Press Briefing

Public Briefing #LagingHandaPH hosted by Presidential Communications Operations Office Undersecretary Rocky Ignacio and Aljo Bendijo


Event Public Briefing #LagingHandaPH
Location PTV

USEC. IGNACIO: Magandang umaga, Pilipinas. Bisperas na po ng Pasko, habang kayo’y naghahanda sa Noche Buena, ihahatid namin sa inyo ang isang oras na naman pong makabuluhang talakayan kaugnay sa ating laban kontra COVID-19.

BENDIJO: Good morning, USec. Hindi po humihinto ang pagsiserbisyo publiko ng mga kawani ng pamahalaan at ating mga kasamahan dito po sa PTV at Philippine Broadcasting Service (PBS) sa iba’t ibang lalawigan para mabigyan lamang ang ating mga kababayan nang tamang impormasyon sa mga napapanahong isyu; ako po si Aljo Bendijo.

USEC. IGNACIO: Good morning, Aljo. Mula po sa PCOO, sa ngalan ni Secretary Martin Andanar, ako naman po si Usec. Rocky Ignacio at ito ang Public Briefing #LagingHandaPH.

At upang sumagot sa mga tanong ng bayan, maya-maya lamang makakasama natin sa programa sina General Debold Sinas, Chief ng Philippine National Police; Dr. Jaime Montoya, Executive Director, Philippine Council of Health Research and Development-DOST; Attorney Nora Malubay, Executive Vice President for Business Sector ng GSIS; at Executive Director Stella Zipagan-Banawis ng Employees Compensation Commission.

BENDIJO: Samantala, kung mayroon po kayong mga katanungan, mag-comment lamang sa live streaming ng ating programa sa PTV Facebook page.

USEC. IGNACIO: Una po sa ating mga balita: Mahigit dalawanlibong residente na muling binaha sa ilang lugar sa Cagayan kamakailan, binigyan ng ayuda ng iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan at opisina ni Senator Bong Go. Para sa iba pang detalye, panoorin po natin ito:

[NEWS REPORT]

BENDIJO: Mga residente ng San Luis, Aurora na hinagupit din ng nagdaang bagyo nakatanggap ng ayuda mula sa iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan. Narito ang detalye:

[NEWS REPORT]

USEC. IGNACIO: Usaping bakuna muli tayo kontra COVID-19. Isang linggo po bago matapos ang 2020, ano na nga ba po ang itinakbo ng planong clinical trials ng vaccine manufacturers sa ating bansa? Atin pong makakasama muli sa programa si Dr. Jaime Montoya, Executive Director ng Philippine Council of Health Research and Development ng DOST. Magandang araw po, Doc.

DR. MONTOYA: Yes. Magandang umaga po, Usec. Magandang umaga po sa lahat ng tagapakinig.

USEC. IGNACIO: Opo. Doctor, unahin na po natin ang mga katanungan po mula sa ating mga kasamahan sa media. Mula po kay Trish Terada ng CNN, ito po tanong niya: A Brazilian newspaper reported that Sinovac vaccine is over 50% effective in late stage trials. The Chinese firm also asked the Brazilian experts running the trials to wait for 15 days before publishing the result. Is 50% efficacy acceptable?

DR. MONTOYA: Thank you very much for the question. The 50% efficacy is acceptable because that is the minimum requirement set by the World Health Organization for a vaccine to be used by a country. We have to also bear in mind that a vaccine efficacy may actually change – it may go up or it may go down as more and more people are using it when they are actually rolled out.

USEC. IGNACIO: Opo. Mula pa rin po kay Trish Terada: What’s the ideal range that we must use—sinagot ninyo na po kanina. Do you agree or disagree that 70% or more is better? Is it ideal to buy this vaccine with over 50% efficacy than vaccines that have shown higher efficacy?

DR. MONTOYA: If we are given a choice and we have to prioritize, of course definitely the vaccine efficacy that is higher would be the preferred vaccine. However, we have to bear in mind that we have to look at the data. We are talking here of the overall vaccine efficacy which is if it is true, it’s at 50% but if we actually break them down into groups, maybe it is more effective in a particular group of people – maybe healthcare workers, maybe in the elderly, maybe with those with co-existing morbidity so we have to look at them. So we have to also look at where they are actually going to be most useful, in what group, before we can actually make a decision.

USEC. IGNACIO: Mula kay Joseph Morong ng GMA-7: Considering daw po all the requirements, when do you think can we expect the first vaccination in the Philippines and what vaccine?

DR. MONTOYA: Okay. Well, if you are going to look at the Emergency Use Authorization ‘no, gagamitin ko lang iyon as the reference point because before any vaccine can be used or made available in the Philippines, it has to either be approved or given an EUA by our FDA. Given that reference point, dalawa pa lang po ang naiisyuhan ng EUA ng isang stringent regulatory authority, meaning in the US – iyan ang Pfizer, BioNTech at Moderna.

So, if they are going to pursue their application here in the Philippines for the EUA also in the Philippines, then malamang sila ang mauna na maging available. So, that means, kung na-approve siya ng FDA natin, puwede na siyang maging available sa ating bansa. (signal cut) negotiating team to make it available at the soonest time possible.

So because of those timelines, baka maging available kung magpu-push through o magpa-finalize negotiations natin either Pfizer or Moderna. Any of these two vaccines will be the vaccine that will be made available at the earliest. Hopefully, kung ang EUA ay ma-approve by the second quarter of next year, then baka second quarter maging available na siya sa ating bansa. Kung ang vaccine negotiations will push through.

