Press Briefing

Public Briefing #LagingHandaPH hosted by Presidential Communications Operations Office Undersecretary Rocky Ignacio


Event Public Briefing #LagingHandaPH
Location PTV

USEC. IGNACIO: Magandang umaga sa ating mga kababayan sa loob at labas ng bansa. Ngayon po ay December 2, 2020, araw ng Miyerkules. Ako po ang inyong lingkod, Usec. Rocky Ignacio. Basta’t sama-sama at laging handa, kaya natin ito. Ito po ang Public Briefing #LagingHandaPH.

Samantala, umabot naman sa 92.1% o katumbas nang 398,782 ang kabuuang bilang ng mga gumaling sa bansa matapos pong madagdagan nang 135 kahapon. Dalawampu’t pito naman ang naitalang nasawi kahapon na umabot na sa bilang na 8,418 total deaths habang 1,298 ang nadagdag sa bilang ng mga bagong nahawahan ng sakit na sa kabuuan ay nasa 432,925. Samantalang 25,725 naman po ang nananatiling active cases.

Malaki ang ibinaba sa reported cases kahapon na umabot sa 475 cases. Ito ang pangalawa sa pinakamababa sa nakalipas na isang linggo.

Ilocos Norte ang pinagmulan nang pinakamataas na kaso kahapon na nakapagtala nang 84 cases. Sumunod naman dito ang Lungsod ng Maynila na may 61 new cases; ang Quezon City ay nakapagtala nang 55 cases; ang Laguna ay may 50 na bagong kaso; at hindi naman nalalayo dito ang Negros Occidental na may 47 new cases.

25,725 na kaso pa ang hindi gumagaling o ito po iyong tinatawag natin na active cases. Katumbas ito nang 5.9% ng total cases; 84% sa mga aktibong kaso ay mild cases lamang; 7.4% ang walang sintomas; 5.4% ang nasa kritikal na kundisyon; 2.9% ang severe at .30% ang nasa moderate status.

Nais naming muling ipaalala ang seven commandments sa pampublikong transportasyon:

  • Una, huwag pong kakalimutang magsuot ng face mask at face shield;
  • Bawal ang pagsasalita, pakikipag-usap o pagsagot ng telepono;
  • Ipagpaliban din po muna ang pagkain;
  • Kinakailangan din na may sapat na ventilation;
  • Kailangan may frequent disinfection;
  • Bawal magsakay ng symptomatic passenger;
  • At panghuli, kinakailangan sumunod sa appropriate physical distancing.

Sa pamamagitan ng mga simpleng hakbang na ito ay malaki ang ating maitutulong para tuluyan nang mawakasan ang COVID-19.

Para po sa inyong mga katanungan at concerns tungkol sa COVID-19, maaari ninyo pong i-dial ang (02)894-COVID o kaya ay (02) 894-26843. Para naman sa mga PLDT, Smart, Sun at TNT subscribers, i-dial po ang 1555. Patuloy rin kayong makibalita sa mga pinagkakatiwalaang sources ng impormasyon tungkol sa COVID-19, maaari ninyong bisitahin ang covid19.gov.ph.

Samantala, National COVID-19 Vaccine Roadmap dapat nang maipatupad nang naaayon sa batas at sa paraang accessible sa ating mga kababayan ayon kay Senate Committee Chair on Health Senator Bong Go. Narito ang detalye:

[VTR]

Kahapon ay nagsagawa ng inspection ang Commission on Higher Education kasama ang National Task Force Against COVID-19 sa isang paaralan sa Valenzuela City, senyales na pinag-aaralan na ang pagbabalik ng face-to-face classes sa bansa. Ang detalye sa report na ito:

[NEWS CLIP]

Samantala, limandaang indibidwal na nasunugan sa Barangay Sauyo sa Quezon City hinatiran po ng tulong ng pamahalaan. Fire Protection Modernization Bill, muling isinusulong na maipasa sa Senado. Narito ang ulat:

[NEWS CLIP]

USEC. IGNACIO: Samantala, makakausap naman po natin si Assistant Secretary Alberto Suansing, ang Road Section Consultant ng DOTr, tungkol pa rin sa pagpapatupad ng RFID at iba pang mga balita sa ating mga kalsada. Good morning po, ASec. Suansing.

