TULFO: Secretary, good morning.
SEC. ROQUE: Good morning. Magandang umaga, Pareng Erwin. Magandang morning, Philippines
TULFO: Unahin ko na po ito, Secretary, iyong price freeze nirekomenda na raw ng DA sa Pangulo, pero hindi pa yata inaaksiyunan ng Pangulo. Ito po ba ay matutuloy dahil umaalma din ang mga magbababoy, at sinasabi nila unfair naman daw ho ito kung lagyan ng price freeze dahil medyo mataas na rin ang kuha nila sa karneng baboy, Secretary?
SEC. ROQUE: Well, alam po ninyo, iyang price freeze na iyan, kumbaga, dalawa palagi ang tinitingnan ng Presidente ‘no – itong kapakanan ng mga mamimili at saka iyong epekto nito sa supply. Kasi kung mag-i-insist tayo sa price freeze na talaga namang masyadong mababa sa dinidikta ng market forces, eh baka magkulang din lalo ang ating supply. So, siguro kaya nga po natatagalan sa desk ng ating Pangulo ay tinitimbang ni Pangulo talaga kung ano iyong mas makakabuti sa ating mga kababayan.
TULFO: Ayon! Pangalawa pong isyu, Secretary, iyong mga bakuna raw, 9.5 million ang darating, sabi ng COVAVAX ho ba yata iyon, Mr. Secretary, ay due ngayong February daw po, sir?
SEC. ROQUE: Well, iyan naman po ay sinabi na ng COVAVAX sa atin. At ito naman ay iyong pamamaraan para makasiguro na lahat ng bansa, mahirap o mayaman ay makakakuha ng bakuna. So, tiwala naman po tayo sa ganiyang pronouncement ng COVAVAX, bagama’t tayo po ay we are not leaving anything to chance. Kung hindi po dumating iyan, mayroon po tayong alternatibo, nandiyan po iyong ating Sinovac at nandiyan din iyong iba nating binibili lalo na iyong Novavax galing po sa India.
TULFO: Sir, matanong ko lang, may mga nagtatanong po sa atin, kasi may mga LGUs na may mga press releases sila na hindi nila aantayin iyong tulong mula sa national government which is good news, ‘di po ba, kasi marami-rami tayo—ilang milyong Pilipino tayo, daang milyon—kung tutulong ang LGU … Pero ang tanong po nila, how will they will be able to order daw, sir, through Secretary Galvez ba and the DOH para sila po ay makapag-angkat, Secretary?
SEC. ROQUE: Sa ngayon po, ang tanging pamamaraan ay doon sa tripartite agreement at ang pupuwede lang po talagang bilhan ng local government units ay iyong AstraZeneca dahil iyan po iyong may mekanismo na pupuwede ngang bumili iyong mga local government units. So, dadaan at dadaan pa rin po sila sa pamamagitan po ng tripartite agreement. So pakikontak lang po ang ating vaccine czar, si Carlito Galvez.
TULFO: Papaano po iyong mga malalaking corporations, mga companies, sir, na may mga empleyado na 3,000-4,000 katao, ganoon din po ba ang proseso, sir, if they want to acquire or buy these medicines, Secretary?
SEC. ROQUE: Para naman po sa mga pribadong sektor, ikontak po nila si Presidential Assistant on Entrepreneurship Joey Concepcion kasi siya naman po iyong pumapasok sa tripartite agreement na kasama ang pribadong sector.
TULFO: All right. Secretary Harry Roque, sir, magandang umaga po at mabuhay po kayo. Please stay safe and healthy, Sec.
SEC. ROQUE: Maraming salamat po at good morning po.
###
—
SOURCE: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)