Press Briefing

Public Briefing #LagingHandaPH hosted by Presidential Communications Operations Office Undersecretary Rocky Ignacio and Aljo Bendijo


Event Public Briefing #LagingHandaPH
Location PTV

USEC. IGNACIO: Magandang umaga Pilipinas, muli ninyo po kaming samahan ngayong araw ng Sabado para sa isang oras na makabuluhan at siksik na impormasyon at talakayan.

BENDIJO: Kaagapay ang mga opisyal mula sa iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan ihahatid namin sa inyo ang mga mahalagang impormasyon na dapat ninyong malaman sa gitna ng ating laban sa COVID-19; ako po si Aljo Bendijo.

USEC. IGNACIO: Sa ngalan ni Secretary Martin Andanar, mula sa PCOO, ako naman po si USec. Rocky Ignacio at ito ang Public Briefing #LagingHandaPH.

At upang sumagot sa mga tanong ng bayan, maya-maya lamang makakasama natin sa programa sina Secretary Carlito Galvez, Jr. – Chief Implementer, National Task Force Against COVID-19; Valenzuela City Mayor Rex Gatchalian; Department of Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire.

BENDIJO: At nariyan pa rin ang mga PTV correspondents at ang Philippine Broadcasting Service para ihatid ang pinakahuling sitwasyon sa mga lalawigan. Samantala, para po sa inyong mga katanungan, maari kayong mag-comment sa live streaming ng ating programa sa PTV Facebook page.

At una po sa ating mga balita: Laking pasasalamat ng pamilya ng isang OFW na nasangkot sa isang aksidente sa Saudi Arabia dahil makalipas ang ilang taon, muli itong nakabalik sa bansa matapos mabayaran ang blood money na aabot sa higit dalawang milyong piso sa tulong ni Senador Bong Go. Para sa iba pang mga detalye, tunghayan natin ito:

[NEWS REPORT]

USEC. IGNACIO: Sa puntong ito, mga issue sa bakuna ang atin pong hihimayin at bibigyang linaw kasama po si Secretary Carlito Galvez, Jr., ang Chief Implementer ng National Task Force Against COVID-19. Magandang araw po, Secretary.

SEC. GALVEZ: Magandang umaga po sa inyo, Usec. Rocky.

USEC. IGNACIO: Opo. Secretary, 60 million doses ng COVID-19 vaccine, iyan po iyong napapabalitang target ng pamahalaan na bibilhin mula po sa iba’t ibang pharma companies. Paano po natin nakuha ang pigurang ito, Secretary Galvez, at ito po daw ba ay done deal na?

SEC. GALVEZ: Sa ngayon po ongoing ang ating negotiations sa different pharmaceutical companies at the same time nakita natin—nakuha natin ang figures na ‘to kasi gumagawa tayo ng tinatawag na maximum at saka minimum negotiation volumes so ang pinakaano natin is 10 to 20 ang bawat companies na ni-negosietan natin. Sa ngayon po maganda po ang mga resulta at palagay ko makakaya po natin iyong 60 million. Ibabalita ko na lang po sa pag-report ko po kay Presidente, I don’t want to preempt the presentation that I will make on Monday.

USEC. IGNACIO: Okay. May katanungan po ang ating mga kasamahan sa media. Unahin ko na po iyong tanong ni Leila Salaverria po ng Inquirer: Sinabi daw po ni Ambassador Romualdez na puwedeng makakuha ang Pilipinas ng supply ng COVID vaccine ng Moderna at Arcturus Therapeutics. May nasimulan na po bang discussions sa dalawang kumpanya na ito at ano po ang status?

SEC. GALVEZ: Maganda po iyon at ako po ay natutuwa na mismo si Ambassador Romauldez ay tumutulong sa amin sa negotiation. Kaninang umaga, maagang maaga mga 5 o’clock tumawag po siya sa akin at sinasabi nga po na ang Moderna ay interesadong magbigay ng allocation sa Pilipinas at ngayong araw din na ito ay titingnan po namin na kung paano magkaroon ng ugnayan sa Moderna. At supposed to be ang aming meeting ng Moderna is this coming Wednesday at dahil nakikita natin na talagang pursigido si Ambassador, we will make the meeting maybe earlier this morning.

USEC. IGNACIO: Opo. Tanong pa rin po mula kay Leila Salaverria: Nasa anong stage na po ang mga discussion with Pfizer at Sinovac? Magkakaroon ba nang pagpirma ng agreement with Sinovac this month?

SEC. GALVEZ: Iyon po ang ano po natin, iyong parang nasa advance ano po tayo sa Pfizer, inaantay na lang po iyong tinatawag nating validation at saka information from the Pfizer headquarters at iyon lang po hinihintay po natin. Once na nagkaroon po na talagang kung ilan po ang ia-allocate po sa atin ay magkakaroon na po ng pirmahan and hopefully ang pinaka-earliest is within this month or maybe kung just in case ma-delay iyong allocation, it will be first week of January.

USEC. IGNACIO: Opo. Ano po ang reaksiyon ninyo bilang Vaccine Czar na tila pinapaboran umano ng gobyerno ang pagbili ng bakunang Sinovac?

SEC. GALVEZ: Ma’am, hindi po ganoon ang ginagawa po namin kasi po ang aming pagbili ng mga tinatawag na vaccine ay ito po ay nanggagaling sa Vaccine Expert Panel. Gumawa po sila ng listahan noong dati, sinasabi ko nga niri-report ko na po sa inyo na 17 po ang ini-evaluate nila – out of that 17, shinorten natin nang siyam. Sa ngayon ang nakikita namin, pito lang iyong pinag-aano namin na talagang puspusan ang negotiation at isa rito ang China. Kasi ang ano po natin, dapat malaman ng tao na ang China po nagbigay na po ng emergency use noong July pa at more than 1 million na rin po ang nabakunahan sa kanila at ang kanilang ekonomiya ay gumaganda.

