Press Briefing

Public Briefing #LagingHandaPH hosted by Presidential Communications Operations Office Secretary Martin Andanar and PCOO Undersecretary Rocky Ignacio


Event Public Briefing #LagingHandaPH
Location PTV

\SEC. ANDANAR: Magandang umaga, Pilipinas. Pinakahuling update sa iba’t ibang isyu sa bansa at mga balita sa lalawigan ang ihahatid namin sa inyo kaisa ang buong puwersa ng PCOO. Good morning, Rocky.

USEC. IGNACIO: Good morning, Secretary Martin. Ngayong araw ng Huwebes, samahan ninyo kaming muli sa loob ng isang oras na makabuluhang talakayan, pakinggan ang tugon ng mga kawani ng pamahalaan sa mga katanungan ng taumbayan. Ako po si Usec. Rocky Ignacio.

SEC. ANDANAR: Ako naman po si Secretary Martin Andanar, ang inyong lingkod at ito ang Public Briefing #LagingHandaPH.

Maya-maya lang ay makakasama natin sa programa sina FDA Director General Eric Domingo; Department of Labor Secretary Silvestre Bello III.

USEC. IGNACIO: Samantala, kung mayroon po kayong katanungan, mag-comment lamang sa live streaming ng ating programa sa PTV Facebook at YouTube page.

SEC. ANDANAR: Makakasama po natin ngayong umaga si Food and Drug Administration Director General Eric Domingo para sa isang mahalagang anunsiyo tungkol sa bakuna na AstraZeneca. Magandang umaga po sa inyo, DG Eric.

FDA DG USEC. DOMINGO:Magandang umaga, Sec. Martin. Good morning, Usec. Rocky. Magbibigay lang po kami ng updates tungkol po sa mga application po dito sa FDA.

SEC. ANDANAR: Yes, sir, please go ahead.

FDA DG USEC. DOMINGO:Alam po natin ‘no sa FDA, ang nag-a-apply po sa amin ay mga clinical trial at karamihan po ay nandito po tayo ngayon sa Phase 3 clinical trial – iyong kulay pink – and at the same time, may mga bakuna na po na nag-a-apply sa ating for Emergency Use Authorization. So dalawa po iyon, at ia-update ko lamang po kayo.

Next slide, please. As of January—ito po ang ongoing na mga dini-develop po na bakuna ngayon sa buong mundo. Two hundred thirty two po ang mga vaccines that are being developed worldwide, karamihan po sa kanila ay nasa pre-clinical stage pa, iyong mga testing pa po sa mga hayop at sa laboratory; and 64 of them are now undergoing clinical trials worldwide.

Next slide, please. Dito po sa atin, kapag nag-apply po ng clinical trial ang isang bakuna, dadaan po iyan sa Vaccine Expert Panel natin, sa ethics board, and finally po sa Food and Drug.

Next slide, please. At sa atin pong Food and Drug Administration, tatlo ang nag-apply po ng clinical trial approval, ito po iyong Sinovac na na-approve na po natin noong January 15, 2021. Pangalawa po, iyong Clover Biopharmaceutical, parang ano po ito, joint po ito ng Australian at saka Chinese, na-approve na rin po natin ng January 8. And then iyong isa pong pinakauna nating na-approve iyon pong sa Janssen vaccines; this was approved on December 28.

So wala na po tayong pending ngayon na mga applications for clinical trials with FDA, and all these three clinical trials have been given the go signal by FDA. Karamihan sa kanila ay nasa preparatory stage na po ngayon at mag-uumpisa na. At ang inaabangan na lang po natin ay iyong application po ng DOST at saka ng DOH for the WHO Solidarity Vaccine Trial.

Next slide, please. Now the other po na ina-apply sa FDA is the Emergency Use Authorization. Ito po iyong pinayagan ng ating Pangulo through Executive Order # 121, binigyan po ng awtoridad ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang FDA na magpahayag sa paggamit ng isang bakuna that is still under development during the emergency crisis.

Next slide, please. Ang mga kundisyon po na ito ay dapat mayroong three out of three na present:

  • Number one, based on the evidence to date, it is reasonable to believe that the vaccine may be effective in preventing COVID-19.
  • Second, that the known and potential benefits of the vaccines outweigh the known and potential risks. So kailangan po effective siya at pangalawa ay dapat po safe siya ‘no, wala po dapat malaking risk.
  • And third, dapat po walang adequate approve and available alternative vaccines for the treatment. So kapag mayroon na pong fully develop registered vaccines, iyong mga EUA po iyan napi-phase out na po iyan.

Next slide, please. So ito po ang mga application ng mga vaccines dito po sa atin. Unang-una po ang Pfizer. Iyong Pfizer po ay nag-apply iyan sa ating noong December 23, right before Christmas, and the EUA was granted po on January 14, 2021 kaya ito po iyong maaari nang gamitin dito sa atin.

