SEC. ROQUE: Magandang tanghali, Pilipinas. Salamat po sa Panginoon, negatibo naman po tayo sa ating pinakahuling PCR test kahapon po. Nagpapasalamat po tayo kay Dra. Liquete ng NKTI sa kanilang walang sawang pagbibigay ng test sa atin po.
Nagbigay ng talumpati po si Presidente Rodrigo Roa Duterte sa ating mga tropa pagkatapos niyang ma-inspeksiyon ang mga bagong air assets noong Biyernes diyan po sa Clark. Bahagi ng kaniyang speech ay ang tungkol sa Visiting Forces Agreement kung saan sinabing Pangulo, and I quote, “They have to pay. It is a shared responsibility but your share of responsibility does not come free.”
May mga nag-react at nagsabing extortion daw ito. Hindi po ito extortion. Paano ba ho natin iintindihin ito? Alam ninyo po sa larangan ng international law, mayroon tayong prinsipiyo na a state incurs state responsibility if it allows its territory in a manner used injurious to another state. Kapag nagkagiyera po, narito po ang mga puwersa ng mga Amerikano sa Pilipinas, natural ano ang gagawin ng mga kalaban ng mga Amerikano? Sasantuhin ba tayo maski sabihin natin na hindi po tayo kasali sa kanilang gulo? Hindi po dahil pinayagan nga natin ang presensiya ng mga kasundaluhang Amerikano at ng kanilang mga equipment dito po sa Pilipinas.
Hindi lang po VFA ang nagbibigay ng ganiyang karapatan sa mga Amerikano, mayroon din po tayong tinatawag na EDCA ‘no kung saan naka-preposition po ang kanilang mga troops at ang kanilang mga equipment.
So iyan po iyong sinasabi ni Presidente na kapag tayo po ay naipit sa isang putukan sa parte ng Amerika at ng kaniyang mga kaaway eh madadamay po tayo sa hidwaan. At ito po ang sinabi ng Presidente, hindi naman dapat libre ito ‘no dahil napakalaking danyos ang pupuwedeng harapin ng Pilipinas kapag tayo po ay nadamay sa putukan, ng isang giyera na hindi naman tayo kasali. Pero dahil naririto ang mga Amerikano at ang kanilang mga kasundaluhan at kanilang mga equipment eh pupuwede tayong maging valid military target.
So tama ba na sumingil tayo ng halaga para sa patuloy na pananatili sa Pilipinas ng mga Amerikanong mga sundalo at mga equipment? Eh bakit naman po hindi. Eh ito nga po ay mayroon pong isang pag-aaral ang Stimson Center on Counter Terrorism Spending: Protecting America while Promoting Efficiencies and Accountabilities. Aba’y mga kababayan, ang conclusion nila, napakaliit talaga ng binibigay ng Amerika sa Pilipinas. Eh mantakin ninyo po ‘no, maliit nga lang po itong listahan na ito pero kung titingnan ninyo po, ang Pilipinas po ang pinakamaliit o isa sa pinakamaliit na natatanggap na military assistance bagama’t mayroon tayong mga kasundaluhan at equipment dito sa ating bayan.
Alam ninyo po sa katotohanan, iyong EDCA pinayagan natin na lahat ng ating mga base militar ay pupuwedeng gamitin ng mga Amerikano. So wais po ang mga Amerikano, hindi na sila dapat gumastos, hindi na sila gagastos sa permanent bases, gagamitin na lang nila iyong ating mga base militar. Pero tingnan ninyo po, magkano lang ang nakukuha natin? Sang-ayon po dito sa pag-aaral na ito, ang nakuha po natin ay $3.9 billion. Malaki ba ho iyan? Naku, barya po iyan kung ikukumpara doon sa mga nakukuha ng ibang mga bansa, for instance, Pakistan. Ang Pakistan, kailan lang ba iyan naging alyado ng Amerika, naku wala po silang basehan para sabihin na napakahaba ng kanilang samahan sa Amerika hindi gaya ng mga Pilipino na nagsimatay po sa giyera noong World War II diyan po sa Death March ‘no. Pero magkano po ang binibigay nila ngayon sa Pakistan? 16.4 billion. At ganiyan din po ang kaso ng Turkey, bagama’t wala po ako ngayong figures, napakalaki po ng binabayad ng Amerikano para manatili ang kanilang military presence diyan po sa Turkey.
Bakit hindi naman natin kukunin ang mas malaking halaga eh napakadami po nating gastos lalo na dito sa COVID-19.
So sa mga nagsasabing extortion, hindi po iyan extortion – iyan po ay isang pagtaguyod ng pangnasyonal na interes ng mga Pilipino. At dahil marami po tayong gastusin lalung-lalo na sa COVID-19, bakit hindi tayo sumingil nang sa ganoon iyong perang makukuha natin ay magagamit natin para sa COVID response natin, para sa libreng pakain ng ating mga estudyante, para po sa Universal Health Care, para sa libreng patubig – lahat po iyan ay mga benepisyo na ating isinulong noong 17th Congress at lahat po niyan ay kinakailangan ng pondo.
Huwag naman nating ipagkait sa ating mga kababayan ang karagdagang pondo eh ngayong puwede naman talagang pagbayarin ang mga Amerikano para sa paggamit ng ating teritoryo.
Okay, sa kaniyang huling Talk to the People address, binanggit din po ng ating Pangulo ang tungkol sa prangkisa ng ABS-CBN at ang kaniyang license to operate. Dagdag ng Presidente, “It’s like you gave them a prize for committing a crime.”
Ipapaliwanag ko naman po ngayon sa pamamagitan ng infographic kung ano ba iyong impormasyon na nakalap ni Presidente na sabi niya ay pababayaan na lang niya po sa Ombudsman. Ito po ‘no, makikita ninyo:
Ang Lopez companies ay may pagkakautang sa DBP. Ang halaga ng pagkakautang po sa DBP ay mahigit kumulang 1.66 billion pesos. Now, hindi po nalulugi ang Lopez companies noong mga panahon na iyon. Pero noong napasa po iyong tinatawag na SPAV Law ay ibinenta po ng DBP sa Lehman Brothers, isang SPV, iyong pagkakautang ng mga Lopez companies, at ito po ay nabenta sa halagang 668 million to 1.0679 million lamang. Kaya po ranged ito kasi ngayon ay hindi na raw maalala ng mga dating mga opisyales ng Lehman Brothers kung magkano talaga.
Pagkatapos po ay iyong mga assets na kasama or sinanla para dito sa mga pagkakautang na ito ay binili muli po ng Lopez family. Magkano po ang pagkakabili nila? 1.250 billion to 1.4 billion, diumano. So ang sumatotal po, ang gobyerno, sa pamamagitan ng DBP, ang pagkakalugi ay 999 million pesos to 598 million; ang Lopez family, ang kita nila ay 250 million to 417 million.
Now, hindi naman po namin sinasabi na may pananagutan na kaagad ang Lopez family. Kaya nga po ang sabi ni Presidente, hayaan na natin ang Ombudsman ang mag-imbestiga. Pero sa ating anti-graft law, mayroon po tayong tinatawag na entering into a contract prejudicial to government. So ang isyu po na dapat pag-aralan ngayon ng Ombudsman itong ganitong sistema kung saan ang isang kumpaniya na hindi nalulugi ay naibenta ang kaniyang pagkakautang sa isang SPV sa isang mas maliit na halaga at binili iyong mga assets na ginamit para i-secure itong pagkakautang na ito sa mas maliit din na halaga. Ito ba ho ay tama? Ito ba ho ay makatarungan o ito ba ho ay ethical? Dapat ba ho ipagpatuloy ito?