So ang desisyon po namin with the vaccine of expert ay hindi natin ihuhulog ang ating itlog sa isang basket, kailangan po talaga mayroon tayong portfolio. So meaning sa bawat bansa na may gumagawa ng vaccine ay kukuha tayo ng isa or dalawa. Kung tutuusin nga po mayroon pa nga po tayong ano dahil kasi iyong—ang nakita po natin kasi medyo napabilis ang regulatory authorization ng Moderna at saka Pfizer, ang kinukuha nga namin sa US apat na klase at sa China isa po ang nakikita, iyong Sinovac and then tinitingnan din po natin CanSino at saka Sinopharm at tinitingnan din natin ang Gamaleya Sputnik ng Russia.

So iyong ano natin, iyong ating ginagawa, mayroon din po tayong tinitingnan nang—dito po sa ano, maganda po iyong tinitingnan po natin sa Covax. Itong Serum Institute of India na nakita natin na pinakamalaking production dito sa Asia, nakikita natin maganda ang partnership natin with India at nakikita namin na malaki ang magiging partisipasyon ng India sa distribution ng mga vaccine dito sa ating bansa.

USEC. IGNACIO: Opo. May follow up question lang po si Athena Imperial ng GMA-7. For Secretary Galvez: We would like to know iyong side daw po ng procurement ng Pfizer COVID vaccine, kailan po nagsimula ang negotiation with Pfizer at ano po ang timeline mula rito?

SEC. GALVEZ: Tumawag nga po si Ambassador Babe Romualdez sa amin noong more or less mga August or September. Iyong time na iyon, nagsimula na kami ng negotiation. Noong panahon po kasing iyon, marami po tayong mga uncertainties kasi nakita natin nga kasi iyong platform ng Pfizer ay hindi pa ginagamit dito sa mga vaccines. So iyon ang nagiging parang building block, at saka nakita natin napakataas ng requirement niya sa logistics.

So iyon po ang nakikita natin, na iyon ang naging hambalang para magkaroon ng immediate ano ng negotiations. Pero sa ngayon po, nakita po natin na napabilis po ang authorization ng Pfizer kaya minamadali rin po natin dahil kasi nakita natin na pitong countries ang talagang nag-approve na sa kaniyang efficacy at saka safety. So sa ngayon po ay minamadali po natin ang negosasyon, at hopefully, maging maganda po ang kalalabasan nito. At natutuwa po kami sa Pfizer dahil kasi hindi po kami iniwan.

USEC. IGNACIO: Opo. Sinasabi po na may ilang first world countries na nakabili na nga ng maraming doses po higit sa kanilang populasyon at willing daw pong magbigay ng bakuna sa ibang bansa. So sinu-sino po ang mga ito at ano po ang ginagawa ng Pilipinas na mapasama tayo sa recipients nila?

SEC. GALVEZ: Maganda po ang diplomatic relations natin sa mga bansang ito at nakita po natin na ang ating mahal na Pangulo po, iyong kaniyang open diplomacy ay nagbubunga na po dahil kasi po lahat po ng mga countries, like for example, Australia and even Canada and also US and also Russia and also China are willing to provide iyong access na iyon. Kaya natutuwa po kami kasi napakadami po nang talagang nagbibigay sa atin ng opportunity na magkaroon ng access.

Isa rin po dito ang India. Kahapon po nagkaroon po kami ng negotiation, and it’s very, very productive, at iyon po ang magandang iri-report ko po sa ating mahal na Presidente.

USEC. IGNACIO: Secretary, ito po iyong tanong ng marami: Kailan po daw talaga magsisimula iyong pagbabakuna? Hindi po ba daw masyadong huli na kung Mayo o sa Hunyo pa ito mangyayari, Secretary?

SEC. GALVEZ: We have to face realities. Alam ninyo ang pagbabakuna ay hindi po tinitingnan lang natin iyong timeline na mapaaga tayo; it’s not a race. Titingnan po natin talaga iyong safety at saka efficacy. Alam natin na iyong timeline po natin ay medyo bumabagal dahil po kasi sa tinatawag nating regulatory requirement. Nakikita natin sa 200 na vaccines, dalawa pa lang sa US ang nabigyan at tatlo sa China at dalawa sa Russia.

So iyong tinatawag nating emergency utilization authorization, out of 2oo, more or less lima hanggang anim pa lang ang nagkakaroon ng tinatawag nating mass production dahil nakikita natin nadi-delay ang kanilang authorization at saka iyong evaluation [unclear] at effective – isa iyon. At saka nakita natin, nagkakaroon tayo ng mga problema sa raw materials, at the same time, iyong logistic challenges ay nandoon pa rin.

So iyong timeline talaga to be realistic, ang majority ng ibang mga rich countries, baka mag-rollout iyan mga February pa or March. Ang mangyayari diyan, iyong mga vaccination na nakikita natin ngayon ay mga limited lang ang nakita natin at hindi pa rin makahabol ang ating supply sa mga demand.

USEC. IGNACIO: Opo. Secretary, may tanong pa rin si Athena Imperial ng GMA-7. Ano raw po ang komento ninyo sa hinalang may mga balak daw kumik-back [kickback] kaya napurnada ang procurement ng Pfizer vaccine?

SEC. GALVEZ: Kongkreto na po iyan na talagang hindi pupuwedeng magkaroon po ng kickback dahil ang pondo pong gagamitin natin ay ADB at saka iyong World Bank. Wala po sa Cabinet members, wala pong government officials na may access nito except Secretary of Finance. Alam po natin na iyong integrity ni Secretary of Finance nandiyan. Even iyong mga nakita natin, iyong mga kontrata na medyo hindi maganda ay naaayos niya. At saka talagang I vouch on the integrity ni Usec. Mark Joven na siyang nagpapasimuno, na nag-a-account at tumitingin sa mga agreements na ginagawa po ng kaniyang mga head of terms at saka supply agreement.

