Press Briefing

Public Briefing #LagingHandaPH hosted by Presidential Communications Operations Office Undersecretary Rocky Ignacio and Aljo Bendijo


Event Public Briefing #LagingHandaPH
Location PTV

USEC. IGNACIO: Magandang umaga, Pilipinas. Mainit na balita ang muli naming ihahatid sa inyo ngayong araw ng Sabado.

ALJO BENDIJO: Kasama pa rin ang mga kawani ng ahensiya ng pamahalaan, ating pakinggan ang kanilang punto sa iba’t ibang isyu ng bayan; ako po si Aljo Bendijo.

USEC. IGNACIO: At sa ngalan po ni Secretary Martin Andanar mula sa PCOO, ako naman po ang inyong lingkod, Usec. Rocky Ignacio at ito ang Public Briefing #LagingHandaPH.

At upang sumagot sa mga tanong ng bayan, maya-maya lamang po ay makakasama natin sa programa sina Quezon City Mayor Joy Belmonte at Baguio City Mayor Benjamin Magalong.

ALJO BENDIJO: At samantala, kung mayroon po kayong katanungan, mag-comment lamang sa live streaming ng ating programa sa PTV Facebook page.

USEC. IGNACIO: Sa ating unang balita, inaprubahan na po ng IATF na i-extend hanggang January 31st 2021 ang travel restrictions sa ilang mga bansang may naitalang bagong variant ng COVID-19. Kaya naman hindi pa rin po pinapayagang pumasok ng Pilipinas ang mga biyaherong manggagaling o daraan sa mga bansang makikita sa inyong TV screens ngayon.

May direktiba rin ang IATF sa Department of Transportation na tawagin ang pansin ng mga airlines na magsasakay ng mga pasaherong manggagaling sa mga bansang kabilang sa travel restrictions. Samantala, mas paiigtingin at palalawigin pa ng pamahalaan ang contract tracing efforts hanggang sa third generation contacts para sa mga magpopositibo sa new variant ng COVID-19 upang matiyak na hindi kakalat ang sakit.

ALJO BENDIJO: Vaccine roadmap ng pamahalaan at tamang implementasyon nito ay malaking halaga upang mapagtagumpayan ang laban sa COVID-19 ayon kay Senator Bong Go. Para sa detalye, panoorin natin ito:

[VTR]

USEC. IGNACIO: Ikatlong araw na po mula nang makibalita ang unang pasyente na positive sa COVID-19 UK variant. Alamin po natin ang ginagawang aksyon ng lokal na pamahalaan ng Quezon City upang matiyak na wala pong hawaan na mangyayari sa siyudad, makakausap po natin ngayong umaga ang butihing alkalde ng Quezon City, Mayor Joy Belmonte. Good morning po, Mayor.

QUEZON CITY MAYOR BELMONTE: Good morning po.

USEC. IGNACIO: Mayor, gaano po kalawak ang ginawa ninyong contact tracing; at kumusta na po iyong lagay ng mga naging close contacts ni Patient 04 UK variant kung mayroon man po?

QUEZON CITY MAYOR BELMONTE: Sa kasalukuyan, Rocky, we have already contact traced 143 individuals ‘no. These comprised of iyong close contacts o tinatawag nating 1st generation contacts – ito iyong mga nakasama talaga nang malapit ng atin pong pasyente; at iyong mga second generation contacts – ito naman iyong contacts ng close contacts.

So doon po sa first generation contacts, kasama po diyan iyong mga pasahero na galing QC na kasama niya, kasi siyempre kapag hindi ka-QC hindi naman po namin responsibilidad. Pangalawa, kasama rin po iyong mga health workers at iyong mga BHERT na nag-alalay at tumulong sa atin pong pasyente na makarating mula sa hotel kung saan siya naka-quarantine hanggang po sa isolation facility kung saan siya ngayon ay nananatili. At iyong mga family members din, bagama’t hindi naman sila talaga close contacts dahil hindi naman sila nakasama ng pasyente after coming home from Dubai, as a precautionary measure, we also tested them. Then there’s the second-generation contacts as well ‘no.

So more than half of them have already been swabbed and all of them are currently on quarantine. Pero wala pa pong test results na lumalabas.

USEC. IGNACIO: Mayor, unahin ko na lang po iyong tanong ng ating kasamahan sa media. May tanong po si Rida Reyes ng GMA 7, ito po ang unang tanong niya: Ano daw po iyong update sa contact tracing na ginagawa sa mga kasamang pasahero naman sa Flight EK 332? Mayroon po bang iba pang na-trace na nakatira po o na taga-Quezon City? At ano rin daw po ang resulta ng isinagawang re-swabbing sa girlfriend ng lalakeng nag-positive sa COVID mula po sa flight na ito?

QUEZON CITY MAYOR BELMONTE: Yes, ang alam ko, based on the DOH information, they have already contact traced the majority of the passengers from this flight. And like I mentioned earlier, walo doon sa mga pasahero ay taga-Quezon City. So doon sa walo na taga-Quezon City, pito po ay amin nang nakontak traced – first and second generation contact tracing. At iyong isa lang po nawawala kasi mali po ang contact details na inilagay po niya so hindi po namin siya makontak. There is one individual that is missing ‘no.

Now, doon sa mga na-contact traced nating mga pasahero from Quezon City, lahat po ay na-swab na; lahat po ay isolated na. Kaso lang po ay hinihintay pa po nating lumabas ang mga resulta.

Iyong sa girlfriend naman, na-re-swab na. Nandoon na rin po siya sa isolation facility. Again, we are still waiting for the results to come out.

