Press Briefing

Public Briefing #LagingHandaPH hosted by PCOO Undersecretary Rocky Ignacio with Angelique Lazo, Alex Santos, Gani Oro and Aljo Bendijo


Event Public Briefing #LagingHandaPH
Location PTV

USEC. IGNACIO: Matapos po ang hagupit ng Bagyong Ulysses, marami ang iniwan nitong pinsala sa iba’t ibang bahagi ng bansa. Dahil dito, marami sa ating mga kababayan ang nangangailangan ng tulong.

ANGELIQU LAZO: Kaya naman hindi matitinag ang nasyonal na pamahalaan sa paghahatid ng suporta at tulong sa bawat Pilipinong apektado ng kalamidad.

GANI ORO: Ngayong umaga, alamin natin ang pinakahuling ulat sa sitwasyon sa iba’t ibang lugar sa bansa na lubha pong tinamaan ng hagupit ng Bagyong Ulysses.

ALEX SANTOS: At siyempre, aalamin po natin ang patuloy na pagpapaabot po ng serbisyo ng pamahalaan para po sa ating mga kababayan na nasalanta ho ng bagyo.

USEC. IGNACIO: Kaisa ang buong puwersa ng PTV at ng PCOO, samahan ninyo kaming muli sa isang special coverage. Sa ngalan ni Secretary Martin Andanar mula sa PCOO, ako po si Usec. Rocky Ignacio kasama sina Angelique Lazo, Alex Santos at si Gani Oro, at ito ang Public Briefing #LagingHandaPH.

Okay, maraming salamat sa inyo. Marami tayong hinihintay na balita. So antabayanan po natin ang magiging pahayag ni Presidential Spokesperson Harry Roque kung siya po ay nandiyan na sa ating linya. Secretary Roque, magandang umaga po. Wala po so …

Nagulat tayo nang umaga, Angelique, nagising tayo ng pangyayari dito sa Cagayan. So nagsasagawa na kaagad ng rescue operation ang mga concerned agencies sa lugar, sa Cagayan at sa Isabela.

ALEX SANTOS: Yes, madalas iyan. Matagal na hong binabanggit ni Governor Mamba diyan po sa Cagayan province na talagang umaapaw talaga ho iyong Cagayan River ho diyan kaya ito, nagulat din po ang ilan po nating mga kababayan po diyan.

ANGELIQUE LAZO: Actually, dito sa paghampas ng Bagyong Ulysses, marami naman talaga sa atin, although alam natin na ito iyong mga dadaanan ng bagyo, pero mayroon pa rin konting “gulat” factor dahil iyong tubig, although sinabi ng PAGASA na malakas ang ulan, malakas ang hangin, pero dahil saturated na po kasi ang lupa sa ilang bagyong lumipas – Quinta, Rolly tapos itong si Ulysses – talaga namang hindi na kinaya ng mga bundok at iyan, pati mga ilog ay nagsi-apaw.

GANI ORO: At sa totoo lang ha, marami ngayon pa lamang dumarating na mga information dahil bogged down iyong communication natin so iyong mga photos, mga videos na kuha ng mga citizens ay ngayon pa lang nagdadatingan kung gaano kalaki ang pinsala sa kanilang lugar.

USEC. IGNACIO: At tayo po dito sa PTV at siyempre sa PCOO, mananatili pong bukas ang ating programa para po tulungan iyong mga nangangailangan. At patuloy rin pong nakikipag-ugnayan ang mga concerned agencies, tayo po ay may mga kasamahan dito sa PIA, iyong Philippine Information Agency, ang Radyo Pilipinas at maging ang ating mga PTV correspondents ay nandoon po sa lugar para po maghatid ng mga pinakahuling balita.

ALEX SANTOS: Actually, Usec., Angelique at Gani, ang atin pong mga kababayan, huwag po kayong mag-alala ha, ang atin pong mga makakapitan ngayon po ay walang iba kung hindi ang atin pong pamahalaan. Sila ho ang mayroon pong mga resources para ho tayo ay matulungan po diyan. Kung kailangan ho ninyong ma-rescue po kayo, nandiyan po ang Philippine Coast Guard, nandiyan po ang Bureau of Fire Protection. Lahat po ng atin pong mga enforcement na bureau, ang PNP at ang AFP ay tutulong po sa inyo.

USEC. IGNACIO: Opo. Iyong pangyayari sa Cagayan – Good morning, Joseph Morong – ay nangyari pa iyan kagabi. At tayo nga po ay—napakahirap pong isagawa iyong mga sinasabi nating rescue kung medyo mahirap gawin iyong mga pangyayari na papaano mo paaabutan nang mabilis na tulong kung kagabi pa nangyayari, so ano ang gagawin ng ating mga concerned agencies tungkol diyan.

GANI ORO: Pati iyong mga LGUs natin medyo nakatali din iyong kamay nila sapagka’t limitado iyong kamay nila sapagka’t limitado iyong kanilang resources, so kailangan din nila ng tulong ng national government.

ANGELIQUE LAZO: At again ano, kasama na rin kasi iyong paglaban natin sa COVID ‘di ba, so since the start of the year, halos mga February, March ay ang dami na nating mga pinapalabas na mga pag-ayuda sa ating mga kababayan. And ito na naman po ano, sa bagyo na naman po, kailangan nating umayuda.

USEC. IGNACIO: Opo. Kahit nga po hindi nga direktang tinamaan ng Bagyong Ulysses ang Cagayan Valley, naramdaman pa rin ng mga tao ang bagsik nito matapos ang tuluy-tuloy na pagpapakawala po ng tubig mula sa Magat Dam. Sa kasalukyan, nananatiling lubog sa baha ang mga siyudad at probinsiya ng Cagayan, Isabella, Nueva Vizcaya at Quirino. Kasama po ang Air Force, ang Philippine National Police, ang Bureau of Fire Protection, nagsagawa po ng rescue operations sa buong rehiyon at tinatayang nasa 97,073 na po ang pamilyang apektado dito.

Samantala, patuloy pong nagbibigay ng family food packs ang Department of Social Welfare and Developments sa mga na-rescue na residente, ganoon din po ang Department of Health na namahagi ng medicines at hygiene kits at ang Department of Public Works and Highways para naman po sa clearing operations sa rehiyon.

Kaugnay po sa kasalukuyang sitwasyon diyan sa Cagayan Valley, makakausap po natin ngayon si Cagayan Valley Governor Manuel Mamba. Magandang umaga po, Governor.

GOVERNOR MAMBA: Magandang umaga din po sa lahat.

USEC. IGNACIO: Governor, mula po kagabi hanggang umaga ay marami po ang humihingi ng saklolo sa Cagayan Valley na mga residente pong na-trap sa kanilang mga bahay. So kumusta na po iyong sitwasyon ninyo diyan ngayon?

GOVERNOR MAMBA: Well, undergoing pa rin po ang rescue and relief operations namin dito at mataas pa rin po iyong tubig dito sa amin, sa Cagayan, and the whole stretch of Cagayan River in my province. At ito nga po at nagtutulung-tulungan po ang ating mga PNP, ang ating PDRRMO, our city and NDRRMOs, ganoon din po ang Armed Forces of the Philippines sa pagri-rescue po.

We only suspended iyong rescue at nights for the last two nights, but on daytime po ay tuluy-tuloy po iyong pag-rescue namin. Humuhupa na rin po dito pero very slow po iyong paghupa. This is the first time po ‘no, for so many years na ganito po kataas doon po sa buntod po. Mayroon po kasi kaming gauging control, gauging station doon, umaabot lang po iyon sa 11 in ordinary times but this time ay inabot po kami ng 13.1 meters kaya grabe po iyong baha ngayon. Humupa nang konti, about less than a meter pero mataas pa rin po iyong tubig dito sa amin.

ALEX SANTOS: Opo. Gov, si Alex Santos po ito. Good morning, sir. Sapat po ba iyong tulong po na naibibigay po sa mga tao natin katulad po ng pagkain, damit, gamot at iba pang pangangailangan po diyan, Governor?

GOVERNOR MAMBA: Yeah, iyon po ang ginagawa namin pero nagpapatulong po kami ng mga air assets. Nagpapasalamat po ako, kaagad-agad naman tumugon si Senator Bong Go. And we have the Northern Luzon Command na nagpapadala na rin po dito through General Burgos ng mga air assets nila including the Chief PNP ay nagpapadala na rin po dito. In fact, iyong RD po ng PNP ay nasa akin din, nandito si General Nieves ‘no, at nagku-coordinate na po kami sa mga rescuers.

And I was also informed that a C-190 is coming over sa Cagayan pati po mga rescue teams din po, at kami po ay nagpapasalamat. Wala na pong ulan ditto, medyo makulimlim nang kaunti pero wala na pong ulan, yesterday and today. Hopefully ay mabilis po iyong paghupa. But we are also trying to contact din po iyong Magat para if it’s possible na huwag na muna silang mag-release ng excess na tubig nila para kahit papaano po ay mabilisan naman iyong paghupa ng ating baha dito sa Cagayan.

ANGELIQUE LAZO: Okay. Governor Mamba, si Angelique Lazo naman po ito. Ilan na po ang naitalang casualties sa Cagayan na idinulot po ng pagbaha diyan? Sabi ninyo nga po nasa 30 meters ang height po ng baha? Governor Mamba?

GOVERNOR MAMBA: Ano po iyon, hindi po naintindihan.

ANGELIQUE LAZO: Okay, ulitin ko lang po. May mga naitala na po bang casualties – mga nasugatan, mga namatay dahil po sa matinding pagbaha po diyan?

GOVERNOR MAMBA: Opo, opo. Mayroon po kaming reported na siyam na casualties the other day pa. Mayroon na pong isang nalunod diyan sa Gattaran, pero taga-Baggao po ito. And then mayroon din pong landslide, may apat po magkakabahay – isang 17, 18, 19 years old na mga binatilyo at saka iyong lola nila na 60-year old. And then mayroon pong na-electrocuted din po na tatlo – dalawa po iyong na-electrocute diyan sa Pared, sa Alcala and then isa na naman pong electrocuted din po kagabi, isang rescuer po natin dito sa Linao sa TUGUEGARAO City.

Mayroon din po tayong drowning incident na naman – isang 42-year old na maid diyan po sa Baculod, Alcala din po. So we have nine, nine confirmed deaths already because of flooding po na nangyayari sa Cagayan. Gusto ko lang pong malaman ninyo na wala ho kaming typhoon signals dito sa Cagayan since the start of Ulysses. Pero iyong tubig po na binuhos diyan sa Isabela, ganoon din po sa Quirino, ganiyan po sa Vizcaya, Kalinga and of course, Ifugao, ito po iyong talagang dumadating na tubig sa amin ngayon ‘no. There was also prior super saturation po ng aming soil dito dahil sa sunud-sunod po na ulan at localized na pagbabaha po especially in the northern towns of Cagayan. Kaya ito po, the last time that we had this kind of experience was 1975 daw po according to the residents of TUGUEGARAO City at ngayon na lang naulit po ito.

GANI ORO: Governor, si Gani Oro naman ito ano. Since na nabanggit ninyo na wala kayong typhoon signal diyan ay parang na-caught unaware po iyong mga kababayan natin diyan pati iyong mga LGU diyan. Hindi masyado bang nakapaghanda dahil wala kayong typhoon signal diyan? In the meantime, ano pa rin po ang mabilis ninyong ginagawa, ng inyong lokal na pamahalaan diyan sa mga kababayan na medyo na-isolate dahilan sa biglang pagtaas po ng tubig.

GOV. MAMBA: Well nakapaghanda po kami, no question about that, we anticipated po ito, Dahil Nasanay na po kami sa ganito, na-anticipate. Nagkaroon kami ng preemptive evacuation, nagkaroon kami ng forced evacuation po ano. We anticipated this, but we did not anticipate how enormous po iyong tubig na dadating. Kasi last year ganito na naman po ang nangyari and prior to this, talaga pong mayroong mga local flooding po kami especially in the north. Kaya na-anticipate po namin ito. We forewarned our people, but akala siguro nila, it’s the same magnitude noong last year. Kasi last year po, the whole of the last quarter of last year ‘no, for the last three months talagang ganito po ang na-experience din namin dito.

