USEC. IGNACIO: Magandang umaga, Pilipinas. Sa kabila po ng mga kalamidad at banta sa ating kalusugan, patuloy ang aming pagbibigay impormasyon na dapat malaman ng mga Pilipino.
BENDIJO: Ngayong umaga, muli ninyo kaming samahan para sa isa na namang oras na pagbibigay linaw sa issue na mahalagang mapag-usapan kasama pa rin siyempre ang mga kawani mula sa mga ahensiya ng pamahalaan. Ako po si Aljo Bendijo. Good morning, Usec.
USEC. IGNACIO: Good morning, Aljo. Sa ngalan po ni Secretary Martin Andanar, mula sa PCOO, ako naman po si Usec. Rocky Ignacio at ito ang Public Briefing #LagingHandaPH. At upang sumagot sa mga tanong ng bayan, maya-maya lamang makakasama natin sa programa sina Department of Social Welfare and Development Undersecretary Glen Paje, Architect Felino ‘Jun’ Palafox, Jr., Administrator Hans Leo Cacdac ng Overseas Workers Welfare Administration, Pag-IBIG President and CEO Acmad Rizaldy Moti, Congressman Wes Gatchalian.
BENDIJO: Makakasama rin natin sa paghahatid ng mga balita ang mga PTV correspondents mula sa iba’t ibang probinsiya at ang Philippine Broadcasting Service. Samantala para po sa inyong mga katanungan, maari kayong mag-comment sa live streaming ng ating programa sa PTV Facebook page.
Una po sa ating mga balita: Pangulong Rodrigo Roa Duterte ipinag-utos na gamitin ang lahat ng asset ng pamahalaan matapos ang isinagawang aerial inspection sa Metro Manila at Central Luzon. Narito ang detalye: [NEWS CLIP]
Samantala alamin natin, ano nga ba ang dahilan ng mga pagbabaha na ating nararanasan lalo na dito po sa Metro Manila. Makakasama natin ang Urban Planner na si Architect Felino Palafox, Jr. Magandang araw po, Architect.
ARCHITECT PALAFOX: Magandang araw po. Good morning po.
BENDIJO: This is Aljo Bendijo, Architect, with Usec. Rocky. Tuwing nagkakaroon po nang malalakas na bagyo na may kasamang malakas na pagbuhos ng ulan, lalo na dito sa Metro Manila Architect, grabe po ang mga napaulat na mga pagbabaha. Ano bang solusyon ang nakikita ninyo para maiwasan ang ganitong problema dito sa Metro Manila at iba pang karatig na probinsiya?
ARCHITECT PALAFOX: After Ondoy ho na-interview ako ng ating Presidente tapos noong July 7, 2010 at saka November 2013 nagpadala ako sa Malacañang ng 145 recommendations to address disasters including flooding ho. Kasi 1976 team leader ako ng development planning ng Metro Manila Transport Floods Development Planning Project funded by the World Bank and at that time na-propose na iyong Parañaque Spillway Dredging ng Laguna Lake.
And noong Ondoy there were 4,150 cubic meters per second ang bumaba na floodwaters from the mountains and kaya lang ng Pasig River mga 600 cubic meters per second so iyong floods na iyon pumunta sa Laguna Lake. Hindi makalabas ang tubig dahil ginawa iyong Parañaque Spillway, hindi makalabas iyong tubig aside from iyong mga denuded mountains at kabundukan, iyon din nag-ano at saka hindi na-dredge iyong mga rivers and lakes natin.
I think since 1976 marami nang na-propose and since after Ondoy nagpadala ako kay dating Presidente, 2010 to 2016, 145 recommendations. And then under GMA in-approve iyong dredging ng Laguna Lake tapos kinancel ng succeeding administration, balita ko nagbabayad ang gobyerno ng 800 million pesos o 900 million pesos dahil kinancel iyong kontratang iyon. And I think the Department of Finance who told me about it, nagbabayad tayo ng 800/900 million dahil hindi in-honor iyong kontratang napirmahan panahon ni GMA, in succeeding administration.
Iyong typhoons ngayon mas madalas na and iyong drainage system natin i-confirm ninyo na lang sa Public Works. Ang isang criteria, 25-year return, dapat at least 100-year return kasi iyong mga 100-year typhoons is more frequent na, hindi na every hundred years. Kagaya nang kailan lang ba iyong Ondoy, then Yolanda, then Rolly at saka Ulysses, ngayon hindi hundred years ang pagitan. Tapos the past 3 or 4 decades iyong dahil sa warmer na, mas mainit na iyong surface ng mga bodies of water or also the seawater kaya naano pa ano ang atmosphere, nagkakaroon ng multi-spheres.
Then lands subsided, bumababa iyong land, tumataas iyong seawater tapos more water coming from the mountains dahil denuded na, punung-puno na iyong Laguna Lake kaya noong Ondoy 80,000 hectares of urban land binaha. Mas malaki pa sa Singapore, 71,000 hectares lang ang Singapore and ngayon ginagawa naman ng pamahalaan iyong disaster institute to simulate all of these. In fact we won the design competition for that government plan pati summary, lahat. And adding techs also, kagaya iyong mga warnings, less ang casualties/fatalities maski mas grabe ngayon, kagaya iyong super typhoon. Kaya dapat gawin iyong lahat ng plano at saka update from nakaraan.
The big lesson is iyong Yolanda and Ondoy, marami tayong rekomendasyon naibigay na. Siguro hindi priority ang budget sa flood control and drainage, mas priority iyong roads at saka iyong mas visible. And also the private sector, biro mo iyong tinatapon iyong garbage, hindi sinusunod iyong setback from the waterways. Dapat may setback sa creeks nang mga 10 ½ meters sa mga estero, 10 meters along the rivers and along the waterfront I believe 50 meters eh iyong seafront. Hindi lahat nagawa iyon and I think minsan may plano ang national government, hindi naman nai-implement ng local government, so kulang ang coordination.