USEC. IGNACIO: Opo. Pero, Mayor, ano po ang magiging liability ng nag-iisa po na kasama dito sa Quezon City dahil may mali pong… mali po ang number, sa tingin ninyo, iyong kaniyang ibinigay, contact numbers. Pero iyong address po niya?

QUEZON CITY MAYOR BELMONTE: Wala po sa amin iyong address, basta phone number lang po ang ibinigay po sa amin so hindi po namin siya kontak. But we are, at the moment, trying to get more complete details of this individual.

I think ang pagkaintindi ko rin doon sa CESU ko, may address din yata pong nakasulat; pinuntahan din po nila iyong bahay, hindi rin po taga-doon.

USEC. IGNACIO: Tanong pa rin po mula kay Rida Reyes: Ano po iyong paghahanda ng Quezon City LGU sa rollout naman ng COVID-19 vaccine? At ano pong planong orderin na brand? Kasi may ilan pong LGUs ang nagsasabing iaatras na raw po ang planong pagbili ng bakuna galing sa China dahil ayaw po ng mga constituents.

QUEZON CITY MAYOR BELMONTE: Well, at the moment po, we have already signed a tripartite agreement with AstraZeneca. Alam naman po natin na we were able to order 1.1 million dosages that is good for 550,000 individuals. At may naiwan pa po sa atin pong inilaan na budget na one billion, at we are currently in talks with other pharmaceutical companies.

Ang inuuna po natin ay ang mga pharmaceutical companies na mayroon na silang natanggap na emergency use authority mula sa mga bansa na may mga stringent. But however, having said that, kulang obviously iyong P1 billion budget namin doon sa pangangailangan ng Lungsod Quezon sa dami po ng populasyon natin. So, umaasa po talaga tayo sa tulong at suporta din ng national government. And in that regard, we trust in the judgment of the national government kung ano po ang mga bakunang ia-allocate nila sa mga naiiwan pang mga mamamayan ng Lungsod Quezon na hindi ma-cover ng atin pong P1 billion budget.

USEC. IGNACIO: Opo. Mayor, may pahabol lang pong tanong si Bella Cariaso ng Bandera: Bakit po pinayagang mailipat from the hotel bago po malaman ang result ng swab test sa kaniya? Hindi ba ito paglabag sa 14-day strict quarantine?

QUEZON CITY MAYOR BELMONTE: No. Actually, iyong hotel nag-test iyong pasyente ng positive for COVID. Tapos inilipat na sa quarantine facility noong lumabas ang resulta na siya ay B117. Pero actually nandoon pa rin siya sa hotel at the time he found out that he was positive for the UK variant. Hindi naman po siya inilipat kaagad. They waited for the second test and then noong nalaman na ganoon na nga, inilipat na talaga sa isolation facility dahil alam na na he is positive for a more serious illness.

USEC. IGNACIO: Opo. Nabanggit din po ninyo na tumutulong po kayo sa Department of Health para tuntunin po ang mga pasahero ng Emirates flight na sinakyan din ni patient zero. So kumusta iyong pagpunta po sa kanilang mga bahay, patanong lang po, Mayor?

QUEZON CITY MAYOR BELMONTE: Yes. Like I mentioned to you, seven of them, of the eight from Quezon City, have already been quarantined at tested. So, na-contact trace na rin po ang kanilang mga close contacts, itong seven passengers po na ito. So, there is one missing person, actually I have her address and I have her phone number with me. Pero as for my CESU (City Epidemiology and Surveillance Unit), they call the number and they went to the address, hindi po siya nakatira doon. That is why we have to exert extra effort to find this person.

USEC. IGNACIO: Opo. Mayor, ano po iyong naidulot ng balitang ito sa inyong lungsod?

QUEZON CITY MAYOR BELMONTE: Well, una medyo nalungkot lang ako kasi the DOH came to our city right after they find out that this patient was positive for the UK variant. And nagpaplano sana tayo ng maayos na communications plan because ang ayaw nating mangyari ay mag-panic iyong mga mamamayan lalung-lalo na at iyong pasyente naman na ito ay hindi tumuntong sa komunidad; hindi po umuwi sa bahay; inilipat kaagad sa atin pong quarantine facility. Pero nagkataon po na prematurely, na nabalita na taga-Kamuning itong taong ito, without describing the circumstance around his case. Hindi sinabi na wala naman siya sa barangay. And because of that, this has caused a lot of panic, massive panic actually doon sa barangay, to the point na na-discriminate na po ang mga mamamayan ng Barangay Kamuning. Ang iba sa kanila ay hindi na po pinapasok sa trabaho ng kanilang mga employers; tapos iyong mga palengke, iyong mga groceries ayaw na pong pumunta doon ang mga mamamayan para mamili. And I think that this is because again of misinformation, probably a lot of information, probably premature informing of the public without proper guidance. Kasi kailangan talaga kapag nag-inform tayo sa public, pertaining to new information, kailangang kumpleto na at kailangang ma-anticipate natin ang mga consequences so that we can avoid panic that is unnecessary. We can avoid outcomes like discrimination, which again, is not called for or has no basis.

USEC. IGNACIO: Mayor, alam po namin naging masigasig naman po ang local government ng Quezon City ng pagpapaliwanag na ito, pero kumusta na po iyong naturang barangay sa kasalukuyan? Okay na rin po ba, nagbukas na rin po ba?

