Press Briefing

Public Briefing #LagingHandaPH hosted by Presidential Communications Operations Office Undersecretary Rocky Ignacio and Aljo Bendijo


Event Public Briefing #LagingHandaPH
Location PTV

PRESIDENTIAL COMMUNICATIONS OPERATIONS OFFICE

News and Information Bureau

 

PUBLIC BRIEFING #LagingHandaPH

HOSTED BY PCOO UNDERSECRETARY ROCKY IGNACIO AND ALJO BENDIJO

February 4 2021 (11:01 A.M. – 12:03 P.M.)

USEC. IGNACIO: Magandang umaga Pilipinas, kaisa ang buong puwersa ng PCOO muli naming ihahatid sa inyo ang mga balita at impormasyon kaugnay sa mga hakbang ng pamahalaan para puksain ang COVID-19 at iba pang isyu ng bayan. Good morning, Aljo.

ALJO BENDIJO: Good morning Usec.; at ang iyong mga agam-agam ay amin pong bibigyan ng linaw dahil kasama natin upang magpaliwanag ang mga opisyal ng iba’t ibang ahensiya at lokal na pamahalaan. Ako po si Aljo Bendijo.

USEC. IGNACIO: Sa ngalan po ni Secretary Martin Andanar ako naman po ang inyong lingkod USec. Rocky Ignacio at ito ang Public Briefing #LagingHandaPH.

Ngayon pong a-kuwatro ng Pebrero ay makakasama natin sa programa sina DOST Secretary Fortunato Dela Peña; LTO Assistant Secretary Edgar Galvante; Professional Regulation Commission Chairperson Teofilo Pilando Jr.; at Surigao Del Sur Governor Alexander Pimentel.

ALJO BENDIJO: Samantala, kung mayroon po kayong mga katanungan, mag-comment lamang sa live streaming ng ating programa sa PTV Facebook at You Tube account.

USEC. IGNACIO: Sa unang pasada ng mga balita: Nilinaw po ng DOH na ang paggamit ng saliva test ng Philippine Red Cross bilang alternative sa PCR test ay aprubado na noon pang January 21, 2021. Pero nire-require po ng Department of Health ang Red Cross na magkaroon pa rin ng regular review sa isinasagawang saliva RT-PCR test, ito po ay sa pamamagitan ng pagsalang sa nasopharyngeal swab collection na isa sa kada-100 samples ng saliva test na siya naman pong ipapasuri sa RITM

Tuluy-tuloy naman po ang validation ng RITM sa saliva test na siyang magiging basehan sa pagbalangkas ng guidelines at protocols sa collection of samples sa mga laboratoryo sa labas ng Philippine Red Cross.

ALJO BENDIJO: Nagbabala ang Department of Health sa publiko tungkol sa mga paggamit o pagbili ng mga self-administered COVID-19 test kits. Hindi po ito aprubado ha ng FDA at hinihikayat na i-report sa mga otoridad ang mga nagbebenta ng ganitong mga produkto.

USEC. IGNACIO: Sa iba pang balita: Para kay Senator Bong Go sa kabila ng magandang performance natin sa laban kontra COVID-19 hindi pa dapat makampante ang publiko at kailangang ipagpatuloy pa rin ang pagsunod sa mga ipinatutupad na health protocols ng pamahalaan. Narito ang report:

[NEWS REPORTING]

USEC. IGNACIO: Bukod sa vaccine rollout busy din ang bansa sa pakikibahagi sa mga clinical trials ng ilang bakuna kontra COVID-19 at ang isa sa nakatutok po diyan ay ang Department of Science and Technology. Upang bigyan tayo ng update makakausap po natin si DOST Secretary Fortunato Dela Peña. Good morning, Secretary.

DOST SEC. DELA PEÑA: Good morning, Usec.; and good morning sa lahat ng ating taga-subaybay.

USEC. IGNACIO: Opo. Kasama rin po natin si Aljo Bendijo. Secretary, ano po iyong balita dito sa mga clinical trials na ito at ano po iyong final list ng vaccines na gagamitin at makakapagsimula na ba ngayong Pebrero daw po?

DOST SEC. DELA PEÑA: Oo. Siyempre magkaiba po iyong clinical trials at saka iyong vaccine rollout.

Itong clinical trials mayroon na po tayong tatlong bakuna na naaprubahan ng FDA for clinical trials at ito ay ang mga sumusunod: Ang Janssen, Sinovac at ang Clover vaccine. Ine-expect po natin na sila ay magsisimula na kung hindi po… parang ang nadinig ko pong plano dahil ito po ay sila naman ang nag-i-implement, tinutulungan lang natin sila sa pag-identify ng mga lugar kung saan gagawin iyong trials.

Pero mukhang ang mauuna ay ang Janssen at within this week ay mag-uumpisa na sila; at iyon namang iba pa katulad ng Sinovac at itong Clover ay either February or March.

USEC. IGNACIO: So kailan po naman inaasahang maibibigay iyong final guidelines daw po ng WHO para naman doon sa Solidarity Trial, Secretary?

DOST SEC. DELA PEÑA: Iyon ang hindi ko pa malaman kung kailan talaga pero mayroon kaming meeting sa Friday with WHO at hopefully ay mayroon ng ika nga more definite news na makukuha tayo sa Friday.

USEC. IGNACIO: Secretary, kanina nabanggit ninyo rin ano po, para po maiwasan iyong pagkalito ng ating mga kababayan maari ba ninyong ipaliwanag iyong sinabi nating pagkakaiba ng clinical trial at saka itong vaccine rollout na pinag-uusapan po, Secretary?

