USEC. IGNACIO: Magandang umaga, Pilipinas. Ngayon ay araw ng Biyernes, pista opisyal bilang pagdiriwang sa Chinese New Year pero hindi kami matitinag sa pagbibigay ng pinakamahalagang impormasyon na dapat pong malaman ng bawat Pilipino ngayong panahon ng new normal.
Sa ngalan ni Secretary Martin Andanar, mula sa PCOO, ako naman po ang inyong lingkod, Usec. Rocky Ignacio at ito ang Public Briefing #LagingHandaPH.
Maya-maya lamang po makakasama natin sa programa sina Malasakit Center Project Head, Assistant Secretary Girlie Veloso at Games and Amusement Board Chairman Abraham Kahlil Mitra.
Samantala, kung mayroon po kayong katanungan, mag-comment lamang sa live streaming ng ating programa sa PTV Facebook at YouTube account.
At bago po tayo magtungo sa ating talakayan, bigyang-daan po muna natin ang mahalagang anunsiyo mula sa IATF, makakasama po natin si Presidential Spokesperson Harry Roque. Magandang araw, Secretary!
SEC. ROQUE: Magandang araw, Usec. Rocky. Balitang IATF po tayo ‘no, naku importanteng mga anunsiyo po ito.
Inaprubahan po ng inyong IATF ang pag-relax o pagluwag ng restrictions sa mga relihiyosong pagtitipon or religious gatherings sa mga lugar na nasa ilalim ng General Community Quarantine simula Lunes, a-kinse ng Pebrero. Pinapayagan na sa mga lugar na nasa GCQ ang religious service na hanggang 50% ng seating or venue capacity; ang umiiral sa ngayon po ay 30% capacity lamang.
Inaprubahan din po ng inyong IATF sa kanilang huling pagpupulong ang muling pagbubukas o pagpapalawak ng mga sumusunod na negosyo o industriya:
Unang-una, driving schools,
mga sinehan or traditional cinemas,
video and interactive game arcades,
libraries, archives, museums at cultural centers,
meetings, incentives conferences and exhibitions
at limitadong social events
at accredited establishments ng Department of Tourism.
Inaprubahan din ang muling pagbubukas ng limited tourist attractions tulad ng mga parks, theme parks, natural sites at historical landmarks.
Ang muling pagbubukas na ito ay subject sa implementing guidelines na magsasabi ng operational capacity at oversight ng appropriate regulatory agency at mga lokal na pamahalaan kung nasaan ang mga negosyo at ang mga industriya. Ang mga nasabing negosyo at industriya ay kailangan pa ring mahigpit na sumunod sa minimum health standards ng Department of Health.
Sa iba naman pong balita, mayroon lang po tayong clarification ‘no. Bagama’t ang Pangulo po ay nagsabi na hindi dapat ipatupad ang motor vehicle inspection, kinakailangan pa rin po na mag-submit ng either iyong emission clearance or MVIS. Ang mabuting balita po ngayon alinsunod sa naging order po ng ating Presidente, ang mga operators ng private motor vehicle inspection centers ay nagsabi na ang singil nila ay kapareho lamang ng emission test na P600. So for P600 po habang panahon ng pandemya, ang inyong sasakyan po will be subject to 73 roadworthy inspection check ‘no.
So ulitin ko po, alinsunod po sa panawagan ng ating Presidente, ang mga may-ari ng private motor vehicle inspection centers ay nagsabi na kapareho lamang ang sisingilin nila na P600, kapareho po iyan ng mga emission test centers bagama’t ang serbisyong ibibigay nila ay 73 roadworthy inspection checkpoints.
So iyon lang, Usec. Rocky. Magandang umaga sa’yo at sa inyong lahat.
USEC. IGNACIO: Secretary, puwede po ba natin bigyan-daan ang ilang tanong ng ating kasamahan sa media?
SEC. ROQUE: Go ahead, please.
USEC. IGNACIO: Opo. May tanong po si Joseph Morong ng GMA News: Why did we relax daw po further in both religious and some activities?
SEC. ROQUE: Well iyan naman po ay dahil nakikita natin na hindi naman po tumataas ang ating attack rate ‘no at hindi naman po masikip o iyong ating mga hospital at sa ating pagamutan ‘no. In other words, wala po tayong problema pagdating doon sa ating utilization rate.
At siyempre po alinsunod ito sa katotohanan na kinakailangan nating magbukas pa ng ekonomiya dahil kinakailangan magkaroon nang karagdagang hanapbuhay iyong ating mga kababayan. Iyong mga nabuksan po nating industriya, marami pong mga nagtatrabaho diyan na matagal nang walang hanapbuhay, ngayon po makakapaghanapbuhay na silang muli.
USEC. IGNACIO: Opo. Ang second question niya, Secretary: Elaboration daw po on cinemas. Saan puwede? Sa malls? Kung okay na daw po ang mga sinehan?
SEC. ROQUE: Well gaya po ng sinabi ko ‘no, naaprubahan naman po iyan pero it will be subject to guidelines to be issued not only by the Department of Health but also the local government units. Sigurado po iyan nandiyan iyong social distancing, nandiyan kung ano iyong isusuot habang nanunood ng sine ‘no. So ‘antayin na lang po natin iyong mga detalyeng ito na ii-issue ng Department of Health at ng mga lokal na mga pamahalaan.
