SEC. ROQUE: Magandang tanghali, Pilipinas.
Nasaksihan natin po ang pagdinig ng Senado noong isang linggo. Para sa kalinawan ng lahat, isa-summarize natin ang mga tanong at key points na lumitaw po sa Senado:
Una, bakit gobyerno ang nag-aangkat ng bakuna? Well, tatandaan natin na tayo po ay nasa panahon ng isang global health emergency kung saan naging mabilis ang paggawa at pagbili ng bakuna. Emergency Use Authorization (EUA) ang umiiral ngayon po; hindi po normal na mga panahon. Bakit nga po gobyerno? Unang-una po, halos lahat ng gobyerno talagang centralized ang purchasing. Bakit po? Kasi limitadong supply. At kung gustong mong makakuha ng supply, dapat malakihan ang order mo ‘no, kaya nga po bulto ang order, hindi tingi. Kaya hindi pinapayagan din ang mga pribadong mga indibidwal na bumili. Bakit po? Kasi Emergency Use Authorization nga lang po, hindi pa siya commercial distribution. Magkakaroon po kasi ng ligal na pananagutan ang mga drug companies kung magbibenta na sila na parang aprubado na siya for general use samantalang EUA pa lang po ang nabibigay dito sa mga binibenta sa merkado.
Ito rin po ang sagot sa tanong, “Bakit hindi commercial ang pag-angkat?” Well, kasi nga po EUA lang po ‘no. At lahat po ng mga kumpanya, dahil EUA pa lang at wala pa po silang license for commercial sale, eh ang pagbili ay dumadaan po sa G to G or gobyerno sa gobyerno.
Uulitin ko po ‘no: halos lahat ng bansa po ay centralized ang purchasing kasama po diyan ang Estados Unidos, ang Inglatera, ang Singapore, ang Australia, ang Germany. Wala pa po tayong alam na talagang mga pribadong kumpanyang bumibili kasi bawal pa po ang commercial sale.
Now, pangatlo, bakit daw pinapaburan ang Sinovac? Naku, wala pong pinapaburan. Pero dahil konti nga lang po ang supply at napakataas ng demand, ang gagamitin natin ay iyong available. Unang-una, lamang natin kung ano ang unang darating na ligtas at mabisa na dadaan naman po at papasa sa pagsusuri ng Food and Drug Administration. Kaya nga po paulit-ulit ang ating Presidente, kapag pumasa po iyan sa FDA, nagkaroon ng EUA hindi lang po dito kung hindi sa iba pang bansa, tabla-tabla po iyan. Nagkataon lang na ang unang nai-report na darating ay Sinovac na sa susunod na buwan ay naririyan na po ‘no. Pero gaya ng aking sinabi na depende kung anong darating, may posibilidad po na mayroon din tayong kaunting Pfizer na ipamimigay sa ating mga kababayan.
Now, pang-apat, pipilitin ba ang mga tao kung ayaw nilang magpaturok ng bakuna? Well, mismong Presidente na po ang nagsabi, wala pong pilitan. Kung ikaw ay nasa number 1 sa priority list at pumirma ka ng waiver na ayaw mong magpabakuna dahil hinihintay mo pa ang gusto mong brand, puwede po iyan. Kaya nga lang po, mahuhuli na kayo sa pagdating sa pila. Kung ikaw po ay number 1 at kayo’y nag-sign ng waiver na gusto mong antayin ang brand na gusto mo, pupuwede kayong maging number 10.
Now, siya nga pala po ‘no, nagsalita si DOF Undersecretary Mark Joven na aking estudyante sa UP College of Law, na hindi daw done deal ang Sinovac ‘no. Well, mali po iyan. Lilinawin po natin kung bakit. Kapag mayroon na pong tinatawag na meeting of the mind pagdating doon sa consent, object and consideration, ito po ay sang-ayon sa ating New Civil Code ay mayroon na po tayong obligasyon. Ang tawag dito po ay isang obligasyon na subject to suspensive condition. Ano po ang ibig sabihin ng suspensive condition? I-quote po natin ang New Civil Code, “When the fulfillment of the condition results in the acquisition of rights arising out of obligation, it is considered suspensive.” Ibig sabihin, kapag ang isang obligasyon ay nakadepende sa isang kundisyon na pupuwede o hindi pupuwedeng mangyari, iyan po ay subject to suspensive condition.
Ito ba po ay hindi kontrata? Hindi po, kontrata na po iyan. Kaya nga lang po, iyong pangalawang obligasyon, at ito po iyong talagang pagbibili, ay naka-subject po sa kundisyon na pinag-agree-han ng mga partido. Ano po itong isa sa mga kundisyon na ito? Siyempre po, iyong approval ng FDA. But that is already a binding obligation.
Samantala, tiniyak din po ni Vaccine Czar at Secretary Carlito Galvez na ang presyo ng bakuna na ating kukunin sa vaccine manufacturers ay mas mababa sa prevailing market price. At ang kaniyang paglilinaw po ay hindi magkakalayo ang presyo ng bakunang Sinovac sa presyo na binili po ng Indonesia. Ito nga po ay mahigit-kumulang, uulitin ko po ‘no, mahigit-kumulang 650 pesos per dose at hindi naman po lalampas sa 700 pesos. Kaya naman huwag tayong maniwala agad-agad sa mga nababasa natin ngayon sa social media. Malapit na po kasi ang eleksiyon, isang taon at kalahati, kaya iyong mga desperado na mahalal ng taumbayan kung anu-anong fake news ang pinapakalat. Huwag po tayong magpabiktima sa kanila. Tayo po ay maging mapanuri.
Sa ngayon ay nag-uusap pa po si Secretary Galvez at ang vaccine manufacturer, at patuloy po ang negosasyon para sa actual negotiated price. Huwag naman po kayong mag-alala, hindi po nating gagawing sikreto ang presyo kapag natuloy na nga po iyong bentahan. Bakit po? Eh babayaran na iyan eh. Kapag nabayaran na po iyan, obligado na na sabihin sa taumbayan kung magkano talaga ang ibinayad. Kaya lang po ngayon, ang napirmahan po ay term sheet. Isa rin po iyang kontrata to sell and to buy. Pero iyong kundisyon nga po is, kinakailangan, among others, ma-approve ng ating FDA.
Sa pagbili ng bakuna, katulad nang madalas ninyong naririnig sa aking press briefing, ang bakuna ay dadaan sa multilateral arrangements kasama ang fund managers katulad ng Asian Development Bank at World Bank. Dahil dito, lalo pa pong magiging istrikto at transparent ang ating procurement. Para lang malagay sa tamang konteksto, walumpung porsiyento ng global vaccine supply ay na-preorder na po ng mga bansa kung saan nanggaling ang bakuna. Sila rin po ang nagbayad ng cost of development – mayayamang bansa po ito. Habang ang dalawang porsiyento po ay nakareserba para po sa COVAX facility. So sa totoo lang po, 18% lang po ang pinag-aagawan ng mga bansa kasama po ang Pilipinas.
Now, sa ngayon, mayroon tayong pinaiiral na tripartite agreement kung saan sinusubukan ng national government makuha ang pinakamabuting presyo sa pamamagitan ng negosasyon sa vaccine manufacturer habang ang mga lokal na pamahalaan at pribadong sektor ay kasama po sa kasunduan.
Bakit nga po kasama pa rin ang national government? Kasi po hindi pa po for commercial distribution ang mga bakunang ito; dapat dumaan pa rin sa G to G dahil EUA lang po iyan. Pero ganoon pa man, noong isang press briefing, hinimay-himay po natin iyong lengguwahe ng mga kasunduang ito at magpapakita na ang bumibili, lokal na pamahalaan; ang magbabayad, lokal na pamahalaan; ang delivery, doon sa lokal na pamahalaan; ang pagbibigay po ng bakuna, sang-ayon po sa plano sang-ayon po sa ating National Vaccination Plan.
