Interview

Interview with Presidential Spokesperson Harry Roque by Tuesday Niu and Benjie Liwanag (DZBB – Executive Summary)


Event Media Interview

NIU:  Good morning, Sec. Harry.

LIWANAG:  Good morning, Sec.

SEC. ROQUE:  Good morning, Ginang ng buong araw ng Linggo at Benjie. Magandang umaga sa inyo.

NIU:  Sir, madako muna kami sa ilang IATF matters. Clarification lang doon sa ilang patungkol sa IATF resolution. Iyong isa po ay iyong payagan iyong Baguio City na tumanggap pa rin noong mga local tourist at iyong mga hotels nila doon, kahit ibinalik sila sa GCQ. Ano po ang pinagbasehan ng IATF na payagan pa rin iyong ganito, kahit na iyong Cordillera alam namin may mga kaso diyan ng bagong UK variant?

SEC. ROQUE:  Well, ang totoo niyan po ay talagang binabalanse po ng IATF iyong pagpigil sa pagkalat ng COVID at saka iyong panghanapbuhay ng ating mga kababayan. Dito naman kasi sa Metro Manila napatunayan natin na bagama’t ECQ at theoretically, wala pa ring turismo ay nakita naman natin na epektibo naman iyong mga staycation natin sa ating mga hotel at basta mag-ingat lang ng ating buhay ay pupuwedeng ipagpatuloy iyong hanapbuhay noong  mga nagtatrabaho sa sektor ng turismo. Ganiyan din po ang rationale sa Baguio, naipakita naman po ng Baguio ang kanilang kakayahan pagdating po sa tracing. Bagama’t nandiyan pa po iyong banta na paparami ang kaso ng COVID ay minabuti pa rin natin na balansehin nga po, dahil kung isasarado muli ang turismo ng Baguio ay iyan po iyong pinakamalaking pinagkukuhanan ng pagkikita sa hanapbuhay ng mga taga-Baguio, ang turismo.

LIWANAG:  Ayan po. Eh pinag-uusapan po natin pa rin itong Baguio, eh nagbitiw na po itong si Mayor Benjie Magalong doon sa puwesto niya bilang tracing czar. Eh ito po ba ay kinonsidera na po ninyo, ni Pangulong Rodrigo Duterte, papaano po ba ang mangyayari dito?

SEC. ROQUE:  Well, unang-una po noong nagsumite ng letter si Mayor Magalong, wala pong nakasulat doon na it is irrevocable. Kaya po ang sinabi nga namin ay it is subject to acceptance at hindi naman po tinanggap ng NTF at doon na po tayo tumigil doon. At sa tingin  ko naman nahimas-himasan lang si Mayor Magalong at ipagpapatuloy po niya dahil wala po talaga tayong mahahanap na kapalit ni Mayor Magalong, dahil siya po talaga ang  naging author noong ating contact tracing formula dito sa Pilipinas.

NIU:  Ngayon po ba sir, may official na tayong nakuhang response galing kay Baguio City Mayor Magalong dito sa panawagan sa kaniya at pakiusap na huwag munang bitiwan iyong contact tracing czar?

SEC. ROQUE:  Ang alam ko po may ilang mga activities na dadaluhan din ng ating Mayor Magalong. Titingnan na lang po natin kung ano ang mangyayari sa mga susunod na araw.

NIU:  Dito sa isang isyu, sir. Nailabas ninyo nitong Friday itong tinatawag na parang expanded prioritization list, alam mo ba, Secretary dalawa kami ni Kuya Benjie ang natuwa, dahil doon sa isinusulong mo na isali sa priority list iyong persons with comorbidities, eh kasama poo kami diyan.

LIWANAG:  Media kami eh.

NIU:  So kasama kami, diyan, sir?