ASEC. SUANSING: Magandang umaga rin po, Usec at magandang umaga sa mga sumusubaybay sa inyong programa.

USEC. IGNACIO: Opo. ASec., humihingi po ng extension ang SMC Tollways sa pagpapatupad ng one hundred percent cashless transaction sa mga expressways na una na pong ina-announce na hanggang January 11, 2021. Kung puwede daw po na mai-move ang deadline nito to February dahil sa dami pa ng mga motorista na hindi pa raw po nadidikitan ng RFID sticker. Ano po ang reaksiyon ng DOTr dito?

ASEC. SUANSING: Teka, I think ang sinasabing iyong January 2021 is iyong tungkol doon sa One RFID, One Wallet. Sa ngayon kasi, ang ini-implement natin is iyong One RFID, Two wallet system, iyan iyong Phase 1 ng programa. Meaning, kung ikaw ay mayroong naka-install na RFID ng San Miguel, hindi mo na kinakailangang kumuha ng RFID ng Metro Pacific, kung hindi ang gagawin lamang is pumunta iyong may-ari ng sasakyan sa opisina ng Metro Pacific para mairehistro iyong RFID na iyan. So bibigyan siya uli ng isa pang card o smart card or another account. So iyon iyong tinatawag nating One RFID, Two Accounts System.

Sa ngayon, ang ating tinatrabaho is iyong Phase 1B naman ng programa. Iyon iyong kung mayroon kang RFID ng Metro Pacific, hindi mo na kinakailangang kumuha ng RFID ng San Miguel, kung hindi dadalhin mo iyong sasakyan sa opisina ng San Miguel para ma-recognize iyong RFID ng Metro Pacific.

USEC. IGNACIO: Opo. ASec., kapansin-pansin daw po ang mabigat na daloy ng trapiko kahapon dahil nga daw po dito sa RFID installation. Mayroon po bang solusyon na naiisip o pag-uusapan ang DOTr para daw po ma-address itong naging problema ng mga motorista?

ASEC. SUANSING: Ganito po iyan ano, mayroon pa rin pong cash lane na tinatawag doon sa ating mga toll plazas para doon pupunta iyong mga sasakyan na walang RFID na puwede silang makapasok sa tollways, and at the same time, doon din sila kakabitan ng RFID sticker.

USEC. IGNACIO: Opo. ASec., may tanong po iyong ibang kasama natin sa media. May tanong po si Sam Medenilla ng Business Mirror para sa inyo: May plano po kaya ang DOTr to limit public transportation this month to contain the expected post-holiday surge in COVID-19 cases? If not, may new protocols po kaya na mai-implement ang DOTr during the Christmas holiday para daw po ma-limit iyong spread ng infection?

ASEC. SUANSING: Wala tayong binabalak, wala ang DOTr na binabalak na limitahan iyong public transport system natin sa kasalukuyan. Kung ano iyong mayroon tayo ngayon, iyan ang mag-i-exist, unless mayroong panibagong panuntunan ang IATF.

Ngayon, as far as the health protocols are concerned, nandoon pa rin po ‘no: Kung kayo ay sasakay sa isang pampublikong sasakyan, dapat naka-face mask at naka-face shield, tapos bawal po iyong nag-uusap o bawal iyong gumamit ng telepono o bawal iyong kumain habang nasa loob ng pampublikong sasakyan.

USEC. IGNACIO: Opo. Tanong naman mula kay Jam Punzalan ng ABS-CBN: How many more jeepneys daw po ang ia-allow to ply roads before year end? Marami raw po kasi ang sa kanila iyong mga nakagarahe.

ASEC. SUANSING: As far as that is concerned iyong biyahe ng mga jeepneys, kasalukuyang sinusuri ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board kung ilan pa iyong puwedeng palabasin na mga jeepneys lalung-lalo na sa Metro Manila dahil ang tinitingnan din natin diyan is iyong traffic situation.

USEC. IGNACIO: Opo. Tanong naman ni Karen Villanda ng PTV: Magkakaroon daw po ba ng adjustments sa implementation ng RFID, given the traffic yesterday and today po?

ASEC. SUANSING: Iyon nga po, ang ginawa nating emergency measure is that mayroong mga cash lane doon sa ating toll plaza na kung saan puwedeng dumaan iyong mga sasakyan ng walang RFID.

