SEC. ANDANAR: Magandang umaga, Pilipinas. Ngayon po ay Pebrero a-bente singko, deklaradong holiday bilang paggunita sa unang EDSA People Power. Pero patuloy pa ang paghahatid namin ng mga balita at impormasyon kaugnay sa patuloy na pagsugpo natin sa COVID-19.
ALJO BENDIJO: Maayong buntag, Sec. Kasama ang mga panauhing eksperto at opisyal ng pamahalaan, ating hihimayin at bibigyan ng linaw ang mga katanungan ng taumbayan. Sa ngalan po ni Undersecretary Rocky Ignacio, ito po ang inyong lingkod, Aljo Bendijo.
SEC. ANDANAR: Maayong buntag pud, Aljo. Ako naman po ang inyong lingkod, Secretary Martin Andanar mula sa PCOO. Ito po ang Public Briefing #LagingHandaPH.
Maya-maya lang ay makakasama po natin sa programa sina Senador Joel Villanueva; DILG Undersecretary Epimaco Densing; at Philippine Society of Allery, Asthma and Immunology President Dr. Rommel Lobo.
ALJO BENDIJO: Kung may nais po kayong iparating sa amin, mag-comment lamang sa live streaming ng ating programa sa PTV Facebook at YouTube account.
SEC. ANDANAR: Upang makibalita kaugnay sa COVID-19 Vaccination Program Act of 2021 o ang panukala na layong mapabilis ang pagbili at pamamahagi ng bakuna sa bansa, makakausap po natin si Senador Joel Villanueva. Magandang umaga po sa inyo, Senator Joel.
SEN. VILLANUEVA: Magandang umaga sa’yo, Secretary Martin at kay Aljo; maayong buntag sa tanan. Isang malaking karangalan po ang makasama kayo ngayong umagang ito.
SEC. ANDANAR: Senator, pasado na nga sa plenaryo ng Senado ang COVID-19 Vaccination Program Act of 2021. Senator Joel, para sa mga nanunood sa ating ngayon, paano nito mapapabilis ang proseso ng ating pagpababakuna kontra-COVID-19?
SEN. VILLANUEVA: Tama po kayo, Sec. Martin ‘no. Ito ay naglalayon na i-empower hindi lamang ang buong national government but also the local government units at maging ang ating private sector na nagnanais tumulong dahil dito sa pandemya na ito, tulung-tulong tayo, sama-sama tayong lahat. So mabibigyan sila ng pagkakataon na makipag-negotiate ng supply ng vaccine and at the same time matulungan din ang national government para masiguro din na iyong presyo ay tamang presyo din ‘no.
But more importantly, iyong vaccination program ay mau-oversee ng ating team, ng ating DOH, ng IATF para masiguro na iyong pagbabakuna sa ating mga kababayan ay maisagawa nang maayos, at ito po iyong nilalayon at pinaka-gist ng ipinasa nating COVID-19 Vaccination Program Act.
Naglagay din po tayo doon sa indemnification fund na additional, iyong augmentation na 500 million para po masiguro natin na-ready po tayo anuman ang mangyari, mayroon mang adverse effects o mayroon mang hindi magiging tugma iyong vaccine sa kanilang body eh ready po tayo para alagaan po natin ang ating mga kababayan.
SEC. ANDANAR: Senator, exempted na rin sa tax at iba pang fees ang procurement, storage at deliveries ng vaccines. Bakit kailangang tax-free ang mga ito?
SEN. VILLANUEVA: Malaking bagay po ito, Sec. Martin, sapagka’t gusto ho natin i-encourage ang ating mga… hindi lang ang ating mga kasamahan sa gobyerno, LGUs, pati iyong mga private sector ‘no na tumulong po sila dahil kailangang-kailangan po natin ang tulong ng bawat isa. So exempted po sila hindi lamang from Customs duties, iyong value-added tax or VAT na tinatawag, excise tax, donors tax and other fees. Ito po ay magsisimula—ang effectivity po kasi ay beginning January 1 of 2021, iyong the procurement, importation, donation, storage, transport, deployment and administration ng mga vaccines po, lahat po iyan ay exempted po from iyong mga binanggit po natin – Customs duties, VAT, excise tax, donors tax and other fees.
SEC. ANDANAR: Senator Joel Villanueva, magkakaroon din po ng tinatawag na vaccine passport para sa mga mababakunahan. Sa interpellation po ng panukala, napag-usapan kung anong mode ng passport ang gagamitin, kung digital ba o hard copy. Ano po ba ang final na… at kung malapit na ang bakunahan, may time pa ba para gawin itong pasaporte na ito?
