USEC. IGNACIO: Magandang umaga, Pilipinas. Ngayon po ay January 6, 2021, araw ng Miyerkules, inihahatid po sa inyo sa kauna-unahang pagkakataon ng Philippine Information Agency sa pakikipagtulungan ng People’s Television Network ang komprehensibong hakbang ng pamahalaan upang mabakunahan ang mga Pilipino kontra COVID-19. Direkta ninyo pong maririnig ang National Vaccination Roadmap mula po mismo sa ilang key officials ng administrasyon at eksperto.
Sa ngalan po ni PCOO Secretary Martin Andanar, ako po ang inyong lingkod, Usec. Rocky Ignacio. Tunghayan po ninyo ang espesyal na edisyon ng Public Briefing #LagingHandaPH. Ito ang COVID-19 Vaccines Explained.
Samantala, pasadahan muna natin ang mga balita: Tiniyak ni Senate Committee on Health and Demography Chairman Christopher ‘Bong’ Go na walang mapag-iiwanang mahirap na Pinoy kapag nakabili na ang Pilipinas ng bakuna kontra COVID-19. Alamin ang buong detalye sa report na ito.
[NEWS REPORT]
Samantala, ilang market vendors sa Malaybalay, Bukidnon nagpahayag naman ng kagustuhan na magpabakuna kontra COVID-19. Ang detalye sa report na ito:
[NEWS REPORT]
Sa puntong ito, para magbigay naman ng paunang mensahe at overview sa mangyayaring Vaccine Cluster Press Briefing ngayong umaga, let’s welcome the Director General of the Philippine Information Agency, Undersecretary Ramon Cualoping III.
PIA DIRECTOR GENERAL CUALOPING: Salamat po, Usec. Rocky. Bago po ang lahat, sa ngalan po ni Secretary Martin Andanar at ng buong Presidential Communications Operations Office at ng Philippine Information Agency, kami po ay nakikiramay sa pagpanaw ni MMDA Chairman Danilo Lim. Nakikiramay po kami sa buong pamilya ng MMDA at sa naiwan niyang mga mahal sa buhay.
So maayong buntag sa tanan. Magandang umaga po. Good morning. Today we will discuss everything about the COVID-19 vaccines and ‘Explain, Explain, Explain’ the vaccine basics, the roadmap and our latest updates from the panel of experts and from the government officials who are here with us this morning.
It has always been the vision of President Rodrigo Roa Duterte since 2016 to provide a comfortable life for all Filipinos. And now in the midst of the pandemic, it is our goal to have vaccines, safe and effective vaccines available for all Filipinos. The answer to end the pandemic was and still is to BIDA Solusyon, now plus the vaccines too.
BIDA Solusyon is the government’s strong and cohesive information campaign against the COVID-19 pandemic that continuously affects us in many ways. It aims to encourage Filipinos to take an active role in the fight against our common enemy.
With BIDA Solusyon plus the availability of vaccines, we hope to bring the lives of Filipinos back to the old normal. The aim of the Philippine government is to save lives, revive hopes and shape the future of Filipinos.
Laging Handa: The COVID-19 Vaccines Explained will be the first of numerous public briefings to explain, explain, explain the National Vaccine Roadmap, to provide updates and to clarify the most pressing issues on COVID-19 vaccines in the Philippines.
Today, we are honored to be joined by our vaccine champions and panel of experts: Secretary Carlito Galvez, the Chief Implementer of the National Task Force Against COVID-19 and our Vaccine Czar; Secretary Vince Dizon, the National Task Force on COVID-19 Deputy Chief Implementer; Director General, Dr. Eric Domingo of the Food and Drug Administration; Executive Director Dr. Jaime Montoya of the Department of Science and Technology; and Dr. Socorro Escalante of the World Health Organization.
So while the government is securing the availability and appropriation of vaccines for its citizens, the proliferation of fake news is also widespread. Fake news is everywhere – in our social media applications, in our various messaging apps. We therefore need to dismiss disinformation and fight fake news by laying out the facts. We will explain everything about the vaccines to all Filipinos because they deserve such explanation.
We would like to assure everyone that this government, your government is working hard in planning the rollout and distribution of safe and effective COVID-19 vaccines and we commit to communicate it well to the people. We in the PCOO and the PIA under the leadership of Secretary Martin Andanar and the leadership of the NTF under Secretary Charlie Galvez and Secretary Vince Dizon and the Vaccine Panel of Experts are here to communicate this timely and relevant information to everyone.
Everyone is working hard to implement this roadmap. Every Filipino deserves to be protected from COVID-19. Every Filipino deserves to be vaccinated.
It is the mandate of our government under our President Rodrigo Roa Duterte to save lives, revive hopes and shape the future for a comfortable life for all Filipinos.
Maraming salamat po. Daghang salamat.
USEC. IGNACIO: Thank you PIA Director General Ramon Cualoping III. Ngayon naman po ay pakinggan natin ang ating Vaccine Czar na si Secretary Carlito Galvez Jr., para ipaalam sa taumbayan ang tatahakin ng bansa ngayong 2021 patungkol sa bakuna. Secretary Galvez?
SEC. GALVEZ: Magandang araw po sa ating lahat at nakikinig po ngayon. Ang atin pong report today will focus on the government vaccine procurement efforts particularly po iyong status ng ating mga negotiations sa different vaccine at saka kung nasaan na po tayo sa implementasyon ng ating Philippine national roadmap.
At sinabi nga po ng ating mahal na Presidente, he emphasized that the national government’s goal of providing safe, effective and free vaccines for all Filipinos. Sinasabi niya na wala pong maiiwan, walang iwanan. Ito po ang pangako ng ating mahal na Pangulo, at titiyakin po ng pamahalaan na ang lahat ng mga kababayan po natin ay mababakunahan.
The massive nationwide vaccination program is anchored on the Philippine National Vaccine Roadmap. Its goal is to achieve the full recovery of our economy and the lives of our Filipino people. This also shows the vaccine roadmap framework, wherein we have emphasized iyong tinatawag nating safety and efficacy, and then ang tinatawag nating key considerations for this strategic framework.
This month, the Philippines and Colombia will be the first two countries to take part in WHO Solidarity Vaccine Trial. Fifteen thousand volunteers from the Philippines will be participating in the said trial. At excited po talaga ang taga-Metro Manila dahil ang target po ay 15,000 people from Metro Manila at iyan po ay ang tanggapan po ng DOST at ang PGH ay i-implement po ito. Ito po ay para malaman po natin na magkaroon po ng full evaluation for a safety and [the] efficacy of the candidate vaccine.
Ang gobyerno po ay may portfolio ng mga vaccines. Ibig sabihin po nito, marami po tayong pagkukunan ng bakuna sa iba’t ibang mga manufacturers. Ito po ay upang matiyak na magkakaroon tayo ng sapat na bakuna para sa lahat, particularly this year 2021.
We are now on the advance stages on negotiations with Novavax, AstraZeneca, Pfizer, Johnsons & Johnsons, Sinovac at Gamaleya. We hope to close the deal with these companies this month. At ito po ay nakikita po natin na kapag nagkaroon po tayo ng very effective na negotiation ay mayroon po tayong mahigit na 148 [million] na magkakaroon po ng doses.
Aside from our bilateral negotiation, the Philippines stands to receive fully subsidized doses for 20% or iyong tinatawag nating 23 million Filipinos through the COVAX facility. This is a global initiative aim at working with vaccine manufacturers to provide countries worldwide with equitable access to safe and effective vaccines.
Based on our current negotiations, we will be able to purchase at least 148 million doses from more or less seven manufacturers. However, it will be dependent on the global supply. Kung makikita po natin, countries have already procured, iyong rich countries have already procured more than 80% of the global supply. Sa ilalim po ng Philippine National Vaccine Roadmap, babakunahan po natin ang humigit-kumulang na 50 to 70 million na Filipinos sa loob ng taong ito.
