NIU: Good morning, Secretary. Pasensiya na.
SEC. ROQUE: Magandang umaga Ginang ng Araw-araw, Niu at saka si Benjie, kumusta po kayo.
NIU: Alam namin, Secretary, napuyat kayo.
SEC. ROQUE: Hindi ka lang pang-Tuesday, pang-Monday, Wednesday, Thursday at Friday, Saturday, Sunday pa.
NIU: Yes, sir. Alam ko ginabi kayo sa Malacañang kagabi. Narinig ko iyong recommendation ninyo kay Presidente, agad-agad namang inaprubahan. Kayo na nga po, para sa mga hindi nakapakinig kagabi dahil gabi na, ano nga po ang mga ilan sa mga naaprubahan sa special meeting sa Malacañang?
LIWANAG: Go ahead po, Secretary.
SEC. ROQUE: Well, unang-una po, pinalawig natin iyong ban sa lahat ng mga flights na nanggagaling sa United Kingdom at iyong mga pasahero na nag-transit sa United Kingdom. Hindi pa po sila pupuwedeng makapasok. Wala na po tayong mga kababayan na in transit, kasi lahat po iyon ay nakapasok na ‘no. At pangalawa po lahat po ng mga pasahero na galing sa mga bansa na mayroon nang bagong strain kagaya ng Hong Kong, Australia at ang Singapore, eh kinakailangan pong mag-14 day quarantine sila, kahit pa po ano ang resulta ng kanilang PCR. Pagkatapos po ay magkakaroon po tayo ng mas pinaigting na bio-surveillance dahil kinakailangan po nating malaman kung talagang naririto na nga iyong strain ng bagong COVID-19 dito ‘no. Dahil importante na malaman natin ang movement ‘no.
NIU: Mayroon akong narinig, Secretary Roque, na sinadyest ni Presidente na parang bumuo ng special panel para tututok diyan sa bagong strain na iyan?
SEC. ROQUE: Opo, magkakaroon po ng panel na ang kanilang katungkulan ay subaybayan lamang iyong bagong strain ng COVID-19 – ito po iyong isa. Tapos iyong all specimens of UK travellers must be forwarded to Philippine Genome Center for genome sequencing. So, iyon po iyon. Tapos mayroon pang isa na para po doon sa mga advance travellers information na pinapatupad po ng BID ay pinaikli po nila iyong panahon para gumawa ng Implementing Rules and Regulation, para po mapatupad na iyong advance information for passengers entering the Philippines.
LIWANAG: Iyon iyong sinabi ni Justice Secretary Menardo Guevarra.
SEC. ROQUE: Opo.
LIWANAG: Mayroon pa, Secretary, iyong special quarantine para doon sa mga panibagong magkakaroon na galing ng ibang bansa. Ito ho ba ay pinag-aaralan na rin, Secretary?
SEC. ROQUE: Well, lahat po ay nanggaling doon sa mga bansa na mayroon na pong bagong strain, eh 14-day quarantine na po talaga sila, kahit ano pa ang naging resulta ng kanilang PCR test.
NIU: Sa Clark po ba iyan?
LIWANAG: Clark po ba, wala po bang special [quarantine]? Kasi sinabi po, iyong kagabi, isa sa mga mungkahi, magkaroon na ng isang special quarantine para hindi na mahalo doon sa iba?
SEC. ROQUE: Sa ngayon po kasi maganda iyong ating facility sa Clark at kumpletong-kumpleto. So, sa ngayon po kasi lahat ng facility, ibig sabihin mga kalahati pa iyong available na mga isolation facilities at hindi naman po ganoon kadami iyong mga flights na pumapasok na international.
LIWANAG: Secretary, iyong pag-surge, ito iyong pagtaas, akala mo ay doon lang eh. Iyong pagtaas, iyong mula umpisa nitong Disyembre hanggang ngayon basta pumasok iyong holiday season. Ito palagi iyong sinasabi ninyo at saka ng pamahalaan na ano ba ito, baka mamaya ay tumaas itong bilang ng magkakaroon ng COVID. Kumustahin lang po natin ito, Secretary?
SEC. ROQUE: Well, wala pa po akong datos na nagpapakita na tumaas na nga po. Ang ginawa natin, patuloy na pagpapaalala sa ating mga mamamayan na kapag hindi po sila sumunod doon sa mask, hugas at iwas, eh sigurado pong mas marami ang magkakasakit. Pero sa ngayon po, sana po hindi naman nagkatotoo, pero malalaman po natin iyan two weeks after Christmas at saka two weeks after new year. Kasi ganiyan nga po iyong incubation period ng sakit. Pero sana po hindi naman, dahil naniniwala naman po ako, disiplinado ang mga Pilipino at ninanais talaga nilang pangalagaan ang kanilang kalusugan, para sila po ay makapaghanapbuhay na.
NIU: Secretary, sabi ni Presidente kagabi, magmi-meeting ulit kayo, bukas.
SEC. ROQUE: Opo.
NIU: Kasama iyong mga health experts. Ano iyong aasahan nating mangyayari naman bukas ng gabi?
SEC. ROQUE: Well, sigurado po iyan. Iaanunsiyo kung ano iyong bagong quarantine classification pagdating ng Enero at iyan po ay pag-uusapan bukas ng umaga sa IATF para sa gabi ay mai-recommend na sa Presidente. At titingnan pa rin po kung may mga bagong mga datos, may mga bagong balita tungkol dito sa bagong strain ng COVID-19.
NIU: Iyong Pfizer, sir, nabanggit ninyo na nakapag-apply na ng Emergency Use Authorization sa ating FDA? Ano ang ibig sabihin niyan ngayon, sir?
SEC. ROQUE: Well, importante po iyan, bagama’t ito ay aplikasyon pa lang, siya pa lang po iyong kauna-unahan at nag-iisang nag-apply ng para sa Emergency Use Authorization. Siyempre po hindi naman gagawin ng Pfizer iyan kung hindi sila handa na magpasok na ng kanilang bakuna rito. At sabi ko nga po, makasaysayan iyan dahil sa dami naman po, mga walo na silang nasa merkado sa iba’t ibang bansa, eh kauna-unahan pa rin ang Pfizer na mag-apply. Inaasahan po natin na sana iyong iba pa kagaya ng Sinovac, Sinopharm, iyong Moderna at AstraZeneca ay mag-apply na rin, dahil hindi naman po nila magagamit ang bakuna nila sa Pilipinas kung wala pong approval ng FDA natin.
NIU: Opo. Ibig bang sabihin noon, Secretary, na mauuna na makakuha tayo ng bakuna galing sa Pfizer, dahil sila iyong nakapag-apply ng nauna para sa EUA?
SEC. ROQUE: Well, depende po talaga iyan kung makakapagbigay sila ng supply para sa atin. Pero sa akin naman, bakit naman sila mag-a-apply kung wala naman silang available na supply? Siguro paghahanda, pero bakit ngayon? So sana po, sana nga po na maging mabuting balita iyan na handa na silang magbigay ng bakuna para sa atin.
NIU: With that, Secretary, salamat sa oras ninyo!
SEC. ROQUE: Salamat, ikaw ay ang aking Lunes, Miyerkules, Huwebes at Biyernes. Benjie maraming salamat din po.
LIWANAG: Secretary, ikumusta mo ako kay Myla.
SEC. ROQUE: Opo, nandito rin si Myla bumabati rin sa iyo. Good morning sa inyong dalawa.
NIU: Happy New Year, sa pamilya Roque.
SEC. ROQUE: Happy New Year po.
##
Source: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)