Press Briefing

Public Briefing #LagingHandaPH hosted by Presidential Communications Operations Office Undersecretary Rocky Ignacio and Aljo Bendijo


Event Public Briefing #LagingHandaPH
Location PTV

USEC. IGNACIO: Magandang umaga, Pilipinas. Patuloy ang paghahatid namin ng mga impormasyon na mahalagang malaman ng mga Pilipino.

BENDIJO: At magandang umaga, Usec. Rocky; magandang umaga, Pilipinas. Patuloy po ang paghahatid natin ng impormasyon lalung-lalo na sa pagtugon ng pamahalaan sa COVID-19.

Usec., makakasama natin ngayong araw ang mga panauhin mula sa iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan at pakikinggan natin ang kanilang mga pananaw at tugon kaugnay sa iba’t ibang issue na dapat na mapag-usapan. Mula po rito sa AFP Golf Course sa Taguig City, ako po si Aljo Bendijo. Again, magandang umaga Usec.!

USEC. IGNACIO: Good morning, Aljo. At sa ngalan po ni Secretary Martin Andanar, mula sa PCOO, ako naman po ang inyong lingkod, Usec. Rocky Ignacio at ito ang Public Briefing #LagingHandaPH.

Maya-maya lamang po makakasama natin sa programa sina Senator Christopher Lawrence ‘Bong’ Go; ang Regional Director, Dr. Corazon Flores ng DOH Metro Manila Center for Health Development; at GSIS Executive Vice President for Core Business Sector, Attorney Nora Malubay.

BENDIJO: Kung mayroon po kayong mga katanungan sa kanila, mag-comment lamang po sa live streaming ng ating programa sa PTV Facebook at YouTube account.

USEC. IGNACIO: Opo. Bukod po sa COVID-19, isa pa rin po sa ikinababahala ng ating mga healthworkers iyon pong pagkalat ng ibang sakit gaya po ng tigdas, rubella at polio. Iyan po ang—at ang paghahanda ng Kamaynilaan sa vaccine rollout ang atin pong sunod na pag-uusapan kasama si Regional Director, Dr. Corazon Flores ng DOH Metro Manila Center for Health Development. Good morning po, Director.

DIRECTOR FLORES: Magandang umaga po Usec. Rocky and of course Mr. Aljo. Magandang umaga po sa lahat po ng mga nakikinig at nanunood po dito sa atin sa PTV-4.

USEC. IGNACIO: Opo. Napakahalaga po nito ‘no, Director, pinaiigting nga po ng Department of Health iyong kampanya kontra tigdas, rubella at polio. Dito po ba sa Metro Manila, kamusta po iyong mga kaso na naitatala sa mga sakit na ito?

DIRECTOR FLORES: Nito pong nakaraang taon, 2000, bumaba po ang kaso ng ating measles, umabot po iyan 201. Pero Usec. noon pong 2019, ang atin pong kaso’y tumaas nang up to 8,550 kung saan po nagkaroon tayo ng declaration ng measles outbreak. Maraming na-confine at may mga kaso po rin naman na namatay na pasyente. Ayaw po natin mangyari iyan kaya po tayo nagkakaroon nang malawakang pagbabakuna kontra measles at rubella dito po sa Metro Manila.

USEC. IGNACIO: Opo. Director, ano po ang naging dahilan kung bakit tumaas po ang kaso noong sinasabi ninyong taon na iyan?

DIRECTOR FLORES: Kasi po alam naman po natin noong mga una po na mayroong mga nanay ayaw dalhin ang kanilang anak, natatakot magpabakuna. At of course dahil po mga hindi nababakunahan ang mga bata, tumataas kasi iyong pool of children na hindi immunized na pupuwedeng maging dahilan para bumaba po iyong tinatawag nating herd immunity. Kaya po noong nagkaroon nga po talaga ng tinatawag natin—nagkaroon ng outbreak noong 2019, nagkaroon tayo ng measles outbreak response na measles outbreak vaccination immunization.

At ito naman pong 2020 dahil mayroon tayong pandemya ng COVID-19, naging sanhi rin po kasi na mga hindi nadadala ng mga nanay sa mga health center iyong kanilang mga anak dahil takot lumabas kaya po ngayon para maiwasan po natin iyong pool of children na hindi nabakunahan, Usec., kami po dito po sa National Capital Region, sa Region III, sa Region IV-A at iyon pong Visayas Region nagkakaroon po nang malawakang bakuna kontra measles, rubella, at doon po sa ibang region may polio vaccination po.

USEC. IGNACIO: Opo. Sa mga anong edad po ba ito madalas na tumatama? Kailangan pong malaman ‘to ng mga nanay ano po at anu-ano pa rin po iyong mga posibleng epekto ng sakit na ito?

DIRECTOR FLORES: Ang kadalasan po nitong tinatamaan ay mga kabataan pero po may mga ilan din na nagkakasakit sa mga katandaan. Iyon pong measles, ito po’y dahil po sa sakit na dulot ng measles virus at ito po ay nakakahawa, mabilis kumalat at maaari pong ikamatay. Mayroon po itong kumplikasyon na katulad ng pagkakaroon ng pulmonya, impeksiyon sa utak, iyon pong encephalitis na tinatawag natin, impeksiyon sa tenga at pulmonya; iyon pong sintomas nito, siyempre iyong kadalasan – lagnat, ubo, mayroon pong pamumula ng mata at saka iyong mga tinatawag nating rashes po.

USEC. IGNACIO: Uhum. Pero Director ang alam ko po, ito pong mga ituturok na bakunang ito laban sa tigdas, ito po iyong mga dati pa na ginagamit po ng ating pamahalaan ‘di po ba?

DIRECTOR FLORES: Tama po, Usec. Ito po—sa atin pong nanay, sa nakikinig po at nanunood, ang atin pong bakuna laban sa tigdas, measles, rubella at even polio po, ito po ay ligtas, epektibo at matagal na po nating ginagamit. Usec. tayo po siguro, maalala ninyo po noong bata po tayo at iyon pong mga anak po natin eh nabakunahan na po kontra measles at protektado po.