USEC. IGNACIO:  Opo, may tanong po si Joseph Morong, nag follow up po siya: We cannot use Sinovac as things stand now?

DR. MONTOYA:  At this point? Kasi sabi ko nga hindi pa natin nakikita iyong data. It must have to be reviewed by the Food and Drug Administration kahit na lumalabas sa press ganito ang kanilang efficacy, we have to verify those data. So, until such time na na-review natin ang data, we cannot give any conclusions.

USEC. IGNACIO:  Dr. Montoya, pasensiya na po, medyo nag-choppy po kayo doon sa unang tanong ni Joseph. Paki ulit lang daw po na we cannot Sinovac as things stand now?

DR. MONTOYA:  Sorry, as what?

USEC. IGNACIO:  As thing stands now.

DR. MONTOYA:  As I was saying, kahit ano pa iyong vaccine efficacy na Ilabas nila based on the press releases. We have to look at the data itself, iyong official data na isa-submit nila sa FDA. And we cannot make any conclusions as of now, pending that review.

USEC. IGNACIO:  Dr. Montoya, ito pong bagong strain daw ng COVID-19 na nagsimula sa United Kingdom. Napag-aralan na daw po ba ninyo ito; at ano po ang kaibahan ng strain na ito kumpara sa mga unang coronavirus na tumama po sa mundo?

DR. MONTOYA:  Unang-una, ang SARS coronavirus 2 ay nagkakaroon po ng mutations o pagbabago ng anyo as more and more people use then. So, expected na po iyan. Ang question na lang ay kung ito ay malaking pagbabago o maliit lang na pagbabago na may epekto sa kaniyang behavior. Halimbawa sa sakit, kung ito ay nakamamatay o kung may kumplikasyon. So, sa ngayon po tayo ay minu-monitor natin, randomly ang mga viruses na nakikita natin sa Pilipinas, iyong SARs-COV 2 through the Philippines Genome Center at na-detect na nga natin iyong unang variant ito po iyong B-614G na unang na-identify sa Europe.

Pero sa ngayon po, base sa ating nalalaman, of course pinag-aaralan pa iyan, wala pa po tayong reports na nandito na po iyong variant na isa, iyong sinasabi ngayon na nasa UK na-identify sa South Eastern part of England. Ito iyong mga may changes din. Pero base sa mga resulta na nakikita natin, ito po ay mas nakakahawa (signal cut). Pero ito ay patuloy na minu-monitor ng UK authorities at pati po sa ating bansa, kasama na po iyan sa ating imu-monitor dahil ito po ay kailangang malaman natin kung nasa Pilipinas na o wala pa.

USEC. IGNACIO:  Doc, may epekto po ba ito sa efficacy ng mga lumalabas ngayong bakuna para sa COVID-19?

DR. MONTOYA:  Well, hindi po natin masabi sa ngayon, pero again, base po sa ni-release na resulta sa UK, mukhang wala po itong epekto sa sakit mismo, kunwari mas maraming kumplikasyon o mas nakakamatay, mukhang wala pong effect doon although mas nakakahawa siya. So, base po doon, tingin ko po ay walang magiging epekto pa ito sa ngayon sa efficacy ng vaccine. Although kung ito po ay nakita na nga na bagong variant na lumalabas, kasama po ito sa imu-monitor muna para makita natin kung may epekto talaga ito sa effectivity o sa kung gaano kabisa iyong ating vaccine. So, kasama pong imu-monitor, titingnan iyong mga… igi-genomic analysis po, iyong mga viruses at kung imu-monitor din natin iyong levels ng antibodies na makukuha natin sa ilang mga pasyente para po makita natin kung may epekto ba talaga ito sa efficacy ng vaccine.

USEC. IGNACIO:  Opo. May follow up lang po si Joseph Morong about sa Sinovac, kung wala siya sa Emergency Use Authorization from any stringent agency?

DR. MONTOYA:  Iyon pong tanong na iyan ay siguro po mas magandang sagutin iyan ng ating FDA. Ang kondisyon na sinusunod ng ating FDA, may bearing po iyong mga desisyon na ilalabas ng mga tinatawag na stringent regulatory authorities. So FDA po ang magdi-decide po diyan kung kanilang tatanggapin as is iyong desisyon ng FDA ng Tsina kung ito ay mag-iisyu ng EUA para sa kanilang bakuna.

USEC. IGNACIO:  Okay, maraming salamat po. Ano na lang po ang mensahe ninyo sa ating mga kababayan, Dr. Montoya?

DR. MONTOYA:  Well, ang masasabi ko lang po ay patuloy po ang suporta na binibigay ng area of research, pananaliksik para masigurado po natin na ang bakuna na magiging available sa ating bansa ay ligtas at mabisa. So, patuloy po ang aming pagmu-monitor sa tulong po ng iba’t ibang ahensiya ng ating pamahalaan. So pati po itong pag-i-introduce, iyong pagdidiskubre ng bagong strain, titingnan po natin ito at sana po ay hindi nga makarating sa ating bansa, para po tayo ay walang issue. Pero kung ganoon pa man, kung mangyari man iyon ay pag-aaralan po natin iyan, imu-monitor po natin ang developments para (signal cut) bakunang gagamitin natin o hindi. Salamat po.

