Press Briefing

Public Briefing #LagingHandaPH hosted by Presidential Communications Operations Office Secretary Martin Andanar and PCOO Undersecretary Rocky Ignacio


Event Public Briefing #LagingHandaPH
Location PTV

SEC. ANDANAR: Magandang umaga sa lahat ng mga Pilipinong nanunood sa atin saan mang sulok ng mundo. Samahan ninyo kami sa panibagong balitaan ngayong araw ng Miyerkules, January 27, 2021. Ako po ang inyong lingkod, Secretary Martin Andanar ng PCOO. Good morning, Rocky.

USEC. IGNACIO: Good morning, Secretary Martin. Ako naman po si Usec. Rock Ignacio, muli po naming ihahatid sa inyo ang pinakahuling kaganapan tungkol sa National Vaccination Program ng pamahalaan kasama ang Philippine Information Agency. Kami po sa PCOO ay patuloy nag mag-i-Explain, Explain, Explain para labanan ang fake news.

SEC. ANDANAR: Huwag po tayo basta maniniwala sa sabi-sabi at makinig lang po sa mapagkakatiwalaang source ng impormasyon. Simulan po natin ang isa na namang espesyal na edisyon ng Public Briefing #LagingHandaPH. Ito po ang COVID-19 Vaccines Explained.

Una muna sa ating mga balita: Malacañang nagbabalangkas na ng isang executive order para tugunan ang mataas na presyo ng baboy at manok sa merkado. Tiniyak naman ni Senador Bong Go na darating din ang ayuda para sa mga nagtitinda nito.

[NEWS REPORT]

USEC. IGNACIO: Sa pagpapatuloy ng pagtulong ng tanggapan ni Senator Bong Go sa mga naapektuhan ng kalamidad at pandemya, ang mga Tricycle Operators and Driver’s Association o TODA at mga residenteng nasunugan sa Pasay City ang hinatiran ng tulong. Narito ang detalye:

[NEWS REPORT]

SEC. ANDANAR: Nalimitahan ng pandemya ang bilang ng mga naglalaro ng golf kung kaya naapektuhan nito ang kabuhayan ng mga golf caddy gaya sa Intramuros Golf Course. Dahil rito, personal silang binisita ni Senador Go at ng ilang ahensiya ng pamahalaan para mamahagi ng tulong. Panoorin po natin ito:

[NEWS REPORT]

SEC. ANDANAR: Makibalita rin tayo mula sa mga lalawigan sa bansa. May report si John Mogol mula sa PBS Radyo Pilipinas.

[NEWS REPORT]

SEC. ANDANAR:  Maraming salamat, John Mogol ng PBS-Radyo Pilipinas.

USEC. IGNACIO: Samantala, Secretary Martin, kasama rin po natin dito sa PTV Studio ang Director General ng Philippine information Agency. The man behind COVID-19 Vaccines Explained, Usec. Ramon Cualoping III. Good morning Usec. Mon. Naging busy po ang PIA sa nagdaang linggo. Anu-ano po ang mga aktibidad, mga nangyari?

PIA DG CUALOPING:  Magandang umaga, Usec. Rocky, Kay Sec. Martin magandang umaga. Noong nakaraang linggo ko nag-ikot kami ni Sec. Martin sa halos buong Region VII – sa province of Cebu, sa Siquijor at sa Negros Oriental. Sa Cebu ho, kasama po namin ni Sec. Martin ang Office of Presidential Assistant for the Visayas, si Secretary Mike Dino at si Asec. Jonji Gonzales at mineet [meet] po namin, kinausap namin at nag-engage kami kay  Governor Gwen Garcia, kay Mayor Ahong  Chan ng Lapu-Lapu, kay Mayor Jonas Cortes ng Mandaue at isinagawa din namin iyong Town Hall  meeting na tinatawag nating Explain, Explain, Explain dito, iyong programa natin sa PIA at sa  PTV, Usec. Rocky, para ilahad iyong mekanismo at pag-rollout ng COVID-19 vaccines lalo ang Region VII ay isa sa hotspot natin na tinatawag, USec. Rocky.

USEC. IGNACIO:  Yes, kaya nga sinasabi natin, napakahalaga ng ginagawa ninyo. Sa nakikita ninyo, ano iyong benepisyo na makukuha ng mga tao dito sa aktibidad na ito, sa kampanya na ito, Usec?

PIA DG CUALOPING:  Yes, I think USec. Rocky ang pinaka-objective talaga natin ay tumaas iyong public uptake, ibig sabihin uptake, hindi update ha – uptake. Ibig sabihin po dito iyong acceptance level ng ating kababayan sa vaccines. Kasi ho nakikita natin mid-last year po, Usec. Rocky, mataas, mga nasa around 66% noong September, iyong acceptance level sa vaccines. Pero noong November naging 49% na lang.

Tapos noong December, may latest research na ginawa ang Unibersidad ng Pilipinas, OCTA Research ang tawag nila, ay nasa 24, 25 na lamang iyong acceptance level. So malaking challenge ito, malaking hamon sa atin as government communicators. Kagaya ng sinabi rin ni Vaccine Czar natin is Secretary Charlie Galvez, binanggit niya kay Pangulong Duterte na malaking hamon ito sa atin na kailangang i-Explain, Explain, Explain talaga natin sa kababayan natin kung ano ba talaga iyong vaccines at ano ang mangyayari sa katawan natin kapag tinurukan tayo, Usec. Rocky.

USEC. IGNACIO:  At saka siyempre iyong kahalagahan na malabanan natin iyong fake news, dahil diyan ay nakukontra natin iyan. Pero iyong na-mention nga ninyo iyong cold chain visit last week, ano iyong kahalagahan na nakikita na natin, ang ginagawang paghahanda ng local government units para dito.

