Press Briefing

Press Briefing of Presidential Spokesperson Harry Roque


Event Press Briefing
Location New Executive Building (NEB), Malacañang, Manila

SEC. ROQUE: Magandang tanghali, Pilipinas.

Nagpulong po kahapon ang mga Gabinete kasama ang ating Presidente sa kanilang 51st Cabinet meeting, may dalawang punto lang po tayo na idi-discuss ngayon ‘no.

Unang-una, usaping baboy. Tingnan po muna natin, magkano ba talaga ang kinakailangan para makapag-produce ang mga nag-aalaga ng baboy para ibenta sa atin? Ang national average po ng production ng baboy 171 pesos per kilo.

Now, ang problema po, wala pong supply. Bakit? Dahil gaya nga po ng sinabi ni Secretary Dominguez kahapon, iyong ASF ay parang COVID ng mga baboy; ang diperensiya, ang ASF ay talagang nakakamatay. Kahapon nga po ay mayroon akong kausap, mayroon siya dating 10,000 heads na baboy, patay po lahat dahil sa ASF.

Now, dahil dito naubos ang supply natin sa Luzon or kung hindi naubos ay mababa ang ating supply. Eh ngayon, alam ninyo naman iyong law on supply and demand ‘no. Kung mataas ang demand at walang supply, tataas ang presyo. Kaya nga po, tumaas ang presyo ng baboy bagama’t constant po iyong cost of producing per kilo ng baboy.

Eh magkano ba ho ngayon ang presyo ng baboy? Naku po, alam ninyo naman iyong mga namamalengke ‘no, tingnan ninyo po sa infographics na ito, mula sa 320 hanggang 400 pesos dahil nga po sa kakulangan ng supply. Kaya napilitan ang gobyerno na mag-impose po ng price ceiling na hanggang 280 hanggang 310 pesos per kilo ang baboy.

Now, gaano ba ho ang ating kakulangan dahil nga po dito sa ASF na ito? Hindi po ito bababa sa 400,000 metric tons ang kakulangan natin. Now, anong solusyon? Well, ang normal na solusyon po natin dahil tayo naman ay arkipelago ay kinakailangan mag-angkat muna tayo ng baboy na inalagaan at pinalaki sa Visayas at Mindanao. And as a last resort, pupuwede rin tayong mag-angkat galing sa ibang bansa.

Now, ang tanong: Magkano ba ang presyo ng baboy kung ito ay iaangkat natin galing sa ibang bansa at magkano ba iyong taripa na ini-impose natin para hindi naman madehado iyong ating mga local na producers? Naku, mga kababayan, napakababa po ng imported presyo ng baboy. Sa katunayan, kasama na ang 40% ng taripa ay ang boneless sirloin na makikita ninyo po, ito’y galing po sa Customs ‘no, ay pumapatak lamang ng 114.35 ang halaga ng baboy na mayroon ng kuwarenta porsiyentong taripa. Anong problema? Kung ikaw ay Pilipino, nag-aalaga ng baboy, ang halaga mo to produce isang kilo, 171; kung ikaw ay mag-aangkat, kasama na ang taripa, ang halaga ay 114. So napakamura. Anong mangyayari diyan ‘no? Eh baka tuluyang mawala na iyong mga local producers. Kaya nga po nag-iingat tayo pagdating doon sa desisyon kung ilan ang aangkatin from abroad. At ang ating priority ay mag-aangkat muna tayo galing sa Visayas at Mindanao.

Now, kahapon po, mayroon akong puntong rineys [raised]. Ang sabi ko, itong ating price ceiling, tama iyan, kasi nakikita natin na napakalaki noong agwat doon sa cost of production at saka doon sa binibili ng ating mga mamimili. Ibig sabihin, iyong mga traders, napakalaki ng kinikita! So tama lang na mayroon tayong price cap na tinatawag.

Pero ang tanong, eh bakit sa palengke lang ini-impose ang price cap samantalang – ibabalik ko iyong halaga ng imported ha, 114 pesos per kilo ang imported kasama na ang taripa. Bakit walang price cap sa supermarket? Eh ang tanong, mga kababayan, eh sino ba ang nag-aangkat ng baboy para address-in ang kakulangan? Iyong mga nasa palengke na tinatawaran pa natin o iyong mga nasa supermarket? Hindi ba dapat lamang na kapag magkakaroon ng price cap ay kaparehong may price cap sa palengke at sa supermarket, lalo na nga sa supermarket dahil mas mura nilang naaangkat iyong baboy.

Kaya naman kahapon po, nangako po ang ating DTI sa pamamagitan ni Secretary Lopez na henceforth, unang-una magkakaroon po ng label na imported ang baboy na binibenta sa supermarket. At kapag ito po ay imported na baboy nga, subject na rin po siya sa price cap. Sabi ko nga po kagabi, aba’y mayroon tayong prinsipiyo ‘no, equal protection clause ‘no. Kinakailangan things similarly situated must be treated alike. Eh ano ba ang pagkakaiba sa baboy sa supermarket at baboy sa palengke. Sabihin mo nang mayroon silang mga additional overhead, eh kapag sila naman ay nag-angkat, mas mura kaysa doon sa binili sa lokal. So ngayon po, patas – magkakaroon po ng label sa supermarket at ito po ay isa-subject din sa ating price cap.

Pero ano ba ho talaga ang ginagawa ng inyong gobyerno para maibsan itong kakulangan ng baboy dahil talaga namang tumaas ang presyo dahil kulang ang supply. Well, mayroon po tayong ginagawang tinatawag na whole of nation approach. Habang ako po ay nagdi-discuss kung ano itong whole of nation approach, dito po sa ating infographic ay makikita ninyo lahat ng ating mga planong gawin. Unang-una, ano ba ho ang plano natin at ano iyong pinapatupad na natin? Una, ang DA regional field units at iba pang attached agencies at ang mga korporasyon ng DA ay maglalaan ng resources para bumili ng mga baboy mula Visayas at Mindanao at mga probinsiya sa Luzon na ASF-free. At ita-transport ang mga ito sa mga pangunahing pampublikong palengke sa Metro Manila simula ngayong weekend sa presyong mula 270 hanggang 300 bawat kilo para sa kapakanan ng mga mamimili. So ang inaangkat po natin, grown and fed in the Philippines.

Pangalawa, ang DA ay gagawa ng mga hakbang para buhayin ang swine industry ng bansa. Ito ang re-population program, siyempre po, naubos ng ASF. Paano tayo makakabangon? Eh kinakailangan bigyan natin sila uli ng palalakihing mga baboy na walang ASF. Sa pakikipag-ugnayan sa pribadong sektor, veterinary groups, LGUs at iba pang organisadong grupo ng mga magbababoy.

May pauna nang isang bilyong piso po para sa re-population program kasama na ang kalahating bilyon or five hundred million na halaga ng zero interest loans para sa backyard at semi-commercial raisers. Mayroon ding nilaan na labinlimang bilyong piso, 15 billion, para sa pagpapautang sa commercial raisers. So iyong mga gaya ko po, ako po talaga dati ay nag-aalaga rin ng baboy ‘no, pero siyempre tinamaan din, lahat po tayo ay pupuwede na tayong mangutang para tayo po ay makakuha uli ng palaki ‘no.

Pangatlo, papalakasin ng DA ang Bantay ASF sa barangay para ma-manage, maiwasan at ma-control ang African Swine Flu. Kasama ng DA ang LGUs, pribadong sektor, veterinary groups at hog raisers association.

Siguro po sa susunod na linggo, iyong isa kong kasama dati—dati po, kasi wiped out na ako ‘no. Isa kong kasama rin sa industriya ay iimbitahan natin para naman marinig talaga natin kung ano iyong mga persepsyon ng mga nag-aalaga mismo ng baboy na naging biktima ng ASF.

