Press Briefing

Press Briefing of Presidential Spokesperson Harry Roque


Event Press Briefing
Location New Executive Building, Malacañang, Manila

SEC. ROQUE: Magandang tanghali, Pilipinas.

Nagkaroon po ng dalawang situation briefing kahapon, araw ng Linggo, ang ating Presidente Rodrigo Roa Duterte. Unahin natin po iyong situation briefing na ginawa sa Cagayan. Ito ang ilan sa mga salient points:

  • Personal na tiniyak ng Pangulo ang patuloy ang gagawing rescue operations ng gobyerno hanggang lahat ng pamilya ay mailigtas; lahat ng mga nasawi at nawawala ay matagpuan; at lahat ng mga apektadong indibidwal at mga komunidad ay makatanggap ng tulong.
  • Hinimok din ni Presidente ang local government units ng Region II na aktibong makipagtulungan sa bagong created na task force para sa mabilis na rehabilitasyon ng mga nasirang mga komunidad.
  • Sinabi rin ng ating Pangulo na may higit isang milyong piso na assistance ang naibigay sa Region II ng DSWD, LGUs at non-governmental organizations.
  • At para maiwasan maulit ang ganitong kalamidad, ayon sa Pangulo ay palalakasin ang forest protection efforts laban s illegal logging at illegal mining. Inaasahan niya na gagawin ng mga lokal na pamahalaan ang kanilang parte.
  • Ayon naman kay Department of Energy Secretary Alfonso Cusi, kayang maibalik ang ilaw sa Probinsiya ng Cagayan sa loob ng dalawang araw kapag bumaba na ang tubig ng baha at matapos ang inspeksiyon.
  • Ipinag-utos naman ng Pangulo kay DENR Secretary Roy Cimatu na tingnan ang link ng pagguho ng lupa or landslide sa Cagayan sa iligal na pagmimina.
  • Pagdating naman sa flood control initiatives ng DENR, sinuportahan ito ng Pangulo. Kabilang sa mga plano ng DENR ay ang pag-alis ng bottleneck sa Magapit River sa Cagayan na nagdudulot ng matinding pagbaha tuwing panahon ng bagyo lalung-lalo na po diyan sa munisipalidad ng Alcala. Isa pang plano ay ang dredging ng Cagayan River na apektado ng heavy siltation.
  • Titingnan din ng DENR ang pagpapatupad ng massive tree planting program. Mayroong dalawandaang milyong puno ang maitatanim agad sakaling magkaroon ng kasunduan ang DENR, mga lokal na pamahalaan at pribadong sektor.

Speaking of reforestation po, tinitingnan ng DOTr na gawing requirement ang pagtatanim ng puno tulad ng sinabi ni Secretary Arthur Tugade sa situation briefing sa Cagayan sa mga kooperatiba at korporasyon na nais mag-apply ng prangkisa para sa kanilang mga pampublikong sasakyan. Makikipag-coordinate ang DOTr sa DENR at mga LGUs para malaman ang mga lugar kung saan kailangan ang reforestation. Kung mangyari, ipatutupad ito sa buong bansa.

Lumipad naman po papuntang Pili, Camarines Sur ang Presidente para naman sa isang situation briefing sa Bicol Region. Ito ang ilan sa mga salient points na nasabi ng ating Pangulo:

  • Ayon sa DBM, dinagdagan nila ang disaster response fund ng 15 billion sa bisa ng Bayanihan II na maaaring magamit ng pamahalaan bilang Quick Response Fund or QRF. The total available balance ng NDRRM fund is currently at 11.774 billion. Ayon po sa DBM, naka-standby ang pondo at maaaring magamit anumang oras at nagpahayag ito ng agarang aksiyon kung makatanggap ng request mula sa mga ahensiya para sa replenishment ng kanilang QRF.

The following are QRF limits for national agencies responding to calamities under the General Appropriation Act which can be replenished against the NDRRM Fund: Sa DA po – 1.5 billion; sa Department of Education – 2.1 billion; sa Department of Health – 600 million; sa DPWH – one billion; sa Department of Social Welfare and Development – 1.25; at sa Office of Civil Defense – 250 million.

Typhoon Ulysses update naman po tayo. As of November 15, report ng NDRRMC, mayroon na pong animnapu’t pitong nai-report na binawian ng buhay. Nakikiramay po kami sa mga biktima. Nasa 231,312 katao ang nag-preemptive evacuation sa Regions I, II, III, CALABARZON, MIMAROPA, Region V and Region VIII.

Mahigit 35.5 million worth of assistance ang naipaabot na po ng DSWD sa mga lugar na tinamaan ng Bagyong Ulysses as of 6 A.M., November 16. Karamihan sa mga tulong ay napunta po sa Bicol Region na may mahigit 15 million. Samantalang sa Probinsiya ng Cagayan, bukod pa po doon sa nai-report na halos apat na bilyong tulong ng iba’t ibang ahensiya sa Cagayan, ang DSWD Field Office ay namahagi ng inisyal na tulong na mahigit 2,700 family food packs sa Tuguegarao City partikular na sa mga apektadong residente sa Barangay Dibag Sur at Barangay Linao.

Nagpamahagi rin ang [DSWD] Field Office II kahapon kasama si Pangulong Duterte ng 1,000 family foods packs sa Iraga, Solana, Cagayan. Nitong mga nakaraang araw, naabutan na rin ng inisyal na tulong ang munisipalidad ng Sta. Teresita, Santa Praxedes, Solana at Tuguegarao City. Gayun din sa mga bayan ng Aglipay, Cabarroguis, Diffun, Nagtipunan, Maddela, Saguday sa Probinsiya ng Quirino. Nagpadala rin ng karagdagang 5,000 family food packs ang National Resource Operations Center sa rehiyon.

SA NCR, nagpahatid din kahapon ng karagdagang 5,000 family food packs bilang resource augmentation sa Marikina City. Ngayong hapon ay magbibigay muli sina Secretary Bautista ng karagdagan pang tulong. Hindi pa natin nakakalimutan ang Marikina, nagpadala ng dagdag ng limanlibong family food packs sa Marikina.

Patuloy ang ginagawang rescue relief and retrieval operations ng Philippine Coast Guard. Sa kanilang latest report as of November 15, mahigit limandaan or 596 na katao na ang kanilang nailigtas sa Cagayan. Ngayong araw naman ay sinisimulan na ng Coast Guard ang relief operations gamit ang kanilang mga air assets patungong Aparri with estimated total cargo of 1,600 kilos kada flight mission. Tatlong flight per trip po bawat aircraft ang target nilang gawin. Ito ang mga ilan sa mga larawan ng mga relief assistance.

Samantala, ang PNP ay nag-deploy ng 3,052 search and rescue personnel kabilang ang 484 sa NCRPO at 747 naman po sa Region II. Mayroon ding 904 RSSF personnel na dineploy po sa Region II. Mahigit naman tatlong libo or 3,323 ang ginawang rescue operations kasama na rito ang 1,300 ng NCRPO at ang 1,174 ng PNP Region II. Nasa 168,662 katao ang na-rescue ng ating kapulisan, mahigit 48,000 dito or 48,779 ay nasa Region II.