QUEZON CITY MAYOR BELMONTE: Rocky, I am happy to say na nagkaroon tayo ng crisis management because of that. So the whole of iyong araw pagkatapos na lumabas iyong balita, talagang nag-all out information campaign kami sa media at sa lahat din ng ating mga mamamayan to tell them the truth because it is important that the news is always complete; kumpleto po talaga ang balita. Otherwise, nagiging fake news din siya. Incomplete news is fake news. So, it has to be complete para maunawaan ng taumbayan. At awa ng Diyos, tingin ko na na-reassure naman iyong mga taga-Barangay Kamuning na hindi talaga threat ang pasyenteng ito sa kanila dahil hindi po talaga umuwi sa kanila. Nagkataon lang na ang kaniyang address ay Barangay Kamuning.

So in the meantime, this patient is actually doing quite well. Asymptomatic na po siya, wala na po siyang mga sintomas at hinihintay lang po nating matapos ang kaniyang antibiotics at madeklara ng ating mga doktor that he is well ‘no. So he is actually okay, hindi nga natin nailipat sa ospital. So that proves of course, that while data shows that itong variant na ito na mas nakakahawa siya and that is what we are actually preparing for, the effects on a person na nahawaan ng virus na ito hindi naman mas grabe doon sa original COVID-19 virus.

USEC. IGNACIO: Magandang balita po iyan, Mayor. Pero may balita po na maraming contact tracers ang nag-end of contract na po. Sa inyo po ba sa Quezon City, ano po ba ang estado ng ating mga contact tracers na napakahalaga po ng ginagampanan sa ating lipunan ngayon dahil sa pandemya? May balak po ba kayong dagdagan pa ang bilang nito?

QUEZON CITY MAYOR BELMONTE: Well, Rocky, actually, naging malaking tulong iyong contact tracers na ibinigay po sa atin ng Department of Interior and Local Government dahil po sa mga contact tracers na ito, naiangat po natin ang contact tracing sa atin pong lungsod to 30 contact trace to one positive patient ‘no which is very, very high. And I am hoping and praying na nag-apela na po kasi ako sa DILG na kahit hindi po ma-renew lahat po ng mga contact tracers na ini-assign po nila sa amin, ang iba po sana ay ma-renew pa rin para hindi naman masakripisyo iyong napakagandang record na naipapakita ng Lungsod Quezon with regards to contact tracing.

USEC. IGNACIO: Opo, Mayor, ang Quezon City po ay talagang napakalaki ano po, pero lately po hindi po kayo nawawala sa top 5 na nakapagtala ng pinakamaraming kaso. Nahihirapan po ba daw ang local government na i-suppress po iyong transmission within your locality o mga kasong ito ay imported po ba mula sa ibang bayan?

QUEZON CITY MAYOR BELMONTE: Hindi naman, Rocky. I would like to again correct siguro a misinterpretation. Kasi una, hindi totoo na araw-araw nandoon kami sa top 5. There are days na wala kami sa top 5 and there are days na nandoon kami sa top 5, so fluctuating naman din iyong balita. Pero I also would like to stress that the population of Quezon City is 25% of Metro Manila, napakalaki po ng amin pong populasyon. Kaya kapag absolute numbers po ang pag-uusapan natin, Rocky, mukhang mataas; pero kapag pag-usapan natin iyong per capita or number of cases per 100,000 members of the population, medyo mababa po talaga sa Lungsod Quezon lalung-lalo na iyong tinatawag na attack rate. We are one of the lowest, in fact, in Metro Manila.

So given this way of interpreting things and understanding things, actually hindi po tayo nahihirapan, malaki lang talaga iyong ating lungsod. And in fact, Quezon City, as of yesterday, we have received data from OCTA Research which is our partner in analyzing our COVID data – Quezon City is in fact has a reproduction rate of below one already which is good. Kasi anything below one means that we are recovering. And in fact, the rest of NCR is still one and above. So we are still doing quite well compared to the rest of the region, although everybody is doing well naman po ano. So, I just would like to reassure the public on that and in terms of positivity rate, 5% po ang positivity rate ngayon ng Quezon City. And as for the World Health Organization, 5% is actually not bad; it’s actually quite positive; it’s towards recovery na po itong 5%.

USEC. IGNACIO: Mayor, may pahabol lang po si Bella Cariaso ng Daily Tribune: It was the Quezon City Health Department po who said na nag-request na nilipat sa Quezon City prior to the result of the swab test, inilipat lang after noong lumabas na positive siya sa bagong variant?

QUEZON CITY MAYOR BELMONTE: No. I think the protocol is ‘di ba nag-i-stay sila sa hotel hanggang sa sila ay mapa-test, di ba? Tapos ideally, kapag negative o positive anuman ang result, ayon sa protocols ng DOH, kailangan ipagpatuloy pa rin ang 14-day quarantine, iyan ang alam ko, Rocky. So whether you are negative or positive, you still have continue with your quarantining. But because he was positive, at hindi pa natin alam ha, at this time na mayroon siyang UK variant, automatic tinatawag po sa barangay po iyan, ang tinatawag ng Barangay Health and Emergency Response Teams para ilipat na po doon sa lungsod kung saan siya nakatira para doon na siya aalagaan ng mga health workers ng lungsod. So, after he tested positive, iyong BHERT ng Kamuning, tinawagan na po ng Bureau of Quarantine, pinasundo na po iyong pasyente tapos dinala na po diretso doon sa isolation facility, at doon naman po natin siya inaalagaan sa kasalukuyan.