USEC. IGNACIO: Opo. Kung kasama daw ba dito, Secretary, iyong nasa ilalim ng GCQ?
SEC. ROQUE: Yes, para po sa GCQ areas po ito ‘no. Dahil sa MGCQ talaga naman pong 50% capacity iyong mga ganiyang mga negosyo.
USEC. IGNACIO: Opo. Bigyang-daan ko lang po Secretary, tanong ni Llanesca Panti ng GMA: Number of sector daw po are saying that government aid amid the ongoing pork/chicken supply woes and increasing rice prices are not enough even with the Rice Tariffication Law in place pending daw po the food summit. How would the government address these concerns?
SEC. ROQUE: Patuloy po ang pagpaparating natin ng mga baboy galing sa Visayas/Mindanao at iba pang lugar ng Luzon na hindi po apektado ng ASF. Kung dati po inaantay pa lang eh dumating na po iyong mga unang shipments na inangkat natin at ito po ay diretso na sa mga palengke at ang Department of Agriculture at DTI na po ang naghahatid sa iba’t ibang mga palengke.
USEC. IGNACIO: Opo. Will the President daw po certify the bill establishing indemnification fund given that Vaccine Czar Secretary Galvez has said that the arrival of vaccines from COVAX was delayed due to lack of indemnification law; and also, how much would we need for this measure?
SEC. ROQUE: Well unang-una po ‘no, iku-correct ko sa inyo na ang certification is guarantee nang mabilisang pagpasa. Ang epekto lang po ng certification ay we do away with separate readings on second and third readings. Ang mas importante po ay iyong mensahe ng Presidente sa Kongreso na ito po ay urgent and priority administration bill dahil kung wala po ito eh baka maantala iyong pagdating ng COVAX Facility.
Bagama’t I was assured na hindi naman kinakailangan ipasa iyong batas ‘no, kinakailangan lang simulan iyong proseso na para mapadala na iyong COVAX Facility. Ganiyan din po iyong status noong panukalang batas na nagbibigay kapangyarihan sa mga lokal na pamahalaan na magkaroon ng advance payment ‘no para sa mga bakuna by way of an exception to the procurement act. Those two are urgent administrative measures and we seek the cooperation and support of both chambers of Congress in enacting this urgent parts of pieces legislation into law.
USEC. IGNACIO: Opo. Tanong mula kay Tina Mendez ng Philippine Star: Pa-clarify daw po iyong MVIS mandatory pa rin sa LTO registration. This after private MVIS groups offered to lower prices the services.
SEC. ROQUE: Ganito po ngayon iyan: dalawa po iyang pupuwede ninyong isumite – iyong emission na dati na po iyan or MVIS; hindi po pupuwedeng wala ang pareho ‘no. Pero dahil nga po sa panawagan ng Presidente, hindi po magtataas ng presyo ang MVIS, kapareho lang po ng sinisingil ng mga emission centers na P600.
Kaya nga po nagpasalamat tayo dahil habang may pandemya eh nakiisa naman po iyong mga may-ari ng private motor vehicle inspection centers at hindi sila magsisingil nang karagdagan kung ikukumpara doon sa emission testing center.
USEC. IGNACIO: Opo. Clarification lang po mula kay Joseph Morong: Under GCQ, sa malls puwede na silang magpalabas? Ito po, tungkol sa mga sinehan.
SEC. ROQUE: Well iyan po iyong naaprubahan ng ating IATF but it is subject to the final guidelines to be issued nga po ng ating DOH at ng ating mga local government units. At ang effectivity po nito and I understand magkakaroon na naman ng guidelines, will be the 15th of February.
USEC. IGNACIO: Opo. Secretary, paki-kumpirma daw po kung si Lt. Gen. Jose Faustino na ang bagong Commanding General ng Philippine Army. Tanong po ni Llanesca Panti.
SEC. ROQUE: Well gaya po ng aking dati nang patakaran ng aking opisina, habang hindi po namin natatanggap ang papel of appointment ay hindi po kami nagkukomento. But I understand, the Head of the Philippine Army naman po should be announced by the AFP Chief of Staff or the Department of National Defense diyan po sa Defense presscon.
USEC. IGNACIO: Opo. Tanong ni Sweeden Velado po ng PTV: Several sports athletes daw po and organizations are anxious to swim back in action. Papayagan na po bang bumalik ang amateur sports orgs and athletes ngayong may mga parating na vaccines?
SEC. ROQUE: Ganito po iyan, napag-usapan po sa IATF na iyong Maharlika na liga at saka mayroon pong pa-volleyball na liga. Gusto kasi nila magkaroon ng similar bubble na ginagawa ng PBA at ito naman po ay gagawin nila sa Subic.
Now, ang mangyayari po diyan, hihintayin muna natin po na mag-issue po ng guidelines ang Department of Health para doon sa mga protocols na applicable kasi ang existing protocols po ngayon ay applicable lamang sa professional.
So, hihintayin po ang protocols na galing sa DOH na masusunod sa amateur at kinakailangan din po iyong pagpayag ng either the local government unit or ng SBMA kung saan pinaplanong gawin iyong sports bubble na sila iyong magpapatupad ng mga health protocols.
