Interview

Cabinet Report sa Teleradyo – The New Normal hosted by Presidential Communications Operations Office Secretary Martin Andanar


SEC. ANDANAR: Gusto nating malaman, dalawang bagay: Una, puwede ka bang umuwi sa inyo, may flight o barko ba; at pangalawa, gaano naman ka-safe ang mga sasakyang ito kontra COVID?

Kaya ngayong gabi makakapanayam natin ang mga kinatawan ng airline at shipping line upang masagot natin ang mga katanungang ito. Pero bago tayo magsimula, balikan muna natin ang holiday season last year at alamin: Ilan nga bang Pilipino ang mga nagsiuwian at tingnan din ang mga latest sa pahayag tungkol sa pagbiyahe ngayong Kapaskuhan.

Ito po si Communications Secretary Martin Andanar, welcome to the Cabinet Report. [VTR]

***

SEC. ANDANAR: Welcome back to the Cabinet Report.

Bisita po natin ngayon ang mga kinatawan ng ating mga airlines, aalamin natin mula sa kanila kung ano ang availability ng mga flight ngayong holiday season.

AIR ASIA CEO RICKY ISLA: Thank you, Sec. Martin. First of all tama tayo ‘no, ang ating foot traffic or ang passengers traffic po natin ay upward trend. Why? Because we know that for all airline industries, ang December po ay talagang pinaka-peak season hanggang sa January first two weeks, tuluy-tuloy po iyan and we are very prepared. As a matter of fact to give you an example ‘no, from December 1 to 15, mayroon po tayong Manila-Cebu-Manila – that is one flight per day. But starting December 16 up to January 8, ang Manila-Cebu-Manila po natin ay magiging three flights per day na. So you can see the improvement ‘no.

Why Cebu? Because Cebu really is the highest traffic as far as passengers and air travel is concerned. But there will be also more other domestic destinations katulad po ng ating Manila-Tacloban-Manila, 5 weekly, December 1 to 15 magiging twice daily from December 16 to 8 which is the same as Manila-Cagayan de Oro-Manila at ito ang pinakamaganda sa lahat because I note that the Department of Tourism now is booting Boracay ‘no, Caticlan as early as October 1 at nakita po natin ang pagsisikap ng Department of Tourism at nakikita na po natin ang positive results po sa tourism. That’s why from a daily flight this December 1 to 15, tatapatan po niya ang Cebu numbers of flights – magiging 21 flights po or 3 flights per day din ang ating Manila-Caticlan-Manila.

So again, these are very good signs of air travel recovery. I think it’s also being experienced by our friendly competitors. We’re all in this together but tingnan din po natin, alalayan din po natin iyong ibang mga domestic destinations ‘no because we still have to get word from the local government units. Sumusunod lang po kami sa mga guidelines ng local government units katulad po ng Zamboanga, General Santos, Kalibo ‘no at ganoon din po ang Puerto Princesa, Iloilo at Davao. Mayroon po silang mga guidelines ‘no kung ilang flights lang po ang puwede naming… I would say idagdag doon sa aming existing flights. And hopefully as early as possible so that we can also prepare early our aircrafts na sabihan din po kami ng mga LGUs as soon as possible.

So in short, Secretary Martin, maraming salamat at pumi-pickup na po ang air travel natin.

CEBU PACIFIC AIR SPOKESPERSON MICHELLE ROSE LIM: Thank you. Thank you for this opportunity first of all. At regarding naman sa ating mga route, so at the moment we are actually already flying to a total of 28 domestic destinations mainly from our Manila and Cebu hubs. So kasama dito siyempre ang ating key cities sa Visayas at sa Mindanao; so Davao, Bacolod, Iloilo, Dipolog, General Santos, ‘ayun and a lot more. So 28 iyong total natin for domestic while for international destinations naman natin, we have 7 and may isa kaming idadagdag by the second half of December which is Taipei, Taiwan.

So itong lahat ng destinations natin right now, varying iyong local government requirements ‘no. So it really depend on the LGU kung ano iyong hihingin nila sa pasahero para makapasok at makalapag nga sila doon sa destination.

So may iba ang hinahanap ay travel authority kasama na ang ibang mga online registrations, medical certificates while there are also some that require negative test results prior to entry into the destination.

So bilang paiba-iba itong mga requirements natin, we know also na for passengers medyo stressful ‘no na paiba-iba nga, where do we check, how do we verify and all that.

