Press Briefing

Public Briefing #LagingHandaPH hosted by Presidential Communications Operations Office Undersecretary Rocky Ignacio and Aljo Bendijo


Event Public Briefing #LagingHandaPH
Location PTV

USEC. IGNACIO: Magandang umaga Pilipinas at sa buong mundo, ngayon po ay December 29, ang huling Martes ng taong 2020. Tuluy-tuloy pa rin po ang ating talakayan sa mga isyung dapat ninyong malaman. Sa ngalan pa rin po ni Secretary Martin Andanar, ako po ang inyong lingkod, Usec. Rocky Ignacio mula po sa PCOO.

ALJO BENDIJO: Good morning, Usec. At tutunghayan din natin ang mga maiinit na balita sa iba’t ibang dako ng Pilipinas. Ako po si Aljo Bendijo.

USEC. IGNACIO: Atin pong salubungin ang taong 2021 ng ligtas. At laging tandaan, basta sama-sama at laging handa, kaya natin ito; at ito po ang Public Briefing #LagingHandaPH.

Para po sa unang balita: Senate Committee Chair on Health and Demography Senator Bong Go iminungkahi sa pamahalaan na mas higpitan pa ang border control measures at necessary travel restrictions sa mga bansa upang makaiwas sa new variant ng coronavirus. Panoorin natin ang buong detalye sa report na ito:

[VTR]

USEC. IGNACIO: Samantala, pinuri ni Senator Bong Go ang paglagda ni Pangulong Rodrigo Duterte sa 2021 national budget higit tatlong araw bago matapos ang 2020. Sa kaniyang pahayag, pinasalamatan ni Senator Go ang mga kapuwa mambabatas sa Kongreso sa maagang pag-apruba sa panukalang batas.

Ang paglagda sa budget ng bansa para sa susunod na taon ay napapanahon para sa pagpapatuloy ng pagtugon sa mga hamon ng COVID-19 pandemic. Kasama sa 2021 national budget ang 72.5 billion pesos na nakalaan para sa pambili ng storage, transportasyon at distribution ng bakuna kontra COVID-19. Bukod pa riyan, ang dalawang bilyong piso na pambili ng mga personal protective equipment para sa mga health workers sa bansa.

Tiwala si Senator Go na ang 2021 budget ay sapat at angkop upang tuluyang malagpasan ng bansa ang krisis na kasalukuyang kinakaharap. Bukod pa aniya riyan ang budget para maipagpatuloy ang mga programa at proyekto ng administrasyong Duterte para maisakatuparan ang kaniyang ipinangakong maginhawang buhay para sa lahat ng mga Pilipino. Hinimok ng mambabatas ang mga ahensiya ng pamahalaan na magpapatupad nito na tiyaking magamit sa wasto ang pondo at walang masayang ni piso upang maramdaman ng bawat mamamayan ang mga programa, proyekto at serbisyo ng gobyerno.

ALJO BENDIJO: Samantala, nagpaabot naman ng tulong ang pamahalaan sa mga nasalanta ng bagyo sa Agusan del Norte kung saan limandaang pamilya ang natulungan. Nagpaabot din ang pamahalaan ng financial assistance at mga libreng pagkain at kagamitan sa Agusan del Sur. Ang buong detalye, panoorin natin:

[VTR]

USEC. IGNACIO: Samantala, umakyat na nga po sa 470,650 ang mga nakumpirmang kaso ng COVID-19 sa bansa na inilabas ng Department of Health kahapon, kung saan 766 ang bagong naitala; 104 naman po ang mga nadagdag na gumaling at 15 ang nasawi na naitala kahapon.

Sa kabuuan, 438,780 na po ang mga gumaling at 9,124 ang nasawi dahil sa COVID-19. Kahapon ay muling bumaba ang reported cases na umabot lamang sa 766, ito na po iyong ikatlong araw nang sunud-sunod na pagbaba na naitalang kaso sa bansa.

Sa Davao City naman po nai-report ang pinakamaraming bilang ng reported cases kahapon na umabot sa 60; sumunod po ang Quezon City with 46 cases; Benguet with 41 new cases; Lalawigan ng Laguna na may 39 na kaso; at Rizal na may 37 na bagong kaso ng COVID-19.

