Press Briefing

Public Briefing #LagingHandaPH hosted by Presidential Communications Operations Office Undersecretary Rocky Ignacio and Aljo Bendijo


Event Public Briefing #LagingHandaPH
Location PTV

USEC. IGNACIO: Magandang umaga, Pilipinas. Ngayon po ay December 23, 2020, araw ng Miyerkules. Sa ngalan po ni PCOO Secretary Martin Andanar, ako po si Usec. Rocky Ignacio. Good morning, Aljo.

ALJO BENDIJO: Maayong buntag, Usec. Ako po si Aljo Bendijo. Dalawang araw bago mag-Pasko, patuloy pa rin pong pinag-iingat ang taumbayan sa posibleng muling pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa bansa.

USEC. IGNACIO: Kaya po ang aming paalala: Magsuot ng facemasks at face shield, maghugas po ng kamay at umiwas sa matataong lugar. Basta’t sama-sama at laging handa, kaya natin ito. Ito ang Public Briefing #LagingHandaPH.

ALJO BENDIJO: Silipin natin ang pinakahuling tala ng COVID-19 sa buong kapuluan. Base sa inilabas na ulat ng Health Department kahapon, nadagdagan ng 1,314 na mga bagong nahawaan ng COVID-19 kahapon kung saan umakyat na sa kabuuang bilang 462,815 total cases iyan sa bansa. Two hundred forty-seven ang nadagdag sa mga gumaling na ngayon ay nasa 429,419, habang 66 ang mga bagong nasawi sa kabuuang 9,021 deaths; nasa 24,375 naman ang nananatiling active cases sa bansa.

USEC. IGNACIO: Bagama’t bumaba ang kasong naitala, sa Quezon City dito pa rin po nagmula ang pinakamataas na bilang ng bagong kaso kahapon; sumunod naman ang Rizal with 89 new cases; sinundan ito ng Benguet, Bulacan at Lungsod ng Davao.

Ang mga aktibong kaso ay umangat sa 5.3% mula sa 5.1% ng total cases na ating naiulat kahapon. Sa bilang na ito, maliit na bahagi o .31% ay moderate cases lamang, 2.9% ang severe, 5.7% naman ang nasa kritikal na kundisyon, 8.5% ang asymptomatic, samantalang ang pinakamalaking bahagi o 82.6% ay mild cases lamang.

ALJO BENDIJO: Muli, ang aming paalala: Maging maingat para po hindi mahawa o makahawa ng COVID-19. Manatili tayo sa ating mga tahanan kung wala namang importanteng gagawin sa labas. At kung hindi maiiwasang lumabas, huwag kakalimutang magsuot ng facemask at face shield.

Para po sa inyong mga katanungan at concerns tungkol sa COVID-19, i-dial ninyo po ang 02-894-COVID o kaya ay 02-894-26843. At para naman sa PLDT, Smart, Sun at TNT subscribers, i-dial ang 1555. Patuloy kayong makibalita sa mga pinagkakatiwalaang sources ng impormasyon tungkol sa COVID-19, bisitahin ang covid19.gov.ph.

Puntahan natin ang mga balitang nakalap sa mga lalawigan. May ulat si John Mogol mula sa PBS Radyo Pilipinas. John, go ahead.

[NEWS REPORTING]

ALJO BENDIJO: Maraming salamat, John Mogol ng PBS Radyo Pilipinas.

Mga kababayan, muling kinakitaan ng pagtaas sa daily infection rate ng COVID-19 ang Kalakhang Maynila base iyan sa pinakahuling ulat na inilabas ng OCTA Research team, ito ay sa kabila ng patuloy na paalala ng pamahalaan na mag-ingat at huwag magpakampante sa banta ng pandemya.

Posible nga bang mangyari ang kinatatakutang 4,000 cases per day pagkatapos ng holiday season? Para pag-usapan iyan, sasamahan tayo nina Professor Guido David at Dr. Butch Ong mula sa UP OCTA Research team. Magandang umaga sa inyong dalawang, sir.

PROFESSOR GUIDO DAVID: Magandang umaga, Aljo. Magandang, Usec.

DR. BUTCH ONG: Magandang umaga.