SEN. VILLANUEVA: Una po sa lahat, Sec. Martin, gusto ko pong banggitin na iyong salitang “passport” napag-discuss po namin nang husto sa plenaryo. At iyong interpellation po, naki-join din po tayo, together with Senator Koko, Senator Tolentino, at diniskas [discuss] po natin iyong kahalagahan o could also make a difference kapag we use the word “passport” because it connotes mobility – iyong constitutional right natin, the right to move ‘no. So ginawa po natin – at buong Senado ang nag-agree dito – gawin po natin itong “vaccine card.”
So ito pong vaccine card na ito ay magiging daan upang makita sa unang vaccination pa lang mayroon na tayong record, sa ikalawa, para sa ganoon ay namu-monitor din po natin. Ang kasama po dito sa panukalang batas na ito ay maging directly be shared iyong data sa ating DICT para sigurado hong mayroon tayong record. Remember, hindi naman po mumurahin itong vaccines na ito na ating ipapatupad sa buong bansa, at gusto natin na masiguro po na mabibigyan natin ng tamang bakuna iyong ating mga kababayan.
So mayroon po silang tinatawag na vaccine card na magagamit din po nila sa kanilang… maaari po na ilang mga bansa ay mag-require ‘no na bago sila makapasok doon sa isang lugar ay may bakuna po sila. Hindi po natin control itong mga bagay na ito. Sa Pilipinas, of course, we are not forcing our people to get vaccinated; they have a choice kung ayaw po nilang magpabakuna. But doon sa mga gustong magpabakuna, at least mayroon po silang record ‘no. At ito po ay magagamit nila kasi doon sa ilang mga LGUs also na pupunta-puntahan po nila o kung may dalawa silang address na bahay, at least alam na nung isang LGU na nabakunahan na po sila and the LGU will no longer save that particular vaccine for that particular person.
SEC. ANDANAR: Senator, sa tingin ninyo po ba ay ia-adapt na lang ng Kongreso ang bersiyon ninyo para bumilis ang proseso sa pagsasabatas nito o may contentious issues pa o part ang mga congressmen sa panukala ninyo?
SEN. VILLANUEVA: Doon po sa aming pagdinig sa Senado, marami pong part of the amendments na tinalakay po namin ay galing po sa House of Representatives dahil gusto ho natin na mapabilis na talaga ito ‘no. So naniniwala po ako doon sa sinasabi ninyo, Secretary Martin, na ito po ay ia-adapt ng Kamara de Representantes because some if not—at least major issues na na-contentious issues ng House ay in-address po namin doon sa Committee on Finance doon po sa pagdinig natin doon sa plenaryo ng Senado sa pangunguna ni Senator Sonny Angara na napakasipag na chairperson ng ating Committee on Finance.
So iyan po, kasama na rin po. At gusto ko pong idagdag, Secretary Martin, pati po iyong mga licensed pharmacists and midwives who are duly trained by the Department of Health may also administer the COVID-19 vaccines. Kasi nga po, as we mentioned earlier, talagang tayo dito sa pandemya na ito, walang ibang way kung hindi magsama-sama po tayo at magtulung-tulong at pagsamahin natin iyong ating mga resources, ating human resources, at naniniwala ako na malalampasan din po natin ito.
SEC. ANDANAR: Mayroon pong katanungan ang ating kasama na si Joseph Morong, Senator. Sabi niya, when is Congress going to send a copy of the act to PRRD; at kailan ninyo po nakikita na mapipirmahan ito ng Pangulo at maging isang ganap na batas?
SEN. VILLANUEVA: Well, kahapon po, ang nabalitaan ko po kay mismong Senate President Tito Sotto na ipo-forward na po ito, so baka as we speak right now it is already there. And si Senator Sonny Angara, last night we were together until ten/eleven in the evening, and nabanggit din po niya na iyon po ang plano ng House of Representatives kung hindi i-adopt din po iyong ating version na ginawa dahil kasama rin po sila sa pagbalangkas nitong COVID-19 Vaccination Program Act and I’m sure the President will immediately sign this.
As we are coordinating with the IATF, the secretaries, were all there. Ang ating vaccine czar – Secretary Galvez, DOH Secretary Duque, pati po ang FDA natin nandoon the whole time at talagang tiningnan pong mabuti kung papaano natin mapi-perfect itong batas na ito na naglalayong tulungan ang ating mga kababayan dito sa ating Vaccination Program Act.
SEC. ANDANAR: How about po iyong Bayanihan 3 package? Isinusulong pa rin ito ng Kamara, kayo po sa Senado, susuportahan ninyo rin po ba ang ganitong uri ng lehislasyon?