USEC. IGNACIO:  Pasensiya na po, Dr. Montoya, may pahabol lang pong tanong si Reymund Tinaza ng Bombo Radyo. Paano daw po ang monitoring na ginagawa ng DOST kung nakapasok na sa Pilipinas ang bagong COVID-19 variant. Saan nila nakikita, sa test result po ba daw ito?

DR. MONTOYA:  Opo, ginagawan po natin ng randomization iyong mga nakukuhang mga positive result sa iba’t ibang bahagi ng Kamaynilaan.  At (signal cut) nadi-detect iyong unang variant na lumabas sa Europa iyong D614G. So, puwede din po nating ma-detect din iyan, dahil may surveillance po tayong ginagawa randomly sa mga nagpa-positive para tingnan iyong virus, iyong composition niya. So, iyon po ang ating gagawin.

USEC. IGNACIO:  Maraming salamat po sa inyong panahon, Dr. Jaime Montoya mula po sa DOST.

DR. MONTOYA:  Maraming salamat at magandang umaga po sa inyong lahat.

USEC. IGNACIO:  Kaugnay ng bagong strain ng COVID-19 sa United Kingdom, sinuspinde muna ng Philippine Airlines ang mga biyahe nito papunta at paalis po ng London hanggang katapusan ng Pebrero 2021. Ito po ay pagsunod sa ipinalabas na resolusyon ng IATF na nagri-restrict sa inbound travel mula po sa United Kingdom na nagsimula ngayong araw at tatagal hanggang a-31 ng Disyembre ng taong kasalukuyan. Maari pong makipag-ugnayan ang mga apektadong pasahero sa PAL para po sa rebooking at refund options.

Samantala huwag po kayong aalis, magbabalik pa ang Public Briefing #LagingHandaPH.

[AD]

BENDIJO:   Nagbabalik po ang Public Briefing #LagingHandaPH.

Patuloy na pinag-uusapan ang kaso ng pulis na namaril sa dalawang sibilyan diyan po sa Paniqui, Tarlac. Para sa pinakabagong detalye makakausap natin si PNP Chief Police General Debold Sinas.

Maayong adlaw, General Sinas!

PGEN. SINAS:   Magandang umaga! Maayong adlaw! Good morning sa inyo diyan! Kumusta po kayo? Merry Christmas and Happy New Year po!

BENDIJO:   Merry Christmas po! This is Aljo Bendijo, General; at kasama din natin si Usec. Rocky Ignacio.

General, ito pong isyu sa pagkamatay ng mag-ina sa Tarlac City, ano po ang inyong masasabi sa naging pahayag po ng Palasyo at maging ni dating PNP Chief at ngayo’y Senator Bato Dela Rosa kahapon kaugnay ng kahalagahan po ng pagkuha ng video o litrato sa isang krimen upang magamit na ebidensiya? Tila ito po ay taliwas sa nauna ninyong pahayag.

PGEN. SINAS:   Salamat po. Unang-una, hindi ko po sinabi na bawal o huwag kumuha po ng video, ang sinabi ko po ay noon pa na mas maganda kumuha ng video at saka para mag-document at ito ay i-submit po sa pulis or ibigay para ebidensiya. Ang sabi ko, dapat mag-ingat.

Alam ninyo po kasi, very brutal kasi iyong nangyari, double murder tapos iyong kumuha niyan ay napakalapit. So ang sabi ko sana iyong kumuha mag-ingat kasi baka siya ang balingan. Wala po akong sinabi na hindi kukuha, mali po iyon. Ang sabi ko, maganda nga iyon pero ingatan din ang ating… iyong kumuha ingatan niya iyong safety po niya kasi sa sobrang lapit niya baka siya naman ang binalingan.

Sa totoo lang po nito para malaman ninyo po, pumunta po ako doon sa Paniqui noong isang araw, ay dinalaw ko po iyong bata, iyong bata na kumuha ng video. Dalawa po pala iyan sila. Iyong may-ari ng video ay 12 years old na lalaki tapos pinasa niya sa kaibigan or parang kamag-anak niyang malayo na kamag-anak ng biktima na 16 years old tapos kumuha siya ng video, napakalapit. So, kitang-kita niya po iyon.

Tapos tinanong ko siya bakit hindi siya tumakbo? Sabi niya, ‘Sir, nanginginig—nanginginig daw siya at talagang natatakot at hindi siya nakagalaw sa sobrang takot niya. Tapos ngayon, tiningnan siya noong suspek, so buti na lang hindi siya binalingan at hindi kinuha iyong video niya. So, iyon po iyong sinasabi namin na dapat kung kumuha ka ng video ay dapat huwag i-sacrifice iyong safety mo kasi ikaw rin naman ang—baka ikaw ang babalingan.

Ngayon, iyong video po, nasa batas po na hindi po iyan magiging ebidensiya kung hindi natin makikita kung sino po ang kumuha. Dapat mayroon pong mag-testify na siya ang may-ari ng video, ng cellphone o nung machine tapos siya ang kumuha. Sa situation po ng Paniqui, dalawa po sila noon – isang 12 years old at saka 16 years old. So, ako mismo ang nakiusap sa kanila, kinausap ko ang mga parents po at guardian nung dalawang bata na sana tulungan kami para mapalakas iyong kaso.

So, nakumbinsi po namin iyong mga parents po at saka iyong mga bata na tutulungan kami kapalit po sa pag-alaga po namin sa security nila. Nag-provide po kami ng security at ia-apply po namin sila sa Witness Protection Program.

