SEC. ANDANAR: Magandang umaga, Pilipinas. Magandang umaga sa lahat ng ating mga kababayan sa iba’t ibang panig ng mundo. Muli tayong maghahatid ng pinakahuling balita tungkol sa mga hakbang ng pamahalaan kontra sa COVID-19 ngayong huling linggo ng Pebrero. Ako po ang inyong lingkod, Secretary Martin Andanar mula sa PCOO. Magandang umaga, Rocky.
USEC. IGNACIO: Good morning, Secretary Martin. Sa pagkakadiskubre ng sinasabing variant of concern sa Lalawigan ng Cebu, aalamin natin ang mga pag-iingat na ginagawa ng national government para pigilan ang pagkalat nito kasabay pa ng patuloy na paghahanda sa pagdating ng bakuna sa bansa. Ako naman po si Usec. Rocky Ignacio.
SEC. ANDANAR: Simulan na natin ang Public Briefing #LagingHandaPH.
Pupulungin ni Pangulong Duterte mamaya ang kaniyang Gabinete para tukuyin ang isyu ng pagluluwag ng quarantine restriction sa Metro Manila at sa buong Pilipinas. Sinabi naman ni Senador Christopher “Bong” Go mas nanaisin niyang mauna muna ang COVID vaccine rollout bago magluwag ng quarantine status. Narito ang detalye:
[VTR]
SEC. ANDANAR: Idiniin din ni Senador Bong Go na dapat magkaroon muna ng vaccine rollout bago payagan ang face-to-face classes. Aniya, nag-aalangan din ang Pangulo sa proposal na ito. Maaari naman daw gawin ito sa susunod na pagbubukas ng klase o kapag ligtas na.
USEC. IGNACIO: Samantala, nasa 4,700 na residente naman po ng iba’t ibang bayan sa Lalawigan ng Isabela ang hinatiran ng tulong ni Senator Bong Go kasama ang ilang ahensiya ng pamahalaan. Karamihan sa kanila ay iniinda pa rin ang naging epekto ng sunud-sunod na bagyo nitong nakaraang taon kasabay ang pandemya. Narito ang report:
[VTR]
SEC. ANDANAR: Mga bagong health concerns na nagsusulputan, sasagutin mismo ng Kalihim ng Kalusugan sa ating programa. Welcome back, DOH Secretary Francisco Duque. Good morning po.
DOH SEC. DUQUE: Magandang umaga sa’yo, Secretary Martin, at sa lahat po ng inyong mga tagasubaybay. Sa ngalan po ng Department of Health and Inter-Agency Task Force, isang mapagpalang araw sa lahat.
SEC. ANDANAR: Sixty-two cases of UK variant ng COVID-19 as of yesterday, karamihan pa sa kanila ay mga umuwing OFWs. Is this alarming already, Sec. Duque?
DOH SEC. DUQUE: Well, the bio-surveillance that we are doing, pinapaigting natin ito ‘no dahil batay sa kautusan ni Pangulong Duterte na magbuo ng task force or technical working group on COVID-19 variants. So napalakas natin ang bio-surveillance kaya natin nakikita naman, natutukoy itong mga variants of under investigation and variants of concern.
So, so far, halos two percent lang of all the samples na ginawan po ng whole genome sequencing ang nagpapakita nitong variant na ito; so mababang-mababa po itong porsiyentong ito.
SEC. ANDANAR: Kaugnay niyan, Secretary, kailangang-kailangan na bang bukas ang Pilipinas sa mga dayuhan na may valid visas kung sa returning OFWs pa lang ay nakakakuha na tayo ng bagong variants?
DOH SEC. DUQUE: Well, ang atin namang panuntunan diyan ay kapag dumating sila, mag-a-undergo sila ng quarantine ano, iyan na iyong ating standard operating procedure na on the 6th day after arrival, sila ay magsa-swab – RT-PCR test. Kung sila ay negative, pauuwiin sila at itutuloy nila iyong natitirang walong araw sa kanilang quarantine period sa mga natakdang mga quarantine facilities either sa LGUs ‘no na kanilang uuwian. So iyan naman ang ating panuntunan sa ngayon.
SEC. ANDANAR: Sa Cebu kung saan may nadiskubreng bagong mutations ng virus, niri-reject ng local officials doon na isailalim sila sa stricter quarantine restriction kahit na may surge of cases. Kayo po bilang DOH Secretary, kung kayo po ang masusunod, ano po ang dapat gawin sa lalawigan?
DOH SEC. DUQUE: Unang-una, nakiusap ang Regional Office-DOH sa Central Visayas na bigyan pa sila ng sapat na panahon. So, we’re giving them until Friday para tingnan kung lahat ba ng nakalatag na mga pamamaraan upang tugunan at mapababa ang kaso ng kanilang cases sa Cebu ay nagiging epektibo ba ito. So, iyon lang.
Sa ngayon, hintayin natin kung iyong kanilang inilatag na mga gawain katulad ng testing—pinaigting natin iyong testing nila, iyong kanilang isolation, massive contact tracing up to the third generation, back tracing, tapos iyong aggressive isolation through their Oplan Kalinga, and quarantine measures.
At siyempre, sa ibabaw niyan, ang pagsunod sa minimum public health standards, iyong ‘Mask, Hugas, Iwas,’ at ‘BIDA Solusyon’, ‘Apat Dapat’, lahat pong itong mga paalala na ito eh kung nakakatulong naman ito sa mga darating na panahon o araw na hiningi ng DOH-Regional Office upang mapababa ang kanilang daily attack rate and two-week growth rate.
Sa ngayon, ang kanilang healthcare utilization rate ay nasa 48%. So, ito ay nasa low risk classification at binabantayan ito na hindi dapat ang mga walang sintomas na may COVID o iyong mga mild symptoms na positive for RT-PCR eh hindi na pupunta sa ospital kung hindi pupunta sa mga temporary treatment and monitoring facilities. So, ito iyong mga lower-level isolation and quarantine facilities.
SEC. ANDANAR: Inilagay ng Pasay-LGU ang 33 barangay nila sa lockdown. Ano po ang dahilan ng pagsipa na naman ng numero ng bagong kaso sa Pasay o sa ating bansa?