Now, the girlfriend, also who was being under quarantined, iyon ang pagkaintindi ko, pero siya ay pinayagang umuwi dahil nag-iisa lang siya sa kaniyang bahay, wala po siyang kasama sa kaniyang bahay. So, she was allowed to undertake home quarantine. Pero under other circumstances, kapag may kasama po sa bahay, ang alam kong protocol ng Bureau of Quarantine, hindi po talaga pinapayagang umuwi ang pasyente hangga’t hindi matapos iyong 14-day quarantine period regardless of whether positive or negative.

USEC. IGNACIO: Mayor, may libre daw po kayong RT-PCR test naman para sa mga namanata po noong Pista ng Quiapo. So paano po ang magiging kalakaran nito, proseso? Sa mga naunang nagpa-swab, may nagpositibo po ba?

QUEZON CITY MAYOR BELMONTE: Well, so far, Rocky ‘no, ang ginawa po natin ay nanawagan tayo sa mga mamamayan ng nag-attend ng Traslacion sa Quiapo na mag-avail ng free testing sa atin pong lungsod. So, all they have to do is go to the nearest health center where they will be obviously processed, interviewed and if necessary, they will be swabbed.

Pero more than likely kung nandoon sila, 100% sa kanila ay isa-swab whether may symptoms o wala. Pero konti lang kasi iyong pumunta. So ang ginawa natin, tayo po ay humingi ng listahan mula sa Manila Police District dahil may contact tracing forms naman po doon sa event, at pinalista po namin lahat ng mga taga-Quezon City.

So we already received the first batch of Quezon City residents who went to the event, more than 3,000 na po ang mga pangalan natin, at isa-isa po natin sila ngayong tinatawagan para kumustahin at anyayahan na magpa-swab sa atin pong mga health centers for free. So iyan po ang situation natin ngayon.

And just earlier, kausap ko rin po ang Quezon City Police District Chief namin, at sabi niya ay may padating ng second batch na mga pangalan. So same procedure naman po iyan, Rocky. We’re just very careful na gusto natin to cover all bases. So bagama’t kahit wala pa tayong naririnig na mga symptoms, we still want to be proactive about it. And we ourselves are calling them up and inviting them over to be tested.

USEC. IGNACIO: Opo. Mayor, sa usapin naman po ng bakuna, saan daw po hinugot o kinuha ng Sangguniang Panlunsod iyong pondo para po maitaas ninyo po sa 1.1 million doses, tama po ba, ng AstraZeneca vaccine mula po sa inisyal na 750,000 doses lamang?

QUEZON CITY MAYOR BELMONTE: Actually, Rocky, mura lang iyong AstraZeneca ‘no. I don’t know if puwede kong sabihin pero it’s about $5 per dose. So for one individual, its ten dollars or eleven dollars kung may added miscellaneous cost.

So iyong one billion pesos na nasa budget ng lungsod natin for 2021 is more than enough to cover the 1.1 million dosages.

The problem initially was not the budget. The budget initially was AstraZeneca could only allocate 750,000 dosages to Quezon City kaya naging 750,000 – hindi naman po dahil kulang ang budget. So later, noong nakipag-ugnayan ulit tayo sa AstraZeneca, they told us that they can actually allocate more for Quezon City. And we were more than happy to accept the additional allocation for our city. And later on, kung tawagan pa po tayo para sabihing mayroon pa rin po silang maibibigay sa atin, kaya pa rin pong tanggapin ng atin pong lungsod dahil mayroon pa rin po tayong budget ‘no.

Now, with regard to iyong budget na iyan kung saan galing, iyan po talaga ay pinaghandaan ng atin pong lungsod because we know for a fact that the vaccine is something we have prepare for. So as early sa 2020 of August, iyong buwan ng Agosto noong nagpi-prepare po tayo ng atin pong budget, nandiyan na po ang one billion for the purchase of vaccines. And that is because under our administration, more than—or rather, almost 50% of our budget, 46% of our budget is allocated for social services because ito iyong pangangailangan ng panahon ngayon ‘no – health services and other forms of ayuda na puwede po nating maibigay sa atin pong mga mamamayan sa panahon po ng pandemya. So hindi po ito hinugot; pinagplanuhan po talaga ito, Rocky.

USEC. IGNACIO: Opo. Mayor, noong Huwebes po, sinabi ni Navotas Mayor Tiangco na nagpa-survey po sila sa kanilang mga residente kung gusto o ayaw ba nila na magpabakuna kontra COVID-19. Tinanong din nila kung anong brand po iyong pipiliin nila. Si Mayor Nieto naman po ng Cainta ay nakinig din sa kaniyang constituents through social media. May ganito rin po ba kayong public consultations na ginagawa, Mayor Joy, sa Quezon City; at kumusta po iyong response?

QUEZON CITY MAYOR BELMONTE: Yes, Rocky. Mayroon tayong survey din na isinasagawa, ito ay ginagawa natin in unison with the application for our Unified Quezon City ID card that we are rolling out at the moment.

So may tanong diyan: Are you willing to be vaccinated or do you want to be vaccinated? May boxes diyan – yes, no, undecided. Pero hindi po natin nilagay kung anong brand because I think that the people are not yet aware of the different characteristics of these different brands. Lahat naman ng naririnig nating balita ngayon come from various sources – sometimes they are conflicting; sometimes hindi naman ito galing sa doktor, galing lang kung sinu-sino, hearsay lang. And I don’t think that the people at this stage when kulang pa ang impormasyon are in a position to say, “Ito ang brand na gusto ko o iyan ang brand na gusto ko.”