Mula po sa 4.7% ay umangat sa 4.8% ng total cases ang nananatiling aktibong kaso ng COVID-19, katumbas ito ng 22,746 cases. 80% sa mga aktibong kaso ay mild lamang; 10.4% ang walang sintomas; 6% ang critical; 3.2% ang severe; at 0.44% ang moderate cases.

BENDIJO: Muli po, ang aming paalala maging ‘BIDASolusyon’ sa COVID-19. Mag-ingat po tayo para hindi mahawaan o makahawa ng virus. Siguraduhin na malinis at virus-free ang mga bagay na madalas hinahawakan tulad po ng doorknob, susi, cellphone, ibabaw ng lamesa at iba pa.

I-disinfect ang mga ito gamit ang 0.5% bleach solution. Madali lang itong gawin, ihalo lamang ang isang bahagi ng bleach solution sa siyam na bahagi ng malinis na tubig. Mga simpleng paraan pero malaki ang maiambag para labanan ang COVID-19.

Para po sa inyo pong mga katanungan at concerns tungkol sa COVID-19, i-dial ang 02-894-COVID o kaya ay 02-89426843. Para po sa PLDT, Smart, Sun at TNT subscribers, i-dial ang 1555. Patuloy kayong makibalita sa mga pinagkakatiwalaang sources ng impormasyon tungkol sa COVID-19. Maaari ninyong bisitahin ang covid19.gov.ph.

At bago po magtapos ang taong 2020 ay uminit ang balita tungkol sa bagong strain ng coronavirus mula a United Kingdom, sa Inglatera. Isa sa mga lugar na naitalang nagkaroon ng kaso ng naturang virus ay ang Sabah, Malaysia kung saan malapit ang isla ng Sulu.

Kaugnay niyan makakapanayam natin si Sulu Governor Abdusakur Tan. Magandang araw po, Governor Tan.

GOVERNOR TAN: Hi. Magandang araw [choppy audio/video]

BENDIJO: Opo. Governor?

GOVERNOR TAN: [choppy audio/video]

BENDIJO: Governor, can you hear us?

GOVERNOR TAN: Naririnig ko po kayo [choppy audio/video]

BENDIJO: Governor, this is Aljo Bendijo kasama din natin si Usec. Rocky Ignacio. Governor, unahin na po natin ito, ano. I understand na pinaigting ang border control at maritime patrols sa ZAMBASULTA areas upang hindi makapasok ang bagong uri ng COVID-19 diyan sa Sulu? Ano po ang mga hakbang na ginagawa po ninyo ngayon diyan, Governor?

GOVERNOR TAN: [choppy audio/video]

BENDIJO: Governor?

GOVERNOR TAN: [choppy audio/video]

BENDIJO: Governor? Opo…

GOVERNOR TAN: [choppy audio/video]

BENDIJO: Governor, pasensya na po, tatawagan ka namin ulit dahil putul-putol po ang dating po ng komunikasyon dito sa Maynila, dito po sa PTV. Babalikan ka namin mamaya, standby lang muna. All right, Usec.?

USEC. IGNACIO: Aljo, kasi mahalagang malaman natin iyong mga ibinibigay na ayuda or assistance ng gobyerno sa Lalawigan ng Sulu dahil nga sinasabi na nanggagaling sa Sabah eh mabilis makapasok or iyon iyong nagiging daan from Sabah papunta doon sa Sulu. Sinasabi nga ng Pangulo kailangan mahigpit iyong pagbabantay doon para makaiwas doon sa bagong strain ng COVID.

BENDIJO: Kung tama ako, Usec., puwedeng puntahan iyong Sabah, Malaysia nang dalawang araw gamit ang Bangka from Sulu. Ganoon kalapit iyong lugar na iyan.

So, balikan natin si Governor Tan. Wala pa? O sige, balikan natin mamaya, Usec. Ikaw muna.