DOST SEC. DELA PEÑA: Oo, iyong clinical trial kasi ay bahagi pa iyan ng phase 3 testing ano; so ang mga testing kasi ng bakuna po ay mayroong phase 1, phase 2, phase 3. Iyong mga kausap po natin ay mga nasa phase 3 trials. At iyong vaccine clinical trials na isasagawa ay makakadagdag pa para sa kanilang datos tungkol sa efficacy. Kaya siyempre iyong mga vaccine developers ay gusto pa nilang madagdagan ang mga trials na gagawin, hindi lamang iyong bilang ng tao kung hindi iyong mga lugar na kung saan ito isasagawa.

So itong paggagawa ng vaccine trials dito sa atin ay makatutulong pareho sa kanila na vaccine developers, kasi malalaman nila kung makakadagdag ito sa kanilang ika nga data sa kanilang efficacy at sa atin naman ay makabubuti rin dahil malalaman natin kung ano ang epekto sa Pilipino o sa ating ethnic group.

At iyon namang vaccine rollout: Iyan na iyong tunay na pagbabakuna na. Iyan na iyong approved na either through an Emergency Use Authority kasi nga hindi pa naman din tapos iyong kanilang phase 3 trials o kaya naman ay kung tapos na lahat, ay mayroon na silang approval to commercialize the vaccine.

Magkaiba iyong rollout na at saka iyong trials. Iyong sa rollout na, ito iyong talagang inaasikaso ngayon ng DOH sa pamamahala rin ng ating Vaccine Czar.

USEC. IGNACIO: Secretary, pero ano po iyong factors kung paano na-identify ng DOST itong specific areas na pagtuturukan po ng tatlong vaccines para po dito sa pagdaraos ng clinical trials. Bakit po may kanya-kanya yata silang lugar na nakatoka, Secretary?

DOST SEC. DELA PEÑA: Oo. Unang-una kasi required na iyong pagdadausan ng clinical trials at ito naman ay hindi matagal ano. Siguro mga isang buwan lang iyan or even less ay gagawin sa mga lugar na mataas ang incidence ng COVID-19. At kailangan ay iyong mataas na incidence na ito ay consistent over the last two weeks na bago mag-umpisa iyong clinical trial. Kaya kami din po ay umaasa din sa data ng DOH Epidemiology Bureau.

Pero ngayon pa lang, kahit hindi pa nagsisimula ay binigay na dito sa mga vaccine developers iyong mga possible sites at inaabangan na lang siyempre kung sila ay mag-uumpisa na kung alin iyong ika nga the best according to the data of the Epidemiology Bureau. Unfortunately, kasama sa aming confidentiality disclosure agreement na hindi muna namin ia-announce kung ano iyong mga ibinigay na potential na lugar sa vaccine, pero alam na noong LGU concerned.

USEC. IGNACIO: Opo. Pero so far po, kumusta po iyong initial list para sa mga recipients naman ng vaccine?

DOST SEC. DELA PEÑA: Iyong sa totoong bakuna o iyong sa trials?

USEC. IGNACIO: Sa clinical trial po.

DOST SEC. DELA PEÑA: Oo. Iyon pong pagri-recruit at saka iyong pagku-qualify kung sino iyong bibigyan ng trial ay ano na po iyan, ang nakakaalam niyan ay iyong vaccine company na nagha-hire naman sila. Bawat isa sa kanila ay mayroong hinire [hired] na tinatawag na contract research organization which is a Filipino company that is actually experienced in vaccine trials. So, sila po ang nakakaalam niyan.

USEC. IGNACIO: Opo. Pero Secretary, iyon pong mga sasali sa clinical trials, puwede pa po bang mabakunahan ng mga procured vaccines na galing naman sa LGU?

DOST SEC. DELA PEÑA: Later malalaman nila kung just in case na mayroong, ‘ika nga, placebo vaccines na ibibigay, kasi hindi rin namin alam at iyon ay bahagi ng protocol noong grupo at hindi rin namin mairi-reveal. Eh kung halimbawa ang kanilang trial, iyong kalahati ay bakunan ng totoo na i-inject at kalahati ay placebo o wala namang bakuna, baka tubig lang or what, ay siyempre iyong nabakunahan na ng vaccine eh hindi na dapat magpabakuna doon sa rollout, kasi baka makasama.

USEC. IGNACIO: Pero Secretary, ano pa rin po ba iyong tinutukoy na insurance naman na ibibigay ng pamahalaan para po sa mga kababayan nating lalahok sa clinical trials? Lahat po ba daw ng LGU na kasali sa trials na ito ay may nakalaan pa ring pondo para dito?

DOST SEC. DELA PEÑA: Hindi po dapat gumastos ang LGU ng kahit ano. Ang tulong po ng LGU talaga ay doon sa pangangasiwa at pagkukuha ng mga kung saan iyong mga lugar na magri-recruit ng mga volunteers at siyempre, napakalaking role noon sa LGU.

Pero iyong insurance po kung mayroong, ‘ika nga, hindi magandang epekto iyong trial vaccine doon sa pasyente, iyan po ay sagot ng vaccine company, okay? Kaya nga po kami namin ay nagsagawa rin ng tinatawag nating town hall meetings doon sa mga lugar na napiling potential sites para sa vaccine trials.

So, ito po ay isinagawa sa iba’t-ibang lugar at pinangungunahan ng aming department, ng DOST, pero kasama siyempre ang Department of Health at ito ay isinagawa noong January 29, February 1 and February 2 at ang mga nag-attend po dito ay iyong mga healthcare professionals na nakabase doon sa mga trial sites and hospitals as well as the local government officials.

At ang aim ng town hall meetings na iyon ay maka-provide ng platform para sa mga audience to raise their questions and concerns. Nakakatuwa po kasi, 603 participants by Zoom ang sumama at 1,500 viewers through the Facebook pages of DOH and the DOST-PCHRD and it reached more than 140,000 social media users.

