USEC. IGNACIO: Magandang umaga Pilipinas. Ngayong araw mahahalagang updates kaugnay sa ating laban kontra COVID-19 pandemic ang muli naming ihahatid sa inyo.
BENDIJO: Kasama pa rin siyempre ang mga opisyal ng iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan, bibigyan natin ng linaw ang mga tanong ng taumbayan. Ako po si Aljo Bendijo.
USEC. IGNACIO: At sa ngalan po ni Secretary Martin Andanar, mula sa PCOO, ako naman po si Usec. Rocky Ignacio at ito po ang Public Briefing #LagingHandaPH.
Maya-maya lamang po makakausap natin sa programa sina Philippine Overseas Employment Administrator Usec. Bernard Olalia; Maria Kristine Josefina Balmes, ang Deputy Executive Director for Operations ng Philippine Commission on Women.
BENDIJO: Tuluy-tuloy pa rin sa paghahatid naman ng mga ulat ang ating PTV correspondents at ang Philippine Broadcasting Service mula sa iba’t ibang probinsya. At samantala kung kayo po ay may katanungan sa ating mga panauhin, maaari kayong mag-comment sa live streaming ng ating programa sa PTV Facebook page.
USEC. IGNACIO: Sa gitna po ng pandemya, may mga kababayan pa rin po tayong nais makipagsapalaran abroad kabilang na diyan ang mga medical professionals, kaugnay niyan ay makakausap po natin si POEA Administrator, Usec. Bernard Olalia. Magandang umaga po, Usec.
POEA ADMINISTRATOR, USEC. OLALIA: Magandang umaga po, Usec. Magandang umaga po sa mga nanunood po sa inyong programa.
USEC. IGNACIO: Opo. Usec., unahin na po agad natin Administrator Olalia iyong opisyal na lifting ng deployment ban sa mga Filipino nurses and nursing aides, ilang araw pa lang po ang nakakalipas. So far ilan na po iyong naitaya nating nakalabas ng bansa simula po noong Martes?
POEA ADMINISTRATOR, USEC. OLALIA: Opo. Magmula po noong nagpasa po ng governing board resolution ang ating POEA dahil po sa pag-apruba ng ating mahal na Pangulo iyon pong lifting ng temporary suspension ng HCWs, tayo po sa POEA ay patuloy pong nagpuproseso ng mga HCWs tulad po ng nurses, nursing aides, at saka nursing assistant na kung saan gusto po nilang magtrabaho sa abroad.
Mayroon na po tayong mga datos, halos mga less than 100 na po iyong napuproseso po natin na mga agencies po na nagpa-process nang new hired patungo po ng UK, Germany at iba’t ibang bahagi pa po ng mundo na kung saan mayroon po tayong ugnayan sa mga hiring ng ating mga HCWs po.
USEC. IGNACIO: Opo. Sir, puwede ba natin linawin itong sinasabing deployment limit, iyong 5,000 na quota ay para sa lahat ng uri ng medical workers na magtatrabaho abroad o ito po ba ay kada propesyon gaya po ng nurse o nursing assistants at doktor?
POEA ADMINISTRATOR, USEC. OLALIA: Tama po ma’am ano, mayroon po tayong tinatawag na ceiling o cap na 5,000 per annum, ito po ay magsisimula next year, January 1, 2021. At ang limit po ng 5,000 ay mag-a-apply sa lahat po ng labing-apat na HCWs kasama na po ang nurses at saka mga iba pang mga nakalagay na under mission critical skills doon sa POEA Governing Board Resolution Number 09 ‘no. Ang ibig pong sabihin nito, ‘pag po sumobra na sa 5,000, tayo po’y humihingi rin ng pahintulot kung tayo po’y papayagan ng IATF base rin po sa assessment natin para po matugunan natin iyong ating pangangailangan dito po sa ating sariling healthcare system gawa po ng pandemya.
USEC. IGNACIO: Opo. Sir, at sila po ay dapat ay newly hired at paano po iyong kung returning OFW po sila sa kanilang employers?
POEA ADMINISTRATOR, USEC. OLALIA: Naku, magandang katanungan po iyan para maliwanagan iyong ating mga OFWs ano.
Iyon pong ating ceiling na 5,000 ay mag-a-apply lamang po sa ating ‘new hires’ kung tawagin. Sila ay iyong agency or direct hires po natin. Hindi po mag-a-apply iyong mga balik-manggagawa natin or iyong returning workers dahil po sa sila ay may mga existing or live contracts na kung saan babalikan po nila iyong mga employers nila na nagbakasyon lamang sila dito sa ating bansa.