Ang pinakaimportante para sa atin ngayon is to determine, gusto pa nilang magpabakuna or hindi. And dito sa Quezon City, many people are willing; konti lang nga ang hindi eh. Pero ang pinaka-majority ay undecided at undecided sila based on issues like safety and efficacy.

So it is the duty now of our medical professionals, of the FDA, to be able to choose the vaccines that they believe are most effective and most safe ‘no. And then kami naman, dito sa local government, kapag nakita naman natin na ito iyong ini-endorse ng ating mga professionals lalung-lalo na ng FDA and other regulatory bodies, it is our duty to convince our citizens that they must be vaccinated so we can achieve herd immunity. And that we can reassure them that the vaccines that we will be offering to them have undergone stringent protocols and are in fact the best vaccines that we can offer to them.

But in terms of asking for the brand, I don’t think that this is the right time to do that and I don’t think our people are educated enough to make that decision because I myself, Rocky, am not educated enough to make that decision even for myself. I’m relying on our health professionals to make that decision for us.

USEC. IGNACIO: Opo. Sabi ninyo nga po, malaki iyong porsiyento na mukhang undecided po. So sa inyong panig, papaano ninyo po kukumbinsihin iyong mga residente ninyo na takot pa—hindi natin masabing takot o talagang agam-agam talaga sila sa bakuna. Kayo po ba ay magsasagawa ng konsultasyon o ano po ang inyong proseso para naman po mahikayat sila?

QUEZON CITY MAYOR BELMONTE: Actually, Rocky, nagsimula na nga kami. Alam ninyo naman dito sa Quezon City, napakaaga laging kumilos kasi ang daming tao eh so ang daming kailangan talaga nating i-reach out. So we already started. We have a webinar series that has already been rolled out kung saan ipinapaliwanag muna natin iyong mga basics – ano po ba ang pagbabakuna? Bakit kailangan magpabakuna? Ano po ang epekto pagbabakuna, etcetera, basic information lang po.

Tapos later on, we will graduate to other forms of information – ito po ang characteristics ng bawat bakuna na inaprubahan ng FDA o kaya inaalay sa ating national government. So para puwede rin sila kahit papaano, given that they have limited choices, hindi naman po lahat ng bakuna is available for everyone, pero at least given the limited choices, they can make some form of choice din naman.

And what we are doing is, we’re doing this by sector. Kasi iyong messaging dapat iba, depende doon sa sektor na ating kinakausap. Sa kabataan, iba ang messaging; sa senior citizens, iba ang messaging; sa atin pong barangays, iba rin po ang messaging. So we are tailor-fitting the message based on the target audience. And diyan nakakatulong iyong survey natin ‘no. Because doon sa tanong na ‘why are you undecided,’ doon natin malalaman ano ba talaga iyong issues na nakakapangamba sa atin pong mga mamamayan at doon tayo magsi-zero in sa messaging natin. We will tailor-fit the message to address the very concerns of our people.

USEC. IGNACIO: Opo. Panghuling mensahe na lamang po, Mayor Joy, sa ating mga kababayan lalo na po sa mga residente ng Quezon City?

QUEZON CITY MAYOR BELMONTE: So sa lahat po ng mga residente ng Lungsod Quezon, huwag po kayong mag-alala patungkol dito sa nabalitaang pasyente natin na may UK variant. Hindi po siya lumapag sa atin pong lungsod at sa atin pong barangay. So dumiretso po siya sa isolation facility. Ang isolation facility po natin ay malayo po sa kalunsuran, wala pong chance na makahawa siya at ngayon ay malapit na po siyang gumaling ‘no.

But having said that, of course we know now that there might have been other passengers also on that trip that could have tested positive or could have been positive for this kasi random lang po pala, Rocky, nalaman ko hindi naman po lahat ng positive ay nag-a-undergo po ng testing for the new UK variant. So baka may mga hindi natin na-test na may UK variant and so given that, it is already in our country, we have to practice even greater health protocols.

Hindi po iba ang pamamaraan ng paghawa. It’s the same, Rocky, the same mode pero mas nakakahawa lang siya. So ibig sabihin noon, mas maingat lang po talaga tayo at dapat mas vigilant.

Dito naman po sa panig ng lungsod, in-instruct ko na lahat ng atin pong mga barangay officials to heighten their surveillance sa iba’t iba nilang jurisdictions; to observe for clustered cases in case there is community transmission or kung napagmasdan nila bakit parang mabilis ang paghawa sa isang lugar na ito kumpara sa iba, kailangan i-report nila kaagad sa amin para agad-agad din natin mabigyan ng tugon.

And having said that, gusto ko rin lang i-assure ang mga taga-Lungsod Quezon, we are ramping up testing; we are ramping up surveillance; we are ramping up our contact tracing. Hindi po nagpapabaya ang Lungsod Quezon. Mabilis po tayong kumilos.

Pero kailangan din po nila, kayo po ang atin pong mga mamamayan, to do your part as well. So, if you observe anything, for example mga tao sa inyong mga barangay na hindi nagsusuot ng face mask, hindi nagso-social distance, hindi sumusunod sa minimum health standards, kailangan din po nilang sabihin sa amin sa lungsod, para aktuhan po natin ito, please call our hotline, that’s 122, para we can act on the observations that you have made and we need a whole of city approach to be able to address the COVID-19 pandemic. Kailangan po tulung-tulong po tayong lahat at magtiwala po tayong lahat sa isa’t-isa. Iyon lang po, Rocky, thank you po.

