USEC. IGNACIO: Magandang umaga, Pilipinas. Ngayon ay a-trenta ng Enero, muli ninyo kaming samahan sa isang oras na siksik sa makabuluhang impormasyon. Good morning, Aljo.
BENDIJO: Good morning Usec. At tayo po ay makibalita sa mga kinatawan ng mga ahensiya ng gobyerno tungkol pa rin sa napapanahong usapin ng bayan; ako po si Aljo Bendijo.
USEC. IGNACIO: Mula naman sa PCOO, sa ngalan ni Secretary Martin Andanar, ako naman po ang inyong lingkod, Usec. Rocky Ignacio at ito po ang Public Briefing #LagingHandaPH.
Maya-maya lamang po makakasama natin sa programa sina DENR Undersecretary Benny Antiporda; Iloilo City Mayor Jerry Treñas; Passi City, Iloilo Province Mayor Stephen Palmares; at DOH Undersecretary Maria Rosario Vergeire.
BENDIJO: At samantala kung mayroon kayong mga katanungan, mag-comment lamang sa live streaming ng ating programa sa PTV Facebook page at YouTube account.
USEC. IGNACIO: At sa ating unang balita ngayong Sabado: Parusa sa mga lalabag sa health and safety protocols na ipinatutupad ng IATF, walang papaboran kahit pa nasa awtoridad. Kaya naman pinaalalahanan muli ang lahat na sumunod sa mga minimum health standards. Narito ang report:
[NEWS REPORT]
USEC. IGNACIO: Ang face mask at face shield na ginagamit para iwas hawahan sa COVID-19 ay maari ring magbigay perhuwisyo at banta sa kalusugan kung hindi po ito mailalagay sa tamang tapunan. Kaya naman ang DENR may mga hakbang upang matugunan ang problemang iyan, makakausap po natin si DENR Undersecretary Benny Antiporda. Good morning, Usec.
DENR USEC. ANTIPORDA: Good morning Usec. Rocky and good morning Aljo. Magandang umaga rin po sa ating mga tagapanuod.
USEC. IGNACIO: Opo. Usec., may tala po ba kayo kung gaano karaming face mask, face shield at iba pa pong medical supplies iyong nakolekta last year simula ng pandemya at gaano po karami diyan iyong hindi natatapon nang tama?
DENR USEC. ANTIPORDA: Well, medyo malaki po iyong lumabas na numero ‘no. Iyong sinabi po ng ADB kung bibigay din po natin numero natin, baka ho magkaroon pa ng ika nga eh pagtatalunan. But again medyo tumaas po ang numero niya when it comes to this household healthcare waste na hindi po natin expected na will end up in our doorsteps ‘no.
But again the DENR is doing its best ‘no para ho ma-assure iyong tao dito sa objective po ng face mask. Alam naman po natin face mask, face shield, iyan pong gloves na iyan – these are all being used ‘no to protect lives. So iyon po ‘yung main objective niya and yet pagkarating po sa disposal eh nadi-defeat po iyong purpose niya dahil sa indiscriminate na pagtatapon na ito ‘no.
Immediately we came up with the yellow bin kung saan ho ipamimigay po ito sa bawat barangay. Kahit paano tig-isa po kada isang barangay ang bibigyan natin para ho masigurong mayroon lang sign kung saan po nila itatapon ito pong kanilang mga household healthcare waste ano po. Hindi po ito hospital waste, ito po ay household healthcare waste na ginagamit po natin sa araw-araw.
Ito po ay—kapag pira-piraso lang po iyong itatapon, sa loob po natin ng bin ilalagay. Kapag nakabalot naman po iyan at naipon na po sa ating mga bahay, ilagay po sa isang maayos na sisidlan at ito po ay i-seal nang maayos then ilagay po sa tabi noong yellow trash bin para ho kapag dinaanan na po iyan ng atin pong truck ng basura, iyong atin pong garbage collector, alam po nila na suspected contaminated waste po iyan ano ho. Hindi ho iyan iyong ipaghahalo po natin kapag nagtapon po tayo ng household waste eh kasabay po iyan, eh nilalagay po natin sa alanganin naman iyong buhay po ng ating mga kolektor ng basura.
USEC. IGNACIO: Opo. Usec., ano ang magiging proseso nito na sinasabi mong yellow bin na iyan? Kailan ipatutupad ito at ano iyong koordinasyon ninyo sa LGU, Usec.?
DENR USEC. ANTIPORDA: Well we started already last December, namigay na po kami sa Manila but ito po ay pilot project pa lang po, isandaang piraso pa lang po iyong naipamigay. Within this February pina-fast track po natin iyong another 1,600 and tuluy-tuloy na po iyan, palaki nang palaki po numero niyan dahil nakita na po natin iyong pangangailangan ng ating bayan ano po.
Again medyo hirap po tayo sa pondo and of course alam naman natin kadalasan the last and the least priority po pagkarating sa basura ano. Iyon po ang style po ng atin pong bayan pero kinukuha na po natin ang atensiyon ng lahat, ng ating local government units and of course we will be meeting with DILG and MMDA also to seek for their assistance para naman ho sa mga LGU na hindi naman po lahat iyan mabibigyan natin, 1 is to 1 ano po, sa dami po ng mga barangays natin.
Ang gagawin lang po natin is makikiusap din po tayo na i-compensate po iyong atin pong gagawing mga proyekto para once and for all ma-address na po itong household healthcare waste na ito.
USEC. IGNACIO: Opo. Kasi Usec. napansin ko rin ano, siguro puwede rin po sa mga mall iyan ano kasi minsan ‘pag pupunta ka sa restaurant, magugulat ka na mayroon sa sahig na face mask, nakakalat. So nakakailang talaga na may ganoong sitwasyon na makikita ka so ia-advice mo na lang iyong may-ari noong restaurant. So ano po iyong pupuwedeng gawin dito, Usec.?