But this is worst po, sabi ko nga the last time we have this kind was 1975, dati-rati po hanggang 11 meters lang po umaabot, pero this time, it went as high as 13.1 meters po. This is unprecedented po dito sa Cagayan, first time na mangyari ulit itong ganito. Kaya nga po na-surprise iyong iba. But really we prepared for this po, but this is worse than what we prepared for.

USEC. IGNACIO: Governor nagkaroon po ba ng prior warning sa mga residente na magpapakawala po ng tubig ang mga dam para po makapaghanda.

GOV. MAMBA: SOP naman po iyong pagpapakawala nila. Kaagad-agad nagbibigay po ng kuwan [warning], pero sabi ko nga talagang saturated na iyong soil namin dito and then grabe po iyong buhos din ng ulan diyan sa bandang Quirino, Nueva Vizcaya. Ito po talaga, so nagsabay po ito. And of course iyong pagpapalabas po ng Magat. At I could not blame them naman, pero dati-rati ganiyan na po iyan, basta umuulan na diyan, nagpapakawala na po sila. But siguro we will try to investigate kung bakit ganoon, pero forewarned din naman po kami na magpapalabas sila. Kaya lang, iyon nga lang po, there was a enormous water po, grabe po iyong tubig at in fact hanggang ngayon, it’s almost on its third day now. Almost in its third day, kaya lang ang taas pa rin po ng tubig dito.

SANTOS: Gov., sususugan ko lang po iyong tanong ni Usec. Rocky ano, dahil hindi po natin mabatid kasi po kung ano ang magiging protocol po in every dam management. Siguro ang local government po ba, Gov., mayroon po ba kayong kapangyarihan na pagsabihan po ang mga management po ng dam na huwag kayong magpakawala, sasabihin rin po siguro ng management ng dam, hindi kami puwedeng magpigil, kapag spilling over na, eh talagang masisira ang dam namin kapag manatili po iyong dami ng tubig. So, ano pong mga possible pong mga hakbang na gagawin po ng LGU together with the—siguro, anong coordination ang gagawin po ninyo sa mga dam management po, sir?

GOV. MAMBA: Ang talagang malaking problema namin dito, the denudation of our forest, matagal na po ito na problema, naaabuso rin po ang mga forest namin dito both of the Cordillera ang the Sierra Madre side ‘no. And then, they have the siltation of our riverbeds po, halos wala na po kaming river na makita po dito. If you come to Cagayan now, talagang ocean na po ito, hindi mo na po makikita iyong river including the highway, wala na po iyan. So nakikita po ninyo, I think this is through the years, napabayaan po ang mga ito and I think we have to have a holistic approach on how to do this.

Ang hirap po kasi na magturo ako kung saan, kasi ito po ay—it was salvation ng mga mali na nangyayari sa environment po natin ‘no. And of course wala pong nangyaring dredging all throughout my lifetime, wala pa po akong malaman na dredging na nangyari sa Cagayan River. Ganoon din po nag-fail po iyong National Greening Program din po natin dito and unabated naman din po ang illegal logging. Kahit na mayroong total log ban na nandiyan pa rin po iyong illegal logging natin.

So, sa akin po, I think all the sacrifices and all the sufferings that we are experiencing now serve as a lesson to all of us here and it should also open the eyes of the national government at ako ay nagpapasalamat po that ngayon lang po pinapayagan iyong dredging and restoration of the Cagayan River under the administration of President Duterte. We are about to start this po, sana po makita ito ng DENR, makita po ito ng DPWH, MGB, EMB that we have to start doing this po, because hindi po puwede ito pang-isang taon lang. We have to have a middle and a long term plan of the dredging of the river and the re-greening of our forest in the region. And ito po ay hindi po puwedeng provincial initiative lang. It should be a regional and even inter-regional initiative. Because Kalinga, Apayao and Ifugao po, lahat din po ng mga tubig ng mga probinsiyang ito papunta po lahat dito sa Region II at ultimately ay kami po ang catch basin dito sa probinsiya ng Cagayan.

And I expect po na there will be worse flooding that will come after this, mas worse pa ho than what we are experiencing now.

USEC. IGNACIO: Opo, iyan pong sinasabi ninyo, Governor. Ano pa po iyong kailangang tulong ninyo sa ating gobyerno, sa ating national government at gamitin na po ninyo ang pagkakataong ito na ipaabot ang inyong mga pangangailangan diyan, ganoon din po ang mensahe ninyo sa inyong mga kababayan, Governor?

GOV. MAMBA: Well, unang-una sa aking mga kababayan, ito po sinasabi natin noon pa that our province is the most disaster front province in the north, ito na po iyon and of course the City of TUGUEGARAO is the most disaster prone city not only in the country but even worldwide. So, ito na po iyon, this is just the start of the worse that will have to come. Kaya dapat po siguro matuto tayo sa mga nangyayari sa atin ngayon. Pakiusap ko po sa ating lahat ‘no, lalung-lalo na iyong mga responders natin, ako ay nagpapasalamat po sa lahat ng sakripisyo na ginagawa ninyo ngayon. Of course our partner po, iyong PNP, iyong Armed Forces of the Philippines, iyong Marines, iyong BFP at nasanay na po tayo, alam na po natin iyong ginagawa natin every now and then at ako ay nagpapasalamat.

Nagpapasalamat din po ako sa mga residente na nagriresponde kahit na may COVID, okay lang sa kanila. Ang adopt a neighbor, because 70% of our evacuees ay nasa adopt a neighbor po, nagtutulungan po ang magkakapitbahay at ako ay nagpapasalamat po kahit na may COVID. At ako ay nagpapasalamat din po sa lahat ng tumutulong dito sa amin. I know this will serve as a lesson to all of us. Let us not forget na ito ay lalala po every year. Kaya kailangan po.

Nagpapasalamat din po ako sa national government, especially Senator Bong Go, na kaagad-agad nag-text naman po sa akin at nag-request po tayo ng mga air assets and I was informed na papunta na po dito sa Cagayan including mga rescue teams na pupunta po dito. Thank you so much po kay Mayor Sara nagpadala rin po mga tulong na dito, thank you so much and of course the national government, especially the President.

At makakaasa po kayo, kami sa Cagayan we have always been a resilient people and we have always been one, kapag may mga ganito na mga problema po dito sa aming probinsiya. Makakaasa po kayo na babangon po kami, kaya po namin ito.

USEC. IGNACIO: Governor, may pahabol lang pong tanong ang ating kasamahan na si Joseph Morong ng GMA 7. Ang tanong po niya sa inyo, kung mayroon pa pong mga residente na na-stuck sa ibabaw ng kanilang mga bubong?

GOV. MAMBA: Mayroon pa ho, mayroon pa ho. Mga isolated areas kasi. Ang kuwan ho namin sa kanila, maghintay po sila rather than move kasi may mga areas po na hindi namin kayang abutin dahil masyadong malalim at rumaragasa pa rin po ang tubig. Kung makita ninyo po kasi ang Cagayan ngayon, parang ocean po ito, tubig po from Cordillera hanggang doon sa Sierra Madre. Tubig po lahat iyan, hindi ninyo na po makikita iyong river hindi ninyo na rin po makikita iyong mga highway.

So, may mga patsi-patsi na mga bahay-bahay pa dahil alam ninyo naman ang lahat po ng mga poblaciones namin, human habitat namin is all along the Cagayan River which serves as our highway for so many decades and so many centuries na po, kaya ganoon po ang sitwasyon dito because we are a valley. But anyway, resilient po kami, alam ho namin but ako ay umaasa po na hindi lalaki ito, hindi na magwu-worsen itong sitwasyon namin ngayon.

USEC. IGNACIO: Governor, salamat po at bukas po ang aming programa at aming istasyon ng telebisyon dito para po kunin ang iba pa ninyong mga pangangailangan. Maraming salamat po sa inyong panahon, Cagayan Province Governor Manuel Mamba.

GOV. MAMBA: Thank you po and God bless po sa inyo.

USEC. IGNACIO: Nakakalungkot isipin na mayroon pang mga kababayan—kagabi pa ito nangyari at nandoon sila sa bubungan na naghihintay ng tulong na sana mabilis na maipaabot.

LAZO: Isipin mo na catch basin talaga itong Cagayan Valley. Iyong mga bundok, iyong mga Cordillera, iyong Sierra Madre, lahat ng ulan na pumatak diyan eh nagsanib-puwersa ang tubig kaya ngayon halos pati ilog hindi mo na makita, hindi mo na makita kung nasaan iyong mga bahay kasi puro tubig na lang po ang natira.

USEC. IGNACIO: At saka ang isa sa sinabi ni Governor na talagang dapat nating tulungan, bantayan, iyong sinabi niya na after na mangyari ito naniniwala siya mas—

SANTOS: Worst pa daw.

USEC. IGNACIO: Oo, may mangyayari pa na sana talaga ano…

ORO: Kaya importante iyong preposition noong mga tulong o ayuda kasi kapag tumaas ang baha, medyo na-i-isolate iyong lugar, hindi nakakarating iyong tulong galing doon sa kahit sa munisipyo o sa provincial government.

So, kung naka-preposition na talaga doon sa lugar na iyon, hindi na sila tatawid ng baha o kaya naman kapag nagbagsakan iyang mga punongkahoy, ano sila, isolate, naa-isolate sila sa lugar. Siguro may mga plano naman silang ganoon.

SANTOS: At Gani, tama nga iyong sinabi nga ni Gov. nga, hindi lang ito problema ng provincial level, no, it’s an exerted effort na dapat po magtulungan, regional pati na national dito, DPWH, siguro iyong niri-request na hukayin iyong Cagayan River, dapat siguro ay gawin na ho natin ho iyan.

ORO: Imagine, wala silang typhoon signal ha. Parang iyong nangyari sa atin noong kay Rolly, masyadong reding-ready tayo sa Metro Manila, yumuko iyong bagyo. Ito naman medyo kumanan iyong bagyo, so nadali itong mga lugar na ulan naman ang bumuhos sa kanila nang matindi at wala masyadong hangin.

USEC. IGNACIO: Samantala, upang magbigay ng mahalagang update, makakasama natin si Presidential Spokesperson Secretary Harry Roque. Magandang araw po, Secretary!

SEC. ROQUE: Magandang araw, Usec. Rocky at sa ating mga kasama! Ito lang po ang ating latest sa ginagawa nating rescue operation diyan po sa probinsiya ng TUGUEGARAO, Cagayan Valley.

Kanina pa pong madaling araw ang Department of Transportation at ang ating Philippine Coast Guard po ay nagtatrabaho na round the clock at mayroon nga po silang na-rescue na 15 indibidwal sa Modero, Sitio Pantalan and Pantabangan sa Tumauini, Isabela; mayroon pong 50 indibidwal na na-rescue sa Barangay 12, TUGUEGARAO City; 47 individuals sa Pengue-Ruyu, TUGUEGARAO City; 13 individuals sa Caritan Norte Diversion Road and Annufuan West, TUGUEGARAO City; and 70 individuals diyan sa Linao East, TUGUEGARAO City.

Bandang alas-tres ng y media kaninang umaga, November 14, nag-deploy na po ang Philippine Coast Guard ng first convoy augmentation consisting po ng sampung rescue personnel; isang multipurpose vehicle; isang truck; several newly procured rubber boats. As of 9 A.M. today po, ang Coast Guard po ay naka-safely deployed na po ng second convoy of deployable response group to aid on the ongoing rescue operations po sa Isabela, TUGUEGARAO and Cagayan.

Itong mga deployable response groups pong ito ay composed of 60 rescue and medical personnel; dalawang bus; isang 12-wheeler na boom truck; dalawang M-35 trucks; at mayroon ding total of seven drivers. Mayroon po silang mga kasamang rubber boats at tatlong generators, kasama rin po ang 44 drums of fuel for the rescue asset and vehicle.

May isa pa pong convoy composed of two trucks na papunta na po. Mayroon po silang dalang 20 drums of fuel para po doon sa dalawang Coast Guard airbus light twin engine helicopter na gagamitin po para sa aerial extraction. Itong dalawang helicopters po ng Coast Guard ay papunta na po ng Cagayan at Isabela para mag-conduct po ng rescue and aerial extraction, samantala po ang Coast Guard islander plane ay nandiyan na rin po sa area para po sa conduction in aerial rescue operation.