Ito naman po ang update sa naunang bagyo na si Rolly. Mahigit 101 million assistance ang naibigay po ng DSWD, LGUs, NGOs at DOH sa mga apektadong pamilya sa Region II, III, CALABARZON, MIMAROPA, Region V, CAR at NCR dala ng pinsalan ng Bagyong Rolly ayon sa November 11, 8 A.M. report ng NDRRMC. Alam naman natin na ang dinaanan ng Bagyong Rolly ay mga dinaanan din ng Bagyong Ulysses kaya iyong tulong na ipinaabot sa Rolly ay patuloy ibinibigay sa mga naapektuhan ng Bagyong Ulysses.

Tungkol naman po sa bubuuing task force sa rehabilitation ng mga komunidad na naapektuhan ng mga bagyo o iyong ‘Build Back Better Task Force.’ May dina-draft na pong executive order tungkol dito. Ito ang ilan sa mga mahahalagang punto: Una, ang Pilipinas ay nasa tinatawag Belt of the Pacific. On average, mayroon po tayong dalawampung bagyo bawat taon na ang iba ay maituturing na pinakamalakas sa buong mundo. Tulad ng aking karanasan, ang epekto ng bagyo ay walang pinipiling political boundaries. Kailangan ng interventions at involve a whole of government approach, as well as immediate solutions outside of the current bureaucratic framework.

Ito po ang rationale ng pagbuo ng task force: Iyong pagbuo po ng more permanent body that will focus and develop expertise on post-disaster rehabilitation and recovery of typhoon hit areas is necessary even before the enactment of a law creating the Department of Disaster Resilience. This body will have a clear chain of command and a direct mandate to address and monitor the multifarious issues and concerns involved in the rehabilitation and recovery phase of typhoon affected areas.

Dahil dito, ipinag-utos po ng Presidente ang pagbuo ng task force na pinamumunuan ni Executive Secretary na kung saan ang mga miyembro ay iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan, kasama po ang DA, ang DPWH, ang Department of Budget and Management, ang DSWD, ang NIA, ang National Electrification Administration, National Housing Authority among others.

Nagbigay din po ng direktiba ang Pangulo sa Philippine Air Force, Philippine Navy and Philippine Coast Guard na magbigay ng assistance dito po sa nasabing task force. Nanawagan din po ang Presidente sa mga lokal na pamahalaan ng tumulong po sa task force.

SEC. ROQUE:    Build Back Better ang magiging tema ng ating recovery and rehabilitation efforts na naka-angkla sa restoration and transformation of vulnerable areas to more resilient, integrated and sustainable communities. Towards this objective, immediate actions such as relief assistance shall be aligned with the medium and long term action of rehabilitation of damaged infrastructure, development of communities and construction of housing for affected families.

Punta naman po tayo sa ating COVID-19 update. Sandali lang po dahil alam kong maraming tanong din ang ating mga kasama sa Malacañang Press Corps.

Sang-ayon po sa global update ng Johns Hopkins, mahigit limampu’t apat na milyon na po or 54, 299, 446 ang tinamaan ng COVID sa buong mundo. Mayroon na rin pong 1, 315, 897 katao ang binawian ng buhay dahil sa coronavirus. Nangunguna pa rin po ang Estados Unidos; pangalawa po ang India; Brazil, France, and Russia.

Sa atin po, mayroon po tayong 25, 677 active cases, sang-ayon po sa November 15 case bulletin ng DOH. Sa mga aktibong kasong ito, 82.5% ay mild; 8.4% ay asymptomatic; 5.6% ay kritikal; 3.2% ay severe at o.2 ay moderate.

Mahigit labing-isang libo or 11, 290 ang nai-report na gumaling kahapon. Sa ngayon ay mayroon na tayong nai-report na 374, 329 na recoveries, samantalang nasa 7, 832 naman ang binawian ng buhay dahil sa coronavirus. Nakikiramay po kami.

Tingnan naman po natin ang ating critical care capacity ng ating mga ospital: 56% available po ang ating mga ICU beds; mayroon naman tayong 59% available sa mga isolation beds samantalang 69% ang available sa ward beds; at 79% ang available na ventilators.

Pero mga kababayan, huwag tayong pabaya dahil ayaw naman nating mapuno ang ating mga ospital. Dinggin po natin ang sinasabi ng Presidente, kinakailangan – Mask, Hugas, Iwas.

Dito po nagtatapos ang ating briefing pero bago tayo pumunta sa ating open forum, kasama po natin ang ating ambahador, ang ambassador sa Russia, wala pong iba kung hindi si Ambassador King Sorreta para pag-usapan natin ang developments sa Russian vaccine.

Ambassador King Sorreta, thank you for joining us. Noong nagpaalam po iyong outgoing Russian Ambassador kay Presidente, eh nangako po siya na magkakaroon tayo ng sapat na supply ng Russian vaccine at mayroon lang daw siyang aayusin at magkakaroon pa tayo ng manufacturing facility ng Russian vaccine dito sa Pilipinas.

Makikibalita lang po kami, ano po ang latest doon sa development ng vaccine diyan sa Russia at ano po kaya ang posibilidad na sa lalong mabilis na panahon, hindi lang tayo makakakuha ng Russian vaccine at magkakaroon pa rin ng manufacturing facility ang mga Ruso dito po sa Pilipinas.

Ambassador Sorreta, the floor is yours.

AMBASSADOR SORRETA:   Thank you very much, Secretary Harry. Magandang tanghali po sa inyong lahat at sa mga sumusubaybay sa inyong briefing. Kami, halos araw-araw we rely on you for timely and very helpful information to help us in our diplomacy.

We had a briefing last week with the Russians on this issue at in terms of their development on the vaccine, it’s quite advanced and our DOST and DOH are in direct talks on the technical and scientific dimension of the vaccine.

In terms naman po sa ating pagbili o paggawa ng vaccine sa atin, magmi-meet din po ako this week, with the RFID para sila-sila po ang in-charge sa mga usapin na iyan sa mga bansang gustong mag-cooperate. I think I will have more after my meeting with them, this week, hopefully.

SEC. ROQUE:    Thank you very much, Ambassador King Sorreta. Pero sa China po mayroon silang emergency use noong ilang mga bakuna nila. Sa Russia po mayroon din na po bang na-authorize na emergency use para sa mga vaccine na na-develop diyan sa Russia?

AMBASSADOR SORRETA:   Sa batas nila, pinapayagan po iyang limited use, they have had emergency use of the vaccine aside from having over 40, 000 on third stage trial. Yes, they have had. From the emergency use, there has been no report, wala pong report ng adverse effects, whether the first shot or the second shot.

SEC. ROQUE:    Okay. Thank you, Ambassador Sorreta. Please join us, Ambassador for our open forum with the Malacañang Press Corps.

Okay, ang unang tanong ay siyempre galing kay Usec. Rocky. Usec. Rocky?

USEC. IGNACIO: Yes. Question from—ang nag-forward po ng question ay si Jo Montemayor ng Malaya: Pahingi daw pong reaction about mass students strike call of Ateneo students. 

SEC. ROQUE: Well, nasagot ko na po iyan kahapon sa Cagayan. Uulitin ko lang po ‘no, bilang dating aktibista rin, iyong gawain po naming mga aktibista ay talagang pinararating namin ang aming saloobin sa gobyerno ‘no sa pamamagitan ng mga protesta, mga martsa pati iyon—mga iba’t iba pang paraan. Pero iyong nakita ko pong pinu-propose nila na academic strike, hindi po pagsumite ng mga requirements ng eskuwelahan eh hindi po namin nagawa iyan ‘no dahil sinisiguro namin na—bagay po ‘no, sa UP po kami nag-aral, sinubukan po namin bilang mga aktibista na huwag naman sayangin iyong pera ng taumbayan at sinisiguro pa rin namin na pumasa kami at nag-comply kami sa aming mga requirements.