So ako po, iyong ibang mga senator na nagsasabi na they smell kickback ay sinagot ko na po talaga sila personally. Sinasabi ko sa kanila, huwag kayong manghusga dahil kasi hindi ninyo nakikita. Ang integrity ng ADB, integrity ng World Bank at saka integrity ng DoF natin at saka integrity namin ang nakasalalay dito.

USEC. IGNACIO: Opo. May katotohanan po ba daw iyong reports na may ilang mga Pilipino na dito sa bansa ang nabakunahan kontra COVID-19? Sakali mang mayroong nagbabakuna dito sa bansa, iligal po ba daw iyon?

SEC. GALVEZ: Ang sinasabi po natin sa ating mga mahal na kababayan, kailangan bago sila magpabakuna ay dapat approved na po ng FDA. Kailangan po magproseso po tayo dahil kasi po alam na po natin may mga adverse event na puwede pong mangyari.

So ang amin pong panawagan ay hintay lang po tayo nang kaunti. Let’s do the process and then let’s wait the FDA to their job.

USEC. IGNACIO: Opo. May tanong naman po mula kay Michael Delizo ng ABS-CBN: Ano na po ang update sa rekomendasyon na payagan ang mga LGUs na bumili ng kaniya-kaniyang COVID-19 vaccine? Posible po ba daw ito?

SEC. GALVEZ: Naihain ko na po iyan sa ating mahal na Presidente pero titingnan po natin kasi iyong sinasabi nga ni Presidente na hindi puwede na iyong ibang barangay at saka iyong ibang bayan ay maiwan dahil hindi sila makabili. So iyon po ang titingnan po natin na we don’t want to have an injustice to those people that who cannot buy it.

So ang gagawin po natin ay ibabalanse po natin. Puwede po nating i-allow provided that ang provisions pa rin ng ating mahal na Presidente na uunahin ang mahihirap, uunahin ang ating healthcare workers, uunahin ang ating mga service personnel at saka frontliners – iyon pa rin ang masusunod po.

USEC. IGNACIO: Opo. Mula po kay Bianca Dava ng ABS-CBN News: Do we already have guidelines on the proper use of face shields when outside residences? If not yet, when can we expect po the guidelines to be released?

SEC. GALVEZ: We will tackle this on Monday. And then I believe naman, common sense naman ang paggamit ng face shields. Ang ano natin, kapag once na lumabas po tayo sa ating bakuran, kailangan po naka-face shield tayo. Ganoon naman ang ano natin na dapat alam na natin ang ating self-awareness and self-regulation, na dapat kapag medyo threatened tayo na there is a close contact, there is a confined space at saka there is interaction with other people, kailangan talaga naka-face shield.

USEC. IGNACIO: Okay. May pahabol pong tanong si Athena Imperial – kunin ko lang po sandali, Secretary. Tinanong niya po dito: Bakit po sinasabi ni Secretary Locsin na someone dropped the ball? Senator Ping Lacson said, this someone is Secretary Duque. Ano po ang comment ninyo dito?

SEC. GALVEZ: Sinabi ko na po sa aking statement that no bus was missed and no ball was dropped because we are focused on our main goal that iyong talagang inano po natin ay matapos po iyong negotiation.

Sa negotiation po, may mga tinatawag po tayo realistically may mga stalemate at saka mga gridlocks because minsan mayroon pong legal challenge at saka iyong national interest and also the interest of the safety of the people is at stake. So iyong nangyayari po sa negotiation sa Pfizer, ongoing po tayo, hindi po tayo bumitaw; hindi po natin nabitawan ang bola. Iyon po ay pinasa lang sa akin dahil noong nagkaroon po ng directive ang mahal nating Presidente na ako lang ang authorized na magkaroon ng authority to negotiate, iyong CDA ni Health Secretary is only as end-user not as negotiator. So ibig sabihin, immaterial iyon sa negotiation dahil ang kaniyang CDA is more on doon sa scientific and medical applications ng Pfizer.

USEC. IGNACIO: Opo. May tanong po si Rida Reyes ng GMA 7: Sa latest survey po ng OCTA Research Group lumabas na pumalo na sa 1.9 ang reproduction number ng COVID-19 sa NCR with 700 new cases yesterday. OCTA fears that if this is left unabated, this could lead to a surge in COVID-19 cases in National Capital region over the holidays. Ano po ang reaksiyon ninyo dito, Secretary Galvez?

SEC. GALVEZ: Huwag naman tayong ma-alarm kasi ginagawa naman po ng ating mga mahal na mga mayors ang kanilang mga ginagawa. At talagang ang MMDA po at saka ang ating mga mayors ay halos hindi natutulog para i-supervise at saka i-implement ang minimum health standard.

Tinitingnan ko po naman ang numero, hindi naman po masyadong tumataas. Huwag lang po tayo maalarma. Ang ano lang po natin ay talagang i-apply lang natin ang minimum health standard at magkaroon po tayo ng kaunting restrain particularly iyong mga celebration at saka huwag tayong masyado sa mga crowded places at saka po iyong tinatawag na confined spaces at saka iyong close contact.

USEC. IGNACIO: Opo. Secretary may habol pong tanong from Raul Dancel, The Straits Times: What steps daw po are we taking to prevent Filipinos from falling for vaccine scams? US agents have already uncovered a fake Moderna website and Interpol has issued an advisory about organized crime networks peddling counterfeit vaccines as liquid gold to steal vital personal information from their victims. Filipinos are especially prone to scams like these because the Philippines has fallen behind the queue for securing doses.