DOH SEC. DUQUE: Ang ulat sa akin ng ating Epidemiology Bureau ay hindi naman daw barangay iyong naka-lockdown kung hindi mas localized. So, kapag sinabi na nating localized, hindi buong barangay bagkus ito iyong mga sitio o purok, iyong street level localized quarantine or lockdown pati compound. So, talagang very localized at ito ang tamang pamamaraan, kaysa buong barangay o buong siyudad ang isasailalim sa lockdown dahil ito ay mas makakapinsala sa kanilang ekonomiya.
So, tama po iyong kanilang ginagawa at babantayan natin in the next two weeks. Pero nag-umpisa na sila last week eh, so tingnan natin kung mayroon nang pagbaba ng kanilang mga kaso.
Alam mo, Sec. Martin, nagdaan na ang mahabang panahon na naranasan natin ang mga spikes kung saan-saang mga lugar lalo na noong mga July, August, September pero nakita rin naman natin na naging matagumpay ang tugon ng mga local government units sa kanilang pandemic response na angkop doon sa ating prevention, early detection, isolation, treatment and reintegration strategic measures or pillars na sumusuporta sa tugon sa kanilang mga COVID-19 pandemic.
So, iyan ang dapat na inaasahan natin sa mga LGUs, kaagaran nakaka-react sila, nakakatugon kaagad. Hindi iyong matagal naghihintay tapos dumadami ang hawaan. So, ngayon alam na nila kung anong gagawin nila para maputol ang kadena ng hawaan o madurog ang mga kumpul-kumpol na mga kaso sa kanilang mga komunidad.
SEC. ANDANAR: According sa isang report ng National Public Radio, maraming health workers natin ang nakakaranas ng fatigue, depression at stress lalo na at hindi pa sila napuprotektahan sa COVID-19 dahil wala pa nga ang bakuna. Nagkakaroon na rin sila ng distrust sa vaccination program. Ano po ang reaksiyon ninyo rito sa report ng NPR?
DOH SEC. DUQUE: Huwag naman po sana kayong mawawalan ng tiwala sa ginagawa po ng inyong gobyerno sa pag-angkat ng mga bakuna. Ang atin pong vaccine czar ay talagang napakasipag at siya po ang nangunguna sa negosasyon kasama din po ang Department of Health – nandiyan po ako, ang Department of Finance at mayroon na po tayong apat na mga term sheet agreements na nalagdaan at ang negosasyon para lagdaan naman ang supply agreement ay patuloy.
At iyon na nga, mayroon na po tayong emergency use authorization issued to Pfizer and AstraZeneca at baka sa araw na ito o bukas baka naman sumunod na ang Sinovac, kaya kaunting pasensiya po ang akin pong ipinapakiusap. Umaapela po ako sa taumbayan at makakaasa po kayo na darating at darating na po iyang mga bakunang iyan. Pero dapat ipaliwanag ko rin na ang pangunahing dahilan kung bakit wala pang bakuna ay talaga namang iyong global supply shortage.
Talaga pong sa sampung bansa, ayon sa United Nations report, na sila po ang nakapaggamit ng 75% ng lahat ng mga bakuna sa mundo. In fact, pati ang WHO ay sinasabi na 130 countries ay hindi pa rin nakapag-umpisa ng kanilang bakunahan at hindi rin nila naipatupad ang puntirya nila na isabay ang bakunahan sa mga mahihirap na bansa together with the first world or richer countries.
So ito, kaya ating tinutugunan ito, ina-address po natin ito. Ang FDA ganoon din po, ay nagpupursige at nagpupunyagi para masigurong makapag-issue na ng emergency use authorization at siguraduhin na ang mga bakunang darating ay talagang ligtas higit sa lahat at epektibo.
Kaya kaunting pasensiya pa po ang aking panawagan sa atin pong mga kababayan.
SEC. ANDANAR: Puntahan natin, Secretary, ang mga tanong naman ng mga kasamahan natin sa media kasama si Usec. Rocky.
USEC. IGNACIO: Magandang umaga po, Secretary Duque. Una pong tanong mula kay Sam Medenilla: Magkano raw po ang actual at potential savings po ng Department of Health ngayon?
DOH SEC. DUQUE: Aalamin ko ho iyan, dahil hindi naman ako nasabihan na isa ito sa mga katanungan. Hindi ko po napaghandaan pero kumpleto kami sa datos. Ibibigay ko na lang mamaya pagkatapos nito. Pakibigay lang sa akin ang contact number ng nagtatanong.
USEC. IGNACIO: Opo. Ang sunod pong tanong ni Sam Medenilla: Bakit po daw nag-request ang Department of Health sa DBM na magamit ang nasabing savings para daw po sa purchase ng COVID-19 vaccines which it wants to be classified as common use supplies and equipment kahit daw po may assurance na po ang national government na sasagutin ng World Bank at ADB ang pagbili po ng COVID-19 vaccines?
DOH SEC. DUQUE: Ito iyong unang paggagamitan, iyong – kung hindi ako nagkakamali – sa Sinovac na aangkatin natin kapag nabigyan na ng emergency use authorization. So, patuloy na iyan, maliit lang po iyan eh. Kung hindi ako nagkakamali parang 50,000 doses muna na aangkatin at babayaran, kaya ang naging mungkahi ng ating National Task Force ay gamitin muna iyong savings. Talagang mayroong savings for unused budget na paggagamitan nitong aangkatin na bakuna.
USEC. IGNACIO: Opo. Ang ikatlong tanong po ni Sam Medenilla ng Business Mirror: Saan pong sectors o areas ia-allocate ang COVID-19 vaccines daw po na mabibili ng DOH gamit ang savings fund?
DOH SEC. DUQUE: Ang alam ko po iyan ay tinitingnan ang Sinovac na vaccines, karagdagan doon sa ido-donate na 600,000. So, pinaghahandaan din po iyong aangkatin sa labas ng donated volume of 600,000. So, diyan po gagamitin iyan.