USEC. IGNACIO: Opo. Magiging pangmatagalang kalakaran po ba ito ng POEA at ano po iyong magiging dahilan nito?
POEA ADMINISTRATOR, USEC. OLALIA: Tayo po ay magkakaroon nang regular assessment ‘no. Ang ibig pong sabihin nito, pag-aaralan po natin kung tayo po’y magrirekomenda na magkaroon nang additional deployment kapag humigit na po sa 5,000 ‘no, iyon po ang ating gagawin.
Kung matutugunan po natin iyong pangangailangan po natin dito sa atin sariling bansa at medyo bumababa na po iyong bilang ng mga naapektuhan ng COVID-19 ay magandang pong senyales iyan lalung-lalo na po kung hindi po apektado iyong supply ng ating mga nurses dito.
Tayo rin po sa POEA ay mag-aaral doon sa natitira pang labing-isa na skills ayon sa mission critical skills kasama na po diyan iyong doktor, iyong mga pharmacist po natin at dentist dahil hanggang sa ngayon umiiral pa rin po iyong temporary suspension diyan.
Pag-aaralan po natin ang datos natin kung irirekomenda na po ng POEA iyong pag-lift doon po sa temporary suspension nila.
USEC. IGNACIO: Ah, okay. Pero Usec., sentro po ngayon ng atensiyon ang mga kababayan nating nurse sa United Kingdom dahil doon unang nagkaroon ng public vaccination kontra COVID-19. Kasama po ba ang mga Pinoy medical frontliner na nagtatrabaho doon sa priority list na mabakunahan ng UK?
POEA ADMINISTRATOR, USEC. OLALIA: Naku, napakaimportante po na dapat ay unahin po sila. Ang atin pong alam ay sila po iyong kasama sa priority list lalung-lalo na frontliner sila at marami na po sa mga kababayan natin ‘no sa kasamaang-palad ang na-infect ng COVID-19 at marami na rin po ang nasawi. Bagama’t tayo po’y patuloy na nagmu-monitor sa kanilang welfare at tayo po’y tumututok doon po sa mga ahensiya na nag-deploy sa kanila na kung saan kinakailangang tingnan kung may mga issues at kinakailangang tugunan nila iyong lahat ng pangangailangan ng ating mga nurses na na-deploy na all over the world.
USEC. IGNACIO: Opo. Usec., gaano karaming Filipino medical professionals sa UK iyong pinag-uusapan po natin dito?
POEA ADMINISTRATOR, USEC. OLALIA: Ay, marami-rami na rin po ang deployment natin sa UK ‘no. Sa ngayon po hindi ko alam iyong eksaktong bilang pero isa po iyan sa pinakamalaking bilang ng ating mga deployment, iyon pong UK natin ‘no.
Ang nangunguna po sa lahat ay ang Saudi Arabia, pumapangalawa po ang UK, pumapangatlo po ang Germany ‘no.
Kaya ito pong mga destination na ito, tayo po’y nakikipag-ugnayan sa ating mga labor attaché, inaalam po natin kung ano po ang kanilang mga hinaharap na problema lalung-lalo na ngayon po sa panahon ng pandemic.
USEC. IGNACIO: Opo. Hindi naman po ba nahihirapan ang mga kababayan nating OFW na makapag-comply po sa mga travel and employment requirements sa pupuntahan nilang bansa dahil pa rin po sa COVID-19?
POEA ADMINISTRATOR, USEC. OLALIA: Ah bago po sila umalis ng ating bansa, tayo po’y nagpapalabas na po nang appropriate labor advisory kung ano po iyong kanilang patutunguhang mga bansa na may sariling protocol at safety standards na kinakailangang i-observe po nila strictly ‘no.
Sa atin pong bansa may sarili rin po tayong mga protocols na kinakailangan din pong i-observe ng ating mga HCWs bago po sila ma-deploy ‘no. So kumbaga tutulungan po natin sila sa pamamagitan ng pagmu-monitor sa iba’t ibang mga destination kung ano iyong mga health protocols doon at tayo po’y nag-i-echo at pinapaliwanag po natin at ipinapalaganap iyong tamang impormasyon para nang sa ganoon makapag-comply po tayo doon sa mga standards noong mga destination countries pagdating po sa pandemya.
USEC. IGNACIO: Opo. Gaya po nito, Usec., na iniri-require ng China na dalawang mandatory COVID-19 tests para sa Pinoy seafarers. Sino po ang obligadong sumagot ng gastos nito?