USEC. IGNACIO: Opo. From Joseph Morong ng GMA News: Mag-i-increase po ba or magbabalik-biyahe daw po ba ang mga bus sa ibang probinsiya tulad ng halimbawa ng papuntang La Union and other provinces?

ASEC. SUANSING: Depende po iyan sa IATF at iyong existing na rules o protocols sa mga dadaanang bayan-bayan o siyudad papunta ng La Union galing Maynila.

USEC. IGNACIO: ASec., may ilang motorcycle taxi groups po ang nagrireklamo kung bakit ang Angkas at JoyRide lamang daw po iyong nakasali sa pagpapatuloy ng pilot study ng serbisyong ito? Ano na po ang estado ng ibang grupo kung bakit hindi po sila pinapayagan muli, ASec?

ASEC. SUANSING: Ang maimumungkahi po natin is hintayin iyong ibang motorcycle taxi group na nagnanais na magliligal nang kanilang operation is hintayin po natin iyong pagsasabatas nang nasabing panukala, na ia-allow iyong motorcycle taxi. Kaya iyang Angkas lang, Move It at JoyRide ang kasalukuyang pinayagan dahil iyan din po ang ginamit natin noong nakaraang, tawag dito, noong nagkaroon ng study group tungkol sa operation ng motorcycle taxi.

USEC. IGNACIO: Pero, ASec., kailan po balak matapos ang pilot study na ito sa mga motorcycle taxis upang sa ganoon po ay mapagdesisyunan na kung kailangan ba silang bigyan ng prangkisa?

ASEC. SUANSING: Ang tinatrabaho po ng ating technical working group on the side of LTO, LTFRB and DOTr is mga tatlong buwan lang dapat iyan dahil pupunan lang natin iyong kakulangang study na ginawa nang naunang study group.

USEC. IGNACIO: Okay. Maraming salamat po sa inyong panahon, Assistant Secretary Alberto Suansing ng DOTr. Stay safe po, Asec.

ASEC. SUANSING: Maraming salamat din po. Magandang umaga sa lahat.

USEC. IGNACIO: Samantala, kumustahin natin ang latest effort sa ating pamahalaan sa pag-procure po ng bakuna at iba pang hakbang para labanan ang COVID-19, makakausap po natin ang Chief Implementer ng National Task Force Against COVID-19, ang Vaccine Czar, Secretary Carlito Galvez Jr. Welcome back po sa public briefing. Secretary, good morning po.

SEC. GALVEZ: Yes, ma’am.

USEC. IGNACIO: Good morning po. Secretary Galvez, unahin na po natin, Secretary, iyong pagbisita ninyo kahapon sa isang university po sa Valenzuela City with CHEd Chairperson Prospero De Vera. Although we know na po na mainly for medical schools pa lang, pero possible na rin po bang nalalapit na iyong sinasabi nating pagbabalik ng face to face classes para po sa tertiary level o iyong mga college students?

SEC. GALVEZ: Opo at maganda po iyong naging pagbisita po natin doon. Kasi po Fatima University ay talaga pong nag-prepare at nag-reconfigure ng kanilang mga schools. So, tinitingnan po namin na talagang kung makikita natin na talagang kailangang-kailangan po natin ng health workers. Kaya ito po, iyong face to face maganda po na maibalik po iyon lalo na sa mga tinatawag na medical schools at saka iyong mga medical courses para magkaroon tayo ng tinatawag na relief para sa ating mga health workers.

At iyong ibang mga ibang courses na nakikita natin lalo na iyong mga essential services ay puwede na rin po. Nakikita po namin, katulad po ng ginawa po natin sa UP-PGH na inaprubahan po natin, dahil kasi kailangang-kailangan po natin talaga ang mga relyebo sa health workers.

USEC. IGNACIO: Ito po ba ay aasahan na daw po ba natin as early as January next year or will it be too early kung isang buwan lang ang ibibigay natin sa mga university para po maghanda for the resumption nitong face to face classes?

SEC. GALVEZ: Ito po, ma’am, iyong tinatawag nating face to face classes is tinatawag nating case to case basis; hindi pupuwede sila po na mag-open hanggang hindi po natin na-inspect.