Ang pangalawa pong nag-apply sa atin ay iyong AstraZeneca, ito po iyong COVID-19 Vaccine AstraZeneca – iyon po ang pangalan ng produkto – and we will make an announcement on that. They applied noong January 6 po sa atin, at nag-umpisa po iyong kanilang evaluation noong January 7.

Ang pangatlo pong nag-apply sa atin ay iyong Gamaleya or iyong Sputnik vaccine. Ito po, ang kaniyang approval sa Russia, Argentina at saka Belarus. Ang Pfizer po kasi at saka iyong AstraZeneca mayroon silang mga approval na EUA from stringent regulatory authorities like US at saka UK; iyon nga pong Pfizer, pati sa WHO. Pero itong iba, mayroon po sila, hindi pa po stringent regulatory authority pero may EUA approval na po sila sa kanilang bansa at iba pang bansa ‘no. Katulad nga po ng Argentina and Belarus, they applied noon pong January 7 ‘no, and as late as January 21 ay nagpadala pa po sila ng bagong Phase 3 clinical trial data, so ito po ay pinadala natin sa mga eksperto natin at ito po ay sa ngayon ay ini-evaluate po ng ating expert panel.

Iyong fourth po na nag-apply is Sinovac. Iyon pong Sinovac ay mayroon din po siyang Emergency Use Authorization sa bansa nila, sa China, at ginagamit po ngayon sa Indonesia, Turkey and Brazil. Pero iyong Sinovac po, nagbigay sila sa atin ng clinical trial Phase 3 data nila noong January 19 pa lamang ano. So ito po ay inaaral din at ini-evaluate po ng ating mga experts. And by next week, they will have a meeting para po iyong mga katanungan na maaari nating ipa-clarify or ipasagot sa ating mga proponent ay ipadadala natin. Ganoon din po iyong sa Gamaleya ‘no, may mga question and answer pa po iyan. At kapag na-satisfy naman po ang ating mga experts, saka po natin sila didesisyunan.

Iyong last pong nag-apply, iyong Bharat Biotech. Ito naman po ay sa India ‘no. Kaya lang nag-apply sila pero hindi pa po sila nagbigay ng clinical trial data so hindi pa po nag-uumpisa iyong kanila pong evaluation; hinihintay po natin iyong Phase 3 interim trial data.

So ito po ang mga nag-apply sa atin. We are still waiting for other companies like Moderna, ito pong mga Clover, Janssen na mag-apply po ng EUA sa Pilipinas, or kahit po iyong Sinopharm ‘no. Iyan ang mga naisip nating potential na mag-a-apply.

Next slide, please. As for AstraZeneca, after a thorough review of the currently available data by our medical and regulatory experts, the FDA is granting an Emergency Use Authorization to the COVID-19 Vaccine AstraZeneca. It is decided that all conditions for an EUA are present, iyon pong mga nabanggit natin na required conditions one, two and three; and that the benefit of using the vaccine outweighs the known and potential risks.

The interim data from the ongoing Phase 3 trials when taken in its entirety show that the vaccine has an efficacy of 70% after the first dose. The vaccine regimen consists of two equal standard doses of .5 ml each given four to 12 weeks apart. So kapag binakunahan po tayo ngayon, ang second dose po ay maaaring ibigay anytime four to 12 weeks after the first vaccine.

The longer interval between the two doses was deemed responsible for the higher immunogenicity in the group that was given the lower first dose doon po sa kanilang trial. So ang approved po natin is the same standard dose, two doses, four to 12 weeks apart.

The adverse events reported were transient and mostly mild to moderate, similar to common vaccine reactions. No specific safety concerns were identified and of course, it must be noted, this reflects limited follow up. And possible na more adverse events may emerge that’s why close monitoring and surveillance is needed after immunization. And these are the salient points of the EUA that was granted. Can we have the next slide, please?

First of all, we have to clarify that the EUA is not a marketing authorization ‘no. It’s not a certificate of product registration. Therefore, the EUA cannot be used as an authorization to market the vaccine commercially.

Next slide, please. The AstraZeneca Pharmaceutical shall supply the COVID-19 Vaccine AstraZeneca only to emergency responders ‘no and consistent with the conditions of this EUA. So maaari po silang magbenta sa Department of Health or the National Task Force or whoever the DOH and NTF designate as authorized to procure COVID-19 vaccines such as LGUs, public and private hospitals and other partners of the Department of Health and NTF.

The COVID-19 Vaccine AstraZeneca shall be only administered by vaccine providers designated by the DOH at gagamitin lamang po siya kontra sa COVID-19; wala po siyang ibang indication. Next slide, please.

Of course, in the absence of an agreement with the DOH or NTF, AstraZeneca will provide the appropriate cold chain requirements pero maaari po nilang i-share ang responsibility nito sa kung sino ang magpu-procure ng kanilang bakuna katulad ng DOH at ng LGU. There should be a system of monitoring to assure traceability of the vaccine and that it is kept consistent with the manufacturing requirements and logistical requirements.

