SEC. ANDANAR: Magandang umaga, Pilipinas at sa bawat Pilipino saan mang sulok ng mundo, tuluy-tuloy ang pagbibigay natin ng tama at napapanahong impormasyon ngayong unang araw ng Pebrero, ako po ang inyong lingkod, Secretary Martin Andanar ng PCOO. Good morning, Rocky.
USEC. IGNACIO: Good morning, Secretary Martin. Dalawang mahalagang usapin ang pag-uusapan natin ngayong umaga, ang COVID-19 at ang pagpapatuloy ng sektor ng edukasyon sa kabila ng pandemya. Ako po si Usec. Rocky Ignacio mula pa rin sa PCOO.
SEC. ANDANAR: Simulan na natin ang talakayan dito sa Public Briefing #LagingHandaPH.
Una sa ating mga balita ngayong Lunes: Senador Bong Go siniguro na nagpapatuloy ang imbestigasyon ng Department of Foreign Affairs tungkol sa human trafficking case ng ilang kababayan natin sa Syria. Aniya, mahalaga ang pagtatayo ng Department of Overseas Filipinos para maprotektahan ang interes ng mga Overseas Filipino Workers. Narito ang report:
[VTR]
USEC. IGNACIO: Samantala, bagong gusali ng Malasakit Center sa Southern Philippines Medical Center pinasinayaan kasabay ng pamamahagi ng tulong ni Senator Bong Go at ng ilan pang ahensiya ng pamahalaan sa mga pasyenteng nasa ospital. Ang detalye sa report na ito:
[VTR]
SEC. ANDANAR: Tuluy-tuloy pa rin ang aid distribution ni Senador Bong Go kasama ang ilang government agencies sa iba pang mga nangangailangan. Kamakailan ay nasa 1,500 na TODA members mula sa Villamor, Pasay City naman ang nakatanggap ng ayuda mula sa kanila. Panoorin po natin ito:
[VTR]
USEC. IGNACIO: Samantala, sa kapapasok lang po na balita: Pirmado na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Executive Order # 124 bilang tugon sa tumataas na presyo ng karneng manok at baboy.
[OFF MIC] Senator Christopher “Bong” Go ang mabilis na tugon ng Palasyo para mapigilan ang dagdag na pahirap sa mga mamimili dahil sa tumataas na presyo ng bilihin. Una nang umapela si Senator Go na solusyunan ang mataas na presyo ng karneng manok at baboy ngayong nasa pandemic ang bansa nang mapagaan naman ang mga paghihirap na dinaranas ng mga Pilipino.
Tiniyak din naman ng Palasyo ang pagbalanse sa sitawasyon ng mga negosyante at ang kapakanan ng mamimili. Nakasaad sa naturang Executive Order ang pagpapatupad ng price ceiling sa loob ng 60 araw. Suportado naman ng National Agriculture and Fisheries Council ang pag-apruba ng Malacañang ng kanilang inirekomendang price ceiling.
SEC. ANDANAR: Samantala, dumako naman tayo sa mga balitang nakalap ng Philippine Broadcasting Service kasama si John Mogol.
Good morning, John!
[NEWS REPORTING]
[NEWS REPORTING]
SEC. ANDANAR: Salamat sa iyo, John Mogol ng Philippine Broadcasting Service!
USEC. IGNACIO: Dapat na raw pong ikabahala ng pamahalaan ang nakikitang mabilis na pagtaas ng COVID-19 cases sa probinsiya ng Cebu. Kung hindi ito maagapan, ayon sa pag-aaral na ipinalabas ng UP-OCTA Research Team, maaari pa itong umabot sa 400 daily cases sa loob lamang ng dalawang linggo.
Para ipaliwanag po iyan, makakausap natin sina Dr. Guido David at Dr. Benjamin Co ng OCTA Research Group. Magandang umaga po sa inyong dalawa!
DR. DAVID: Yeah, magandang umaga!
DR. CO: Good morning!
USEC. IGNACIO: Dr. Guido, can you explain to us kung ano po iyong current situation sa Cebu Province pagdating po sa COVID- 19 transmission sa lugar at gaano kaseryoso po ang sitwasyon nila doon?