At ito po naman ay kapag muli kinakailangan iyong emergency use authorization mailabas na sa lalong madaling panahon at ang FDA ay nag-commit na ilalabas na itong hangga’t sa pinakamaagang panahon, hopefully before the week ends ‘no. So hopefully earlier ‘no, kung Tuesday or Wednesday.
USEC. IGNACIO: Opo. Tanong naman po mula kay Red Mendoza ng Manila Times: Sabi daw po ni MMDA Chairman Benhur Abalos, kakayanin daw po ng Metro Manila na magbukas as long as nasusunod po ang safeguards at makakapag-lockdown ang mga lokal na opisyal kung tumataas ang kaso. Ano po ang inyong reaksiyon dito, Secretary?
DOH SEC. DUQUE: Sinusuportahan ko ang salita ni Chairman Benhur Abalos. Tama naman po iyon, gaya ng nabanggit ko kanina ay handa ang atin pong mga pamahalaang lokal na ipatupad ang kanila pong PDITR, ito po iyong prevention, interventions or measures early detection through aggressive testing, contact tracing, iyong surveillance at iyong isolation through Oplan Kalinga at treatment through the One Hospital Command na atin na pong naitatag noong nakaraang taon.
At iyan po ay kinakailangan ang local epidemiology surveillance unit ng mga LGUs, talagang babantayan ang mga kaso na iniri-report ano po ng City Health Office at ang kanilang mga CESU [City Epidemiology and Surveillance Unit], sa RESU [Regional DOH Epidemiology Surveillance Unit] at pinagkakaisahan iyan para siguraduhin na iyong spike ay kanilang mapipigilan at iyong hawaan ay matitigil at mapabagsak muli ang bilang ng kanilang daily new cases ‘no.
So iyan na po, ‘andiyan na po iyang sistema na iyan at iyong localized lockdown, hindi naman nangangahulugan kapag sinabing barangay, eh buong barangay. Ang katotohanan po diyan, mas granular pa, mas localized kasi purok o sitio o street level lockdown o compound level lockdowns. So ito po ang dapat ang ginagawa na at ginagawa na po ng ating mga pamahalaang lokal.
USEC. IGNACIO: Opo. Ang second po niyang tanong: Sinasabi po daw ng mga kritiko na inunahan na tayo ng Bangladesh sa pagbabakuna habang ang Singapore at Malaysia po ay nag-uumpisa na ng mga bakuna. Ano po ang masasabi ninyo sa mga batikos na ang Pilipinas daw po ay mukhang nahuhuli sa pagpapabakuna dahil daw po sa delay ng pagpirma ng indemnification law?
DOH SEC. DUQUE: Hindi po tama iyan kasi matagal na po tayong nakapirma sa indemnification. Kung maalala ninyo, noong November 2020 noong lagdaan ng tripartite MOA with AstraZeneca at saka ng national government at saka ng private sector – nandoon na po doon sa tripartite MOA, pinirmahan na po natin iyong indemnification clause doon. So pati COVAX pinirmahan din po natin iyan. So hindi po tayo ang may pagkukulang kung hindi matagal na po na talagang iyan napirmahan na natin at in fact pati iyong indemnification na batas ay ginagawa na rin po iyan pero iyong agreement doon sa tripartite MOA ay lumagda na po ang Vaccine Czar, ako po at ng Department of Finance doon po sa indemnification provision ng tripartite MOA. So matagal na po iyan.
USEC. IGNACIO: Opo. Tanong naman po ni Lei Alviz ng GMA News: In the 750 samples daw po a week from genome sequencing enough to give us an accurate picture daw po of the presence of variants of concerning communities?
DOH SEC. DUQUE: Pinapalawig natin ang samples ‘no, gusto natin magkaroon ng nationwide ‘no. So lahat ng regions magsusumite ng mga samples na positive samples lang ano. At iyan sa kasalukuyan nangyayari na iyan para mas makita natin kung ano na ba ang extent ‘no ng variants na ito, number one, in terms of transmission. Pero sa ngayon hindi pa tayo makapagbigay ng conclusion kung ito bang mga nakikitang spikes, halimbawa sa Cebu, ay dahil dito sa bagong variant.
So tuluy-tuloy ang bio-surveillance na pinaiigting natin, salamat kay Pangulong Duterte dahil siya po ang nag-atas sa IATF na bumuo nitong TWG on COVID-19 Variants.
USEC. IGNACIO: Opo. Ang ikalawa po niyang tanong: Are there plans daw po to expand the capacity for genome sequencing like putting up facilities in Visayas and Mindanao?
DOH SEC. DUQUE: Oo naman po. [Garbled] malinaw na oo at pinaghahandaan na po iyan ngayon pero dapat malaman din ng taumbayan na sa ngayon mayroon din tayong shortage ng reagents dahil bigla na lang lahat ng bansa ngayon nagsasagawa ng kanilang whole genome sequencing ‘no as part of their bio-surveillance capacity. So ang supply ng mga reagents medyo hindi pa nakakasabay doon sa demand; pero ang pondo, mayroon na tayong 360 million na kaperahan or funding para makapag-angkat ng mga reagents. At ganoon din ang human resource requirement, mayroon din tayong pondo para iyong mga taong magtatrabaho sa mga laboratoryo na kung saan ginagawa ang whole genome sequencing ay patuloy ang kanilang serbisyo.
USEC. IGNACIO: Opo. Tanong naman ni Kristine Sabillo ng ABS-CBN New: Tinitingnan din ba ang UK variant bilang posibleng dahilan ng pagkalat ng COVID cases sa Metro Manila lalo na daw po sa Pasay kung saan galing din ang isang UK variant case na konektado umano sa MRT cluster?
DOH SEC. DUQUE: Tinitingnan ho iyan. Sa kasalukuyan sinusuri po iyan ng ating Philippine Genome Center, ang UP NIH at saka ng RITM para matukoy kaagad kung ito bang spikes na ito ay bunsod nga nitong variant na ito. Pero so far ay wala pang malinaw na conclusion ano, so patuloy ang analysis at pagsusuri na ginagawa. So antay-antay na lang po muna tayo.