For pharmacovigilance, there must be a comprehensive pharmacovigilance system. So, ito po iyong lagi nating sinasabi because these are products that are still under development and given Emergency Use Authorization, very important ang close surveillance and monitoring. So, the company – AstraZeneca, will be working with the Department of Health, the FDA, the epidemiology bureau, and of course the surveillance system that being set-up by the vaccination program to assure that all adverse events are reported so that we can monitor them very closely.

So, ito po ang mga vaccination providers. Ito po ang magiging mga kondisyon sa atin ng mga magbabakuna:

  1. It must be administered in accordance with the EUA and all vaccinators must participate and comply with the training required by the DOH and the vaccination program. So, kailangan po iyan lahat trained ang vaccinators natin;
  2. We have to provide fact sheets. May information sheet na dapat ibibigay sa tao bago siya bakunahan na mababasa niya and this is going to be available online. Madali po iyang makita bago bakunahan at kailangan magbigay po ng schedule ng second dose kapag ibinigay ang first dose;
  3. We need to obtain written informed consent from the recipient. So, hindi po maaaring bakunahan nang labag sa loob. Kailangan po papayag ang babakunahan at mayroon siyang written informed consent;
  4. And of course as we vaccinators, we have to report any adverse events following immunization directly to FDA, through the LGU, to DOH, puwede rin po sa company sa AstraZeneca and then AstraZeneca will report to us.

So, the validity of the EUA is only within the duration of the declared public health emergency due to COVID-19 or upon marketing authorization or kapag nakakuha na po ng full [unclear] itong bakuna na ito.

So, maraming salamat po. In summary, we now have two vaccines that have been given Emergency Use Authorization by the FDA and that is Pfizer – BioNTech COVID-19 vaccine and now the COVID-19 vaccine AstraZeneca.

Maraming salamat po.

SEC. ANDANAR: Okay. Ulitin po natin, Director General, iyong efficacy rate ng AstraZeneca vaccine and secondly, ito po ba, itong AstraZeneca vaccine na ito, ito na po ba ang isa sa mga vaccines na bibilhin ng ating pamahalaan, based on your information?

FDA DG USEC. DOMINGO: Well, Sec. Martin, iyong kaniyang efficacy rate after the first dose is 70% at tumataas ito after bigyan ng second dose pero iyon nga, depende rin doon sa length of time kung kailan ibinigay iyong second dose. And this is still part of the ongoing clinical trial phase 3 data that we will be getting from AstraZeneca. But we know that after the first dose, the efficacy is at least 70%.

At dahil nga po may EUA na siya, maaari na rin po siyang gamitin ng ating pamahalaan. Natatandaan natin na ito iyong marami rin pong local government units na nakikipag-tripartite agreement with government and AstraZeneca for them to be able to access this vaccine.

The advantage of this vaccine is that it is stored at two degrees to eight degrees, so hindi po siya masyadong maselan and mas madali po siyang i-transport at saka i-store sa lugar po ng pagbabakunahan.

SEC. ANDANAR: Doc, mayroon pong iba’t ibang mga paliwanag. For example, efficacy rate – 70% na nangangahulugan na hindi ka mahahawa noong COVID-19 at 70% chances na hindi ka mahahawa but at the same time eh mayroon din po iyong component na hindi ka madadala sa ICU. Puwede mo po bang ipaliwanag sa ating mga kababayan, kasi magkaiba po iyong mahawa at magkaiba rin po iyong kapag nahawa ka ay madadala ka sa ICU?

FDA DG USEC. DOMINGO: Oo, totoo iyon, Sec. Martin ‘no. In fact, iyong data naman ng AstraZeneca shows that it is very good in preventing severe COVID-19, halos 100% din. Kaya lang siyempre medyo maliit pa iyong datos nila at maa-update pa iyan as we get more data on the people who are included in the clinical trial.

The 70% efficacy rate in preventing COVID-19, it was found out that those who did get COVID-19 have mild to moderate illness at halos complete din niya iyong—so far, with the data that they have, with the limited data, it has a very good protection against severe COVID. Ibig pong sabihin, kahit iyong mga nagkasakit hindi grabe iyong kanilang nagiging sakit na COVID.

SEC. ANDANAR: Salamat po sa pagpapaliwanag, Doc. Talagang mahalaga po iyan na malaman ng mga kababayan natin ang pagkakaiba ng efficacy at pagkakaiba rin ng gamot na ikaw ay maaaring madala sa ICU dahil puwedeng maging severe.

Ngayon po, may katanungan po sa inyo ang ating mga kasamahan sa media. Please go ahead, Usec. Rocky.

USEC. IGNACIO: Salamat, Secretary Martin. Usec., mayroon pong tanong mula po kay Red Mendoza ng Manila Times: Ano po ang reaction ninyo sa gusto ng dalawang congressman na imbestigahan ang FDA tungkol sa diumano ay donasyon ng Bloomberg para maimpluwensiyahan ang tobacco control policy ng Pilipinas?