Actually, po iyong Holy Angel University at saka ito pong Fatima University ay matagal na po itong nag-prepare. At ang alam po namin, si Secretary Popoy De Vera ay nagbigay na po ng guidelines noon pang mga nagdaang buwan at ang preparation po na ginagawa po ng ating mga schools, especially iyong mga tinatawag nating nasa graduating classes, ay matagal na po nilang nai-prepare. Ang gagawin lang po namin ay we will inspect iyong facility so that there is a third party that will really validate if they follow the minimum health standard at saka iyong reengineering at reconfiguration ay nagawa ayon sa sinasaad ng ating DOH sa minimum health standard protocols.

USEC. IGNACIO: Pero, Secretary, paano naman daw po iyong basic education? Dito po ay marami iyong mga iba’t ibang opinion kung saan may nagsasabi, dapat na daw pong ibalik, dahil nagsa-suffer daw po iyong mga batang mag-aaral; habang may nagsasabi na mas okay pa rin itong modular at online classes. Ano po ang masasabi ninyo dito, Secretary?

SEC. GALVEZ: Nakita po natin talaga ang edukasyon po ay napakaimportante po talaga sa ating mga mamamayan lalung-lalo na doon sa mga grade schools at saka sa mga higher education. At nakita po natin din talaga na talagang mayroon pong mga kurso at saka mayroon tayong mga tinatawag na mga courses na dapat talaga mayroon talagang tinatawag na experiential learning or tinatawag nating face to face.

So gagawa po tayo ng paraan, titingnan po namin, makikipag-coordinate po kami kay Secretary Briones on how we could really expedite and look at the possibility na magkaroon po ng tinatawag reconfiguration ang different schools so that we can really follow and obey iyong minimum health standard. Nakita po namin dati kasi na talagang based doon sa mga studies ay talagang nagiging super spreaders ang mga bata at nakita po natin dito sa ngayon na hindi pa po tayo puwedeng magkumpiyansa, kasi iyong ating mga figures hindi pa po irreversible.

USEC. IGNACIO: Opo. Dati ng sinabi ni Pangulong Duterte na hindi po niya papayagan iyong pagbabalik ng face to face classes hangga’t hindi pa dumarating iyong bakuna para sa COVID-19. Sa palagay po ba ninyo kailangan pa rin maging factor iyong availability ng vaccine sa urgency ng pagbabalik ng face to face classes? Kasi, Secretary, parang pag-aaralan din po ba ng IATF kung ilang edad iyong maaari na ring pumunta na bata sa mga malls kung papayagan po?

SEC. GALVEZ: Iyon po, titingnan po ng IATF po lahat iyan at talagang masusi po naming talagang tinitingnan iyong sa education kung talagang papayagan na. Ang ano lang talaga natin, ang laki ng population kasi ng K to 12, more or less 16 million and above. Talagang nakita natin, kapag once na nagkaroon talaga tayo ng tinatawag na pagiging super spreader ay talagang medyo mahihirapan po tayo. Sa ngayon po ang inaano muna namin muna sa IATF ay tinatapos lang po muna natin itong holiday season at we will evaluate po iyong mga figures. Sana po nakita naman po natin na sa ating policy na kapag MGCQ ay very lenient naman po tayo at titingnan po natin baka magkaroon po tayo ng mga simulations this coming January.

USEC. IGNACIO: Secretary, bigyang-daan natin iyong tanong ng ating mga kasama sa media if I may. Mula po kay Joseph Morong ng GMA News, ang tanong po niya: What are the guidelines po on testing for those travelling to the provinces?

SEC. GALVEZ: Sa ngayon po, mayroon pong mga recommendations na magkaroon ng tinatawag na automatic RT-PCR test. But nakikita po natin kasi iyong possible implications nito in terms of iyong mga funding, pero pinag-aaralan po ngayon. Nakipag-ugnayan po ako kay Usec. Ochie Tuazon ng DOTr, at pag-aaralan po namin talaga kung ano po ang magiging maganda na tinatawag nating uniformed directive and protocol on traveling and also in the use of transportation natin both sa air at saka land transportation.

USEC. IGNACIO: Tanong pa rin po mula kay Joseph Morong: Ano pa po ang mga bakuna ang ni-negotiate natin at mukhang maganda po ba ang progress?