Now, iyong kaibigan naman po ni Presidente na isang opisyales ng DBP na nagbigay-alam sa Presidente tungkol dito ay concerned din. Kasi mayroon po tayong ipapatupad na FIST Law na nagpapatuloy po nung napaso na na SPV Law. At ang tanong nga niya, kinakailangan sa pagpapatupad nitong bagong FIST Law, maiwasan itong mga pagkakataon na ito na mukha naman talagang nadidehado ang mga bangko na pag-aari ng gobyerno. So hayaan na po natin ngayon na mag-imbestiga ang Ombudsman.
Now, balitang IATF po tayo, naku kontrobersyal po ngayong araw itong balitang IATF: Inaprubahan po ng inyong IATF ang pag-relax o pagluwag ng mga restrictions sa mga relihiyosong pagtitipon o religious gatherings sa mga lugar na nasa ilalim ng General Community Quarantine simula ngayong araw, a-kinse ng Pebrero. Pinayagan na rin po sa lugar ng mga GCQ hanggang sa 50% ang seating capacity or venue capacity.
Inaprubahan din ng IATF ang muling pagbubukas o pagpapalawak ng driving schools, mga sinehan or traditional cinemas at video and interactive game arcades, libraries, archives, museum at cultural centers, meetings [unclear] conferences, exhibitions, at limitadong social events, accredited establishments ng Department of Tourism, at limited tourist attractions tulad ng parks, theme parks, natural sites at historical landmarks.
Siguro po ay narinig ninyo na rin na hindi po sumasang-ayon ang ating mga mayor sa Metro Manila lalung-lalo na iyong pagbubukas ng mga sinehan.
Well, nirirespeto po ng IATF ang posisyon ng ating mga alkalde lalung-lalo na dito sa Metro Manila. Kaya nga po sa resolution nakasaad po iyon, ito po ay magiging epektibo matapos po ang mga guidelines na iisyu ng mga lokal na pamahalaan lalo na pagdating sa seating capacity ng sinehan. So, hindi naman po natin sinasabi na automatic na mula ngayon magiging epektibo iyan, dahil nasa lokal na pamahalaan po iyan na bumuo ng kanilang mga operational guidelines.
Pero kahapon po nagkausap si GM Jojo ng MMDA, si Secretary Lopez, kasama rin po ako sa usapan at kanina po ay nagkausap po kami ni Chairman Abalos. So, ngayon po ang status nito, ang pagpapatupad po ng pagbubukas ng sinehan, kung matutuloy po ay Marso a-uno. Kinakailangan po ipagpatuloy ang consultations at kinakailangan po bumuo ng guidelines ang mga lokal na pamahalaan bago po mabuksan ang mga sinehan. Sana po malinaw ito.
Hindi po nagsasabong ang IATF at ang inyong mga alkalde. Nagkakaisa po kami na kinakailangan buksan unti-unti ang ekonomiya dahil mas marami na po ngayon ang nagugutom kaysa doon sa mga nagkakasakit o namamatay dahil nga po sa COVID. Pero pinagkakaisahan din po ng inyong IATF at ng mga alkalde, hindi dapat paluwagin ang minimum health standards. Kinakailangan po, kahit anong pagbubukas ng ekonomiya mayroon pa ring ‘Mask, Hugas, at Iwas.’
At maraming salamat po sa mga alkalde dahil talaga naman pong proven partners po sila ng IATF sa pagpapatupad ng mga hakbang na ginagawa po natin para labanan ang COVID-19. At nakikita ninyo naman po sa ating COVID-19 na iyong ating tagumpay bilang isang bayan laban sa COVID-19 ay dahil nga po sa malapit na partnership at kooperasyon ng IATF at ang ating mga lokal na pamahalaan.
Sa katunayan, tingnan po natin ngayon kung nasaan na po ang Pilipinas dito sa laban natin against COVID-19 in relation to other countries. Sa total cases po, mayroon tayong 549, 176 – tayo po ay number 31 sa buong daigdig. Sa active cases, 25,918, tayo po ay number 41 sa buong daigdig. Sa cases per one million population, mayroon po tayong 499.41 cases, number 134 po tayo sa daigdig at ang case fatality rate po natin 2.1, bagamat bahagyang tumaas ay number 67 pa rin po tayo sa Pilipinas. Iyan po ang prutas ng kolaborasyon, kooperasyon ng lahat ng sambayanang Filipino na patuloy pong nag-iingat buhay para makapaghanapbuhay.
Mayroon na po tayong 25,980 na mga aktibong kaso ayon sa February 14, 2021 datos ng DOH. Sa mga aktibong mga kaso, 93.1 ay mild at asymptomatic. Nasa 3% ang kritikal at 2.9% ang severe. Higit kalahating milyon or 511,743 ang kabuuang bilang ng mga gumagaling o 93.1% na po, tumaas po ang ating recovery rate. Samantalang malungkot naming ibinabalita na nasa 11,550 na po ang binawian ng buhay dahil sa coronavirus, nakikiramay po kami. Nasa 2.1% nga po ang ating fatality rate.
Sa ibang bagay, binabati rin po natin ang ating kaibigan, kasama po sa International Criminal Bar, wala pong iba kung hindi si Karim Khan ng Britanya dahil siya po ang nahalal na bagong prosecutor ng International Criminal Court. Si Khan po ay kinikilalang isa sa pinakamagaling na defense counsel na humaharap po sa mga international tribunals at kung hindi po ako nagkakamali, naimbitahan ko na po si Prosecutor Khan dito sa Pilipinas para mag-lecture doon sa mga training na ginawa natin para sa investigation/prosecution ng mga extralegal killings.
Inaasahan po natin, dahil si Mr. Khan ay isang batikang defense counsel at isang Briton eh hindi po niya kalilimutan iyong desisyon ng ICC na hindi pupuwedeng mag-imbestiga ang prosecutor ng ICC lalung-lalo na kung ang isang bansa kung saan nangyari o kung saan may mga national siya na inaakusahan ng krimen ay handang mag-imbestiga at litisin. Iyan po ang desisyon ng ICC sa kaso ng Iraq at United Kingdom kung saan nagdesisyon ang prosecutor na hindi na siya dapat magpatuloy ng kaniyang imbestigasyon at hinahayaan na niya sa mga lokal na mga piskal sa Britanya ang pag-iimbestiga.
Makakasama po natin ngayon ang Magsaysay awardee, ang aking tutor po sa Universal Health Care, Dr. Ernesto Domingo at Dra. Minguita Padilla. Alam ninyo po, noong isinusulong po natin itong Universal Health Care sa Mababang Kapulungan, ito nga po iyong kauna-unahang panukalang batas na isinampa natin sa kauna-unahang araw at kauna-unahang oras ng Kongreso eh kabalikat po natin iyong tinatawag na UP-PGH study group on Universal Health Care at ito po ay pinamumunuan ng ating Ramon Magsaysay awardee, Dr. Ernesto Domingo.
Sir, thank you very much for joining us today. He’s also my personal physician. Dr. Domingo, are you in the house?
DR. DOMINGO: Yes. Thank you, Secretary. Thank you very much.
SEC. ROQUE: Okay. Sir, siguro paki-on lang po iyong video, naririnig po namin kayo pero off po iyong video ninyo. Puwedeng paki-on lang po, ayan, sir. Now, sir, unang-una po ano, bilang mentor ko sa usaping Universal Health Care eh napabalita po lately nga na si Presidente, ang sabi niya ipagpaliban muna iyong pagpapataas ng premiums ng PhilHealth. Ang tanong po ng marami, eh paano po iyan kinakailangan nating mangolekta ng premiums para mabayaran iyong mga benepisyo. Ngayong hindi po pinayagan ang pagtaas ng premiums, sino po ang dapat magbayad noong karagdagang halaga para maipatupad po natin ang Universal Health Care? Iyan po ang aking unang tanong sa inyo, Dr. Domingo. The floor is yours.