DR. DAVID: Actually, ang unang nating tiningnan is Cebu Province pero noong may feedback na tayo at tiningnan natin nang mabuti in detail, more granular and nakikita natin iyong increase nangyayari sa Cebu City doon iyong karamihan ng new cases. In fact, ngayon they’re averaging sa Cebu City more than 90 cases per day over the past week. Ang reproduction number nila sa Cebu City is 1.7; positivity rate is 7% and tumataas. Ang indicator nila na okay is iyong hospital occupancy is mga 30% pero iyong attack rate sa Cebu City is at 7.6/100,000 and it already could hit near the high risk classification ng Department of Health.
So, iyon ang nakikita natin. Patuloy siyang tumataas and iyon nga, ang worry natin is baka ma-overwhelm iyong healthcare at some point, so remind lang natin iyong mga citizens sa Cebu City to practice iyong mga health protocols – social distancing, face mask and face shield.
USEC. IGNACIO: Para po kay Dr. Co, masasabi bang galing pa rin ang surge na ito mula po doon sa holiday celebration sa bansa o tapos na po iyong tinatawag nating holiday surge at posibleng nagging masyado pong kampante ang ating mga kababayan kaya may pagtaas po ng bilang ng COVID-19 sa mga probinsiya?
DR. CO: Well, it’s possible that it is still be remnants from the holiday surge, lalo na kung titingnan natin medyo malapit pa din tayo doon sa timeline na iyon but Professor Guido is correct also when he pointed out Cebu City alone is the area na medyo mataas; iyon iyung primary mover ng kaso sa Province of Cebu lately.
There is another thing also that is worrisome because the replication as compared sa Disyembre, medyo biglang tumaas ang replication na iyon ngayong Enero. So, because of the presence of the variant already in the country, I think this is something worth exploring at the same time.
We’re not saying it is in Cebu, what we are just saying is medyo nakakabahala kasi medyo lampas na din iyong timeline, unless what we are getting from the Department of Health are medyo late data also kasi puwedeng iyong datos na dumarating sa kanila eh iyong mga nakaraan pa, ngayon lang nila niri-record lately.
So, the other variable there is iyong medyo pagtaas is dahil mayroon na tayong presence of the variant in the Philippines. One thing that we will need to explore is the question of whether this is present also in the Province of Cebu.
USEC. IGNACIO: Para naman po kay Dr. Guido. Kung sakaling hindi daw po maagapan iyong pagtaas ng kaso sa probinsiya, ano ang worst case scenario na puwede pong mangyari?
DR. DAVID: Well, right now kasi iyong rate of increase niya is doubling more or less every two weeks eh and medyo mabilis iyan and these are similar patterns na-observe natin noon sa Mountain Province. Kaya natin nasabi na this was an area of concern iyong sa Mountain Province and nakita nga na may UK variant sa Mountain Province.
So, right now if we follow that pattern, in after two weeks baka nasa 200 cases per day na sa Cebu City and this is a lot kasi this about the numbers ng Cebu City noong nag-ECQ sila last time around June to July. And I’m sure mas scaled up na iyong health capacity nila ngayon, their testing is more scaled up than before and they have the contact tracing infrastructure, pero at the same time, 200 cases for a city like Cebu City, that is a lot already.
I mean, to compare, Quezon City is averaging about 90 cases per day and Quezon City has a much higher population compared to Cebu City. Cebu City, nag-a-average na rin ng 90 cases ngayon, so they’re about the same na in terms of raw numbers pero mas malaki ang population ng Quezon City
USEC. IGNACIO: Dr. Co, sinabi po ni Cebu Governor Gwen Garcia na may surge man sa COVID cases sa probinsiya eh mababa naman daw po iyong mortality rate at mataas din iyong recovery rate kaya walang dapat ikabahala. Mababang percentage lang rin umano iyong active cases nila kung ikukumpara daw po doon sa 3.2 million population ng probinsiya. Ano po ang reaksiyon ninyo dito?