In the deployment of vaccine, our strategy will be … ang ano po natin ay magkakaroon po tayo ng prioritization sa ating mga sektor at makikita po natin na inaano po natin na ang priority eligible groups includes our healthcare workers, the vulnerable indigent senior citizens, the poor communities, the uniformed personnel, teachers, the school workers, government workers, essential workers and also our Overseas Filipinos and other remaining essential workers.
The implementation of national vaccine program is not a sole responsibility of the government. Batid ng pamahalaan na hindi niya ito makakayang mag-isa. This is the reason why the whole of government and the whole of nation approach shall be adopted, maximizing manpower, expertise and processes to ensure the coordinated and integrated implementation of the COVID-19 immunization program.
Mahalaga po ang papel na gagampanan ng mga lokal na pamahalaan at pribadong sektor sa implementasyon ng ating vaccination program. Sinasabi po ng ating mahal na Presidente, the LGUs will be in charge of identifying and profiling the priority sectors in their population and support the vaccine programs roll out while the private sector provides invaluable technical and financial support in the procurement and deployment of the vaccine, particularly the cold chain.
In recognition of this, the President recently have approved the tripartite agreement between the national government, the LGUs and the vaccine company. As we have said, talagang pangako po ng ating mahal na Pangulo na babakunahan po natin ang ating mga kababayan with the safe, effective and free vaccine.
Maraming salamat po.
USEC. IGNACIO: Okay. Maraming salamat po, Secretary Carlito Galvez Jr., ng National Task Force Against COVID-19.
Sa atin pong pagbabalik, handa na rin magbahagi ng kanilang kaalaman sa paparating na bakuna ang mga imbitado nating panel of experts. Public Briefing #LagingHandaPH will be right back.
[COMMERCIAL BREAK]
USEC. IGNACIO: Nagbabalik po ang special edition ng Public Briefing #LagingHandaPH.
Upang bigyang linaw ang siyentipiko at technical na aspeto po ng COVID-19 vaccine, kasama rin po natin ngayong umaga sina Dr. Eric Domingo, ang Director General ng Food and Drug Administration; Dr. Jaime Montoya ang Executive Director ng Philippine Council for Health Research and Development ng DOST; at si Dr. Socorro Escalante, ang Philippine Representative ng World Health Organization. Mamaya po ay sasagutin nila iyong mga katanungan pong ipinadala ng ating mga kasamahan mula sa media.
Samantala, para bigyan tayo ng update tungkol sa Emergency Use Authorization ng COVID-19 vaccines at upang sagutin na rin ang mainit na isyu tungkol sa umano’y pagbabakuna nito sa ilang mga Pilipino kahit wala pa namang legal na basehan, we have here Dr. Eric Domingo ang Director General ng FDA. Good morning po.
DR. ERIC DOMINGO: Magandang umaga po, Usec. Rocky. Magbibigay lang po kami ng kaunting status report sa mga application po sa atin sa FDA.
Unang-una po, dalawa pong bagay ang ina-apply sa FDA: ang approval for a clinical trial ng isang vaccine under development; at iyon pong Emergency Use Authorization o iyong paggamit po ng isang bakuna na nandito na po, na maaari ng gamitin kontra COVID-19.
Sa unang slide—ito po ngayon mayroon po tayong tatlong natanggap na application para po sa COVID-19 vaccine clinical trial. Iyon pong sa Sinovac at saka po sa Clover ito po ay ongoing review po ngayon sa FDA. Mayroon lamang po silang mga kaunting dokumento pa na kulang na hinihingi namin para po makumpleto at ma-approve na sila.
Pero mayroon pong pangatlo na application iyong sa Janssen ng Johnson & Johnson, ito po ay na-approve na po ng FDA. So, mag-uumpisa na po sila ngayong buwan na ito, probably by next week, ito po iyong clinical trial noong kanilang dine-develop, very promising vaccine. At hinihintay po natin ngayon iyong application din ng WHO Solidarity Trial.
Aside from that, ang FDA din po ang magbibigay ng Emergency Use Authorization. Ang ibig pong sabihin, ang bakuna bagama’t under development pa maaari na po nating tingnan kung makikita natin na maganda naman siya at magagamit during the public health emergency. Ang gusto po natin ay maging available po ito sa madla ng mabilis at kaagad-agad pero sisiguraduhin po natin ang safety niya at saka efficacy without even sacrificing or compromising safety.
Noon pong December 1, si Pangulo natin binigyan ng Pilipinas ng karapatan, ang FDA na mag-isyu ng Emergency Use Authorization. Ito po ay talagang ano, this is a very important executive order because it allows us to use, emergency use products under development. At ito nga po ay sinusundan ng ibang mga bansa dito po sa Western Pacific region na na wala [unclear] mechanism ano. Nagbigay po ito ng paraan ng ating Pangulo.
Next slide please. Kailangan po para magkaroon ng Emergency Use Authorization, bagama’t dine-develop pa ang vaccine, we need to have reasonable evidence that the drug maybe effective to prevent COVID-19. Kailangan po iyong potential benefit of the drug o iyong kaniyang benepisyo ay mas mabigat kaysa sa mga potential risk ng bakunang ito at wala pa pong approved at alternative na vaccine. Habang wala pa po talagang registered vaccine, puwede tayong magbigay ng EUA.
Next slide po. Ang mga maaari pong mag-apply nito ay iyong mga developers ng vaccine, maaari din pong mag-apply ang pamahalaan, iyong mga nag-i-implement ng mga programa. At ito ay maaari lamang i-apply sa mga produkto na nakaabot na po at least doon sa clinical trial phase 3. At ang isa pa pong importante, hindi tayo magbibigay ng EUA kung iyon pong bakuna ay walang EUA sa bansang kaniyang pinanggalingan. Ibig sabihin, hindi po tayo papaya na dito unang gagamitin. Idi-develop sa ibang bansa, tapos dito unang gagamitin ang bakuna. Kailangan in-approve muna siya sa bansang kaniyang pinanggalingan at sa iba pong mga FDA counterpart or National Regulatory Agencies.
Next slide please. So ito po iyong mga eligible na mag-apply po sa atin. Nandiyan po iyong mga bakuna na alam nating dinivelop at mayroon ng EUA sa kanilang mga bansa katulad po ng Pfizer, AstraZeneca, Moderna; sa Tsina po mayroon pong Sinovac at saka Sinopharm; pagkatapos sa India, mayroon po iyong sa Bharat Biotech.
So, ito po ang status nila ngayon ano: As of now, January 6, Pfizer BioNTech lang po ang nag-apply pa sa Philippine FDA ng Emergency Use Authorization. So, wala pong nakatambak na application sa FDA ano, kaisa-isa pa lamang po ang aming natanggap na EUA, nag-apply po sila noong bisperas ng Pasko at natanggap po natin iyong kanilang mga papeles.
Ang Pfizer po ang maganda rito, medyo madali po siyang i-evaluate dahil mayroon na siyang EUA galing sa United Kingdom, sa US, sa Canada, sa Switzerland, Singapore at iba pang bansa na alam po natin na very strict iyong kanilang regulation. Mayroon na rin po siyang WHO Emergency Listing na niri-recognize po ng ating bansa according to EO 121.
So, ito po iyong timeline ng sa Biotech, nag-submit po sila sa amin noong hapon ng December 23, ng unang araw po ng pasukan noong December 28 ay naibigay na natin sa mga eksperto ang ating mga papeles at iyong kanilang mga scientific evidence for evaluation.
Kahapon po nagbigay ng kaunting mga katanungan iyong ating mga eksperto na pinadala natin sa Pfizer at binigyan ko sila ng 48 hours to reply and to give us the information requested by our panel. Pagkatapos po noon ibabalik nila iyan sa akin by January 10, and a few days after that makakagawa na po tayo ng desisyon doon sa kanilang EUA application.