USEC. IGNACIO: Opo, totoo po iyan. So ngayong buwan po ng Pebrero bilang bahagi nga po ng phase 2 ng nationwide campaign sa immunization ng mga bata, ano po iyong mga aktibidad na dapat asahan ng ating mga kababayan? Kasi like halimbawa saan po sila maaring pumunta para po mapabakunahan ang kanilang mga anak. Kailangan po nila iyong mga impormasyon na ganoon, Director.

DIRECTOR FLORES: Dito po sa buong Metro Manila mula po Pebrero a-uno hanggang bente otso, magkakaroon po tayo nang malawakang pagbabakuna kontra measles at rubella. Sa mga health center po, may mga vaccination post po doon at mayroon po tayong mga temporary vaccination post like iyong medyo maluwang na lugar, puwedeng po doon sa school or puwede po sa tinatawag nating itinalaga na maari din pong basketball court na maluwag.

At gusto ko pong ipaalam sa ating mga nanay na iyon pong gagawin po natin na pagbabakuna, iyon pong safety protocol ay atin pong susundin. Nandiyan po ang hand washing, naka-PPE po iyong ating mga healthworkers at saka iyong mga nanay na pupunta kasama ang anak nila, mag-observe po tayo ng physical distancing. Kumbaga po talagang gagawin po natin ‘to na nandoon po sa pag-iingat at ibibigay po natin iyong kaukulang paraan para maproteksiyunan po iyong mga bata.

USEC. IGNACIO: Opo. At ang alam ko nga po niyan, Director, iyong pakikipagtulungan din po ng DOH siyempre sa LGUs para po sa maayos na pagpapatupad nito. Noong inilunsad ninyo nga po noong nakaraang linggo po ba, iyong immunization program na ito, Director, kamusta na po ito?

DIRECTOR FLORES: Opo. Noon pong January 29, last Friday, nagkaroon po tayo ng launching dito sa Manila, dito po sa Mandaluyong and of course buong rehiyon po ng Metro Manila, around 30% na po ang ating nabakunahang batang edad na siyam na buwan hanggang 59 months. At of course talaga pong ipinu-promote po ito ng ating mga local chief executives, iyong ating mga local officials, barangay healthworkers, nagtatawag, nagbabandilyo po sa mga bahay-bahay para pumunta po doon sa designated vaccination area doon po sa lugar nila.

USEC. IGNACIO: Opo. Ngayon po ba, Director, wala kayong nakikitang mga naging problema dito po sa kailangang panawagan na pabakunahan ang kanilang mga anak? Napansin ninyo po ba iyong mga magulang ay mas bukas na po ngayon na dalhin iyong kanilang mga anak para mapabakunahan?

DIRECTOR FLORES: Bukas naman po, bukas po ang ating mga magulang para pabakunahan ang kanilang anak. Kumbaga, hintayin po natin iyong schedule sa inyong lugar. Kung nagkakaroon ng hesitancy, if mayroon mga nanay na baka natatakot pa ring lumabas because of the COVID-19 pandemic but ang atin pong masasabi sa mga nanay, just wear your PPE at saka iyon pong physical distancing atin pong oobserbahan iyan.

Ang mahalaga po dito po sa kalagitnaan ng ating COVID-19 pandemic, huwag pa ho tayo nadagdagan pa ng pandemic, ng outbreak ng measles.

USEC. IGNACIO: Opo. Director, may tanong lang po iyong ating kasamahan sa media. Mula po kay Red Mendoza ng The Manila Times: May mga na-train na po ba tayong mga bagong nagbabakuna sa polio at tigdas kung sakaling magkulang daw po ang ating mga vaccinators dahil sa COVID response?

DIRECTOR FLORES: Opo. Mayroon po kasi tayong mga additional healthworkers na hi-nire (hire) sa rehiyon, iyong part ng ating public health associate, iyong mga healthworkers po na karagdagan pong tutulong sa pagbabakuna at ito naman po ay tinuruan natin, in-orient natin. Iyon pong mga healthworkers na nurses po natin na magbabakuna, iyong iba pong healthworkers na hindi allowed magbakuna, tumutulong po sila sa mga paglilista ng mga bata and of course tumutulong po ang ating mga healthworkers coming from the Red Cross po at sila po ay tinrain (train) po natin.

USEC. IGNACIO: Opo. Mula pa rin po kay Red Mendoza ng The Manila Times: Ano po iyong pinakatutukan na lungsod sa Metro Manila o lugar sa Metro Manila pagdating po sa kaso ng polio at tigdas?

DIR. FLORES: In terms of kaso ng mga measles po natin, mayroon pong tumataas na ilan. Actually mababa naman po iyong kaso natin for this year ng measles. Sabi ko nga po last year umabot lang tayo ng 200 whole year, kumpara sa 2019 ay umabot po tayo ng around 8,550. Kaya lang po dahil malaki po ang populasyon ng Metro Manila, of course, kinakailangan po tutukan natin na ma-ensure natin. Na ma-reach namin ang every children, mabakunahan po.

USEC. IGNACIO: Opo. Kunin ko na lamang po ang inyong mensahe sa ating mga kababayan partikular po sa mga nanay, Director?

DIR. FLORES: Sa atin pong mga nanay, kalusugan po at kaligtasan ng ating mga anak ay atin pong pangalagaan. Atin pong dalhin ang ating mga anak, ang mga bata na ang edad siyam na buwan hanggang 59 months sa lahat po ng vaccination post or temporary vaccination post sa inyong area. Ang atin pong bakuna ay ligtas, libre, matagal na po nating ginagamit ito. Kaya po para po sa atin pong kaligtasan, dahil mahal natin ang ating mga anak, alalahanin po natin, suportahan po natin ang measles rubella supplemental immunization activity. Magandang araw po sa ating lahat.