Nasa labimpitong milyong doses ang na-secure ng administrasyon dahil sa tripartite agreement na ito sa AstraZeneca noong Huwebes na sa mismong press briefing natin ginanap. Ang unang batch ng AstraZeneca na binili po ng pribadong sektor kalahati ay idu-donate sa ating gobyerno ay nasa 2.5 million doses na kinuha ng pribadong sektor noong Nobyembre. Ito po ay inaasahang ma-deliver ng buwan ng Mayo ng taong ito. Samantalang nasa 14.5 million doses naman po ang na-order ng tatlumpu’t siyam na LGUs at tatlondaang mga kumpanya noong Huwebes. Ito po ay inaasahang dumating ng third o fourth quarter ngayong taon.
Tandaan: Ang pondo po na pambili ng mga bakuna ay manggagaling po sa gobyerno. Ito po ay dahil sa Universal Health Care Law na ating isinulong sa Mababang Kapulungan. Dahil din po sa batas na isinulong natin, hindi po pupuwedeng gamitin ang pondo ng taumbayan kung hindi maaaprubahan ng HTAC. Ano ba ho ang ibig sabihin ng HTAC? Ito po iyong Health Technology Assessment Council. Sila po iyong magdidesisyon kung dapat bang gastusin ang pondo ng kaban ng bayan para sa isang produkto na gagamitin ng lahat ng Pilipino. Ibig sabihin po, bukod pa doon sa approval ng expert panel group – at mamaya po ay mayroon tayong panauhin na miyembro mismo ng expert panel group na nagiging basehan o isa sa mga basehan ng FDA para magbigay ng EUA – kinakailangan dumaan na naman po iyan sa masusing pag-aaral ng isa pang grupo na mga eksperto rin ang nakaupo. Ito nga po iyong Health Technology Assessment Council para naman sa isyu kung pupuwedeng gastusin para sa mga bakunang ito ang kaban ng taumbayan. At magsisimula lamang po ang pagbabakuna, uulitin ko po, kung mayroon ng Emergency Use Authorization na magmumula po sa Food and Drug Administration.
Sa ngayon, Pfizer pa lang po ang binigyan ng EUA ng FDA bagama’t nagsumite na po ng kanilang mga aplikasyon sa Food and Drug Administration ang AstraZeneca, Sinovac at Gamaleya ng EUA. Dahil sa limitadong supply ng mga bakuna, hindi tayo makakapili ng isa o dalawang brand. Alam ninyo po, mali naman na ikukumpara ang bakuna sa sabon na panlaba. Ang katunayan po, wala naman pong supply na ganoon kadami. Nag-aagawan nga po tayo, sa 18% na available na supply.
Pangalawa, hindi lang naman po ito gagamitin para sa damit. Kaya nga po hindi lang isa, hindi lang dalawa kung hindi tatlong grupo pa ng eksperto ang magsusuri kung ang mga bakuna ay ligtas at epektibo. Eh kung hindi naman natin pagtitiwalaan ang mga experts na tatlong batches of experts pa ang magsasabing puwede nating gamitin iyan at magiging basehan para mag-issue ang FDA ng EUA, eh sino ang ating pagkakatiwalaan? Siguro po hindi ang mga komedyante.
Uulitin ko po, supply at demand – kung ano ang napatunayang ligtas at epektibo, ito po ang gagamitin natin dahil ang nais natin, masalba ang pinakamaraming kababayan natin sa lalong mabilis na panahon.
Maraming kinakausap na vaccine manufacturers ang ating Vaccine Czar patunay na wala tayong pinapaboran. Lalo na ang total target po natin ay 148 million doses at inaasahan natin na sa taong 2021 eh makakaangkat po tayo, makakagamit ng 50-70 million doses.
Sa iba pa pong balita, ‘no, nag-courtesy call po ang State Councilor at Minister of Foreign Affairs ng Tsina, si His Excellency Wang Yi kay Presidente Rodrigo Duterte noong Sabado, January 16. Pinuri ng Pangulo ang patuloy na high level engagement sa pagitan ng Pilipinas at Tsina sa gitna ng pandemya at binigyan-diin ang kahalagahan na matulad ang comprehensive strategic cooperation ng dalawang bansa.
Sinabi rin ng Pangulo na kailangan palakasin ang kooperasyon sa public health particular sa pagkakaroon ng access sa ligtas at mabisang bakuna para mapangalagaan ang kalusugan ng mga mamamayan at mapabilis ang economic recovery ng dalawang bansa.
Nagpasalamat din ang Presidente sa patuloy na suporta at kooperasyon ng Tsina at Pilipinas sa laban nila kontra COVID-19 tulad ng pagbibigay ng medical equipment at supplies at pagbabahagi ng karanasan at kaalaman ng coronavirus pati na ang tulong ng Tsina sa repatriation ng ating mga kababayan.
Sa panig naman po ng Tsina, sinabi ni State Councilor at Minister Wang Yi na magdo-donate ang bansang Tsina ng 500,000 doses ng COVID-19 vaccine sa Pilipinas. Inulit din ni Minister Wang Yi sa harap ng Pangulo ang determinasyon ng bansang Tsina na makumpleto ang pending infrastructure project nila sa Pilipinas. Kaugnay nito, inanunsiyo ni Mister Wang Yi ang finalization ng agreements para sa sa Samal Island – Davao City Connector Project at Subic-Clark Railway Project.
On other matters, ito po palaging tinatanong tayo ng mga kasama natin sa Malacañang Press Corps, ‘no. Napirmahan na po ni Presidente noong Biyernes a-kinse ng Enero, ang Executive Order No. 123 na magmo-modify ng rates ng import duty ng ilang produktong pang-agrikultura sa ilalim ng Section 1611 ng Republic Act No. 10863 o mas kilala nilang Customs Modernization and Tariff Act.
Ito ay ayon na rin po sa rekomendasyon ng National Economic and Development Authority or NEDA Board kung saan nagrerekomenda sila na ang pag-maintain ng tariff rates para sa mechanically deboned meat of chicken and mechanically deboned meat of turkey. Para sa iba pang detalye, idi-distribute po namin ang EO maya-maya lamang.
Ang alinlangan po ng iba, kapag hindi po na-extend itong mababang 5% tariff rates sa mga produktong to, baka tumaas po ang presyo ng mga delatang gumagamit po ng deboned meat. Ito po ay isang magandang balita, ‘no.
Well, sa ibang bagay po. Well, patuloy po ang kumpiyansa sa ekonomiya natin na pinatutunayan po ng napakalakas po ng pagsara ng halaga ng piso. Ngayon po, ang halaga ng piso ay 48.05 to one dollar noong Biyernes. Ito na po ang pinakamataas at pinakamalakas na pagsasara ng piso sa may higit na apat na taon. Ito ay dahil daw po sa all time high gross international reserve. Ayon sa datos ng Bangko Sentral ng Pilipinas, ang ating gross international reserve ay nasa $109.8-Billion as of January 15.
Bagama’t maraming nagsasabi na ang malakas na piso ay hindi rin all together nakabubuti dahil nagiging mahal ang ating exports eh kahit papaano po, patunay po iyan na marami pong nagkukumpiyansa sa ating ekonomiya dahilan kung bakit lumakas din po ang ating piso.
Punta naman po tayo sa COVID update natin, ‘no. Ito po ang global update at sang-ayon po sa Johns Hopkins, higit 94.9 million or 94,994,496 na po ang tinamaan ng COVID-19 sa buong mundo. Nasa 2,029,808 katao naman ang binawian ng buhay dahil po sa coronavirus.
Nangunguna pa rin po ang Estados Unidos na mayroong mahigit 23.9 million na mga kaso at 397,494 deaths. Pangalawa pa rin po ang India, sumunod po ang Brazil, ang Russia, at ang United Kingdom.
Mahigit kalahating milyon na po ang naging total cases natin ng COVID-19 sa Pilipinas, pero huwag naman po tayong mag-alala dahil ang aktibong mga kaso naman po dito ay 24,691 lamang at maski mahigit 500,000 na po ang kaso natin, ang posisyon po natin worldwide ay tayo po ay nasa 32nd place. Kung maaalala ninyo po noong October 1, 2020 nasa 20th place tayo at panay po ang pambabatikos, lalung-lalo na ng media sa atin bakit nasa 20th place tayo.
Ngayon po, binabalita ko nasa 32nd place tayo. Hindi po tayo nagyayabang pero patunay lang po ito na ang mga Filipino eh natanggap po ang mensahe ng ating Presidente. Kinakailangan pag-ingatan ang buhay para tayo po ay makapaghanapbuhay.