POEA ADMINISTRATOR, USEC. OLALIA: Naku napakaimportante pong issues ‘yan ‘no, iyan pong pagdating sa COVID test ng mga joining crew natin o iyong tinatawag nating mga seafarers na mag-i-embark sa mga ships ‘no patungo po sa iba’t ibang destination.
Number one po, liwanagin natin na kaya po nagpalabas ang Chinese government ng ganiyang patakaran ay dahil sa may mga seafarers po tayo na umalis ng bansa, nagnegatibo sa COVID test result pero pagdating po doon sa kanilang bansa eh minsan nagpa-positive. So iyon po ang concern at in-address po natin dahil po sa pakikipag-ugnayan natin sa Chinese government.
At ang nangyari nga po, dalawa po iyong magiging COVID test nila. Una, iyong bago po sila umalis ‘no, kinakailangan may quarantine po sila ay sila po ay magku-COVID para po sa negative test para po sila ay [garbled]. Pagdating po sa barko at sila po ay bababa [garbled] COVID test po iyon para [garbled]…
USEC. IGNACIO: Opo. Usec., inaasahan din po ba na magkakaroon ng bugso ng mga Pilipinong uuwi sa mga susunod na araw dahil sa papalapit na holiday season? May nagbago po ba sa protocol natin for returning OFWs?
POEA ADMINISTRATOR, USEC. OLALIA: Opo. Alam ninyo eh unti-unti na pong [garbled] ang ating [garbled] pagdating po sa [garbled] ng deployment natin. [Garbled] mga [garbled] sector po natin ‘no. [Garbled] unang-una [garbled]…
USEC. IGNACIO: Opo. Usec., medyo nagpuputul-putol po kayo, ano po. Hindi natin naiintindihan iyong sinasabi ninyo. Naririnig ninyo na po ba ako, Usec?
POE ADMINISTRATOR, USEC. OLALIA: Okay [garbled].
USEC. IGNACIO: Iyan, okay. Ulitin ko lang po, magkakaroon po ba tayo nang bagong protocol sa mga magsisiuwing OFWs ngayong holiday season, Usec?
POE ADMINISTRATOR, USEC. OLALIA: Hello po?
USEC. IGNACIO: Opo. Magkakaroon po ba tayo nang bagong protocol, kasi inaasahan po iyong bugso ng mga Pilipinong uuwi dahil sa holiday season? So magkakaroon po ba tayo nang bagong protocol na ipatutupad sa mga returning OFWs?
POE ADMINISTRATOR, USEC. OLALIA: Ay, opo. Iyon pong ating protocol na pinaiiral po ngayon ay paiigtingin pa natin lalo po sa mga panahon ngayon na magsisiuwian iyong ating mga land-based at sea-based OFWs po ‘no. Ang ibig pong sabihin niyan, titingnan po natin iyong kanilang resulta, tayo po ay magku-comply sa mga quarantine protocols po at bawat LGU may sari-sarili pong protocols iyan, tayo rin po ay magpapatupad at paiiralin po natin iyong mga strict quarantine at saka COVID protocols po natin nang sa ganoon wala pong magiging problema sa mga sitwasyon po.
USEC. IGNACIO: Opo. Usec., sa pagtatapos ng taon, may datos na po ba kayo kung gaano karaming manpower agencies iyon pong nagsara dahil sa pandemya? May epekto ba ito doon sa recruitment ng mga Pinoy abroad?
POE ADMINISTRATOR, USEC. OLALIA: Naku, isa po sa hardest hit na sektor po ng ating ekonomiya gawa po ng pandemic ay ang overseas employment at [garbled] natin na mga [garbled] Philippine recruitment land-based agencies at iyong manning agencies po natin ay apektado. Iyon pong land-based po natin, mayroon pong mahigit 50 agencies na ang nagbigay notice sa POEA na iyong kanilang main offices ay pansamantalang magsasara at mayroon pong mga 70 branch offices din ang pansamantalang magsasara.
At dahil po dito ang POEA po, ang Department of Labor and Employment ay tumutulong sa kalagayan ng ating industriya lalung-lalo na sa mga apektadong sektor tulad po ng mga ahensiya, mga OFWs at foreign employers ‘no. Kami po ay nagkaroon ng regulasyon na kung maaari medyo hindi lang tulong, may automatic extension po kami ng mga licenses ‘no. Ibig sabihin nito, huwag po muna nating i-impose iyong mga regulasyon para po makatulong tayo [unclear].
USEC. IGNACIO: Opo, tama po. Totoo po iyan. Samantala may ongoing po kayong virtual job fair, tama po ba Admin? Gaano po karami iyong job openings dito at paano po makakasali iyong mga interesado?