So, kahapon po, pagkatapos po ng noong dumalaw ako doon ay binigay na po ng kusa nung may-ari iyong cellphone niya at ngayon ay nasa Cybercrime Group na po. Iyong dalawang bata po, iyong 12 years old at saka iyong 16 years old ay nakuhaan na po ng consent, nakuhaan na po ang affidavit kasama po ang mga magulang at guardians po nila. Na-notarize na rin po ito at ibinigay na po doon sa prosecutor. Ito ay lalong nagpapatibay sa kaso po namin.

Now, kaakibat po nito kinausap ko po iyong Mayor at saka Vice Mayor po ng Paniqui na sana magbigay sila ng social workers doon para po bigyan ng professional help itong dalawang bata at saka iyong ibang mga bata na nandoon na nakakita sa nangyari kasi noong kinausap ko po sila parang medyo naapektuhan sila sa pagtutulog at takot na takot sila lalo na iyong 16 years old. So, sumang-ayon po iyong Mayor at saka Vice Mayor ng Paniqui ay pinuntahan din po nila the following day at ni-relate po sa chief of police na may professional intervention iyong dalawang witness.

Ngayon, nag-report din po iyong regional director natin doon sa PRO III na si General Val De Leon na iyon ding anak ng suspek, iyong anak ng pulis ay binigyan din ng professional intervention kasi siya rin po ay nakakita sa nangyari at accordingly ay hindi rin nakakatulog. So, sabi ni General Val De Leon ay mayroon ding tumulong doon sa bata, sa anak ng suspek.

So, iyon po ay ginawa namin, una, para mapalakas iyong kaso at panagutan ng pulis para maging iyong tinatawag nating airtight. Ngayon, hindi ko po sinabi na bawal mag-document. Social responsibility po natin lahat inyo lalo na iyong sa publiko.

Ang panawagan ko lang ay sana mag-ingat kayo kasi kung—imagine-in ninyo noong kinuwento noong 16 years old na babae na noong pagkatapos niya barilin, tiningnan siya at tinitigan. Buti na lang hindi rin siya binaril at kinuha iyong cellphone niya kasi kung ginawa iyon, ‘di kawawa naman po iyong kamag-anak noon.

Iyong panawagan ko na sana kung kumuha kayo, mag-document kayo ng video, siguraduhin ninyo na safe din kayo kasi para hindi po kayo babalingan ng mga suspek, iyon lang po ‘yun sir. Salamat po.

BENDIJO: Malinaw po. Opo. General, sa panig naman po ng menor de edad na anak ng pulis pati na sa kaniyang asawa, may proteksiyon ba kayong ibinigay para makaiwas po sila or sila’y posibleng masaktan emotionally or physically dahil napakarami pong mga bashers sa kanila ngayon?

PNP CHIEF GENERAL SINAS: Yes, po sir. Inutusan ko po iyong Regional Director ng PRO-3 na makipag-ugnayan din doon sa pamilya ng biktima lalo na iyong 12-year old na babae po kasi po ano iyon, ang anak ng suspek kung nakikita ninyo ay nandoon po siya sa video at naka experience din siya traumatic experience. So nakipag-ugnayan din kami po doon sa lugar kung nasaan sila, ng mga social workers para po mabigyan nang kaukulang professional help po, sir.

BENDIJO: General Sinas, may mga katanungan po ang mga kasamahan natin sa media mula kay Usec. Rocky. Usec…

USEC. IGNACIO: Opo. Good morning po, General. May tanong po si Joseph Morong para sa inyo. Ito po ang tanong niya: Without the video being accepted as evidence, does the prosecution have a strong case against Nuezca?

PNP CHIEF GENERAL SINAS: Yes ma’am, malakas po iyong kaso against kay Nuezca kasi mayroon na pong dalawang eyewitness po na kasama doon; plus of course iyong baril, kasi noong sumurender siya, iyong baril po ay nag-match po doon sa empty shell at saka slugs na na-recover po doon sa crime scene at saka iyong forensic, iyong sa kamay niya ay puro positibo po.

Now iyong video lang kasi ma’am, iyon po ‘yung magpapalakas lalo ng kaso against sa kaniya para po—ang tinatawag nating airtight case po ‘no kasi nga na-upload na iyon sa web, na-upload na po sa social media kaya mas maganda na gawin na rin iyong ebidensiya para po makatulong po sa kaso at mapabilis po ang paglitis sa suspek po, ma’am.

USEC. IGNACIO: Opo. Ang second question po ni Joseph Morong ng GMA-7: May nananakot po ba sa owner ng video kaya sila nagdadalawang-isip na maging evidence ang video nila?

PNP CHIEF GENERAL SINAS: Noong kinausap ko po iyong dalawa po ma’am, wala po, walang nanakot sa kanila. Noong una natatakot lang din sila ‘no kasi siyempre sa security at saka mga minors po iyon so kailangang kausapin iyong mga parents. So kaya po noong nandoon na ako, dumalaw ako doon at nakiramay sa mga biktima ay minabuti ko na lang na kausapin na rin at makiusap ko doon sa dalawang bata at sa mga parents and guardian nila na magtulungan po kami para po lalong lumakas ang kaso po namin against doon sa suspect, ma’am. Wala pong nagbabanta sa kanila noong kinausap ko po sila.

BENDIJO: Opo. Sa ibang usapin naman po, General. Ngayong bisperas ng Pasko, so far kamusta po ang monitoring ng PNP sa atin pong komunidad lalo na sa pagsunod sa quarantine protocols at ito pong street crimes, General?