DR. CO: That is good that their mortality rate is low, which means that—the cases kasi may be probably be due to contact tracing, which means that most of the patients that they are picking up are those that may contact traced or actually mild cases and that is good.
But to compare apples and oranges, we always make that—we have to make sure—we have to remember that the 3.2 million people in the province of Cebu is Quezon City’s populations; so tama si Professor Guido.
You know, when you talk about it and you look at the comparative data, iyong 200 plus cases nakakabahala kasi isang buong probinsya iyon, habang isang siyudad lang iyon sa Maynila.
USEC. IGNACIO: Opo. Pero Dr. Co, bukod po sa Cebu, ano po iyong mga nakikita ninyong areas of concern over these past few weeks, mayroon din po bang mga lugar na masasabing gumaganda naman ang sitwasyon laban dito sa COVID cases?
DR. CO: Well, you know, kasi the—I have to wait for the data graph now of the Department of Health, because they don’t announce anymore the top 5. So for yesterday’s data, what we are seeing is mas medyo mababa iyong kaso sa National Capital Region and I don’t know if Professor Guido will agree with me, kasi mas kaunti talaga the National Capital Region is reporting about less than 20% of the total cases now in the Philippines, which is a very good sign.
But the bad part there is that when I see the numbers na mahigit na 2,000 po iyong mga kaso, alam ko na medyo mataas na sa iba’t ibang karatig probinsya at rehiyon. So, iyon iyong mas nakakaalarma. Maganda nga at mas mababa na sa National Capital Region.
USEC. IGNACIO: Opo, may tanong lang po si Red Mendoza ng Manila Times para po kay Dr. Guido: Ano daw po ang inyong reaksiyon sa mga panawagan ng economic cluster ng gobyerno na i-MGCQ na ang Metro Manila soon? Ano po iyong ine-expect nating possible increase pag nag-MGCQ ang Metro Manila nitong Pebrero at irerekomenda pa rin po ba natin iyong GCQ by next month?
DR. DAVID: Before I answer iyong question ni Red Mendoza. I just like to add sa sinabi ni Dr. Co na things right now are medyo flat iyong trends sa Metro Manila. I echo what he is saying. Kasi iyong reproduction number in Metro Manila is 1. So it means hindi tumataas pero hindi rin bumababa, it’s more or less stable and we are seeing the same pattern elsewhere so in fact, Cebu City and aside from maybe Passi sa Iloilo. And right now, we are—just today we are also noticing an increase in Tuguegarao, so those are our concerns.
As for iyong Metro Manila, I think it’s too early to risk an MGCQ at this stage lalo na the vaccine rollout is about to happen, so unahin muna natin ang vaccine rollout. We understand the economy but the economy will recover more quickly once we’ve start vaccinating more people and that is why it’s important for us to have this rollout program in place and it’s also important na wala tayong surge na nangyayari. We can’t risk a surge, while we are rolling out vaccine, kasi it will delay the process of vaccination, the rollout kung nao-overwhelm iyong hospitals natin and iyong mga doctors, you know, nagkakasakit.
So, it’s better na we keep it at status quo. I mean, it’s probably just going to be only a few months iyong start ng vaccine rollout and then once we have that, it would be easier for us to talk about relaxing the economy even further.
USEC. IGNACIO: Opo. Para po kay Dr. Co: One year after ng unang kaso po ng COVID-19 sa bansa masasabi na ayon po sa mga datos na naging sapat po ang response ng gobyerno sa pandemya?
DR. CO: Well, considering kasi the limitations na mayroon tayo sa ating bansa—I would probably say that the lockdowns are the only measures that we were able to utilize. However, I think we need to revisit kung ano ang dapat nating i-improve doon sa ating mga health protocols para ma-improve natin both the economic and the health sector. Kasi the longer the lockdown is, I know the economy is also on the frontline na natatamaan dahil dito sa pandemyang ito. So, I think we need to revisit and the IATF may need to recalibrate and find out what are the better measures.
