nagkakaroon po ng medyo mahirap na pag-connect po sa linya ng komunikasyon. Pero sinabi nga niya, nananatiling nakatutok ang pamahalaan ng Valenzuela sa kanilang mga lugar kung saan daw po ay nagkakaroon na rin daw po ng pagbaha.

Senator? Kung nakabalik na po sa linya ng komunikasyon?

SEN. GATCHALIAN: Opo.

SEC. ANDANAR: Opo.

SEN. GATCHALIAN: Yes, Rocky. Nasabi ko lang kanina tungkol sa doktor, ano? Kailangan natin ng 80,000 doctors para po maabot natin iyong requirement ng World Health Organizations. At para maabot natin iyan, kailangan mag-offer pa tayo ng maraming scholarships para mahikayat natin ang ating mga kababayan na kumuha ng kursong pang-medisina at maging doktor.

At itong batas na ito ay nag-o-offer ng scholarship sa mga gustong kumuha ng medisina at ang scholarship na ito ay babayaran ng gobyerno ang lahat ng panggastos nang kukuha po ng medisina. So, hindi lang po tuition fee, hindi lang po miscellaneous, kung hindi mga kagamitan nila dahil alam natin ang pagkukuha ng doktor ay hindi simpleng kurso ho iyan, marami pong mga expenses.

Kaya itong batas na ito ay magbibigay po ng scholarship at magbibigay rin po ng insentibo doon sa mga kababayan natin, doon sa mga estudyante na gusto pong kumuha ng medisina. At hopefully, pagtapos ng ilang taon eh maabot na natin iyong pagkukulang natin na 80,000 doctors sa buong Pilipinas.

So, magandang batas ho ito dahil mapapadami ho natin ang doktor sa ating bansa, mahihikayat ho natin ang ating mga kabataan na kumuha ng medisina at higit sa lahat po eh matututukan natin ang pangangailangan nating pangkalusugan ng ating bansa.

SEC. ANDANAR: Senator, iminungkahi po ninyo ang realignment ng P200 billion sa subsidies po mula sa mga GOCCs para gamitin sa pandemic and calamity response ng bansa. So, ano na po iyong status nito at gaano po daw kataas ang posibilidad na maaaprubahan po ito?

SEN. GATCHALIAN: Nakita ho namin na marami pong mga pondo pang natitira sa ating mga GOCCs at kung matatandaan natin, itong mga pondo na ito ay dini-declare as dividends at ibinabalik po ito sa pamahalaang pangnasyonal. Pero dahil nga napakadami pong pangyayari sa ating bansa, bumabagyo na ho, may pandemya, ay gamitin itong mga nalalabing pera sa mga GOCCs na nagkakahalaga po ng 200 billion para magamit ho kaagad ng ating pamahalaan sa ganitong kalamidad.

Ito po ay iminungkahi po natin at mino-monitor ho natin para po sumunod po ang mga GOCCs at ngayon panahon po ng budget, ito po ay isang bagay na tinatalakay ho natin at para po magamit ang mga pondong hindi po nagagamit.

SEC. ANDANAR: Senator, kami po ay nagpapasalamat sa inyong panahon sa pagpapaunlak sa amin. Kung kayo po ay mayroong kailangan diyan sa inyong lugar ay bukas po ang aming programa para sa inyo. Salamat po, Senator Sherwin Gatchalian.

SEN. GATCHALIAN: Maraming salamat, Rocky! Thank you very much.

SEC. ANDANAR: Okay. Salamat po kay Senator Sherwin Gatchalian. At kanina nga, Secretary, nabanggit niya na nagkakaroon na rin ng isinasagawang evacuation sa kanilang mga lugar dahil pa rin po doon sa pagbaha dahil sa Bagyong Ulysses. Secretary Martin?

SEC. ANDANAR: Kailangan talagang tuloy-tuloy ang ating pag-monitor nitong bagyo at epekto nitong Ulysses sapagkat alam naman natin na hindi ibig sabihin na humupa na at humina na ang ulan ay tapos na dahil iyong mga flood-prone areas tulad ng Marikina, tulad ng Rizal ay bumababa pa iyong tubig mula sa bundok at doon tumataas bago ito humupa. So, kailangan nating tutukan ito. Kung mayroon kayong mga reports diyan sa inyo ho at wala kayong ibang mapuntahan, magpadala ng mensahe, ipadala lang po sa Facebook page ng People’s Television (PTV) para malaman po natin at kayo po ay mabigyan kaagad ng saklolo. Ipapasa po namin kaagad sa NDRRMC. At ang aming mga reporter ay nandiyan po sa iba’t-ibang lugar kung saan ay mino-monitor po natin ang tubig baha.

Samantala, alamin natin ang mga programa ng Philippine Red Cross upang tugunan ang mga pangangailangan ng publiko. Makakasama po natin ngayon ang Chairman and CEO ng Philippine Red Cross, Senator Richard Gordon. Not so good morning Senator Dick Gordon.

SEN. GORDON: Yes, a very difficult morning actually. Hanggang kagabi pa wala kaming tulog dahil minu-monitor natin iyan and because kalahati ng puwersa natin nasa Bicol, ngayon kalahati natitira dito sa Luzon ay dinadala natin ngayon sa Maynila at saka sa Central Luzon. And right now maraming baha as you know – sa Montalban, sa Marikina, sa San Mateo – bahang-baha na iyang mga lugar na iyan, and Cavite also, we’re touching that and also in Batangas mayroon na kami ‘no. Nagdi-distribute tayo ng hot meals pero para ngang pinprick lang iyan dahil nahihirapan kami dahil dadalhin iyong mga tao sa evacuation center, kailangan mabigyan kaagad ng hot meals—[LINE CUT]

SEC. ANDANAR: Okay. Nawala po ang signal ni Senator Dick Gordon so, perhaps we can re-establish our communication line with the Senator. Pasensiya na po sa ating mga kababayan dahil paputul-putol po ang ating linya ng komunikasyon, hindi lang po mula kay Senator Dick Gordon, eh kanina kay Senator Sherwin Gatchalian at maging dito sa akin, sa kinaruroonan ko ay hindi rin ho stable ang linya ng komunikasyon. How about you, Rocky, sa area mo?

SEC. ANDANAR: Opo. Secretary, doon sa area ko wala rin akong supply ng kuryente pero dito sa PTV, I think wala rin po pero talagang ginagawa po natin ang lahat para po tayo ay makaganap sa ating tungkulin, makapagpaabot ng serbisyo para sa tao kaugnay pa rin po ng Bagyong Ulysses. Secretary…

SEC. ANDANAR: All right. So habang tayo ay nagmu-monitor, we are broadcasting from different areas, from different places para makasiguro tayo na tayo ay nakaka-broadcast dahil kapag namatay ang ating broadcast station diyan sa iyong area, sa Quezon City, at least mayroon pa tayong Davao kung nasaan si Kat de Castro at ako naman dito sa kinaruroonan ko.

Balikan natin si Senator Richard at tungkol pa rin po sa disaster response. Senator, bukod po sa relief and other humanitarian assistance, ano pa ba ang iba pang tulong na ibinibigay po ng Philippine Red Cross sa mga nasalanta ng Bagyong Rolly [Ulysses] and of course baka mayroon po kayong gustong i-report sa ating mga kababayan?

SEN. GORDON: Right now, ang rescue ang pinagkakaabalahan namin at saka iyong relief sa pagkain – hot meals, at saka ang ginagawa natin ngayon ay talagang pinapadala na namin iyong amphibian doon sa may Marikina at saka sa Montalban, sa San Mateo kung makakapasok, iyan ang problema ngayon. At maglalagay kami ng maraming lubid para pagka may hihilahin, at least nakatali sa baywang para mahila ‘no.

In the meantime, we also have to look at Central Luzon at saka iyong NCR and Southern Luzon chapters, lahat sila ay on the alert. Tinitingnan namin iyang Laguna de Bay dahil alam ko aapaw iyan dahil sa dami ng ulan and of course dahil nagpapakawala na ng tubig dito sa mga dam natin sa Bulacan [garbled] sa baha at kailangan sana bumaba na ang low tide. I understand low tide is at 8:40 this evening. Ganoon rin iyan patungo sa Cagayan at saka sa Isabela, iyan ang iniingatan natin; sa San Mateo naman at doon patungo mamaya. Ewan ko kung nagbago na.

In the meantime, we’re still handling our people over in Catanduanes. Kapapadala lang namin ng mga gamit kahapon pero ngayon eh halos gusto ko nang ibalik iyong iba dahil kailangan tulungan iyong ibang mga tao dito sa Metro Manila and we’re going to try and do that. Sa Manila nagpakain na tayo dito sa may Baseco at iyong mga chapters natin sa Pasay, chapters natin sa Quezon City abalang-abala. Hindi naman kami basta papasok, alam mo naman iyon Martin ‘no, mag-a-assess muna kami dahil baka pagpasok namin hindi na rin makalabas iyong mga tao, hindi natin matutulungan iyong ibang mga kababayan natin.