POE ADMINISTRATOR, USEC. OLALIA: Naku, tama po Usec. Bilang tugon po sa lumalaganap na online scam ‘no dahil po gawa ng pandemya ‘no at maraming nagiging biktima ng illegal recruitment, ang Department of Labor and Employment [garbled]…
USEC. IGNACIO: Usec., napuputol po kayo. Usec., naririnig ninyo na po ako? Ulitin lang po natin at medyo talagang naging choppy po iyong dating ninyo kasi napakahalaga po nitong job openings na ito dahil alam po natin na marami po ngayon sa ating mga kababayan naghahanap talaga at magiging interesado diyan, Usec.
POE ADMINISTRATOR, USEC. OLALIA: Opo, tama po kayo Usec. Dahil po sa pandemic po at dahil sa laganap ang online scam, tayo po ay nag-launch ng tinatawag na online jobs fair ‘no at nagsimula po ito noong December 10, umabot nang [garbled]… Hello?
USEC. IGNACIO: Yes, Usec., go ahead. Papaano po daw makakasali iyong mga interesado?
POE ADMINISTRATOR, USEC. OLALIA: Opo. Mayroon pong—iyong website natin, poea.gov [garbled]…
USEC. IGNACIO: Napuputol pa rin si Usec. Anyway, nagpapasalamat po kami sa inyong panahon, POEA Administrator Usec. Bernard Olalia. Salamat po sa inyong panahon.
BENDIJO: Samantala, una sa ating mga balita, laking pasasalamat ng isang guro sa Cebu City matapos makatanggap ng tulong pinansiyal na pambayad sa hospital bills ng kaniyang stepson mula sa Malasakit Center, at ikalimampu’t limang Malasakit Center binuksan sa Marikina City. Para sa iba pang mga detalye narito ang report, panoorin natin:
[NEWS REPORT]
Sa iba pang mga balita, isang buwan makalipas ang pananalasa ng Bagyong Ulysses, unti-unti nang bumabangon ang mga residente ng Lungsod ng Marikina mula sa mga iniwan nitong pinsala. Kaya naman muling nagpaabot ng tulong ang opisina ni Senator Bong Go para sa kanila. Narito ang report:
[NEWS REPORT]
USEC. IGNACIO: Huwag po kayong aalis magbabalik pa ang Public Briefing #LagingHandaPH.
[COMMERCIAL BREAK]
BENDIJO: Nagbabalik po ang Public Briefing #LagingHandaPH.
Ngayon po ang huling araw ng 18 day campaign na layong wakasan ang karahasan sa mga kababaihan, atin pong alamin ang resulta ng kampanyang ito mula kay Maria Kristine Josefina Balmes, ang Deputy Executive Director for Operations ng Philippine Commissioner on Women. Magandang araw po, Ma’am!
DEP. EXEC. DIRECTOR FOR OPERATIONS BALMES: Magandang araw din po, Kristine na lang po.
BENDIJO: Miss Kristine, ano po ba iyong nais iparating ng inyong tema this year ‘VAW free community starts with me.’
DEP. EXEC. DIRECTOR FOR OPERATIONS BALMES: Ang tema po natin this year, simula noong panahon ng administrasyong Duterte ay ang ‘VAW free community starts with me, so ito po ay mula 2016 hanggang 2021.
Ang campaign po ay ini-emphasize ang commitment at contribution ng bawat isa para tapusin ang Violence Against Women. Ito din ang nagpapakita ng ideal picture kung ano nga ba ang isang VAW free community at iniengganyo nito ang mga publiko na gumawa ng personal commitment para tapusin at tuldukan ang karahasan para sa mga kababaihan.
BENDIJO: Kumusta po iyong mga isinasagawa nating mga activities, Kristine, para sa 18 day campaign para wakasan itong karahasan laban sa kababaihan?
DEP. EXEC. DIRECTOR FOR OPERATIONS BALMES: Well, sa tulong po ng PCOO ay naging successful po at hanggang ngayon, mamayang hapon po ay mayroon pa po tayong isang online talakayan. With the help of the PCOO, iyong reach po natin sa social media, dahil alam naman po natin na mayroon tayong pandemya, so puro online po iyong ating ginawang campaign this year. Nakaabot po tayo sa halos 300,000 na viewers.
Mayroon din po tayong VAW puppet show series na nasa YouTube account naman po ng PCW. Nakaabot po siya ng halos 30,000 views at 1,209 na reactions.