Iyong 1976 World Bank-funded metro plan, I think it was the last comprehensive plan in Metro Manila which included 40 towns and cities, hindi lang 17. And yet 20 experts working with us na gumawa ng plano ng London, Singapore, Hong Kong at saka Kuala Lumpur. Iyong smart tunnel sa Kuala Lumpur prinopose ko iyan after Ondoy na Parañaque Spillway. Iyong smart tunnel na iyan three levels: Iyong upper level, iyong lowest level floodway kapag dry season. Kapag dry season puwedeng tollway, puwedeng roadway, urban road. Kapag rainy season ano siya, floodway para makalabas iyong tubig.
Kasi noong 1987 yata ginawa iyong Manggahan Floodway. Manggahan Floodway dinivert ang water para ma-save iyong along Pasig River kasi limited ang capacity ng Pasig River, dinivert sa Laguna Lake. Kaya nag-quote nga ako noong after Ondoy kasi in-interview ako ng media, in fact I was in Dubai that time, kinuwento ko iyong—dapat sabay ginawa iyong Manggahan Floodway to divert water to Laguna Lake, hindi naman ginawa spillway. Kaya sabi ko that time, parang Laguna is like a toilet without a flush or it’s like bath tub with 23 faucets, mga rivers and so on na walang drain.
Kaya, you don’t have to be an expert to analyze that. Tapos the siltation of Laguna Lake, I think less than two meters na average of Laguna Lake, I think before mga 14 meters din iyan. Kaya all of these facts, dapat holistic, comprehensive ang approach including private sector, hindi lang dapat government.
BENDIJO: Architect sa mahabang panahon na problema po ng mga Pilipino ito pong flashflood tuwing may bagyo. May nakikita ba kayong dahilan kung bakit hirap na hirap tayong resolbahin ito?
ARCHITECT PALAFOX: Yeah, isa nga ho, hindi pina-implement iyong mga existing laws, kaya iyong mga setback sa rivers and lakes, hindi nasusunod, saka dapat baguhin ang building code. Elsewhere in the world like in New York, in Singapore required iyong rain water harvesting, sa rooftop pa lang may rain water harvesting ka na. So, you harvest the water and then mayroon din sa ground floor and release it after the floods, if you don’t release it puwede pang gawing irrigation for the garden and for protection. We have all the solutions po. I think dapat cooperation ng lahat – private sector and government sector – i-review iyong building code, even the standard na ginagamit na flood control and drainage at dumami na talagang ano.
Kasi noong araw like Fort Bonifacio, puro grass, ngayon ano na siya, it’s central business district. Kung mas maraming concrete roads, mas marami na ang roof. Dati, the rain water percolated the ground, kasi grass lang, kaya lumaki iyong run-off water, hindi naman lumaki iyong ano natin, drainage system. Good news, mayroon na raw master plan sa flood control, comprehensive master plan for flood control sa Metro Manila. But the bad news is matatapos pa sa 2035 yata. So what do we do in the meantime? Siguro tayo sa private sector mag-adjust na.
Halimbawa, iyong ground floor mo, tingnan mo na iyong plan levels ngayon, dapat markahan na, iyong ground floor mo, hayaan mo ng magdaan ang floods sa ilalim o kaya iyong mga bagong constructions [unclear] na. Prinopose namin iyan noong after Ondoy pa and we also learned from the cyclone Katrina in New Orleans, New Orleans nagawa nila ang solusyon, pati building code nila, dapat nakaangat iyong mga bahay parang ancestral homes natin noon, may silong. And then iyong ginawa naming plano ulit, sa Palawan, ni-require namin sa plano, sa master plan ay 4 meters high ng [unclear] kasi kapag nag-storm surge o tsunami four meters high, walang nakatira sa below four meters. Kaya dapat siguro like mga building officials ngayon, mga local government units, mga public works engineers, MMDA, dapat markahan na ngayon lagyan ng pintura, ano iyong level ng floods, para next time alam na.
BENDIJO: Maiksing mensahe na lang Architect sa atin pong mga nanunood at nakikinig para po sa ating mga kababayan lalo na doon sa naapektuhan po ng pagbabaha kamakailan lang dito sa Bagyong Ulysses. Go ahead po maikling mensahe lang.
ARCHITECT PALAFOX: Dapat, ngayon pa lang markahan na sa bahay ninyo hanggang saan ang flooding, so iyong mga like mga piano, mga expensive furniture, itaas na sa second floor and then nakita natin nasa bubong iyong mga tao sa nangyaring ngayon, dapat maghanda na you can go up there faster at dapat talaga vigilant tayo eh. I-follow up iyong mga plano na hindi na-implement. Hindi lang national, pati rin sa local government. Ngayong pandemic, siguro cash for work na lang, like iyong mga informal settlers, 9 square meters lang iyong bahay nila, lima ang nakatira, how could they have social distancing. ‘Di palabasin na lang sila, maglinis ng estero, ng rivers lahat ng puwedeng gawin during this pandemic, addressed na iyong flooding.
And there are 18 kinds of disasters, 10 are manmade, 8 are natural, kasama sa naturals iyong flooding, iyong earthquake, iyong landslides, volcanic eruptions. And mabuti ngayon ginagawa na iyong training center to simulate all these sa Clark and dapat maapura na iyon, mapondohan at saka our 1,600 towns and cities dapat iyong disaster preparedness mapondohan. Sino ang mga gumagawa ng budget, I think Congress and Senate. Gawin nila iyang priority, hindi lang iyong roads but also drainage, flood controls, sewerage, iyong hindi nakikita on the surface. Saka alam na natin saan ang pina-flooding. I-modify na iyong design at saka iyong engineering, adaptive architecture, adaptive engineering while waiting for the master plan of flood control and drainage.