SEC. GALVEZ: May mga bakuna pa po tayo na ini-negotiate from China. Dalawa po iyong bakuna na tinitingnan po natin diyan – Sinovac at Sinopharm. Ang maganda po dito is puwede po itong maging available this coming first quarter. Ang pagkakasabi po nila na sa aming negotiation initially is that kapag once na ano namin ang negotiation these coming weeks ay their vaccine will be available 60 to 90 days.

And then maganda rin po ang ating negotiations sa mga US companies. We are negotiating right now to four companies in the US lalung-lalo po iyong mga nakita natin na maganda ang efficacy – iyong Pfizer, Moderna, Johnson and Johnsons and also we are negotiating also with Novavax. We are also negotiating sa Serum Institute and also we will continue our negotiation to AstraZeneca, dahil kasi ang napirmahan po natin last week is only the tripartite agreement and we are looking forward na magkaroon pa tayo ng tinatawag na at least 10 to 15 or even 20 million vaccine for each of these vaccine makers.

Pero ang inaano po natin, kagaya po ng sinasabi ng ating mahal na Pangulo at ni Senator Bong Go ay kailangan po ang ating intindihin iyong safe, effective at saka iyong tinatawag na affordable para po tayo magkaroon ng tinatawag na equitable access para po sa mga mahihirap at mga vulnerable na mga sectors po.

USEC. IGNACIO: Tanong pa rin ni Joseph: Would the NTF or IATF issue guidelines para naman po sa holiday travel?

SEC. GALVEZ: Opo. We will tackle this this coming Thursday.

USEC. IGNACIO: Tanong pa rin ni Joseph Morong ng GMA News: Are we talking to Pfizer and Moderna? At what stage are we in? And if they gave emergency use authorization, what’s the implication for the Philippines?

SEC. GALVEZ: Nakita po natin ngayon na parang ang Moderna at saka Pfizer, they will have an advance clearance through the US FDA for emergency use authorization. And also, we have heard from the news that UK will also be rolling out with Pfizer and AstraZeneca. Ito may mga effect ito, kapag once na iyong dalawang country na very stringent ang kanilang health regulatory at saka regulations for the food and the drugs ay malaki po ang magiging effect po niyan, kasi mapapadali po ang ating regulatory requirements considering that two stringent countries have already approved itong mga product.

Sa Pfizer, ongoing ang aming negotiation. Nakapirma na po ako ng CDA; at doon po sa Moderna, we will be exploring our engagement; and J&J, nakadalawang presentations na po sa amin ang Johnson & Johnson. Nakita natin na may mga possibility na magkakaroon sila ng one dose; and also, we are exploring iyong Novavax through the Indian Serum Institute kasi po iyong Serum Institute is the producer of Novavax and AstraZeneca. So, iyon po ang tinitingnan po natin na we are also exploring iyong Sinovac na maganda po ang magiging after-sales sa services niya dahil kasi ang mangyayari po iyong kumpanya po nila ang magdi-deliver at the same time mag-ii-store at magdi-distribute sa mga vaccine centers.

So, iyon po ang ginagawa po natin sa negotiation. We will have a portfolio para at least, kasi iyong iba pong mga vaccine, iba-iba po ang timeline nila, iba-iba ang volumes at puwede po silang dumating first quarter, second quarter, third quarter, fourth quarter. So, ganoon ang ginagawa po natin, ina-align po natin kung saan po at sini-synchronize natin kung kailan po sila darating.

USEC. IGNACIO: Secretary naman po mula kay Sofia Tomacruz ng Rappler: Has the Philippine Government already given Pfizer a prepayment for its COVID-19 vaccine? If not yet, when will we pay this? Can you disclose? Also, how much we will pay?

SEC. GALVEZ: Sorry po, I already signed the confidential data agreement, I cannot talk more on the details but ang ano po natin is ongoing po ang ano natin sa Pfizer and we are still negotiating on the volume and the price.

USEC. IGNACIO: Tanong naman mula kay Sam Medenilla po ng Business Mirror: Aside daw po sa tripartite agreement signed last week, may new agreements po kaya na na-sign ang government to secure COVID-19 vaccine? If yes, ilan na po kaya ang expected total number of doses of vaccines ang mabibili ng government by next year at from what companies or government ito manggagaling?

