USEC. IGNACIO: Magandang umaga Pilipinas. Makabuluhang impormasyon kaugnay sa ating laban kontra COVID-19 at iba pang isyu na mahalagang mapag-usapan ang muli naming ihahatid sa inyo.
ALJO BENDIJO: Ngayon pong Huwebes ng umaga [garbled] ng pamahalaan na bigyan po ng linaw at kasagutan ang mga katanungan ng taumbayan; ako po si Aljo Bendijo.
USEC. IGNACIO: Sa ngalan po ni Secretary Martin Andanar, mula sa PCOO, ako po si Usec. Rocky Ignacio at ito ang Public Briefing #LagingHandaPH.
At upang sumagot sa mga tanong ng bayan, maya-maya lamang ay makakasama natin sa programa sina DOST Secretary Fortunato Dela Peña at DILG Undersecretary Jonathan Malaya.
ALJO BENDIJO: Makakasama rin natin sa paghahatid ng mga balita ang mga PTV correspondents sa iba’t ibang probinsiya at ang Philippine Broadcasting Service.
Samantala, para po sa inyong mga katanungan, maaari kayong mag-comment sa live streaming ng ating programa sa PTV Facebook page.
USEC. IGNACIO: Para sa mga balita: Panukalang budget para sa taong 2021 aprubado; sapat na pondo para sa bakuna kontra COVID-19 tiniyak ni Senator Bong Go. Para sa iba pang detalye ng balitang iyan, panoorin po natin ito:
[VTR]
USEC. IGNACIO: Sa iba pang balita: DILG pinaalalahanan ang mga opisyal ng pamahalaan na maging ehemplo sa pagsunod sa minimum health standard tuwing may pagtitipon. Para sa iba pang detalye, narito po ang report:
[VTR]
ALJO BENDIJO: Clearing operations sa Kalakhang Maynila at iba pang mga mahahalagang updates sa mga programa ng DILG ang atin pong pag-uusapan kasama si DILG Undersecretary Jonathan Malaya. Magandang araw po, Usec.
DILG USEC. MALAYA: Magandang araw, Aljo. At magandang araw, Usec Rocky at sa lahat sa inyo sa Channel 4.
ALJO BENDIJO: Opo. Kumusta po ang pagbabalik ng nationwide road clearing operations natin sa ilang lugar sa bansa, Usec?
DILG USEC. MALAYA: Maayos naman po. Ilang linggo pa lang naman nagsisimula itong ating clearing. We started it last November 16 at matatapos pa po iyan sa January 15 next year. So mayroon pa pong more than one month and ating mga local government units para tanggalin iyong mga nakahambalang na mga obstructions sa mga kalsada, kasama na rin po iyong mga iba’t ibang obstruction na nakikita na rin natin sa mga sidewalk.
Sa tingin ko po, hindi na po mahirap itong second phase ng road clearing dahil nagawa na po natin ito. Naging matagumpay po iyong first phase natin, at pinalawig lang po natin iyong ating road clearing 2.0 kahit po tayo ay nasa pandemya.
ALJO BENDIJO: Opo. May data ba kayo, Usec., kung nasa ilang road obstructions na ang na-resolve nitong mga nakalipas na araw o nakalipas na linggo, Usec?
DILG USEC. MALAYA: Opo, kinakalap pa po namin iyong reports mula sa iba’t ibang rehiyon sa ating bansa. At iyong iba pong mga LGUs kasi ay nakikiusap na kung puwede mag-final push sila ng road clearing after the Christmas holiday. Kasi alam naman po natin kapag Christmas holiday, mayroon po tayong mga tiangge na pinapayagan ng LGU so long as na may ordinansa po iyan. So given na Pasko naman po itong Disyembre, iyong iba pong mga LGUs ay magpu-full blast sa kanilang road clearing operations sa January, pagkatapos po ng New Year.
So doon po natin makikita siguro, Aljo, iyong kabuuang bilang ng mga kalsadang na-clear na ng ating mga kababayan, ng mga local government units. Ngunit liwanagin ko lang, Aljo, na iba-iba iyong targets ng bawat LGU depending on their quarantine classification. Iyon po dito sa Metro Manila, limitado lamang ang gagawing road clearing; iyong obstruction lamang iyong tatanggalin natin because nasa GCQ pa tayo. Pero iyong ibang mga lugar po, iyong mga MGCQ areas ay full blast na po sila sa road clearing.