PIA DG CUALOPING:  Magandang tanong iyan, Usec. Rocky, kasi laging sinasabi ng iba na hindi handa ang pamahalaan, hindi handa ang gobyerno. Ngunit last week pinakita natin na nandiyan iyong mga cold chain facilities natin, both owned by the government, as well as partners natin sa private sector, ang Unilab, ang Zuellig. Tapos siguro ang next tanong diyan, Usec. Rocky, paano ito mata-transport sa probinsiya, paano mata-transport sa LGUs. Ang mga local chief executives po natin kailangang makipag-contact sa DOH, sa regional offices ng DOH at pag-uusapan kung paano idi-distribute iyan.

Gagamitin po natin lahat ng klaseng transportation – land, sea, air – depende po kung saang lugar. Kung may international airports po doon, didiretso doon at kung kailangang land trip lang, gagamitin ang cold storage vans, Usec. Rocky.  Kagaya ng sinasabi natin, Usec. Rocky, noong pagpunta rin namin sa Siquijor gusto ko lang din i-share, Usec. Rocky, napakasaya noong experience sa Siquijor, dahil I think one of the few provinces, if not na only province in the Philippines, na na-manage talaga iyong COVID-19.

Kaya congratulations kay Governor Villa on that. I think isa lang case iyong case nila ngayon, Usec. Rocky sa buong probinsiya. At iyon iyong isang probinsiya na kailangan ring maturukan para ma-protect sila, Usec. Rocky. So, napakaganda. At sa Dumaguete naman nakausap  natin si Congressman Teves at si Mayor Felipe Remollo na kaibigan ng ating Pangulo also at ni Senator Bong Go  at in-explain  natin sa kaniya at nag-engage tayo sa mga kapitan, mga barangay captains, sa mga youth leaders at sa mga councilors nila, Usec. Rocky.

SEC. ANDANAR:  Thank you, Usec. Rocky and DG Mon. Makakasama rin po natin ngayong umaga si DOH Spokesperson Undersecretary Maria Rosario Vergeire para magbigay ng update tungkol sa pinakahuling hakbang ng Kagawaran ng Kalusugan, please go ahead Undersecretary Vergeire, good morning to you, Ma’am.

USEC. VERGEIRE:  Yes, good morning, Secretary Andanar, good morning Usec. Rocky and DG Cualoping. Ngayon po magbibigay lang po ng kaunting updates ang Department of Health, Unang-una po, dahil alam po natin na nalalapit na po ang pagdating ng mga deliveries ng mga bakuna, we already have created vaccine operation centers in all of our regional offices.

We a also have downloaded readiness assessment tools para po sa ating mga local government units, so that we can be able to assess the gaps as early as this point. Tayo rin po ay nakapagkaroon na ng capacity building among the implementing units. Also doing the master listing and we already have indicated minimum demographic fields na kailangan pong masagutan at maibigay sa atin na detalye ng ating mga implementing   units.       

We also have trainings conducted para naman po doon sa adverse effects following immunization and we have adopted ito pong organized way of reporting adverse reactions through the system of Digi-Flow which is an international reporting system for adverse events.

We were able to do this town hall meetings and also nakapag-ikot na rin po ang ating mga CODE teams kasama ni Secretary Galvez, ni Secretary Duque at ng iba pa ho nating ahensiya para ma-check po ang mga lugar kung tayo po ay handa na talaga sa pagdating nitong mga bakunang ito.

So, ito lang po ang aming paunang updates sa ngayon and we would defer to the questions later.

SEC. ANDANAR: Maraming salamat, USec. Vergeire sa update sa usapin ng bakuna.

Tanong po naman ng isang senador sa hearing noong isang linggo eh dapat bang magpabakuna pa ang taong naimpeksiyon na ng COVID-19; at paano kung may allergy sa gamot, ano po ang magiging protocol?

USEC. VERGEIRE: Yes, Secretary. Unang-una po, kahit po tayo ay nagkaroon na ng sakit dati ng COVID-19 tayo rin po ay kailangan pa ring magpabakuna. According to experts and according to WHO, the possibility of being re-infected is there, so we are advised to receive the vaccine still.

Ngunit mayroon ho tayong parang rekomendasyon ang WHO na kailangan kung nagkaroon kayo dati ng sakit na COVID-19 and it was proven ano, mayroon ho tayong test, kailangan three months; ang sabi rin po ng National Immunization Technical Advisory Group, three months from the time that you had COVID-19 disease saka po tayo magpapabakuna. So, ayun po.

Ano po iyong second question, Secretary, I’m sorry?

SEC. ANDANAR: Okay. Iyong second question po ay kung papaano kung mayroon pong allergy iyong nagpapabakuna, ano po ang magiging protocol?

USEC. VERGEIRE: Yes, sir. One of the primary contraindications to the vaccination especially with these vaccines that are available now like Pfizer given EUA ay iyon pong mayroong severe allergic reactions sa bakuna katulad ng component po nitong bakuna na ito which is polyethylene glycol.

So, doon po sa mga taong nagkaroon na ng experience na nag-experience sila ng severe reactions, allergic reactions noong sila ay dating nabakunahan ng kahit na anong bakuna, kailangan pong hindi muna bigyan ang taong ito at ma-asses siya ng kaniyang doktor.

Kung ang mga allergies naman po ay para naman sa pagkain o kaya ay allergy sa gamot kailangan lang hong makahingi ng assessment and certification from their doctor and they are very well to receive the vaccines.

So, hindi po contraindications na kayo ay may allergies sa gamot o sa pagkain. Kailangan lang hong ma-certify ng doktor that you will be eligible and you can receive the vaccine

SEC. ANDANAR: Ano po ang paliwanag kung bakit kailangan maisama rin sa priority list ng mababakunahan ang pamilya ng ating mga frontliners at paano po ang magiging sistema rito?

USEC. VERGEIRE: Well, isa po iyan sa pinag-uusapan ngayon ng vaccine cluster pero ang kailangan ho nating balikan kung ano iyong priority population na ating itinalaga, ito po talaga ang mga healthcare workers natin and frontliners.