ALJO BENDIJO: Opo. Papaano po natin nasiguro, Dr. Ong at Professor David, o natiyak na nagsisimula na ulit iyong surge ng COVID-19 cases sa Metro Manila? Ano po ang iyong mga indicators? Si Dr. David muna po.

PROFESSOR GUIDO DAVID: Yes. Iyong indicators natin, iyong reproduction number, tumataas siya; nag-increase siya about one noong December. Currently, actually, nasa 1.12 siya. So it means medyo nag-stabilize naman iyong numbers. Pero the fact na above one siya, it means nag-increase iyong infections sa Metro Manila. Sa Metro Manila iyan, iyong number na iyan. Kasi the rest of the Philippines, most places sa Philippines, pababa naman iyong bilang ng kaso – sa Visayas and sa Mindanao and most areas sa CALABARZON and sa Luzon.

ALJO BENDIJO: Opo. Dr. Butch Ong, tama bang mayroon kayong suggestion ngayon na higpitan pa ang mga borders natin ngayong Kapaskuhan para sa gayun ay maiwasan natin ang paglala pa ng kaso ng COVID-19 by January 2021?

DR. BUTCH ONG: Yes, Aljo ‘no. Actually, lagi naman nating sinasabi na ang SARS-CoV-2, iyong virus ng COVID-19 ay wala naman talagang mga paa ‘no so kailangan iyan ng mga tao para makapag-transmit at makapag-travel. So to curb the transmission or to control the transmission, we must also be vigilant and be aware of our mobility.

So kapag tayo ay lumilipat sa ibang barangay o sa ibang lugar gaya ngayong Kapaskuhan na uuwi na iyong mga tao ‘no, let’s be aware na maaari nating madala o kaya maaari tayong mahawa doon sa lugar na pupuntahan natin ‘no. So in that light, it would be prudent also for some LGUs na naisama sa hotspot list natin na to control or to be stricter na lang, not to control, be stricter in their … iyong pag-ingress at pag-egress ng mga residente nila.

ALJO BENDIJO: Sa labas ng Kalakhang Maynila po, aling mga lugar ang dapat bantayan, Dr. David?

PROFESSOR GUIDO DAVID: Actually, although iyong increases nakikita natin sa iba-ibang bahagi ng Metro Manila and notably nasa bandang northern area and iyong south part niya hindi pa masyadong nagkakaroon ng increase ng cases which means iyong Muntinlupa, Las Piñas, Pasay, hindi pa actually nag-i-increase iyong cases dito. Pero iyong increase nakikita natin sa northern part – sa Caloocan, Valenzuela, Malabon, and Quezon City and some regions sa gitna ng Metro Manila including Makati.

So, of course, kailangan naman natin bantayan lahat iyan hindi lang itong mga LGUs na ito pero the whole Metro Manila kasi we know na highly connected iyong Metro Manila, it’s very interactive, we can think of it as one organism kaya kailangang bantayan natin iyan. And also iyong Rizal, tumataas din iyong cases sa Rizal and parts of Bulacan which is because very close ito sa Metro Manila.

In fact, we can almost think of it na part sila ng Metro Manila, iyong San Jose for example sa Bulacan and iyong Antipolo and Cainta almost part of Metro Manila, so kailangang bantayan itong mga lugar na ito. Dito nagkakaroon ng increase ng cases and makikita natin the next week kung magpapatuloy tumaas iyong bilang ng kaso dito sa mga lugar na ito.

BENDIJO: Dr. Ong, may nakita ba kayong trend ng pagtaas sa mga lugar na naapektuhan nito pong recent typhoons katulad diyan sa Cagayan at Isabela? How about itong dinaanan ng Bagyong Vicky sa Mindanao at Visayas po, Dr. Butch?

DR. BUTCH ONG: I think, for that data, I think Dr. David will be the better one to answer it, with regard to the data.

BENDIJO: Opo. Dr. David?

PROFESSOR GUIDO DAVID: Yes. Iyong Isabela nakita na namin na tumataas na iyong cases diyan for the past few weeks specially sa Ilagan and sa Santiago. Sa Mindanao areas, hindi pa natin nakikita kasi kakadaan pa lang ng bagyo. Usually, it takes mga 1-2 weeks kasi may lag iyong effect ng typhoon, ng evacuations, bago natin makita ito, the spike in numbers.

