Press Briefing

Public Briefing #LagingHandaPH hosted by Presidential Communications Operations Office Undersecretary Rocky Ignacio


Event Public Briefing #LagingHandaPH
Location People’s Television Network, Inc. (PTV), Quezon City

USEC. IGNACIO:  Magandang araw Pilipinas at sa lahat ng ating mga tagasubaybay sa labas ng bansa. Isang oras na naman po ng pagbabalita sa mga makabuluhang hakbang ng pamahalaan para sa tuluy-tuloy na pagbangon mula sa mga kalamidad at krisis ang aming hatid.

Ako po ang inyong lingkod, Usec. Rocky Ignacio mula po sa PCOO at gaya po nang ipinangako namin, asahan po ninyo na hindi hihinto ang pamahalaan para mabigyan ng access to information ang lahat ng ating mga kababayan saan mang panig ng bansa. Simulan na po natin ang Public Briefing #LagingHandaPH.

Samantala, sa pinakahuling tala ng Department of Health, umakyat na sa 408,702 ang kabuuang bilang ng mga gumaling mula sa COVID-19 sa bansa matapos maitala ang dagdag na 80 recoveries kahapon. Labing-walo naman ang mga dagdag na nasawi na sa kabuuan ay nasa 8,572 na; nasa 1,574 ang bilang ng mga bagong nahawaan ng COVID-19, sa kabuuan ay umabot na sa 441,399 cases.

Sa Davao City nagmula ang pinakamataas na bilang ng bagong kaso kahapon na umabot sa 187. Sumunod naman sa listahan ang Rizal na may 96 new cases; Pampanga with 80 cases; 69 cases naman ang naitala sa Quezon City; samantalang 59 ang nai-report sa Lungsod ng Pasig.

Mula sa 5.1% ay umakyat sa 5.5% ang total cases ng nananatiling aktibong at katumbas ito ng 24,125 cases. Maliit na porsiyento o .32% ang moderate cases, 2.9% ang severe, 5.8% ang kritikal, 6.4% ang hindi kinakitaan ng sintomas o asymptomatic, samantalang malaking bahagi naman o 84.6% ang mild cases.

Narito naman po ang seven commandments sa pampublikong transportasyon:

  1. Huwag pong kakalimutang magsuot ng facemask at face shield.
  2. Bawal ang pagsasalita, pakikipag-usap o pagsagot ng telepono.
  3. Ipagpaliban din po muna ang pagkain.
  4. Kinakailangan din na may sapat na ventilation.
  5. Kailangan may frequent disinfection.
  6. Bawal magsakay ng symptomatic passenger.
  7. At panghuli, kinakailangang sumunod sa appropriate physical distancing.

Ito po ay mga simpleng hakbang na makatutulong para labanan ang pagkalat ng COVID-19.

Para sa inyong mga katanungan at concerns tungkol sa COVID-19, maaari ninyo pong i-dial ang 02-894-COVID o kaya’y 02-894-26843. At para naman sa mga PLDT, Smart, Sun at TNT subscribers, i-dial po ang 1555. Patuloy rin kayong makibalita sa mga pinagkakatiwalaang sources ng impormasyon tungkol sa COVID-19, maaari ninyo pong bisitahin ang covid19.gov.ph.

Alinsunod po sa ilang executive order na nilagdaan ni Valenzuela Mayor Rex Gatchalian ay sinuspinde ng Valenzuela LGU ang business permit ng NLEX Corporation matapos na hindi ito umano sumunod sa hinihingi ng alkalde na magbigay ng action plan upang masolusyunan ang traffic na idinudulot sa lungsod bunsod na rin sa mga aberya ng RFID toll collection system na kanila pong sakop. Para sa karagdagang detalye, makakausap po natin si Mayor Rex Gatchalian ng Valenzuela City. Magandang umaga po, Mayor. Okay, Mayor, naririnig ninyo na po ako?