That’s why we made sure na mayroon kaming one-stop shop na website that we regularly update talaga for the convenience of our passengers. So it’s actually available online and if you can see it, if you can check it makikita ninyo doon per line item ‘no, per destination naka-specify if APOR, if LSI kayo, uuwi kayo sa certain destination na ‘to, ito iyong specific set of requirements na kakailanganin ninyo.

Basta it’s travel-with-peace-of-mind na website, it features our current network which we update twice daily actually, so domestic and international destinations natin iyong kasama doon and of course our contactless flight guidelines, travel document requirements as I mentioned earlier for all the destinations we currently fly to and flexible booking options as well for our passengers as well as testing options and a few other frequently asked questions.

So talagang naisip namin, kami as passengers, what would we need to know ‘no. Iyon talaga, iyon talaga iyong objective eh na ‘pag nandito, pagpunta mo dito sa website na ‘to, you will have all the answers as much as possible para at least mas madali for them to really push through or to decide whether itutuloy nga nila ang kanilang biyahe.

PHILIPPINE AIRLINES SPOKESPERSON CIELO VILLALUNA: Actually Secretary Mart, bukas na po ang aming domestic route system at international route system. Nag-anunsiyo po tayo ng mga available flights pero dapat alalahanin ng ating mga mananakay na may mga eligible travellers sa iilang mga lipad, may mga lugar na okay na po ang mga domestic tourists, may mga lugar na para sa mga ika ngang essential travellers.

So thank you for the opportunity ‘no, mayroon na po tayong mga flights ‘no papuntang Laoag mula Maynila, Manila to Legazpi, Puerto Princesa, Naga, Cebu, Bacolod, Iloilo, Dumaguete, Kalibo, Caticlan, Roxas, Tacloban, Butuan, Cotabato, Cagayan de Oro, Dipolog, Davao, GenSan, Ozamis, Pagadian, Zamboanga at Tagbilaran. Mayroon din po tayong iilang flights na mula Clark at mula Davao.

Ngayon uulitin ko po iyong sinabi ko, mayroon lang po tayong tatlong lugar sa aming route system na bukas na for domestic tourist – ito po iyong mga flights papuntang Tagbilaran specifically Panglao Airport at Caticlan. Mayroon po tayong 3 times weekly flights between Manila and Panglao and 5 times weekly flights between Manila and Caticlan. Ito po ay bukas na sa domestic tourism, ibig sabihin for as long as they have the requirements – RT-PCR testing and registration sa local government and all other requirements are adhered to – puwede silang pumasok.

So lahat namang lugar, Sec. Mart, na aking binanggit ang mga puwede lamang pumasok ay mga returning residents, Locally Stranded Individuals at kagaya ng sinabi ko kanina iyong mga on a mission – may business mission, may coverage, may work issue, may family emergency. So ito po’y nakapaloob sa profile na APOR or Approved Persons Outside of Residences. So iyon ang sa ating domestic sector.

Sa international sector naman, we have flights between Manila and Los Angeles, Manila and San Francisco, Manila to New York, Honolulu, Guam, Toronto, Vancouver, London, Sydney, Melbourne, Brisbane, Oakland, Port Moresby, Singapore, KL, Jakarta, Middle East and parts of Japan. So ang kaibahan Secretary Martin ng ating international sector, inanunsiyo ng ating IATF group na puwede na po ang travel for tourism or tinatawag nating non-essential travel.

So ang puwedeng lumabas ng bansa, combination of essential travellers for tourist purposes and of course iyong mga allowed for travel, ito iyong mga essential travellers. When you say essential travellers, they are permanent residents of the country of destination, iyong mga Pilipino na may trabaho, mga OFW sa country of destination and of course iyong mga estudyante na mag-aaral na sa country of destination. So there are differences Secretary Martin between the domestic sector requirements and who are allowed and of course the international sector requirements and who are allowed.

So para malaman po ng ating flying public, ang ating mananakay, bumisita po kayo sa aming website – ito po iyong www.philippineairlines.com.

Simula December 7 maaari na pong bumiyahe papuntang Pilipinas ang ating mga balikbayan dahil sa inanunsiyo ng ating gobyerno, ito po iyong Balikbayan Program. Sinu-sino ang mga balikbayan? Sila po iyong mga former Filipinos, former Filipino citizens na naging naturalized US citizens for example, sila po ay balikbayan. Ang mga kababayan po natin na nagtatrabaho sa abroad nang pangmatagalan – 6 months, 1 year, 2 years na naka-work visa, sila na po ay classified as kababayan. Ang ating mga dual citizens, Filipino citizens, they did not renounced their citizenship but they added to their citizenship, naging US citizen for example, maaari rin silang bumalik.