SEC. GALVEZ: Hindi naman siguro tama na tayo ang prone. Ang ano natin, mayroon po talagang ano tayo na proseso. Noong December 16 nagkaroon po tayo ng tinatawag na logistics workshop, isa po ito na natukoy, iyong tinatawag na—magkaroon po ng tinatawag na masusing monitoring lalo na iyong mga batch number at saka mga lot number ng mga vaccine.

Ang gagawin po natin ay magkakaroon po tayo ng tinatawag na magandang supply agreement para iyang mga supply agreement natin sa mga private sector ay sa mga professional po natin ilalagay.

At saka iyong lahat po ng mga storage ng mga vaccine ay gagawin po nating maingat at ito po ay talagang guarded by military and police personnel; pati po iyong transport at saka iyong handling po ng mga tinatawag nating mga syringes and other consumables will be secured. Talaga pong gagawin po namin na talagang—we will centrally control first itong mga storage facilities at the same time magkakaroon po tayo ng mga delineation of responsibilities particularly iyong Armed Forces at saka iyong PNP at saka iyong mga LGUs in securing and ensuring na wala pong magiging pilferages ang ating mga vaccine.

USEC. IGNACIO: Okay. Secretary, maraming salamat po sa pagpapaunlak ninyo sa amin. Secretary Carlito Galvez, salamat po.

SEC. GALVEZ: Maraming salamat po Usec. Rocky at mabuhay po tayo.

BENDIJO: Dumako naman tayo sa update kaugnay sa COVID-19 cases sa buong kapuluan. Base sa tala ng Health Department kahapon, December 18, 2020 umabot na sa 456,562 ang total number of confirmed cases. Umakyat sa 2,122 ang new COVID-19 cases kahapon. Dalawampu’t lima katao naman ang bagong bilang ng mga nasawi kaya umabot na sa 8,875 cases ang kabuuang bilang ng COVID-19 deaths sa ating bansa ngunit patuloy din naman ang pagdami ng mga nakaka-recover na umakyat na sa 420,666 matapos makapagtala nang 778 new recoveries. Ang kabuuang total ng ating active cases ay 27,021.

USEC. IGNACIO: Nagsimula na muli ang pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa bansa kaya patuloy na nagbababala ang Department of Health na maging wais sa pagdiriwang ng Kapaskuhan, kaugnay niyan makakausap po natin si Department of Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire. Magandang araw po, Usec.

DOH USEC. VERGEIRE: Good morning po, Usec. Rocky. Good morning.

USEC. IGNACIO: Opo. Less than a week na lang po bago mag-Pasko and more than 2,000 cases po ba ang naitala kahapon ay simula na ng surge ng tinatawag na new COVID-19 cases sa bansa?

DOH USEC. VERGEIRE: Nakikita na ho natin ano ang unti-unting pagtaas ng mga kaso and in fact dito po sa Metro Manila, mayroon na ho tayong nakikitaan na mga cities na nasa moderate risk na po sila comparing their numbers from the previous month and nagbigay na rin po ng projections ang ating mga partner institutions katulad ng OCTA Research Team and Castor na sinasabi nilang maaring umabot sa mga apatnalibong kaso per day by January kung hindi po natin mapipigilan itong mga paglabas ng tao at saka hindi sila maka-comply sa—[CUT]

USEC. IGNACIO: Opo. Usec., napuputol po kayo.

DOH USEC. VERGEIRE: Yes, ma’am. Nakikita ho natin ano na tumataas na ho paunti-unti ang mga kaso natin dito sa Metro Manila and even in the other areas of the country. We are seeing right now cities in Metro Manila na nag-shift na po sa moderate risk ang kanilang mga numero ng kaso kumpara doon sa mga nakaraang linggo. Nakita rin ho [garbled] at saka iyong mga [garbled] unti-unti na rin pong tumataas. This is not just in Metro Manila but we are also seeing this number of cases in the northern part of the country.

So kung hindi ho natin mapipigilan ito, mayroon hong projection ang ating partner institutions like the OCTA Research Team and Castor na maaring umabot nang apatnalibong kaso per day dito lang sa Metro Manila by January.

USEC. IGNACIO: Opo. Ang reproductive number o R naught po lumagpas na raw po sa 1 sa labindalawang siyudad sa Metro Manila; ibig sabihin talaga pong bumilis iyong paghawa ng sakit. Itong mga nababalitang pagkukumpul-kumpol ngayon dahil sa Simbang Gabi at iyon pong pamimili sa shopping areas, kasama po ba ito sa mga pangunahing dahilan nang pagtaas ng R naught natin, Usec.?

DOH USEC. VERGEIRE: Iyan po iyong tinitingnan natin ma’am ‘no, although we can say that the [garbled] of the virus is 14 days ‘no at nakita na rin naman po natin that even in the middle of November nag-umpisa na ho talagang magkaroon ng mga holiday activities ang ating mga kababayan, mga reports po na nagkukumpulan na sa mga malls, doon po sa mga tiangge at ito na nga po’t nag-umpisa na ang Simbang Gabi kaya kami ay patuloy na nagpapaalala sa ating mga kababayan ukol dito.

USEC. IGNACIO: Opo. May tanong ang ating kasamahan na si Athena Imperial ng GMA News: Ano daw po ang plano ng Department of Health at ibang ahensiya ng gobyerno tungkol sa pagtaas ng R naught?

DOH USEC. VERGEIRE: Yes, ma’am. We have started our preparations already. Una po nag-usap na sa Inter-Agency Task Force para pag-igtingin ng bawat ahensiya ang pagpapatupad nitong minimum public health standards. We also had a forum with the local governments, we had a forum with the medical societies and we had a forum with our hospitals and regional offices para mag-prepare na po. Ang unang-una ho nating kailangang i-prepare would be our hospitals para po sila ay maging ready kung sakaling tumaas nga ang mga kaso.