SEC. GALVEZ: Ang ini-expect po natin na we are working for 50 million to 60 million doses next year and we are working to the different countries like China and also Australia and also India. And then, we will explore also directly to different vaccine companies at nakikita po natin mayroon tayong lima o anim na portfolio na different companies from US, China, UK; and also we are exploring also with Russia – with Sputnik or Gamaleya.

USEC. IGNACIO: Tanong pa rin ni Sam Medenilla ng Business Mirror: Is the government still on track in the implementation of its roadmap for COVID vaccination?

SEC. GALVEZ: We are still on track considering that there is a possibility that our best-case scenario will be shifted to the first quarter. Our best-case scenario that we have presented is more or less May but for now, if we will succeed in negotiating with two to three vaccine from different countries, we might be able to get it during the first quarter.

USEC. IGNACIO: May pahabol na tanong po si Joseph Morong ng GMA 7: What is the IATF- NTF doing with provinces with increasing cases? Bakit po kaya may increase in cases sa mga probinsiya?

SEC. GALVEZ: Ang nakikita po natin talaga kapag once na nagkaroon ng tinatawag nating MGCQ ang isang siyudad there is tendency talaga nagkakaroon ng talagang relaxation even iyong observance ng public health protocols.

So, what we are doing right now is we send CODE Teams. I believe right now sa Laoag we will send another CODE Team and then also sa Davao we send CODE Teams and also in Bukidnon and also in the areas of Region IX and also in Region X.

So, ang nakita natin talaga is because the virus is very unpredictable, nakikita natin na talagang nag-i-increase o nags-i-spike doon sa mga other areas. But I believed we were able to control it like what we did. Iyon ang ginagawa ni General Magalong sa Baguio City, nakita natin tumaas pero ngayon bumababa na po.

Ganoon din po ang Davao ngayon, with the leadership of our Mayor Sara Duterte, nagiging maganda na po ang sitwasyon po sa Davao, nako-control na po ang kaso at sa ibang mga lugar lalo na po dito sa NCR, the cases are continuously going down.

USEC. IGNACIO: Tanong naman mula kay Reymund Tinaza ng Bombo Radyo: Mga kailan po kaya makakabalik biyahe ang mga provincial buses kagaya ng papunta sa Ilocos kasi parang unfair daw po kasi sa mga may sariling sasakyan. Ang mga mayayaman nakakapunta daw po sa mga lalawigan habang ang mga walang sariling sasakyan ay hindi pa.

SEC. GALVEZ: We will discuss this concern with the IATF, with the DOTr. Kakausapin po namin ang ating Secretary Tugade.

USEC. IGNACIO: Secretary, malaking bahagi daw po ng plano natin for vaccine distribution iyong gagamitan daw po ng military strategy. How exactly does the military strategy work at sa tingin ninyo ba ito po ba iyong best strategy para sa vaccine distribution?

SEC. GALVEZ: Ang ginamit natin sa strategy iyong whole-of-nation approach and I believe the whole-of-nation approach is very effective specially that we will be having an unprecedented nationwide vaccination. Ito po unprecedented, na talagang gagawin po natin ito in large scale, so talagang kailangan po talaga dito whole-of-nation at whole-of-government approach.

I believe nakita rin natin ang Canada, they also used the military veteran who will lead the vaccination in Canada. And also in the British Government, I have heard that they will use the full force of military in order to utilize their resources, their capabilities and their fresh legs in order to deliver and transport iyong mga vaccine in a quick time and to cover more or less 30 – 50 million people.

So, iyon ang nakikita natin na the resources of the military can be utilized but it doesn’t mean na ano—ang nakikita natin, the strategy that we are having now is whole-of-nation approach. Kasi nakita natin iyong private sector they huge resources also, they have private hospitals that can be utilized as vaccine centers and also the academes, those universities with medical courses they can be used as a vaccination center. Nandoon po ako sa Our Lady of Fatima University at nakita namin na malaki ang possibility na puwedeng gamitin ng Valenzuela ang Fatima University as one of the vaccination centers.

Iyon ang gagawin po natin and we will mobilize po the public and private sector na utilities so that we can have iyong tinatawag na maximized vaccination of all our people in a quick time frame that we have.