Pero it had been acted upon. Kumbaga, there are two conditions na kinakailangang ma-fulfill para po matuloy na iyong mga amateur leagues kagaya po ng Maharlika Philippine Basketball League at saka iyong isa pong volleyball league na sumulat sa ating IATF.
USEC. IGNACIO: Opo. Update lang daw po sa request ng MPBL. Malaki daw po ba iyong chance na mai-continue iyong postponed na play-offs ng Lakan Season sa pamamagitan ng bubble set-up next month?
SEC. ROQUE: Iyan na po ang aking sinagot nga ngayon lang, ‘no. Kinakailangan lang po mag-issue ang DOH ng kanilang health protocols para sa amateur at kinakailangan na sagutin ng either SBMA or ng local government unit ng Zambales iyong pagpapatupad ng mga health protocols na ito. So, high po ang chance na matutuloy po ang kanilang paglaro.
USEC. IGNACIO: Okay. Maraming salamat po, Presidential Spokesperson Harry Roque sa inyo pong dalang balita. Ingat po kayo. Happy Chinese New Year, Secretary!
SEC. ROQUE: Kung Hei Fat Choi sa inyong lahat at magandang umaga po sa inyong lahat!
USEC. IGNACIO: Samantala, special pandemic rates sa mga private motor vehicle inspection centers ipatutupad upang makabawas sa bigat ng gastusin ng ating mga kababayan ngayong may pandemya. Senator Bong go, nagpasalamat sa DOTr at mga operators sa pagtugon sa panawagan. Narito ang report.
[VTR]
USEC. IGNACIO: Noon, ang paghingi po ng tulong medikal ay talaga namang pahirapan. Lapit dito, lapit doon, halos namamalimos ng pagamot sa sakit na iniinda. Pero dahil po sa malasakit ng pamahalaan, pinadali at tiniyak na libre na ang gamutan ng mga kapos nating kababayan sa pamamagitan ng isang programa at ito po iyong tinatawag nating Malasakit Center na nagdiriwang po ngayon ng ikatlong anibersaryo.
Ang kuwento ng mga benepisyaryo nito, tunghayan po natin.
[VTR]
USEC. IGNACIO: Kaugnay po diyan, makakausap natin si Assistant Secretary Girlie Veloso ng Office of the Presidential Assistant for the Visayas at siya rin po iyong program head ng Malasakit Center. Good morning, ASec at happy anniversary po sa inyo!
OPAV ASEC. VELOSO: Good morning, Usec. Rocky and Kung Hei Fat Choi sa inyo!
USEC. IGNACIO: Opo, salamat. Kailan po ba talaga exactly nagsimula ang Malasakit Center at saan-saan po iyong kauna-unahang one-stop shop for medical assistance na ito?
OPAV ASEC. VELOSO: Sometime in 2017, then Special Assistant to the President, now Senator Bong Go, discussed with President Duterte a scheme in putting under one roof all government agencies that give various medical and financial assistance to be housed in select hospitals in the country.
In February 12, 2018, exactly three years today, the country’s first Malasakit Center was established in Vicente Sotto Memorial Medical Center in Cebu City in partnership with the Office of the Presidential Assistant for the Visayas headed by Secretary Michael Lloyd Dino.
USEC. IGNACIO: Opo. So, gaano po kalaking bagay iyong pagkaka-institutionalize through law ng programang ito, ASec.?
OPAV ASEC. VELOSO: Republic Act No. 11463 or the Malasakit Center Act of 2019 was signed [garbled] Rodrigo Duterte last December 2019. It was a campaign promise of Senator Bong Go who is also the primary author and sponsor of the bill. Bago pa man maging batas itong programa na ito [garbled] programa na po ito ng Office of the President.
Malaking bagay na naisabatas ang Malasakit Center para kahit matapos na po ang termino ng ating Presidente, Pangulong Duterte ay patuloy pa rin ang pagtatayo ng Malasakit Centers pampublikong ospital.
USEC. IGNACIO: Opo. Ma’am, totoo po ba na kapag lumapit ka dito, as in ni isa daw pong kusing ay wala po kayong babayaran sa gamutan?
OPAV ASEC. VELOSO: Iyan po ang layunin ng Malasakit Center [garbled] kaya po nagsama-sama sa isang bubong ang apat na ahensiya ng gobyerno. Una PhilHealth, pangalawa po ang DOH, nandiyan din po ang DSWD, pang-apat po ang PCSO. Magbigay lang po ako ng example ‘no.
Let’s say for example iyong bill ng patient is P50,000 [garbled] diyan is iyong PhilHealth. P50,000 say for example PhilHealth is P10,000 followed po ng MAIP [Medical Assistance to Indigent Patient] ng DOH, another P10,000 [garbled] sila ng table ng DSWD.
Si DSWD po, magbibigay po siya ng cash assistance para sa gamot, transportasyon at iba pa. So si DSWD magbibigay ng P5,000 so dahil P20,000 pa lang iyong [garbled]. And then followed by PCSO, another P10,000 so P30,000 iyong [garbled]. Remaining P20,000 po, iyong Office of the President na fund na binigay po sa hospital para magamit for financial assistance. Iyan po magsi-zero ng bill ng patient.
