SEC. ANDANAR: [OFF MIC]… kontra COVID-19 kaya naman mahalaga na ang balita’t impormasyon ay muling maihatid namin sa inyo ngayong araw ng Huwebes, December 17.
USEC. IGNACIO: Sa loob ng isang oras, ang mga katanungan ng ating bayan ay lilinawin kasama ang mga opisyal ng iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan. Ako po si Usec. Rocky Ignacio.
SEC. ANDANAR: Mula sa PCOO, ako naman si Secretary Martin Andanar at ito ang Public Briefing #LagingHandaPH.
Upang sumagot sa mga tanong na bayan, maya-maya lang ay makakasama po natin sa programa sina OWWA Administrator Attorney Hans Leo Cacdac; BJMP Spokesperson Chief Inspector Xavier Solda; DTI Secretary Ramon Lopez.
USEC. IGNACIO: Makakasama rin natin sa paghahatid ng ulat ang mga PTV correspondents mula po sa iba’t ibang probinsiya at ang Philippine Broadcasting Service.
Samantala, para naman sa inyong mga katanungan, maaari kayong mag-comment sa live streaming ng ating programa sa PTV Facebook page.
Una sa ating mga balita: Panukalang batas ni Senator Bong Go na layong magkaroon ng Department of Overseas Filipinos na tututok sa pangangailangan ng ating mga OFWs sinertipikahan na ni Pangulong Duterte bilang urgent. Para sa iba pang detalye, panoorin po natin ito:
[VTR]
USEC. IGNACIO: Sa iba pang balita: Senator Bong Go muling isinusulong ang mga panukalang batas na layong gawing moderno ang mga kagamitan ng BFP at magtatag ng permanenteng evacuation centers sa bansa. Narito po ang report:
[VTR]
USEC. IGNACIO: Samantala, mahigit isanlibong residente mula sa San Andres, Quezon na nasalanta ng Bagyong Quinta nakatanggap ng tulong mula sa tanggapan ni Senator Go. Narito po ang detalye:
[VTR]
SEC. ANDANAR: Ngayong ilang araw na lang ang binibilang natin bago mag-Pasko, todo handa na sa kanilang pang-noche buena at Pamasko ang ating mga kababayan. kaugnay diyan, may mahalagang paalala po ang Department of Trade and Industry sa lahat ng mga consumers. Makakausap natin ngayon si DTI Secretary Mon Lopez.
Good morning, Sec. Mon!
SEC. LOPEZ: Good morning, Sec. Martin, USec. Rocky at sa lahat po ng inyong tagasubaybay, good morning po.
SEC. ANDANAR: Sec. Mon, buhay na buhay po ang mga shopping areas ngayong magpa-Pasko pero kaakibat nito ay ang pinangangambahang surge muli sa COVID-19 cases. Sa poder po ng DTI, ano ang ginagawa ninyo upang hindi sumipa muli ang bilang ng mga mahahawaan nito?
SEC. LOPEZ: From the DTI standpoint, parati po nating ipinapaalala, Sec. Martin, na huwag po tayong bibitiw dito po sa ating health protocols, iyong atin hong pagsuot ng face mask at ngayon po required na ang face shield kahit nasa labas tayo at lalo na iyong mga physical distancing, paghugas, disinfect at huwag tayong pumunta sa mga crowded na lugar. Kung alam na nating masikip ang isang lugar huwag na tayong sumali doon dahil doon po talaga nagkakaroon ng pagkakahawaan. Kaya kailangan din maganda ang ventilation ng isang lugar na papasukin natin.
At ngayon po may programa po tayong nilulunsad. Unang-una po, kailangan mai-download po itong contact tracing system po natin para po makatulong ho sa una po, magabayan iyong establisyimento pati ho tayo kung ang isang lugar ay may mga COVID positive o kaya ay may mga exposed na individuals at tayo po, sa pamamagitan nitong digital contact tracing na tinatawag na StaySafePH.
So, we encourage all private establishments pati ho iyong mga individual lalo na iyong mga pumapasok sa establisyimento na iyon na i-download na lang po ang StaySafe. Ito po ang authorized po ng IATF and which is government owned at pasado na po ito sa privacy concerns natin at ito po ay naka-integrate sa sistema po ng DOH kaya ho maganda ito pong i-download na, StaySafePH system ang atin pong gamitin.