USEC. IGNACIO: Okay. Mga UV Express po sa Baguio City umaasa na papasada na rin matapos aprubahan ang biyahe ng bus papasok at palabas ng siyudad. Ang detalye ihahatid ni Eddie Carta mula po sa PTV-Cordillera. Eddie?

[NEWS REPORT BY EDDIE CARTA/PTV-CORDILLERA]

USEC. IGNACIO: Maraming salamat sa iyo, Eddie Carta ng PTV-Cordillera.

BENDIJO: Ngayon po ay balikan natin si Sulu Governor Abdusakur Tan. Magandang araw ulit, Governor Tan.

GOVERNOR TAN: Magandang araw, Aljo.

BENDIJO: Opo. Kasama din natin si Usec. Rocky Ignacio, Gov.

GOVERNOR TAN: Yes, magandang araw, Rocky.

BENDIJO: Opo. So, pinaigting na po natin, tama ho ba, ang border control at ang pagpatrolya natin diyan sa ZAMBASULTA areas para hindi makapasok iyong bagong uri ng COVID-19 sa Sulu? Bukod po diyan, ano po iyong mga hakbang na ginagawa po ninyo ngayon para masigurong hindi po makapasok sa Sulu ang bagong strain na nakitaan po diyan sa Sabah, Malaysia, Gov.?

GOVERNOR TAN: Unang-una, sa ngayon ay nandirito kami with the WESMINCOM commander, si General Vinluan at saka iyong 11th Division Commander, si General Gonzales. Iyan ang pinagmimitingan namin kung paano namin madagdagan iyong mga asset ng ating mga security sector at saka mga frontliners na sana madagdagan ng assets kagaya ng mga barko ng Coast Guard, barko ng mga Maritime and of course, iyong sa Philippine Navy, dahil napakalawak ng ating coastal area.

Iyong coastline natin mahabang-mahaba, kaya hindi kakayanin ang kakaunting mga assets at ito ay kailangan nating bantayan dahil napakalapit natin sa ating kapatid na bansa, na territory ng Sabah. At alam mo naman iyong dito sa Sulu, ang taga-Sulu ay parang taga-Sabah; ang taga-Sabah ay parang taga-Sulu kasi since time na natatandaan natin, ang mga tao namin dito ay labas-masok diyan sa Sabah at iyon ang ano natin.

Kaya humihingi tayo, sumulat tayo kay Presidente at kay Secretary Galvez na siyang namamahala, administrator ng IATF na suportahan kami. Kung mag-lockdown kami na kailangan suportahan kami at anytime pagkatapos ng meeting namin with the security sector at iyong other members of the Task Force COVID-19 ng Sulu ay baka mag-lockdown kami na para hindi makapasok – sinisiguro natin na hindi makapasok ang COVID.

At of course, marami tayong pangangailangan gaya ng pagkain. Ang pagkain dito sa Sulu, maraming nanggagaling sa Sabah kasi mura ang mga bigas kaya tingin ng tao rito ay taga-Sabah rin sila at ang Sabah taga-rito rin kaya labas-masok sila at mura iyong bigas. Kaya ngayon walang bigas, kailangan sana padalahan iyong NFA dito sa Sulu, dagdagan ang stock ng inventory ng NFA dito sa Sulu para maraming tao makabili nang murang bigas. So sana iyong magandang klaseng bigas ang ipadala ng NFA.

So iyan po ang mga hakbang. In fact kahit sa mga sundalo tini-test natin, hindi puwede sila makapasok nang hindi mag-test sa ngayon. So walang ano ito, walang pagpili – kahit na sino kailangan talaga ay ma-screen. Kahit galing pa Zamboanga na kailangan sila talaga ma-screen. In fact ngayon humihingi kami kay Presidente, kung puwede pakiusapan ang Sabah o kaya iyong Kuala Lumpur na i-suspend muna, i-suspend ang pagpapauwi ng mga undocumented daw Filipinos from Sabah – iyon po ang hinihingi natin dahil ‘di natin alam baka naman may dala nang bagong strain ng bagong sakit na ang sabi ng mga marurunong ay 70% ang lakas nito makahawa. So mas malakas pa ito makahawa kaysa doon sa COVID-19.