So, we will see in 1-2 weeks kung magkakaroon ng spike sa Mindanao areas, sa mga dinaanan ng bagyo. Most likely makakakita tayo kasi noong nagkaroon ng Typhoon Rolly, nakakita tayo ng increase ng cases in many parts of the Philippines kasama sa Metro Manila, sa mga areas like Marikina na binaha and sa parts ng CALABARZON and Central Luzon pero sa ngayon, ang Isabela continued pa rin na nags-i-increase ang cases. Hopefully ma-contain na iyan within the next few weeks.

BENDIJO: Opo. Kung magtutuloy-tuloy ang trend na ito, posible ba talagang umabot muli sa apat na libong kaso kada araw ang Pilipinas? Si Dr. Ong ang puwede sigurong sumagot nito. Ano pong nakikita ninyong total COVID cases sa bansa before 2020 ends?

DR. BUTCH ONG: Well, at the start of December, actually, we already had an upper and a lower limit sa projection namin. Ang upper limit ay nasa 500,000 ang total cases; ang lower limit is around 450,000. So, actually it is impossible talaga na makamit natin ang 500,000 at the end of December or at the start of January.

Iyong curve na nakikita namin ngayon sa reproduction ay steadily talaga paakyat na, ‘no. Pagdating ng second half or dating ng second week pala of December nakita natin na talagang may parang uptick talaga ng ating number of cases. Biglang tumaas talaga iyong reproduction number. Therefore, it is possible na we might reach the 3,000 – 4,000 new cases per day.

We are still actually very vigilant sa data natin ngayon. Right now, we are seeing an increase although bahagya lang, ‘no. We are now increasing by about a few hundreds lang per day. Pero it could be that pagdating ng after Christmas, after December 25, kung kailan pauwi na ang mga tao o pabalik sa work areas nila or pagdating ng January 1, kapag pauwi na sila sa Metro Manila for example or sa mga metro cities, maaari nating makita ang pagtaas talaga ng numero sa mga areas na ito.

So right now, paumpisa pa lang naman talaga ang pag-akyat ng numero. We cannot really say that the surge is here definitely. It is still at the early stages, therefore, we can still keep it or make it go lower. May pagkakataon pa tayo na hindi umabot sa 4,000.

BENDIJO: Opo. Professor David, nabanggit po ng Palasyo na mananatili tayo sa General Community Quarantine, itong existing CQ natin sa bansa hanggang matapos ang Disyembre. May epekto ba ito kung pag-uusapan natin ang ipinaiiral na quarantine status o kinakailangan ba nating pahigpitan pa? Papasok tayo sa tinatawag na MECQ? Ano pong nakikita ninyo para sa ganoon ay mapigilan talaga natin ang hawaan ng COVID-19 lalung-lalo na po sa Metro Manila?

PROFESSOR GUIDO DAVID: Aljo, as long as hindi pa naman tayo tumatama ng 4,000 kasi 4,000 iyong parang critical limit ng cases para bumalik tayo sa MECQ kasi iyon noong nangyari noong August, we hit mga 4,000 cases and then hindi na kinayanan ng healthcare natin.

So, we could think of it as iyong critical level at kapag hindi pa naman natin tinatamaan iyan hindi pa naman natin kailangan mag-MECQ at gusto nating iwasan iyong lockdown, iyong stricter lockdown hangga’t maaari.

And nakikita naman natin na kaya nating mapababa iyong cases even without MECQ kasi nagawa na natin ito noong September, October, November. Pero kailangan talaga dito iyong cooperation ng mga tao. Kailangan social distancing, wearing ng face mask and face shield. Limit sa mass gathering.

Kailangan natin lahat iyan para mapababa ulit natin iyong cases kasi baka matagalan pa iyong bakuna, I mean, sometime next year. So, habang hinihintay natin iyong bakuna magandang mapababa natin iyong cases and maiwasan nating mabalik tayo sa MECQ and magagawa natin iyan kung ma-change natin iyong trend na pataas ngayon.