So, napakabilis lamang po ng proseso, pero dinadaanan po natin each and every step to make sure na iyon pong kalidad, na iyon pong safety at efficacy ng bakuna ay sigurado tayo bago po natin siya aprubahan at para masigurado na stable siya pagdating sa Pilipinas, at iyong bakuna na inu-offer sa ibang bansa ay iyon din ang dadalhin sa atin – same quality, same safety, same efficacy.
Next slide po. Ito po iyong mga iba rin na mga inaabangan natin. Iyon pong Oxford na AstraZeneca na bakuna na-approve na po ito sa UK, nabigyan na po sila ng EUA sa UK noon pong bago magbagong taon at sa India. Ang expectation po natin, we anticipate na mag-a-apply na rin po sila dito sa atin sa Pilipinas dahil nagpaparamdam na rin naman po sila at sinabi nila na mag-a-apply na sila soon.
Ang Sinopharm po, mayroon po itong approval na conditional approval, parang EUA din po iyon galing sa China, sa UAE, iyon pong sa Bahrain. Pero dito po sa atin, hindi pa po sila nag-a-apply ng EUA. Noong una gagawa po sana sila ng clinical trial dito kaya lang ang hinihingi po kasi nila, tayo iyong magbabayad, gagastos sa clinical trial nila at sabi naman po ng DOST eh ang budget natin ay pang-WHO clinical trial lamang. Kaya in the end noong October sinabi nila na hindi na sila magki-clinical trial sa Pilipinas but we are still waiting for them to apply for an EUA para po mag-supply sa Pilipinas.
Iyong Sinovac, ito po bagama’t wala pa silang application na pinadala sa FDA, nagtanong na po sila sa amin ‘no, sa amin nila Secretary Charlie, kung ano iyong mga requirement at saka kung ano po iyong proseso. Naipadala na rin po namin sa kanila iyong listahan ng mga requirements na ito kaya mukhang mag-a-apply na rin naman po sila soon. Mukhang kinukumpleto lamang po siguro nila iyong kanilang mga dokumento at iyong scheduling po siguro nila ng kanilang pag-supply.
Iyon pong sa Rusya, iyong Sputnik V, approve na rin po ito ng EUA sa Russia. Hindi pa po sila nag-a-apply sa atin ano, pero nanghingi na rin po sila ng information at pinadala na rin po natin sa kanila iyong requirements natin. So iyong interest po ay nandiyan na and hopefully mag-a-apply na rin po sila soon.
Iyon pong dalawa, iyong Moderna na na-approve po sa USA at saka sa Canada, ito po hindi pa sila nagtatanong sa atin. Mukhang naghahanap pa po ‘no nang magiging distributor nila dito or importer nila dito. At ito pong New Year, ang India nagkaroon din po sila ng Emergency Use Authorization sa isang homegrown vaccine nila na dinivelop po sa kanilang bansa, iyong Bharat Biotech, pero sa ngayon po, wala pa tayong impormasyon dito.
So uulitin ko lamang po, sa ngayon iyong Pfizer, ang ating may application na pending sa FDA na mukhang malapit na rin po nating matapos ang proseso nito very soon and we are expecting na magkaroon po ng mga EUA applications from AstraZeneca, from Sinovac, from Sputnik at iyong iba pa pong mga bakuna na may EUA diyan sa ibang bansa.
Maraming salamat po.
USEC. IGNACIO: Okay. Maraming salamat po. Dr. Eric Domingo ng Food and Drug Administration.
May agam-agam pa rin po ang ilang Pilipino kung gaano kabisa at kung ligtas nga ba ang mga bagong tuklas na bakuna para sa COVID-19 lalo na’t may bagong strain ang nasabing sakit. Iyan po ang bibigyang-linaw ngayon ni PCHRD-DOST Executive Director, Dr. Jaime Montoya. Magandang umaga po sa inyo, Doctor.
PCHRD-DOST EXEC. DIR. DR. MONTOYA: Magandang umaga. The COVID-19 crisis triggered scientists to rapidly develop vaccines at an unprecedented scale. Compressing into several months, a process that usually takes a number of years. Accelerating the development of a vaccine does not mean that we are sacrificing quality, much less its safety and effectiveness. Ensuring that a particular vaccine has undergone rigorous, scientific and regulatory processes will strengthen our confidence in vaccines. This is where the crucial role of science will [unclear].
In the midst of the COVID-19 pandemic, the benefits of expecting the vaccine development process out-weight the risks. The COVID-19 vaccines are no exception despite the pressing need for them globally. Adhering to scientific standards ensure that the said vaccine is safe and effective for humans and guarantee that the laboratory practice and clinical research conducted, follow the highest ethical standards.
It is through clinical trials or evaluation of investigational products involving humans, the scientists observe and evaluate the safety and efficacy of a vaccine under development. Vaccine pre-licensure requirements involved three clinical testing phases: Phase 1, tests if the vaccine is safe for humans; Phase 2, monitors its safety and determines the optimum dose and schedule. Phase 3 trial involves hundreds of thousands of volunteers as it evaluates the efficacy of the vaccine in disease prevention and provides further safety information in a larger population. Post-licensure requirement is still part of the clinical trial as Phase 4 involves the continuous monitoring of the vaccine even after it is already been licensed for use.
Since several COVID-19 vaccines are being developed, the creation of the task group on scientific selection and evaluation is the first stage of the government’s vaccine roadmap which ensures that we choose the best vaccine that is safe and effective for Filipinos. Being the agency for stage 1, the Department of Science and Technology or DOST created an advisory committee called the Vaccine Experts Panel composed of Filipino scientists and vaccine experts to help evaluate the scientific data on the safety and efficacy of vaccine candidates obtained from clinical trials.
The data from clinical research must show that the vaccine’s benefits outweigh the potential risks for people who will be recommended to receive the vaccine. Only if a vaccine’s benefits are found to outweigh the potential risks, that the FDA grant a license for the vaccine, allowing it to be used by the public.
To ensure the highest scientific and ethical standards, the results obtained from the clinical trials are evaluated by the FDA to assess the safety and effectiveness of each vaccine. The FDA being the country’s regulatory body serves as the agency to give the final approval and licensing of vaccines. In compliance to scientific standards in evaluating and monitoring vaccines, it do not stop after approval and licensing as the FDA still regularly monitors vaccination programs, vaccine manufacturing facilities and even contract with such organizations during clinical trials to make sure that they are following strict regulations.
The assessment of vaccine efficacy is complex for many diseases including COVID-19 in general. It is the role of experts, advisory committees and regulatory bodies to assess the data on efficacy of a particular vaccine as there are scientific guidelines and recommendations being followed to ensure that the vaccine candidates meets certain qualifications. The vaccines are considered to be safe, may be administered in humans based on the safety evaluation studies as part of the clinical trials. Approval from the Philippine FDA is also a necessary requirement prior to administering COVID-19 vaccines.
Each vaccine is developed differently from one another in terms of platform used – adjuvants, stabilizers as well as for the ethnicity, age group or co-morbidities of patients to whom it was clinically studied. As a result, each vaccine is likewise anticipated to elicit different degrees of efficacy and safety. One brand may be used for a particular population, while another vaccine may work better in the different group. The applicability will depend on the pre-clinical and clinical results of each vaccine, hence the need to carefully evaluate the available data.
Depending on the effectiveness of a vaccine in building a person’s immunity as determined during the clinical trials, several doses may be needed over a certain period of time. Some vaccines would require a booster dose in addition to the prime dose to help increase the antibodies of a person thus building a more protective and complete immunity.
I would like to ensure the public that the best science and best available evidence is the basis for determining which vaccines will be available to the Filipino people as determined by its safety and efficacy.
Thank you very much.
USEC. IGNACIO: Maraming salamat po, Dr. Jaime Montoya ng DOST. Susunod, nasaan na nga ba ang Pilipinas kumpara sa ibang bansa pagdating sa usapin ng COVID-19 vaccine? Abangan po iyan sa ating pagbabalik.
[COMMERCIAL BREAK]
USEC. IGNACIO: Kayo po ay nakatutok pa rin sa COVID-19 Vaccine Explain, a Public Briefing #LagingHandaPH Special.