Hindi ko lang po alam kung talagang ibang-iba ang patakaran sa mga pribadong mga eskuwelahan dahil sila naman ay nagbabayad ng sarili nilang tuition. Pero papaalalahanan ko lang po ‘no dahil ako naman po’y nagturo ng constitutional law rin ng almost 20 years sa UP, kabahagi po ng academic freedom iyong pagsasapubliko ng saloobin ng mga estudyante. Pero kabahagi din po ng academic freedom ng mga eskuwelahan na mag-impose ng academic requirements para matapos po ang kurso ng mga estudyante at kapag hindi po nag-comply sa mga academic requirements na iyan eh mayroon silang karapatan na ipagkait ang kahit anong degree sa mga estudyante na hindi po nagsumite o tumapos ng mga academic requirements.

So iyong plano po nila na huwag magsumite ng mga academic requirements eh baka ang resulta po diyan, hindi kayo matapos ng inyong pag-aaral. Iyan naman po ay warning lamang.

USEC. IGNACIO: Question from Tina Mendez of Philippine Star: Iyon pong schedule sa APEC ni Presidente Duterte this week kung mayroon na po?

SEC. ROQUE: Opo, mayroon po ‘no. This is on November 20 at magsisimula po ito sa gabi, magkakaroon po sila ng leaders family photo nang gabi. Pagkatapos po magkakaroon sila nang dalawang session ‘no na kung hindi ako nagkakamali eh maikli lang naman po iyong mga session ‘no – iyong session 1, session 2 tapos magkakaroon sila ng break tapos final session ‘no. So ang schedule po ay mga ala siyeto o almost alas otso na sila magsisimula, magtatapos po sila ng alas diyes at siyempre po this is online.

USEC. IGNACIO: Thank you, Secretary.

SEC. ROQUE: Yes. Punta tayo kay Mela Lesmoras, please, PTV-4.

MELA LESMORAS/PTV4:  Hi! Good afternoon po, Secretary Roque. My question is about mga kalamidad pa rin po. Kasi we’re always talking about funds but when it comes to manpower, do we still have enough teams for rescue and recovery efforts and paano po kaya natin ima-maximize iyong ating mga people on ground?

SEC. ROQUE: Well, sapat naman po ang ating personnel ‘no. Nandiyan po hindi lang ang Coast Guard, nandiyan po ang PNP, nandiyan din ang AFP at nandiyan din po ang mga lokal na pamahalaan. Mayroon din po tayong mga assets, mga rubber boats at mayroon din po tayong mga air assets consisting of helicopters and even airplanes ‘no na patuloy pong lumilipad para magdala po ng mga relief goods sa iba’t ibang lugar na nasalanta ng pagbabaha at ng bagyo.

MELA LESMORAS/PTV4:  Opo. Sir, follow up lang po. Kasi may mga government workers na rin po tayong nagbubuwis ng buhay para sa mga recovery efforts. Magkakaroon po ba nang pagkilala si Pangulong Duterte sa ating mga tauhang ito at magkakaroon po kaya ng additional benefits para ating mga rescue teams na todo effort ngayong sunud-sunod nga iyong kalamidad?

SEC. ROQUE: Well, kinikilala po talaga natin ang lahat ng ating rescue and search frontliners ‘no, nagpapasalamat po ang Pangulo at ang buong sambayanan sa kanilang kagitingan at sa kanilang katapatan ‘no na sa kabila ng pagsubok eh nandoon po sila ‘no, binubuwis ang kanilang mga buhay.

Sa batas naman po, mayroon po tayong tinatawag na espesyal na bayad kapag sila po’y gumagawa ng mga delikadong mga gawain ‘no at I’m sure they will be given this amount po. Pero siyempre po it’s not the amount of money, it’s the gratitude of a very thankful nation. Maraming salamat po, mga bayani po kayo, iyong mga nagbibigay ng tulong at mga patuloy na naghahanap po ng mga nawawalang ating mga kababayan. Maraming salamat po sa inyong lahat.

MELA LESMORAS/PTV4:  Opo. Sir, dahil sa mga sunud-sunod na kalamidad, magkakaroon po kaya ng pagbabago sa government priorities sa nalalabing two years ng termino ni Pangulong Duterte?

SEC. ROQUE: Well kaya nga po sinusulong iyong pagbuo ng Disaster Resilience Department ‘no at inaasahan po natin na dahil nga po dito sa sunud-sunod na mga bagyo eh siguro naman po lahat iyong tututol sa Kongreso ay makikita kung bakit dapat talaga tayong magkaroon ng ganitong bagong ahensiya. Habang wala pa po iyan at habang wala pang batas na binubuo ang Kongreso tungkol dito, eh bumuo nga po ng task force ang ating Presidente, ito po ay pamumunuan ng Executive Secretary mismo para malaman po ng lahat na no less than the closest alter ego of the President, the Executive Secretary, will be in charge. So in the mind of the President, talagang ang magiging in charge po diyan si ES at inaasahan na lahat po ng mga ahensiya ay magbibigay ng kanilang kooperasyon at tulong para po mas mabilis iyong pagbigay ng assistance sa ating mga kababayan na mangangailangan ng tulong.

MELA LESMORAS/PTV4:  Opo. Panghuli na lang, Secretary Roque. Kailan po kaya ang susunod na public address at kailan po ang IATF meeting with the President?

SEC. ROQUE: Bukas po, bukas po nang gabi as usual.

MELA LESMORAS/PTV4:  Okay. Thank you so much po.

SEC. ROQUE: Thank you, Mela. Back to Usec. Rocky.

USEC. IGNACIO: Yes. Secretary, question from Jam Punzalan ng ABS-CBN Digital: May we get a statement on why President Duterte made the jokes during his Camarines Sur typhoon briefing yesterday?

SEC. ROQUE: Alam mo talagang ugali na ng Pilipino na bagama’t marami tayong pagsubok ‘no eh sinusubukan pa rin natin na i-lighten iyong ating mga problema. So hindi lang naman po iyan gawain ng ating Presidente bagama’t matagal na po iyan nangyayari na talagang hindi ninyo ipagkakait sa kaniya na dahil sunud-sunod ang nakikita niyang trahedya eh kahit papaano humanap ng dahilan ‘no para magkaroon nang konting break from—iyong mga kalamidad na binibisita niya. So sa akin ganoon lang po iyon, let’s not read anything beyond the fact na the President wants to more or less lighten the mood ‘no dahil buong araw wala siyang nakita kung hindi disaster ‘no doon po sa Cagayan at doon po sa Naga ‘no. So hayaan na po natin, bigyan naman natin ng pagkakataon na magkaroon ng light moment iyong ating Presidente.

USEC. IGNACIO: From Argyll Geducos of Manila Bulletin: Reaction po ng Palace on the resignation of Congressman Pantaleon Alvarez from PDP Laban.

SEC. ROQUE: Naku, wala po kaming reaksiyon. Personal na desisyon iyan ni Congressman Alvarez at ang naintindihan ko naman, tumawag siya sa akin kahapon, ang dahilan daw ay dahil mag-i-engage siya sa voter’s education ‘no na baka hindi niya magagawa kung siya po ay kasapi ng administration party. So iyon lang po ang sinabi niya sa akin at sa panig naman ng Malacañang, we wish him well.