Kasi kung tuluy-tuloy siyang tumaas pa, it’s very possible na ma-hit natin iyong 4,000 cases per day sa Metro Manila by sometime January or February kung patuloy-tuloy na tumaas kaya gusto nating iwasan iyon. And we can use iyong mga interventions na ginagawa natin, maybe may localized lockdown, siyempre iwasan natin iyong mga sobrang crowding, mga ganiyan.

And medyo inaasahan natin na mabawasan naman iyong crowding and iyong mga gathering after the holidays kasi ganoon naman tradition nila eh and iyong mobility bumababa rin after the holidays. So, hopefully medyo makakatulong iyan pero hangga’t wala namang emergency na umabot tayo sa 4,000 cases, hindi naman kailangan iyong MECQ.

BENDIJO: Opo. Si Dr. Ong, ano po ang inyong masasabi naman diyan sa localized lockdown na dapat eh masaya pa rin kahit papaano ang pagdiriwang natin ng Pasko at iyong Bagong Taon po?

DR. BUTCH ONG: Oo, tama iyan, Aljo. This is a different kind of Christmas that we are going to have this season, pero hindi naman ibig sabihin na dapat tayo ay hindi masaya. Ang sa akin, kailangan lang ma-limit lang ang number of people who are celebrating. Tayo namang mga Pilipino, mahilig tayo kapag nag-Noche Buena buong clan ang kasama, maybe we can downsize that to the immediate family na lang. And iyong pag-iikot-ikot ng mga bahay kapag Kapaskuhan o sa Noche Buena; tayo din ay bumibisita sa ating mga ibang kaibigan sa ibang lugar – iwasan na lang natin iyan.

Now, kapag magawa naman talaga natin iyan lahat na iyan, tama si Professor David, hindi naman kailangan magkaroon ng MECQ kapag hindi naman tumama sa 4,000. It’s really up to us, nasa sa atin naman iyan. Nabanggit naman dati ng grupo ng mga doktor iyong ‘Apat Dapat.’ Iyong dapat kapag magtitipon-tipon para mag-Noche Buena open ang circulation, ibig sabihin maganda iyong ventilation ng bahay. Mag-physical distancing pa rin tayo and then always wear your PPEs, your mask, your face shields. And for those having conversations face-to-face, na thirty minutes lang dapat or even less, ang duration ng conversation.

So, maaari naman talaga nating ma-prevent ang surge na nagbabanta na dahil nasa kultura natin talaga ang maging masaya bilang pamilya at bilang magkasama-sama at magkaibigan. This is just a different kind of Christmas right now. Sinasabi ko nga lagi na the reason for the season is still there, iba lang talaga ang ating way o paraan ng pag-celebrate.

BENDIJO: All right. Maraming salamat ulit, Professor, Dr. Guido David and Dr. Butch Ong mula sa OCTA Research team. Maraming, maraming salamat! Merry Christmas po!

DR. BUTCH ONG: Merry Christmas!

PROFESSOR GUIDO DAVID: Yes, thank you. Merry Christmas!

BENDIJO: Magbabalik pa ang Public Briefing #LagingHandaPH.

[COMMERCIAL BREAK]

USEC. IGNACIO: Okay, salamat po. Nagbabalik po ang Public Briefing #LagingHandaPH. Puntahan muna natin ang mga balitang nakalap mula sa Cordillera Region, may balitang hatid si Alah Sungduan mula sa PTV Cordillera.

[NEWS REPORTING]

USEC. IGNACIO: Maraming salamat, Alah Sungduan ng PTV Cordillera.

Dalawang araw po bago mag-Pasko, protektado pa rin ba ang ating mga consumers laban sa mataas na bilihin at sa nagkalat na mga scam? Makikibalita po tayo kay Department of Trade and Industry Undersecretary Ruth Castelo. Usec., magandang umaga po sa inyo.

DTI USEC. CASTELO: Hi, Usec. Rocky! Good morning. Good morning sa lahat.

USEC. IGNACIO: Opo. Welcome po sa Public Briefing.

Nagkakaubusan na ba ng Noche Buena items sa merkado o sapat pa ang ating supply sa kasalukuyan, Usec?