DENR USEC. ANTIPORDA: Well basically ito naman po sa mga business establishments, they need to come up with their own disposal areas of household healthcare waste ‘no. Pero ito naman po sa ating mga barangays ‘no eh susuportahan po sila ng national government ‘no. But dito naman ho sa mga private, I don’t think magkakaroon po ng problema diyan. Very cooperative naman po sila when it comes to health protocol naman din po na kailangan itong gagawin nating ito eh maisama rin siya sa health protocol natin para hindi ma-defeat iyong purpose na proteksiyunan ang buhay ng tao.
USEC. IGNACIO: Opo. Tama po iyan Usec. Kasi halimbawa ako, pupunta ako sa mall at kailangan kong itapon iyong face mask ko at kailangan kong magpalit, at least ‘pag nakita ko iyong yellow bin, doon ko talaga ilalagay ano po?
DENR USEC. ANTIPORDA: Tama po kayo diyan. And at the same time sasabihin po nila na, “Barangay… ilalagay mo sa barangay iyan, eh sa dami ng basura namin hindi naman kakasya diyan.” Hindi po kalakihan ang bin natin. Again, this will only serve as a sign na doon po natin iipunin itong mga nakabalot na at na-segregate natin na household healthcare waste para naman po maproteksiyunan natin ang buhay naman po noong mga pi-pickup po ng ating mga basura.
USEC. IGNACIO: Opo. Speaking of pag-segregate ano po. Ano naman po iyong assessment ninyo sa compliance ng mga LGUs patungkol diyan?
DENR USEC. ANTIPORDA: Well as of now when it comes to the segregation, because of the support of the national government on the material recovery facility, makikita naman po natin iyon pong recyclables eh talagang nasi-segregate ‘no; but sad to say, iyon po ‘yung nadoktrina sa utak po ng ating mga kababayan at nakalimutan po iyong segregation ng residual at noon pong biodegradable.
Yes indeed, there are local governments also na talagang strictly enforced iyong mga leftover foods nakahiwalay. But sad to say here in NCR, here in Quezon City nga po makikita natin na kapag hiniwalay mo iyong leftover foods, iyong biodegradable and iyong residual eh sabay din po ibinabalibag sa truck.
So I don’t think that’s right, we will be meeting nga with the DILG and MMDA so mapag-uusapan na po ito, kung ano ba talaga ang malinaw na pinatutunguhan nitong biodegradable waste na until this very moment there is only one company that—kasi ho inipon namin lahat po ng sanitary landfill operators sa buong Pilipinas para ho suportahan iyong atin pong mga local governments in ceasing their operation on open dumpsite, eh nalaman po natin na dito po sa Maynila, tanging iyong ITM lamang po ang mayroong malinaw na pinatutunguhan iyong kanilang biodegradable waste. But sad to say na hindi pa rin siya enough na one is to one ‘no. Kung isang kilo iyong biodegradable waste, ipu-process siya into something useful just like iyong soil conditioner or fertilizer, hindi siya one is to one ‘no. So they only compost about 70 percent.
So ito po iyong lilinawin natin sa local government para mawala na ho iyong nuisance na iyan when it comes to sanitary landfills na sinasabing mabaho, iyan po iyong nagiging menace, iyong nagiging nuisance sa atin pong mga kababayan. Iyan po iyong ina-address po natin, iyong clear at source segregation. Nakikita ho natin kagaya rito po sa ating tinitirhan, dito po sa ating barangay, maayos po ang segregation namin dito but sad to say, kitang-kita namin, binabalibag sa truck nang sabay.
So again, we will look into this and if needed, we will file cases against them para ho magising na sila and telling them na hindi maaaring ilagay sa last priority ang solid waste management.
USEC. IGNACIO: Opo. Ang mahirap po diyan ay may mga LGUs na may open dumpsite pa rin na ipinagbabawal na. Kumusta po iyong crackdown ninyo sa mga dumpsite na ito, Usec.?
DENR USEC. ANTIPORDA: Well, as of the moment, we only have about 195 and still going down iyong numbers ‘no. Nag-umpisa po tayo last Monday, 233 po iyan; as of Tuesday, 195 na lang po. Looking forward iyong order ng ating butihing Kalihim Roy A. Cimatu na before matapos ang March kailangan po lahat ng open dumps ay sarado na.
And nothing to worry about naman po ang ating mga local government units, nakahanda naman pong sumuporta ang inyong DENR, national government, wherein we will be there beside you in implementing the safe closure and rehab and, at the same time, giving you the guidelines on how to come up with an RCA – the residual containment area. And if needed, we will bridge the PPP system in your municipality or city para ho iyong private sector ay maging efficient naman pagpasok diyan sa inyo, tumulong sa inyo, kayo naman ay maging episyente rin sa inyo kung ano iyong pinag-uusapan ninyo.
Alam ninyo ho, karamihan sa ating local government unit ay medyo ligaw po when it comes to sanitary landfill. Hindi po nila alam na maaari pa lang magbukas ng Category 1. Ang iniisip kaagad nila is iyong Category 4 na worth hundreds of millions ‘no. Eh hindi naman po kailangan ganoon.
But again, we need to abide by the rule of law which is indicated in RA 9003, and the National Solid Waste Management Commission also is there to guide you. So ito pong ginagawa natin, basically, we’re not giving the local government a hard time on this. Hindi ho namin sila pinahirapan. Ito po ay ginigising lang sila para sabihing nandito po ang inyong national government para alalayan kayo. Hindi ho namin kayo gustong kasuhan, hindi po namin kayo gustong pahirapan. Ang amin po is, tama na po itong iligal na ito, ano po. Ang RA 9003 ay nag-exist na po for 20 years. Anniversary po niya noong Martes, this Tuesday lang, 20 years na po siya eh ang masakit, hanggang ngayon ay may open dumpsite pa rin po na ipinagbabawal po ng batas.