SEN. VILLANUEVA: Well, alam mo Secretary Martin, lahat tayo open sa anumang inputs, anumang mga issues, and ideas that can particularly address the problems and challenges we are facing today. However, we are also aware that the 2021 Budget ay nakapaloob na dito iyong marami sa ating mga in-anticipate na mga challenges o hamon at problema na puwede nating kaharapin.
Alam natin at the end of the day, Sec. Martin, alam na alam mo iyan, laging kulang ang pondo ‘no. Laging problema iyan, laging kulang pero tayong mga Filipono may kasabihan na matutong mamaluktot kung maliit ang kumot. But for me at sa Senado sa nakikita ko pong takbo ng ating pamahalaan, ng ating gobyerno, you remember iyong 2020 Budget hindi pa rin po nauubos kaya ini-extend din po natin iyong 2020 Budget. Iyong Bayanihan 2 hindi pa rin po fully na naro-rollout iyong ating binudget doon po sa Bayanihan 2. In fact, we again extended also itong Bayanihan 2 Act.
So, ang question po dito, Sec. Martin, and again I’m not closing doors of discussing this issue of Bayanihan 3 dahil all the help that we can do, dapat talaga i-push through natin ‘no. But ang problem, ang malaking challenge dito is that iyong capacity of the government agencies to rollout these programs. May capacity ba? Kasi ho sa nakikita natin sa ngayon with the 2020 Budget still there, Bayanihan 2 budget still there, and then the 2021 Budget is still there, we have yet to see urgent need na kaya pa na i-rollout itong mga projects and programs na ating gagawin with Bayanihan 3, of course, without closing doors na puwede naman nating i-discuss itong Bayanihan3.
SEC. ANDANAR: Naging mainit po na issue nitong mga nakaraang araw ang rekomendasyon nina DFA Secretary Locsin at DOLE Secretary Bello na magpadala ng mga health care workers sa Britanya at sa Germany in exchange for COVID-19 vaccines. Kunin ko po ang reaksyon ninyo bilang chairman ng Committee on Labor.
SEN. VILLANUEVA: Secretary Martin, I have very high respects to Secretary Bello, Secretary Locsin is a former colleague of mine, I know they are very good people but I beg to disagree doon sa bartering of our health workers. I don’t think they are worth it na pag-usapan sa ganito ‘no. But more than anything, Secretary, I think the bigger question here is bakit tayo humantong sa ganitong pagkakataon na tila baga parang, you know, sort of bartering our human resources for COVID vaccines. So, importanteng matanong natin iyan sa ating mga sarili lalung-lalo na sa IATF o doon sa mga nangangalaga nitong ating vaccination program.
Remember, kami po sa Senate we have been hearing this, iyong Committee of the Whole, and hindi ho namin narin na ‘end-all be-all’ pala iyong indemnification fund and all of a sudden ito ay naging deal breaker kung wala ito. So, agad-agad po ang Senado in two weeks parang talaga hong marathon hearings, marathon debates ang nangyari ho sa plenaryo at sa awa naman po ng Diyos naka-deliver po tayo at naipasa na po natin itong COVID-19 Vaccination Program.
So, para po sa akin, muli, I commiserate at nararamdaman ko iyong sentiments nila Secretary Bello at Locsin na naiinip sila but more importantly sana iyong mga nangangalaga sa ating vaccination program eh, mahirap po sa dalawang Secretary natin who are trying and doing their best to walk the extra mile para lamang makakuha tayo ng bakuna.
SEC. ANDANAR: Sa iba naman pong balita, Senator, certified as urgent din itong Department of Overseas Filipinos. Kumusta na po ba ang progress ng nasabing bill?
SEN. VILLANUEVA: Well, Secretary Martin, natutuwa tayo na ito po ay sinertipikahan ng ating Pangulo. Naniniwala po tayo it’s about time na magkaroon ng sariling departamento ang ating mga overseas Filipinos sapagkat napakalaki na po ng kanilang sakripisyo.
Even before the pandemic, Sec. Martin, 6,096 Filipinos would go out of the country every single day po iyan and if you look at the remittances coming from overseas, 2019 – P1.56-trillion iyan, that’s about P4.276-billion a day. Every minute that will pass that’s about three million pesos every minute.
So, it’s about time na talagang i-focus natin, magkaroon ng laser focus ang ating pamahalaan para matugunan iyong kanilang mga pangangailangan. Matugunan at maalagaan nang husto ang ating mga bagong bayani. Malaki pa rin po ang kanilang problema at sinalamin po iyan lalo na nitong nakaraang pandemya at hanggang ngayon hindi pa ho tapos iyan, ang dami pa hong umuuwi na OFWs dito sa ating bansa. Marami pong nawalan ng trabaho, marami pong kailangang bumalik dito sa Pilipinas at kailangan ng maganda at epektibo na reintegration program.