So [garbled] babayarin, handa tumulong ang Office of the President dahil iyong fund na binigay nila, nandiyan na iyan sa hospital. Tulung-tulong po ang mga ahensiyang ito para maisakatuparan ang ating layunin na zero balance po; wala nang babayaran ang mga pasyente. Siyempre lahat ng mga assistance na ito ay naaayon dapat sa kaniya-kaniyang guidelines ng mga ahensiya.
USEC. IGNACIO: Opo. Pero Asec., paano po malalaman ng ating mga kababayan kung sila po ay eligible bilang beneficiary ng Malasakit Center at sinu-sino po ba iyong puwedeng lumapit?
OPAV ASEC. VELOSO: Maraming pong lumapit, maaari pong lumapit ang mga poor at indigent patients. Ito po iyong mga talagang walang pambayad – indigent patients are those who have low visible means of income or whose income is insufficient for the subsistence of their family as identified by the DSWD, LGU social worker or the medical social worker of the hospital.
Poor patients are those not qualified as indigent but are otherwise considered poor or with financial difficulty to access adequate medical care. Maaari din pong lumapit ang mga financially incapacitated, ito po iyong mga pasyenteng wala nang pambayad—mayroon silang pambayad ngunit dahil pabalik-balik na sila sa hospital, nauubusan na po ng pera. So puwede din po silang lumapit sa Malasakit Center.
USEC. IGNACIO: Opo. Sa mga gustong dumulog ano po, ano iyong prosesong kanilang pagdadaanan para po makakuha ng ayuda sa gamutan?
OPAV ASEC. VELOSO: Lahat po ng mga dumudulog sa Malasakit Center ay i-interview-hin muna ng medical social workers para i-assess kung anong tulong ang maaring ibigay ng Malasakit Center sa pasyente. After that, mayroon din silang form for assessment. Pagkatapos nito ay gagabayan ng medical social worker ang pasyente o ang kaniyang representative para lumapit sa apat na ahensiya para ibigay ang tulong na puwedeng maibigay base sa kaniya-kaniyang guidelines ng mga ahensiya.
USEC. IGNACIO: Opo. Dito naman po sa COVID-19 situation, Asec. Puwede rin po bang humingi ng tulong dito?
OPAV ASEC. VELOSO: [Garbled] may sakit at nangangailangan, puwedeng lumapit sa Malasakit Center. Ang hindi lang po puwede sa Malasakit Center ay iyong mga bayarin para sa mga cosmetic procedures.
USEC. IGNACIO: Opo. Asec. pasensiya ka na ‘no, ulitin lang po natin kasi naputol po kayo doon sa unang bahagi noong pagsagot ninyo. Kung sa COVID situation, maari po bang dumulog dito, sa COVID?
OPAV ASEC. VELOSO: Yes po. Basta po may sakit at nangangailangan, puwedeng lumapit sa Malasakit Centers. Ang hindi lang po puwede sa Malasakit Center ay iyong mga bayarin para sa cosmetic procedures.
USEC. IGNACIO: Opo. Pero sa inyo pong datos, gaano kalaki po ang na-improve sa healthcare ng mga Pilipino simula po nang magkaroon ng Malasakit Centers sa iba’t iba pong bahagi ng bansa at paano isinakatuparan ng programa iyong layunin po natin ng Universal Healthcare Act?
OPAV ASEC. VELOSO: [Garbled] universal healthcare ay mabawasan ang out-of-pocket expenditures ng ating mga kababayan. Malaking tulong po ang Malasakit Centers dahil hindi nababawasan ang bayarin sa hospital. Mas tiwala na rin ang ating mga kababayan na magpagamot dahil alam nila na may Malasakit Center silang malalapitan kung sakaling kailangan nila ng tulong-medikal or pinansiyal.
USEC. IGNACIO: Opo. Talaga kasing Asec. sinusubok po tayo ng pandemya ano po. Pero nakakaapekto po ba iyong funding sa operation ng Malasakit Center iyong krisis nating nararanasan sa COVID-19?
OPAV ASEC. VELOSO: Tuloy-tuloy lang po ang operation ng Malasakit Center kahit na may pandemya. Mas lalo nga po itong kailangan ng panahong ito na may health crisis tayo na kinakaharap. Hindi po problema ang funding dahil nakapaloob na po ang pondo sa taunang budget ng mga ahensiya.
Ito po, Usec. Rocky, i-share ko lang po. Nationwide, we already opened 101 Malasakit Centers. We just opened our 101st yesterday sa Ilocos Norte and despite of the pandemic, Usec. Rocky, mayroon po tayong nabuksan na 40 Malasakit Centers sa taong 2020. Sa taong 2018 po, nagbukas po tayo ng 18 Malasakit Centers. Sa 2019 mayroon din po tayong nabuksan na 38 Malasakit Centers. 2020 po nagka-pandemic tayo, nagbukas po tayo ng 40 Malasakit Centers at ngayong taon pong ito, 2021, kabubukas lang po ng taon, mayroon na tayong limang Malasakit Centers. A total of 101 Malasakit Centers nationwide. So hindi po tayo apektado ng pandemya, Usec. Rocky.
USEC. IGNACIO: Pero, ano po iyong reaksiyon ng mga ospital na pinaglalagyan ninyo ng Malasakit Centers at marami po bang humihiling na magkaroon din sila ng ganitong uri ng pasilidad? Pero siyempre sa aming mga ordinaryong Pilipino, gusto namin na mas maraming Malasakit Centers ano po.