Bukod pa po rito, mayroon pa po tayong dalawang deployable response group galing din po sa Coast Guard na naka-station sa Ilocos Norte na mayroon pong mga rubber boats at sila po ay papunta na rin sa TUGUEGARAO City via Pagudpud Highway. Meanwhile, ang PNP po ay nag-deploy na rin ng 747 search and rescue personnel and 1,003 reactionary standby support forces sa Region II as of 6 A.M. today.

Ang ating Hukbong Sandatahan naman po particularly ang Northern Luzon Command ay nag-shift na po ng efforts from counter-insurgency to search, rescue, retrieval, and relief operations diyan po sa CAR at sa Region II. Dalawa pong water search and rescue team from tactical operations group; dalawang Philippine Air Force doon po sa pangatlong araw nilang operations sa Ilagan City, Isabela. Samantalang mayroon pa po tayong tatlong search, rescue and retrieval team galing po sa Marine Battalion Landing Team na mayroong sampu, na mayroon ding dala po silang mga rubber boats at tatlong truck ay papunta na rin po sa Barangay Baculod, Alcala, Cagayan.

Bukod pa po rito, dalawang Huey helicopters po ay ipinadala po ng NOLCOM from Clark to Cauayan, Isabela for operations in Cagayan particularly sa TUGUEGARAO, for rescue and relief delivery operations to communities isolated by not passable road. Mayroon po tayong isang Sikorsky S-76 helicopter na naghahanda na pong mag-take-off galing po ng Clark papunta po ng Cagayan at pupunta po sila diyan kapag luminaw-linaw na po ang panahon.

Mayroon din po tayong tatlong water team. Iyong isang team po mayroong rubber boat at apat pong SRR personnel from 505 Search and Rescue Group ng PAF ay papunta na rin po ng Villamor Air Base para sila po ay ma-airlift ng C-130 galing po ng Mactan papunta po ng Cagayan Valley. Mayroon pa pong dalawa ring additional na Bell 412 helicopter na papunta na rin ng Cagayan Valley.

Ang Department of Social Welfare and Development at ang Department of Health po ay nagbibigay ngayon, iyong mga regional office nila ay nagbibigay ngayon ng tulong doon sa mga naapektuhang mga residente ng Cagayan Valley at ng Isabela.

So, alam po natin matindi po ang pagsubok natin pero sabi nga po ng Presidente, walang maiiwan. Ginagamit po natin ang lahat ng resources ng ating gobyerno para tulungan iyong mga nasalanta ng pagbaha diyan po sa Isabela at sa Cagayan.

So, iyan lang po muna hanggang ngayon at magbibigay po tayo ng karagdagang ulat siguro po mamayang hapon.

Maraming salamat Usec. Rocky at mga kasama po natin diyan sa Laging Handa.

USEC. IGNACIO: Secretary, puwede po ba kayong tumanggap ng tanong sa ilang kasamahan natin, Secretary?

SEC. ROQUE: Sige po.

USEC. IGNACIO: Sabi ni Joseph Morong, nakaabot na po ba sa kaalaman ni Presidente ang pangyayari sa Cagayan at ano daw po ang kaniyang naging reaksiyon dito?

SEC. ROQUE: Well, siyempre siya po ay nalulungkot at ang problema nga po natin mayroon pong nagaganap ngayon na ASEAN pero ang Presidente po ngayon nakatutok po ngayon dito sa problema diyan sa Region II.

Kaninang umaga po, ang nagbasa ng kaniyang speech doon sa ASEAN-US Summit ay si Secretary of Foreign Affairs Locsin dahil nga po sinu-supervise niya itong effort na talagang magdala po ng tulong at saka ng search and rescue operations diyan sa Region II gamit po ang ating mga air assets.

Air assets po ang ginagamit natin dahil nga po maraming mga lugar na remote na hindi mararating ng kalye. Nabasa ninyo naman po, napakadami na nating air assets na na-deploy papunta po ng Cagayan kanina pa pong madaling araw.

USEC. IGNACIO: Opo. Ang tanong pa rin ni Joseph Morong: Will it be correct to expect some visibility from the President during this time?

SEC. ROQUE: Well, iyan naman po ay nakaugalian na ng ating Presidente, siya po ay nag-aerial survey dito sa Metro Manila. Ang problema nga lang po talaga may ASEAN eh ‘no, pero alam ko po eh siguro po gagawan ng paraan ng Presidente para makaikot din po diyan sa mga lugar na iyan. Abangan lang po natin dahil mahirap nga po ang kaniyang movement dahil hindi lang po ASEAN sapagkat panahon din pong COVID.

Pero ang ating binibigyan ng kasiguraduhan – the President is on top of the situation. He is in constant communication with Secretary Delfin Lorenzana and Usec. Jalad of NDRRMC at ganiyan din po ang kaniyang koordinasyon pagdating po sa DSWD at sa DOH. Marami po tayong naka-prepositioned na supplies hindi lang po galing sa DSWD at DOH, pati po sa DPWH, napakadami po nating mga prepositioned equipment diyan para makatulong po doon sa ating mga kababayan.

USEC. IGNACIO: Opo. Mula naman po kay Leila Salaverria: Was the national government caught unaware by the massive flooding in Cagayan and Isabela?

SEC. ROQUE: Hindi naman po dahil ang sabi ko nga po ‘no, ang NDRRMC, dahil nga po sa ating mga naging karanasan na, naka-preposition na po iyong tulong. Siguro po ang dinagdag lang ngayong araw na ito, kanina pa, iyong nagsimula kanina pang madaling araw eh iyong mga aerial assets ‘no. Pero mayroon pong naka-preposition talaga doon sa Isabela na na dalawang helicopter, dinagdagan lang po. Sa aking binasa, hindi po bababa yata as lima o anim na air assets ang nadagdag pa doon ‘no. So hindi naman po tayo caught unprepared dahil naka-preposition po ang ating mga pangangailangan, dinagdagan lang po natin ang air assets natin doon sa area na iyon.

USEC. IGNACIO: Opo. What has happened po to the proposal for the President to place typhoon-hit areas under state of calamity? This was proposed after Quinta and Rolly hit and now there are also a lot of damage from Ulysses.

SEC. ROQUE: Well, iyan naman po ay bibigyan ng atensiyon. Ang importante po ngayon eh iyong quick response natin para sa pangangailangan ng ating mga kababayan at lahat naman po ng pangangailangan nila ay pinararating natin sa ngayon.

USEC. IGNACIO: Opo. Clarification lang po ni Joseph Morong: Is President Duterte attending ASEAN? You said daw po SFA or Secretary Locsin represented President Duterte.

SEC. ROQUE: Marami po kasing mga sessions ongoing ngayon ‘no. Iyong unang session po ay US-ASEAN Summit, binasa po ni Sec. Locsin iyong talumpati ni Presidente pero nasa Malago po ang Presidente in constant communication with SND. In fact iyong mga impormasyon na binasa ko po ngayon ay nanggaling din po kay SND matapos po silang nakipag-ugnayan kay Presidente ‘no. So there is direct communication now between the President and the Department of National Defense, specifically through the NDRRMC.

USEC. IGNACIO: Okay. Maraming salamat po sa inyong update, Presidential Spokesperson Secretary Harry Roque.

SEC. ROQUE: Magandang umaga po. Salamat po.

USEC. IGNACIO: Nakatutok ang ating pamahalaan doon sa sitwasyon at agad nagpalabas ng direktiba si Pangulong Duterte. Katulad ng nangyari dito sa pananalasa sa bandang Quezon, Bicol at dito sa Metro Manila na talagang sinabi nilang on top of the situation ang ating national government.

ANGELIQUE LAZO: Pero alam mo may mga similarities ha. Iyong mga bayan ano dito sa may Albay, iyong mga natabunan ng lahar, iyong mga gumuhong mga bato, iyong mga galing sa mga quarrying, etcetera dahil din sa pagbabaw iyon ng mga ilog eh ‘no.

ALEX SANTOS: Yeah. Silted na iyong mga ilog.

ANGELIQUE LAZO: Silted eh, so may mga common ano tayo, problems ano na kaya nga sabi—tama kanina Aljo na kailangan talaga i-review natin ulit on a national level, inter-agency, inter-regions, dialogue ano kung ano iyong mga, of course, immediate na puwede nating gawin and iyong long term, nakatingin din tayo sa future kung papaano mababawasan iyong ganitong klaseng mga problema – because of climate change, ang mga bagyo po talaga ay tumitindi at mas lumalakas.

ALEX SANTOS: Ang bottom line dito Angelique, wala ho tayong dapat sisihin ho dito ‘no dahil nature ho iyan eh. Ang ano siguro ho natin is gumawa ho tayo ng mga plano/mitigation – tama nga, long term dahil ang bagyo naman po ay nandiyan, minsan hindi ho natin napi-predict kung kailan darating ho iyan pero at least mas importante handa ho tayo. Siguro ang gusto ko rin sanang itanong kay Secretary, kung mayroon bang marching orders ang ating Pangulong Duterte na dagdagan pa ang budget sa flood control ‘di ba? Mayroon bang dapat na batas kung mayroong parusahan dito sa mga nag-i-illegal logging o anumang mga illegal activities, dapat siguro parusahan na ito sa panahon na ito.

GANI ORO: Pero I’m sure mabilis itong pagri-rescue nila ‘no dahil maganda naman ho ang weather ngayon and then iyong air assets na binabanggit ni Secretary Roque importante iyon sapagkat sa ere ang takbo noon kahit na baha diyan ano. Tapos iyong mga rubber boats, I’m sure may mga rubber boats na mga naka-deploy as he mentioned mabilis iyan palagay ko na matutulungan. So huwag ho mag-alala ang mga kababayan nating may kamag-anak diyan sa gawi na iyan ng Cagayan, kumikilos na po ang ating pamahalaan para tulungan sila.

USEC. IGNACIO: Ngayon naman po ay malaking pinsala ang iniwan ng mga nagdaang bagyo partikular na sa sektor ng ating agrikultura. Kaya naman po upang alamin ang update kaugnay niyan, makakausap naman natin si Department of Agriculture Secretary William Dar. Magandang araw po, Secretary.

DA SECRETARY DAR: Magandang araw po naman Usec. Rocky at sa lahat po diyan, nandiyan sa studio. Kumusta po tayo.

USEC. IGNACIO: Opo. Kasama ko po si Gani Oro, si Angelique Lazo at si Alex Santos. Gaano na po kalaki ang epekto nang sunud-sunod na bagyo dito po sa sektor ng agrikultura?

DA SECRETARY DAR: As of this morning Usec. Rocky, from Typhoon Quinta, Rolly at Ulysses, hindi pa kasama ngayon iyong flooding na nangyayari sa Isabela at Cagayan ay umaabot na po ng sampung bilyon iyong mga damages natin or losses natin sa agrikultura at alam natin naman na talagang apektado at talagang malaking dagok na naman dito sa food security natin mas lalo na itong mga tatlong typhoons na ito. Ten billion pesos po ang losses natin.

GANI ORO: Secretary, Gani Oro po ‘no.

DA SECRETARY DAR: Hi, Gani.

GANI ORO: As you mentioned, iyong damage sa agrikultura napakalaki ngayon. How about iyong mga magsasaka ho natin, mga gaano karaming mga magsasaka, as well iyong mga mangingisda, iyong mga fishermen natin ang naapektuhan na po—

DA SECRETARY DAR: Opo. As of yesterday evening ang apektado nitong tatlong bagyo na ito, 150,000 farmers at total hectarage ay 275,000 hectares. Let me mention Gani na in terms of the commodities, kung ano po iyong pinakagrabe na apektado considering itong impact ng tatlong typhoons ay high value commodities, kagaya ng abaca sa Catanduanes or the whole of region na sa Bicol ay 1 billion. So with the other high value commodities, 2.7 so a total of 3.7 billion ang damage ho sa high value crops.

Now sa palay naman, ang value nito ay nasa 3 billion pesos iyong na-damage. So itong 10 billion damage sa agrikultura kung ikumpara po natin Gani, Usec. Rocky, Alex and Angelique, mayroon tayong tinatawag na na-save doon sa production kasi nag-early warning system tayo at malaking tulong iyong PAGASA report. They are giving us 10 days before the typhoon arrives so ang sumatotal iyong na-save natin bago dumating itong tatlong malalaking—or malalakas na bagyo ay 32 billion pesos. So ganoon po kaimportansiya ng early warning system.