At ang next na programa po natin diyan ay magbabalangkas tayo ng guidelines para magbigay ng accreditation doon po mga private establishment na malagyan sila ng safety seal. Eksakto ang nakasulat: “Safe Dito” na sticker ang ipapaskil sa mga entrada, sa mga entrance ng mga establisyimento, private opisina whether ito po ay building, factory or itong mga nasa mall, iyong mga tindahan sa mall. Restaurants, lahat po iyan ng mga pinupuntahan ng tao iyan po ay lalagyan natin ng ‘Safe Dito’ sticker. Gumagawa kami ng guidelines ngayon – inter-agency DOH, DILG, DOT, DOTr, DTI – para po magkaroon ng guidelines sa pag-iisyu po ng sticker na iyan. Pero at least, ito po ay magpapalakas-loob sa ating mga kababayan na iyong papasukin nilang mga lugar ay sumusunod po sa minimum health protocol, iyong tindahan, at ito po ay naka-connect din sa StaySafe na sistema ng digital contact tracing.
So, iyon po iyong magandang balita po natin na ma-at ease ang ating mga consumers ay makakalabas na mas kampante ang kanilang loob kung sila po ay pupunta sa mga lugar na sumusunod sa minimum health protocol. At siyempre po on their own, on our own tayo po ay sumusunod din sa mga minimum health protocols para ho safe po ang ating pag-reopen ng ating economies, safe po ang ating Kapaskuhan at hindi po magkaroon ng pinapangambahang surge ng mga cases ng COVID.
SEC. ANDANAR: Sakali mang hindi na ma-control ang paglobo ng bilang at kailanganin muling ibalik ang mas istriktong movement ng mga consumers eh kakayanin ba ulit ito ng ating business sector?
SEC. LOPEZ: Sa tingin ko, Sec. Martin, mahihirapan po kung tayo ay maghihigpit pa ng mga lockdown. Ang importante ho talaga paigtingin, palakasin itong enforcement po natin. At of course, we are still doing itong granular lockdown. Kung kinakailangan, very specific, kung saang lugar nagkaroon ng mga cases doon lamang at iyon po iyong isasara pero hindi na ho kailangan ng buong area, buong city or buong Metro Manila for example, ang kailangang higpitan or isara. Doon po tayo sa sistema ng granular lockdown.
Sa pamamagitan noon ay the other parts can continue to do business, iyong economic activities ay magtuloy dahil po malaking tama na po tayo sa kagutuman, sa unemployment sa economic development po natin – naantala. Although ngayon po nakita natin sa pag-reopen ng economy ay unti-unting bumabangon. Nagkaroon po tayo ng mga signs of recovery in terms sa GDP, unemployment, lahat po ito ay nabawasan na noong malalang sitwasyon tulad noong April at May at June.
So, iyon naman po iyong nakikita natin although we are still far from iyong pre-pandemic, pre-COVID levels, pero at least umaangat na ho papunta doon. So, hopefully pagtulung-tulungan natin ito kasi the more na maipakita natin na in reopening, in reviving demand, reviving economic activities at hindi lumalala iyong cases, the more na magkakaroon tayo ng confidence na magbukas pa ng ekonomiya.
SEC. ANDANAR: May mga naka-deploy naman po ba kayong mga tauhan para i-check ang pagsunod sa minimum health standards ng mga establishments?
SEC. LOPEZ: Opo. Mayroon po tayong mga special forces po from the DOT, DTI in coordination of course with iyong LGUs, sila rin po iyong mga umiikot at kasama po namin pati DOLE sa pag-inspect po ng mga lugar na kung sumusunod sa mga minimum health protocols. At ang atensiyon po nila ay tinatawagan kapag may mga violation at para i-correct nila iyong mga violations na iyon.
In fact, iyong sa mga malls, mayroon ho iyang mga health protocol marshals na nagpapaalala sa mga customers, sa mga umiikot, naglalakad sa mall in terms of physical distancing, pagsunod doon sa mga arrows kung saan dapat sila maglakad para hindi sila dikit-dikit at hindi magkakasalubong.
So, kaya nga po ating ini-encourage din ang ating mga kababayan na kung sila ay let’s say magsasalu-salo, very small group let’s say group of five, group of six ay maganda sa restaurants na rin para matulungan makaangat uli ang ekonomiya, makatulong sa mga SMEs natin at saka sa labas po kasi mas namo-monitor natin ang mga kilos ng ating mga kababayan na masiguradong sumusunod sila sa mga health protocols natin. Mas namo-monitor po ang pagsunod sa health protocol.