So we are now monitoring strictly for the compliance na dapat ang public hospitals 30% of their beds are dedicated to COVID at ‘pag nag-surge up to 50%; and for the private hospitals, 20% of their beds should be dedicated and ‘pag nag-surge kailangan 30%.

USEC. IGNACIO: Opo. Usec., ano daw po iyong preparation ng mga ospital natin pareho sa public at private para matiyak na handa tayo sa surge ng new cases?

DOH USEC. VERGEIRE: Ang preparasyon nga po Usec. Rocky is the—a portion ‘no or allocation of beds for COVID, dedicated to COVID. So nakausap na ho natin iyong One Hospital Command Center natin para maigting natin maipatupad ito. Also we are establishing the different One Hospital Command units in all of the regions of the country para po madali ang mga referral network natin kung sakaling tumaas po ang mga kaso.

USEC. IGNACIO: Opo. Sa pag-aanalisa po ng Department of Health, kaya ba daw maging relax ngayon ang mga Pilipino sa health protocols ay dahil alam nilang may paparating na bakuna?

DOH USEC. VERGEIRE: Iyan po ang aming palaging pinapaalala, hindi po porke magkakaroon na ng bakuna ay kailangan na tayong mag-relax. Kailangan pong maintindihan ng ating mga kababayan that even mayroon na tayong bakuna ay kailangan pa ring ipagpatuloy ang minimum public health standard.

Ang bakuna po ay isa lang sa mga strategies na puwede nating magamit para tumigil ang impeksiyon pero kailangan tuluy-tuloy pa rin po ang pag-comply sa minimum public health standard.

USEC. IGNACIO: Opo. Kaugnay niyang balita, Usec., may tanong po tayo mula kay Red Mendoza ng Manila Times: Some quarters daw po are calling again for the resignation of Secretary Duque as health chief because of his alleged failure to acquire the 10 million doses of the Pfizer vaccine. Ano po ang reaksiyon ng DOH dito?

DOH USEC. VERGEIRE: Well unang-una Usec. Rocky, alam naman natin lahat prerogative po ng ating mahal na Presidente ang appointment po ng ating Secretary of Health. Pangalawa, we have explained this again and again na ito pong CDA na sinasabi noong nangyari po ito, this was just a CDA for data sharing agreement; ibig sabihin ito po iyong mga naunang diskusyon natin with Pfizer para po magkaroon nang sharing of data for scientific purposes. So ito po ay dumaan sa proseso ng gobyerno kung saan bawat kontrata, bawat agreement tinitingnan po iyan ng mga legal officers natin. We also had a meeting with Pfizer team din para magpaliwanagan doon sa mga komento natin sa CDA and once after po natapos lahat iyan ay napirmahan po agad iyan ng ating Secretary of Health.

So I just like to inform the public na ito naman po ay ginawa ayon doon sa mga protocol na mayroon tayo dito sa gobyerno.

USEC. IGNACIO: Opo. Some lawmakers are also calling for transparency in the vaccine purchase dahil daw po baka magkaroon ng kickback ang mga government official dahil sa pagkiling lamang sa iisang bakuna. Ano po ang pahayag ng Department of Health dito?

DOH USEC. VERGEIRE: Ito naman po, katulad ng pinaliwanag kanina ng ating Vaccine Czar, iisa lang po ang nakikipagtransaksiyon when it comes to financing and procurement, at ito naman po ay nagiging transparent tayo kung ano po iyong mga negosasyon na mayroon na po tayo sa ngayon.

So this would be very open to the public. It’s going to use multilateral sources like ADB and World Bank. At iyon pong mga pondo natin dito sa ating gobyerno, alam po ng lahat kung magkano ang nakalaan, at makakapagbigay po tayo ng information. The integrity of this process is being ensured para po mapakita naman natin sa ating kababayan na this is really for public health.

USEC. IGNACIO: Opo. May tanong po si Bianca Dava ng ABS-CBN, kaugnay po ito sa paggamit ng face shields lalo na sa paglabas sa kanilang bahay. And can we expect the guidelines to be released? Ano po ang parusa sa mga lalabag sa bagong panuntunan? Mayroon po ba tayong exemptions and specific scenarios kung kailan at saan lang ito dapat suutin? Groups like the cycling community and some health experts are asking IATF to review the new requirement.

DOH USEC. VERGEIRE: Yes, ma’am. Ang DOH po would be releasing a joint admin order ‘no together with the other concerned agencies para po sa guidelines na ito. Atin lang pong pinapaliwanag na ang face shield po, babalikan natin dapat ang objective ‘no para tayo ay maprotektahan, additional protection.

Ngayon, iyong mga exemptions, of course, lalung-lalo na po doon sa mga may medical issues na mga tao, individuals, iyong kailangan nila ng oxygen. For example ‘no, nahihirapan silang huminga kapag doble-doble ang nakapatong sa mukha at may sakit sila, ito naman po ay atin pong ikukonsidera.

Pangalawa, iyong mga mag-isa lang, for example, sa kotse, nagda-drive, hindi ho natin niri-require. Ang sinasabi lang natin, mag-face shield kayo especially if you’re going to interact with other people and especially if you’re going to those areas which are crowded.

USEC. IGNACIO: Opo. Pero, Usec. Vergeire, iyong tanong po iyong kapag nagbibisikleta, iyong cycling po, papaano po daw iyong kanilang gagawin doon?

DOH USEC. VERGEIRE: This is a form of exercise kasi, Usec. Rocky, and when you do your exercises, you require for oxygen. So noong nagpalabas po tayo ng guidelines noon sa mask, atin pong nabanggit ito, sinasabi natin na kung hindi talaga kaya ay hindi naman kailangang gawin; as long as you are alone, na mag-isa ka lang naman doon sa bisikleta and you are not in a crowded place.