SEC. ROQUE:  Talagang pinaninindigan po natin iyang comorbidities. Well, unahin po natin iyang comorbidities, ibig sabihin noong comorbidities, iyon pong mga may sakit at iyong mga may sakit po kagaya ng diabetes at heart disease. Talagang ipinaglaban ko po iyan, kasi alam naman natin na sang-ayon sa siyensiya hindi lang matatanda ang vulnerable dito sa sakit na ito, eh kasama rin iyong mga may comorbidities. So, talagang napakainit po ng balitaktakan diyan, kasi nga may mga nagsasabi na kapag pinayagan iyong may comorbidities maraming mandaraya para lang mauna sa pila. Sabi ko naman, pagtiwalaan naman siguro ang ating mga doktor na mag-iisyu ng certificate na hindi naman sila magsisinungaling, dahil talaga namang mataas ang respeto natin sa ating mga doktor. Iyong sinasabi ninyo siguro iyong mga economic frontliners, ito kasi iyong mga industriya na hindi sarado noong ECQ at kasama doon sa hindi sarado ay iyong mga news. ‘Di ba po, naalala ninyo ano, na maski ECQ kayo ay bukas? Ang basa ko po diyan, kasama sa listahan o pinayagang bukas habang mayroong ECQ ay kasama po doon sa magkakaroon ng prayoridad.

NIU:  Opo, napansin ko rin po doon sa listahan, Secretary Harry, na isinama na pati iyong mga estudyante. Mayroon akong nabasa mga estudyante sa mga health facilities, kasama na rin iyong mga maintenance at utility personnel.

SEC. ROQUE:  Ito po iyong mga nagtatrabaho sa medical frontliners. So, kung ikaw po ay nandiyan sa PGH, hindi lang po iyong mga doktor talaga kung hindi iyong mga interns, mga clerks na gumagalaw sa ospital, iyong mga janitors na nandoon sa ospital mismo ay mapapasama na po doon sa prayoridad  bilang healthcare providers.

NIU:  Right. Dati kasi hindi sila nababanggit eh, pero ngayon kasama na sila. Pero speaking of expanded prioritization list, sir. Ito bang mga ito ay mayroon nang eksaktong pangalan ba, iyong kung sino talaga iyong bibigyan, mayroon na bang listahan noong eksaktong mga pangalan kung sino iyong mga babakunahan talaga?

LIWANAG:  O patuloy po ang pag-aaral?

SEC. ROQUE:  Well, oo sa totoo lang po, dahil inaasahan nating magsisimula na tayo sa a-kinse. Mayroon na pong mga listahan iyan. Sa katunayan iyong mga medical frontliners, kumpleto na po ang mga pangalan nila. Sa PGH na isa sa pinakamauunang bibigyan po noong darating na Pfizer, may limang libong pangalan na po silang isinumite. Sabi naman nila mabilis nilang mababakunahan iyong limang libo nila ano.

LIWANAG:  Iyong unang batch ng bakuna na darating, 117,000 from COVAX facility, lahat ng ito ay para sa health workers, Secretary?

SEC. ROQUE:  Opo, kasi sila po iyong pangunahing nangunguna doon sa ating list of priority. So lahat po iyan mapupunta at ini-spell out na nga po iyan ng ating IATF. Unang-una iyong mga hospitals, na referral centers natin – PGH, iyong JB Lingad, iyong Lung Center at iba pang mga hospitals. Pagkatapos eh mga referral centers sa IATF, tapos iyong mga DOH hospitals, tapos iyong mga local government hospitals, tapos lahat po ng mga pribadong mga hospital.

NIU:  May tantiya na po bang panahon kung iyang 117,000 na dose ng bakuna para sa health workers ay nailatag na? Halimbawa po, iyong 117,000, mga gaano katagal po iyan na maituturok para sa lahat nitong mga frontliners, mayroon na po bang ganoong mga detalye?

SEC. ROQUE:  Well, mayroon na pong estimate, pero mabilis na mabilis lang po iyan. Kasi 117,000 lang po iyan. At kung tutuusin, iyong 117,000 dalawang dosage po iyan, so 50,000 lang iyong mababakunahan diyan. Pero ang darating naman pong susunod ay iyong AstraZeneca at malaki-laki naman po, hanggang limang milyon iyong AstraZeneca na darating. So inaasahan po natin na lahat po noong mga nasa paunang frontliners natin na mahigit-kumulang mga 1.4 million, lahat naman po iyan ay mabibigyan, kasi limang milyong mahigit iyong AstraZeneca na darating din ano – also within the month. So inaasahan po natin na sa buong linggong ito, sa buong buwan na darating ay at least lahat iyong medical frontliners at saka iyong immediate na may priority ay at least nasimulan na. Pero definitely, hindi po aabot ng isang buwan para matapos natin ang lahat ng mga medical frontliners.