Okay, mukhang nagkaroon ng problema sa linya ng ating komunikasyon, babalikan po natin si Mayor Gatchalian.

Samantala, public hearing ng Senate Committee on Labor and Employment para sa mga panukalang batas na lilikha ng Department of Overseas Filipinos sinimulan na. Narito po ang detalye:

[VTR]

USEC. IGNACIO: Samantala, nasa kabilang linya na po si Mayor Rex Gatchalian ng Valenzuela Ciyt. Magandang umaga po, Mayor. Pasensiya na po kanina.

VALENZUELA MAYOR GATCHALIAN:  Hi, ma’am! Magandang umaga. Thank you for having me, maraming salamat. Magandang umaga rin sa nanunood sa inyong programa.

USEC. IGNACIO: Opo. Mayor, base po sa inyong suspension order, tama po ba iyon, iyong business permit lang po nila ang inyong sususpindehin? Can you tell us more about this, Mayor?

VALENZUELA MAYOR GATCHALIAN: Tama. Ma’am, actually, ang power lang naman ng local government is to regulate businesses within its jurisdiction. So ang sinuspend [suspended] lang natin iyong mga toll plaza, iyong specific activity nila dito sa Valenzuela. They no longer [garbled] suspended ang kanilang business permit. Kasi just like any other business, kapag may nilabag ka sa alituntunin ng batas, lokal man iyan o national law, puwedeng ma-suspend ang conditional mo na business permit.

Remember, all business permits are privilege; it’s not a right. They are hinged on you follow the law. But we are not suspending the entire NLEX operation – I have no power over that. Wala akong kapangyarihan, wala akong jurisdiction over that. Ang sa akin lang, iyong specific action nila dito sa Valenzuela which is to… iyong toll plaza nila. So bawal na silang mangolekta, nakataas na ang mga barriers, toll holiday tayo sa mga tolls nila sa Valenzuela City.

USEC. IGNACIO:  Opo. Iyan, dagdag ninyo nga po iyong kautusan na magkakaroon ng toll holiday sa mga tollgate na inyong nasasakupan. Anu-ano po iyong mga tollgates na mapapasailalim dito sa sinabi ninyo pong toll holiday; at kumusta na po iyong trapiko diyan sa inyong lugar matapos ninyo pong ipalabas ito?

VALENZUELA MAYOR GATCHALIAN:   Two things: Number one, the tolls are only in the entry of Valenzuela. Iyong importante sa Mindanao Avenue papasok ng Segment 9. Pangalawa, iyong papasok naman, may magkasunod diyan na dalawa, iyong Harbor link na tawagin. Iyong papunta ng [unclear].

So, tatlo iyan at affected na libre ang toll diyan and then mayroon iyong nasa Paso de Blass tawag naming, that’s the first exit out of Balintawak, magkabilaan iyan, left and right and then may isa pa tayo sa Barangay Lawang Bato. So, iyong mga iyon toll holiday doon, nakabukas lang iyong mga barrier. Naka-post na rin sa aming social media accounts iyong mga lokasyon na ito.

And also… Ma’am, ano iyong pangalawang—Ah, kumusta iyong traffic? Well, siyempre holiday ngayon maluwag pero kagabi noong binuksan natin iyon kaagad natanggal iyong bottleneck.

Alam ninyo, sa marami kong panayam sinasabi naman natin na ang traffic is an endemic, ibig sabihin, problema talaga iyan sa Metro Manila pero lumala dahil dito nga sa palyado na mga sensors ng NLEX, nakadagdag iyon. Hindi ko sinasabi na ito na ang solusyon sa lahat ng traffic problems pero isa ito sa makakatulong para makabawas ng traffic dito sa lugar namin.

USEC. IGNACIO:   Ito po iyong tanong, matapos nga pong mailabas iyong suspension order kahapon nang 5:50 P.M. kung hindi po ako nagkakamali hindi na rin po makadaan ang mga motorista sa NLEX Mindanao Toll Plaza. Ang tanong po, Mayor, kailan ninyo daw ili-lift ang suspension sa NLEX at kung bibigyan pa rin po ba natin sila ng palugit? Nagkaroon na po ba ng pakikipag-usap sa inyong hanay, Mayor?