USEC. IGNACIO: Thank you, Secretary.

SEC. ROQUE: Okay. Punta tayo kay Trish Terada, please.

TRICIAH TERADA/CNN PHILIPPINES:  Hi! Good afternoon, Secretary. Sir, before I go to my calamity-related questions, ito lang po muna. Si Senator Richard Gordon is saying that he’s beginning to doubt the sincerity of the government to fight corruption. He’s actually pointing out iyong dilly-dallying on prosecuting people tagged in several Senate investigations. He said that he is left doubting whenever the President speaks out against corruption. I’ll quote part of his statement: “I wonder if this is just a slogan or is it a reward or is it real.” He also talks about iyong government in action doon po sa Senate recommendations to prosecute itong mga officials na implicated particulary doon po sa PhilHealth. Your reaction—

SEC. ROQUE: Well, unang-una po, personal na opinyon iyan ni Senator Gordon ‘no. He’s entitled to have that opinion. Pero tingin ko po ang track record ni Presidente malinaw po ‘no, sa simula’t simula pa iyong pinakamalapit niyang mga supporters noong kampanya – eh isang department secretary, isang administrator eh sila pa iyong unang nasibak ni Presidente ‘no. At ngayon po sa kaniyang Talk to the People eh regular feature na po iyong pagbabasa ng mga pangalan na nasususpinde o ‘di naman kaya eh tuluyan nang nasisisante ng Ombudsman ‘no at kasama na rin iyong mga listahan ng mga nakakasuhan ng kaso.

Pagdating po sa PhilHealth eh talaga naman pong nakasuhan iyong mga tinatawag na miyembro ng mafia. Siguro hindi ito iyong mga indibidwal na sinabi ni Senator Gordon na dapat kasuhan pero sinunod naman po ng Ombudsman iyong naging rekomendasyon ng Senate as a whole ‘no kung sino talaga iyong mga mafia at ito po iyong mga nasuspinde. Iba lang siguro iyong gustong masuspinde ni Senator Gordon na hindi naman sinang-ayunan ng Ombudsman at ng mga kasama niya sa Senado.

TRICIAH TERADA/CNN PHIL:  Secretary, ito pong recent calamity as attributed to so many things, among the major contributors na pino-point out po is [unclear], iyong climate change. Looking at what really happened, kung sinasabi po ng pamahalaan that there wasn’t a lapse in terms of responding and rescue sa part ng NDRRMC and, you know, awareness campaign, there could be a lapse somewhere and that could be pointed out to DENR. Like kung ano po iyong mga nagawa nila. Is it high time, sir, to review the performance ng agency, iyong maybe projects, kasi ito pong mga nababanggit ngayon na, katulad ding nabanggit na reforestation, that’s coming up. Hindi po ba masyadong late na ito? And it is just too reactive na mas maganda sana kung nauna po itong ginawa? And  do you think na iyong priorities medyo mali po na inuna iyong mga beautification projects over measures or policies to stop illegal activities na  nagko-contribute sa pananakit sa kalikasan na ito nga po iyong tinuturo ngayon? Even the President pointed it out na there’s illegal logging, there is mining, there is quarrying na puwedeng dahilan nitong mga tragedies and walang nagawa about it? Si former Secretary Gina Lopez also flagged these events before, pero it looks like – ano po ang nangyari dito, ano po ang nagawa dito?

SEC. ROQUE:  Alam mo talaga, ang problema ay itong climate change. Kaya nga paulit-ulit si Presidente sa mga international forums na talagang humingi ng tulong  sa iba’t ibang bansa ng daigdig lalung-lalo na iyong mga developed industrial countries na siyang sanhi ng climate change na gumalaw at  sundin iyong kanilang mga obligasyon sang-ayon  po sa tratado para babaan iyong kanilang mga carbon emissions. Ang Pilipinas po, top 5 in the world as most susceptible to climate change and that’s a fact. So kung hindi po gagalaw ang buong daigdigan – kaya po tayo specially affected ng climate change – posible pong mawala ang ating mga land territories, maging permanently under water kung hindi po natin mari-reverse ang climate change. Kaya nga po ang unang kasagutan  ko sa iyo Trish, kahit gaano kagaling ang DENR, kahit gaano kagaling ang NDRRMC, habang hindi natin nasusolusyunan itong climate change,  eh  baka mabura pa ang ating teritoryo, and  we are in the top 5 of the most susceptible countries to climate change.

Ibig sabihin po noon, mawawala ang ating land territory mapapasailalim tayo ng tubig as a result of climate change. So iyan po ang una nating kasagutan.  Ang solusyon dito, it has to be a worldwide effort para ipababa ang carbon emissions dahil that is the only proven scientific manner by which we can reverse climate change. Of course, we always strived to have better response performance lalung-lalo na pagdating sa kalamidad.  Pero ang sinasabi po natin, dito sa nangyari sa Cagayan, eh talagang we prepared for it, pero we did not expect the gravity of the amount of water that descended on the low lands.

Ito naman po ay hindi dahil lamang sa isang bagay, mayroon na pong siyensiya, scientist, Dr. Siringan ng UP na nagkaroon na ng pag-aaral diyan. Ang sabi niya maraming factors po diyan, kasama na diyan ang climate change, kasama na diyan ang deforestation, kasama na diyan iyong illegal mining, pero kasama na rin po diyan iyong anyo mismo ng Cagayan River na mayroong nagkakaroon ng choke point.  At ito po ang dahilan kung bakit ang municipality ng Alcala, isa sa hardest hit, dahil doon nag-o-overflow iyong choke point na iyan. At mayroon na pong JICA study na nagsasabi nga na dapat lakihan iyong mouth ng river na iyan.

So marami pong factors diyan, we anticipated. But as the Governor himself said, they did not actually expect this much water discharge into Cagayan Valley.  So, we will strive to do better, pero sa tingin ko po, wala naman pong pagkukulang, but we will always strive to be better.

TRICIAH TERADA/CNN PHIL:  Secretary, does Malacañang regret iyong pag-slash off of big a chunk of the budget previously allocated to Disaster Risk Management Funds and dissolving Project Noah.

SEC. ROQUE:  Hindi naman po, dahil nandiyan pa rin po ang pondo ng NDRRMC under the Department of National Defense, so, wala po tayong ini-slash po diyan. Bukod po doon sa mga quick reaction fund at bukod doon sa regular programs ng iba’t ibang ahensiya eh mayroon po talaga tayong halaga na nakalaan for disaster response na being administered by the NDRRMC.

TRICIAH TERADA/CNN PHIL:  Sir, last question. Senator Binay noted iyong hirap ng ating mga rescuers and responders and the lack of equipment and manpower during the rescue operations. She says sana gumawa raw ng paraan iyong Palasyo at DFA para humingi ng tulong sa US, especially, that we are experiencing back to back tragedies, are  we moving towards that direction,  of asking  help from our friends in international community?