LIWANAG:  Secretary, paglilinaw lang. Iyong 117,000, ibig sabihin noon, divide by two. Tama po ba?

SEC. ROQUE:  Opo, 117,000doses po iyon, so that is god for 50,000. Pero mayroon naman pong mahigit limang milyon pang AstraZeneca na manggagaling din sa COVAX facility.

NIU: Itong sa foreigners, sir. Ang alam namin na pinapayagan na mga foreigners na makapasok dito sa bansa ay iyong may mga investment visa, foreigners na tatay o asawa ng mga Pilipino. Ano pa po ba iyong mga nadagdag diyan sa listahan ng mga foreigners na pinapayagan dito sa loob ng Pilipinas?

SEC. ROQUE:  Gawin na lang nating ganito, kung ano pa iyong hindi pinapayagan. Mga turista, pati iyong mga retirees, unless mayroon silang exemption. So halos lahat po na may kinalaman sa negosyo, sa investment, long term work permit, eh lahat naman po iyan ay napapasok na. Ang mga turista saka iyong mga special retirees visa, kinakailkangan pa rin pong mag-antay ng special exemption. So, ibig sabihin po, hindi absolutely prohibited, pero kukuha lang sila ng endorsement doon po sa corresponding na departamento.

NIU:  All right. Madako ako sa ibang subject, Secretary Roque. Kapansin-pansin daw po iyong –sabi ng ating mga netizens ano. Marami kaming natatanggap dito na bumubuo sa Gabinete ni Pangulong Rodrigo Duterte o mga opisyal ng pamahalaan, aba eh karamihan daw ay puro generals na po. Bakit ba ganito ang ginagawa ni Presidente. Sa mga nagreretiro, inooperan niya ng bagong puwesto sa gobyerno., Ano ba ang gusto ni Presidente, hindi ba siya kuntento doon sa ibang mga personalidad na puwede din naman niyang maalok ng puwesto sa pamahalaan? 

SEC. ROQUE:  Well, unang-una, I don’t think na totoo po na majority sila ay heneral na, majority pa rin po ay civilian. Bagama’t sinasabi talaga ni Presidente, talagang may preference siya sa mga militar, kasi ang military – bilang executive kasi tagapagpatupad ka – ang mga sundalo, ang thinking ay sumunod kaysa sa magkuwestyun, kaya they get things done. Tingnan natin iyong nangyari sa paglilinis ng Boracay, si General Cimatu, nagawa naman niya ano. Iyong pag-aangkat ng bakuna ‘no, si General Galvez, eh nakita naman ninyo bagama’t sinubukan na pulahin ang pulitika, sinubukan na batuhin ng mga paratang ng korapsiyon eh tuluy-tuloy pa rin si General Galvez, nandoon siya na para siyang sundalo. Kahit anong bato sa kaniya, eh ipinapatupad ang batas at ang mga polisiya.

LIWANAG: Ako naman ay ipapasok ko naman itong red tagging, Secretary. Itong si Lieutenant General  Antonio Parlade  hindi po ba magkakaroon ng pagpreno o pagsabihan man lang ng Malacañang dahil ang ilan po sa mga niri-red tag, pati po mga mamamahayag na, tapos ay magsasampa na rin p o sila ng kaso sa Korte Suprema kaugnay nito?

SEC. ROQUE:  Hinahayaan na po natin ang DND sa bagay na iyan, mayroon namang guidelines na inisyu na si Secretary Delfin Lorenzana, iyong mga heneral na pinatahimik na siya, mayroon na siyang pinagsabihan, kung hindi ako nagkakamali, pati si General Parlade pinagsabihan na. Hindi naman po micro-manager ang ating Presidente, iniiwan na po natin iyan kay Secretary Delfin Lorenzana at iyong mga dumudulog sa hukuman ay iniiwan na po natin iyan sa hukuman.

NIU:  So, iyon lang muna sa ngayon, Secretary Roque. Huwag kang madadala sa amin, kapag may mga bagong isyu.

SEC. ROQUE:  Hindi po. Maraming salamat din po, dahil talaga naman ang mga pinag-usapan natin ngayon ay I’m sure maraming tanong iyong ating mga kababayan.

NIU:  Okay, with that, sir mag-jogging ka na ulit o magsimba ka na.

SEC. ROQUE:  Salamat po. Magandang umaga po.

 

###

 

 

 

SOURCE: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)