Nagkaroon na po tayo ng mga pagdinig. Ang susunod ho na pandinig next week and siguro in one or two hearings, Secretary Martin, magiging handa na po tayo para i-depensa ito at dalhin sa plenaryo and we are hoping and praying that our colleagues will fully support this very, very important and landmark legislation itong Department of Filipino Overseas.
Gusto ko lamang pong banggitin na ito po ay hindi polisiya ng ating pamahalaan na magpadala ng human resources abroad, ito po ay nagkataon lamang na sa dami ho ng hamon na kinakaharap ng ating mga OFWs sa iba’t-ibang panig ng daigdig eh kailangan ho may tumututok na departamento.
Dito po sa panukalang batas na ito mayroon po itong review program process, some sort of sunset provision, Secretary Martin, na every ten years o after years we have to review because at the end of the day we don’t want this kind of policy. Ang end goal po natin dito ay lumikha nang lumikha ng maraming trabaho dito sa ating bansa nang sa ganoon hindi na po lumabas ng ibayong dagat ang ating mga kababayan for greener pastures.
SEC. ANDANAR: Maraming salamat po sa inyong panahon, Senador Joel Villanueva. Mabuhay po kayo, sir!
SEN. VILLANUEVA: Isang malaking karangalan na makasama po kayo, Sec. Martin. Mabuhay po kayo! God bless us all.
SEC. ANDANAR: Sa iba po namang balita, sa gitna pa rin ng alinlangan ng mga Filipino sa pagpapabakuna, Senador Go, hinimok ang pamahalaan na paigtingin pa ang information drive sa COVID-19 vaccine. Hinikayat din ng senador ang iba pang mga opisyal na magpabakuna sa harap ng publiko upang maitaas ang kumpiyansa sa bakuna. Para sa iba pang detalye, panoorin natin ito.
[NEWS REPORTING]
ALJO BENDIJO: Samantala, para po mas maipunawa sa taumbayan ang epekto ng COVID-19 vaccines sa mga mababakunahan ay makakasama natin si Philippine Society of Allergy Asthma and Immunology President Dr. Rommel Lobo. Magandang araw po, Dr. Lobo.
DR. LOBO: Magandang araw din po sa inyo at maraming salamat po sa pagtanggap sa akin.
ALJO BENDIJO: Opo. Kasama din natin si Secretary Martin Andanar, Dr. Lobo.
Kinikilala na ng mga eksperto dito po sa bansa ang long COVID condition, may mga ilang Pilipino na ang nakaranas ng long term effects po nito. Anu-ano ba ang puwede nilang maranasan at ito po ba ay delikado, Doktor?
DR. LOBO: Iyon pong after recovery, hindi po tayo 100% na nakaka-recover iyong balik po sa normal. Marami pong iba nagkakaroon po ng kakapusan sa paghinga, para pong—iyon pong dati kung halimbawa po nakakatakbo kayo ng mga 1 to 2 kilometers a day, ngayon po parang kapos po iyong resistensiya ninyo. Tapos aside from that, mayroon pong mga iba nagkakaroon po ng brain fog. Ibig sabihin po parang iyong pag-iisip po nila medyo nade-delay or maski po iyong memory may impairment.
So hindi po 100% lahat ng gumagaling from COVID, 100% na balik sa normal. Mayroon din pong mga articles na sinasabi, na iyon pong naka-recover from COVID lalo na iyong mga lalaki bumababa po iyong kanilang reproductive capacity to reproduce iyon pong children, kasi mayroon pong bumababa iyong sperm count. Marami pong effect ang COVID, kaya po dapat hindi natin ito pinagsasawalang-bahala lang.
ALJO BENDIJO: So malinaw po sa atin pong mga televiewers ngayon na puwedeng makaranas ng long term effect ang isang pasyente, pero hindi ibig sabihin niyan na ikaw ay positive pa rin sa COVID-19. Tama ho ba?
DR. LOBO: Opo tama po iyon. Kasi iyon pong positivity, iyon pong—mayroon po talagang incubation period, tapos recovery rate magkakaroon tayo ng anti-body levels na magpo-protect sa inyo from future infection pero bababa din po iyon after sometime; sabi nga po nila mga three to six months after mababa na po iyon. Kanya po kailangan nating magpabakuna kahit na tayo ay gumaling na from COVID. Bakit po? Kasi po iyon pong pagbabakuna, iyan po iyong magbo-boost po o parang tutulong sa ating immunity para po mas maganda po iyong protection natin for future encounter or for future exposure to COVID virus. Remember po iyong COVID virus po ngayon nagmu-mutate, so maaari po talaga tayong mahawa ulit kaya po kailangan maganda po iyong ating immune system na napapaganda ng bakuna, iyan po siya.