Iyon pong FB pages likes ng PCW ay dumami rin po, nadagdagan po siya ng medyo malaki at part po ng campaign namin ay nag-distribute kami ng information and education campaign materials sa mga local government units. Napadalhan na po namin dito sa Metro Manila ang mga barangays ng San Juan, Mandaluyong, Malabon, Muntinlupa, Quezon City, Pasig, Las Piñas at Valenzuela.
Nagkaroon din po ng orange your icon campaign for 2020 at sumama po at ginawa pong orange ang kanilang mga building ng Bureau of Customs, PICC, National Museum, ang atin pong Rizal Monument at ng iba-iba pong LGUs like Tacloban City at Quezon City. Pati po ang DFA Consular Offices ginawa din po nila itong orange nitong panahon po ng 18 day campaign.
BENDIJO: Opo, sa paglahok po ng mga ahensiya ng pamahalaan at iba pang mga pribadong grupo sa kampanya masasabi ba nating magtagumpay ang kampanyang ito ngayong 2020, Kristine?
DEP. EXEC. DIRECTOR FOR OPERATIONS BALMES: Masasabi ko po na talagang naging magtagumpay po ang ating kampanya ngayong 2020, kahit na po tayo ay nasa pandemic. Marami pong naging online forums, marami pong mga naging webinars na ginawa po at pinangunahan hindi lang po ng government agencies, pati na rin po ang mga CSOs at saka NGOs.
Kagabi nga po ay nagkaroon ng concert para sa ating patuloy na 18 day campaign ng VAW na pinangunahan po ng UNFPA at saka PLCPD [Philippine Legislators’ Committee on Population and Development Foundation, Inc.], ito po ay nag-run sa kanilang Facebook account.
BENDIJO: Gaano po kalaki ang naging impact naman ng ilang buwang community quarantine sa bilang ng mga reports na natatanggap ninyo kaugnay sa pang-aabuso sa mga kababaihan?
DEP. EXEC. DIRECTOR FOR OPERATIONS BALMES: Well, nito pong panahon ng pandemya ay bumaba po ang mga reported cases natin ng Violence Against Women. Ito po ay bumaba dahil alam naman po natin na iyong pandemya ay naging sanhi kung saan ang ating mga kababaihan, lalo na po iyong mga victim/survivor natin ay hindi maka-access ng iba’t-ibang mga services na binibigay ng ating mga service providers.
So, medyo malaki po iyong ibinaba niya pero ito naman po ay hindi ibig sabihin na bumaba ang kaso ng VAW, dahil sa ibang mga reporting sectors po ay nakapag-report naman ang ating mga kababaihan. Sa PNP report lamang po talagang kita na siya ay bumaba, pero ang mga barangay ay nakapagsasabi na tumaas po ang bilang ng VAW reports na natatanggap nila at ang PCW po mismo mayroon po kaming VAW referral services. Halos naging triple po ang dami ng mga complaints at saka mga sumbong na natanggap namin through our cellphone numbers na nasa website namin at pati na rin po sa email na natatanggap po namin at sa social media.
BENDIJO: Kristine, ano po iyong mga karaniwang complaints o sumbong, reklamo na inyo pong natanggap mula sa mga kababaihan. Kabilang ba diyan iyong mga binubugbog, mayroon ding iba, iyong child support at basically, ano po iyong karaniwang complaints o reports?
DEP. EXEC. DIRECTOR FOR OPERATIONS BALMES: Ang pinakamarami pa rin po na complaints na natatanggap namin at saka ito rin po ay kapareho din po ng report ng PNP ay ang mga Violence Against Women and their children na kaso. Ang ibig pong sabihin nito ay karamihan po sa mga complaints ay mayroong close relationship iyong biktima sa kanilang mga perpetrator. Dahil siguro tayo ay nasa pandemya, karamihan lalo na noong panahon ng ECQ ay hindi makalabas. So, ang nagiging tendency po ay iyong ating mga kababaihan ay lalong mas nagiging biktima.
Isa pa rin po sa mataas na complaint na nari-receive natin at report ay ang rape din po, lalo na sa ating mga kabataan. Medyo malaki po ang numero ng rape na nari-receive natin sa 18 years and below po na mga kabataan.
BENDIJO: Okay, paano po nakikipagtulungan ang PCW sa iba pang mga ahensiya ng pamahalaan para gawing epektibo ang inyong mga programa, Kristine, para maprotektahan ang mga inaabuso?
DEP. EXEC. DIRECTOR FOR OPERATIONS BALMES: Ang PCW po ay siyang tumatayo na Inter-Agency Council on Violence Against women and their Children Secretariat at mayroon po tayong sampu na member-agencies nitong IAC-VAWC kung saan patuloy po ang coordination at patuloy ang pagtutulungan para naman masiguro po natin na iyong ating mga kampanya at ang ating VAW (Violence Against Women) referral services ay napu-provide po natin ng maayos sa ating mga kababayang babae at pati na rin sa kanilang mga anak.