BENDIJO: All right, maraming salamat, Architect Felino Palafox Jr. At mag-ingat po kayo, sir.
ARCHITECT PALAFOX: Thank you.
USEC. IGNACIO: Upang alamin ang tugon ng kanilang ahensiya sa mga kababayan nating apektado ng hagupit ng Bagyong Ulysses, makakausap natin si DSWD Undersecretary Glen Paje, good morning po.
USEC. PAJE: Magandang umaga sa inyo at magandang umaga rin sa ating mga tagapakinig at tagasubaybay.
USEC. IGNACIO: Opo, Usec. Kumusta na po iyong pagtulong sa mga nasalanta ng Bagyong Ulysses?
USEC. PAJE: Tuluy-tuloy po at puspusan naman po ang ating ginagawang pagbibigay ng tulong sa mga apektadong lugar. Sa ngayon po nasa 3.9 million na iyong paunang relief assistance na na-augment natin sa mga LGUs sa iba’t ibang lugar na apektado ng nakaraang bagyo. Iyong atin pong National Resource Operation Center, nakapagpadala na ng 1,000 family food packs at 250 sleeping bags sa Quezon City; 1,400 sa Marikina; 2,000 sa San Mateo Rizal; mahigit 3,000 po sa Legazpi sa Bicol, Region V at 1,700 din sa Camarines Norte.
Mayroon din po tayong mga naka-stock sa ating mga warehouse, iyong sa NCR ay mayroon nai-forward na doon, iyong 2,000 pieces din noong ating family food packs hanggang sa Urdaneta po, may mga naipadala na tayong mga family food packs at mayroon naman po tayong kaukulang mga stocks pa upang tugunan ang pangangailangan ng iba-ibang mga LGUs.
USEC. IGNACIO: Usec. Sa mga panahong ito, hindi po maiiwasan na mayroong mga ilan sa ating kababayan na nagrireklamo dahil mabagal daw po makarating sa kanila iyong agarang tulong. Pero sa inyo po bang pagtingin o inspeksiyon ay nakakarating na po ba o ano po iyong nagiging problema para mabilis pong maipaabot iyong tulong ng DSWD sa mga apektado ng bagyo?
USEC. PAJE: Atin pong pinag-iibayo. Sa katunayan naka-preposition na po iyong ating mga family food packs, iyong mga food and non-food items natin sa iba-ibang areas. Kung kaya’t ang nakakahadlang na lang talaga ay iyong mga nasirang daan, iyong mga saradong daan at iyong ibang lubog pa sa baha. Ngunit normal naman po at dire-diretso ang tulong na ipinaabot ng DSWD sa tulong na rin ng mga local government units na ating mga local disaster units at ng iba-ibang ahensiya katulad ng kapulisan, ng kasundaluhan at maging ang mga private sectors.
USEC. IGNACIO: Usec, kasi ito nakatutok ang DSWD sa Ulysses, pero hindi naman po natin maisawalang-bahala iyong pangangailangan pa rin pong tulong mula sa DSWD, iyon naman pong nasalantang ng Bagyong Rolly?
USEC. PAJE: Katunayan po bago pa pumasok at manalanta ang Rolly ay tuluy-tuloy na po iyong ating paghahanda at sa ngayon po, iyong sa Bagyong Rolly ay nakapagbigay na rin tayo ng mga tulong pinansiyal. Ipinatupad na rin po iyong food for work lalo na sa Region V, iyong mga pamilya po, lalo na iyong mga nawalan ng mga mahal sa buhay dahil sa bagyo ay nabigyan na rin ng financial assistance. Mayroon din po tayong ginagawang psychosocial first aid para mabawasan po o ma-address iyong trauma na sinapit nang ating mga kababayan dahil sa hagupit ng Bagyong Rolly.
Mayroon din po tayong mga augmentation teams na naipadala na sa iba-ibang lugar, lalo na sa Catanduanes upang tumulong sa mga relief operations at mga nasalanta ng mga bagyo, lalo na iyong mga nasa evacuation centers pa po ngayon. Ganoon din po, nagpadala rin po tayo ng facemasks doon sa Kabikulan upang makatulong na ma-prevent iyong pagkalat ng COVID-19 lalo na po sa evacuation centers.
USEC. IGNACIO: Bukod nga po diyan sa COVID-19, sunud-sunod na bagyong nanalasa sa ating bansa, may sapat po bang pondo ang DSWD para sa ating disaster response?
USEC. PAJE: Sa ngayon po ay mayroon naman pong sapat na pondo ang nakalaan para sa disaster response. Nagkakahalaga po ng 1.4 billion iyong kabuuan ng naka-stockpile natin at standby funds. Ang bahagi po nito, 888 million ay naka-standby sa central office at sa mga field offices natin. Ganoon din po, mayroong 278,000 mahigit na family food packs na naka-preposition din sa iba-ibang lugar sa mga apektadong areas.
Katunayan din po, ang DBM po ay nag-replenish na ng 600 million para sa ating QRF ng DSWD. Kung kaya’t ang ahensiya po ay masasabi nating nakahanda dito sa mga pagtulong dito sa ating pagganap sa ating mandatong tumulong sa mga naapektuhan nitong nakaraang bagyo.
USEC. IGNACIO: Dahil nga po ang mga tao ay nagpupunta sa mga evacuation centers dahil sa bagyo, sinabi po kanina sa NDRRMC ni Health Secretary Duque na may posibilidad na tumaas po iyong kaso ng COVID-19. So papaano po makatutulong ang DSWD para po matiyak na hindi po kakalat pa ang naturang sakit pagdating dito sa ating mga evacuation centers?