MAYOR GATCHALIAN:   Ma’am, ang sagot diyan dapat NLEX na kasi kapag na-suspend ka, the ball is in your court. Kung gusto mong ma-lift iyong suspension, kailangan gawin mo kaagad iyong mga dapat mong ayusin. Sabi ko nga, simple lang, ayusin nila iyong mga makadagdag sa masama nang traffic condition sa Metro Manila.

Ang sa akin lang, ayusin nila iyan. Kung inayos nila bukas eh ‘di mali-lift natin bukas. Kung patatagalin nila, tatagal rin ang lifting. Ang sagot, kung kailan mali-lift, kung may palugit – wala. Nasa kanila na lahat iyan, the ball is in their court.

Now, kung may pag-uusap, tuluy-tuloy naman kami nag-uusap kahit na over the weekend. Kagabi, nag-usap din kami ni Atty. Quimbo at ang sabi ko sa kaniya, ayusin lang nila iyong system, that’s all we ask for. And pangalawa sabi ko, ang importante puntahan nila ako anytime para magkaintindihan kami kung ano ang hinahanap nating ekspektasyon.

Siguro ang pinakamadaling ekspektasyon, 95% or 98% dapat ang readability kasi ganoon (choppy audio) sa SLEX. Ibig sabihin, kapag dadaan ka, 98% makakadaan ka. (choppy audio) ganoon kaganda iyong (choppy audio).

USEC. IGNACIO:   Mayor, tanong ko lang po, ano po ang nangyari at humantong pa sa suspension ng business permit ang ipinatupad ninyo dito po sa mga toll gates?

MAYOR GATCHALIAN:   Ma’am, seven years na tayong nagku-complain, hindi naman bago itong RFID na ito. Ako, seven years na akong nabibiktima ng mga iyan. Dati kasi kaya hindi napapansin ng taumbayan iilang lanes lang iyong RFID lane, mas nakakarami ang cash. Eh, ngayon dahil nga sa pandemya, naging cashless lahat, in-implement ang cashless sa lahat ng lane, kaya napapansin natin iyong mga problema.

Ako, hindi po ako tutol sa RFID, maganda hong programa iyong ginagawa ng DOTr na mag-automate. Ang sa akin lang, mali o pangit iyong technology na ginamit ng NLEX. Hindi ako tutol sa technology, technology is supposed to make our lives easier, faster and more efficient. Ang problema dito sa kanila naging mas mahirap ang buhay natin kasi iyong (choppy audio) plaza eh (choppy audio) mababasa ka ng sensor o hindi.  That’s not how technology should be, technology should be consistent and easy for all to use.

Bakit humantong sa ganito? Seven years na akong nagkukulit sa kanila na ayusin. Ilang meeting na kami, ilang pangako na, wala nangyari. Pero ngayon, hindi na natin puwede pang ipagpaliban dahil nga nakaka-contribute sila sa palala na sitwasyon dito sa lugar natin. Alam ninyo, Pasko ngayon, so holiday rush. Walang number coding, walang truck ban kaya nahihirapan tayo to manage the volume of vehicles, eh dagdagan pa nga nila ng kaguluhan sa toll plaza. So, iyon ang naging reason kung bakit humantong sa ganito. Walang aksiyon, walang konkretong plano, kaya kailangan nating kalampagin para gumalaw na kaagad sila sa mabilis na panahon.

USEC. IGNACIO:   Maiba naman tayo, Mayor. Kumusta naman po iyong pagmu-monitor natin sa mga pampublikong lugar ng Valenzuela City kaugnay nga po ng sinasabi ninyong holiday season kung sumusunod pa rin po ang ating mga nasasakupan sa health and safety protocols? Kaugnay naman po ito ng laban natin sa COVID-19.