Alamin naman po natin ang itinakdang global parameters sa pagbabakuna kontra corona ng virus at paano nakakasunod ang Pilipinas dito. Joining us today is Dr. Socorro Escalante from the World Health Organization. Good morning po, Doktora.
DR. SOCORRO ESCALANTE: Magandang umaga, Usec. Rocky and sa lahat po ng nakikinig sa atin ngayon.
I would like to present the global perspective of the COVID-19 vaccines and how these are being developed globally.
So sa unang slide po natin, dito po sa slide na ito ay makikita po natin the number of vaccines that are in the pipeline. Kagaya nga po ng sinabi kanina ni Dr. Montoya at saka si DG Eric that there has been a wide-scale and very fast and rapid development of vaccines. So in the research and development pipeline overall, we have 232 vaccines candidate vaccines that are being developed, 172 of which are in the pre-clinical stage – ito po ay sinusuri pa lang doon sa laboratoryo. At 60 of these vaccines are already being in the phase of the clinical trial.
So makikita po natin diyan iyong nasa Phase 1 ng clinical trial are 20 vaccines, and going to the right, mayroon na po tayong sampung vaccines which are already in the Phase 3 of clinical trial. And out of all these vaccines in the clinical trial phase, sampu na po ang nabigyan ng conditional approval or emergency use authorizations around the world at isa na po ang nabigyan ng emergency use listing ng WHO.
Sa susunod na slide, makikita po natin iyong iba’t ibang klase ng bakuna na dini-develop ngayon at ito po iyong mga nasa Phase 3. So for now, makikita po natin dito sa slide na ito that there are different platforms of vaccines. So iyong mga inactivated vaccines, for example, are the usual platforms that we have already been using in developing vaccines, but there are very new technologies na makikita natin like the RNA vaccine which is now, for example, being developed by Pfizer and Moderna.
So makikita po din natin dito iyong mga iba’t ibang bakuna, kung ilang dose ang kinakailangan para maka-develop ng immunity or para maprotektahan ang isang tao against COVID-19.
Sa susunod na slide po and then the next slide, please. So ito po iyong regulatory and WHO EUL status of leading COVID-19 vaccines. Pasensiya na po medyo maliliit po iyong slide natin, pero makikita po natin na iyong Pfizer ay nagkaroon na siya ng Emergency Use Listing ng WHO at nag-submit na rin po siya ng application for Emergency Use Listing in several countries, including Australia, the US and the Philippines and Japan. And aside from Pfizer ay makikita rin po natin na iyong ibang vaccines like Moderna, AstraZeneca, Sinovac and Gamaleya among others have already sought some registration in some countries around the world.
Next slide please. At ito po ang pinakahuling slide na ipapakita ko sa inyo is how we are going to prioritize the vaccines to the population.
So WHO has been working with many partners including iyong tinatawag po natin na COVAX facility at doon po natin dini-determine what and who should be taking the vaccines first. So unang-una po, kagaya nga po kanina and in consonance with sa sinabi po ni Secretary Galvez, our prioritization would have to take into context our public health goal:
- One, of ensuring that our health system will continue to function in the context of COVID-19 kaya po natin unang babakunahan ang ating health and social care workers.
- And then pangalawa, kailangan po natin i-prevent or i-reduce the morbidity and mortality among our elderly and the vulnerable population kaya po nasa priority din ng government ang elderly at vulnerable population. And after we vaccinate all these, then the next goal po is to slow the transmission across the population. So magkakaroon na rin po ng listahan, like frontliners and the general population for vaccination.
So these few slides are very broad information about po kung ano ang development ng vaccines across the world, in different countries.
Now, the question of how does the Philippine fare in terms of our readiness in deploying or accepting the vaccines in the country?
Ang WHO po have fielded key criteria by which a country will be ready for vaccines deployment:
- Ang unang-una po diyan is, first, that the country has a national vaccines deployment plan which we understand that the Department of Health, along with Secretary Galvez and other sectors, are already developing and in the final stage of development.
- Ang pangalawa po, iyong tinatawag natin na regulatory readiness. Naka-ready po ba iyong FDA natin to accept the applications of the vaccines? And it’s very important to note that in the Philippines, the President has signed the Executive Order authorizing the FDA to grant Emergency Use Authorization for vaccines and also to rely or to recognize assessment of these vaccines from other stringent regulatory authorities. So that is a very important step that makes the country ready because the first filter for vaccines to be deployed in the country is about the regulatory process to ensure that all vaccines coming into the country are of safe, efficacious and of good quality.
Ang pangatlo po na basehan ng country readiness is whether iyong cold chain natin is ready and as I have seen in the previous slides, the ultra cold chain is very important because ito po iyong bagong teknolohiya ng RNA, wala po tayo dati diyan na cold chain. But we note that the country has already existing some cold chain equipment even in RITM and the government is ready to deploy the ultra cold chain and in addition strengthen the cold chain of the country.
Ang pang-apat po na criteria is the safety monitoring of the vaccines, bagong-bago po ang mga bakunang ito at magkakaroon po iyan ng mga adverse events. So, all vaccines have the potential or the risk of having an adverse event or unexpected event after po na ma-deploy natin iyong vaccine. So, it’s very important to have that monitoring process and the FDA and ating EPI program is already working on the protocol to monitor the vaccine. So, in short po, there are some aspects that are very important for the vaccines readiness which the Philippines has already put in place. Kapag tuluy-tuloy pong nagtatrabaho ang gobyerno, with the support of the WHO to ensure that all these processes, including the safety monitoring of the vaccines, will be in place bago po pumasok iyong bakuna sa bansa. So, maraming salamat po sa inyong lahat.
USEC. IGNACIO: Salamat po, Dr. Socorro Escalante ng World Health Organization, salamat po sa inyong lahat. Susunod na po ang ating mga tanong mula sa ating media partners sa pagbabalik ng Public Briefing #LagingHandaPH.
(COMMERCIAL BREAK)
USEC. IGNACIO: Nakatutok pa rin kayo sa special na pagtatanghal ng Public Briefing #LagingHandaPH. Secretary Vince, para sa kasusubaybay pa lang po sa atin, ilan na po ulit ang mga Pilipinong makikinabang sa COVID-19 vaccine at kailan po ang target gawin ito?
SEC. DIZON: Kagaya po ng sinabi ni Secretary Galvez, ang ating vaccine czar, ang target po natin ay 50 to 70 million Filipinos na babakunahan sa taong ito, ngayong 2021. At nais lang po naming ulitin ang pangako ng ating mahal na Pangulo na dapat magkaroon ng safe, effective and free vaccines ang lahat ng Pilipino. Nakita po natin na napakadaming hamon na haharapin natin ngayong taon na ito sa ating vaccine roll out, hindi po madali ito. Lalo na nakikita natin ang experience ng ibang bansa, kahit iyong mga mayayamang bansa ay napakabigat ng mga paghamon nila. Pero naniniwala po tayo na sa suporta nang lahat ng Pilipino ay kaya po natin ito at maaabot natin ang target na 50 to 70 million Filipinos.
Pero hindi po natin magagawa ito kung hindi po tayo magsama-sama at magtutulungan. Kaya po nagpapasalamat po tayo unang-una sa ating mga Local Government Units – sa ating mga Mayors, sa ating mga governors, sa ating mga local officials at napakalaki din po ng ibinibigay na tulong ng ating private sector. Simula po noong ating paglaban sa COVID-19, nandiyan po silang lahat at nagpapasalamat po tayo sa tulong na ibibigay nila. Sama-sama po nating kayang maabot ang target natin na 50 to 70 million Filipinos vaccinated ngayong 2021.