So iyan po kailangan mag-ingat tayo dahil dito po sa Sulu ay wala po kaming mga facilities na gaya ng mga facilities sa Zamboanga, health facilities. Ang amin dito ay level 1 hospital lamang kaya kailangan namin ay preventive. So kailangan talaga prevention at ito ang ginagawa namin. Lagi kaming nag-uusap with the security sector na kung saan sila ang may kakayanan na maglagay ng mga water assets para sa coastal area na mabantayan na walang makapasok sa ating lalawigan especially galing sa Sulu.

And we are also considering—kinu-consider natin na even inter-island baka i-lockdown namin. Kahit na among islands and municipalities dito sa Sulu ay baka i-lockdown muna natin hangga’t hindi natin nakikita kung ano ba talaga itong bagong sakit. So iyan po, Aljo.

BENDIJO: Governor, buong lalawigan ng Sulu tama ho ba, ang ila-lockdown ninyo at kailan po ninyo ipatutupad iyong lockdown?

SULU GOVERNOR TAN: Nagmi-meeting kami ngayon with General Vinluan, ang WESMINCOM Commander at saka ng 11th Division Commander, si General Gonzales. Pinag-uusapan na namin ngayon, nandirito rin ang Philippine Air Force at halos lahat ng units ay—iyong puwedeng tumulong dito sa pagbantay ng ating mga isla at saka mga coastal areas including the border, border between iyong—although dagat pa rin natin iyan, iyong sa Sabah, Sulu Sea pa rin iyan eh. So—pero medyo nga eh konting ano diyan… so medyo may line diyan. So iyan po binabantayan din natin.

BENDIJO: So sa mga oras na ito, Governor, eh puwede pa ring makalabas/makapasok ang mga taga-Sabah dahil wala pa pong ipinatutupad na total lockdown?

SULU GOVERNOR TAN: Ang Sabah ngayon nagla-lockdown din. Hindi rin sila magpapasok so kaya huwag na nating paalisin din iyong mga tao natin dito at baka ‘pag lumabas sila, hindi sila makapasok; hindi rin natin sila pababalikin dahil naka-lockdown din tayo. So iyon ang inaano natin.

BENDIJO: Opo. Tama ho ba ‘no na kinakailangan ninyo diyan ng mga equipment pa para ma-detect, ma-trace o i-monitor ito pong bagong strain ito ng COVID-19 sakali mang ito ay tumawid nga mula Sabah, Malaysia, Gov.?

SULU GOVERNOR TAN: Tama po iyon, Aljo. Maliban doon sa mga water assets na mga bangka or mga barko or especially fast craft na—saka kung puwede po kailangang-kailangan din namin mga choppers eh so para laging namu-monitor iyong mga movement ng mga tao at makikita especially sa border. So iyan po ang kailangan namin and of course sa health concern dito sa ating lalawigan, nangangailangan kami ng mga… iyong machine na equipment, health equipment na ano—iyong medical equipment na puwede mag-test ng… iyong mga COVID kasi kami nagsu-swab lang kami dito pero pinapadala pa namin sa Zamboanga para malaman ang results, result ng specimen.

USEC. IGNACIO: Opo. Governor, si Rocky po ito. Magandang araw ano. May tanong lang po si Joseph Morong ng GMA-7: Within the day po ba malalaman na ang desisyon ninyo kung buong lalawigan po daw ay talagang ila-lockdown na?

SULU GOVERNOR TAN: Itong araw na ito, baga matapos ang araw na ito ay magkakaroon tayo ng decision at may result na itong meeting natin kung ano—kung full lockdown. At definitely—ang what is certain is definitely walang puwedeng pumunta ng Sabah at walang puwede galing Sabah pumunta rito. In fact baka ayaw na naming papasukan kasi baka makapasok din sa Tawi-Tawi at malapit din sa Tawi-Tawi ang Sabah so baka i-kuwan na natin, i-lockdown natin. Nothing or nobody from other provinces.

