Press Briefing

Public Briefing #LagingHandaPH hosted by Presidential Communications Operations Office Secretary Martin Andanar and Undersecretary Rocky Ignacio


Event Public Briefing #LagingHandaPH
Location PTV

SEC. ANDANAR: Magandang umaga Pilipinas. Mahahalagang balita at impormasyon pa rin ang ating pag-uusapan tungkol sa laban natin kontra COVID-19 at mga napapanahong isyu ng bayan. Good morning, Rocky.

USEC. IGNACIO: Good morning, Secretary Martin. Kasama pa rin ang iba’t ibang mga kawani ng pamahalaan na handang sagutin ang ating mga katanungan, samahan ninyo po kaming muli para sa isang makabuluhang talakayan. Ako po si Usec. Rocky Ignacio.

SEC. ANDANAR: At ako po naman si Secretary Martin Andanar; ito ang Public Briefing #LagingHandaPH.

Upang sumagot sa mga tanong ng bayan, maya-maya lang ay makakasama natin sa programa sina Secretary Silvestre Bello III ng Department of Labor and Employment; Undersecretary Ricardo Jalad ng National Disaster Risk Reduction Management Council; at MMDA General Manager Jojo Garcia.

USEC. IGNACIO: Makakasama rin natin sa paghahatid ng ulat ang mga PTV correspondents mula sa iba’t ibang probinsiya at ang Philippine Broadcasting Service.

Samantala, para naman sa inyong mga katanungan, maaari kayong mag-comment sa live streaming ng ating programa sa PTV Facebook page.

Sa unang balita: Market vendor sa Kapatagan, Lanao del Norte nakatanggap ng tulong mula kay Senator Bong Go, DSWD at iba pang ahensiya ng pamahalaan. Sa iba pang detalye, narito po:

[VTR]

SEC. ANDANAR: Ilang mga bagyo nga po ang ating sunud-sunod na kinaharap nitong nagdaang mga linggo kumusta kaya ang kabuuang kalagayan ng ating disaster response at relief operations, para alamin iyan makakausap natin si Usec. Ricardo Jalad ng National Disaster Risk Reduction Management Council. Good morning po sa inyo, Undersecretary.

USEC. JALAD: Good morning, Sec. Martin. Good morning sa ating mga kababayan na nakasubaybay ngayon.

SEC. ANDANAR: Sa ngayon po, gaano na kalaki ang naging pinsala ng mga nagdaang bagyo sa ating bansa; gaano karami po ang mga apektadong Pilipino?

USEC. JALAD: Well, ang tinitingnan natin nang husto iyong epekto ng Super Typhoon Rolly at saka itong si Typhoon Ulysses ‘no. Ito ang dalawang bagyo na talagang nagbigay ng napakalaking pinsala and mostly dito ay sa damage to agriculture.

And from Super Typhoon Rolly ang estimate, initial estimate ay nasa five billion damage sa agriculture. And dito naman sa Ulysses, mas malaki ang damage reflected dito. I hope nagkamali kami rito, but nakalagay dito ay 540 billion.

And damage to infrastructures naman from Super Typhoon Rolly ay nasa 12.9 billion; while po dahil kay Typhoon Ulysses ay 10.79 billion.

At iyong mga nasirang bahay naman, Sec. Martin, si Super Typhoon Rolly ay nagsira ng nasa 170,000 houses; while itong si Typhoon Ulysses ay 125,000 houses. Pero ito ay kailangan pang i-validate talaga, Secretary Martin, diyan sa RDNA [Rapid Damage Assessment And Needs Analysis] na rapid damage assessment na kasalukuyang ginagawa or tapos na, ang report na lang ang ating hinihintay. At saka iyong susunod, iyong mas comprehensive na assessment, iyong tinatawag nating post-disaster needs assessment (PDNA) that will feed into the [unclear] at saka comprehensive rehabilitation recovery plan ng ating NDRRMC.

Although sa ngayon, ang iba’t ibang ahensiya ay magsisimula namang mag-initiate para sa mga rehabilitation at recovery lalo na doon sa mga nakikita nila ang mga damaged na mga infrastructures dahil ang ating suggestion diyan ay huwag nang hintayin na matapos itong PDNA at saka iyong comprehensive and recovery plan ay gawin nila ang project proposal para makapag-access na ng pondo para sa pag-aayos nitong mga nasirang mga infrastructures.

Ngayon, sa casualties naman, Secretary Martin, ay mas maraming dinulot na casualty itong si Typhoon Ulysses – 73 ngayon. Mabuti naman itong 73 ay napanatiling nasa ganiyan since … two weeks na iyan ano, wala nang naidadagdag; and si Super Typhoon Rolly naman ay mas mababa, 25 deaths ang ating inabot diyan.

So iyon sa ngayon ang ating assessment dito sa dalawang malalakas na bagyo – Super Typhoon Rolly at saka Typhoon Ulysses.