USEC. IGNACIO: Salamat po, Secretary Vince Dizon. Ngayon po handa na pong tumugon sa mga tanong ng media sina Secretary Galvez, Secretary Dizon, FDA Director General Dr. Eric Domingo, DOST Executive Director Dr. Jaime Montoya and Dr. Socorro Escalante from WHO at siyempre kasama ko pa rin po si DG Mon Cualoping ng Philippine Information Agency. Unahin na po natin ang tanong mula po kay Red Mendoza ng Manila Times. Para po kay Director General Domingo. Ang tanong po niya: Makakaapekto po ba ang recent pronouncement ni Pangulong Duterte doon po sa pagbabawal niya na um-attend ang mga PSG sa imbestigasyon regarding po sa pagbabakuna nila sa mga imbestigasyon na ginagawa ng FDA?
DR. DOMINGO: Usec. Rocky, Red, kung naalala ko, sabi naman ni Presidente, huwag silang mag-attend sa mga congressional hearing at ang FDA po mayroon namang set ng proseso kung paano po namin hina-handle at ini-investigate ang mga complaints at saka mga reports po na ganito at itutuloy naman po namin iyan according to the process laid out by FDA.
USEC. IGNACIO: Tanong pa rin po ni Red Mendoza para naman po kay Secretary Galvez. According daw po sa OCTA, 25% of metro Manila respondents will only take the vaccine while more than 40% are unsure about getting the vaccine. Isa po sa mga posibleng dahilan iyon po daw Dengvaxia scares. Ano po ang maaari nating assurance sa taumbayan na hindi mauulit ang nangyari sa Dengvaxia sa mga bakuna laban sa COVID-19? Senator Lacson said that Secretary Duque should be blamed for the delays in the procurement of the vaccine, saying na dapat may bakuna na ang Pilipinas kung hindi nag-drop the ball si Secretary Duque. Ano po ang reaksiyon ninyo dito, Secretary Galvez?
SEC. GALVEZ: Unang-una naniniwala po ako na sa mga susunod na buwan, dahil nakita natin nagru-rollout ang ilang mga bansa, nakikita nila na iyong bibilhin din natin, iyong ginagamit po nila at iyon po ay safe at saka effective. At kami po ay naniniwala, nakita natin iyong pahayag ng ating mga experts from FDA, sina sir Eric at saka si Sir Montoya at saka nandito rin po ang ating WHO Representative ay talaga pong scientific ang mga evaluations na ginagawa po natin, para po iyong mga bakunang bibilhin po natin talaga ay talagang safe and very-very effective. Nananawagan po ako sa ating mga mamamayan na talagang magtiwala po kayo, kasi iyang proseso po namin ay talagang hinihigpitan po natin at ang ano po natin ay talagang maging ligtas ang lahat sa pagbabakuna po natin nationwide.
Iyong nakita po natin na sinasabi nating drop the ball ay nakita natin na talagang, iyong napakahirap po talaga sa kontrata. Minsan po talaga nagkakaroon ng gridlock at talagang it will take even months. Nakita natin na matagal na po tayong nagni-negotiate sa mga ibang mga vaccine makers, talaga pong tinitingnan natin talaga na maging maganda po iyong ating mga kontrata at ma-ensure na iyong mga delivery will be on time. Iyon po ang nakita po natin na maraming challenges even sa negotiation and even sa preparation, napakaraming challenges.
Nakita natin sa US, nakita natin sa Europe iyong mga expectations, nakita natin nangako sila na 20 million ang iru-rollout, ngayon nakita natin na 3 million lang talaga ang nakita na iyong mga supply chain at saka iyong different challenges. Iyong tinatawag natin na supply and demand napakataas po ng demand na nakita natin sa mga vaccines. At ang nakikita natin po sa ating unprecedented na vaccination, ito po talaga ay is a global vaccination na nakikita natin na napakahirap po talaga. Dapat po nating intindihin na napakarami pong variables at ang mga variables po na iyon ay mga complicated at mga complex.
USEC. IGNACIO: Opo. Tanong naman po mula kay Sofia Tomacruz ng Rappler: Has the DOH, NTF or any other government agency has asked the FDA to review a vaccine for a EUA and if so, which particular vaccines are being considered?
FDA DIRECTOR GENERAL DOMINGO: Wala pa po ano. Wala naman po. Ang kaisa-isa pong nag-apply sa atin ngayon ay iyong Pfizer at wala pa pong iba tayong lumapit para mag-apply for an EUA.
USEC. IGNACIO: Opo. For Dr. Escalante po ng WHO: From WHO’s perspective, is the Philippines daw po ready to rollout the vaccine given the complexity ng distribution po nito sa buong bansa?
DR. ESCALANTE: So, maraming salamat sa katanungan po. Kagaya nga po ng nasabi namin kanina, ang WHO is working with all the countries for what we call the vaccines readiness program at naisaad ko na po kanina iyong iba-ibang components on how a country is going to be ready for the rollout of the vaccines.
Sa nakikita po namin is that the Philippines is on track in terms of its preparation for the vaccines introduction and for the vaccines rollout including the distribution of the vaccines across the country.
Pero gusto ko po din sanang i-emphasize that this is a very complex vaccination intervention at kaya po kailangan po nating intindihin as a public of how and what are the goals of the vaccination para maintindihan po natin kung paano dini-distribute ng gobyerno iyong mga bakuna. Kagaya po ng nasabi natin for example, the first priority will be the health workers because the rationale is to protect our health workers to sustain our public health system for COVID-19.
So with that, iyan po iyong unang isi-setup ng government kung paano po mababakunahan iyong mga health workers and then it will be rolled out to the different population. The reason why I’m saying this is that we would be expecting a lot of demand from the public at because of the pressure of the public, puwedeng iyong government can be derailed with a very systematic vaccine plan.
So what I’m trying to say here is while the government is ensuring that the deployment of the vaccine will be systematic and organized, the public would need to support that organization and systematic distribution of the vaccine para hindi po tayo mawala ng direksiyon and we will be able to rollout the vaccines in a proper way.
Last thing that I will emphasize is that, the rollout and the deployment of the vaccines is not just about the distribution, it’s also about ensuring that we are monitoring the safety of these vaccines when we are giving it to the population.
So marami pong bagay iyan na kailangan nating i-setup but as I have said, we see that the country is on track of setting up the systems and we will continue to work with the government to monitor and to understand what is the capacity and what we could advice technically in the vaccines rollout.
USEC. IGNACIO: Opo. Follow up lang po, Dr. Escalante. May tanong si Red Mendoza ng Manila Times: With multiples countries daw now reporting cases of the new variant of the COVID-19, are travel restrictions and lockdowns still necessary to prevent it and what would you suggest daw po to the Philippines to prevent a probable surge in the number of cases due to the new variant?
DR. ESCALANTE: [Off mic] iyong measures na gusto naming ipayo sa government. Unang-una po is we would need to ensure that any imported cases of the variant will be prevented from onward transmission kung assuming that this is going to come into the country.
So the usual public health measures, isolation and quarantine that the government is already putting in place and I understand and we have been part of the discussion, the very thorough risk assessment that the government has undertaken was that they were considering what is the capacity of the country to ensure to prevent the onward transmission and that’s why I think and what we see from the government is they have put the two weeks ban for travel to ensure that the system is ready.
Sa publiko naman po is the same public health measure wearing the mask and the face shield and doing your social distancing as well as washing hands. So it’s the same measures that we are going to advice.
USEC. IGNACIO: For Dr. Montoya po ng DOST: Ano nga ba daw po ang ibig sabihin ng efficacy ng isang bakuna at ano po iyong maiku-consider na pinakamabisang efficacy rate? Kapag po ba mababa kumpara sa iba, ibig sabihin nito hindi na ito epektibo? Doctor…
PCHRD-DOST EXEC. DIR. DR. MONTOYA: Dapat po natin linawin na kapag sinabi nating efficacy, ito’y base sa tanong na ito ba’y mabisa at ano ba ang ating habol ‘pag tayo’y nagbakuna.