So continuous ang assessment, continuous ang tulong as we go along and these are some pictures that we have taken. Bahang-baha iyan, I think that is in Montalban or San Mateo, iyan ang mga bahay. Kita ninyo magagandang bahay, walang pinapatawad. Mayroon pang mga taong nasa bubong diyan, kapag nakita ninyo, iyan iyong mga pinapadala na mga Red Cross volunteers natin. Siyempre iyong mga volunteer natin nasasalanta ng baha kaya hindi ko masyadong mapipilit kaya nagdadala kami ng mga volunteers sa ibang lugar. Pero saan ka kukuha, ang Central Luzon nakabantay rin, Southern Luzon nakabantay rin.

Sa Metro Manila, kukuha kami doon sa mga hindi nasasalanta katulad ng Pasay, katulad dito sa Mandaluyong, katulad dito sa Quezon City, diyan kami kumukuha ng mga volunteer na dagdag sapagkat pati mga volunteer namin tinatamaan ng baha.

SEC. ANDANAR: Eh kapag pinapanood po natin sa screen Senator Richard Gordon iyong ating video ng Marikina eh ito po ay napanood na natin dati noong panahong Ondoy, paulit-ulit na lang po itong problema na ito and yet mayroon pong mga solusyon to mitigate, mayroon pong nagsasabi na kailangan ay mag-adapt tayo. Pero Senator, it’s become a vicious cycle. Ano po ang inyong reaksiyon dito?

SEN. GORDON: Bata pa ako mabaha na iyan, baha na iyang Central Luzon. So you really have to come up with the interceptor canals doon sa mga taas at saka iyong mga nakabaradong mga dike diyan sa bandang Bulacan, sa bandang Pampanga, sa bandang Bataan may mga dikeng nagbabara diyan kaya nababaha [garbled]. Sigurado sa Bulacan, lalakad na naman tayo diyan. Pero iyong sa Marikina naubos ang kahoy ng bundok at certainly may mga lugar na diyan na naharangan iyong mga drainage kaya mabilis umakyat ang tubig at saka may mga lugar diyan napakababa katulad ng Provident Village ay palaging kinukuwan.

Iyang nakikita ninyo diyan ngayon ay Masbate ha, iyang pinapakita ko sa Masbate iyan Martin ‘no, at iyan ay mga kuha ng mga tao natin doon at nagbabantay rin tayo doon sa Masbate. So mabuti at hindi masyadong tinamaan itong ibang lugar natin na tinatamaan na ng baha pero ang binabayo rin ay Camarines Norte, Quezon tinatamaan rin iyan. Pero ang mga nababalitaan nating mga baha ay sa Virac mayroon doon na talagang tinutulungan rin natin, iyong capital ng Catanduanes at I’m sure doon sa mga Bato at ibang lugar ay makikita natin—’ayan iyong mga loob ng bahay nila, nakikita ninyo talagang malaking setback sa economic condition ng mga tao iyan at ito ay dapat talaga mabantayan natin.

Ang isang problema natin ay makapagdala ng hot meals, so nakikiusap ako doon sa mga kaibigan nating may restaurant – hindi na kami makakapagluto doon sa hot meals on wheels, dadalhin na lang naming – iyong magluto na lang ng mga maiinit na pagkain o kaya toppings sa kanin kung puwedeng madala, itatakbo na lang natin sa mga evacuation center.

SEC. ANDANAR: Sa dami po ng mga kababayan natin na lumikas dahil sa bagyo, papaano pa po tumutulong ang Philippine Red Cross sa pagsiguro ng kanilang kaligtasan sa mga evacuation centers lalo na sa posibleng pagkalat ng COVID-19?

SEN. GORDON: Well, sa COVID-19 talaga sini-segregate natin iyan. Mayroon tayong mga social services na pinapapunta doon. Hindi ngayon masyadong marami dahil siyempre basang-basa iyong mga tao, pero ang objective namin diyan – ihiwalay. Mabuti marunong iyong Mayor ng Marikina at hindi niya pinupuno iyong mga eskuwela niya kaya humingi sila sa amin ng 6×6 truck. Nagpadala kami kaninang maaga pa ng 6×6 truck para mailipat doon sa ibang mga eskuwela kung saan mailalagay at maihiwalay ang mga tao para hindi sila dikit-dikit.

Magaling si Mayor Marcy diyan eh at natutuwa ako at may mga liderato tayong magagaling diyan at ganoon rin ang Red Cross magpapadala pa ng dagdag na 6×6 truck. Kinuha ko na iyong nasa Subic at humingi ako sa SBMA kung saan mayroon ring 6×6 truck at tinawagan ko iyong mga tao na mga kaibigan natin doon na may mga truck para magamit natin sa pagri-rescue at paglilipat ng mga tao. Sabi mo nga kanina dapat malayo pa! Mukhang nagkulang tayo nang konti diyan ‘no, dapat eh malayo pa mayroon na tayong mga alarma at alam ko may alarma ang NDRRMC pero as usual naghihintay – hindi, hindi tataas iyan – o iyan nangyari ngayon.

Marami na akong nakuhang tawag, walo na nitong nakaraang oras ng mga taong nasa ibabaw na ng bubong o nasa pinakamataas na lugar at iyon ang tatangkain nating mapasok dahil may mga 80-year-old ladies doon na kailangan ilabas ‘no. So it really is very important that we understand how we can help. Siyempre pagkatapos niyan tubig, tapos maglilinis ka ng drainage pero malayo pa tayo diyan, maglilinis tayo ng mga debris. Pero in the meantime, napakahirap pumasok kapag baha, hindi mo alam kung ano mababangga mo sa gitna ng mga baha at kung lumulutang na iyong mga kotse, lumulutang na iyong ibang mga gamit diyan eh talagang makakasagabal iyan doon sa amphibian.

Iyong amphibian namin malaki, hindi makakapasok sa looban kaya nagpadala ako ng mga lubid at rubber boat para iyong rubber boat ang kukuha, hihilahin natin. Iyong mga may rubber boat diyan tawagan ninyo iyong amphibian, ibabato namin iyong lubid para mahila kaagad iyong mga sakay ninyo at makabalik kayo kaagad, makakuha kayo nang marami. Habang binabalik natin ito sa dry land, babalik uli iyong amphibian, kukuha uli ng may bagong mga sakay.

SEC. ANDANAR: Just like what I said Senator Gordon, this has become a vicious cycle. Hindi po ito kaya ng gobyerno lang; kailangan din po ng tulong ng isang Philippine Red Cross, ng LGU at iyong kooperasyon ng ating mga kababayan, kung hindi paulit-ulit na lang po ito Senator Dick ‘no. Sinabi mo nga na for example itong sa Marikina, itong sa Rizal ay dati dinaanan na iyan ng bagyo, dinaanan na ng baha iyan. Ito mayroon pang mga kababayan natin na naghihintay nga, naghihintayan tayong lahat. Ano po ba talaga ang dapat gawin natin para hindi na maulit ito? Would you think that Department of Disaster would help in this? Ano po sa palagay ninyo?

SEC. GORDON: There is really climate change. Kahit na may Department of Disasters ka, ang kailangan diyan, all the mayors, all the people, all the barangays, alamin muna ninyo ano ang kalaban natin, iyan ang tinuturo ko sa disaster – predict! Ano ang kaaway natin dito sa lugar natin, kung mababa tayo, babaha. Kahit anong galing ng gobyerno, kung kayo ay naka-predict na tatamaan tayo ng baha diyan ay malayo pa, nakaalis na kayo. Iyong property mababawi iyan, pero iyong buhay hindi na mababawi – iyon ang unang-una.

Kahit na maglagay ka pa ng pinakamalaking disaster department, hindi magagawa iyan. Kaya ang sinasabi ko, ang tao natin, dapat sa mga eskuwela; at iyong mga barangay, pagkatapos ng ganiyan, mayroon tayong critique. Tawagan natin iyong mga tao at pagsabihan sila tuwi-tuwina kapag panahon na ng disaster, katulad ng mga bagyo, dapat nililinis na iyong mga drainage, pinuputol na iyong mga sanga at tinatabi na para hindi makakaharang. Iyong mga nakakaharang sa kalye, iyong mga basura, iyan dapat inaayos; at saka dapat talaga kinakailangan iyang mga lugar ng Laguna de Bay, ang babaw-babaw na ng Laguna De Bay. It is greed that has caused all these.

Bumabaw ang ilog dahil tapunan ng basura; iyong mga baklad diyan, pinapababaw iyong ilog, kaya iyong assimilative capacity ng Laguna De Bay – ang laki-laki niyan, one of the biggest lakes in the world – dapat kaya iyan, pero hindi makayanan. At dapat kailangan mayroon na silang ginawa diyan na lalabas sa Manila Bay iyong tubig at dapat siguro tingnan uli iyan para lakihan. Mayroon tayong plano diyan, eh dapat balikan natin, sapagkat kung hindi mo gagawin iyan palaging mas malaking damage ang gagastusin ng gobyerno at ang mga tao mamamatay kapag tayo ay nagpabaya diyan.