USEC. IGNACIO: Maraming salamat po, Director Corazon Flores ng DOH-Metro Manila Center for Health Development.

Ngayong araw ng Sabado, muli po nating makakausap sa programa si Senator Christopher Lawrence ‘Bong’ Go na kasama ngayon ni Aljo, live mula po sa Taguig City. Magandang araw, Senator?

SEN. GO: Magandang araw, Usec. Rocky, sa mga tagapakinig natin, kapatid nating Pilipino. Magandang umaga po sa inyong lahat.

BENDIJO: Maayong buntag, Senator Bong Go. Again, welcome dito sa Public Briefing #LagingHandaPH. Senator, muli nating pag-usapan muna ang ilang isyu, Senator. Una po diyan iyong bakuna. Paano natin hihikayatin ang taumbayan na magpabakuna kontra COVID-19 at ano po ang magandang maidudulot nito sa atin, lalo na sa ekonomiya?

SEN. GO: Dahil parating na po ang bakuna at nababalitaan ko po na bago matapos ang buwang ito ay darating na iyong mga unang vaccine mula sa COVAX, ay siguraduhin muna nating kumbinsihin iyong ating mga kababayan na ligtas po itong vaccine na ito. Alam po ninyo sa kakaikot ko, maraming gustong magpabakuna, subalit gusto nilang makasiguro na safe ba ito at effective ba ito. So ibig sabihin, iyong safety at efficacy po ng vaccine ang uunahin para makuha natin ang kumpiyansa ng bawat Pilipino. Maraming gustong magpabakuna, pero sinasabi nila mauna muna kayo. Kayo muna ang mauna!

Kaya tayong mga nasa gobyerno, hinikayat ko si Secretary Galvez and willing naman po siya. Si Secretary Duque at tayong mga nasa gobyerno not because tayo ay prayoridad, pero dapat nating kunin iyong kumpiyansa ng mamamayan na puwede na po itong iturok sa bawat Pilipino. Eh, iyon lang po ang susi ngayon, bakuna para makabalik tayo sa ating normal na pamumuhay, unti-unti. Hindi po ganoon kabilis iyan. Lalung-lalo na po sa panahong ito, talagang nag-uunahan po sa supply ng bakuna mula sa ibang bansa. Sinisigurado naman po ng ating gobyerno, si Pangulong Duterte na hindi po mahuhuli ang ating bansa.

BENDIJO: Opo. So, samakatuwid, Senador Go, ligtas ang mga bakuna at walang bahid ng korapsiyon ang pagbili nito?

SEN. GO: Opo, hindi po ito iyong panahon na mayroong magti-take advantage, pero ito iyong panahon na magtulungan po tayo at ayaw nating mayroong magti-take advantage at mayroong korapsiyon, hindi po kami papayag ni Pangulong Duterte. Nagkakahirap na nga ang ating kapwa Pilipino, tapos mayroon pang magti-take advantage. Hindi po kami papayag! Ni piso po, walang dapat masayang sa pera ng gobyerno.

BENDIJO: Senator, bilang chairperson ng Senate Committee on Health and Demography. Are you willing to be vaccinated sa harap ng taumbayan, sa public at isinusulong ba natin iyong brand neutrality, senador?

SEN. GO: Kahit anong brand po, ang importante po rito, iyong safety at efficacy po ng vaccine. Ako po, willing po ako, not because gusto kong mauna, unahin na lang po natin iyong mga kababayan nating mahirap. Unahin na po natin iyong mga frontliners natin, mga senior citizens natin. Sila po ang ating prayoridad at dapat po libre po ito sa mga mahihirap. Pero, para makuha natin ang kumpiyansa, willing po ako, hindi po importante sa akin kung anong brand, ang importante po safety po ng vaccine.

BENDIJO: Sa iba pang mga issues, Senador, iyong apila ninyo sa Department of Transportation kaugnay sa pagkakaroon ng information campaign muna bago manghuli ng mga lalabag dito sa child car seat law, kayo ba ay nagkaroon na ng pag-uusap with Secretary Arthur Tugade tungkol dito, Senador at may mga mungkahi ba kayo sa kanila tungkol sa pag-implement ng batas na ito?

SEN. GO: Iyong batas na ito ay pumasa po ito, Pebrero 22 ng 2019 at lumabas po iyong IRR December 23, 2019. Subalit dapat po ay i-implement na ito noong nakaraan taon, inabutan po ng COVID. So alam ninyo iba po ang sitwasyon ngayon. Nakausap ko po si Secretary Tugade at ASec. Galvante at suspendehin muna itong pagpapatupad ng batas na ito. Unang-una eh hindi nga makalabas iyong mga bata eh, dahil po sa IATF protocol, eh bawal lumabas. Bakit natin ipapatupad ang batas na ito, eh wala namang lalabas na bata, wala ka namang pasaherong isasakay. So unahin muna natin iyong information campaign kung ano po ba ang laman ng batas na ito. At nakausap ko rin po si Pangulong Duterte noong isang gabi, siya mismo ayaw rin niyang i-implement ito, sabi niya not this time, hindi pa po napapanahon na i-implement iyang batas na ito. Nagkakahirap-hirap na nga po iyong Pilipino, huwag na nating pahirapan pa.

So, ngayon darating din ang panahon na mai-implement ito dahil batas na po ito, unless i-amend po natin, ay importante po iyong information campaign, ano ho ba ito, bakit ba ipinasa ito at ano ho bang mabuting idudulot nito sa ating mga motorista?

BENDIJO: Senador, kahapon ay napag-usapan din sa programa ang CREATE Bill at ito ay malaking tulong nga sa pag-usad ng ekonomiya natin, dahil sa krisis. Ano po ang view ninyo sa pumasang version nito sa Bicam?