Dalawang bagay po iyan: maaaring ito ay mag-prevent ng impeksiyon o mag-prevent nang pagkakaroon ng severe disease o mga severe na sintomas. Pangkaraniwan po sa mga bakunang tini-test ngayon ay nagpi-prevent po nang severe disease o sintomas dahil po kapag ito nagawa ng bakuna ay mababawasan po o maiiwasan ang pagkamatay o masamang epekto sa populasyon.
So ang WHO po ay nagsasabi na kung tayo po ay magkukonsidera ng mga bakuna at ito po ay sinusundin na ng ating FDA ay more than 50% po sana ang efficacy na sinasabi para po ito’y makonsidera. Pero ‘pag tayo po ay nagsabi ng efficacy, ito po ay overall so maaaring overall efficacy niya ay 50% pero mayroon din po siyang magagandang… mas mataas pa sa 50 or even higher na epekto sa iba-ibang mga grupo. Kaya ito nga iyong sinabi ko kanina na maaaring ang isang bakuna ay mas maganda para sa isang grupo at mayroon ding ibang bakuna na mas maganda sa ibang grupo.
USEC. IGNACIO: Opo. Para naman po kay DG Domingo: Bakit hindi daw po ganoon karami ang nag-apply ng EUA sa FDA?
FDA DIRECTOR GENERAL DOMINGO: Oo ‘no. Kung makikita natin kanina Usec. Rocky iyong slide ni Doktora Soc, alam po ninyo hindi po sa Pilipinas FDA lang kundi sa buong mundo hindi pa po sila nag-a-apply. In fact kung nakita ninyo po iyong Pfizer, Pilipinas ang isa sa mga una nilang inaplayan dahil po tayo eh may ready po tayo na executive order ni Presidente that will allow us to accept EUA applications.
Dalawandaan po ang bansa sa mundo, lilima pa lamang po ang inaplayan ng Pfizer, kasama po tayo ‘no.
Iyong ibang mga kumpanya po, wala pa po silang inaaplayan at marami pong dahilan iyon – unang-una iyon pong readiness din nila na mag-supply. Siyempre po kung wala pa naman silang isu-supply sa isang bansa, hindi pa rin po sila mag-a-apply para po magkaroon ng ano doon ‘no, ng authorization doon.
At pangalawa, karamihan po siguro niri-ready pa rin po nila iyong kanilang mga requirements. Siyempre po kailangan iyon pong safety pa rin at saka efficacy ay hindi po natin talaga puwedeng i-sacrifice iyan. So lahat po ng minimum requirements for safety and efficacy required po natin iyan and the quality of the product. And once they are ready, alam naman po nila na handa ang FDA na tanggapin iyong kanilang application.
USEC. IGNACIO: Opo. For Secretary Galvez, tanong po mula kay Rosalie Coz ng UNTV: Since daw po may report ng passenger from Manila na dumating sa Hong Kong at tested positive po sa UK coronavirus variant, ano po iyong masasabi ng NTF to alleviate fears ng public sa possibility na kumakalat na po ito sa bansa at undetected? Mayroon po bang bagong safety measures na ipatutupad to control the possible spread po ng infection at possible po bang madagdagan pa ang mga bansang sakop ng travel restrictions?
SEC. GALVEZ: Nakita po natin na mula noong nagkaroon po tayo ng balita ng strain na ito na variant ay nag-prepare na po ang DOH at ang IATF, si Secretary Vince talagang prinepare na iyong ground. Unang-una, nakita natin iyong lahat ng mga dumadaan dito sa one-stop shop, iyong lahat ng mga galing sa mga restricted countries na mga OFW ay dinadala po natin kaagad iyong mga nag-positive doon sa isolation facility doon sa New Clark City.
And nakita rin natin na iyong mga countries na identified na may variant ay ini-extend natin na 14 days kaya po humihingi po kami ng paumanhin sa ating mga OFW at saka ating mga returning Filipinos na talaga pong iyon ang protocol. Nakikita natin na lahat ng mga bansa na mayroon po talagang pag-iingat ay ginagawa din po natin.
Sa ngayon po nakita po natin ang ating IATF ay tuluy-tuloy po ang pagpupulong para po mapulong ang ating mga siyentipiko at saka mga expert kung ano po ang mga hakbang na ginagawa po natin. At nandiyan din po ang WHO na nagbibigay po ng tinatawag natin na pangaral sa atin kung ano ang mga preparasyon na gagawin natin. Sa atin po, ako po ay nakakasiguro sa ating mga Pilipino na tayo po ay prepared, at naibigay na po natin kay SILG na bigyan ng babala rin ang ating mga mayors at saka mga governors na tingnan at i-monitor iyong tinatawag nating syndromic surveillance at saka case finding. At ang inaano ko rin po na talagang pinakamaigting na depensa po natin talaga is iyong minimum health standard – iyon pa rin po ang pinaka-basic po natin na preparasyon.
USEC. IGNACIO: Opo. For Secretary Vince Dizon: Massive ang vaccination program na ito na gagawin ng pamahalaan. Ano po kaya iyong magiging participation ng private sector?
SEC. DIZON: Bago ko sagutin iyon, Usec. Rocky, gusto ko lang dagdagan iyong sinabi ni Sec. Galvez, nagpalabas na po ng statement ang ating Department of Health doon sa mahigit tatlong daang cases na tinest galing sa mga iba’t ibang bansa na may known variant na bago galing sa UK ay wala pong nagpositibo para sa new variant – as of now.
So importante po iyan, at tuluy-tuloy po ang pag-analyze ng Philippine Genome Center at ng RITM nitong mga specimen na ito na dumarating galing sa ibang bansa. Kaya abangan po natin, pero as of now, wala pa pong nakita sa mga dumating na Pilipino at ibang mga dayuhan nang COVID variant galing sa UK.
Alam ninyo po, ang role ng private sector ay napakaimportante. Noong simula’t sapul pa lang po ng ating pagharap sa hamon sa COVID-19 eh napakalaki na po ng naitulong ng private sector sa government effort. Hindi lang po ang private sector, pati iyong ating mga LGUs, ang ating mga probinsiya ay napakalaki ng tulong.
Ngayon po dito sa napakahirap at napakakumplikadong pag-roll out natin ng vaccine, kailangan din po natin ng suporta at ng tulong ng private sector at ng ating mga LGU. Nagsimula na po iyan, mayroon na pong mga private sector companies, sa tulong ng ating Presidential Adviser Joey Concepcion, na pumirma na ng mga tripartite agreement sa ibang mga manufacturer ng vaccine. At ang tulong po nilang malaki ay, unang-una, sila po mismo ang magpapabakuna para sa kanilang mga empleyado, sa sarili nilang expense. At ikalawa, kalahati po ng kanilang bibilhin ay idu-donate pa nila sa ating gobyerno. So napakalaki po ng tulong na iyan.
At sa mga susunod na araw at linggo, i-expand pa po natin iyan, hindi lang sa private sector kung hindi pati sa ating mga local government units.
USEC. IGNACIO: Opo. For Secretary Dizon po, tanong pa rin ni Red Mendoza ng Manila Times, kumusta na daw po iyong testing capacity natin this year? Bakit po ang test natin only range from 30,000 on average, samantalang ang ating rated test capacity is 50,000 per day? Ano po iyong mga nakikita ninyong problema na kailangang solusyunan as Test Czar?
SEC. DIZON: Napakalaki na po nang tinaas ng ating testing capacity at ng ating actual tests per day kung ikukumpara natin doon sa unang parte ng ating laban sa COVID-19. Normal naman po iyon na laging mas mataas ang capacity kaysa doon sa actual, pero lalo pa po natin pinaiigtingan ang ating mag-collect ng mga specimen sa ating mga LGUs, sa iba’t ibang mga lugar para po mapataas pa natin ang actual test.
At ngayon, sa tulong din po ng iba’t ibang ahensiya ng gobyerno, pinapaigting pa po natin ang ating operation ng testing on the ground dahil hindi po dapat ito bumababa ‘no. Naiintindihan po natin na bumaba nang kaunti iyan noong Pasko at Bagong Taon dahil bakasyon, pero ngayon po ay kailangan itaas na po natin iyan ulit sa level na nag-a-average tayo ng 30 to 40,000 per day.