ALJO BENDIJO: Ano po ang observation ninyo, Usec., sa daloy naman ng traffic sa mga kalsadang tapos nang isinagawa ang clearing operations? Hindi po maiiwasan may mga talagang makukulit tayong mga kababayan na bumabalik sa bangketa. Ano po ang balak ng Department of Interior and Local Government dito maging ng local government unit sa patuloy na mga kababayan nating lumalabag sa patakarang ito ng ating pamahalaan?
DILG USEC. MALAYA: Opo, tama po iyan. Ang koordinasyon po namin sa MMDA, sa ating mga local government ay ini-intensify natin. At iyong iba nga pong mga kababayan natin ay hanggang ngayon ay hindi pa rin sumusunod, for example, sa ating mga no parking rules and regulations.
So again, pinapaalalahanan po natin ang ating mga kababayan, kung ayaw ninyo pong maabala at isinasagawa na po ng LGU ay ang mga road clearing, tanggalin ninyo na po iyong inyong mga sasakyan. Kasi kung iyan po ay naka-park sa isang no parking zone, puwede pong i-tow iyan at puwede pa kayong mahabla ‘no o makasuhan ng ating mga LGUs kung kayo po ay hindi nagku-cooperate sa ating pamahalaan.
I-emphasize ko lang po, ang tagumpay po ng programang ito ay hindi lamang nakasalalay sa ating mga local government units o kaya naman sa ating mga law enforcement, ito po ay nakasalalay sa ating lahat. Kung wala po ang kooperasyon ng ating mga kababayan ay hindi po magiging matagumpay itong programang ito. So, sana po tumalima tayo sa panawagan ng ating Pangulo at ng DILG para po mas maging maganda ang daloy ng trapiko dahil po natanggal na natin iyong mga road obstructions.
BENDIJO: Usec., sa pagtatapos ng taong 2020, ano ang inyo pong assessment sa nationwide road clearing operation at iyong pag-reclaim ng public roads sa buong kapuluan? Tingin ninyo ba dito, Usec., ay magkakaroon pa ito ng version 3.0 pagkatapos ng Enero 15 – January 15, 2021? Tama ho ba na ito ho ang deadline?
USEC. MALAYA: Opo. Iyong deadline po natin ay January 15 at magsisimula na po ang ating validation sa lahat ng LGUs sa January 18. Isang linggo rin po ang validation na gagawin ng LGU together with the DILG, the Philippine National Police, and the Bureau of Fire Protection.
So, kagaya po ng ginawa namin ang road clearing 1.0 ay iikot po kami sa lahat ng mga local government units para tingnan iyong naging accomplishment nila. So far naman, Aljo, it has been a success so far. Alam ko po iyong iba ay nagrereklamo pa rin bakit hindi pa rin naaayos iyong obstruction sa kanilang lugar. Bigyan po natin ang LGU ng karampatang oras hanggang January 15 pa naman ang road clearing operation.
As I said kanina, iyong ibang mga LGUs have decided to do go full blast after the holidays. So, pagkatapos po ng holiday season doon po magkakaroon ng full blast ang ating mga local government units at kung mayroon po kayong mga nakikitang mga obstruction na patapos na ang road clearing ay hindi pa rin po natatanggal, ipagbigay-alam ninyo po, ipaalam ninyo po sa amin sa DILG so that we can forward the feedback to the local government unit or we can call the attention of the local government unit.
BENDIJO: Sa kabila ng clearing operations sa, Usec., kumusta po iyong establishment ng mga paglalagay ng mga bike lanes sa ilang kalsada lalung-lalo na dito sa Kalakhang Maynila po, Usec.?
USEC. MALAYA: Ito pong effort ng bike lanes ay joint effort po ito ng DILG, ng Department of Transportation, kasama na rin po ang Department of Public Works and Highways. Ang DPWH po, sa lahat po ng mga bago nilang mga road projects ay naglalagay na po sila automatically ng bike lane. Ang DOTr naman po ay mayroon po tayong Metro Manila Bike Lane Network na matatapos po sa Oktubre ng susunod na taon. And on the part of the DILG, kami naman po ang nag-e-encourage sa mga LGUs na magpasa ng mga ordinansa sa kani-kanila namang mga lugar in cooperation and consistent with the Joint Administrative Order on Active Transport issued by the DILG, the DOTr and the MMDA, and of the Department of Public Works and Highways.