SEC. ANDANAR: Tuloy pa rin po ba ang pagsasagawa ng relief operations; kumusta po ito at saang mga lugar pa na lubos na nangangailangan hanggang ngayon?

USEC. JALAD: Tuluy-tuloy ho, Secretary Martin, ang ating relief operations. Ang nangunguna diyan talaga ay DSWD sa pagpapadala ng pagkain at ayon ito sa kautusan ni Presidente noong siya ay bumisita sa Tuguegarao – ‘bigyan ng prayoridad ang supply ng pagkain, inumin, tubig at saka gamot’; at iyan ay pinagtutulungan natin with DSWD at saka DOH.

Ang hindi natin iniwanan iyong mga naunang sinalanta na mga lugar ni Super Typhoon Rolly. Sabay-sabay nating ina-address pati na rin iyong mga lugar na sinalanta ni Typhoon Ulysses. And ginagamit natin diyan ang mga barko ng Philippine Navy, eroplano ng Philippine Air Force, as well as land transportation assets ng iba’t ibang ahensiya ng gobyerno and even private sector.

Pina-follow up din natin iyong mga donations na binibigay, ating pinaparating kaagad sa nangangailangan na local government units.

And doon sa pag-uusap natin sa response cluster ng National Disaster Risk Reduction and Management Council, ang ating binigay na suggestion na iyong mga ahensiya nangangailangan ng augmentation ng kanilang quick response fund ay kaagad na mag-access doon sa Department of Budget and Management dahil nagkaroon naman ng augmentation ng ating tinatawag na National Disaster Risk Reduction and Management Fund o dating tinatawag na calamity funds. Within this year ay nagkaroon ng augmentation ng 15 billion on top of the funded or binigay doon sa Government Appropriations Act.

SEC. ANDANAR: So, gaano na po karami ang nabigyan ng tulong ng NDRRMC, in terms of numbers?

USEC. JALAD: Well, in terms of numbers, ang aking nakikita rito ay iyong cost of assistance ay nasa almost 200 million na. Pero initial lang ito, mayroon kasing mga hindi na natin nabigyan ng cost, ang costed lang natin talaga rito ay iyong galing sa DSWD at saka sa DOH and as well as OCD.

And lahat ho ng mga naapektuhan, lahat ng mga inilikas ay binibigyan ng tulong even iyong mga hindi lumikas katulad diyan sa mga lugar na binaha at safe na rin naman relatively para sa kanila ang manatili doon sa kanilang mga bahay, iyan ay binibigyan ng tulong at pinapadalhan ng kanilang kinakailangan na pagkain.

And ginagamit din natin ang mga air assets ng Philippine Air Force dito para sa pagpapadala doon sa mga lugar na iyong medyo nahihirapan tayo sa access.

So, lahat ng regions na affected – itong Region V, lalung-lalo na diyan sa Catanduanes, sa Albay, Camarines Sur, at saka Camarines Norte; Dito sa Region II, sa probinsiya ng Cagayan at saka Isabela and even diyan sa Cordillera; And dito sa CALABARZON ay ganoon din.

Lahat ho ng Regional Disaster Risk Reduction and Management Councils natin dito sa mga naapektuhang regions sa Luzon ay kumikilos. Iyan ay nasa ilalim po ng pamumuno ng Office of Civil Defense at katulong ho nila diyan unang-una ang DSWD at saka iyong ating mga uniformed services.

SEC. ANDANAR: Marami pong mga kababayan ang hindi inaasahan na tataas ang tubig sa kanilang lugar kaya hindi nakalikas agad. Ano po sa tingin ninyo ang naging problema ukol dito?

USEC. JALAD: Well, siguro iyong mabilis na pangyayari katulad diyan sa Marikina, masyadong mabilis ang pangyayari kaya kinakailangan i-revisit iyong evacuation protocol niyan. Baka iyong alert warning levels nila na 15 meters, 16, 17 up to pataas ay kinakailangang i-review dahil nakikita natin kapag umulan nang malakas ay napakabilis ang pangyayari at base doon sa kanilang evacuation protocol ay hindi enough iyong oras para ang mga kababayan natin ay magsilikas.

And sa communication lately sa Typhoon Ulysses, Secretary Martin, ating in-emphasize na mayroon tayong handicap dito sa communication dahil maraming lugar ang hindi pa talaga fully upped iyong ating telecommunication system. Maraming lugar ang hindi pa rin fully upped ang ating supply ng kuryente kaya ang sinabi natin doon gagamitin natin iyong lahat ng means of communication para maiparating natin doon sa communities, doon sa ating mga kababayan na mangangailangan ng impormasyon na iyan para sila ay mag-react, mag-evacuate.