Pero kapag po kinakailangan, ang importante po ay nandiyan ang capacity para kung kinakailangan pa natin nang mas paigtingin pa ang test natin sa iba’t ibang lugar ay nandiyan ang capacity natin.
Ngayon naman po, ang priority natin ngayon, ngayong taong ito, ay mabigyan ng mga testing lab iyong mga lugar, lalo na iyong mga cities na wala pang testing laboratory. So may mga iba’t iba pong mga city pa na wala pang testing lab, iyon po ang priority natin ngayong 2021.
USEC. IGNACIO: Opo. Para naman po kay DG Mon Cualoping: OCTA said that one of the reasons daw po kung bakit mababa ang percentage ng mga gustong magpabakuna ay dahil sa kakulangan ng impormasyon ng mga tao sa pagbabakuna. Ano po ang magiging plano para ma-inform at makumbinsi ang mga tao na ang bakuna ay ligtas at maaaring makatulong laban sa COVID-19?
DIR. GEN. CUALOPING: Salamat, Usec. Rocky sa tanong. Napakaganda ng tanong kasi alam natin marami talagang kumakalat na fake news, mga disinformation lalo na ng mga medyo anti-vaccine; may iba naman may mga nababasa sa Facebook, sa Twitter na mga memes at pinapaniwalaan nila iyon.
So ngayon nailahad na ni Sec. Charlie Galvez kanina ang roadmap at ni Sec. Vince ang ating plano at ng ating panel of experts, kami po sa TG Communications ng vaccine cluster ay pag-iigtingan iyong ating programa para mas maintindihan ng ating mga kababayan sa buong Pilipinas at pati na rin sa mga Overseas Filipinos kung ano ba talaga iyong ating mga vaccines.
Ang objective natin is to continue and improve the public uptake, iyong acceptance level ng mga tao sa vaccine regardless of brands. Kasi nga ang sinabi nga ng ating mga experts, sabi nila Dr. Montoya, nila Dr. Escalante, based naman ito lahat sa siyensya, sa science, based ito sa mahabang pag-aaral at masusing research na ginagawa sa buong mundo.
So gagawin natin iyan at tayo sa PIA, Usec. Rocky, ay itutuloy natin iyong information drive natin sa ating adbokasiya na tinatawag nating Explain Explain Explain. At kasama ang DOH sa grupo nila Dr. Beverly Ho at ang private sector na sila Margaux Torres at George Royeca at ni Sec. Vince ay magkakaroon tayo ng series of town hall meetings, regional summits, local summits. We will speak with our local government units, with our private sector partners, with healthcare workers and ating mga media siyempre.
USEC. IGNACIO: Opo. Mula naman po kay Evelyn Quiroz ng Pilipino Mirror, ang tanong po ay para kay Secretary Galvez: In a recent interview po o conference, you stated na the country is conducting stringent screening of vaccines as prescribed by international institutions like World Bank, the Asian Development Bank, and Asian Investment Infrastructure Bank which offers loans for their procurement. And can you give us a step-by-step procedure po para po dito sa stringent screening?
SEC. GALVEZ: Kahapon po ay talagang nagkaroon din kami ng meeting with Dr. Kelly Bird, iyong country rep ng ADB, talagang very stringent ang kanilang regulation, particularly iyong clause ng tinatawag nating … kailangan mayroong WHO, either WHO accreditation and mayroong isang SRA sa mga stringent countries like US and UK. And at the same time, iyong isang clause na talagang inaano nila, iyong tinatawag nating iyong graft and corruption clause na talagang inilalagay nila na specific doon sa kontrata.
At talagang napaka-stringent noong kaniyang ini-explain, ng kaniyang mga staff sa amin, more or less one and a half hour. Napakaganda po, maganda po iyong tinatawag nating stringent regulatory na iyon na may i-ensure na lahat ng kontrata na pag-ano natin ng vaccine ay mayroon pong dagdag na regulatory. Aside from our stringent regulatory sa ating FDA at saka panel of experts, mayroon din po silang mga expert na titingnan po talaga iyong tinatawag na global assessment ng mga vaccines na mga available.
So iyon po, kaya po dapat mapanatag po ang ating mga mamamayan na talagang ang ating bibilhing mga vaccine ay safe, effective at saka affordable po.
USEC. IGNACIO: Opo. From Carolyn Bonquin ng CNN Philippines: Can you give us an update on cold storage? Nag-start na ba mag-construct? If yes, ilan na po at ilan po ang total capacity?
SEC. GALVEZ: Iyong mga cold storage po natin, continuous po ang inventory ni Usec. Cabotaje kasi po siya po ang in charge, at saka po sila Usec. [unclear] ng DOH. Lagi po kaming nag-uusap at kahapon po ay nagbigay sila ng update sa akin. May mga tinatawag nating pharmaceuticals po na kaya po hanggang -70 and 80 at mayroon din pong -20 at saka iyong 2 to 8 na tradisyonal.
Kapag po iyong tradisyonal na 2 to 8, kayang-kaya po ng DOH hanggang sa regional health units. At iyon po ay nakikita po natin na mayroon tayong mga vaccines na ginagawa po ngayon, at iyon po ay kayang-kaya po hanggang sa mga regional at saka mga tinatawag natin na mga far-flung areas.
Pero po kapag tinatawag nating mga negative sa 70 and 80, nakikita po natin iyong sa inventory po natin, sa mga major cities lang po mayroon niyan. Sa Sta. Rosa, dito po sa Manila, sa Cebu at saka doon po sa Davao. Negative 20 rin po, mayroon din po ang ibang mga pharmaceutical companies like Zuellig and Unilab at other tinatawag nating mga cold chain consortium.
Sa ngayon po nakita po natin, tuluy-tuloy po iyong consultation po natin sa mga private sector at ang ginagawa po namin sa mga vaccine maker, nagkakaroon po kami ng supply agreement with them, with the service provider. Kaya po kapag po nagpunta na po dito, iyong tinatawag nating CIF, iyong in country handover, mayroon na po tayong specific supply agreement with the different vaccine maker and also with the private consortium.
USEC. IGNACIO: Secretary, marami daw pong LGUs ang nag-allot na ng pondo sa pagbili ng bakuna. Pero ngayon po ay national government pa lang iyong nakakabili sabi ng DOH. So papaano daw po ang proseso dito? Will the national government ask the LGUs to add their allotted funds for the national government’s vaccine purchase?
SEC. GALVEZ: Noong last Monday po, nag-report po ako sa ating mahal na Presidente at sinabi ko po sa kaniya na dahil buong-buo po ang suporta ng ating mga LGUs sa ating vaccination roadmap. Sinasabi nga po ng mga LGU na they are willing to share their resources to the government because they know na napakahirap po ng burden ng national government. And with that we recommended for the approval of the tripartite agreement and the President approved it immediately at siya po ay natutuwa, nagpapasalamat po.
Sabi po ng ating mahal na Presidente, siya po ay natutuwa sa ating mga LGU dahil ang LGU po talaga ang may key role dito sa ating vaccination program, especially on our nationwide grass root vaccination doon po sa mga cities at saka mga municipalities po at mga barangay.
USEC. IGNACIO: Opo. Pasensiya na, marami pa pong mga tanong ano. Para kay Secretary Vince Dizon: Ilan daw po ang samples na mula sa mga dumating na OFW ang dinala sa Genome Center for sequencing; any update daw po sa resulta?
SEC. DIZON: Gaya ng nasabi ko po kanina 305 samples ang tinest ng Philippine Genome Center at walang nagpositibo sa new variant sa mga sample na ito. So, tuluy-tuloy po ang pagti-test ng ating mga eksperto at as of now po, wala po silang nakikitang new variant doon sa mga tinest nila.