Mayroon na po tayong initial arrangements, ang DA, para bumili ng bakuna sa ASF na idinivelop ng US Department of Agriculture na sa ngayon ay clinically at field tested sa Vietnam. Mantakin ninyo po ‘no, habang tayo ay nagbabakuna laban sa COVID-19, kinakailangan magbakuna rin laban sa ASF.

Okay, so ito po iyong whole of nation approach na tinatawag natin para buhayin ang industriya ng pagbababoy at pababain ang presyo ng baboy. Inuna ko na muna ang usaping baboy kasi paborito po talaga ng Pilipino iyan at siyempre, malapit sa sikmura. Ang suma-total, gumagawa po tayo ng hakbang, hindi natin ninais na madali tayo ng ASF kasabay ng COVID-19. Pero babangon din po tayo, mapapababa rin natin ang presyo ng paboritong lechon!

Good news – aba’y pangalawang good news po – inaprubahan kahapon po ng Gabinete at ng Presidente sa meeting nga ang mga sumusunod na hakbang para matulungan ang lifeliner electric consumers. Kung ikaw ay lifeliner—ito po ay para sa lifeliner lamang ha—ano iyong mga pribilehiyo:

Una, no disconnection hanggang Pebrero;
Pangalawa, ang pag-extend ng grace period ng additional two months para magbayad ng inyong kuryente;
Pangatlo, ang pagbibigay ng option for installment payment kung hindi mabayaran buung-buo.

Now, ito po ang importante dahil itong mga benepisyong ito ay para sa lifeliners lamang, sino ba ho iyong mga tinatawag nating lifeliners? Ito po talaga iyong poorest of the poor. Itong inaprubahan po kahapon ay dagdag na proteksiyon para sa mahihirap at nagsusulong ng energy efficiency sa panahon ng pandemya. Nadinig po tayo ng Presidente, kinakailangan natin ng lahat ng tulong dahil nga po sa pandemya, kung dati mahirap ng buhay, mas mahirap po ngayon at nagbibigay tayo ng karagdagang benepisyo.

Now, na-discuss din po iyong funding ng PhilHealth, kasi nga po pinahinto ni Presidente iyong mas mataas na premiums. Well, ang mga na-discuss po, walang choice, kinakailangan mag cut cost doon sa operasyon ng PhilHealth at kinakailangan mas pabutihin pa iyong collection record ng PhilHealth. Pero sa susunod na linggo po, dahil tayo naman po ang nagsulong ng Universal Healthcare sa Mababang Kapulungan noong 17th congress, iimbitahin ko po iyong mga tumulong sa akin na magsulong ng batas na iyan. Ito po iyong tinatawag nilang UP-PGH Study Group on universal Healthcare. At ang iimbitahin po natin kung siya ay available next week walang iba po kung hindi ang Magsaysay Awardee, Dr. Domingo. Hindi po siya iyong nasa food and Drug Administration, siya po ay isang Magsaysay awardee, liver doctor at siya po talaga iyong pangunahing naging consultant natin noong sinulong po natin iyong Universal Health Care para sa sagutin ang tanong na: ‘Saan ba talaga dapat manggaling ang pondo para sa Universal Healthcare kung kulang ang mga premiums?’

Hindi na po ako magko-COVID-19 report kasi iyon naman po iyong last point na diniscuss ni Usec. Rocky, pero ulitin ko lang po iyong ranking, kasi paulit-ulit. Kanina na-interview na naman ako, hindi raw maganda ang handling natin ng COVID. Naku po, iyan po ang propaganda, iyong propaganda talaga eh ay hindi maganda ang handling natin, dahil kung titingnan po ninyo natin ang datos, galing naman po sa world Health Organization na hindi ninyo puwedeng pagbintangan na sila ay nagkakalat ng fake news or propaganda. Eh nagpapakita naman po na we are managing our COVID-19 pandemic, rather well, in the Philippines.

Sa total cases po, number 32 tayo worldwide. Sa active cases, number 41 tayo worldwide. Cases per one million population, number 134 tayo worldwide at ang case fatality rate ay 2.1% or number 68 worldwide. Now, sa mga kasong aktibo po ngayon sa Pilipinas, mayroon po tayong 31,455 ayon po sa datos ng DOH. At doon sa mga aktibong kaso, 94.6 ay mild at symptomatic, 2.5 ang kritikal at 2.4% ang severe. Nasa 487, 721 ang kabuuang bilang ng mga gumaling or 92% recovery rate. Mayroon po tayong fatality rate na 10, 942 at nakikiramay po kami. Iyan po ay 2.06 fatality rate.

Okay, now tingnan naman po natin ang kakayahan ng ating mga hospital. Well, unang-una iyong confirmed COVID-19 cases by adjusted date of onset, makikita po ninyo na bagama’t bumababa ay talagang nag-spike po siya for the past four days at the very least. Pero ngayon naman po, nag-spike, pababa na naman muli sana patuloy na po iyan.

Sa ating mga ospital, puno na po ang ating mga ospital? Hindi naman po ‘no, mayroon pa tayong 59% available na ICU beds, mayroon tayong 65% available na isolation beds, mayroon tayong 75% available na ward beds at mayroon tayong 79% available na mga ventilators.

Okay, bago po tayo pumunta sa ating mga kasama sa MPC. Mayroon po tayong dalawang panauhin. Unahin ko na po muna si Taguig Mayor Lino Cayetano. Ang isyu po kasi, parating na iyong COVAX facility – iyon nga po iyong makukuha nating bakuna, dahil sa pangunguna ng WHO – 117,000 na Pfizer at ilang milyon na AstraZeneca. Ang tanong, dahil ang mga lokal na pamahalaan naman po ang magdi-distribute niyan at talagang magtuturok sa kanilang mga constituents, handa na ba ho ang ating mga LGUs. Pauna lang po namin ito, next week ipi-feature po natin, as many as we can na mga local government units. Mamayang hapon nandiyan po ako sa aking siyudad ng Pasay, alas-dos kasama si Mayor Calixto para nga po i-discuss iyong ating mga plano para makarating sa taumbayan natin ang bakuna.

Pero unahin po natin si Taguig Mayor Lino Cayetano. Sir, ano na pong mga hakbang ang nagawa ninyo para masiguro na mabakunahan ang mga taga-Taguig sa lalong mabilis na panahon? The floor is yours, Mayor Cayetano.

TAGUIG MAYOR CAYETANO: Salamat. Magandang tanghali sa aking kaibigan, Secretary Harry Roque. Sa PCOO Team, magandang tanghali sa inyo and of course, the Malacañang Press Corps. Salamat po sa oportunidad na maikuwento, mailahad ng Lungsod ng Taguig ang kaniyang vaccination plan.

Pero bago po iyon, dito po sa Lungsod ng Taguig what we communicate, Sec., is really iyong vaccination is the most important step. It will be the most important program over the next few months of the national and the local government. Pero ang vaccination po ay isang component lang noong ating overall goal. Ang overall goal pa rin natin ay napakalinaw: To end COVID-19, to end the pandemic, to beat this virus. So, iyon iyong isa naming ini-emphasize. Napakahalaga ng vaccination, but it is just one component.

Bakit po namin pinapaliwanag ito? Dahil mayroon pong mga bansa na tulad natin naghihintay pa rin ng mga vaccine, pero halos zero na po iyong kaso, Australia, New Zealand, Taiwan, even Vietnam and Singapore. Ibig sabihin po noon, habang hinihintay natin iyong pagdating ng vaccine, habang tayo ay naghahanda, we want to emphasize in the city of Taguig na patuloy dapat tayo, iyong nakasulat ninyo diyan sa podium: Mask, Physical distancing and to continue to enforce the minimum health protocols. Naniniwala po tayo, dito sa Lungsod ng Taguig, umabot na po tayo sa almost 1 to 2 active cases per 100,000. Ngayon po tumaas tayo ng mga 9 to 10 active cases per 100,000, still among the lowest in Metro Manila. But naniniwala po kami na patuloy sa paghahanda sa pagbabakuna, napakahalaga na kaya natin iyong road to zero even as the vaccine comes.