SEC. ANDANAR: Bukod sa safety protocols, binabantayan ninyo rin po ang mga presyuhan ng mga produkto ngayong panahon ng Pasko. Aling mga items po ba ang usually tumataas ngayong Pasko?
SEC. LOPEZ: Well, sa DTI, iyong handle po ng DTI, iyong mga manufactured products. We’re fortunate na iyong mga manufacturers sila po iyong mga napakiusapan natin early on, last November pa lang na itong taon na ito huwag silang magtaas ng presyo. Usually ho, mga nag-i-increase sila ng mga 3-5% pero itong mga manufacturers po ng Noche Buena products in coordination with DTI, nakisama po para sa ating mga kababayan dahil sa kahirapan, sa pandemya, maraming nawalan ng trabaho na hindi sila mag-increase. Iyon ang magandang balita at talaga hong same 2019 prices po sila as 2020. So, iyon ang gist, maganda ngayong Kapaskuhan na iyong Noche Buena products ay mami-maintain. Pero tayo rin po, tuluy-tuloy din iyong price monitoring natin hindi lamang nitong noche buena products, pati itong mga sakop natin sa basic necessity and prime commodities and they are under the SRP system, Suggested Retail Price system.
Of course the other thing, ang pinaka-challenging talagang parte ay iyong sa mga palengke at karamihan dito iyong mga agricultural products, talaga pong very challenging in the sense na subject talaga sila sa supply at sa demand eh. Kaya ho kung mayroon mang mga pagtaas ngayon ay dahil talaga sa kahigpitan ng supply na naapektuhan for example ng pagbabawas let’s say ng production. Let’s say sa manok, narinig din natin iyong industriya na konti ang mga nag-produce kaya lumiit ang production at supply ng chicken may impact po ito sa presyuhan. At pagdating din sa baboy, ganoon din ‘no, may epekto naman ang ASF so very challenging [garbled] mga gulay.
Pero sa atin hong mga mamimili, matatalino po ang ating mamimili, pumipili po sila noong… naririnig ko iyong mga feedback po ‘no, iyong mga nai-interview rin – pumipili sila kung ano ang mura sa araw na iyon at iyon ho ang mga binibili nila. Kaya ho at least ito ho magma-manage ng presyuhan in terms of, again, iyong supply and demand forces – sa ganoon ay hindi masyadong sisipa iyong mga nagtataas na presyo dahil kung wala nang bumibili noon ay siguradong ibababa na rin nila iyong presyo na iyon.
SEC. ANDANAR: Ano na lamang po ang inyong mensahe sa ating mga kababayan, Secretary Mon Lopez?
DTI SEC. LOPEZ: Of course ang talagang paalala po natin, we enjoy the Christmas although po ay mas [garbled] na pagsi-celebrate ng Christmas. Normally ngayon mas kaunti na lang, let’s say immediate family, maaring hindi na iyong malalaking reunion at bawal nga po ang mga parties ngayon. Pero iyong magiging diwa ng Pasko ay nandiyan pa rin naman sa atin, sa ating mga puso. Talagang ipagpatuloy lamang iyong pagsunod dito sa ating health protocol dahil para sa ating kaligtasan po iyon. Hindi po para sa iba kundi para sa atin din at kaya importante ho na mag-enjoy tayo in a safe way.
At saka huwag po nating kalimutan iyong buy local, go local po tayo dahil sa bawat produktong binibili natin na gawang lokal ay nakaka-create po ito, nakakatulong sa SME, mga small medium enterprises at nagki-create ng local jobs. Dahil po ‘pag imported ang binili, iyong trabaho sa abroad ang nagagawa, hindi po sa atin kaya po iyon po’y isang magandang gawin nating habit at practice na tangkilikin iyong local products talaga natin. At maganda na rin po at mas magaganda rin ang mga presyo nila kaya ho iyon po ang sanang tangkilikin natin ngayon. At kung, let’s say small and medium ho nagbibenta, huwag na nating tawaran, tulungan na lang natin makaahon sila sa kanilang mga negosyo na talagang naapektuhan ngayong pandemya.