Parte po nitong Joint Administrative Order on Active Transport ay iyong template ordinance na puwede pong gayahin ng mga LGUs at ipasa nila sa kani-kanilang mga lugar. Nandiyan di po iyong DILG MC No. 2020-100 and because of this DILG Memorandum Circular, mayroon na pong 126 LGUs sa buong bansa na nakapagsagawa na po ng kanilang local transport route plan at mayroon na rin pong 900 LGUs who have identified roads for cycling and walking sa kani-kanilang mga LGUs at mayroon na rin pong mga 40 LGUs na nagpasa na ng mga ordinansa para po ma-institutionalize iyong kani-kanilang bike lanes.
BENDIJO: Follow-up lang po ako, Usec., ito bang videoke ban Pasko at Bagong Taon lang?
USEC. MALAYA: Sorry, Aljo, can you repeat the question?
BENDIJO: Ito pong pag-i-impose natin ng karaoke ban, ito ba ay ipatutupad during Christmas Day at itong pagsalubong natin ng bagong taon lang?
USEC. MALAYA: Opo. The DILG po highly discourages iyong karaoke ngayong Kapaskuhan alinsunod din po ito doon sa naging panawagan ng Department of Health and according to the DOH, based on recent studies, in particular – aerosol, Science and Technology journal studies, wherein sinasabi doon na loud singing increases viral particle spread by 449%. Ganoon po kataas ang viral spread kung ang isang tao ay kumakanta compared, kumpara sa normal na pagsasalita.
So, given this finding by the scientists, by our health professionals, sinusuportahan po ng DILG ang panawagan ng DOH na ipagbawal muna ang mga karaoke ngayong Kapaskuhan. Ang atin pong gusto sanang mangyari ay maging solemn ang ating selebrasyon, tayu-tayo munang magkakapamilya ang magsama-sama at wala munang pupunta sa kapitbahay or pupunta sa barangay hall para mag-karaoke lamang doon, dahil gaya nga po ng findings ng ating mga dalubhasa, it increases viral spread.
And hindi lamang po iyong pagkanta per se, iyon din pong paghiram-hiram ng mic iyan din po ang isang posibleng risk of transmission sa ating mga kapitbahay o mga kaibigan. So, we are encouraging all local government units sa panahon ngayon ng pandemya na magpasa ng mga ordinansa para ipagbawal ang paggamit ng karaoke in public during this pandemic.
USEC. IGNACIO: Katanungan, Usec. Malaya, ng ating mga kasamahan sa media. Unahin ko na po si Pia Gutierrez ng ABS-CBN: Iyon pong magrenta ng videoke at nagkantahan sa loob ng bahay or sa garahe kung papayagan daw po?
USEC. MALAYA: Sa tingin po namin wala naman pong masama kung kayo ay kumanta sa loob ng inyong bahay. Ngunit kung kayo po ay nasa labas ng inyong bakuran or kahit nasa loob ka ng inyong bakuran ngunit nang-iimbita ka ng mga kapitbahay na pumunta sa inyong bahay, then that becomes a public exercise of karaoke.
Siguro ang importante po dito is we highly discourage iyong public karaoke pero kung kayo po ay dalawa o tatlo sa inyong bahay at magka-karaoke kayo sa loob ng inyong tahanan ay sa tingin po namin wala naman pong masama siguro diyan.
Ang ayaw lang po natin ay maging cause ito ng community transmission and therefore iyong mga kadalasan nating ginagawa kapag Pasko na mayroon tayong community singing sa barangay hall o kaya naman sa kanto ay nagka-karaoke tayo at lahat ay sumasama, iyon po ay gustong ipagbawal ng DILG.
Kaya nga po mayroon po kaming panawagan sa mga LGUs na magpasa ng mga ordinansa para po maisakatuparan itong direktiba mula kay Secretary Eduardo Año.
USEC. IGNACIO: Tanong pa rin po ni Pia Gutierrez: Ano daw po iyong possible sanctions and sino ang mag-i-enforce to make sure na talagang hindi magkakaroon or mawawalan ng paglabag tungkol dito?
Ang follow-up naman po ni Joseph Morong ng GMA 7: Kung huhulihin po sila?
USEC. MALAYA: Depende po iyan sa magiging ordinansa na ipapasa ng mga local government units. As I’ve said, iyong statement ni Secretary Año was more of a discouraging the use of karaoke and encouraging the LGUs to pass their respective ordinances prohibiting the use of karaoke.