So ito pong pagpi-face shield when you do your biking ay atin pong pag-uusapan. Pero nakikita ho natin na that we can consider this as long as alone sila at nagbibisikleta. And kapag tumigil na sila at pumunta sila doon sa matataong lugar na, kailangan na po nilang isuot.

USEC. IGNACIO: Opo. Tanong mula kay Rida Reyes ng GMA News: Mayroon na bang protocol sa pagsasagawa ng community fireworks display at pailaw? Totoo bang papayagan mag-organize ang LGU pero bawal mag-imbenta ng crowd?

DOH USEC. VERGEIRE: Ito po ay pinag-usapan sa IATF ‘no. At iyong atin pong mga protocols for minimum health standards would still be enforced at babantayang maigi po ng ating mga local governments na wala pong magiging crowd dito po sa gagawing mga pailaw na ito.

USEC. IGNACIO: Ano raw po ang dapat gawin ng publiko upang hindi tayo bumalik mula sa isang critical health situation?

DOH USEC. VERGEIRE: Katulad po ng lagi po naming sinasabi, iyong compliance po sa minimum public health standards ay kailangang strictly to be enforced. Magkaroon po tayo ng mga alternative ways of celebrating Christmas this year. Ngayong taon lang po tayo nakikiusap na maiba naman po ang ating Kapaskuhan. Atin pong ibigay na regalo na lang sa ating mga kamag-anak at komunidad na kung puwede ay sana online shopping na lang po, online masses para hindi na po masyadong pumupunta sa matataong lugar.

USEC. IGNACIO: Opo. May tanong pa rin si Athena Imperial ng GMA 7: May guidelines na po ba ang paggamit ng face shield after Christmas holidays? Required pa rin bang magsuot nito kahit nasa open area?

DOH USEC. VERGEIRE: Yes, ma’am. Hindi po tayo nagbibigay ng rekomendasyon na mag-face shield just because it’s a holiday season. We are recommending this because it adds protection to the individual. So ito po ay magtutuluy-tuloy na magiging protocol na natin, minimum public health standards natin.

USEC. IGNACIO: Okay. Maraming salamat po sa paglalaan ng inyong panahon, Usec. Vergeire ng Department of Health.

DOH USEC. VERGEIRE: Thank you very much po.

USEC. IGNACIO: Merry Christmas, Usec.

Sa iba pang mga balita: Mga pamilyang biktima ng pananalasa ng Super Typhoon sa Catanduanes muling binisita at binigyang ayuda ni Senator Bong Go. Para sa iba pang detalye, panoorin po natin ito:

[VTR]

ALJO BENDIJO: Kasing init din ng COVID-19 vaccine ang issue ng RFID diyan po sa NLEX. Ngayong linggo, nagkaharap na ang NLEX at ang Valenzuela City LGU tungkol sa isyu at napagdesisyunan noong Miyerkules na tapusin na ang umiiral na toll holiday sa lungsod.

Sasamahan tayo ngayong umaga ni Valenzuela City Mayor Rex Gatchalian para ipaliwanag ang kanilang naging desisyon. Magandang araw po, Mayor.

VALENZUELA MAYOR GATCHALIAN: Magandang araw at magandang araw din sa lahat ng nanunood at nakikinig sa inyong programa. Thank you for having me again.

ALJO BENDIJO: Mayor, ano po ang dahilan kung bakit ni-lift ninyo conditionally ang suspension order na ipinataw ninyo sa NLEX Corporation dahil po sa isyu ng RFID?

VALENZUELA MAYOR GATCHALIAN: Well, ang sagot diyan nasa NLEX – natauhan na sila at pinakinggan nila iyong mga obserbasyon natin pati iyong mga hinain natin na solusyon. Ang pinakaimportante doon iyon iyong hinahain namin na solusyon na barriers up kung tawagan. Ibig sabihin, itataas na at patuloy nang nakataas ang mga barriers dito sa Valenzuela City. Mula alas singko ng umaga hanggang alas diyes ng gabi, nakataas na iyon. So maluwag iyong traffic kasi through and through na eh. Hindi tulad noong unang panahon na dahil nakababa iyong barrier, hindi nababasa ng sensor, iyong scanner iyong mga stickers ay nagtsa-chacha iyong mga sasakyan at napakatagal bago makatagos. Minsan ilang minuto na, nandoon ka pa rin.

Pero ngayon, pinasa natin iyong burden na iyon sa NLEX. Obligasyon nila na kung confident naman sila sa mga scanner nila, dapat kahit naka-barriers up, through and through lang iyong traffic. So mula nag-agree tayo hanggang ngayon, napaka-smooth ng traffic sa Valenzuela; wala talagang bottleneck kahit rush hours. Pero siyempre, kaya natin nilagyan ng oras iyon, pagsapit ng 10:01 P.M. hanggang 4:59 A.M. ay naka-barriers down para na rin sa safety. Nakinig tayo sa mga payo ng MMDA pati na ng NLEX na sa oras na iyon kasi kakaunti naman talaga ang bumibiyahe; puro malalaking truck na iyan dahil wala nang truck ban. Worry natin dahil sa dilim baka mag-over load iyong truck at samantalahin iyong pagkakataon rumagasa sa NLEX, mahulog naman, mag-tip over, magka-aksidente pa.

So in short, iyong solusyon na iyong naging barriers up na concept, kaya kami lang ang bukod tanging siyudad sa Pilipinas na ang aming mga toll plaza ay naka barriers up.

ALJO BENDIJO: Sakali mang hindi sila makasunod sa Enero a-trenta na deadline, January 30 deadline, next year sa system upgrade, ano po ang posibleng aksiyon muli ng Pamahalaang Lungsod ng Valenzuela?