Sa ibang mga bansa po kasi, Sec., habang nagro-rollout iyong vaccine kung hindi tayo maingat, while they rollout millions of vaccines, it is also a period where there are most infections and there are most deaths. So iyon iyong isa naming patuloy na paalala o warning sa ating mga kababayan. So let me share po, Sec., a short video habang nina-narrate ko po.

So, unang-una iyong sa pagdating po sa best practices. Last time na nandito po ako, something that we shared is iyong localized lockdown. So, just quickly before we go to vaccination. Iyong localized lockdown po nakita natin diyan sa BGC, hindi po kailangang isarado ang buong lungsod, kahit po iyong barangay. Patuloy iyong operations namin diyan sa BGC when 294 active cases were found in one construction site. Pero doon sa mabilis po nating kilos, 294, hindi nagsara ang Taguig, hindi nagsara ang BGC, hindi nagsara mismo iyong kalye, only the construction site – 294 infected cases and after three weeks, 294 recovered. So, again as we are waiting for vaccination, tuluy-tuloy pa rin ho iyong ating localized lockdown, para tuluyang magbukas ang ekonomiya.

Pangalawa po na napakaimportanteng istratehiya, pinaalala ng ating Pangulo iyong testing. In the City of Taguig, we will continue to address the free test, lahat po ng health center sa Taguig, all 30 health centers conduct COVID-19 PCR test. And na-witness po ninyo ito, Sec., you were able to experience iyong drive through natin, tuloy pa rin. Twice a week, every Wednesday, every Friday sa BGC at sa Lakeshore sa Lower Bicutan, tuluy-tuloy iyong aming drive through testing sa Lungsod ng Taguig.

Overall ho, we have conducted, the government has conducted around 111, 000 free PCR tests, that is equivalent to almost 10 or 11% of our population. Again, naniniwala kami napakahalagang component nito. Iyong nakikita po ninyo sa screen, iyan po iyong aming quarantine facility. Again, para maghiwalay po iyong mga may sakit, we made sure na mayroon tayong komportable na quarantine facility – may sariling kuwatro, may sariling banyo – iyong bawat [tao] po na maka-quarantine.

So, again this components, naniniwala kami, even during vaccination, is important. Iyong nakikita po ninyo sa screen ninyo ngayon, iyan po iyong isang component of our vaccine plan. Again, thank you sa pag-imbita sa amin, dahil naniniwala po kami, iyong unang step is really massive information campaign and social preparation. Kaya po the most important component right now of our vaccination plan is nagtayo po kami ng isang standalone vaccination training and information center.

Sec. Harry, I’ll be happy to invite you here, kapag may oras po kayo. I know you are busy going around the country. Kung maiimbita ko po kayo dito, it is a place na tino-tour po namin ngayon, lahat ng barangay captain natin, lahat po ng mga members ng community, church groups, GPTA, household, homeowner’s association president, lahat po ng puwede naming iikot, we used it as a venue para magkakumpiyansa iyong mga kababayan natin sa pagbabakuna. So, ito ho iyong nakikita ninyo ngayon, ikukuwento ko ho iyong paglalahad. Once the vaccine is here, handa na ho ang Lungsod ng Taguig.

Sa tanong ninyo kanina kung handa po kami, handa na po. Once the vaccine arrives, ang kailangan lang hong sabihin sa akin ay nandiyan, puwedeng kami ang sumundo sa airport o puwedeng dalhin ho sa aming storage facility. Iyong nakikita ninyo ho is our cold storage facility, world class ho ito and we partnered na sa Lungsod ng Taguig mai-ensure ho nila iyong integridad ng vaccine kahit ho iyong Pfizer na kailangan ng extreme temperature mula ho doon sa storage facility and we can store even up to a million or two million vaccines.

Sinukat na ho namin, we timed it, we did time in motion, dadalhin ho iyan sa aming mga vaccination centers.

What you see, Sec., on the screen right now and to the Malacañang Press Corps is iyong 40 vaccination sites. So, right now ho we’re capacitating, we are training our staff for the 40 vaccination sites – five mega vaccination centers and 35 community vaccination centers. But we will also partner with our hospitals – private and public hospitals – for the rollout.

So, iyong nakikita ninyo sa screen ngayon are our mega vaccination centers, so lima ho iyan. iyan ho iyong mga standalone structures – iyong aming university, itong standalone facility sa Lakeshore and then our schools. Napakahalaga ho sa amin that we have a lot of vaccination sites para madali hong puntahan iyong aming mga vaccination center and we are currently setting them up.

Pagdating naman ho sa manpower, sa mga kinakailangan para magpabakuna, handa rin ho kami. The City of Taguig has 716 vaccinators. Iyong 716 na po ito, lahat po iyan empleyado ng gobyerno but we are currently also partnering with our friends sa Bureau of Fire, sa Philippine National Police, even sa mga private organizations tulad ng Red Cross, para ma-augment, para lalo hong dumami iyong vaccinators natin.

Ang sabi ho ng Department of Health batay sa guidelines ng WHO, ito ho sa screen ninyo, ito ho iyong kailangan ng isang team. So one team is composed at the very least of this five; isa lang ho ang vaccinator na kailangan diyan.

So, something to remember siguro kung ngayon ibinabatay ho natin ngayon sa gabay ng Department of Health, ang nakikita po namin Sec., ang sabi nila one team can vaccinate up to 100 people per eight-hour shift.

So, kami ho to be a little bit conservative habang ho nagsasanay tayo, ito ho kaunting computation ‘no. Kasi ang isang venue puwede ho more than one team. So, kung malaki iyan tulad ng isang eskuwelahan, we can set-up anywhere from five to ten teams. So, kung five teams tayo per venue at mayroon tayong forty vaccination sites, we can do around 15,000 a day. It will take around 46 days for us to vaccinate iyong 670,000 population.

Pero nakita ho namin mukhang kakayanin rin namin ten teams per vaccination site – sampung team. With that we can do 30 vaccinations a day—30,000 and we can finish in around 23 days. Pero again, ‘no hindi ho ito pabilisan, we want to do it safely and effectively. At kapag tayo ho nag-vaccinate kasabay noong binanggit natin kanina na tuloy-tuloy iyong ating mga health protocols. We have time to prepare and we have time to do it right.

SEC. ROQUE: Okay. Maraming, maraming salamat, Mayor Cayetano. Asahan ninyo po sa susunod na linggo ay iyong ibang mga alkalde ay makakasama rin natin para i-discuss ang kanilang rollout plan at mamayang hapon po papunta ako diyan sa Pasay para nga po pakinggan kung ano iyong rollout plan natin.

Bago po ako makarating ng siyudad ng Pasay, congratulations dahil for the past months po, Pasay is one of the cities na puro negative po ang attack rate ng COVID. Ibig sabihin, pababa po nang pababa iyong attack rate ng COVID sa siyudad ng Pasay. See you later, Mayor Calixto; and thank you very much Mayor Cayetano.

Now, we have a true expert. A former Secretary of the Department of Health, a former professor of medicine at the UP College of Medicine, former director of Heart Center, lahat po ng credentials nasa kaniya na. Pero sabi ko po sa kaniya, iba ang tanong ko sa kaniya ngayon. Kasi nga po ngayong magbabakuna na tayo eh mayroon pong mga natatakot sa bakuna at bakit?