ALJO BENDIJO: Paano po natin malalaman na hindi magkakaroon ng long term effect, side effect ang isang bakuna, Doctor?
DR. LOBO: Ang bakuna po kasi ganito, mayroon po tayong tinatawag na mga expected side effects, iyon pong halimbawa na nagkakaroon po ng pananakit doon sa injection side, iyon pong pangangati o kaya po pamumula or pagkakaroon ng—Iyon po ay usual side effect na puwede nating ma-expect na nagreresolba in one to three days, tapos mayroon din pong iba sumasakit ang pangangatawan, nagkakaroon po ng lagnat o panghihina, tapos mga three days magkakaroon po ng resolution tapos balik na rin sa normal.
Iyon pong sinasabi naman natin na serious side effect kagaya po ng severe allergic reaction na ito po ay very rare. Ano po iyan? Pagkaalis doon sa vaccination center, na recognize po siya, nabigyan po iyan ng epinephrine which is the only medication of choice, nari-reverse within several minutes. Tapos balik na rin po sa normal kailangan lang pong obserbahan na hindi po siya magkaroon ng recurrence.
Iyon pong sinasabi naman ninyo na long term side effect, hindi naman po humihinto ang mga vaccination center lalo na po iyon mga nabakunahan na hindi po porke natapos na kayo at nabakunahan, ibig sabihin hindi na kayo mino-monitor. Mino-monitor pa rin po kayo for any unusual effects na puwede po ninyong maranasan at dapat po i-report rin ninyo sa mga nagbakuna sa inyo. Kasi po since bago po itong bakuna na ito, halos [garbled] po natin na magkakaroon po ng long term effect.
Pero kadalasan po iyon pong sinasabi natin na kung magkaroon ng iba pang problema, usually in one month or two months kapag po walang nagkaroon ng problema, kadalasan po ano na iyon, para pong academically, wala na rin pong magiging problema
ALJO BENDIJO: Opo para din maipaliwanag sa ating mga kababayan, eh araw-araw na lang po ay nagtatanong tayo sa ating mga kaibigan, mga kakilala, pati na po dito sa PTV nagkakaroon po tayo ng maya’t maya huntahan sa mga eksperto katulad po ninyo Dr. Lobo na itong bakunang ito ay safe. Natatakot po sila kasi ang iba may allergy sa pagkain, mat karamdaman sila, may edad na rin kaya natatakot sila sa bakunang ito. Baka kako sabi nila ay lulubha ang kanilang mga sakit kaya iiwas sa bakuna. Ano po ang maipapayo natin sa ating mga kababayan na magpabakuna at huwag matakot, Dr. Lobo?
DR. LOBO: Ganito lang po iyon, ang sinasabi po na mga hindi puwedeng bakunahan ay, one, iyon pong mga taong nagkaroon ng allergic reaction doon sa bakuna ng COVID-19 vaccines iyon po iyong isa. O kaya po, kapag po—iyon po sa unang bakuna nagkaroon po siya ng allergic reaction, hindi na po sila maaaring bakunahan lalo na po kapag naimbestigahan ng mga doktor na mayroon po silang reaction doon sa component noong bakuna. Sabi rin po ngayon, iyon pong mga nagkakaroon po ng allergic reaction, dahil po sa isang component ng bakuna, iyon pong sinasabi nating polysorbate 20 or 80 or polyethylene glycol. Ito pong mga gamot na ito, parte po ito ng ibang bakuna or mga ibang gamot po na naiinum din natin.
So, kanya po bago kayo bakunahan sa vaccination center, mayroon pong mga doktor na magtatanong sa inyo, dapat po sagutin po ninyo ng tapat iyon para malaman po natin kung kayo po ba ay dapat bantayan after bakunahan.
Pero iyon lang pong mga sinabi ko ang hindi lang po pupuwedeng bakunahan, the rest po kung kayo po ay may allergy sa pagkain, whether ano pong severity, whether namamantal kayo or nagkaroon din po kayo ng appylaxis sa food, dahil hindi po ito related doon [garbled] ng COVID-19.
Puwede po kayong magpabakuna ng COVID-19 vaccine, kailangan lang po bantayan kayo. Kung kayo po ay mayroong hika o mayroon kayong allergic rhinitis na kontrolado naman po, naka-maintenance kayo ng medication. Hindi pa rin po iyan indikasyon na hindi kayo dapat magpabakuna. Kayo po ay puwede pa ring magpabakuna, dahil po mas higit po iyong benepisyong makukuha ninyo, kaysa doon po sa ikinatatakot ninyong reaksiyon.