PNP CHIEF GENERAL SINAS: Salamat. Gusto ko lang ipaabot sa inyo na iyong 9 days Misa de Gallo ay in-assess nga po namin kanina na maganda, mahusay at matiwasay. So nag-submit na po ng report ang buong Police Regional Office sa buong Pilipinas at ang feedback po ay maganda po ‘no. May mga konting kuwan lang, concerns sa mga social distancing sa mga churchgoers pero ito ay naagapan dahil sa pakikipag-ugnayan po namin sa mga rectors or parish priest kaya maganda po ang nangyari – naging peaceful at matiwasay.

Dito naman ngayong Christmas ay pinadami po at pinaigting po namin iyong mga police visibility patrol namin. Makikita ninyo, marami po kaming nilagay sa kalye lalo na diyan sa mga malls at saka mga convergence places kagaya ng pamilihan ‘no; sa mga palengke, kagaya iyong lugar ng Divisoria ‘no kung saan maraming dumadalaw; diyan sa mga park, sa sambahan ay dinamihan po namin ang visibility po namin kasi iyon ‘yung pinaghandaan namin para po ma-implement po at ma-advisan po ang mga kababayan natin na una, maggamit ng mask, maggamit ng shield at mag-observe ng social distancing po, sir.

BENDIJO: [Off mic] ko lang po iyong shooting incident sa Paniqui, Tarlac, General. May mga naidagdag ba kayong pangako sa pamilya Gregorio?

PNP CHIEF GENERAL SINAS: Noong dumalaw po ako, kumausap ako doon sa kanila ay una para makiramay po sa kanila; pangalawa, para po mag-sorry sa ginawa ng pulis namin; pangatlo, ang iparating sa kanila kung ano na pong development noong kaso; pang-apat po ay pinangako ko po sa kanila mismo na kami po ay makipag-ugnayan at makipagtulungan sa kanila at sisiguraduhin namin na tuluy-tuloy ang kaso, na mai-dismiss na iyong pulis at pagbayaran niya po iyong ginawa niya.

Kaakibat po noon, kami po ay nagbigay po ng tulong/ayuda para po sa pamilya para po at least maibsan po iyong kahirapan at lungkot po nila.

Ang pinangako sa kanila ay tuloy po iyong kaso, kailangan madaliin para po namin ma-dismiss at pagdusahan ng suspek iyong ginawa niya sa pamilya po ng mga Gregorio. Iyon po ‘yung pinag-usapan po namin sir noong dumalaw po ako sa kanila. Salamat po.

BENDIJO: Opo. Inyong mensahe na lang, General Sinas, sa atin pong mga kababayang nakikinig ngayon at nanunood lalung-lalo na po sa mga pulis pang—may naiiwan pa rin na mga pulis scalawags, ano po ang inyo pong mga aksiyong dapat ninyong gawin kaagad, mga abusadong pulis, General Sinas?

PNP CHIEF GENERAL SINAS: [Garbled] huwag po tayo ma-low morale sa mga batikos [garbled] sa trabaho natin. Sa mga tiwaling pulis, dapat tigilan ninyo iyan. Maaabutan at maabutan din namin kayo at huhulihin namin kayo. Once [garbled] idi-dismiss kayo at pa-file-an ng kaso, iyon po ang para sa inyo.

Para sa mga kababayan po natin, tayo po ay sumunod po sa mandatory health protocol po natin, maski lumabas po tayo sa bahay dapat po ay sundin natin para po masaya at mag-enjoy tayo ngayong Pasko. [Garbled] Pasko na may COVID-19 tayo, so lahat po tayo ay naapektuhan na sa iba’t ibang community quarantine so para po sumaya at mag-enjoy po tayo, sundin po natin iyong iba’t ibang advisories, direktiba at polisiya ng gobyerno regarding mandatory health protocol of mask, social distancing, shield, decontamination para po maligaya at masaya ang Pasko natin ngayon.

Para sa lahat, Merry Christmas po at advance Happy New Year po sa inyong lahat.

BENDIJO: Maayong Pasko po, General Sinas. Maligayang Pasko din. Salamat sa inyong panahon, PNP Chief Debold Sinas. Thank you so much.

PNP CHIEF GENERAL SINAS: Salamat din po sa inyo at mabuhay kayo.

BENDIJO: Okay, balikan natin mamaya si Usec. Sa puntong ito, dumako naman tayo sa pinakahuling balita mula sa iba’t ibang lalawigan sa bansa. Makakasama natin si Czarinah Lusuegro mula sa Philippine Broadcasting Service. Czarinah…

[NEWS REPORTING]

BENDIJO: Merry Christmas Czarinah at maraming salamat. Czarinah Lusuegro mula sa Philippine Broadcasting Service.

Samantala, ang Pasko ay pagmamahalan at pagbibigayan, ito po ang mensaheng hatid ni Senator Bong Go sa bawat mamamayang Pilipino ngayong Kapaskuhan. Kaya naman patuloy ang kaniyang pamimigay ng Pamasko sa ilang mga pasyente at medical frontliners sa mga ospital na may Malasakit Center. Narito po ang kaniyang mensahe:

[NEWS REPORTING]

USEC. IGNACIO: Sa puntong ito, mga benepisyo po sa ilalim ng GSIS ang ating pag-uusapan, partikular na po ang Annual Pensioner’s Information Revalidation o APIR na tinatawag, para ipaliwanag po iyan makakasama po natin si Atty. Nora Malubay, ang Executive Vice President for Corporate Business Sector ng GSIS. Magandang araw po, welcome back po.