So, kung ano po ang nakasaad na parusa doon sa ordinansa, iyan dapat po ang ipatupad ng ating mga otoridad at ang magpapatupad po niyan, of course, ang munisipyo o ang barangay and ang ating kapulisan. Iyan po ang dalawang law enforcement teams na iyan are mandated by law to enforce laws, implementing rules and regulations, including ordinances passed by local government units.
So, kung ang nakalagay lang naman po doon ay warning or fine, then iyon ang ia-apply ng ating mga law enforcement agencies.
USEC. IGNACIO: Usec., so bale iyong videoke establishment, karaoke bars, will they be allowed? Tanong pa rin ni Pia.
DILG USEC. MALAYA: Opo, bawal po ang mga videoke establishments and karaoke bars okay. Ang puwede lang po mag-operate under recent IATF regulations are restaurants. So kung ang lugar po ay it’s a videoke bar and it operates with people singing, it is primarily a videoke or karaoke bar. It is highly discouraged at bawal po iyan primarily because of the findings of the Department of Health na almost 500% ang risk of community transmission if we allow such activities.
USEC. IGNACIO: Opo. Tanong naman mula kay Jun Veneracion ng GMA-7: Are fun runs, duathlons, marathons allowed ba under GCQ and MGCQ areas?
DILG USEC. MALAYA: Okay. Iyan po kasing mga ganiyan, ang allowed lang po under the recent IATF regulations are non-contact sports and wala po kailangan mga spectators. So kung mayroon pong mga fun runs, technically these are prohibited ‘no. Ang ina-allow po natin ay iyong taong na tatakbo or magba-biking on its own ngunit kung mag-oorganisa po tayo nang malakihang event ‘no na non-contact sport, iyan po ay bawal pa rin because nandiyan pa rin po—that violates the provision on mass gathering.
So kung mayroon pong mga ganiyang pagtitipon, the attention of the local government unit and of the Philippine National Police must be called so that ito pong mga ganito ay kailangan kaagad ipagbawal natin kasi puwede pong simulan ng community transmission ang any form of mass gathering.
USEC. IGNACIO: Opo. May pahabol lang si Pia Gutierrez: Paalala sa mga nagbabalak mag-party ng grupo at mag-videoke ngayong Pasko.
DILG USEC. MALAYA: Opo. Gaya po ng sinabi natin, ipagpaliban na po muna natin iyong mga party ngayong Pasko ‘no. Alam ko po na medyo sanay po tayo na magkakaroon ng ganito ngunit huwag po sana nating sayangin iyong hirap na dinanas natin at iyong effort na ibinigay natin para mapababa sa ganitong lebel ang transmission ng COVID sa ating bansa ‘no. Ang active cases po natin ay nasa 20,000 plus na lamang and this is something that we should celebrate.
When we look at the situation in other parts of the world, in particular Europe, India, Indonesia, the United States, Latin America, we are in a much better place. So huwag po nating sayangin ito, bumawi na lang po tayo sa susunod na taon ‘no. Kung wala po tayong Christmas party, itodo natin next year, times two iyong ating Christmas party next year kasi po kailangan po tayong maging istrikto at maging disiplinado sa panahon ng pandemya.
So ang ating pakiusap po sa ating mga kababayan, let’s just make this a solemn celebration of the holidays. Immediate family na muna po, wala na muna pong mga malakihang mga reunions and definitely please do away with Christmas parties.
USEC. IGNACIO: Opo. Tanong naman po mula sa PTV News Desk: Ano daw po ang gagawin ng DILG kaugnay naman sa pagbubukas ng isang mall sa Zamboanga na hindi nasunod ang health protocol?
DILG USEC. MALAYA: Opo. Nakarating po sa amin iyang report na iyan. Our DILG Regional Office is already conducting an investigation, ganoon din po ang ating kapulisan and the Philippine National Police. Ang instruction po namin sa aming regional office doon ay kausapin na kaagad iyong mall, alamin anong nangyari and make sure that this incident does not happen again. And pinapaubaya na muna po namin sa local government unit kung how they will impose the necessary penalties because according to the law, violations of IATF protocols may result in the withdrawal or suspension of the business permit of the aforementioned business establishment.