ALEX SANTOS: Opo. Secretary sa mga pigura ho, mga presyo’t halaga na inyo pong nabanggit po sa damages ‘no, maaari po bang masabi ito na isa po itong dahilan para magkulang po tayo ng supply ng pagkain po dito?

DA SECRETARY DAR: Alex, hindi ko marinig. Walang volume.

ALEX SANTOS: Opo, ulitin ko po Secretary. Sa binanggit ho ninyong mga halaga po ng pinsalang dulot po nito pong bagyo, maaari po ba nating masabi na ito po ay magiging dahilan para magkulang po tayo ng supply ng pagkain po sa Pilipinas?

DA SECRETARY DAR: Okay. Kung naintindihan ko iyong katanungan, mayroon pa ba tayong sapat na pagkain o sapat na food supplies. Unahin ko sa rice naman ay gawang mataas po iyong ating production ngayong taon at isama natin na iyong dumating na importasyon ay itong damages sa rice na 3 billion pesos worth ay ikumpara po natin na 5 days, almost 5 days na consumption natin, rice consumption – nawala 5 days. Ang imbentaryo po natin, Alex, ngayon ay nasa [garbled] na bigas, nandiyan na. So, i-minus mo iyong limang araw ay 94 days and a low of 85 days. So, 85 days – 94 days nandiyan pa rin iyong imbentaryo natin. Mayroon tayong sapat na bigas dito sa bansa.

LAZO: Mayroon po ba tayong programa, Secretary, ang Department of Agriculture na maaari pong sumuporta sa mga naapektuhang magsasaka at mangingisda dahil marami-rami po sila? Papaano po matutugunan ngayon ang kanilang pang-araw-araw na pangangailangan po?

SEC. DAR: Unang-una, Angelique ay mayroon tayong ibinibigay na, na kung puwede na silang magtanim doon sa mga iba na naapektuhan kagaya doon sa Bicol ay handa na po kami na magbigay ng buto ng palay, buto ng high-value crops, iyon ding sa mga livestock and fingerlings sa fisheries. So, iyon po ang unang tulong.

Number two na tulong po ay mayroon tayong iyong crop insurance or commodity insurance indemnification na basta naka-enroll sila, nakalista sila sa Farmers Registry ay mabibigyan sila ng P10,000 – 15,000. So, iyon ang una.

Pangatlo po, Angelique, mayroon tayo din na loan program na 25,000 for those affected farmers and fisher folk na iyong 5,000 within the 25,000 ay puwede nilang gamitin for emergency purposes and the 20,000 will be for their recovery. So, iyon po iyong nakakasa na.

Now, on top of all of these, Angelique, mayroon pa tayong dalawang amelioration program na umpisahan na iyong pamimigay namin next week. Iyong cash and food assistance sa mga non-rice farmers na ang number nito ay umabot sa 850,000 farmers, so magbibigay po kami ng 3,000 cash at 2,000 in the form of food – iyong isanlibo ay para sa bigas, iyong isanlibo ay chicken or eggs ang makukuha nila.

The other amelioration program, mas lalo na iyong mga apektado doon sa Rice Tariffication Law na mga rice farmers, ay mayroon na rin tayong mga excess tariff from 2019 – 2.1 billion; dito po sa 2020 – 4 billion na iyong nakolekta. So, we are lining this P6-Billion to give to 1.1 million rice farmers tilling one hectare and below and sana maibigay po natin ito agad-agad nitong Disyembre bago mag-Christmas.

USEC. IGNACIO: Secretary, sa tingin ninyo naman po, gaano po katagal bago makabawi iyong ating agriculture sector mula pa rin po sa pinsala na idinulot ng mga kalamidad.

SEC. DAR: Bago ko directly answering that, Usec. Rocky, in spite of the pandemic, let me mention, na ang sektor ng agrikultura ay lumago pa rin sa second quarter – 1.6%; sa third quarter, 1.2%. Dito na nga siguro sa fourth quarter with the ten billion more or less na damages, with all the assistance that we will be giving now, ay makaahon lahat o iyong ating mga magsasaka na apektado.

So, kagaya kahapon nasa Bulacan po ako at alam naman ninyo dito sa bandang Pulilan ay late silang nagtanim ng palay kasi walang patubig na galing Angat Dam. So, halos aanihin na iyong palay nila in another two weeks, ngayon ay nabaha, flooded ngayon ang Pulilan.

About 10-12,000, so talagang apektado ang mga rice farmers. Pero mayroon na kaming trinansfer kahapon sa Bulacan Provincial Government under the leadership ni Governor Daniel Fernando na mga buto at fertilizers, iyong buto ng palay para in due time, sa bandang second week ng December ay puwede na sila muling magtanim.

Ganoon po ang aming ginagawa sa lahat po ng apektadong areas. So, doon sa Bulacan, nag-release po tayo ng P176-million worth of agricultural inputs.

ORO: Secretary, para doon sa mga kababayan po natin lalung-lalo iyong mga magsasaka na humihingi na po at kinakailangan nang assistance mula sa DA, saan po sila maaaring tumawag, anong proseso ang dapat nilang gawin, ano pong aksiyon, papaano sila makakadulog sa inyo, Secretary?

SEC. DAR: Tama po. Ang palaging tutulong sa kanila na mag-facilitate ay ang mga MAOs nila (Municipal Agricultural Officers) at isasangguni doon sa probinsiya. Mayroon tayong provincial coordinator bawat province at ito iyong makikipag-ugnayan po sa kanila para mas mabilis po iyong serbisyo at mas mabilis pa iyong pamimigay po namin ng mga ayuda.

USEC. IGNACIO: Secretary, kunin ko na lang po ang inyong mensahe kasi bukod po doon sa mga bagyo dito sa Kabikulan na nangyari, sa Quezon, dito sa Southern Luzon, ito naman po ang sa Cagayan at saka sa Isabela po, ano po ang mensahe ninyo sa ating mga kababayan?

SEC. DAR: Ang aking mensahe muli, Usec. Rocky, ay mayroon na tayo nitong programa na Plant, Plant, Plant at sana nga—kasi malaki po iyong dagok, nawala sa high-value agriculture, high-value commercial crops, ay magtanim muli tayo. Iyong urban agriculture po mayroon pa ring suporta ang ating Kagawaran ng Pagsasaka, pamimigay ng mga buto, mga seedlings na puwede ng itanim. Kasi gusto natin na mayroon tayong sapat pa rin na pagkain, mas lalo na mga vegetables and fruits dito po sa Christmas season.

So, iyong mga short gestation crops ay iyon puwede po nating palawigin at itanim na para in one month or in two months ay mag-harvest muli tayo. This is one way to helping really prop-up again food security in the country while the commercial farming in the countryside will start their activities again in due time.

Ang aming advisory ngayon ay, kasi marami pa daw base doon sa PAGASA mayroon pa ring mga darating na mga bagyo. Alam naman ninyo very risky ang agrikultura kapag nagtanim muli tayo.

Kagaya ng nangyari sa Cagayan Valley ay nagtatanim na po kami starting for dry season pero naman, dito ay mayroong dumating na flooding. This is the after effect ng Typhoon Ulysses, so talagang uulitin po ulit namin iyong pagtatanim. So, ang advisory po namin sana, with this potential of more typhoons to come until December ay puwede na lang tayo muna mag-land preparation pero ang actual planting po natin ay kung puwede mga second week na ng Disyembre para ito po ay maani po natin bandang Marso, iyong mga kagaya ng palay at mga mais doon sa Cagayan Valley kasi sila po iyong number one sa corn production in the country.

Huwag na muna tayong magtanim baka marami pa itong maidulot na mga challenges brought about by the incoming typhoon. So, sumangguni po kayo sa ating mga regional field offices, sa mga provincial and municipal officers natin sa agriculture na katuwang, para mayroon mga ugnayan at advisory. Para hindi naman masayang itong ating mga pagtatanim o pag-aruga sa ating mga livestock.

So, again the message is Plant, Plant, Plant po, babangon po ang Pilipinas, babangon po ang ating ekonomiya, babangon din ang agrikultura at babangon muli ang ating mga magsasaka at mangingisda.

USEC. IGNACIO: Maraming salamat po sa inyong oras, Department of Agriculture Secretary William Dar.

SEC. DAR: Magandang umaga po, many thanks to all.

LAZO: All right, isa pa sa nagtamo ng matinding pinsala ang siyudad ng TUGUEGARAO City. Kaya naman po, para alamin ang pinakahuling update diyan makakausap po natin si TUGUEGARAO City Mayor Jefferson Soriano. Magandang araw po, Mayor.

Actually base sa research natin, 1972 noong tinamaan itong TUGUEGARAO City, kasi nga po kapag nag-release ng tubig ang Magat Dam ay iyan ang mga pupuntahan. Unfortunately hindi puwedeng hindi magpa-release, because sabi mo nga, Alex, mas matindi po ang magiging damage kapag hinayaan po – bibigay po iyong dam and that will be a bigger problem for our kababayan natin. Unfortunately saan pumupunta kasi ang tubig di ba, diyan din po sa mga low lying areas.

ORO: Iyong pinanggalingan ng tubig ang matindi, kasi iyong mga bundok dati na dating nag-a-absorb ng tubig ay wala na iyong mga punongkahoy doon, kaya mabilis iyong pagbaba ng tubig eh. Aside from iyong tubig na galing sa dam, mayroon pang galing talaga sa bundok na napunta sa mga ilog, kaya unexpected talaga nila. Alam nila na magri-release iyong dam, pero nadagdagan pa iyon ng galing sa mga kabundukan, ay talagang matindi ang baha sa kanilang lugar na hindi nila sukat akalain na ganoon kataas.

SANTOS: Actually, ang atin pong PAG-ASA-DOST ay matagal na pong nagbibigay ng warning. Sinasabi na po na ang tubig na dala po nitong mga bagyong dumaan sa atin. Siguro magmula pa po noong nagsimula si Pepito, Quinta, Rolly, Siony at itong latest, Ulysses, marami po talagang tubig na dala ho ito. Dahil nga ang findings nga po ng isang pag-aaral sa Japan, iba na ho ang behavior ng mga bagyo ngayon. Kaya ito po ang pakiusap po natin, wala po tayong dapat sisihin ho dito, nature po iyan nagbabago talaga ho. Iyong pagwa-warm po ng tubig sa karagatan ngayon, iyan po nagko-cause po kung bakit ganoon po kasungit ang mga bagyo ngayon. Iyan ang tandaan natin.

ORO: Hindi sukat akalain, nangyayari iyon talaga. So dapat ang paghahanda mo, mayroon ka laging plan A, plan B, plan C hangga’t maaari.

LAZO: Yes, at ngayon po atin na pong kausapin ang Mayor po ng TUGUEGARAO, hindi po inaasahan kasi itong nangyaring malawakang pagbaha sa TUGUEGARAO City. Paano po kaya kinakaharap ng lokal na pamahalaan ang nangyari diyan? Mayor Soriano? Yes Mayor, magandang araw po. Negative din.

USEC. IGNACIO: So ang binabanggit natin kanina katulad naman ng sinabi ni Secretary Dar na bukod nga doon sa pandemic na problema natin, bukod doon sa mga bagyo, siyempre iyong ating food security dahil nga sa nangyari. Alam naman natin kung saan halos umaangkat ng marami dito sa mga lugar – ng gulay, bigas di ba?

LAZO: Actually iyon pong mga kababayan natin na talagang namamalengke, kita na po natin iyong presyo. Actually kahapon noong namili ako ng gulay eh halos mahimatay na tayo, kasi talagang nagmahalan na po ang gulay.

USEC. IGNACIO: Samantala, upang magbigay naman ng pinakahuling balita, puntahan natin si Oliver Baccay mula po sa PIA region II.

(NEWS REPORTING)

LAZO: Okay maraming salamat kay Oliver Baccay. Samantala po, balikan na po natin si TUGUEGARAO City Mayor Jefferson Soriano. Magandang araw po, Mayor.

MAYOR SORIANO: Yes, magandang araw po at lumiwanag na dito sa TUGUEGARAO kaya maganda na po ang araw.