SEC. ROQUE:  Hindi na po kinakailangan dahil ang UN mismo ay nangako na, na tutulungan tayo. Siguro i-explain ko lang kay Senator Binay and I fully understand where she is coming from, dahil talagang taal na taga-Cagayan po ang mga Binay. Talagang lumabas po iyong tubig sa Cagayan River, kahit anong teknolohiya, hindi po pupuwedeng sumabak doon sa lakas ng tubig na nagragasa doon sa Cagayan River. So may punto rin po na even if we have the most advance equipment ay hindi ka pa rin pupuwedeng sumabak doon sa pagragasa ng ilog na iyon dahil napakalakas at kinakailangang hintayin pa rin iyong paghupa. Pero isa pa sa solusyon, iyong sinadyest nga po ni Secretary Año na dapat siguro NDRRMC na ang magdidesisyon din kung kailan magbubukas ang mga dams, kasi bukod pa nga doon sa iba’t ibang mga dahilan kung bakit umapaw kumbaga itong basin ng Cagayan Valley ay iyong paglabas din ng tubig ng dam, although, hindi lang naman po iyon ang dahilan.

USEC. IGNACIO:  Secretary, from Joyce Balancio ng DZMM. Kuha po siya ng summary ng participation ni President Duterte sa ASEAN: Hanggang saan lang po siya nakasama, kasi this weekend wala na siya sa closing ng event and also details on important documents signed?

SEC. ROQUE:  Nawala lang po si Presidente doon sa last day, totoo po iyan, kasi lumipad na siya papuntang Tuguegarao at saka Naga. Pero nagpaalam naman po ang Presidente at naintindihan naman po ng kaniyang mga kasamang mga pinuno ng iba’t ibang bansa na siyempre super typhoon habang the summit was being held. Mayroong super typhoon at mayroon pang mega flooding na nangyari sa Cagayan, so they understood.

Even po on the first day, nawala lang po ang Presidente sa isang session dahil nga po tumama nga iyong super Typhoon Rolly, ito po iyong session ng ASEAN-US na binasa naman po ng ating Kalihim ng Foreign Affairs iyong kaniyang talumpati. Pero bumalik po siya ano, dahil iyong pagpupulong po ng East ASEAN Forum ay siya na po ang gumawa ng tinatawag na intervention o siya na rin po iyong nagsalita mismo.

So, ang na-miss lang po niya talaga iyong last day. Pero he was on the first day sa plenary at dahil siya po iyong country coordinator for China, siya rin po ang nagtalumpati tungkol doon sa ASEAN-China Summit. Nawala lang po siya doon sa ASEAN-US Summit, pero bumalik po siya matapos po siya mag-aerial inspection ng mga apektadong lugar dito po sa Metro Manila at karatig na lugar.

Ano po ang mga importanteng mga dokumento? Well, nagkaroon po ng pag-anunsiyo noong pagbuo ng ASEAN Regional Center on Public Health Emergencies and Emerging Diseases. Nagkaroon po ng midterm review ng ASEAN Community Vision 2025 Blueprint; official release of the ASEAN Comprehensive Recovery Framework, and the launching of the ASEAN Regional Reserve of Medical Supplies.

Now, bukod po dito sa pangalawang araw, noong Sabado, ang Presidente po ang nagtalumpati doon sa ASEAN-Australia Perennial Summit at saka doon po sa East Asia Summit. So siya na po ang personal na nag-attend diyan. Tapos nagkaroon po tayo ng launching ng ASEAN Smart Logistics Network with the first project of Vinh Phuc ICD Logistic Center, isang SuperPort.

So, noong huling araw naman po, ang importante po doon ay iyon ngang Regional Comprehensive Economic Partnership na dinaluhan naman po ni DTI Secretary Mon Lopez at ni SFA, Secretary of foreign Affairs. So iyon po ang major highlights na nangyari nang ASEAN Summit.

USEC. IGNACIO: Ang second question po niya, how important is the RCEP agreement signed? Eight years in the making daw po ito and what does it mean for the Philippine economy?

SEC. ROQUE:  Ito po ay nagpo-promote ng free trade sa parte po ng 15 mga bansa, kasama po ang Tsina. So, ibig sabihin po nito mas malaki na ang merkado para sa ating mga goods na ginagawa sa Pilipinas. Ibig sabihin po niyan, kapag mas marami tayong nai-export, mas marami pong hanapbuhay para sa ating mga ordinaryong mamamayan. Ibig sabihin po niyan mas maraming pagkain sa hapag-kainan ng mga Pilipinong pamilya.           

USEC. IGNACIO:   Ang third question niya on task force created: Ano po ang magiging difference ng function ni Executive Secretary Medialdea sa NDRRMC; hindi ba dudoble ang functions?

SEC. ROQUE:    Hindi po. Unang-una, headed by the Executive Secretary, siya po iyong kumbaga primus inter pares ng lahat ng mga miyembro ng Gabinete; we look up to the Executive Secretary as the primus inter pares. In English, that means the first amongst equals.

So, kapag nag-utos po ang Presidente sa kahit anong ahensiya kinakailangan mabilisan po ang pagsunod sa kaniyang pag-uutos. At ang gusto nga ng Presidente bagama’t makikipagtulungan ang iba’t-ibang ahensiya, mayroong in-charge and that is the Executive Secretary.

Nandiyan din po ang NDRRMC which is an attached agency to the Department of National Defense, at siyempre po sila iyong gagawa ng staff work at saka sila iyong magko-coordinate pa rin ng rescue and relief operations po kasama na iyong pagbibigay ng mga warnings ano dahil mayroon naman po tayong batas na ino-obligate po ang NDRRMC to provide this early warning sa ating mga mamamayan.

So, wala naman pong superfluity, it will facilitate the easier and the faster provision of relief and assistance kapag mayroon pong kalamidad.

USEC. IGNACIO:   Thank you, Secretary.

SEC. ROQUE:    Melo Acuña, please?

MELO ACUÑA/ASIA PACIFIC DAILY:   Good afternoon, Secretary! Kausap ko po kanina si Rene Paciente, iyong senior weather forecaster ng PAGASA. Nabanggit niya na mayroon naman silang sapat na facilities, ang pinakaproblema ay kulang sila ng manpower. They need at least 12 more weather forecasters who will go under training. The question is: How do we attract people to work with the government at nang mapalakas iyong ating PAGASA? Will there be any strategy for that?

SEC. ROQUE:   Alam ninyo po, palaging problema iyan na iyong ating mga weather forecasters pina-pirate ng iba’t-ibang bansa. Ang solusyon naman po natin diyan ay iyong pagtaas ng Government Standardization Law and we have just implemented another round of salary increase at magpapatuloy naman po iyan.

So, hindi lang po suweldo iyan siguro kasama na rin iyong incentive iyong utang na loob ng buong sambayanang Filipino doon sa mga forecasters natin dahil ang kanilang ginagampanang papel ay literally can save lives and property. Dahil nga po ang emphasis natin as a calamity prone country, we need to prepare and always be ready for disasters.

So, ayun po! I think the gratitude of the Filipino nation as well as better pay provided by the Salary Standardization will be incentives for more people to work at the PAGASA.

MELO ACUÑA/ASIA PACIFIC DAILY:   Secretary, maidagdag ko na rin po. Magkakaroon kaya ng imbentaryo ang pamahalaan sa bilang ng mga empleyado on job order because I’ve heard there are offices with workers working for at least 18-20 years who are job orders ang status. Papaano po kaya ito?

SEC. ROQUE:    I think that’s also a priority of Congress, kasi magkakaroon sila ng government rationalization. Iyon nga po iyong hiling lang ng ilang mga senador na bago bumuo ng bagong mga departamento, i-implement na muna natin itong rationalization na alam natin kung sino talaga iyong mas kinakailangan ng additional plantilla post at alin iyong pupuwedeng mabawasan.