So stay safe at saka buy local, go local po tayo at gaganda rin po ang ekonomiya. Pagtulung-tulungan natin tangkilikin mga SME products, ang mga restaurants sa labas, mga kainan, ang mga SMEs po natin tulungan din po natin. So iyon lang po, stay safe—at saka ho huwag kalimutan i-download ang StaySafe system, StaySafe app at para po connected tayo sa digital contact tracing and pretty soon we will launch our safety seal campaign kung saan iyong mga private establishment will have the ‘Safe Dito’ na mga stickers.
Magandang araw po sa inyong lahat.
SEC. ANDANAR: Maraming salamat sa inyong panahon, Secretary Mon Lopez. Advanced Merry Christmas po sa inyo.
DTI SEC. LOPEZ: Advanced Merry Christmas Sec. Martin. Salamat po.
SEC. ANDANAR: Huwag po kayo aalis, magbabalik ang Public Briefing #LagingHanda.
[AD]
USEC. IGNACIO: Nagbabalik po ang Public Briefing #LagingHandaPH. Sitwasyon naman po sa mga piitan sa ating bansa ating aalamin. Kontrolado ba ang transmission ng COVID-19 sa loob ng ating mga kulungan. Kaugnay diyan, makakausap po natin si BJMP Spokesperson Chief Inspector Xavier Solda. Good morning po, sir.
J/CINSP. SOLDA: Usec. Rocky, ma’am at sa inyong mga nakasubaybay po sa atin ngayong umaga; magandang umaga po.
USEC. IGNACIO: Opo. Sir, kumusta po iyong sitwasyon sa ating mga jail facilities sa bansa kasi may naitatala pa ba tayong outbreaks gaya po ng nangyari doon sa Davao City Jail?
J/CINSP. SOLDA: Well good news po Usec. Rocky at sa lahat po ng nakasubaybay sa atin, tuluy-tuloy po iyong pagbuti ‘no noong mga pasyente po natin na na-infect ‘no partikular diyan sa Davao City Jail.
Sa kasalukuyan po, mayroon na lamang po tayong 88 cases nationwide, more than 90% iyong ating recovery rate at tatlong jails na lang po in the country – we have 470 jails ‘no across the country at sampu na lamang po iyong tinitingnan po natin ngayon and hopefully with the support from the Department of Health, ng ating mga local health units and of course iyong efforts po ng ating mga warden na tuluyang bantayan at bigyan nang tamang medical attention, more focused medical attention iyong ating mga PDL eh bumuti na po at ma-zero na po natin iyong mga case natin sa mga BJMP facilities.
USEC. IGNACIO: Opo. Sir sa kabuuan, gaano po karaming PDLs ang tinamaan ng COVID-19 at ilan naman po iyong mga kawani ang nahawahan ng nasabing sakit?
J/CINSP. SOLDA: Well, sa record po ng BJMP nagkaroon po tayo nang total na 1,987 cases sa mga PDL po natin; 88 na lang po iyong active cases ngayon. Mayroon po tayong 25 na PDL na mayroong mga existing premedical condition kagaya ng hypertension, diabetes. Unfortunately, nagkaroon po tayo ng 25 na casualties sa mga PDL natin. Sa mga personnel naman po natin, nakapagtala po tayo ng 1,017 cases at mayroon na lamang po tayong 32 active cases ngayon and around 96% pa iyong recovery rate natin. Mayroon lang po tayong apat na personnel na unfortunately mayroon din pong mga existing premedical condition ito; nagkaroon po tayo ng casualty. But according sa data po natin, everyday po iyan, bumubuti po iyong condition ng mga pasyente natin, pangalawa bumababa iyong mga numbers na ito and we are hoping both sa personnel and PDL ma-zero din po natin.
USEC. IGNACIO: Opo, sir kasi ngayong Pasko, ano iyong gagawin ninyong paghihigpit, tatanggap ba kayo ng mga pagbisita sa ating mga PDL? So, paano po ninyo ma-accommodate iyong mga pamilya ng ating PDLs ngayon pong nalalapit ang Pasko?