USEC. IGNACIO: Uhum. Governor, nagkaroon po ba daw ng tugon na iyong request ninyo sa IATF at sa national government ukol dito at iyon pong request ninyo kay Pangulong Duterte na huwag na muna pong—suspendihin muna ang pagpapauwi ng undocumented na mga Pilipino? Ito po ba ay nakarating na rin po sa kaalaman ng Pangulo?

SULU GOVERNOR TAN: Ah, opo. In fact nakita na ni Pangulo ang sulat natin at ina-assure naman tayo ni Pangulo, kung suporta naman sa tingin natin ay iyan ang nararapat para hindi makapasok at mabilis. Sinabi namin nang umaga, kagabi ay sinabi na ni Presidente na susuportahan kami na huwag kami na i-require na papasukin ang mga returning Filipinos from Sabah – iyan ang hinihingi namin.

USEC. IGNACIO: Governor, kumusta naman po ang lagay ng inyong probinsiya ngayong pandemic at ilan po ba iyong mga naitalang aktibong kaso ng COVID-19 sa inyong lugar ngayon?

SULU GOVERNOR TAN: Sa ngayon, out of 243, labindalawa ang namatay. At dalawa na lang ang active. So, iyon lang ang ano namin, dahil talagang maingat, maingat talaga kami, kasi wala kaming facilities. Kailangan talaga naming mag-ingat, Rocky.

BENDIJO: Governor, this is Aljo Bendijo again. Sa ibang balita naman po, Gov. Kamakailan ay nagkaroon ng sagupaan diyan po sa Sulu, kung saan limang sundalo ang nasugatan sa nangyaring engkuwentro with Abu Sayyaf Group. Ano po ba ang estado ng ating laban sa mga teroristang grupong ito diyan sa Sulu, Gov.?

SULU GOVERNOR TAN: Dito sa atin sa Sulu, walang problema tungkol sa Abu Sayyaf at halos surrender na lahat ang mga Abu Sayyaf dito. So, halos wala ng ano rito, actually kung bilang ang aanuhin natin, sumobra na sa dami ng Abu Sayyaf ang nag-surrender. So, wala na, kaunting-kaunti na lang. At actually ngayon, secondary iyong concern natin about the Abu Sayyaf, kasi gusto namin imbitahin namin ang mga Pilipino, lahat Pilipino at kayo, para makita ninyo na ngayon lahat ng munisipyo ng Sulu, including Patikul ay nagdi-develop ngayon ng mga tourist destinations, especially iyong mga beaches natin. Kahit sa Patikul, punung-puno ang mga beaches kapag weekend sa dami ng tao. Pero mini-maintain pa rin natin ang ating guidelines and protocol para maiwasan ang sakit na COVID-19. So, maganda rin na maligo sila sa dagat, kasi kami palagi kaming naliligo sa dagat.

USEC. IGNACIO: Governor, mayroon lang pong tanong ang ating kasamahan sa media. Si Celerina Monte ng Manila Shimbun. Ito po ang tanong niya para sa inyo: Gaano po katagal ang plano ninyong lockdown sa Lalawigan ng Sulu?

SULU GOVERNOR TAN: Ang plano namin na magla-lockdown kami ay for as long as necessary. So, walang time frame kung hanggang kailan. Puwede naman namin, kung isang buwan or two weeks, after that i-extend ng i-extend ng i-extend. Depende po sa ano, hindi pa natin masyadong alam ang sakit na ito at saka delikado raw, mas matindi pa ito sa COVID-19. So, kailangan talaga tayong mag-ingat.

BENDIJO: Pero hindi naman ibig sabihin niyan, Gov., kung naka-lockdown na ang buong Sulu, eh nasa loob lang din ng bahay ang mga kababayan natin diyan sa Sulu? Wala po kayong curfew na ipatutupad, walang liquor ban?