LAZO: Nagkagulatan din po ba diyan sa inyo? Hindi po ba ninyo inaasahan na mangyayari iyong malawakang pagbaha po sa inyong lungsod at papaano po kinakaharap ng lokal na pamahalaan ngayon ang nangyari?

MAYOR SORIANO: Yes po, lahat po kami, hindi po namin inaasahan ito! The last time na nangyari ito was in 1972, 1973. Dahil po mas malaki po ito kaysa doon sa baha pong nangyari sa amin last year ng December 5 and 6. So, lahat po ng tao nabigla dito, bigla din po ang paglaki po ng tubig, biglang lumaki po ang tubig last November 12, kasi hindi po tinamaan ng bagyo ang TUGUEGARAO, but iyong buhos po ng ulan sa Quirino, Viscaya at Isabela at paglabas po ng tubig ng Magat Dam, iyon na po ang sabay-sabay na nagpalaki ng tubig dito sa TUGUEGARAO.

Kami po iyong unang tinatamaan po ng tubig galing po sa mga nabanggit na mga probinsiya and ito iyong unang LGU po ng Cagayan, kami po iyong unang sumalubong po sa mga tubig na galing sa Isabela, Qurino, Viscaya at saka sa Magat. Kung titingnan po ninyo, ang Magat Dam po natin ay iyon po ang pinakamaraming tubig na pinalabas out of the five dams na nagpakawala po ng tubig dito sa Typhoon Ulysses. And as of now, dalawa na lang po ang gate na open. From 3,471 po yesterday morning, ngayon po ang pinapakawalan na lang po na tubig ng Magat is about 1,365 cubic meters per second. Malaki pong bawas iyon, pero dahan-dahan, very slow po ang pagbaba po ng tubig dito sa amin, dahil saturated na po ang lupa dito, magmula po doon sa Typhoon Pepito pa ang ulan dito sa TUGUEGARAO.

SANTOS: Mayor Soriano, si Alex Santos po ito. Mayor, as we speak, kumusta na po ang atin pong mga kababayan po diyan sa TUGUEGARAO? Mayroon pa ba hong kailangang i-rescue para at least malaman po ng atin pong mga government agencies, especially po, iyong nasa Philippine Coastguard, BFP na maaaring puntahan po diyan sa lugar na iyan, sir, baka puwede po ninyong sabihin dito sa amin, sir.

MAYOR SORIANO: Yes, nandito na sila Alex kahapon pa iyong Coastguard, PNP, BFP. Iyong provincial government nagpadala po ng tatlong teams. Ngayon po nagdatingan po iyong mga karatig bayan po namin sa Rizal, sa Piat, sa Cauayan City po nag-text po sa akin si Mayor Bernard. Maraming salamat Mayor Bernard at sa mga mayors po namin na nagpadala po ng [unclear] dito. Maraming salamat po sa inyo.

Ngunit ang ginagawa na po namin ngayon is forced evacuation. I gave them up to 12 o’clock this noon na lumikas po, iyong mga hindi pa po lumikas sa kanilang mga lugar na under water pa po. There will be a forced evacuation that we will undertake after 12 o’clock po. Kasi po ang nangyari po kagabi, very sad po ang experience po namin kagabi, ang mga tao po more than 200 po ang nakalinya diyan nagpapa-rescue, gabing-gabi na po. Sobrang lakas po ng agos ng tubig at zero visibility.

So nahirapan po ang lahat talaga ng rescuers natin to a point na may namatay po sa atin na isang rescuer from BFAR na tumulong po sa atin dito. May isang unit din po sila, nakuryente po kagabi.

GANI ORO: Mayor, si Gani Oro naman po ito. Nakapag-convene na ho ba kayo ng meeting sa inyong council, city council ninyo para po makapag-release na kayo ng pondo ninyo o kaya kung kinakailangan, ideklara po ang state of calamity sa lungsod po ninyo, Mayor?

TUGUEGARAO MAYOR SORIANO: Yes, nag-meet na po ang city council, katabi ko po nga dito si Vice Mayor ano at saka mga konsehales natin. Nag-meet na po sila. After, nag-meet po iyong disaster council namin recommending for the declaration of state of calamity in TUGUEGARAO – na-approve na po ng council namin and ready to go na po kami.

GANI ORO: Okay. Thank you, sir.

ANGELIQUE LAZO: Okay. Mayor, si Angelique Lazo po muli ito. Ito hong baha na ito, saan po ito pupunta? Mayroon ho bang dadaluyan, mayroon po bang exit point para po sa tubig na ito or talagang ano ho, absorption lang po talaga ng lupa ang magpapahupa sa bahang ito?

TUGUEGARAO MAYOR SORIANO: Iyong Cagayan River po, diri-diretso po iyan pababa po sa downstream. Iyon po iyong daloy po ng tubig dito sa TUGUEGARAO. Pero po iyong nasa inland, hupa na lang po iyon. Talagang hinihintay po namin iyong absorption ng lupa sa mga nasa inland na tubig. But iyong Cagayan River na nagdala po ng tubig sa amin dito, tuluy-tuloy po iyan up to the downstream po. Kami po iyong unang LGU from Isabela na tinatamaan po ng tubig. Cagayan River po ang nagdala ng tubig.

ANGELIQUE LAZO: Mayroon pong dagdag na nagpapatanong po through Usec. Rocky. Go ahead po, Usec.

USEC. IGNACIO: Opo. Mayor Soriano, may tanong po tayo mula kay Tina Imperial po ng GMA-7: May mga constituents po kayong nagreklamo online dahil nasa Batangas daw po kayo days ago. Ano po ang masasabi ninyo dito, Mayor?

TUGUEGARAO MAYOR SORIANO: Yes, nagpaalam po ako kay Governor kasi hindi po naman tinatamaan ng ano ito, ng bagyo. There was no typhoon signal, so I asked the permission of the provincial government, umalis po ako dito last Sunday afternoon. And then noong lumaki na po ang tubig, I tried coming back on the 12th, noong nag-umpisa na po ang ulan, pero sarado po ang NLEX. So iyong regional director po doon was giving me an update up to nagbukas po ng hapon nang 12. Hindi na po ako maka-travel sa gabi, so I left Manila at about 3 o’ clock in the morning and I arrived here in TUGUEGARAO at about 4 o’ clock or 5 o’ clock.

ANGELIQUE LAZO: Okay. Mayor, dagdag na tanong na lang from me. Kumusta po ang communications diyan ngayon – cellphones, well, landlines – dahil nga po lubog ano ang maraming lugar at maraming barangay sa inyong lugar ngayon?

TUGUEGARAO MAYOR SORIANO: About 20% po ang may electricity po kahapon but noong may nakuryente po tayo na rescuer, nawala na po lahat. Nag-request po kami sa NGCP na patayin na po lahat para hindi po ma-put in danger po iyong ating mga rescuers kasi may nadisgrasya po kahapon, namatay po ang isa pong rescuer po natin from BFAR and it’s very unfortunate na nangyari po iyon. But up to 2 o’ clock to 3 o’ clock, tuluy-tuloy po ang rescue ng PNP natin. They have to take over from us dahil po exhausted na po iyong rescuers ng city and marami pa po ang nagpapa-rescue – more than 200 po ang nakalinya as of about 7 o’ clock last night, when we were monitoring at our operations center. Mga 7 o’ clock po, nag-rescue po iyong mga tao natin.

Inuna po namin iyong mga positive cases, kasi po mayroon tayong dalawang community isolation units na nabaha. Si inilikas po natin iyong mga active cases po natin doon sa community isolation unit ng DOH na bagong bukas at saka sa aming general hospital, which was declared as a step-up isolation unit. So lahat po ng mga COVID cases po namin na nandoon ay nailipat na po up to 12 o’ clock midnight last night.

ALEX SANTOS: Opo. Mayor Soriano, dahil nga ho nasa evacuation centers na po iyong mga na-rescue ho ninyo, sapat po ba ang atin pong mga relief goods at pangangailangan po – pagkain, tubig – doon po sa mga kababayan natin diyan, sir?

TUGUEGARAO MAYOR SORIANO: Yes, ang DSWD po ng region – maraming salamat kay Director Ting – nagbigay na po sila ng 5,000 food packs. Mayroon din po kaming nakahanda na food packs ang city, because of the recent mga rains po na nangyari, so naghanda po kami ng mga food packs dito sa city. And inuuna namin po iyong mga DSWD na food packs na binigay po ng region. Five thousand po iyon and I think more will be coming in the next few days. But we will start our forced evacuation sa constituents po namin by after 12.

ANGELIQUE LAZO: Okay. And finally po, wala na ho ngayong stranded sa mga bubong, sa mga bahay diyan sa mga barangay po ninyo? Mayroon pa pong nangangailangan ng rescue?

TUGUEGARAO MAYOR SORIANO: As now po, mayroon pa po. Ang problema po diyan, as early as 6 o’ clock this morning, iyong mga ibang rescuers po natin pati iyong chopper ni Mayor Florida ng Allacapan, iyong kinukuha po iyong mga tao natin, ayaw na po nilang umalis. Yes, ayaw na po nilang umalis. Ang problema po diyan, sa gabi po sila natatakot lang pero kapag may araw, hindi po takot iyong mga tao – ayaw nilang umalis. That’s why we have to enforce po iyong ordinance po namin, we have an ordinance on forced evacuation.

ANGELIQUE LAZO: And your final message po, Mayor Soriano, para po sa inyong mga kababayan.

TUGUEGARAO MAYOR SORIANO: Yes, mananawagan po ako sa mga kababayan. Yes, maraming salamat po sa mga line agencies na tumutulong po sa amin. Nandiyan po ang BFP, PNP, provincial government, the other LGUs po na nagpadala po ng [unclear] po nila dito sa TUGUEGARAO, and Rizal, Piat, Cauayan City. Nakausap ko si Mayor Bernard, maraming salamat po sa inyo. Hopefully, we will be able to get all those iyong nasa bubong ngayong araw bago mag-gabi na naman po kasi hindi po natin alam kung uulan na naman po then lalaki na naman po ang tubig dito sa amin.

Kaya nga po nananawagan ako sa mga kababayan po namin, may pagkain po sa evacuation centers kung iyon ang problema po ninyo. Hindi po kami magpapadala ng pagkain muna sa inyo para po pumunta po kayo sa mga evacuation centers. Maraming salamat po sa inyo.

ANGELIQUE LAZO: Okay. At maraming salamat din po sa inyong update, TUGUEGARAO City Mayor Jefferson Soriano.

USEC. IGNACIO: At para naman po alamin ang mahahalagang anunsiyo patungkol sa water interruption dulot pa rin ng matinding pag-ulan nitong mga nakaraang araw, makakausap natin sa programa si Dittie Galang, Communications Manager ng Manila Water. Magandang araw po.

MANILA WATER COMM MGR. GALANG: Magandang hapon, Usec. Rocky. At magandang hapon din po sa lahat ng tagasubaybay.

USEC. IGNACIO: Opo. May mga sumisigaw pa rin po ng tubig! Ilan pong consumers ang tinatayang naapektuhan nga po ng water interruption at saan pong mga lugar ito?

MANILA WATER COMM MGR. GALANG: Sa ngayon, karamihan po ng ating mga apektadong mga customers ay doon sa mga lugar kung saan din nasalanta ng bagyo at binaha. Unfortunately, kasi simula po kahapon ay nagsimula nang maglinis iyong ating mga customers doon sa nabaha, ilang mga gamit, mga bahay, kaya’t sabay-sabay pong gumagamit iyong ating mga customers at medyo bumaba ang pressure ng tubig at doon sa mga ilang lugar na medyo matataas ay nawawalan po.

Sa ngayon, ngayong araw pong ito ay naka-recover naman po iyong ating mga reservoir, at we are expecting na today ay medyo pangilan-ngilan na lang po itong mga barangays na medyo mawawalan po ng tubig sa araw na ito – dito po sa Marikina, ilang bayan sa Rizal. At katulad nga po ng San Mateo, Rodriguez, maging sa Antipolo po, mayroon din tayong mga naapektuhan diyan. But today, we are expecting na medyo mag-normalize na po iyong ating supply sa ating mga customers.