Ganoon rin iyang Marikina River, dapat diyan ay talagang dini-dredge na talaga at dapat mayroon tayong mga barriers at iyong mga tao na talagang nagba-violate na bina-block iyong drainage ay dapat pagkatapos na pagkatapos niyan ay gibain iyong mga drainage na pinanghaharang, iyan ang mga problema natin.

We have to act as a people with foresight. If we don’t use our foresight, no government is big enough na kakayanin iyan. Nakikita ninyo sa Katrina, noong tamaan ng Katrina ang New Orleans, ang laki ng inayos nila doon. Medyo ngayon nakakabawi ngayon iyan, pero kapag after a while, kapag tuluy-tuloy pa rin at you know iyong climate change, buti wala tayong winter dito, kapag natunaw iyong tubig sa bundok, darating iyan. Iyong mga namatay halimbawa dito sa Guinobatan at ngayon nag-iingat tayo kailangang mag-ingat tayo dahil tabi natin ang Pinatubo, tabi natin ang Mayon, iyong mga may bulkan, iyong Taal, dapat kapag may nakatira sa baba, withdraw na kayo. Iyong mga namatay doon sa Albay, hindi umalis, nagpunta na sa evacuation center tapos bumalik, nalunod sa lahar, nalunod sa tubig ‘no. Kung nasa costal area ka, tabi ka ng ilog, automatic iyan una kang mag-evacuate; huwag mo nang hintayin pa na tatawagin ka pa ng gobyerno.

So, makikita ninyo there was one dead sa Camarines Norte, nakuha sa bubong ng bahay. Can you imagine that, Martin, sa bubong ng bahay nakuha iyong tao? So, makikita mo talagang either masinop ang tao, hindi matigas ang ulo, masunurin tayo at ang gobyerno ay dapat inalis iyong mga nakaharang. Kahit na maglagay ka pa ng maraming pera, maglagay ka ng malaking department, hindi maso-solve iyan. It’s a cultural problem: Is it property or your life? Ang tatanungin ko diyan, is it property or your life? Kailangan talaga nauna kang mag-isip. Ang tawag ko diyan 4Ps: Predict, alamin mo kung ano ang kalaban mo; magplano ka, para kung mag-evacuate ka preparado ka, mayroon kang gamot, mayroon kang gagawin doon sa matatanda na kasama mo. Ginagawa iyan sa buong mundo, pero tayo mukhang nakakalimutan natin palagi.

SEC. ANDANAR: Senator Dick, pagkatapos po nitong Bagyong Rolly, Bagyong Siony, tapos itong Bagyong Ulysses, well, you’ve mentioned earlier about the dredging which really reminded me of the dredging project that we used to have tapos na-rescind iyong proyekto na iyon—

SEC. GORDON: Alam mo, huwag tayong matakot kasi palaging may kontra diyan eh. Kailangan ipaliwanag ng gobyerno, kapag drinedge mo iyan, unang-una, iyang Laguna De Bay, hirap na hirap tayo sa tubig, kapag drinedge mo iyan, pinalalim mo iyan, then it can become a tourism area, di ba? At kung wala ka ng nilalagay ng kung anu-ano, then it’s a catchment basin na talagang mailalabas kaagad iyong tubig dahil malalalim na at mailalabas sa dagat iyong paglabas ng tubig. And then of course araw-araw iyan, tuwi-tuwina, hindi iyong task force lang na mentality, ngayon lang natin gagawin.

Dapat nagtatanim tayo diyan sa Sierra Madre. We can put all kinds of fruit trees, bananas, iyong mga kakapit sa roots na mabilis, para hindi tayo masasalanta ng mga bagyo because nakakatigil iyan. Doon sa mga tabi ng shoreline, mangroves, swamps. Akalaing mo noong nagpunta ako kamakailan doon sa Catanduanes pagkatapos na pagkatapos ng tama doon, nandoon ako, ang daming alimango na pinagkakakitaan pa ng tao. At gusto ko nga pagpunta ng barko namin diyan, bibilhin namin iyong alimango at a market rate para makabawi kaagad iyong tao – pipilitin ko kung magagawa ko iyan – at dadalhin ko kaagad sa Albay, ibibenta na natin kaagad diyan. Ang tawag ko diyan crabs of hope.

Marami tayong magagawa eh. Katulad ng abaca, dapat magtutulung-tulong tayo diyan, matulungan natin iyong mga kababayan natin sa Catanduanes. It takes three years para mabuhay uli iyong abaca, dapat mag-a-adopt tayo ng family na may abaca, magtulung-tulong iyong mga may kaya at maiayos natin iyan.

Ganoon na naman dito, galing na ako diyan, alam mo ilang beses na akong nanggagaling sa Marikina, walang magaling diyan. Kahit na masinop si Mayor, kung ang tao ay matigas ang ulo, tapos ang boxing; maraming masasalanta lalo.

SEC. ANDANAR: Senator Dick Gordon, tayo po ay dumako naman sa aking partner, kay Usec. Rocky Ignacio baka mayroon siyang mga katanungan para sa inyo. Usec. Rocky, please go ahead.

SEC. ANDANAR: Magandang umaga po sa inyo. Bilang Chairman po at CEO ng PRC, ano po ba iyong mga strategy ninyo upang mapagsabay-sabay iyong pagbibigay hatid tulong po sa ating mga kababayan dahil alam po natin na talagang grabe po iyong challenge ng COVID-19 at dumarating pa rin po itong mga bagyo?

SEC. GORDON: Biro mo, Rocky ‘no tatlo ang kalaban mo ngayon – COVID-19, ilang bagyo iyong pumasok, major bagyo. Iyong bagyong ito ngayon, itong Ulysses; iyong dating bagyo, Rolly; mayroon pang Siony, Tonyo. Ibig sabihin, may papasok pa iyan next month, November, December maraming papasok iyan, January. Natatandaan ninyo iyong Sendong, iyong Frank tumama iyan mga ganiyang panahon.

So ibig sabihin, ano ang strategy natin? Simple lang ang strategy ng Red Cross: We are always prepared, volunteers. Marami tayong volunteers, sumama kayo para makatulong kayo. Libreng-libre ang volunteer na tumulong, magkakaroon kayo ng short work. Mayroon tayong logistics, kaya mayroon tayong mga truck. Iniipon ko iyan at dinadala natin iyong mga amphibian – pinagtatawanan pa ako noong araw. Mayroon tayong mga payloader. Kagabi pumuputok ang ulo ko dahil iyong nasa Vizcaya nalaman ko sira pala iyong payloader, ang daming nakagalitan. So, iyon ang kailangan naasikaso natin, sasabihin sa iyo okay, iyon pala hindi okay. Hindi rin kami perfect.

The other thing that we want to do is ito: We always go to the most vulnerable. I would advise the government, kapag nagbigay tayo iyon talagang nasalanta, iyong talagang gipit, iyong talagang walang tatay/nanay, biyuda, tapos ang kaniyang pamilya siyam o kaya mayroong persons with disabilities o kaya pag-evacuate iyong mga buntis. O kaya dapat tingnan natin iyong talagang pinakahirap.

Pagkatapos nang mabigay natin iyan, bigyan na natin lahat. Eh ang nangyayari kapag nag-agawan, tapos na! Kaya kami, kung nakikita ninyo ang ginagawa namin, mayroong beneficiary card. Sinurvey muna iyon, at kapag magbibigay kami ay ipapakita natin iyon. At ang unang ginagawa namin kaagad, tubig, marami kaming water tanker, may bladder, iyan, umaandar iyan. At mga bumbero para malinis ang daan, at payloader para ma-clear iyong daan; tutulungan namin ang DPWH. At kailangan kapag umandar iyan ay talagang dapat mayroon kang hot meals sapagka’t siyempre nalalamigan ang tao, comfort iyan eh kapag kumain ang tao, nakainom ng mainit na sabaw … ayan. Tapos hahanapin mo kung saan pa ang vulnerable. Iyong naipit sa pantalan, kailangan tutulungan mo iyan, hindi makauwi ‘di ba.

Katulad noon isang araw, tumigil ang LRT, MRT, nagpadala kami ng truck para isakay ang mga stranded. So hinahanap natin kung saan talaga iyong kulang at walang makatulong para talagang mabibigyan natin ng sapat na tulong. At iyong mga pregnant, iyong mga single family, iyong mga parents na nag-iisa lang – single parents – iyan tutulungan natin iyan dahil siyempre ang hirap niyan. At saka gusto natin kaagad makapagluto kaagad eh hindi naman makakapagluto iyan kaya nagha-hot meal. Kaya bibigyan natin iyong madaling buksan na pagkain. Halimbawa, mayroon kami dati iyong sa CDO, bubuksan nila iyan, puwede nilang kainin iyan. Pero ngayon dahil mahirap magluto, ilan lang ang magagawa namin diyan. Gagawa kami ng mainit na kanin, lalagyan ng toppings, gulay at saka konting meat, ayun – tira na! Talagang may laman ang tiyan ng mga tao. Pero hindi namin magagawa lahat iyan.