USEC. IGNACIO: Secretary, may ilang tanong pa rin po kayo. May follow-up po si Cedric Castillo ng GMA: Fifteen provinces have more than 100% increase in COVID-19 cases for the month of November base po iyan sa DOH data draft as of November 30; Eighty-one provinces in the country are still reporting new COVID-19 cases. Ang tanong po niya: Ano po ang paliwanag dito, dahil po kaya sa pinaluwag na community quarantine? At paano ito ia-address ng pamahalaan?

SEC. GALVEZ: Iyon po, talagang when we lifted the restrictions talagang iyong movement po ng tao at saka nakita natin we have to revisit iyong kanilang tinatawag na prevention strategy, wherein the minimum health standards should be immediately enforced at kailangang i-observe.

So, nakikita po natin talaga na iyong mga areas na talagang tumataas, we have seen that nagkaroon po ng tinatawag na relaxed sa kanilang mga protocols and with that, we are calling also the attention of the PNP and also the Armed Forces of the Philippines through the SND and the SILG, so that we can enforce iyong minimum health standards particularly today that we are now on the midst of celebration with the holiday season.

USEC. IGNACIO: Secretary, tanong naman po ni Jo Montemayor ng Malaya: Ano po ang rason na classified as areas requiring special attention ang more or less 30 cities, provinces na under MGCQ tulad ng Baguio, Bacolod, Cebu at Mandaue? Ibig bang sabihin nito ay baka mailagay pa ito sa GCQ?

SEC. GALVEZ: Iyong mga nakita po natin iyong tumataas po iyong active cases, iyon ang tinitingnan po natin. Iyong mga areas na nalagay po sa GCQ ay talagang binabantayan po natin dahil kasi iyong mga nagdaang araw talagang tumaas po ang kanilang mga cases.

At ang napapansin po namin noong umiikut-ikot po kami, very vulnerable po iyong mga urban centers considering that doon po ang nagkakaroon ng congregation ng mga crowd at saka gatherings at saka iyon pong tinatawag nating iba’t-ibang converging areas na tinatawag na economic activity. So, ang ano po natin talaga, we would like to encourage the public to be extra careful and observe the minimum health standard.

USEC. IGNACIO: Opo. Secretary, kung hindi daw po magiging available ang COVID-19 vaccine sa first quarter ng taon, ano po ang magiging epekto nito sa mga inihanda nating plano?

SEC. GALVEZ: Nakikita po natin talaga sa katotohanan po, sa ating limitasyon sa ating world global supply and demand ng vaccine. Kung makikita po natin sa report na talagang iyong more than 80% has been procured already by the rich countries and the WHO and COVAX facility also procured another 2%. So ang naiwan na lang po talaga sa atin is 18% and there is really an acute sources or supply of vaccine. With that nakikita natin na realistic scenario ay talagang makapag-roll out tayo ng ating vaccine is during the middle of the second quarter but we are trying hard na makakuha po tayo ng mga vaccine lalo na sa diplomatic friends natin katulad ng China, Australia and other countries like US na makakuha po tayo ng vaccine during the first quarter.

Kasi ang epekto po nito talagang pagka na-delay po tayo ng roll out, magkakaroon po tayo ng tinatawag na effect in terms of iyong tinatawag nating emotional fatigue dito sa ating pandemic at the same time iyong ating economy ay hindi makaka-recover kaagad. Kaya po ang inaano po namin, hinahabol po namin talaga na magkaroon tayo ng available vaccine during the first quarter so that it can immediately impact on the livelihood of our people and also the social well-being of our people na makabalik na sila sa normal life at the same time maka-full recovery ang ating economy.

USEC. IGNACIO: Opo. Secretary, may pahabol na tanong si Cedric Castillo ng GMA-7: Ano daw po ang posibilidad na magkaroon nang paghihigpit o raising ng community quarantine sa ilang piling probinsiya?

SEC. GALVEZ: Nakita natin may possibility po. Ngayon lang po tumawag po ang ating—nag-text po sa atin ang ating Governor ng Ilocos Norte, at nilagay niya sa MCQ ang Laoag. So may mga possibility po na magkakaroon po tayo ng spike particularly ngayon na nagpi-prepare tayo sa holiday, sa Pasko at saka sa Bagong Taon. Kaya po ang inaano po namin ay talagang mag-ingat lalo na ngayong holiday season na be careful at talaga pong i-minimize po natin ang mga ceremonies at saka mga occasion ngayong Pasko.