SEN. GO: Ako po ay bumoto rin po dito. Na-ratify na po ito ng both houses sa Lower House at sa Senado. Mababang buwis, karagdagang insentibo, para po doon sa mga maliliit na negosyo. Para hikayatin pa silang magbukas ng negosyo. Kapag maraming negosyo, maraming job opportunities po sa ating mga kababayan. Lalung-lalo na po sa panahong ito, marami pong nawalan ng trabaho, iyong mga OFWs natin nagsiuwian at walang trabaho. At lahat po iyan ay may pinapakaing pamilya. So maraming negosyong papasok on our way to our full recovery. Importante po itong CREATE Bill na ito. Ako naman bilang inyong senador susuportahan ko po ang mga legislative measures ng ating executive kapag makakatulong po sa mga mahihirap nating kababayan.

BENDIJO: Usapang eleksiyon naman tayo, Senador. Pinag-aaralan ang iba’t ibang scenario sa darating na 2022 elections. Dahil po sa pandemya, ito pong pagbabawal sa tinatawag na face to face campaign. Kayo ba ay sang-ayon dito, Senador?

SEN. GO: Trabaho po ng Comelec iyan at alam naman po nila ang kanilang trabaho. Ang importante po dito ay balansehin po ang lahat ng Comelec. Ang importante dito iyong kalusugan, safety or health ng bawat Pilipino. And of course, iyong right naman to vote, exercise their right to vote. So, papunta tayo diyan, papunta sa eleksiyon, papunta sa kampanya, pinag-aaralan po ng Comelec kung puwede na bang buksan, puwede na bang mag-face to face campaign, puwede na bang bumoto. Eh alam ninyo bago na po itong virus na ito, bawat araw, bawat linggo po ay may mga madidiskubre rin po tayong mga gamot, mga vaccine, so one at a time muna tayo. Dahan-dahan lang po, pag-aralan muna, importante po ligtas ang bawat Pilipino.

BENDIJO: Opo, Senador itong nakalipas na araw ay naglulutangan iyong mga pangalan ng mga tatakbo for 2022. Marami pong nagtatanong, Senador, kung may balak daw kayong tumakbo for higher position this 2022 elections. Ang inyong reaksiyon po sa isyung ito, sir?

SEN. GO: Please count me out po. Huwag po ninyo akong isama diyan sa usapang eleksiyon. Importante po malampasan muna natin ang pandemyang ito, dahil kung hindi natin malalampasan itong pandemyang ito, wala na po tayong eleksiyong pag-uusapan. Ang importante po ngayon, buhay tayo, malalampasan natin ang pandemyang ito at makabalik po tayo sa normal nating pamumuhay at para natin matulungan ang ating kapwa Pilipino. Masyadong maagang pag-usapan iyong pulitika, naghihirap pa po ang ating mga kababayan.

BENDIJO: Bigyan muna natin ng daan, Senador, ang ilang mga katanungan ng ating mga kasamahan sa media. Balikan natin si Usec. Rocky sa studio. Usec., go ahead.

USEC. IGNACIO: Opo. Salamat, Aljo. Senator, may pahabol lang na tanong si Bella Cariaso mula po ito sa Daily Tribune: Will it be televised daw po kung sakaling magpabakuna kayo at kung iku-convince ninyo po si President Duterte na magpabakuna sa harap ng publiko?

SENATOR GO: Kung iyon po ay makakakuha ng kumpiyansa ng bawat Pilipino ay puwede po naming—ako personally, puwede po nating gawin iyon ‘no. I cannot speak in behalf of the President. Eh nabanggit po ng Pangulo, nabanggit po ni Secretary Roque, eh kung iyong Pangulo po ay magpapabakuna sa puwet, eh puwede mo bang i-televise iyon na i-injection-an iyong Pangulo sa puwet? Hindi naman po siguro puwede, eh privacy niya iyon eh. So respetuhin natin kung ano magiging desisyon niya.

Pero I’m sure si Pangulo ay willing i-prove sa publiko na ito pong mga bakuna na kaniyang pinabili sa gobyerno ay safe at makakatulong po sa bawat Pilipino na makabalik po sa dating normal.

USEC. IGNACIO: Opo. Senator, may tanong si Evelyn Quiroz ng Pilipino Mirror: Sa recent statement daw po you mentioned that the Legislative Branch together with government finance managers ay pinag-aaralan po iyong possibility ng—pushing for a Bayanihan 3 Act to help ordinary Filipinos na ma-overcome po iyong krisis. What exactly will the Bayanihan 3 Act contain in terms of helping the Filipinos daw po?

SENATOR GO: Importante para sa akin, nagkausap na po kami ni Secretary Dominguez dito, is to reduce hunger po. Eh bumababa na po iyan at hindi po natatapos diyan. Importante po walang magutom na bawat Pilipino. Kung ano po iyong available resources ng ating gobyerno sa lahat ng departamento, ibigay ninyo po sa Pilipino. Kaysa po masayang, mapunta po sa korapsiyon, ibigay ninyo na lang po sa Pilipino. Iyong mga ayuda, ibigay ninyo na po sa Pilipino dahil importante dito walang magutom at walang masayang ni piso. Not only sa isang departamento, sa lahat. So kung anong maitutulong ng lahat ng departamento sa Executive Department, ibalik ninyo po sa Pilipino iyong pera nila. Eh pera nila iyan.

Ako, suportado ko po lahat ng panukala. Ito, katulad nitong Bayanihan 3 kung kakailanganin pong ipasa, possible po ito ‘no. Importante po reduce hunger. Ito pong vaccine natin importante po na talagang tuluy-tuloy po ito, ma-attain natin iyong target natin na hanggang 50 to 70 million. At pangatlo po, itong ating ekonomiya makabalik po, na iyong mga trabaho, mabigyang natin ng trabaho iyong mga Pilipino.

USEC. IGNACIO: Opo. Last question na lang po sa ating mga kasamahan sa media. Mula po kay Vanz Fernandez: May mga public at private medical workers daw po until now na napaulat na hindi pa po nabibigay ang kanilang benepisyo na ipinangako ng pamahalaan. Ano po ang reaksiyon ninyo bilang Chairman po ng Health and Demography?