J/CINSP. SOLDA: Well, Usec. Rocky, tuluy-tuloy pa rin po ang paghihigpit na ginagawa ng BJMP ngayon. Sa kasalukuyan po temporarily suspended pa rin iyong contact visitation, pero huwag pong mag-alala iyong mga pamilya, kasi nag-migrate na po tayo sa technology supported mechanisms para ma-accommodate natin iyong mga kapamilya ng ating mga PDL, nariyan po, in-expand natin iyong electronic dalaw. Mayroon lang po tayong mga schedules sa mga jail facilities natin and other services kagaya po ng tele-hearing, telemedicine. Pati nga po iyong ating Alternative Learning system – mayroon po tayong E-learning, tele-psychology. So, lahat po ito bahagi ng mga paghihigpit ng BJMP ngayong darating na Kapaskuhan para po masiguro na hindi po magtutuluy-tuloy, magka-infection sa sa mga jail facilities at tuluy-tuloy pa iyong serbisyo na mai-provide natin sa ating mga PDL. Ito naman pong mga aktibidad na ito na-discuss po natin ito sa ating mga PDL and maski sila nag-a-agree po sila para po sa safety ng lahat, safety ng kanilang mga kapamilya. So, kaunting tiis lang po muna.
USEC. IGNACIO: Opo. Dahil sa mga patakarang ipinatutupad ninyo, bakit po sa tingin ninyo na panahon na para ilagay naman po ang lahat ng mga piitan sa ilalim ng BJMP?
J/CINSP. SOLDA: Well, unang-una po pagdating sa mga technical capabilities and iyong training po ng ating mga personnel, eh ang benchmark po kasi natin itong ating mga BJMP personnel; para po magkaroon tayo ng isang standard na rin na pamamahala ng mga piitan natin lalo na po pagdating sa sustainability ng mga programa. Mainam po na talagang ma-established natin under one system with the BJMP. At ito naman po nakita rin ng ating mga pamahalaang lokal. In fact, kamakailan lamang naka-receive din kami ng mga communications from the provincial governments asking the BJMP na baka pupuwedeng i-takeover na rin po natin iyong mga provincial jails, because nakita nila iyong ganda ng serbisyo at ganda na ginagawa ng BJMP para tulungan po iyong mga kapatid nating nasa kulungan.
USEC. IGNACIO: Iyan ba ay kakayanin po ng budget ng BJMP? Kumusta naman po iyong naibigay na budget allocation sa inyong hanay para sa taong 2021? Makakaapekto ba ito sa mga programa na binabalak sana ninyong gawin para sa susunod na taon?
J/CINSP. SOLDA: Well, sa usaping pondo po, ang BJMP, base doon sa mga programang naisumite po namin, na-cover naman po iyong mga na-priorities natin para po sa mga PDL. Doon naman po sa transition, kung sakali na ita-transfer po ang mga provincial jails sa BJMP, may proseso pa po ito. Kasama na rin po, of course, iyong mga resources natin na puwedeng i-pool para sa pagbubuo ng isang sistema para sa pamamahala ng mga piitan natin. And of course, we are asking pa rin iyong suporta ng local government, ng provincial government. Mayroon naman pong transition phase ito, hindi biglaan and ipinuprograma po natin ito base doon sa mga prayoridad at pangangailangan po ng ating mga jail facilities.
USEC. IGNACIO: Okay, sir kunin ko lang po iyong mensahe ninyo sa ating mga kababayan.
J/CINSP. SOLDA: Well, sa mga kababayan po natin, lalo na po sa mga pamilya ng mga PDL natin, huwag po kayong mag-alala, tuluy-tuloy po iyong serbisyo na binibigay ng BJMP sa inyong mga kaanak. Humihingi po kami, of course ng kaunting unawa, dahil ngayong Pasko, hindi na muna kami mag-o-open for the contact visitation, pero magpa-schedule lamang po kayo para sa ating electronic dalaw. Nagdagdag po kami ng linya, maaari din po kayong magpaabot ng mga mensahe o concerns sa official Facebook po ng BJMP, iyong Bureau of Jail Management and Penology official Facebook fan page para po madali kaming makapag-attend sa inyong mga concerns.
USEC. IGNACIO: Okay, maraming salamat po sa inyong panahon BJMP Spokesperson, Chief Inspector Xavier Solda.
J/CINSP. SOLDA: Maraming salamat po.
SEC. ANDANAR: Patuloy pa rin po ang pagdating ng ating mga kababayang OFWs lalo ngayong papalapit na ang Pasko. Para alamin ang kanilang sitwasyon, makakausap natin si OWWA Administrator Hans Leo Cacdac. Magandang umaga po muli sa inyo, Attorney?