So, iyong reaction doon sa community level ay hindi sanay doon sa magnitude ng impact nitong nagdaan na si Typhoon Ulysses and napaghandaan natin nang husto iyong Super Typhoon Rolly dahil malaki ang nailikas natin diyan as based on the report from the local government units lalung-lalo na diyan—(signal cut)

SEC. ANDANAR: Okay. So, may problema tayo sa ating communication line with Undersecretary—Yes, Usec. Jalad, mayroon pong proposal para ilipat ang authority pagdating sa dam water release sa inyong tanggapan. Kakayanin po ba ito ng NDRRMC at ano po ang mga kailangan ng NDRRMC para maging posible itong transfer of authority?

USEC. JALAD: Ang ginawa ho natin ay nagkaroon ng desisyon sa NDRRMC na mag-create ng committee na tatawagin nating Dam Safety Committee pero mayroon kasi tayong protocol base doon sa isang desisyon noong panahon ni Presidente Gloria Macapagal-Arroyo na ang mag-decide talaga niyan ay ang PAGASA dahil sila ang nakakakita ng forecast ng malakas na pag-uulan at ang desisyon nila ay ipinapadala sa mga iba’t ibang dam managers.

Dito sa Pantabangan and Magat, iyan ang NIA; Diyan sa San Roque Dam sa Pangasinan, iyan ang NAPOCOR. So, maraming ano eh, iba’t iba iyong nagma-manage ng dam and based on the decision ng PAGASA ay susunod iyong mga dam managers.

Kung ilalagay natin iyan sa NDRRMC, alam naman natin iyan ay konseho, mag-uusap pa iyan, magkakaroon ng consensus – baka tumagal, iyong desisyon natin ay hindi kaagad tayo makapagpalabas ng tubig. Puwede siguro i-create natin iyong committee as an oversight to agencies or to organizations concerned – PAGASA at saka iyong mga dam managers – in preparing for the approach of a typhoon. But ang desisyon talaga ay diyan pa rin sa PAGASA at saka dam managers dahil sila ang nakakakita doon sa actual na sitwasyon.

At inihahalintulad po ito, Secretary Martin, sa desisyon on the withdrawal or disengagement of troops doon sa tactical level. Hindi ho iyan dinidesisyunan lalo na kung company size or platoon size level, hindi ho iyan dinidesisyunan ng Chief-of-Staff of the Armed Forces of the Philippine kung hindi iyong tactical commander sa ground. So, importante iyong decision-making ng nasa ground but with an oversight dito sa national level.

SEC. ANDANAR: Okay. So, ano po ang inyong overall assessment sa nangyaring disaster preparedness at response ng NDRRMC at mga lokal na pamahalaan? Ano po ang mga areas na kailangan ng improvement?

USEC. JALAD: Well, dito sa preparedness talaga ay sana iyan ang isang napakalaking areas na kinakailangan ng improvement, but ganoon din dito sa prevention and mitigation, Secretary Martin, dahil nakikita natin ay napakalaki na talaga ang pinsala na ating nakikita dito sa mga pag-uulan at saka mga bagyo.

So, kailangan ay ayusin natin itong ating mga river basin. Mayroon naman tayong mga plano na nandiyan sa River Basin Control Office ng DENR, napakagandang mga plano, so kinakailangan lang talaga iyong mga programs na identified doon ay kailangang i-implement.

We can only do so much doon sa ating preparedness. Ang kailangan talaga mag-invest tayo nang malaki doon sa prevention and mitigation and that includes overall iyong management natin ng mga river basins, so that maiiwasan natin iyong matinding pagbabaha.

And iyong dalawang areas na iyan – prevention and mitigation at saka preparedness – dahil mayroon nga tayong nabasa noon, iyong one-peso investment daw natin on prevention and mitigation at saka preparedness, ang equivalent niyan sa response phase ay maaaring ten pesos. Meaning, we can achieve more with less in our investment in prevention and mitigation and as well as preparedness in our investment during the response phase.

But kinakailangan din talaga nating mag-invest doon sa capability natin to respond and iyon nga, may mga inaayos tayong mga sistema, iyong ating mga communication systems, ang OCD ay may mga procurement ng radio communications as well as satellite voice and data.

In fact, noong pag-alis ng super typhoon Rolly doon sa Catanduanes at naging safe na ang pagpapalipad ng eroplano papunta doon ay nag-deploy tayo ng satellite communication system at dahil diyan ay nagkaroon tayo ng contact with the Governor of Catanduanes.

And other areas also, iyong investment natin on transportation assets, nakita natin na habang nagri-respond tayo doon sa Cagayan ay nagdi-develop ang situation doon sa Cagayan. Nag-respond tayo dito sa Marikina and other areas ng Metro Manila and Rizal ay nagdi-develop ang situation doon sa Region II.

And malaki rin ang commitment ng national government agencies dito sa response dito sa Rizal and Metro Manila and noong natapos nito ay saka tayo nakapag-shift ng resources towards Region II.