ATTY. MALUBAY:  Magandang umaga po, nandito po muli ako, Usec. Rocky. Merry Christmas po sa inyong lahat po.

USEC. IGNACIO:  Opo. Merry Christmas din po. Kumusta po iyong pagri-release ninyo ng Christmas cash gift para po sa mahigit 300,000 old age and disability pensioners. Para po sa kaliwanagan ng lahat, sinu-sino lang po ba iyong qualified sa nasabing cash gift?

ATTY. MALUBAY:  Opo. Katulad po ng sinabi ko noon, we will try our best na mai-release namin on December 8 at nagawa po namin iyon. December 8 po kasabay po ng kanilang monthly pension at iyong kanilang monthly pension wala pong deduction iyon ng kanilang mga loans, kasi po nagpapatupad pa rin po tayo ng loan moratorium under the Bayanihan 2.  So ang cash gift na 10,000, iyon po ang maximum naibigay na po natin noong December 8, kasabay nga po ng kanilang basic monthly pension. Ito po ay para po sa mga old aged pensioners at saka po mga disability pensioners.

USEC. IGNACIO:  Para po doon sa tuluy-tuloy na pagri-remit ng pension. Nagkakaroon po ng Annual Pensioners Information Revalidation para sa mga retired na miyembro, para saan po ito at ngayong may pandemya kailangan pa rin po ba nilang personal o mag-personal appearance for 2021?

ATTY. MALUBAY: Usec. Rocky, iyon pong Annual Pensioners Information Revalidation or APIR iyan po ay nagsisilbing proof of life ng ating mga pensioners, old age pensioners, disability pensioners, survivorship pensioners. Ngayon po nitong nagkaroon tayo ng pandemic, simula po ng nag-lockdown noong March at pinatupad po namin iyong pagsu-suspend po ng APIR mula po noong March hanggang December po iyon ng taon na ito. So, tuluy-tuloy po ang pagbibigay natin ng pension.

So, starting po next year 2021, ire-require na po natin silang mag-APIR, ang pag-a-APIR po natin ay pupuwede pong online. Kapag sinabi po nating online, pupuwede po iyan through Facebook messenger, Viber, Skype or zoom. Kailangan po nating ipatupad ito para malaman po natin ang kalagayan po ng ating mga pensioners, kung kailangan pa po bang tumanggap ng tuluy-tuloy na pension.

Hindi naman po nating pipilitin sila ay magpunta ng personal sa GSIS, kung magagawa naman po pupuwede pong through GWAPs kiosk.

At iyon pong mga 80 years old and above, Usec. Rocky, iyong 80 years old and above po, hindi po natin, niri-require iyan na mag-APIR; iyan po ay ating hinu-home visit. Ke malakas pa, ke medyo mahina-hina na sila, iyan po ay through home visitation ang APIR na ginagawa. Puwede po silang—iyon naman pong mga bata pa, mga 79 years old and younger, paano po ba ang pag-a-APIR nila halimbawa iyon pong may mga karamdaman na o iyong nasa hospital. Iyan po ay magri-request lamang po sa amin, sabihin kung nasaan po ay amin pong pupuntahan at ihu-home visit po namin para makapag-APIR. Ganiyan po ang ating ginagawa.

USEC. IGNACIO:   Attorney, ano po iyong mga dokumento na dapat ihanda ng ating mga pensioners?

GSIS EVP ATTY. MALUBAY:   Kapag po halimbawa mag-o-online APIR – ang sabi ko nga po pupuwede ang Facebook Messenger, Viber, Skype or Zoom – kailangan lang pong ipakita iyong kanilang UMID e-card. Tapos po siyempre po kapag nagri-request din po sila through email ng kanilang schedule—ang APIR po pala, ito very important, ang APIR po ginagawa po iyan every birth month.

For the month of January, lahat po ng may birthday ng January kailangan pong mag-APIR ng January, ganoon po iyan.

Kami naman po sa GSIS nasa data base po natin, alam po natin kung sino-sino magbi-birthday for the month of January. Kami rin po ay nag-i-initiate naman either mauna si pensioner o kami, amin na po namin silang niri-remind mamili na po kayo ng schedule ninyo o kaya sila po ang mauuna, mamimili na po sila ng schedule nila kung kalian po sila mag-a-APIR online. Siyempre po kapag nag-request po sila through email, ilagay lang po ang full name at date of birth. Iyan po ang mga importante po.

Gusto ko lang ipaalam, Usec.—

USEC. IGNACIO:   Okay. Attorney, paano halimbawa—

GSIS EVP ATTY. MALUBAY:   Opo, Usec.?

USEC. IGNACIO:   Halimbawa po ay hindi sila—

GSIS EVP ATTY. MALUBAY:   Sorry po, nadi-delay tayo.

USEC. IGNACIO:   Go ahead. Go ahead po, sorry

GSIS EVP ATTY. MALUBAY:   Opo. Sige po, Usec. Rocky.

USEC. IGNACIO:   Okay. Ano daw po ang mangyayari halimbawa sa mga hindi daw po makakapag-asikaso ng kanilang APIR lalo halimbawa sabi ninyo birthday niya January kailangan mag-APIR po siya. Ano po iyong—paano ito tutugunan ng GSIS?