SENATOR GO: Alam mo titingnan ko pa rin iyan, sisilipin ko po iyan. Ngayon, kakausapin ko po ang Department of Health. Ayaw na nating mangyari iyong nangyari noon na umabot po nang dalawang buwan iyong assistance na binigay po ng gobyerno.

Alam ninyo po mahirap mawalan ng mahal sa buhay, hindi po nababayaran ang buhay. Balewala po iyong pera pero napakaimportante po iyon sa kanila na magagamit po ng mga naiwan sa kanilang pamilya. So huwag nating tagalan kasi ‘pag nalaman po ni Pangulo iyan na may mga delays po, eh iyong mga nag-cause po ng delays na mga opisyales, suspendido na po ngayon ng Ombudsman.

So sisilipin natin iyan kung talagang mayroong pagkukulang, iyong totoo lang po, kung may pagkukulang po ang ating mga opisyales ay siguradong mananagot po kayo.

USEC. IGNACIO: Opo. Sandali lang po, may pahabol lang pong tanong si Rida Reyes para sa’yo Senator Bong Go. According daw po to NEDA statistics, inaasahan na mas tataas ang unemployment rate sa 2021 hanggang 2022 dahil ga-graduate na ang unang batch sa ilalim po ng K-12. Paano po natin ito matutugunan? Mula po kay Rida Reyes ng GMA-7.

SENATOR GO: Sa ngayon po bumaba, from 39 to 27 ang unemployment rate natin. Pero alam ninyo hindi pa po tayo nakakasiguro kung ano po ang takbo ng ating ekonomiya sa ngayon. Unti-unting pagbubukas, pagbabalanse po ng pagbubukas ng ekonomiya natin and of course inuuna natin iyong kalusugan, health po ng bawat Pilipino. Iyan po parating pinagtatalunan po ng Gabinete kung ano ba uunahin natin. Sabi ng ating mga finance manager, buksan na; sabi naman ng ating mga health officials, dahan-dahan muna.

So importante po dito balansehin po ng gobyerno ang lahat. Bilang mambabatas po, suportado ko po ang lahat ng mga legislative measures po na makakatulong po na makapagbibigay po ng trabaho dahil ayaw nating tumaas pa itong unemployment rate.

Totoo po iyong sinabi ni Ma’am Rida na posible po dahil marami pong graduates na po na papasok sa susunod na taon at dapat po i-address po ito ng ating Executive Department.

USEC. IGNACIO: Opo. Senator Go, hindi nga po tumitigil ang inyong tanggapan na makakuha po ng atensiyong medikal ang mga kababayan nating nangangailangan. Kaugnay niyan, makakasama po natin ngayon sa ating program ang ilan po sa natulungan ninyo Senator para po kumustahin ang kanilang kalagayan. Una na po dito si Ma’am Edelyn mula po sa Capas, Tarlac. Siya po ang nanay ng apat na taong gulang na si Zumi (?) na may biliary atresia, isang sakit po sa atay. Magandang araw po, Ma’am Edelyn.

MS. EDELYN: Magandang araw po.

USEC. IGNACIO: Opo. Kamusta na po ang kalagayan ni [unclear]. Napapakinggan po kayo ni Senator Go, ma’am.

MS. EDELYN: [Garbled] lang po siya ng gamot dahil po [garbled] na [unclear] po sa amin iyong problema po namin sa [garbled]. Tinulungan po niya kami [garbled].

USEC. IGNACIO: Opo. So gaano po kahirap kapag sinusumpong ng sakit ang inyong anak?

MS. EDELYN: Sobra po. Iyong nararamdaman po niya hindi po kasi agad niya masabi kaya bilang pong magulang, masakit po iyong nakikita ko na nahihirapan po iyong anak ko.

USEC. IGNACIO: So, ano po iyong tulong na ipinaabot na ng tanggapan ni Senator Go para sa pagpapagamot po ng inyong anak?

MS. EDELYN: [Garbled] laboratory po [garbled] sa gamot po at saka po iyong gatas po na [garbled] ang natulong po sa amin.

USEC. IGNACIO: Opo. Nakikinig po sa atin ngayon si Senator Bong Go ano po. Ano po ang gusto ninyong sabihin sa kaniya? Go ahead po.

MS. EDELYN: Senator Bong Go, maraming salamat sa tulong na binibigay kay baby. [Garbled] sa pagmamahal sa mga [garbled] na may karamdaman na biliary atresia. Sana po huwag po kayong magsawang tumulong po. God bless you, sir.

USEC. IGNACIO: Senator Go…

SENATOR GO: Ma’am Edelyn, huwag ho kayong mawalan ng pag-asa. Alam ko po iyong kaso ng mga bata na ganito ‘no, kadalasan po ay pumupunta pa sa India, sa ibang bansa ngunit ngayon mayroon na tayong agreement with the local doctors sa NKTI, sa Medical City along with the Office of the President ay puwede na pong maoperahan dito. Mayroon na tayong naumpisahan po. So ang importante hindi kayo mapalayo sa ating bansa at nandidiyan iyong mga kamag-anak ninyong mag-aasikaso. Mahirap po magpaopera sa ibang bansa pero bagama’t desisyon ninyo po iyon kung saka-sakaling saan ninyo po—ang magiging desisyon ninyo saan magpapaopera ay handa po kaming tumulong po sa inyong lahat. Mayroon rin tayong Malasakit Center diyan po sa NKTI so handa po ang aming opisinang tumulong po sa inyo. Magsabi lang po kayo, importante dito ay masalba natin iyong buhay ng inyong anak.

MS. EDELYN: Thank you po, Senator Bong Go.