And ginamit naman din iyong ating mga Regional Disaster Risk Reduction Management Councils lalo na diyan sa Region II ang available assets ng ating mga uniformed services diyan sa Region II para tulungan ang Isabela and Cagayan.

So lahat talaga kinakailangan mag-prepare, mag-buildup ng capability from the national level down to the local government unit level as well as community.

SEC. ANDANAR: Marami pong salamat sa inyong panahon, Undersecretary Ric Jalad ng NDRRMC.

USEC. IGNACIO: Samantala sa iba pang balita naman, 93rd Malasakit Center binuksan na para sa mga residente ng Kapatagan, Lanao del Norte. Para sa detalye, panoorin po natin ito:

[NEWS CLIP]

Papalapit na nga po ang Kapaskuhan kaya naman pasikip rin nang pasikip ang daloy ng trapiko dito sa Metro Manila, para alamin ang mga ginagawang hakbang ukol diyan, makakausap po natin si MMDA General Manager Jojo Garcia. Good morning po.

MMDA GM GARCIA: Good morning, Usec. Rocky. Good morning po, Secretary Martin.

USEC. IGNACIO: Opo. Sir, unahin ko na lang po iyong tanong ng ating mga kasama sa media ano po. From Evelyn Quiroz ng Pilipino Mirror: In its annual audit po for 2019, COA said the MMDA only completed 45.37% or 49 projects worth 2.42 million of its 108 programmed flood control projects for 2019 as of yearend which could have helped in mitigating the flood problem in the metropolis as seen recently when Typhoon Ulysses battered the country.

How would you explain the slow pace of the MMDA with regard to its flood control projects?

MMDA GM GARCIA: First po ‘no, we have 108 projects. Out of those 108 projects, 11 na lang ano ang [garbled]. I think this December po tapos na lahat iyan ano.

The main reason behind this: number one, last year po alam naman natin late na napirmahan iyong sa GAA budget, April 15 na ‘no so matagal bago natin nagawa natin iyong mga contract. Second, lalo na ang election ban. So election month po, hindi tayo puwedeng mag-award at Kahit gawa na ang contract.

But [garbled] these projects po ‘no, itong 11 na natira [garbled] kumbaga [garbled]. But for that huge water na [garbled] during the typhoon eh hindi ho talaga masyadong makakatulong doon dahil [garbled] sa maintenance.

Maliliit lang po ano, ang budget po ng MMDA sa flood control ay nasa mga [garbled] sa buong Metro Manila. [Garbled] are more on the maintenance side where we can assure the public na by December po tapos na itong 11 na [signal cut]…

USEC. IGNACIO: Opo. Sir, may tanong na rin po si Karen Villanda ng PTV-4. Halos pareho po sila ng tanong ni Joseph Morong. Iyong kay Joseph Morong ang sabi po niya dito kung wala na daw pong atrasan ang pagtatanggal ng U-turn slot kung makakatulong ito sa trapiko. Samantalang ang sabi naman po ni Karen Villanda ay marami pong motorista ngayon ang nagagalit dahil sa pagsasara ng U-turn slots sa EDSA. Bukod daw po kasi sa malayo na iyong iniikutan, napaka-traffic pa rin dahil naiipon daw po iyong mga sasakyan sa mga alternate route. Expected na po ba ito ng MMDA at ano daw po ang solusyon dito?

MMDA GM GARCIA: Okay po ‘no. Sa pagtutulungan po namin ng DOTr [garbled]. Alam mo naman ang [garbled] to give priorities sa mga buses ‘no. Alam naman natin iyong mga commuters natin mas madami iyan. For example ang isang bus po, ang laman niyan 30 to [garbled]. Ang kotse [garbled] dalawa lang ano. So giving priority talaga sa commuters na mas [garbled]. Nakita naman natin iyong improvement niyan ano from Monumento to Ayala South less than [garbled] unlike before na [garbled].

Ngayon ito naman sa ating mga private [garbled] of course ‘no humingi tayo ng konting sakripisyo [garbled] commuters pero kung mapapansin naman natin last year ng November before [garbled]. Usually talaga during rush hour in the afternoon kaya lang talagang napasikip dahil sa volume na rin. Pero kung manu-notice ninyo po ngayon ‘no [garbled] ganitong oras, tanghali o kung hindi rush hour, maluwag naman iyan compared to last year. Kaya nga ang inaano namin is [garbled] isang lane lang ‘to ‘no, iyong sa private apat na ang kinuha iyan, iyong iba lima.

Napapansin lang siguro nila talagang mabagal kasi nasanay sila during the ECQ and MECQ [garbled] ECQ pa rin na super [garbled] takbo before at [garbled] sasakyan [garbled] talagang ano, bumagal ang speed. Pero kung makikita mo talaga iyong traffic compared to last year ng November during Christmas [garbled] ang takbo natin ngayon kasi nga tinanggal iyong mga [garbled].