I’m sure the government is doing a fine job themselves. Ginagawa rin nila iyan. Pero kailangan magtulung-tulong tayo. At saka dapat nagku-compare notes tayo kapag lumalakad tayo, alam namin kung saan naroon. Kaya ang mga tao namin sa mga evacuation center, iyong mga sinasagip namin, tinitingnan kung ano ang ginagawa ng ibang kasama natin na nagsasagip o tumutulong para hindi mao-over serve iyong mga tao. Kailangan mayroon kami palaging lecture na sinasabi sa mga tao namin, ano ang overserved? Ano ang underserved? Ano ang not served para talaga mabigyan natin? Eh tayo kasi ang ugali natin, bigay kaagad; kahit sino bibigyan mo kaya nagkakagulo. Hindi dapat bigyan, nabibigyan; may mga kaya na, nakapila pa.

SEC. ANDANAR: Opo. Senator, balik ko po muna kay Secretary Martin. Secretary Martin?

SEC. ANDANAR: Yes, thank you so much, Usec. Rocky. Senator Dick Gordon, alam ko paulit-ulit na lamang po itong tanong natin pero mahalaga pong malaman ng ating mga kababayan kung saan po sila puwedeng kumontak as far as Red Cross is concerned? Kasi kung hindi na po nila makontak iyong iba pang mga emergency lines, eh baka puwede ninyo pong ulitin iyong inyong mga contact numbers or contact social media pages.

SENATOR GORDON: Ang number namin is madaling-madali lang, pinakamadali. Pero huwag kayong tatawag—kung minsan may nanloloko pa eh: 143 – I love you. May sasagot doon kaagad. Mayroon din kami diyan 87290000, kung hindi ako nagkakamali. Pinatitingnan ko ngayon para malaman natin.

Mayroon din tayong 0917-8247285, diyan sa Globe. At mayroon din tayong 8790—nagkamali ako kanina, 8790–2300 sa landline. Paki-crawler na lang ninyo iyan, Martin, kung puwede. Pero ako ang magbibigay ng paumanhin, hindi lahat maaasikaso iyan ngayon kaya … punung-puno kami ngayon kaya punung-puno kami ngayon kaya mobilized lahat ng chapters at mananatili ditto, magpapakuha pa ako ng tao sa Visayas, iyong mga batikan naming mga tao doon sa Visayas at saka sa Mindanao, ipapadala ko dito dahil talagang we are under siege. Talagang napapaligiran tayo ng maraming kalaban na nature and we need more people to help us. Binuksan ko nga iyong third floor at fourth floor namin na puwedeng matulog iyong mga napuyat kagabi at mayroon kaming konting kitchen doon na ilalagay para sa ganoon ay makakapahinga, makakatulog at habang pinapalitan sila ng ibang volunteer natin.

SEC. ANDANAR: Senator Dick, bukas din po ba ang inyong tanggapan para sa mga good Samaritans natin na gusto pong magpaabot ng tulong dito po sa Metro Manila at sa ibang lugar sa Pilipinas?

SENATOR GORDON: Sa buong mundo, bukas iyan. You can do PayPal. You can do, iyong mga numbers ng mga bangko, puwede ninyong ipadala – hinahanap lang ng mga EA ko sandali at nagkakatarantahan dito. Ilalabas na natin, ayan, ang bank donations ay puwede ninyong ipadala sa Peso Savings – medyo mahirap ito kaya kailangan siguro ilagay sa crawler – 004530190938 BDO. Dollars Savings – 10453[garbled]482, may [garbled] code iyan [garbled]. Sa totoo lang, hindi masyadong marami ang dumarating pero okay lang. Kung may makukuha, kahit araw-araw makakuha okay lang iyan.

Sa Metrobank, mayroon din tayo Peso Savings – 15171515424342. I would suggest I will just text it to you para maipakita ninyo sa crawler ninyo. At siguro kaya hindi masyadong marami ang nagbibigay dahil hindi natin [garbled]. Puwede rin donations in kind, at sa in kind puwede ninyong ipadala sa Philippine Red Cross Tower 37 EDSA. Kitang-kita iyong tower natin, kuwan na iyan eh, landmark na iyan – 37 EDSA corner Boni Avenue, Mandaluyong City, at may mga sasalubong sa inyo doon na kukuha ng mga ibibigay ninyo. Kung magbibigay kayo, huwag naman na iyong butas-butas. Itira ninyo naman iyong matino para hindi naman—iyong ibibigay ninyo ay iyong nagkakasakit sa inyo hindi iyong ibinibigay ninyo dahil para masabing nagbigay kayo. Nangangantiyaw lang ako sapagka’t alam ninyo iaayos pa namin iyan eh. Gagawin namin small, medium, large. Eh kung ibibigay ninyo iyong mga butas-butas, gagawin naming trapo iyan, ipapagawa namin para panghanapbuhay. Ginagawa namin sa Payatas iyan, binibigay namin iyan para ginagawa nilang panlinis, carpet, o kaya rugs ‘no, ginagawa iyan.

SEC. ANDANAR: Senator Dick Gordon, para lang po sa mga staff ninyo na pakibigay na lang po sa studio namin iyong mga bank accounts, kasama po iyong inyong hotline numbers, and of course iyong address po ng Philippine Red Cross diyan sa EDSA. Ano po ang inyong mensahe para sa ating mga kababayan before we let you go, Senator Dick?

SENATOR GORDON: Una, naipadala namin, Martin, sa inyo iyong ating numbers – nandiyan na sa inyo iyan. At ako, ang pinupuri ko iyong volunteers namin dahil talagang [garbled] volunteer, wala namang sinusuweldo iyong mga iyan eh. Kumbaga lang [garbled], may konting kain ‘no, may konting pamasahe at binibigyan natin ng konting insurance kapag going to harm’s way. Ang staff namin, walang tulog. Biro mo sunud-sunod iyan. Pitong buwan na itong COVID, lahat nagtatrabaho at ganoon rin. I cannot say enough for the staff and volunteers.

And I will tell you something, puring-puri ng buong mundo ng Red Cross sa lahat ng Red Cross societies pati secretary general at chairman ng Red Cross, puring-puri ang mga volunteers and staff ng Red Cross. May maganda akong puwedeng ibalita sa inyo, ayaw ko po sanang sabihin pero mamaya na kapag dumating. May tutulong sa atin na dati ko ng kaibigan. At alam mo maganda rin iyong may personal relationship ka sa Middle East, may malaking itutulong. Ayaw ko lang ibigay baka mamaya mabawasan pa, para sigurado makita nila. Pero palagay ko dadagdag pa iyan sa nakikita nila ngayon.

I’ll tell you, mga kababayan, karamihan ng mga tumutulong sa atin ay mga international Red Cross. Kaya kung minsan alam mo, Martin, nakakasakit din eh. Sasabihin international volunteer organization kami, bakit kami maniningil doon sa—hindi namin trabaho iyong [garbled] tinulungan lang, lumapit lang sa amin ang mga kaibigan natin at maraming mabubuting tao sa gobyerno na talagang inuna nila na magawa natin kaagad iyang COVID. Pero siyempre, papalitan natin iyong mga binibili natin sa China, iyong mga reagents – hindi mura iyan. Kung hindi papalitan iyan, eh di titigil. Hindi naman namin gustong tumigil. Kaya lang dapat talaga tumulong lahat. Wala naman akong sinisisi, wala naman akong [garbled]. Kung wala na, hanggang diyan na lang, eh wala na tayong magagawa. We cannot give what we do not have. But we will give up to the bottom—sabi nga ng mga nakukuha kong kasabihan sa mga taong tinutulungan ko, kapag taob na ang kaldero, andiyan ang Red Cross, tutulungan pa rin kayo. Kapag taob na ang kaldero, ang Red Cross tutulungan pa kayo niyan. Thank you.

SEC. ANDANAR: Maraming salamat po sa inyong oras, Senator Richard Gordon. Mabuhay po kayo at mag-ingat po.

[COMMERCIAL BREAK]

SEC. ANDANAR: Para naman makibalita sa kasalukuyang sitwasyon sa Marikina City, puntahan natin si PTV correspondent Mela Lesmoras. Mela?

[NEWS REPORT]

SEC. ANDANAR: Yes. Maraming salamat, Mela Lesmoras. Mag-iingat kayo diyan.

Samantala, suspendido ang trabaho sa Senado ngayong araw bunsod ng Bagyong Ulysses, ito ay matapos magkaroon ng power outage at magkaproblema sa internet at phone connections sa Senado. Dahil dito nagpasya si Senate President Vicente Sotto III na ipagpaliban ang sesyon ngayong araw at ipagpatuloy na lamang ito alas-diez nang umaga sa Lunes, November 16.

Samantala, nananawagan ng tulong ang mga residente ng Montalban, Rizal pati na rin ang Marigold Subdivision, Salina Estrella, San Jose Subdivision sa Rodriguez, Rizal. Ayon po sa mga Facebook posts ng mga residente sa naturang lalawigan, karamihan po sa mga residente doon ay nasa bubong na dahil sa pagtaas ng tubig-baha dahil sa patuloy na pag-ulan dulot ng Bagyong Ulysses. Ang mga litrato pong inyong nakikita sa inyong TV screen ay padala po iyan ng mga residente ng Lalawigan ng Rizal para po manawagang ma-rescue sila.