Ang kagandahan po nitong IATF Resolution # 85, iyong dalawang kategorya ng balikbayan, ito iyong mga Filipino citizens based abroad, and our former Filipino citizens – maaari na po silang lumapag ng Pilipinas na visa-free, Sec. Mart, visa-free.

Ang katanungan, ano ba ang sitwasyon noon before December 7? Maaari po silang bumalik ng Pilipinas pero may ipapakitang visa ‘no. For example, kung former Filipino ka, you’re holding a US passport, you are now a foreign passport holder, kailangan mong kumuha ng Philippine visa mula sa ating konsulada sa abroad – ngayon hindi na po iyan. You just show proof that you were a former Filipino citizen and proof that you are now a naturalized citizen of another country, you will be allowed.

And on top of that, Sec. Mart, iyong mga foreign spouses and children of Filipino nationals will be allowed to enter the country provided kasama nilang umuwi iyong Filipino national. So iyon po ang tinatawag na balikbayan program. So that’s the good news, Sec. Martin, beginning December 7.

Ang ating mga kababayan na galing abroad at lumapag sa Maynila at nagbakasyon ng ilang araw, maaari po silang bumalik sa kani-kanilang mga LGU, ‘ika nga, iyong kanilang mga home provinces. Sa dami po ng requirements ‘no, mapu-prove po nila na sila ay residente ng home province na iyon. Halimbawa, kung ako po ay pupunta ng Bacolod, kung galing akong United States at nagbakasyon sa Pilipinas, I can prove that I am resident of Bacolod by way of, una sa lahat, I have to get muna iyong pre-requisite, simula po tayo sa mga pre-requisite requirements: Kailangan po ng tinatawag na health certificate from the barangay or the LGU I am staying in Manila; number two, kailangan ng travel authority; pangatlo, kailangan ko ng letter of acceptance from the Bacolod LGU.

Dito sa letter of acceptance. Now, paano makukuha itong letter of acceptance? There are so many ways. Maaari po kayong sumulat sa local government ng Bacolod at humingi kayo ng letter of acceptance at nakapaloob doon sa letter that you are a returning resident of Bacolod. So this does not apply only to Bacolod but also to all other LGUs, may prove that you are a resident.

Kagaya ng ating mga OFWs, Sec. Mart, ‘di ba marami pong stranded na bumalik, nagpa-testing, ngayon ay stranded, gustong bumalik sa kanilang mga home provinces; iyong mga endo, end of contract ‘no. So ang tawag po sa kanila ay LSI because stranded po sila sa Manila dahil po sa lockdown, dahil sa intensified quarantine early on during this pandemic, they were unfortunately classified as locally stranded individuals, kasi force majeure. So iyon po, after they took their tests, then they were allowed to go back to their home provinces. There is a way of proving that you are from that province.

Ngayon, kung hindi naman kayo taga-home province na iyon pero gusto mong magbakasyon, so pumili po kayo sa mga LGU na nag-a-allow ng domestic tourism traffic.

SEC. ANDANAR: Kausapin pa rin po natin ang mga kinatawan ng ating mga airlines. Marami po sa ating mga kababayan ay marahil may agam-agam tungkol sa pagbiyahe sa mga enclosed spaces. What safety measures have your airlines put in place to prevent the spread of the coronavirus among passengers?

AIR ASIA CEO ISLA: Secretary Mart, alam mo, as early as before, ang air travel ang pinaka-istrikto po pagdating sa safety protocols. As a matter of fact, sinusundan din namin ang guidelines ng bawat LGU with regard to iyong tinatawag nilang 48 hours IATF na dapat kayo po ay negative results po, ang inyong tinatawag na RT-PCR results, okay, iyong tinatawag nating swab tests. Mayroon tayong isang katulad ng General Santos na maliban sa RT-PCR, approved na po sa kanila iyong tinatawag nating antigen which is also within 48 hours. The difference is that ang antigen ay mas mabilis. You can get an antigen result immediately, mga 30 minutes to one hour. Pero ang atin pong regular RT-PCR, makukuha ninyo po ang results niyan sa loob po ng mga 24 to 48 hours at mas mahal po siya by about 50% or doble po ‘no. If antigen, it is 1,500 to 2,000; ang RT-PCR na full scale ay between 3,500 to 4,000.