USEC. IGNACIO: Opo. Maraming salamat po, Quezon City Mayor Joy Belmonte, ingat po kayo! Salamat po. Huwag po kayong aalis, magbabalik pa ang Public Briefing #LagingHandaPH.

[COMMERCIAL BREAK)]

BENDIJO: Nagbabalik po ang Public Briefing #LagingHandaPH. At upang ipaliwanag naman ang mga paghahandang ginagawa ng Siyudad ng Baguio para sa vaccination program ng pamahalaan at iba pang mga istratehiya upang mapigilan ang pagkalat pa ng COVID-19 sa lungsod, makakausap natin si Mayor Benjamin Magalong. Magandang araw po, Mayor.

BAGUIO CITY MAYOR MAGALONG: Good morning, Aljo. Good morning po kay Usec. Rocky at sa atin pong mga tagapakinig at televiewers.

BENDIJO: Opo. Mayor, ngayon po sa kasalukuyan, limitado ang pagpasok ng tao sa hangganan or border ng Baguio po ba at ilan pang mga karatig bayan ninyo hanggang Enero 22? Ano po ang dahilan po nito, Mayor? At sinu-sino lamang ang puwedeng makapunta diyan sa Baguio?

BAGUIO CITY MAYOR MAGALONG: Unang-una, gusto ko lang ipaalam sa inyo na the reason we have border control, itong arrangement namin sa aming mga neighboring municipalities. Napag-usapan namin para makontrol iyong mobility ng tao, especially, iyong kontrolin natin iyong mga walang essential travel kaya kami may border control. Ang importante rito, kapag dumaan ka sa mga checkpoint, mayroong dapat face shield, mayroon ka ring government ID at iyong mga certificate of employment. Kinukontrol lang namin iyong mobility ng tao, dahil every time na nagkakaroon ng—mino-monitor kasi namin iyon Aljo, eh. Alam mo kapag nakikita namin doon sa aming analytical team, iyong galaw ng tao, in a matter of 10 to 30 days tataas din, magkakaroon ng surge. So, iyan ang Kinukontrol natin after three weeks, after the holiday season and besides, isa ring binabantayan natin ay iyong UK variant, alam naman natin na mataas ang kaniyang transmissibility.

BENDIJO: Eh how about iyong mga turista na may schedule pong non-essential travel papuntang Baguio City o kaya diyan sa La Trinidad, ano po ang gagawin po nila?

BAGUIO CITY MAYOR MAGALONG: Pinapayagan pong mag-travel iyong mga turista dahil nagkakaroon naman sila ng swab test, mayroon kaming antigen test. Ang isang isyu kasi namin with our neighboring municipalities is walang swab test, in and out iyan sa Lungsod ng Baguio. Iyong aming mga residente in and out din sa Lungsod ng Baguio. Kaya kailangan talaga namin magkaroon ng kaunting control sa galaw ng tao lalung-lalo na kung galing sa Benguet at galing din sa Baguio papuntang Benguet. Ang mga bisita puwede sila, basta mayroon silang kaukulang mga papeles at kailangan din nilang mag-register doon sa visita.baguio.gov.ph.

BENDIJO: Mayor, mayroon po kayong tinatawag na BIMP. Baguio In My Pocket application. Para sa kung ano an uunahin ninyong mabakunahan po diyan. Can you tell us more about this, Mayor?

BAGUIO CITY MAYOR MAGALONG: Kasi iyong BIMP actually is a complete solution, hindi lang siya pang-bakuna, kung hindi ito ay isang solution, part of our digital transformation na lahat ng mga transaction ngayon, puwede mo nang gawin, using your own mobile phone o puwede rin iyong mga laptops o computers. So, lahat ng mga residente ng Baguio, niri-require na naming magkaroon ng enrollment dito sa aming BIMP. Kasi part of this is, ang mga functionalities nito, puwede ito sa cashless transaction, puwede ito sa lahat ng mga transaction with government agencies at local government units, the entire time na ang ating kapulisan mag-report ng mga krimen o mga emergency na mga situations. Pangalawa gagamitin na rin ito para sa contact tracing and finally, ito rin ang gagamitin namin para ma-monitor at ma-manage namin iyong vaccination program.

BENDIJO: Opo. Gaano po karaming residente ang nagpapakita po ng kanilang interest sa pagpapabakuna po diyan sa Baguio, Mayor?

BAGUIO CITY MAYOR MAGALONG: Well, ang target namin dito, Aljo, ideally, we arrive at around 196,000 kasi ang total population namin si 378, tatanggalin natin iyong 17-year-old below, lumalabas na around 260 na lang ang target population. Pero ang target, if you remember mayroon tayong tinatawag na hindi mo kailangan i-vaccinate lahat, so 70% lang to attain herd immunity, so lumalabas na of that 260 plus, 70% of that is around 196,000. So i-times two natin iyan, more or less around 400 or around 380,000 doses ang kailangan namin dito sa Siyudad ng Baguio.

BENDIJO: Opo. Dinig ko po, kayo po ay nakipag-deal na sa kumpaniyang AstraZeneca, tama po ba?

BAGUIO CITY MAYOR MAGALONG: Tama iyon, Aljo.

BENDIJO: Para mabakunahan around 70% ng populasyon diyan sa Baguio. At kayo po ay nakikipag-usap din sa ilang mga pharmaceutical company, kumusta na po iyon?