Kasi nga po doon sa nangyari sa Dengvaxia. Pero napapansin ninyo, walang gustong magsalita sa Dengvaxia kaya winarningan ko po ngayon si Secretary Cabral tatanungin ko siya, ano ba hong nangyari sa Dengvaxia at iyong pangyayaring ito bakit negatibo ang epekto doon sa kumpiyansa nating magpabakuna at ano ang way forward para magtiwala pa nang lalo ang ating mga kababayan na magpabakuna sa COVID-19?

Ma’am, these are difficult questions and questions that are not openly discussed but have to be answered and I think an expert like you would be in a position to answer it. The floor is yours, ma’am., Dra. Cabral.

SEC. CABRAL: Maraming salamat, Sec. Harry. Magandang tanghali sa inyong lahat and thank you for the opportunity to discuss vaccine hesitancy in light of our COVID-19 problem.

Ano nga ba ang dahilan kung bakit tayo ay nagbabakuna? And may I have the first slide, please?

Tayo ay nagbabakuna para hindi tayo magkaroon ng malubhang sakit at hindi mamatay. Iyon ang pinakaimportante sa lahat na dahilan at susunod, kung magkakasakit man tayo, gusto natin ay mas mild kaysa sa mas malubha ang magiging sakit natin. At finally, gusto natin na huwag nang kumalat iyong sakit sa ibang tao.

At kung mayroong isang bakuna na puwedeng magamit ay ito ang mga dahilan kung bakit natin gagamitin ito.

Ito ay illustration ng mahusay na ginagawa ng bakuna. Makikita natin dito na noong araw, for example sa measles, bawat taon higit daang libo, minsan isang milyon sa isang taon ang nagkakaroon ng measles o tigdas at maraming namamatay dito. Pero noong 1950s, nagkaroon na ng bakuna para sa measles at mula noon ay bumaba na nang bumaba ang mga kaso natin ng measles at kakaunti na lang ngayon maliban kung magkakaroon ng isang outbreak dahil sa hindi masyadong nabakunahan iyong mga tao.

But in the last few years, iyong kumpiyansa natin sa pagbabakuna ay nagbago. Makikita natin mula dito sa report ni Dr. Heidi Larson ng Vaccine Confidence Project, kung ano ang nangyari sa vaccine confidence dito sa ating bansa noong 2018 kumpara sa 2015. At tandaan natin ang nangyari between these three years iyong 2015 at 2018 ay nagkaroon tayo ng iskandalo tungkol doon sa vaccine para sa dengue fever, okay?

Noong 2015, 93% ng mga Filipino ay nagsasabi na importante ang bakuna para sa ating kalusugan; pero noong 2018 ay bumaba ito sa 32%. Noong 2015, 82% ng mga tao sa Pilipinas ay nagsasabi na ang mga bakuna ay ligtas pero bumaba ang kumpiyansa sa kaligtasan ng bakuna sa 21% noong 2018. At noong 2015, 82% din ang nagsasabi na ang mga bakuna ay mahusay at epektibo pero ito ay bumaba sa 22% noong 2018.

So, ito ang naging resulta noong iskandalo ng Dengvaxia noong 2018. At hindi lamang si Dr. Larson ang nagsasabi nito, kung pakikinggan natin ang mga local chief executives at ang mga mamamayan mismo, malalaman natin na talagang ito ay isa sa pinakamalaking dahilan kung bakit ngayon ay dudang-duda ang mga tao sa bakuna.

Next please. Sorry, balik tayo doon sa Pulse Asia Survey.

Noong end of November to the first few days of December, ang Pulse Asia ay nag-survey at nakikita natin na noong panahon na iyon, 32% lamang sa mga Pilipino ang nagsasabi ng willing sila na magpabakuna ng COVID-19 at ito ay sinusugan ng OCTA Research na nag-report a week or so after na mas mababa pa nga ang numero ng mga tao na gustong magpabakuna ng COVID-19.

Bukod doon, itong last month lamang ay gumawa ang UST-COVAX research team ng isa ding online survey na 15,600 ang mga respondents. At dito sa survey na ito, makikita natin na 23.7% lamang ang nagsabi na they will definitely use any vaccine available for COVID-19.

Maraming pangamba ang ating mga kababayan ngayon tungkol sa bakuna, particularly tungkol sa COVID-19 vaccine: Sila ay nangangamba na baka fake iyong vaccine na mai-inject sa kanila; nangangamba sila na baka hindi ligtas ang magpabakuna; baka hindi epektibo ang bakuna; baka hindi ito epektibo sa mga bagong lumalabas na mga variants ngCOVID-19; baka hindi na-testing mabuti ang mga bakunang ito; baka may halaga para sa kanila at; baka itong mga bakuna na ito ay masyadong pinabilis ang paggawa. So iyan ang mga dahilan ngayon kung bakit ayaw ng karamihan o nagdududa ang karamihan na magpabakuna.

Ang sinasabi ng mga tao ay aba kung kami ay babakunahan, magpabakuna muna ang iba, lalo na ang pulitiko na nagsasabi na magpabakuna kami. So, makikita mo na hindi lamang iyong impormasyon ang kinakailangan ng mga tao, kailangan nila ng kumpiyansa na iyong mga pinuno nila at iyong mga malalaking tao, importanteng tao ay magpapabakuna din at magpapabakuna bago pa sila.

Kung ang pag-uusapan naman ay ang kumpiyansa nila sa bakuna, ay mayroong epekto ang pinanggalingan ng bakuna. Dito sa survey ng UST COVAX Research Group ay makikita na pinakamalaki ang kumpiyansa sa mga bakuna na galing sa Amerika at sa Europa. 75% mahigit ay nagsasabi na mayroon silang kumpiyansa kung ang bakuna ay manggagaling sa United States at sa Europa. Wala pang 40% ang may kumpiyansa kung manggagaling sa Russia ang bakuna at wala pang 20% ang may kumpiyansa sa bakuna na galing sa China. So, ito ang mga problema na sinusuong natin. Napakaganda ng vaccine preparation ng Taguig, for example at kino-congratulate ko si Mayor Cayetano tungkol dito, pero tama siya na ang una sa lahat ng ating dapat gawin ay malaking information campaign at malaking trust campaign, para ang ating mga tao ay magkaroon ng kumpiyansa na mahusay ang magpabakuna kaysa sa hindi magpabakuna.

Hindi lamang sa Taguig o hindi lamang sa ibang bansa o sa ibang lugar dito sa atin na mayroong vaccine hesitancy. For example, maririnig natin na sa mga korporasyon na handa nang ibigay sa mga empleyado ang bakuna ay marami pa rin sa kanila na ayaw magpabakuna. Mayroon akong kilalang korporasyon 400 people ang empleyado nila, noong mag-survey sila, ilan ang gustong magpabakuna ng libre 36 out of 400 lamang ang may gusto nito. So, vaccine confidence is not only an issue of accurate and timely information, but of trust in the information giver.

Ang information giver na pinaka-pinagkakatiwalaan ng mga tao ay ang kanilang doktor or healthcare provider at ito ay surveys sa America na nagsasabi 85% of them trust their doctor or healthcare provider. They trust their doctor and healthcare provided more than they trust the center of disease control or the Food and Drug Administration or even Dr. Anthony Fauci and certainly they trust their healthcare provider more than President Biden or former President Trump. And that, I think, is the same situation in our country.

So, it is important for us to note this when we do our communication and community engagement campaign. I think that is all I have to say for today. Thank you, very much.

SEC. ROQUE: Okay. Maraming salamat, Dra. Cabral. I’m sure the members of the Malacañang Press Corps will have questions for both our resource persons, pero simulan na po natin ang ating open forum. Usec. Rocky?

USEC. IGNACIO: Good afternoon, Secretary Roque, Dr. Esperanza Cabral and Mayor Lino. From Kyle Atienza of Business World: The Philippines slipped one place to number 55 out of 167 countries in London-based think tank Economist Intelligence Democracy Index for 2020. The nation retained its ‘flawed democracy’ status with a score of 6.56 from its 6.4 last year Ano daw po ang reaksiyon ng Palasyo dito?