And I echo Professor Guido’s statement that maybe we—you know, the vaccine rollout is something that we are all looking forward to, the next part of the program is to encourage more people to get immunized and to get vaccinated. Kasi as we all know na the vaccine hesitancy is quite high currently. And mahirap po ang i-kontrol ang pandemya, kapag masyadong marami po ang nagkakasakit, so we have to brake and make sure we keep the numbers… we bring down the numbers as we rollout the vaccine.
USEC. IGNACIO: Dr. Guido, ito pong pag-lift naman ng travel restrictions sa higit 30 na bansa na may UK variant simula ngayong araw, ano po ang magiging epekto nito base sa inyong pag-aaral?
DR. DAVID: Well, iyong travel restriction, iyong pag-lift niyan it definitely carries a lot of risk and while we support what the government decision is at the same time we are aware na it carries some risk. Of course we are also aware na we can’t have a travel ban forever. Especially sa mga returning Filipinos.
And right now, what we have to focus on is the implementation of iyong border controls natin, making sure that iyong passengers comply with the mandatory quarantine period and iyong testing is done. Kasi ang nangyari before, we were testing once, and then kapag negative sila, sometimes I think nakakalabas na iyong mga travellers. But It turns out that sometimes they test negative on their initial test kasi iyong viral load nila is low at that point in time kasi maybe kakakuha pa lang nila ng virus from other sources and then after a few days, they build up the viral load and then they star showing symptoms. So kaya important they have a second test on the fourth or fifth day and then if not, if they don’t have the second test, they have to have the mandatory quarantine period. In fact in other countries, it’s 21 days, pero sa atin 14 days quarantine period, dapat ma-observe iyan strictly. It’s the strict implementation and then we follow those strictly, it’s possible that we might not have the expected surge or increase in cases if these are followed to the letter.
USEC. IGNACIO: Para po kay Dr. Co: May projection na rin po ba kayong ginagawa kapag dumating na iyong bakuna ngayong buwan at ano po ang sa tingin ninyong magiging scenario?
DR. CO: Well, number one, ang ipinagdadasal natin lahat, sana dumating muna iyong bakuna, tapos maraming magpapabakuna. Kasi iyon lang naman—there are only two end points to the vaccine.
Tatandaan natin na iyong herd immunity ay hindi po puwedeng mangyari sa COVID vaccine. Ang dalawang end po na makikita natin dito na ginawa doon sa mga clinical trial ay number one to decrease the severity of the infection. So kung mababawasan iyong pagiging severe ng infection, kung sakaling magkaroon tayo ng COVID ay magandang senyales iyon, kasi that means that we have less deaths, we will have less people that will get severe infections and will need hospitalization. So that is one of the important parameters.
And of course second is that they don’t get sick. So, that is the second hopeful and point that we have.
USEC. IGNACIO: Opo, kunin ko na lamang po ang parting message po sa inyo ni Dr. Guido and Dr. Co. Unahin ko po si Dr. Guido.
DR. DAVID: Yeah, just a reminder na the virus is still here and whatever happens whether we have the original variant or the UK variant, it does not really change our approach to the way we manage the pandemic. Dapat continued implementation of health protocols ang gagawin natin, continued compliance. So let’s all wear the face mask and the face shield when we go out, practice physical distancing, avoid large crowds as much as possible and then i-limit natin iyong time natin outdoors kung hindi naman necessary. I mean, we are not advocating for any time of lockdowns sa places na iyan. I mean, it’s the decision of the local government, iyon nga our concern is mostly our reminder to the public to be ano lang, extra mindful of the health practices and be vigilant.
USEC. IGNACIO: Opo. Doctor Co?
DR. BENJAMIN CO: Kahit na po may bakuna na tayong darating o magkakaroon na tayo ng immunization program ay importante pa rin na tandaan natin iyong apat dapat na sinabi ni Professor Guido a while ago. That’s vital dahil the vaccine is not a guarantee that you will not get COVID; it will just make it milder and, hopefully, it is effective enough for us not to get it. That’s the best-case scenario.
But in any event, we have to remember that the pandemic is still around. We still do not know a lot about it and that there are still a lot of variants that are affecting the outcome globally. So importante po na iyong … nandito nga sa inyo: Mask, Hugas, Iwas. Iyan ang pinakaimportante sa ngayon.