So itabi na natin iyan, pumunta naman tayo doon mismo sa experience sa airport. Very strict ang airport, you can only get in to the airport three hours before the flight at bago ka makapasok sa eroplano, mayroon kang tinatawag na contactless solution. Make sure nakapag-online kayo; at doon sa loob ng airport, mayroon tayong mga kiosk. Huwag ka nang tumuloy doon sa tinatawag nating over the counter; kailangan matuto na ho tayo sa contactless solutions. Dahil sa contactless solution, mayroon tayong tinatawag na check-in at baggage. Lalabas kaagad doon iyong mga tickets ninyo at ididikit sa maleta, at pagpasok ninyo, lahat iyan ay naka-QR na.

At higit sa lahat, bago ka pumasok sa eroplano or doon pa lang sa airport, mayroon na tayong tinatawag na temperature check. Pagpasok sa eroplano, mayroon ka ring temperature check. As a matter of fact, doon mismo sa check-in counter, kapag mayroon kang dalang maleta, may temperature check. So halos two to three temperature checks ang nangyayari.

Ang pinakamagandang Air Asia practice na sa palagay ko ay talagang ever since, well, I’ve kept on saying this and sharing it to the news, to the media people, Sec., is iyong ating HEPA filters – High Eliminators of Particles [High Efficiency Particulate Air]. Ang nangyayari, itong mga arrestors na ito or high particles arrestors are actually suck every two minutes. Imagine, nalilinisan na 99.9% iyong atin pong tinatawag na COVID at iba pang mga viruses – 99.9%! Same as the operating rooms of expensive hospitals like, ito ha – operating rooms ng Makati Med, ng St. Luke’s, may HEPA filters. So ganoon kalinis ang hangin ng ating eroplano, sa loob ng eroplano ng Air Asia.

At higit sa lahat, of course, kailangan ninyo ng tinatawag na facemasks the whole flight at iyong ating tinatawag na face shield. Since we are concentrating right now on what we call short-haul flights, domestic flights lang ho ngayon ang Air Asia, mas safe pa tayo dahil mabilis ang flight – one hour to one hour-thirty minutes to a long two hours. So after which, pagdating natin doon, so alam nating we are very safe and we’re very confident na naalagaan po namin ang aming pasahero.

Plus of course, well-trained po ang ating mga cabin crews with regards to the protocols. But sundan lang po natin ang guidelines ng LGU at napaka-istrikto ng Air Asia pagdating sa safety protocols.

CEBU PACIFIC AIR SPOKESPERSON LIM: So, safety has always been our topmost priority talaga in Cebu Pacific. Even before COVID, talagang safety talaga number one natin iyan. But more so ngayon since we are aware na now more than ever, it’s very critical. Everyone talaga can have travels with peace of mind ka. And we’re aware what the concerns of these people are, of our passengers are, as we continue to listen ‘no.

So that’s why we continue to implement very strict safety measures in accordance with global aviation standards, of course. So these include iyong ating disinfection of aircraft, daily iyan; at iyong presence ng HEPA filters natin, High Efficiency Particulate Air filters, so hospital grade itong mga ito and they are proven to kill 99.9% of viruses. So mayroon tayo noon sa loob ng eroplano at nari-refresh iyong ating air every three minutes. So talagang mami-make sure or magiging confident ang ating passengers na virtually non-existent ang inflight virus transmission as supported by scientific research that have been released in the past few months ‘no.

So on top of that, of course, like what I mentioned then, multi-layered approach natin to safety, so all passengers are required to wear masks and face shields all throughout the flight. And even our cabin crew themselves are wearing masks, face shields, gloves and full PPEs. So talagang contactless tayo and talagang secure tayo na all stages of their journey with Cebu Pacific covered sila and we’ve made sure to make everything very safe and secure for everyone.

Since ang priority natin is to really keep everyone safe and to avoid interaction and any form of contact as much as possible, wala muna tayong fun flights in the aircraft, oo. Tulad na rin ng ating pag-suspend for now ng food selling dahil nga siyempre dadaan ka, makikipag-usap ka sa mga pasahero mo, iaabot mo iyon isa-isa, so baka hindi masyadong okay iyon at the moment, at least. But of course, we look forward naman to doing that again kapag okay na talaga iyong sitwasyon natin.

PHILIPPINE AIRLINES SPOKESPERSON CIELO VILLALUNA: Lahat po ng ating mga modernong eroplano, hindi lamang eroplano ng Philippine Airlines pati iyong ating mga fellow stakeholders, iyong ating mga competitors ika nga, lahat ng mga eroplanong ito are installed with what we call High Efficiency Particulate Air system. HEPA filters ang tawag po nito. So kapag nasa loob po kayo ng eroplano and they jumpstart already the HEPA filtration system, para kayong nasa loob ng isang medical operating room ‘no where everything is sanitized.