At ang nakakatuwa pa nito, more than 500 questions were fielded na sinagot naman noong ating mga resource persons katulad ni Dr. Jaime Montoya ng DOST-Philippine Council for Health Research and Development at ni Dr. Cristina Flores na coordinator naman ng Ethical Research Committees in Asian and Western Pacific Region. At ito naman ay puwedeng i-replay, itong mga town hall sessions na ito sa Facebook ng DOH at ng DOST-PCHRD.

So, iyon po ang mga paghahandang ginagawa.

USEC. IGNACIO: Opo. Napakalaking tulong po iyan para sa ating mga kababayan ano po. Pero ang tanong pa rin nila, may shelf life po ba ang mga bakuna na ito?

DOST SEC. DELA PEÑA: Opo at iyan naman ay kasama sa pagpaplano noong trials at siyempre napakahalagang bahagi niyan iyong storage. Kaya, kumbaga, ang dapat gawin at ang gagawin ay talagang end to end na. Darating mula, halimbawa sa airport, darating ang bakuna, diretso na doon sa clinical trial sites na kung saan naman mayroong mga storage facilities.

At diyan naman kami natutuwa, babanggitin ko din, na nangako at napakaganda ng commitment ng ating Bureau of Customs. Sa pakikipag-ayos namin sa kanila tungkol sa pagpa-facilitate ng release noong mga bakuna na darating para sila talagang makarating kaagad doon sa trial sites agad-agad. At kasama po sa plano lahat iyan para hindi ang bakuna ay mapapaso.

USEC. IGNACIO: Opo. Secretary, pero siyempre hindi natin maiiwasan iyong mga unexpected delays ano po. Pero halimbawa magkaroon po ng problema sa transportasyon ng mga bakuna, may strategy po ba ang ating pamahalaan para dito?

DOST SEC. DELA PEÑA: Iyon pong sa clinical trials eh talagang iyon eh responsibility noong vaccine developer. Siyempre sila na rin ang mag-iingat, kasi kung magkakaroon sila ng mistake sa pagbabakuna, halimbawa ng paso, eh iyan naman ay lalabas na hindi maganda para sa kanilang trials, so maaapektuhan ang efficacy rate.

USEC. IGNACIO: Opo. Pero sa mga naiulat po na pagkakaroon naman ng mga bagong variant ng COVID-19, may epekto po ba itong gagawing assessment sa mga bakunang aaprubahan po para sa clinical trials, Secretary?

DOST SEC. DELA PEÑA: Hindi ko po alam, kasi hindi ko po alam kung iyong protocol eh kasama iyong new variants.

USEC. IGNACIO: Okay. Secretary, kunin ko na lang po iyong mensahe ninyo sa ating mga kababayan na talaga naman pong naghihintay na; ito na po ang bakuna, Secretary?

DOST SEC. DELA PEÑA: Nakikita naman po natin na, ‘ika nga, may progress ang ating mga ginagawa. Ito pong mga clinical trials na ito ay matapos at maganda ang resulta, mapapabilis po ang, ‘ika nga, ay pagbibigay ng either ng EUA or ng approval na to be used as vaccine ng ating FDA, kaya maganda po itong development.

At iyon din pong ating pagsama naman sa Vaccine Solidarity Trials ng WHO ay bukod sa tayo ay makakatulong sa ating sarili kasi nga kapag ito ay nagkaroon ng magandang resulta ay madali nating mari-request na magkaroon tayo pero isang malaking bagay diyan ay masasabi nating makatutulong din tayo sa buong mundo at ang Pilipinas ay ‘ika nga, ay sumali diyan sa Solidarity Vaccine Trials.

At inaasaan naman natin na magiging mas marami pa ang sasali sa Vaccine Solidarity Trials. ‘Ika nga eh, ang Pilipinas ay isa sa mga nauna na nagpahayag na sasali dito at inaasahan naman natin na iyan ay magsusunod-sunod na. Hindi siguro sabay-sabay na magkakaroon ng Solidarity Trial doon sa mga magdyu-join pero aming ini-expect ang Pilipinas ay isa sa mga mauuna.

So, iyon naman pong sa vaccine rollout ay magtiwala po kayo at kagaya ng nabanggit ko dati, hinati-hati po namin ang trabaho na well coordinated under the vaccine czar: Mayroon talagang in-charge sa testing lang, sa evaluation, selection; mayroong in-charge naman sa procurement at saka iyong sa mga international negotiations; mayroon naman in-charge doon sa logistics and storage; mayroong in-charge doon sa mismong vaccination program at ang PCOO at DOH po ang in-charge sa demand generation at sa information dissemination sa publiko. Iyan po, magtiwala po tayo.

USEC. IGNACIO: Maraming salamat po, DOST Secretary Fortunato Dela Peña. Stay safe po, Secretary.

DOST SEC. DELA PEÑA: Salamat din, Usec. Rocky. Thank you very much, thank you.

ALJO BENDIJO: Makibalita naman tayo sa sitwasyon ng Surigao del Sur kaugnay sa kanilang laban kontra COVID-19. Makakausap natin sa puntong ito si Surigao del Sur Governor Alexander Pimentel.

Maayong adlaw, Gov.

GOV. PIMENTEL: Maayong adlaw, Aljo at magandang umaga din po kay Usec. Rocky. Ignacio

ALJO BENDIJO: Opo. Governor, kumusta po ang kampanya natin, pagbabantay sa COVID-19, lalo na iyong mga kaso po diyan sa lalawigan po ninyo? Usually ay ano po ang dahilan ng local transmission ng COVID-19 diyan?