FDA DG USEC. DOMINGO: Ano po iyon, I think that was a cooperation project. Ang FDA po ay maaaring tumanggap ng funding for projects. So wala naman pong problema iyon. Actually, sinagot na rin namin iyong Kongreso telling them na wala naman pong natanggap na pera ang mga tao dito but it was a program to help with the regulation of tobacco products kasi talagang enemy number one pa rin po talaga sa Pilipinas ang mga sakit na dulot po ng paninigarilyo.

USEC. IGNACIO: Mula pa rin po kay Red Mendoza ng Manila Times: May targeted date na po ba ang trials sa mga bakuna ng Janssen, Clover, at Sinovac?

FDA DG USEC. DOMINGO: Well, they can start anytime. Once they get the FDA approval, they can start anytime. Kaya lang it usually takes a few weeks for preparation ng site and of course before they start recruiting volunteers for the clinical trials. But I believed they will be starting very soon kasi alam ko nagri-ready na rin talaga sila sa mga hospitals.

USEC. IGNACIO: Tanong naman po mula kay Carolyn Bonquin ng CNN Philippines: Bakit daw po na-approve ang AstraZeneca? How safe and effective is it po? May reported adverse side effects po ba ito at paano daw po ito ima-manage?

FDA DG USEC. DOMINGO: Well, ang nakitang adverse effects niya are all very mild, very similar to getting any flu injection. Ang karamihan ay pananakit doon sa lugar ng injection, kaunting sinat, kaunting sakit ng ulo, that are all transient and easily managed.

So, wala siyang special na precautions up to date. Of course, as this is rolled out and being as it used in other countries and in the Philippines, then we might adjust and make some extra precautions. Pero at this time, wala siyang extra precaution dahil walang specific na safety concerns na na-identify.

USEC. IGNACIO: Tanong naman mula kay Michael Delizo ng ABS-CBN: Ano daw po ang tugon ng DOH, FDA sa panawagan ng BARMM na dapat halal ang bakuna kontra COVID-19 at ano-ano po ang bakuna na nasertipikahan nang halal?

FDA DG USEC. DOMINGO: Well, totoo po iyon. Nanghingi po kami ng sagot dito, ng information dito sa atin pong mga applicants. Well, ang sagot po number one, iyong Pfizer sabi nila they are still working on halal certification. Ito pong AstraZeneca, mayroon po silang certification na walang animal products or animal source na ginamit sa kanilang bakuna but I believed they’re still also working on a halal certification.

Sa mga aplikante po sa atin ngayon, ang halal certified actually is iyong Sinovac dahil ito po iyong ginagamit sa Indonesia and they got halal certification from Indonesia. Kaya lang ito nga po ay under evaluation pa po ng ating mga experts.

USEC. IGNACIO: [Inaudible] ng ABS-CBN: Ano daw po ang status ng mga natitirang nag-a-apply for EUA? Will they be approved in time for the shipment in February?

FDA DG USEC. DOMINGO: Well, it really depends on how quickly they can answer the questions. Like I said, iyon pong mga natitira natin wala pa po kasi silang EUA from stringent or reference regulatory authority, so medyo mas masusi po iyong ating pag-aaral at iyong kanilang mga datos hindi po published in Philippine journals.

So our experts are closely looking at the information at the data that we have presented and depending po sa question and answer nila kung gaano kabilis sila sumagot at magpadala sa atin ng requirements, ganoon din po kabilis matatapos iyong ating evaluation.

So ang pending po talaga is Sinovac and iyon pong sa Sputnik, iyong Gamaleya. We’re still asking for some clarificatory statements from them and some more documents.

USEC. IGNACIO: Opo. Tanong pa rin mula kay Kristine: May bago ba po daw nag-a-apply for EUA or clinical trial?

FDA DIR. GEN. DOMINGO: Sa clinical trials po, wala. Ang ini-expect po natin na baka susunod na mag-apply is the solidarity trial ng WHO.

Sa EUA naman po, ang pinakahuli talagang nag-apply ay iyong Bharat Biotect pero hindi pa po sila nagpapadala ng kanilang phase 3 trial data so we cannot start the evaluation until we get that.

USEC. IGNACIO: Opo. May clarification naman po si Joseph Morong ng GMA-7. Iyong sa EUA, hindi po ba ibig sabihin niyan puwede na siyang mabili sa market. If may nagbibenta, bawal po ba daw?

FDA DIR. GEN. DOMINGO: Hindi po siya puwedeng mabili sa market. So ang Emergency Use Authorization is not a marketing authorization. It’s not a certificate of product registration so hindi pa registered or licensed ang mga produktong ito, pinapayagan lang natin gamitin on an emergency use basis sa programa po ng pamahalaan na para magbakuna during the COVID-19 pandemic. So lahat lamang po ay maaring ibenta through the DOH-NTF; of course kung mag-designate po ang DOH at NTF ng partners nila like LGUs, maari din po silang maka-access. Pero hindi po siya maaaring ibenta sa botika, sa mga clinics, sa mga ospital.