USEC. IGNACIO: Okay. Maraming salamat po, Dr. Guido David at Dr Benjamin Co mula po sa OCTA Research Team. Maraming salamat po. Mabuhay po kayo!
DR. BENJAMIN CO: Salamat din po.
SEC. ANDANAR: Samantala, lumampas sa dalawang libo ang nadagdag na kaso ng COVID-19 sa bansa base sa pinakahuling tala ng Department of Health kahapon. Eleven thousand six hundred fifty-three naman ang mga bagong gumaling mula sa sakit para sa kabuuang 487,551 recoveries, habang walumpu ang nasawi na umabot na sa 10,749 na mga namatay. Sa kabuuan, nasa 525,680 na ang kaso ng COVID-19 sa buong kapuluan.
Ang mahigit 2,103 new cases kahapon ang ikalawang araw na mas mataas sa dalawang libo ang natatalang reported cases. Twenty-seven thousand three hundred eighteen cases ang nananatiling aktibo o iyong mga hindi pa gumaling mula sa COVID-19, ito ay 5.2% ng total cases. Karamihan sa mga kasong ito o 87.7% ay mild cases lamang, 5.5% ang walang sintomas, 3.3% ang kritikal, 2.8% ang severe, samantalang .60% ang moderate cases.
Mula po ngayong araw, February 1 hanggang February 28 ay nakapailalim sa General Community Quarantine ang mga lalawigan at ilang siyudad sa Cordillera Administrative Region. Kabilang ang Abra, Apayao, Benguet, Baguio City, Kalinga, Ifugao at Mt. Province. Naka-GCQ pa rin ang National Capital Region, ganoon din ang Batangas Province, Tacloban, Davao City, Davao del Norte, Lanao del Sur at Iligan City. Samantala, nasa Modified GCQ naman ang mga nalalabing lugar sa bansa.
USEC. IGNACIO: Paalala pong muli sa publiko: Ang pagsunod po natin sa minimum public health standards ang pinakamabisang paraan para labanan ang pagkalat ng anumang variant ng COVID-19. Isuot po nang tama ang ating facemask at face shield, sundin ang physical distancing at ugaliin ang regular na paghuhugas ng kamay.
Para po sa inyong mga katanungan at concerns tungkol sa COVID-19, maaari ninyo pong i-dial ang 02-894-COVID o kaya ay 02-894-26843. Para naman po sa mga PLDT, Smart, Sun at TNT subscribers, i-dial po ang 1555. Patuloy rin kayong makibalita sa mga pinagkakatiwalaang sources ng impormasyon tungkol sa COVID-19, maaari ninyo pong bisitahin ang covid19.gov.ph.
Samantala, makibalita tayo sa Cordillera kasama si Jorton Campana ng PTV-Cordillera. Magandang umaga, Jorton.
[NEWS REPORT]
USEC. IGNACIO: Maraming salamat sa iyo, Jorton Campana ng PTV-Cordillera.
Mamaya po makakapanayam natin si CHED Prospero de Vera sa pagbabalik po ng Public Briefing #LagingHandaPH.
[COMMERCIAL BREAK]
SEC. ANDANAR: Sa balitang edukasyon, pinayagan na ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte at ng IATF ang pagsasagawa ng face-to-face classes sa mga medical-related courses sa MGCQ at ilang GCQ areas. Ito ay para umano masiguro rin ang sapat na bilang ng mga health practioners na susi sa pagsugpo ng bansa laban sa COVID-19. Para pag-usapan iyan, we have on the line CHED chairperson Dr. J. Prospero De Vera. Magandang umaga po sa inyo, chairman!
CHED CHAIRPERSON DE VERA: Magandang umaga, Sec. Martin at magandang umaga sa lahat ng nanonood sa inyong programa!
SEC. ANDANAR: Pag-usapan natin itong target date na kung kailan aasahang magre-resume ang face-to-face classes para sa mga medical school at medical-related courses sa MGCQ at GCQ areas. Anu-ano po?