GOV. PIMENTEL: Alam mo noong una, nag-istrikto kami. Noong ECQ nag-require talaga kami ng mga rapid test, [unclear]. Pero noong November medyo nag-relax kasi na-contain na pero definitely iyong case tumaas na naman. Ang pinagmulan nito… ng mga local transmission dahil sa mga outsider na pumapasok dito lalung-lalo na ang pinagsimulan talaga nito ay iyong mga buyer ng mga isda, mga marine product namin pumupunta dito mula sa ibang lugar, taga-Davao, taga-Cagayan. Nagsimula iyan noong [garbled] iyong mga… sa palengke kaya sinarado noon iyong [garbled] city at saka Tandag City. Pati iyong mga… sabi ko nga, nahawa iyong mga taga-palengke [garbled] ng mga isda rito. So trinay [tried] namin lahat iyan [garbled]

ALJO BENDIJO: Gov, hindi masyadong—Gov? Putul-putol po ang inyo pong audio dito po sa live coverage natin, live broadcast. Baka maayos natin. Gov? Can you hear us Gov?

GOV. PIMENTEL: [Garbled]

ALJO BENDIJO: Ayusin muna natin, Gov. Balikan ka namin, Gov., para malinaw. Balikan natin si Governor Pimentel.

USEC. IGNACIO: Samantala, personal pong binisita ni Senator Bong Go ang ilang mga tricycle drivers sa Quezon City na naapektuhan ang hanapbuhay dahil sa krisis. Namahagi po ang kaniyang team ng assistance sa mahigit isanlibong TODA members sa nasabing lungsod. Naroon din po ang ilang ahensiya na nagpaabot din po ng tulong sa mag residente. Panoorin po natin ito:

[VTR]

ALJO BENDIJO: All right. Balikan natin si Governor Pimentel.

GOV. PIMENTEL: Oo. Pasensiya na, masama ang panahon dito kaya nagkakawala-wala iyong signal namin.

ALJO BENDIJO: Opo. Puwede ninyo bang ulitin, Gov., iyong sinabi ninyo tungkol sa border control?

GOV. PIMENTEL: Iyong border control namin, ni-relax ko na kasi kailangan kasing—sabi nga ng Presidente, ng mahal na Presidente Duterte na kailangan na rin nating buksan ang ekonomiya. Kaya dinismantle na namin lahat ng border checkpoint. Ang ginagawa na lang namin, binabantayan namin kapag may dumadating, alerto naman iyong mga frontliners natin – iyong mga barangay officials, mayors. Kapag may bagong pumasok, inaalam kaagad, tinitingnan kung tama ang health protocol at saka kung dumaan talaga sila sa tamang proseso lalo na iyong OFW.

Pero ang OFW ay hindi masyadong problema kasi talagang dumaan iyan sa protocol. Iyong mga LSIs, pinapayagan na rin namin lahat; wala naman kaming hinihindian. At iyong simula nga ng local transmission diyan, iyong mga traders lalung-lalo na sa isda kasi diyan nagsimula iyong mga namimili ng isda rito sa Bislig City at saka sa Tandag City dinadala sa ibang probinsiya kaya nahawa iyong taga-palengke. Kaya iyong una kong sinara noon, iyong palengke ng Bislig City at saka Tandag City; doon nagsimula ang local transmission.

At ngayon nga, tina-try naming lahat ang contact tracing namin. Kaya hihiling sana ako sa DILG na ipagpatuloy iyong pagha-hire ng mga contact tracer kasi hininto na nila eh kaya medyo nahihirapan na rin kami po.

ALJO BENDIJO: Opo. Sinuspinde ninyo, tama ho ba, ang lotto outlets diyan at ilan pang mga pasugalan pati na rin po iyong mga lotto, again, outlets? Ano po ang nag-udyok sa inyo para i-suspend muna ang operasyon ng lotto?

GOV. PIMENTEL: Alam mo, Aljo, talagang dapat mag-prevail—under the Constitution, magpi-prevail talaga ang state of a health emergency above all. Itong executive order ko was patterned after the executive order of Mayor Inday Sara; si Mayor Inday Sara ginawa iyan last year pa.

If you will remember, nagsimula ang COVID sa Davao City sa sabungan. At ngayon, noong nag-relax nga tayo, may mga sabungan na, may mga lotto, tumaas ang COVID dito sa Surigao. In fact, sa communities mga 64 na ang mga namatay dito. At medyo sumama ang loob ko dahil mayroon diyang mag-asawa na matigas talaga ang ulo, iyong babae araw-araw nagtu-tongits; iyong lalake, nagsusugal din, nag-iinom, hindi nagma-mask. Tapos hindi nila alam na sila ay tinamaan na ng COVID. Kapag gabi, umuuwi sila, inaalagaan nila iyong 3-year-old nila na bata. Pagka ilang days, nagka-lagnat, akala nila ordinary lang. Tapos after 20 days, namatay iyong bata. Pag-swab, positive pati iyong mag-asawa.

Kaya medyo naawa ako sa bata, kaya gumawa ako ng executive order. Gusto ko nga ipermanente muna ito until such time na ma-contain natin ang pagtaas ng COVID-19.

ALJO BENDIJO: Opo. Ano po ang mga nakalatag ninyong programa para po sa pag-rollout ng bakuna sa COVID-19 po diyan; at kailan pa magsisimula at mayroon ba kayong mga development plan para po sa vaccination?

GOV. PIMENTEL: Mayroon na po. Hinahanda pa po namin. Hindi pa kami tapos pero nagpi-prepare na kami kasi nga kailangan na iyan. At sa pag-uusap namin ni Secretary Galvez noong isang araw at saka ni Secretary Duque, hindi naman daw kailangan pang mag-allot kami ng pera kasi si President Duterte ay bibili ng good for 70% ng population ng Pilipinas, kasama na tayo diyan. At iyong 30%, naghahanda kami kung in case na kukulangin, naghanda na kami ng mga 20 to 50 million. Ina-arrange na lang namin kung papaano ang proseso pagbili. Kasi hindi ka puwedeng bumili nang diretsa, kailangan tripartite agreement. Pero inaayos na namin po lahat iyan.

ALJO BENDIJO: Opo, how about po iyong mga storage facility para sa mga bakunang paparating diyan sa Surigao Del Sur?