USEC. IGNACIO: Opo. Follow up po ni Joseph Morong: Do we know when AstraZeneca will be able to deliver vaccines to the Philippines if ever?

FDA DIR. GEN. DOMINGO: Well iyon po, depende iyan sa mga negotiations nila with… sila Sec. Charlie ‘no. I believe sila Sec. Charlie naman are asking for access as early as possible and possible directly to them or through the COVAX Facility ng WHO.

USEC. IGNACIO: Opo. Second question po niya: If we can rank daw po the vaccines according to efficacy as reviewed by the FDA, would you have the ranking?

FDA DIR. GEN. DOMINGO: Well as of now, dadalawa pa lamang naman po ang approved natin ‘no – iyong Pfizer vaccine and ito pong ating AstraZeneca. And Pfizer, iyong kanila pong phase 3 interim trial show a 95% efficacy in preventing COVID-19. Iyon naman pong sa AstraZeneca, ang nakita natin is after the first dose they have a 70% efficacy of preventing COVID-19.

USEC. IGNACIO: Opo. Mula naman po kay Greg Gregorio ng TV-5: With the announced 70% of efficacy of AstraZeneca’s vaccine, does it mean that the initial reported 90% efficacy of their vaccine with another foreign regimen has been disregarded already? I mean, dosing regimen.

FDA DIR. GEN. DOMINGO: Well no, ‘no. I think we can get more data on that as the clinical trials are completed. So kaya nga sinasabi natin 70% after the first dose, that one we know, and we know that it will go up ‘no after you give the second dose. Kaya lang kasi nga tuluy-tuloy pa iyong clinical trials and we’ll probably get more information on that. But like I said, the current thinking now is that it’s not because of the half dose and standard dose or standard dose regimen, more of the time difference between the first dose and the second dose.

USEC. IGNACIO: Opo. May pahabol na tanong si Carolyn Bonquin: Sino lang daw po ang puwedeng tumanggap ng AstraZeneca? Ano po ang limitations? Puwede po ba ito sa bata, sa buntis, sa may sakit?

FDA DIR. GEN. DOMINGO: Yeah. I’m sorry, hindi ko nabasa kanina ‘no. It is ano—the COVID-19 AstraZeneca Vaccine is authorized for use in people 18 years and older. So mas mataas po nang konti iyong kaniyang age limit ‘no, 18 years and above. And iyong sa buntis, the WHO until now does not recommend the routine vaccination of pregnant women until we get further data. So ‘pag po buntis, kailangan magpa-check-up sa doktor nila at titingnan kung maaari silang bigyan ng bakuna. And there possible considerations like kung frontline workers sila or mataas ang possible exposure nila to COVID-19. But routinely, hindi pa rin po kasama ang buntis.

USEC. IGNACIO: Okay. Maraming salamat po. Ano na lamang po ang inyong mensahe sa ating mga kababayan, Usec. Eric Domingo?

FDA DIR. GEN. DOMINGO: Alam po ninyo ang FDA naman is working constantly and thoroughly to make sure that we assess every product that wants to gain access to our market and to be used in our programs and we’re doing it as quickly as we can ‘no. Huwag po kayong mag-aalala, talaga pong susuriin natin po lahat iyan ‘no ng ating opisina at lahat po ng ating mga eksperto to make sure na before we allow any vaccine to be used at maineksiyon po sa milyung-milyong Pilipino eh mayroon po tayong assurance ng kaniyang safety and efficacy. Maraming salamat po.

USEC. IGNACIO: Maraming salamat po sa inyong update, Director General Eric Domingo.

Tiyak isa po sa madalas ninyong naririnig ang salitang ‘vaccine cold chain’ – ito po ay pagsiguro sa kalidad ng bakuna simula nang ito ay ginawa hanggang madala sa mga komunidad. Ang mga bakuna po kasi ay isang biological product, kung hindi po mapapanatili ang tamang temperatura na required sa pag-imbak at pag-deliver ng mga bakuna, maari pong makaapekto sa pagiging epektibo nito.

Ang balak po ng ating gobyerno mula sa national central cold storage, dadalhin po ang bakuna sa mga regional hub centers for health development or regional DOH office sa mga napiling probinsya at siyudad na may direct flight. Mula roon dadalhin naman ang bakuna papunta sa mga probinsya at siyudad o sa mga napiling vaccination sites.

SEC. ANDANAR: Ang mga bakuna naman para sa mga rehiyon ng Visayas, Mindanao at piling probinsya sa Luzon ay dadalhin po ng eroplano. Habang ang mga natitirang lugar sa Luzon ay dadalhin naman ng mga refrigerated vans. Tandaan, may iba’t ibang temperature requirement ang bawat vaccine kaya kailangan makipag-ugnayan ang mga lokal na pamahalaan sa mga local DOH offices para masuri ang kapasidad nila para sa COVID cold chain. Puwedeng bumili ang mga LGUs ng freezer or refrigerator kung kinakailangan.