USEC. PAJE: Bilang isa sa mga ahensiya na nagma-manage ng mga camps natin o iyong ibang evacuation centers natin ay nag-issue tayo ng camp coordination and camp management protection ng COVID-19 operational guidance upang magsilbi itong patnubay sa ating mga disaster responders at ganoon din po sa ating mga evacuees na rin na i-observe iyong minimum standards na itinalaga ng DOH upang maiwasan ang pagkalat ng COVID-19.
Ganoon din po, sinasabi din dito sa ating operational guidance na kailangang masiguro na mayroong mga iba pang katulong katulad ng barangay peace action teams, iyong barangay health emergency response teams, barangay health workers o maging iyong mga barangay nutrition scholars at iba pang local health units na tumulong dito sa mga evacuation sites upang maobserbahan ang health status ng ating mga evacuees lalung-lalo na upang ma-monitor iyong mga status nila, mag-man sa entrance and exit points at sa buong evacuation centers.
USEC. IGNACIO: Usec., kunin ko na lang po ang inyong mensahe sa ating mga kababayan.
USEC. PAJE: Ang DSWD po ay nagpapasalamat sa lahat ng ating mga kasama, sa lahat ng ating katulong sa pagsiserbisyo lalo na ngayong may bagyo at kasalukuyan pa ring may pandemya. Kasama po natin ang NDRRMC, ang mga miyembro ng provincial at local disaster risk reduction management teams at ang mga private-partners natin upang patuloy na tumulong sa mga pangangailangan ng ating mga kababayan.
Lubos din kaming nagpapasalamat sa mga local chief executives, sa local social welfare and development officers at iyong mga angels in red vest na walang kapaguran sa paglilingkod sa ating bayan.
Ganoon pa man po, hinihikayat natin ang mamamayan na patuloy po na obserbahan ang health protocols, patuloy ding mag-ingat sa mga maaaring mangyari dahil sa epekto ng bagyo.
USEC. IGNACIO: Maraming salamat po sa inyong oras, DSWD Undersecretary Glen Paje.
ALJO BENDIJO: At samantala, pagbuo ng Task Force Rolly para matulungan ang mga nawalan ng bahay dahil sa sunud-sunod na bagyo iminungkahi ni Senator Bong Go. Narito ang ulat: [VTR]
USEC. IGNACIO: Upang alamin naman ang kalagayan sa kanilang lungsod, sa puntong ito ay makakausap po natin si Congressman Wes Gatchalian ng Valenzuela City. Magandang araw po.
REP. GATCHALIAN: Magandang araw, Usec Rocky, at kay Aljo at sa lahat po ng nanunood at nakikinig po ng inyong programa.
USEC. IGNACIO: Sir, ilang lugar din po sa Valenzuela ang binaha kahapon at sa ngayon po ay kumusta na po ang lagay diyan?
REP. GATCHALIAN: Well, Usec. Rocky, ang maganda po ay just like iyong nakaraan po na typhoon, Typhoon Rolly, kami po ay nakapaghanda nang maaga. Mayroon po tayong mga equipment po na naka-prepare na earlier on. At sa awa ng Panginoon po ay medyo kaunti lamang ang mga naapektuhan po na lugar sa aking distrito at sa buong Lungsod ng Valenzuela. Hindi po kami as badly affected kumpara po ng Marikina.
USEC. IGNACIO: Opo. Pero ano po iyong paunang assistance na ibinigay natin sa mga taga-Valenzuela na apektado po ng baha?
REP. GATCHALIAN: Well, unang-una po, ang nangyari kasi, Rocky, nabigla ang mga tao ‘no. If I’m not mistaken, around 12 ng umaga, mula 12 ng umaga hanggang 5 o’ clock ng umaga ay bigla na pong umakyat po ang tubig na mabilisan. Iyong hangin po, predicted naman as early as the night before. Ang mga tao ay hindi po lumikas dahil akala ho nila ay hangin lang ito. Ngunit noong tumaas po iyong tubig, maganda pong nakahanda na kaagad ang ating evacuation center sa iba’t ibang mga paaralan. Mayroon po tayong mga tents na doon, mayroon na tayong tuwalya, mga kagamitan ho nila, nakahanda at naka-preposition na po ito.
Kaya ho noong madaling araw, noong kasagsagan po ng mabilis na pag-akyat ng tubig lalung-lalo na doon banda sa Tullahan River, sa Barangay Marulas ay kaagad po, ready pong nagresponde ang aming mga city hall rescue at barangay rescue na rin ho, at inilikas sila kaagad.
At kahapon, Usec. Rocky, inikot ko po lahat ng evacuation center natin. Samakatuwid po, ang iba ho sa kanila ay umuwi na ho at kaagad-agad ho silang bumalik para po asikasuhin na ang kanilang mga tirahan. At siyempre po, tulad lang ng dati, ang aming… kapag sinabi kong evacuation center, kumpleto ho iyan – mayroon tayong mobile shower, mobile toilet, mobile soup kitchen. Handa po ang ating CSWD lalung-lalo na may pandemya tayong hinaharap, kaya careful na careful po kami sa hawa po, ang pagkalat ng COVID kaya po nandiyan na rin ho ang ating city health na naka-preposition sa lahat ng evacuation center natin.
USEC. IGNACIO: Opo, Congressman kasi hindi lamang po baha iyong ating iniiwasan ano po, siyempre dahil evacuation center iyan, iyong pag-iwas po sa pagkalat [ng COVID-19], kasi sabi nga po ni Secretary Duque may posibilidad na tumaas ang kaso ng COVID-19. Eh sa inyo pong siyudad eh talagang mahigpit ang prevention na isinasagawa ninyo. So kumusta na po ang sitwasyon naman ng COVID-19 sa inyong lugar?