DR. DOMINGO: Mr. Secretary, alam naman ninyo ang posisyon ng Universal Health Care study group noong inyong kasama sa pagbalangkas ng UHC Law. Sinabi po natin noon at sa ngayon, iyon pa rin po ang ating posisyon na ang pagsuporta po sa Universal Health Care, iyon pong gagastusin ay hindi pupuwedeng manggagaling lang sa pera na galing sa kontribusyon o premium.
Sa lahat po ng mga bansa na mayroong universal health care, ang karamihan po ng suporta sa pagbabayad sa mga serbisyo eh nanggagaling po sa taxes. Halimbawa po sa atin, alam ko alam ninyo ito, Mr. Secretary, na kung titingnan ninyo eh iyong out of pocket expenditure – iyon bang kung ikaw ay nagpagamot, ikaw ang magbabayad ng serbisyo – although bumaba noong 2019, nasa mga 48% na, dati po iyon nasa 54%. Eh sa dami po ng mga mahihirap sa atin na walang ibibigay na pang-premium dahil kapag ginastusan nila ang kanilang pagkain, bahay, pag-aaral ng mga anak, damit, wala na pong natitira para sa health. Eh kung 50% po ng populasyon na nagkakasakit eh kailangang magbayad galing sa kanilang bulsa, talaga pong hindi mangyayari na sila ay mabigyan ng serbisyo.
Kaya kailangan, importante iyong role ng PhilHealth pero sinasabi po natin na dapat ang panggagalingan ng gagastusin natin sa Universal Health Care ay sa taxes o sa mga nakukuha ng gobyerno na buwis.
SEC. ROQUE: So, mayroon po kasing ibang mga nangangamba, mayroon silang pangamba na baka naman malugi daw ang PhilHealth dahil nga hindi magiging sapat iyong mga contributions, iyong premiums para sa gastusin lalo na sa panahon ng pandemya pero ano pong sinasabi ninyo? Sinasabi ninyo ho ba na tama iyong desisyon ng Presidente nang siya ay nagbitaw ng salita na hanapan ng ibang source of funding iyan? Tama ba ho iyang instruction ni President?
DR. DOMINGO: Tama po iyon. Ang isa pa ho eh kung pag-uusapan eh mauubos ang pera ng PhilHealth. Alam ninyo, kapag ang issue rito ay tinatawag na social health insurance at ito po ay walang pakialam sa tubo ng pera ng pondo o anumang savings. Ang totoo po, ang lahat ng sistema na gumagamit ng social health insurance, lagi pong nanganganib na mabangkarote.
Ang karamihan po niyan sa totoo lang, ang natitirang pera for operation na pambayad ay hindi lumalampas sa budget for two years. Hindi po maiiwasan iyon dahil iyong gastos, bihira naman po iyong gastos sa health na bumababa over the years, pataas ho nang pataas iyon dahilan po sa dumadami naman iyong mga tao na nangangailangang gamutin.
So, hindi po puwedeng hindi gamitin ang pera ng PhilHealth kahit na ito ay nanganganib na maubos.
SEC. ROQUE: Okay. Ang huling katanungan ko, Dr. Domingo, sa panahon ng pandemya parang hindi nalalaman ng ating mga kababayan kung anong mga benepisyong nakukuha na nila doon sa ating batas na isinulong na Universal Health Care. Ano na ba ho iyong mga benepisyong nakukuha ng taumbayan ngayon dahil dito sa ating batas na Universal Health Care ngayong tayo po ay nasa kalagitnaan ng isang pandemya?
DR. DOMINGO: Ang sagot po doon ay dahilan sa iyong ating na-inherit na sistema ay nagbabayad na nga po iyong PhilHealth sa gastos sa pagkakasakit. Makikita po natin na halimbawa po doon sa COVID nagastusan po ng PhilHealth iyong nagastos ng pasyente at ang halaga ay sigon o ayon sa bigat ng pagkakasakit. Pero kung ang tutuusin po ay iyong gastusin ng primary healthcare—ito po iyong mas maraming sakit eh, iyong mga karaniwang sakit halimbawa nagka-pulmonya, nagka-tigdas, nagkaroon ng mga kapansanan na hindi naman nakamamatay. Ito po iyong walang masyadong nakukuhang pondo, although according to PhilHealth mayroon pong mga tinatawag na package program for primary health care.
So, ang talaga pong challenge sa Universal Health Care, eh kung paanong mapopondohan at maibibigay iyong serbisyo sa tinatawag na primary health care or primary care. Sapagkat sa isang populasyon po at any given time, wala po namang hanggang dalawa hanggang limang porsiyento lang naman po iyong mga taong magkakasakit na mangangailangan ng ospital. Karamihan po ng sakit ay mga sakit na puwedeng magamot, makita ng mga doktor ng hindi napupunta sa mga ospital, kung hindi sa mga maliliit na klinika lamang.
Ito po ay kapag pinagbuti natin sa totoo lang, kapag pinagbuti natin ito, kapag isinama natin iyong mga gastusin na may kinalaman sa preventive care, kagaya ng mga immunization ang laki po ng benepisyo nito dahil nababawasan iyong mga taong mangangailangan ng hospital or tertiary care. Ang isang halimbawa po nito, kung ang isang taong may diabetes eh ginagamit mo supisyente ang gamot, hindi nawawalan, nae-examine mo ng regular hindi dadating iyong pagkakataon na magkakaroon pa ng heart attack iyan o magkakaroon ng kidney failure na mangangailangan ng dialysis.
So, atin pong Universal Health Care, hindi po magiging tunay na Universal Health Care hangga’t hindi natin nabibigyan ng solusyon iyong primary care muna.
SEC. ROQUE: Maraming salamat Dr. Domingo for your words of wisdom. Please stay with us po para sa katanungan ng ating mga kasama sa Malacañang Press Corps.
Kasama rin po natin ang isang Clinical Associate Professor sa UP-PGH College of Medicine, isang doktora, isang ophthalmologist, founder ng Eye Bank, ang ating suki, Dr. Minguita Padilla.
Ma’am, marami kaming gustong itanong sa inyo ‘no. Unahin na po natin siguro iyong bakit dapat magpabakuna ang ating mga kababayan. Bagama’t mayroong alinlangan nga, dahil sabi ni Dra. Cabral, dahil nga doon sa nangyari sa Dengvaxia; at pangalawa ay mayroon pong isang grupo ng mga doktor na diumano ay tutol doon sa pagbibili ng LGUs ng mga bakuna para sa kanilang mga constituents. Mayroon po ba kayong mga opinyon tungkol sa mga bagay-bagay na ito? Dra. Minguita Padilla, the floor is yours.
DR. PADILLA:Magandang umaga SpoxHarry, magandang umaga Dr. Domingo at mga reporters at sa ating mga kababayan. May ihinanda akong kaunting slide presentation, Spox Harry, gusto mong sagutin ko muna ang tanong ninyo.
SEC. ROQUE: Go ahead po, you can do as you please.
DR. PADILLA: I’ll do first by brief slide presentation. Naka-share na ako di ba, may screen sharing na ako. Tama po ba? Ang aking sasabihin lang, four slides. Paano po mag-build ng confidence para magpabakuna iyong ating mga taumbayan at para masugpuan o malampasan naman maraming mga impasse, impasses o iyong mga sagabal dito? Ako ay nagsasalita ngayon bilang isang co-convener Doctors for Truth and Public Welfare at noong ay naging Spokesperson din ako ng UP Universal Health Care Study Group.
Ngayon, vaccine confidence, di ba ang dami-dami na nating ginagawa to improve confidence iyong mga media, iyong mga cartoons, iyong kung anu-ano. Pero sinasabi ko sa inyo, hangga’t hindi nakikita ng mga taumbayan na nagpapabakuna iyong mga doctor nila na pinagkakatiwalaan, iyong mga government officials, iyong mga celebrities, mga pari na kilala nila, hangga’t hindi nila nakikita na nagpapabakuna itong mga taong ito, mahirap talaga i-build up ang vaccine confidence.