Ang nangyayari, bumubuga po ng fresh air itong HEPA filters and at the same time it cleanses the cabin air of bacteria and viruses with 99.99% efficacy and then fresh air is infused once again into the cabin every 2 to 3 minutes. So kasama po iyong COVID-19 virus sa mga viruses na—among the viruses na pinapatay ng HEPA filtration system.

Pangalawa, ang ating mga cabin crew ay nakasuot nang branded PPEs na specially designed by designer Mr. Edwin Tan. ‘Pag sinabi nating PPE, Personal Protective Equipment, your body suit, your face mask, your face shield and your gloves. Pangatlo, iyong ating mga pasahero ay kailangan nakasuot ng face mask and face shield. Pang-apat, mayroon po tayong simplified food and beverage service para malimitahan ang interaction ng cabin crew and the passengers. And panlima, iyong ating mga eroplano ay subjected to intensified disinfection before and after every flight using high grade eco-friendly materials ‘no approved by the World Health Organization.

So sa lahat ng sinabi ko, napaka-safe po lumipad ‘no not only via PAL but via air carriers in general ngayong panahon ng pandemya.

SEC. ANDANAR: Sa ating pagbabalik, kausapin naman natin ang mga shipping lines. Ito sa pagpapatuloy ng Cabinet Report. [VTR]

***

SEC. ANDANAR: Welcome back to the Cabinet Report. Kausapin po natin ngayon ang passenger shipping sector, alamin din po natin kung ano naman ang availability ng mga barko ngayong Kapaskuhan.

PRES. & CEO, CHELSEA LOGISTICS CHRYSS ALFONSUS DAMUY: Secretary Andanar, we understand that tayong mga Pilipino, Pasko, kahit ganito kahirap ang panahon gusto talaga natin makauwi sa ating mga probinsya at makapiling ang ating pamilya. Sa grupo ng Chelsea Logistics marami tayong available na ruta, sa totoo halos lahat noong ruta natin prior to the pandemic are open and available. So ang restriction na lang natin is nagdidepende kung ano iyong mga requirements ng mga respective LGU or provincial government as to the acceptance of passengers may it be LSIs, APORs or returning to their respective provinces and that’s the only challenge.

But as to availability of routes or trips, it’s almost back to normal; the frequencies are almost back to normal. We are deploying ships in different areas of the country, both in Trans-Asia, Starlite, SuperCat and 2GO. It’s a matter of frequency that is shorter or limited but mayroon talagang mga biyahe sa lahat ng ruta na tinatakbuhan natin.

So mayroon tayong galing sa Manila which is operated by 2GO which goes to Cebu, pumupunta ng Coron, Iloilo, Puerto Princesa, Cagayan de Oro, Bacolod, Butuan, Dumaguete, Ozamis, Iligan and Zamboanga. So mayroon din tayong mga inter-port travels ng 2GO going to like Iloilo-Bacolod, Ozamis-Iligan, Cebu-Ozamis, Cebu-Butuan, Cebu-Cagayan, Cebu to Iligan, Dumaguete to Zamboanga, Coron to Puerto Princesa, Iloilo-Cagayan, Bacolod-Cagayan de Oro at mayroon ding coming from Batangas going to Roxas and Batangas going to Caticlan; so iyan ‘yung available, so marami.

So kung gustong makita ng mga gustong bumiyahe, puwede silang bumisita sa website ng 2GO which is 2go.com.ph.

Sa isang grupo naman ng ating companies under Chelsea Logistics, though 2GO is partly owned only by Chelsea, the other companies that we have which we have control is Trans-Asia, Starlite and SuperCat.

So on Starlite which is mostly based sa Batangas, marami rin tayong available na biyahe at ruta. Sa totoo niyan last November 12 nagbukas pa tayo ng bagong ruta sa Batangas para mabigyan ng pagkakataon pa iyong mga tao na makauwi sa kani-kanilang probinsya. Ito ay Batangas-Iloilo-Bacolod na nag-deploy tayo ng bagong barko na gawa sa Japan.

Ito ay talagang bago na dinisenyo para sa mga Pilipino, dinisenyo sa pangangailangan ng Pilipinas at ano iyong tamang konpigurasyon ng barko base sa ating karagatan at mga puerto. So talagang dinisenyo ito, hindi ito second hand – it’s really starting from scratch, design starts from scratch na ang architect na nag-design ng barko na ‘to ay talagang umikot sa Pilipinas at tiningnan iyong sitwasyon ng karagatan at ng mga puerto.