REP. GATCHALIAN: Well again po sa awa po ng Panginoon, pababa nang pababa na po ang aming bilang. We are already below 60 mark na ho at kung natatandaan ninyo Rocky, noong panahon, well, iyong kasagsagan po ng pandemya, mahigit na 2,500 active cases ho kami palagi at ngayon ay below 60 na po. Ngunit ang aming 100-seater contact tracing center ay tuluy-tuloy pa rin, running 24/7. Ang aming QR code na parte po ng contact tracing program namin ay in-place na po sa lahat po ng establisyimento kaya ho hindi naman ho kami huminto at tuluy-tuloy pa rin po ang trabaho namin.
USEC. IGNACIO: Congressman, maiba lang po tayo. Bilang Chair po ng House Committee on Trade and Industry, gaano po kalaki ang maitutulong sa ating mga kababayan sakali pong maisabatas ang House Bill 6122 o iyong Internet Transactions Act?
REP. GATCHALIAN: Well Usec. Rocky, siguro bago ko ho sagutin ang inyong tanong, gusto ko pong ipaalam sa mga viewers natin na ngayon po, ito po ay para sa akin ay isang eminent at urgent bill na makakatulong sa ating consumer dahil sa ngayon po wala pa tayong batas na pumuprotekta sa ating mga consumers at merchants online. Ang nangyayari ho dito na lang mga kasama, itong mga online platform na tumatakbo po sa ating bansa ay nakita po sa aming hearing na may kakulangan sila sa pagprotekta po sa karapatan ng mga mamimili at ang nangyayari po dito, sila na po ang nagsi-self-regulate lamang ng kanilang issues na kapag may mga complaints.
Dito po lumalabas ang importansiya po ng House Bill 6122 dahil nais nating magkaroon ng tinatawag nating E-Commerce Bureau under the Department of Trade and Industry para naman ang ating gobyerno, ang national government natin ay mag-step-up sa pagpuprotekta ng mga consumers na naloloko po sa pamimili online.
Usec. Rocky just to give you an idea kung gaano kalaki na po ang problema ngayon. Ang Department of Trade and Industry nag-report po sa aming hearing last week na noong 2019, higit po na 2,457 complaints ang kanilang natanggap. Ngunit mula January hanggang October, itong kasagsagan ng pandemya at post-pandemic, tumaas na po ito nang higit na 600% o 14,869 complaints ang natanggap nila. Halu-halo na po ito, ang top 3 po na problema na na-receive ho nila na kanila pong prinisenta sa aking komite ay, number one, iyong violation ng Price Act natin; number two, defective products; at number three, deceptive at unfair sales practice.
So marami hong naloloko, maraming presyo po na dapat ay pinu-post natin, hindi naman po nilalagay iyong presyo. Marami naman pong nakatanggap ng mga damaged goods, etcetera so halu-halo na po, palaki nang palaki ho dahil natural lang ho iyan dahil palaki nang palaki rin po ang gumagamit po ng online transactions dahil po sa pandemyang kinakaharap natin.
USEC. IGNACIO: Congressman, sa kabila nga ng naging aberya kamakailan, ano naman po ang masasabi ninyo tungkol po sa pagpasa ng 2021 budget?
REP. GATCHALIAN: Well, ako po ay natutuwa na a day earlier po ang Lower House sa pagsumite po sa Senado ng budget at kahit ho may konting kaguluhan na naganap, nagawa pa rin po ang trabaho namin at ito po ay napadala kaagad sa Senado. So magri-resume kami Rocky next week at we are hoping ho to have a good and smooth communication with the Upper and Lower House nang sa ganoon din ay maipasa po ang ating budget on time po.
At siyempre po ito pong year na ito, talaga po itong 2020, Rocky, ay mabigat ho para sa ating bansa – may pandemya na tayong kinahaharap, dumaan po ang Typhoon Rolly ngayon naman po ay dumaan ang Typhoon Ulysses at kailangan na kailangan ng taumbayan nang sapat na tulong ng ating national government. Kaya ho sa pamumuno po ng ating bagong Speaker, Speaker Lord Velasco ay nakikita ko naman na magiging smooth at on time po ang pagpasa ng ating 2021 budget.
USEC. IGNACIO: Okay. Congressman, kunin ko na lang po ang inyong mensahe sa ating mga kababayan particular po sa mga taga-Valenzuela City.
REP. GATCHALIAN: Well, sa lahat ho ng nakikinig hindi lamang ho sa aking mga kababayan sa Valenzuela, hinihingi ko po ang lahat ng mga consumers natin na kadalasan pong nagta-transact online, bumibili online or nagpapa-deliver online na maging vigilant ho tayo. Sa aking imbestigasyon last week sa Committee on Trade and Industry, isa po sa ikinagulat ko ho ang proliferation po ng pinagbabawal na gamot o drugs ‘no. Ito po ay ginagamit na ho ngayon ang mga online deliveries kung saan po ay idi-declare ibang item, pagbukas ninyo may shabu naman doon.
At nakita ko rin ho sa aking imbestigasyon last week sa Kongreso na mismong mga malalaking online platforms natin ay nagbibenta po ng paraphernalia. Kaya ho nananawagan ho ako sa ating mga consumers, bagama’t wala pa hong batas tayo ngayon ay sana po maging vigilante tayo sa mga ka-transact natin online, sa merchants na binibilihan natin. Mag-ingat po tayo palagi at higit sa lahat po kung mayroon po tayong naloko, nandito po ang Department of Trade and Industry na handa pong tumulong sa inyo pong mga complaints.