SEC. ROQUE: Well, it’s one notch lower, so hindi po iyan major slip kumbaga at kung titingnan po natin ang datos, naunahan po tayo ng Taiwan, Malaysia at Timor Leste. Pero we are ahead of Indonesia, Thailand, Singapore, Myanmar, Vietnam and Laos; in other words, ahead of almost all the major countries of South East Asia.

So, l we will strive to do better. Pero that ranking po shows that democracy is very much alive in the Philippines – our democratic institutions are working, we have an independent judiciary, an independent legislative department and of course an executive department that is always a victim of criticisms.

PIA RAÑADA/RAPPLER: Sir, my first question is for you. Sir, does the President or Malacañang have a stance on the possibility of banning face to face campaign to the 2022 elections? Because the Comelec just said they are exploring this idea, but there have been some negative reactions to it. What is the Palace stance on this? Do you agree that we should ban face to face campaign?

SEC. ROQUE: I think, it’s too early because we are about to start our inoculation campaign. We respect that the Comelec is a constitutional body tasked with the holding and supervision of elections. Pero I’m sure the issue will be discussed beyond Comelec and will also include the IATF.

PIA RAÑADA/RAPPLER: Sir, you are saying that it’s too early. You mentioned that the vaccination program will begin. Sir, does this mean that we are waiting for the success of the vaccination campaign before we can give a stance on whether or not to ban face to face campaigning. Because with the vaccination will start this month. So, sir, do we have any figure that if we achieve this amount of vaccinations by a certain time then you would be more open to allowing face to face campaign?

SEC. ROQUE: Well, Pia, we are aiming to vaccinate 100% of our adult population within the year of 2021. So siyempre, hindi mo naman mababalewala na kung tayo ay makakamit natin iyong target na iyon, eh baka maibsan po iyong ating mga alinlangan sa face to face campaigning.

Hindi ko po sinasabi na it will actually happen but all I am saying is let’s wait what will happen to our vaccination campaign dahil mayroon pa naman tayong panahon.

PIA RAÑADA/RAPPLER: So, sir, does the Palace see any opportunity cost if we bar face to face campaigning? I mean some senators are saying that might mean the disenfranchisement of poor voters, for example, or candidates who have not as much funding?

SEC. ROQUE: Sa atin po sa demokrasya kinakailangan makilala ng taumbayan ang kanilang kandidato. So lahat po ng form of campaigning would be preferred, kaya lang po may pandemya at iyan po ay katotohanan. So tingnan muna natin kung maiibsan natin iyong ating problema sa pamamagitan ng bakuna. Dahil pupuwede naman po matapos ang bakuna, susunod pa rin tayo sa mask, hugas at iwas, plus bakuna.

PIA RAÑADA/RAPPLER: Sir, can I go to Mayor Lino and maybe Secretary Cabral?

SEC. ROQUE: Yes, please.

PIA RAÑADA/RAPPLER: Sir, I am just wondering if the Metro Manila Council has come up with a protocol, a standard protocol should it arise that… in the problem where people don’t show up for their vaccination slots on time and then, sir, we have this danger of wasting the vaccines that have been prepared for them. Sir, sa standard protocol, who decides who gets that vaccine?

MAYOR CAYETANO: Siguro ngayon—Pia, it’s not for the Metro Manila Council to decide. But kami, our City Health Office in coordination with the Department of Health are fixing the protocols.

Iyong isang advantage kasi, if we have something like Pfizer, so Pfizer wants it stored doon sa extreme temperatures, we can have up to five days sa refrigerator natin. So, with proper utilization, kapag naplano nating mabuti, hindi naman aabot sa fifth day.

Pangalawa, if we get something like Moderna, that’s 30 days sa refrigerator and most LGUs walang iyong extreme temperature, noong cold storage. Kaya kami we have to partner. Pero most LGUs has iyong normal refrigeration, kasi kailangan natin iyan sa ibang pagpapabakuna at sa pag-store ng ibang mga gamot.

So I think if you properly rationalize it, kaya napakaimportante noong dry run. Kami every Friday we do dry runs because kailangan naka-back up na rin iyon, let’s say on its fourth day, then kailangan naka-back na rin iyong team kung sakaling may hindi dumating, mababakunahan. But that period is not so narrow naman. Again, we have five days once it arrives para po ma-utilize.

And tulad namin malapit lang iyong cold storage facility puwede naming i-plano na iro-rollout lang talaga, ide-deliver lang talaga iyong bakuna na iyon, kapag sa araw na magpabakuna tayo. And then—you are right, we will have contingencies in place.

I think it happened the other day in the US noong nag-breakdown iyong… nawalan ng kuryente ‘no. I think at midnight they have to dispose of thousands of vaccines. So we have contingencies in place kapag kailangan.

Pagdating naman doon sa pag-i-expire niya sa grid, we are making sure na we are coordinating with the power suppliers na iyong grid, na kung nasaan iyong mga health center namin o nasaan iyong mga refrigerators namin ay maprotektahan. And then we have backup generators as well that we are preparing to avoid any kind of spoilage.

PIA RAÑADA/RAPPLER: And, sir, lastly, we also know that majority of the millions of vaccines are arriving in July, third quarter which is also typhoon season. Sir, is there a plan like for Metro Manila Mayors or the IATF what to do when the vaccination drive coincides with a very major typhoon that prevents people from going to the vaccination sites? I mean, I noticed that some of the vaccination centers identified are evacuations centers usually during typhoons like schools ‘di ba, covered courts. So, sir, what is the plan when this happens?

MAYOR CAYETANO: Yeah, very good point, Pia. In fact, the Department of Health early on has seen this problem. So, they’ve communicated with us, kaya po hindi lahat ng eskuwelahan ay gagawin naming vaccination center. It’s only a natural fit kasi na iyong mga schools gawin nating vaccination center, because maluwag and as you can see, mayroon tayong five steps, we can do five classrooms. So, if you have ten classrooms you already have two vaccination teams; kung mayroon kang 50 classroom, puwede ka ng maglagay ng 1o vaccinations teams.

So, although natural fit iyong mga eskuwelahan, saka maluwag siya, we are very conscious, kaming mga Mayors that we indicate per area, mayroon pa kaming mga site in case dumating ang bagyo, dumating ang baha may mga evacuation areas tayo.

Kami what we did is mayroon din kaming contingency para sa hatid-sundo. Fortunately, we have around 5 buses and 10 mini buses and we are looking for a contingency plans ngayon. Ang gusto sana namin, each evacuation center kayang lakarin, that is why we did 40 o kaya hatid-sunod kapag sa matatanda.

In case dumating ang bagyo, ang baha at necessary na i-continue—unang-una, puwedeng hindi natin i-continue, puwedeng i-suspend natin ng tatlo o limang araw. Kasi I wanna emphasize again there are countries that have not yet vaccinated but their cases are zero, one and two. So, napakaimportante dito na we don’t rush and then mayroon tayong backlash kung saan mas marami pang mahawa.

So we need to do things slowly, carefully, we need to do things right. So, kami dito if we don’t need to rush and we need to let the storm pass for three to five days, we need to be ready and I think we are ready for that.

SEC. ROQUE: Okay, thank you very much, Pia. We go back to Usec. Rocky, please?

USEC. IGNACIO: Yes, thank you, Secretary Roque. From Kris Jose of Remate/Remate Online: Reaksiyon po na may ilang Metro Manila Mayors ang naniniwala na hindi ito ang tamang oras para amyendahan ang Konstitusyon, wrong timing daw po na pag-usapan ang panukalang pag-amyenda sa ilang economic provision ng Saligang Batas.