So ngayon, ang atin po is, iyong PPP ay talagang ipu-push po namin dahil that is the only way para maging successful po ito dahil imagine kung pupondohan po ng national government ang lahat po ng sanitary landfill sa buong bansa, aba’y mauubos po ang pondo natin – at alam naman po natin na may problema pa tayo sa pandemya. Ang PPP po, kaya ho pinu-push namin, would you imagine kapag ho ito ay local government or government-operated sanitary landfill, kapag nasira po iyong ating backhoe o ang ating mga gamit doon, aba’y it will take us three months or four months for the procurement of the parts. Eh anong mangyayari? Masisira po iyong sanitary landfill and, again, it will go back to an open dumpsite. So iyon po ang ayaw naming payagan kung kaya’t ini-encourage po ng inyong lingkod na maging PPP ang operation po ng mga sanitary landfill sa buong bansa.
But if there’s an existing sanitary landfill already operated by the local government, so be it. But be sure that we abide by the rule of law na hindi naman siya sanitary landfill operating as open dumpsite. Iyon lang po. Salamat po.
USEC. IGNACIO: Opo. Usec., plano ng DENR na magsagawa ng public consultation kaugnay naman doon sa packaging ng ilang mga produkto lalo na po iyong single-use plastic. Kailan po ito balak at ano po iyong ilang mga puntong inaasahang mapag-uusapan?
DENR USEC. ANTIPORDA: Well, mayroon po, pinag-uusapan na po ito pong tinatawag na non-environmentally acceptable product. Ito po ay isinasaad din ng RA 9003 na within, I think six months or one year ‘no, ay kailangan magkaroon na ng NEAP ang National Solid Waste Management Commission. But sad to say, in 20 years, wala ho silang nailabas na NEAP. And ang inyong lingkod, umupo po tayo sa Solid Waste Management Commission, two years na po tayong nakaupo diyan. Nakita po natin ito kung kaya’t immediately ay binigay po natin sa DOST ang ilang mga produkto para pag-aralan at ideklara nang NEAP ito ng buong Commission ‘no. Sad to say, we’re encountering heavy resistance coming from the business sector, the recycling sector about this non-environmentally acceptable product.
But again, we will abide by the law and we will act on what RA 9003 is saying. Gagawin po namin iyan, ilalabas po namin iyan, magkakaroon po tayo ng public consultation on Monday, sa February 1. And on Tuesday, we will conduct an executive committee meeting about this, and of course, iku-convert na po natin, on the very same day, iku-convert na po natin ito into an en banc para ho once and for all ay mailabas na po iyong resulta niyan. Long overdue na po iyong NEAP na iyan and hindi po papayagan ng inyong lingkod na muli i-dribble na naman ito, at ang magiging kawawa na naman ay ang taumbayan na sumisigaw ng, “Tama na.” Kung alam nating makasisira sa ating kalikasan ay tama na.
We can only consider ‘no—ito pong mga madideklarang na mga NEAP wala naman pong maipag-aalala. Bakit po? We can reconsider ‘no the NEAP declaration if they will come up with their own retrieval scheme, their operation, iyong buy-back scheme nila. Dahil hindi po trabaho ng gobyerno na linisin iyong pinagkakitaan ninyo. Kumita na po kayo sa produkto ninyo, sa mga packaging ninyo, sa mga plastic na binenta ninyo. Hindi naman po trabaho ng gobyerno na linisin iyan at pahirapan ninyo ang taumbayan.
Now, kung kayo po ay mayroong malinaw na solusyon diyan sa gagawin ninyong problema, aba’y maaari pong i-reconsider din ng gobyerno ninyo na hindi kayo ideklarang NEAP.
USEC. IGNACIO: Opo. Usec., samantala, nagpatupad po ng suspension ang DENR sa ilang minahan po sa Cagayan kasunod po ng malawakang pagbaha doon noong Nobyembre 2020 o last year. Ano po iyong tinitingnang batayan ng DENR bago muling maibalik ang kanilang permit to operate?
DENR USEC. ANTIPORDA: Well, I’m sorry but the spokesman now of the DENR is Usec. Jonas Leones when it comes to these issues. But in his behalf, well, of course iyon pong environmental impact po ang tinitingnan talaga diyan ng ating departamento. And again, they can only be allowed operation again if magku-comply po sila sa lahat po ng requirements, hindi lang po ng Mines and Geosciences Bureau but ng Environmental Management Bureau.
USEC. IGNACIO: Opo. Usec., update na lang doon sa Cagayan River, ‘di ba kailangan iyong dredging? Kumusta na po ito, iyong rehabilitation plan para dito? Kasi ito iyong sinasabing pinagmumulan ng malawakang pagbaha.
DENR USEC. ANTIPORDA: Well, mag-uumpisa na po siya ng February 2. Magkakaroon po ng event ngayon diyan sa Cagayan na kung saan ipakikita po sa taumbayan ang mabilis na aksiyon ng administrasyong Rodrigo Roa Duterte tungo sa ikabubuti ng ating mga kapatid po diyan sa Cagayan na naging biktima po ng talagang napakagrabeng baha noon pong bumagyo. Ngayon po ay makikita ninyo, sabay-sabay na aayusin ang lahat po ng daluyan ng tubig diyan para masigurong hindi na po maulit ang sakunang nangyari.
USEC. IGNACIO: Opo, magandang balita nga po iyan. Antabayanan po namin iyan, Usec. Antiporda. Maraming salamat po sa inyong panahon, DENR Undersecretary Benny Antiporda.
DENR USEC. ANTIPORDA: Maraming salamat, Usec.
BENDIJO: Samantala, Senador Bong Go binisita ang Malasakit Center sa Dr. Fernando Duran, Sr. Memorial Hospital sa Sorsogon City upang kumustahin ang operasyon ng pasilidad at mag-abot na rin ng tulong sa ilang pasyente at mga frontliners. Bukod diyan, namahagi rin ng ayuda ang senador sa mga biktima ng Bagyong Tisoy sa nasabi ring lungsod. Panoorin natin ito:
[NEWS REPORT]
BENDIJO: Dako naman tayo sa Western Visayas kung saan ang ilang lokal na pamahalaan ay tuluy-tuloy ang paglaban pa rin sa COVID-19 at ang kanilang paghahanda sa paparating na bakuna. Sa Iloilo City nagsagawa na kamakailan ang LGU ng simulation test bilang paghahanda sa vaccine rollout. Iyan at iba pang sitwasyon sa siyudad ang ating aalamin mula mismo kay Mayor Jerry Treñas. Maayong aga, Mayor Jerry.