USEC. IGNACIO: Okay. Marami pong salamat, Ma’am Edelyn Viray. Samantala, muli naman pong nagkaroon ng lakas ng loob na magpatuloy sa buhay ang apatnapung taong gulang na si Ginang Alicia Elorde ng Sta. Cruz, Cavite nang mabigyang siya ng prosthesis at iba pang tulong medikal. Makakausap po natin siya ngayon. Magandang umaga po, Ma’am Alicia.

ALICIA: Magandang umaga po.

USEC. IGNACIO: Paano po na-amputate iyong inyong kaliwanag paa at ano ho ba ang nangyari, Ma’am?

ALICIA: Last 2012 po nahulog po ako sa CR po namin, tapos na-infection po iyong sugat. Tapos iyon po inoperahan po, naputol po. Iyong dating artificial po na paa, tapos ngayon po, kasi matagal na po iyon, kailangan na po siya uli mapalitan.

USEC. IGNACIO: Bago po kayo magkaroon ng prosthetics, paano po kayo nakakakilos?

ALICIA: Ano po, iyong parang normal lang din po na kilos po sa loob ng bahay.

USEC. IGNACIO: Ma’am, kasama, nakikinig po sa atin si Senator Bong Go naririnig po niya kayo. So kailan po kayo lumapit sa tanggapan ni Senator Go at paano po iyong naging proseso para po sa hinihingi ninyong assistance?

ALICIA: Mayroon pong ni-refer na staff niya, tapos nagkikita po ako tuwing pumupunta po ako sa PGH at talagang binibigay po niya iyong pangangailangan ko po, financial.

USEC. IGNACIO: Ma’am, kasama po natin si Senator Go ano po, baka mayroon po kayong gustong sabihin sa kaniya, kay Senator Go, Ma’am.

ALICIA: Senator Go. Maraming-maraming salamat po sa tulong sa akin. Mula sa pagpapatingin sa clinic, maging sa artificial na paa. Maraming-maraming salamat po at marami pa po kayong matulungan ng mga kababayang Pilipino. Maraming-maraming salamat po. God Bless po, Senator Go

SEN. GO: Ma’am, huwag po kayong magpasalamat sa amin, dahil trabaho namin iyan. Pangalawa, kami po ang magpasalamat sa inyo, dahil binigyan po ninyo kami ng pagkakataon na makapag-serbisyo po sa inyo. At sa mga naputulan po ng paa, huwag po kayong mawalan ng pag-asa. Sa abot po ng aming makakaya ay tutulungan namin kayo na magkaroon po ng prosthesis na paa para makalakad muli kayo.

Alam ninyo ikuwento ko na lang sa inyo, Ma’am. Si Pangulong Duterte tuwing may nakikita siyang walang paa, parati niyang sinasabi ibibigay daw niya iyong paa niya kung kakailanganin para makabalik lang po sa normal. So sa lahat po ng mga nakikinig ngayon kung may mga kailangan po kayo halimbawa gusto ninyong magkaroon ng prosthesis ay handa pong tumulong ang aming opisina po sa inyo, sa abot po ng aming makakaya, nandito lang po kami.

USEC. IGNACIO: Okay, maraming salamat po sa inyong panahon, Ma’am Alicia Elorde. Tayo talaga ay nagpapasalamat din po kay Senator Bong Go sa kaniyang mga naitutulong sa mga nangangailangan. Balikan po natin si Aljo?

BENDIJO: Senator Bong Go, mensahe na lang sa pangkalahatang para sa ating mga nakikinig at nanunood na mga kababayang Pilipino, go ahead po.

SEN. GO: Sa mga kababayan kong Pilipinong nakikinig ngayon, kaunting tiis lang po, alam ko pong nahihirapan kayo. Kami rin po dito ni Pangulo nahihirapan din po kami. Subalit kayo po ang nagbibigay lakas po sa amin na makapag-serbisyo. Kailangan lang nating magtulungan, magbayanihan po, sino ba naman ang magtutulungan, kung hindi tayo lang po, kapwa nating Pilipino. Hindi namin kayo pababayaan, salamat po.

BENDIJO: Daghang kaayong salamat Senator Christopher Bong Go.

SEN. GO: Happy birthday ha.

BENDIJO: Thank you, sir.

USEC. IGNACIO: Mayroon pa ba tayong kasama ngayon na magpapasalamat sana kay Senator Bong Go, ito ba ang susunod nating kikilalanin si Ginang Rosalinda Angeles, mula sa Quezon City. Isa rin po siya sa natulungan at nabigyan ng atensiyong medikal ng tanggapan ni Senator Go. Makakausap po natin si Ma’am Carmelita Angeles, kapatid ni Ginang Rosalinda. Sana po makahabol tayo kay Senator Go. Ma’am, hello po.

CARMELITA ANGELES: Hello po.

USEC. IGNACIO: Ano po iyong inilapit ninyo kay Senator Bong Go?

CARMELITA ANGELES: Una po sa lahat magpapasalamat po ako dahil malaking tulong po ang binigay sa amin sa pamamagitan po ni [unclear] kasi po buwan-buwan po [unclear] ng aming mga pangangailangan [garbled] Kasi mayroon po akong anak na may sakit na cerebral palsy. Siya po ay [unclear] Wala po akong hanapbuhay, biyuda po ako. Ang tawag po sa akin ng ate ko, mayroon po [unclear].

USEC. IGNACIO: Ma’am, kasama na po ninyo si Senator Bong Go. Baka may gusto po kayong sabihin sa kaniya. Iyan po magkakausap po kayo Ma’am.

CARMELITA ANGELES: Magandang tanghali po kagalang-galang na senador, ako po si Carmelita Ramos Angeles, may anak po ako na may sakit na cerebral palsy. Sana tulungan po ninyo ang mga katulad ko [unclear].

SEN. GO: Sige po, tutulungan po namin kayo, Ma’am. Huwag po kayong mag-alala tutulungan po namin kayo, papapuntahan ko po kayo.