SEC. ROQUE: Well, we respect the views of these Mayors of course but we also have to respect na trabaho ng Kongreso na isulong iyong mga bagay-bagay na ito. Wala pong puwedeng manghimasok sa kapangyarihan ng Kongreso sa pagpo-propose ng amendments to the Constitution; trabaho po nila iyan.

USEC. IGNACIO: From Virgil Lopez of GMA News Online: The European Union said the Philippines will not be affected by export controls on vaccines produced with the block after President Duterte on Monday accused the EU on holding up supplies. Isn’t the President briefed on such matters before his remarks? Will the President retract or apologize for his statement?

SEC. ROQUE: Wala po, kasi kinakailangan naman talaga ng paglilinaw. Kasi ang lumalabas ay nagkakaroon nga po ng vaccine nationalism no. At iyon po ang isyu na inilabas ng ating Presidente, ngayong nagkaroon ng ganiyang paglilinaw, we appreciate it. Pero kung hindi po nagsalita ang Presidente, hindi sila magbibigay ng linaw na ganiyan.

USEC. IGNACIO: Opo. Second question po niya: Some retailers said they will not sell pork during the 60-day implementation of the price cap in Metro Manila to avoid losses and penalties for violation. What can the government do about this?

SEC. ROQUE: Kagaya ng sinabi po natin kanina, kasama sa programa ng gobyerno ang pag-aangkat ng baboy sa Visayas, Mindanao at iba pang parte ng Luzon na wala pong ASF, at ididiretso po ito sa mga palengke. Kung kinakailangan, dadalhin po natin ito sa Kadiwa centers o ang DA mismo ang magbibenta. Pero hindi nga po natin papayagan na mawalan ng makakaing baboy ang ating mga kababayan.

USEC. IGNACIO: Last question po ni Virgil Lopez: May we get Palace’ reaction to the Comelec’s statement that it might do away with the face-to-face campaigning in the 2022 elections due to the COVID-29 pandemic. Does the Palace support this option?

SEC. ROQUE: Asked and answered ‘no. May I request, Usec., because I have to go to Pasay dahil nga po doon sa vaccine rollout na kung natanong na po, banggitin na lang iyong pangalan and then let’s move on to the next question.

USEC. IGNACIO: Okay. Thank you, Secretary.

SEC. ROQUE: Thank you po. Joseph Morong, please.

JOSEPH MORONG/GMA7: Hi, sir! Doon muna, sir, sa pork, sa economic issues muna, sir ‘no. Sa pork, mayroong mga producers, iyong mga nagbibenta ng karne, they’re warning baka magka-pork holiday because of the price cap. Your comment, please?

SEC. ROQUE: Dinadamihan po natin ang supply, hindi lang po tayo nag-impose ng price cap. So kung dadamihan mo ang supply at kasama ang price cap, inaasahan po natin na talagang bababa naturally ang presyo ng baboy dahil more supply means less prices. Iyan po ang twin strategy ng ating gobyerno.

JOSEPH MORONG/GMA7: Sir, iyong MAV, 400 iyong kulang natin so are we looking at increasing the MAV to plus 400 metric tons?

SEC. ROQUE: Pinag-aaralan na po natin iyan ‘no. At alam naman po natin ang proseso, ang Presidente ang mag-o-authorize niyan and Congress will be given 15 days to concur with the decision. Pero tinitingnan po natin muna kung sapat ang supply galing sa Visayas, Mindanao at ibang parte ng Luzon dahil alam po natin na napakalaki ng diperensiya ng halaga ng inaangkat na baboy – 140 nga po, mayroon nang 40% tariff iyon – doon sa local production cost ng ating baboy sa Pilipinas – 174. So binabalanse po natin iyong karapatan ng consumer magkaroon ng baboy na kakainin sa kanilang hapag-kainan at iyong karapatan din ng ating mga magbababoy na magkaroon ng kanilang hanapbuhay.

JOSEPH MORONG/GMA7: The price cap still existing, sir ‘no, effective pa rin?

SEC. ROQUE: Yes, of course, oo.

JOSEPH MORONG/GMA7: Okay. Sir, clarification lang doon sa lifeliners ng electricity: Hanggang February dapat hindi magputol, tama ba? Ano, sir, iyong two months kanina na nabanggit ninyo?

SEC. ROQUE: From February. Hanggang February po iyon ‘no.

JOSEPH MORONG/GMA7: Ah, from December.

SEC. ROQUE: Yes, ending February 28.

JOSEPH MORONG/GMA7: Sir, can I go a little bit to Secretary Cabral, please.

SEC. RROQUE: Yes, please.

JOSEPH MORONG/GMA7: Hi, ma’am! Good afternoon po.

SEC. CABRAL: Good afternoon.

JOSEPH MORONG/GMA7: How are you doing?

SEC. CABRAL: Good, thank you. How are you?

JOSEPH MORONG/GMA7: I’m okay, ma’am. Ma’am, with your presentation, just so it comes from you ‘no na we are putting the blame squarely on the Dengvaxia scandal that’s why iyong ating mga kababayan ngayon ay naghi-hesitate to get the COVID vaccine? And then, what do you tell to the public na nag-iisip ngayon kung magpapabakuna sila but they have Dengvaxia on their minds?

SEC. CABRAL: Well, palagay ko lahat tayo ngayon ay dapat magtulung-tulong para maibalik ang kumpiyansa sa bakuna. At ang isang paraan ay sabihin natin na kung ang pag-uusapan natin ay iyong Dengvaxia vaccine, ito ay isa sa mga bakuna na mas mahigit pa ang pag-aaral kaysa sa mga COVID vaccines ngayon na ginagamit sa buong mundo. Pilipinas lang ang hindi gumagamit ng Dengvaxia; lahat ng ibang bansa na may dengue virus ay gumagamit ng Dengvaxia. At hindi totoo na ito ay nakakamatay bagkus pa nga ay napakalaki ng tulong na maidudulot nito para ang mga tao ay hindi magkaroon ng dengue. Talagang masyado lamang na-sensationalize iyong mga issues, maraming false narratives na lumabas tungkol sa mga scientists, tungkol sa mga regulators, tungkol sa authorities na hindi tama; maraming nakita sila na parang inquisition-like hearings sa Senate, sa House of Representatives na nabastos masyado iyong mga scientists at nawalan tuloy ng kumpiyansa sa kanila iyong mga tao.

Ngayon, makikita natin na wala tayong pinagsasandigan kung hindi siyensiya pa rin. So iyong mga tao na iyon ay naging contributors dito sa pagbaba ng vaccine confidence. So sila ay mga tao din na puwedeng magbalik nitong confidence na ito. At inaanyayahan natin sila na tumulong, to come out in public to say that all of us must get the COVID vaccine if this is something indicated for us so that we can recover our economy, so that we can all stay healthy.

JOSEPH MORONG/GMA7: All right. Secretary Roque, can I have one more question, please?

SEC. ROQUE: Go ahead, please.

JOSEPH MORONG/GMA7: Sir, iyong OCTA Research, iyong data na nakuha nila from DOH shows na iyong reproduction rate sa NCR is steady at one. Does it give you, the government a level of confidence such that we can relax our community quarantine this month, February?

SEC. ROQUE: Well, sana nga po ay magpatuloy, bagama’t ang ating quarantine classifications ay monthly, kung magpapatuloy po na ganito, siguro kung mayroong magmu-move na ibaba na to MGCQ para lalong mas marami sa atin ang makapagtrabaho eh pupuwede naman po iyang pagdesisyunan ng IATF.

Pero sa ngayon po, nagpapasalamat po tayo sa ating mga kababayan dahil iniingatan po nila ang kanilang mga sarili para sa kanilang mga hanapbuhay.

JOSEPH MORONG/GMA7: All right. Sir, thank you for your time. Secretary Cabral, thank you. Regards, Mayor Cayetano.

SEC. ROQUE: Thank you, Joseph. We’ll go back to Usec. Rocky, please.