ALEX SANTOS: Ma’am Dittie, si Alex Santos. Magandang tanghali. Para maipaliwanag ho ninyo sa inyo pong mga consumers dito po sa inyo pong concession, ano ba ho ang dahilan kung bakit nga ba ho mayroon ho tayong water interruption? ‘Di ba, ulan ho iyan, ang daming tubig ho. Ano ba ang dahilan para maintindihan nila?

MANILA WATER COMM MGR. GALANG: Noon po kasing kasagsagan ng bagyo, normal naman po ang operations ng ating mga facilities. Pero nang nagsimula pong magkaroon ng power interruption, naapektuhan po iyong ilan nating mga pumping stations na hindi po kami nakapagpuno ng reservoir katulad ng inaasahan.

Although may gensets po, hind po optimal ang naging performance noong ating mga pumping stations kaya’t may ilang mga reservoirs kami na hindi nakapuno for the following day kaya po nagsimula pong mawalan ng tubig iyong ating mga customers, late Thursday hanggang kahapon po.

Although nagdagdag kami ng production dahil medyo maganda naman po ang level ng La Mesa, maganda po iyong aming raw water supply kaya po nagdagdag kami ng production para lang po mahabol nang kaunti iyong naging mas mataas na demand. Although medyo naungusan pa rin ng demand kaya’t marami pa rin po tayong mga customers na naapektuhan kahapon. Dahil noong nagbalik naman po ang supply ng Meralco, back to normal naman po iyong operations ng ating mga planta.

GANI ORO: Ms. Dittie, Gani Oro here. Buti bumalik na iyong tubig namin kahapon kaya nakaligo na ako ngayon ha. Buti naman, hindi na nila ako maaamoy ngayon, kahapon medyo, si Angelique nagrireklamo. Ang problema lang namin, pagbalik ng tubig ang labo! Ano ang gagawin niyan doon sa mga biglang nag-resume iyong tubig pero malabo iyong lumalabas doon sa kanilang mga gripo? Ano ang advice mo diyan, Ms. Dittie?

MANILA WATER COMMS MGR. GALANG: Ang ina-advice po namin ay i-flush lang po, padaluyin lang po iyong tubig hanggang sa luminaw. Pero iyong pina-flush ninyo pong tubig huwag ninyo pong itatapon. Ipunin ninyo rin po ito, puwede po itong ipanlinis dahil mahalaga nga po kailangan nating maglinis lalo na doon sa naapektuhan ng baha. Ipunin ninyo po ito kahit may kaunting pagkaka-discolor para po maipanlinis, maipangbuhos sa kubeta at hindi naman makapagdilig ng halaman dahil sagana tayo sa ulan noong mga nakaraang araw.

‘Ayun po, puwede pong i-re-use itong tubig kung mayroong pagkakaiba ng kulay. Iyong pagkakaiba lang naman po ng kulay ay marahil dahil po nawalan ng tubig iyong ating linya, medyo basyo siya, so noong pagpasok po ng tubig nagkaroon lang po ng scouring. Ito naman po ay iyong mga natural occurring minerals lang po sa tubig na medyo nag-settle na po doon sa ating mga linya—

GANI ORO: Oo. Ipunin na lang muna nila iyon, puwedeng pambuhos, panlinis, pang-flush sa banyo ganiyan, puwede na panghugas ng kotse, iyon na muna magagamit doon ano? Thank you, ma’am. Thank you, Ms. Dittie. Thank you.

MANILA WATER COMMS MGR. GALANG: Maraming salamat din po.

ANGELIQUE LAZO: Hello, Dittie. Si Angelique naman ito ‘no. Sa ngayon, ano ang ginagawang hakbang ng Manila Water upang mas mapabilis ang pagbabalik ng water services sa ilan pang mga apektadong lugar? Salamat nga at mayroon nang tubig si Gani ano at hindi na kami lumalayo sa kaniya. Pero doon sa mga iba pang areas lalo na iyong talagang mahirap abutin dahil iyong water pressure ay humina din and I’m sure pati iyong production ninyo eh humina rin.

MANILA WATER COMMS MGR. GALANG: Nagkaroon kami ng pressure management protocols. Mayroon kaming mga valves na inu-operate, medyo lalakihan lang ang bukas noong mga valves kung saan gusto naming papuntahin iyong tubig. Ito naman po ay ginagawa na namin kapag medyo nagkakaroon tayo ng problema doon sa pagtaas ng demand ng lugar. Patuloy pa rin naman po tayo nito and we are ensuring na maganda po ang pagtakbo ng ating mga planta para sapat din po iyong supply.

Ang kailangan lang po nating gawin eh mapaabot ito doon sa mga customers, lalo na doon sa matataas dahil siyempre ang behavior ng tubig ‘di ba papunta siya sa baba. So iyong medyo sa mga low-lying na mga areas, sila iyong nauunang makakuha ng tubig kaya’t mayroon naman din tayong mga tinatawag na booster pumps na puwedeng magtulak ng tubig papunta sa matataas na lugar and pinapagana rin naman po natin ito. And again medyo nagtataas tayo ng production from our treatment plants para rin makaabot pa sa mas maraming customers iyong tubig na kailangang-kailangan sa panahon ngayon.

USEC. IGNACIO: Ms. Dittie, kung may concern ang atin pong mga kababayan, saan daw po sila puwedeng tumawag?

MANILA WATER COMMS MGR. GALANG: Iyon, bukas na bukas po iyong ating hotline 1627. Puwede rin po silang mag-follow doon sa ating Facebook page – facebook.com/manilawater o sa ating Twitter account @manilawaterph. Mayroon na rin po kaming app na pinapagana ngayon, log on lang po kayo sa my.manilawater.app. Puwede rin po kayong mag-log ng request ninyo doon or kung nakakaranas pa kayo ng kawalan ng tubig sa mga panahon ngayon, ipagbigay-alam lang po ninyo sa amin at tutugunan naman namin ito.

Sa ngayon, lalung-lalo na dito sa Marikina, patuloy pa rin iyong pagtulong namin doon sa ating mga customers na nawalan ng tahanan, iyong mga nasa evacuation centers. Nagpapadala rin po kami ng mga water tankers doon sa mga lugar na kailangang-kailangan kasama na rito iyong mga wastewater trucks na nilalagyan namin ng tubig para panlinis noong mga kalsada para madaanan na, mawala na iyong putik. Ito naman iyong ginagamit natin dito ay hindi ito iyong for consumption ano, ito iyong mga effluent na tinatawag from our wastewater treatment plants, na iyong normally dini-discharge namin sa ilog pero ngayon inilalagay namin siya doon sa aming mga dislodging trucks para ipanlinis po doon sa mga apektadong kalsada.

So tawag lang po kayo kung nangangailangan kayo ng assistance sa paglilinis, sa water supply at mayroon naman pong tutugon sa inyo.

ALEX SANTOS: At Ma’am Dittie, tanong ko lang. Gaano ho ba kabilis kapag ang isa pong consumer ho ninyo, kunyari malaking lugar/barangay ay magri-request po ng water rationing? Gaano po ba kabilis po ang inyong pagtugon po dito, Ma’am Dittie?

MANILA WATER COMMS MGR. GALANG: Sa ngayon hindi ko pa mataya kung anong magiging response time ano dahil sa ngayon marami po kaming—although we have so far more than 25 tankers deployed in all our concession areas, doon sa mga nagri-request and we have on standby naman 15 more because we have 40 water tankers on standby. Almost 30 na po iyong nasa labas kaya’t kapag nag-request po kayo ipipila na po natin ito. Siguro hindi naman po aabot nang isang maghapon na maghihintay kayo na mahatiran ng tubig.

ALEX SANTOS: Okay. Maraming salamat po Ma’am Dittie sa inyo pong information po mula sa Manila Water. Thank you so much.

MANILA WATER COMMS MGR. GALANG: Maraming salamat din po.

USEC. IGNACIO: So Gani, okay na iyong tubig sa inyo?

GANI ORO: Okay na kaya medyo nakaligo na. Noong isang araw wisik-wisik lang eh. Uy bago tayo—magpaalam na kami, Usec., may public service dito. Nag-text sa atin ang mga taga-San Leonardo, Nueva Ecija – iyong bahay nila nabagsakan ng malaking puno ng Camachile kaya wala silang matuluyan na bahay ngayon. Iyon namang karinderya nila na-wipeout, tinangay ng hangin kaya wala pong kabuhayan.

So panawagan po diyan sa local government ng San Leonardo, Nueva Ecija, ang pangalan nitong nag-text sa atin Leonora Gutierrez ng San Leonardo, Nueva Ecija. Ang address ay sa Kilometer Highway daw po sila.

USEC. IGNACIO: Oo. Dapat mabilis nating papaabot iyan sa mga kinauukulan.

GANI ORO: Dapat maganda maaksiyunan kaagad.

ALEX SANTOS: Iyong ilan po nating mga kababayan ha, kung mayroon ho kayong mga kahilingan sa atin pong mga government agencies, dito po sa PTV na live stream po sa Facebook, puwede ho kayong magpadala ho doon. Kami na hong bahala pong magpadala ho sa mga government agencies.

ANGELIQUE LAZO: Actually, iyon din ang gusto kong tanungin ano kasi marami tayong ahensiya at may kaniya-kaniya siyang area of responsibility. Pero puwede tayong maging parang catch basin din ano ng mga tanong, ng mga information ng mga nais din po na mga tulong para tayo na po ang ku-contact din sa mga ahensiya.

GANI ORO: Mabilis maaksiyunan iyan, oo mabilis iyan.

USEC. IGNACIO: At nagpapasalamat nga po ako na nakasama ko ang ating mga magigiting at mga batikang tagapagbalita ng People’s Television Network. Gani Oro, baka ikaw ay may gustong sabihin sa iyong mga kababayan diyan.

GANI ORO: Ingat ho tayo lagi at iyong lagi nating paalala – expect the unexpected ‘no. Kumbaga advance iyong paghahanda natin, ihanda din natin ang ating mga sarili doon sa higit pang magiging pinsala sapagkat ang ating bayan, dalawin talaga tayo ng kalamidad – bagyo, lindol o anumang mga pagputok ng bulkan na iyan – lagi ho tayong makikinig sa mga paalaala ng gobyerno.

USEC. IGNACIO: Ms. Angelique Lazo…

ANGELIQUE LAZO: Yes. At siyempre po kung may kuryente ngayon eh ‘di ano, mag-charge, mag-recharge ng mga baterya ng mga power banks at lagi pong maging konektado sa impormasyon, sa tamang impormasyon po. Mahalaga po na hindi tayo doon sa—alam mo iyon, nakikinig sa mga masyadong negative or fake ano ho at umasa po tayo na talagang pinagtutulungan po nating lahat ito.

USEC. IGNACIO: Mr. Alex Santos…

SANTOS: At sa atin pong mga kababayan, siguro ang akin pong mensahe eh, itigil na po natin ang pagbatikos, wala hong maitutulong ho ang siraan, dapat po dito bayanihan, tulung-tulong para lahat po tayo ay umangat, umasenso nang makabalik po tayo sa normal na buhay natin. Iyon lang po ang mensahe natin, maraming salamat.

USEC. IGNACIO: Kami po dito sa Public Briefing nagpapasalamat kami kay Mr. Gani Oro, kay Angelique Lazo at kay Alex Santos. Salamat po sa inyo.

Samantala upang alamin naman ang sitwasyon sa kanilang probinsiya ngayon naman po makakausap natin si Nueva Vizcaya Governor Carlos Padilla. Magandang araw po, Governor.

NUEVA VIZCAYA GOV. PADILLA: Magandang araw po sa inyong lahat sa studio at sa lahat po ng nakikinig sa atin.

USEC. IGNACIO: Opo, Governor kumusta na po ang sitwasyon ninyo sa Nueva Viscaya ngayon?

NUEVA VIZCAYA GOV. PADILLA: With regards to sitwasyon ng weather, medyo humupa na ang ulan, lumilitaw na ang araw, parang pilit lumilitaw, hindi pa full sunlight at pati mga ilog natin nakita namin eh nag-normalize na ang tubig. Kaya lang ang problema ang mga tubig na galing sa Nueva Vizcaya lahat ay patungo sa Isabela at Cagayan, kaya palagay ko, doon naman sila ngayon may problema dahil daraanan kasi ng tubig.