Pag-isipan po ninyong mabuti, ito po ang dapat isipin ninyo: Kapag kayo po ay may hika, mayroon po kayong rhinitis, iyong parati pong nagsisipon o nag-u-ubo, mas madali po kayong kapitan ng sakit. Kanya po dapat protektado kayo ng bakuna.
Kung kayo naman po ay mayroong mga comorbidities, kayo po ay may hypertension, may diabetes, iyan din po iyang isang state na medyo mas madali rin po kayong magkasakit. Kaya po dapat magpabakuna rin kayo para mayroon po kayong added protection, hindi rin kayo madaling mahawa ng sakit. Iyon pong mga comorbidities na iyan, hindi rin po dahilan para hindi kayo magpabakuna, lalo na po dapat kayong magpabakuna.
ALJO BENDIJO: Narinig natin iyong balita ng side effects sa Pfizer, Moderna, AstraZeneca at maging sa mga Chinese brands na bakuna, papaano po iyong mga bakuna mula India at Russia? Ano po ang mga lumalabas po sa mga pag-aaral, Doctor?
DR. LOBO: So, far po iyon pong mga usual reactogenic side effects po, iyon pong parang pain on the injection site, iyon pong nagkakabukol po after injection, iyon po iyong mga usual expected side effect, usually kahit anong bakuna puwede pong mag-produce niyan. Kahit na nga po iyong mga bakunang ginagamit natin sa mga bata, mayroon din pong minsan mga ganiyang side effect na nagkakaroon po ng resolution in 24 to 48 hours or even 72 hours. Wala po kayong dapat ipangamba doon o ikatakot.
ALJO BENDIJO: Opo. How about po kung ikaw ay may flu vaccine na, vaccinated ka na laban sa flu o kaya ay may anti-pneumonia ka na? May naitanong din tayo sa mga kaibigan natin, ang sabi nila hindi na kami magpapa-vaccine ng COVID-19. Nagpa-flu shot na ako eh, mayroon na akong anti-pneumonia shot. Ano po ang inyong masasabi doon?
DR. LOBO: Ang mga flu vaccines po at saka po iyang anti-pneumonia shots pinoprotektahan po kayo sa pulmonya at saka sa flu. Ang flu po ay although parang pareho po iyong sintomas niya sa COVID, hindi po pareho iyong nagko-cause o etiologic agent po na nagko-cause ng flu at saka iyong COVID. Kapag po kayo ay nabakunahan ng pneumonia at saka po iyang anti-flu, you need to wait 14 days bago po kayo bakunahan ulit ng COVID-19 vaccine. Dapat pa rin po kayong magpabakuna. Kaniya lang po sa ngayon, wala po kasing pag-aaral na puwede po kayong simultaneously bakunahan. Kaniya po ang pinaka-safe will be to wait for 14 days or two weeks, bago kayo magpabakuna ng COVID-19 even after receiving your flu vaccine or iyon pong pneumonia vaccine po.
ALJO BENDIJO: Opo, hindi po niri-recommend ng FDA ang Sinovac for health care workers dahil sa mababang interim analysis o efficacy nito sa mga high risk individuals. Pero hindi rin naman daw ito ipinagbabawal, ang pagtuturok. Kayo po willing po ba kayong tumanggap ng Sinovac? Since ito po iyong unang bakunang posibleng dumating sa Pilipinas?
DR. LOBO: Ang sagot ko po diyan ay absolutely yes po. Kasi ang bakuna po makakatulong po sa atin, makakaprotekta sa atin. Kapag po in-analyze po natin, sabi po nila 50% or 50.3% protection. 50.3% protection is better than zero, iyon po ang dapat ninyong isipin. Kapag naman pong n-analyze ninyong maigi iyon pong soft analysis po doon sa Sinovac nakita rin po ninyo mayroon iyong 78 or 70 plus percent protection for severe or moderate to severe COVID. Tapos makakatulong pa rin po sa atin. Kaniya po ako, ang sagot ko po theoretically don sa tanong ninyo ay yes magpapabakuna po ako ng Sinovac kapag po iyan ang ini-offer.
ALJO BENDIJO: Maraming salamat Philippine Society of Allergy Asthma and Immunology President, Dr. Rommel Lobo, mag-iingat po kayo, Doctor.
DR. LOBO: Mag-iingat din po kayo.