Now, doon po sa sinabi kong aktibong kaso na 24,691, 91.1% ay mild at asymptomatic, samantalang 5.3% ay critical; nasa 3% naman po ang severe. Nasa 465,991 po ang kabuuang bilang ng mga gumaling or 93.1% recovery rate. Samantala, malungkot nating ibinabalita na nasa 9,895 ang binawian ng buhay dahil po sa coronavirus. Nakikiramay po kami. Nasa 1.98% po ang ating fatality rate.
Ito naman po ang infographic ng confirmed COVID-19 cases by adjust date of onset as of January 17, 2021. Siguro po obvious na on the 14th day after Christmas eve, on the 14th day after December 24, ayan po nagtala po tayo ng talagang mas madaming kaso ng COVID. So, iyong kinatakutan po nating surge o iyong pagdami bahagyang nangyari po bagama’t isang araw, ‘no at inaasahan po sana natin eh huwag nang madagdagan iyan pero titingnan po natin on the 14th day pagdating po ng December 31, iyon namang bisperas ng Bagong Taon at saka siyempre po iyong 14th day ng Traslacion. Pero ang mabuting balita po eh mukha namang matapos noong 24 ng Disyembre eh bumaba po muli ang mga kaso ng COVID-19.
Now, ang importante po, mayroon ba tayong kakayahan na gamutin iyong mga magkakasakit ng matindi. Well, tingnan po natin ang infographics natin, ‘no. Sapat-sapat pa po ang ating mga kama para sa COVID-19 bagama’t – pansinin ninyo po ‘no – bagama’t mayroon tayong 58% available na mga ICU beds, bumaba po ito, dati po nasa 60% iyan. So mas marami po ngayong na-ospital sa ICU. Siguro po dahil doon sa surge na nakita natin, iyong 14th day from December 24. Ang isolation beds po marami pa rin naman po, 63%; ang ward beds, 74% pa po ang available; ang ventilators, 76% po ang available. Pansinin ninyo po, bumaba din ang available ventilators, dahil po iyan siguro sa inasahan natin na spike. Sana po eh huwag masyadong bumaba kapag lumabas na iyong figures pagdating sa mga numero matapos po ang bisperas ng Bagong Taon at matapos po ang Traslacion.
Silipin naman natin po ang total COVID-19 bed utilization rate sang-ayon po sa DOH. Makikita ninyo po na wala pang rehiyon na nasa yellow dotted line or moderate risk bagama’t malapit na po ang Region XI, nasa 58% na po sila at 60% ang moderate. Pero moderate lang naman po iyan, ang maghuhudyat para mabago ang quarantine classification eh kung nasa danger zone na tayo. Harinawa po, dahil tapos na iyong mga spikes na inaasahan natin eh hindi naman po aabot sa critical level or 70%, ‘no. So, pagdating po sa regional healthcare utilization, wala pa pong moderate, although malapit na ang Region XI at lumalapit na rin po ang CAR. Okay? Pero tingnan naman po natin, ito po iyong regional healthcare utilization.
Anyway, mababa rin po pagdating sa mechanical ventilators, iyong light blue po ay mechanical ventilators, iyong dark blue ay total bed utilization.
Bago po tayo magtapos ay mayroon po tayong guest. Siya po ay tunay na eksperto, hindi kunwa-kunwari lang. Lima-singko po ngayon ang mga nagpapanggap na eksperto. Kaya po pakinggan po natin sa bibig mismo ng isang eksperto. Bakit po siya eksperto? Kasi siya po ang espesiyalista ng Adult Infectious Diseases sa San Lazaro at doon sa mga nakakaalam, siyempre po ang San Lazaro, iyan po iyong primary hospital natin pagdating sa infectious disease. So, walang kaduda-duda po ang ating panauhin na si Dr. Rontgene Solante ay isang Infectious Disease Specialist.
Doc. Solante, dahil po kayo ay isang espesiyalista pagdating sa Adult Infection Disease at hindi lamang nagpapanggap, kayo rin po ay miyembro ng Expert Panel Group na nag-aral pagdating sa isyu ng kaligtasan at pagiging epektibo ng mga bakuna. Puwede ba hong sabihin ninyo sa amin kung ano iyong proseso na pinagdadaanan sa Expert Panel Group para masiguro po na walang ibabakuna sa ating mga kababayan na hindi napatunayang ligtas at epektibo.
At pangalawa po, kung pupuwede po, i-explain rin ninyo kung anu-ano iyong pagkakaiba noong mga iba’t ibang mga bakuna at sabihin na nating totoo, ano ang ibig sabihin ng 50% efficacy rate po ng maintindihan po ng mabuti ng ating mga kababayan; bagama’t ang Sinovac po ay 60% daw po ang affectivity rate.
Dr. Solante, a true expert on infectious diseases, the floor is yours, sir.
DR. SOLANTE: Thank you, Sir Harry Roque.
Unang-una, I will have to explain, we have been working since March of last year, when DOST convened this group experts. During that time we are already having talks and meetings with some of these vaccine manufacturers, where they present all their platforms to us and in fact, that was one of the busiest times because when they were still doing their presentation, they are also presenting their phase 1, phase 2, and even the pre-clinical studies.
Tandaan natin na ang develop ng bakuna, dadaan iyan sa proseso, iyong pre-clinical studies, saka iyong phase 1, 2, and 3 clinical studies. So, iyong pinakamabigat dito, iyong sa pre-clinical studies na ang inaral nila iyong bakuna ng binibigay pa lang sa mga animals, ang pinaka-common na animals doon iyong non-human primate or mice. Kapag pumapasa iyan sa pre-clinical study, ang tinitingnan doon kung may bisa ba iyong bakuna na mag-produce ng antibody sa mga animals, tapos tine-testing iyong mga doses. And at the same time tinitingnan din kung walang mga major side effect doon sa animals. Kapag pumasa iyan mayroong mga tinatawag na threshold for immunogenicity and safety. So ibig sabihin, tinitingnan kung anong level ng antibody at saka iyong safety, mga side effect noong mga bakuna. Kapag pumapasa iyan sa pre-clinical study, then pupunta na iyan doon sa phase 1 clinical study – human trial.
So in the human trial, only a few of the humans will be given the vaccine that was tested to the animals. So ang pinaka-importante dito sa human phase 1 is iyong tinatawag natin na safety. So titingnan kung ibakuna sa tao, ano iyong mga reactions. And then tinitingnan din kung how the immune system of the human will react to that particular vaccine and will produce antibody. Now, if that will be successful, that will proceed now to what we call the phase 2. The phase 2 is the same as the phase 1, but you will be testing the vaccine to more people, like 100 or 600 but not more than 1,000. Then if that will be successful, then you will be able to establish that the vaccine is safe; you will be able to establish that the vaccine is immunogenic, able to produce na antibody that is where the phase 3 trials will come in. Because the phase 3 trial will now examine and test if that particular individual na babakunahan hindi makakuha ng COVID infection because that will now only entail like 30, 40 or even 50,000 participants.
Iyong pangalawang tanong: Platforms. Ibig sabihin, anong klaseng bakuna that will stimulate our body to produce this antibody against the SARS-COV virus, so maraming platforms.
So far kung familiar kayo sa Pfizer at saka Moderna, ito iyong tinatawag na mRNA, this the messenger RNA. In our body the messenger RNA is relevant in terms of cell replication, sa pagdami ng cell. And this is an example of platform of a vaccine that was not tested before, because it is unstable. This is not a new platform, it’s an old platform kaya lang walang gumagawa nito because they said na iyong mRNA may not be that stable. But we were surprised when they did this Moderna and the Pfizer; it was able to really elicit a very good antibody response. And I think you know now the result of these two vaccines, how effective are these.
Then we also have the virus vector borne platform. Gagamit sila ng virus na hindi harmful, tapos i-insert nila iyong spike protein doon ng virus, ng SARS-CoV tapos i-inject sa tao to elicit an antibody.
Example of this vaccine is the AstraZeneca ano, so they used a chimpanzee adenovirus. So meaning, that will stimulate our antibody response. So maganda naman ang kinalalabasan.