So dineploy natin ito noong November 12 from Batangas going to Iloilo and Bacolod, ito ay may kapasidad tumanggap ng pasahero sa iba-ibang kategorya galing sa economy, business class, tourist, VIP rooms and cabins so iba-ibang akomodasyon and even a recliners seats para doon sa mga nagtitipid or gustong makatipid ng pamasahe para magkaroon ng extra budget para sa Pasko. At ito rin ay may kakayahang magdala ng dalawampu’t tatlong 10-wheeler trucks para magdala ng mga produkto sa iba-ibang isla sa Pilipinas or specifically ngayon sa Bacolod at Iloilo at puwede rin siyang magkarga ng mga labinlimang sasakyan na pribado gaya ng SUV or kotse. So ito iyong bagong ruta natin.

So other than that, mayroon din tayong existing na mga ruta na active din ngayon. So mayroon tayong twice a day departure from Batangas going to Caticlan; mayroon tayong twice departure din na galing Caticlan papuntang Batangas; mayroon tayong Roxas to Mindoro to Caticlan na four times daily and vice versa; mayroon tayong Sibuyan to Roxas and Roxas to Sibuyan to Batangas which is also a regular trip; mayroon tayong active na Batangas-Calapan na ito talagang bumibiyahe, halos 24 oras mayroon tayong biyahe diyan; mayroon tayong regular na service para sa Cebu-Surigao, iyan iyong sa ating Starlite Ferries.

So tuluy-tuloy iyan, hindi iyan napapatid kahit noong panahon ng pandemya, tuluy-tuloy din iyong serbisyo natin. Kahit na minsan sampu lang iyong pasahero, siniserbisyuhan natin iyan para makauwi iyong ating mga kababayan. So kaya tuluy-tuloy natin itong ibibigay lalo na ngayong parating ang Pasko.

Doon sa Trans-Asia natin na karamihan ay nakabase sa Cebu, araw-araw may departure tayo papunta ng Cagayan de Oro; mayroon tayong papunta ng Ozamis; mayroon tayong papunta ng Iligan; mayroon tayong Cagayan to Tagbilaran and vice versa; mayroon tayong Cebu to Tagbilaran; mayroon tayong Cebu to Iloilo na three times a week; mayroon din tayong once a week na Cebu to Tacloban; mayroon din tayong Cebu to Zamboanga.

So walang tigil ang serbisyo na ito. At nakahanda iyong ating fleet or mga barko na lumayag para sa mga gustong umuwi sa kani-kanilang probinsiya. At natutuwa kaming ibahagi na iyong City of Bacolod and City of Iloilo ay pinapayagan nang bumiyahe iyong mga fast craft. So may paraan nang makatawid iyong mga taga-Iloilo papuntang Bacolod at saka Bacolod-Iloilo, at umaasa tayo na iyong ibang ruta na siniserbisyuhan ng ating SuperCat ay hopefully magbubukas na rin sa ‘di matagal.

So mayroon iyan, kung kailangan nila ng karagdagang impormasyon ukol sa mga biyahe at schedule, oras, ruta, ang Trans-Asia, 2Go, Starlite, SuperCat, pare-pareho silang may website na available dito at puwede silang mag-book online para sa convenience nila.

SEC. ANDANAR: Sunod, pag-usapan naman natin ang pag-iingat laban sa pandemya sa ating mga sea vessels. Keep it here, on the Cabinet Report.

Nakatutok pa rin po kayo sa Cabinet Report, at kausap pa rin po natin ang passenger shipping sector. Alamin natin, ano po ang mga pag-iingat sa mga barko kontra sa pagkalat ng COVID?

PRES/CEO CHELSEA LOGISTICS DAMUY: So, tayo sa grupo ng Chelsea Logistics operating Starlite, Trans-Asia at SuperCat, sumusunod tayo sa lahat ng protocol na pinaiiral ng mga ahensiya ng gobyerno kagaya ng social distancing, iyong protocol na naka-facemasks at naka-face shield lahat ng pasahero sa lahat ng panahon. Maraming mga pamamaraan para maiwasan natin – iyong mga attendant natin na tumatanggap ng pasahero, naka-PPE sila, so naka-suit at naka-face shield, naka-gloves para maiwasan na mahawa sila at makahawa din sila sa mga ibang tao.