MAYOR GATCHALIAN:   Maganda iyong numero namin ngayon, hindi na kami nagbi-breach ng 80, madalang na nga iyon eh, ‘no, so that’s very good, from a high of 1,200. So, ibig sabihin iyong kampanya natin to do a minimum health standards eh (choppy audio).

This holiday season, isa sa mga na news recently is hindi na kami nag-public display sa mga park namin ng mga decorations or Christmas tree; hindi na rin kami nag-food fiesta or bazaar, wala na kaming mga public events para hindi natin ma-tempt pa ang publiko na mag-converge, magtipun-tipon at ayaw na nating magkaroon pa ng super spreader event, that’s why we did away with the normal trappings of Christmas.

Ang panawagan nga namin sa kanila, ang Pasko, ang tunay na diwa ng Pasko hindi matatagpuan sa public parks o sa magagarbong dekorasyon sa park natin, matatagpuan iyan sa loob ng iyong tahanan, sa payak at simpleng handaan ng pamilya, kung saan sa loob ng tahanan safe sila.

USEC. IGNACIO:   Okay. Mayor, bago po tayo magtapos kunin ko na lamang po ang inyong mensahe sa inyong mga kababayan at sa ating manunood.

MAYOR GATCHALIAN:   Well, siguro ang mensahe ko lang, ang Pamahalaang Lungsod ng Valenzuela, ang inyong lokal na pamahalaan, patuloy na maghahanap ng paraan para maging permanente ang solusyon na ilalabas sa NLEX. Hindi ho natin hahayaan na nakabitin lang sa suspension, kung alam natin hindi sustainable ito. We need a long term, permanent solution dahil pangmatagalan na itong new normal na set-up.

USEC. IGNACIO:   Okay. Maraming salamat po sa inyong panahon at paglilinaw, Mayor Rex Gatchalian ng Valenzuela City.

MAYOR GATCHALIAN:   Maraming salamat, ma’am, magandang umaga.

USEC. IGNACIO:   Salamat po. Samantala, isang taon matapos pong malagdaan ang batas na nagtatag ng 94 Malasakit Center sa buong bansa, tinatayang nasa 1.8 milyon na po na mga kababayan nating mahihirap ang natulungan nito.

Panoorin po natin ito.

[VTR]

USEC. IGNACIO:   Pasado alas dies y media kagabi ay niyanig po ng magnitude 5.4 na lindol ang mga lalawigan sa Bicol kung saan po ang sentro po ng pagyanig ay sa Sorsogon. Makakausap po natin ni Usec. Renato Solidum ng Institute of Volcanology and Seismology. Magandang umaga po, Usec.

USEC. SOLIDUM:   Magandang umaga.

USEC. IGNACIO:   Usec., mula po sa magnitude 6.4 ay ibinaba ninyo po ito, tama po ba ito, ng 5.4 magnitude ang lakas ng lindol sa Kabikulan, ano po ang naging batayan dito, Usec.?

USEC. SOLIDUM: Iyong unang estimate po natin ng magnitude ay automatic, computer generated para magkaroon tayo ng ideya kung iyong lakas ng lindol ay posibleng mag-generate ng tsunami. Ito po ay mabilisan pagkatapos po na makuha ang mas marami pang datos at nagkaroon ng mga analysis, ang final update po natin ay magnitude 5.4.

USEC. IGNACIO: Opo. Usec., ano po iyong fault na dahilan noong paggalaw na ito sa bahagi po ng Kabikulan?

USEC. SOLIDUM: Itong lindol kagabi ‘no, pasado 10:37 actually ay may lalim na 77 kilometers. Kapag ganiyan na po kalalim ang mga paglindol, mas related ito sa tinatawag nating trench ‘no. So ang origin po ng lindol ay pagkilos along the Philippine trench.