OWWA ADMINISTRATOR CACDAC: Magandang umaga, Sec. Mart, sa inyong mga tagapakinig, tagapanuod, magandang umaga po.
SEC. ANDANAR: Sir, gaano karaming OFWs na po ang nari-repatriate ng OWWA, this year?
OWWA ADMINISTRATOR CACDAC: Opo, through our joint inter-agency effort na italaga po ng ating mahal na Pangulo, with the DFA, DOTr, DOH, DILG ay mayroon na po tayong 370,000 with the DOLE-OWWA and the inter-agency task force – 370,000 po na nanunumbalik na po sa kani-kanilang mga home regions.
SEC. ANDANAR: May expected number na po ba kayo kung ilang OFWs nga ang naapektuhan ng pandemya ang inaasahang darating pa sa bansa bago magtapos po ang taon?
OWWA ADMINISTRATOR CACDAC: Opo, mayroon po tayong inaasahan, Sec. Mart, na humigit-kumulang for the incoming year ay humigit-kumulang na mga 80,000 na aasahan pa tayong uuwi and that’s for, perhaps, the first half of next year po.
SEC. ANDANAR: Mayroon po bang ilang pagbabago sa proseso para sa mga OFWs na dumarating sa mga paliparan, pati na rin sa proseso ng pag-uwi nila sa kani-kanilang bayan?
OWWA ADMINISTRATOR CACDAC: Mayroon po tayong proseso kung saan libre po ang swab testing, libre po ang transport, libre ang pananatili sa hotel quarantine facility para sa ating mga mahal na OFWs na nanunumbalik. So inaasahan po natin na magpapatuloy po iyong proseso na ito. Sa ngayon po, one to two days lumalabas na po ang resulta ng kanilang swab test. So, inaasahan po natin na patuloy ang kanilang pagpapauwi.
SEC. ANDANAR: Kumpara noong last few months, gaano katagal na lang po ba ang hihintayin ng mga OFWs bago ma-release ang kanilang swab results?
OWWA ADMINISTRATOR CACDAC: Sa ngayon po mabilis na po, Sec. Mart. Mga one to two days lalabas na po iyong resulta ng kanilang swab results. Minsan nga po ay sa loob ng isang araw ay lumabas na iyong resulta ng kanilang swab test. So, mabilis na po at mayroon nga tayong mga chartered buses at chartered flights na umaalis ng PITX for Luzon OFWs and NAIA 2 for Visayas, Mindanao OFWs naman po.
SEC. ANDANAR: Update naman po sa inyong cash aid program na ‘Tabang OFW’. Gaano karami na po ang beneficiaries at ongoing pa rin po ba ang pagtanggap ninyo ng application?
OWWA ADMINISTRATOR CACDAC: Opo. Sa ngayon po mayroon na tayong mga 420,000 na nabiyayaan nitong AKAP Program na pinasisinayaan ni Secretary Bello. Ito po ay iyong ating P10,000 financial aid program at patuloy lang po ang ating pagpi-payout sa ngayon and hopefully by year-end ay magkakaroon ng ganap na payout doon sa mga beneficiaries natin. Hindi lang iyon, pati po sa mga padating pa ay handa rin tayong magbigay nitong P10,000 cash benefit.
SEC. ANDANAR: Bilang OWWA Administrator, ano ang binibigay pa rin nating assistance sa mga kababayan naman na tinamaan ng COVID-19 sa abroad?
OWWA ADMINISTRATOR CACDAC: Well sa ngayon po, mayroon tayong $200 cash benefit na ibinibigay sa mga natamaan ng COVID-19. Kaya po itong ating pagbibigay ay patuloy lang po. Mga 3,000 na po na mga nadapuan ng COVID na OFW sa abroad ang nabiyayaan na po nitong ating cash benefit.
SEC. ANDANAR: Naging laman din po ng balita na tumaas ang ipinapadalang remittance ng ating mga bayaning OFW pagdating ng Oktubre. Ano po ang indikasyon nito at inaasahan pa po ba natin na magtutuluy-tuloy ang pagtaas kahit maraming Pilipino ang nawalan ng trabaho abroad?