And then we have this inactivated virus. Example of that is the Sinovac. In an inactivated virus, in-activate iyong SARS-CoV to the point na hindi na siya harmful but will elicit an immune response. Example on an inactivated virus vaccine is influenza or the flu vaccine, so that means magkapareho ang Sinovac at saka influenza ng platform. It’s an old platform, very proven and very safe. So iyon iyong mga advantage ng mga old platform, kasi talagang subok na sila, it’s just a matter that they just modify it to produce an antibody against the SARS-CoV.
So, those are the three common platforms, pero marami pang mga platforms na ginagawa ngayon and they are still in the phase 1 and phase 2 study.
SEC. ROQUE: Maraming salamat ano, pero itong threshold na acceptability na 50% in terms of efficacy, sino ba ho ang nag-determine niyan?
DR. SOLANTE:Okay. The WHOdetermines the threshold of 50%, this is based on a number of percentage ng babakunahan to control a particular pandemic. So may mga mathematical modeling silang ginagawa dito na pag-50% ang efficacy ng bakuna mo, tapos babakunahan mo iyong 60 to 70 % of the population, that would be enough to control the pandemic or the ongoing pandemic in a particular country. So, hindi natin kailangan iyong 60-70. But bonus na iyon kung mayroon kang 60 to 70% because that will really add up to what we call more control of the pandemic. So, 50 lang ang kailangan natin para lang makontrol natin ang pandemic. And I think most of the vaccine that is also their target na makalampas lang ng 50, that would be enough na it can be approved their regulatory process.
SEC. ROQUE: Ang question ko naman po tungkol dito sa Sinovac ‘no. Bakit po sa clinical trials – kasi wala pong clinical trials sa Tsina, dahil wala na sila masyadong kaso ng COVID doon ano – eh iba-iba iyong efficacy rate na lumabas? Sa Turkey 91.25, sa Indonesia 91.25 at sa Brazil ay 50.4. Bagama’t itong tatlong bansa po ito ay ginagamit na ang Sinovac eh bakit iba-iba iyong efficacy rate?
DR. SOLANTE:Okay, that is a good question. Iyong efficacy rate is not always consistent with any population, depende iyan. Number one, ang efficacy rate will always be, one, how the vaccine will elicit an antibody response. Number two, how the reproduction number of a particular country; and then number three, is the host immune response. How the host can elicit and produce this antibody.
If you look at influenza vaccine, the efficacy rate of influenza vaccine varies from 30% to 70%. In the US ang nakita nilang efficacy rate ng influenza vaccine is only like 35%. In other countries, it’s like 50%. And I think the highest efficacy rate was in 60%. Pangalawa, depende din iyan sa mga target population na binabakunahan mo.
If you are vaccinating younger individual like 50 years old and below, you would expect a higher immune response and more protection and you will see that the vaccine will be very effective. But if you will also inject the vaccine to 65 years and above then an efficacy rate of 50, 60% would be already acceptable.
SEC. ROQUE: Isa na lang po talaga. Eh iyong naiulat po na 29 mga senior citizens ang namatay sa Norway kung hindi po ako nagkakamali, 29 po ang namatay na. Ano ba ho ang ibig sabihin nito? Pero ang efficacy rate po ng Pfizer ay kung hindi ako nagkakamali ay pinakamataas at 95 ‘no. Ano po ang ibig sabihin niyan?
DR. SOLANTE: Dito natin makikita na when you are giving the vaccine, imo-monitor pa rin natin sila one year after giving the vaccine. Kasi hindi natin makikita kungano iyong pinaka-concerning na side effect. But If I am going to give my thoughts on this 29 sa Norway, kailangan nilang imbestigahan iyan, because if you look at the other countries like US, UK or Canada, who is also using Pfizer vaccine, wala namang ganoong kadaming namamatay and it’s only unique in Norway. So, dapat kailangan pa ring susuriin iyon, bakit in this country there are a lot of those who were given the vaccine, that single vaccine and die and why in other countries did not.
And if you look at the side effect, the adverse event of a vaccine, rarely ang vaccine will elicit a side effect if it is given more than two months. Makikita mo talaga ang adverse event na severe within two months of the vaccine. That is the reason why when this will be rolled out, at least naka-60 days na siya na nakikita natin na walang major adverse event na nakita.
So, itong sa Norway, Sec ‘no. mukhang titingnan lang ito kung iyong mga namatay is related ba directly sa vaccine or mayroon other circumstances na during the vaccination baka mayroon na siyang mga comorbidities na very unstable, that is why the patient died.
SEC. ROQUE: Thank you. Now ang ating mga kasama sa Malacañang Press Corps, mayroon pong pagpupulong si Dr. Solante. So lahat ng tanong ninyo kay Dr. Solante paki tanong na po ngayon. Kay Usec. Rocky, mayroon bang mga tanong para kay Dr. Solante, ang tunay na expert pagdating po sa adult infectious diseases?
USEC. IGNACIO: Secretary, may tanong po si Evelyn Quiroz ng Pilipino Mirror, pero iyong ilang bahagi po ay nasagot na ni Dr. Solante.
Basahin ko na lang po, Dr. Solante, baka may maidagdag po kayo: In a late stage trial in Brazil Sinovac’s anti-corona virus vaccine showed a general efficacy of less than 60%. Philippine officials earlier said this was acceptable. By what standards did those officials based their statement?
SEC. ROQUE: Doc., pakisagot po muli dahil kayo ang eksperto.
DR. SOLANTE: Yeah. So I think nasagot ko na iyon kanina. Tinanong na rin iyan ni Secretary Harry Roque ‘no na ang threshold natin is 50%. Kasi alam mo itong 50% nakikita na rin nila iyan noong ginawa nila iyong phase 2 trial, phase 1 and phase 2 trial.
Kasi na-review din namin iyan Sinovac iyong phase 1, phase 2, kaya pumasa siya to be given the phase 3, kasi medyo maganda rin ang immunogenicity data niya ano; so siguro kapag 50% or more mukhang acceptable.
Ang isang tinitingnan ko rin diyan, hihimayin din natin, maliban doon sa prevention of infection, ilan ba din ang porsiyento na na-prevent iyong severe diseases ‘no, kasi hindi lang naman prevention of infection ang tinitingnan. In fact, ang isa sa pinaka-importante na parameters sa isang bakuna, kapag nabakunahan, ma-prevent mo ba iyong severe disease over that of the mild. Kasi ang mild naman, you don’t need a higher risk of mortality but the severe disease is where you can really say that this vaccine can prevent severe disease, and I will chose that over that… if its 50% efficacy rate niya.
MELO ACUÑA/ASIA PACIFIC DAILY: Iyon po bang mga bakuna na sinusuri ngayon dito sa Pilipinas, ito po ba ay makatutugon doon sa UK variant dahilan iyon ang ilang agam-agam ng ating mga kababayan? Dr. Solante, please.
DR. SOLANTE: Yes. So, so far doon sa mga pang-eksaminasyon nila, analysis nila doon sa mutation ng spike protein and then ihahambing nila nila doon, kinompare [compared] nila doon iyong mechanism of action noong the way these vaccines stimulate antibody and the antibody will still be protective against targeting that spike protein, it seemed na mukhang hindi pa apektado ang bakuna. So it doesn’t make the vaccine less effective.
In fact, iyong unang nagsuri nito, iyong sa Pfizer na tine-test nila iyong bakuna sa UK variant and they found out that it was not affected by the variation or the mutation of that virus and it still produced the number of antibodies or the amount of antibodies expected in a vaccine. So, on that note, it’s still—it’s possible that it can but less likely but still you have to monitor also while these individual are being vaccinated.
MELO ACUÑA/ASIA PACIFIC DAILY: Iyon po kayang lahi ng isang tao ay factor din para makatugon ang pangangatawan doon sa dinudulot ng bakuna?
DR. SOLANTE: Yes po, sir. In fact, sa mga trials ngayon, lahat ng trials iyong tatlo tinitingnan nila iyong ethnicity at race kung mayroon bang unique na race or ethnicity na puwedeng mataas ang efficacy or mababa ang efficacy and with all of these, tinitingnan din namin ito and that is one of the criteria na kapag hindi naman apektado ang efficacy with any of these race and ethnicity, so maganda ang bakuna. Whether you will be Caucasian or Asian or any another race, maganda ang bakuna na matingnan and so far these vaccines are not affected by race or ethnicity in terms of efficacy.