So we’re awaiting po for the result of the investigation being conducted pero ang sinabi po namin sa local government unit of Zamboanga City is they can immediately impose whatever sanction they think is necessary para po hindi na po maulit ang insidenteng iyon na nangyari sa Zamboanga. Kasi lumalabas po doon sa event na iyon na mayroon pong pagkukulang, based on the video I saw mayroon pong pagkukulang iyong mall management dahil hindi po nila inayos iyong pila sa labas ng mall. Doon na lamang po sila sa pintuan nagbantay at wala silang in-implement na maayos na pila sa labas, wala silang mga guard na idineploy sa kaya nagkaroon po nang kumpulan.
But of course we do not want to base our assessment or judgment simply on the basis of one video that has circulated on social media. So we would rather that we receive a formal report from the DILG Regional Office in Zamboanga City so that we can make the necessary recommendations to the local government unit.
USEC. IGNACIO: Okay. Marami pong salamat, DILG Undersecretary Jonathan Malaya.
DILG USEC. MALAYA: Maraming salamat din po at mabuhay po kayo.
USEC. IGNACIO: Salamat po. Huwag po kayong aalis, magbabalik pa rin ang Public Briefing #LagingHandaPH.
[COMMERCIAL]
USEC. IGNACIO: Nagbabalik po ang Public Briefing #LagingHandaPH. Samantala sa iba pang balita, opisina ni Senator Go kaisa ng iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan, nagpaabot ng tulong sa ilang mga residente sa Iriga at Iloilo City. Ang detalye narito po.
(NEWS REPORTING)
USEC. IGNACIO: Update po kaugnay sa COVID-19 cases sa buong bansa. Base po sa tala ng Department of Health, as of December 9, 2020. Umabot na po sa 444,164 ang total number of confirmed cases. Naitala ang 1,387 new COVID-19 cases kahapon. Pito katao naman po ang bagong bilang ng mga nasawi kaya umabot na sa 8,677 cases ang kabuuang bilang ng COVID-19 deaths sa ating bansa, ngunit patuloy rin naman ang pagdami ng mga nakaka-recover na umakyat na 408,942 with 156 new recoveries recorded as of yesterday. Ang kabuuang total ng ating active cases ay 26,545.
BENDIJO: Patuloy po tayong magtutulungan na masugpo ang COVID-19 sa pamamagitan po sa pagsailalim sa COVID-19 test kung kinakailangan at siyempre katuwang pa rin natin dito ang Philippine Red Cross. Kung nais ninyong magpa-swab test sa Red Cross, narito po ang hakbang na dapat ninyong gawin.
(VTR)
USEC. IGNACIO: Update po sa ginagawang pagsusuri ng DOST sa virgin coconut oil bilang panlaban sa sintomas ng COVID-19 at pagsasagawa ng solidarity trial sa bansa. Atin pong pag-uusapan kasama si DOST Secretary Fortunato Dela Peña. Magandang araw po, Secretary.
SEC. DELA PEÑA: Magandang umaga, Usec! Magandang umaga sa ating tagasubaybay!
USEC. IGNACIO: Secretary, bibigyang-daan ko na lang po muna iyong tanong ng ating kasamahan sa media. Mula po kay Jam Punzalan ng ABS-CBN: Have Pfizer and Moderna signed the CDA? Is the negotiation with them for clinical trial or procurement?
SEC. DELA PEÑA: Ang alam ko, iyan ay supply.
USEC. IGNACIO: Supply po ito, hindi po ito procurement katulad po ng tanong ni Jam. What can you say po about the reports that Sinovac had bribed Chinese regulators? How will this affect the Philippines procurement plan?
SEC. DELA PEÑA: Eh kami, ang ginagawa lang namin iyong evaluation noong clinical trials results. So, iyong procurement, hindi kami ang head, mayroong procurement task group at sila siguro ang puwede ninyong tanungin diyan. Pero as far as the evaluation, we rely on the data that were submitted to us, and that will be one of the basis for the decision, whether they will be given an approval for conducting clinical trials by FDA.
USEC. IGNACIO: Tanong naman po mula kay Sam Medenilla ng Business Mirror: Mayroon na po ba kayang company na na-approve ang application to start the local clinical trial of its COVID-19 vaccine? If yes daw po, ano daw pong kumpanya ito at kailan po ang start ng nasabing trial?
SEC. DELA PEÑA: Iyong mayroon ng approval for both, iyong nagdaan na sa vaccine evaluation at saka iyong ethics ay we have Sinovac (Biotech) and Clover (Biopharmaceuticals).
USEC. IGNACIO: So, iyong Sinovac and Clover po?