Dito sa mga U-turn po ‘no, naintindihan natin [garbled] ‘no iyong [garbled] and then ang next U-turn na iyong Quezon Boulevard. [Garbled] inaaral natin, may konting [garbled] si Congressman Sarmiento, ang Chairman ng Transportation sa [garbled] iyan din [garbled]. So [garbled] ano, ang sa amin lang [garbled] muna natin iyong mas nakakarami dahil sila po talaga [garbled].

USEC. IGNACIO: Opo. GM, babalikan namin kayo ‘no para ayusin iyong ating linya ng komunikasyon. Hinihintay po ng marami iyong sagot ninyo tungkol diyan pero kayo po ay putul-putol. Babalikan po namin kayo, GM, pasensya na po.

Samantala, sa ibang balita naman po, Senator Bong Go patuloy pa ring isinusulong ang panukalang batas para sa pagkakaroon ng Department of Disaster Resilience. Narito po ang report: [VTR]

Samantala, balikan na po natin si GM Jojo Garcia ng MMDA. Sir? Ulitin ko na lang po iyong tanong ni Karen Villanda, kasi po kanina ay putul-putol tayo na sinundan din ni Joseph Morong ng MGA 7. Ang tanong po ni Karen Villanda: Kasi marami pong motorista ngayon iyong nagagalit nga dahil daw doon sa pagsasara ng U-turn slot sa EDSA. Kasi bukod daw po sa sinabi nila na malayo iyong naiikutan, napakatrapik daw po dahil naiipon iyong mga sasakyan doon sa mga alternate route. Expected na po ba daw ito ng MMDA at ano po ang solusyon ninyo dito? Sabi naman po ni Joseph Morong ng GMA 7: Parang hindi naman daw po nagagamit iyong intended lanes doon sa mga bus?

MMDA GENERAL MANAGER GARCIA: Okay, unang-una po, sabi ko nga kanina bago naputol, talagang dito binibigyan natin ng priority ang mga buses o iyong mga bus natin, mga commuters natin. Kasi ang isang bus po ang laman niyan nasa 30 plus ang pasahero, ang kotse po – isa, dalawa, maximum tatlo lang. So, meaning pinabibilis po natin talaga ang biyahe ng mga commuters, dahil sila po ang mas madami. Kung maku-compare po natin iyan before na wala po iyong Busway, it will take them three or more than three hours from Monumento to Makati, right now po, less than 45 minutes. So binibigyan lang talaga natin ng prayoridad.

If you will compare traffic, November last year and ngayon, mas maluwag pa rin po tayo, napapansin lang siguro ng ating mga motorista na during the ECQ/MECQ noon ang Metro Manila sobrang luwag, kaya ngayon, medyo hindi na sila sanay talaga kapag sobrang bagal ‘no. Pero compare talaga last year, mas mabilis po iyong speed natin except na lang talaga during rush hour, dahil sa volume. Before during off-peak hours diri-diretso naman po ang takbo niyan at mas mabilis iyong speed natin.

Kung mapapansin nga natin ang EDSA ngayon, one lane na lang ang bus, dati po dalawa iyan. So, binigay natin sa private is four to five lanes, talagang sobrang dami lang talaga, kaya bumabagal. Pero at least kahit papaano, natanggal natin iyong obstruction sa right side, kaya inilipat natin ang bus lane.

Pagdating naman po sa mga U-turn na iyan, sabi ko nga, kausap namin ang DOTr at kanina rin po kausap ko si Congressman Sarmiento, ang chairman ng transportation sa House, at pinag-uusapan namin iyong pagbabalik ng U-turn. So, may plano po tayong magbalik ng dalawang U-turn slot, maybe dito sa may North Avenue and Congressional. Pero may imprastraktura po tayong gagawin diyan para hindi rin maabala ang flow ng traffic. Sa ngayon po talagang humihingi kami ng pasensiya sa mga private at napakalayo talaga ng Balintawak, ang next na U-turn niyan Quezon Avenue, pero makita naman po natin ang naging kapalit nito, eh sa mga kababayan nating mga commuters na mas marami po.

USEC. IGNACIO: GM, mula naman kay Joan Nano ng UNTV: Ano naman po iyong latest estimated travel time sa EDSA ngayon mula Mall of Asia to Monumento at ilang percentage ang volume ng traffic ngayon sa EDSA?

MMDA GENERAL MANAGER GARCIA: Noong before COVID po, during this time last year – November, close to 400,000 na po ang average na dumadaan sa EDSA. Ngayon po ay nasa mga 280,000-to 300,000 lang. Mas kaunti pa din, unang-una doon sa bus nga, before niyan more than 3,000 ang dumadaan, ngayon eh nasa mga 500 lang. So, talagang dini-decongest natin iyan. At sa travel time naman, mayroon tayong travel speed. During this time, last year po nasa 7 to 9 kilometers per hour average speed natin sa EDSA. Pero ngayon po nasa 25 to 30 kilometers na, nag-times three na, kasi nga tinanggal na natin iyong mga obstruction sa kanan. Siguro napapansin lang po ng mga private motorists na mabilis masyado iyong bus tumatakbo ng 50 kilometers per hour iyan, kaya naku-compare iyong travel speed nila. Pero kung tutuusin ninyo, before po, last year, mas mabagal po talaga ang daloy ng trapiko.