Yes, napakahalaga, Secretary Martin, na makita ng ating mga namumuno sa pamahalaan iyon pong sitwasyon ng ating mga kababayan sa Lalawigan ng Rizal.

SEC. ANDANAR: Iyan ang rason, Usec. Rocky, kaya tayo ay nasa Laging Handa emergency broadcast marathon mula kagabi pa at ating in-activate iyong ating integrated news desk na kasama sa pangunguna ng PTV, nandiyan din po ang Philippine Broadcasting Service, nandiyan iyong Philippine News Agency, Philippine Information Agency, Bureau of Communications, RTVM para ma-cover talaga itong epekto ng Bagyong Ulysses at mapanood din ng ating mga kababayan kung ano talaga iyong nangyayari on the ground para tingnan po natin kung ano iyong mga efforts na puwedeng gawin, hindi lang ng mga kababayan natin, kung hindi maging ang pamahalaan pati iyong mga private sector na gustong tumulong, iyong mga nakakaangat sa buhay na puwedeng magbigay ng lending hand sa ating mga kababayang naghihirap.

Nandiyan po ang ating government agencies – sa DSWD naka-preposition sila, NDRRMC, Office of the Civil Defense. lahat po ng ahensiya ng gobyerno ay nakaalerto, naka-emergency, laging handa operations, Rocky.

SEC. ANDANAR: Opo. Secretary Andanar, sana tayo ay makalipat dito sa ating NDRRMC kung saan nandoon po iyong ating mga opisyal ng pamahalaan na patuloy pong nakatutok sa sitwasyon ng bagyo.

Samantala, bigyang-daan natin iyon ibang balita. Dagdag allowance at hazard pay para sa mga health workers at iba pang medical frontliners isinusulong ni Senator Bong Go; at COVID-19 vaccine kailangang pag-aralang mabuti upang masiguro ang kaligtasan at pagiging epektibo nito. Narito po ang detalye: [NEWS CLIP]

SEC. ANDANAR: Samantala, ating makakapanayam naman si DILG Secretary Eduardo Año na nasa NDRRMC ngayon, diyan sa Kampo Aguinaldo. Magandang umaga po sa inyo, Sec. Ed

DILG SEC. AÑO: Magandang umaga naman, Sec. Martin. Magandang umaga sa ating tagpakinig at mga manunood din. Usec. Rocky, magandang umaga.

SEC. ANDANAR: Kumusta po ang ating monitoring ngayon sa mga local government units, Sec. Ed?

SEC. AÑO: First of all, nagkaroon tayo ng emergency meeting dito sa NDRRMC kasama iyong mga iba’t-ibang mga taga-OCD at mga kasamahan natin sa NDRRMC dito sa Camp Aguinaldo at kasama din si Chairman Danny Lim.

At nakita talaga natin ngayon ay busy tayo sa search ang rescue operations dahil sa dulot na baha nitong bagyo at ang pinakatinamaan nang husto – kung dito sa Greater Manila Area – NCR, ang Montalban, ang San Mateo, ang Cainta. At ang pinakamalaking baha ngayon ay ang Marikina.

SEC. ANDANAR: Secretary Ed Año, sir, ano po iyong tulong na ipinapahatid natin sa ating mga LGU na tinamaan po ng Bagyong Ulysses?

SEC. AÑO: Unang-una dapat ay ma-rescue natin iyong mga na-stranded na mga over flooded areas. Ang ibang kababayan natin ay nasa bubong, so lahat ng mga assets mula sa Philippine National Police, Armed Forces of the Philippines, Philippine Coast Guard, Bureau of Fire Protection, sila lahat ay ididispatsa at idi-deploy dito sa mga areas na ito at ang mamamahala ditto, of course, ay ang ating MMDA at ang ating JTF-NCR under kay General Teofilo para iisang command tayo.

At ang priority natin ay mailigtas iyong mga kababayan natin. So, iyong mga kababayan natin na na-stranded, iyong mga nasa bubong, huwag kayong mag-alala, parating na iyong tulong, nandiyan na iyong iba. Hindi tayo titigil hangga’t hindi mailigtas ang kahuli-hulihang miyembro ng pamilya.

Nandito rin ang ating DSWD at nag-assure na magpapadala rin ng mga food packs at relief goods sa mga affected areas.

SEC. ANDANAR: Itong mga ganitong klaseng sakuna, Sec. Ed, ay hindi na po ito bago sa inyo, matagal na po kayo sa serbisyo sa gobyerno, mula sa AFP hanggang ngayon kayo ay DILG Secretary, pero ang pinagkaiba lang po nito ay mayroon tayong kinakaharap pa na pandemya. This is very challenging for you, your reaction please…

SEC. AÑO: Yes. Kailangan ay maipatutupad pa rin natin ang minimum health standards sa mga evacuation centers. Kailangan mayroon tayong safety and health protocol officers and at the same time dapat ay mami-maintain natin iyong distancing. Talagang tiyaga lang tayo dito dahil hindi naman natin pupuwedeng pabayaan na magkaroon ng transmission kahit na ganitong mayroon tayong disaster.

Iyon namang ating mga positive na naka-isolate, sinigurado naman natin na mailipat din sila sa mga safer na lugar, nailipat sa hotel iyong iba para iyong mga evacuation center ay ma-maximize natin.

SEC. ANDANAR: Magandang tanghali po. May tanong po ang ating kasamahan na si Joseph Morong sa GMA 7: Kasi po ay itinuturing po, inihahalintulad itong nangyayaring epekto na dala ni Ulysses sa nangyaring Ondoy. So, ano po ang status ng epekto ng Ulysses at ilang cities daw po ang naitalang nagkaroon ng pagbaha at ilan daw po ang bilang ng evacuation centers?

SEC. AÑO: Wala pa tayong eksaktong numero pero marami na tayong nailikas. Nagkaroon tayo ng preemptive evacuation bago pa dumating itong bagyo. Ito lang iyong pagbaha ay parang maihahalintulad din natin sa Ondoy sapagkat sabay-sabay naman napuno din iyong mga dam natin, so kailangang magpalabas ng mga tubig mula sa dam at iyong mga floodgates ay binuksan din para hindi naman lumubog iyong buong Metro Manila.

Ang tinamaan naman talaga, along the river lines ng Pasig at Marikina River. So, nandoon ngayon iyong concentration ng pag-rescue natin lalo na sa Provident Village ng Marikina Pero hindi man natin masasabi na kasing hirap ito ng Ondoy, kasi ang Ondoy kasi malawakan, halos buong Metro Manila pati iyong hindi mga low-lying areas along the river. Ito talaga within the river ang problema natin sa ngayon.

SEC. ANDANAR: Opo. Secretary, kanina po kasi ay nag-report iyong aming kasamahan din dito sa PTV na si Mela at ito pong Rizal Province ay mayroon pong mga nandoon na sa bubong ng kanilang mga bahay at humihingi po ng agarang tulong. Mayroon na po ba daw pupunta para sila ay ma-rescue?

SEC. AÑO: Yes, oo. Mayroon ng nakarating doon, mga tropa galing sa PNP, Bureau of Fire Protection, at AFP at patuloy pa tayong nagdi-deploy. Nakausap na rin natin si Mayor Tina Diaz ng San Mateo; nakausap ko rin si Mayor Marcy Teodoro ng Marikina just a while ago, at nakarating na doon iyong ibang mga search and rescue teams natin at patuloy pa, mga malalaking truck at saka motor boats.

Medyo hindi pa maganda ang panahon kaya hindi pa makalipad iyong mga air assets ng Philippine Air Force pero as soon as ma-clear na iyan ay ang mga search and rescue choppers ay idi-deploy natin diyan.

SEC. ANDANAR: Opo. Iyan nga po iyong tanong ni Pia Rañada ng Rappler. Kasi po sinabi daw ni Marikina Mayor Marcy Teodoro na iyong evacuation by air maybe necessary for people stranded on the roofs. Will AFP deploy all assets for rescue? Iyon, nasagot ninyo na nga po na kapag gumanda-ganda ang panahon ay magsasagawa na po ng air rescue. Ang tanong naman po ni Joseph Morong: Kumusta po ang ating supply ng kuryente, kasi malaking bahagi daw po ng Metro Manila ay walang supply ng kuryente?

SEC. AÑO: Nagkaroon ng preventive cutting of electricity kasi nga malakas iyong hangin kanina at saka siyempre iyong mga flooded areas. So, nakikipag-ugnayan naman tayo sa Meralco na kung pupuwede mai-restore kaagad. Kahit unti-unti mai-restore kahit na by circuit na lang ay mai-restore nila iyong mga power kasi kailangang-kailangan natin. Expected natin na within the day magkakaroon na tayo ng kuryente.

SEC. ANDANAR: Okay. Maraming salamat po, Secretary Año. Secretary Martin?

SEC. ANDANAR: Yes. Secretary Ed, mayroon na po bang abiso sa inyo ang ating mahal na Pangulo? Kayo po ba ay nag-usap na? Kung wala pa, do you expect to be talking to him within the day?

