TULFO: Magandang umaga po, Secretary Roque, sir!
SEC. ROQUE: Magandang umaga, Pareng Erwin at magandang umaga Pilipinas!
TULFO: All right. Sir, si Pangulo daw naiinip na at napakatagal daw ng bakuna. Ano ho ba, bakit ho nadi-delay, sir? Ano bang dahilan daw?
SEC. ROQUE: Well, alam ninyo po kasi iyong Pfizer at saka AstraZeneca hindi dumating dahil kinakailangan nila ng kumabaga, assurance na hindi sila madedemanda kagaya noong nangyari sa gumawa noong Dengvaxia ‘no. Ito namang Chinese na dapat sana ay dumating na bukas eh sabi naman ng mga Tsino hindi namin ipadadala iyan nang wala kayong EUA dahil ang gusto namin magamit kaagad ‘no, hindi masayang ‘no, eh wala pa tayong EUA ‘no.
So, iyan po ang pangyayari at ikinalulungkot kong sabihin nga na mukhang hindi matutuloy iyong ating pagbabakuna itong linggong ito. Bagamat umaasa pa rin tayo na kahit anong oras na ngayon eh baka lumabas na din iyong EUA para naman bago matapos ang buwan ng Pebrero eh masimulan iyong ating pagbabakuna.
TULFO: Iyong EUA, sir, galing po iyan sa Food and Drug Administration, hindi po ba?
SEC. ROQUE: Oo, galing po iyan sa Food and Drug Administration eh ayaw naman nating kalampagin dahil ang issue nga diyan ay iyong safety at saka iyong efficacy.
TULFO: Opo.
SEC. ROQUE: So, hinahayaan natin na umusad ang proseso kasi ayaw naman nating madaliin. Pero ang katotohanan niyan ay ang alam ko tapos na. Ang lahat ng mga dokumento ay naisumite na kaya nga lang mayroon pang hinihingi yata na karagdagan na mga dokumento.
TULFO: Hindi po ba puwedeng i-bypass iyan since tayo ay nasa national emergency at kailangang-kailangan at isang pirma lang po ng Pangulo iyan o isang direktiba lang ho eh mangyayari po at mangyayari iyan, Secretary? Hindi po ba kaya iyon?
SEC. ROQUE: Well, pinirmahan na nga po ni Presidente iyong pag-iisyu ng EUA. Kung wala po iyong Executive Order ng Presidente eh hindi talaga naman makaka-EUA.
TULFO: Opo.
SEC. ROQUE: Pero iyon nga po, ang malungkot na balita eh, naantala pa rin iyong EUA na iyan kasi nga po mayroon po talagang dalawang standards ang FDA: Isa, iyong mga bakuna na naaprubahan na ng tinatawag nilang stringent regulation – iyong mga Amerika, mga EU, UK at saka iyong all others. So, sa akin po sa mula’t mula, sa tingin ko hindi naman tama yata iyon na mayroon dalawa sila na stringent regulators na mas mabilis magpa-approve ng EUA dito sa Pilipinas at saka everyone else kasi pare-pareho naman tayong tao eh hindi po ba ‘no.
TULFO: Opo, opo.
SEC. ROQUE: So, sa tingin ko kung gaano kabilis ma-approve iyong mga western eh dapat ganoon na rin kabilis dapat po iyong mga Tsino. Pero hayaan na po natin para wala ng issue na minadali ‘no. Nakita na po, nakita na natin na naantala na iyong ating vaccination, at least wala ng pula na minadali iyong proseso. Talagang dumaan sa tamang proseso.
TULFO: All right. Sir, next question. MGCQ na ba tayo by March or ito po ay hihintayin ang desisyon ng IATF at ng Pangulong Duterte, Mr. Secretary?
SEC. ROQUE: Okay. Mayroon na pong rekomendasyon ang IATF, [technical difficulties] desisyon ng Presidente. Sa aking [technical difficulties]—
TULFO: Hello, sir? Naku, nawala. Nawala si Secretary. Sir? Naputol. Hindi ko na gets kung aprubado na ba. Pero ang Metro Manila Council siyam ang pumabor na ilagay na sa MGCQ, walo ang kumontra. So, by a vote of one eh gusto nang ilagay sa MGCQ ang Metro Manila. All right… So, hindi unanimous ‘ika nga. Naku, sayang.
Alas diez treinta y siete. Si Usec. Domingo pala—Heto, heto! So, Sec. are we going or we’ll wait na lang? Huwag nating pangunahan si Pangulong Duterte sa kaniyang desisyon or si Pangulo ay magri-rely din sa report ng IATF, Mr. Secretary?
SEC. ROQUE: Sa tingin ko po magri-rely din po ang ating Presidente sa datos, iyong sa data analytics, bagamat kinokonsidera talaga niya iyong rekomendasyon ng IATF sa kaniya.
TULFO: All right. Okay, Secretary Harry Roque, sir, maraming salamat po. Magandang umaga! Please stay safe.
SEC. ROQUE: Maraming salamat po at magandang umaga rin.
###
—
SOURCE: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)