Kung sakaling mababago po itong prioritization na ito, isinasama ang pamilya ng mga frontliners, kailangan po nating isipin na kapag nabakunahan po iyong ating frontliner at umuwi siya sa kanilang bahay, makasama ang kaniyang pamilya na hindi bakunado, iyong risk po na puwede pa rin siyang magkaroon ay nandoon pa rin.

Although ang pangako po ng ating bakuna na mga darating ang lesser chances of getting symptoms, lesser chances of having severe infections, and lesser chances of hospitalization.

So, I think iyon pong rational na kailangan isang buong pamilya ay protektado, hindi lamang isa. Iyon po ang ipinatutupad at titingnan po natin kung maaari po nating mailagay doon sa prioritization list.

SEC. ANDANAR: Usec., puwede rin po ba ipaliwanag sa amin itong pagkakaiba ng mga terminolohiya ng local transmission and community transmission kung mayroon man? Kasi itong mga kaso sa Bontoc, Mountain Province ang sinasabi po ng DOH ay kumpirmadong may local transmission pero wala pang community transmission.

USEC. VERGEIRE: Yes, sir. Actually, this definition is very important especially when a country is classified as to the level of risk ng isang bansa. Ginagamit po iyan ng WHO sa international na classification para masabi at malaman ng ibang bansa.

Ito pong local transmission, ang ibig sabihin po nito, mayroon pong isang kaso doon sa komunidad at siya po ay nakaapekto o nakapanghawa na doon sa mga tao surrounding him. Maybe his relatives, maybe his neighbors or the persons in the community.

And when isang local case po na ganiyan ay nakapanghawa na sa iba, we call that local transmission already.

Pero ito pong—compared to community transmission, ang ibig sabihin po nito mayroon po tayong kaso doon sa komunidad pero hindi na ho natin matukoy kung kanino niya po nakuha ang sakit na ito. So, ibig sabihin laganap na po ang mga impeksiyon dito sa community na ito and you cannot anymore identify who is the exact source of infections. That is community transmission already.

And for now, diyan po sa Bontoc Province we can still link and identify the sources at nakikita po natin iyong pagkakahawa-hawa diyan sa komunidad na iyan.

SEC. ANDANAR: May cluster 3 daw kayong tinitingnan dito sa Mountain Province, magkakaugnay ba sila doon sa balikbayang may dala ng B.1.1.7 variant ng COVID-19 sa lugar o posible pang may iba pang source of new variant doon na ngayon lang natin nadi-detect?

USEC. VERGEIRE: Sir, iyon pong mga specimens galing sa Bontoc Province were analyzed by the Philippine Genome Center at iisang klaseng variant lang po ang lumabas diyan – iyong B.1.1.7 which is the UK variant.

Dito po noong nag-contact tracing tayo, nakakita po tayo ng tatlong major clusters of infections. Ibig sabihin, nai-link na po namin iyong bawat impeksiyon sa bawat komunidad o sa bawat magkakapitbahay that’s why we say there are three clusters of infection. But these are just all initial kasi po patuloy pa rin ang ating pagku-contact tracing.

And tama po kayo, Secretary, na puwedeng mayroon pa rin ho tayo ibang source of this variant cases dito sa Bontoc Province kasi alam naman po ng lahat nailagay natin sa ating mga impormasyon na nag-negative po iyong ating kababayan na umuwi from United Kingdom dito sa variant na ito noong tinest ang kaniyang specimen. So, we are still trying to expand and back trace on the different contacts para makita po natin kung saan po talaga galing itong mga variants na ito diyan sa lugar na iyan.

SEC. ANDANAR: May ilang lugar na sa bansa ang nakapagtatala ng high utilization rate ng kanilang health care facilities. Maaari ninyo po bang mabanggit kung saan-saan ang mga ito at ano ang agad na aksiyon ng DOH dito upang hindi tuluyang bumigay ang serbisyo roon?

USEC. VERGEIRE: Oh well, ito naman pong mga healthcare utilization, ito po iyong paggamit ng kama dedicated for COVID.

Makikita po natin sa Cordillera Administrative Region ay medyo tumataas po ang utilization ng kanilang mga kama para sa COVID. Dito rin po sa Region XI nakikita natin ang pagtaas, nasa moderate risk po sila.

So, ano po ba ang ginagawa ng Department of Health together with other agencies? Unang-una po, kailangan nating paigtingin na mapababa ang mga kaso para wala pong naoospital, Pangalawa, iyong mga nasa ospital kailangan nating suriin, baka naman iyong nilalaman ng kanilang mga ospital ay mga mild and asymptomatic na dapat nasa quarantine and isolation facilities lang at hindi nasa ospital. So, kailangan po ito through the help of Oplan Kalinga na mailipat po natin sila quarantine facilities.

And pangatlo, iyon pong mga tao or mga individuals na pagaling na, na puwede nang dalhin sa mga step down care facilities para po hindi na po mapuno ang ating mga ospital and ma-decongest and we can very well accommodate additional patients of COVID-19.

SEC. ANDANAR: Thank you, USec. Vergeire. Maya-maya ay babalikan pa rin namin kayo para sagutin ang katanungan ng mga kasamahan natin sa media.

USEC. IGNACIO: Samantala, patuloy ang pag-iikot ng Coordinated Operations to Defeat Epidemic (CODE) teams sa mga lokal na pamahalaan upang matiyak ang kahandaan nila kapag dumating na ang bakuna kontra COVID-19.

Ngayong araw po ay bibisitahin nila ang mga Lungsod ng Taguig at Makati. At live mula sa Taguig, makibalita tayo kay Louisa Erispe. Louisa, kumusta ang assessment ng National Task Force diyan?

[NEWS REPORTING]

USEC. IGNACIO: Okay. Salamat sa iyo, Louisa Erispe. May ilang mga katanungan po tayo mamaya para kay Usec. Vergeire at maging po kay Secretary Galvez.