DTI USEC. CASTELO: Usec. Rocky, sa ngayon nga ay nag-i-execom meeting kami ni Secretary Lopez kaya wala akong video. Pero na-report natin, kaka-report lang natin sa DTI na kumpleto po ang supplies natin, actually, hanggang first quarter to second quarter of next year both for Noche Buena products na minu-monitor ng DTI at ng basic necessities and prime commodities.

Ang presyo ng Noche Buena products, Usec. Rocky, good news iyan sa consumers natin kasi from November 15 to December 31 this year, ang presyo natin na mabibili sa groceries and supermarket ay nasa 2019 na presyo. Na-convince ni Secretary Lopez ang manufacturers nito na mag-roll back ng presyo last year or hindi talaga magtaas this year.

So for Noche Buena, in-encourage natin ang consumers na mag-umpisa nang mamili, ang presyo nila hanggang December 31 ay nasa 2019.

Ang basic commodities naman natin… basic and prime na produkto natin ay nasa stable price pa rin siya. September 2019 pa tayo huling naglabas ng suggested retail price. So assured ang consumers na all manufacturers of food products na basic necessities and prime commodities ay nasa 2019 prices pa.

Supply also is not an issue kasi ang manufacturers have already raw materials na anytime pagkakailangang mag-produce nang mas madami, makakapag-produce sila. And retailers have sufficient inventory na hanggang matapos this year, hanggang first quarter of next year.

USEC. IGNACIO: Opo. Usec., may tanong po iyong ating kasamahan sa media ‘no, may tanong po si Cleizl Pardilla ng PTV News: Ano po ang gagawin sa mga lumalabag sa mga negosyante na nagbibenta po nang mas mataas na SRP?

DTI USEC. CASTELO: Initially po, iyong suggested retail price natin, kabisado na ng retailers iyan, groceries and supermarkets especially na hindi sila nagtataas. But kapag nakakita tayo sa DTI because we monitor naman every day, we issue letters of inquiry. Inaalam natin muna kung bakit, at ibabalik naman nila iyon sa SRP. Pero nakabantay tayo for the next month or so. Kapag hindi nila binalik iyong presyo nila, we file formal charges. It’s considered as profiteering under the Price Act na may penalty iyan na 5,000 to two million pesos, and imprisonment of five to 15 years. Kaya talagang todo tayo sa pagbabantay.

Usec. Rocky, I’d just want to emphasize, hindi natin na kinu-cover, hindi na tayo nag-i-enforce ng presyo sa convenience stores and sari-sari stores dahil siyempre iyong supply chain niyan, marami nang palipat-lipat so marami na ring patong. Kaya ang encouragement natin sa consumers, doon sila bumili sa supermarkets and groceries kasi iyon talaga iyong diretso from the manufacturers or from the suppliers.

USEC. IGNACIO: Opo. Usec., ibig sabihin ba nito, may mga hindi nasusunod na suggested retail price. Sa mga palengke, sakaling patungan pa ng ilang piso ang SRP na itinakda ng DTI, katanggap-tanggap po ba iyon o talaga pagdating sa ganitong kahit kaunting dagdag talaga ay may parusa; at saan po sila puwedeng magsumbong?

DTI USEC. CASTELO: Oo, please—Usec., actually, ang agricultural product, that’s mandated by DA. Mayroon din silang suggested retail price, and the same procedure – kapag lumalampas sa SRP, letter of inquiry and then formal charge; notice of violation and then formal charge. Pina-file-an talaga iyang mga iyan. Pero kasi iyong enforcement nila, sa palengke, sa agricultural products, DA ang nag-i-enforce. Pero puwede rin nilang i-report iyan sa DTI through consumer care hotline 1384 or puwede silang mag-e-mail sa atin at consumercare@dti.gov.ph.

USEC. IGNACIO: Opo. Usec., doon sa mga lugar na dinaanan ng Bagyong Vicky, may plano po ba ang DTI na mag-impose rin ng price freeze para po makatulong sa mga residenteng nasalanta?

DTI USEC. CASTELO: Oo nga pala Usec., thank you for the reminder. Ang buong Luzon po ay under a state of calamity pa so naka-price freeze iyan simula nung diniclare [declared] ni Presidente nang November 18 hanggang January 17, kasi 60 days iyong effectivity ng price freeze.