OPAV ASEC. VELOSO: Yes, po. Iyan po iyong kagandahang noong naisabatas na po natin ang Malasakit Center. Very thankful, maiyak-iyak iyong mga hospital and mga doktor. Malaking pasalamat nila kay Presidente Duterte, the man behind the Malasakit—the brain behind Malasakit Center, Senator Bong Go dahil nalagyan po ng Malasakit Center ang kanilang mga hospital.
USEC. IGNACIO: Uhum. Pero so far po, ilan po iyong target ninyo na maitayo at saan po iyong partikular na magpu-focus, may nais ba kayong idagdag na serbisyo sa ating mga centers?
OPAV ASEC. VELOSO: Mayroon pa po tayong 33 na DOH hospitals na bubuksan this year, so diyan po tayo nakatutok ngayon, iyong 33 na DOH. Susunod po diyan iyong provincial hospitals and also city hospitals.
USEC. IGNACIO: Opo. Ito, may mga nagtatanong din. Para po daw sa kaalaman ng manunood ano po. Paano po malalaman ng mga nais na humingi ng tulong kung iyon pong ospital ay may Malasakit Center po?
OPAV ASEC. VELOSO: Unahin po nilang puntahan iyong mga DOH hospitals in their locality, iyan po ‘yung una. And then, punta po sila sa mga provincial hospitals. Malaking tulong din po itong partner natin sa media and also sa DOH mayroon din po silang campaign awareness na kung saan nandoon iyong Malasakit Centers.
USEC. IGNACIO: Opo. Sa ngayon ang mga Filipino po ay naghihintay talaga ng pagdating ng mga bakuna, ano po. Once na nagsimula na po iyong vaccine rollout, may maitutulong din po ba ang Malasakit Centers dito?
OPAV ASEC. VELOSO: Malaki po ang maitutulong ng ating Malasakit Center sa ating vaccine rollout para makadagdag ng vaccine confidence ng ating mga kababayan. Dahil kung magkaroon man ng side effects ang mga bakuna ay nandiyan naman ang Malasakit Center na puwede nilang lapitan kung kailangan ng medical or financial assistance.
USEC. IGNACIO: Opo. Ma’am, kunin ko na lamang po ang inyong mensahe sa ating mga kababayan, lalo na iyong nagbibigay kayo ng pag-asa sa mga taong nangangailangan po talaga ng tulong medikal. Go ahead, ma’am.
OPAV ASEC. VELOSO: Sa ating mga kababayan, kung mayroon man kayong mga iniindang sakit, huwag na po kayong mag-atubiling pumunta sa mga DOH hospitals or even to your provincial and city hospitals dahil mayroon na pong Malasakit Center na handang tumulong sa inyong bayarin sa hospital. Dahil ito po ang programa ng Pangulong Rodrigo Duterte and Senator Kuya Bong Go na may puso at malasakit sa kapwa tao.
Daghang salamat, Secretary. Mabuhay po kayo, Usec. Rocky and lastly I would like to greet a happy third year anniversary to our 101 Malasakit Centers in the country. To all the social workers and frontliners inside Malasakit Centers, stay safe po kayo para sa bayan!
Thank you, Usec. Rocky.
USEC. IGNACIO: Okay. Maraming salamat po sa inyong panahon, OPAV Assistant Secretary Girlie Veloso.
Hindi nga po tumitigil ang gobyerno na ilapit ang tulong medikal sa mga mamamayan. Dahil dito nga, ay ika-101 Malasakit Center sa bansa pinasinayaan naman sa Laoag, Ilocos Norte. Para sa detalye ng balitang iyan, panoorin natin ito.
[VTR]
USEC. IGNACIO: Para naman kumustahin ang suporta sa mga atletang Pinoy at update na rin sa ilang sports events na pinapayagan na pong magpatuloy sa kabila ng community quarantine, makakausap po natin si Games and Amusement Board Abraham Kahlil Mitra. Magandang umaga po.
GAB CHAIRPERSON MITRA: Hi, magandang umaga po, Usec! Magandang umaga rin po sa mga nanonood at nakikinig. Good morning!
USEC. IGNACIO: Good morning po. Sir, last year po ay sinapul talaga ng COVID-19 iyong larangan ng sports lalo na iyong mga contact sports, pero ano po iyong naging strategy ninyo upang kahit papaano po makapagsagawa pa rin ng ilang sports events sa ating bansa at paano po kayo naghigpit dito sa pagpapatupad ng protocols?
GAB CHAIRPERSON MITRA: Well, maaga pa po ano, mga after a few months after the pandemic napakinggan po natin iyong hinaing ng ating mga atleta na gusto sana nilang mag-resume. Of course, they understand na mayroong problema sa COVID pero talagang livelihood eh!
And so ganoon na nga po, lumapit po tayo sa IATF, nag-propose po tayo na mag-resume iyong basketball, football, pati na rin po iyong boxing. And nagpapasalamat naman tayo sa IATF na pinakinggan nila.