And barko naman kung titingnan mo ay malaki. Ang social distancing, talagang masusunod kasi ang regulasyon ng MARINA, pinapayagan lang ang mga barko na magkarga basta mapapanatili nila iyong isang metro na distansiya ng bawat akomodasyon. Kaya iyong mga barko natin na lumalayag ngayon, tumatakbo lamang siya nang wala sa kalahati ng kaniyang actual na capacity. So maluwag na maluwag ang barko. Hindi natin sinasabi na hundred percent ma-eliminate natin iyong chance kasi hindi talaga natin ma-predict iyan. But ang chance na maiwasan natin ito is nasa atin pa rin, sa mga pasahero, kaya kung susunod tayo, the chances of getting it is very small. Kung susunod tayo sa lahat ng protocol – naka-face shield tayo, naka-facemasks, naghuhugas tayo ng kamay, huwag tayong magkumpul-kumpol kung saan-saan para maiwasan natin na mahawa ng ganitong sakit.

Ako, sarili ko, bumibiyahe ako, bumiyahe ako ng Bacolod, Iloilo sakay sa barko ng Starlite. Kanina sumakay ako sa SuperCat. Noong Lunes sumakay ako ng Starlite papunta ng Caticlan. So nakikita ko naman na iyong mga tao ay sumusunod, naging conscious sila at naging cautious din sila para makaiwas sa ganitong sakit.

So nasa atin iyon. Ang sabi nga namin, umikot kami sa mga local government offices, nakipag-usap sa mga local government officials, and pinaparating namin na gagawin namin sa side ng shipping operators, gagawin namin iyong aming share na para maiwasan natin or mapababa natin, kung hindi man totally maiwasan iyong chances na magkahawa-hawaan iyong mga tao na sumasakay sa ating mga barko. Malaki ang barko, kung gustuhin mong umiwas, may paraan kang umiwas. Sa laki at luwag ng barko talagang puwedeng-puwede kang mag-maintain ng beyond one-meter social distancing requirement. Kaya ang safety natin actually nasa pasahero iyon, malaking bagay kung iyong pasahero mismo ay maging conscious at siguraduhin nila na safe sila at saka iyong kanilang pamilya.

SEC. ANDANAR: Thank you to all our guests for taking the time to talk to us about travel on board our planes and ships this holiday season. May mga nais pa ba kayong ipaabot sa mga biyaherong Pilipino?

CEO AIR ASIA RICKY ISLA: Thank you, Sec. First of all, we are supporting the government especially iyong tinatawag natin na kailangan bigyan [daan] na ang ekonomiya natin, kailangan magkaroon na tayo ng negosyo, katulad ng suporta sa mga tao. That’s why as early as before, maaga tayong nag-umpisa na kapag professionals or related sa work, inuuna po natin iyang business trips ‘no. Mahalaga po iyan so that people will go back to their regular work.

Pangalawa, tourism. Ang tourism po ay mahalaga rin. Katulad niyan, ang Boracay noong October; noong December, nandiyan na po ang tinatawag nating Bohol, bukas na rin ho sila for tourism. Well, of course, kasama ang Siargao at ang Baguio City. At sa palagay ko, sunud-sunod na ho iyan, mas marami pang magbubukas na mga tourist destinations.

Pero lahat po ito ay magandang balita sa atin, magandang trend sa airline industry but higit sa lahat po ay sa ating trade and commerce. Kailangan i-sustain na po natin iyong tinatawag nating commerce natin nang sa ganoon ay magkaroon po ng tinatawag na trabaho din po ang ating mga kababayan. Ang hotels, may boost din diyan; mabu-boost din ang mga commercial centers, ang mga restaurants. Habang lahat po ng ito ay nangyayari, dapat may individual commitment po ang bawat mamamayan na sundan ang social distancing, paggamit ng facemasks, face shield at higit sa lahat, gumamit ng alcohol ‘no.

So iyon lang, dapat may balancing act po tayong lahat; lahat po tayo ay may individual commitment, at alam kong tuluy-tuloy na ito. Hopefully, as I am listening and monitoring to the media, by second quarter ay tuluy-tuloy na rin po ang availability ng ating vaccine.

So iyon lang po, Sec., ang aking advice. At maraming salamat po at naka-participate po ang Air Asia sa inyong programa.

CEBU PACIFIC SPOKESPERSON LIM: So again, best to check talaga iyong ating website para makita natin per destination kung alin nga ba iyong dapat ihanda ng ating mga pasahero para makauwi sila sa kanilang mga probinsya.