USEC. IGNACIO: Pangalawang tanong pa rin ni Joan Nano ng UNTV: Sa ilang choke points kagaya nang sa may Monumento, grabe daw po iyong siksikan lalo na kapag rush hour, nandiyan po iyong mga motorcycles riders, pati na iyong riders na sobrang delikado. Ano daw po ang solusyon dito ng MMDA?

MMDA GENERAL MANAGER GARCIA: Unang-una po, talagang matindi ang trapik ngayon sa may Northbound, Balintawak. Kasi nga po iyong bridge diyan, three lanes lang iyan, kinuha iyong isa ng bus at iyong isa naman sa right, ito iyong papasok ng NLEX, kaya natitira isa na lang going to Monumento. Kausap na po natin ang NLEX management, may private road po diyan sa may service road na kapag kayo po ay pupunta ng NLEX doon na kayo sa right side, you don’t need to go to that bridge para makapasok. Kapag ito po na-improve natin, mas bibilis po ang flow niyan. Nagpa-deploy na po tayo ng mga tao diyan, may mga hawak na signs para at least if you are going to NLEX, hindi ka na kailangang pumunta sa bridge.

USEC. IGNACIO: Opo, mula naman po kay Luis Erispe ng PTV: Until now may isa o dalawang istasyon pa rin po daw ng Pasig River Ferry na hindi pa rin operational dahil sa naging pananalasa ng Bagyong Ulysses. Kailan po iyong target date para matapos ang repair ng mga stations at maging operational ito ulit?

MMDA GENERAL MANAGER GARCIA: Hopefully po by next year. Nakaplano na rin po iyan, iyong pag-improve niyan at paggawa. Alam naman natin hindi pa naman ganoon ka-normal ang takbo ng ferry natin because of the pandemic. Inuunti-unti natin iyan, pero hopefully po by next year, tatakbo na po lahat iyan.

USEC. IGNACIO: GM, kunin ko na lamang po ang inyong mensahe sa publiko.

MMDA GENERAL MANAGER GARCIA: Ang mensahe ko lang po, unang-una huwag po nating kakalimutan na nasa GCQ pa rin tayo, iyong ating status at kung tayo po talaga as much as possible, kayang mag-work at home o kaya mag-stay at home ay mas maganda po iyan nakakabawas po tayo ng volume sa kalsada. Madami naman po ang programa ng MMDA po, well-coordinated po tayo sa DOTr at DPWH. Lahat po ng mga puna ninyo, comments, negative comments iyan po ay pinag-aaralan natin, sina-cite din natin iyan. Ang iniisip lang talaga namin ditto, sino iyong mas madaming nakikinabang, iyong common good. Kaya hindi naman puwede na isang patakaran po ay lahat ay nagpa-positive – may negative effect diyan. Ang sa amin lang, kung ano iyong mas marami po nating nagkakaroon ng positive effect ay doon po talaga tayo.

USEC. IGNACIO: Okay. Maraming salamat po, General Manager Jojo Garcia mula po sa MMDA.

MMDA GENERAL MANAGER GARCIA: Maraming salamat po, USec. Rocky, stay safe po. Thank you.

USEC. IGNACIO: Samantala, dumako po muna tayo sa update kaugnay sa sa COVID-19 cases sa buong bansa. Base po sa tala ng Department of Health as of November 25, 2020 umabot na sa 422,915 ang total number of confirmed cases, naitala ang 1,202 new COVID-19 cases kahapon, 31 katao naman po ang bagong bilang ng mga nasawi, kaya umabot na sa 8,215 cases ang kabuuang bilang ng COVID-19 deaths sa ating bansa, ngunit patuloy pa rin po ang pagdami ng mga nakaka-recover na umakyat na sa 386,155 with 183 new recoveries recorded as of yesterday. Ang kabuuang total ng ating active cases ay 27,745.

Patuloy po tayong magtulungan na masugpo ang COVID-19 sa pamamagitan po ng pagsasailalim ng COVID-19 test kung kinakailangan at siyempre katuwang pa rin dito ang Philippine Red Cross. Kung nais po ninyong magpa-swab test, narito po ang mga hakbang na dapat ninyong gawin:

[VTR]

USEC. IGNACIO: Samantala, puntahan muna natin ang ating kasama sa PTV Davao, may ulat din si Julius Pacot. Julius?

(NEWS REPORTING)

USEC. IGNACIO: Maraming salamat sa iyo, Julius Pacot.