MELO ACUÑA/ASIA PACIFIC DAILY: Thank you, Doctor.
SEC. ROQUE: Joseph Morong question for Dr. Solante.
JOSEPH MORONG/GMA7: Hi, sir! Good morning. Dr. Gene, good afternoon, sir. So, with regard to the President ‘no, do you think that he has comorbidities that would put him at more risk than the regular population for vaccination?
DR. SOLANTE: I don’t see any contra indication in terms of the presence of these comorbidities, in terms of… when you talk about giving or not giving the COVID vaccine, okay.
In fact, the presence of comorbidities will make us more prioritize these individuals with comorbidities, because they are also the person that are higher risk of more severe form of COVID.
JOSEPH MORONG/GMA7: Sir, I understand that you are part also of this vaccine expert panel of the government ‘no.
DR. SOLANTE: Yes.
JOSEPH MORONG/GMA7: Sir, you’ve seen obviously the portfolio of vaccine manufacturers that the government is talking to and you’ve seen their data. From the portfolio, sir, what vaccine would you recommend for the President?
DR. SOLANTE: For now, ang nakikita naman kasi namin, ang tinitingnan talaga namin is una, is the safety of the vaccine and I think so far, among the three, although ang Pfizer ang nabigyan ng EUA, but for most of these vaccine, they cannot really proceed to phase 3 unless they are not safe.
So, I think most of the vaccines now are really safe. Himay-himayin na lang natin siguro to the point na ang gusto talaga nating makikita natin ngayon dapat mayroon na silang phase 3 data. Kasi importante iyan na kapag mayroon kang phase 3, at least ma-test mo na iyan sa mga or nabigay mo na iyan doon sa karamihan. So you can see the trend in terms on how effective ang how safe the vaccines.
So sa ngayon, sa mga bakunang nakikita natin ngayon, wala tayong nakikita na specific for 65 years old and above or specific for 18 to 50 years old above. Most of these vaccines are safe to be given and effective regardless of age and regardless of presence of comorbidities.
JOSEPH MORONG/GMA7: You mentioned three vaccines, sir, what are those?
DR. SOLANTE: The Pfizer—those with a published phase 3 trial – the Pfizer, the Moderna and Astra.
JOSEPH MORONG/GMA7: Hindi po kasama ang Sinovac?
DR. SOLANTE: We haven’t reviewed yet Sinovac.
JOSEPH MORONG/GMA7: Sir, if you have to choose as of now, tatlo lang sir iyong puwede kay Presidente – Pfizer, Moderna and Astra?
DR. SOLANTE: That is based on how we did the evaluation now at saka sinasabi naman palagi natin na when we do the evaluation and then it is always based on this data na pinapadala nila and we really scrutinize these data para lang at least masigurado natin na wala tayong mami-miss doon sa mga data especially these three vaccines.
JOSEPH MORONG/GMA7: Okay, sir thank you for your time, sir.
SEC. ROQUE: Thank you. Okay, maraming salamat. Dr. Solante, I know you have to leave now, but thank you very much at iba po talaga kapag tunay na eksperto ang nag-i-explain ng mga issues. Well, maraming salamat Dr. Solante for joining us and I hope you don’t mind, dahil kayo po ay tunay na eksperto, gagawin po namin kayong suki kasama po ni Dr. Lulu Bravo at ni Dr. Salvaña. Maraming salamat po!
Explain ko lang po, dahil ako naman po ay nag-practice ng law ng 30 years ay nagturo din ng 15 years. Kapag sa korte po mayroon tayong puprubehan tungkol sa for instance cause of death, kinakailangan ng expert witness, totoo po iyan kinakailangan doktor. Pero hindi lang po ordinaryong doctor. Ang unang i-establish ninyo po bilang isang abogado, kinakailangan i-qualify mo iyong testigo mo as an expert witness at kung cause of death kinakailangan ipakita mo hindi lang siya doktor kung hindi mayroon din siyang specialized training para maging pathologist, kasi sila iyong nag-aaral noong cause of death. Hindi lang po iyan, ilan taon na silang nagpa-practice bilang pathologist, ilang beses na silang tumestigo sa hukuman, para ma-qualify as an expert witness.
So sa ating pagdiskurso po pagdating sa bakuna, ganiyan din po dapat ang ating ginagawa. Tingnan, hindi lang dapat doctor, mayroon ba silang specialized training as vaccinologist or as infectious specialist sa specialty at bukod diyan, gaano katagal silang nagpa-practice, nagtuturo ba sila, mayroon na sinulat na mga artikulo bago po natin sila paniwalaan bilang experts. Sinasabi ko po ito ngayon, dahil ngayon po lima singko sa mga experts pagdating po sa bakuna.
Yes. Usec. Rocky, for the rest of your questions please.
USEC. IGNACIO: Okay, Secretary question form Evelyn Quiroz ng Pilipino Mirror para po sa inyo: Many people took offense daw po with your statement sa mga mayroong colonial mentality na gustong Pfizer, puwede po kayong maghintay pero ang ating warning po ay talagang diyan na lang po iyan mabibigay sa mga major na siyudad. Do you really equate daw the people’s desire for a more effective vaccine as colonial mentality?
SEC. ROQUE: Pasensiya na po kayo, ako po ay kilala bilang isang Spokesperson na diretsong magsalita; wala po akong pakialam ‘no basta ako katotohanan lamang. At ang katotohanan po, may ilan po sa atin lalung-lalo na iyong kritiko ng gobyerno na ang pagtingin nila sa bakuna ay depende kung saan po nanggaling. Kaya nga po namin gini-guest ang mga tunay na expert, si Dr. Solante, Dr. Bravo, Dr. Salvaña para i-explain sa taumbayan hindi natin dapat tinitingnan kung saan ginagawa ang bakuna, ang dapat tingnan natin kung ito ay ligtas at kung ito po ay epektibo at wala po tayong ituturok kung hindi po napatunayang ligtas at epektibo, kahit saan pa po sila gawa.
USEC. IGNACIO: Thank you, Secretary.
SEC. ROQUE: Mela Lesmoras, please, PTV.
MELA LESMORAS/PTV4: Hi! Good morning po, Secretary. Follow up lang po sa Sinovac price na binanggit natin kanina. Sir, ito na po ba iyong tinutukoy natin na presyong BFF or dahil ito ay katulad ng sa Indonesia? Puwede pa po bang mas mapababa ang presyo sa Pilipinas?
SEC. ROQUE: Kagaya ng aking sinabi, ganito iyan ‘no: Ang sabi ni Secretary Galvez, mahigit-kumulang, kapareho tayo ng presyo ng Indonesia. Iyan po ay mahigit-kumulang 650 per dose; hindi po lalampas ng 700. So tingin ko po, iyan ang presyong BFF talaga ‘no dahil ang Indonesia naman po ay 122 million ang inorder. Ibig sabihin, bulto, by bulk so siyempre they will get the best price. At inaasahan po natin na the best price will also be accorded to the Philippines.
Pero hindi pa po natin mari-reveal kung ano talaga ang presyo. Bakit po? Kasi kontrata rin iyong pinirmahan natin na habang hindi pa napipirmahan iyong talagang sale contract, ngayon po ay isang term sheet which is an agreement to supply, and an agreement to supply which is a valid contract by itself ay hindi muna natin sasabihin kung magkano po talaga. Pero huwag nga po kayong mag-alala – kapag iyan po ay na-deliver na at napirmahan na ang kontrata, may obligasyon na po kaming sabihin sa inyo kung magkano talaga. Sa ngayon po, mahigit-kumulang 650, hindi po tataas ng 700.
MELA LESMORAS/PTV4: Opo. Thank you, Secretary. Tungkol pa rin po sa bakuna, kasi we understand na medyo pabagu-bago iyong statement ni Pangulong Duterte kung siya ba ay mauuna o mahuhuli pero para ito sa kapakanan ng ating mga kababayan. Pero may mga haka-haka lang ang ilan, sir, na baka dahil hindi masabi talaga ng Pangulo kung siya ay mauuna o mahuhuli ay dahil nabakunahan na raw po umano siya kasabay ng PSG last year. Once and for all, Secretary, ano po ang statement ng Palace on this?