Ang una pong tanong mula kay Carolyn Bonquin ng CNN Philippines for Usec. Vergeire: Bakit po mataas ang kaso sa Davao Region kahit nasabi na po strict naman ang border at marami ang testing?

DOH USEC. VERGEIRE: Yes, ma’am. Katulad po ng aming sinasabi, ito pong mga expected increase in the number of cases would be due to the holiday season. Nag-uwian po ang mga tao sa kanilang probinsiya, sa kanilang hometowns o kaya nag-celebrate po ng Kapaskuhan ang magpapamilya, so, maaari po that due to these holiday activities, it might be the cause of this increase in the number of case.

USEC. IGNACIO: Opo. From Carolyn Bonquin pa rin po ng CNN Philippines, Usec.: OCTA said need daw pong mag-focus din ng sequencing and testing sa ibang lugar na may surge ng cases like sa Cebu and Iloilo. Kumusta na po iyong efforts ng Department of Health doon para malaman kung may bagong variant doon?

DOH USEC. VERGEIRE: Yes, ma’am. Ginagawa naman po natin iyan ano. Katulad po ng pauna na naming sabi mula pa noong umpisa, mula po noong inumpisahan namin ang sequencing, kumukuha na po kami ng samples galing po sa mga areas with clustering, galing po sa mga ospital na may mga nakalagak na may mga severe and critical cases, galing din po sa mga institutions or closed institutions katulad po ng mga jails. So atin pong kasama iyan sa ating surveillance na sinasagawa ngayon. Inaantay lang po natin ang resulta nitong run na ginawa natin for this week and hopefully by Thursday night or Friday we can already have the results.

USEC. IGNACIO: Opo. Tanong naman mula kay Aiko Miguel ng UNTV for Usec. Vergeire: In an article po released by WHO last night, there’s an evidence that was gathered on the post-COVID conditions, so-called long COVID, where people who have recovered from COVID-19 continue daw po have longer term issues like extreme fatigue, persistent cough and exercise intolerance. Do we have now daw po data in the country with the COVID-19 survivors experiencing long COVID? And, papaano po iyong monitoring sa kanila after recovering?

DOH USEC. VERGEIRE: Yes, ma’am ‘no. So as I’ve always told our media partners, everything is anecdotal at this point. Although there are some groups of doctors who are already studying this kind of effects on people who has had COVID. So antayin po natin lumabas ang mga ganitong resulta para makapagbigay tayo nang tamang ebidensiya. Although in our monitoring ‘no specifically Regional Epidemiologic and Surveillance Units mayroon ho tayong mga ginagawang monitoring for this type of conditions but we still need to further enhance it so that we can capture ito pong lahat na nagkakaroon ng ganitong symptoms.

USEC. IGNACIO: Opo. Tanong naman po mula kay Lei Alviz ng GMA-7: Ano po ang explanation bakit mas mataas ang deaths kaysa recovery sa nakalipas na dalawang araw?

DOH USEC. VERGEIRE: Yes, ma’am ‘no. So kailangan nating maintindihan na ito pong mga reported cases natin ay hindi naman po talaga sinasabi na aktuwal. Katulad po doon sa deaths natin kasi, nag-harmonize po kami ng data with the Philippine Statistics Authority, so mapapansin ninyo po for these past weeks nagtatala po tayo nang matataas na kaso ng pagkakamatay ngunit mayroon tayong pinapaliwanag doon sa bulletin natin na ang recent lang talaga would be the certain percentage.

Because ang Philippine Statistics Authority ay nakapagbigay na sa atin noong numbers ng verified deaths with their names kaya naipasok na po natin sa ating talaan. So ito pong mga numbers of recoveries versus the number of deaths, this is because of the influx ‘no or iyong pagpasok noong mga reports sa atin kaya po ganito ang itsura ngayon. But soon po mai-stabilize uli iyan para magpakita noong actual number of cases natin.

USEC. IGNACIO: Opo. Tanong pa rin mula kay Lei Alviz: Ano po, kung may update na po ng COVID-19 UK variant sa bansa?

DOH USEC. VERGEIRE: Yes. As I’ve said, we are still waiting for the results of this current run from the Philippine Genome Center. As to contact tracing, ang atin pong teams diyan sa Cordillera Administrative Region was able to do the contact tracing na among 615 contacts na nakita na po nila – first, second and third generation contacts. Also nakapagkausap na rin po sila, they have reviewed ito pong triaging system ng CAR at nakakita na rin po sila ng walo na mga OFWs or returning OFs na bumalik din po sa bansa at pumasok dito sa lugar na ito. Atin pong kukunin pa iyong further details nito and what were the RT-PCR results of these people so that we can identify kung sino pa ho ang puwede nating makuhang detalye ‘no, kung saan galing ang impeksiyon na ito.

USEC. IGNACIO: Opo. From Kristine Sabillo po ng ABS-CBN. Kanina may binanggit na rin po kayo, Usec., pero ano daw pong klaseng allergies ang dapat alalahanin ng mga planong tumanggap ng Pfizer vaccine at kung may allergy ba sa pagkain ay ano po ang magiging epekto nito at ano daw pong klaseng pagkain?

DOH USEC. VERGEIRE: Yes, ma’am. Katulad po ng sabi ko kanina ‘no, niliwanag naman po ng WHO doon sa kanilang rekomendasyon na kapag ikaw ay mayroong allergies sa pagkain o ‘di kaya sa gamot, maaari kang tumanggap nitong bakunang ito. Pero kailangan mo lang magkapagpa-assess at makapag-certify ang iyong doktor that you are eligible and you can receive the vaccination.