SEC. DELA PEÑA: Pero iyong Janssen at AstraZeneca, mayroon na silang ethics clearance, hinihintay na lang natin iyong pagtatapos noong vaccine evaluation.
USEC. IGNACIO: Tanong naman po mula kay Joseph Morong ng GMA 7: Can you update us on the schedule po and mechanics of both private clinical trials and World Health Organization solidarity trials?
SEC. DELA PEÑA: Ang sistema kasi diyan, basta na-endorse na namin iyong mga vaccines na nagdaan na sa vaccine evaluation at saka sa ethics approval, ang FDA na ngayon ang magdi-decide kung approved o hindi. How long it will take, ang FDA ang nakakaalam niyan, pero alam ko ay mabilis naman ang FDA regarding that. So, so far kung mayroon ng dalawang nai-submit na nagdaan na sa vaccine evaluation at saka sa ethics ay iyon na ngayon ang didesisyunan ng FDA. Doon sa WHO solidarity trials, nakahanda na tayo, hinihintay lang natin ang announcement from WHO kung aling bakuna ang gagamitin na, sa solidarity trials at saka kung kailan ilabas. So hinihintay na lang natin iyon.
USEC. IGNACIO: Mula pa rin po kay Joseph Morong ng GMA 7. Are you finding difficulty in recruiting people for the clinical trials?
SEC. DELA PEÑA: Eh hindi pa kasi talagang magri-recruit kung wala pa talaga iyong go signal ng FDA. Importante kasi iyong may go signal na kasi doon mo malalaman kung aling age bracket ba iyong ikukumbinse mo, ire-recruit mo at actually kami hindi kami in-charge sa recruitment. So, ang DOH ay mayroon silang tinatawag na communications group.
Anim ngayon ang aming grupo, DOST oversees evaluation noong vaccine through the vaccine expert panel. Mayroong grupo naman na in-charge sa mga international negotiations. Mayroong grupo na in-charge sa procurement at ang DOH ang in-charge sa logistics, vaccine implementation program at sa communication and information.
USEC. IGNACIO: Secretary, balik po tayo sa Virgin Coconut Oil ano po. Sa inyong pasusuri naglabas nga po ng promising result ang Virgin Coconut Oil sa mga pasyente ng COVID-19. So, kumusta po ito at ano po iyong sinasabi nating efficacy rate nito?
SEC. DELA PEÑA: Well, hindi ito parang bakuna na may efficacy rate. Ito ay pinag-aralan lang kung ano ang naging epekto by having two groups na iyong isa ay binigyan ng VCO at iyong isa hindi binigyan ng VCO.
Dalawa iyong clinical trial na inaprubahan diyan, iyong para sa mga suspects and probable na doon nagpa-confine sa Sta. Rosa Community Hospital; at saka iyong sa moderate and severe na nasa UP-PGH naman iyong clinical trials.
Ang natapos na ay iyong sa suspects and probable na isinagawa sa Sta. Rosa at base doon ay naobserbahan—siyempre ang procedure kasi diyan inihalo sa pagkain nila iyong VCO. Pero kalahati noon ay may kahalong VCO, iyong kalahati o iyong control group ay walang kahalo iyon. Pero random ang pagpili kung sino iyong bibigyan ng VCO at kung sino iyong hindi bibigyan ng VCO.
Wala ding officially nakakaalam kung sino iyong nandoon sa control group at kung sino iyong nasa VCO group or intervention group at iyan ay noong tapos na iyong resulta saka lang binuksan iyong mga codes ano.
Lahat sila ay binigyan ng—ay isinagawa, bibigyan ng three meals a day for 28 days kahit sila ay nakauwi na at dito naobserbahan ikalawang araw pa lang ay nagsimula ng magpakita ng improvement iyong nasa VCO group. Lima out of the 29 ay kinakitaan na ng improvement from the symptoms.
Doon sa control group ay isa lang ang kinakitaan ng improvement.
At bukod diyan ay inobserbahan sila araw-araw at doon nakita na iyong nasa VCO group ay wala na talagang symptoms by day 18, lahat sila ay wala ng symptoms. Doon sa control group na hindi binigyan ng VCO ay umabot pa ng day 23 at sa day 23 ay mayroon pang ilan na mayroon pa ring symptoms, pero karamihan ay wala na ring symptoms.