BENDIJO: May mga reports po, Kristine na hindi kaagad naiuulat sa pinakamalapit na himpilan ng pulisya at iyong ilan ay hindi po aware sa inyo pong mga contact numbers kung papaano po sila kaagad na maisumbong. Marami po diyan, in fact, mayroon tayong balita sa Ulat Bayan, kakaiba ito dahil bata, menor [de edad] ang involved po dito. So papaano po sila na makapagsumbong sa inyo at hindi mag-alinlangan at maaksiyunan kaagad ang kanilang suliranin lalo na itong mga pang-aabuso sa mga kababaihan at mga batang menor de edad na mga kababaihan?
DEP. EXEC. DIRECTOR FOR OPERATIONS BALMES: Una po ang Violence Against Women and their Children kasi ay isang public crime. So, ibig sabihin po kung walang lakas ng loob iyong biktima iyong bata na siya iyong mismong lumapit at magsumbong, puwede pong kahit sino na may alam tungkol sa kaso o tungkol sa pang-aabuso ang siyang lumapit sa ating mga himpilan ng pulisya at ang pinakauna po na puwedeng lapitan at pinakamalapit sa aming palagay ay ang ating mga Barangay VAW Desk officer. So puwede po silang lumapit dito kaagad-agad at inaasahan po na dapat ay trained ang ating mga VAW Desk officers at ito naman po ang pinangako ng DILG para matugunan po ang mga complaints at ang mga report ng ating mga biktima.
Mayroon din po ang PNP na hotline para naman po kung hindi po talaga makakaalis ng tahanan o hindi kaagad makakalabas para mismong mag-report ay puwede pong tumawag sa 117. Mayroon din po tayo, ito po medyo popular po ito sa ating mga kababaihan, iyong Aleng Pulis hotline, ito po ay 0919-7777377 at ang atin pong PNP Women and Children Protection Center, 02-85326690. Puwede rin po kayong humingi ng legal assistance sa Public Attorney’s Office. Mayroon po silang hotline na 02-89299436 local 106 or 107 o kaya 159, mag-dial lamang po ng 0 para sa operator. Mayroon din po silang hotline na cellphone number 0939-3233665.
Ang PCW po tulad ng nasabi ko kanina through the IAC-VAWC ay mayroon din po kaming referral services. Puwede po kayong tumawag sa 0917-8671907 or 0917-8748961 o kaya mag-email sa IAC-VAWC, iacvawc@pcw.gov.ph. At puwede rin po ninyong makita itong mga numerong ito sa aming website na www.pcw.gov.ph. At puwede rin po kayong mag-message sa aming Facebook account o iba pa po naming social media accounts. Kami po ay handang tumulong sa inyo at i-refer kayo sa mga ahensiya na miyembro ng IAC-VAWC council.
USEC. IGNACIO: Miss Kristine may tanong po tayo sa kasamahan natin sa media. May tanong po si Leila Salaverria ng Inquirer: Kung puwede pong makahingi ng figures ng reports ng Violence Against Women and Children at iyong follow-up question niya, may mga binanggit na rin kayo, baka may maidagdag pa kayo: How does PCW plan to help women have access to reporting mechanisms to report po abused kung hindi sila makakapunta sa pulis. Alam po kasi ninyo, Ma’am, isa po kasi sa pinakadahilan pa rin, kapag babae ka medyo nahihiya po tayo na magsumbong o pumunta sa mga kinauukulan. So, papaano po ang mekanismo ang ibinibigay natin, ipinagkakaloob po natin sa ating mga kababaihan?
DEP. EXEC. DIRECTOR FOR OPERATIONS PCW BALMES: Una po ay sasagutin ko iyon pong kaniyang katanungan kung saan daw po makakakuha ng latest na data. Puwede po kayong humingi ng report sa PNP, pero puwede rin po kayong mag-email sa PCW, tulad po ng nasabi ko kanina – iacvawc@pcw.gov.ph. Sa kasalukuyan po, simula po noong tayo ay nagka-pandemya, nagkaroon na po ng reported cases from March 15 to November 30 na 13,923. Ang Violence Against Women po na cases dito ay 9,176 at ang mga Violence Against Children ay 4,747.