USEC. IGNACIO: Opo. Tanong naman ni Vivienne Gulla ng ABS-CBN: What was accomplished in the meeting between daw po Philippine government, WHO COVAX Facility and Pfizer which was scheduled today? Has Pfizer submitted its signed indemnification agreement?
DOH SEC. DUQUE: Akin hong ipa-follow up iyan kay Vaccine Czar, Secretary Galvez ‘no kasi hindi ko po alam kung iyong kanilang—ano ba ang kinalabasan noong kanilang usapan kanina—kanina ba iyong sabi ninyo?
USEC. IGNACIO: Opo.
DOH SEC. DUQUE: Kanina yata or kailan ba iyon, Friday? Aalamin ko tapos babalikan ko po kayo.
USEC. IGNACIO: Opo. With less than a week daw po left before the end of February, what’s the likelihood daw po that the initial batch of COVID vaccines will be delivered to the country within the month? What brand will this likely be?
DOH SEC. DUQUE: Malamang po Sinovac po iyan, ang posibleng dumating na 600,000 doses good for 300,000 individuals. So iyan po ang ating inaasahan at kung mailabas na ang EUA eh mga tatlo hanggang limang araw ang hinihingi ng Chinese Embassy para paghandaan ang pagpapadala ng naturang 600,000 Sinovac vaccines.
USEC. IGNACIO: Opo. Tanong naman ni Sandra Aguinaldo ng GMA News: A strain of bird flu called H5N8 has been detected daw po on humans for the first time in Russia. H5N8 has been deadly for birds and the strain has been reported in China, Europe and the Middle East. Ano daw po ang effect ng H5N8 on humans? Any health advice daw po to the public?
DOH SEC. DUQUE: Well, unang-una, ang H5N8 binabantayan na iyan dahil naiulat na iyan sa international health regulations at ang ating Bureau of Quarantine nagpaigting na ng kanilang border surveillance and control at ganoon din ang ating surveillance on animal health ‘no na ginagampanan naman ng ating Department of Agriculture.
So, mayroon po tayong pakikipag-ugnayan ng dalawang ahensiya na sinisiguro nila na ito po ay hindi makakapasok sa Pilipinas. So, ito po ay tama po, na napag-aalaman lang natin kaninang umaga na ang Russia nag-report nito. Pero kung ano ba ang epekto nito sa tao ay ganoon din ang bird flu – ang fever, ang cough o pag-ubo, ang sore throat, sakit ng lalamunan, ang pangangalay o pananakit ng kalamnan at sa mga ibang kaso, mayroong nausea, abdominal pain, diarrhea, may vomiting – so, iyan po ang ating nakikitang epekto nito. Kung mayroon naman nararanasan alin man sa mga sintomas na ito, magandang komunsulta sa inyo pong mga doktor lalo na kung mayroon po kayong history of recent travel to a part of the world na kung saan nagkaroon na ng ulat ng bird flu.
USEC. IGNACIO: Opo. Tanong naman ni Joseph Morong ng GMA News, kasama rin po ang tanong ni Tuesday Niu. Ang tanong po niya dito: Is COVID in the country under control? Just focusing or managing COVID, what do you think will happen if Metro Manila will shift to MGCQ? Ang kay Tuesday Niu naman po, ano daw po iyong likelihood na aaprubahan ni Presidente iyong pag-shift na nang MGCQ ng buong bansa?
DOH SEC. DUQUE: Unang-una, hindi pupuwedeng hulaan kung ano ang sasabihin ni Pangulo, hindi po tama na hinuhulaan natin kung anuman ang desisyon ni Pangulo tungkol sa panukala o sa mungkahi na ibaba ang community quarantine from GCQ to MGCQ. So, mag-hintay po tayo, dahil si Pangulo ay marami din pong pinanggagalingan ang kaniyang mga impormasyon. Sa labas ng IATF ay mayroon din siyang mga advisers o kinakausap din siya. So malawak po ang kaniyang kinukonsidera pagdating po sa pinanggagalingan ng mga tamang impormasyon, ano po.
So, tayo po ay handa naman. Naniniwala ako na ang ating LGUs ay handa naman ang kanilang sistema, ang kanilang mga health protocols, ang kanila pong quarantine isolation guidelines, infection prevention control protocols. Ang kanilang testing capacities, etcetera, para magluwag pa to MGCQ ang kanila pong quarantine status. Pero ang mas mahalaga po dito ay ang kakayahan nilang magsagawa kaagaran ng localize lockdown. Hindi na po talaga tama na nagla-lockdown nang malawakan. Ang dapat po dito, ang sistema ay nakatalaga upang tukuyin kung saan na ang nagkakaroon ng sustained community transmission ng COVID-19 virus sa kanila pong mga barangay, sa kanila pong purok, sitio, sa kanila pong mga kalsada, sa kanila pong compound, or in fact, even specific location na kung saan may naiuulat na outbreak.
So, ito po ang gagawin na po ng ating mga pamahalaang lokal at naniniwala po ako na matapos nagdaan ang isang taon sa kanilang karanasan sa pagtugon sa COVID-19 pandemic ay alam na po nila ang dapat gawin para po maputol ang kadena ng hawaan o durugin ang mga pagbuo-buo ng mga COVID cases sa mga iba’t ibang komunidad.
USEC. IGNACIO: Opo. Secretary medyo bibilisan ko na lang po. Kasi marami-rami pa iyong tanong para sa inyo. Tanong po ni Rafael Busano ng ABS-CBN. Has the DOH set a target as to when it can confirm if there is community transmission of the UK variant?
DOH SEC. DUQUE: Hinihintay lang po natin ang Philippine Genome Center para makapagbigay ng karagdagang datos, dahil nga pinalalawig ang kanilang surveillance at hinihingian po ang lahat ng mga rehiyon ng kanilang specimen submissions ng mga positive specimens para magsagawa ng whole Genome sequencing at makita kung mayroon bang nangingibabaw na variant na posibleng maging sanhi ng pagtaas ng mga kaso. Pero sa ngayon wala po tayong malinaw na puwedeng sabihin o conclusion kung ano ba ang talagang epekto nitong mga variants na ito sa pangkalahatang kaso ng COVID-19 pandemic.