There was a survey by the DILG that iyong mga Metro Manila na surveyed only 30% magpapabakuna. There was a survey dito sa isang chain ng hamburger stores, very big chain, 1.1% only wanted to be vaccinated. Maraming agam-agam, maraming takot, maraming haka-haka na hindi naman totoo.
Pero alam din natin, narinig din natin isa sa mga sagabal ay iyong tinatawag na ‘no fault compensation indemnification issue,’ kasi ito magpapakatotoo tayo, ito ang problema rin. Ngayon, kaya may solusyon dito na think pati iyong mga LGUs pati si Congressman Velasco doon sa batas na isinusugod nila, kasama ito doon sa batas and we are in favor of this. Ang tinatawag na no fault compensation. Kasi itong vaccine makers, for example iyong COVAX, Spox Harry ‘no, ito mga vaccines na binili ng mayayaman na bansa para iyong hindi masyadong mayaman at mahihirap na bansa ay magkakaroon ng vaccine. Pero sinabi ng mga vaccine makers, pero gusto namin hindi kami ididemanda kung may mangyari na mga adverse reaction. Adverse reactions are rare, iyong legitimate adverse reaction. For example, Pfizer [garbled] people per one million, ganoon kakonti, kaya lang serious adverse reaction.
Kailangan din nating tulungan itong mga taong magiging victims of adverse reactions, pero hindi sa extent na magiging harassment ang mangyayari at matatakot naman tulungan tayo ng mga vaccine makers. Kaya lumabas itong paper ngayon sa New England Journal of Medicine – hawak-hawak ko ito at isyi-share ko sa mga media kung gusto nila – No-Fault Compensation for Vaccine Injury based on a reasonable amount per dose so to have justice for those who benefit and justice for the few, kahit rare, who get serious adverse reaction. It will prevent also harassments from lawsuit. And I think the bill that is being proposed in the House contains this, and we are for this, okay. We can expound later.
Pabor ho kami na bigyan ang mga LGU ng karapatan na bumili rin ng mga vaccines Nila. Ito iyong sa amin ni Dra. Cabral na co-convener namin sa Doctors for Truth and Public Welfare. May mga ibang LGU talaga na talagang kayang-kaya nila to do a very good job with their vaccination, for example, Manila. Iyong Manila kapag mag-register ka, may QR Code ka pa. Marikina, mayroon na silang compensation ‘no, no-fault indemnity fund, mayroon na sila.
So, on the condition that the LGUs will closely coordinate with the national government, with the DOH para walang duplication at para masunod iyong mga safety protocols. Kaya naman nila ito, tapos susundan nila iyong prioritization scheme. Hindi iyong porke malakas ka, ikaw ang magkakaroon ng bakuna. Kailangan same prioritization scheme, that is what we want. Because as far as equity is concerned, iyong mga talagang mahihirap na LGU, iyon ang dapat pagpondohan ng national government, then iyong mga LGU na kayang bumili ng vaccine at kayang gawin ang tama, dapat naman siguro hindi natin pagbawalan.
So we have to not be so harsh and so judgmental and give sweeping statements ‘no, and do not impute mga bad intentions. Alam mo, we have to start trusting each other and working together kasi iyong sinasabi ng iba, ‘Ay naku, gusto lang gumawa ng pera,’ hindi eh. Alam ko kasi I’m working very closely with our LGU, with our barangay, talagang they want to vaccinate the people as soon as possible.
And finally, I know sinabi na ni Secretary Harry ito kanina, about the cinemas, kami ay may suggestion: Puwede pa rin nating tulungan ang mga cinemas na kumita. Kasi sabi ni Secretary Lopez, about 300,000 people ay dependent sa cinema industry for their livelihood, baka puwedeng gawin ng mga LGUs is outdoor cinemas ‘no. Maganda naman iyong outdoor cinemas, sa park, etc.
Ang ikinatatakot ng mga doktor at kasama na kami doon is that kahit bawasan ninyo ang mga tao sa loob ng cinema – kasi kulob siya, kasi airconditioned, maaari pa ring ma-infect. So this is just a suggestion. Tapos, finally, takot nang marami pa rin na pumunta so baka kung indoor cinemas ay hindi pa rin pumunta ang tao. So iyon lang ‘no. So those are some of our ideas, and I can answer the rest of the questions about vaccine. Me, personally as a doctor, tinanong ako ng isang tao, “Papayag ba kayo na Sinovac ang iturok sa inyo?” Ang sagot ko, oo, papayag ako. Ang importante lang sa amin ay pumasa sila sa FDA, sa vaccine expert panel at bigyan ng EUA ng FDA. Once they have that, we trust them, I will have myself vaccinated whatever passes the EUA of the FDA; and we can explain that more, later if you wish.
Thank you very much.
SEC. ROQUE: Thank you very much, Dr. Padilla. Pero one quick question kay Dr. Domingo. Sir, Dok, ‘di ba ho mayroon pa tayong nilatag na extra protection para sa mga publiko, paggamit ng mga gamot at mga bakuna doon sa batas na binuo natin? ‘Di ba ho mayroon tayong binuo na HTAC. At kung hindi nagtitiwala ang taumbayan sa expert panel group ng FDA na wala namang dahilan para hindi sila magtiwala dahil iyan ang pinakadalubhasa sa lahat ng mga eksperto pagdating sa bakuna, eh mayroon pa tayong second layer of protection, iyong HTAC. Ano ho iyong HTAC, Dok? At paano iyan nagbibigay ng additional protection na walang gagamitin, walang bibilhin na gamit ang pondo ng gobyerno na hindi po dumaan sa masusing pag-aaral?
DR. DOMINGO:Napakaimportanteng provision/batas iyong nagtatag sa health technology assessment group. Iyon pong grupo na iyon kagaya ng sinabi ninyo, Secretary, lahat ng bagay na may kinalaman sa technology – at ito pong bakuna can be considered a technology – hindi po iyan gagamitin officially, lalo na ng Department of Health nang hindi napag-aralan at nabigyan ng desisyon kung ito ay safe or epektibo.
So iyong layer pong iyon, ang aking pagkaalam po ay natatag na iyon, mayroon ng mga grupo na miyembro noon na siyang tumitingin sa mga ganitong problema. Palagay ko po sila ay maaaring katulungin sa pagdidesisyon nito.
SEC. ROQUE: Sir, kayo po, Magsaysay awardee, senior citizen, university professor, lahat-lahat na po, magpapaturok ba ho kayo laban sa COVID-19, at kung Chinese ba ho iyan, kung Sinovac, magpapaturok ba ho kayo?
DR. DOMINGO:Opo. In fact, nagpalista na po kami – ako mismo at iyong mga ilang kasama kong senior citizen na doktor din. Ang gusto lang namin ay very simple – kapag sinabi po ng FDA natin, tatanggapin namin iyon, kami personally.
Ako po ay magpapabakuna anytime. Anytime na mayroon ay magpapabakuna ako even in public, if needed.
SEC. ROQUE: Okay, maraming salamat po, coming from Ramon Magsaysay awardee for medicine.
Punta naman po tayo kay Usec. Rocky para sa ating open forum na. Go ahead, Usec.
USEC. IGNACIO: Good afternoon, Secretary Roque at sa ating mga guest po.
Tanong mula kay Llanesca Panti ng GMA News Online: Why is the Philippine government refusing to join the calls to release democratically-elect Myanmar leader led by Aung San Suu Kyi when the Philippine is led by a democratically-elected leader itself? Are we saying that we are against democracy?
SEC. ROQUE: That is a misleading question. Let me quote po from the Philippine statement for the Special Session of the Human Rights Council on the Human Rights Implication Crisis in Myanmar: “The Philippines will settle for nothing less than and nothing else but the complete restoration of the status quo in which Myanmar had made so much progress.” Iyan po ang posisyon ng ating Presidente, so your question actually po, is misleading.
Next question please. Mela Lesmoras please.