USEC. IGNACIO: Governor, sa kasalukuyan po ba may mga kailangan po ba kayong, medyo choppy po kasi ang dating ninyo sa akin, paumanhin po. Pero mayroon po ba kayong mga dapat pang i-rescue o ilikas sa kasalukuyan?

NUEVA VIZCAYA GOV. PADILLA: Iyon pong sa rescue iyong kahuli-hulihang incident namin ay natapos na kahapon ng alas-dos ng hapon. Iyon po iyong nagkaroon po ng landslide sa isang barangay, Barangay Ronrono ng bayan ng Quezon dito sa Nueva Vizcaya. At sad to say, sampu po ang nasawi, natapos na. Kaya kaninang umaga mga before lunch time, nagpaalam sa akin iyong ating PDRRMO, si Mr. Robert Corpus kasi nag-SOS ang probinsiya ng Cagayan para iyong isang rescue team ng Nueva Vizcaya ay maipadala roon para makatulong naman doon.

USEC. IGNACIO: Opo, mga ilang pamilya po iyong inilikas ninyo at mayroon po ba kayong sapat na evacuation center doon po sa mga residenteng naapektuhan po?

NUEVA VIZCAYA GOV. PADILLA: Itong evacuation center sapat naman po at by this time, halos more than 50% ay nag-uwian na, kasi medyo nagnu-normal na ang sitwasyon dito sa Nueva Vizcaya, kaya’t iyong quick response natin, medyo sapat naman. Kaya meanwhile ay wala pa kaming SOS na ipapadala sa national government or mga national agencies natin.

USEC. IGNACIO: Governor, ano po ba iyong mga ginawa ninyong strategy para po ma-rescue iyong ating mga kababayan at ano pa po ba iyong mga kailangan pa ninyong tulong mula sa national government, Governor?

NUEVA VIZCAYA GOV. PADILLA: Well, iyong sa tulong, siguro po kapag dumating na lahat iyong mga official reports na galing sa iba’t ibang barangay at bayan-bayan ng Nueva Vizcaya maaaring iyong mga imprastraktura na nasira at kung sakali mang hindi po magkasya ang pondo ng aming probinsiya at ganoon din ang mga bayan-bayan, diyan po siguro kami hihingi ng kinakaukulang tulong mula sa national government. Pero iyong pang-immediate na ayuda, eh sa aming palagay eh medyo sapat pa naman at pati iyong Ipinadala sa amin ng DSWD ay nakatulong din para sa ganoon matulungan natin iyong pamilya na mga nasa evacuation center.

USEC. IGNACIO: Opo, Governor kunin ko na lamang po iyong inyong mensahe sa ating mga kababayan partikular po diyan sa Nueva Vizcaya, Governor.

NUEVA VIZCAYA GOV. PADILLA: Well, nagpapasalamat po tayo sa Panginoon at nagpapasalamat din po tayo sa mga iba’t ibang ahensiya ng gobyerno, national man, provincial, municipal at barangay sapagkat maganda po ang aming partnership para makatugon effectively sa mga pangangailangan ng ating mga kababayan. At kung anuman po ang mga problema pa na puwedeng iparating sa amin ay iparating lamang po para sa ganoon ma-collate natin lahat iyang mga iyan at kung kailangan humingi tayo ng ayuda from the national government, from the President ay gagawin natin. Maraming salamat po dito sa pagkakataong ibinigay ninyo sa amin.

USEC. IGNACIO: Okay, maraming salamat po sa inyong oras Governor Carlos Padilla ng Nueva Vizcaya.

Iyan kanina kasama natin sila Gani Oro, Angelique Lazo at Alex Santos. Kanina pinag-usapan natin iyong mga nangyari sa Cagayan at saka sa Isabela. Nakakalungkot isipin Aljo ‘no. Kasi alam mo after nitong pandemic, hinihintay natin malapit na iyong Pasko, di ba kahit papaano ginagawa natin iyong kahit sa anong paraan maipagdiwang lamang natin iyong kapanganakan ni Jesus Christ. Tapos may mga ganito pang pangyayari. So, nakakapanlumo rin, katulad din ng sinabi ng kasama natin si Alex Santos – sana huwag ng magturuan, magsisihan, mamulitika, tayo ay matulung-tulong na lamang.

BENDIJO: Tama iyan, may tinatawag tayo diyan – participatory democracy, na huwag na nating hintayin pa ang pamahalaan na lumapit sa atin, tayo na mismo ang lalapit, tulungan natin ang ating gobyerno, dahil sunud-sunod iyong bagyo Usec eh – Ofel, Pepito, Quinta, Rolly, Siony, Tonyo, Ulysses at itong mga malalakas na bagyo ay pumasok pa ‘Ber’ months. Mayroon pa tayong pandemya.

Kaya napakaimportante sa lahat ngayon ay maging mapagmatiyag, well informed at tayo na mismo ang kumilos dahil huwag na nating i-asa pa sa pamahalaan ang lahat ng responsibilidad bilang isang demokrasyang bansa lalo talagang ang Pilipinas ay binabayo ng mga malalakas na bagyo. Ito, iba’t ibang uri ng kalamidad, nasa Pacific ring of fire ang Pilipinas, may bagyo, may lindol at maraming iba pa. At dahil nga sa malakas na hangin at ito na, matinding buhos ng ulan ay maraming lugar po ang nawala ng kuryente. Kaya naman kumustahin natin ang operasyon ng Meralco, makakausap natin ang kanilang tagapagsalita, Ginoong Joe Zaldarriaga. Sir, Joe, magandang araw.

JOE ZALDARRIAGA: Magandang araw. Aljo at USec. Rocky, Angelique at Gani, magandang araw sa inyong lahat.

BENDIJO: Sir, Joe gaano po karami ang apektado ng pagkawala ng kuryente sa Metro Manila at sa mga karatig-probinsya na siniserbisyuhan po ng Meralco?

JOE ZALDARRIAGA: Sa kasagsagan po ng Bagyong Ulysses, inabot po ng 3.8 million customers ng Meralco ang nawalan po ng serbisyo kuryente. Pero iyan po ay napababa na natin sa around 200,000 as we speak. And hopefully by tomorrow mas may improvement pa tayo at Lunes sana ay makabalik na kami sa tinatawag na normal business operations. So sa ngayon binubuno pa namin itong ilang mga customers natin na mga affected particularly sa Bulacan na mayroon pang over 100,000. Rizal na may 55,000 customers pa tayo at saka itong Metro Manila na mga 50,000 na natitira. And hopefully ay tuluy-tuloy naman iyong trabaho namin, 24/7. So we hope to finish this out in the next couple of days.

BENDIJO: Sir Joe, maitanong ko lang automatic po bang pinapatay o nawawala ang kuryente, nagkakaroon ng brownout or blackout sa mga lugar kung saan ay talaga namang binaha dahil hindi natin maiiwasan ang mga reports na nakukuryente ang ilan nating mga kababayan, tama po ba?

JOE ZALDARRIAGA: That is correct, Aljo at saka alam mo ang ginagawa ng mismong mga facilities natin, kapag nararamdaman na nilang threaten sila automatically nagsa-shut off iyan eh, ang tawag diyan cut-off system. Ngayon kung tingin niya iyong threat is not that grave enough na tuluyan na siyang mag-cut-off babalik iyan. Kaya minsan iyong mga trick off, iyong mga 3 seconds, 5 seconds or kapag naramdaman niya kamukha nitong si Ulysses automatically nagsa-shut-off na iyan. And similarly, we also have coordination down to the barangay level, nalalaman din naman namin, kasi mayroon kaming tinatawag na outage map na kapag baha na iyong isang lugar, then we have to make sure na safe iyong community, isa-shut off nan atin iyong power and it takes time before we are able restore, kasi kailangan naming siguraduhin na maayos na po iyong serbisyo ng kuryente.

BENDIJO: Alam natin na dahil po sa pananalasa ng bagyong Ulysses sa bansa kaya nawalan ng kuryente ang marami nating mga kababayan. Kumusta na po ang mga posting nasira at mga pasilidad ng Meralco katulad po diyan sa Marikina at ilang bayan diyan sa Montalban at ilang bayan po ng probinsiya ng Rizal na naabot po ng serbisyo ng Meralco, sir Joe?

MERALCO SPOX ZALDARRIAGA: Ongoing ho iyong restoration efforts natin. We repair as we see the damage. So far, ang Metro Manila kailangan namin pang talagang trabahuin ay itong, tama ka, Marikina City, Quezon City, Caloocan including the rest as well, mayroon pang mga natitirang customers. Dito sa Bulacan, itong San Miguel, Calumpit at Pandi, ganoon din ang San Rafael at itong San Jose Del Monte City. So, identified naman namin iyan more or less kung anu-ano pa itong mga areas na ito and we will continue working.

BENDIJO: Iyong mga istratehiyang ginagawa po ng Meralco para mas mabilis na maibalik po ang linya ng kuryente, Joe, sa mga lugar na lubhang naapektuhan ng bagyo? Anu-ano po iyon?

MERALCO SPOX ZALDARRIAGA: Well, inuuna natin siyempre iyong mga circuits, [unclear] na-energize mo ang isang buong sirkito, parang main highway iyan eh. Kapag na-clear mo iyan, mas marami kang mabibigyan ng kuryente. Ngayon, may mga maiiwan iyong tinatawag naming localized, naa-isolate, bahay-bahay, kalye-kalye, so iyan ang tinatrabaho po namin ngayon. But in terms of the overall circuit restoration, napakalaki na po ng naging restoration effort namin diyan, kaya from 3.8 million noong kasagsagan po ng bagyo, naibaba na namin ito to around 200,000.

BENDIJO: Para po sa mga may concerns, Joe, saan po sila maaaring tumawag?

MERALCO SPOX ZALDARRIAGA: Well, iyong ating hotline although sa ngayon talagang may difficulty in calling dahil sa volume ng calls, puwede ring at 16211; puwede rin kaming padalhan ng text. Basahin ko lang, 0920-971-6211; puwede ring 0917-551-6211 o 0925-7716211. Mayroon din kaming connect with us for any report sa Facebook po, Meralco or Twitter @meralco and you can also use the Meralco mobile app.

BENDIJO: Okay. May mga mensahe ba kayo, sir Joe, na nais ninyong iparating sa ating mga kababayan lalo na dito sa Metro Manila?

MERALCO SPOX ZALDARRIAGA: Well, sa mga minamahal po naming customers ng Meralco umasa ho, kayo ito hong natitira ay tuloy-tuloy ho iyong pagtatrabaho po natin. Hindi ho tayo hihinto hangga’t hindi natin nakukumpleto itong mga wala pa hong serbisyo ng kuryente.

We’re down to around, as I mentioned 200,000 level and we hope to further improve on that pagtapos ng araw na ito and by tomorrow tuluy-tuloy ho iyong trabaho natin at hindi ho tayo hihinto.

BENDIJO: Okay. Maraming salamat sa inyong panahon, Meralco spokesperson Joe Zaldarriaga! Mag-ingat po kayo.

USEC. IGNACIO: Patuloy po tayong magtulungan na masugpo ang COCID-19 sa pamamagitan po ng pagsailalim sa COVID-19 test kung kinakailangan at siyempre katuwang pa rin natin dito ang Philippine Red Cross. Kung nais ninyo pong magpa-swab test sa Red Cross, narito po ang hakbang na dapat ninyong gawin.

[VTR]

USEC. IGNACIO: At upang maghatid ng ulat, puntahan natin si Vivian de Guzman mula po sa Radyo Pilipinas – TUGUEGARAO.

[NEWS REPORT BY RP-TUGUEGARAO VIVIAN DE GUZMAN]

USEC. IGNACIO: Vivian, puwede ba akong magtanong? Iyong mga lugar na may tubig baha pa rin ay tumataas ba or bumababa na iyong baha?

VIVIAN DE GUZMAN/RADYO PILIPINAS-TUGUEGARAO: Bumababa na iyong baha, Usec. Rocky, pero napakabagal. Napakabagal iyong pagbaba ng tubig mula dito sa TUGUEGARAO na lang kung saan tayo naroroon dahil nga sa bumabagsak pa rin iyong tubig ng tributaries ng Cagayan River along the way papunta doon sa pinakabunganga ng Cagayan River particularly sa bahagi ng Alcala kung saan bumabagsak iyong tubig galing sa mga kabundukan through Pared River.