SULU GOVERNOR TAN: Iyon po ang ginagawa natin. Kahit na mag-lockdown tayo, actually, iyong para sa tao lamang, iyong goods puwedeng pumasok, especially galing Zamboanga. Kasi diyan ang mga pagkain din namin, kinukuha namin sa Zamboanga City. So iyon lang ang inaano natin. Ang mga tao puwede naman silang lumabas: Una, basta naka-face shield, face mask; kapag nagmu-motorsiklo ay naka-face shield; kapag nandidiyan sa loob na sasakyan na mga biyahe naka-face shield at magdi-distancing iyan sa loob ng mga barko. Kaya iyong mga barko, mga sasakyan, dapat may distancing. In fact, kahit iyong sa mga palengke, iba na ang pasukan, iba rin ang lalabasan. So iyan ang ano natin.

BENDIJO: Okay, mensahe na lang Governor sa lahat ng ating mga kababayan po diyan sa Sulu at kung may nais pa po kayong hingin na tulong sa national government para po sa inyong probinsiya at paalala na rin sa inyong mga kababayan po diyan, Gov.?

SULU GOVERNOR TAN: Una, marami na ang naitulong sa atin si Presidente rito sa Sulu, lalung-lalo na kapag may mga kalamidad, padala agad ng tulong through Senator Bong Go. At padala siya kaagad ng mga pangpagawa ng mga bridge, imbes na kahoy noon, pinapasemento ni Senator Bong Go ang mga bridges natin especially diyan sa mga barangay na apektado. And of course iyong mga pamilya ay binibigyan kaagad ng ayuda. In fact, recently nagbigay pa si Senator Bong Go ng tig-30,000 bawat pamilya, iyong mga nasunugan. Ganoon din iyong mga nagbalik barangay na nakaalis noon or lumikas dahil sa peace and order noon doon sa mga barangay at pinabalik na natin. Nag-usap na kami with the military na pabalikin lahat ang mga nasa barangay.

So, na-prepare nila na ang mga barangay at nakauwi na. At pinapadalhan ni Senator Bong Go ng mga tulong pinansiyal at saka material support galing sa office ni Presidente. So, ganiyan po kadami ang tulong sa amin. And all the same, ay magpapadala na naman si Presidente ng pera para sa mga market vendors ng tig-3,000. Idadaan ito sa DSWD para sa ating mga market vendors. At pagkatapos niyan, sa tanghali ay bubuksan na ang Malasakit Center natin dito sa Sulu. At magbi-virtual si Senator Bong Go at dadating din dito si Senator Bong Go para anuhan iyong ating mga – ipakita sa taumbayan na hindi tayo pinapabayaan ng ating pamahalaan.

So iyan po ang tulong na nakukuha natin. Ganoon din iyong dito sa COVID. Binigyan kami, lahat ng LGU, iyong extra – iyong parang Internal Revenue Allotment para pambili namin ng mga gamit para sa laban sa COVID-19. Kaya siguro ay walang masyadong complain ang mga tao dito. At maganda rin itong COVID na maraming benefits. Una kulang ang gastos ng mga pamilya, hindi sila lakwatsa ng lakwatsa. At maganda nagkakaisa sila, nandodoon sila lahat sa loob at iyong disiplina ay sumusunod ang ating mga taumbayan.

BENDIJO: Opo. Maraming salamat po, Sulu Governor Abdusakur Tan. Mabuhay po kayo at Happy New Year. Huwag po kayong aalis magbabalik pa ang Public Briefing #LagingHandaPH.

[AD]

USEC. IGNACIO: Nagbabalik po ang Public Briefing #LagingHandaPH.

Balita naman sa Region XI. Davao City, pinaghahandaan na po ang post holiday surge ng COVID-19 cases. Magbabalita live si Jay Lagang mula po sa PTV Davao. Jay?

[NEWS REPORT BY JAY LAGANG/PTV DAVAO]

USEC. IGNACIO: Maraming salamat Jay Lagang ng PTV Davao.

Ngayong araw po ay nagkaroon ng inspection ng Department of Health kasama ang DOTr sa mga One-Stop Shop na binuo po pamahalaan sa mga point of entry ng bansa kabilang na ang NAIA. Para makibalita diyan, makakausap po natin si Office of Transportation Security Administrator, Usec. Raul Del Rosario. Magandang umaga, USec.