SEC. ANDANAR: Dumako naman tayo ngayon sa pinakahuling datos ng COVID -19 cases sa buong bansa. Base po sa report ng DOH kahapon, February 24, 2021 umabot na sa 566,420 ang total number of confirmed cases matapos makapagtala ng 1,557 na mga bagong kaso. 22 na katao naman ang mga bagong nasawi kaya umabot na sa 12,129 ang total COVID-19 deaths. Dumarami pa rin ang mga kababayan nating nakaka-recover sa sakit na ngayon ay 523,321 matapos makapagtala ng 392 new recoveries kahapon. Ang total active cases naman ngayon ay 30,970. Huwag po kayong aalis, magbabalik ang Public Briefing #LagingHandaPH.
[COMMERICAL BREAK]
ALJO BENDIJO: Nagbabalik po ang Public Briefing #LagingHandaPH.
Pagpapaabot ng tulong para sa mga biktima ng kalamidad, tiniyak ni Senador Bong Go. Nito lamang Martes, mahigit na 400 residente sa mga bayan ng Pulilan at Calumpit sa Bulacan na nasalanta ng Bagyong Ulysses noong nakaraang taon ay nabigyan ng tulong ng kaniyang opisina. Naroon din ang iba pang mga ahensiya para ilapit sa mga kababayan natin ang programa ng pamahalaan, narito ang report
[NEWS REPORTING]
SEC. ANDANAR: Para naman alamin ang pinaplanong pagbabago sa mga travel requirements na ipinatutupad ng mga lokal na pamahalaan, muli nating makakasama sa programa si DILG Undersecretary Epimaco Densing. Welcome back, Undersecretary Densing!
I think you’re on mute. Usec. Undersecretary, ito po muna po, bago ipatupad ang bagong polisiya ng Cebu City na hindi pagre-require ng swab result para sa mga papasok na turista, nagkaroon po muna ba ng consultation ito with the DILG at ano ang mga naging rekomendasyon ninyo?
DILG USEC. DENSING: Well una sa lahat, kung ang Cebu ang pag-uusapan po nila, iyong kanilang ipinalabas na executive order naaayon naman sa mga IATF guidelines pero bago pa man din nila ipinalabas iyan, as early as three weeks ago, ang IATF po ay inatasan kami sa DILG, ang DOTr, ang DOT, PNP, at DOH na pag-aralan ang pagbibigay ng common protocols for travel for land, air, and sea. At iprinisent na ho iyan sa IATF kaya lang ako na mismo ang nagsabi sa ating mga miyembro ng Gabinete na huwag munang aprubahan unless makausap po iyong ating mga governors and mayors.
At ngayon po, two days ago nakausap na po natin sila at all of the common protocols na aming ipinanukala ay tinanggap din nila.
Mayroon lang isang bagay na hindi pa ho kami nagkasundo, ito po nga iyong testing dahil ang aming panukala, ang testing should be done kung ikaw po ay manggagaling sa higher risk community quarantine area to a lower risk. Halimbawa, galing ka ng GCQ at pupunta ka ng MGCQ puwede nating i-require ang testing.
Ang sa kanila, regardless kung saan ka manggagaling – MGCQ or GCQ or pupunta ka sa parehong community quarantine classification, gusto nila may testing. So, doon lang ho kami hindi nagkasundo kaya ang banggit ko ho sa kanila, bukas magkakaroon po ng IATF meeting, iyan po ang area na pag-uusapan at pagdedesisyunan po ng IATF.
Mayroon po itong scientific basis, Sec. Martin, hindi namin ito basta lang ipinanukala nang hindi namin tinatanong iyong ating Department of Health at mga resident epidemiologists natin. Sinasabi ho nila ang testing ay mandatory lamang po kung ikaw po ay nagpapakita ng sintomas ng COVID-19 or ikaw ay nahawaan or ikaw ay na-expose sa isang nahawaan, mandatory po ang testing. Pero kung hindi naman po, ang importante po sa mga lumalabas na ating mga kababayan, kailangan po lagi naka-minimum public health standards.
Again, face mask, face shield, social distancing at paghuhugas ng kamay dahil 95% po ang tsansa na hindi ka mahahawa at hindi ka makakapanghawa.
SEC. ANDANAR: Dito ninyo lamang po ba nakita sa proposal ng Cebu na puwede namang tanggalin ang pagkuha ng mga medical certification bago makabiyahe o matagal ninyo na talagang balak baguhin po ang mga travel requirements?
DILG USEC. DENSING: Sec. Martin, actually matagal na ho namin iyang ipinanukala ‘no, at iyong Cebu nauna lamang po sila na i-impose. Kaya nga sabi namin noong ako’y tinanong diyan, nirerespeto po namin ang desisyon ni Governor Garcia pero halimbawa lamang po magkaroon ng ibang pagdedesisyon iyong ating IATF, then papakiusapan ho natin si Governor Garcia na palitan ang kaniyang executive order.