And medyo nahinto lang po nang kaunti doon sa approval dahil sinabi po ni Secretary Briones na, “Ano ba naman kayo, ang bilis-bilis ninyo eh hindi pa nga pinapayagan pumasok iyong mga bata eh gusto ninyo nang makapaglaro.” Ang sabi namin, “Secretary, eh professional po ito, ito po ang hanapbuhay nila and kung mayroong no work no pay, ito naman no play no pay.”
So, pinagbigyan po, nagpapasalamat po kami sa IATF. So, naka-resume na po iyong Philippine Basketball Association sa Clark, iyong Chooks-to-Go; iyong football, iyong Philippine Football League; National Basketball League, and so on and so forth, and of course iyong boxing. Mayroon na pong dalawang laban sa Cebu, isa sa Luzon, isa sa Mindanao at bukas po sa Tarlac mayroon na rin and the following weeks sa Biñan.
And nagpapasalamat po kami kay Senator Bong Go kasi nakabigay po ng biyaya sa mga boksingero. Alam ninyo naman, Usec., kapag walang laban walang suweldo, walang allowance. And so ganoon na nga po, mula po sa pondo niya, sa DSWD, eh nakabigay po ng ayuda sa mga boksinero na walang mga laban. Hindi pa nga lang po nabibigyan lahat pero inaayos lang po iyong listahan and eventually alam ko mabibigyan lahat.
Kasi nga kung iyong mga displaced workers ay nabigyan ng ayuda ng DSWD, ng national government, eh mabuti po at mayroon din pong programa si Senator Bong Go na nagbigay ng ayuda din doon sa mga boksingero na wala pa nga pong mga laban.
And iyon na nga po, strict adherence to the safety protocols at pinag-aralan po ng mga doktor at siyempre iyong iba-iba pa pong mga liga, they spent time, resources and of course iyong effort na mag-comply doon sa mga ginawa po ng Department of Health, ng PSC at ng GAB na joint admin order na ginawa para po sa resumption of professional sports.
USEC. IGNACIO: Opo. Bukod po diyan, sir, hindi po naging madali talaga iyong kinakaharap ng mga atleta simula nang magkaroon ng pandemya. Bukod sa mga sinabi ninyo, marami kasing kabuhayan na natigil, so paano pa po ninyo sila sinusuportahan?
GAB CHAIRPERSON MITRA: Nagkakaroon po kami ng constant dialogue at saka parang inaalam natin iyong pakiramdam nila, iyong problema nila at kung paano natin maaaksiyunan ano. And mahirap po pumunta sa iba-ibang lugar, eh sabi kasi stay at home.
So, gumagawa po ng paraan ang Games and Amusement Board na for example iyong sa football, eh pumunta pa po talaga mismo doon sa venue kung saan mayroong laro para magpalisensiya sila. And then inaayos na rin po iyong online renewal ng licenses.
Usec., when you are a professional, you are a licensed individual and of course it comes with responsibilities and iba rin iyong pakiramdam ng atleta kung mayroon kang lisensiya. You are a professional already and kailangan pong mag-renew ka ng lisensiya, para kang nagmamaneho ba – license to practice your trade.
So, medyo mahirap pumunta sa opisina, hindi ba? May biyahe, mayroong limitation sa inter-zonal travel kaya po gumawa ng paraan na maging online and mayroon din pong mobile licensing and marami pa pong iba-ibang programa. Umuupo po kami at tinutulungan po namin sila doon sa mga health and safety protocols nila.
Ini-encourage namin na lahat po ng liga at lahat ng teams ay may safety officer para sigurado po. Natatakot po kasi kami kapag nagkaroon ng aksidente sa isang liga baka madamay iyong buong sporting community.
USEC. IGNACIO: Opo, oo nga. Sir, alam po natin kaisa ng Department of Health, nagbalangkas po kayo ng mga dagdag na panuntunan dito sa joint administrative order na target ninyo pong maipatupad this year. So, ano po iyong nilalaman nitong supplemental joint administrative order at kailan ito balak gawin?
GAB CHAIRPERSON MITRA: Sa ngayon po mayroon na pong ipinapatupad na joint admin order. Kasi po noong nagpu-propose kami sa IATF, we were ordered by Secretary Duque to sit down with the DOH and the PSC so that it will be a joint admin order in the resumption of sports – be it professional, sa amin at amateur kung sa Philippine Sports Commission.
So sa ngayon po, mayroon na pong mga proposed amendments to the joint admin order. Mayroon pong nagsasabi isang sikat na coach ng PBA na, “Bakit ba hindi kami payagan na maglaro na wala sa bubble kasi mayroon nang bakuna?”
Eh ang sabi naman namin, maybe it’s going to come in the next amendment but sa ngayon eh ganoon pa rin po eh, bubble concept, eh ayaw naman natin na magkaroon ng aksidente at pag-uwi nila, madamay pa iyong mga pamilya nila at masisi pa iyong sports.
So sa ngayon po hinihintay pa po natin iyong approval ng DOH at saka ng PSC. Okay na po sa GAB iyan. Eh iyan po ay binabalangkas lang po iyong mga liga na sakop ng JAO [joint admin order]. At pati na rin po iyong depinisyon ng professional athlete, sa depinisyon po na iyan, nakalagay po diyan na ‘pag ikaw ay tumatanggap ng pera – suweldo man o allowance man at hindi ka naglalaro para sa Pilipinas, para sa flag, eh ikaw ay isang professional. So we’re hoping na maaprubahan na rin po ng DOH at saka ng PSC iyan and eventually ma-adopt ng IATF.