CHED CHAIRPERSON DE VERA: Una sa lahat, ang inaprubahan ng Pangulong Duterte ay unang-una, iyong limited face-to-face classes ay limitado lamang sa medical and allied health sciences. So, kasama dito iyong medisina, nursing, physical therapy, midwifery, med tech, public health, etc., doon lamang sa mga subject na hindi puwedeng i-deliver virtually. Ibig sabihin, mga subject na kailangan talaga ang estudyante ay maka-interact halimbawa sa pasyente ‘no.
Pangalawa, ito ay limitado sa MGCQ areas at sa mga eskwelahan sa GCQ areas na ang kanilang mga estudyante ay nagti-train doon sa COVID-19 hospitals.
Ikatlo, limited sa mga estudyante 20 years and above, so ito iyong mga third year and fourth year students na.
At ikaapat, hindi automatic na lahat ng ekwelahan ay puwedeng magbukas. Sila ay mag-a-apply sa CHED at iinspeksyunin iyong kanilang mga eskwelahan kung tama ang kanilang pag-retrofit, kung sila ay may koordinasyon sa local government, at kung inoobserbahan ang health standards doon sa kanilang eskwelahan.
Panglima, kung mayroong infection, ito ay ipasasara ng Komisyon hanggang malinis at maayos iyong problema.
At panghuli, iyong mga—hindi ito sapilitan. Ibig sabihin, iyong mga estudyante na ayaw mag-face-to-face kailangan bigyan ng alternatibo ng mga pamantasan kaya dapat sila’y magkonsultasyon sa kanilang mga estudyante at mga magulang ‘no.
Handa na iyong mga private schools dito dahil bago pa man aprubahan ni Pangulong Duterte kami’y tuloy-tuloy na nagmi-meeting at nag-aayos ng mga guidelines. Iyong iba sa kanila ay na-inspect ko na mismo. Kami ni Secretary Galvez ay in-inspect namin iyong retrofitting ng facilities at iyong tiningnan naman namin ay pasado sa aming assessment kaya ngayon nag-a-apply na iyong mga eskwelahan sa mga regional office ng CHED at isa-isa silang bibisitahin ng Komisyon.
So, kailan ito magsisimula? Doon sa ibang eskwelahan na naghanda early on, ngayong second semester ay magsisimula na sila. Halimbawa, iyong Our Lady of Fatima ay matagal nang nag-retrofit, noong isang taon pa kaya sila’y handang-handa na. Iyong mga iba, hindi pa sila puwedeng magsimula hanggang aprubahan sila ng Komisyon.
SEC. ANDANAR: Ilan po itong eskwelahan na magbubukas at tuloy-tuloy pa ba ang application para sa ibang unibersidad?
CHED CHAIRPERSON DE VERA: Oo, tuloy-tuloy. Hindi natin alam kung ilan ang magbubukas ng limited face-to-face kasi iinspeksyunin pa sila. Iyong mga iba nagsabi na sa susunod na school year na sila magbubukas ng limited face-to-face. Iyong mga iba naman, handang-handa na naghihintay na lang ng inspeksyon ng Komisyon at iyong local IATF.
Kahapon ay galing ako sa Tarlac at kasama ko iyong local IATF, nagpunta kami sa isang eskwelahan doon para kausapin sila at tingnan kung paano ang gagawin na retrofitting. Siguro within the next two to three weeks malalaman natin kung ilan ang maaaprubahan.
So, simultaneous ito na bibisitahin ng CHED regional office at iyong local IATF at tingnan natin kung ilan iyong makakapasa.
SEC. ANDANAR: Paano masisiguro ng CHED na ligtas para sa mga estudyante ang gagawing face-to-face learnings?
CHED CHAIRPERSON DE VERA: Kasama iyan doon sa hahanapin sa retrofitting. Doon sa aming binisita ni Secretary Charlie Galvez, iyong Our Lady of Fatima University sa Valenzuela at San Fernando, Pampanga, at iyong Holy Angel, tiningnan namin iyong mga signages, directional signs, iyong pag-akyat/pagbaba ng mga estudyante sa elevator at sa hagdan, iyong pag-retrofit ng kanilang cafeteria, iyong air flow, iyong mga laboratory hanggang gymnasium tiningnan namin.