BAGUIO CITY MAYOR MAGALONG: Well, okay na iyong sa amin sa AstraZeneca, we were able to get a total of 380,000 doses to cover iyong 70%. And at the same time, mayroon din kaming, well there’s a Gamaleya din, para at least mayroon kaming contingency dahil kailangan din naming tulungan iyong aming mga kapitbahay na munisipiyo, dahil hindi sila nakapag-order. So kami naman, kailangan ko ring mag-c0nsolidate din ng vaccines dito sa Baguio para mai-share ko rin sa aking mga municipalities lalung-lalo na dito sa neighboring municipalities namin tulad ng La Trinidad, [unclear].

BENDIJO: Opo, Mayor, hindi masyadong malinaw ang dating ninyo sa amin dito.

BAGUIO CITY MAYOR MAGALONG: Pasensiya na, Aljo.

BENDIJO: Okay na po. So kayo po ay nakatanggap ng how many doses, 33,000 ho ba? Nadagdagan na po ba iyong pledges?

BAGUIO CITY MAYOR MAGALONG: Well, ang sa amin is initially ang binibigay kasi ng AstraZeneca was 100,000 and then tumaas ng 150,000 and then naitaas namin ng 380,000 during the last day of negotiations. So, total to cover iyong aming 70%, mayroon pang kulang, so we are also negotiating with Gamaleya para makakuha rin kami ng certain number of doses and then also with another company in the US either Pfizer or Moderna. Humihingi kami ng tulong sa national government para makapag-negotiate din kami sa kanila. Kasi kailangan din naming mangolekta ng vaccines, kasi kailangan din naming maibigay sa ibang mga probinsiya o bayan ng Benguet. Dahil totally ang Benguet walang na-order sa AstraZeneca at nakakaawa naman sila dahil—alam mo kapitbahay mo iyan kailangan mo ring tulungan.

ALJO BENDIJO: Opo. Follow up po. Sa gitna ng agam-agam ng marami sa pagbabakuna, ano po iyong mga ginagawang hakbang ng Baguio City para maipaliwanag ‘no at mapanatag ang loob ng taumbayan na sila po ay magpabakuna, Mayor?

BAGUIO CITY MAYOR MAGALONG: Mayroon kaming tinatawag na risk communication ano, part of that is the strategic … part of the strategic communication. Mayroon kaming pini-prepare na mga materials, IEC, para maipaalam sa ating kababayan, sa ating publiko kung ano iyong mga kahalagahan ng …importance ng vaccine at ano iyong expected nila na mangyayari kapag sila ay na-vaccinate. Tulad ng nangyayari sa Pfizer, tulad ng nangyayari sa mga nakatanggap ng Moderna na nagkakasakit at nagkakaroon muna ng for the next 48 hours, nagkakaroon sila ng medyo panlalata o kaya numbness. So parte lang pala ito ng epekto, normal effect lang ito ng mga vaccines.

Tulad noong bata tayo, ‘di ba kapag tayo ay nabakunahan ay nakakaramdam tayo ng fever for the next 24 to 48 hours. Normal pala iyon na reaksiyon. And this is something na kailangan natin ipaalam sa publiko.

USEC. IGNACIO: Opo. Mayor, magandang umaga po. Si Rocky po ito ‘no. Bigyan-daan natin iyong tanong ng ating kasamahan sa media. May tanong po si Rida Reyes ng GMA 7: Ano daw po ang update sa contact tracing na ginagawa sa mga kasamang pasahero sa Flight EK 332? Ilan na po sila at ilan pa iyong hinahanap? Kasi may report po na 13 daw po ang hindi sumasagot sa mga tawag.

BAGUIO CITY MAYOR MAGALONG: Yes, total iyan na pasahero is around 159. So ang target natin is talagang kailangan lahat sila. Hindi lang iyong paligid noong … nakapaligid na pasahero doon sa nagdala ng UK variant. Kailangan iyong entire na pasahero noong airliner, so that’s about 159.

Two days ago, ang total na na-account na nila is 125 [unclear] at the same time, na-quarantine. So may hinahabol pa sila. Tumutulong ang Department of Interior and Local Government, tumutulong din ang Philippine National Police para talagang mas ma-trace iyong mga remaining na pasahero na hirap na hirap na makontak.

USEC. IGNACIO: Opo. Tanong pa rin mula kay Rida Reyes: Mayor, ano daw po ang dahilan sa likod ng postponement ng taunang Panagbenga?

BAGUIO CITY MAYOR MAGALONG: Well, alam mo, we’re just being pro-active about it. Alam mo noong lumabas nga itong virus na ito, kinansel na namin last year iyong aming Panagbenga in anticipation of the possible na outbreak. Ganito rin ang kuwan namin dito sa bagong UK variant. We’re just being pro-active about it. Kailangan naming kontrolin uli ang mobility at siguraduhin namin na walang basta-bastang makakapasok sa Baguio, dahil kapag in-open namin ang Panagbenga, iyan dadagsain ulit kami ng mga bisita.

So iyon basically iyong main reason kung bakit namin kinansel. Hindi naman namin kinakansel totally this year, it’s that we’re—what we’re doing is we’re just holding in abeyance iyong celebration although subdued siya, low key lang iyong celebration, hintayin muna namin kung anong latest development tungkol dito sa UK variant.

USEC. IGNACIO: Opo. Tanong naman po mula kay Leila Salaverria ng Inquirer: Puwede po ba ipaliwanag daw po ano ang third generation contact tracing? Mas mahirap ba daw po ito at mas matrabaho? Kailangan ba ng dagdag na resources para dito, Mayor?

BAGUIO CITY MAYOR MAGALONG: Actually, ang third generation is part of the standard operating procedures sa contact tracing na hindi dapat mag-limit lang ng first generation o kaya second generation.