Itong kay Typhoon Vicky, kung ano iyong sinalanta ng bagyo, once na nag-declare ng state of calamity si Presidente or ang local government units, automatic ang price freeze niyan. So hinihintay lang natin, Usec., ang declaration nila or kung mga lugar na naka-declare na under a state of calamity, automatic po ang price freeze natin.

USEC. IGNACIO: Opo. Usec., kumusta naman po iyong impact ng holiday season sa mga negosyo sa bansa? Iyon pong business sector po ba natin ay coming back to normal na iyong sales and operations?

DTI USEC. CASTELO: Oo, pinipilit natin Usec., actually in-open na natin nga lahat ng negosyo pero pinipilit natin na ma-build ang consumer confidence. Kaya ang paalala natin palagi sa businesses, make sure na sundin nila iyong heath protocols natin na itinalaga ng IATF para sigurado na iyong mga tao siyempre mas kumpiyansa silang lumabas at mas kumpiyansa silang kumain sa labas at mag-shopping naman sa retail stores natin. Pero hindi natin iyan matutupad, hindi natin maa-achieve kung nakikita ng tao na iyong businesses mismo ang hindi sumusunod sa protocols. Kaya it’s very important … at siyempre ayaw natin maghawa-hawa.

Sa monitoring naman natin, kapag nakikita natin na may violation sila, paalala lang sa businesses natin, they will be shut down – that’s the instruction of the IATF. Isasara sila temporarily until they are able to follow the protocols and ayaw rin naman nating mangyari iyon. So para tuluy-tuloy iyang negosyo nila, sumunod na lang tayong lahat. Disiplina lang natin lahat pati as costumers, pati iyong mga businesses.

USEC. IGNACIO: Opo. Sabi po ng OCTA Research ay tumataas nga ulit po ang bilang ng COVID cases sa Metro Manila. Sa palagay ninyo po ba, dapat ulit higpitan iyong ilang mga lugar kung saan po nagpupunta ang mga tao tulad po ng mall or restaurant para po maagapan ito? Kasi papaano po natin mari-reconcile iyong sinasabi natin na kailangan ding magbukas ng ekonomiya and at the same time ay ma-ensure po natin iyong safety ng ating mga kababayan.

DTI USEC. CASTELO: That’s right, Usec. We cannot compromise nga iyong health natin at safety natin para sa negosyo, pero dahil naka-open iyan, bahala ang local government units to dictate kung ano iyong mga additional protocols nila, kung gusto nilang magbawal pa ng mga negosyo na in-open na natin sa national government.

Pero importante talaga, Usec., kasi hindi tayo tuluyang makakabawi kung sara tayo nang sara ng businesses. That’s why importante na tulung-tulong tayong lahat. Tulungan din natin ang mga negosyo na maka-recover kaya lahat tayo i-observe natin ang health protocols natin.

USEC. IGNACIO: Opo. Usec., nagkaroon ng shift sa consumption behavior ang mga mamimili dahil nga po nasanay sila sa pandemya na online ang naging pangunahing transaction. May mga nakalatag na po bang sistema ang DTI para po ma-monitor iyong mga online stores at online selling platforms para po naman maprotektahan ang interes ng mga consumer? Kasi karamihan po ng tao ngayon parang mas gusto na po nilang mag-online na lang para po hindi na sila lalabas at medyo talaga namang natatakot pa rin silang lumabas para mamili.

USEC. CASTELO: Okay naman din ang online para rin makatulong makabawas ng tao sa labas at maka-prevent ng transmission natin. Okay rin naman ang online shopping and the DTI through the Fair Trade Enforcement Bureau, sinisigurado din natin na lahat ng consumer concerns nila naa-address. Mag-ingat lang, siyempre kailangan natin din magbigay ng mga paalala sa consumers, mag-ingat lang rin sa binibilhan nila.

As much as possible hanapin nila iyong mga registered businesses. Makikita naman iyan if it’s a single proprietorship, nasa DTI website; kung partnership siya or corporation, nasa SEC website. Ingatan lang nila na bibilhin nila, kilala nila, registered preferably, alam nila kung sino, saan hahanapin at may reputation, may track record.