VALENZUELA MAYOR GATCHALIAN: Naku sana huwag na nilang paabutin doon kasi pangalawa iyon sa kondisyon natin. Remember isang bahagi ng issue iyong traffic, kabilang bahagi naman ng issue iyong consumer issues – iyong nawawalang load, dobleng charging, late loading. Pinangako nila na iyong system upgrade nila na ngayon ay ginagawa na hanggang next year, hanggang January 30 of next year matatapos na.

Kung sakaling hindi nila natapos iyon, doon sa pinirmahan naming kasunduan kaya conditional eh maaaring bumalik na iyong suspension nila – consider themselves suspended kapag hindi naayos iyong system, iyong accounts management system at wala nang tanung-tanong kasi doon sa pinirmahan nila nakasaad iyon nang malinaw, suspended ka ulit ‘pag hindi mo nasolusyunan at natapos iyon.

BENDIJO: Okay. So wala pong negotiation na mangyayari kapag mangyayari uli iyan?

VALENZUELA MAYOR GATCHALIAN: Wala na kasi doon sa pinirmahan nilang conditional listing pati undertaking sa sarili nilang salaysay, sinabi nila matatapos at sisiguraduhin nila na matapos at mawala ang complaint – kung hindi, malaki ang kanilang problema.

BENDIJO: Opo. Ano pong ginagawa ninyo sa NLEX, signal din po daw iyan sa iba pang mga negosyo sa inyong lugar na hindi kayo matatakot magpasara ng mga establisyimento?

VALENZUELA MAYOR GATCHALIAN: Alam ninyo noon pa man, kung mayroong abusado na isang kumpanya, maliit ka man o malaki ka matagal na natin ‘to ginagawa – bahagi ito ng due process ng city hall. Bibigyan ka ng notice na ayusin, kung hindi mo pinansin, notice to suspend; ‘pag hindi pa rin, revoke. Talagang ginagawa natin iyan, hindi natin pinipili kung malaki ka, maliit ka – basta may mali ka, may mali ka. Pagka hindi maganda iyong ginagawa mo, talagang iyang pribilehiyo ng business permit ay masususpinde o mari-revoke.

Ang importante kasi ninyo na tandaan, ang business permit ay hindi karapatan kundi pribilehiyo. Ipinagkakaloob iyan na pribilehiyo ng lokal na pamahalaan sa isang negosyo para makapagnegosyo ka – pero may kaakibat iyan na mga responsibilidad at isa doon at pinakaimportante doon eh pangalagaan mo iyong kapakanan ng publiko sa pamamagitan nang pagbigay nang maayos at de-kalidad na serbisyo.

BENDIJO: Ano po ang pakiramdam ninyo Mayor na dumarami po ang sumusuporta sa naging aksiyon ng Valenzuela LGU sa isyung iyan kasama na ang Pangulong Rodrigo Duterte?

VALENZUELA MAYOR GATCHALIAN: Noong isang araw nga noong narinig ko noong gabi iyon, una sabi ko ang aming taus-pusong pasasalamat sa mahal nating Pangulo dahil, una, kinilala niya na tama iyong—ah, kinilala niya na may rason kung bakit humakbang na ang LGU. Sabi nga niya nauunawaan niya kasi malaking bagay sa amin iyon kasi parang validation iyon na tama naman, nagkaroon naman talaga ng rason kung ba’t namin kailangan umaksiyon.

And pangalawa ang pinaka-ikinagagalak pa namin doon sa mensahe ng Presidente, iyong kinilala niya iyong kapangyarihan ng lokal na pamahalaan, hindi lang para sa Valenzuela na tagumpay iyon kundi tagumpay iyon ng lahat ng mga local government units. Kasi kung matatandaan ninyo noong unang salta ng gulo na ‘to, sabi ng NLEX wala kaming kapangyarihan, pang-national lang daw iyong regulation nila. Nakalimutan nila na ang business permit ay local issue at galing iyan sa lokal na pamahalaan.

At doon sa mensahe ng Pangulo, kinilala niya talaga iyon, iyong kapangyarihan at awtonomiya ng lokal na pamahalaan para i-manage ang kaniyang mga affairs sa kaniyang nasasakupan.

Kaya kami, taus-puso kaming nagpapasalamat sa Pangulo dahil sa kaniyang mensahe lalo naming pag-iigtingin iyong pagprotekta, pag-ayos, pag-aruga ng aming mga sinasakupan.

BENDIJO: Opo. Tungo naman tayo sa issue po ng COVID-19, iyong posibleng surge ng sakit na iyan, iyong mga kaso ng COVID-19 ngayong Kapaskuhan. Dumarami raw po ang bagong kaso dito sa Kalakhang Maynila, Mayor. Ano pong ginagawa ng inyong lungsod para hindi sumipa pa ang bilang ng mga nagkakasakit?

VALENZUELA MAYOR GATCHALIAN: Totoo iyon ‘no pero doon sa huling data na prinesent, pangatlo ang Valenzuela sa may pinakamababa na attack rate. So ibig sabihin iyong prevalence sa amin bagama’t tumataas, hindi ganoon kabilis. Pero ganoon pa man, ang ginawa ng lokal na pamahalaan nga una nitong Kapaskuhan, tinanggal na natin iyong mga public events, iyong mga food bazaar, bazaar, tree lighting. Ayaw na naming ma-tempt pa ang mga Valenzuelanon na magsilabasan at magkaroon ng rason na magtipun-tipon at magkaroon ng hawaan. So ang sinabi na lang namin sa kanila, kung ipagdiriwang ninyo ang Kapaskuhan, dapat sa loob na lang ng inyong tahanan.

Alam ninyo, ang mensahe naman talaga ng Pasko hindi matatagpuan sa magagarbong handaan eh kundi makikita ‘to sa payak at simpleng paghahandaan ng pamilya na magkakasama.