ILOILO MAYOR TREÑAS: Maayong aga rin Usec. at saka sa lahat na televiewers.
BENDIJO: Opo. This is Aljo Bendijo, Mayor, with Usec. Rocky. Mayor, kumusta po iyong simulation exercise ninyo ng COVID-19 diyan sa Iloilo para po sa vaccine rollout?
ILOILO MAYOR TREÑAS: Well, nag-simulation exercise tayo two days ago and ang lumabas na if we follow all the protocols, it will take us about 30 minutes before one person can get vaccinated. I want that time to be lowered to 15 minutes or at least 10 minutes so we are doing another simulation next week so that not only will our medical personnel be ready but even our compliance officers, our PNP and our barangay officials can be ready once the vaccines coming from AstraZeneca will come in.
We were told that the vaccines will be coming in by July of this year so we are getting ready. We also procured already vaccine refrigerators and vaccine freezers just in case we will be using Pfizer vaccines because this will need negative 80 degrees freezer.
I think we are doing well and I would also suggest to all the other LGUs to do simulation because when the vaccines come, we really have to be ready. We used flu vaccines which the city procured and it’s very timely because the simulation was almost realistic.
BENDIJO: Opo. Kamusta po ang sitwasyon ng ating mga frontliners diyan at iyong lugar na pagdadausan ng vaccination? Ito ba’y sapat at siyempre iyong ating mga senior citizen, ano po ang ating mga concrete strategies sa vaccination nila pati na mga PWDs diyan, Mayor Jerry?
ILOILO MAYOR TREÑAS: Ang ginawa namin, kinausap namin ang mga malaking unibersidad at saka mga eskuwelahan dito sa Iloilo City because these universities and colleges have sufficient covered spaces where the vaccination can be done. And we will have a special vaccination for the senior citizens and the PWD. We will make sure that it will not be difficult for them and we are also looking into pre-registration so that once the person comes in for his vaccination, it will be easier for him ‘no. We are also looking at a specific time for a specific number of people so that no one will be made to wait so long before the actual vaccination.
That is why as I have said, it is very important that simulations be made. We do the simulation and the following day we made a critique of the actual simulation that we did and then we will do another simulation until we will perfect this procedure. We all know that the presence of COVID-19 is already difficult; it will be very difficult if we get people together for so long and that is the reason why we are spending so much time and energy on this simulation.
BENDIJO: Opo. Iyan po ba ay aprubado, ang inyong plano sa vaccination aprubado ng IATF, Mayor?
ILOILO MAYOR TREÑAS: Alam mo kasama namin ang DOH sa simulation ‘no. We always work with the DOH, they are always with us and I am happy that they have been very helpful in all our undertakings ‘no. And I would like to thank also the national government, they sent us 800,000 plus face mask, cloth face mask which we will be distributing to our people starting next week. The national government has been very helpful in all our efforts and we are very thankful to them.
BENDIJO: Opo. Ilang bakuna po ba ang na-order ng lokal na pamahalaan po diyan at sana’y mapa-aga po ang dating ng mga bakuna. Tama ho ba, AstraZeneca na ngayon po may EUA na?
ILOILO CITY MAYOR TREÑAS: Ang na-order namin is about 600,000. That is about 70% of the population. But we want to get more because as you understand, Iloilo City is the regional center and there are so many people working in Iloilo City who are not residents of Iloilo City, and we want to cover them as well so that anyone who will be going to Iloilo City or working in Iloilo City will be safe for COVID-19.
So we are talking to the other pharmaceutical companies – to Novavax, to Pfizer, to Janssen, to Moderna – so that we will be able to get more and be able to immunize more people here.
ALJO BENDIJO: So kahit na hindi taga-Iloilo, kasali po sa programa ninyong vaccination? Tama ho ba, Mayor?
ILOILO CITY MAYOR TREÑAS: Yes, yes. At saka ano, I’m very thankful, alam mo naman dito sa amin sa Iloilo City, ang daming hospitals dito. Kinausap ko rin ang mga hospital administrators, ang sabi ko, ang lahat ng mga personnel ninyo whether they are medical personnel, whether they are utility workers, I will request that you send us a list which we will go over. And even if they do not live in Iloilo City, we will provide vaccines for them. And hiningi ko lang sa kanila, sila na ang bahala mag-immunize sa mga workers nila. So this will take a lot of load from the city government.
ALJO BENDIJO: Ilan pong mga kababayan po natin diyan ang nakapagrehistro na at handang tumanggap ng bakuna?
ILOILO CITY MAYOR TREÑAS: Marami na! I do not have the latest count right now. I think may mga concerns sila dati sa nabanggit na mga bakuna. But sa ngayon sa AstraZeneca, mukhang mas maraming gustong magpa-immunize. Probably by middle of next week, I can give you already a total of the people who want to be immunized.
We are also lucky that we have COVID laboratory already. We continue to test even those who are arriving at the airport. We positioned med-techs at the airport, and they do the test already in the airport. We are also very thankful to the national government for the quarantine facilities. Very, very nice quarantine facilities, I think, even better than other hotels. We started using these quarantine facilities, I think, three weeks ago. And the persons who have been quarantined there are very happy with the facilities. I would like to thank the national government for this assistance. We have these quarantine facilities, quarantine isolation facilities from the national government, constructed by the DPWH; and also, dormitory for our frontliners ‘no.
Madamo gid nga salamat sa tanan nga bulig sa amon diri sa siyudad sang Iloilo. [Maraming salamat sa lahat ng tulong sa amin dito sa Lungsod ng Iloilo.]
ALJO BENDIJO: Opo. Ipaliwanag na lang natin, mensahe po, Mayor Jerry, sa ating mga kababayang mga Ilonggo na magtiwala po pamahalaan na ang mga bakunang maaprubahan ng FDA ay ligtas. Go ahead po, Mayor Jerry.