USEC. DEL ROSARIO: Magandang umaga po sa inyong lahat. Sa ngalan ni Secretary Arthur Tugade kami po ay bumabati sa lahat ng mga tagapakinig.

USEC. IGNACIO: Opo. Usec., kumusta na po iyong naging inspeksiyon ninyo sa NAIA at nasiguro po bang nasusunod iyong health and safety protocols?

USEC. DEL ROSARIO: Iyan po ang tiningnan natin sa ating inspeksiyon ngayong umaga at nakita naman natin kung ano ang mga proseso at systems in place. Nakita mismo ni DOH Secretary, na ang kaniyang general observation ay maayos at nasusunod lahat ng protocols.

Siyempre, special day ngayon dahil ngayon iyong first day ng pag-implement natin ng para sa mga 20 countries na sabi nga ng DOH ay maaaring mayroong new COVID variant.

USEC. IGNACIO: Pero Usec., naging smooth sailing ba po iyong operasyon ng OSS [One-Stop Shop] nang mga nakaraang araw sa tulong na rin po siyempre ng mga dagdag na personnel mula sa Philippine Coast Guard?

USEC. DEL ROSARIO: Sa tingin ko naman ay napaghandaan nating mabuti itong holiday season dahil inabangan nga natin na maaaring itong mga panahon na ito ang dagsa ng pag-uwi ng ating mga kababayan at wala naman tayong masyadong mga malaking naging problema. Na-manage natin ang surge for the holiday season na pag-uwi ng ating mga kababayan.

USEC. IGNACIO: Kumusta naman daw po iyong ginagawang pagpapaigting ng testing capacity sa mga OSS lalo ngayon marami na daw pong nag-uuwiang overseas Filipino para po sa holidays?

USEC. DEL ROSARIO: Of course, ang mga proseso natin ay nandiyan na at ginagawa na natin ito since April 23 at pinaigting lang natin dahil nga dito sa bugso mga pasaherong kababayan na dumarating ngayong Kapaskuhan.

At siyempre, mas naging complicated itong one-stop operation natin dahil nga dito sa sinasabi nilang UK new variant or new strain na sabi ng DOH mas mabilis daw makahawa at mas aktibo.

At iyon na nga, mayroon daw IATF guidelines na natanggap namin kagabi. Mayroong mga 20 bansa na maaaring mayroon ng infection ng new variant kaya iyong mga pasaherong galing sa mg 20 na ito ay binabantayan din natin.

USEC. IGNACIO: Opo. So, papaano po ang ginagawa nating monitoring para po dito sa sinasabi nga po nating dapat ay travel ban mula po sa mga ibang bansa pa rin na may new COVID strain, Usec?

OTS USEC. DEL ROSARIO: Well, ang ginagawa nga nating monitoring diyan eh, ang naging kautusan ng IATF ay kung pupuwede ay magkakaroon tayo ng ban na epektibo sa 30, December, paglipat ng gabi. At ang mga pinaparating natin ngayon ay iyong mga in transit na, iyong mga in flight na. At ito ay binabantayan natin ngayong araw sa pamamagitan ng pag-identify ng mga number of passengers na maaaring dumating dito sa bansa. At pag-segregate sa kanila pagdating sa airport. At siyempre ang kautusan ng IATF ay bibigyan sila ng 14-days mandatory quarantine – itong mga galing sa 20 countries.

USEC. IGNACIO: Opo, iyan po ay kahit sila ay negative RT-PCR result, Usec?

OTS USEC. DEL ROSARIO: Totoo po iyan, iyan po ang ipinaliwanag na ni DOH Secretary kanina, regardless kung mayroon na silang negative result ng kanilang RT-PCR test para makasiguro nga na wala silang dalang [COVID-19] new variant. Dahil ang pagkakasabi niya in five days magma-mature iyong mga virus at doon pa lang effectively madi-detect. Kaya para makasiguro tayo, 14 days i-quarantine, kapag hindi nagkaroon ng symptoms ay saka pa lang sila puwedeng makaalis.