Ang nangyari po kasi pagka mayroong mga request for resumption ng sports, pinadadala po sa grupo iyong tatlo nga pong ahensiya na iyan and kung sakop na po ng JAO, hindi na po kailangan ng approval ng IATF.
USEC. IGNACIO: Okay po. Speaking of bakuna sir ano po, hinimok po ni Senator Go na maisama rin sa priority list na mababakunahan ang mga atleta sa bansa. So ano po ang masasabi ninyo dito at may feedback na po ba sa IATF kung aprubado ito?
GAB CHAIRPERSON MITRA: Napakalaking tulong po ni Senator Bong Go sa larangan ng sports ano, outside sa pagbigay ayuda sa mga boksingerong walang mga laban, eh in-increase din po iyong budget ng Philippine Sports Commission at ng Games and Amusements Board under his chairmanship.
And doon naman po sa pag-include ng atleta sa mga vaccination, of course I heard him saying na siyempre after the frontliners. So okay naman po iyon, eh atleta din po iyan, nagbibigay din po ng honor sa ating bansa at nakakatulong din po sa ating ekonomiya. So pabor din po tayo at nagpapasalamat din po kami kay Senator Bong Go.
USEC. IGNACIO: Opo. Para saan naman po itong special guest license para sa mga amateur players natin?
GAB CHAIRPERSON MITRA: Yes, ma’am. Usec. ano po eh, alam ninyo po kasi sa ngayon under the IATF guidelines, only professional leagues and national players are allowed to resume practice. Kasi nga po iyong mga ligang labas, iyong mga inter-barangay, inter-province, inter… basta, iyong ano po, iyong mga hindi masyadong malalaking liga, lahat gusto nang mag-resume – lalung-lalo na po iyong UAAP at saka iyong NCAA at saka iyong SCUAA.
Eh gusto po nating bigyan ng chance iyong mga collegiate athletes natin na makapaglaro that’s why naggawa po ng special guest license ang Games and Amusements Board kasama po si Commissioner Masanguid, Commissioner Trinidad na iyong—for example ma’am, kung natatandaan ninyo noon, iyong Northern Consolidated, it’s an amateur team; its players are composed of amateur players, nakapaglaro po sila sa PBA. And because of their exposure sa PBA, eh lalo silang gumaling kasi mga collegiate athletes ito, hindi pa sanay sa talagang tulakan, bugbugan ‘di ba?
And, so ito nga pong opportunity ay binibigay natin doon sa mga amateur players, amateur teams to try their wares dito po sa professional. Kasi iyon nga lang daw po ang sabi ng IATF, puwede maglaro professional and national team. So naka-avail na po diyan iyong ibang mga players sa Chooks to Go 3-on-3, iyong iba collegiate players nabigyan ng special guest license, na-expose sila, nakalaro sila sa mga pros. At hopefully pagbalik nila sa mga liga nila, ‘pag nag-resume, they will be better players.
So it’s a—ang mandate po kasi ng GAB is to look after the welfare of our athletes ‘no so gusto natin makapaglaro sila kung saka-sakaling mag-resume, hindi iyong matagal silang nakaparada tapos bibiglaing maglalaro sila part match fit sila ‘no kasi diyan pumapasok iyong mga injuries.
We’re happy to be able to extend this opportunity as a government office to collegiate players who want to play and be exposed to the professional leagues.
USEC. IGNACIO: Opo. Pero, ano po iyong nakalatag na plano ng GAB na sporting event this year since mag-i-start na rin po ang national rollout ng vaccine, hopefully by next week?
GAB CHAIRPERSON MITRA: Opo. We’re very happy na nandiyan na iyong national rollout ng vaccines but the sports should not stop eh. Isipin ninyo po ilang buwan na rin na hindi nakapaglaro ano and last year po nagkaroon ng resumption ng PBA sa Clark, nagkaroon ng Chooks to Go nga po as mentioned kanina doon po sa Inspire, sa Laguna. Nagkaroon po ng national basketball league, iyong tinapos iyong ano nila sa Pampanga and pati na rin po iyong sa Carmona, Cavite iyong sa football.
So iyong boxing po tuluy-tuloy, this weekend sa Tarlac, next weekend sa Biñan so tuluy-tuloy lang po iyong—ano lang kami, we are very excited that this year, there are two new leagues that have turned professional and will start their tournament soon – ito po iyong Premier Volleyball League. So dito po sa panahon ni President Duterte, parang ngayon lang po yata may pinakamaraming sports at pinakamaraming leagues na pumasok po sa pagpu-professional. Unang-una, iyong historic Philippine football ‘no, nag-professional na, ngayon iyong volleyball nag-professional na rin tapos nagkaroon din po ng ibang professional leagues ang basketball, iyong na-mention kanina.
And very excited din po kami, marami pong players galing sa Visayas and Mindanao, iyong Pilipinas Super Cup that will be holding their tournaments in Cebu and also in Zamboanga; and bubble-type din po ito and professional. Ang feeling po namin this can be a venue to discover players that can play for the national team or maybe eventually in the PBA.