Ang pinakamataas po na rehiyon na mayroong kaso ng mga Violence Against Women and their Children o gender-based violence cases ay ang region VII po, ang Cebu. Halos triple po ang number ng cases nito o doble po ang number ng cases nito kumpara sa National Capital Region. So, sila po ang may pinakamarami na kaso nitong panahon ng pandemya. Kung iku-compare naman po natin iyong dami ng kaso noong mga nagdaang taon sa ngayon, tulad po ng sinabi ko kanina, talaga pong medyo malaki ang ibinaba ng kaso natin.
Pero nasabi na rin po ninyo kanina, isa po sa pinaka-rason kaya hindi nakakapag-complain o nakakapag-report ang ating mga kababaihan ay dahil na rin po sa sila iyong mababa po ang help-seeking behavior ng ating mga kababaihan sa Pilipinas. Isa lamang po sa kada-tatlong babae na nakaranas ng karahasan ang nagri-report.
Isa pa po siguro sa isyu ngayon kung bakit hindi sila makapag-report dahil nga po sa community quarantine at siguro iniisip nila nag-iba na rin ng procedures kung paano mag-report. Pero katulad po ng nasabi ko kanina, kahit sino po na may alam tungkol doon sa kaso o sa report ay puwede pong magsumbong. Ano po ba ang ginagawa ng PCW? Tulad ng nasabi ko kanina, kami po ay ready na sumuporta at magbigay ng referral services po sa mga kababaihan
Hindi po implementing agency ang PCW. Ibig sabihin po nito, wala po kaming kakayahan na direktang tumulong sa inyo. Pero bilang po IAC-VAWC Secretariat, kami po ay nagri-refer naman sa mga ahensiya na handang tumulong at mga nagbibigay ng serbisyo para po sa ating mga biktima ng Violence Against women and gender-based violence.
BENDIJO: Miss Kristine, gaano po kalaki ang maitutulong sa pagbaba ng rape and abused cases sa bansa sakaling maisabatas itong anti-violence against partners and their children bill. Inihain iyan ni Rizal Representative Fidel Nograles at ano ang mangyayari doon sa mayroon tayong VAWC Law – RA 9262 tama ho ba?
DEP. EXEC. DIRECTOR FOR OPERATIONS PCW BALMES: Opo, mayroon po tayo noon. Iyon pong bagong batas na inihain po natin ay malaki rin po talaga iyong maitutulong sa ating mga kababaihan. Mayroon din po tayong batas na bagong pinirmahan ng ating Presidente, ito po ang Safe Spaces Act at pinalawak po nito ang RA 9262. Iyong RA 9262 po kasi ay ang nasasakop lang nito ay iyong mga tao na iyong mga perpetrator na may authority over the victim.
Pero ito pong ating bagong Safe Spaces Act ang nasasaklaw na po niya ay iyon naman pong empleyado ang nagha-harass ng kaniyang boss o iyong estudyante ay nangha-harass ng kaniyang teacher o kung pareho kayong estudyante o pareho kayong empleyado. Kasama na rin po sa Safe Spaces Act ang online sexual harassment. So kahit po online puwede na po ninyong isumbong itong mga kaso na katulad nito.
Iyon pong bagong iprinopose na bill, sinusuportahan din po iyon ng Philippine Commission on Women at kami naman po ay nakahanda na tumutok para magbigay din ng impormasyon kung kami po ay sakaling ipapatawag ng Kongreso para po magbigay ng suporta sa mga batas na katulad nito.
BENDIJO: Ano po ang masasabi ninyo naman, Kristine, kaugnay sa binuksan kamakailan na bahay-kanlungan na laan para sa mga victims/survivors of gender-based violence and abuse?
DEPUTY EXECUTIVE DIRECTOR BALMES: Nakakatuwa po na napakarami pong proyekto ng ating local government unit lalo na po ng Quezon City kung saan po sila ay katulad nga po ng nasabi ninyo, na nagbukas po ng isang shelter para sa ating mga victims/survivors ng gender-based violence and abuse. Ito po ay nabuksan noong November 27 at inilunsad nga po ito ng Quezon City government sa pangunguna po ng ating Mayor Joy Belmonte na talaga naman pong napaka-active pagdating po sa pagtulong sa ating mga abused women/children pati na po ang LGBT.
This shelter daw po ay magsi-serve as protective measure ng local government para masiguro na ang mga VAW victims natin ay makakuha ng mga necessary services tulad po ng medical assistance, legal service at saka counselling.
At sana po ay iniengganyo namin na iyong iba pa pong LGUs ay gumaya na rin po at magkaroon na rin po ng ganitong service. Ang Davao City po ay mayroon, mayroon po silang shelter pero dito po sa NCR nanguna nga po itong Quezon City.