ILOILO CITY MAYOR TREÑAS: I am asking everyone to support the immunization and vaccination program of the national government. As Mayor of Iloilo City, I am always in touch with Secretary Lorenzana, Secretary Galvez, Secretary Año, Usec Densing of DILG, we work together for the safety of our constituents here in Iloilo City.
It is very important that the LGU work closely hand in hand with the national government because there are things that we really need to coordinate with them. And it is very important that we have to understand that in so far as the immunization and vaccination program, very close coordination between the LGUs and the national government is very, very important. And it is only through this that we can make this immunization program against COVID-19 successful.
ALJO BENDIJO: Damo salamat [maraming salamat], Iloilo City Mayor Jerry Treñas. Ayo-ayo diha, Mayor [Mag-ingat kayo diyan, Mayor]. Thank you so much.
ILOILO CITY MAYOR TREÑAS: Madamo gid nga salamat. Maayong aga sa tanan. [Maraming, maraming salamat. Magandang umaga sa lahat.]
USEC. IGNACIO: Ang opisina naman po ni Senator Bong Go ay nagpaabot ng tulong para sa mga kababayan nating biktima ng nangyaring sunog sa Molo, Iloilo City. Nagpunta rin ang kaniyang tanggapan sa ilang barangay sa Libona, Bukidnon kung saan namahagi rin ng ayuda sa ilang biktima ng mga kalamidad. Narito po ang detalye:
[VTR]
Lumipat naman po tayo sa Passi, Iloilo kung saan mahigit isandaang market vendors ang tinamaan ng COVID-19. Para sa pinakahuling sitwasyon doon, makakausap natin ang kanilang Alkalde na si Passi City Mayor Stephen Palmares. Magandang umaga po, Mayor.
PASSI CITY MAYOR PALMARES: Magandang umaga. At saka magandang umaga sa lahat ng mga nanunood.
USEC. IGNACIO: Opo. Kasama po natin si Aljo Bendijo. Mayor, muli pong ibinalik sa ECQ ang inyong lungsod matapos nga pong magpositibo ang maraming market vendors. So kumusta na po ang pinakahuling update tungkol diyan? Nadagdagan pa rin po ba ang bilang na iyan, Mayor?
PASSI CITY MAYOR PALMARES: Tama ‘no, nadagdagan as of today, January 30. We have now 220 cases. From 166, umakyat sa 220 iyong ating COVID cases na active dito sa City of Passi, at mostly nito ay market vendors. And right now, continuous iyong ating contact tracing na ginagawa at saka we’re trying to put everything in its proper perspective at saka nilagay natin iyong entire City under Enhanced Community Quarantine para ma-limit natin iyong movement ng mga tao at saka ma-limit natin iyong transmission.
USEC. IGNACIO: Opo. Mayor, na-determine na po ba iyong pinaka-source ng pagkalat nitong COVID sa lugar ninyo?
PASSI CITY MAYOR PALMARES: Actually, iyong ginagawa kasi namin dito sa Passi City, since October of 2020, we are conducting mass testing. So regular iyong ating mass testing sa mga employees, sa mga barangay officials natin, sa mga workers natin ‘no, barangay workers at saka doon sa mga nagdu-duty sa mga quarantine facilities. While we were conducting the mass testing sa employees, may nakita kaming nag-positive na employee na may isang stall doon sa Passi Public Market. So noong nag-contact tracing kami, may na-contact siya na pitong market vendors na nag-positive. So na-alarm kami ‘no, the entire city officials at saka iyong COVID team na may nag-positive na pitong vendors.
So iyong ginawa natin last Tuesday, we imposed a lockdown sa Passi City Public Market. At saka lahat ng mga market vendors, sa 650 na market vendors sa Passi City Public Market pina-swab lahat. And iyong unang result ay 131 iyong nag-positive sa first day at saka nadagdagan 35, naging 166 so ngayon naging 220. So it originated doon sa isang empleyado natin na may stall doon sa loob ng Passi City Public Market.
USEC. IGNACIO: Mayor, bukod po dito sa mga market vendors, kasi puntahan po iyan ng tao ano po, ilan po iyong posibleng contacts nila o mamimili ang na-test na at gaano po karami iyong target ninyong ma-test?
PASSI CITY MAYOR PALMARES: Actually as we speak, we are still conducting contact tracing at saka iyong na-test natin ngayon mga more or less mga 800 na. So kahapon may pumapasok pa rin na results ng swab test kaya nga from 166 umakyat sa 220. At saka iyong direction natin ngayon, I have already issued an order sa contact tracing team na kailangan we have to secure na lahat ng na-contact trace ma-test natin kasi we have to put everything na ma-test natin.
Kaya nga I have requested na ‘no, actually kami-meeting ko lang ng Regional Inter-Agency Task Force ngayon at na-approve na nila ‘no iyong placing the entire Passi City into Enhanced Community Quarantine ‘no subject of course sa verification and validation ng Department of Health. So ngayon ongoing pa rin iyong contact tracing natin dito sa entire Passi City.
USEC. IGNACIO: Opo. Mayor, halos dalawang linggo din po itong ECQ ninyo ano po. Marami ang takot na bumalik sa ganitong status kasi malaki po iyong nawawala sa ekonomiya ng isang bayan. Na-estimate ninyo po ba gaano kalaki ang epekto nito sa inyong lungsod at papaano po iyong ibibigay ninyong tulong dito sa inyong mga kababayan dahil magpapatupad na nga ng ECQ?
PASSI CITY MAYOR PALMARES: Well actually before we decided ‘no, iyong local na COVID task force natin na gumawa ng resolution at saka iyong approval din ng City officials natin, we weigh thing ‘no. Actually alam ko as the City Mayor na economically ‘no we will be affected [garbled] sa lockdown. But as the City Mayor also, kailangan ko na mag-decide ‘no, you know, and I will always prioritize iyong health ng mga tao.