GOV. PIMENTEL: Iyon na nga po ina-arrange namin. Ang problema namin diyan sa storage facilities, kasi dalawa lang rito ang may ice plant. Tinitingnan namin kung kaya ba nila. Kasi ang narinig ko na interview kanina kay Toby Tiangco – kaibigan ko rin iyan – kailangan, 20 minus degree to 17 minus degree. Kaya ipapa-check ko pa iyong mga ice plant kung kaya namin or bibili kami ng freezer kasi sabi nga ni Toby Tiangco noong nakinig ako sa interview sa kanya, eh iyong 100,000 vaccines, kaya sa freezer, kasi parang isang paleta lang daw iyan, parang one square meter, 1 meter by 1 meter. So kakasya iyan sa freezer kung ganiyan, hindi naman kailangan malaki talaga. So, ginagawan po namin ng paraan, once na makakuha kami ng timetable kung kailan magpapadala dito ng vaccine, inaayos po namin lahat iyan. Kahapon nga nag-ano pa rin kami ng One Caraga Shield, iyong sa COVID-19. Lahat ng Governors dito nag-usap kami, nag-teleconference kami kahapon para ma-address po ito.

ALJO BENDIJO: May tanong si Tuesday Niu ng DZBB: Ilan po ang may kaso po ng COVID-19 ngayon diyan sa Surigao Del Sur, Gov?

GOV. PIMENTEL: Ngayon, mga 100 plus.

ALJO BENDIJO: Ano ba ito, severe o ilan po iyong active cases, naka-recover?

GOV. PIMENTEL: Hindi ko lang po nakuha iyong data. Pero marami na rin pong naka-recover. Sa ngayon tumaas lang, pati iyong Tandag 9, iyong Bislig City 24. Kaya nga iyong Bislig City po, binalik nila iyong executive order ko, si Mayor Enchong Garay na ang gumawa na wala na munang papasok sa Bislig City na hindi nagra-rapid test. Walang makapasok o labas, kailangan mag-rapid test, kamukha noong ginawa po noon. Kasi malala po ngayon.

ALJO BENDIJO: Iyon figure po ng mga namatay?

GOV. PIMENTEL: Ang namatay po namin dito lahat-lahat, mga 64 na po simula’t-simula.

ALJO BENDIJO: Pagtugon naman po natin diyan po sa problema natin sa ASF – African Swine Fever?

GOV. PIMENTEL: Hindi naman masyadong problema po rito itong ASF. In fact, isang munisipyo lang ang contaminated, pero na-contain na lang po namin, tapos naglagay na po kami ng mga checkpoint sa ASF. Iyong mga namatayan ay binigyan namin ng tigpa-P5,000 per head at iyong piglets is P2,000 per head. Iyong sa mga manok naman P30 per head at puwede naman tayong mag-loan din sa DA ng up to 300,000. Kaya tinutulungan po ng Provincial Agriculturist natin iyan.

ALJO BENDIJO: Okay, daghang salamat, Governor Alexander Pimentel.

GOV. PIMENTEL: Maraming salamat po sa inyong lahat.

USEC. IGNACIO: Dahil sa umiiral na community quarantine sa bansa, kanselado muna po ang karamihan ng licensure examination for professionals upang masiguro po ang kaligtasan ng mga examinees. Kaugnay diyan makakausap po natin si PRC Chairperson Teofilo Pilando Jr., ng Professional Regulation Commission. Good morning po, sir.

PRC CHAIRPERSON PILANDO: Good morning Usec, good morning, Aljo.

USEC. IGNACIO: Okay, sir sa inyo pong datos ilan pong examinees iyong naapektuhan po ng cancelation at posible rin po ba na isagawa ngayong taon itong mga kinanselang examination noong 2020 at kung ito daw po ay possible, mayroon na po ba tayong petsa kung kailan ito isasagawa?

PRC CHAIRPERSON PILANDO: Last year po, mga 212,000 na ang nakapag-apply compared to around 660,000 in 2019. Dahil mga 11 exams lang ang na-conduct namin last year compared to 83 examinations in 2019. Kaya ngayon, to make up, we have scheduled 101 licensure examinations for 2021. Unfortunately, may mga iba pa ring mga professional boards na nagri-recommend ng cancelation dahil for various reasons upon consultation from their respective examinees, sa academe as well as the professional organizations.

USEC. IGNACIO: Pero noong nakaraang buwan po ay inaprubahan na ng IATF, sir, iyong pagsasagawa ng ilang licensure exams para po sa unang quarter sana ng 2021. So ano po iyong mga licensure exams ang uunahin at ano pong paghahanda ang ginagawa ng PRC para dito?

PRC CHAIRPERSON PILANDO: Ang priority po ay iyong mga professions na may kinalaman sa pandemic kagaya noong kakatapos lang na examinations sa medical technology, sanitary engineering. Ngayon, ongoing ang examinations ng veterinary medicine and for next week would be for social work. And the following month, nandiyan na rin iyong licensure for physicians, for respiratory therapy, optometry. Unfortunately, kagaya noong sinabi ko earlier, may mga exams na nag-request ng postponement at least for now. Aside from that, we strictly implement iyong mga health protocols for these examinations kagaya ng PCR test or quarantine para sa examinees and examination personnel and pinadamihan namin ang mga examination venue para hindi na kailangan bumiyahe ang mga examinees as much as possible. And at the same time, sa venue mismo, we lessen the capacity from the usual 24 examinees per room to 8 para may social distancing.

Nakipag-coordinate din kami with the local government and the Department of Health sa pag-implementa ng mga examinations na ito and we are happy to know they are very cooperative.

USEC. IGNACIO: Pero sir, kino-consider pa rin po ba ng inyong ahensiya iyong pagsasagawa ng computer-based or online licensure exams lalo at higit nagkaroon na po ng sinasabing bagong strain ng virus?