MELA LESMORAS/PTV: Good afternoon, Secretary Roque. Follow up lang, sir, doon sa nabanggit natin kanina about cinema reopening. Para po ba sa Metro Manila lang iyong March 1 na… iniurong na March 1 na reopening or para din po ito sa iba pang probinsya. Paano po kaya iyong mga lugar na gusto na rin naman at okay sa mga LGU na magbukas?
SEC. ROQUE: Well, gaya ng aking sinabi po, iyong pagbubukas ng sinehan is subject to LGU’s issuance of guidelines. So, kung ang mga LGUs po ay nag-isyu na ng guidelines, wala pong hadlang para sila ay magbukas.
Ang mga tumututol po ngayon at mayroon na pong schedule ng further consultations are the Mayors of Metropolitan Manila.
MELA LESMORAS/PTV: Okay. Sir, on vaccination schedule naman po. Kasi nabanggit natin earlier na iyon nga, Valentine’s gift itong bakuna para sa ating mga kababayan. Ngayon kung hindi nga po Valentine’s gift, may bagong target po kaya ang pamahalaan kung kailan na matutuloy iyong unang araw ng national vaccination program? And are we still confident na matutuloy pa rin o masusunod pa rin natin iyong ating timetable para nga dito sa pagpapabakuna?
SEC. ROQUE: Tuloy pa rin po ang ating timetable. Ang timetable naman po natin 50 to 70 million within the year of 2021. 23rd po ang dating ng Sinovac, 600,000; kung mayroon na rin pong EUA, tuloy po ating vaccination drive.
May posibilidad din po that before the 23rd baka dumating iyong Pfizer. We cannot tell with precision kung kailan talaga darating ang COVAX Facility pero ang sigurado po magsisimula po tayo ng buwan ng Pebrero. Kung hindi po Valentines, well belated Kung Hei Fat Choi.
MELA LESMORAS/PTV: Pero, sir, iyong mga requirements from the end of Philippine government, ano po kaya ang update na-submit na po kaya lahat, okay na po ba sa atin? Bale naghihintay na lang po ba talaga tayo ngayon ng bakuna?
SEC. ROQUE: Well, ang alam ko po iyong Sinovac tapos na lahat ng requirements inaantay na lang natin ang desisyon ng FDA. At mayroon na nga pong EUA ang Pfizer at ang AstraZeneca.
MELA LESMORAS/PTV: Okay, sir, panghuli na lang po. Mayroon po ba tayong inaasahang public address later at kayo po makakasama na bale ba sa IATF meeting mamaya?
SEC. ROQUE: Opo. Palipad po tayo papunta ng Davao, magkakaroon po ng public address ang ating Presidente ngayong araw na ito from Davao City.
MELA LESMORAS/PTV: Thank you so much, Secretary.
SEC. ROQUE: Okay. Maraming salamat, Mela. Punta tayo uli kay Usec. Rocky.
USEC. IGNACIO: Secretary, tanong mula kay Leila Salaverria ng Inquirer: What assurance can the government give that the vaccines it plans to purchase will arrive as scheduled? More senators have expressed concern over the lack of a signed supply agreement.
SEC. ROQUE: Well, iyong 23rd po na pagdating ng Sinovac that etched in stone, iyan po ay napagkasunduan na ng gobyerno ng Pilipinas at gobyerno ng Tsina. Ito po ang donated vaccines na manggagaling sa China.
Sa Sinovac po, we are still hopeful that the delay is only about one week; but in any case, there is a written letter from no less than the COVAX Facility saying that delivery will be in mid-February.
USEC. IGNACIO: Okay. Ang second question po niya: What is holding up the signing of an actual agreement?
SEC. ROQUE: Alam po ninyo na-explain ko na iyan dati na ang term sheet is also a perfected contract. Huwag kayong mag-alala, perfected contract na rin po iyan dahil kumpleto na iyong consent, object and consideration. Kaya lang it is a contract to supply and it is a contract to buy. Ang inaantay na lang natin iyong contract of sale mismo.
Pero siyempre po iyong contract of sale, kapag naririyan na talaga iyong ating bibilhin. Kasi siyempre kapag ikaw naman ay bibili na plano pa lang bumili, contract to sell o contract to buy; pero kapag nandiyan na, contact of sale na. So, sa akin po hindi totoo na wala tayong obligasyon na perfected, iyong term sheet po is a perfected obligation or perfected contract. Pero antayin na po natin ang pagdating actually ng mga bakuna, dahil iyan po iyong magiging dahilan para pumirma na ng contract of sale mismo.
USEC. IGNACIO: Secretary, iyong third question niya, hindi ko lang po alam kung nasabi ninyo kasi hindi ko naabutan iyong unang bahagi po ng inyong presentation. Ang tanong po niya: What kind of payment does the President want in exchange for allowing the VFA to continue? Are COVID-19 vaccines part of it?
SEC. ROQUE: Pakistan got 16 billion, we think we should get something similar or close to that amount. But definitely, not the amount we are currently getting.
USEC. IGNACIO: Ang fourth question po niya: Why did he now decide to make more demands on the US to continue the VFA?
SEC. ROQUE: Well, dahil nagkakaroon nga po ng usapin na nagsabi rin ang mga Amerikano na nais nilang ipagpatuloy iyong ating kooperasyon at nais nilang ipagpatuloy ang VFA na kabahagi na Mutual Defense Treaty.
USEC. IGNACIO: Thank you, Secretary.
SEC. ROQUE: Thank you, very much. Kay Trish Terada na tayo.
TIRCIAH TERADA/CNN PHILS: Good afternoon, Spox. Sir, first question on the VFA, I am just wondering, is the government share the view of some experts that VFA or the presence of American troops have been a way been helpful to the Philippines in terms of protecting our territories, our waters to be particular?
SEC. ROQUE: Hindi ko po alam kasi matagal na iyang VFA eh nagkaproblema naman po tayo diyan sa West Philippine Sea. In fact, naalala ko po noong kami po ay nag-oral argument sa constitutionality ng VFA kung saan naging kliyente ko si dating Senate President Jovito Salonga, si Justice Carpio noong mga panahon na iyon at kakampi at ang sabi ni Justice Carpio eh ‘Bakit nandiyan ang VFA, nandiyan ang Mutual Defense Treat, nawala sa atin ang Panatag, nagkaroon ng malaking presensiya ang mga Tsino diyan sa West Philippine Sea.’
Kung talagang tinupad ng Amerika iyong kanyang obligasyon na bigyan tayo ng saklolo kapag tayo ay nilusob ay marami ng pagkakataon, nawala na sa atin iyong isang isla, hindi lang Panatag ‘no, eh hindi naman po tumulong ang Amerika. Ang naging consistent position ng Amerika pagdating doon sa pinag-aagawang teritoryo sa West Philippine Sea “America does not take sides on the ongoing territorial controversy.”
So ang tanong ng lahat ay ‘Para ke pa nga ba iyang Mutual Defense Treaty na iyan kung hindi natin magagamit kapag nawawalan tayo ng teritoryo?’
TIRCIAH TERADA/CNN PHILS: Sir, ito pong demand ng Pangulo in a way is it largely also because that we need funds for our COVID response? And ito po bang usapin na ito, is this something that has been raised formally to the US? Because some say it’s very undiplomatic move that time, it somehow painted a bad image about the Philippines daw po.
SEC. ROQUE: Diplomacy is only about niceties, but the policy remains the sole prerogative of the President because the President is the sole architect of foreign policy. So, that is the policy of the President either way you put it.
TIRCIAH TERADA/CNN PHILS: Sir, iyong doon na lang po sa COVAX. I think I just want to stress on the point about… sa documents. Mayroon pa po ba tayong document na hindi nako-comply that hence the delay in the arrival of the vaccines; where are we in terms of submission of these documents?
SEC. ROQUE: I have heard Secretary Galvez personally say that the ball is in the hands of the manufacturers. Lahat po ng dokumento naibigay na natin; inaantay na po natin iyong kanilang pirma sa supply agreement.