So far naman po as of today, iyong mga executive orders ni Governor Garcia ukol sa protocols or health protocols in the movement of an individual, naaayon naman po sa IATF, kasama na rin po ito. So, magkakaalaman po iyan bukas kung kailangan niya pang palitan or hindi pero again, even before she issued the executive order we already had that proposal to the IATF, it’s just that we have to consult it with the League of Governors, League of City Mayors and League of Municipal Mayors.
SEC. ANDANAR: Usec. Densing, ano naman po ang naging reaksyon ng ibang mga local leaders tungkol po sa panukalang ito?
DILG USEC. DENSING: Well, tama po at tinatanggap po nila na tanggalin na po iyong tinatawag nating documentary requirements gaya ng travel order or travel authority galing sa PNP at sabi ko nga diyan, instead na mag-focus iyong ating PNP sa peace and order, naging issue na lang sila nang issue ng travel order and they have issued more than one million travel orders for the past few months.
Ikalawa, iyong pagtatanggal po ng city or local health clearance tinatanggal na rin po natin iyan kasi kahit magpa-issue ka ng local health clearance kung ikaw naman ay tatlong araw before ka bumiyahe ay na-expose ka, wala na rin hong value. So, in other words these documents are already irrelevant. Pinahirapan lang po natin iyong ating kababayan na kumuha ng mga dokumentong hindi na talagang relevant sa kanilang pagbibiyahe.
Ang importante po, inilalapit natin ang examination or assessment kaya nga isa sa aming panukala, Sec. Martin, ay magkaroon ng clinical assessment. Hindi lang iyong temperature diyan ano, clinical assessment sa terminal of origin and terminal of destination whether land, air, and sea. So, inilalapit na ho natin iyong assessment para masigurado natin at least na mas maliit po ang risk na ang bumibiyahe ho ay mayroong sakit or may dinadalang sintomas ng COVID-19.
So, mas maganda po iyan at pumayag po iyong ating mga gobernador diyan. Kailangan lang ho nating i-coordinate ito sa ating DOTr na malagyan ho ng kumbaga clinical assessment or health teams sa bawat terminal at ito po ay will be supervised of a medical doctor. So, iyon po ang kagandahan ho nito na mayroong hong kredibilidad iyong mag-a-assess sa atin doon sa mga terminal.
SEC. ANDANAR: Marami pong salamat sa inyong panahon, DILG Undersecretary Epimaco Densing. Mabuhay po kayo.
DILG USEC. DENSING: Daghang salamat! Maayong buntag sa kanatong tanan.
ALJO BENDIJO: Sa iba pang mga balita. Bukod sa mga Bulakenyo, kamakailan ay namahagi rin ng ayuda ang tanggapan ni Senador Go sa mga taga-Quezon City na naging biktima ng bagyo at sunog. Sa detalye, panoorin natin ito:
[NEWS REPORT]
SEC. ANDANAR: Puntahan naman natin ang ulat sa iba pang mga lalawigan sa bansa, makakasama natin si Czarinah Lusuegro mula sa Philippine Broadcasting Service.
[NEWS REPORT]
[NEWS REPORT]
SEC. ANDANAR: Maraming salamat Czarina.
ALJO BENDIJO: Mula naman sa PTV-Cordillera may ulat din si Eddie Carta. Eddie?
[NEWS REPORT]
ALJO BENDIJO: Maraming salamat Eddie Carta.
SEC. ANDANAR: Magtungo naman tayo sa Davao City, hatid ni Julius Pacot ang pinakahuling balita doon.
[NEWS REPORT]
SEC. ANDANAR: Maraming Salamat, Julius Pacot. At iyan nga po ang mga balitang aming nakalap ngayon araw. Ang Public Briefing ay hatid sa inyo ng ibat-ibang sangay ng PCOO sa pakikipagtulungan ng Department of Health at kaisa ng mga Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas o KBP.
ALJO BENDIJO: Maraming salamat din sa Filipino Sign Language Access Team for COVID-19. Asahan ninyo ang aming patuloy na paghahatid ng impormasyon na mga mahalagang malaman ng bawat Pilipino. Sa ngalan pa rin ni Usec. Rocky Ignacio, daghang salamat Sec. Mart, ako muli si Aljo Bendijo.
SEC. ANDANAR: Daghang Salamat Aljo, ako naman po si Sec. Martin Andanar. Magkita kita po muli tayo bukas dito lamang sa Public Briefing #LagingHandaPH.
###
—
SOURCE: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)