USEC. IGNACIO: Okay. Maraming salamat po sa inyong panahon, Congressman Wes Gatchalian.
REP. GATCHALIAN: Maraming salamat po Rocky sa pagkakataon.
BENDIJO: At samantala, alamin natin ang mga programa ng Pag-IBIG na maaring takbuhan ng ating mga kababayan tulad na lang ngayong may mga sakuna. Makakausap natin si Pag-IBIG President and CEO Acmad Rizaldy Moti. Magandang araw po.
PAG-IBIG PRES. & CEO MOTI: Magandang araw Aljo and Usec. Rocky.
BENDIJO: Opo. Sir, ano pong mga programa ng Pag-IBIG ang maaring makakatulong sa ating mga kababayang nasalanta po ng bagyo?
PAG-IBIG PRES. & CEO MOTI: Ngayon po dahil po dito sa nagdaan po na Typhoon Ulysses po at noong nakaraang po na Typhoon Rolly, nakahanda po ang Pag-IBIG Fund na tumugon sa pangangailangan ng ating mga miyembro. Mayroon po tayong Calamity Loan Program na maaari pong tangkilikin ng ating mga miyembro. Ang puwede pong mahiram dito ay hanggang 80% po noong ating total savings or membership savings sa pondo at ito po ay 3 months po na grace period. Ang mga eligible members po na puwedeng humiram ay iyong mga active members po natin na mayroon na pong naihulog na 24 monthly savings sa Pag-IBIG Fund.
BENDIJO: Hanggang magkano pong puwedeng uutangin ng mga qualified pong mga miyembro nitong Calamity Loan Program?
PAG-IBIG PRES. & CEO MOTI: Yes. On the average Aljo ano, ang nahihiram ng ating mga miyembro ay around P20,000 kasi ang computation po natin diyan hanggang 80% po noong total na naihulog ng ating mga miyembro.
BENDIJO: Opo. Hanggang bukas na lang po, tama ho ba, ang 60-day grace period ng Pag-IBIG para sa mga may Multi-Purpose Loan o Housing Loan? May posibilidad ba itong ma-extend, sir?
PAG-IBIG PRES. & CEO MOTI: Aljo, iyong ating 60-day grace period ay pursuant iyan doon sa Bayanihan II na kung saan ay nakasaad na kailangan lahat ay magbigay ng 60-day grace period. Pero sa Pag-IBIG Fund po para makatulong po tayo, especially po sa ating mga Housing Loan borrowers na noon naman po ay patuloy na nagbabayad bago tumama iyong pandemya sa Pilipinas, mayroon tayong inilunsad na Special Housing Loan Restructuring Program na kung saan lahat ng Housing Loan borrowers po as of August 31 ay ang kaniyang status noong kaniyang loan ay up to 12 months in arrears.
Ang ibig sabihin po niyan bago tumama iyong pandemya noong as of February ay updated iyong loan or hanggang 6 months po ang hindi nabayaran ay puwedeng mag-restructure. Under po dito sa Special Housing Loan Restructuring Program, lahat po ng penalties ay automatically condoned kapag naaprubahan po iyong ating application at lahat po ng hindi nabayarang monthly amortization at kasama na po iyong interest, puwede po natin itong i-stretch. Kung ang remaining loan term natin halimbawa ay 20 years to go at edad po natin ay pasok qualified pa para maging 30-year loan, puwede po tayong mag-request na ma-stretch po ito para mas mababa po ang ating babayaran.
At isa pa po na ginawa natin to acknowledge iyong epekto nitong pandemya na tatawid po ito hanggang 2021, kada applicant po ng ating special housing loan restructuring program, puwede po silang pumili kung magsisimula muli or magri-resume iyong kanilang buwanang hulog sa kanilang housing loan. Puwede pong as early as December pagkatapos po nito, bale next month or puwede nilang piliin hanggang March na po ang resumption ng kanilang monthly amortization at lahat po ng mga hindi nabayaran idi-distribute na lang po natin across the loan term.
BENDIJO: Ilang beses po puwedeng umutang ang mga miyembro ng Pag-IBIG sa calamity loan, sir, again?
PAG-IBIG PRESIDENT & CEO MOTI: Sa calamity loan program po natin, puwede na po tayo ngayon mag-apply, online po kasi, hindi na po natin kailangan pumunta sa branches. Ang kailangan lang po doon ay piktyuran nila iyong kanilang calamity loan program at i-upload po ito sa website kasama ang two valid IDs at selfie na hawak iyong dalawang valid IDs para po ma-process na po natin iyon.
Ang requirement lang po diyan ay dapat mayroon siyang Landbank cash card, UCPB cash card or iyong loyalty card plus na powered by Union Bank or AUB. Automatic po iyan kapag pumasok sa sistema natin ay pinu-process na po iyan, within two days po iyong processing.
BENDIJO: Okay. Mensahe na lang po, sir Acmad sa atin pong mga kababayan lalung-lalo na sa mga miyembro po ng Pag-IBIG.
PAG-IBIG PRESIDENT & CEO MOTI: Sa lahat po ng ating mga miyembro, pumunta lang po tayo sa ating website, www.pagibigfund.gov.ph para po malaman natin ang lahat ng mga benepisyo at programa ng Pag-IBIG fund at para naman po sa mga may katanungan tungkol sa mga programa o status ng kanilang loan application, maaari po silang tumawag sa 8724-4244 or 8-Pag-IBIG. Puwede rin po slang mag-e-mail sa contactus@pagibigfund.gov.ph, or puwede rin silang maki-chat sa atin kapag pumunta po sila sa website.