TIRCIAH TERADA/CNN PHILS: But right now, sir, there’s still no exact date po of arrival of any brand?
SEC. ROQUE: Twenty-three po Sinovac.
TIRCIAH TERADA/CNN PHILS: Sir, one last, because there is a survey by the DILG saying that only 30% in Metro Manila are willing to get vaccinated. Where do you think are we having problems in terms of convincing the people? And kagaya po ng nabanggit ni Dr. Padilla po kanina that it will be nice to have celebrities, priest join as part of the priority. Is IATF somehow open to easing you know the … or NTF open to easing the categories for vaccination to include these people, these somehow influencers?
SEC. ROQUE: Well, I think the President has said that he will now have himself vaccinated publicly. He only has to announce when it will be done and that of course a recognition of the fact na nag-aantay ng senyales ang taumbayan kung talaga sila ay magpapabakuna o hindi.
So, I think that is a policy that we will now pursue. Sinabi na rin po ni Senator Bong Go na ang ibang mga high officials should volunteer, and they have in fact volunteered. LGU mayors have said that they will volunteer to be first in line for the vaccination.
Ang aking ini-emphasize lang, huwag naman po kapag nauna ang mga namumuno ay sasabihing VIP na naman. Gagawin lang po natin iyan dahil nga kinakailangan mapataas natin iyong kumpiyansa ng ating mga kababayan na magpabakuna, hindi po dahil sila ay VIP.
TRICIAH TERADA/CNN PHILS: So, sir, final na po: The President will get vaccinated? And sundot ko na rin, sir, iyong question: The VP also expressed intent or her willingness to be among the first to get vaccinated to boost confidence. Will there be an allocation also for the Vice President?
SEC. ROQUE: Hindi ko po alam. I’ll leave that to the DOH because the President has said, ‘Okay, if you want me to,’ and there’s public clamor, he said he will. I do not know if there’s also a public clamor for the Vice President. But I also know that in terms of priorities, the President is a senior citizen and entitled to priority. I have comorbidities, I’m also entitled to some priority. So let’s see if the VP will fall under any of the priorities.
TRICIAH TERADA/CNN PHILS: All right, Spox. Spox, salamat po. Thank you po.
SEC. ROQUE: Maraming salamat po. Usec. Rocky, please.
USEC. IGNACIO: Secretary, question from Pia Gutierrez of ABS-CBN: Will President Rodrigo Duterte certify as urgent the bill that will allow LGUs to directly purchase COVID-19 vaccines?
SEC. ROQUE: As I said, it’s not just certification; it is an appeal to Congress that it is an urgent administration measure which should be passed right away.
USEC. IGNACIO: Thank you, Secretary.
SEC. ROQUE: Yes, punta na tayo kay Melo Acuña.
MELO ACUÑA/ASIA PACIFIC DAILY: Good afternoon, Secretary. Let me just have several points. Kung titingnan na po natin iyong mutual defense treaty na magdiriwang na ng ikapitumpung anibersaryo, ito po ba ay nakatulong sa Pilipinas on a cost benefit ratio? Because if it is not, then why prolong the agony?
SEC. ROQUE: Napakahirap naman pong sagutin iyan. That requires a treaty ‘no, so I don’t think I can answer that in one press briefing ‘no. Sabihin na lang natin, it has had its advantages and disadvantages. But for now, what the President wants is if you want to continue using our territory, we want just compensation for it; hindi barya, hindi bulok na mga equipment. Iyong mga dumating pong equipment, binili po natin iyan; hindi po iyan binigay.
MELO ACUÑA/ASIA PACIFIC DAILY: Number two: Mayroon po kayang pagbabago sa policies ang American government under President Biden tungkol sa isyu ng relasyon sa Pilipinas at South China Sea or West Philippine Sea?
SEC. ROQUE: Hindi ko po alam. Pakitanong iyan sa American Spokesperson.
MELO ACUÑA/ASIA PACIFIC DAILY: All right. Ano po kaya ang posibilidad na magkaroon ng impact iyong pagkakahirang sa bagong kapalit ni Fatou Bensouda doon sa reklamong nakarating sa ICC tungkol sa Pilipinas?
SEC. ROQUE: Well, as I said po ‘no, unang-una, nag-congratulate po tayo kay Mr. Karim Khan na kasama natin sa list of counsel ng ICC; naging bisita na rin po natin siya. At inaasahan po natin na ipatutupad po at ia-apply ni Mr. Khan iyong jurisprudence sa UK iyong reklamo na diumano ay may mga war crimes ginawa ang mga UK na mga kasundaluhan sa Iraq ‘no. At ang naging desisyon ng kaniyang predecessor ay dahil handa namang mag-imbestiga at lumitis ang mga Briton ay hinahayaan na niya ang mga Briton na mag-imbestiga at mag-investigate.
We’re hoping that this Mr. Khan will apply jurisprudence issued by the court relative to his home country, also to the Philippines.
MELO ACUÑA/ASIA PACIFIC DAILY: Yeah. Very briefly po para kay Dr. Ernesto Domingo. Kayo po ay isang dalubhasa sa larangan ng kalusugan, nabanggit ninyo po ang kahalagahan ng primary health care. Sa tingin po ba ninyo ay nakatulong ang devolution ng health services para maisulong ang primary health care sapagka’t batid naman natin na iba-iba ang agenda ng local government units kapag sila na ang nasusunod? Dr. Domingo, please?
DR. ERNESTO DOMINGO:Sa totoo po, malaking problema iyong pagka-devolve dahil, kagaya ng sinabi ninyo, kapag ating in-implement ang Universal Health Care, integration is very, very important.
Pero ang maganda po dito ay nagtanong po ako sa DOH kamakailan, walang dalawang linggo, kung nasaan na sila sa implementation ng Universal Health Care. Ang sinagot po sa akin ng Usec na pinagtanungan ko at mayroon ding dokumento ay ito po, advance na raw iyong kanilang tinatawag na management integration na binigyan lang sila ng tatlong taon to finish. Ang ibig sabihin po ng management integration is lugar na kaniya-kaniya, iyon pong health services will be integrated sa level po ng gobernador or provincial. Malaking bagay po iyon sa implementasyon.
Kapag po iyan ay nasa level na ng governor, maiiwasan po iyong pagkakaniya-kaniya na nakikita natin ngayon. Dahil sa ngayon po, halimbawa, kahit na iyong pag-appoint sa mga health workers ay nasa poder ng mayor ay siyempre po iba-iba bawat town sa policy. Kapag po iyan ay na-integrate at the level of the governor, medyo mas smooth
. We are very hopeful that that will facilitate the implementation.
MELO ACUÑA/ASIA PACIFIC DAILY: Opo. Kaya ko po kasi naitanong ay tatlong taon lang ang termino ng mga LGU. Eh kung iyong gobernador ay ang thrust ay return on investment, kikita sa mga kontrata at pagbili ng gamot at iba pa, maiiwanan na naman po ang mga mamamayan, Dr. Domingo?
DR. ERNESTO DOMINGO:Opo, sang-ayon po ako sa sinabi ninyo. Ang isa sa kinatatakot namin diyan ay iyong effect ng pulitika ng pagpapalit-palit. Ang nakikitang solution ngayon sa level po ng gobernador ay mayroon pong council na malaki ang representation ng bawat segment ng society. Ito po ang gagawa ng polisiya. Ito po rin ang gagawa ng programa ng pagdi-deliver ng health services. Samakatuwid po, sa tingin ko, kahit magbago iyong governor kung iyong konseho na naatasang gumawa nito ay nandoon, hindi niya basta mababago iyong nadesisyunan na nila.
MELO ACUÑA/ASIA PACIFIC DAILY: Opo. Maraming salamat po. Thank you very much. Thank you, Secretary Harry.