Having said that, siguro again we can appeal to the lawmakers na itong successive series of typhoons in a matter of two months is really a reason why we should establish a Department of Disaster Resilience.

MELO ACUÑA/ASIA PACIFIC DAILY:   Secretary, tungkol pong sa bakuna. Mayroon na po bang mga kumpanya at mga bansa na nag-aalok ng kanilang bakuna, nabanggit na kasi iyong Pfizer, mayroon ding Russian vaccine. Ano po kaya ang status ng mga ito at gaano kabilis makatutugon ang FDA ng Pilipinas para matiyak ang kaligtasan ng mga ito? Thank you, Secretary.

SEC. ROQUE:    Well, Melo, kung napapansin naman ninyo, talagang binibigyan natin ng prayoridad iyong usaping bakuna dito sa ating press briefing. Nakausap na natin lahat ng embahador natin sa mga bansa na nagma-manufacture po at nag-a-attempt na mag-market ng mga COVID vaccine.

Ang balita po kay Ambassador Sta. Romana, any time mayroong aaprubahan ang Chinese FDA and the Chinese government has pledged na magkakaroon tayo ng substantial volume. Nakausap na rin natin si Ambassador Lagdameo at ang AstraZeneca naman po sa Englatera ay nagsabi na rin na susunod sila sa COVAX at sisiguraduhin nila na hindi lang iyong mga bansang mayayaman ang magkakaroon ng vaccine.

At siguro po tanungin natin si Ambassador Sorreta. Ambassador Sorreta, can you answer Melo’s question as far as the Russians are concerned?

AMBASSADOR SORRETA:   Maraming salamat, Secretary Harry. Magandang umaga, Sir Melo.

Yes. In our discussions with the Russian government through which agency has told us that they can make available their vaccines to us ho. Of course, it’s subject to doing our own due diligence on it but they can start producing for us because they have to produce it as it’s ordered. As early as January if we are ready to accept it.

They have also entered—nagpirmahan na po sila ng co-production agreement sa mga ilang bansa tulad ng Korea who could after satisfying their domestic need also sa supply.

The Russian strategy is a little different po from the western pharmaceutical companies, they are allowing co-production. They have signed agreements or are negotiating agreements in almost every region of the world to be able to supply it through widest demand possible.

They know the demand is very high so it’s really a matter of how early we can do our own due diligence and then sign an agreement, do the procurement process and when that’s done they said they are—and of course, we need to be ready with some of the infrastructure para ho sa storage at the required temperatures and although there’s a version of the vaccine that will not require extreme temperatures but it will might be a little more expensive.

So, there are some details that we’re discussing together with our DOH and DOST and also discussing on the business side, on the regulatory side both in terms of supply and possible co-production in the Philippines.

Thank you.

USEC. IGNACIO: Secretary, ang tanong mula kay MJ Blancaflor ng Daily Tribune, iyong tungkol po doon sa resignation ni Congressman Pantaleon Alvarez as Secretary General of PDP-Laban. Kung nagkausap na po ba si Pangulong Duterte at si Congressman Alvarez?

SEC. ROQUE:  Ako lang po ang nakausap ni Congressman Alvarez as far as I know.

USEC. IGNACIO: Opo. Iyong second question po niya, nasagot na ninyo about doon sa naging joke niya sa Camarines Sur, Secretary. Thank you po.

SEC. ROQUE: Thank you. Punta tayo kay Joseph Morong, please.

JOSEPH MORONG/GMA7: Hi, sir! Good afternoon, sir. Sir, first doon sa task force. Sir, bakit parang pang-ilan nang task force na binubuo ng government? Iyong munang criticism na iyon na parang for every kibot, task force.

SEC. ROQUE:  Hindi naman po siguro, dahil itong sunud-sunod na kalamidad naman po, I think makes a task force a necessity already. Dahil ang gusto naman talaga ni Presidente ay mas mabilis na pagbigay ng pangangailangan ng ating mga kababayan kapag mayroon pong kalamidad.

JOSEPH MORONG/GMA7: Sir, just to belabor the point: So ano ang magiging itsura ng function nito? Ano iyong pinaka-immediate na kailangang gawin? At saka, can we delineate iyong magiging trabaho niya versus what NDRRMC is already mandated to do?

SEC. ROQUE: Hindi na po kinakailangan dahil kumbaga it’s headed by the Executive Secretary, it’s a ES’ position, responsibility to make sure na makarating ang tulong sa lalong mabilis na panahon. And kapag primus inter pares ka kasi, talagang may persuasive effect iyon sa lahat ng ahensiya ng gobyerno na kinakailangan bilisan ang paggalaw.

JOSEPH MORONG/GMA7: Hindi ba, sir, kailangan i-delineate natin iyong difference naman ng NDRRMC at saka task force? Papaano sila different?

SEC. ROQUE:  Well, kasi po nag-iisa ang Executive Secretary na mamumuno nitong task force. Samantalang ang NDRRMC is a council composed of Cabinet members. So ang sinasabi lang ni Presidente, maski walang pagpupulong ng Council, puwede nang magdesisyon ang Executive Secretary ‘no, lalung-lalo na if it means saving lives.

JOSEPH MORONG/GMA7: And the most immediate concern now that the ES has to focus on is what?

SEC. ROQUE: To make sure that the funds are available ‘no para ibigay ang lahat ng ating pangangailangan. Isa po iyan sa unique feature ng task force. Kasi ang NDRRMC ay composed nga po iyan ng iba’t ibang ahensiya ng gobyerno. Pero siyempre, direkta na si ES na magsasabi, ‘Nasaan ang pondo DBM? And National Treasurer, please release the funds,’ ganoon kadali na po iyong proseso.

JOSEPH MORONG/GMA7: And this is related to what the President has been saying sa Camarines and also sa Cagayan, na he just needs one point person for the province ‘no?

SEC. ROQUE: Yes, yes.

JOSEPH MORONG/GMA7: Okay. Sir, iyon pong sinabi ni Secretary Año, why did he point out that the situation na kailangan siguro ang mga [unclear] ay NDRRMC?

SEC. ROQUE: I haven’t really talked to him ‘no. Pero kapag NDRRMC, masisiguro talaga natin iyong publication ng notice na magpapalabas sila ng tubig. Now, I got a timeline and nagbigay naman po ng notice ang NIA, twice, na magpapalabas sila ng tubig. Ang problema, wala pong nag-carry except PNA (Philippine News Agency). Wala po sa mainstream media na nag-carry. It was just a notice pero hindi yata nabigyan ng utmost publicity.

Pero nonetheless, alam po ng provincial government, so they anticipated it kasi binigyan naman ng kopya ng notice ang provincial government. Pero kung NDRRMC ito, eh siguro naman dahil nakabase na iyan sa Aguinaldo at mayroong Defense press corps, eh siguro naman ay lalabas na iyong balita na magpapalabas ng tubig. So that’s one of the reasons, too.

Another po is siyempre [garbled] para sigurado na iyong proseso ng desisyon ‘no that will lead to a decision will consider all aspects ‘no including effect on the community which I’m not saying hindi naman po kinunsidera ng NIA ‘no. Pero siyempre po mas malawak iyong pagtingin ng NDRRMC kasi nga po iba’t ibang ahensiya ng gobyerno iyang bumubuo ng council ng NDRRMC.