PRC CHAIRPERSON PILANDO: Opo, bago pa man ang pandemic, pinag-aaralan na namin iyong computer-based licensure examinations. Pinag-aaralan lang namin iyong mga batas ng bawat propesyon at saka iyong mga issues and privacy, security and then appropriate technology. Hopefully before the end of the year, mako-conduct na namin at least for the small boards, meaning iyong mga boards na kakaunti lang ang mga examinees para mas manageable. Ma-adopt na namin itong computer-based licensure examinations. And at the same time, how to capacitate iyong mga examination personnel and the examinees themselves in this new mode of licensure examinations.

USEC. IGNACIO: Opo, paano daw po ngayon iyong proseso doon sa mga nagri-renew, pagre-renew ng PRC ID, ganoon din po iyong pagsasagawa ng oath taking ng mga bagong passers mula po sa iba’t ibang licensure exams, sir?

PRC CHAIRPERSON PILANDO: Well, the more po na mas in-enhanced namin ang use of technology. Although even before the pandemic, online na rin iyong karamihan ng mga transaction sa PRC, iyong application for professional ID. Ngayon, iyong compliance nila for continuing professional development as well as iyong hearings sa mga administrative cases. We basically shifted to virtual platform. Marami pa rin kaming dapat gagawin, pero slowly we are able to work on the use of technology.

USEC. IGNACIO: Sir, mayroon bang ibinigay na extension ang PRC para po sa ating mga kababayan na nag-expire o malapit ng mag-expire iyong validity ng kanilang professional license pero hindi pa rin po naabot iyong kinakailangan nilang CPD credit units?

PRC CHAIRPERSON PILANDO: Opo, mayroon po, actually automatic extension lalo na noong nagkaroon ng lockdown, automatically extended iyong mga nag-expire na mga professional identification cards. And with regards to the CPD compliance naman, ini-extend ng commission iyong undertaking until the end of 2021, para hindi na kailangan na ipakita ng professional na nakapag-comply sila, sabihin lang nila na they were just complying with the CPD requirements.

USEC. IGNACIO: Opo. Iyon nga po kasi karamihan po sa kanila kasi nahihirapan daw po hanggang sa ngayon makadalo sa mga CPD learning programs at learning activities dahil daw po sa umiiral na restrictions hinggil sa mass gatherings. Sakaling may katanungan po o nagnanais na humingi ng assistance ang ating mga kababayan hinggil sa inyong mga programa at serbisyo, paano at saan po nila maaaring ma-contact ang PRC?

PRC CHAIRPERSON PILANDO: Maaari po nilang kontakin ang PRC sa social media, mayroon po kaming account sa Facebook, YouTube, Twitter and our official website at saka sa website po namin nandoon din iyong mga address at saka contact numbers ng mga opisina namin nationwide as well as our service centers including iyong mga officers that should be… na nakalaan para tumugon sa mga tanong ng publiko.

USEC. IGNACIO: Okay. Maraming salamat po sa inyong panahon, PRC chairperson Teofilo Pilando Jr. stay safe po, sir.

PRC CHAIRPERSON PILANDO: Thank you.

ALJO BENDIJO: Kayo po ba ay may anak na dose anyos pababa at namomoreblema pa rin kung papaano po bibili ng child car seat upang hindi po mapangot sa bagong umiiral na batas ngayon. Aba’y huwag na raw pong mangamba at ipinagpaliban po ito kasi itong panghuhuli sa mga lalabag sa Child Safety in Motor Vehicle’s Act. Iyan po at iba pang mga isyung iyan, isyung pang-transportasyon ang ating pag-uusapan kasama si LTO chief Assistant Secretary Edgar Galvante.

Asec., magandang umaga po.

LTO CHIEF ASEC. GALVANTE: Magandang tanghali sa inyo, Aljo at sa inyong mga tagasubaybay!

ALJO BENDIJO: Opo. Kasama din po natin si Usec. Rocky Ignacio, Asec.

GALVANTE: Good morning din sa inyo.

ALJO BENDIJO: Ano po ang dahilan at bakit po pansamantalang isususpinde muna ang child car seat law ng LTO?

LTO CHIEF ASEC. GALVANTE: Totoo iyon, nakatanggap tayo niyan although a formal notice about that hinihintay pa namin pero kahit wala iyon, ang ginagawa natin sa pagpapatupad niyan eh wala namang hinuhuli kung hindi kung sakaling makita lang sila’y hindi tumutupad sa pamantayan na isinaad sa batas eh kino-caution-an sila o pinapaalalahanan tungkol doon sa probisyon na iyon.

Kaya sana mawala ang kanilang pangamba na sila’y huhulihin at pagmumultahin. Hindi po natin ginagawa iyon at again, nakikiisa po tayo sa sitwasyon na hinaharap natin kaya huwag po silang mag-alala at hindi tayo kumbaga magdadagdag sa kanilang hinaharap na problema.

ALJO BENDIJO: Kailan po kayo manghuhuli uli, Asec.?

LTO CHIEF ASEC. GALVANTE: Hindi pa natin pinagpaplanuhan iyong panghuhuli kung hindi iyong ating pagpapalawak ng kaalaman kasi nakasaad na rin iyan doon sa IRR na dapat magkaroon/magsagawa ng malawakang information awareness campaign na inumpisahan iyan ng LTO noong isang taon, mga Marso noong isang taon at ito ay naudlot dahil nang lumabas nga iyong pandemya, kumbaga na-restrict ang paggalaw ng mga kinauukulan sa pagpapalawig ng kaalaman tungkol diyan sa bagong batas na nagre-require ng child seat para doon sa mga 12-taong bata pababa kung sila’y sasakay sa pribadong sasakyan.

USEC. IGNACIO: Asec., mayroon lang pong clarification si Joseph Morong ng GMA 7: Suspended po ba daw or effective pero walang hulihan?