OWWA ADMINISTRATOR CACDAC: Well, nakikita natin Sec. Mart, na nagnu-normalized na iyong pag-alis ng mga kababayan natin na slowly but surely. Of course hindi pa ganap iyong dating deployment rate natin as compared to the pre-COVID period. Pero nakikita natin na medyo nagno-normalize na, umakyat na mga 20 to 40% na ang deployment ngayon. But of course, hindi pa ganap nga na as normal as the pre-COVID period.
Pangalawa, talagang nakikita natin na in past crisis situation, nakikita talaga natin na mga OFWs ay sa panahon ng krisis ay imbes na sila ay hindi tumulong sa mga pamilya nila dito sa Pilipinas ay lalo pang namimigay, lalo pang nagpapadala ng kanilang mga naipon o kaya ay kinita sa abroad. So, hindi iyon kagulat-gulat na ang remittance levels natin ay nagbabalik sa tila baga nagbabalik sa normal. Dahil nga talagang ang mga OFWs natin sa kanilang pagod na ibinubuwis sa abroad ay talagang patuloy ang kanilang pagnanais na tumulong sa kanilang mga kamag-anak dito sa Pilipinas.
SEC. ANDANAR: Pero kung overall remittance assessment po ngayong taon ang pag-uusapan, gaano kalaki ang ibinaba nito kumpara noong nakaraang taon?
OWWA ADMINISTRATOR CACDAC: Well, kung titingnan natin sa datos ng Bangko Sentral ng Pilipinas ay mga 5 to 10% ang binaba noong huling period. Pero nakikita na nga natin na gradually ay as you go months to months ay tumataas naman, tumataas na, nag-i-improve na iyong mga remittance o pinapadala ng mga OFWs. So, nakikita talaga natin na sa kanilang pagod at hirap ay pilit talaga nilang gustong tulungan iyong mga pamilya nila rito sa Pilipinas.
SEC. ANDANAR: Ano naman po ang masasabi ninyo, Administrator, ngayon na pasado na sa huli at ikatlong pagdinig ang House Bill 7951 ang Overseas Filipino Workers Remittance Protection Act. Paano po ba ito makakatulong sa mga OFWs at kanilang mga pamilya?
OWWA ADMINISTRATOR CACDAC: Well, nakikita natin na Sec. Martin, dito sa panukalang batas na ito at welcome po talaga natin ito na itong pagod at hirap ng mga OFWs natin na nauwi ay nakikita talaga natin na ibinubuhos nila ang kanilang mga remittances, ang kanilang mga kita sa kanilang mga pamilya dito. So, itong pag-protect ng kanilang mga remittances sa pamamagitan ng pagbaba ng remittance charges is a welcome development. So, nararapat lamang na as much as possible, buung-buo iyong kanilang pinapauwi o pinapadala ditong remittance. So, very welcome po ito, nagpapasalamat tayo sa mga kongresista at senador na nagpanukala nitong measures na ito.
SEC. ANDANAR: Ano naman po ang maipapayo ninyo sa mga balikbayan nating OFW pagdating naman sa financial literacy?
OWWA ADMINISTRATOR CACDAC: Ang maipapayo po natin sa mga mahal nating OFWs, sa financial literacy ay basically ay, una, mag-impok, ibig sabihin talagang kailangan nating isubi lalo na sa panahon ng pandemya ano po. Tayo ay maging [garbled] in terms of mga gastusin natin. So mag-impok po tayo.
Pangalawa, mag plano. Mag plano tayo sa mga darating na araw at buwan kung ano iyong magiging gastusin natin na essential, nararapat at kung ano iyong mga puwede munang ipagpaliban na mga gastusin.
Ang then finally invest. Kailangan naman din natin na magtaya o ‘di kaya magsagawa na ating pag-invest sa mga naging pinagkinitaan natin sa mga posibleng negosyo o di kaya mga bagay na posibleng lumago pa iyong ating kita.
Kaya’t ang mantra po natin diyan ay una mag-save, mag-impok at magplano at mag-invest kung maaari sa isang negosyo na talagang lalago ang ating mga kinitang halaga ng pera na pinagpapaguran din natin sa abroad.
SEC. ANDANAR: Ano na lamang ang inyong mensahe sa ating mga kababayan, Attorney?