USEC. IGNACIO: Opo. Secretary, may pahabol din si Reymund Tinaza ng Bombo Radyo: Wala po bang sanction ang IATF sa mga government officials na nagpupunta sa mga lalawigan kung saan hindi daw po nasusunod ang mga minimum health standards gaya ng social distancing at pagsusuot nga face mask? Puwede bang palusot ng mga opisyal ng gobyerno na wala siyang control sa crowd? Wala ba tayong policy dito, Secretary? From Bombo Radyo, Reymund Tinaza.

SEC. GALVEZ: We will discuss it to the IATF. And then also we have some sort of gentleman’s agreement between our members, and also we encourage the public officials to be the example of observing the minimum health standards.

So iyon po ang inano po namin, we have to respect na talagang minsan hindi po natin maano po iyong tinatawag natin na… iyong social distancing but ang inaano po natin, at least ang ano po natin ay talagang mag-wear tayo ng mask at as much as possible talagang we have to be self-aware sa mga katabi po natin. So iyon po ang isasama po namin sa IATF, that we encourage all public officials to be the example of observing the minimum health standard.

USEC. IGNACIO: Okay. Secretary, kunin ko na lamang po ang mensahe ninyo sa publiko.

SEC. GALVEZ: Iyon po, ang ating mahal na Pangulo ay talagang pong puspusan ang ginagawa po sa pag-prepare na magkaroon po tayo ng vaccine kasi naniniwala po tayo na hindi po tayo makapagnu-normalize ng ating buhay at hindi tayo makaka-recover sa ating bansa, sa ating ekonomiya kung wala po ang vaccine.

Pero hanggang wala pa po ang vaccine ay we are recommending our people to be extra careful and vigilant. Ano pa rin po, ang sinasabi nga po ni Secretary Roque wear our mask, wash our hands at saka observe po natin ang social distancing. So iyon lang po at ang ating gobyerno ay talaga puspusan po nang nagpi-prepare as soon as possible na makakuha po tayo ng vaccine and we are still negotiating with the different portfolio of vaccine and hopefully we will be successful with the help of the international community.

USEC. IGNACIO: Okay. Maraming salamat po ulit sa inyong panahon, Secretary Carlito Galvez, Jr. Stay safe po, Secretary.

SEC. GALVEZ: Maraming salamat po at mabuhay po tayong lahat.

USEC. IGNACIO: Than you po. Samantala, dumako naman tayo sa mga balitang nakalap sa iba pang lalawigan sa bansa. Kasama nating magbabalita si John Mogol ng PBS-Radyo Pilipinas. Go ahead, John.

[NEWS REPORTING BY JOHM MOGOL]

USEC. IGNACIO: Maraming salamat, John Mogol ng PBS-Radyo Pilipinas. Bibigyan tayo ng update sa pinakahuling kaganapan sa Cordillera Region kasama si Alah Sungduan. Alah, magandang tanghali sa’yo.

[NEWS REPORTING BY ALAH SUNGDUAN]

USEC. IGNACIO: Maraming salamat, Alah Sungduan ng PTV Cordillera. Samantala, punta naman tayo sa Region XI, mag-uulat si Regina Lanuza ng PTV Davao. Regine?

[NEWS REPORTING BY REGINE LANUZA]

USEC. IGNACIO: Daghang salamat, Regine Lanuza ng PTV Davao.

Magbabalita naman mula sa Cebu si John Aroa. Maayong udto, John.

[NEWS REPORTING BY JOHN AROA]

USEC. IGNACIO: Daghang salamat, John Aroa ng PTV Cebu.

Maraming salamat po sa ating mga partner agency para sa kanilang suporta sa ating programa at maging ang Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas. Salamat din po sa Filipino Sign Language Access Team for COVID-19. Mabuhay po kayo!

At diyan po nagtatapos ang ating programa sa araw na ito. Ako po ang inyong lingkod, Usec. Rocky Ignacio. Twenty-three days na lamang po at Pasko na! Hanggang bukas pong muli dito sa Public Briefing #LagingHandaPH.

##

Source: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)