So ngayon iyong kami-meeting lang rin natin, I’m very thankful sa regional offices dito sa Western Visayas, lahat ng members ng Regional IATF, Director [Juan Jovian] Ingeniero at saka the good Governor also of the Province of Iloilo at saka lahat-lahat ng Regional Directors, they have given me the full support ‘no, iyong mga kailangan natin na ibigay sa mga tao, iyong mga barangay na affected, mga families na affected.
So in the next [garbled] iyong mga kababayan natin will receive support not only from the city government of Passi, not only from the provincial government of Iloilo, but the entire regional offices of the national agencies dito sa Western Visayas.
USEC. IGNACIO: Opo. Mayor, so papaano ninyo po ngayon mas pinaiigting iyong entry at exit points lalo na’t dinadaanan kayo papunta ng iba’t ibang probinsya po sa Western Visayas?
PASSI CITY MAYOR PALMARES: Tama ‘no. Actually, iyong lugar natin, iyong Passi City, gateway ito ng Boracay ‘no, iyong Caticlan, so iyong ginagawa natin, we have implemented 12 border controls ‘no, lahat iyan may mga checkpoints tayo manned by PNP, manned by volunteer groups natin.
Pero iyong ginawa natin, iyong national highway natin—kasi this is very ano ‘no, parang one of a kind din kasi dito sa entire province of Iloilo, kami lang iyong naka-ECQ sa ngayon.
So iyong ginawa natin, iyong national highway eh pinabuksan natin na makadaan iyong mga travelers from Iloilo City, to Capiz sa Aklan and Caticlan and vice versa. Pero iyong ginawa natin, hindi sila puwedeng bumaba dito sa Passi City. All they have to do is to pass through the national highway of Passi City in going to the nearby provinces. So iyon ‘yung ginagawa natin at saka isang tao lang iyong makalabas sa bahay, may quarantine pass tayo na in-issue para ma-limit natin iyong paglabas ng mga tao sa kani-kanilang mga bahay.
At saka iyong lumabas, pinasara natin lahat ng mga establishments dito except iyong mga essentials nag-o-offer ng essential goods ‘no; so iyon lang iyong open at saka iyong mga lumalabas, bibili lang ng pagkain, gamot at saka kung may mga medical emergencies, iyon ‘yung pinapahintulutan natin.
USEC. IGNACIO: Opo. Mayor, kunin ko na lamang po ang inyong mensahe sa mga taga-Passi City.
PASSI CITY MAYOR PALMARES: Well sa lahat ng mga kababayan ko dito sa Passi City, patuloy lang na pag-cooperate at saka pagsunod sa mga policies natin na ini-implement especially during ECQ na ginagawa natin and this will last for February 11. And just [garbled] with me and bear with me and we will pass through this. Salamat, salamat!
USEC. IGNACIO: Opo. Maraming salamat po sa inyong oras, Passi City, Iloilo Province Mayor Stephen Palmares. Stay safe po, Mayor.
PASSI CITY MAYOR PALMARES: Salamat. Thank you and God bless.
BENDIJO: Tungo tayo sa Davao, hatid ni Hanna Salcedo ang pinakahuling balita roon. Hanna, maayong udto.
[NEWS REPORT]
BENDIJO: Daghang salamat, Hanna Salcedo.
USEC. IGNACIO: Narito naman ang pinakahuling sitwasyon ng COVID-19 cases sa buong bansa. Batay sa ipinalabas na datos ng Department of Health, umabot na po sa 521,413 ang ating total number of confirmed cases kahapon, January 29, ito’y matapos maitala ang 1,849 new COVID-19 cases; 48 na katao naman ang bagong bilang ng mga nasawi kaya umabot na sa 10,600 cases ang kabuuang bilang ng COVID-19 deaths. Ngunit patuloy naman po ang pagdami ng mga nakaka-recover na umakyat na sa 475,765 matapos makapagtala ng 177 new recoveries. Ang kabuuang total ng ating active cases ay 35,048.
BENDIJO: Ngayong Pebrero mananatili ang National Capital Region sa General Community Quarantine kasama na sa Metro Manila sa classification na ito ang Cordillera Administrative Region kung saan kabilang ang Baguio, Benguet at Mountain Province. GCQ rin ang Batangas, Tacloban City, Davao del Norte, Davao City, Lanao del Sur at Iligan City. Ang iba pang bayan sa Pilipinas naman ay Modified General Community Quarantine o MGCQ.
USEC. IGNACIO: Para muling magbigay ng update tungkol sa testing at treatment sa COVID-19, muli nating makakasama sa programa si Usec. Maria Rosario Vergeire ng DOH. Magandang araw po, Usec.
DOH USEC. VERGEIRE: Good morning po, Usec. Rocky.
USEC. IGNACIO: Opo. Usec., bigyan-daan ko lang iyong katanungan ng kasamahan natin sa media. Mula kay Isay Reyes ng ABS-CBN: Ngayon po ang anniversary ng first COVID-19 case sa Pilipinas. Ano po ang prayoridad natin sa haharapin nating taon?
DOH USEC. VERGEIRE: Well, ang prayoridad pa rin po natin ay mapababa natin ang mga kaso at saka mabawasan ang mga namamatay dito po sa sakit na ito. Kaya nga po itong bakuna na atin pong ilulunsad, ito po ang tinitingnan natin that can help us in managing the situation alongside with the minimum public health standards. So tuluy-tuloy pa rin po itong response natin.
USEC. IGNACIO: Opo. Mula pa rin po kay Isay Reyes: Marami po sa mga kababayan natin ang hindi satisfied sa naging aksiyon ng gobyerno sa nakalipas na taon lalo’t laging behind daw po sa mga kasama nating bansa sa Asya pagdating sa vaccine procurement at COVID-19 response. Ano po ang masasabi ninyo dito?
DOH USEC. VERGEIRE: Well, ginagawa po ng gobyerno ang lahat ng ating makakaya para po tayo ay magkaroon nitong sufficient number of doses for our countrymen. So ito naman po ay hindi tayo nagkakaroon ng parang race to that ‘no. Although alam natin it is an immediate need, pero kailangan siguraduhin po natin kasi maigi na ligtas at saka efficacious iyong ibibigay nating bakuna sa ating mga kababayan.