Alam ninyo po kasi Usec. minsan iyong mga magulang, parang ayaw nilang payagan iyong mga anak nila pumunta sa Manila eh, kasi may mga sad stories ng mga athletes na galing sa probinsya tapos maglalaro sa Manila, eh nasisira po iyong buhay eh, nai-expose sa kung anu-anong mga bisyo. Pero kung doon mismo ang liga sa Cebu, eh iyong mga Cebuano, iyong mga Bisaya hindi na matatakot. At kung doon ang liga mismo sa Zamboanga, ‘di iyong mga malapit sa Zamboanga or sa Mindanao hindi na rin po kailangan pumunta ng Kamaynilaan.
So Viz-Min Cup is coming up and ini-establish na rin po iyong safety protocols saka iyong location kung saan maglalaro.
USEC. IGNACIO: Okay. Kunin ko na lamang po ang inyong mensahe sa ating mga atleta at sa ating sports community.
GAB CHAIRPERSON MITRA: Thank you very much ma’am for this chance to address our sports community nationwide.
We’re calling on our league officials, our athletes to please don’t put your guard down. Just because mayroon na pong bakuna na nandiyan or parating eh magri-relax na tayo. Isipin ninyo ilang buwan na tayong nag-iingat tapos kung saka-sakali ngayon pa magkakaproblema.
So patuloy lang po iyong pag-iingat, sunod lang po tayo sa health and safety protocols ng Department of Health and iyong mga guidelines na ini-issue ng IATF.
We hope and pray that some of the leagues that were allowed to resume eh sana po maging successful ano. Kasi nga po maraming nagsasabi na ‘pag nagkaroon ng aksidente sa isa, baka madamay iyong ibang leagues at iyong ibang mga sports at ipahinto lahat.
Doon naman po sa mga amateur leagues, eh hintay-hintayin lang po natin, tayo po’y sumusunod lang, sundalo lang po tayo, sumusunod tayo sa IATF. ‘Pag sinabi ng IATF na hindi lang po professional league at hanapbuhay ang pagbibigyan, eh ‘di go na rin kayo. But in the meantime sunod lang po tayo. Iyon po ang pakiusap natin at iyon po ang panawagan natin sa ating mga atletang Pilipino.
Salamat po, Usec.
USEC. IGNACIO: Okay. Maraming salamat po, Games and Amusements Board Chairperson Abraham Kahlil Mitra. Stay safe po.
Samantala, tunghayan naman natin ang pinakahuling ulat mula po sa iba’t ibang lalawigan sa bansa. Makakasama natin si Czarinah Lusuegro mula po sa Philippine Broadcasting Service.
[NEWS REPORT]
USEC. IGNACIO: Salamat sa iyo, Czarinah Lusuegro mula sa Philippine Broadcasting Service. Puntahan naman natin si Breves Bulsao mula sa PTV-Cordillera.
[NEWS REPORT]
USEC. IGNACIO: Maraming salamat sa iyo, Breves Bulsao. Magtungo naman tayo sa Davao, hatid ni Julius Pacot ang pinakahuling balita doon. Julius?
[NEWS REPORT]
USEC. IGNACIO: Maraming salamat sa iyo, Julius Pacot. Dumako naman po tayo sa pinakahuling tala ng COVID-19 cases sa buong bansa.
Base po sa report ng Department of Health kahapon, Feb. 11, 2021, umabot na po sa 543,282 ang total number of confirmed cases matapos maitala ang 1,734 new COVID-19 cases kahapon; 68 naman po na katao ang bagong mga nasawi. Kaya umabot na sa 11,469 cases ang kabuuang bilang ng COVID-19 deaths sa ating bansa. Ngunit patuloy rin naman po ang pagdami ng mga nakaka-recover na umakyat na sa 500,335 matapos makapagtala kahapon ng 423 new recoveries. Ang total active cases ay 31,478.
Ulitin lang po natin ang naging pahayag kanina ni Presidential Spokesperson Harry Roque: Simula po Lunes February 15, luluwagan na po sa mga GCQ areas ang religious activities. Mula po sa 30%, ngayon ay magiging 50 % na ng kanilang seating capacity. Papayagan na rin po ang ilang negosyo kagaya ng sinehan, driving schools, libraries at pagbubukas ng ilang tourist attraction sa mga GCQ areas.
Paalala lang po muli ng DOH at DILG sa publiko, hindi po binebenta ang mga bakuna para sa COVID-19 na darating sa bansa. Tanging gobyerno lamang ang otorisadong mamahagi nito, kaya ingat po sa mga nagbebenta ng di-umano ay bakuna. Isuplong po agad ito sa mga otoridad.
At iyan nga po ang mga balitang aming nakalap ngayong araw. Ang Public Briefing po ay hatid sa inyo ng iba’t ibang sangay ng PCOO sa pakikipagtulungan ng Department of Health at kaisa ng Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas o KBP. Maraming salamat din po sa Filipino Sign Language Access Team for COVID-19.
Sa ngalan po ni Sec. Martin Andanar, ako ang inyong lingkod, Usec. Rocky Ignacio. Kung Hei Fat Choi/Happy Chinese New Year sa inyong lahat.
Magkita-kita po muli tayo bukas, dito lamang sa Public Briefing #LagingHandaPH.
###
Source: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)