Doon naman sa aming binisita ay maganda ang kanilang retrofitting. Ang gagawin dito kung mayroong infection, agad nating ipasasara iyong eskwelahan hanggang maayos ang problema. So, iyon ang gagawin natin. So, lahat ito ay sisiguruhin nating ligtas.
Ang pinayagan na nagsimula na ay iyong UP College of Medicine. In-approve na sila ahead of time kasi iyong kanilang base hospital ay Philippine General Hospital na napakahigpit ng health protocols sa PGH ngayon kaya ang datos nagpapakita na mas mababa ang transmission sa loob ng PGH kaysa sa labas. Ibig sabihin, mas puwede kang mahawa sa labas ng PGH kaysa sa loob ng ospital dahil mahigpit ang kanilang health protocols kaya pinayagan nang mag-pilot iyong mga interns at saka mga ga-graduate na medical students sa PGH at wala ng infections hanggang ngayon. ibig sabihin, nasusunod iyong protocols na ginagawa ng ospital at iyong College of Medicine.
So, babantayan natin ito, itong susunod na isa hanggang dalawang buwan at tingnan natin kung paano pa natin masisiguro na talagang ligtas ang ating mga estudyante.
SEC. ANDANAR: Paano naman iyong mga establisyemento sa labas ng paaralan kasi ang mga estudyante eh tumitira sa mga dormitory o kumakain sa karinderya, sa canteen. Ano ang saklaw ng CHED dito?
CHED CHAIRPERSON DE VERA: Iyan eh kailangang magkonsulta iyong eskwelahan at saka local governments. Kaya hindi papayagan ang eskwelahan na magbukas ng limited face-to-face kung hindi nila ito naisasanguni at hindi sila umuupo sa local governments dahil iyong labas ng eskwelahan ay jurisdiction ng local governments iyan. Kaya doon sa aming pinuntahan halimbawa sa Valenzuela at sa San Fernando City, umupo na sila kasama noong local governments bago pa sila mag-apply sa Komisyon at mayroon na silang mga protocol na pinag-usapan kung paano sisiguruhin iyong kaligtasan ng mga bata.
So, iyan ay kailangan upuan ng eskwelahan. Kapag iyong local governments ay hindi sang-ayon sa pagbukas ng mga ekswelahan ay hindi aaprubahan ng Komisyon iyan dahil tulad nga ng sabi mo, hindi lang iyong loob ng eskwelahan ang kailangan nating siguruhing ligtas pati iyong auxiliary services sa labas ng eskwelahan ay kailangang ligtas din. Kaya’t hindi puwedeng magbukas hanggang hindi naaayos iyong koordinasyon ng local government at iyong mga pamantasan.
SEC. ANDANAR: Puntahan natin si Usec. Rocky para naman sa mga katanungan mula sa media.
USEC. IGNACIO: Opo. Magandang umaga po! Sir, tanong po mula kay Meg Adonis po ng Philippine Daily Inquirer. Ito po iyong kaniyang tanong: Are there any updates daw po about the main monitoring group that was set to review the UP-DND accord, and what has been discussed so far?
CHED CHAIRPERSON DE VERA: Ah wala pa, ito ay pinag-uusapan pa lang. Siguro sa mga susunod na araw baka may maganda na tayong balitang sasabihin sa media. Tinitingnan natin kung papaano magkakasundo ang DND at ang UP at mapag-usapan iyong mga problema tungkol doon sa sinasabing UP-DND accord. Alam po ang posisyon ko dito, very simple ‘no. Parehong UP at saka DND, sinasabi nila importante ang academic freedom, it is constitutionally guaranteed. Pareho nilang sinasabi na importante ang welfare ng mga estudyante at pag-implement ng mga national laws.