Importante, Usec. Rocky na alam nila kung saan at sino dahil kapag nagka-problema sila doon sa transaction at dadalhin nila sa DTI, mas mabilis natin silang matutulungan kung identified ang seller. Kung unregistered siya o hindi kilala ng buyer mismo, dadalhin pa natin iyang kanilang computer devices na ginamit sa CIDG Cybercrime Division or sa NBI para ma-track. Ngayon, para mas madali for all of us, lalo na sa consumers mas mabilis ang redress nila, iyong kilala nila bibilhan para mabigay nila agad sa atin ang identity.

Sa platform, wala tayong problema kung sa platform sila pupunta because ang DTI, ang tinatawag natin platform, kasi hindi naman natin kilala iyong mga individual online merchants nila, so iyong platform ang pinapasagot natin kung ano man iyong magiging problema.

USEC. IGNACIO: Opo. Pero sa kabilang bansa, USec., marami rin pong kumakalat ngayon na mga fake buyers naman o iyong prank deliveries kung saan ibang address po ang inilalagay ng mga bumibili online, may aksiyon po ba o may ginagawang sistema ang DTI para po matugunan o maiwasan ito?

USEC. CASTELO: Opo, Usec. Naglabas din tayo ng advisories tungkol diyan dahil alam naman natin na marami ring mga gustong manloko o gustong makaisa, so marami rin tayong sellers na naaagrabyado.

So, naglabas ang DTI ng advisory na kung mayroon, na kung sakali man na mayroong mangyaring ganoon, iyong seller mismo itago niya iyong mga records niya nang tawag at iyong phone number para madala natin kung mayroon mang mga text messages, i-save ninyo rin kasi ano ito, Usec., this is estafa under the Revised Penal Code, so it’s punishable by imprisonment.

Makukulong iyan kailangan lang tulungan rin tayo ng complainant kung siya iyong seller or iyong food delivery platform na makapag-complain siya, mag-execute ng affidavit at makapag-complain. Tutulungan natin sila sa PNP or sa NBI.

Na-advise na natin sila, USec., ang PNP and NBI, naka-ready sila na tumanggap ng mga reklamo para ma-file na natin sa Department of Justice iyong mga reklamong iyan, because it’s a criminal offense. Kaya babala rin doon sa mga buyers na nanloloko o iyong mga wala naman talagang planong bumili pero gusto ang makaagrabyado ng tao, babala sa kanila na kulong po ang penalty diyan kaya huwag na nilang ituloy or tigilan na nila iyong mga ganiyang gawain nila.

USEC. IGNACIO: Opo. Usec., may tanong lang po si Dano Tingcungco ng GMA 7: May policy ba ang cargo coming from United Kingdom?

USEC. CASTELO: Policy po?

USEC. IGNACIO: Opo. May pahabol pong tanong si Dano Tingcungco ng GMA 7: Kung mayroon daw pong policy na ipatutupad doon sa cargo coming po mula po sa United Kingdom?

USEC. CASTELO: Department of Health po ang makakapagsabi kasi naglabas na ang DOH ng advisory na hindi siya dumidikit sa food, iyong virus transmission, sa pagkain hindi daw kasama, so, iyong cargo na dumadating from the United Kingdom alamin lang natin, Usec., hindi ko pa naririnig from DOH or sa BOC, sa Customs natin kung ano iyong magiging polisiya nila. But sa DTI, wala pa kaming napapag-usapan na i-prohibit or i-ban iyong mga cargo from UK kaya tuluy-tuloy pa siya as of today.

USEC. IGNACIO: Any last-minute advice na lang po, Usec. Ruth, para po sa mga hahabol pa sa Christmas shopping nila ngayong araw?

USEC. CASTELO: Yes, Usec. Iyong mga bibili sa physical stores, sa grocery and supermarkets silang magpunta siguradong ang presyo ay tama, nasa 2019 prices pa tayo. Hanapin din nila iyong mga promo packages or bundle packages na ibinibigay ng manufacturer for Noche Buena products. Makakatipid sila from P20.00 to P70.00 kung ito iyong bibilhin nila.