SEC. ROQUE: Thank you, Melo, and thank you for the lunch again. Yes, balik tayo kay Usec. Rocky, please.
USEC. IGNACIO: Yes. Secretary, tanong ni Jam Punzalan ng ABS-CBN. Iyong una niya pong tanong ay nasagot ninyo na about VFA. Ang second question niya: DILG said, only one in three Metro Manila residents are willing to get COVID-19 shots. Aside from info drives, how will the government boost the public’s vaccine confidence? When will the President announce whether or not he will get vaccinated in public?
SEC. ROQUE: I think I’ve already answered that po – asked and answered.
USEC. IGNACIO: Okay. Question from Maricel Halili ng TV 5, halos nasagot ninyo na rin po, Secretary. Pero sabi niya dito, Metro Manila mayors are not in favor of the re-opening of the cinemas. They said, there is no ventilation so it is more risky. What is the response of the IATF to this?
SEC. ROQUE: Asked and answered na po. Consultations until end of February and we will see po if they can come up with guidelines.
USEC. IGNACIO: Thank you, Secretary.
SEC. ROQUE: Thank you. Punta naman tayo kay—ay, Alexis ‘no, ang desisyon po ng ICC ay doon sa kaso ng Iraq at sa UK noong nais mag-imbestiga ng dating prosecutor diumano tungkol sa mga nagawang war crimes ng mga sundalong Briton sa Iraq. At ang naging desisyon po ng ICC ay dahil handa naman pong mag-imbestiga at maglitis ang mga Briton sang-ayon sa kanilang pambansang legislation ay hindi na po nag-imbestiga ang prosecutor.
Okay, Pia Rañada, please.
PIA RAÑADA/RAPPLER: Sir, it was Foreign Secretary Locsin himself who said last February 6 that he thinks that the continuance of the VFA is “more beneficial to the country than if it were to be abrogated.” So, sir, given this, SFA himself sees that it’s highly beneficial to the Philippines and it actually served as a deterrent to Chinese aggression on the West Philippine Sea. It was also helpful in disaster assistance, aside from its contributions to, like preventing cyber-attacks.
So, sir, given this, does the President still think that the VFA has not been worth it all this while?
SEC. ROQUE: Well, I can only say that the President has previously said that he will terminate the VFA subject to extension of the date of the effectivity of the termination at least twice. And the latest pronouncement of the President is if the Americans want the VFA, they have to pay compensation. That’s my answer.
PIA RAÑADA/RAPPLER: So, sir, bakit ganoon, sir? The President sees things that benefits the VFA provides is not enough, he wants more?
SEC. ROQUE: Well, he wants compensation for use of our territory because it will be in a manner that would endanger lives of Filipinos.
PIA RAÑADA/RAPPLER: So, sir, what’s the plan if the US decides not to bite, if it gets insulted and pulls out? How does the government intend to fill the gap given all the benefits provided by the VFA?
SEC. ROQUE: I think the President has been clear, he wants compensation. If the Americans don’t agree, then there is also the previous declaration of the Filipino President that he will terminate the VFA.
PIA RAÑADA/RAPPLER: Also, sir, given that the VFA nga provides all of these benefits and we will have to live without those benefits if the US decides not to… you know, it’s offended by what the President said, how then the Palace, the government, aims to fill in this gap? For example, hindi na darating iyong maybe certain types of assistance that the US military provided before? How about the deterrent that the US military provides against South China Sea incursions kasi nga hindi ba recently reiterated that the MDT covers the South China Sea, the West Philippine Sea?
SEC. ROQUE: Well, alam mo nga sinabi ko na kanina doon sa oral arguments on the constitutionality of the VFA, no less than Justice Carpio then said, ‘eh kaya nga eh parang walang saysay itong MDT na ito dahil despite the fact that the MDT was in existence, ang policy ng mga Amerikano is hindi sila nanghihimasok sa pinag-aagawang teritoryo.’ So, that is clear.
PIA RAÑADA/RAPPLER: But, sir, that remark was two administrations ago, after that the Trump Administration reiterated that the MDT covers the West Philippine and then under the Biden Administration, they also reiterated this. So, isn’t this an outdated assessment of the situation?
SEC. ROQUE: No, I think the situation remains the same because the Chinese remain in occupation of artificial islands and the MDT still remains in effect. So, I don’t really know what answer you want—
PIA RAÑADA/RAPPLER: So, you’re saying, sir, we can afford to lose this assistance, these benefits provided by the VFA?
SEC. ROQUE: I think my answer is the President is clear: If the Americans want the VFA, they need to pay for it. I cannot add, I cannot subtract to what the President has said.
PIA RAÑADA/RAPPLER: Sir, were the DND Secretary and Foreign Secretary consulted on this policy, this decision of the President before he made the public remark?
SEC. ROQUE: You know, the President said that he will terminate the VFA previously about a year ago and he is entitled to make that decision because he is the sole architect of foreign policy.
PIA RAÑADA/RAPPLER: But, sir, things like hashing out how much—what’s the value of the VFA? Like how do we even begin to quantify, like how to compensate the Philippines for this? I mean, hasn’t this gone through consultations with the secretaries who will be implementing this even before a prior … even before a public remark which could be … iyon, taken out of context in so many ways?
SEC. ROQUE: Okay. I will answer it this way. That’s a political question. The people voted the President and as such they made him the sole architect of foreign policy, they believe in his decision on what is best for the Philippine national interest. Thank you very much.
Yes, we go to Usec. Rocky. Thank you, Pia. We now go to Usec. Rocky.
USEC. IGNACIO: Question from Kyle Atienza of BusinessWorld: Did President Duterte already receive a phone call from US President Joe Biden?
SEC. ROQUE: No information po.
USEC. IGNACIO: Kasi daw po since taking office on January 20, President Biden has already made a swirl of phone calls to American allies around the world including Canada, Britain, France, Japan but the Philippines has so far been left [garbled]
SEC. ROQUE: I have no information
USEC. IGNACIO: Is this a sign that the Philippines is not a priority—
SEC. ROQUE: I have no information and it is not for me as Philippine Presidential Spokesperson to answer that. Please ask the American Spokesperson.
USEC. IGNACIO: And third question po niya, nasagot ninyo na about VFA pero ang follow-up po niya: Kung may update na po ba sa talks between Foreign Affairs Secretary Locsin and US officials? Ano po ang future ng VFA?
SEC. ROQUE: Please, we defer to the DFA on that.
USEC. IGNACIO: Thank you, Secretary.
SEC. ROQUE: Joseph Morong, please. Joseph, wala kang audio.
JOSEPH MORONG/GMA 7: Okay, naka-mute ako. Okay. Sir, can you hear me now?
SEC. ROQUE: Yes, I can hear you.
JOSEPH MORONG/GMA 7: Sir?
SEC. ROQUE: Yes, go ahead.
JOSEPH MORONG/GMA 7: Yeah. I’m having problems with my connection. This is Smart, so…
SEC. ROQUE: Ikaw talaga! You have to mention it, huh!
JOSEPH MORONG/GMA 7: Can you hear me now?
SEC. ROQUE: Yes, I can hear you.
JOSEPH MORONG/GMA 7: I can’t hear you.
SEC. ROQUE: Go ahead.
JOSEPH MORONG/GMA 7: Sir—Okay, game. Dear Smart, good morning Smart! Sir, game. VFA question. You said that at the very least we should be getting $16-billion. Iyong figure ninyo, sir is 2017 ‘no. But in what way, what kind of—
SEC. ROQUE: I think, that’s a misquotation. I did not say we should be getting at least 16. I said we should get an amount similar or close to what Pakistan is getting but I did not say that we should get at least 16-Billion. Should be of the same amount, a similar amount but definitely—
JOSEPH MORONG/GMA 7: Pero more than that we are getting?
SEC. ROQUE: Oo, not what we are getting right now.
JOSEPH MORONG/GMA 7: Okay. But in what way, sir—there was a question, I want to pick-up kanina parang hindi ninyo nasagot. Does it include COVID vaccines?