SEC. ROQUE: Tama po kayo – haka-haka lang po iyan. Ang totoo po niyan, eh siyempre depende kung ano sa tingin ng Presidente ang dapat niyang mensahe sa taumbayan sa kaniyang lingguhang ‘Talk to the People’.
Noon isang linggo po, ang kaniyang desisyon, importante na iparating ang mensahe na dahil siya po ay hinalal ng mga mahihirap sa bayang ito, sila po ang mauunang mabakunahan.
MELA LESMORAS/PTV4: Opo. And, sir, on quarantine classifications lang po. More or less, next week ay magkakaroon na naman tayo ng announcement on quarantine classifications for February. Just to manage the expectation of our countrymen lang po: Hanggang kailan po ba tayo magkakaroon ng quarantine dito sa Pilipinas? Kahit ho ba may bakuna na basta wala pang herd immunity, tuluy-tuloy po iyong ating magiging quarantine sa Pilipinas kahit abutin pa ng taon or hanggang sa susunod na taon po?
SEC. ROQUE: Well, depende po talaga iyan sa datos, kasi analytics po ang ating sinusunod pagdating sa classification. Pero sasabihin ko po sa inyo, matagal ko nang sinangguni at inaprubahan naman po ng IATF na magkaroon na tayo ng deklarasyon ng mga new normal. Ito iyong mga lugar na talagang matagal nang panahon ay walang mga bagong transmission. Sa gayun po ay magkaroon tayo ng pag-asa na talagang may katapusan din itong COVID-19 pandemic na ito dahil, although, wala pang bakuna ay may mga lugar na na walang transmission at mayroon po talagang mga lugar na ganiyan ‘no, para matingnan natin kung pupuwede na rin silang bumalik kahit papaano doon sa mga normal na panahon.
Pero ang tingin ko po, hindi po mawawalan ng saysay ang hurisdiksiyon ng IATF hanggang wala pa po talagang herd immunity na tinatawag.
MELA LESMORAS/PTV4: Opo. Sir, follow lang po. So meaning po ba next quarantine classifications ay may new normal na po or upon discussion pa po?
SEC. ROQUE: Idi-discuss po iyan. But it has been approved in principle po talaga na magkakaroon na ng deklarasyon ng new normal areas, pero ang binubuo lang po ngayon iyong mga ‘do’s and don’ts’ sa new normal kasi baka naman magkaroon ng new normal bigla silang magkaroon ng rock concert ‘no. Eh iyon po ang lilinawin natin. Iyong mga ‘do’s and don’ts’ in new normal areas.
MELA LESMORAS/PTV4: Opo. Pahabol na lang, sir: Mayroon po bang ‘Talk to the People’ si Pangulo mamaya?
SEC. ROQUE: Mayroon po. Asahan po natin ang ‘Talk to the People’ mamaya.
MELA LESMORAS/PTV4: Thank you so much, Sec.
SEC. ROQUE: Thank you, Mela. Punta tayo uli kay Usec. Rocky, please.
USEC. IGNACIO: Yes, Secretary. Tanong mula kay Alvin Baltazar at Racquel Bayan ng Radyo Pilipinas: Can we get po reaksiyon ng Palace tungkol sa postponement po of oral arguments for the petition questioning the legality of anti-terror law to February 2. Some are saying that this is a delaying tactics of the government.
SEC. ROQUE: Sa panahon po ng pandemya, wala pong magsisinungaling na sila ay nagkaroon ng close exposure or sila ay nagka-COVID. Morbid naman po kayo kung magsisinungaling kayo sa mga ganiyan. Tingin ko po, we should accord the Office of the Solicitor General the presumption of good faith and regularity of discharge of functions. Sa panahon po ngayon, hindi dapat ‘joke only’ lang ang pagkakaroon ng COVID, hindi po.
USEC. IGNACIO: Second question po niya: DOH is eyeing the possibility to allow pharmacists and midwives as vaccinators. Can we get Palace reaction on this? And do we still have enough funds for vaccinators?
SEC. ROQUE: Tama po iyan. Dahil alam natin na 50 to 70 million ang target natin sa taong ito ay talagang kinakailangan natin ng lalo pang mas maraming magbibigay ng bakuna. Iyong sariling pamangkin ko po, dalawa po iyan sa Amerika, sila po ngayon ay classified na rin as frontliners kasi iyong isa po ay nursing student, iyong isa ay dental student po ‘no. So pati iyong mga dental students ay pinapayagan na rin, kinukonsidera na rin as frontliners for purposes of the vaccination, sa Amerika po iyan, na dapat gawin din po natin dito!
USEC. IGNACIO: Thank you, Secretary.
SEC. ROQUE: Maraming salamat po. Melo Acuña for your other questions, please.
MELO ACUÑA/ASIA PACIFIC DAILY: Yes, Secretary. Baka naman puwede ninyo kaming bigyan ng update kung ano pa ang mga hindi namin nababatid sa pag-uusap ni Pangulong Duterte at ni Foreign Minister Wang Yi, although there are already reports in the media? How would you describe the discussions? Was it cordial? Was it close? Ano po ang detalyes nito?
SEC. ROQUE: Wala po ako doon ‘no so perhaps si DFA Secretary Locsin ang makakasabi sa iyo of the atmosphere ‘no. Pero mayroon lang po ako ay transcript ‘no at saka iyong press statement din po na ginawa ng Office of the President.
So sa akin naman po, it must have been very cordial kasi nagkaroon tayo ng donasyon, nagkaroon tayo ng commitment to do projects ‘no. At iyong mga binasa ko po sa transcript ay mukha naman pong pareho pong opisyal ay pinalalakas pa iyong matinding pagkakaibigan ng bansang Tsina at ng Pilipinas.
MELO ACUÑA/ASIA PACIFIC DAILY: Opo. Secretary, noon pong nakalipas na linggo, naglabas po ng statement ang mga Obispo ng kanlurang kabisayaan sa pangunguna ng Kaniyang Kabunyian Arsobispo Jose F. Cardinal Advincula na humihiling sa pamahalaan na magkaroon ng pagsisiyasat sa naganap na mga operasyon sa mga IP noong December 30. Would you have any update? Would you have any reaction so far?
SEC. ROQUE: Sinisigurado ko po na nagaganap po ngayon ang imbestigasyon at alam ko po na dahil mayroon ngang binuo tayong komite para tingnan itong mga kasong kagaya nito ay binibigyan po iyan ng prayoridad dahil iyan po ay nasa taas na prayoridad ng ating Secretary of Justice, Secretary Menard Guevarra.
MELO ACUÑA/ASIA PACIFIC DAILY: Thank you very much, Mr. Secretary. Thank you.
SEC. ROQU: Thank you, Melo. Balik tayo kay Usec. Rocky, please.
USEC. IGNACIO: Secretary, question from Kris Jose of Remate/Remate Online: Reaksiyon po sa mungkahi daw ni Vice President Leni Robredo na unahing bakunahan si Pangulong Rodrigo Duterte laban sa coronavirus disease para makatulong na mapalakas ang kumpiyansa ng publiko sa vaccination program. Malaking tulong daw po ang pagiging popular ni President Duterte sa publiko batay sa survey.
SEC. ROQUE: Well, iyan po ay sangguni na naman niya, pero I’m sure ang Presidente naman po paiba-iba ang kaniyang prayoridad sa kaniyang ‘Talk to the People’. Hayaan na po nating magdesisyon ang Presidente.
Second question please. Ano iyong second question, hindi ko narinig?
USEC. IGNACIO: And second question po ni Kris Jose: Over the weekend daw po may ulat na may 23 katao namatay matapos mabakunahan ng Pfizer sa COVID vaccine sa Norway. Iyong ganitong mga balita, sa tingin ninyo, ay makakaapekto raw po sa posisyon ng mga Filipino lalo na sa senior citizens na magpapabakuna kontra COVID-19?
SEC. ROQUE: Sinagot na po iyan ni Dr. Solante na siyang expert ‘no. Kinakailangang pag-aralan muna kung bakit nagkaroon ng ganiyang mga deaths ‘no, kung sigurado ba na dahil iyan sa Pfizer ‘no at huwag muna tayong magkaroon ng conclusion.