USEC. IGNACIO: Opo. Usec, kanina kausap si Sulu Governor Sakur Tan at sinasabi po niya may pulong siya sa mga opisyal ngayon dahil doon sa posibilidad na talagang magpatupad ng lockdown ang Lalawigan ng Sulu dahil po doon sa bagong COVID strain na nakita dito sa Sabah, Malaysia. So, ano po ang magiging assistance na maaari ninyong ibigay dito po sa Lalawigan ng Sulu para po mapigilan na makapasok itong bagong strain?

OTS USEC. DEL ROSARIO: Mayroon po tayong regional task force na mamamahala diyan sa Sulu area at ang mga guidelines ay manggagaling dito sa ating national task force. Pero ang mga polisiyang ipapatupad ay ang regional task force ang siyang magsasagawa ng mga hakbangin.

USEC. IGNACIO: Usec, bibisitahin din ba ng Department of Health at ng OTS ito namang one stop shop sa iba pang entry point sa bansa?

OTS USEC. DEL ROSARIO: Sa ngayon po naka-monitor po tayo sa iba pang one stop shop areas kagaya ng sa Clark at sa Mactan, Cebu. Mayroon po tayong mga organisadong one stop shop structure diyan na pinamumunuan ng DOTr at mayroon din po tayong mga one stop shop sa ating mga pantalan, sa ating iba’t ibang port kung saan nagsasagawa tayo ng crew change – sa Port of Subic, Orion sa Bataan, dito sa Manila, sa Batangas, sa Davao at Cebu.

USEC. IGNACIO: Okay. Usec, kunin ko na lang po iyong mga reminders ninyo, mga dagdag na paalala sa ating mga kababayan nating hahabol po sa pag-uwi sa bansa ngayong holiday season?

OTS USEC. DEL ROSARIO: Well, sana maintindihan ng ating mga kababayan ang pinapatupad nating mga protocol. Ang hangarin ng sambayanan ay hindi makapasok itong new variant na tinatawag nila. Malaking pinsala po ang maidudulot nito. Dahil sabi nga ng DOH eh mas aktibo at mabilis makahawa at hinihiling natin na maintindihan sana ng ating mga kababayan pauwi. Sa katunayan, ang kautusan nga ay i-ban, huwag ng paratingin dito, pero tinatanggap pa rin natin iyong mga in transit. Ang isa pa diyan na dapat maintindihan ng ating mga kababayan ay hindi na nila alam kung mayroon silang itong COVID variant na tinatawag ay baka mahawa pa nila ang kanilang mga mahal sa buhay. So, sana pag-intindi at pang-unawa ang hinihiling natin.

USEC. IGNACIO: Okay, maraming salamat po at stay safe, Usec. Raul Del Rosario ang Administrator ng DOTr, Office of Transport Security. Happy New Year po.

BENDIJO: At samantala, makibalita tayo tungkol sa mga kaganapan mula sa iba’t ibang bahagi ng bansa. Narito si Ria Arevalo ng PBS-Radyo Pilipinas. Ria?

(NEWS REPORTING)

BENDIJO: Maraming salamat Ria Arevalo ng PBS-Radyo Pilipinas.

USEC. IGNACIO: Samantala, out-patient department ng bagong tayong Cebu City Medical Center pormal ng pinasinayaan. Ang detalye sa balita ni John Aroa ng PTV-Cebu, live John?

(NEWS REPORTING)

USEC. IGNACIO: Daghang salamat, John Aroa, mula po sa PTV-Cebu. Maraming salamat po sa ating mga partner agency, para sa kanilang suporta sa ating programa at maging ang Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas. Salamat din po sa Filipino Sign Language Access Team for COVID-19. Mabuhay po kayo.

At dito po nagtatapos ang ating programa sa araw na ito. Sa ngalan po ni Secretary Martin Andanar, ako po si Usec. Rocky Ignacio.

BENDIJO: Thank you so much, Usec. Mga Kababayan, tatlong araw na lang 2021 na. Magkita-kita po tayo muli bukas. Ako po si Aljo Bendijo.

USEC. IGNACIO: Ito po ang Public Briefing #LagingHandaPH.

##

Source: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)