Kung pareho naman ang kanilang hangarin at pareho ang kanilang gusto, ang kailangang hanapan natin – ano ba iyong hindi sila nagkakasundo, iyon ang hahanapin natin. So, kapag sila ay nag-usap baka naman magkalinawan kung ano talaga iyong mga dapat pag-usapan, ano iyong dapat i-klaro at iyon iyong ino-offer ng CHED na tulong, tutulong tayo na magkaroon ng dialogue sa pagitan ng pamunuan ng DND at pamunuan ng UP. At itong huling meeting ng UP Board of Regents, na ako ang Chairman, nitong nakaraang linggo, ganoon din ang aming posisyon sa Board of Regents na i-maximize iyong opportunities for dialogue para matingnan natin kung nasaan ba talaga ang problema.
USEC. IGNACIO: Opo, tanong pa rin po mula kay Meg Adonis: UP Professors po have stressed that academic freedom was already defined in the Constitution. What is your response seeing that the defining academic freedom was one of the goals of the Joint Monitoring Group?
CHED CHAIRPERSON DE VERA: Alam mo iyong mga nagsasabi niyan, ang sinabi ko po sa aking press release ay iyong accord ay destined to be problematic. Hindi ko sinasabi na defective iyong laman ng accord. Ang nakalagay sa accord ay mga pamantayan/prinsipyo na napagkasunduan. Ang problema ay iyong operational guidelines kung paano ito ipapatupad, iyon ang problema, dahil nakalagay sa accord na mayroon daw joint monitoring team sa pagitan ng UP at DND na sila ang titingin kung nasusunod iyong kasunduan, kung may mga problema.
Alam mo siyam na taon akong naging opisyal ng UP hanggang ngayon, at tatlong dekada akong faculty member. Wala naman akong narinig na kahit na isang titik na tinatawag na accord na iyan, iyong monitoring team na iyan. Kung totoong madaling i-implement ang accord, bakit hindi nag-meeting, bakit hindi nag-report sa Board of Regents iyang joint monitoring team na iyan. Ibig sabihin, iyong mekanismo para i-implement iyong accord ay mahina at ang isa namang kasunduan, hindi naman iyan na nakataga sa bato na hindi na mapapalitan ng buong buhay.
Nagbabago na ang mundo, nagkakaroon na ng extremism sa mga pamantasan all over the world, kailangan ang isang kasunduan ay regular na niri-review, tinitingnan kung mayroon bang problema, kung mayroong hindi pagkakasundo at ayusin iyong pagkakasundo na ito. Paano mangyayari iyan, eh, wala namang joint monitoring team ngayon? Iyong mga kritiko na nagsasabi na walang problema, alam ninyo ipakita, wala namang akong nakitang meeting o report ng joint monitoring team na iyan itong nakaraang ilang taon.
So, iyan ang ibig kong sabihin na kung hindi malinaw ang operational guidelines, ano ang gagawin, talagang magkakaproblema lagi. So, iyong problema na lumalabas ay kailangang hanapin natin kung ano ang pinagmumulan.
SEC. ANDANAR: Okay, maraming salamat po sa inyong panahon, CHED Chairperson Popoy De Vera. Mabuhay po kayo.
CHED CHAIRPERSON DE VERA: Maraming salamat din at mabuhay kayo.
SEC. ANDANAR: Pagpapatupad ng GCQ sa Davao City extended hanggang sa katapusan ng Pebrero 2021. Buong detalye mula sa ulat ni Julius Pacot.
[NEWS REPORTING]
SEC. ANDANAR: Maraming salamat Julius Pacot ng PTV-Davao. Maraming salamat po sa ating mga partner agency para sa kanilang suporta sa ating programa at maging ang Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas. Salamat din po sa Filipino Sign Language Access Team for COVID-19. Mabuhay po kayong lahat. Diyan po nagtatapos ang ating programa sa araw na ito. Ako po ang inyong lingkod, Secretary Martin Andanar ng PCOO.
USEC. IGNACIO: Ako naman po si USec. Rocky Ignacio.
SEC. ANDANAR: Hanggang bukas po muli, dito lamang sa Public Briefing #LagingHandaPH.
###
—
SOURCE: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)