SEC. AÑO: Yes, ini-expect natin na baka magpatawag din ang Pangulo ng biglaang meeting. Pero before pa dumating itong bagyo, nagbigay na siya ng guidance sa akin at sa iba pang mga Cabinet Secretaries na kailangan mapaghandaan itong bagyo na ito at mai-deploy lahat ng mga resources natin. Mag-uulat kami sa kaniya once makuha natin iyong lahat ng data galing sa iba’t-ibang report mula sa field.

SEC. ANDANAR: Any more questions, Usec. Rocky?

SEC. ANDANAR: Yes. Secretary Año, kayo po ba ay nagkausap na ni Pangulong Rodrigo Duterte at ano po iyong pangunahing direktiba niya para sa epekto nitong Bagyong Ulysses?

SEC. AÑO: Well, uunahin talagang maibigay ang lahat ng assistance at rescue at sabi nga eh kung ano ang lahat ng available resources – pera, tao, assets – gamitin natin dito. Isa lang ang tagubilin niya: Importante ang buhay ng tao maisalba. Maisalba muna ang buhay ng tao kahit anong mangyari, iyan ang ating priority.

SEC. ANDANAR: Salamat po, Secretary Año. Kunin ko na lamang po ang inyong mensahe.

SEC. AÑO: Sa ating mga kababayan, nahaharap na naman tayo sa isang disaster pero katulad ng mga nakaraan, kaya natin ito. Malalampasan natin ito, tulung-tulong lang. Basta’t kaunting tiis at pasensiya lang, help is on the way. And we will make sure maisi-save natin ang lahat ng kababayan nating nangangailangan ng tulong.

SEC. ANDANAR: Salamat po sa inyong oras, DILG Secretary Año.

SEC. AÑO: Salamat, Sec. Martin at Usec. Rocky. Magandang tanghali.

SEC. ANDANAR: Maraming salamat po, Secretary Ed Año. Iyan, Usec. Rocky, so inaasahan natin na magsasalita si Presidente Duterte pagkatapos mag-report nila ni Sec. Ed Año diyan sa NDRRMC, sampu ng kaniyang mga kasamahan. Kasama rin, of course, ang buong puwersa ng Presidential Communications Operations Office dahil mahalaga ang communications lalung-lalo na sa panahong ito na mayroon tayong kinakaharap na bagyo, delubyo at talaga namang grabe itong pinagdaraanan natin for the past few months, Rocky.

USEC IGNACIO: Opo. Samantala, ngayon naman po alamin natin ang pinakahuling update sa

Lungsod ng Quezon. Makakausap po natin si Mike Marasigan, Quezon City DRRM Action Officer. Magandang araw po.

MIKE MARASIGAN: Good afternoon, ma’am, at sa lahat po ng nakikinig.

USEC IGNACIO: Opo. Kanina pong madaling araw ay talagang ramdam, ako ay taga-Quezon City ano, naramdaman ko po talaga iyong hagupit ng bagyo. Kumusta na po iyong isinagawang paghahanda at iyong isinagawa ninyong forced evacuation dito sa ilang mga barangay?

MIKE MARASIGAN: Yes po. Base po sa instruction ni Mayor Joy Belmonte during the cluster meeting kahapon, since nag-isyu kami ng orange alert ng 6:00 A.M. and then nag-isyu kami ng red alert ng 12 noon. So ibig lang sabihin po noon, kapag “orange” ay preemptive evacuation; pero noong 12 noon ay forced evacuation na po ang inisyu natin. So as of 5:00 AM today, mayroon po tayong 1,028 families or 4,156 individuals sa loob ng mga evacuation centers po natin. Out of 142 barangays, 21 barangays po ang in-evacuate natin, iyong mga nasa low-lying areas.

USEC IGNACIO: Sir Mike, ano pong mga lugar sa Quezon City iyong nagsasagawa kayo ng forced evacuation?

MIKE MARASIGAN: I’m sorry.

USEC IGNACIO: Ano pong mga barangay dito sa Quezon City na nagsagawa kayo ng forced evacuation?

MIKE MARASIGAN: Opo, iyong mga low-lying barangays po natin, iyong ating Barangay Roxas, Barangay Apolonio Samson, Barangay Bagong Silangan, Barangay Doña Imelda at Barangay Tatalon. Iyon po ang aming pina-prioritize. Ngunit marami rin po sa mga barangays natin sa iba’t ibang distrito ang nag-conduct na rin ng forced evacuation, iyon nga 21 barangays po na naitala natin. Nandito kami ngayon sa Barangay Fairview, nag-iikot ang ating Mayor at kinukumusta at sinisiguro na maayos ang mga nasa evacuation center. Galing din po kami sa Barangay Batasan Hills at Sta. Monica at marami pa pong ibang mga nasa tributaries po natin, iyong may mga nadadaanan ng Tullahan River, nadadaanan ng San Juan River at saka iyong ating Marikina River or San Mateo River.

USEC IGNACIO: Opo. Kumusta naman po iyong sitwasyon natin sa mga evacuation centers kasi hindi lang po iyong pagbaha ang ating kailangang tingnan, siyempre kailangan pong nakasunod doon sa health safety protocol dahil pa rin po sa pandemic o dito sa COVID-19?

MIKE MARASIGAN: Tama po iyon. Two months ago, mayroon pong inisyu ang ating Mayor na executive order to make sure that there is guidelines or protocols in responding to typhoons during COVID-19. So, mayroon po tayong naka-set na mga minimum health standards. Nagdala po tayo ng mga health safety officers to monitor and to ensure that proper wearing of face mask is applied. Tapos iyong ating mga mass gatherings at social distancing at iyong mga proseso po ng pagkuha ng pagkain, pag-distribute ng pagkain ay binago po natin iyan. Instead of papipilahin po iyong mga tao, ang ating kawani ng gobyerno sa pangunguna ng SSDD or Social Services Development Department, sila na mismo ang nagdi-deliver sa mga pamilya. At ito po iyong mga pamilyang ito, naka-separate din po sila through our partition tents. So, lahat ng barangay natin na nag-set up ng evacuation centers ay gumamit ng partition tent.

At isa pa pong innovation din nating ginawa for COVID-19 is instead of utilizing covered court immediately, pinapa-prioritize po natin na gamitin natin iyong ating mga public elementary and high schools, since face-to-face learning is not yet allowed. So sinamantala po natin through the permission of city schools na gamitin ang ating mga structures o mga facilities sa schools.

USEC IGNACIO: Sir Mike, kagabi po nawawala po talaga iyong supply ng kuryente sa ilang lugar dito sa Quezon City. May update na po ba kayo kung kailan po ito babalik?

MIKE MARASIGAN: Sa ngayon po wala pa ring kuryente sa karamihang lugar dito sa Quezon City. Ang ano lang naman po natin sa ating mga kababayan ay rest assured po na ang ating partner po sa Meralco, kung saan po mayroon po silang staff na nakaupo doon sa emergency operation center ng Quezon City, ay puspusan pong niri-report lahat po ang mga power outages dito sa ating siyudad. So kaunting tiis lang po, para rin po sa safety natin iyan, dahil matataas pa po ang ilog at ang pagbaha. Bagama’t nakikita na natin si haring araw, sana magtuluy-tuloy na at humupa ang mga tubig baha natin para mai-restore na rin po natin iyong power.

USEC IGNACIO: Opo. Sir Mike, lubog na rin po sa baha ang ilang mga kalsada dito. May abiso po ba kayo kung ano po iyong mga hindi pa talaga puwedeng daanan ng ating mga motorista?

MIKE MARASIGAN: Yes, iyong mga dadaan po sa ating lansangan dito sa Quezon City, like Araneta Avenue, medyo iwasan na lang po muna natin. Iyong marami rin pong mga reported sa atin na subdivision sa District II na medyo inabot din ng tubig baha. So, isa rin po iyon sa mga challenge namin sa kanila na ilikas muna. At lahat naman po iyan mabilis naman pong mag-subside iyan, once na mawala po iyong pagbuhos ng malalakas na ulan.

USEC IGNACIO: Opo. Para naman po sa mga nais na humingi ng rescue o assistance sa inyong opisina, saan po sila maaaring tumawag, Sir Mike?

MIKE MARASIGAN: Para sa mga emergency assistance puwede po kayong tumawag sa emergency hotline number namin na 122 or mayroon din po kaming direct line na 8928-4396.

USEC IGNACIO: Okay. Maraming salamat po sa inyong oras, Mike Marasigan ng Quezon City DRRM. Maraming salamat po. Magbabalik po ang Public Briefing #LagingHandaPH.

[COMMERCIAL BREAK]

SEC. ANDANAR: Nagbabalik po ang Public Briefing #LagingHandaPH. Makakausap po natin sa programa si Senator Bong Go. Magandang araw po, Senator.

SENATOR GO: Magandang tanghali po sa inyo, Usec. Rocky, Secretary Martin. Sa mga kababayan nating nakikinig, magandang tanghali po sa inyong lahat.

SEC. ANDANAR: Opo. Senator, kaugnay po sa tuluy-tuloy na pag-ulan na nararanasan sa bansa, ano po ang naging direktiba ni Pangulong Duterte?