JOSEPH MORONG/GMA7: Sir, I would like to challenge your assertion na the other media networks did not carry – no, that is not true; that’s false. In fact, on November 12, we had a story quoting PAGASA na may ganoong mga warnings. So that is not true, the allegation of the NDRRMC, sir. But anyway, sir—

SEC. ROQUE:  Well, from—excuse me, but from the timeline given to me, nagkaroon po sila ng warning ng November 9 which was not carried by mainstream media ‘no. Iyon po iyong problema rin ‘no, siguro kapag NDRRMC nandito sa Aguinaldo—hindi ko naman po pinupulaan ang media. Ang sinasabi ko lang, NIA iyon eh, eh wala namang press corps na na-attach sa NIA lalo na siguro provincial NIA office lang iyong nag-release doon, eh wala naman talagang magki-carry noon ‘no, sila-sila lang iyon ‘no. Pero kapag nasa NDRRMC po iyan, siguro naman dahil nandiyan iyong Defense corps ay magagawan ng story iyan.

But you’re correct ‘no, your story was 12 but the notice was given as early as the 9th.

JOSEPH MORONG/GMA7: No, even before, I just cited one specific instance. But there’s the PCOO I think for NDRRMC, NIA to—

SEC. ROQUE: We carried it. We have—in fact, from our documentation, the only story that came out on the notice na magpapalabas was PNA which is local. So anyway, I’m not faulting the media. I’m just saying, we need better coordination and that’s why we recognize the media as partners ‘no in matters such as avoiding or mitigating casualties.

Siguro isa sa dahilan nga po na ipamigay iyan sa NDRRMC ay para mas malaki iyong dissemination compared to if it were to be done alone by NIA.

JOSEPH MORONG/GMA7: All right, sir. Can I shift to the vaccine because Indonesia is already planning a mass vaccination at the end of the year, and they’re looking at Sinopharm and Sinovac. Once it gets the clearance in China, they can proceed with their own mass vaccination. The US is already, also targeting a December mass vaccination. How about us, sir, kailan iyong mass vaccination?

SEC. ROQUE: Well, dalawang beses ko na po diniskas iyong ating programa rin kapag lumabas na ang vaccine. So in-place na po ang ating programa. Handa na rin po tayo magkaroon ng mass vaccination kaya nga po inaprubahan na ng IATF iyong roll-out ng ating vaccines. Detalyado na po iyong inaprub natin, siguro hindi ko pa lang nadi-discuss iyong DOH—siguro po, bukas po idi-discuss ko iyong DOH timeline kung paano actually tuturukan iyong ating mga kababayan, iyon na lang iyong kulang ko. Kasi iyong roadmap ay na-discuss na natin at na-discuss na rin ni Secretary Galvez. So bukas po, we will discuss the DOH roadmap.

JOSEPH MORONG/GMA7: Sir, just last point. Sir, iyong schedule ni Presidente sa ASEAN, normally, we would get the schedule from MARO. That has been the practice and the tradition. But in the past couple of weeks, even the MARO I think is having a little difficulty in accessing and disseminating the schedule of the President. Sir, another layer of bureaucracy that we don’t know that has emerged?

SEC. ROQUE:  I’m not aware. But, Joseph, I will be candid and I asked assistance already from OP na hindi pupuwede na iyong mga schedules ng mga multilateral meetings are considered secret dahil dati talaga ay nilalabas iyan ng MARO.

So I have brought the matter up to appropriate authorities, and I believe si Usec. Borje – I was also in contact with him already ‘no. And in fairness, the schedule naman was, even if it was given to me in a format that is classified as secret, I think the schedule naman was provided to the media. But I am one with the media in appealing to whoever wants to restrict information on multilateral schedules na, you know, there’s no basis to keep it secret. And that is why even if the information that I received on APEC is again in a form that is secret, you know, it’s published also in the websites of the multilateral agencies, so there’s no reason why we should keep it secret.

JOSEPH MORONG/GMA7: Yeah, baka sisihin na naman kami na we’re not—

SEC. ROQUE: Naiintindihan ko po, kaya nga po pinaglalaban ko itong access ‘no and that’s really my job naman. So nag-aapela lang po ako doon sa mga—hindi ko po alam kung bakit nabago ang patakaran. Dati nga po hindi ko na trabaho iyan; trabaho iyan ng MARO ‘no. So maybe I will convene a meeting po between Usec. Borje as chief of protocol and the MARO ‘no to thresh this out. Maybe even involving Executive Secretary kasi nga po I think it is something that the ES should act upon already dahil mahirap nga rin po para sa akin na nagtatanong kayo and I hesitate to give it to you because it’s given to me in a form that legally is secret.

JOSEPH MORONG/GMA7: Ang dami ng trabaho ni ES; kaya na iyan ni Borje. Sir, last na lang. Iyon pong sa comment doon sa sexist comment and jokes yesterday, I’m sure there are other ways to lighten the mood. Are you saying that making jokes about women sex are acceptable?

SEC. ROQUE:  I’m not saying anything. I’m just saying, that’s the nature of the President. After seeing disaster for almost eight hours already. Come on! ‘Di ba?

Okay. Thank you po. Usec. Rocky, please.

USEC. IGNACIO: Yes, Secretary Roque, Question from Jam Punzalan ng ABS-CBN. Ang tanong niya: Will the government revive Project NOAH which some say could help Filipinos better prepare for Rolly and Ulysses?

SEC. ROQUE: Hindi ko na po maalala kung ano iyong Project NOAH. I’m sorry, I will backtrack but I really don’t remember the details of Project NOAH.

USEC. IGNACIO: Opo. Ang second question po niya: Some typhoon survivors themselves are saying they did not know what was happening in their area before and after Ulysses. Vice President Robredo also said Bicolanos lost one of their info sources with the shutdown of ABS-CBN regional station in their area. How do you plan to address information gap in these areas?

SEC. ROQUE: Ay, pagdating po dito maninindigan po ako, walang information gap. Linggo, Biyernes kahit ho anong araw, kahit anong oras nagpi-press briefing po kami at importante nga po na gawin namin ito kahit anong araw pa iyan dahil importante na makarating ang impormasyon sa taumbayan.

So I’m sorry but I beg to disagree with the Vice President yet again. Wala pong information gap dahil kami po, Sabado, Linggo, Biyernes, kahit anong araw kung kinakailangan ng impormasyon ay iniimbitahan po namin lahat ng mga miyembro ng Gabinete na dapat may kasagutan at magbibigay ng tulong para po magkaroon ng emergency and special press briefings.

USEC. IGNACIO: Thank you, Secretary.

SEC. ROQUE: Yes. Pia Rañada, please.

PIA RAÑADA/RAPPLER:  Hi, sir! Good afternoon. Sir, just to press on the point about iyong creation of a new task force. Sir, why is it necessary for Malacañang to make a task force pa just so that the Palace can lead in disaster efforts when ganoon naman po talaga in general like the ES doesn’t really need a task force ‘di ba sir to remind agencies of their jobs; and sir, the President himself has always signed releases of calamity funds. So why the need for a task force just to do these things?

SEC. ROQUE: Well, unang-una, ang solusyon talaga namin diyan ay iyong creation ng Department of Disaster Resilience, eh hindi pa po lumalabas. So obviously hindi po talaga sapat iyong council na gumagalaw ‘no bagama’t mayroon po tayong Executive Director, ang napakagaling na si Usec. Jalad.