USEC. IGNACIO: Opo. Usec., may mga naapektuhan po tayong mga kababayan doon at kumusta po sila? Iyong iba pa rin pong tanong dito ng ating mga kababayan, iyon po bang nangyaring lindol sa Bicol ay puwedeng sabihin dapat may mga iba pang lugar na maghanda?

USEC. SOLIDUM: Una, kung wala naman pong nangyaring sakuna o injury at ang pinakamataas na pagyanig/antas nito or intensity ay intensity 5 lamang. So wala rin tayong napaulat o na-receive na ulat mula sa Office of Civil Defense na may nangyari. Pero ito pong lindol na ‘to ay posible pong paalala sa atin, hindi lang sa Kabikulan pati na rin sa iba’t ibang dako ng Pilipinas na ang mga lindol ay posibleng biglaan na malalakas talaga at handa na ba tayo kung ano ang gagawin.

In particular pagdating po sa mga lindol na nagmumula sa karagatan, nandiyan po iyong posibilidad na maliban sa malakas na pagyanig, ang pagkakaroon ng tsunami. In fact iyong mga nakaharap sa Dagat Pasipiko, sa West Philippine Sea, Sulu Sea and Celebes Sea ‘no, lahat ng baybayin ng Pilipinas na nakaharap sa malalaking mga dagat ay nagkaroon na ng tsunami noong mga nakaraang panahon at dapat paghandaan ito. Kaya po parang reminder na po sa atin kagabi iyong lindol na iyan na kailangang always ready tayo, laging handa.

USEC. IGNACIO: Opo. Iyon pong nangyaring lindol nga po kagabi, Usec., ito po ba’y sinasabing—o kung tama po ba ito na posibleng sundan nga ng tsunami, Usec.?

USEC. SOLIDUM: Iyong lindol po kagabi magnitude 6.4 points po initially, binaba namin sa 5.4 – nakita namin kaagad na walang posibleng tsunaming ma-generate ito sa kadahilanang ang minimum magnitude na ating tinitingnan ay 6.5 ‘no at dapat ay mababaw, less than 30 kilometers. So wala pong dapat ipangamba na magkaroon ng tsunami iyong mga ganoong lindol, hindi naman ganoon kalakas talaga at malalim.

Now pagdating po sa mga signs ng posibleng tsunami ay, una, malakas na lindol at biglang pagbaba ng tubig. So iyong mga nasa dalampasigan ‘pag nakita po nila ito ay talagang may posibilidad na babalik ang alon na mataas lalung-lalo na kung mayroon nang ugong na kasunod after na bumaba kaagad iyong tubig eh tiyak na mayroong pabalik na tubig. So dapat talaga mayroon silang mga evacuation plan para sa lindol at sa tsunami.

USEC. IGNACIO: Opo. Usec., konting ano lang po ano, pag-aaral. Kapag po sinasabi na—nagkaroon ng lindol na posibleng masundan ng tsunami, mga ilang oras po iyong gap bago mangyari iyong sinasabing tsunami?

USEC. SOLIDUM: Dito sa Pilipinas mayroon tayong tinatawag na local and distance tsunami. Iyong local tsunami, iyong lindol ay na-generate lang sa gilid ng Pilipinas at ang tsunami puwedeng kasing bilis ng 2 to 5 minutes up to 30 minutes. Kapag mas malayo sa epicenter, siyempre mga isang oras. Pero dapat sa ating pagpaplano [garbled] ay sabihin na nating maikli lang ang oras. Marami na tayong 2 minutes, 5 minutes… siguro up to 30 minutes darating na iyong tsunami. So hindi naman po magtatagal na magkaroon ng lindol at maghihintay tayo nang napakatagal na oras at walang alon na dumating eh wala na po talagang tsunami iyon.

USEC. IGNACIO: Ah, okay po. Usec., magkakaroon po ba daw ng aftershocks itong mga ganitong uri ng lindol na umabot sa 5.4?