Iyon pong talagang main contraindication ng bakuna ay severe allergic reaction. Ibig sabihin po kapag kayo ay nabigyan ng bakuna in the past o kaya doon sa component nga po dito ng bakunang ito ay maaaring magkakaroon kayo nang severe allergic reaction. Ibig sabihin magkakaroon kayo noong anaphylaxis, iyong nahihirapang huminga, nagkakaroon na nang mataas na pagtibok ng puso at baka magsasara na iyong airways natin, so that’s the anaphylactic reaction. Iyan lang po ang tanging contraindication, the rest puwede pong makakuha nitong bakuna as long as they are certified by their physician that they can receive the vaccine.

USEC. IGNACIO: Opo. From Dano Tincungco ng GMA-7: Comment po on Montreal Heart Institute sa initial trial result showing anti-drug colchicine is effective in reducing mortality, hospitalization and mech ventilation needs in over 4,000.

DOH USEC. VERGEIRE: Yes. Marami na pong lumabas na ganitong artikulo ano. Ang colchicine naman po ay ginagamit nang matagal na rin para po sa ibang sakit dito sa ating bansa and all over the world. And according to our experts also dito sa ating bansa, iyong mga clinicians, sinasabing mukhang verifiable ‘no, mukhang okay naman daw dahil nga because of its anti-inflammatory properties. But as I’ve said,

USEC. VERGEIRE:  Ito po mayroon po tayong grupo ngayon dito sa ating bansa kung saan pinag-aaralan ang mga different interventions at saka mga kagamutan dit0 sa COVID-19. So, ito po ay ating ipapaaral para makakuha tayo ng sapat na ebidensiya para dito, kailangan din po of course ng clearance ng Food and Drug Administration para magamit po natin ito para sa COVID-19 dahil ito ay magiging off label use uli, ibig sabihin gagamitin for another purpose itong gamot na ito.

So kailangan lang pag-aralan pa ng mas masuri at saka po tayo magbibigay ng impormasyon kung maari ng gamitin ito sa bansa o hindi.

USEC. IGNACIO:  Opo. Ano daw po iyong payo sa publiko na baka maisipang mag-self medicate using Colchicine at this point?

USEC. VERGEIRE:  Katulad po noong lumabas dati, Usec. Rocky, iyong Dexamethasone ano at biglang nagdagsa ang mga tao sa drug stores.

Unang-una po, atin pong pakinggan ang payo ng Department of Health, antayin po ninyo na makapagpalabas kami ng specific na guidelines kung saka-sakali nga pong papayagan nating gamitin ito para sa ating populasyon. Sa ngayon po wala pa po tayong binibigay na advise para gamitin na ito para sa COVID-19.

Pangalawa, kung saka-sakaling gagamitin po ito, hindi po ito puwedeng bilhin over the counter at inumin sa bahay, ito po ay gagawin kung sakaling gagamitin doon po sa may supervision ng ating mga doktor at maaring sa ospital lang.

USEC. IGNACIO:  Opo. Tanong naman po ni Joseph Morong: What are at risk if we put Metro Manila under MGCQ for February?

USEC. VERGEIRE:  Unang-una, depende sa risk qualification at sa parameters na ginagamit natin.

So, ang parameters na ginagamit, makita natin iyong healthcare utilization at saka makita  natin iyong number of cases are below that level na sinasabi natin na puwede na nating i-ease ang restrictions dito sa Metro Manila. Ngayon dito sa may variant tayo na sinasabi and we say that it has higher transmissibility, until we can determine and prove na iyong variant ay naku-confine lang sa isang lugar o kaya ay hindi naman kalat pa sa buong bansa. Ito po ay isang threat pa rin sa bawat lugar na mayroon tayo ngayon. So hopefully, ang IATF naman po, alam ko ay nakakapagkonsidera ng mga ganitong factors.

So the threat would be higher transmissibility, higher cases if ever na makikita natin may variant din dito sa Metro Manila.

USEC. IGNACIO:  When do you think daw po is the appropriate time to put Metro Manila under MGCQ; what are the ideal conditions daw po?

USEC. VERGEIRE: Well, we have parameters to set that in place, sa IATF po iyong sinasabing gate keeping indicators ng mga local governments. So aside from of course lowering of the cases and iyong kanilang average daily attack rate and two week growth rate ay bababa doon sa level na masasabi nating very low risk na sila.

Pangalawa, iyong kanilang healthcare utilization is below that risk na, low risk din sila. Pangatlo, iyong gate keeping indicators na dapat iyong kanilang contact tracing efforts are efficient; kailangan mayroon silang enough isolation and quarantine facilities; the dedicated beds in the hospitals are appropriate – ibig sabihin para sa gobyerno, mayroon silang 30% at the very least of their beds dedicated; for private, at least 20% among all hospitals here in Metro Manila; and of course enough contact tracers and mayroon po tayong referral link para sa Oplan Kalinga in the different hospitals that we have.

Kung ang lahat po iyan ay set in place already at nakita natin na talagang bumababa na ang mga kaso and health care utilization remains to be at low risk and then puwede na po tayong mag-shift dito sa new normal. And this goes for all areas, not just Metro Manila.          

USEC. IGNACIO:  Based daw po sa timeline, when can we possibly achieve iyong herd immunity?

USEC. VERGEIRE: Alam mo Usec. Rocky, kailangan po nating i-contextualize iyan ano. Sa  ngayon po ang priority ng bansa natin, because we know that the vaccines are not enough to be delivered all at the same time so that we can immunized these number of the population, number of people in the population.

Ang priority po natin ngayon ay mabawasan ang pagkaka-ospital, mabawasan iyong mga taong nagkakaroon ng severe disease, mabawasan po iyong mga taong nagkakasakit o nagpapakita ng mga sintomas, by doing that we can eventually lessen po itong burden sa atin nitong mga mortalities at saka mga hospitalizations and also efficient spreader din po kasi iyong mga may sintomas ng sakit.

Iyong herd immunity po tinitingnan natin kung sakaling dadating nag buong doses na kailangan natin for this number of the population. Hopefully we can be able to achieve that in one to two years.        