SEC. ANDANAR: Samantala update naman sa kasalukuyang suspension ng operasyon ng Skyway Extension Project dahil sa naganap na aksidente diyan sa Muntinlupa City, iyan po ang pag-uusapan natin kasama si Secretary Bebot Bello, mula sa Department of Labor and Employment. Magandang umaga po, Sec. Bebot.

DOLE SEC. BELLO: Sec. Martin, magandang umaga po.

SEC. ANDANAR: Sec. Bebot, partially lifted na po ang suspension ng operasyon sa Skyway Extension Project. Ano ba ang sitwasyon ngayon doon?

DOLE SEC. BELLO: Right now, iyong work stoppage order namin covered only iyong area where the accident took place. Pero iyong project mismo, I had to allow it dahil alam mo naman that is a Build Build Build infrastructure program and that is scheduled to be completed before the end of this year. Ngayon, kung ituloy namin iyong work stoppage ng whole project, hindi ma-achieve iyong completion on the expected date. And more importantly, you are talking of about 900 workers, pag pinahinto mo iyong 900 workers mawalan ng trabaho. So minodify ko iyong order ng aming regional director ini-maintain ko iyong work stoppage order doon sa area where the accident took place, pero iyong project, the whole project tuluy-tuloy ang trabaho.

SEC. ANDANAR: Ano po ang update naman sa imbestigasyon sa nangyaring aksidente, Sec. Bebot?

DOLE SEC. BELLO: Nagkaroon ng meeting last November 24, medyo maraming mga non-compliance sa mga Occupational Safety and Health Standards like for example doon nga mismo sa area where the accident took place walang mga warning signs at mayroon din kaming nakita na iyong sub-contractor – not iyong contractor mismo, but iyong sub-contractor – leaking out iyong equipment, marami sa kaniyang mga operators ang walang TESDA accreditation. So, ito ang ire-require natin sa main contractor na EEI na dapat i-comply lahat ang mga Occupational Safety and Health Standard para sa ganoon hindi na maulit iyong aksidenteng iyon.

SEC. ANDANAR: Okay, ano po ba ang mga dapat gawin bago po payagan muli na maging full ang operation ng proyekto na ito at ano po ba ang parusa na maibibigay sa contractor?

DOLE SEC. BELLO: Actually Sec. Martin, may recommendation na iyong sa regional director natin si Director Bambi Mirasol na nag-comply na lahat sila. After they were informed of their violation, they immediately complied with all these requirements, especially iyong mga (garbled). So I am expecting a recommendation from Director Mirasol na pati iyong work stoppage order covering (garbled) will also be lifted para maging full operation na iyong project.

SEC. ANDANAR: Mayroon po bang mga manggagawa na maapektuhan dahil sa suspension sa bahagi po ng Skyway Extension kung saan nangyari ang aksidente; ano po ang tulong na maaring i-offer sa kanila?

DOLE SEC. BELLO: Actually, except po iyong namatay at saka iyong anim na seriously injured workers, wala naman affected, dahil iyong work stoppage order only lasted for two days, so hindi masyadong affected iyong mga other workers. But in the meantime, ang importante diyan ay na-maintain natin at na-preserve natin iyong employment status ng mga almost 900 workers. Sa akin iyong ang aming main concern.

USEC. IGNACIO: Bigyan-daan po natin ang tanong ng ating kasamahan sa media. Secretary Bello, good morning po. Mula kay Evelyn Quiroz ng Pilipino Mirror, ito po ang tanong niya: The DOLE recently lifted a deployment ban of health workers who wish to work abroad, but only 5,000 health care workers will be allowed to leave each year. Would that not be tantamount to depriving the majority of health workers of their chance to improve their lives?

SEC. BELLO: Actually, hindi naman ano, hindi naman ganoon ka-ano, ka-strict iyong order ‘no. Kasi iyong cap na iyon only covers iyong mga new hires. It does not cover iyong mga balik manggagawa. And if you recall, Usec. Rocky and Evelyn, kaya tayo nag-impose ng temporary suspension of deployment ay in order to ensure na in case if the pandemic, the COVID-19 worsen, ay hindi tayo mawalan ng mga healthcare workers who will attend to the needs of our countrymen. Ayaw ko naman mangyayari na kapag lumala, God forbids, na lumala itong pandemya tapos wala tayong mga nurses, nasa ibang bansa sila, so nagkaroon tayo ng decision to lift the suspension pero may cap.

Pero ito namang cap na ito ay hindi rin permanent. It will be subject to assessment, regular assessment. In fact, sabi ko, if by early next year nakikita natin na napa-flatten na iyong curve ng pandemya and nakikita natin na medyo dumarating na iyong vaccine, although medyo duda pa ako doon, eh puwede naman natin i-adjust iyong cap from five even to ten thousand. Basta ang mahalaga, hindi tayo mawawalan ng mga health care workers.