USEC. IGNACIO: Opo. Tanong naman po ni Greg Gregorio ng TV 5: Ano po kaya ang dahilan ng increasing cases na ulit sa National Capital Region?
DOH SEC. DUQUE: Well, ang posibleng mga dahilan ay ang pagluwag sa kanilang minimum public health standards compliance. Kaya hindi po talaga puwedeng isasantabi natin itong mga panuntunan, itong mga guidelines, health protocols natin. Kailangan ay ipagpatuloy ang minimum public health standards – wearing of face mask, face shields, ang physical distancing, ang atin pong disinfectants, i-sanitize ang ating mga kamay at ang mga bagay-bagay na madalas hawakan. So, mga simpleng bagay na napatunayan natin na nakatulong sa pagbaba ng COVID-19 cases sa Pilipinas. Pero siyempre dapat ang mga LGUs ay alerto at talagang ang surveillance ay mapaigting at mapahusay. Sa mga nakikitang mga pagtaas nitong mga nakaraang araw, hindi po sapat itong mga datos na ito. Kailangan ay hintayin nating mabuo ang dalawang linggo para mas malinaw po kung ano ang kahulugan ng mga datos na ito.
USEC. IGNACIO: Panghuling tanong na lang po ni Celerina Monte ng Manila Shimbun: Bakit po hindi kasama ang Sinovac sa pupondohan ng World Bank at ADB? Dahil po ba hindi pasado sa panlasa ng dalawang lending institutions, kaya ang pamahalaan na lamang ang magpupondo?
DOH SEC. DUQUE: Well, iyan po ay puwedeng sagutin ni Vaccine Czar dahil ito po ay medyo detalye na para sa akin na talakayin sa ating media forum ngayon. Hindi po kumpleto ang aking impormasyon patungkol dito at puwedeng akin pong ipasa itong tanong na ito at balikan kayo sa lalong madaling panahon.
USEC. IGNACIO: Okay, maraming salamat po sa pagpapaunlak, Department of Health Secretary Francisco Duque III, stay safe po.
DOH SEC. DUQUE: Maraming salamat. Siya nga pala sandali lang po, ibig ko lang ipahabol, iyon kasing Sinovac wala pang EUA iyan, kaya posibleng iyan din po ang dahilan kung bakit hindi po ito naisama pa sa negosasyon with the multilateral funding agencies like World Bank and ADB. So, iyong EUA number one.
USEC. IGNACIO: Maraming salamat po muli, Secretary Duque. Balikan po natin si Secretary Andanar. Secretary?
SEC. ANDANAR: Thank you, Secretary Duque. Maraming salamat, Usec. Rocky. Makikibalita rin tayo sa pinakahuling sitwasyon ng vaccine approval sa bansa sa pangunguna ng Philippine Food and Drug Administration. Makakasama po natin si FDA Director General, Undersecretary Eric Domingo. Welcome back, Usec. Eric.
USEC. DOMINGO: Magandang umaga, Sec. Martin. Good morning, Usec. Rocky.
SEC. ANDANAR: Good morning. Mayroong mahalagang announcement daw po kayo ngayong umaga. Please go ahead, Undersecretary Domingo.
USEC. DOMINGO: Yes, Sec. Martin, mayroon po tayong update sa ating mga EUA application, at pakipakita po sana natin iyong ating slides?
Sa ngayon po, as of now, ito pong during the last month po, ending of January mayroon po sa buong mundo na 232 vaccines that are now under development. And iyong kanila pong nagki-clinical trials ngayon ay 64.
Naalala naman po natin na ang FDA ay binigyan ng ating Pangulo through Executive Order 121 ng authority to issue Emergency Use Authorization for vaccines that are still under development that we might be able to use against COVID-19. Alam din po natin iyong ating mga requirements ‘no. Kailangan it would be useful, based with reasonable to believe that the vaccine maybe effective in preventing COVID-19, the potential benefits must outweigh that is, and that there is no adequate or registered product that is to be used against prevention of COVID-19.
So, sa ngayon po ito iyong mga nag-a-apply sa atin, iyon pong Pfizer na nabigyan po natin ng EUA noong January 14, pagkatapos po iyon naman AstraZeneca nabigyan po natin ng EUA ng January 28 at ang mga pending po sa atin ay iyong sa Gamaleya, ito pong Sputnik ay nag-submit po ng mga requirements last Friday including an application for foreign GMP inspection po from the Philippine FDA. So, inaayos din po natin ang schedule noon. Pagkatapos po iyong Bharat Biotech, hanggang ngayon hindi pa rin po kami binibigyan ng phase 3 data, kaya hindi pa po natin siya na-start iyong evaluation ng clinical trial data for safety and efficacy. But for today, ang [unclear] lang po natin ay tungkol sa Sinovac.
So, after thorough and rigorous review of the currently available published and unpublished data by our regulatory and medical experts. The FDA is granting an Emergency Use Authorization for the COVID-19 vaccine of Sinovac Life Sciences Company known as SARS–COV-2 vaccines Cero Cell Inactivated or iyong trade name po niya ay Coronavac. It is decided that all conditions for an EUA are present and that the benefit of using the vaccine outweighs the known and potential risks.
The interim data from the ongoing phase 3 trials show that when the vaccine is used on clinically healthy members of the community, aged 18 to 59, it has an efficacy rate of 65.3% to 91.2%. Iyong 65.3, iyan po iyong nakita sa Indonesia at iyong 91.2 iyon po iyong sa Turkey sa kanilang clinical trial. However, it has a lower efficacy rate of 50.4% when used on health care workers exposed to COVID-19. Therefore, it is not recommended for use in this group.
The vaccine regimen recommended by our experts consist of two equal standard doses of 0.5 ml each given four weeks apart. The adverse events reported were transient and mostly mild to moderate similar to common vaccine reactions. No specific safety concerns were identified, but it must be noted that this only reflects limited follow-up and more adverse effects may emerged that is why close surveillance and monitoring is needed after the immunization.