PAL SPOKESPERSON VILLALUNA: Sa lahat ng ating mananakay tuluy-tuloy po ang serbisyo publiko ng Philippine Airlines. Mayroon po kaming 27 international destination na bukas na para sa mga mananakay sa mga eligible travelers. Mayroon po tayong mga 25 domestic destinations open to eligible travelers. We advise you, maari po kayong bumisita sa aming website www.philippineairlines and of course our Facebook page @flightpal. At mayroon po kaming mga announcements, nakasaad po ang mga listahan ng mga bansang nililipad ng PAL at sino ang eligible for travel. Kapag sinabing eligible, sino ang privileged to travel within this period.

And of course we have rules and regulations, iba-iba po ang mga requirements ng bawat LGU, iba-iba po ang requirements ng mga foreign nations. So, it’s important for you to visit our website and our Facebook page, para malaman po ninyo ang mga requirements na makakatulong sa inyong biyahe.

And of course Philippine Airlines – Sec. Mart., I would like to add – kami po ay working partners with the government sa pag-repatriate ng ating mga kababayan na gusto ng bumalik sa Pilipinas. Kami rin po ay partners ng government sa ating mga fellow citizens na kailangang lumipad to other countries for work, for family reasons and of course for business mission; so, tuluy-tuloy po ang ating partnership with the Philippine government. Iyon lamang po at maraming salamat Secretary Mart for your invitation.

PRES/CEO CHELSEA LOGISTICS DAMUY: Kami naman gusto namin na bumiyahe kayo, kasi iyan iyong gusto natin, makarating sa probinsya natin, mabisita iyong ating mga mahal sa buhay. Pero huwag nating kalimutan na kailangan nating mag-ingat, hindi sa sobra natin minsan na excitement, nakakalimutan natin na kailangan pala nating lumayu-layo ng kaunti para maiwasan natin iyong sakit. At isipin natin na kahit iyong kasama natin sa biyahe, posible ring na-expose sa mga tao, puwedeng before sumakay or during sumakay. Kaya iwasan na magkumpul-kumpol. Sumunod tayo sa lahat ng protocol para maiwasan natin ito. Tulung-tulong tayo dito. Kung hindi tayo sumunod, nakita natin sa nakalipas na sampung buwan, napakahirap, naghihirap iyong indibidwal, marami ang nawawalan ng trabaho. Ayaw na natin sa ganoong sitwasyon, at malaki iyong maiaambag natin kung tayo mismo maging conscious at tutulong by ourselves na maiwasan at ma-minimize iyong chances na magkahawaan tayo man o sa iba.

So sa side ng Chelsea Logistics, tutulong kami sa lahat ng abot ng aming makakaya para masiguro ang kaligtasan ng mga pasahero sa aming mga barko. So may kailangan kayong additional na information, you can reach our hotlines, it’s posted on our Facebook and our website respectively at mabigyan kayo ng karagdagang kaalaman kung puwede ba kayong bumiyahe sa inyong LGU or hindi at mabigyan kayo ng tamang guidance kung ano iyong kailangan ninyong ihanda para makabiyahe kayo nang matiwasay.

So, pinapaabot namin sa inyo na handa iyong Starlite Ferries, SuperCat and Trans-Asia na tanggapin kayo at sisikapin at sisiguraduhin namin na susunod tayo sa protocol para maiwasan natin na magkahawaan o mahawa ng sakit na COVID na alam natin mahirap na mahirap. So, hindi natin magagawa ito, hindi ito magagawang mag-isa ng government kung hindi tayo tutulong at maging conscious by ourselves and think how we can contribute na maiwasan iyong further na magkahawaan. So, iyan lang masabi natin, handa kaming tumulong sa abot ng aming makakaya at maraming-maraming salamat.

SEC. ANDANAR: Pilipinas hindi maiiwasan na gusto ng iilan sa atin na umuwi ngayong Pasko. Ang payo ko lang, tatlong bagay:

  • Una, alamin ang latest ng mga updates ng IATF tungkol sa pagbiyahe.
  • Pangalawa, alamin ang mga requirements ng mga LGU na dadaanan at pupuntahan ninyo at;
  • Pangatlo, alamin ang mga requirements ng mga sasakyan ninyo na mga airline at shipping lines.

Kapag tayo ay informed, mababawasan ang inconvenience sa atin sa biyahe natin pauwi. Pilipinas, magkita-kita tayo ulit sa susunod na Biyernes, ito si Communications Secretary Martin Andanar. Keep safe. Mag-ingat po tayong lahat. Happy weekend.

##

Source: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)