Kung dati-dati figurative iyon, the true spirit of Christmas sa loob ng bahay dapat, sa pamilya – ngayon ginagawa nating literal kasi mas safe talaga sila ‘pag sa loob sila ng kanilang tahanan magdiwang ng Pasko.

And hindi rin namin binibitawan, actually kahit noon pa hanggang ngayon, isa siguro kami sa siyudad na may pinakamaraming tini-test. Dahil sa sarili naming laboratory, tuluy-tuloy kaming mag-test ng mga vulnerable communities ‘no. So sinisigurado natin na ‘pag may nahanap tayo na potential na positive, ina-isolate kaagad natin – walang home quarantine. That way, napuputol iyong chain of infection.

And kung matatandaan ninyo rin, kamakailan na-feature ninyo rin ‘to, ni-launch namin iyong ValTrace, iyong aming automated contact tracing kung saan bawat mamamayang Valenzuelano mayroong QR code na designated and iyong mga establisyimento hindi ka naman papapasukin kung wala kang QR code.

Pinag-igting at pinatatag natin iyong ating contact tracing kaya sa katunayan kung mapagyabang ko lang nang konti, last week lang naparangalan ng DICT at DILG ang Valenzuela as having one of the best technology platform for contact tracing during the COVID.

BENDIJO: Opo. Iyong mga sumusuway po ng minimum health standards, mga lumalabag, ano pong ginagawa po ninyo?

VALENZUELA MAYOR GATCHALIAN: Iyong mga establisyimento pinasu-suspend natin ang business permit niyan. Mayroon na ha, may mga na-suspend na tayo kaya magtanda na iyong iba na huwag na gumaya. Iyong mga mamamayan naman, may mga ordinansa tayo diyan kung saan nakasaad may fine – nagri-range iyan from P1,000, P3,000 and P5,000; pero ‘pag patuloy pa rin iyan, puwede kang makulong pa or magku-community service ka. Kaya kung ayaw mo na lang na humirap pa iyong Pasko, dapat sa bahay na lang tayo.

BENDIJO: Opo. Mensahe na lang Mayor sa inyo pong mga constituents diyan sa Valenzuela ngayon pong Kapaskuhan.

VALENZUELA MAYOR GATCHALIAN: Sa mga kapwa ko Valenzuelanon, tulad ng nasabi ko na kanina – ang tunay na diwa ng Pasko, hindi naman iyan matatagpuan sa mall; hindi iyan matatagpuan sa pampublikong lugar; hindi iyan matatagpuan sa mga tree lighting or sa magagarbong mga selebrasyon.

Ang tunay na diwa ng Pasko kung matatandaan natin ay natatagpuan sa loob ng tahanan kung saan kasama po ang iyong pamilya. ‘Pag ipinagdiwang mo iyan sa iyong tahanan, makakasigurado ka na safe ka at magiging stress free ‘yung iyong Pasko.

BENDIJO: Maraming salamat, Mayor Rex Gatchalian ng Valenzuela City.

VALENZUELA MAYOR GATCHALIAN: Maraming salamat. Magandang tanghali.

USEC. IGNACIO: Samantala, may maagang Pamasko ang mga manggagawa sa Dasmariñas, Cavite na naapektuhan ang trabaho sa COVID-19 habang ang mga nasunugan naman sa Tondo at Paco, Manila kamakailan nakatanaw ng pag-asa sa paglapit ng pamahalaan sa kanila at ni Senator Go. Tunghayan natin ang buong detalye, narito po:

[NEWS REPORT]

BENDIJO: Samantala, upang bigyan po tayo ng daan, ang Hatid Tulong Program na layong mapauwi ang mga na-stranded sa Maynila dahil sa umiiral na community quarantine ay pansamantala munang sinuspinde ito pong Balik Probinsya, Bagong Pag-asa Program at para sa iba pang mga detalye, panoorin natin ito:

[VTR]

USEC. IGNACIO: Patuloy po tayong magtulungan na masugpo ang COVID-19 sa pamamagitan po nang pagsasailalim sa COVID-19 test kung kinakailangan at siyempre katuwang pa rin natin dito ang Philippine Red Cross. Kung nais ninyo pong magpa-swab test sa Red Cross, narito po ang mga hakbang na dapat ninyong gawin:

[VTR]

USEC. IGNACIO: At iyan nga po ang mga balitang aming nakalap ngayong araw. Maraming salamat po sa mga naglaan ng kani-kanilang oras.

BENDIJO: Ang Public Briefing ay hatid sa inyo ng iba’t ibang sangay ng PCOO, Presidential Communications Operations Office sa pakikipagtulungan ng Department of Health at kaisa ng Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas, KBP.

USEC. IGNACIO: Asahan po ninyo ang aming patuloy na pagbibigay impormasyon kaugnay sa mga updates sa ating paglaban sa COVID-19 pandemic. Maraming salamat din po sa Filipino Sign Language Access Team for COVID-19.

BENDIJO: At samantala, 6 days na lang po Paskung-pasko na! Kung hindi po maiiwasan ang tumanggap ng bisita, tiyaking mag-face mask, may tamang distansiya sa kausap, may sapat na bentilasyon sa lugar at tatagal lamang nang labinlima hanggang tatlumpung minuto ha. Salamat sa inyong pagtutok, ako po si Aljo Bendijo. Thank you, Usec. Rocky.

USEC. IGNACIO: Thank you, Aljo. Mula pa rin po sa Presidential Communication Operations Office, sa ngalan po ni Secretary Martin Andanar, ako naman po si Usec. Rocky Ignacio. Magkita-kita po tayong muli dito sa Lunes sa Public Briefing #LagingHandaPH.

###

Source: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)