USEC. SOLIDUM: Posible pong magkaroon ng aftershocks. Usually ang tinitingnan natin na nagkakaroon ng aftershocks ay magnitude 4.5. Pero sa kasalukuyan wala tayong masyadong nari-record na significant aftershock pagkatapos noong magnitude 5.4 kagabi diyan sa karagatan/offshore ng Prieto Diaz, Sorsogon.

USEC. IGNACIO: Opo. Usec., paglilinaw pa rin. Ito daw pong nangyaring lindol sa Sorsogon ay wala daw po bang kinalaman sa mga bulkan na nasa paligid sa Bicol?

USEC. SOLIDUM: Ah, wala naman sa nakikita natin kasi hindi ganoon kalaki ang lindol na nangyari. Siguro po kung mga major earthquake events, posible pong maalog ang mga bulkan lalung-lalo na sa mga bulkan na may magma na nasa ilalim at ready to be erupted, doon po natin makikita ang epekto nito. Pero sa tingin natin, iyong nangyari sa Sorsogon wala namang epekto sa mga bulkan sa paligid. Pero nonetheless po, binabantayan naman ng DOST-PHIVOLCS ang mga aktibong bulkan diyan sa Bicol tulad ng Mayon and Bulusan 24 hours by 7.

USEC. IGNACIO: Opo. May mga nagsasabi rin po na posible daw po ito na puputok ang Bulkang Taal within this year. Totoo po ba ito at sinasabi daw po mas malakas daw iyong magiging pagsabog? Ito’y mga tanong lang po, hindi naman po tayo nananakot ano po. Para lang po sa kalinawan ng marami.

USEC. SOLIDUM: Dumating na rin po sa akin iyang katanungan na iyon dahil sa may manghuhula. Ang atin pong sinasabi sa kasalukuyan, ang alert level ng Taal Volcano ay Alert Level 1. Ito ay unang antas sa normal na lebel at alam natin na katatapos lang ng kaniyang pagsabog. So ‘pag Alert Level 1 po, ang ating nakikita ay maliliit na [garbled] po sa pagpapakulo ng tubig dahil sa mainit na magma o bato sa ilalim. Kung sakali namang magkakaroon nang escalation ng activity ang Taal Volcano [garbled]. Sa kasalukuyan, wala pang pinapakitang increasing activity ang Taal Volcano. Ang bawal lang po ay pumunta sa volcano island kasi nga nandiyan iyong possibility na maliliit na steam-driven explosion.

USEC. IGNACIO: Opo. Usec., may maaasahan po bang pagsabog ang mga bulkan ngayong 2020 o maayos naman po, wala kayong nakikitang ganoong pangyayari? Mukha kasi pong, Usec., naka-quota na po tayo sa mga pangyayari – unang taon pa lang ng 2020 nagkaroon na tayo ng Taal, ng COVID, ng mga bagyo. Ano po ang masasabi ninyo dito, Usec.?

USEC. SOLIDUM: Tama kayo na sana wala na pero sa nakikita natin, nasa Alert Level 1 pa lang ang mga tatlong volcanoes na atin talagang tinitingnan na above normal ang category – ito po’y Taal Volcano, Mayon Volcano and Kanlaon Volcano. Ang atin lang parating paulit-ulit na binabanggit ay pag-ingatan iyong mga maliliit na pagsabog pero iyong mga major explosion, wala pa tayong nakikita sa kasalukuyan.

USEC. IGNACIO: Opo. Usec., ano naman daw po iyong update doon sa isinusulong po na paglikha ng Department of Risk Reduction and Management Office?

USEC. SOLIDUM: Ito pong Department of Disaster Resilience ay naipasa na iyong version sa Lower House, sa House of Representatives at siguro sa Senate na po iyan. Dito po talaga sinusulong ng ating gobyerno na magkaroon ng isang departamento na talagang magsimula pa lang sa pagpapababa ng mga posibleng epekto bago pa dumating iyong mga panganib hanggang pagriresponde nang tama at hanggang recovery ay maging under one roof ‘no na mayroon talagang mga nakatutok na mga disaster managers para naman pulido at seamless ang mga trabaho. Hindi rin naman po mawawala ang tulong ng mga iba’t ibang departamento at mga ahensiya kasi mandate pa rin po ng lahat iyan. Pero iyong coordination effort ay mas mapapaganda kung mayroon nga pong isa na departamento at sana nga po ay matalakay po ito sa Senado.