USEC. IGNACIO:  Opo, may follow up po si Joseph Morong. Comment daw po on celebrity parties during the pandemic. What were the protocols that were violated and therefore punishable acts; dapat bang parusahan ang mga nagpa-party ngayong may pandemya?

USEC. VERGEIRE: Kasama naman po iyan doon sa ating mga IATF protocols na sinasabi na kailangan walang mass gathering. Kung ikaw ay nasa GCQ, ikaw ay maari lang magkaroon ng how many persons in just one room; kapag ikaw ay nasa MGCQ, ganoon din. Mayroon po tayong mga pamantayan na sinusunod. So kapag kayo ay nahuli because we have an IATF resolution you should be sanctioned.

USEC. IGNACIO:  Opo, tanong naman ni Pia Gutierrez ng ABS-CBN: What is the rationale behind daw po ng change in testing protocols for arriving Filipinos where the RT-PCR test will only be done on the 5th day. Wouldn’t it be more effective to identify COVID positive passengers upon their arrival in the country?

USEC. VERGEIRE: Well that’s true Pia ‘no, pero for efficiency for government and also to be more rationale in doing things, atin pong ginawa ito. But mayroon po tayong colatilla doon sa resolution na iyon na sinabi natin na hindi sila iti-test pag-arrive, pero kapag sila ay may nararamdaman na o di kaya mayroon tayong high suspicion na mayroon siyang sakit na ito, siya po ay kailangang i-test.

Pero ang kailangan po nating maintindihan, iyong ating prinsipyo na isolation first. As long as we isolate them, even though they are positive, we are assured n naka-confine lang doon sa kuwartong iyon ang sakit at hindi po makakapanghawa. Kaya isa po rin iyan na nakalagay doon sa ating resolution na kailangan walang cohorting, kailangan separate rooms talaga ang mga darating na mga kababayan, because they will only be tested on the fifth day.         

USEC. IGNACIO:  Opo. From Rafael Busano ng ABS-CBN: Following the spread of the new variant of the coronavirus in the US, Dr. Anthony Fauci has said that double masking or wearing another layer of mask is more effective in protecting one from contracting the virus. While some practice this in the Philippines, is the DOH inclined to recommend or even require double masking given that a cluster of the B.1.1.7 variant has been identified in Bontoc and may eventually spread?

USEC. VERGEIRE: Well, if there is enough evidence that can provided para dito sa double masking. Because I think, iyon pong isang mask na suot-suot natin plus the face shield is enough for us to get protected. Mapapansin po natin ano that from the time that we implemented a mask and a face shield hindi na po masyadong nagba-balloon, although tumataas ang kaso pero nama-manage po natin. So kailangan lang po ng enough evidence so that we can also recommend for this.

But I think iyong isang mask which guarantees us, itong protection ng 60 to 70% plus the face shield, plus the physical distance which will give you about 99% protection is enough for now.

USEC. IGNACIO:  Opo. From Maki Pulido ng GMA 7: Is the DOH considering daw po buying the so called low dead space syringe to maximize the vaccine doses from Pfizer and if we are buying, is there enough supply of this type of syringe, baka daw po puwedeng pa-explain how this syringe work?

USEC. VERGEIRE:  Well, kapag sinabi mong low dead space ‘no, kapag tayo ay nagbabakuna, naglagay ka ng gamot dito sa loob ng isang heringilya or the syringe, makikita natin minsan ano may mga spaces doon at hindi nama-maximize iyong pagkakabigay doon sa pasyente o maiwan na mga doses o di kaya ay halimbawa 10 doses lang dapat na naandoon, 9 doses lang ang mabibigay because of this dead spaces.

So, ang sinasabi diyan it’s full, talagang eksaktong-eksakto na maibibigay mo iyong lima at hindi masasayang ang isa pang dose. Kung ano po ang ibibigay na logistical na pangangailangan o requirements ng isang manufacturer for the vaccines, siyempre iyon po ang ating ipu-procure o iyon po ang ating pipiliin para sa ating mga kababayan.

Ito pong mga dead space… loaded space kung iu-offer and talagang kailangan and you will be efficient for that, it will be considered. Pero kailangan din nating isipin na sanay na po ang ating mga health workers dito po sa usual syringes that we use and ito naman ay trained na rin po sila.

So, kung papasok po iyong mga ganitong technology, we have to weigh… kailangan po nating i-weigh kung ano po ang magiging implikasyon doon sa vaccination program, marami po bang papalitan at marami po bang oras na igugugol para pag-aralan po uli ito ng ating mga health care workers.

USEC. IGNACIO: From Pia Gutierrez po ng ABS-CBN, tanong niya: Can COVID-19 vaccines be administered in the buttocks? Are there conditions that would warrant the injection of the vaccine in the buttocks instead of sa arm?

USEC. VEGEIRE: Well, kapag ho nagbabakuna tayo sinasabi ng mga bakuna doon sa kanilang label kung paano natin ibibigay. For COVID vaccines, most of these vaccines sinasabi, intramuscular. Ibig sabihin, ipapasok mo, isasaksak doon sa muscle at siya na iyong magpapakalat niyan doon sa mga katawan natin.

So, when we say intramuscular, ang common practice po dito, existing vaccines dito sa atin, kapag ang isang tao po ay hindi puwede, halimbawa iyong kaniyang deltoid area eh masyado na siyang emaciated, payat na payat na, ibinibigay natin sa ibang parte ng katawan katulad po ng ibang parte na muscular po ang tawag. Puwede po doon sa anterolateral part of the thigh or puwede din po sa puwet, nabibigay din po iyan sa upper part of the butt.

So, maaari pong humanap ng ibang pagsaksakan kung sakaling may indikasyon naman na hindi puwede doon sa kaniyang braso ibigay.

USEC. IGNACIO: Okay. Maraming salamat po sa inyong panahon, sa inyo rin pong pagsagot sa aming mga tanong kasama ang ating media.

Balikan po natin ulit ang mga nagaganap na press conference ng CODE team sa Taguig City.