GSIS EVP ATTY. MALUBAY:   Masu-suspend po ang kaniyang pension the following month, iyan po ang mangyayari. So, kaya po maaga pa lang po ay nag-aanunsiyo na kami kasi hindi po natin ipinatutupad ang APIR requirement natin mula March hanggang December. So, kailangan po ating i-administer nang maayos ang ating social insurance fund kung saan kinukuha ang ating pension. Kailangan po ang tatanggap po ng pension ay iyon po talagang dapat lamang tumanggap ng pension at kailangan bang tumanggap nang tuloy-tuloy.

So, iyon po ang mangyayari. Actually, iyan naman po talaga ang ating polisiya kapag hindi po nakakapag-APIR on birth month ay nasu-suspend po. Pero kung halimbawa naman pong magsasabi na… mayroon namang justification kung bakit hindi nakapag-APIR, puwede naman pong mag-APIR kahit na late tapos po ia-accrue o iku-compute natin iyong kaniyang pension at ibibigay naman po natin.

Pero sa tingin ko po, naiintindihan po iyan ng ating mga pensioners kapag po birth month eh talaga naman pong sila po ay nagsisipag-APIR.

USEC. IGNACIO:   Attorney, kuhanin ko na lamang po ang inyong mensahe sa ating mga kababayan.

GSIS EVP ATTY. MALUBAY:   Opo. Salamat po, Usec. Rocky.

Merry Christmas po sa ating mga old age pensioners, disability pensioners and survivorship pensioners. Atin pong gawin ang APIR, online po ang gawin natin; hindi po natin sinasabi sa inyo magpunta po kayo sa opisina para po mag-APIR kayo sa kiosk.

Magpatulong po, tatay/nanay/lolo’t lola, magpatulong po sa inyong mga apo, sa inyong mga anak kung paano po gumamit ng Zoom, Facebook messenger, Skype o iyon pong Viber para po manatili kayo sa inyong mga tahanan habang kayo ay nagku-comply sa atin pong requirement ng APIR at ito po ay gagawin ninyo on birth month.

Sa month of January po, lahat po lamang ng magbi-birthday for the month of January ang mag-a-APIR for the month of January. Iyon pong magbi-birthday for the month of February, iyon lamang po ang mag-a-APIR for the month of February. Ganoon po iyon, so on and so forth.

Magandang umaga po at salamat po, Usec. Rocky at sir Aljo. Ang GSIS po laging handa handang sumagot sa lahat po ng katanungan. Salamat po.

USEC. IGNACIO:   Maraming salamat po sa pagpapaunlak ninyo sa aming programa, Attorney Nora Malubay, ang Executive Vice President for Business Sector ng GSIS. Merry Christmas po, Attorney.

GSIS EVP ATTY. MALUBAY:   Merry Christmas po. Laging handa po ang GSIS.

BENDIJO:   Pandemic o holiday man walang patid ang pagtatrabaho ng marami nating mga kababayan para maitaguyod ang pamilya. Kaya naman upang alamin ang mga programa na magbibigay proteksiyon sa ating mga manggagawa, makakausap natin si Employees Compensation Commission Executive Director Stella Zipagan-Banawis.

Magandang araw po.

ECC EXEC. DIR. ZIPAGAN-BANAWIS:   Magandang araw po, sir Aljo at Usec. Rocky at Merry Christmas po sa inyong lahat.

BENDIJO:   Opo. Director Stella, sa datos po ng inyong ahensiya ay magkano at ilan po ang naging benepisyaryo ng COVID-19 compensation benefits?

ECC EXEC. DIR. ZIPAGAN-BANAWIS:   Ang nagpuproseso po ng COVID-19 employees compensation benefits po natin ay ang aming implementing agencies – iyong GSIS po for public sector workers at saka iyong SSS para naman sa private sector workers at doon po sila nagsa-submit.

Based po sa datos ng ibinigay po sa amin ng SSS at GSIS mula sa data sharing agreement po namin particularly for SSS, hindi pa po umaabot ng 1,000 iyong mga nagpuproseso ng COVID-19 compensation ano po, pero ang prescriptive period naman po ng pag-apply ay hanggang tatlong taon. So, siguro hindi pa sila nakapag-apply.

Right now, drop box ang ginagamit ng SSS at saka ng GSIS para ma-apply ng mga aplikante ng mga EC benefits, so siguro hindi pa po sila nakapag-drop box iyong mga naging biktima po ng COVID-19 natin na pandemya.

BENDIJO:   Mayroon ba kayong programa, Director, ang ECC para sa mga manggagawang pumanaw dahil sa COVID 19?

ECC EXEC. DIR. ZIPAGAN-BANAWIS:   Mayroon po. Aside from the sickness benefits at saka medical benefits na nakukuha ng mga nag-COVID positive, iyong mga namatay din po ay mayroon tayong funeral benefits na P30,000 in addition to what they get from SSS and GSIS na funeral benefits din. At mayroon din po silang death benefit or survivorship benefit para sa naiwanan po nila.

BENDIJO:   Opo. May kapareho rin bang compensation package para sa iba pang sakit?

ECC EXEC. DIR. ZIPAGAN-BANAWIS:   Opo. Lahat po ng work-related na injury, sickness, death o disability ay kinu-compensate po under the Employees Compensation Program. Ang mga benefits po dito hindi lang itong sinabi kong sickness benefit at saka medical benefits, mayroon din po tayong disability benefit na pension kapag nagkaroon ng permanent partial disability or permanent total disability.