Just to give you a definition, a clear definition, ano ba ang first generation? Ang first generation is iyan ang close contact nung index case, original case iyan iyong first generation. Sino iyong second generation? Ito iyong close contact nung first generation and it follows, ganiyan din iyong third generation, close contact nung second generation.

If you remember, mayroon tayong well-defined na contact tracing [garbled] that is 1 is to 37. And to be able to attain that, kailangan talaga ang contact tracing should go beyond the first and second generation. It should go beyond [garbled] as far as third generation – standard iyan. Pero [garbled]—

USEC. IGNACIO: Opo. Mayor, medyo hindi lang po naging malinaw iyong dating ninyo. So dahil po sa pagkakaroon ng new variant dito sa bansa ngayon, palagay ninyo po mas mahirap po ang magiging proseso, itong sinasabing pagkakaroon pa rin ng … sa contact tracing at iyong sinasabi ngang third generation?

BAGUIO CITY MAYOR MAGALONG: Yes, mas mahirap ang contact tracing diyan ano. Iyan ang challenge ngayon – mas mahirap. Ang isang challenge din, kumonti ang contact tracing natin dahil ‘di ba na-terminate iyong mga contact tracers natin noong December dahil budgetary constraint. So nabawasan na tapos mayroon pa itong UK variant na kailangan pa nating paigtingin.

So iyon ang mga challenges ngayon. So kailangan talagang gumalaw nang husto ang local government. They should not simply rely on the Department of Health, sa PNP. Obviously iyong mga ahensiya nila, dapat local government should be at the … should take the lead talaga sa contact tracing. Dapat talagang directly i-involve na ang ating mga mayors sa contact tracing para talagang ma-maintain nila iyong contact tracing efficiency ratio. Dapat they have to motivate their contact tracers na talagang gumawa ng paraan para ma-reach nila iyong third generation.

USEC. IGNACIO: Opo. Mayor, bilang Contact Tracing Czar, doon po sa report ni Mayor Belmonte, mayroon pong pasahero nitong sa EK 332 flight ay hindi po nagbigay ng tamang address at tamang phone number o contact number. Ano po ang magiging liability, ano po ang magiging aksyon ng inyong opisina para dito?

BAGUIO CITY MAYOR MAGALONG: Puwede natin siyang paylan [file] ng kaso, violation of Republic Act 11332. Mayroong nakasaad doon na dapat kung re-report ka specially dito sa mga communicable diseases o related sa management ng communicable disease, dapat you have to be very precise sa mga datos na binibigay mo. So lalabag siya doon sa batas na iyan. Kailangan paylan siya ng kaso kasi may deception iyan eh.

USEC. IGNACIO: Opo, okay. Marami pong salamat sa inyong panahon, Baguio City at Contact Tracing Czar Mayor Benjamin Magalong.

ALJO BENDIJO: Samantala, Senator Bong Go hinimok ang pamahalaan na lalo pang suportahan ang mga guro ngayong pandemya. Narito ang detalye:

[VTR]

USEC. IGNACIO: Dumako na po tayo sa pinakahuling ulat mula sa iba’t ibang lalawigan sa bansa. Makakasama natin si Aaron Bayato mula po sa Philippine Broadcasting Service.

[NEWS REPORTING]

BENDIJO: Samantala, patuloy ang pagpapaabot ng tulong ng opisina ni Senator Bong Go para sa mga kababayan nating patuloy na bumabangon mula sa hagupit ng nagdaang bagyo. Kahapon, namahagi ang kaniyang team ng food packs, bisikleta at iba pang mga assistance sa mga nasalantang residente sa Dinggalan, Aurora. Bukod diyan, namahagi rin ang Senador sa mga residenteng nasunugan sa Zamboanga City. Para sa detalye panoorin natin ito.

[VTR]

BENDIJO: Mula naman sa PTV-Davao magbabalita si Rodirey Salas. Rodirey, maayong udto!

[NEWS REPORTING]

BENDIJO: Daghang salamat, Rodirey Salas.

USEC. IGNACIO: Dumako na po tayo sa pinakahuling tala ng COVID-19 cases sa buong bansa. Base po sa report ng Department of Health kahapon, January 15, 2021, umabot na sa 496,646 ang total number of confirmed cases. Samantala, naitala naman ang 2,048 new COVID-19 cases kahapon. 137 katao naman ang bagong bilang ng mga nasawi kaya umabot na sa 9,876 cases ang kabuuang bilang ng COVID-19 deaths sa ating bansa. Ngunit patuloy naman po ang pagdami ng mga nakaka-recover na umakyat na sa 459,737, matapos makapagtala ng 551 new recoveries. Ang kabuuang total ng ating active cases ay 27,033.

At iyan nga po ang aming mga balitang nakalap ngayong araw. Ang public briefing po ay hatid sa inyo ng iba’t ibang sangay ng PCOO, sa pakikipagtulungan ng Department of Health at kaisa ng Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas o KBP.

BENDIJO: Maraming salamat din sa suporta ng Filipino Sign Language Access Team for COVID-19. Maraming salamat din sa mga sumubaybay sa ating programa. Ako po si Aljo Bendijo. Thank you, Usec.

USEC. IGNACIO: Thank you, Aljo.

Mula po sa Presidential Communications Operations Office, sa ngalan po ni Secretary Martin Andanar, ako naman po si Usec. Rocky Ignacio. Magkita-kita tayo ulit sa Lunes dito lang sa Public Briefing #LagingHandaPH.

##

Source: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)