USEC. IGNACIO: Opo. May pahabol lang po si Tuesday Niu, kasi kanina daw po ay naputol-putol ang ating linya ng komunikasyon. Sinabi ninyo po daw na lifted na ang work stoppage sa area ng aksidente sa Skyway? Pinapa-clarify po ito.

SEC. BELLO: Mayroong recommendation na ang aming regional director na pati iyong area where the accident took place ay they are recommending the lifting of the work stoppage order; and I’m inclined to follow the recommendation of our regional director.

USEC. IGNACIO: Opo. Tanong naman kay Jam Punzalan ng ABS-CBN: What has DOLE and Food Panda riders agreed on during your recent dialogue about allegedly unfair labor practices?

SEC. BELLO: Actually, wala namang unfair labor practice kasi this is a new dimension in employment. Kaya maganda iyong usapan nila kahapon at they are coming up with their suggestions, iyong mga workers who pay with, will come up with their own suggestions, kasi bago ito eh. This is new in the field of employment. Kaya we are waiting for them to submit their recommendation, after which we will come up with advisories on how to deal with itong mga drivers ng mga Food Panda.

USEC. IGNACIO: Tanong pa rin po ni Jam Punzalan: PGH workers are appealing for the release of their 500 pesos per day hazard pay and special risk allowance for fighting the COVID-19 pandemic. How can the DOLE help them?

SEC. BELLO: I will ano, I will call the attention or I will invite the attention of Secretary Duque of the Department of Health kasi nasa jurisdiction ng Health iyan at saka Civil Service Commission. Ang amin kasing mandato covers only workers in the private sector. Pero ipaparating ko po na dapat talaga ibigay naman iyong dapat na benepisyo na nararapat paratingin sa ating mga workers in the public sector.

USEC. IGNACIO: Mula naman po kay Joseph Morong ng GMA-7, follow up lang daw po sana doon sa group of workers ng Chicken Ihawan na dinismis lahat ng kanilang empleyado without proper compensation. What can employees like them do? They have filed a complaint already and would like to seek your help. And the question is: Can companies just dismiss its employees without paying compensation?

SEC. BELLO: Definitely not. Unang-una, they cannot dismiss any employee without first notifying the Department of Labor. And in their report, they have to justify the reason for the termination. And if assuming, assuming that mayroong ground for termination, they have to pay iyong separation pay ng kanilang workers, and this includes iyong 13th month pay which is already due on or before December 24.

USEC. IGNACIO: Tanong pa rin po mula naman kay Sam Medenilla: Nakapag-isyu na po kaya ang POEA ng governing board resolution to lift the temporary deployment ban for healthcare workers? If yes, kailan po kaya ito mag-take effect?

SEC. BELLO: Lifted na, lifted na. Nag-take effect na po. So anybody who wants to go can start applying.

USEC. IGNACIO: Opo. Maraming salamat po sa inyong panahon, Secretary Bello ng DOLE.

SEC. BELLO: Thank you rin, Rocky.

USEC. IGNACIO: Salamat po.

SEC. ANDANAR: Sa puntong ito, dumako naman tayo sa pinakahuling ulat mula sa iba’t ibang lalawigan sa bansa. Makakasama natin si Czarinah Lusuegro mula sa Philippine Broadcasting Service.

[NEWS REPORTING]

SEC. ANDANAR: Maraming salamat, Czarinah Lusuegro.

At iyan ang mga balitang nakalap natin ngayong araw. Maraming salamat sa mga naglaan ng kani-kanilang oras sa pagbibigay-linaw sa mga impormasyon na mahalagang malaman ng ating mga kababayan.

USEC. IGNACIO: Ang Public Briefing ay hatid sa inyo ng iba’t ibang sangay ng Presidential Communications Operations Office sa pakikipagtulungan ng Department of Health at kaisa ng Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas o KBP.

SEC. ANDANAR: Asahan ninyo ang aming patuloy na pagbibigay-impormasyon kaugnay sa mga updates sa ating paglaban sa COVID-19 pandemic. Maraming salamat din sa Filipino Sign Language Access Team for COVID-19.

USEC. IGNACIO: Samantala, Secretary Martin, 29 days na lamang po, Pasko na.

SEC. ANDANAR: Malapit na.

USEC. IGNACIO: Malapit ko nang matanggap iyong regalo mo.

SEC. ANDANAR: Oo naman, sure na iyon.

USEC. IGNACIO: Bagama’t patuloy pa rin po ang pagharap natin sa krisis na dulot ng COVID-19, tuloy lang po ang ating pagtutulungan at pagmamahal sa kapuwa dahil iyan naman po ang tunay na diwa ng Pasko. Mula po sa Presidential Communications Operations Office, ako po si Usec. Rocky Ignacio.

SEC. ANDANAR: Ako po naman si Secretary Martin Andanar. Magkita-kita po tayo bukas dito lang sa Public Briefing #LagingHandaPH.

 

###

 

SOURCE: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)