USEC. IGNACIO: Ma’am, Carmelita and Ma’am Rosalinda kayo po ay papupuntahan daw po agad-agad ni Senator Bong Go. Marahil ay medyo hindi po malinaw iyong nagiging dating kay Senator Bong Go, pero ipinangako po niya na huwag po kayong mag-alala at pupuntahan po kayo ng tanggapan po ni Senator Bong Go at iyong siyempre iyong kaniyang staff. Maraming salamat po, Ma’am Carmelita at Ma’am Rosalinda. Muli maraming salamat din po sa pagsama ngayong araw ni Senator Bong Go. Senator, baka mayroon po kayong huling mensahe diyan sa ating mga kababayan na talaga pong kailangan na kailangan pa rin ng tulong mula po sa inyo.

SEN. GO: Bukas po ang aming tanggapan at handa po kaming tumulong sa inyo, kami ni Pangulong Duterte. Sa abot ng aming makakaya ay nandidito po kami na magsiserbisyo sa inyo 24 hours po. Ngayon bago ko makalimutan, maligayang kaarawan kay Aljo Bendijo matagal ko na pong kilala ito. Bata pa po ako, matanda na siya, magkakilala na kami. Hanggang ngayon pareho na kaming bata. Happy birthday, Aljo maraming salamat sa iyong serbisyo sa ating mga kababayan.

BENDIJO: (DIALECT) Walay sapayan Sir, daghan pung salamat sa oportunidad nga imong gihatag, lalo na diha sa PTV with GM Kat de Castro. Thank you so much, Senator Christopher Bong Go. Mabuhay po kayo, sir.

USEC. IGNACIO: Samantala, tunghayan naman po natin ang pinakahuling ulat mula sa iba’t ibang lalawigan sa bansa, makakasama po natin is Aaron Bayato mula po sa Philippine Broadcasting Service.

(NEWS REPORTING)

USEC. IGNACIO: Maraming salamat, Aaron Bayato mula po sa Philippine Broadcasting Service.

Para naman alamin ang detalye kaugnay sa Enhanced Pension Loan at iba pang programa ng GSIS, muli po nating makakasama sa programa si GSIS Executive Vice President for Core Business Sector, Attorney Nora Malubay. Magandang araw po, Attorney!

GSIS EVP ATTORNEY MALUBAY: Magandang umaga po uli Usec. Rocky, si Sir Aljo.

USEC. IGNACIO: Opo. Ma’am, ano po ba itong Enhanced Pension Loan ng GSIS at sinu-sino lamang po ba iyong maaaring makapag-avail nito; puwede pa rin ba iyong mga puwedeng—gustong mag-apply, iyong mga may existing loans sa GSIS, ma’am?

GSIS EVP ATTORNEY MALUBAY: Ito pong Enhanced Pension Loan, para po ito sa ating mga old age pensioners – ibig sabihin iyong mga tumatanggap na talaga ng pensiyon. Atin pong in-improve iyong existing pension loan program natin. Paano po natin in-improve? Mas malaki po ang kanilang loanable amount dito, maximum po ng P500,000. So, paano po natin iku-compute ito? Iyon po kanilang mga basic monthly pension times 6. Hindi po lalagpas ng P500,000 iyon po ang maximum. Ito po ay payable 2 years.

Ngayon po, sino po ang kuwalipikado dito? Iyon pong may mga existing pension loan, kailangan po matapos po muna nila iyong loan na iyon tapos po puwede na silang mag-Enhanced Pension Loan. Kasi po sa ating policy kailangan bago mag-renew o bago mag-avail ng bagong pension loan, kailangan po ma-fully paid iyong una o iyong existing na pension loan.

At iyong mga old age pensioners po natin, kung mayroon po silang existing na tinatawag na restructured service loans, kasi po iyong iba pong nagsipag-retire ay may naiwan pa rin pong outstanding loans. So binigyan po namin ng pagkakataon na mag-restructure, iyon po ay ima-montly amortization uli nila iyong existing service loans nila para po sila ay mayroong matanggap na pensiyon. So iyon pong may mga restructured loans na existing pa po at hindi pa po bayad, hindi po sila qualified muna dito sa Enhanced Pension Loan.

USEC. IGNACIO: Opo. Ma’am nabanggit ninyo nga kanina na aabot ng P500,000 iyong loanable amount pero—

GSIS EVP ATTORNEY MALUBAY: Opo, iyon po ang maximum.

USEC. IGNACIO: Opo. Pero ang tanong po nila, puwede raw po bang mas mababa sa 6 times ng kanilang monthly pension ang kanilang i-loan?

GSIS EVP ATTORNEY MALUBAY: Opo. Puwede po silang mag-avail lang nang mas mababa po sa maximum na 6 months ng kanilang basic monthly pension. Basta po importante ang kanila pong mani-neto sa kanilang basic monthly pension nila ay at least 25% o ¼ ng kanilang basic monthly pension. Kailangan mayroon pa silang natatanggap, iyan po iyon, iyan po ang ating policy para po may natatanggap naman si pensioner buwan-buwan.

USEC. IGNACIO: Opo. Pero Attorney, magkano naman daw po iyong interest rate at hanggang kailan po nila maaari itong mabayaran?

GSIS EVP ATTORNEY MALUBAY: Ang interest rate po natin dito ay 10%, diminishing balance po ito so magaang-magaan po ito at po ay binabayaran sa loob po ng dalawang taon. Kapag po na-fully paid after 2 years, puwede po uli siyang mag-apply uli ng Enhanced Pension Loan.

USEC. IGNACIO: Opo. Ito naman po, para sa mga interesadong GSIS members. Paano po ba iyong application process, mabilis daw po ba iyan at anu-ano po iyong mga dokumento na dapat nilang i-provide para po sila ay makapaghanda, Attorney?

GSIS EVP ATTORNEY MALUBAY: Opo. Ang pinag-uusapan po natin iyong Enhanced Pension Loan pa rin po ano po, Usec. Rocky?

USEC. IGNACIO: Opo. Yes, ma’am.