Permanent partial po kapag iyong partial function ng body ng isang tao katulad ng isang kamay ay nawala dahil sa pagtatrabaho o paa, ganoon po, o fingers, ay naku-compensate po iyon dahil mayroon tayong Employees Compensation Benefits.

Mayroon din po tayong tinatawag na rehabilitation services. Sa rehab services po ng Employees Compensation Program ay mayroon po tayong free PT, OT, mayroon din tayong free prosthesis or prosthetic devices. Mayroon din po tayong livelihood program, training program at doon po sa programa na ito nagbibigay po tayo ng starter kit na umaabot ng 20,000 at kapag na-sustain mo iyon after one year ay another 10,000.

Nito pong pandemya, hindi na po namin hinintay iyong isang taon, tatlong buwan lang na na-sustain mo ‘yung iyong livelihood program, nagbibigay na po kami ng complimentary kit na 10,000 ulit in addition to the 20,000 po.

So, may mga programa para sa mga workers na nagkaroon ng tinatawag nating work related injury or sickness or disability or death. Ang keyword po doon, sir Aljo, is it has to be ‘work related.’

BENDIJO:   Opo. Nabanggit ni DOLE Secretary Bebot Bello III, Director, siya rin po ang chairperson ninyo sa ECC Board, iyon pong pagnanais na at least man lang itaas iyong compensation benefits ng atin pong mga manggagawa hanggang P50,000 mula sa kasalukuyang P10,000, tama ho ba? Kailan po ito maaaring asahan ng ating mga kababayan po?

ECC EXEC. DIR. ZIPAGAN-BANAWIS:   Sige po. Thank you po, sir Aljo sa tanong na iyan. Gusto ko lang po i-klaro na iyong na-mention po ng ating butihing Secretary of Labor na 10,000 ay hindi pa po iyon iyong ina-apply sa SSS o kaya sa GSIS. Ito po ay ina-apply sa ECC mismo. It is part of our quick response program and we started it in 2018 and right now it’s at 10,000 or 15,000. Kapag namatay po iyong naging biktima ng COVID, ay 15,000 para sa pamilya.

At hindi lang po ito pang-COVID, para po naman sa lahat ito. Ang sinasabi ni Sec. Bello na itaas ito sa 50,000 ay nag-request na po kami ng actuarial study sa SSS at hinihintay na lang po namin kung kaya po ng ating fund na itaas nang ganoon katas iyong cash assistance na tinatawag po natin.

Sa lahat po kasi ng benepisyo na ibinibigay ng EC ay kailangan dumaan po sa actuarial study para po mapangalagaan din po iyong ating pondo.

BENDIJO:   Paano po maku-contact ng ating mga kababayan ang ECC para po sa kanilang mga concerns at ilan pang mga katanungan po, Director?

ECC EXEC. DIR. ZIPAGAN-BANAWIS:   Thank you po, sir Aljo. Ang amin pong hotline ay 889-67837 or pumunta po sila sa aming Facebook. Iyong Employees Compensation Commission, mayroon po kaming interactive section doon para magtanong at sinasagot naman po namin. At puwede din po silang pumunta sa aming website in ecc.gov.ph po.

BENDIJO:   Maraming salamat sa inyong oras, ECC Executive Director Stella Zipagan-Banawis. Merry Christmas po.

ECC EXEC. DIR. ZIPAGAN-BANAWIS:   Maraming salamat din po, sir Aljo.

USEC. IGNACIO:   Samantala, dumako naman tayo sa update kaugnay sa COVID-19 cases sa buong bansa.

Base po sa tala ng Department of Health kahapon, December 23, 2020, umabot na po sa 464,004 ang total number of confirmed cases; samantala, naitala naman ang 1,196 new COVID-19 cases kahapon; 27 katao naman ang bagong bilang ng mga nasawi kaya umabot na sa 9,048 cases ang kabuuang bilang ng COVID-19 deaths sa ating bansa.

Ngunit patuloy naman ang pagdami ng mga nakaka-recover na umakyat na po sa 429,972 matapos makapagtala ng 564 new recoveries. Ang kabuuang total ng ating active cases ay 24,984.

At iyan nga po ang mga balitang aming nakalap ngayong araw. Ang Public Briefing po ay hatid sa inyo ng iba’t-ibang sangay ng PCOO sa pakikipagtulungan ng Department of Health at kaisa ng Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas (KBP).

Maraming salamat din po sa Filipino Sign Language Access Team for COVID-19.

BENDIJO:   Samantala, ilang oras na lang Pasko na, Usec..

USEC. IGNACIO:   Merry Christmas.

BENDIJO:   Merry Christmas po. Sa kabila ng mga kinakaharap nating mga pagsubok ngayong 2020 tuloy na tuloy pa rin ang Pasko sa puso ng bawat isang Pilipino. Ako po si Aljo Bendijo. Usec., thank you so much. Again, Merry Christmas.

USEC. IGNACIO:   Salamat din sa iyo, Aljo; at Merry Christmas, mula po Presidential Communications Operations Office. Sa ngalan po ni Secretary Martin Andanar, ako po si Usec. Rocky Ignacio.

Merry Christmas po sa lahat. Ito po ang Public Briefing #LagingHandaPH.

Maligayang araw ng Pasko po sa inyong lahat.

 

###

 

SOURCE: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)