USEC. IGNACIO: Okay. From Jinky Baticados of IBC 13, nasagot ninyo na po iyong question niya about EU. And then, Dreo Calonzo of Bloomberg: How is the Philippine government viewing 91.4% efficacy of Russia’s Sputnik vaccine? Are there plans to increase our orders of the Russian vaccine?

SEC. ROQUE: Sa mula’t mula po tayo po ay umuorder doon sa Gamaleya ‘no. Pero magandang balita po niyan na 91% ang efficacy rate niya. Bagama’t uulitin ko po, ang importante talaga sa bakuna ay hindi lang iyong kung mapi-prevent niya ang pagkakasakit, ang importante ay kung mapi-prevent niya iyong seryosong pagkakasakit na magdudulot ng kamatayan.

So, but of course, we welcome this dahil alam naman natin na dahil kulang nga po ang supply galing sa mga western companies ay talagang kinakailangang ibsan natin ang ating supply sa pag-aangkat galing sa Russia at sa bansang Tsina.

USEC. IGNACIO: Second question po niya: How does Sputnik’s efficacy affect President Duterte’s personal vaccine choice? Is he more willing to be vaccinated using the Russian vaccine now, instead of the Chinese vaccine with lower efficacy?

SEC. ROQUE: Basta naman po aprubado iyan ng ating FDA at binigyan ng EUA, kukunin po iyan ng Presidente. Of course, sinabi na niya, ang choice niya is either Chinese or Russian. So Russian vaccine has always been one of his early choices.

USEC. IGNACIO: Question from Prince Golez of Abante Politiko: Sources confirmed to Politiko that President Duterte named nine Cabinet secretaries as potential senatorial candidates during yesterday’s Cabinet meeting. The names mentioned were Secretaries Mark Villar, Ramon Lopez, Arthur Tugade, Francisco Duque III, Silvestre Bello III and Karlo Nograles, Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo, Presidential Spokesperson Harry Roque and Vaccine Czar Carlito Galvez. Was the President serious when he made the announcement last night?

SEC. ROQUE: Alam ninyo po kasi ang aming pagmi-meeting ay covered din by executive privilege. So I think iyong mga bagay-bagay na iyan po, dahil hindi naman po iyan kasama sa agenda, will remain to be confidential ‘no. So, I cannot comment on that po.

USEC. IGNACIO: Okay. Question from Vanz Fernandez: Will the coup in Myanmar giving a force transition of power out of the civilian government to the military, many other countries and the United Nations condemning the coup. Does the Philippines officially recognize this force transition of power in Myanmar? And if yes, does it directly mean that the Philippines recognizes the military government in power in Myanmar? If yes, why?

SEC. ROQUE: You know, in international law ang importante po iyong recognition of states. Iyon po iyong importante at tingin ko naman po kahit sino ang in power diyan eh hindi naman po nawawala iyong Myanmar. But as to the official policy in Myanmar, I will defer to the DFA.

USEC. IGNACIO: Question from Tuesday Niu, nasagot ninyo na po about disconnection. Ang follow-up lang daw po niya iyong additional two months grace period saan po iyon mai-apply daw po?

SEC. ROQUE: Doon po sa hindi nabayaran, kasi grace period lang po doon sa principal na hindi nabayaran.

USEC. IGNACIO: Opo. From Tina Mendez ng Philippine Star: The Cebu Provincial Government has ordered a moratorium on the export of live hogs raised in farms and backyards in Cebu Province for six months effective February 1st. How is this affecting the national government efforts to lower the price of pork in the market in Luzon? What if other LGUs follow Cebu’s move?

SEC. ROQUE: Well, gaya ng sinabi ko po, ang uunahin natin ay pag-aangkat galing po sa Luzon na walang ASF, sa Visayas at Mindanao at kung kulang pa po talaga iyan eh talagang mapipilitan tayong mag-angkat galing po sa ibang mga bansa.

So, ang assurance po ng gobyerno gagawin ang lahat ng hakbang para mayroon po tayong sapat na baboy sa affordable na presyo sa ating hapag-kainan.

USEC. IGNACIO: Question mula po kay Leila Salaverria para po kay Secretary Cabral: You said daw po vaccine confidence is an issue of trust in the information giver. Given this, what kind of improvement could be done in the current government campaign to convince people to be vaccinated? Who should be playing a major role in this?

SEC. CABRAL: I think that our healthcare providers should be playing a major role in the information campaign because they are the ones most trusted by the people when they deliver health information. So, I think they will believe the healthcare providers more than they will believe politicians for example or attorneys and things like those.

USEC. IGNACIO: Thank you, Secretary.

SEC. ROQUE: Okay—

USEC. IGNACIO: For Secretary Roque, question from Kyle Atienza of BusinessWorld: When will the President sign the CREATE Bill into law? Will he veto some provisions? What are these?

SEC. ROQUE: Kayo naman… katatapos lang nila ng bicam, ‘no. Hindi ko nga alam kung mayroon na silang printed copy. So hayaan na lang muna natin makarating sa Palasyo at pag-aaralan po natin iyan.

Now, I think so Melo Acuña has a question. So, with your indulgence, Melo Acuña?

MELO ACUÑA/ASIA PACIFIC DAILY: Good afternoon, Secretary! Para po muna sa inyo. Nakapaglakad po kami ng aking maybahay sa ilang lugar sa mga malls, napuna namin na mayroong mga restaurants na walang kliyente, kung mayroon man beinte kapag tanghalian; sampu kapag gabi. Mayroon daw po kayong direct assistance ang pamahalaan sa mga ganitong kalakal na baka magsara kung walang kliyente?

SEC. ROQUE: Well, napabalita ko na po iyan. Marami po tayong puwedeng ipautang sa mga small and medium scale businesses kasama na po diyan iyong mga restaurants. Pero ang solusyon po talaga diyan, mga kababayan kung mayroon man tayong pupuwedeng gastusin lumabas po tayo, isama natin ang ating pamilya na hindi menor de edad; mag-mask, hugas at iwas nang sa ganoon naman po ay lahat tayo ay magkaroon ng hanapbuhay.

MELO ACUÑA/ASIA PACIFIC DAILY: Yeah, palagay ko nga po. Pero para po kay Mayor Cayetano, may itatanong din ako. Mayor, magandang tanghali po! Papaano po ninyo ipa-prioritize iyong mga babakunahan sa Taguig sapagkat iba iyong populasyon ng Taguig kapag araw, iba iyong populasyon sa gabi? May mga transients po kayo nagtatrabaho diyan, ano ang prayoridad ninyo?

MAYOR CAYETANO: Magandang tanghali po, Sir Melo. Thank you for your question. Malaking isang bagay na pinag-aaralan natin iyan dahil sa Taguig ho, ganito ka-major ho iyong daytime population namin – sa BGC ho, anywhere from 100 to 200,000 pero iyong working population natin, iyong daytime population lumulobo up to 800,000. So, it’s a very good question because we are somewhere around one million and we are around 1.8 million.

That is something now that we’re coordinating with the Department of Health. The City of Taguig will be very happy to vaccinate iyong mga workers ho natin dito kasi baka mas madaling i-coordinate lalo kung essential workers ho sila baka mas madaling diretso na ho sa kanilang place of work. But we want to rationalize that properly kasi ang sabi ho ng national government is they’re allotting for 70 million Filipinos to be vaccinated. Iyan ho ang nakalaang pondo at iyan ang target ni Secretary Charlie Galvez.

Ibig sabihin ho noon, iyong ibababa sa atin na mga bakuna it will be good for every Filipino. So, ayaw lang ho natin iyong naka-rationalize sila sa kanilang place of residence tapos ho magdodoble o magkukulang doon sa area kung saan sila babakunahan. But that’s a very good point and that’s something that we’re working directly with the Department of Health now.