Pangalawa po, tayo po naman ay mag-uumpisa na rin soon ‘no, so kailangan lang po talaga ang pakikipagtulungan ng lahat ng ating mga kababayan dito sa gagawin nating bakunahan para sa kanila.
USEC. IGNACIO: Opo. Tanong naman mula kay Job Manahan ng ABS-CBN: With the presence and threat of new and more transmissible COVID-19 variant in the Philippines, do you think Filipino should start wearing double facemasks and three-ply facemask po?
DOH USEC. VERGEIRE: Sa ngayon po ay hindi naman ho natin nakikita pa na ang ebidensiyang iyan ay sukat na at sapat na para magsabi na kailangan natin iyan. Makikita ho natin, ito pong paggamit natin ng facemask which provides us about 60 to 70% protection; plus the face shield and physical distance will provide us about 99% protection. Ito po ay nagagamit natin at gumagana naman, nakikita natin that we can be able to manage the cases kung gagawin lang po natin.
So ito pong double facemasks ay wala po hong sapat na ebidensiya para irekomenda natin para sa ating mga kababayan.
USEC. IGNACIO: Tanong pa rin po ni Job Manahan: Would the Department of Health update its guidelines on mask wearing soon? What are the discussions with the IATF on this?
DOH USEC. VERGEIRE: Wala po tayong babaguhin, ano. We will still implement the same protocols – iyon pa rin hong wearing of mask wearing of face shield, physical distance and the other standards for health. Sabi ko nga, iyong pagdudoble ng facemask ay hindi po namin nakikita, at ayon din sa ating eksperto, hindi natin nakikita iyong pangangailangan na ganiyan sa ngayon po.
USEC. IGNACIO: Opo. Tanong naman ni Rida Reyes ng GMA-7: May we get an update sa genome sequencing test result of the UK variant cases in Bontoc, Mt. Province?
DOH USEC. VERGEIRE: Yes, ma’am. So hindi pa ho natin nakukuha iyong official results nitong mga genome sequence nitong huli nating run, ‘no. So magbibigay po kami ng release ng information na iyan once nakuha natin iyong official results. Sa ngayon ay wala pa ho tayong nakukuha.
USEC. IGNACIO: Opo. Tanong pa rin ni Rida Reyes ng GMA-7. Sa Brazil daw po ay may mga cases na isang patient na infected sa dalawang case ng COVID-19 strain. May mga pag-aaral po ba sa possible effect nito sa tao?
DOH USEC. VERGEIRE: Well, ito ho iyong aming pinag-uusapan ng ating mga eksperto alongside with the Inter-Agency Task Force for COVID variants, iyong posibilidad na ang isang tao ay magkaroon ng dalawang magkaibang variants. So titingnan ho natin ito pong mga sinusuri natin sa ngayon. But of course, kapag tiningnan ho natin iyong ganiyang sitwasyon, this would merit ‘no na kailangan talagang pag-aralan dahil ito po ay mas magiging mahirap ang response natin kung saka-sakali ang isang tao nga talaga ay mai-prove na puwedeng magkaroon ng dalawa o tatlong variants in a specific individual.
USEC. IGNACIO: Opo. Exactly one year daw po after the first recorded cases in the Philippines, na-trace na po ba daw ng Department of Health kung saan nakuha ni Index Patient ang virus?
DOH USEC. VERGEIRE: Yes, ma’am. Nakapagpalabas na po ang RITM noon ng pag-aaral kung saan nag-genome sequencing sila nitong mga nauna nating mga naging kaso dito sa ating bansa. And the lineages were identified there ‘no kung saan po nanggaling at sinu-sino po ba itong mga magkakasama sa lineage na ito. We can issue another information on this so that our public will be informed.
USEC. IGNACIO: Mula pa rin kay Rida Reyes: Sa isang taon daw pong pakikipaglaban sa COVID-19, ano po ang nakikita ng Department of Health na mga challenges kaya hindi pa rin daw po tuluyang bumababa ang mga kaso ng COVID-19 sa bansa?
DOH USEC. VERGEIRE: Marami po tayong nakikita pa ring challenges. Unang-una na rin po iyong pag-comply ng mga kababayan natin sa minimum health protocols. Pangalawa, talagang makikita ho natin iyong challenge na hindi naman po puwedeng maiwan ang Pilipinas na alone lang ‘no; we have to secure our borders. So nakikita natin talaga iyong pagkalat ng sakit na ito doon sa mga borders na binabantayan natin. Pumapasok ang mga tao dito sa ating bansa, lumalabas, so isa po iyan sa challenge din na nakikita sa ngayon.
But in the whole, kapag tiningnan naman ho natin, we can be able to manage this as long as we can secure the borders properly, and also we can be able to implement strictly ‘no iyong compliance sa minimum public health standards.
USEC. IGNACIO: Panghuling tanong po ni Rida Reyes: Secretary Ramon Lopez ng DTI said yesterday na doable pa rin na mailagay sa MGCQ ang buong bansa bago matapos daw po ang first quarter of 2021. Reaksiyon po ng Department of Health dito?
DOH USEC. VERGEIRE: Lahat naman po ay posible, Usec. Rocky. Just as long as we can see that the healthcare system capacity ay nandoon, nakapag-strengthen na rin po at makakapag-manage ng mga kung saka-sakaling darating na mga kaso, and the number of cases would slowly decrease, kaya po nating gawin iyan. Kung iyon nga lang po ay makasunod tayong lahat sa health protocols ay sa tingin ko po ay magagawa po natin iyan.
USEC. IGNACIO: Opo. Mula naman kay Red Mendoza ng Manila Times: Ano po ang initial assessment ng Department of Health sa mga CODE visits nitong nakaraang linggo? Nakita na po ba ang kahandaan natin sa pagbabakuna?
DOH USEC. VERGEIRE: Maganda po ang naging feedback natin dito sa CODE visits. Makikita po natin na talagang ang mga local government ay talagang handang-handa nang tumulong sa national government. So this is a good sign for all of us. And hopefully, the other local governments will also follow suit dito po sa mga ginagawang ganitong paghahanda.