USEC. IGNACIO: Tanong naman po ni Kristine Sabillo para daw po sa World Health Organization: What is the implication of the news that the new variant might already be here in the Philippines, what should we do about it?
DR. ESCALANTE: Kagaya nga po ng nasabi natin kanina, unang-una, kailangan po natin to strengthen out surveillance and there had been a lot of discussions on how to include the genomic sequencing as a part of the testing strategy of the government.
However in terms of response, gusto ko rin pong ulitin ulit at isuporta iyong sinabi po ni Secretary Galvez that it will be the same measure that are already in place. However, it’s really important that the compliance of the measures that are being already set up by the government is primary. Kasi, although the virus… this mutant virus, studies have seen that it is more transmissible than the circulating virus now. But the public health interventions will be the same; it’s really the enforcement and the compliance of the public that is really important.
USEC. IGNACIO: Tanong po mula kay Cedrick Castillo ng GMA 7: BSP Governor Diokno is quoting a survey, says visit to groceries, parks, pharmacies have reached pre-COVID levels. Diokno further encouraged people to go out to spur economic recovery. Realistic scenario daw ba ito by mid-2022 na recovered na natin lahat ng nawala dahil sa pandemic. Ang question: Paano natin ito ibabangga sa pangamba naman na baka tumaas po ang virus or resurgence ng virus?
SEC. GALVEZ: Iyong sa ano po natin, dadagdagan ko lang po iyong sa WHO na noong naalala po natin noong July and August tumaas po ang ating cases at tumaas po rin iyong ating tinatawag na transmission. And I believe the DOH and also the Genomic Center have reported na mayroong variant na nag-evolve dito sa virus. Nakita po natin na kaya po natin iyon eh, iyong sinasabi nga natin na kung gagamitin po natin ang strategy natin na sinasabi natin iyong prevention, detection, isolation at saka iyong treatment and reintegration strategy natin ay makakaya po natin. Nakita po natin na kinaya po natin iyon, dahil kasi nakita natin iyong ating mga LGUs na in place na po iyong sistema at ang inaano po natin ay huwag pong mag-alala ang ating mga kababayan, dahil kasi po iyong variant po na iyon, ang variant po na naano natin ay talagang expected po na magkakaroon po ng mutation.
USEC. IGNACIO: Mula naman po kay Jam Punzalan, para sa DOST: What happened daw po application ng Sinovac for clinical trials; what about the other vaccine developers?
DR. DOMINGO: Iyong Sinovac po nasa FDA iyong kanilang application. Mayroon na lang kaming hinihinging dokumento tungkol doon sa produktong gagamitin nila na manggagaling sa China. So, once they provided all of the documentation for their product maaaprubahan na rin po iyon. Aside from that, iyong isa pa pong hinihintay natin iyong sa Clover Pharmaceutical, ganoon din po may kaunting requirements lang din po na kailangan and iyon nga pong sa Janssen naman po na-approve na.
USEC. IGNACIO: Opo, from Greg Gregorio ng TV 5: Puwede po ba pa-clarify kay Usec. Domingo or Secretary Galvez kung ano daw po ang estimate ng pagdating ng Pfizer vaccine sa bansa kung mabigyan na sila ng EUA by January 14?
SEC. GALVEZ: Bukas po mayroon po kaming follow up na pag-uusap sa Pfizer, ang nakikita po natin na ang Pfizer ang most in demand na brand and nakikita po natin na most likely magiging available po ito ng Q3 and Q4. Kasi po nakikita po natin with the challenges that they had, talaga pong hindi po makakayanan na magkaroon po ng earlier deployment on the first quarter and the third quarter. Nakita natin na iyong mga countries na nakita natin na nagkakaroon ng spike at second wave ngayon, iyon ang nakita nating sinusuplayan ng Pfizer.
USEC. IGNACIO: Last question na lang po. Para kay Dr. Domingo or puwede din daw po kay Dr. Montoya: Bakit po tila naiwan ang Pilipinas sa pag-rollout ng bakuna at hindi po tayo nakasabay sa mga bansang nagsasagawa na ng bakuna? Kung wala pong nag-a-apply na pharmaceutical companies, bakit hindi po nag-initiate ang gobyerno para EUA? What’s the hold up? Tanong po ni Ian Cruz ng GMA 7.
DR. DOMINGO: Well, actually po, isa tayo sa mga bansang pinakaunang nag-setup ng EUA mechanism ‘no dahil in-order nga po ito ng ating Pangulo at kung titingnan po ninyo iyong landscape, isa rin po tayo sa mga bansang unang inaaplayan ng mga kumpanya. Talaga lamang po sigurong hindi pa sila ready mag-supply sa buong mundo kaya hindi pa po sila nag-a-apply. But we assure everybody that we are ready to accept all of the applications and to evaluate them.
USEC. IGNACIO: Okay, salamat po. Salamat po sa ating mga bisita and DG Mon?
DG CUALOPING: Salamat, Usec. Rocky. Salamat po sa ating mga guest natin ngayong tanghali, si Sec. Charlie; si Sec. Vince; si DG Eric; si Dr. Montoya; si Dr. Escalante.
Kami po sa Presidential Communications Office at sa Philippine Information Agency, bahagi po kami ng vaccine cluster na pinamumunuan ni Sec. Charlie Galvez.
Ito po ay isang kuwento pa; iyong vaccination program natin ay hindi po isang overnight solution, hindi po ito matatapos ngayong linggo, hindi ito matatapos sa susunod na buwan. Ito ay isang mahabang kuwento na lalakbayin ng ating bansa, na lalakbayin nating lahat.
Gaya ng sinasabi natin, gaya ng sinasabi ng ating Pangulong Duterte at nila Sec. Charlie, nila Sec. Vince sa mga maraming interview na naganap, ito ay isang whole of nation, whole of country approach, whole of government, whole of community approach, lahat tayo kailangan magsama-sama, hindi lang ito kaya ng gobyerno, dapat tayong lahat.
Sabi nga ng DOH BIDA Solusyon, bahagi tayong lahat sa solusyon. Habang wala pa iyong vaccine hindi pa tayo natuturukan, balik muna tayo sa minimum health standards. Ngunit let us emphasize the government has a plan, the government has a roadmap. We will vaccinate the 50 to 70 million Filipinos this year in 2021. And we make sure that everyone will understand and know what is happening about the vaccines. Maraming salamat po sa inyong lahat.
USEC. IGNACIO: Salamat DG Mon Cualoping. At nagpapasalamat din po tayo sa ating mga kaibigan sa media. Iyon pong mga hindi natin nabasang tanong, ibibigay ko po sa ating mga kinauukulan iyong inyong mga tanong para in the future po ay masagot din nila.
Maraming salamat po muli kina Dr. Rolando Enrique Domingo, ang Director General po Food and Drug Administration; Dr. Jaime Montoya, Executive Director po ng Philippine Council for Health Research and Development Center; Dr. Socorro Escalante, ang Philippine Representative ng World Health Organization; at siyempre si Secretary Vince Dizon ng NTF and Deputy Chief Implementer; kasama po siyempre si Secretary Carlito Galvez, ang Chief Implementer.
Maraming salamat po at thank you, ulit kay PIA Director General Ramon Cualoping. Kami po ay lubos ring nagpapasalamat sa ating partner agencies para sa inyong suporta sa ating programa. At maging sa Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas o KBP. Salamat din po sa Filipino Sign Language Access Team for COVID-19. Mabuhay po kayo.
At sa ating mga kababayan: Makakaasa po kayong tuluy-tuloy ang ating serbisyo ng pagbibigay ng tamang impormasyon ng PIA at siyempre ang PTV tungkol sa vaccination program ng pamahalaan sampu ng iba pang mga programa para sa sama-sama nating pagbangon mula sa COVID-19.
Sa ngalan po ni PCOO Secretary Martin Andanar, ako po ang inyong lingkod Usec. Rocky Ignacio. Hanggang bukas po muli dito lamang sa Public Briefing#LagingHandaPH.
###
—
SOURCE: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)