Muli, iba ang may alam. Maging BIDAsolusyon – alamin ang mga tama at totoong impormasyon kaugnay sa COVID-19 vaccines.

USEC. IGNACIO: Para po sa ating unang balita: Mga residente sa malalayong lugar, pinatitiyak na maabot rin ng vaccine rollout ng pamahalaan. Narito po ang report:

[NEWS REPORT]

SEC. ANDANAR: Sa patuloy na pagtaas ng presyo ng mga bilihin, posible rin bang magkaroon ng dagdag sa sahod ng mga manggagawa, makakausap po natin diyan si DOLE Secretary Silvestre Bello III. Welcome back sa programa, Sec. Bebot.

Sec. Bebot, taasan daw po ang minimum wage – iyan ang hiling ng mga maraming manggagawa lalo na ngayong mataas ang mga bilihin. Ano po ang inyong masasabi tungkol dito?

SEC. BELLO: Alam mo, Sec. Martin, unang-una iyong petisyon for increase ay hindi pa naman umaabot sa amin. Ang nalaman lang namin iyong sa radio, sa TV na mayroong panawagan. Kung gusto po nila ng pag-increase ng minimum wage, kailangan may petition iyan. Pero having said that, Sec. Martin, alam mo ang unang-unang malaman ng ating mga empleyado, ang nagsi-set ng minimum wage ay ang Kongreso. That is within the authority of Congress. Now, assuming that they will file a petition for increase, siyempre tatanungin kami and then siyempre kami naman we have to consider so many things. Unang-una we have to balance the interest of the workers with that of the employers. Kasi sa ngayong panahon ng pandemya, Sec. Martin, ang tingin namin sa mga workers, mas importante iyong kanilang status of employment, mas mahalaga sa kanila na hindi nawawala iyong kanilang status as employees.

Now, if we will grant or recommend the approval of the petition na tataasan iyong suweldo from P537 to P700 or P750, baka hindi makayanan ng mga employers. In fact, Mr. Sergio Luis, the President of ECOP has already come up with a statement na baka hindi makayanan especially noong mga micro, small and medium businessmen. Baka ang mangyayari niyan, kapag tinaasan iyan, they will be compelled to close shop. Kapag nag-close shop iyan mawawalan ng trabaho iyong ating mga workers, which is a worse situation.

Kaya kailangan talaga pag-aralan nating mabuti before we make any drastic move. Kailangan dito masusing pag-aaral. Can the employers afford it, if they can, then by all means we will recommend, we will adopt it, the petition of the workers. But if they cannot, then we have to be very careful, otherwise, we will again increase the unemployment rate and that is the worst situation as far as our employees are concerned.

Sa kanila kasi ang mahalaga, hindi sila mawalan ng trabaho. That is why, Sec. Martin, if you recall, we came up with an advisory where we proposed a flexible working arrangement. Kinausap namin iyong mga employers, sabi namin alam namin na medyo mahina ang negosyo ninyo, medyo hindi umaangat iyong operation ninyo, pero pakiusap namin na sa halip na magtanggal kayo ng mga workers ninyo, puwede ba, you resort to what we call a flexible working arrangement where the worker is still maintained as worker, but he will be given only a fewer hours of work. So, instead of five days a week, magiging two or three days a week, oh mababawasan ang trabaho, mababawasan ang kita, pero empleyado pa rin siya.

And fortunately, ang ating mga employers agreed to that proposal. So many, na hindi naman nawalan ng trabaho pero, nabawasan ng kita. And there are about siguro almost 2 million of our workers who became the subject of this flexible working arrangement.

SEC. ANDANAR: Sec., ano po ang inyong take na buwagin na ang Regional Wage Board, since ang cost of living sa Metro Manila ay di naman nalalayo sa mga probinsiya and instead, gawin na lang daw itong industry based?

SEC. BELLO: Well, mahirap din iyang proposal na iyan, Sec. Martin, kasi while they may be correct na hindi nagkakalayo, very volatile iyong situation ng ating ekonomiya in every region. That is why we have this Regional Wage Board and in this wage board mayroon tayong tripartite council na they are involved in assessing the economic situation in every region. Iyan ang mahirap, iyan ang pinakamahirap na gawin – how they will continuously assess the economic situation, iyong prices, iyong availability of employment – pinag-aaralang mabuti iyan. Kung alisin mo iyan, baka mawalan tayo ng proseso and that is very dangerous when it comes to the fixing of the minimum wage.

SEC. ANDANAR: Tungkol naman po sa mga kababayan natin sa ibang bansa. May balita na po ba kayo kung ilang Pilipino migrant workers na po ang napabakunahan sa ibang bansa at kumusta po ang kanilang kalagayan?