SENATOR GO: Ngayon po ay ia-address niya iyong nation in a while ‘no, mamayang ala-una, at pinapa-mobilize niya po lahat ng assets ng ating Armed Forces including Air Force and Army, mga kapulisan at ang Coast Guard po and Navy, lalung-lalo na po doon sa mga kailangan po ng rubber boats para mapasok kaagad at ma-rescue po iyong mga kababayan natin na na-trap. In fact, nag-a-attend po si Pangulong Duterte sa ASEAN Summit. Sa kasalukuyan ay umalis po siya matapos niyang magbigay ng intervention doon sa ASEAN ay umalis siya para to address the nation at naka-monitor po ang ating Pangulo sa lahat ng pangyayari.

Sa totoo lang, iyong likod po ng kaniyang bahay ay umapaw na rin po, iyong Pasig River kung saan po siya nagmi-meeting kanina ay sobrang lakas pa po and hopefully sana po ay palabas na itong bagyo at tumigil na po ang ulan. Kanina naman pong umaga ay nakausap ko si NDRRMC head, si General Jalad, si General Gapay, General Paredes, si Coast Guard Admiral Ursabia para tumugon kaagad sa mga pangangailangan ng ating mga LGUs. Nakausap ko rin po si Mayor Marcy Teodoro, si Mayor Tom ng Rodriguez at si Mayor Tina Diaz ng San Mateo para po close coordination kaagad.

At kanina po ay nag-attend po iyong mga Cabinet Secretaries sa ASEAN subalit nagpaalam na po sila, katulad ni Secretary Rolly Bautista ng DSWD dahil inutusan na po ng Pangulo to prepare iyong mga goods ‘no, ready na po dapat, naka-preposition na po sa mga areas ng tatamaan. At si Secretary Lorenzana ay umalis na rin po para mag-preside po sa NDRRMC, siya po ang head po nito. So, lahat po ng mga secretaries, maliban lang kay Secretary of Foreign Affairs na si Secretary Locsin nagpaiwan, lahat po ay umalis na para handa po sa tulong na mula sa gobyerno.

So importante po rito iyong rescue natin, iyong mga financial aid, pagkain and post-disaster counselling po ang importante rito.

SEC. ANDANAR: Opo. Senator, tanong lang po ni Joseph Morong: So, si Presidente po ay nasa Malago dito sa PSG compound at diyan po kayo magmu-monitor ng epekto ng Ulysses?

SENATOR GO: Opo. Sa kasalukuyan po ay naka-monitor po ang Pangulo dahil habang nagsasalita rin po siya, three days po iyong ASEAN Summit ng Pangulo pero mas inuuna niya po muna ito, to address the nation po at naka-monitor po ang Pangulo 24/7 sa lahat po ng pangyayari.

SEC. ANDANAR: Opo. Nakita rin namin iyong mga pictures nga po na talagang nagbaha na rin po diyan sa Malago. So ano po iyong plano ninyo sakali po na hindi pa rin mapigilan itong pagbaha diyan sa area ng Malago?

SENATOR GO: Trabaho na po ng PGS iyan. Pero inuuna po namin muna iyong rescue po ng mga kababayan natin diyan sa Marikina, San Mateo, diyan sa Probinsiya ng Rizal po, iyong mga na-trap po sa kanilang mga bubong. Inatasan na po ng Pangulo ang lahat ng ahensiya ng gobyerno na tugunan kaagad at tulungan po ang lahat.

SEC. ANDANAR: Opo. Senator, sa ngayon, ano naman po ang ginagawang aksiyon ng inyong opisina para po sa ating mga kababayan naman na nangangailangan ng tulong dahil pa rin sa bagyo?

SENATOR GO: Ang aking opisina po ay naka-monitor. Kanina pa po kami nag-usap ng mga mayors, ng mga militar natin na para mabilis po ang coordination; at sana po ay bumaba na itong baha para makatulong rin tayo sa lahat po ng nangangailangan. Handa po kaming tumulong sa inyo sa abot po ng aming makakaya.

SEC. ANDANAR: Opo. Senator, kunin ko na lamang po ang inyong mensahe para po sa ating mga kababayan na ngayon po ay nakakaranas ng hagupit ng Bagyong Ulysses.

SENATOR GO: Ingat po tayo, dahil aside from the pandemic, lalung-lalo na po doon sa mga evacuation center na nagkakadikit-dikit po. So iyong mga eskuwelahan po puwedeng gamitin pero importante po ma-maintain iyong minimum health protocols, standard na dapat sundin natin para hindi po magkahawaan sa COVID-19. Pero importante po na ma-evacuate sila doon sa mga safe na area.

SEC. ANDANAR: Opo. Senator, kasama rin po natin si Secretary Martin. Secretary Martin?

SEC. ANDANAR: Magandang tanghali po sa inyo, Senator Bong Go. May isang katanungan lang po ako.

SENATOR GO: Magandang tanghali, Sec. Martin.

SEC. ANDANAR: Sir, kayo po talaga ang pinakamalapit kay Presidente Duterte, can you take us into his mind? Ano po ang kaniyang naiisip lalung-lalo na na itong bagyo na tumama sa atin ay ito iyong pinakamalaki at least in Metro Manila, na talagang mala-Ondoy sabi nga ni Mayor Marcy and at the same time ay mayroon tayong sinasagupa na COVID-19? Can you take us into his mind, ano iyong nasa isipan niya para malaman po ng ating mga kababayang Pilipino?

SENATOR GO: Sabi nga ng Pangulo, kapit lang po tayo, magbayanihan tayo, magtulungan tayo at ang gobyerno po ay handa, narito po para tumulong kaagad. Alam ko po nahihirapan po ang Pangulo sa ating sitwasyon, kaliwa’t kanang krisis ang kaniyang kinakaharap pero kailangan po naming magtrabaho; kailangan niya pong magtrabaho.

SEC. ANDANAR: Thank you so much, Senator. Mag-ingat po kayo! Hayan, Usec. Rocky ‘no, talagang kita naman natin na at least in Metro Manila, ito na iyong pinakamalaking bagyo na tumama sa atin in the last four years, at least in the term of the President. At the same time makikita natin na hindi lang isang bagyo, mayroong Bagyong Rolly na tumama naman sa Catanduanes at iba’t ibang lugar at dito sa Luzon, and to make things matters worst is iyong pandemya na kinakaharap natin. So, napaka-challenging talaga ito para kay Presidente Duterte maging sa mga agencies, even Senator Gordon kanina ay sinasabi niya na pati iyong Philippine Red Cross ay kulang sa tao, hirap na hirap na rin.

SEC. ANDANAR: Opo. Kanina nga po, Secretary, in-assure ni Senator Bong Go ang mga Pilipino na nakatutok si Pangulong Rodrigo Duterte sa kasalukuyang sitwasyong nararanasan natin ngayon sa malaking bahagi po ng bansa dahil sa epekto ni Ulysses. Nabanggit niya na habang nasa ASEAN Summit po si Pangulong Duterte sumisingit siya, pumupunta at pinaprayoridad po ang pag-monitor sa sitwasyon ng ating mga kababayan. Katulad nga po ng nabanggit ninyo ito po ay mala-Ondoy. At kanina rin sinabi rin ni Senator Bong Go na talagang mahigpit ang direktiba ni Pangulong Duterte na pinakilos ang buong puwersa ng pamahalaan para po tiyakin na ma-rescue ang mga nangangailangan.

SEC. ANDANAR: At abangan din natin, Usec. Rocky, mamaya mga ala-una ng hapon onwards ay inaasahan natin na ang Pangulong Duterte magbibigay ng kaniyang mensahe sa ating mga kababayan kung anuman ang [garbled] kaya abangan na lang natin dito sa PTV at lahat po ng mga naka-tune-in sa ating Laging Handa Emergency Broadcast.

SEC. ANDANAR: Oo nga. Secretary, hindi nga nakaligtas iyong lugar ni Presidente doon sa epekto ni Ulysses. Kanina may mga picture na naipadala rin si Senator Bong Go kung saan iyong lugar, iyong area dito sa Malago, kung saan nagsasagawa ng meeting minsan ang Pangulo ay talagang umapaw na po iyong river at nakita po natin na pumapasok doon sa area niya. So talagang kahit ganoon ang nangyayari sa sitwasyon sa PSG Compound ay nananatili pong nakatutok si Pangulong Duterte.

SEC. ANDANAR: Ang paalala natin sa ating mga kababayan, Usec. Rocky, ay nandito ang inyong pamahalaan, nakahanda na umalalay sa inyong lahat, lahat ng ahensiya. Nabanggit nga ni Senator Bong Go na lahat ng mga kalihim na kasama ni Presidente kanina sa ASEAN meeting ay nagpaalam na kay Presidente para tutukan iyong kani-kanilang assignment. Ang natira na lang doon ay si Secretary Teddy Boy Locsin para alalayan ang ating mahal na Pangulo sa ASEAN meetings. Pero lahat po ng mga kalihim ay nasa ground na para tiyakin na maayos ang pagresponde ng ating pamahalaan sa ating mga kababayan.