Additionally, we would like to inform the public that the vaccine is a good option for individuals who have allergies to component of other available vaccines such as iyong Polyethylene glycol and polysorbate, hindi po siya nagko-contain nitong mga chemicals that are usually the ones that cause an anaphylaxis and severe allergies. The vaccine produced by Sinovac is also certified halal by the Indonesian authorities. And the following are the salient points of the EUA and of course the EUA may be revisited later on and reviewed and revised as we get more data form their ongoing clinical trials.
So, the EUA is not a marketing authorization or a certificate of product registration, therefore it cannot be sold commercially. Paalala lang po, hindi puwedeng ibenta. The IP Biotech, iyon po iyong pangalan ng kanilang local representative can only sell the vaccine to the Department of Health and the National Task Force or their designated partners in the vaccination program.
The vaccine shall be administered only by vaccination providers and used only to prevent COVID-19 in clinically healthy individuals aged 18 to 59 years. The use of the SARS-COV or the Sinovac vaccine in healthcare workers is not recommended as it has an efficacy of 50.4% in this group.
So we, of course, the stakeholders should administer the Sinovac vaccine in accordance with that EUA, they should provide the recipients of the vaccine with the complete information and obtain a written/inform consent prior to vaccination. And as I said and very important, they have to report any adverse events following immunization of the use of the vaccine.
So, kapag ang EUA po natin, as previously announced is only until the declaration of the Public Health Emergency is lifted or until there is a certificate of product registration of the vaccine. Maraming salamat po.
SEC. ANDANAR: Okay, maraming salamat po Undersecretary Domingo. Kung approved na po ang EUA, ano po ang pinakamabilis na timeframe na magagamit po ang bakuna na Sinovac? If you remember bukas po dapat ay darating ang bakuna na Sinovac as per Secretary Harry Roque?
USEC. DOMINGO: Well, Sec. Martin, dahil nga po ito ay noong buong weekend po, nakikipagpulong tayo sa mga experts at dahil binigyan na po natin ito ng Emergency Use Authorization, ang ibig pong sabihin, kapag nandito na iyong bakuna ay maaari na po itong gamitin doon po sa grupo na ang populasyon natin na nabanggit kung saan proven po ang safety at efficacy niya at iyon nga po iyong 18 to 59 years old na clinically healthy individual.
SEC. ANDANAR: May data na rin ba kung effective sa mga bagong strain ng COVID-19 ang mga bakunang aprubado na at may pending pa ang approval sa atin ang EUA?
USEC. DOMINGO: Sec. Martin, ongoing pa po ang mga studies ngayon, so naidagdag na po ngayon itong mga Pfizer, AstraZeneca and I am sure po pati po iyong iba nating mga applicants sa kanilang monitoring, iyong effect noong mga bagong strain. Pero so far, wala pa pong officially napa-publish. At dahil talaga po ito, mga na-design po ito doon sa old strain which is of course still the predominant strain of COVID-19 in the Philippines.
SEC. ANDANAR: Dumako naman tayo Undersecretary sa tanong ng ating mga kasamahan sa media. Please go ahead, Usec. Rocky.
USEC. IGNACIO: Salamat po. Uunahin ko na, Usec., ang unang tanong ni Leila Salaverria ng Inquirer: Paki-clarify po, so, di puwedeng ibigay ang Sinovac sa frontline health care workers natin. Paano kung sila ang priority, mag-aabang sila sa ibang bakuna?
USEC. DOMINGO: So, ang ibig pong sabihin natin ay ang nakita po kasi doon sa trial sa Brazil na ibinigay po ito doon sa mga health workers na nagtatrabaho po sa hospitals na nagti-treat ng COVID-19 ay 50.4% ang efficacy niya. So, mas mabuti naman po iyon kaysa sa wala, pero ang rekomendasyon po nga natin, ng ating mga expert ay hindi po ito ang pinakamagandang bakuna para sa kanila.
USEC. IGNACIO: Opo. Tanong ni Joseph Morong ng GMA News: Ibig sabihin daw po ba ay safe ang Sinovac for use?
USEC. DOMINGO: Well, in fact, very mild ang kanilang ano—nakita po natin ang datos, iyong safety profile niya is good, iyong mga adverse event po nito is mild to moderate. The usual po na pananakit sa braso, kaunting sinat at ang rating po niya ay maganda doon po sa allergy and anaphylaxis. Mababa po ang posibilidad na magkaroon ng allergy or iyong severe allergy on anaphylaxis sa bakunang ito.
USEC. IGNACIO: Opo. Tanong ni Red Mendoza ng Manila Times: Sinabi po ni DFA Secretary Teddy Locsin na dapat daw po aprubahan na ang Sputnik vaccine ng Gamaleya dahil to quote him po, “if advanced countries okay a vaccine it should be good to go in a country like ours”.
USEC. DOMINGO: Well, totoo po iyon, kapag na-approved siya sa isang stringent regulatory authority or iyong FDA natin na counterpart na advanced mabilis po talaga ang approval. Unfortunately, ito pong Gamaleya, mayroon po siyang mga approval sa iba-ibang bansa, pero none of them from a stringent regulatory authority. Anyway, ang ano nito, mayroon na silang sinabmit na mga dokumento at inaaral po natin ito at hindi naman po natin patatagalin once all of the requirements are satisfied.
USEC. IGNACIO: Opo. Dagdag na tanong po Kristine Sabillo ng ABS-CBN at Carolyn Bonquin ng CNN: Kumusta na rin po ang update sa Bharat Biotech naman? May bago raw po ba nag-a-apply para sa EUA o sa clinical trial?
USEC. DOMINGO: Iyong Bharat Biotech po hinihintay pa rin namin hanggang ngayon iyong kanilang interim results ng phase 3 and they haven’t submitted that. So iyon po kasi ang basis natin for the safety and efficacy evaluation. So, hindi pa po sila nagsa-submit, wala pa po tayong bagong applications for EUA submitted as of today and pati po clinical trials wala po.
USEC. IGNACIO: Opo. Dagdag na tanong po ni Red Mendoza, may inaprubahan na po bang mga home-base or self-test kits or mga reagents or processes sa saliva test kits ang FDA?
USEC. DOMINGO: Wala po. Mayroon pong mga na-approved na rin na mga antigen test, including saliva antigen test. But all of these have to be administered by a health professional, hindi po mga ‘Do It Yourself’ or home test kits.