SEC. ROQUE: No, because the COVID vaccines we will pay for.
JOSEPH MORONG/GMA 7: Ah, oo nga ‘no iyong sa Pfizer. But, sir, the Pfizer, the 117,000 doses from Pfizer are going to be through COVAX but we have a contribution there ano?
SEC. ROQUE: Yes, we’re also paying for that.
JOSEPH MORONG/GMA 7: Okay. Sir, the President also said last Friday that the Philippines cannot afford to be or he cannot be… afford to be brave in the mouth against China. That’s not a very patriotic thing to say as a President, do you think?
SEC. ROQUE: I don’t think it’s unpatriotic. I think it is, it’s the reality that given the current state of our Armed Forces of the Philippines we cannot engage in a shooting war with any country not just China.
JOSEPH MORONG/GMA 7: Pero, sir, clarification lang. Iyon pong survival or iyong continuation ng VFA hinge on America increasing its monetary contributions to the Philippines? Tama?
SEC. ROQUE: The decision whether or not to continue with VFA is a decision to be made by the President and he has said he wants to be paid, he wants better compensation for presence of American troops and facilities in the Philippines.
JOSEPH MORONG/GMA 7: Sir, just one last subject. Sir, sa indemnification. For the record, para doon sa ating mga kababayan, kapag nagkaroon sila ng masamang epekto doon sa bakuna, babayaran po ba sila and how are we going to do this?
SEC. ROQUE: Well, the proposal pending also in Congress, it is the Philippine government that will compensate. Doon naman po sa COVAX Facility, ang obligasyon din natin ay dapat tayo rin po ang mag-compensate sa mga magkakaroon ng side effects at ang naging suhestiyon ng ating Secretary of Health ay ang PhilHealth ang magbabayad doon sa mga magkakaroon ng side effects.
JOSEPH MORONG/GMA 7: Eh ‘di ibig sabihin, sir, in the absence of a law right now, ang magiging nating indemnification mechanism will be PhilHealth? Will that be enough, will that satisfy iyong condition ng Pfizer and AstraZeneca?
SEC. ROQUE: I believe so kasi under Universal Health Care – and, Dr. Domingo, correct me if I’m wrong – the essence of Universal Health Care is we have single purchaser of all medical goods and services. So, pagdating sa side effects, siyempre ang magbibigay pa rin po ay ang PhilHealth.
Dr. Domingo, your thoughts on this, please.
DR. DOMINGO: Yes, yes.
SEC. ROQUE: Go ahead, sir.
DR. DOMINGO: Yes, it should be PhilHealth that should pay for this because once you react, that’s already an illness strictly speaking. Whether it came from vaccine or somewhere else is immaterial. What you need is support to get you out of the problem that resulted.
SEC. ROQUE: So, it seems, Joseph, that what they want by way of an assurance, we have already enacted into law in the Universal Health Care Law.
JOSEPH MORONG/GMA 7: So, therefore, sir, iyon pong … ang status ba, sir, natin is that Pfizer and AstraZeneca are asking for a law, indemnification law that will cover mga adverse effects? Is that the status now that’s why iyong delivery is delayed?
SEC. ROQUE: I do not think so. They want the Philippine government just to sign an agreement clarifying who will assume obligation for indemnity. And under the Universal Health Care Law, it is the government through PhilHealth that will assume that.
JOSEPH MORONG/GMA7: So, sir, mukhang wala na tayong problema as far as that condition is concerned and therefore the process of procuring should be moving along, right?
SEC. ROQUE: I believed so, and that is why Secretary Galvez is of the opinion that the delay is only for about one week.
JOSEPH MORONG/GMA7: Sound bite lang sir: Why did the President change his mind again about vaccinating himself in public?
SEC. ROQUE: Dahil ninanais po ng Presidente na lahat ng Pilipino ay magkaroon ng kumpiyansa na magpabakuna, dahil ang bakuna po ang solusyon dito sa pandemya ng COVID-19. Thank you very much, Joseph.
JOSEPH MORONG/GMA7: Thank you for your time, sir.
SEC. ROQUE: Thank you. Thank you, Doc. Domingo. I wish you could be by my side every day to answer these difficult questions. Yes, Usec. Rocky please.
USEC. IGNACIO: Yes, Secretary tanong ni Maricel Halili ng TV 5. Although, iyong iba po nasagot na ninyo about doon sa exact date ng dating ng vaccine from COVAX facility at iyong chance daw po na mauna iyong Sinovac. Iyong second question po niya: How did the President spend his Valentine’s Day? And how about you, Secretary, how was your Valentine?
SEC. ROQUE: The President was in Davao for Valentine. I was at home and quarantine, but we had a little Valentine’s celebration with my wife and my two children.
USEC. IGNACIO: Ang susunod pong tanong mula kay Jerome Morales ng Reuters, although nasagot na po ninyo about VFA. Ang susunod pong tanong mula kay Sam Medenilla: May proposal po kaya ang Malacañang kung magkano po ang additional funding na puwede pong ma-allocate for PhilHealth to offset po iyong impact ng delayed implementation of premium hike nito? If yes, magkano po ito at saan ito kukunin?
SEC. ROQUE: Dr. Domingo, as my mentor in Universal Health Care, can you answer that question, please?
DR. DOMINGO:Napakahirap iyong question na saan kukunin. I think if government will spend for this, then it has to come from the initiatives of Congress allocating the money for it.
SEC. ROQUE: Tama po iyan. Unang-una, nasa batas na po na ang funding natin sa Universal Health Care ay galing po sa sin taxes. Galing po sa kita ng PAGCOR, galing po sa kita ng PCSO at galing po doon sa budget na binibigay din sa DOH at iyong iba pang programa ng gobyerno na nagbibigay ng medical assistance. At kung kulang po iyan, then special appropriation from Congress.
USEC. IGNACIO: Question from Michael Flores: Why is the Philippines requesting military assistance from the US closer to that of Pakistan’s? How did the government determine benchmarking its military assistance needs to that of Pakistan?
SEC. ROQUE: We are basing it on the fact that we have had historically very strong ties and if you have very strong ties with a very strong ally, then I think it also comes with a higher amount of financial assistance to be given. So iyan po iyong objective natin in comparing how much Pakistan is getting and how much the Philippines is getting. And I am still asking my researchers to confirm the figure that Turkey is getting, because I think that’s also important to show na Turkey is also getting at least five times more than what they have ever given to the Philippines.
USEC. IGNACIO: Opo. From Leila Salaverria ng Inquirer: Clarification lang po, Secretary, you said COVID vaccines are not part of the payment the President wants. But in December, the President said the US can’t stay in the Philippines if it won’t be able to deliver vaccines. He said no vaccine, no stay here. Has the position been scrapped or superseded?
SEC. ROQUE: There is no inconsistency. I think the President is saying, show your commitment to the Philippines by allocating to us vaccines, but we are not begging for the vaccines because we are going to pay for it. In fact, initial mode of payment is through the financing window offered by the ADB and the World Bank.
USEC. IGNACIO: Thank you, Secretary Roque.
SEC. ROQUE: Okay. So mukhang wala na po tayong mga katanungan. Maraming salamat sa ating dalawang panauhin, Dr. Ernesto Domingo and Dr. Dominga Padilla. Okay talaga ang mga Domingo at Dominga, talagang mga dalubhasa po ‘no. At maraming salamat din po sa ating mga kasama sa Malacañang Press Corps. Maraming salamat, Usec. Rocky.
Sa ngalan po ng inyong Presidente Rodrigo Roa Duterte, ito po ang inyong Spox na nagsasabi: Pilipinas, sagot po tayo ni Presidente. Alam po niya ang ating pangnasyonal na interes, ipaglalaban po niya ang ating pangnasyonal na interes. Stay safe, Philippines, and good afternoon.
###
—
SOURCE: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)