Kaya huwag po kayong mag-alala mga kababayan dahil nandiyan po ang inyong gobyerno, nandito po ang inyong gobyerno. Iyong mga nasa bubungan na naghihintay ng rescue, papunta na po iyong ating mga rescue mula sa NDRRMC, Office of the Civil Defense, ang buong puwersa ng Armed Forces of the Philippines at ng Philippine National Police ay naka-activate para tulungan, para ma-rescue iyong ating mga kababayan.

Ang mahalaga po dito ay iyong buhay ng tao dahil hindi na po natin maibabalik ang buhay ng tao. Siguro iyong mga kababayan natin na naghihintay, na hindi umalis sa kanilang mga tahanan dahil sa binabantayan iyong mga gamit, Usec. Rocky. Si Usec. Rocky ano na iyan, beterano na iyan sa broadcast. Maraming naghintay noong panahon ng Ondoy, binantayan iyong mga gamit, pero you know at the end of the day, hindi po maisasalba ang gamit mo, kung talagang tataas ang tubig. Pero ang mahalaga ang buhay dahil hindi na mapapalitan ang buhay. Ang gamit ay napapalitan pa.

SEC. ANDANAR: Yes, tama po. Samantala, para po sa iba pang mahahalagang impormasyon, Secretary, makakausap naman po natin sa linya si Presidential Spokesperson Secretary Harry Roque. Magandang araw po, Secretary.

Siguro babalikan natin si Secretary Roque para sa isa pa ring mahalagang anunsiyo, Secretary Martin.

[COMMERCIAL BREAK]

Muli po nating balikan si Presidential Spokesperson Secretary Harry Roque. Magandang araw po, Secretary.

SEC. ROQUE: Yes, magandang araw, Usec. Rocky. Kagaya ng sinabi ni Senator Bong Go, umalis na nga po, nagpaalam po ang Presidente sa ASEAN Summit para siya mismo ay mag-supervise ng response natin dito sa Bagyong Ulysses. [Garbled) Presidente sa plenaryo ng ASEAN, binabalita ko po na inatasan nga po ng Presidente ang lahat ng departamento at ahensiya ng gobyerno na tumulong sa pagbibigay ng relief, rescue and assistance doon sa ating mga kababayan na nasalanta ng Bagyong Ulysses. Ang PNP po ay nag-deploy na ng 3,261 search and rescue personnel; at dito lang po sa Metro Manila po ay nag-deploy po sila ng 291 search and rescue personnel as of November 8,2020, 10 A.M.

Ang Philippine Coast Guard naman po ay nag-deploy na rin ng tauhan at rescue equipment sa Cavite, Manila, Marikina, Montalban and Rodriguez diyan po sa Rizal. Kanina po tinawagan tayo ng ating kasama sa DZRH tungkol doon sa mga kababayan natin na nasa bubong na, sa Provident Village at saka diyan sa Rodriguez, at mabilisan naman pong pinadalhan po sila ng rescue ni Usec. Jalad galing po dito sa command center ng NDRRMC sa Camp Aguinaldo.

Ang DSWD naman po, Central Office at field offices, ay mayroon pa pong mga 800 million na tulong na nakahanda, mayroon po silang standby funds na 226 million at mahigit pa pong 184 million ang available sa kanilang quick response fund. Mayroon po tayong stockpiles para sa 282,000 na mga pamilya, ito po iyong mga family food packs na tinatawag; at mayroon pa tayong 130 million other food items amounting to more than 177 million at ang non-food items [unclear]

Para naman po masigurado ang safety ng ating mga mananakay, inanunsyo ng Department of Transportation through the Manila International Airport na suspendido po ang lahat ng flight sa Ninoy Aquino International Airport beginning midnight until 6:00 A.M. of November 12. As of 8:00 P.M. of November 11, ang DOTr po, sa pamamagitan ng Philippine Coast Guard, ay nagdeklara rin ng “no sail policy” in 24 provinces from all types of vessels. Mayroon pong 40 mga puerto ang suspendido ang operasyon as of November 11, 2020 9:30 P.M. Ang EDSA Busway operations and railway operations sa MRT-3, LRT-1 and LRT-2 and PNR ay suspendido ngayong araw po, November 12.

Okay, pagdating naman po doon sa ASEAN Summit, tinapos lang po ni Presidente ang kaniyang talumpati sa plenaryo. Humingi po siya ng dispensa dahil kinakailangang atendahan iyong mga [garbled]. Pero sa talumpati po ng ating Presidente, siyempre una pong prayoridad iyong COVID. Nanawagan po ang ating Presidente ng deeper engagement sa panig ng mga miyembro ng ASEAN para po tayo makabangon dito sa pandemyang ito. Ang sabi ng Presidente, ang ating immediate priority ay ang health security. At ang sabi nga niya, kinakailangan aktuhan nang mas lalong mabilis na panahon iyong ASEAN recovery framework at saka iyong pagbubuo ng ASEAN center of public health.

Pagdating sa ekonomiya, sinabi po niya na importante na mapabilis pa natin iyong integrasyon at kinakailangan na maiayos natin iyong supply chain dahil importante ito sa pagbangon natin sa pandemya. Ang sabi po niya, kinailangan doon sa pagbangon natin ay walang kahit sino na maiiwan. No one shall be left behind.

Sabi rin ng Presidente, humingi siya ng suporta doon sa binuong ASEAN Technological and Vocational Education Council kung saan ang Pilipinas po ang mamumuno nitong initiative na ito. Diyan po inanunsyo ni Presidente na sunud-sunod na bagyo ang sumalanta sa ating bayan, at dito po sa puntong ito ay sabi nga po niya na kinakailangan niyang umalis matapos ang plenaryo para asikasuhin ang pangangailangan ng ating mga kababayan.

Pero ang sabi po niya itong mga sunud-sunod na bagyo ay ebidensiya na talagang kinakailangan magkaisa at labanan ang climate change dahil ito ngang klimang ganito ay resulta na rin ng climate change.

Pagdating po sa South China Sea, inulit po ng Presidente na ang ninanais ng Pilipinas ay magkaroon ng isang peaceful at resolbahin itong isyu na ito at inaasahan po niya na sa lalong mabilis na panahon ay mabubuo nga iyong Code of Conduct. Pero ang isa rin na sinabi ni Presidente ay “Pagdating po doon sa 2016 arbitral award, ito daw po ay isang authoritative interpretation of application of UNCLOs, iyong UN Convention of the Law of the Sea and it’s now part of international law. This cannot be ignored by any country, no matter how powerful it is.” Nanawagan pa rin ang ating Presidente ng isang mapayapang solusyon dito nga po sa South China Sea.

So, Usec. Rocky, iyan na muna po at ina-assure ko po kayo na bukas po ang ating linya. Tayo po ay nakikipag-ugnayan sa ating mga kasamang mga media, kung mayroong mga reports at mga hiling, namo-monitor naman po natin iyan at binabato natin kaagad sa NDRRMC ang operation center kung saan nandoon po si Usec. Jalad. So ang panawagan ko po sa ating mga kapatid sa media, kung mayroon po kayong kinakailangan na tulong, ipagbigay-alam lang po ninyo sa akin at mayroon tayong direktang linya sa NDRRMC. So, Usec. Rocky, iyon po lamang. Maraming salamat at magandang hapon po sa inyo.

SEC. ANDANAR: Okay, maraming salamat po sa inyong update, Presidential Spokesperson Secretary Harry Roque.

SEC. ANDANAR: Para naman alamin ang iba pang detalye at mensahe mula sa Malacañang, ilang saglit lamang po ay maririnig po natin si Pangulong Rodrigo Roa Duterte, Rocky. So, inaasahan natin around this time onwards ay magsasalita na si Presidente.

SEC. ANDANAR: Okay, tayo po ay magpapasalamat sa mga sumubaybay sa atin. Secretary?

SEC. ANDANAR: At iyan po ang mga balitang aming nakalap sa buong umaga. Salamat po sa mga naglaan ng kani-kanilang oras sa pagbibigay-linaw sa mga impormasyon na mahalagang malaman ng taumbayan.

SEC. ANDANAR: Ang Public Briefing ay hatid sa inyo ng iba’t ibang sangay ng Presidential Communications Operations Office sa pakikipagtulungan ng Department of Health at kaisa ng Kapisanan ng mga Brodkaster sa Pilipinas o KBP.

SEC. ANDANAR: Asahan po ninyo ang aming patuloy na pagbibigay impormasyon kaugnay sa mga update sa ating paglaban sa COVID-19 pandemic at anumang kalamidad na darating. Maraming salamat din po sa Filipino Sign Language Access Team for COVID-19.

SEC. ANDANAR: Mula po sa Presidential Communications Operations Office, ako po si Usec. Rocky Ignacio.

SEC. ANDANAR: At mula rin sa PCOO, ako po naman si Secretary Martin Andanar. Magkita-kita po tayo muli bukas dito lang sa Public Briefing #LagingHandaPH. Manatiling nakatutok dito po sa aming emergency laging handa coverage.

##

Source: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)