Okay… sige, mamaya babalikan natin ang—pupuntahan ba natin ang press conference sa Taguig City?

[CODE TEAM PRESS CONFERENCE]

HOST: Ngayon naman po pormal na nating bubuksan ang open forum. Para po paalalahanan ang ating mga kaibigan mula sa media narito po, mula sa DOH si Assistant Regional Director Dra. Paz Corrales.

DIR. CORRALES: Good morning po. Kaunting paalala lang po, let us limit our questions with regards vaccination program po. Maaari po bang isang question lang po kada media network para mapagbigyan ang ibang nais magtanong. State your name then the network that you are representing and refer the name of the person na gusto ninyo pong tanungin.

Okay? So, let’s start.

MARICAR CINCO/PDI: Hello. Good morning po. Maricar Cinco from Philippine Daily Inquirer. Sir, quick lang, sir, we understand if the President wants to be inoculated sa kaniyang puwet, sir… behind, but the question, sir, as a policy po: Una, sir, medically, is this possible? Pangalawa. Is it as effective dito, sir, kasi parang sa clinical trials ay puro sa balikat, sir? And also, are there officials po ba na may ganoong option to have them inoculated in some other parts and also the public, sir, kung may ganoon po bang option, sir?

SEC. DUQUE: Iyon pong binitiwang salita ni Pangulong Duterte, let’s respect that. Iyong kaniyang desisyon na halintulad doon sa monarchy ng England, the Queen of England did not want to be vaccinated in full view of the public, so let’s respect. That is the choice of the President, but hopefully he might change his mind because we know that there are some world leaders who have openly had themselves vaccinated in public.

Q: [OFF MIC]

SEC. DUQUE: Kung magiging pareho ba ang epekto? Pareho ang magiging epekto?

Q: [OFF MIC]

SEC. DUQUE: Well, ang importanteng katanungan: Iyon bang epekto ng bakuna magiging pareho kung ituturok mo sa braso o dito sa may buttocks? Pareho lang po ang magiging epekto niyan dahil iyan naman po ang kaniya pong inilikha is the immune response. Ano ba ang iyong immune response? Ibig sabihin, tataas, magkakaroon po tayo ng sundalo sa loob ng katawan. Ito po iyong tinatawag nating antibodies. Pero siyempre ang protocol natin ay usually dito para mas madali, mas mabilis ang bakunahan.

JC/TV5: Sir, good morning. JC from TV5, kay Mayor Cayetano po. Mayor, we know you will follow whatever the IATF decides po as to the quarantine status po of NCR. But personally, ano po iyong choice ninyo bilang mayor po ng Taguig? Should we relax into MGCQ or stick pa rin sa GCQ? Thank you very much.

MAYOR CAYETANO: Hi, JC. In the City of Taguig, we follow strictly lang iyong pilosopiya na Metro Manila is one mega city. so, iyong problema ho natin, we can’t decide as if we’re an island. So, if Taguig had closed borders, I think we would appeal for a transition to MGCQ. Pero ang katotohanan, mismong mga kababayan ko may nagtatrabaho sa labas ng Taguig at maraming mga nasa labas ng Taguig nagtatrabaho sa Metro Manila.

And the truth is, it’s not confined to Taguig or Metro Manila alone. Marami sa ating mga kababayan umuuwi sa Laguna, Rizal, Cavite, pumapasok ng Metro Manila. So, with that information and containing any possible surge I agree that we maintain the GCQ, pero sa loob naman ng GCQ na iyon we are given authority na iyong mga LGUs paunti-unti magkaroon rin ng kaunting liberalization sa teritoryo nila batay sa anong kaya naming i-enforce.

So, I think so far so good at nakita ninyo naman bagama’t marami ring kaso sa NCR, compared to the other cities in the world, we are so far able to contain. We just need to remain vigilant.

Q: [OFF MIC]

MAYOR CAYETANO: For now, it was announced that we will be under GCQ until the end of February, so the City of Taguig will follow and we will support.

JC/TV5: But for next month po, Mayor?

MAYOR CAYETANO: Next month? Ako naman ho, we listen to experts in the City of Taguig, so every month mayroon ho kaming assessment. Kanina ho, condolences po pala to the family of Chairman Abalos, but the MMDA has played a very aggressive role para pulungin kaming mga mayor with the guidance of Secretary Galvez, of Secretary Duque.

We meet regularly, in fact last night gabi na kami natapos. Bini-brief ho kami ng iba’t ibang mga eksperto and we decide as a group. So, our briefing usually is about one week before we decide para fresh iyong data o iyong datos bago kami magdesisyon.

So, for now, there is no recommendations yet for March. The better the numbers, the more liberal. Mas masamang mga numero, mas lalong mag-iistrikto but so far so good.

Thank you.

IAN CRUZ/GMA 7: Hi, sir. Good afternoon. Si Ian Cruz po ng GMA News. Si former speaker Cayetano sinabi niya kanina na willing siyang magpabakuna. Sina Secretary Duque, Galvez and Vince Dizon, handa na po ba kayong magpabakuna kapag dumating na po iyong mga bakuna natin?

SEC. DUQUE: Opo. Yes, handa na po kaming magpabakuna kung pahihintulutan po ng taumbayan. Harinawa na kapag kami ay naunang magpabakuna ay hindi naman po kami isasailalim sa matinding batikos na baka sabihin eh, ‘VIP treatment na naman ito, nauna pa sila!’

So, sa mga ganitong mga pagkakataon ay ako po ay nananawagan na kung kami po ay mauuna, isa lang po ang aming hangarin – para ipakita sa taumbayan na ito pong mga bakunang ito na napili at nasuring maigi – siguradong ligtas, de kalidad, epektibo.

Salamat po.

IAN CRUZ/GMA 7: Secretary Galvez?