BENDIJO: Opo. Sa mga nakaranas ng pang-aabuso, ano po ang inyong mensahe sa kanila at ano lamang po ang inyong—sa pangkalahatan, mensahe sa lahat ng ating mga kababaihan saan mang panig po ng mundo?
DEPUTY EXECUTIVE DIRECTOR BALMES: We continue to encourage po everyone, una, to remain vigilant as our government is starting to relax nga po itong ating limitation related to COVID-19. Pero hindi po ibig sabihin nito ay tayo po ay—at dahil matatapos na po itong 18-day campaign ay tayo po ay titigil na para ipagpatuloy ang ating kampanya para matuldukan na nga po itong karahasan sa ating mga kababaihan.
Nais ko lamang po na ipaalala at ipaalam sa ating mga kababaihan na wala po kayong dapat ikatakot at ang gobyerno po ay mayroong mga mekanismo na handang tumulong sa inyo. Kayo lamang po ay lumapit at mag-report.
Ini-encourage ko rin po ang lahat, hindi lang po ang mga kababaihan na lalo na po ang ating mga kalalakihan na maging involved po dito sa kampanyang ito dahil kayo po ang mas makaka-influence sa kapwa ninyo lalaki para hindi po mang-abuso ng mga kababaihan.
Iyon po muli, nandito po ang Philippine Commission on Women para po tumulong sa ating mga kababayan, ating mga kababaihan na nakakaranas nang karahasan. Magandang umaga pong muli sa inyong lahat.
BENDIJO: Maraming salamat, Kristine Josefina Balmes, ang Deputy Executive Director for Operations ng PCW.
USEC. IGNACIO: Dumako naman tayo sa update kaugnay sa COVID-19 cases sa buong bansa. Base po sa tala ng Department of Health as of December 11, 2020 umabot na sa 447,039 ang total number of confirmed cases. Naitala ang 1,504 new COVID-19 cases kahapon. Walo katao naman po ang bagong bilang ng mga nasawi kaya umabot na sa 8,709 cases ang kabuuang bilang ng COVID-19 deaths sa ating bansa ngunit patuloy rin naman ang pagdami ng mga nakaka-recover na umakyat na sa 409,329 with 273 new recoveries recorded as of yesterday. Ang kabuuang total ng ating active cases ay 29,001.
BENDIJO: Patuloy po tayong magtulungan na masugpo ang COVID-19 sa pamamagitan nang pagsailalim sa COVID-19 tests kung kinakailangan at siyempre katuwang ang Philippine Red Cross. Kung nais ninyo pong magpa-swab test sa Red Cross, narito ang mga hakbang na dapat ninyong gawin:
[VTR]
USEC. IGNACIO: Samantala, walang patid na pagtutulungan at pagtugon ng mga lokal na pamahalaan sa gitna ng COVID-19 pinuri ni Senator Bong Go. Ang detalye, narito po:
[NEWS REPORT]
BENDIJO: Sa puntong ito, dumako naman tayo sa pinakahuling mga balita mula sa iba’t ibang lalawigan sa bansa. Makakasama natin si Aaron Bayato mula sa Philippine Broadcasting Service. Aaron…
[NEWS REPORT]
USEC. IGNACIO: At iyan nga po ang mga balitang aming nakalap ngayong araw. Maraming salamat sa mga naglaan ng kani-kanilang oras. Ang Public Briefing ay hatid sa inyo ng iba’t ibang sangay ng Presidential Communications Operations Office sa pakikipagtulungan ng Department of Health at kaisa ng Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas o KBP.
Asahan ninyo ang aming patuloy na pagbibigay impormasyon kaugnay sa mga update sa ating paglaban sa COVID-19 pandemic. Maraming salamat din sa Filipino Sign Language Access Team for COVID-19.
BENDIJO: At samantala, 13 days na lang Pasko na!
So ngayong holiday season po ha, huwag kalimutan ang dobleng pag-iingat sa banta pa rin ng COVID-19. Kung bibili po tayo ng pangregalo, lumabas lamang kung kinakailangan at sundin pa rin natin iyong mga health protocols ha.
Salamat pong muli sa inyong pagtutok, ako po si Aljo Bendijo. Usec., thank you so much.
USEC. IGNACIO: Salamat sa iyo, Aljo. Sa ngalan po ni Secretary Martin Andanar, mula sa Presidential Communications Operations Office, ako naman po si Usec. Rocky Ignacio. Magkita-kita po tayo sa Lunes dito lamang sa Public Briefing #LagingHandaPH.
###
Source: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)