OWWA ADMINISTRATOR CACDAC: Ang mensahe po natin ay manalig po kayo, patuloy po natin na pagsikapan na tayo ay makapag-impok para tayo ay makatulong lalo sa ating mga pamilya at sa mga problema po na nais ninyong idulog, 1348 po ang ating hotline. Manalig lang po kayo, talagang mataas po ang volume ng mga nangangailangan ng tulong ngayong pandemya. Pero pangako po namin sa inyo, kami po ay patuloy at walang humpay na maglilingkod sa inyo at sa inyong mga pamilya. So, 1348 po, manalig po tayo at salamat po. Ipagdasal po natin ang isa’t isa. Merry Christmas po sa inyong lahat.
SEC. ANDANAR: Advanced Merry Christmas din po OWWA Administrator, Atty. Hans Cacdac. Mabuhay po kayo, sir. Salamat po.
OWWA ADMINISTRATOR CACDAC: Salamat po, Sec. Mart.
SEC. ANDANAR: Sa puntong ito dumako naman tayo sa pinakahuling ulat mula sa iba’t ibang lalawigan sa bansa. Makakasama natin si Czarina Lusuegro mula sa Philippine Broadcasting Service.
[NEWS REPORT]
Maraming salamat, Czarinah Lusuegro mula sa Philippine Broadcasting Service.
USEC. IGNACIO: Mula naman po sa PTV-Cebu, may ulat si John Aroa. Okay, babalikan po natin iyan. Dumako tayo sa COVID-19 updates. Base po sa tala ng Department of Health as of December 16, 2020, umabot na po sa 452,988 ang total number of confirmed cases. Naitala ang 1,156 new COVID-19 cases kahapon; 21 katao naman ang bagong bilang ng mga nasawi kaya umabot na sa 8,833 cases ang kabuuang bilang ng COVID-19 deaths sa ating bansa. Ngunit patuloy rin naman ang pagdami ng mga nakaka-recover na umakyat na sa 419,282 with 425 new recoveries recorded as of yesterday. Ang kabuuang total ng ating active cases ay 24,873.
SEC. ANDANAR: Patuloy po tayong magtulungan na masugpo ang COVID-19 sa pamamagitan ng pagsasailalim sa COVID-19 test kung kinakailangan, at siyempre katuwang pa rin natin dito ang Philippine Red Cross. Kung nais ninyo pong magpa-swab test sa Red Cross, narito ang mga hakbang na dapat ninyong gawin:
[VTR]
USEC. IGNACIO: Para sa iba pang balita, puntahan natin si Jorton Campana mula naman po sa PTV-Cordillera.
[NEWS REPORTING]
USEC. IGNACIO: Maraming salamat sa iyo, Jorton Campana.
Mula naman po sa PTV-Cebu, puntahan natin si John Aroa. John?
[NEWS REPORTING]
USEC. IGNACIO: Maraming salamat sa iyo, John Aroa.
SEC. ANDANAR: Mula sa PTV-Davao, may ulat si Julius Pacot.
[NEWS REPORTING]
SEC. ANDANAR: Maraming salamat, Julius Pacot.
At iyan ang mga balitang aming nakalap ngayong araw na ito. Maraming salamat sa mga naglaan ng kani-kanilang mga oras.
USEC. IGNACIO: Ang Public Briefing ay hatid sa inyo ng iba’t ibang sangay ng Presidential Communications Operations Office sa pakikipagtulungan ng Department of Health at kaisa ng Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas o KBP.
SEC. ANDANAR: Asahan ninyo ang aming patuloy na pagbibigay impormasyon kaugnay sa mga updates sa ating paglaban sa COVID-19 pandemic.
Maraming salamat sa Filipino Sign Language Access Team for COVID-19.
USEC. IGNACIO: Samantala, Secretary Martin, eight days na lamang po ay Pasko na.
Paalala po: Ngayong Noche Buena, hanggang maaari po ay limitahan na lamang po natin ang selebrasyon sa mga miyembro ng pamilya na magkakasama-sama lang sa bahay. Kung gustong makibahagi ng iba pong kaanak, gawin ito sa pamamagitan ng online party para merry at healthy talaga ang inyong Christmas. Ako po si Usec. Rocky Ignacio. Magandang tanghali po sa inyong lahat.
SEC. ANDANAR: Mula sa PCOO, ako naman po si Secretary Martin Andanar. Magkita-kita po tayo bukas dito lang sa Public Briefing #LagingHandaPH.
###
—
SOURCE: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)