Bukod diyan ay sinukat iyong kanilang C reactive protein level on day 1, day 14 and day 28 na kung saan ito ay indicator ng infection at doon nakita pagdating ng day 14 ay bumaba na talaga ang level ng CRP, itong C reactive Protein noong ating nasa VCO group. Samantalang iyong nasa control group ay mayroon pa ring nag-i-exceed pa or borderline noong CPR level, actually kahit day 14 na until the end of the intervention.
So, ang conclusion dito ay VCO can be used as an adjunct supplement to probable and suspect COVID cases. And by the way doon sa mga participants, there were 57 of them, 58% sa kanila noong tinest ay talagang PCR positive. Kasi noong pumunta sila doon may symptoms, pero suspect pa lang ang probable. Noong tinest sila 58% ang talagang nag-positive sa COVID-19.
Ang isa pang magandang nakita dito ay wala sa kanilang nag-progress into moderate or severe case. So pupuwede mong masabi na makakatulong iyong VCO para maka-prevent ng deteriorating into moderate and severe.
So, antimano noong nakuha namin iyong resulta na iyan, Tuesday last week ay nagkaroon kami ng virtual presser and at the same day ay sumulat ako sa Philippine Coconut Authority Administrator, kay Administrator Madrigal at saka kay Secretary Mon Lopez ng DTI alerting them that there could be a surge in the demand for VCO. And nag-react naman agad ang PCA by saying that they will see to it that those that will come out in the market are meeting the Philippine Nationals Standards for VCO and of course he is advising customers to check the product that they buy if it has the FDA seal of approval.
USEC. IGNACIO: Secretary, sa ibang usapin naman po. Noong nakaraang linggo ay naglabas na po kayo ng listahan ng mga barangay na sasali sa WHO Solidarity Trial para po sa COVID-19 vaccine. So ilan po ang target participants at paano daw po sila napili?
SEC. DELA PEÑA: Iyong target participants hindi pa natin masabi ngayon, kasi ang WHO ay medyo hindi pa sinasabi kung ilan talaga ang ire-require nila na participants. Noong una ay we were preparing for 2,000 and then later they were telling na doblehin so we increased it to 4,000. But we are still awaiting kung ano ang final decision sa numbers.
So, we are still having the same hospitals that are participating, so depende sa target numbers, iyon ang idi-divide doon sa mga ospital na iyon. So, may mga zone tayo na malalapit doon sa ospital ay hindi ko kabisado iyong mga barangay.
USEC. IGNACIO: Secretary, so paano po ninyo ia-address iyong agam-agam po ng tao sa bakuna?
SEC. DELA PEÑA: Hindi namin sakop iyon, iyong agam-agam sa bakuna. So kaya mayroong task group on information and communication. So sila naman iyong nakakaalam doon sa program on how this will be taken-cared of. But this is being addressed kasi nga anim kaming grupo all reporting to the Vaccine Czar.
USEC. IGNACIO: Napakalaki daw po ng role ng research and development lalo na po nasa gitna pa tayo ng pandemya. So, ano po ang masasabi ninyo na allegedly wala daw po sa 1% ng total annual GDP ang nailalaan ng pamahalaan para po sa research and development sa bansa?
SEC. DELA PEÑA: Eh, ganoon iyon, kahit noong bata pa ako ganoon na iyon, hindi naman nagbabago. So, hindi ko na masyadong iniisip, basta’t ginagawa namin ang aming magagawa pinapakita namin kung ano ang magagawa sa research and development at naghihintay kami ng pagkakataon, dumating sana iyong panahon na mas malaki iyong investment natin for research and development, kasi hindi naman kami ang nagku-control ng budget.
USEC. IGNACIO: Isa rin daw po sa mga issue o problema ng mga scholars ay iyong late na pagri-release ng kanilang incentives o allowance. Ano po ang masasabi ninyo rito at paano po ina-address ng ahensiya ang ganitong mga concerns, Secretary?
SEC. DELA PEÑA: Ginagawa na namin kung ano ang magagawa dahil sa biglang pagdami ng ating scholars at gawa din nitong ating sitwasyon ngayon ano, pati ang bangko namin, ang Landbank ay hanggang alas-dose na lang. Ewan ko ngayon kung nag-extend na sila further. Pero talagang may epekto din itong sitwasyon ngayon. But the money is there, and if only the schools where they are going or submitting the required reports, wala dapat delay. Ang nagiging problema kung minsan ay doon sa mga universities that where they go, na kinakailangan kasi i-submit nila kung sinu-sino ba ang good standing at lahat ng mga records ng sa ganoon, isang release lang noong big amount at sila naman ang nag-a-administer noon.