USEC. IGNACIO: Opo. Now that the new quarantine classifications daw po are up until February at medyo marami-rami po iyong mga bumabalik sa GCQ status na mga bayan, maaari na ba nating ma-control ang pagtaas ng bilang ng COVID-19 in the coming weeks? Kasi kanina po, Usec., na-interview namin si Passi City Mayor at dumami po iyong kaso sa kanilang bayan.
DOH USEC. VERGEIRE: Yes, ma’am. That is really the objective ‘no, itong mga re-classification natin for quarantine, iyan po ang objective natin para ma-manage natin at ma-control natin iyong impeksiyon. Pero kailangan po nating alalahanin na ang local governments will play a big part dito po sa ating ginagawang pag-control ng infection because they can implement localized lockdowns. Bagama’t hindi natin sinasara o pinaghihigpitan ang buong siyudad nila, kailangan in specific areas in their LGUs kapag nakita na nilang tumataas ang kaso, they can already impose these localized lockdowns to further prevent the infections.
USEC. IGNACIO: Opo. Bakit daw po hindi napasama ang Cebu sa mga GCQ areas kung sinasabi daw po ng OCTA Research Group na ang area na ito ay serious concern?
DOH USEC. VERGEIRE: Yes, ma’am. Kailangan po maintindihan ng ating mga kababayan na kapag nag-uusap ang IATF, mayroon po tayong parameters na ginagamit to determine if an area should be in GCQ or MGC or ECQ. At hindi lang ho numero ng kaso ang tinitingnan natin, tinitingnan din po natin iyong healthcare utilization nila.
So ngayon po, tumataas nga ang kaso dito sa Cebu, mataas ang kanilang average daily attack rate and two-week growth rate. But if you look at their healthcare utilization, it is still at low risk. So ito po iyong basehan natin kung bakit hindi po natin sila shinift into this level of quarantine.
USEC. IGNACIO: Opo. Usec., pinag-aaralan ninyo daw po ang paggamit ng colchicine na isang gamot sa gout bilang gamot din sa COVID-19. Paano makakatulong ito sa pagsugpo ng virus sa katawan?
DOH USEC. VERGEIRE: Well, yes, Usec. Rocky ‘no. Tinitingnan din naman natin ito dahil marami nang pag-aaral na lumalabas. Unang-unang mga lumalabas na mga outcome dito, nakaka-reduce daw po ng number ng deaths o iyong posibilidad of dying kapag may COVID-19. And iyong ibang study naman na lumalabas na nakakapag-lessen ng chances na maging mas severe pa ang sakit na ito.
Pero katulad ng lagi naming sinasabi, kung saka-sakaling gagamitin, it has to go through a regulatory process. At nag-aantay din ho kami kung mayroon naman pong manufacturer na mag-a-apply for a clinical trial here in our country.
USEC. IGNACIO: Opo. Usec., ano naman daw po ang kaibahan at bentahe nitong anal swab test for COVID-19? At anong bansa na po ba ang gumagamit nito? At nirirekomenda ninyo po ba ang paggamit nito sa Pilipinas?
DOH USEC. VERGEIRE: Well, ito pong anal swab kasi, ma’am, kaya po ito lumabas kasi sinasabi po ng mga studies sa ibang bansa na nakikita po iyong bacteria sa fecal material. So doon po sa isang pag-aaral na isinagawa, sinabi po [garbled] pinag-aralan iyong nga pasyente two weeks after nilang magkaroon ng sakit. Ginagamit po nila itong ganitong klaseng method to determine kung puwede nang i-discharge ang isang pasyente sa quarantine or di kaya sa ospital.
Pero iyong mga pag-aaral po, hindi pa ho sila sukat o hindi pa sila enough para makapagsabi talaga that it is going to be accurate, the same as with the nasopharyngeal swab. So kung saka-sakali po na magkakaroon ng ganiyang pag-aaral na masasabi na accurate din siya, pag-aaralan po natin. Bukas naman po ang gobyerno sa mga ganiyan. Kaya lang, kailangan din po nating i-consider, it’s going to be very inconvenient for the patient and also for the healthcare worker kung gagamitin po iyan.
USEC. IGNACIO: Opo. Usec., kunin ko na lamang po ang mensahe ninyo sa ating mga kababayan.
DOH USEC. VERGEIRE: Yes, Usec. Rocky. Gusto lang po nating paalalahanan ang ating mga kababayan na bagama’t nandiyan na po, parating na ang mga bakuna ‘no, and we know that this is going to protect us pero hindi pa rin po tayo puwedeng maging kampante sa ngayon. Kailangan po ay tuluy-tuloy pa rin po ang minimum public health standards kahit po nabakunahan na tayo dahil ito po ang pinakaepektibo na makakapaglutas nitong ating sitwasyon ngayon dito sa COVID-19. So, sana po tulungan natin ang gobyerno, tanggapin ang bakuna. Let’s have confidence in the processes of government and with these vaccines that we are going to provide. And also, tulungan natin ang gobyerno by complying with the minimum health protocols that we have right now.
USEC. IGNACIO: Okay. Maraming salamat po sa inyong panahon, Department of Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire.
DOH USEC. VERGEIRE: Thank you very much po.
USEC. IGNACIO: At iyan nga po ang mga balitang aming nakalap ngayong araw. Ang Public Briefing po ay hatid sa inyo ng iba’t ibang sangay ng PCOO sa pakikipagtulungan ng Department of Health at kaisa ng Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas o KBP.
ALJO BENDIJO: Asahan ninyo ang aming patuloy na pagbibigay-impormasyon kaugnay sa ating laban sa COVID-19. Maraming salamat din sa Filipino Sign Language Access Team for COVID-19. Ako po si Aljo Bendijo.
USEC. IGNACIO: Mula pa rin sa Presidential Communications Operations Office, sa ngalan ni Secretary Martin Andanar, ako po muli si Usec. Rocky Ignacio at ito ang Public Briefing #LagingHandaPH.
##
Source: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)