USEC. IGNACIO: Tanong ni Carolyn Bonquin ng CNN Philippines: Sabi po ng Customs, up to FDA daw po iyong decision if papayagan na pumasok at ma-store sa bansa ang Sinovac kahit walang EUA. Ano po ang desisyon ng FDA?
USEC. DOMINGO: Well, mayroon na po siyang EUA ngayon kaya hindi na po ito isyu. Ang isa pong bakuna para po maipasok sa Pilipinas, ang niri-require lang po ng FDA ay ang license to operate ng importer, including of course po, minsan DOH po kasi ang tatanggap, may license to operate po ang DOH at iyong EUA, so maaari na po itong pumasok.
SEC. ANDANAR: Maraming salamat po, Undersecretary Eric Domingo ng Food and Drug Administration. Mabuhay po kayo, sir.
FDA DG USEC. DOMINGO: Maraming, maraming salamat din po.
SEC. ANDANAR: Nakikibahagi rin ang Pilipinas sa mga pag-aaral para tuluyang puksain ang COVID-19 sa mundo. Mula sa pagpapagaling ng mga may sakit hanggang sa pagkakaroon ng sariling bakuna.
Aba ay may mga Pilipinong nagpapakadalubhasa diyan. Ating alamin kay Dr. Jaime Montoya ng DOST-Philippine Council for Health and Research Development ang estado ng mga pag-aaral na iyan.
Magandang umaga po, Director Montoya!
DOST-PCHRD DIRECTOR MONTOYA: Magandang umaga po, Secretary.
SEC. ANDANAR: Sinabi ni Secretary Dela Peña noong nakaraan na promising ang naging resulta ng initial clinical trial sa virgin coconut oil na sinasabing mabisa raw sa symptoms management at napapabilis ang recovery from the virus. Tinitingnan din ba ng DOST ang posibilidad na magkaroon ng malawakang rollout ng VCO treatment para sa mga COVID-19 patients kasabay ng pagbabakuna against COVID-19?
DOST-PCHRD DIRECTOR MONTOYA: Well, tama po kayo na natapos na po iyong unang pag-aaral sa isang komunidad sa Sta. Rosa, Laguna upang makita kung ito ay makatutulong na mas maagang gumaling ang mga probable or suspect cases of COVID-19.
Pero patuloy pa po, mayroon pa pong ongoing ngayon na trial sa PGH para tingnan po iyong mga may COVID-19 po na naoospital. Ito po iyong moderate cases po ng COVID-19 at patuloy pa po ang ating pagtingin din sa mga asymptomatic cases na ginagawa po ngayon sa Valenzuela naman po.
So, ito po ay patuloy po nating mamanmanan at imo-monitor at base po sa mga resulta nito magdedesisyon po tayo kung ito po ay ia-apply na po natin sa FDA bilang isang bagong indikasyon sa VCO dahil ito po ay kasalukuyang food supplement, hindi po ito gamot.
So, ito po ay mga panimulang requirements lang po para malaman natin kung makatutulong ito at kung mayroon ngang basehan tayo, basta maganda ang resulta ng mga trials eh maaari po nating i-apply iyan sa ating FDA para po magkaroon ng additional options ang mga Filipino ng mga posibleng makatulong sa paggaling sa COVID-19.
SEC. ANDANAR: Magkakaroon daw po ng another set of clinical trials for the VCO. Iti-test ninyo na ba ito sa mas malubhang karamdaman to check kung hanggang saan ang efficacy ng VCO?
DOST-PCHRD DIRECTOR MONTOYA: Katulad po ng nasabi ko kanina, ito po ay may trial po na isinasagawa pa rin po ngayon sa Philippine General Hospital para tingnan po iyong mga may COVID-19 infection na naoospital, so mga moderate cases po.
At tinitingnan din po natin iyong mga kaso po ng asymptomatic o iyong walang sintomas na may COVID-19. Ito po ay ginagawa ngayon sa Valenzuela. So, ito po ay mga pag-aaral na kasalukuyang ginagawa natin para makita pa po kung ang aplikasyon ng VCO, kung ito ay makatutulong sa iba pang klase o severity ng COVID-19.
SEC. ANDANAR: How about iyong dini-develop naman na yeast-based COVID-19 vaccine ng isang Pilipinong pari? Siya po ba ay nakipag-ugnayan na sa inyong tanggapan?
DOST-PCHRD DIRECTOR MONTOYA: Ito po ay napag-alaman naming. Hindi pa po siya nakikipag-ugnayan sa amin pero kami naman po ay bukas ang aming opisina at ang council ay bukas na pag-usapan po ito. Kami po ay makikipagtalastasan kay Father Austriaco para pag-usapan ito dahil maganda pong balita ito dahil ibig sabihin po eh tayong mga Filipino ay tumutulong din na makadiskubre ng mga bagong bakuna at hindi lang po tayo umaasa sa mga bakunang manggagaling sa ibang bansa.
SEC. ANDANAR: Paano naman po tumutulong ang DOST sa mga lumalabas na mutation ng COVID-19 sa bansa?
DOST-PCHRD DIRECTOR MONTOYA: Tayo po ang nag-pondo ng surveillance o bio-surveillance na ginagawa po ng Philippine Genome Center para makita po iyong ating mga variants sa ating bansa.
So, tayo po ay patuloy na sumusuporta diyan kasama po ang ating Department of Health para po talaga masubaybayan natin na ang pagkakaroon ng mga bagong variants – huwag naman sana – pero kung magkaroon man ay makita natin kung saan po ito at para ito ay maagapan natin at magawan ng karampatang programa.
SEC. ANDANAR: Puntahan naman natin ang mga tanong from the media with Usec. Rocky.
USEC. IGNACIO: Opo. Tanong po ni Kristine Sabillo ng ABS-CBN: Ano na raw po ang update sa tatlong kumpaniyang naaprubahang mag-clinical trial ng kanilang bakuna sa bansa at kailan din po daw magsisimula ang WHO Solidarity Trial at nasaang stage na daw po tayo ng paghahanda para dito?