Pero ang akin lang po, talagang pandemya po ngayon, panahon ng emergency. Kaya nga po walang commercial distribution, kaya hindi iyan available sa Mercury Drug at hindi ini-import ng mga botika ay dahil ang approval po ay emergency use in times of a humanitarian disaster in the form of a pandemic. So hindi naman po iyan papayagang gamitin, hindi lang ng Pilipinas kung hindi ng iba’t ibang bansa sa mundo, if the benefits of the vaccine will not exceed its potential liabilities. So, mayroon po tayong cost benefit analysis that the benefits outweigh the cost.
So, huwag muna tayong mag-conclude kasi dapat pang pag-aralan kung talaga bang Pfizer ang naging dahilan ng ganiyang kamatayan. Nonetheless, you know, it’s of matter of fact, sabi nga po ni Dr. Bravo, sabi ni Dr. Solante, iba’t-ibang anyo po iyan, iba’t-ibang platform. At siyempre po, sa lahat ng mga platforms mayroong platform na 260 years nang ginagamit at iyan po iyong inactivated na sa ngayon po iyan po iyong mga bakuna na galing sa Tsina. Factual lang po iyan.
USEC. IGNACIO: Thank you, Sec.
SEC. ROQUE: Well, ku-qualify ko lang po ha baka na naman ma-misconstrue. Iyong sinabi ko pong paiba-iba ang priorities ni Presidente, that’s as far as his messaging is concerned po sa kaniyang “Talk to the People.” Noong last week po, ang kaniyang mensahe, ‘ang mga mahihirap ang mauuna.’ Kaya sinabi niya ‘eh hayaan na natin na sila unang mabakunahan, kung mayroon pang matira eh tsaka tayo magpapabakuna.’
Pero iyong mga ibang panahon po eh siguro ang priority niya eh iyong safe ang bakuna kaya ang sinabi niya ‘ako ang mauuna.’ Pero hayaan po natin dahil magkakaroon naman po ng desisyon ang ating Presidente.
Okay? Joseph Morong, please.
JOSEPH MORONG/GMA 7: Hi, sir! Good afternoon again.
SEC. ROQUE: Other questions.
JOSEPH MORONG/GMA 7: Sir, short lang. We have now Filipinos who have been vaccinated abroad and some of them may want to return to the country. What is going to be our protocol as far as they are concerned; are they still going to be covered by the 14-day quarantine?
SEC. ROQUE: Yes! May desisyon na po diyan ang IATF – subject to 14-day quarantine pa rin po.
JOSEPH MORONG/GMA 7: Okay, okay. Sir, with regard to the President. So, right now you had a—this morning I think you had an interview with Unang Hirit and then you said that if the President thinks that kung babakunahan siya will help the confidence of the public in vaccines he will do that but it’s a neither here nor there statement.
So, question is: Has the President made a decision to have himself vaccinated, number one, ahead of everybody else, and number two, to inspire public confidence?
SEC. ROQUE: I’m only his spokesperson po ‘no, inuulit ko lang iyong mga nasabi niya. Minsan sinabi niya magpapauna siya, hindi na siya nakahintay pero iyong huling sinabi niya dapat mauna muna mga mahihirap. So, hintayin na lang po natin kung ano talaga magiging personal na desisyon ng Presidente if he want it public… well seeing the President vaccinated is proof of the pudding.
So, hayaan na po natin, hintayin natin ang desisyon ng ating Presidente. Pero sa ngayon po, tingin ko naman dahil nandiyan na ang new variant at palagi nating ini-explain sa taumbayan sa pamamagitan ng tunay na mga eksperto kung bakit dapat pagkatiwalaan ang bakunang ito eh tingin ko ang mga kababayan ay nagtitiwala naman.
JOSEPH MORONG/GMA 7: And do you think that there is really a need to have that that the President vaccinated in public because we have established that iyong compliance or iyong confidence medyo mababa talaga?
SEC. ROQUE: Hindi naman po. Talaga naman pong sa una mababa po iyan. In the first place, eh hindi naman po natin lahat inaasahan na magkukumpiyansa kaagad-agad. Siyempre, titingnan nila iyong mga nauna kung anong nangyari at kung mapansin naman nila na wala namang namatay at talaga namang bumababa iyong kaso ng COVID, iyan po ang titingnan natin, eh magdedesisyon din sila.
And in any case, we’re in no rush dahil nga po sa February possibly 50 to 100 dosage lang ang mayroon tayo, dadami iyan sa 950. So, unti-unti naman po iyong proseso at habang tumutuloy ang proseso inaasahan natin na tataas ang kumpiyansa ng ating taumbayan.
JOSEPH MORONG/GMA 7: Sir, with regard to the President, what do you think are the medical risk as far as the President’s health is concerned that puts him at more risk than the regular individuals for vaccination?
SEC. ROQUE: Sinagot na po iyan ng doktor at eksperto. Wala naman po silang nakikita na more risk for the President is concerned. But that’s Dr. Solante kasi siya po ay expert hindi po ako.
JOSEPH MORONG/GMA 7: But is it more urgent for the President to get vaccinated because of the comorbidities?
SEC. ROQUE: Hindi naman po siguro, ‘no, dahil—iyan po ang dahilan kaya inuuna lahat ng senior citizens kasi alam natin ang mga senior citizen ay talagang kapag tinamaan sila eh matindi iyong tama sa kanila ‘no and the President qualifies under that priority of being a senior citizen.
JOSEPH MORONG/GMA 7: All right. Sir, just one. Sir, iyong sa Sinovac – February 20, we only have maybe less than a month before that schedule. Can you tell us the steps that we’re taking to make this happen, the vaccination on February 20. For example, questions like: Paano dadalhin iyong Sinovac sa atin? Who’s going to bring it in? Where are we going to store it? Na-identify na ba natin, sir, who’s going to distribute it? Mga ganoong plano just so we can believe that something is going to happen…
SEC. ROQUE: Lahat po iyan plantsado na. Unang-una, hindi po problema ang Sinovac kasi nga hindi niya kinakailangan ng -70, kinakailangan lang po niya refrigeration at sobra-sobra po ang ating mga—Unang-una, sa eroplano, hindi po niya kinakailangan isama pa sa dry ice na matindi ano kasi may limitasyon din po iyong pupuwedeng dry ice na isakay sa eroplano, parang 250 kilos lamang ‘no, so hindi po problema iyan.
Pagdating po sa Pilipinas, iyong mga sasakyan na magdadala sa mga warehouses, sapat-sapat po iyong ating refrigerated vans. Pagdating po doon sa temporary storage, sapat-sapat po ang temporary storage ng DOH for the limited quantity that we will be getting anyway ano. At pagdating po sa distribution, unahin po natin ang health workers. Mayroon na po tayong listahan ‘no ng mga health workers na iyan at iyong pagpapadala po ng limited quantities sa mga iba’t-ibang lugar kung saan tuturukan ang mga health workers eh mayroon naman tayong mga sapat na vans – na refrigerated vans na magdadala niyan.
So, pagdating po sa Sinovac, wala pong problema. Pagdating po sa Pfizer, dahil kakaunti rin naman ang darating, mayroon naman po tayong sapat at bumili rin tayo ng mga subzero transportation at saka mga subzero storage facilities. So, basta mayroon kang refrigerated na subzero na mga sasakyan at refrigerated subzero na mga storage facilities eh kaya naman po natin iyong initial supply ng Pfizer at tingin ko po sa Metro Manila, Cebu at Davao eh wala pong problema at diyan lang naman po natin gagamitin ang Pfizer.
JOSEPH MORONG/GMA 7: Just a short lang. What was the decision-making process doon sa pagba-vaccinate kay Presidente and can he repeat vaccination?
SEC. ROQUE: You know, it’s solely between him and his doctor. So iyon lang po iyon, okay? Thank you very much, Joseph.
JOSEPH MORONG/GMA 7: Thank you.
SEC. ROQUE: Let’s move on to Usec. Rocky.
USEC. IGNACIO: Yes. Secretary, tanong ni Jam Punzalan ng ABS-CBN Online: According to a Washington Post report, COVID-19 vaccine doses are sold to many Chinese POGO workers in the Philippines. Doses are reportedly smuggled labelled as supplements and Customs officials would approve the shipment. What is the government doing about this? If we are investigating this, how soon can we see results?