The task force really is to stress na someone has to be in charge and the person in charge is the Executive Secretary ‘no with the full assistance of the entire Cabinet. Iyon lang po ‘yun.

PIA RAÑADA/RAPPLER:  Sir, you just said right now that you think hindi sapat iyong council but at the same time, sir, iyon the press briefings of the President, he keeps saying he’s satisfied with the way the post disaster response was handled, parang he has no criticism for any government official. So sir, why don’t we hear the President taking government officials to task for failing to stop the small scale mining in Cagayan? I mean, shouldn’t heads roll here lalo na illegal iyong mining and then iyon, nangyari siya and it caused the landslide? It was one of the reasons why nag-cause iyong landslide. How come the President isn’t taking them to task for it?

SEC. ROQUE: Well, kung binigyan po iyan ng lisensiya, siguro nga po puwedeng mapulaan ‘no. Pero nilinaw po ni Secretary Cimatu, wala nga pong lisensiya iyan so iligal po iyan. So of course the PNP will have to more or less come up with an explanation on why there was unauthorized mining activities in the area ‘no because that’s that matter also of enforcement. So in that sense, there may have been lapses na mayroong illegal mining activities ongoing which should have been stopped.

Pero remember, Pia, we’re talking about very remote areas also of the Sierra Madre ‘no so siguro iyon din po ang kakulangan ‘no na hindi natin ma-penetrate iyong mga isolated areas of the Sierra Madre. But by and large, the President said that the quick reaction fund—the quick reaction of all the departments and agencies were in fact very good. Ang sinasabi lang niya is the task force is not just for quick reaction, it is also for the task of rehabilitation.

PIA RAÑADA/RAPPLER:  Sir, hindi po ba job rin ng DENR to go after illegal mining? I mean, it’s their job to issue permits but it’s also their job to run after violators and illegal activities, right, no matter how remote the area is.

SEC. ROQUE: They have limited enforcement din ‘no so I would accept na we need to better enforce and implement the laws banning illegal mining even in secluded areas, remote and secluded areas such as the Sierra Madre range.

PIA RAÑADA/RAPPLER:  Sir, last question. Si DENR Secretary Roy Cimatu admitted during a situation briefing that the hazard maps sa DENR created for the Cagayan Valley exactly predicted the impact of the landslide and—so parang this kind of counters the perception you were saying that the government did not expect that kind of—kasi, sir, sabi rin ni DENR Secretary Cimatu na may prediction iyong hazard map.

SEC. ROQUE: You’re talking of two different things ‘no. Iyong anticipated but did not expect the volume of water is a statement attributed to Governor Mamba. Now si Secretary Cimatu, kasi hazard map iyon eh, so iyong place where the illegal mining happened exactly in that area identified as a hazard area kaya siguro hindi nga binigyan iyan ng lisensiya ng DENR. As to whether or not we should have known na they were operating illegally, well I will refer that matter to DENR and the PNP.

PIA RAÑADA/RAPPLER:  So, sir, who should be held accountable for the failure to implement measures based on these hazard maps?

SEC. ROQUE: It’s a law enforcement matter pero ang problema kasi is… I am not aware if we have a law which will penalize individuals for actually being in a hazard area. I can tell as someone from up north now ‘no na they are in municipalities in the Cordilleras classified in the hazard maps as precisely ‘no, hazard areas, and yet there continues to be residents there. So I suppose we need a law that will impose penalties on individuals who will stay in hazard areas but—

PIA RAÑADA/RAPPLER:  Sir, I believe it’s the LGUs to have the responsibility to follow the hazard maps guidelines. [Overlapping voices]

SEC. ROQUE: Well, in terms of providing permits. Ang problema nga lahat itong mga hazardous areas are illegal structures. Okay? Okay, thank you, Pia. We go now to Usec. Rocky again.

USEC. IGNACIO: Okay. Secretary, tanong pahabol ni Leila Salaverria ng Inquirer: How can people be assured that this latest task force would be able to accomplish its task promptly and there had been complaints about other task forces such as one on Marawi not accomplishing goals on time?

SEC. ROQUE: Well, let me put it this way ‘no: Number one, the EO still has to be signed by the President. Number two, let’s give it a chance. Wala pa naman ‘no, let’s see what kind of a difference this EO will make as a delivery of quick responses to and rehabilitation efforts and calamity-stricken area.

USEC. IGNACIO: Okay. From Vanz Fernandez: Is there any action or response from the government that some governors and mayors planning to file charges against their local dams? Does the government amenable to this?

SEC. ROQUE: Let’s just say, so be it! Under the existing laws, the LGUs have the standing to sue particularly for environmental tort ‘no. I’ve handled one such claim for the Province of Marinduque in the past ‘no and personally if they think that they have a cause of action, they should ‘no. Pero ang sinasabi ko lang po, as far as the Magat Dam is concerned, that’s only one of the reasons po for this flash floods in Cagayan Valley. Number one, it really is a valley ‘no so talagang ang tubig po papunta diyan and a scientific study has already concluded na ang primary reason for these flash floods – deforestation, illegal mining and the contour of the river itself plus the fact that it has to be dredged.

So if they file suit baka hindi rin po sila maging successful dahil you have to prove that the dam was the proximate cause. I know I’m engaging already in an academic lecture ‘no. It is the cause without which the cause of actions could not have occurred and I don’t know how they can prove that; but as far as suing is concerned, that is their right but I have serious doubts if it will prosper – as a lawyer.

USEC. IGNACIO: From Miguel Aguana ng GMA News Desk: Infrawatch criticized the absence of a single government authority managing multi-dam discharges during heavy rainfall. He said this is nothing but criminal incompetence and failure of leadership by the national government. The impact of Typhoon Ulysses could have been mitigated with forward planned multi-dam discharges under a single authority.

SEC. ROQUE: Uulitin ko po – ang ating problema ay climate change. If at all contributory po ang pagbubukas ng mga dams pero ano naman pong gagawin kung hindi tayo magpapalabas ng tubig, sasabog po iyang mga dams na iyan – ‘pag sumabog, mas maraming maaapektuhan. Okay? So sama-sama po tayo, kapit-bisig tayo para ipaglaban po ang tinatawag na climate change justice ‘no at kaya naman aktibong-aktibo ang ating Presidente pagdating sa usaping climate change.

USEC. IGNACIO: Thank you, Secretary.

SEC. ROQUE: Okay. So kung wala na po tayong questions, unang-una maraming salamat Ambassador Sorreta. Ambassador Sorreta and I were literally classmates at the UP College of Law and we’re very proud of him. Thank you very much for your time Ambassador and of course I’d like to thank the men and women of the Malacañang Press Corps. I’d like to thank all of you for your continuing monitoring of our press briefings. Thank you Usec. Rocky.

And on behalf of our President—bago po iyan, I’d like to recognize two of our LGUs who are present today: We have Mayor Grace Casil of Biliran – welcome, Mayor; and we have Vice Mayor Maja Sales of Pagudpud ‘no.

On behalf po, sa ngalan ng ating Presidente Rodrigo Roa Duterte, ako po ang inyong Spox nagsasabi – Kaya po natin ‘to, babangon po tayong muli.

Maraming salamat po at magandang hapon sa inyong lahat.

 

###

 

 

 

SOURCE: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)