Maraming salamat, Aljo and Usec. Rocky.
BENDIJO: Maraming salamat sa inyong panahon, Pag-IBIG President and CEO Acmad Rizaldy Moti.
USEC. IGNACIO: Upang kumustahin naman ang lagay ng repatriation assistance sa kanilang ahensiya, makakausap po natin sa puntong ito si OWWA Administrator Hans Leo Cacdac. Magandang araw po, sir.
ADMINISTRATOR CACDAC: Magandang araw sa inyo, Usec. Rocky, sir Aljo. Sa inyong mga tagapakinig, tagapanood, magandang araw din po.
USEC. IGNACIO: Inilunsad po kamakailan ng DOLE, OWWA at ng CHEd iyong pong Tabang OFW para makatulong sa ating mga pinabalik o nawalan ng trabaho o sumakabilangbuhay na OFW dahil sa panahon ng pandemya, ano po iyong layunin ng nasabing programa? Ano po at sino ang magiging benepisyaryo nito at paano po ang proseso? Ano po ba ang ibig sabihin ng Tabang OFW?
ADMINISTRATOR CACDAC: Iyong Tabang OFW literally means helping our OFWs. It’s a Bisaya dialect/term and iyong Tabang OFW is a joint effort of the DOLE, the OWWA, the CHEd at ito ay brainchild ho nito ni Senator Bong Go na kung saan ay pinasinayaan na ang pagpupulong namin at nagkaroon nga, nag-develop nitong Tabang OFW Program which is essentially a financial aid program for collegiate level dependents ng mga nanumbalik na OFWs na dahilan ng COVID.
So, we rolled-out last week, we began last week, and so far, we have had around 2,000 approvals already, mga scholars and ang payouts will begin this year. Tapos na iyong screening ng 2,000 na nabanggit and mayroon ng mga payouts that will commence over the weekend and this coming week. So, magbibigay na po tayo ng financial aid na tamang-tama rin lalo na sa mga typhoon-affected areas. Iyong mga college level dependents ng returning OFWs, displaced due to COVID-19.
USEC. IGNACIO: Bukod po dito sa Tabang OFW ay mayroon din po kayong inilunsad na OFW Reintegration through Skills and Entrepreneurship o iyong tinatawag na OFW RISE, ano po iyong maaaring asahan ng ating mga kababayang OFWs mula rito? Ang tanong po nila, paano daw po sila makaka-avail nito?
ADMINISTRATOR CACDAC: Ito ay long standing partnership na natin with Coca-Cola Philippines and of course, mas may kahulugan ngayon sa panahon ng pandemya kasi nga kailangan talaga ng mga kababayan natin ng pangkabuhayan.
So, this begins with an entrepreneurship program or training or seminar, series of seminars kung saan tutulungan natin, magbibigay tayo ng impormasyon lalo na sa mga nanunumbalik nating OFWs kung paano magtayo ng negosyo.
Iyong format ay parang Edutainment – education and entertainment format at the same kung saan bibigyan sila ng impormasyon kung paano makapagtayo ng negosyo. Dugtong dito, kapag sila ay nagpasya na na magtayo ng negosyo, mayroon tayong mga OWWA programs. Mayroon tayong individual livelihood packages for returning distressed OFWs at mayroon tayong recently na ini-rollout, last week din, itong Tulong PUSO Program which is a group livelihood program, a P150,000 – 1,000,000 grant to OFW groups na magsasanib puwersa sila, form themselves into either a corporation, workers’ association, or cooperative kung saan sila ay magninegosyo at bibigyan natin sila ng panimulang grant. P150,000 to 1,000,000, depende sa laki noong negosyo.
So, after the RISE entrepreneurial seminars, puwede natin silang idugtong kaagad, i-access sa livelihood program. Ang Coca-Cola, may sarili ding mga dealership arrangements. Iyong mga interesado naman doon puwedeng bigyan ng Coca-Cola ng panimulang softdrink dealership, iyong mga interesado din. But it all begins with the entrepreneurship seminars at iyon iyong inilunsad noong isang linggo at si Sec. Bello at ang Coca-Cola Philippines ay nandoon para pirmahan iyong MOA kadugtong din ito iyong sa programa ng TESDA na magbibigay ng pagsasanay at skills doon naman sa mga interesadong mag-embark on skills development or enhancement.
USEC. IGNACIO: Maganda iyan kasi para nama-manage nila nang maayos ang kanilang finances. Tuluy-tuloy pa rin po ang pagbibigay ninyo ng financial assistance sa mga OFW sa ilalim po ng Abot-Kamay o pagtulong sa AKAP program. Ilan na po ba iyong nabigyan ng assistance at ilan na o iyong inaasahan natin na maaabot nito?
ADMINISTRATOR CACDAC: Yes. So far, tumatayo na sa 325,000 iyong nabibigyan and we are currently wrapping up with about maybe 20,000 more this coming week, iyong third tranche na nakuha natin from the national government. There is a fourth tranche, iyong Bayanihan 2 na makukuha na natin at iru-rollout na rin natin next week which means na from now until the end of December ay magpi-payout tayo, mag-a-approve tayo ng mga DOLE AKAP applications. Ito iyong financial assistance of P10,000 for returning displaced OFWs, cash assistance ito. Kadugtong ito ng mga dalawang programa na nabanggit ko, iyong scholarship program natin, iyong livelihood, and then iyong cash financial assistance for returning OFWs displaced by the COVID crisis.
USEC. IGNACIO: Attorney, sa pagpapatuloy po ng ating repatriation efforts dulot po ng pandemya, ilan pong mga kababayan nating OFWs iyong inaasahan natin na mapapauwi hanggang December 2020 at ilan naman po iyong napauwi na sa kani-kanilang mga home region?