SEC. BELLO: Alam mo, Sec. Martin, nalaman namin iyan, alam mo kasi noong nagkaroon ng pandemya, marami sa ating mga kababayan ang nawalan ng trabaho, humiling sila na ma-repatriate. So, of the about 500,000 na humiling ng repatriation, may umatras na mga 60,000 and they gave us a reason na umatras na sila, hindi na sila nagpapa-repatriate dahil nabakunahan sila. So there were about more or less 50,000 to 60,000 of our countrymen na nabakunahan na. So, not to mention iyong mga usual na mga frontliners natin sa England and Germany na talagang sila naman ang inuuna, dahil sila ang pinaka-precious workers in those countries. So mga ganoon, mga 50,000 to 60,000 ang nabakunahan na sa ating mga kababayan.

SEC. ANDANAR: Okay, tungkol sa naiulat na mga biktima ng human trafficking sa Syria na hindi daw po naging maganda ang trato sa ating embahada, ano po ang nangyari sa shelter?

SEC. BELLO: Sec. Martin, ayaw kong mag-comment diyan dahil unang-una wala po kaming opisina diyan at iyan po ay responsibility ng other agencies and I don’t want to comment about it. But I am sure that the agency charged with attending to them is taking care of them. And we are also coordinating in the sense that inalam namin kung sino iyong mga agencies na nag-deploy sa kanila dahil iyon ang pananagutin namin, sila ang mananagot sa nangyari sa ating mga kababayan. Iyon lang ang maitutulong namin diyan, Sec. Martin.

SEC. ANDANAR: So, wala pa po kayong nakakausap na mga kababayan natin doon tungkol sa kanilang pinagdaraanan or mayroon na po ba kayong naka-assign na Undersecretary sa area na iyan?

SEC. BELLO: Sec. Martin, kagaya ng sinabi ko, wala po kaming opisina diyan at hindi po talaga namin malaman kung ano ang nangyayari sa kanila. Pero kagaya ng sinabi ko, iyong mga iyon, kapag nalaman namin kung sino ang nag-deploy sa kanila, iyon ang hahabulin namin. Pero mayroon namang agency of government that is attending to their needs, especially iyong mga victims of abuses.

SEC. ANDANAR: Okay. Sa ibang balita po naman ay winaive (waived) na po ng DOLE ang penalties para sa mga alien employment permit o iyong dokumentong nagbibigay ng otoridad sa mga banyaga na makapaghanapbuhay sa bansa. Sinu-sino lamang po ba ang sakop nito at ano naman ang ginagawa ninyo para hindi ito maabuso ng mga illegal aliens?

SEC. BELLO: Actually, Sec. Martin, ang winaive namin iyong ano—kasi kung nag-end iyong term ng AEP mo dapat may penalty ka, so sabi namin, hindi na, you just renew your AEP. We will no longer imposed any penalties, but you still have to renew iyong Alien Employment Certificate. So iyon ang winaive namin iyong penalty for late renewal.

SEC. ANDANAR: Ito naman pong right to disconnect ng ating mga manggagawa, may batas po ba talaga tungkol dito, Sec.; at paano nila mailalaban ang karapatan nila sa kanilang employer?

SEC. BELLO: Anong right to disconnect, Sec. Martin?

SEC. ANDANAR: Iyong right po ng empleyado na kumalas na kaniyang employer. Mayroon po bang ganitong batas, iyon po ang katanungan?

SEC. BELLO: Sec. Martin, hindi kailangan ng batas diyan. Once an employee wants to resign, he can just resign, walang penalty diyan. You cannot force a person to work for you if you he does want any more to work for you.

Ang mayroong requirement kung iyong employer ay mag-terminate ng worker, iyon kailangan may notice. They have to file a notice with that one month before the effectivity of the termination and in the notice they have to tell us, why. Para malaman namin kung legal o illegal iyong termination. Pero iyong resignation, any worker can resign anytime.

SEC. ANDANAR: Alright, mayroon pong pahabol na tanong dito. Regarding po ito sa working hours, Secretary, kung saan hindi po puwedeng madistorbo iyong ating mga manggagawa. Ano po ang kanilang mga karapatan pagdating po sa working hours at hours po na magpahinga; ilang oras lang po ba ang inilalaan ng mga employers para magpahinga ang ating mga kababayan doon sa abroad?

SEC. BELLO: Actually, Sec. Martin, ang working hours natin is eight hours a day, that is from 8 to 5. If you work beyond that, they you are entitled to overtime pay. Pero mayroon din naman akong nabanggit kanina about iyong flexible working arrangement na pinayagan, nag-agree naman ang mga employees na na-reduce iyong working hours nila from let’s say from eight hours naging let say mga… instead of 40 hours a week, naging 30 or 20 hours a week. This is what we call iyong ‘flexible working arrangement’ and this was agreed upon between the employer and the employee.