And sa City of Taguig, something also that we’re working with is mayroong mga private companies – dahil tatlo ho iyong source ng bakuna – local government, national government and there are private companies who have entered tripartite agreements – we’ve reached out to them at sabi namin you can store it with us sa storage facility namin at kami rin iyong magbabakuna, we have vaccinators to help you para ma-rationalize natin lahat.

But isa sa mga tinitingnan naming mga mayors ay iyong place of work. Baka mas madaling bakunahan lalung-lalo if we want people to get back to work faster. So, that’s something that overall, we’re still rationalizing with the Department of Health.

MELO ACUÑA/ASIA PACIFIC DAILY: Now, next question is how do you monitor them because they don’t reside in Taguig and they just work in Taguig?

MAYOR CAYETANO: Yes, sir. May system na ho kami ngayon, it’s Taguig TRACE. So, Taguig TRACE is available at the app store, at Google play, puwede rin ho iyan sa aming website, trace.taguig.gov.ph or taguiginfo.ph.

Ang mangyayari ho if you’re a resident or you work here or even if you are a visitor, you will have a QR code. So, iyong QR code if you are a resident, it turns into a resident’s card. Pero kung ikaw naman ay worker dito or even if you’re just a visitor here, we will have the data needed and then doon na rin namin mara-rationalize. You can use that QR code for testing, and you can also use that QR code eventually for vaccination. Doon ho namin mababantayan.

And then ang challenge ho diyan ay iyong pagbangga ng records na ito sa national dahil paano alam ng isang lungsod na sa Taguig nabakunahan na pala iyon. So, that’s something we’re fixing and I think in Congress pending din iyong vaccination passport dahil kaya namin i-monitor dito sa aming lungsod but bulag ho kami doon sa nabakunahan sa kapitbahay natin o sa ibang probinsiya.

MELO ACUÑA/ASIA PACIFIC DAILY: Salamat po.

MAYOR CAYETANO: Thank you.

MELO ACUÑA/ASIA PACIFIC DAILY: Para kay Secretary Cabral. Magandang tanghali po, Secretary! Nice seeing you well. Maitanong ko po, paano natin maipapaliwanag iyong herd immunity at paano natin matutugunan iyong mga balitang lumabas na mayroong mga variant na nakakapagpahina ng efficacy ng bakuna? Mayroon po kaya tayong advanced studies about this? Thank you, Secretary.

SEC. ROQUE: Ma’am, wala kang audio, baka naka-mute po. Ma’am, baka naka-mute po ang audio ninyo.

Ayan…Wala pa rin po

SEC. CABRAL: Ah, okay.

SEC. ROQUE: Ayan.

SEC. CABRAL: Magandang tanghali, Sir Melo! Iyong una po iyong herd immunity, ang pagpapaliwanag po doon ay kung marami na po tayo na nabakunahan, puwedeng hindi na bakunahan iyong iba pa na natitira dahil wala na pong pupuntahan iyong virus para makahawa. So, gusto natin na as many people as possible.

Para sa COVID-19, ang estimate natin ay 70% to 85% of the population ay kailangang mabakunahan at maaaring iyong 15% to 30% puwedeng hindi na muna bakunahan at ito ay makakatulong na sa pag-control noong COVID-19 pandemic.

Iyong susunod naman po ay tungkol sa variant. Iyong mutation po ng virus ay natural na proseso. Talaga pong mayroong mutation ang mga viruses at kung marami ang viruses, mas marami pong mutation na nangyayari, so importante talaga na mabakunahan lahat para ma-control iyong dami ng virus.

Ngayon, ang datos na nakikita natin ay epektibo pa rin iyong ating current na bakuna dito sa mga new variants na lumalabas. Pero tama po kayo na puwedeng magkaroon ng bagong mutation, bagong variant na hindi na magiging epektibo ang current na bakuna. So, kapag ganoon po, magde-develop ng bagong bakuna para dito sa variant na ito.

MELO ACUÑA/ASIA PACIFIC DAILY: Maraming salamat po, Secretary. Thank you.

SEC. ROQUE: Maraming salamat po—

MELO ACUÑA/ASIA PACIFIC DAILY: Thank you, Secretary Harry!

SEC. ROQUE: Oo, maraming salamat, Melo and Secretary Cabral. May paglilinaw lang po tayo. Nag-text po si Usec. Fuentebella. Ang sabi po niya, para doon sa deferred payments for lifeliners pati daw po iyong mga nagamit na kuryente nang Enero at Pebrero eh kasama po doon sa deferred payment scheme. Okay? I hope that clears matters, ‘no.

Okay! Next question please, Usec. Rocky?

USEC. IGNACIO: Yes. Secretary, from Kyle Atienza ng BusinessWorld: When will the President sign the FIST Bill into law?

SEC. ROQUE: Well, wala pa rin po, ‘no at alam ko po this is your favorite topic na FIST pero as I said dumating lang po iyan last week of January, so pagbigyan naman po natin ng pagkakataon na mapag-aralan ng legal department ng Executive office itong panukalang batas na ito.

USEC. IGNACIO: Opo. Last question na po ito, Secretary. From Jo Montemayor ng Malaya: Baka daw po may update na sa appointment ng new Army chief?

SEC. ROQUE: Wala pa po at tayo naman po kapag naka-receive na tayo ng papel eh inaanunsyo na po natin. Ang naka-schedule po bukas po yata, ‘no? Today is November… February 4—Ay, mamaya ata iyong turnover na ng ating new chief-of-staff kung hindi po ako nagkakamali.

Anyway, so wala na po tayong mga katanungan. Naku, Secretary Cabral, thank you, thank you very much. Sa panahon po ng pandemya importante na talagang tunay na eksperto na may karanasan at alam ang sinasabi ang nagsasalita.

And I think iyong mensahe po natin, safe ang bakuna lalung-lalo na kinakailangan natin ito para makabalik tayo sa mga dating buhay. Iyan po ay narinig ng ating mga taumbayan at alam naman po nila na mas mabuting pakinggan ang tunay na eksperto gaya ninyo.

Maraming salamat din po kay Mayor Lino Cayetano. As usual po, you have shown the way for all local government units on what to do for the vaccine rollout pero lilinawin ko lang po ano, isa lang po si Mayor Lino Cayetano na mayroon na talagang solid na programa. Halos lahat po kung hindi lahat ng ating mga mayor eh mayroong solid na programa, iisa-isahin po natin sila kung kakayanin kaya lang po ang estimate ko hindi natin maiisa-isa lahat dahil nandiyan na ang bakuna, titingnan na lang natin kung paano nila talaga iro-rollout iyan.

Maraming salamat din po sa ating mga kasama sa Malacañang Press Corps. Maraming salamat, Usec. Rocky. So, dahil wala na pong tanong—

USEC. IGNACIO: Secretary, may pahabol po si Joseph Morong, pasensiya na po.

SEC. ROQUE: Ano iyon?

USEC. IGNACIO: Sorry po, Secretary. Nalito daw po si Joseph kasi—so, kailan daw pupuwede magputol ng kuryente?

SEC. ROQUE: Pagtapos po ng two months. Okay?

So, anyway, sa ngalan po ng inyong Presidente Rodrigo Roa Duterte, ito po ang inyong Spox Harry Roque nagsasabing: Naku, mga kababayan, kaunting tulog na lang talaga, kaunting tulog na lang at nandiyan na po ang bakuna. Pero alalahanin po natin, samantala, kinakailangan ‘MASK, HUGAS, IWAS.’

At bagamat tama lang po na magkaroon tayo ng kaunting pagkatakot sa bakuna, isipin po natin hindi naman po ibibigay sa atin iyan ng mga dalubhasa kung hindi po makakabuti sa atin.

So, magandang hapon po sa inyong lahat at see you all on Monday.

Good afternoon to all of you.

##

Source: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)