At saka sa may Gattaran naman bumabagsak din iyong tubig na galing ng bahagi ng Kalinga through the Chico River kaya nagkasalu-salubong na lahat itong mga tubig na ito kaya ang hirap niyang bumaba o lumabas doon sa northern part, sa bunganga nito plus matataas pa daw ang alon doon sa bahagi ng karagatan, sa bahagi ng Aparri kaya hirap lumabas iyong tubig, although receding na rin ang tubig kaya lang napakabagal, Usec. Rocky.

USEC. IGNACIO: So Vivian, puwede nating sabihin na hindi pa rin pinapayagan ng local government iyong pagbabalik ng mga evacuees sa kani-kanilang mga lugar kahit mabagal na bumababa na iyong tubig baha?

VIVIAN DE GUZMAN/RADYO PILIPINAS TUGUEGARAO: Yes, hindi pa rin. Hindi pa rin, Usec. Rocky, dahil nga sa marami pa rin iyong mga pumasok na tubig at pumondo sila sa mga low-lying areas dito sa TUGUEGARAO na lang, kaya wala ka pa ring madaanan. Ang hirap pa ring dumaan palabas o papasok man doon sa mga kabahayan, lalung-lalo na sa mga mabababang lugar.

USEC. IGNACIO: Okay, maraming salamat sa iyo, Vivian De Guzman. Ingat po.

VIVIAN DE GUZMAN/RADYO PILIPINAS-TUGUEGARAO: Yes, thank you very much. Maraming salamat sa concern. Thank you very much po sa lahat ng mga nagpapaabot ng kanilang tulong. Mula sa Radyo ng Bayan-TUGUEGARAO o Radyo Pilipinas-TUGUEGARAO, Vivian de Guzman para sa bayan.

ALJO BENDIJO: At upang alamin ang pinakahuling ulat naman mula sa NDRRMC, makakausap natin si Mark Timbal, ang kanilang tagapagsalita. Mark, kumusta? Magandang tanghali.

MR. MARK TIMBAL: Sir Aljo, magandang tanghali po at sa lahat po ng ating mga kababayan na naaabot ng broadcast na ito at mga nanunood. Magandang tanghali po sa lahat.

ALJO BENDIJO: Opo. Sir Mark, kasama din natin si Usec. Rocky Ignacio.

MR. MARK TIMBAL: Usec. Rocky, good noon po.

ALJO BENDIJO: Opo. Hihingi kami ng update sa inyo diyan, doon naman sa bilang ng mga nasalanta ng bagyo sa bansa.

MR. MARK TIMBAL: Thank you, sir. Itong atin pong count dito sa NDRRMC, ang ating casualties po ay umabot na ng 33 na tao ang nasawi dahil kay Bagyong Ulysses – labing-anim po ang mula diyan sa Region II, anim sa CALABARZON, lima sa Region V at anim po sa Cordillera; twenty-two po ang injured natin from Region II, CALABARZON, Region V and Cordillera; at dalawampu – twenty na kababayan natin ang missing.

Diyan po sa may parte po ng Cagayan Valley, ang total flooded areas po na nakita natin sa Cagayan Province po, 22 – isang siyudad at dalawampu’t isang municipalities; sa Isabela po, 25 areas – tatlong cities, 22 municipalities; Nueva Vizcaya – 15 municipalities; and Quirino – five municipalities.

Tuluy-tuloy po iyong ating pag-provide ng assistance. Iyong mga kasamahan po natin sa Armed Forces, sa Philippine Coast Guard ay on the way na po iyong ating mga augmentation team doon po sa tatlong-libo, pitong daan pang mga naka-deploy na diyan noong isang araw pa.

Iyong ating Magat Dam po ay mayroon pong pag-release ng tubig. Although, tatlong gate na lang po ang bukas ngayon sa ating mga pag-uulat dito sa NDRRMC.

ALJO BENDIJO: Opo. Ito pong nangyayari sa Cagayan Province, Sir Mark, ano po ang update natin sa dami ng mga inililikas na mga kababayan natin at iyong hindi pa nari-rescue?

MR. MARK TIMBAL: Opo. So far, sir, iyong ating mga affected population diyan sa Region II, 343,000 na katao po ang naapektuhan po nitong mga pagbaha at saka iyong si Bagyong Ulysses. Thirteen thousand nine hundred fifty-four po na mga kababayan natin na nag-i-stay sa evacuation center; 30,798 na mga katao po ang nakikituloy sa iba nilang kamag-anakan or sa ibang lugar mula po doon sa mga areas na apektado.

So far po, wala pa tayong complete figure ng mga na-rescue. Inaantay pa po natin iyong ulat ng mga kasamahan natin doon na nagsagawa ng rescue, I think, two days ago. Within the day po ay baka makakuha po tayo ng report since arriving na po iyong mga additional support natin. Iyong mga helicopters po ay nakarating na rin yata iyong Philippine Coast Guard choppers diyan at nagsasagawa ng ating mga search and rescue.

Iyong ating Armed Forces na helicopters na lumipad mula sa Clark po ay papalapit na rin po. They’re making their approach to Cagayan Province.

ALJO BENDIJO: Opo. Iyon pong casualties, iyong bilang, iyong figure na sinabi ninyo kanina, hindi pa kasali doon o kasali na iyong mga casualties o mga nawawala doon po sa Cagayan dahil pa rin sa Bagyong Ulysses?

MR. MARK TIMBAL: Sa Cagayan po, sir, ang casualty natin ay labing-anim po ang nasawi at ang injured natin ay tatlo. Wala po tayong reported na missing sa ngayon.

ALJO BENDIJO: Opo. May mga nagti-text din sa atin, Sir Mark, mula sa abroad, kung papaano sila makakatulong sa ating mga kababayan – pera o anumang bagay na puwede nilang ibigay? Ano po ang inyo pong mensahe sa kanila? Papaano po natin maipaparating sa ating mga kababayang nasalanta ang kanila pong tulong? Lalo na diyan sa ating mga kababayan sa Japan, marami po ang gustong tumulong sa ating mga kababayang nasalanta ng bagyo. Sir Mark? Nawala? Sir Mark?

Okay, sige, ayusin lang natin ang linya ng ating komunikasyon, Usec.

USEC. IGNACIO: Iyong Rolly, sinasabi natin hindi ba, naging super Typhoon sa Catanduanes. Talagang binayo nang husto ang Catanduanes na ngayon ay talagang nandoon iyong pagsisikap ng gobyerno na makabangon. Itong si Ulysses talaga, iba rin ang naging pinsala na dinala nito na sinasabi nga nila mukhang mas grabe ang nangyari sa atin dahil kay Ulysses o dahil nagsunud-sunod na lang talaga iyong bagyo na dumating pa sa ating bansa.

ALJO BENDIJO: Hindi natin inakala talaga, Usec. Nakausap natin ang ating mga kababayan diyan sa Marikina, dahil biglang tumaas, 28.8 meters iyong—

USEC. IGNACIO: Iyon ba ang pinakamataas?

ALJO BENDIJO: Oo, kasi ang Ondoy ay 251.5 eh. Isang araw lang ibinuhos iyong Ondoy kung naalala mo, 2009 iyon September. Pero ito kasi dalawang araw, sunud-sunod, tapos umaga na ng November 12, 9 o’ clock. Sabi ng mga kababayan natin diyan, mga residente diyan sa UB Barangka, ‘9 o’clock, Sir Aljo, tumaas iyong tubig.’ Mas mataas pa sa Ondoy. Kaya noong bumaba, nakita ko, porbida, ang taas pala nito. Grabe talaga ang pagtaas ng tubig.

USEC. IGNACIO: At saka nakakaawa iyong mga kababayan natin doon na talagang halos walang natira sa kanilang mga gamit, mga pinag-ipunan.

ALJO BENDIJO: Well, anyway, magbabalik pa po ang Public Briefing #LagingHandaPH. Huwag kayong aalis.

[COMMERCIAL BREAK]

USEC. IGNACIO: Nagbabalik po ang Public Briefing #LagingHandaPH. Pangulong Rodrigo Roa Duterte umani ng papuri mula sa 37th ASEAN Summit sa posisyon ng Pilipinas sa West Philippine Sea at sa mga kalamidad na ating nararanasan. Senator Bong Go suportado ang pag-amyenda sa Mental Health Act. Narito po ang report:

[VTR]

ALJO BENDIJO: Samantala, mga biktima naman ng sunog sa Las Piñas pinaabutan ng tulong ni Senator Bong Go. Narito ang report:

[VTR]

USEC. IGNACIO: Iyan, Aljo, katulad ng ating mga sinasabi nga, sa dami ng naging pagsubok ngayong taong 2020 – simula sa pagsabog ng bulkan, ang pandemic, ang mga bagyo – sinasabi natin ‘Tatak Pilipino’ iyong talagang hindi sumusuko at babangon tayo. At siyempre sa tulong din ng pamahalaan, ng national government na talagang nagpapatuloy po para tiyakin na naipapaabot nang mabilis ang tulong po ng pamahalaan sa mga nangangailangan.

ALJO BENDIJO: Iyan, so ang efforts ng gobyerno ay nagiging effective at nagiging mas mabilis kung tayo ay nagtutulungan, kapit-bisig, dahil dito nga sa krisis na atin pong nararanasan this 2020. Kaya natin na ibangon ang ating bayan. Kaya natin iyan mga Pilipino.

USEC. IGNACIO: Samantala, sinusubukan po nating kontakin si Isabela Governor Rodito Albano subalit mukhang mahina po ang ating signal, so hindi po natin siya nakuha ngayong araw. Pero ang sinabi naman po ni Presidential Spokesperson Harry Roque na nakatutok po si Pangulong Rodrigo Duterte sa kalagayan ng mga kababayan natin sa Cagayan, sa Isabela. At nandoon na po iyong mga rescue na dapat tutulong sa kanila, ganoon din po iyong iba pang mga ayuda na kinakailangan katulad po ng DSWD at iba pa.

ALJO BENDIJO: Isa na ito, concerted effort na ito, Usec., ang Armed Forces of the Philippines, si Major General Edgard Arevalo nakausap natin kahapon sa radyo. Hati ang kanilang, siyempre, ang kanilang pagtulong, at the same time pagtugon sa problema pa rin sa insurgency. So ang pulis din, ang PNP, ang Bureau of Protection, ang Philippine Coast Guard, lahat na po, mga local government units. Alam kong nandoon ang mga challenges natin dahil hindi kaagad natin mailikas sa mga mababang lugar ang ating mga kababayan, pero hopefully ay mailagay na sila doon sa mas safe na lugar. Kasi nga, taun-taon tayo, Usec., talagang binabayo ng malalakas na bagyo at may mga kasamang pag-ulan iyan so hindi maiiwasan talaga ang mga pagbabaha.

USEC. IGNACIO: Okay, sunud-sunod man po ang kalamidad na ating nararanasan, asahan ninyo ang bawat ahensiya ng pamahalaan ay patuloy na magpapaabot ng tulong saan mang panig ng bansa.

ALJO BENDIJO: Sa pagtutulungan ng mga ahensiya ng pamahalaan at ating pagkakaisa, sa sama-sama po natin, lahat tayo para po makabangon sa anumang kalamidad na atin pong haharapin.

USEC. IGNACIO: At iyan nga po ang mga balitang aming nakalap ngayong araw. Maraming salamat po sa mga naglaan ng kani-kanilang oras sa pagbibigay-linaw sa mga impormasyon na mahalagang malaman ng ating mga kababayan.

ALJO BENDIJO: Ang Public Briefing ay hatid sa inyo ng iba’t ibang sangay ng PCOO [Presidential Communications Operations Office] sa pakikipagtulungan ng Department of Health at kaisa ng Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas [KBP]

Maraming salamat din sa Filipino Sign Language Access Team for COVID-19. Ako ang inyong lingkod, Aljo Bendijo. Usec., thank you so much.

USEC. IGNACIO: Salamat sa iyo, Aljo. Mula po sa PCOO, sa ngalan po ni Secretary Martin Andanar, muli ako po si Usec. Rocky Ignacio. Magkita-kita po tayo sa Lunes dito lamang sa

Public Briefing #LagingHandaPH.

###

Source: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)