This is to prevent iyong loss of status of unemployment. Kasi dahil sa hirap ng negosyo, gusto mag-terminate iyong employers, sabi namin, huwag naman kayong mag-terminate, bawasan na lang ninyo iyong working hours nila, mabawasan ng suweldo, pero empleyado pa rin sila, nagkaroon naman ng consensus, so we have a situation where workers are still employed but they are under a flexible working arrangement.

SEC. ANDANAR: Salamat po, Secretary Bebot. Talagang marami po kayong dapat na mga batas na dapat baguhin at siguro dapat kayo ay mailagay sa Senado, para… kasi talagang nagbago po talaga ang ating working hours, nagbago po talaga iyong ating paradigm pagdating sa trabaho lalung-lalo na during the lockdown na we realized na maraming puwedeng baguhin sa ating mga batas lalo na patungkol sa working hours, because as you see, I am now talking to you, I’m working from home and you are working from your office, hindi mo na kailangang magpunta sa studio, iyong ating mga cameraman, puwede ring magtrabaho remotely. So things have really changed not only one industry, but I guess the entire industry. So, siguro iyan ay dapat balangkasin sa Kongreso at sa Senado. And I hope that you make it to the Senate. Salamat po.

SEC. BELLO: Tama kayo diyan, Sec. Martin. Talaga iyan, in fact, kakabanggit mo lang iyong work from home, that is also another form of the flexible working arrangement. May mga iba diyan, let’s say si Juan Dela Cruz ngayong week na ito siya ang magtrabaho, next week hindi na muna siya magtrabaho si Maria Dela Cruz naman ang magtrabaho, ganoon. At least ang maganda dito ay pumayag ang ating mga workers, pumayag ang ating employers, so hindi nagkaroon ng unemployment. And that to me is the most important to our employees.

SEC. ANDANAR: Mabuhay po kayo, Sec. Bebot Bello. Salamat po!

SEC. BELLO: Kayo ang dapat mag-senador.

USEC. IGNACIO: Salamat po, Secretary Bello. Patuloy po ang pamamahagi ng tanggapan ni Senator Bong Go ng tulong sa mga kababayan nating biktima ng kalamidad. Kamakailan po ay namahagi ang kaniyang team ng ayuda sa mga taga-Northern Samar na naapektuhan ng bagyong Quinta noong nakaraang taon. Panuorin po natin ito:

(VTR)

SEC. ANDANAR: Tunghayan po natin ang pinakahuling ulat mula sa iba’t ibang lalawigan sa bansa, makakasama natin si Czarina Lusuegro mula sa Philippine Broadcasting Service.

(NEWS REPORTING)

SEC. ANDANAR: Maraming salamat Czarina Lusuegro mula sa Philippine Broadcasting Service.

USEC. IGNACIO: Puntahan naman natin si Alah Sungduan mula sa PTV-Cordillera.

(NEWS REPORTING)

USEC. IGNACIO: Maraming salamat Alah Sungduan.

SEC. ANDANAR: Mula naman sa PTV-Cebu, may ulat si John Aria, John?

(NEWS REPORTING)

SEC. ANDANAR: Salamat, John Aroa.

USEC. IGNACIO: Magtungo naman tayo sa Davao, hatid ni Regine Lanuza at pinakahuling balita doon. Regine?

(NEWS REPORTING)

USEC. IGNACIO: Maraming salamat sa iyo, Regine Lanuza.

Dumako po muna tayo sa pinakahuling tala ng COVID-19 cases sa buong bansa. Base po sa report ng Department of Health kahapon, January 27, 2021, umabot na sa 518,407 ang total number of confirmed cases matapos maitala ang 2,245 new COVID-19 cases kahapon. Huling nakapagtala ng ganitong karaming kaso sa isang araw ay noon pang Nobyembre 2020. 95 na katao naman po ang bagong bilang ng mga nasawi, kaya umabot na sa 10,481 cases ang kabuuang bilang ng COVID19 deaths sa ating bansa. Ngunit patuloy rin naman po ang pagdami ng mga nakaka-recover na umakyat na sa 475,542. Ang kabuuang total ng ating active cases ay 32,384.

SEC. ANDANAR: At iyan ang mga balitang aming nakalap ngayong araw. Ang Public Briefing ay hatid sa inyo ng iba’t ibang sangay ng PCOO sa pakikipagtulungan ng Department of Health at kaisa ng Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas o KBP.

USEC. IGNACIO: Asahan ninyo ang aming patuloy na pagbibigay impormasyon kaugnay sa ating laban sa COVID-19 pandemic. Maraming salamat din po sa Filipino Sign Language Access Team for COVID-19. Ako po si Usec. Rocky Ignacio.

SEC. ANDANAR: Mula sa bumubuo ng Presidential Communications Operations Office, Maraming salamat po sa pagtutok. Ako is Secretary Martin Andanar at ito ang Public Briefing #LagingHandaPH.

##

Source: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)