SEC. ROQUE: Both FDA and the NBI have been investigating this issue, abangan na lang po natin ang resulta ng kanilang imbestigasyon.
USEC. IGNACIO: Okay. Secretary, from Leila Salaverria of Inquirer: Aside from promising to donate daw po 500,000 doses of the COVID-19, what else did the Chinese Foreign Minister say about it?
SEC. ROQUE: Well, ang alam ko po iyong pangako nila na pina-finalize na iyong Samal-Davao Bridge Project at saka iyong Subic–Clark Railway Project. Pero doon po sa hiwalay na pagpupulong noong Minister ng Tsina at ni Secretary Locsin, mayroon din pong ibang mga na-sign na ‘no but I’ll leave it to the DFA kasi dito lang po ako sa Presidente as Presidential Spokesperson. So, sila po ang magdedetalye ng iba pang mga na pirmahan na mga kasunduan.
USEC. IGNACIO: Second question po niya: Did he give any assurance of safety and efficacy and did he address concerns raised about Sinovac in the Philippines?
SEC. ROQUE: No information po because umuwi po ako sa probinsiya noong dumating po si Minister. Wala po ako sa pagpupulong.
USEC. IGNACIO: Opo. Ang third question po niya: What is the effect of China’s promise to donate vaccines on the Philippine’s plan to purchase 25 million Sinovac doses?
SEC. ROQUE: Well, nagpapasalamat po tayo, pero iyong 25 million hindi po sapat iyan para sa ating populasyon kaya nga po mayroon tayong portfolio. So, ang epekto po siguro niyan eh sana po masiguro na iyong ating bibilhin sa Tsina eh maibibigay sa atin pero tuloy pa rin po iyong desisyon natin na bumili ng iba pang mga bakuna sa iba’t-ibang kumpanya na mayroon po silang made-deliver sa lalong mabilis na panahon.
USEC. IGNACIO: Fourth question po: Does this strengthen daw po the administration’s decision to purchase Sinovac and does this mean Chinese vaccines that will apply for EUA will have an advantage?
SEC. ROQUE: Ulitin ko po: safety, efficacy as reviewed by the Expert Panel Group and the FDA, iyan po ang magdi-determine kung ano po iyong gagamitin natin sa bayan natin.
USEC. IGNACIO: From Kit Calayag of Manila Times: This week po bababa na sa puwesto si US President Trump, paano po makakaapekto ang Biden presidency sa US–Philippines security relations? Do you think security relations between the two countries will improve under the Biden administration?
SEC. ROQUE: Well, una po ang masasabi lang natin diyan is pagdating po sa panlabas na relasyon, may continuity naman po ang Estados Unidos. Ang mabuti sigurong mangyayari, ngayon pa lang inanunsiyo na ni President-elect Biden na magpo-propose siya ng batas to legalize the stay of 11 million illegal aliens in the United States at siyempre po may mga Pilipinong mabibenepisyo sa batas na iyan.
USEC. IGNACIO: Second question po niya: Some are saying Duterte has lost an ally as the Biden administration will likely be against the administration’s drug war. What is your comment on that?
SEC. ROQUE: Wala po kaming comment, diyan, walang basehan iyan. Ang mayroon po tayo ay mainit at malapit na relasyon sa bansang Estados Unidos.
USEC. IGNACIO: From Maricel Halili of TV 5. May official communication na po ba ang national government sa Cold Chain Association. Association President, Mr. Dizon said, some of their members can provide ultra-load freezer and if necessary, they are willing po to invest for the upgrade. Bakit wala pa pong dialogue with the group?
SEC. ROQUE: Actually, mayroon pong anunsiyo tungkol dito si Secretary Dizon bukas, siya po ang panauhin natin. So I would rather that antayin po natin si Secretary Dizon bukas po.
USEC. IGNACIO: Question for, Rosalie Coz ng UNTV: Sabi daw po Ni Senator Lacson, ang Senado marahil ang naging dahilan upang maisalba ang bilyong pisong halaga ng pondo ng taumbayan para sa vaccination program nang maibaba sa 650 pesos ang per does ng Sinovac vaccine mula po sa presyong 1,800 pesos plus. Dagdag pa nito posibleng may korapsiyon sa malaking pagkakaiba ng Sinovac vaccine sa Pilipinas at iba pang bansa. Ano po ang reaksiyon ng Palasyo dito?
SEC. ROQUE: With all due respect at talagang malapit po ang aming relasyon ni Senator Lacson, kung maalala po ninyo noong siya ay nagtatago, ako talaga iyong dumidepensa sa kaniya ano. But with all due respect kay Senator Lacson, hindi po nagbago ang posisyon ng gobyerno. Sa mula’t-mula wala naman pong katuturan iyong sinasabi nila na pinakamahal ang Sinovac. Dahil hindi naman po nagsisimula noong mga panahon na iyon ang negosasyon sa panig ng Pilipinas at ng Tsina. Pero sa mula’t-mula po, alam namin na iyong market price sa Tsina, will not be the market price na bibilhin natin, pagkatapos po ng negosasyon na government to government with the Chinese government. So sa mula’t-mula po, alam natin na mahal ang market price sa Tsina kung ikukumpara sa G-to-G price between the Philippines and China po.
USEC. IGNACIO: Question from Kyle Atienza ng Business World: Will President Duterte certify as urgent the proposed measure amending the Public Services Act which is now pending at the Senate. Will the President consider certifying this as urgent?
SEC. ROQUE: Ang alam ko po, hindi kasama iyan sa legislative agenda ng ating gobyerno. Kada cabinet meeting po may report si PLLO Secretary kung iyon status ng mga bills na sa mula’t-mula ay sinusulong ng ating gobyerno. So kung hindi po ako nagkakamali, but I have to check ‘no, hindi naman po siya kasama sa list of bills na niri-report po ni Secretary ng PLLO. But I could be wrong. I will check po and confirm tomorrow.
USEC. IGNACIO: Third question po: Will he also certify as urgent the proposed measures amending Foreign Investments Act and Retail Trade Liberalization Act, which are currently pending at the Senate?
SEC. ROQUE: May posibilidad po, pero like the other legislation deal ay hindi po siya kasama doon sa niri-report na administration bills ng ating gobyerno.
USEC. IGNACIO: Do we expect economic bills to be certified as urgent before the congress adjourns this year.
SEC. ROQUE: Mayroon pong isa na tax measure pa – ano ang tawag doon – CREATE na that has been certified urgent by the President.
USEC. IGNACIO: Last question na ito, Secretary: Did we only rely on the proposed economic Charter Change to bounce back from the economic distress brought by the pandemic?
SEC. ROQUE: Well, ang ating recovery po ay nakasalalay iyan doon sa pagpapatupad ng ating pantaunang budget sa 2021, doon sa pagpapatupad ng Bayanihan 2 na in-extend pa po natin at iyong iba pang mga posibleng mga fiscal stimulus measure na hingin natin sa Congress as the need for them arise. So, iyon po ang ating kasagutan sa taong na iyan.
USEC. IGNACIO: Thank you, Secretary Roque.
SEC. ROQUE: Well, maraming salamat at wala na pong mga questions. Maraming salamat sa ating mga kasama sa Malacañang Press Corps as usual for your very challenging questions. Maraming salamat, Usec. Rocky. At siyempre po, maraming salamat kay Dr. Solante.
Sa ngalan po ng inyong Presidente, ito po ang inyong Spox Harry Roque ang nagsasabi: Naku po, pag-ingatan natin kung sino ang pakikinggan natin. Uulitin ko po ang proseso para maging expert: Kinakailangan ipakita kung mayroon ka bang specialized na pinag-aralan para maging expert; kung mayroon ka bang karanasan sa specialized field na iyon; ilang beses ka nang nagbigay ng testimonya mo; marami ka bang nasulat na artikulo tungkol sa field of specialty mo ano.
Huwag po tayong maniwala doon sa mga lima-singkong mga eksperto dahil marami po diyan nagpapansin lang. Magandang hapon po sa inyong lahat.
###
—
SOURCE: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)