USEC. IGNACIO: Opo. Usec., kunin ko na lamang po iyong mensahe ninyo sa ating mga kababayan ngayong araw.

USEC. SOLIDUM: Sa atin pong mga kababayan, despite sa COVID-19 na nangyayari, huwag po nating kalimutan na ang ating bansa ay marami pang mga natural na panganib na kailangang paghandaan. Nakita na po natin ang pagdaan ng mga bagyo na nagdulot ng pagbuhos nang malalakas na ulan at nagkaroon ng mga baha at landslide, paminsang may lindol at paminsan may pagsabog ng bulkan at ang atin ring sinasabi na pambihira pero nangyayari iyong mga storm surge at tsunami na kailangan nating paghandaan.

Dapat po ang ating perspective, maghanda tayo sa mga natural na panganib ganoon din sa COVID at ito po ay dapat isinaalang-alang natin sa ating mga pamilya, sa ating komunidad upang mas maging ligtas ang ating bansa. Malaki pong epekto ang COVID-19 at mga natural disasters sa ating ekonomiya at tayo pa rin po ay naaapektuhan nito. So tulung-tulong po tayo para mas maging ligtas ang bawat isa sa atin.

USEC. IGNACIO: Okay. Salamat po, Usec. Renato Solidum sa inyo pong pagpapaunlak dito sa Laging Handa Public Briefing. Salamat po.

USEC. SOLIDUM: Maraming salamat din.

USEC. IGNACIO: Okay. Huwag po muna kayo bibitiw at magbabalik pa ang Public Briefing #LagingHandaPH.

[COMMERCIAL]

USEC. IGNACIO:  Magkakahiwalay na tulong sa ating mga kababayang tricycle operator at driver, market vendors at mga nasalanta ng nagdaang pagbaha, napagkalooban po ng tulong ng pamahalaan. Narito po ang report.

(NEWS REPORTING)

USEC. IGNACIO:  Samantala, puntahan naman natin ang mga nakalap na balita ng ating mga kasama sa ilang lalawigan sa bansa, ihahatid po iyan ni Ria Arevalo ng PBS-Radyo Pilipinas.

(NEWS REPORTING)

USEC. IGNACIO:  Maraming salamat sa iyo Ria Arevalo ng PBS-Radyo Pilipinas. Samantala, sa Cordillera Region naman po tayo, may balitang hatid si Eddie Carta.

(NEWS REPORTING)

USEC. IGNACIO:  Maraming salamat sa iyo Eddie Carta ng PTV-Cordillera. Samantala, makibalita naman po tayo sa Davao City, makakasama natin si Jay Lagang. Jay?

(NEWS REPORTING)

USEC. IGNACIO:  Maraming salamat sa iyo Jay Lagang ng PTV-Davao. Maghahatid naman po ng balita sa Cebu, makakasama natin si John Aroa. John?

(NEWS REPORTING)

USEC. IGNACIO:  Salamat sa iyo, John Aroa ng PTV-Cebu. Samantala nais po nating pasalamatan – maraming salamat po sa ating mga partner agency para sa kanilang suporta sa ating programa at maging ang Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas. Nagpapasalamat din po kami sa Filipino Sign Language Access Team for COVID-19. Mabuhay po kayo.

At diyan po nagtatapos ang ating programa sa araw na ito. Ako po ang inyong lingkod, Usec. Rocky Ignacio ng PCOO. Samantala, 17 days na lamang po at Pasko na.  Hanggang bukas po muli, dito lamang sa Public Briefing #LagingHandaPH.

 

###

 

 

SOURCE: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)