LTO CHIEF ASEC. GALVANTE: Totoo iyon kasi may mga probisyon naman iyan na dapat gawin. Halimbawa iyon nga, pagpapalawig ng kaalaman. So, hindi como sinuspend iyong – kung sakaling isu-suspend man iyong batas – eh, ang LTO magpapatuloy po sa pamamahagi ng information material o pagko-conduct ng mga seminars or meetings para ipaalam sa madla iyong nilalaman noong batas na iyan.

ALJO BENDIJO: Nagkaroon po ng—napakaraming kwestyon po, Asec.—mamaya babalikan natin. Sige Usec. Rocky ang ating mga kasamahan sa media. Sandali lang po, Asec. nandito na si Usec.

USEC. IGNACIO: May tanong po iyong kasamahan naming si Tina Mendez ng Philippine Star: The Senate committee daw po on public services is set to conduct an inquiry into the operations of private motor vehicle inspection centers. Will LTO review and suspend the implementation of the motor vehicle inspection? First, the implementation lacks proper dissemination daw po the public; and second, at comes at a worse time in the middle of a pandemic where people are having financial difficulties; third, trooping to the PMVICs might violate iyon pong tinatawag nating social distancing rules.

LTO CHIEF ASEC. GALVANTE: Mawalang-galang na po. Actually, iyong requirement po ng motor vehicle inspection hindi po iyan ngayon lang kaya kung puwedeng mai-outline ko lang po, as early as 1990, pinagplanuhan na po ng pamahalaan iyan at nag-put up na nga mga motor vehicle inspection center na ang mangangasiwa po ang LTO.

Bagamat operator po niyan ay napaglumaan, hindi na-upgrade, hindi na-rehabilitate, kaya po sa paghahangad na makapagput up tayo nito muli eh napag-isipan na baka puwedeng mga private entities na may kakayahan na sila’y mag-finance ng pagse-set up nitong mga facilities na ito eh tanggapin ang kanilang tulong at para maisagawa natin iyong tunay na inspection ng vehicle.

Dati-rati po may polisiya na kapag ang sasakyan ay 15 years old or older, hindi na po puwedeng i-renew pero ngayon po nagkakaroon ng kumbaga leeway po na kung ang sasakyan kahit na po 15 taon o mas matanda po eh kung ito’y pasado po sa road worthiness check through the inspection makikita ito eh papayagan na pong magpa-renew ng kanilang registration.

USEC. IGNACIO: Opo. May ihahabol ding tanong si Joseph Morong ulit ng GMA 7: So, wala daw po bang order to suspend?

LTO CHIEF ASEC. GALVANTE: Sa ngayon po, wala dahil iyon po ang kailangan para tingnan kung iyong sasakyan eh dapat nga pong i-renew ang kanilang registration. Masabi ko lang po na sa renewal ng registration to check the road worthiness, tinitingnan po iyong preno, iyong ilaw, iyong suspension, iyong ingay na idinudulot kapag nag-o-operate iyong sasakyan pati po iyong emission, iyong ibinubugang usok nito kung tumutugma po sa ina-allow na lebel ng usok. At kung sila po ay pasado dito, iyon po ang ikinokonsidera para i-renew iyong kanilang vehicle, iyong registration ng vehicle nila.

USEC. IGNACIO: Opo. Asec., iyon pong tanong ni Joseph iyong order to suspend noong car seat law?

LTO CHIEF ASEC. GALVANTE: Iyon nga po, wala pa po kaming natatanggap na pormal na sinasabing i-suspend pero bagamat ang sinasabi ko po, iyong panghuhuli hindi po ginagawa iyan. Kung sakali ngang ang mga enforcers natin nakakita ng mga kailangang punahin at hindi sila tumutupad doon sa probisyon ng batas, sila po ay kino-caution lang at pinapaliwanagan kung anong dapat nilang gawin para makasunod sila sa ipinag-uutos ng batas.

USEC. IGNACIO: Maraming kababayan po natin iyong kontra dahil maaaring pagsimulan lamang daw po ito ng kurapsyon. Paano daw po kasi kada may makikitang problema ang PMVIC ay pababalikin daw po iyong motorist for reinspection ng sasakyan na may katumbas din ng panibagong bayad. Isang paraan daw di umano ito po para gatasan ang mga vehicle owners. Ano po ang masasabi ninyo tungkol dito?

LTO CHIEF ASEC. GALVANTE: Kung mayroon pong nangyayaring ganiyan, bukas po ang LTO para i-report iyan kasi po iyong accreditation ng mga MVIC eh susupervisan po ng LTO iyan at kung may mga paglabas sila sa mga kondisyon na dapat nilang sundin na pamantayan eh maaari pong suspendehin o maaaring kanselahin ang kanilang authority to operate.

ALJO BENDIJO: May tanong po si Jasmin Romero ng ABS-CBN po, Asec.

LTO CHIEF ASEC. GALVANTE: Yes, please.

ALJO BENDIJO: Ano po ang latest sa education campaign ng LTO, may ilang mayors like QC and Navotas, nag-aalangan sa batas. Your thoughts on this. Ito iyong car seat law. Marami ang bumibili ngayon ng car seats pero walang PS marks o ICC stickers. Ano po ang payo ninyo sa mga buyer?

LTO CHIEF ASEC. GALVANTE: Mayroon pong nilabas na batayan ang DTI. At dapat po iyong mga nagtitinda niyan ay tumutupad din doon sa nilabas ng DTI. Kaya po kung sila ay bibili, pakiusisa po kung mayroon silang PS mark or ICC mark. Kung wala po silang ganoon ay hindi po ito tumutugma sa hinihingi po ng batas kaya sana po ay huwag nilang patronize-in iyong mga ganoon produkto.