Ang SRP natin, both for basic necessities and prime commodities and Christmas products, makikita nila sa DTI website or we have the E-Presyo application na downloadable sa iOS at android devices nila. So, mag-ingat lang po, tingnan din mabuti iyong expiration date dahil siyempre baka naman naka-promo dahil mag-e-expire na, so mag-ingat lang po. But if you think you can consume it before mag-expire okay naman pong bilhin iyon at mas mura siya.

Iyong mga bibili online, basahin lang rin nilang mabuti iyong terms and conditions of the sale, pag-aralan nilang mabuti, and please don’t hesitate to ask questions doon sa seller. Kung tama ba iyong dimension, tama iyong kulay, tama iyong kalidad na hinahanap nila, ganoon ang dapat na mai-deliver ng seller.

Kung mayroon po silang magiging problema, both in online and offline store, puwede po nila tayong lapitan sa DTI 1384 or mag-email sila sa consumercare@dti.gov.ph.

USEC. IGNACIO: Okay. Maraming salamat po, Usec. Ruth Castelo ng DTI. Merry Christmas po sa inyo and stay safe!

USEC. CASTELO: Merry Christmas, Usec. Rocky! Merry Christmas po sa lahat! Stay safe. Ang protocols po, huwag nating kalimutan. Maraming salamat.

USEC. IGNACIO: Salamat po.

Samantala, magbabalita naman po mula sa Region XI si Regine Lanuza ng PTV-Davao. Regine?

[NEWS REPORT BY REGINE LANUZA/PTV DAVAO]

USEC. IGNACIO: Maraming salamat Regine Lanuza ng PTV Davao.

Samantala, ilang mambabatas ang nagpahayag po ng pagsuporta sa panukalang pagtatayo ng Department of Overseas Filipinos. Ang detalye sa report na ito:

[VTR]

BENDIJO: Mga driver at market vendors sa bayan ng Carmen at Pantukan sa Davao del Norte, binisita ni Senador Bong Go. Narito ang detalye:

[VTR]

USEC. IGNACIO: Mga residente naman Polomolok, South Cotabato at Pandi, Bulacan, nakatanggap ng tulong sa dalawang magkahiwalay na aid distribution. Narito po ang report:

[VTR]

BENDIJO: Samantala, kanina lamang ay inaprubahan ng Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang pansamantalang suspensyon ng lahat ng flights mula sa United Kingdom simula December 24, 2020 ng 12:01 A.M. hanggang December 31, 2020.

Ang lahat ng pasahero na manggagaling o dumaan sa UK sa United Kingdom sa loob ng 14 na araw bago dumating sa Pilipinas ay hindi po papayagang makapasok sa bansa sa mga petsang nabanggit.

At ang mga pasahero naman na darating sa Pilipinas bago ang 12:01 A.M. ng December 24 ay papayagan pa ring makapasok ng bansa pero kinakailangang sumailalim sa 14-day quarantine period sa Athlete’s Village sa New Clark City, Pampanga kahit pa mayroon pong negative RT-PCR test result.

Ang mga biyaheng papunta naman sa UK ay dapat sumailalim sa exit protocols ng Pilipinas at United Kingdom.

USEC. IGNACIO: Samantala, Aljo, ay magri-report mula sa Cebu ang ating kasamang si John Aroa. John?

[NEWS REPORT BY JOHN AROA/PTV CEBU]

USEC. IGNACIO: Okay. Maraming salamat sa ating kasama, si John Aroa nag-uulat po mula sa PTV Cebu.

Maraming salamat po sa ating mga partner agency para sa kanilang suporta sa ating programa at maging sa Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas. Salamat din po sa Filipino Sign Language Access Team for COVID-19. Mabuhay po kayo!

BENDIJO: At diyan po nagtatapos ang ating programa sa araw na ito. Ako po ang inyong lingkod, Aljo Bendijo. Thank you so much, Usec. Rocky.

USEC. IGNACIO: Maraming salamat sa iyo, Aljo. Ako naman po si Usec. Rocky Ignacio. Samantala, dalawang araw na lamang po at Pasko na.

BENDIJO: Hanggang bukas muli dito lang sa Public Briefing #LagingHandaPH.

####

Source: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)