ADMINISTRATOR CACDAC: At the beginning of today, 302,000 since May ang napauwi sa kani-kanilang mga home provinces or regions and we are expecting maybe around 70-80,000 more through the end of the year. Of course, variable ang figure kasi Christmas season kaiba sa ibang panahon ng taon, nagdaang taon, panahon ng Pasko, obviously, magsisiuwian ang ating mga kababayan, so variable ‘no 70-80,000 ang ini-expect natin.
Naantala lang nang kaunti, Usec., iyong pagpapauwi for the last 2-3 days, in fact it stretches till last week pa gawa ang Typhoons Quinta, Rolly and Ulysses. So, halimbawa, kahapon mga 500 lang ang nakauwi kasi nga tinamaan tayo ng Bagyong Ulysses kahapon. So, hopefully magsimula na muli iyong usual flow, around 1,000-2,500 na napapauwi natin every day. But that said, may mga 2,000-2,500 na dumadating sa international airport every day.
USEC. IGNACIO: Okay, kung sakali po na may concerns o humingi ng assistance hinggil sa inyong mga programa ang ating mga kababayang OFWs o kanilang pamilya, saan daw po sila maaring sumangguni?
ADMINISTRATOR CACDAC: Okay, mayroon tayong hotline iyong 1348 or OWWA hotline, puwede rin doon sa ating, siyempre parent agency ang DOLE, mayroon ding 1349 hotline ang DOLE. And then of course mayroon tayong Facebook quarantine operations page, ang pangalan noong page OWWA Facebook quarantine operations page, puwedeng i-search lang po iyon. At doon puwede ring maglagay o magbigay ng comments, issue or concerned po patungkol sa ating mga programs ang activities. And then lastly my twitter account din tayo puwede rin po doon sa ating twitter, ako rin po mismo ay nasa twitter din. So, marami naman din doon nakikihalubilo sa akin both on Facebook and in twitter.
USEC. IGNACIO: Ano na lang po ang inyong mensahe sa ating mga manunood, Attorney?
ADMINISTRATOR CACDAC: Yes, manalig po kayo talagang patuloy po ang ating pagbibigay ng serbisyo. On average, tayo po sa OWWA 7,00 to 8,000 OFWs ang kinakalinga po natin everyday – iyong mga padating, iyong mga nasa quarantine facility at iyong mga paalis sa kanilang mga home regions. Manalig lang po kayo, may 1348 hotline tayo, idulog lang po doon at ipagdasal po natin ang isa’t isa. Maraming salamat po.
USEC. IGNACIO: Maraming salamat po sa inyong update, OWWA Administrator Hans Leo Cacdac.
Sa iba pang mga balita Bureau of Immigration at Bureau of Fire Protection Modernization Act of 2020 isinusulong ni Senator Go. Narito po ang buong detalye: [VTR]
BENDIJO: Mula naman sa PTV-Davao, may ulat si Julius Pacot. Julius…
(NEWS REPORTING)
BENDIJO: Pipilitin nating maibalik ang report ni Julius Pacot. Daghang salamat, Julius.
USEC. IGNACIO: Para naman alamin ang sitwasyon ngayon sa Cebu city puntahan natin si John Aroa. John…
(NEWS REPORTING)
USEC. IGNACIO: Maraming salamat John Aroa.
BENDIJO: Patuloy po tayong magtulungan na masugpo ang COVID-19 sa pamamagitan ng pagsailalim sa COVID-19 test kung kinakailangan at siyempre katuwang ang Philippine Red Cross. Kung nais po ninyong magpa-swab test sa Red Cross, narito po ang mga hakbang na dapat ninyong gawin: [VTR]
USEC. IGNACIO: Samantala, dumako naman tayo sa update kaugnay sa COVID-19 cases sa buong bansa. Base po sa tala ng Department of Health as of November 12, 2020 naitala ang 1,477 newly reported COVID-19 cases. Kaya naman ang total number of confirmed cases ngayon sa bansa ay 402,820. Naitala rin kahapon ang 11 na katao na nasawi, kaya umabot na sa 7,721 ang kabuuang bilang ng COVID-19 deaths sa ating bansa. Ngunit patuloy rin naman ang pagdami ng mga nakaka-recover na umakyat na sa 362,417 with 211 new recoveries recorded as of yesterday. Ang kabuuang total ng ating active cases ay 32,682.
At iyan nga po ang balitang aming nakalap ngayong araw. Maraming salamat sa mga naglaan ng kani-kanilang oras sa pagbibigay linaw sa mga impormasyon na mahalagang malaman ng ating mga kababayan.
BENDIJO: Ang public briefing ay hatid sa inyo ng iba’t ibang sangay ng Presidential Communications Operations Office sa pakikipagtulungan ng Department of Health at kaisa ng Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas (KBP).
USEC. IGNACIO: Asahan ninyo ang aming patuloy na pagbibigay impormasyon kaugnay sa mga updates sa ating paglaban sa COVID-19 pandemic. Maraming salamat din sa Filipino Sign Language Access Team for COVID-19.
BENDIJO: Samantala 42 days na lang Pasko na. Bagama’t patuloy pa rin ang pagharap natin sa krisis na dulot ng COVID-19. Lagi nating tandaan na ang pagmamahal at pagtutulungan sa kapwa ay ang tunay na diwa ng Pasko. Ako po si Aljo Bendijo. Thank you Usec.
USEC. IGNACIO: Maraming salamat din sa iyo, Aljo. Mula po sa PCOO, sa ngalan ni Secretary Martin Andanar, muli ako po si Usec. Rocky Ignacio magkita-kita po tayo bukas dito lamang sa Public Briefing #LagingHandaPH.
##
Source: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)