SEC. GALVEZ: Nasabi na po ni Secretary Duque na talagang magpapabakuna po kami kung ano po iyong mauuna, iyon pong maaaprubahan ng ating Vaccine Expert Panel at maaprubahan po ng EUA ng FDA, kami po ay magpapabakuna. Sabi nga ng mga iba na if we are willing to have our family to be vaccinated para at least maipakita natin sa buong mamamayan natin na ligtas iyong bakuna, gagawin po namin.

IAN CRUZ/GMA 7: Secretary, may report po ang ‘The Economist,’ iyong kanilang intelligence unit. Ang sinabi po doon, ang Pilipinas matatapos daw po iyong pagbabakuna natin sa fourth quarter pa ng 2023, ito po iyong 60% population. Mali po ba sila o ano po reaksiyon ninyo?

SEC. GALVEZ: I believe iyong pagbabakuna po natin, kung magiging available po iyong supply po natin within the year, kaya po natin iyong 50 to 70 million. Ito po magiging dependent po talaga, nakita natin na nagkakaroon ng draw back or short fall ang supply ng bakuna. Nakita natin iyong AstraZeneca, Pfizer nagkakaroon ng drawdown sa kanilang manufacturing, iyon lang po ang magiging definitive cause na kung tayo ay made-delay.

Kung mayroon pong bakuna, kayang-kaya po, nakita po—pinakita po ng ating mahal na Mayor na kaya nating magkaroon ng simultaneous na pagbabakuna nationwide. And we will see na iyong US nga nakapagbakuna sila ng 1.5 million a day, kayang-kaya natin siguro iyan, basta mayroong   bakuna. 

Q: Sir, iyong best practice po ba gaya noong sa Taguig and Pasig at iyong mga titingnan pa ninyong mga LGU. Ia-adopt po ba natin iyon kasi ang ganda ng projection ng Taguig, mabilis masyado iyong sa kanila, puwede bang i-adopt iyon sa buong Pilipinas? 

SEC. GALVEZ: Yes. Kaya ngayon na po, sinasabi ko po kay Mayor, ito na po iyong LGU tool kit or playbook na puwede pong gamitin ng ating mga LGU; nakita natin napakataas ng standard. Kung hindi po natin maabot ang standard, ano pa rin, maganda pa rin, dahil kasi nakita natin, very systematic at saka very orderly at nakikita natin na talagang step by step iyong ginagawa ni Mayor Lino at saka ng Taguig Team.

Ang akin pong masasabi, iyong ibang mga LGU na kung gusto ninyo na makita ang preparasyon puwede ninyong puntahan itong Lakershore at puwede rin po silang magbigay ng tinatawag nating guided tour para makita natin mismo ang modelo.

Q: For Mayor Lino and for Secretary Galvez and Secretary Duque. Sir, iyong nagkaroon ng party, alam natin sa BGC nabanggit na rin ni Mayor Lino. Sinasabi kasi nila nagpa-PCR naman sila, kaya parang mayroon na silang liberty na gawin iyon. Mayroon po ba silang nilabag na protocol, itong mga nagpa-party?

MAYOR CAYETANO: The city will release guidelines doon sa specifics noong testing, pero any kind of testing does not excuse you from the rules of our city. So mayroon po tayong mga patakaran, hindi po dahil nagpa-test kayo exempted ho kayo, we want to make that very clear!

Pangalawa po, we will release guidelines para magpapaalala sa ating mga kababayan. Iba po ang nagagawa ng rapid anti body test, iba ho ang nagagawa ng antigen test, iba ho ang nagagawa ng RT-PCR test. So, the three of this have very specific peculiarities. At sa Taguig naman po, if you want to have a special event, kung gusto po ninyong mag-shooting ng pelikula o anuman, mayroon ho kaming proseso, ginagabayan ho natin ang mga ito, ang mga events, ang mga activities para po sigurado na safe po sila. So we make it very easy in the City of Taguig. Kung gusto po ninyo mag-special events or what not, guided by the regulations of the IATF, we will guide your event, we will guide the individuals para po makapag-comply sila.

Pero walang indibidwal ang puwedeng makapagsabi—in fact, ang concern ko po, hindi establishments. Ang establishments po, mayroon kaming 10,000 safety officers. Habang nagmi-meeting tayo ngayon, lahat ng empleyado ng restaurant na iyon, kahit iyong mga kapitbahay nagti-test. Ngayon as we speak nandoon po iyong team namin sa BGC, tine-test po lahat iyon. Hindi ninyo alam dahil hindi nabalita, hindi celebrity, every week nagti-test po kami ng mga empleyado sa BGC, tahimik. Iyong mga medyo may problema namu-monitor namin sa social media, kinakausap namin nagsasara tatlong oras, anim na oras, iyong malaking problema, isa, dalawa, tatlong araw tinutulungan, ginagabayan natin. I am not worried about the establishments, ang problema ko iyong mga nagpa-party sa mga bahay, ang sinasabi, we are tested. Noong Pasko may mga namu-monitor po kami. Mga kasama ninyo sa media, araw-araw iba-iba ang kasama, nakasulat, ‘we were tested.’  [COVERAGE CUT]

USEC. IGNACIO: At inyo nga pong napapanuod ang paliwanag ng ilan sa ating mga opisyal sa programang inilatag ng pamahalaan para sa vaccine rollout. Tuluy-tuloy po nating ipapalabas iyan dito sa Public Briefing #LagingHandaPH sa PTV.

Maraming salamat pong muli sa pagtutok ninyo sa COVID-19 Vaccine Explained na hatid po sa inyo ng PIA at PTV. Muli po ang aming paalala mag face mask at face shield kada lalabas ng bahay. Palaging maghugas ng kamay at matutong mag-physical distancing sa lahat ng pagkakataon. Muli ako po ang inyong lingkod, Rocky Ignacio mula po sa PCOO.

SEC. ANDANAR: Ako naman si Secretary Martin Andanar hanggang bukas po muli dito lang sa Public Briefing #LagingHandaPH.

 

###

 

 

SOURCE: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)