ALJO BENDIJO: So malinaw po iyon, ASec., kapag 12 years old and below at, tama ba, 4 feet and 11 inches, required pong magkaroon ng car seat iyong bata? Eh kapag dose anyos, mayroon pong height talaga, matangkad eh, lampas na five feet so hindi na po sila kinakailangan pong umupo doon sa booster, ang tawag doon eh – car seat ng mga bata. Tama ho ba?

LTO CHIEF ASEC. GALVANTE: Linawin din po ano, ang mahigpit na ipinagbabawal ay kung iyong bata ay less than 4 feet 11, iyon pong pag-upo sa harap. Kasi po kung titingnan natin, iyong standard na seatbelt ay kung mababa sa ganoong height iyong bata, makikita po natin iyong strap ng seatbelt ay tatama po sa kaniyang leeg at maaaring ito ay makasakal sa kaniya kung sakaling magkaroon ng aksidente.

Kaya ang sinasabi po diyan, eh hindi sila puwedeng umupo sa harap. Pero sila ay uupo sa likod at iyong seatbelt ay gagamitin nila. Ngayon, iyong tungkol po sa car seat, eh hindi ko naman, parang iyong car seat ay one size fits all eh. Kaya hindi po kailangan, kung halimbawa napakalaki ng bata pero wala pa siyang more than 12 years old, eh iyong car seat ay hindi naman adjustable iyan na ma-accommodate iyong size ng bata, eh standard seatbelt ang gagamitin po para matiyak natin na hindi masasaktan o ma-injure iyong bata in case na mayroon pong traffic accident.

ALJO BENDIJO: Opo. Okay, so kung five feet and above, dose anyos pababa iyong bata o kaya 12 years old, malaki po siya eh, kaya naman po na hindi po tatamaan talaga iyong katawan, puwede po siya sa harapan, katabi ng driver, umupo?

LTO CHIEF ASEC. GALVANTE: Iyon po ang pinapayagan ng batas.

ALJO BENDIJO: Okay, all right. Sige, mensahe na lang—

USEC. IGNACIO: Iyong sa facemask.

ALJO BENDIJO: Ah, facemask pa pala. Oo, sa facemask, ASec. Tama ba kapag ikaw lang ang mag-isa sa loob ng sasakyan ay hindi na kinakailangang magsuot ng facemask, pati face shield?

LTO CHIEF ASEC. GALVANTE: Iyon po ang inilabas na advisory ng Department of Health, at iyon po ang ini-implement natin. At ang panawagan po ay sana ay tumugon dito para hindi po maka-add doon sa pag-spread ng virus na iniiwasan natin.

ALJO BENDIJO: [OFF MIC] ka pa rin magsuot kahit ikaw lang ang mag-isa sa loob ng sasakyan ng facemask at face shield, tama ho ba?

LTO CHIEF ASEC. GALVANTE: Sa ngayon po, ang nakalagay ay kung wala kayong kasama sa sasakyan, you may not wear the facemask. So iyon po ang sinusunod po natin bilang issuance ng ating IATF at DOH.

ALJO BENDIJO: Wala na, oh sige. So puwede na, makakahinga ka na, Usec; ako din. Wala nang facemask at face shield. Maliban na lang kung may kasama ka sa loob. Mandatory iyon, ASec?

LTO CHIEF ASEC. GALVANTE: Iyan ang nasa pahayag po.

ALJO BENDIJO: All right. Maraming salamat sa inyong panahon, LTO Assistant Secretary Edgar Galvante. Ingat po, ASec.

LTO CHIEF ASEC. GALVANTE: Maraming salamat din sa inyo.

ALJO BENDIJO: All right. Balik sa ating mga balita: Mga kababayan nating kabilang sa vulnerable sector sa Gingoog City, Misamis Oriental pinamahagian ng tulong ni Senador Bong Go. Samantala, sa kabila ng mataas na presyo po ng mga bilihin, tiniyak din ng Senador na binabalanse ng pamahalaan ang interes ng mga negosyante at ng mga mamimili. Para sa detalye ng balitang iyan, panoorin natin ito:

[VTR]

USEC. IGNACIO: Samantala, tunghayan naman natin ang pinakahuling ulat mula sa iba’t ibang lalawigan sa bansa. Makakasama natin si Czarinah Lusuegro mula po sa Philippine Broadcasting Service.

[NEWS REPORTING]

USEC. IGNACIO: Maraming salamat, Czarinah Lusuegro ng Philippine Broadcasting Service.

Dumako na po tayo sa pinakahuling tala ng COVID-19 cases sa buong bansa. Base po sa report ng Department of Health kahapon, February 3, 2021, umabot na sa 530,118 ang total number of confirmed cases matapos maitala ang 1,266 new COVID-19 cases kahapon. Sixty-eight na katao naman ang bagong mga nasawi kaya umabot na sa 10,942 cases ang kabuuang bilang ng COVID-19 death sa ating bansa. Ngunit patuloy din ang pagdami ng mga nakaka-recover na umakyat na po sa 487,721 matapos makapagtala kahapon ng 130 new recoveries. Ang total active cases ay 31,455 sa ngayon.

At iyan po ang balitang aming nakalap ngayong araw. Ang Public Briefing po ay hatid sa inyo ng iba’t ibang sangay ng PCOO sa pakikipagtulungan ng Department of Health at kaisa ng Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas o KBP.

ALJO BENDIJO: Asahan ninyo ang aming patuloy na pagbibigay-impormasyon kaugnay sa ating laban sa COVID-19 pandemic. Maraming salamat din po sa Filipino Sign Language Access Team for COVID-19. Ako po si Aljo Bendijo. Thank you, Usec.

USEC. IGNACIO: Thank you, Aljo. Sa ngalan po ni Secretary Martin Andanar, ako naman po si Usec. Rocky Ignacio, at ang Public Briefing #LagingHandaPH.

##

Source: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)