USEC. IGNACIO: Secretary, kunin ko na lamang po ang mensahe ninyo sa ating publiko?
SEC. DELA PEÑA: Well, ako ay ganoon pa rin naman ang aking mensahe katulad din noong sinasabi ng ating mga leaders, sa IATF, ng ating Pangulo na hindi komo mayroon ng magandang balita sa bakuna eh medyo relaxed na tayo ano at alam naman natin na kahit na nagsimula ng magbakuna sa Inglatera eh it will still take time bago makarating dito iyang bakuna na iyan. At siyempre ang ating payo ay ibayo pa ring pag-iingat.
At walang pinipili po itong disease na ito kaya ibayong pag-iingat ang ating gagawin lalo na po iyong mga nasa vulnerable age bracket or category. At ang mahirap po kasi nito kapag ito ay nagkaroon ng transmission sa isa sa miyembro sa pamilya, napakalaking delikado po sa buong household. Kaya lahat ng members ng household ay kailangang mag-ingat, iyong pag-wear ng mask, ng ating face shield, physical distancing at iyon ngang mga binanggit kanina ni Usec. Malaya napakahalata ‘no.
At ngayon nga ay Kapaskuhan at marami ang ‘ika nga eh, gustung-gusto nang magkantahan, magkainan, magsalu-salo. Alam po naman nating iyan ang ating saya kung Kapaskuhan pero maganda rin iyong payo na let us do it in a solemn way this particular season at siguro naman ay matatapos din po ito. Huwag tayong mawawalan ng pag-asa, ‘ika nga, ang ating pananalig, pag-asa at panalangin at pagpapakita ng pagmamahal sa kapwa, iyan po ang napakahalaga ngayon.
USEC. IGNACIO: Okay. Marami pong salamat, DOST Secretary Fortunato de la Peña. Stay safe po, Secretary.
DOST SEC. DE LA PEÑA: Yes, thank you Usec. Thank you very much.
BENDIJO: Sa puntong ito naman dumako tayo sa pinakahuling balita mula sa iba’t ibang lalawigan sa bansa. Makakasama natin si Czarinah Lusuegro-Lim mula sa Philippine Broadcasting Service. Czarinah…
[NEWS REPORT]
BENDIJO: Maraming salamat, Czarinah Lusuegro-Lim mula sa Philippine Broadcasting Service.
USEC. IGNACIO: Upang maghatid ng iba pang balita, puntahan naman natin si Jorton Campana mula sa PTV-Cordillera.
[NEWS REPORT]
USEC. IGNACIO: Maraming salamat, Jorton Campana.
BENDIJO: Mula naman sa PTV-Cebu, dunay balita si John Aroa. John, maayong udto nimo diha.
[NEWS REPORT]
BENDIJO: Daghang salamat, John Aroa.
USEC. IGNACIO: Mula po sa PTV-Davao, may ulat ang aming kasamang si Regine Lanuza.
[NEWS REPORT]
USEC. IGNACIO: Maraming salamat, Regine Lanuza. At iyan nga po ang aming balitang nakalap ngayong araw. Maraming salamat sa mga naglaan ng kani-kanilang oras.
BENDIJO: Ang Public Briefing ay hatid sa inyo ng iba’t ibang sangay ng Presidential Communications Operations Office (PCOO) sa pakikipagtulungan ng Department of Health at kaisa ng Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas (KBP).
USEC. IGNACIO: Asahan ninyo ang aming patuloy na pagbibigay impormasyon kaugnay sa mga update sa ating paglaban sa COVID-19 pandemic. Maraming salamat din sa Filipino Sign Language Access Team for COVID-19.
BENDIJO: At samantala, 15 days na lang Pasko na. Ipagdiwang po natin ang ligtas na Pasko sa pamamagitan ng pag-iwas sa mga peligrong dala ng COVID-19 dahil may magandang ibubunga ang atin pong pag-iingat – ito ay ang muli nating pagsasama-sama sa susunod na selebrasyon. Ako po si Aljo Bendijo. Daghang salamat, Usec. Rocky.
USEC. IGNACIO: Salamat din sa iyo, Aljo. Mula po sa Presidential Communications Operations Office at sa ngalan po ni Secretary Martin Andanar, ako po si Usec. Rocky Ignacio. Magkita-kita po tayong muli bukas, dito lamang sa Public Briefing #LagingHandaPH.
###
—
SOURCE: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)