DOST-PCHRD DIRECTOR MONTOYA: Iyon pong independent clinical trials natin na kinabibilangan ng Sinovac, Clover, at Janssen ay naaprubahan na po, of course, nabigyan na po siya ng approval ng FDA. Naibigay na po sa kanila ang mga clinical trial sites based on the zoning guidelines na dinivelop po ng IATF.
At sa ating monitoring po, ang Janssen po ay nagsimula na ng kanilang clinical trial at patuloy po iyan. Ang Clover po at ang Sinovac ay nasa site preparation pa po. Ito po iyong estado or phase na kung saan piniprepara pa po nila iyong mga sites na napili nila para po gawan ng clinical trial.
Regarding po sa WHO Solidarity Vaccine Trial, hinihintay pa po natin ang official protocol. Pero kahit wala pa po iyong official protocol tayo po ay naghahanda at patuloy ang paghahanda. Nagti-training na po ng mga researcher at pati po iyong mga bakunador na mai-involve po sa study at ito po ay sa tulong din ng World health Organization. Bagama’t hindi pa po napa-finalize iyong protocol at kung ano pong bakuna talaga ang isasama sa WHO Solidarity Vaccine Trial.
Patuloy po ang aming meetings po with the WHO at maingat po kasi sila dito. Iyong kanilang strategic advisory group of experts ay tinitingnan po talaga ang mga datos bago po sila magkaroon ng desisyon kung ano po talagang bakuna ang isasama sa Solidarity Vaccine Trial.
USEC. IGNACIO: Opo. May tanong po si Greg Gregorio ng TV5: Itutuloy po ba ng Sinovac ang clinical trial ngayong may EUA na sila?
DOST-PCHRD DIRECTOR MONTOYA: Sa pagkakaalam ko po ay itutuloy po dahil dapat po nating isipin na kahit po mayroon ng emergency use authorization ang kahit anong bakuna, patuloy pa rin po dapat ang kanilang mga clinical trial. Kailangan nilang tapusin ang kanilang Phase 3 clinical trial para po sila maisyuhan ng certificate of product registration or full marketing authorization.
At kailangan pa po nilang gumawa ng mga additional trials kung sila ay may tina-target na mga populasyon na hindi kasama sa unang Phase 3 trials. Halimbawa po, sa mga matatanda, sa mga may iba pang sakit, sa mga bata o kabataan. So, ito po ay kailangang gawin. So, patuloy pa po ang mga trials kahit po may EUA na sila.
USEC. IGNACIO: Opo. May pahabol lang po so Carolyn Bonquin ng CNN Philippines, pasensiya na po ano: Puwede po malaman, sino po ang unang makakakuha ng Sinovac? Ano po ang recommendation ng DOST kasi bawal po sa health care workers?
DOST-PCHRD DIRECTOR MONTOYA: Alam ninyo po, iyang prioritization na iyan ay of course depende po kung ano pong bakuna ang available. Katulad po ng nasabi ni DG Eric Domingo ng FDA na bagamat ito ay hindi recommended for health care workers, ina-assume po natin na ang iba pang bakuna na puwedeng ibigay. Pero po kung talagang wala ng ibang bakuna na puwedeng ibigay at ang Sinovac po ay nandiyan na, puwede naman pong magdesisyon ang mga health care workers natin at mga doktor na ibigay po siya para pag-aralan kung ano pa ang risk at saka benefit.
So, kung mas mabigat po ang benefit na sila ay mabakunahan na kaagad dahil sila ay high risk, then baka puwede naman pong ibigay basta po under the supervision ng ating mga medical professional. Pero katulad ng sinabi ko kanina iyan po ay depende kung ano pong mga bakuna ang magiging available.
USEC. IGNACIO: Opo. Last question po mula kay Ian Cruz ng GMA News: Sino po ang mga kasama sa WHO Solidarity Trial? Ilan ang sample? Anu-anong bakuna ang involved at ano po ang protection ng mga kasali sa trial?
DOST-PCHRD DIRECTOR MONTOYA: Ito pong WHO Solidarity Vaccine Trial, katulad ng sinabi ko kanina, hindi pa po napipili kung anong vaccine po ang isasama dito dahil ito ay masusing pinag-aaralan ng advisory group of experts po ng WHO.
Ito po, sa ating huling pakikipag-usap sa WHO Solidarity Vaccine Trial at sa WHO headquarters, ito po ay mag-i-involve ng 15,000 volunteers at sa ngayon po ay we have 20 sites na pini-prepare na po base po sa maraming kaso na nari-report according to the Epidemiology Bureau ng Department of Health.
Patuloy po ang training ng ating mga researchers, ang ating mga investigators at pati po iyong mga bakunador – lahat po ng mga tao na kasama sa Solidarity Vaccine Trial. Tayo po ay susunod sa polisiya ng WHO at kung ano man iyong mga adverse reaction na mangyayari, of course ito po ay boluntaryo, kailangan po ang informed consent bago po sila lumahok sa trial, ito po ay covered ng isang insurance agreement na ginawa po ng WHO with an insurance provider. So, ito po ay for the indemnity claims.
Pero just in case po na magkaroon ng adverse events, ito po ima-manage kaagad-agad ng ating mga doktor whether or not ito ay related sa bakuna, gagawan po ito ng nararapat na management. At kung ito po ay may kinalaman sa bakuna base sa pag-aaral ng ating mga eksperto eh maaari po silang mag-claim kung gusto nila ng indemnity po from this insurance agreement na ginawa po ng World Health Organization.
USEC. IGNACIO: Okay. Maraming salamat po sa inyong panahon, Director Jaime Montoya ng DOST. Mabuhay po kayo!
Balikan po natin si Secretary Martin. Secretary Martin?
SEC. ANDANAR: At diyan nagtatapos, Usec. Rocky, ang ating programa sa araw na ito. Ako po ang inyong lingkod, Secretary Martin Andanar mula sa PCOO.
USEC. IGNACIO: Ako naman po si Usec. Rocky Ignacio.
SEC. ANDANAR: Hanggang bukas pong muli dito lamang sa Public Briefing #LagingHandaPH.
###
—
SOURCE: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)