GSIS EVP ATTORNEY MALUBAY: Okay. Ang Enhanced Pension Loan po, dito lamang po sa Head Office ang pupuwede pa ho through the kiosk kaya napakabilis lang po noon. Within the day po iyon naii-credit na po sa UMID e-card pero outside the Head Office pa po, atin pong inaayos pa iyong programa, iyong sistema so puwede pong online. Mayroon po tayong tinatawag na e-GSIS Mo, alam na po nila ang gagawin diyan. Bumisita lamang po sa GSIS website o kaya lamang po ay mag-email at requirement po diyan iyong kanilang—kailangan pong ipakita iyong kanilang UMID e-card and then may application form po para sa Enhanced Pension Loan.

O kaya naman po kung may pagkakataon po, ihulog po sa mga dropbox sa mga opisina po sa GSIS. Sandaling panahon lamang po hinihintay natin, ilalagay na po natin sa kiosk, iyon pong kiosk natin, may sistema po iyon. Gagamitin lang po iyong biometric po ng ating old age pensioner, diri-diretso na po iyon.

USEC. IGNACIO: Opo. Samantala, doon po sa mga nagbabalak na mag-loan sa iba pang mga programa ng GSIS gaya po ng Computer Loan, GFAL, Educ at mga MPL, hanggang magkano daw po iyong kanilang puwedeng hiramin at paano po iyong magiging process since nakailalim pa rin po tayo sa quarantine?

GSIS EVP ATTORNEY MALUBAY: Opo. Iyong Computer Loan, atin pong inilunsad ang programang ito kasi po marami pong work-from-home so kailangan pong tulungan natin ang ating mga GSIS members na magkaroon sila ng sarili nilang computer, puwedeng desktop iyan or laptop at iyong mga paraphernalia po, iyong mga internet, Wi-Fi, etcetera.

Magkano po ang pupuwede nilang utangin? P30,000 po, iyan po ay nalaman ko po sapat na po iyan dahil iyong iba po ay nakakabili pa ng printer na mga partner noong kanilang laptop, okay. Ang interest po diyan ay 6% per annum, payable po within 3 years, iyan po. Kailangan po dito at least—sino po ba ang mga kuwalipikado dito? Dapat po at least may nakikita kaming nagbabayad po sila ng kanilang premiums, at least 3 months nakikita po natin sa ating computer na sila po ay—sa ating system na sila po ay nagbabayad ng kanilang monthly premiums.

Kailangan po permanent ang kanila pong appointment, permanent status po ang appointment, wala po silang leave without pay at walang pending administrative o criminal case at wala din po siyang arrearages sa kaniya pong mga ibang loans, lalo po iyong GSIS Financial Assistance Loan program natin. At dapat po sa lahat po ng aming loan program, palagi po nating tinitingnan, kailangan po after considering itong loan application na ito, let us say sa computer loan, kailangan po ang kaniyang net take home pay, kailangan hindi po bababa ng P5,000 kasi po nasa batas iyon. Kailangan ang net take home pay ng isang government worker, monthly net take home pay po niya o ang natitira niyang susuwelduhin ay dapat po ay P5,000.

USEC. IGNACIO: Doon po sa mga may concerns, Attorney, sa GSIS saan po sila puwedeng tumawag o lumapit

ATTY. MALUBAY: Ay opo, mayroon po tayong 24/7 na GSIS contact center, 8847-4747. Lahat po ng inyong inquiry, follow-up, iyan ang tutugon sa inyo. At mayroon din po kami sa email, GSIS cares. So, ‘yan po. Sa mga opisina naman po may mga frontliners tayo na mag-aasikaso po sa kanila.

USEC. IGNACIO: Okay, mayroon lang tanong dito? May nag-apply daw po na computer loan last December hanggang ngayon wala pa rin daw po? May pangyayari po bang ganito?

ATTY. MALUBAY: Puwede po bang malaman? Kasi po, mabilis lamang po ang computer loan, na i-process. So, Malaman ko lamang po ang pangalan para ibigay po sa amin para matugunan po natin, baka naman po. Paano po ba siya nag-apply? Baka hindi nakarating? O iyong requirements kulang. Matutugunan po namin agad yan? Malaman lang po namin ang pangalan at opisina at contact number.

USEC. IGNACIO: Maraming salamat po sa inyong panahon, GSIS Executive Vice President Atty. Nora Malubay. Ipapadala po namin Attorney, iyong pangalan. Salamat po!

ATTY. MALUBAY: Thank you po, Usec. Rocky, Sir Aljo.

ALJO BENDIJO: Magtungo naman tayo sa Davao, hatid ni Clodet Loreto ang pinakahuling balita doon. Clodet, maayong udto.

[NEWS REPORT]

ALJO BENDIJO: Maraming salamat Clodet Loreto.

USEC. IGNACIO: At iyan nga po ang mga balitang aming nakalap ngayong araw. Ang Public Briefing po ay hatid sa inyo ng iba’t ibang sangay ng PCOO sa pakikipagtulungan ng Department of Health, at kaisa ng Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas o KBP.

ALJO BENDIJO: Asahan po ang aming patuloy na pagbibigay impormasyon kaugnay sa ating laban sa Covid-19 pandemic. Maraming salamat din sa Filipino Sign Language Access Team for Covid-19. Mula rito sa Philippine Army Golf Course sa Lungsod ng Taguig City, ako po si Aljo Bendijo. Thank you, Usec!

USEC. IGNACIO: Siyempre, happy birthday muli sa iyo, Aljo.

ALJO BENDIJO: Thank you.

USEC. IGNACIO: Happy Birthday Aljo at sana matupad lahat ng iyong birthday wish mo. Sa ngalan po ni Sec. Martin Andanar, ako naman po ang inyong lingkod Usec. Rocky Ignacio. Magkita-kita po tayong muli sa Lunes, dito pa rin sa Public Briefing #LagingHandaPH.

###

Source: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)